Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque with Pasig City Mayor Vico Sotto


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Muling kinausap ni Presidente Rodrigo Roa Duterte at ilang miyembro ng kaniyang mga Gabinete at ang taumbayan kagabi sa Talk to the People Address kung saan inanunsiyo ng inyong Spox na ang Cebu City ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ simula ngayong araw at ang NCR ay mananatili naman pong under General Community Quarantine or GCQ.

Tulad po ng sinabi ko, napagkasunduan na GCQ pa rin ang Metro Manila sa susunod na dalawang linggo bagama’t kamuntik na nga pong maging MECQ at narekonsidera po ng Pangulo dahil nga po sa pangako ng mga mayor ng Metro Manila na mas papaigtingin pa nila ang local lockdowns at ang T3 – testing, tracing and treatment. Ngunit kung wala nga pong pagbabago sa numero at magiging pabaya ang mga tao, posibleng bumalik po ang Metro Manila sa MECQ.

Ang mga LGUs sa NCR ay magsusumite ng mga sumusunod ‘no: iyong daily trend of active cases, number and percent of population, iyong cases in community isolation facility, iyong mga temporary treatment and monitoring facilities versus health facility, iyong mga ospital and iba pang mga medical centers as against po iyong mga naka-home quarantine. Magsa-submit din po sila ng percent of close contact, percent of contacts in quarantine, number and utilization of community isolation beds, iyong kanilang mga health system capacity targets and utilization, at saka iyong kanilang mga special COVID teams, investigations and results.

Ang mga iba pang lugar na nasa ilalim ng GCQ ay ang Laguna, Cavite at Rizal para sa Luzon. Para naman po sa Visayas, ang mga nasa ilalim ng GCQ ay ang Lapu-Lapu City, Mandaue City, Ormoc City, Southern Leyte sa Visayas. Kasama rin po sa Cebu Province ang siyudad ng Talisay, Minglanilla at Consolacion. Now sa Mindanao naman po, ang mga nasa ilalim po ng GCQ ay ang Zamboanga City, Agusan Del Norte, Butuan City at Basilan.

Now nasa ilalim naman po ng Modified General Community Quarantine ang mga lugar na sumusunod, dito po sa mga lugar na ito kinakailangan ipagpatuloy pa rin po ang localized lockdown at saka iyong zoning containment. Patuloy pa rin pong ipatupad iyong pinaigting na testing, tracing at treatment at kinakailangan i-quarantine pa rin po ang mga returning overseas Filipinos at mga OFW ‘no.

So ang mga lugar pong ito ay sa Luzon: sa CAR po – ang Benguet at ang Baguio City; sa Region I – ang Ilocos Norte and Sur, La Union, Pangasinan, Dagupan City; Region II – Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya; sa Region III – Bataan, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga at Angeles City; sa Region IV-A po – ang Batangas, Quezon, Lucena City; sa Region IV-B – ang Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa City sa Palawan; at sa Region V – Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

Sa Visayas naman po, ang mga lugar na ito ay MGCQ na mayroong zoning containment strategy at strict local action ‘no: Region VI – Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Bacolod at Iloilo City; sa Region VII – ang Bohol, Cebu Province, Negros Oriental; sa Region VIII po – ang Biliran, Leyte, Western Samar, Tacloban City.

At sa Mindanao naman po, ang mga lugar na mapapasailalim sa GCQ na mayroong—MGCQ, Modified GCQ na mayroong containment strategy and strict local action ay ang Zamboanga del Norte, Zamboanga Del Sur at ang Zamboanga Sibugay, sa Region IX po iyon; sa Region X – sa Bukidnon, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, Iligan City; sa Region XI – Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental at Davao City; at sa Region XII po – ang North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat at GenSan City; sa BARMM po – ang Lanao del Sur at ang Maguindanao.

Ang lahat ng mga iba pang probinsya na hindi po nabanggit, sila po ay nasa ilalim po ng GCQ, MGCQ, Modified GCQ na—Modified GCQ po ‘no. So maski hindi na po dapat banggitin, linawin na rin po natin.

