Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali po sa inyong lahat ‘no at narito po tayo ngayon sa Bulwagang Quezon sa Quezon City Hall. Kaninang umaga po nagsimula po ang PCR testing ng 60,000 Grab drivers at ito po’y kabahagi ng tinatawag nating invigorated COVID response ng ating bayan. Dati-rati po mga symptomatics o iyong mga nagkaroon lang ng exposure sa mga COVID positive patients ang subject po ng ating PCR testing. Ngayon po lahat ng frontliners kasama po ang mga drivers ‘no ng mga taxi, ng jeepneys and tricycle ay lahat po sila mabibigyan po ng PCR testing.

Now kasama po natin ngayon, walang iba po ang Mayor ng Siyudad ng Quezon, si Mayor Joy Belmonte. Maya-maya ishi-share niya iyong mga best practices ng Siyudad ng Quezon para naman po magsilbing halimbawa doon sa mga ibang mga local government units.

At dahil dalawang linggo na po ang nakalipas mula noong pinakilala natin ang ating mga COVID-19 czars, magbabalik po ang lahat ng ating anti-COVID czars ngayong hapon. Pinangungunahan po iyan ng ating Chief Implementer, Secretary Galvez; ang ating testing czar, Secretary Vince Dizon; ang ating isolation czar, representante po ni Secretary Villar; at ang ating tracing czar, Baguio Mayor Benjie Magalong; at siyempre po ang ating treatment czar, si Undersecretary Vega.

So sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps, ihanda ninyo na po ang inyong mga tanong.

Pero simulan po natin ngayon ang ating press briefing sa pamamagitan ng balitang IATF ‘no. Naaprubahan po ng IATF ang re-categorization ng Category 4 industries to Category 3 industries para payagan ang limited operations ng mga establishments sa mga lugar na nasa General Community Quarantine or GCQ. Bahagi ito ng unti-unting pagbubukas ng ating ekonomiya.

Simula ngayong Sabado, a-uno ng Agosto, pinapayagan na po sa mga GCQ ang sumusunod at 30% operational capacity: ang testing and tutorial centers, review centers, gyms, fitness centers and sports facilities, internet cafes, personal grooming and aesthetic services, hair, nails, skincare except full body massage – bawal pa po – pet grooming at drive-in cinemas.

Ito naman po ang mga pinapayagan sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine or MGCQ: ang full body massage, tattoo and body piercing, live events, entertainment industries, libraries, archives, museums and cultural centers, tourist destinations, language, driving, dance, acting and voice schools.

Kasama po sa mga negative list na tinatawag o iyong mga pinagbabawal pa rin: Ang sabong, mga beerhouses at mga palaruan ng bata.

Ang protocol po ay manggagaling po sa DTI at DOH at magkakaroon po ng visitorial powers ang parehong DTI at DOH.

Narinig po natin kahapon ang mensahe ng ating Bise Presidente Leni Robredo. Siguro po, kinakailangan nating magkaroon ng konting diskurso doon sa mga nasabi ng ating Bise Presidente. Nasagot na po nga pala namin iyong liham ni Vice Presidente Robredo, ang problema po, kahapon lang po na-receive officially ng OVP bagama’t pinadala po namin by email iyong aming sagot within the period provided under the Salonga Law ‘no. Natagalan lang po iyong physical receive dahil sarado rin po ang office ng OVP kagaya po ng NEB na sarado pa rin hanggang ngayon.

Now, ano ba ho iyong mga issues na ni-raise ni VP Leni at ano po ang ating mga kasagutan? Well una po sa issue ng data collection and validation ‘no, according to the Department of Health ay na-address na po nila iyong concern dahil ang validation po, sa validating all submitted encoded data for 24 hours prior to its publication. This validation includes review, removal of duplicate entries, checks for data consistency tulad ng date formats, tamang pangalan ng lugar at pasilidad, kasama rito ang address, date of onset of illness and/or specimen collection, data and cause of death for reported fatalities.

Doon naman po sa information dissemination, tatlong beses isang linggo po ang ating press briefing, umiikot din po ako sa mga networks para magpaliwanag kung wala pong press briefing. Ang Laging Handa Briefing na program naman po dito po sa PTV-4 na bino-broadcast din ng lahat ng miyembro ng KBP ay araw-araw po napapanood, hindi nga lang po sa Channel 4 kundi sa lahat po ng mga miyembrong istasyon ng KBP gaya rin po ng ating mga press briefings.

Pangalawa, sinabi po ni VP Leni na isama ang mga pamantasan at academic institutions. Eh ginagawa na po ito ng Presidente, tatlong beses na po siyang nagpatawag ng mga dalubhasa at siya mismo nagtatanong sa mga dalubhasa tungkol sa kanilang mga opinyon. At siyempre po sa IATF, nandiyan po iyong ating mga experts na talagang nagbibigay po ng kanilang mga kuro-kuro at suhestiyon. Ilang mga pangalan na siguro kilala ninyo na: si Dr. Wong, si Dr. Salvaña at lahat po noong mga Usecs ng DOH ay lahat po sila ay hindi lang mga doktor kung hindi mga eksperto sa epidemiology at sa virology.

Now, ako po naman po mismo ang nagsabi sa aking July 23 press briefing na iyong iba pang mga kritiko na mga taga-UP ay iniimbita rin po natin sila na sumali po sa pool of experts ng IATF at ng NTF. At kasama po natin ngayon siyempre si Secretary Galvez para patotohanan na kung sinong dalubhasa ang gustong sumapi o sumali sa mga gawain ng IATF, sila po ay welcome.

Pangatlo, sa test backlogs ‘no. Well alam ninyo po nalinaw na po natin ‘to, sinabi na po ni Secretary Vince Dizon na mayroon na po tayong faster turnaround turn para sa ating mga testing. Mula dalawang linggo noong Marso ay naging isang linggo itong Mayo, at ngayon po 48 to 72 hours ang ating turnaround pagdating sa PCR testings. Hindi po ito himala, bumilis ang turnaround time ng testing dahil sa increased lab capacity at saka iyong steady supply ng mga kinakailangan na test kits at saka po sa automation. Ito po ang dahilan.

Pang-apat, patungkol sa locally stranded individuals. Alam ninyo po, alam natin na maraming pumupula doon sa nangyari sa Ninoy Coliseum. Pero ang katotohanan po diyan, talaga namang hindi inasahan na dadagsain iyong Hatid Tulong noong araw na iyon ‘no. Totoo po niyan, nagkaroon po sila ng registration by internet, kaya lang po iyong ating mga kapatid na LSI dahil atat na atat nang makauwi, eh sinabihan iyong ibang mga kababayan nila na naging dahilan na talagang napakadaming dumating na hindi inaasahan ng mga organizers ‘no.

Pero alam ninyo po kung tatanungin ninyo iyong mga nakauwi na sa ngayon, eh talaga naman pong pasalamat sila sa ating Pangulo dahil napakahirap po na maging stranded sa Metro Manila, wala kang trabaho, wala kang hanapbuhay at mas mabuti po talaga sa kanila ay makauwi na. At ang sabi naman po ng Presidente, lahat ng gustong umuwi sa kanilang mg probinsya, dapat bigyan ng paraan para makauwi at iyan naman po ang ginawa ng ating PMS ‘no na pinamumunuan po ni Asec. Joy.

Hayaan ninyo po, kung anuman iyong pula ninyo eh sa susunod po a-address-an natin at ang sabi naman po ng Pangulo, we are far from being perfect. Pero ang sinigurado po natin, makatulong po tayo sa ating mga kapwa, sa ating mga LSIs.

Now, panlimang suhestiyon po ni VP Leni ay dapat public health professionals na tunay na nakakaintindi sa problema ang kumukumpas. Well, sa totoo lang po, ang IATF naman po, ang Chairman namin ay isang doktor ‘no, hindi lang po isa, dalawang beses na po naging Secretary of Health. So tingin ko po sa karanasan, eh napakalawak na po ng karanasan ni Secretary Duque. Bukod pa po diyan, palagi rin pong nakokonsulta iyong mga dating Secretary of Health. Sino po iyan? Ako, ang takbuhan ko Secretary Cabral, tapos nandiyan po si Secretary Dayrit ‘no at nandiyan din po si Secretary Galvez-Tan ‘no at saka si Secretary Ona ‘no. So siguro naman po, iyong pinagsama-samang eksperiyensya at kakayahan ng mga kasalukuyan at dating mga Kalihim ng Department of Health, eh iyan po iyong expertise na hinahanap ni VP Leni.