Iyong MGCQ na wala na pong zoning containing strategy and strict local action ay: sa CAR – Abra, Apayao, Ifugao, Kalinga, Mountain Province; sa Region II – Batanes, Quirino, Santiago City; sa Region III – Aurora, Tarlac, Zambales, Olongapo City; sa Region IV-B – Marinduque, Romblon at Palawan; sa Region V – Naga City; sa Region VII – Siquijor; sa Region VIII – Eastern Samar, Northern Samar. Sa Mindanao po: sa Region X – Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental; sa Region XI – Sarangani at Cotabato City; sa Region VIII – sa Caraga – Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur; at sa BARMM – ang Sulu at ang Tawi-Tawi.

Sisiguraduhin po ng National Task Force at DILG na mapapatupad ang mahigpit na lockdown sa mga lugar na ni-lockdown sang-ayon po doon sa localized lockdown or granular lockdown. Sisiguraduhin din po nila ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards, mask, hugas ng kamay, social distancing at intensified tracing at quarantine ng closed contacts at isolation ng mga confirmed cases.

Well anyway, para muling mapasigla po ang ekonomiya sa NCR at Region IV-A, ang DTI, DOLE at DOTr ay inatasan na siguraduhin ang pagtaas ng business sector capacity vis-à-vis sa available na transportasyon po.

Sasabihin ko rin po na natanggap po namin ang sulat ni Vice President Leni Robredo tungkol sa COVID-19 response ng pamahalaan. Nagpapasalamat po kami sa mga rekomendasyon ni VP bagama’t sa aking sagot po ay sinabi rin po natin na karamihan po ng kaniyang rekomendasyon ay pinatutupad na ng IATF. Ang mga rekomendasyon po niya ay may kinalaman sa reporting and keeping the public informed, sa budget utilization, sa transportation concerns, sa restarting the economy, edukasyon at sa composition po ng IATF.

Doon po sa komposisyon ng IATF, napag-usapan po iyan sa IATF at napagkasunduan na ang mga lokal na opisyales ay mananatiling resource persons po ng IATF. Bakit po? Eh sa ngayon po, may tatlumpu’t tatlong miyembro ang IATF, lahat po iyan miyembro ng Gabinete at Hepe ng mga ahensiya. Pumapalo po kami ng hanggang walo hanggang sampung oras ang pagmi-meeting. kung isasama po ang mayor, baka beinte kuwatro oras na kaming mag-meeting sa IATF.

Nagpapasalamat po kami kay Vice President sa kaniyang mga panahon na ginugol para ipadala ang kaniyang mga suhestiyon at bagama’t ini-implement na nga po halos lahat po ng rekomendasyon niya ay importante rin po na makipag-communicate pa rin tayo sa Pangalawang Pangulo ng bansa. Ipadadala po namin ang aming detalyadong sagot kay VP Leni bago po matapos ang linggong ito.

Now punta naman po tayo sa mga good news. Open na po ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX segment na natapos po sa Rosario, La Union ‘no. Ang travel time po from Manila to Baguio ay nabawasan na, dati po ito’y anim hanggang pitong oras, ngayon po tatlong oras na lamang. Kapag natapos po ang quarantine at puwede nang lumabas ang lahat, sigurado akong maraming magpupuntahan po sa ating Summer Capital na Baguio.

Isa pa pong mabuting balita, ang Clark International Airport New Passenger Terminal ay 99.14% na tapos na po at magiging operational na sa loob ng anim na buwan. Pumunta po doon ang ating Executive Secretary kasama ang ilang mga miyembro ng Gabinete para inspeksiyunin ang bagong terminal sa Clark International Airport.

Punta naman po tayo sa update tungkol sa COVID-19 ‘no. Ang huling datos ng DOH, mayroon na po tayong 36,260 na mga aktibong kaso ng COVID. Sa bilang na ito, 90.6% po ang mild, 8.6 ang asymptomatic, 0.5% ang critical at 0.4% severe – medyo bahagyang tumaas po ang severe at critikal. At ang nakukuwento po sa akin ngayon, iyong mga nasa ICU, karamihan po ay mga senior citizens. Uulitin po natin, ang mga vulnerable population kasama po ang senior citizen, ang mga buntis, ang mga may comorbidities at ang kabataan, homeliners po muna tayo; manatilli po tayo sa ating mga tahanan.

Mayroon na po tayong 22,976 ang mga nai-report na gumaling, samantalang 1,640 naman po ang bilang ng reported deaths. Nakikiramay po muli kaming sa mga pamilya ng mga pumanaw.

Now, ito naman po ang confirmed deaths by date of death nationwide, makikita ninyo po iyan sa ating infographic. Makikita ninyo po na sa buwan ng Hunyo, bahagyang tumaas po ang mga deaths pero ito po ay pababa na muli. At karamihan po ng deaths diyan sa buwan ng Hunyo ay nanggaling po sa siyudad ng Cebu.

Now, sa paglaban natin po laban dito sa COVID-19, ang responsibilidad ay mapupunta na ngayon po sa mga  LGU dahil mayroon na po tayong mga localized or granular lockdown; sa pribadong sektor na hinihikayat natin na sila na rin po ang mag-alaga sa kanilang mga empleyado at kasama na rin po diyan iyong pagti-testing sa kanila laban sa COVID-19; at sa mga mamamayan dahil alam na po natin, 85% maibaba ang posibilidad na tayo po ay mahahawa kung tayo po ay magsusuot ng mask, 80% bababa ang posibilidad kung tayo po ay magso-social distancing at siyempre, kailangang-kailangan pa rin po na maghugas ng kamay at gumamit po ng mga alcohol at iba pang mga disinfectant.

Ngayon, sa ating kagustuhan po na balansehin ang pananatiling malusog ng ating mga mamamayan at doon sa pagbubukas ng ating ekonomiya dahil kinakailangan naman magkaroon nga po ng hanapbuhay na ang lahat matapos na ang mahigit na 100 days of lockdown, bibigyan po natin ngayon nang mas malaking responsibilidad ang mga LGUs para nga po sa localized lockdown, para sa pagpapalakas ng kanilang testing, tracing and treatment capacity.

At ngayon po, kung kahapon ang kasama natin ay ang Mayor ng Taguig na si Mayor Lino Cayetano, kasama naman po natin ngayon ang Mayor ng Pasig. Ang pamilya ko po at ang aking misis ay nanggaling din po sa Pasig. So ladies and gentlemen, I would like to welcome Mayor Vico Sotto, ang Mayor ng Pasig.

Mayor, ang tanong ko lang po: Ang Metro Manila, nirekomenda po ng UP na mapasailalim sa MECQ dahil ito daw po ang pamamaraan para mapababa iyong tinatawag na ‘R0’ o iyong paghawa ng mga mayroon ng COVID-19. Ngayon po kasi, nakakahawa sila nang mahigit na isang tao at nagpapatunay na mataas pa rin ang community transmission. Pero nagkaroon po ng reconsideration ang Presidente dahil ang sabi po ni Secretary Galvez at Secretary Año, nangako naman po ang mga lokal na pamahalaan na mas paiigtingin nila ang localized lockdowns at paiigtingin din ang testing, tracing at treatment. So ano po ang ginagawa natin sa Pasig ‘no? Paano po natin ipatutupad itong bagong paghamon sa mga lokal na pamahalaan? The floor is yours, Mayor Vico Sotto.

MAYOR SOTTO: Well, unang-una po sa lahat, magandang tanghali sa ating lahat lalo na po kay Secretary Roque. Maraming salamat po sa pag-imbita sa akin.

Kagaya po ng nabanggit ni Secretary Roque, malaki po ang hamon sa ating mga lokal na pamahalaan lalo na po at ngayon ay mananatili po tayo sa GCQ. Pero ibig pong sabihin, kailangan mas maging aggressive tayo sa mga localized or pocket lockdowns.

So ito po, ginagawa ng pamahalaan ng Pasig, ayaw naman po natin na mag-lockdown ng malalaking area dahil talagang maaapektuhan ang ekonomiya. At this point, alam na po natin ang kailangan nating gawin, of course, there’s no playbook for a crisis as big as this or for a pandemic … a worldwide pandemic such as COVID-19. Wala pong playbook, hindi po naranasan ito ng mga mayors before us, so we’re figuring things out as we go. But thankfully, we have the national government, the private sector that is also helping the LGUs – team effort po talaga ang kailangan nating gawin.