Now, nagpapasalamat kami sa Pangalawang Pangulo dahil inulit niya ang sinabi ni Presidente na suportahan ang lokal na negosyo at ang Plant, Plant, Plant ‘no. Marami pa pong nabanggit pero kulang po ang oras. Lahat naman po ay nasagot sa aming liham na pormal na na-receive na ng kaniyang opisina ‘no. Last week po, dapat ito nga na-receive pa pero dahil nga po sa lockdown sa pareho ng OVP at saka ng NEB, eh ngayon lang po nakarating iyong printed copy ‘no emphasizing na iyong email naman po ay natanggap.

Now, isang punto lang po sa sektor ng edukasyon ‘no. Dalawang beses nabanggit po ni VP Leni ang gadgets. Inuulit namin ‘no, hindi lamang po online ang delivery mode ng ating blended learning. Karamihan po sa mga magulang ay pinili ang offline modular system ayon sa enrollment form survey na isinagawa po ng DepEd. Iba po ito sa homeschooling kung saan full time na magulang ang magtuturo sa mga anak. Ang offline modular ay may remote supervision pa rin po ang mga guro supplemented by blended learning in radio and television.

Madam Vice President, inaanyayahan po kayo ng DepEd na manood ng national dry-run ng iba’t-ibang learning delivery mode sa August 10 para makita ninyo po ang aktuwal na implementation ng learning continuity plan ng DepEd.

Nangako rin po kami na ang isang press briefing naming, idi-devote nga po namin dito sa actual illustration kung paano po mangyayari ang blended learning nang malaman naman po ng mga magulang at ng kanilang mga anak.

Now, pumunta naman po tayo sa COVID updates. Well, wala po ito sa script pero babasahin ko po ito, ito po ay nanggaling kay Professor Ranjit Rye ng UP. Ang mabuting balita po ay, ito po ang sabi niya, iyong tinatawag po nating R0, iyong R0 po ay iyan iyong measurement kung ilan ang nahahawa ng isang COVID positive. And ideal po diyan ay one (1) or below one (1). Pero dati-rati po, ang ating R0 ay 1.7. Pero sabi po ni Professor Ranjit Rye, ang R0 natin ngayon ay bumaba to 1.3 last—1.3. So ibig sabihin po nito, kung anuman ang ginagawa ng gobyerno, bagama’t tumataas ang numero ay nag-improve naman po iyong R0 na ibig sabihin, mas kakaunti na ang nahahawa ng mga nagkakasakit.

Noong nakalipas po, 1.7 round off 2 – ang isang tao, dalawang tao ang nahahawa niya. Ngayon po ay 1.3, round off one – isang tao po ang nahahawa ng isang COVID positive. So iyan po ay isang mabuting balita. Sa Lunes po, isa sa panauhin namin si Professor Ranjit Rye ng UP.

So, ang total active cases po natin ngayon ay 56,528. Pero sa numerong ito, 90.1 naman po ay mga mild cases, 9% ay asymptomatic, at tanging 0.5 lamang ang severe at 0.4 lamang ang critical.

Patuloy rin po ang mga pagtaas ng mga gumagaling. Mayroon na po tayong 26,996 total reported recoveries.

Samantala, well, malungkot po nating binabalita na labing-anim po ang nai-report nabawian ng buhay kahapon. Ang suma-total na po ng mga namatay dahil sa COVIFD-19 ay 1,962. Nakikiramay po kami sa mga biktima ng COVID-19.

Well, dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Unahin ko na muna po si Mayor Joy Belmonte. Mayor, para lang po sa kaalaman ng lahat at para po siguro mabigyan ng kaalaman iyong iba pang mga local government units, paki-discuss lang po kung ano po iyong ginagawa ng Quezon City government ngayon dito sa Siyudad ng Quezon para labanan po itong COVID-19.

MAYOR BELMONTE: Hello. Maraming salamat, Secretary Harry Roque. Maraming salamat din sa pagdalo ng atin pong mga COVID czars na si Secretary Charlie Galvez at si Secretary Vince Dizon; at sa mga hindi natin pisikal na kasamang mga COVID czars, binabati ko po kayong lahat. Ako po ay nagpapasalamat na pinili po ninyo ang Lungsod Quezon upang idaos po ang revitalized testing program po ng ating pamahalaang panlunsod, kung saan nag-test tayo ng animnapung libo (60,000) Grab drivers. So dito, nagsimula ito sa Quezon Memorial Circle, at laking karangalan po para sa lungsod namin na i-host po kayo sa napakahalagang aktibidad po na ito.

Dito po sa Lungsod Quezon, alam naman po natin na ito ang pinakamataong lungsod sa buong Pilipinas na may tatlong milyon isandaang libong tao. At pinag-uusapan po iyong absolute numbers, kami po ang pangalawang pinakamalaki with 6,200 cases. Pero bagama’t ganoon kalaki ay natutuwa naman din akong ibalita sa madla na kapag pinag-usapan po natin ang incidences per 100,000, ang Lungsod Quezon ay wala sa top 10; tayo po ay number 16 sa lahat po ng LGUs sa buong Pilipinas with regard to concentration or density. At ito ay isang magandang balita sapagkat ito ay nagpapakita na kahit papaano at kahit malaki ang mga challenges natin dito sa ating lungsod ay nama-manage naman po+natin ang COVID-19 dito.

Sa katunayan nga, very happy kami sapagkat 60% po ang recovery rate dito sa Lungsod Quezon. At mula Mayo 26, we’ve already had more recovered cases than active cases here in Quezon City at patuloy po natin nagagawa ito. At sa tingin ko, this is because of two things: Una, sa simula pa lamang ay mayroon na tayong mga quarantine facilities kung saan napakaraming healthcare workers ang nag-aalaga at nagkakalinga sa atin pong mga COVID positive cases, kung kaya’t mabilis ang kanilang recovery. Ngayon we have three quarantine facilities with 500 beds. And by the end of August, we are looking towards having 1,500 beds here in Quezon City. Ito ay sa tulong at suporta ng Department of Public Works and Highways.

At nagpapasalamat din po ako kay Secretary Vince Dizon sapagkat alam ko magpapatayo rin nang higit pang maraming quarantine facilities sa Kalakhang Maynila kung saan imbitado kaming magpadala ng aming mga pasyente;

Ikalawa, mayroon din po tayong tinatawag na special concerned lockdown areas kung saan ang mga lugar sa ating mga komunidad, mga iskinita, mga compound, mga sitio, mga purok kung saan napagmamasdan natin na may tinatawag na community transmission na nagmumula siguro sa mga mamamayan natin na hindi nakakapag-social distancing, hindi nagsusuot ng maskara o kaya sila ay nagma-mass gathering o kaya ay hindi nila sinusundan ang mga protocols natin ay unti-unting nagkakaroon iyan ng pagdami. At ang ginagawa ng ating lungsod ay agad-agad po natin nila-lockdown ang mga areas na ito for 14-days. Hindi lang po isa, dalawang araw kung hindi labing-apat na araw o higit pa diyan, minsan ay umabot pa sa isang buwan. Hinihintay po nating gumaling ang mga mamamayan natin na nasa lockdown area bago natin nili-lift ang mga lockdown areas na ito.

At habang naka-lockdown po ang mga areas na ito, ang ayuda po ay nagmumula sa local government sa tulong din po ng DSWD at siyempre sa mga generous donors natin. And I think that is one reason why mabilis din po ang recoveries dito po sa Lungsod Quezon.