Again, we may not a very accurate playbook dahil hindi pa ito nangyayari dati, but at this point, lagi ring pinapaalala sa ating ng Department of Health, more or less, mayroon naman tayong framework na; alam na natin iyong mga kailangan nating gawin – iyong sinasabi lagi na test, trace, isolate. Hindi ko naman po mababanggit na, we don’t have time to mention each of the intervention that we are doing both in terms of health interventions and also socio-economic interventions. But we’re closely working with different government agencies and—I just want to focus on the third ano, iyong testing, tracing, siguro may mga best practices din sa ibang LGU. Naririnig ko rin po sa mga ibang press briefings with Secretary Roque, si Mayor Cayetano nga yesterday.

But siguro, doon sa test, trace, isolate, if you will allow me, if I can focus on iyong last – iyon isolate – and isama ko na rin iyong treatment in general para doon sa mga probable, suspected, as well as iyong mga positive cases natin.

So sa Pasig mayroon po, like in the other LGUs as well, mayroon po tayong triaging ano. Let’s say tumawag sa hotline or pumunta sa health centers, sa ospital, saan natin sila dadalhin? Alam po natin na mas safe kung nasa mga pasilidad ng pamahalaan iyong mga positive or even iyong mga suspected and probable para hindi na sila makahawa sa komunidad.

So what we did was, first we have our quarantine facilities para po sa mga probable ang suspected, pinapasok po namin sila sa Dalhia Hotel. Dahlia, depending on kung ilang miyembro iyong pamilya kasi isang room dapat isang pamilya po iyong nandoon. Kung medyo malaki iyong mga pamilyang nakapasok – we can actually fit up to 300 people there, iyan po iyong picture ng Dahlia Hotel – ito po, probable and suspected cases lang po ang pinapasok namin dito.

Ngayon naman po, para sa mga mild or asymptomatic na patients – ito po actually iyong sinasabi nga ng mga eksperto, ito iyong mas deadly kasi hindi nila alam na nakakahawa pala sila sa mga tao at hindi alam ng mga nahahawaan nila na mayroon pala silang virus na kini-carry nila – mayroon naman po kaming Rizal High School.

So sa ngayon, mayroon po kaming around 100 patients in Dahlia. And then in Rizal High School – this is our centralized quarantine facility – right now, only two buildings are being used pero naka-abang po diyan hanggang sampung building. So in theory, kapag na-max out na po natin ito, hanggang 1,000 patients ang kaya naming i-house. Ang pinaka-challenge na lang po diyan ay iyong health care human resources. Iyong facility mismo ay kaya pa po ng … we have … iyong mga cot beds namin, mayroon po kami sa ngayon, almost 1,000 cot beds na nakaabang. Iyong health human resources po, actually ito po, aaminin ko, ito iyong pinaka-challenge sa pagbubukas namin ng more rooms and accommodating patients.

Very quickly, mai-share ko lang po iyong isa naming case ‘no, actually, a very heartwarming case. Pasigueño po, taga-Barangay Maybunga, nagtatrabaho sa ibang LGU. Pina-test siya ng boss niya, pina-PCR swab siya ng boss niya, nag-positive! Ang ginawa po niya, wala po yata siyang cellphone at that time, naglakad po siya mula doon sa isang LGU, around three kilometers po nilakad niya papuntang Rizal High School. Kumatok po siya sa gate ng Rizal High School at nagpa-admit po siya sa centralized quarantine facility namin.

And in our centralized quarantine facility, we try to make it—siyempre alam natin malungkot sila, uwing-uwi na rin lalo na iyong mga two-three weeks na nandoon, pero we try to make it as … iyong magaan para sa kanila: May mga entertainment din kami; Iyong sa isang picture, may pa-Zumba. Ito po iyong sa slides 6 and 7 po para doon sa nagku-control. May movie night kami para sa kanila para malaman din ng mga ibang asymptomatic and positive na, “Ay, okay pala diyan. Okay pala ma-centralized quarantine, hindi pala iyan parang nakakulong ako. Okay palang ma-admit diyan.” Hindi man super saya siyempre nalayo ka sa pamilya mo pero naaalagaan ka kapag nandoon ka sa centralized quarantine. May mga pa-Zumba, may pa-bingo, movie night, etc.