Having said that, I would like to thank Mayor Benjie Magalong, siya po ang Contact Tracing Czar. Tinuruan po talaga niya kami dito sa Lungsod Quezon kung paano paigtingin pa at pagbutihin ang contact tracing. And I’m happy to announce that by middle of August, we will have 600 contact tracers in 72 teams going around our city to make sure na agad-agad po nating nati-trace lahat po ng mga close contacts na nagiging COVID positive patients po natin. And I would like to thank Mayor Benjie Magalong for giving us the time and the expertise to follow the good example that you have set in Baguio City.

So bago po ako magwakas, gusto ko rin lang sabihin, ang kulang na lang po talaga dito sa Quezon City ay karagdagan pang testing ‘no. At natutuwa ako sapagkat kanina sa pagpapanayam namin kay Secretary Vince Dizon ay pinangako niya na ang testing naman ay sagot na ng kaniyang tanggapan. Tama po ba, Secretary Vince? Salamat po. Sigurado po na kapag nadagdagan na po ang testing capacity ng Lungsod Quezon, tuluy-tuloy na po ang ating paggaling. Gagaling na po ang Lungsod Quezon, bababa na po ang mga kaso dito sa lungsod na ito. At makakasiguro po kayo na ang suporta po ng aming lungsod ay isandaan porsiyentong ibinibigay po natin sa pamahalaan pambayan dahil tingin namin we are in the right direction and we are following your good advice and iyong inyong magandang gabay sa amin.

Marami pong salamat sa inyo lahat.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mayor. At ngayon naman po, matapos ang dalawang linggo, matapos po nating pinakilala ang ating mga testing czars, siguro po ay panahon na para mag-report muli ang ating mga testing czars. At sisimulan po natin sa ating Chief Implementer ng National Task Force on COVID-19, wala pong iba kung hindi si Secretary Galvez. Sec?

SEC. GALVEZ: Magandang tanghali po sa inyong lahat. Sa ngayon po ay nasa critical phase po tayo ng ating National Action Plan. Ang ating National Action Plan po ay binubuo ng tatlong phases: Iyong first phase po ay noong March hanggang June; and then ngayon ang second phase is July hanggang September; and also, iyong third phase natin ay this coming October to December.

Sa ating second phase ng ating operational design, ang pinaka-challenge po natin is paano natin ma-contain at ma-manage iyong mga emerging new cases, at the same time, on how we could continue our capacity building particularly iyong i-expand natin iyong ICU beds at saka iyong resiliency ng ating mga vulnerable community.

Ito po ay napakahirap dahil kasi nakita natin na iyong re-balancing ng economic at saka health objectives, dapat po natin, iano po natin. And also on how really how to keep iyong fatality rate low, including the non-COVID cases so that we can open up our economy.

And gagawin po natin sa second phase talaga ay ibibigay po natin, isi-shift natin ang role doon po sa mga LGUs katulad po nang ginagawa po ni Mayor Joy na ang pagla-lockdown, localized lockdown at saka iyong pag-i-implement na different strategies ng prevention, detection, isolation treatment and reintegration ay ibababa po natin sa LGU.

SEC. GALVEZ: Ang atin pong National Action Plan phase 2 operational framework ay hindi po magbabago at ang ating pinakatutuunan ng pansin ay iyon pa ring prevention, ang detection, iyong tracing and testing at saka iyong efficient isolation.

Nakikita po natin ang mga experience po natin sa Cebu at saka sa mga ibang area na nagkaroon po tayo ng tinatawag ng spikes and outbreak, dahil nagkaroon po tayo ng inefficiency in terms iyong sa tracing. Kaya po ngayon, nagbuo po tayo ng mga Czars na nakita po natin na iyong sa tracing, si General Magalong po kagagaling lang po namin sa Iloilo, para po ipabahagi ang kanyang kaalaman at experience doon sa Baguio City.

At iyon po ang gagawin po natin na ang atin pong mahalaga na gagawin ay ipaalala sa ating mga mahal na mamamayan na napakaimportante po talaga na kainilang ma-implement ang minimum health standard. Iyong self-awareness po nila na buhay muna at para po magkaroon ng kaginhawaan sa hanapbuhay at ang tinatawag nating maprotektahan rin po natin ang economy.

So, kung titingnan po natin sa ating mga datos ay pataas ng pataas ang ating mga new cases, ito po ay dahil sa ni-loosen up natin ang restrictions at the same time nagkaroon po tayo ng tinatawag na opening of the economy. So ito po ay isa sa mga challenges po natin on how we could address this emerging issue. So, in order to effectively manage COVID cases, the responsibility now shifts on the LGU and to the private companies and to the individual citizen.

Kaya nga po sinasabi ng ating mahal na Presidente, hindi po kaya ng national government lamang. Kaya po we are enjoining all the LGUs, the private companies and the individual citizen to share the responsibility by having what we call the localized lockdown in barangay and street, building and massive education info campaign for the strict enforcement and discipline on the minimum health standard.

Kaya po nananawagan po kami sa lahat ng mga barangay captain, sa ating mga kapulisan, sa ating mga military, we have to strictly implement and enforce the minimum health standard. Kailangan po talaga na we have to wear mask, wash our hands and also keep our distance o tinatawag na keep one meter distance with each other. At atin pong isaalala na medyo iwasan po natin ang mga confined spaces, iyong masyadong maraming crowd at saka po iyong tinatawag nating iyong close contact with the many people.

Ang gagawin rin po natin, we will always protect the vulnerable, to include iyong elderly, iyong may comorbidities at lalo na sa lahat, iyong mga pregnant women and mga tinatawag nating may mga complex illness.

On how to immediately address the current surge ay gagawin po namin iyong tinatawag na aggressive testing especially during the lockdowns at saka iyong ginagawa po natin na iyong effective contact tracing. So ginagawa po namin ni Mayor Magalong iyong ginagamit po namin sa kanya iyong formula na 1 is to 37. Meaning, iyong bawat isa na tinatawag nating positive case ay mayroon po siyang 37 na close contact. So, iyon po ang ginagamit nating formula para sa ating preparations, sa ating mga testing at saka sa mga isolation.

At ginagawa din nating steps in order to prevent the surge, ay iyon pong tinatawag nating aggressive isolation. Tinatawag nating aggressive isolation ay ginawa po natin sa Navotas. Sa tulong ng ating Testing Czar na si Secretary Vince ay nakabuo po tayo ng tinatawag na 2,700 na mga hotels, hotel rooms na sa ngayon ay okupado na po ng mga 1,000 na mga positive cases at ngayon po nagbi-build up po tayo ng capacity. Binubuo po natin ang ibang mga tinatawag na mga evacuation centers, kino-convert natin na maging health isolation centers. At ngayon po ay pinabibilisan po natin ang construction dito sa East Avenue that can accommodate 250 patients at the same time, it can operate with 25 to 50 ICU beds. Ganoon din po sa Quirino Memorial Hospital na mayroon po tayong binubuo na 50 ICU beds at iyong first floor po at gagawin po na magiging Mega ER para iyon po ang magiging parang magandang triages para sa ating mga COVID patients. At ang ating PGH ay also expanding another ward, baka matapos po ngayong linggo o sa susunod na lingo; at ang ating Quezon Institute ay ine-expand din po natin.

Sa ngayon po isa rin po na ginagawa natin ay talagang pinagtutuunan ng pansin ang IATF, sa ngayon nagpupulong ang IATF at pinag-uusapan iyong tinatawag na protocols sa mga immediate therapies sa ating mga severe patients. Kaya po ngayon po napapabili po ang DOH ng mga high flow cannulas kasi nakita po natin na marami po sa donations po ng San Miguel Corporation na 105 ay halos naubos po iyong mga donations, kasi talagang gustong-gusto ng mga hospital na iyong mga high flow nasal cannulas ay talagang magamit para at least ma-prevent po ang intubation at iyong severe cases ay maging moderate. So sa ngayon po ay naka-pipe line na po, mayroon na po tayong inaan0 po na agency procurement requirements, mayroon po tayong na bibilhin na 250 na tinatawag nating sets.