And then lastly. Para naman po doon sa may sintomas na talaga lalo na iyong mga severe, iyong mga kailangang i-ICU, iyong mga kailangang i-intubate na. Mayroon po kaming, I think, ito po iyong pinaka-unique na ginagawa ng Pasig, mayroon po kaming COVID referral facility. Of course we know, that the national government has a lot of referral facilities for COVID but kami po, as an LGU, we decided to establish our own also, parang tulong na rin namin ito sa national na pamahalaan. Kasi noong una po kaya naming napagdesisyunan na itatag po itong COVID-19 referral facility, dahil noong una po dalawa po ang ospital ng Pasig City. Noong una po, dinagsa iyong General Hospital namin ng mga COVID cases, ang problema nagkakaroon ng cross contamination with COVID and non-COVID.

Mahirap po iyong sitwasyong nangyari ano. So, we decided to convert our Children’s Hospital and I think this is one of the best decisions that we made, because it really increased the capacity of our healthcare system locally here in Pasig. We converted our Children’s Hospital into this COVID-19 referral facility. We did some changes to structure and to the layout of the hospital lalo na iyong para sa doffing and donning ng mga healthcare workers natin. We increased the bed capacity with the help of the Department of Health that took a look at our plans. We purchased ventilators, may mga nag-donate din po ng mga ventilators, all in compliance with DOH guidelines of course. This allowed us to again increase our healthcare systems capacity to take in COVID-19 patients.

Sa ngayon, we have 135 beds including the converted hallways that we have beds there now; 86 ang occupied, so may mga 49 na bakante pa. Ang alam natin kasi napupuno na rin pati iyong Medical City, the big hospitals in NCR napupuno na rin. So, I think this is one of the best decisions that we made in Pasig. It allowed us to treat more COVID-19 patients. It allowed us to reduce the risk of cross contamination to non-COVID patients and it allowed us … importantly, it allowed us maintain the services our general hospital, dahil alam po natin, hindi naman po nawawala iyong mga ibang sakit dahil lang may COVID-19. Overall it allowed us to use our resources more efficiently.

So, ito po iyong mga ginagawa ng lokal na pamahalaan, siguro bago po ako mag-close, ipaalala ko po sa lahat ng manunuod natin, lalo na po may mga Pasageñong nanunuod, lokal na pamahalaan natin like our national government, hindi po kami perpekto, aaminin ko po, may mga pagkukulang, we are always trying to improve, we are always trying to work harder for you. Pero gaya ng narinig ko rin, nabanggit ni Secretary Roque kanina, lahat tayo mayroong tungkulin. Lahat po tayo ay may kailangang i-ambag para po maibsan iyong kahirapang dulot ng COVID-19. So, let’s continue to do our part, magsuot tayo ng mask, maghugas ng kamay, social distancing at sigurado pong kakayanin natin itong COVID-19 at malalagpasan po natin ito. Maraming salamat po. Muli magandang tanghali sa ating lahat.

SEC. ROQUE:  Mayor, may isa pa akong tanong – Oplan Kalinga. Paano po ninyo ipatutupad iyong pagsusundo ng mga asymptomatic at minor cases para dalhin sa isolation centers. May alinlangan po ang ating mga kababayan na ipapaaresto raw sa pulis. Kayo na po ang magsabi, paano po ninyo ipatutupad ang Oplan Kalinga Pasig dahil ito naman ay initiative talaga ng local government units?

MAYOR SOTTO: Yes, huwag po silang mag-aalala, in close cooperation with our national government, ipapatupad po ito ng Pasig, gaya po ng nabanggit ko kanina, we try to make our centralized quarantine as lively, as comfortable for our patients our isolation centers, hindi po ito parang ikukulong iyong mga pasyente natin. In fact this is for their benefit. Kaya sana mag-cooperate po ang lahat at rest assure that this is for the benefit of, not only the patients but for the community in general.

SEC. ROQUE:  Ipaarestuhin po ba sila ng pulis? Iyan iyong sinasabi po ng mga kritiko. Explain po ninyo kung sino po ang susundo sa Pasig.

MAYOR SOTTO:  Kami po ang susundo, hindi po natin ipapa-aresto, unless talagang pasaway na or talagang nakikita natin positive, tapos umiikot, hindi talaga sumusunod. Then we will take the appropriate action. Pero ang nakikita ko naman po, basta masabi sa kanila ng maayos, ma-explain po sa kanila ng maayos, ang mga mamamayan natin sumusunod naman po eh.  Basta ang pamahalaan ginagawa ang trabaho natin, nai-explain naman po sa kanila, sumusunod din naman po ang mga mamamayan ng Pasig.