Pangalawa po, ay talagang ginagawa po natin na magkaroon ng magandang supply chain iyong tinatawag nating mga drugs na very effective to treat the severe cases, kasama po dito iyong Remdesivir. Talaga po ako, personally, maraming tumatawag sa akin na mga doctor at mga pasyente para sa drug po na ito. At ginagawa po ngayon ng ating Secretary of DOH ay kanyang kinakausap ang mga pharmaceuticals para lalong bumaba ang presyo ng mga available na drugs nito; kasama po ang Dexamethasone at saka iyong Avigan. At ito po ngayon, dine-develop po natin iyong convalescent plasma at mayroon pong nadi-develop sila na sinasabi nila monoclonal antibody na puwedeng gamitin na antigen para sa ating mga healthcare workers.

At mayroon na po kaming preparasyon ng DOH, DOST at ang Technical Working Group na nagkakaroon ng tinatawag nating mga convalescent testing, clinical testing. So the vaccine may come later this year and we are ready to get it because of the President’s diplomatic efforts. So, mayroon na po kaming mga embassy, ating mga country teams ay kinakausap na po natin para at least kung just in case mayroon pong mga vaccine na available ay isa po tayo sa mga mangunguna na makaka-access po nito.

Kasi po binigyan po kami ng ating mahal na Presidente ng instruction, ito ay maging available at least sa 60 million na people sa atin sa bansa. Iyon lang po at marami pong salamat.

SEC. ROQUE: At kasama rin po natin ngayon ang ating Testing Czar para sa kanyang two-week update. Yes Secretary Vince Dizon?

SEC. DIZON: Magandang hapon po, Muli po maraming salamat Mayor Joy sa pag-host ng ating testing ng 60,000 Grab drivers and riders na magsisimula dito sa Quezon City ngayong araw.

Kaunting update lang po, sa ating testing capacity, 94 na po ang ating laboratories nationwide. Kung maalala po natin noong Pebrero nag-iisa lang po ang laboratory natin, iyong ating RITM dito sa NCR; ngayon po ay 94 ang labs na accredit ng mga masisipag nating kawani ng Department of Health at ng iba pang ahensiya ng gobyerno.

At dahil po doon, ang ating testing, total test po natin noong March ay 17,000 lang; ngayon po, as of July 26 at halos 1.4 million test na ang nagawa natin at papalapit na po tayo ng papalapit sa ating ultimate goal na makaka-test tayo ng 10 milyong Pilipino. At kampante rin po tayo na ngayong buwan ng Agosto ay itong 1.4 million na ito ay hihigit na sa dalawang milyon, ngayong buwan ng Agosto. Dahil din po diyan, ang ating daily test ay napakataas na. Noon pong Marso, 500 tests lang po kada araw ang nagagawa natin sa buong bansa at nag-set po tayo ng target na by July ay dapat umabot tayo ng 30,000 tests/day. At ire-report po namin na as of July 25 ay umabot na po tayo ng lampas 33,000tests/day. So, iyon pong ating goal na 30,000 ngayong July ay nalampasan na po natin noong July 25.

Dahil po diyan, makikita po natin ang comparative testing numbers po sa ibang bansa sa Asia, pangalawa na po ang Pilipinas sa South Korea. Ang South Korea po as of July 25 ay nakapag-test ng 1.5 million, ang Pilipinas po ay halos 1.4 million at tingin po natin sa loob ng ilang linggo ay malalampasan na po natin ang South Korea sa dami ng na-conduct na tests. Ang Malaysia po ay walang isang milyon – 932,000; ang Japan – 780,000; ang Indonesia – 700,000.

Ngayon po, dahil po marami na tayong testing labs sa buong bansa, puwede na nating i-expand, kagaya ng sinabi ni spokesperson Harry, ang ating mga tine-test dahil dati po, iyon lang pong may mga sintomas o iyong may close contact sa mga may sintomas lang ang ating tini-test. Ngayon po, sa pamamagitan ng DOH Memorandum 2020-0258-A, pinalawak na po ng napaka… napakalawak na po ngayon ng mga puwede nating i-test at pati iyong dalas ng pag-test, iyong frequency ng pag-test ay lumawak na dahil marami na tayong laboratoryo.

So, unang-una po, ang ating mga healthcare workers na dati eh hindi nate-test regularly, ngayon po ay tuloy-tuloy na po at regular na po ang kanilang testing at iyan po ay libre ng PhilHealth. Ang lahat po ng frontliners, hindi lang po medica, tulad ng mga sundalo, mga pulis, mga security guard, mga drivers – kamukha po ng mga tinest natin ngayon sa Grab dito sa Metro Manila, sa Quezon City – at iba pang mga madalas ang contact sa ibang tao ay ite-test na rin po regularly at libre din po iyan ng PhilHealth. Ang mga may sakit or comorbidity na pinaka-vulnerable sa ating mga kababayan base sa advice ng kanilang doktor ay ite-test din po at sagot din po iyan ng PhilHealth.

Ang mga LGUs po katulad ng Quezon City – napaka-effective po ng ginagawa ng ating mga LGUs ngayon at lalo pang paiigtingin ito sa mga susunod na araw – mayroon na po silang power at authority na mag-test ng mga citizens nila, ng mga constituents nila sa mga declared hotspots or lockdown barangays. So, kung magdesisyon po si Mayor Joy na i-test ang buong barangay, puwede na nilang gawin ito at libre po ito ng PhilHealth.

Ang mga frontlline workers po sa mga declared tourist priority zones ng Department of Tourism katulad ng Boracay, Palawan, at iba pang mga isla natin para mabuksan na natin ito sa mga susunod na buwan, ang mga receptionist po sa hotel, mga waiter, mga tour guide, sila po ay libreng ite-test.

At ang mga nagtatrabaho sa mga ecozones, iyong ating mga manufacturing zones sa CALABARZON – sa Laguna, Cavite, Batangas, Rizal; sa Clark, sa Subic, sa Bataan, lahat po iyan para masigurado natin na tuloy-tuloy ang production ng ating mga goods para umarangkada na ulit ang ating ekonomiya ay tuloy-tuloy din ang testing nila at libre din po iyan ng PhilHealth.

And finally po, sa mga declared special concern areas tulad ng NCR, ng Cebu, ng Metro Davao, ng CALABARZON, ng Central Luzon, lahat po ng mga considered na frontline workers tulad ng mga sales persons sa mga mall, mga cashier, mga waiters sa mga restaurants, lahat po iyan sa mga declared special concern areas ay libre na rin pong ite-test.

So, maraming salamat po at iyon po ang ating update para sa testing.

SEC. ROQUE: Maraming salamat. Kasama din natin via online ang ating Treatment Czar, Usec. Vega. USec. Vega, are you in the house?

USEC. VEGA: Sec. Harry, can you hear me? Good afternoon.

SEC. ROQUE: Sec. Villar?

Nandiyan pala si… sino po ito, si Mayor Magalong muna o si..?

Okay, Usec. Vega. Naku, ang dami pong natataranta doon sa naging deklarasyon ng DOH na kritikal na raw po ang lahat ng bed capacities natin. Pakilinaw po at kung ano po ang gagawin natin, Usec. Vega – ang ating Treatment Czar.

USEC. VEGA: Good afternoon po, Sec. Harry, Mayor Joy, Sec. Charlie Galvez and of course, Sec. Vince. Am I coming in clear? I have very bad connection ho, nandito po ako sa Las Piñas General Hospital kasi kino-coordinate ko ang network ho dito. Am I—naririnig ninyo po ako?

SEC. ROQUE: Opo. We hear you loud and clear, Usec. Go ahead.

USEC. VEGA: Okay. First of all, I’d like to make a clarification na iyong nasa danger zone tayo sa isolation, ward at saka iyong ibang intensive care units. Ang data ho nito na ipinasok sa data collect, iyon ho ay hindi 30% allocation ng government at saka private. Alam naman ho natin na the DOH mandates na kailangan sa public hospital will have a minimum of at least 30% and to scale up or roll up [signal disruption] pero ang [signal disruption] compliance po [signal disruption] mayroong pang mga [signal disruption] ang number of [signal disruption] Ito iyong pinagmi-mitingan na ma-convert na iyong ibang wards nila [signal disruption] magkaroon tayo ng preparation [signal disruption] private hospitals [signal disruption] of 20% [signal disruption] 10% or [signal disruption] ng surge.