SEC. ROQUE:  Mayor, naku mukhang nagkamali kayo ng sabi na kayo ang susundo, dahil ang dami na pong text message nagpapasundo po karamihan mga kababaihan sa inyo. So,  uulitin po natin: Hindi po manunundo ng mga kababaihan si Mayor Sotto, iyon lang pong mayroong mild at asymptomatic. At kinukumusta nga pala kayo ng mga kaklase ninyo sa UP Law, nangunguna na po si [unclear].

Okay, punta na tayo sa mga questions. Okay, first question kay Maricel Halili, TV 5.

MARICEL HALILI/TV 5:  Sir, si Senate President Tito Sotto mentioned na iyon daw pong 5th State of the Nation Address ni Pangulong Duterte ay gagawin na daw po sa Batasang Pambansa. Can you confirm this, sir; and if this is the case, gaano po kadami iyong allowed na makapasok inside the Congress and how will you choose the government officials that will be allowed to attend the SONA?

SEC. ROQUE:   Well, sa mula’t-mula naman po talagang ang venue po ay Batasang Pambansa, ang isyu lang kung dadalong personal ang Presidente, ilan nga po ang makaka-attend or kung magvi-video telecast na lang po ang ating Presidente. So, hindi po isyu iyong venue talaga, ano.

So sa ngayon po, wala pa po talagang detalye na naibibigay sa akin. May naririnig akong mga figures, sinasabi daw po ng limitado na parang 25 po sa House at ilang mga senador ang paa-attend physically, dahil ngayon naman po mayroong physically na nag-aattend na mga kongresista. Pero hayaan po ninyo pag-plantsado na maga-anunsyo po tayo diyan.

At Mayor Sotto kung puwede daw ho, if you can join us, dahil baka may mga questions po ang ating miyembro ng Malacañang Press Corps.

MARICEL HALILI/TV 5: Sir, ibig sabihin, hindi pa po final whether the President will personally go to Congress, because that was our understanding based on the statement of Senator Sotto. Wala pa pong final decision on that?

SEC. ROQUE:  Well, the venue is confirmed, it is Batasan; pero ang alam ko po hindi pa po hundred percent sure kung physically mag-a-attend ang Presidente or magbo-broadcast po from Malago to Congress.

MARICEL HALILI/TV 5:  Sir, on other issue lang po. There’s a proposal na gamitin iyong ABS-CBN satellite for distance learning. Ano po ang posisyon ng Malacañang regarding this, is this something that you will consider?

SEC. ROQUE: It’s a good idea, pero ito po ay dedesisyunan ni Secretary Leonor Briones at ni Chairman Popoy ng Commission on Higher Education.

MARICEL HALILI/TV 5:  Sir, paghuli na lamang po, kahapon po nag-anunsyo na iyong ABS-CBN na sisimulan na nila iyong retrenchment for some of their employees. I understand, you already mentioned that they can avail some of the programs of the government. But aside from the existing programs na temporary, ano pa po iyong puwede nating assistance na ibibigay sa kanila; will there be a coordination with the labor department?

SEC. ROQUE:  Well, I have good news po ano. Kasi nga naitanong po sa akin kanina sa aking interview with CNN. So, tinawagan ko na po si Secretary Bello, magkakaroon po siya ng one stop shop center para po sa NCR at para po sa ABS-CBN para makapag-apply din po ang mga mare-retrench na empleyado ng ABS-CBN. Magkakaroon din po siya ng job referral system. Baka magkaroon din po ng parang job fair ‘no. So lahat po iyan ay kinumpirma po ni Secretary Bello. Pero siyempre po ito ay para bigyan ng pagkakataon iyong mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN, but it would be open to everyone, hindi lang po sa ABS-CBN.

Thank you, Maricel. Now, we go to Mela. Mela, wow ikaw pala ang aming sitting in for Usec. Rocky. Yes, Mela.