[signal disruption] naman po ng [signal disruption] nasa 16% [signal disruption]. Mayroon pa ding pagkuku[signal disruption] in terms of the allocated beds [signal disruption] 30% [signal disruption] number of [signal disruption] to cover up the surge.

Pangalawa, [signal disruption] karamihan ho sa mga, iyong mga mild, mga 90% together with [signal disruption] kasi nagpapa-admit [signal disruption] sa mga hospital dorectors [signal disruption] positive cases [signal disruption] serious comorbidities [signal disruption] facility or sa [signal disruption] kasi sila ang naka—[signal disruption] na mga beds na naka—[signal disruption] ng mga moderate at sa—[signal disruption] saka severe cases.

[signal disruption] madali naming magagawa [signal disruption] in making sure na the beds in government and private [signal disruption] official [signal disruption] high volume of [signal disruption] hindi sapat [signal disruption].

Ngayon, sa [signal disruption] ICUs and [signal disruption] iba-ibang hospital—

SEC. ROQUE: Usec. Vega, hindi po malinaw iyong inyong pasok sa internet, Usec. Vega, so we will try to improve the connection po dahil saying po iyong sinasabi ninyo. Pero ang nakuha ko po sa sinabi ninyo, kinlarify ninyo po iyong danger level is based only on the 30% capacity na nire-require po ng ating DOH sa ating mga hospital.

So, pupuwede naman pong damihan iyong bed capacity para sa mga COVID patients, hindi ba po?

USEC. VEGA: 16% of the 30% supposedly allocation, so mayroon pang kulang. So, dapat buksan nila iyong mga beds nila to allocate more beds sa COVID para aabot sila sa 30% kasi ngayon ang average 16% lang eh tapos kapag hindi mo in-increase ang allocation for COVID, parang ang tingin puno na pero actually, kayang-kaya pa ng hospital na mag-convert ng kanilang wards into a COVID areas kasi 30% lang naman ang hinihingi natin in terms of allocated bed for government pero kapag may surge, iyon nga, 50% dapat comply natin.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po sa paglilinaw. Anyway, we will have you back again po possibly on the next press briefing dahil napakaimportante po noong tinatawag nating critical care capacity ‘no.

Kasama rin po natin on the line ang ating tracing czar, Mayor Benjie Magalong. Mayor?

MAYOR MAGALONG: Good afternoon po, Secretary Harry, Secretary Charlie, Secretary Vince at si Mayor Joy Belmonte. Magandang hapon po sa inyong lahat. Unang-una, gusto ko pong magpasalamat kay Mayor Joy for hosting this event.

As of this date, ang nabisita na po natin na mga lugar sa iba’t ibang mga regions po rito sa buong bansa natin, 6 regions at ito po’y personally na binisita po namin para mag-conduct ng actual na trainor’s training. Ito po iyong pinili na namin, ito po iyong mga medyo mataas po at critical po iyong kanilang mga COVID-19 situation.

Ngayon po naman po, doon sa sampung regions naman, ito iyong nagkaroon kami ng virtual meeting and this is aside from the 14 other LGUs na specifically po na in-engage po namin para siguraduhin po na ma-discuss po namin sa kanila iyong kanilang COVID-19 situation and at the same time come up with their own strategy.

Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na nagkaroon po kami ng diagnostic questionnaire para malaman po natin kung ano po iyong status ng mga contact tracing capability ng ating mga local government units and out of 1,800 na binigyan po natin ng mga questionnaire, 600 plus, 614 to be exact ang nagresponde.

At nakakalungkot lang po na banggitin ko rito na talagang napakababa po ang ating contact tracing efficiency, only 0.68% of the 600 plus na nagresponde po ay talagang mayroon silang established na contact tracing capability. Kaya iyan po ngayon ang tinututukan namin, it will be form part of our strategy to train all of them. Ang mga kailangan po nilang pag-aralan, iyong cognitive interviewing skills and at the same time the use of the different analytical tools and the use of the other technologies that are available.

Ngayon po nakikipag-ugnayan po kami sa DICT para po magamit po natin iyong binabanggit ho natin na digital contact tracing at kung ito po ay magagamit natin, it will complement po iyong ating ginagamit ngayon na traditional way of conducting our contact tracing.

So gusto ko lang pong ipaalam din sa inyo na binago na po natin iyong buong organization ng contact tracing, it will now be called a contact tracing ecosystem composed of interviewers, analysts dahil kailangan na po natin na mag-analyze dahil po we’re talking about big data. Kailangan po natin ng data analytics, another is the use of our technical support teams, our encoders or data encoders for that matter and finally our community support which is usually made up of our [garbled].

So tuluy-tuloy po iyong ating pagpapaigting ng ating contact tracing. Ang gusto ko lang pong ipaalam sa inyo, I would like to congratulate Mayor Joy Belmonte dahil po when I engaged her two weeks ago, isa po sa mga nabanggit ko po sa kaniya is on average an LGU, we’ll be able to setup this contact tracing system in a matter of two weeks. Ang sabi ni Mayor Joy, “Hindi ako aabutin ng two weeks. I want it to be established in one week.” So sigurado po ako na in the next 3 weeks or 4 weeks, makikita na po natin ang downtrend po diyan sa Quezon City.

Maraming, maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Okay. Bago po tayo magtuloy sa ating open forum kasama ang ating mga miyembro ng Malacañang Press Corps, nakikiusap po ako sa ating mga partners sa KBP, kung pupuwede po, dahil ang oras ngayon ay 1:02, kung pupuwede huwag muna kayong bumitaw hanggang 1:30 po sana dahil napakaimportante po ng talakayan natin kasama po ang ating mga czars, COVID-19 czars kasama po ang ating Chief Implementer.

Anyway naudlot naman po iyong aming post SONA noong Lunes, kung pupuwede pagbigyan ninyo po kami, huwag po sanang bibitaw ang ating mga KBP partners until 1:30. Ang PTV-4 naman po, hindi naman talaga bibitaw iyan hanggang tayo po ay matapos.

Okay, first question ay galing kay Usec. Rocky I suppose. Lahat pala ng questions kay Usec. Rocky dahil wala tayong live capability ‘no. Usec. Rocky, go ahead please.

USEC. IGNACIO: Yes, good afternoon Secretary Roque. Ito po ang unang tanong, from Francis Wakefield of Daily Tribune: The Filipino Nurses’ United FMU on Wednesday expressed daw po disappointment over the government’s lack of plans to curb the coronavirus disease. The group made the statement in reaction to President Rodrigo Duterte’s 5th SONA last Monday.

SEC. ROQUE: Well, ang tingin ko po hindi lang naintindihan ‘no noong tao na nagbigay ng statement niya kung ano talaga ang plano. Ito nga po iyong pinag-uusapan natin ngayon, habang dumadami po ang numero ng COVID, pinapaigting po natin ang testing. Habang pinapaigting natin ang testing, naghahanda tayo ng mas maraming isolation facilities at ginagawa nating agresibo ang tracing. At siyempre po pagdating sa treatment, kumukuha po tayo noong high flow cannula at iyong mga gamot na napatunayan na na nagpapababa po ng mga taong namamatay dahil po sa COVID-19.

Chief Implementer, would you like to add po? Wala daw pong plano sa COVID-19 …

SEC. GALVEZ: Mayroon po tayong plano sa COVID-19 particularly para sa frontliners. Isa nga sa ating tinatawag na imperative is really to protect and reconstitute our frontliner. Sa ngayon po, titingnan po natin kung iyong mga valid na hinaing ng nagsabi, titingnan po namin, iaano po namin sa IATF pero ang ano po natin, mayroon po tayong matibay na plano. Mayroon po tayong Phase 1 na atin pong in-implement noong March up to June at itong phase 2, we are implementing it since July until September and then iyong Phase 3 will be on October to December, until we have the vaccine. So lahat po ng mga plano na iyan, mayroon po tayong istratehiya kaya po iyon ang ano natin, ipa-publish po namin ito para malaman ninyo po iyong mga istratehiya po namin.

SEC. ROQUE: Yes. Next question, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Francis Wakefield: Kahapon po ay nag-trending sa Twitter ang Metro Manila shortly after you made daw po a comment during an interview over CNN Philippines that Metro Manila will be a living experiment and it’s an experiment that we believe can be successful at and it will be something that we can be proud of. Sabi ng netizens, mukhang guinea pig na ang tingin ng iba ang tingin ng government sa mga taong nakatira sa Metro Manila. Ano daw po ang comment ninyo dito or clarification sa naging pahayag ninyo po?

SEC. ROQUE: Well siguro po hindi ninyo lang naintindihan pero mayroon pong mga bagong initiatives tayong sisimulan at kasama na po diyan iyong tinatawag nating pooled testing, iyong PCR pooled testing kung saan ang isang test kit ay gagamitin natin sa sampung tao at kung lahat po sila ay negatibo, lahat po sila negatibo ‘no; pero kung naging positibo, hahanapin po natin kung sinong positibo. Sa pamamagitan po kasi ng pooled testing, mamu-multiply natin by 10 iyong ating actual testing capacity ‘no. So kung mayroon po tayong 1 million na test kits ngayon, pupuwede po nating ma-test ang 10 million ‘no kung gagamitin natin itong pooled testing na ito.

So hindi naman po siya talaga completely experiment, siguro po ang tamang salita diyan ay ‘pilot’ ‘no at saka ‘modeling’ ‘no. So siguro po hindi nga tama iyong word na ‘experiment’ pero hindi pa kasi natin nagagawa itong pooled testing sa Pilipinas bagama’t ito po’y ginamit na sa Wuhan, sa South Korea, sa Vietnam, sa South Korea iyong mga lugar, at Germany ‘no, Germany, Israel, iyong mga lugar na talagang na-control po nila iyong pagkalat ng COVID-19.

So pagdating po doon sa experiment, ang dapat po siguro ipa-pilot na natin iyong tinatawag nating pooled testing na talagang that will increase by 10 times our actual testing capacity.

Sec. Vince Dizon…

SEC. DIZON: Tama po si Spokesperson Harry. Ang pooled testing po ay isang methodology na ginagamit ng mga iba’t ibang bansa sa buong mundo. Ito’y napakaimportante dahil una, mabababa natin nang malaki ang cost ng testing ‘pag ito’y ginawa natin; at ikalawa, mas mabilis at mas madami tayong mati-test at iyon ang gusto nating gawin.

Ang ibig ngang sabihin po ni Sec. Harry ay sa kasalukuyan ginagawa ang pilot ng pooled testing, sa tulong ng RITM at ng private sector, sa pamumuno ng Project ARK. Ginagawa po nila ito ngayon sa NCR at sa ibang lugar. At kapag ito ay na-validate na ng RITM at ng DOH ay puwede na nating gamitin ito at talagang napakalaking tulong po nito sa dami ng ating mai-test at sa pagbaba ng cost ng testing.

SEC. ROQUE: So kapag natapos po iyong pilot nito, ang 1 million test kits can be good for 10 million people, ang halaga po from 3,000 bababa to 300. Kaya nga po kampante kami na magtatagumpay naman ito dahil nagamit na sa ibang bansa at siyempre po darating tayo sa punto na lahat ng gustong ma-test, kung mapatuloy po natin itong pooled testing ay pupuwedeng ma-test.

Next question, please.

USEC. IGNACIO: Huling tanong po ni Francis Wakefield: According to SWS survey, seven out of ten Filipinos received cash from the government amid the COVID-19 pandemic. But the amount vary, with the less educated getting less. What’s the Palace’s reaction to this and the Philippine debt has reached P9 trillion marked. Is Palace not worried na lumalaki ang utang ng bansa?

SEC. ROQUE: Hindi ko nakuha iyong question mo, ang alam ko lang iyong SWS, seven out of ten ‘no. so, iyan po ay patunay na karamihan noong nangangailangan ng ayuda ay nabigyan po ng ayuda, pero hindi ko nakuha kung ano talaga ang question ni Francis Wakefield.

USEC. IGNACIO: Sir, ulitin ko na lang po iyong unang tanong niya. Sabi daw po ng SWS survey, seven out of ten Filipinos received cash aid from the government amid the COVID-19 pandemic. But the amount vary, with the less educated getting less. Ano daw po ang reaksyon ninyo doon.

SEC. ROQUE: Hindi ko alam kung kasama po iyan sa—hindi ko alam kung iyan ang findings ng SWS. Hello. Hindi ko po alam, kung iyan ay kasama doon sa SWS finding. So, hayaan ninyo, titingnan ko po muna iyong SWS finding, iyong buong report, pero hindi ko po napansin na may ganiyang finding na iyong mas mahirap, mas kaunti ang nakuha. Pero I doubt that po, but I will check the SWS report.

USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate online: Ano daw po ang masasabi ng Malacañang sa sinabi ni Representative Mujiv Hataman na dismiyado siya na hindi man lang daw po natalakay ni Pangulong Duterte sa SONA ang plano niya para sa rehabilitasyon ng Marawi. Dapat daw po ay nagbanta at nagbigay rin ng taning ang Pangulo sa mga umaasikaso sa Marawi Rehab. Nauunawaan po ni Hataman na tutok ang gobyerno sa pandemya, pero hindi pa rin daw po dapat nitong kalimutan ang mga biktima ng giyera sa Marawi at sa halip na unahin ang bitay at iba pang panukala, ay mas pagtuunan ng pansin ang compensation bill para sa mga biktima at naapektuhan ng Marawi siege?

SEC. ROQUE: Well, Congressman Hataman, hindi po tumigil iyong gobyerno para mapabangon muli ang Marawi dahil nga po doon sa nangyari noong ilang taon na ang nakakalipas. Tuluy-tuloy po ang rebuilding of Marawi, kaya nga siguro hindi sinama sa talumpati ng Presidente, dahil nagsimula naman po iyan at ongoing po iyan. Hayaan po ninyo sa mga susunod na press briefing babalik po siguro tayo kagaya ng ginagawa natin dati diyan mismo sa Marawi ng makita po ng buong bayan kung nasaan na po ang efforts to rebuild Marawi.

USEC. IGNACIO: From Leila Salaveria of PDI. May we know what the Palace thinks of resolution filed in the senate and signed by several senators asking the COA to scrutinize the government’s spending for its COVID-19 response? They cited allegations that billions of taxpayer’s money may have been lost to corruption. Does, Malacañang have any concerns about this move?

SEC. ROQUE: Wala pong tinatago ang Presidente at ang Malacañang. Lahat po ng gastos, lahat po ng pera na ginastos para sa COVID-19 napunta po iyan para sa COVID-19 response ng gobyerno. Noong mayroon pa pong Bayanihan We Heal Act 1, regular po kaming nagsusumite ng report sa taumbayan kung paano po nagastos ang mga salapi na in-appropriate ng kongreso. Nonetheless dahil wala naman kaming itinatago, we welcome the special audit, noting na talaga namang io-audit po iyan ng COA, dahil ang COA po ay post-audit po ang kanilang ginagawa.

SEC. GALVEZ: Makakaasa po kayo na iyong lahat po ng salapi na para sa COVID-19 ay talaga pong itinutuon sa pangangailangan natin. Kami po, lalo na po kami na binigyan ng personal na instruction ng mahal na Presidente na dapat iyong pera na para sa lahat na gagamitin para sa hospital at saka sa ating testing ay kailangan na mapunta sa dapat mapuntahan. Ang lahat ng procurement po natin ay talaga pong binigay po natin sa PS-DBM. Ito po iyong talagang tinatawag nating institution na gumagawa po ng malakihang procurement. Kung makikita po natin na iyong mga procurement po natin talaga direct po doon sa mga manufacturer.

At saka ang ginagawa po natin, lalo na sa test kits na ang naka-plano po natin ay 3 million ang ating bibilhin, pero ang nabili po natin dahil sa pera po na iyon ay mayroon po tayong nabili na 10 million, at the same time, mayroon po tayong nakuha na 20 na PCR at saka 10 Notch na libre. Ibig sabihin napakababa po ng ating pagkakabili, na ang pagkabili po natin ay more or less mga 13 to 18 dollars lang ang isa. Iyon po ang mga ginagawa po namin.

Kami po doon sa procurement system, doon po sa ginagawa po namin, iyong lahat po ginagawa po natin, kinakausap po natin iyong mga embahada para makakuha po tayo ng totoong presyo at maipababa po natin through diplomatic arrangement. Kasi po ang ating mahal na Presidente, kinakausap niya po iyong talagang mga lider para po magkaroon po tayo ng tinatawag nating direct procurement. Para wala na pong tinatawag na supplier.

So, sa amin, based doon sa aking personal experience namin sa pag-handle ng mga procurement, especially iyong PPE, iyong test kits at saka lahat ng mga kailangan ng DOH ay talaga pong iyon po ay mai-ano ko na, maitataya po namin ang aming integridad sa pagbili ng mga tinatawag nating pangangailangan ng ating mga mamamayan dito sa paglaban sa COVID.

USEC. IGNACIO: Ang susunod pong tanong mula kay Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: How much has the government spent for COVID-19 response so far and where and when can the public see the full accounting of these expenses?

SEC. ROQUE: Okay, may question po, sasagutin po natin iyan pero sa Lunes po natin sasagutin iyan, magkakaroon po tayo ng power point presentation on Monday kung magkano iyong natanggap ng gobyerno at papaano po ginastos iyan. Para ipatunay po na wala pong tinatago ang gobyerno. Next question, please.

USEC. IGNACIO: Iyong second question po ni Genalyn, nasagot na po ninyo iyong call po ng senators para sa special audit, iyong second question na lang po ni Genalyn: Is Sabah owned by the Philippines or Malaysia? How will the government assert our claim after Malaysian government summoned the country’s ambassador over the issue?

SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo na nasa Saligang Batas po kung ano po ang teritoryo ng ating bayan at sa mula’t-mula po kinikilala natin na mayroon tayong conflicting claim territory over Sabah. Tinitingnan po natin, ang Sabah po ay binigay po sa atin ng ating mga kapatid na galign sa Brunei, ibinigay naman po Sultanate of Sulu na in-assign naman po sa Republika ng Pilipinas, but we recognized po na this matter we should not affect our own ongoing bilateral ties with Malaysia, it has not affected it in the recent years, and we will continue to have healthy bilateral relations with Malaysia despite the issue of Sabah.

USEC. IGNACIO: Nest question po from Rose Novenario of Hataw: Ano po ang guidelines ng Palace sa mga ahensiya ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 related disbursement of funds dahil madalas pong idahilan ng mga opisyal na may mga limitasyon sila sa paglabas ng pondo at idinadahilan ang Commission of Audit? Habang hinihintay pa ang results ng swab test ng government employees, hindi ba dapat muna sila patirahin pansamantala sa isang pasilidad kaysa umuwi kaagad sa kanilang pamilya dahil kapag may nag-positibo ay baka mahawa sila.

SEC. ROQUE: LGU, okay perhaps si Mayor Belmonte can answer kasi ilan sa mga gastos ay—okay iyong SAP po, SAP pala ang tanong. Okay, Mayor Belmonte.

LGU—okay, perhaps si Mayor Belmonte can answer kasi ilan sa mga gastos ay—okay, iyong SAP po. SAP pala ang tanong. Okay, Mayor Belmonte, can you …the question is tungkol sa SAP ‘di ba? Iyong reimbursement ng SAP?

USEC. IGNACIO: Secretary, ang tanong po ni Rose, uulitin ko na lang po para mas malinaw. Ano daw po iyong guidelines ng Palasyo sa mga ahensiya ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 related disbursement funds? Dahil madalas pong idahilan ng mga opisyal na may limitasyon sila sa paglabas daw po ng pondo at idinadahilan ang Commission on Audit.

And then habang daw po hinihintay pa rin ang resulta ng swab test ng government employees, hindi ba dapat muna silang patirahin pansamantala sa isang facility daw po kaysa umuwi kaagad sa kanilang pamilya dahil kapag may nagpositibo, baka mahawa sila?
SEC. ROQUE: Iyong latter part, naintindihan ko. Iyong sa latter part po, ang protocol po ng DOH, kapag ikaw po ay swinab at ikaw naman ay walang sintomas, you can go home, okay. Pero kapag ikaw ay symptomatic at ikaw ay naghihintay ng resulta, dapat ikaw ay nasa isolation. Tama ba ho, Secretary Vince Dizon?

SEC. DIZON: Tama po. Dati po kasi, Spox – para sa ating mga kababayan – noong limitado lang ang tini-test natin, ang tinitest lang natin ay iyong mga symptomatic at iyong mga close contact ng symptomatic. At kapag ikaw ay may sintomas at ikaw ay may direct contact sa isang positibong COVID-19 patient, kailangan ka talagang mag-isolate.

Pero ngayon, kagaya ng sinabi kanina, napakalaki na ng paglawak ng ating iti-test at marami sa kanila ay asymptomatic at walang direct contact sa isang COVID-19 patient kaya hindi sila kailangan ikuwarantina. Pero kailangang-kailangan suot nila lagi ang kanilang mask, lagi silang naghuhugas ng kamay at nagki-keep sila ng distance.

Ganito din ang ginagawa sa ibang bansa. Mapapansin ninyo sa, halimbawa sa Amerika o sa South Korea, iyong mga ordinaryong mga mamamayan nagda-drive-thru, tinitest. Pagkatapos nilang ma-swab, ano na sila, life as normal na lang sila habang hinihintay ang kanilang resulta pero kinakailangan, at paulit-ulit naming gustong sabihin ito sa ating mga kababayan na huwag nating kakalimutang sumunod sa ating minimum health standards – pagsuot ng mask, paghugas ng kamay at pagdistansiya sa ating mga kababayan.

SEC. ROQUE: Well, next question please. We have nine minutes left ‘til 1:30. Hindi ko po alam kung bumitaw na ang mga kasama natin sa KBP. Pero I think PTV 4 naman ay hindi naman bibitaw iyan sa atin ‘no. Yes, next question please?

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, ang tanong mula kay Gillian Cortez of Business World, although nasagot ninyo na po iyong tanong about Malaysian Foreign Affairs Minister summoning the Philippine Ambassador for a recent tweet made by Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin saying Sabah is still part of the Philippines.

Ito po iyon second question niya: Will the President still pursue the Philippine’s claim over Sabah since he said in the past he plans to do so?

SEC. ROQUE: Pero gaya ng sinabi ko po, we still have ongoing territorial disputes. There will be no resolution to these territorial disputes in the near future, but we will proceed with our bilateral relations with all other countries with whom we have ongoing disputes. Hindi po iyan hadlang sa pagpapatuloy ng mabuting pagsasama natin doon sa mga bansa na mayroon tayong ongoing territorial disputes. Okay po?

Next question po.

USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Joseph Morong ng GMA-7. Number one question: Are we reinstating the use of quarantine passes? Number two: If we don’t tighten up to MECQ, what steps are we going to take to stem the rise of COVID-19 cases? Number three: How are we monitoring the LGU lockdowns are effective?

SEC. ROQUE: Well, tinanong ko lang po si Mayor Joy Belmonte sa mga granular at localized lockdowns po, patuloy po ang pag-isyu ng quarantine passes. At siyempre po, paglabas–pasok sa mga lugar na na-lockdown, kinakailangan ipakita pa rin iyong kanilang mga quarantine passes at kung bakit sila lumalabas doon sa mga lugar. Dapat lang po silang lumabas kapag mayroon po silang matinding pangangailangan kagaya ng pagbili ng pagkain at ng gamot.

Mayor Belmonte, perhaps …

MAYOR BELMONTE: Sa simula po, ganoon po ang ating style na ginagawa. Pero ngayon ay napagpasyahan na po natin na wala na rin pong lalabas at papasok sa isang special concern lockdown kasi baka naman iyong lumabas, pagpasok niya ay magdadala naman siya ng virus. So ang ginagawa po natin, lahat po ng nasa lockdown area, talagang nasa lockdown area sila. Sumusulat po kami ng letter sa kanilang mga employer, telling them this is their situation at kung maaari lang ay huwag naman silang tanggalin sa trabaho habang sila ay nasa lockdown area.

At ang ginagawa naman ng ating pamahalaan ay lahat po ng mga pangangailangan nila ay ibinibigay na po natin sa kanila bilang ayuda for the duration of the time that they are under lockdown.

SEC. ROQUE: Thank you very much that’s very good to know, Mayor. Yes, next question please.

USEC. IGNACIO: From Joyce Balancio of ABS-CBN: You’ve said before in an interview that if we reached UP prediction of 85,000 cases by the end of month, it is a distinctive possibility that NCR will revert to stricter quarantine. Is this something we can expect now since we have reached the numbers already?

SEC. ROQUE: Well, yes and no. I will not preempt the President. Pero gaya ng sinabi ko, it will not be business as usual. At kagaya po ng sinabi ni Secretary Galvez, in our next phase of our National Action Plan, we will allow local governments to play a bigger role. We will also ask the private sector also to play a bigger role, and we ask the individual to observe minimum health standards as a barest minimum.

Yes po, next question.

USEC. IGNACIO: Iyong second question po ni Joyce Balancio ay tungkol doon sa SONA about Marawi rehab and then iyong pangatlo po ay tungkol sa Malaysia pa rin. Ito po iyong pang-apat: Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin has confirmed that Philippines will be given priority once China has succeeded in developing a vaccine. Any reaction to this? And also some are saying that the reason why President Duterte is soft and not aggressive towards China is because he is relying on China to give us vaccine for COVID.

SEC. ROQUE: Nagpapasalamat po kami sa gobyerno ng Tsina dahil sa isinapubliko po nila iyong kanilang posisyon bilang malapit na kaibigan ng Tsina, ang Pilipinas po ay makikinabang doon sa vaccine na made-develop nila. Salamat po diyan, at tayo naman po ay nakikipagkaibigan sa lahat at asahan po natin na iyong ibang kaibigan natin sa Amerika, sa Europa at iba pang parte ng daigdig ay isi-share din sa atin ang kanilang mga vaccine kung mayroon po sila. Iyan po ay fruits of an independent foreign policy, where we are friends to all and enemies to no one.

USEC. IGNACIO: Iyong question naman po ni Maricel Halili from TV5 tungkol pa rin po sa Malaysia pero ito po iyong follow-up question niya: Is there a reason for the country to ask for an apology from Malaysia? Are we going to revive our claim in Sabah since it has been dormant for years?

SEC. ROQUE: You know, this unresolved territorial dispute as you correctly said, has been dormant, it has not affected our friendly bilateral relations and I think we will maintain, we will definitely maintain this friendly bilateral relations despite and in spite of this unresolved dispute.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: July is almost over, what happened to the second tranche of SAP?

SEC. ROQUE: Si chief implementer po ang sasagot sa second tranche ng SAP. Chief implementer?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po ay tuloy-tuloy pa rin po iyong pagbibigay ng ating SAP at napag-usapan po natin na iyong priority po talaga, initially iyong previously na hindi po nabigyan at saka po iyong nabigyan ng—nasa ECQ po sa previous ano po natin. Aalamin po namin iyong pinaka-details, sa ngayon po ay wala pa po kaming update at hihingi po kami ng update sa ating Secretary ng DSWD.

SEC. ROQUE: Next question, please.

USEC. IGNACIO: Susunod pong question mula po kay Pia Ranada. Ang tanong po niya: In the last briefing you said LSIs need only pass a rapid test before leaving Metro Manila for the provinces. What happened to the PCR test requirement? Why require only rapid tests when they are known to be inaccurate?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, debate po talaga iyang rapid test and their accuracy. Depende po iyan sa brand at depende po iyan kung kailan ninyo gagamitin iyong rapid test. Ang rapid test po epektibo para malaman na mayroon talagang anti-bodies o nagkaroon na ng sakit, so hindi naman po siya completely inaccurate. Ginagamit din po natin iyan kasama ng PCR test. Pero si Sec. Galvez po will also answer lalung-lalo na dahil alam ko in one press briefing sinabi natin na magkakaroon tayo ng bagong protocol as far as LSIs are concerned. Ano na po iyong status ng protocol?

SEC. GALVEZ: Iyong ginagawa po natin sa LSI ay mayroon po tayong coordination with the local government units. And normally, ang ginagawa po ng ating mga local government units, mayroon na po silang initiatives considering that mayroon na silang capacity to test.

Ang lahat po ng ating mga regions ay mayroon na pong mga testing capacities. So, para po hindi magkaroon ng tinatawag na double handling, ang ginagawa po ng ating mga LGUs ay nag-a-allocate na po sila ng quota para sa ating mga LSIs.

So, kung ite-test pa natin dito katulad ng ginagawa nila na iyong ating OFWs na tine-test natin dito ay tine-test pa rin nila para makasiguro lalo na iyong LSI, kasi talagang ang ating mga LGU ay mga sigurista po kaya gusto po nila na iyong pagdating ng ating mga LSI sa kanilang mga lugar ay talagang clear na talagang wala po silang COVID.

At the same time, ang ginagawa po talaga nila is kina-quarantine po nila nang 14 days. Strict po sila talaga sa quarantining kaya po I would like to thank ang ating mga LGUs na talagang redundant ang ginagawa nila. Tini-test nila at the same time quarantine.

SEC. ROQUE: Well, last three questions. Iyong mga hindi po maitatanong pakidala na lang po sa ‘heads up’ at sasagutin po natin iyan sa ating viber group.

Yes, please, first of last three questions.

USEC. IGNACIO: Tanong po ni Ace Romero ng Philippine Star: Does the Palace agree with PNP Chief Gamboa’s view that “Mañanita controversy” of Gen. Sinas is already a close issue?

SEC. ROQUE: Siguro po si chief implementer?

SEC. GALVEZ: I believe it is already an old issue, so na-resolve na po iyon ng DILG and I will ask Gen. Año on it. Sa pagkakaalam ko po, bale nagkaroon na po ng resolution po doon.

USEC. IGNACIO: Second question niya po: How can the PNP enforce quarantine measures when there are questions about its fairness because of the mañanita issue?

SEC. ROQUE: Chief implementer?

SEC. GALVEZ: Sa nakikita po natin, huwag natin po masyadong i-highlight iyong isang tinatawag nating maybe unfortunate incident kasi ang PNP po, iyan naman po, buong Pilipinas po o ini-implement po nila iyong talagang strict enforcement ng lockdown.

Kung titingnan natin sa Cebu na napakahirap nga pong i-implement iyong lockdown ay talagang they were able to implement it. So, nakikiusap po kami na iyong mga ganitong klaseng issue na nakita natin, siyempre, mayroon din tayong mga shortcomings, dapat ang ano po natin is maintindihan po natin kasi iyong circumstances po na nakuhanan po ng picture na iyon ay hindi po natin alam.

SEC. ROQUE: Last question, please.

USEC. IGNACIO: Teka, pipili lang po ako, Secretary. Kawawa naman po iyong iba kasi na maiiwan na tanong. So, ang tanong po ni Virgil Lopez of GMA News Online: The Philippine economy is likely to collapse if Metro Manila will return to Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ according to Sen. Sonny Angara. Does the Palace agree with this view?

SEC. ROQUE: Well, sabihin na lang po natin hindi nagkakalayo ang pananaw ng IATF at ni Sen. Angara.

Okay, time is up. Maraming salamat po kay Mayor Joy Belmonte. Maraming salamat po kay Sec. Galvez, kay Sec. Dizon, kay Mayor Magalong at kay Usec. Vega.

At sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong spox Harry Roque nagsasabing, Pilipinas, kaya natin ito. We will heal as one.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)