MELA LESMORAS:  Good morning, Secretary Roque. Mga tanong naman po mula sa Malacañang Press Corps. From Jopel Pelenio of DWIZ: Sinabi ni DTI Secretary Lopez na by July 21, mas luluwagan pa daw po ang ipinatutupad  na mga guidelines  pagdating sa mga pagnenegosyo o kalakaran doon sa mga lugar na under GCQ at Modified GCQ. Maaari ba nating sabihin, sir, na kasama na rin po sa mga mabibigyan ng pagluluwag na ito iyong mga negosyong nasa ilalim ng tourism industry? At mas magiging maluwag na rin daw po ba, sir, ang pagbiyahe from MGCQ to MGCQ areas?

SEC. ROQUE:   Tama po iyan, ang MGCQ to MGCQ po ay madali na ang pagbiyahe diyan kasi pareho po ang kanilang classification. At iyong sa una mong tanong, ang alam ko po talagang magkakaroon ng mas malaking pagluwag sa ilang mga industriya. Iyong mga restaurants po effective 21, pupuwede na po yata ang 50% capacity at iyong mga ibang serbisyo nga po ay pinayagan na sa mga barber at sa mga beauty parlors.

So, pagdating po sa turismo, ang MGCQ po ay puwede na silang 50% capacity sa turismo bagamat kanina po eh pinadalhan ako ng aking mga kaibigan sa Boracay na nagpapakita na bagamat bukas na po ang Boracay sa turismo, napaka-kaunti pa rin po ng mga nagpupunta sa Boracay. So, iyong mga karatig lugar diyan po sa Boracay, bukas na po ang Boracay up to 50%, punta naman po tayo kasi doon sa data na ipinadala sa akin parang 54 tourist pa lang ang na-record doon sa isang araw na pumasok ng Boracay. So, siyempre po, basta MGCQ to MGCQ, puwede naman pong mag-turismo up to 50%.

MELA LESMORAS:   Opo. Now naman, sir, from Rosalie Coz of UNTV: Pinapayagan na po ba sa MGCQ areas ang face-to-face classes? Paki-clarify po dahil hindi malinaw sa address kagabi.

SEC. ROQUE:   Hindi pa po. Pinag-aaralan pa rin po natin, may proposals po na isinumite ang Commissioner on Higher Education at ang DepEd pero ang sabi ni Presidente, i-submit mo sa amin ang written proposals at nang ma-discuss nang mas mabuti iyan, at mayroon pa rin namang panahon para desisyunan. Pero mayroon pong proposal na limited face-to-face, hindi pa po iyan maipapatupad hanggang hindi pa po naaaprubahan ng ating Presidente.

Joyce Balancio, please. Thank you, Mela.

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Yes, good afternoon po, Sec. Roque. Doon lang po sa NCR, nabanggit po natin kagabi na actually, initially dapat MECQ tayo and it was the recommendation of University of the Philippines at initially in-approve din ni Pangulong Duterte. Can you give us more details about the recommendations of the University of the Philippines at bakit din po binigyan natin ng more weight itong appeal ng local government officials when they know na kapag nag-recommend ang UP it is always base on Science and data?

SEC. ROQUE:   Okay, maraming salamat. Unfortunately, hindi lahat noong sinabi ng UP ay na-broadcast kagabi at isa po sa sinabi nila—tatlo po iyong alternatibo na ibinigay nila po para sa Metro Manila at kasama na nga po iyong MECQ at kasama rin naman iyong GCQ na mayroong mas maigting na pagpapatupad nga po ng mga rules sa General Community Quarantine.

Now, noong una nga po, ang sabi kasi – nagtanong po ako hindi lang po ito na-broadcast – mali ba iyong ginawa ko na hinimok ko ang ating mga kababayan na gawin ang lahat ng puwedeng gawin para hindi magkatotoo iyong forecast ng UP pagdating sa numero ng COVID-19? At ang sagot po ni Prof. Rye, tama po iyon. Dapat palagi nating sabihan ang ating mga kababayan gawin ang lahat ng hakbang para hindi nga po magkatotoo ang forecast. At dahil po diyan kapag hindi nga nagkatotoo ang forecast at mas kakaunti ang kaso siguro naman po pupuwede naman tayong matuwa kahit papaano.

Pero ngayon nga po, ang forecast ng UP hindi nagkatotoo dahil ang sabi nila 60-70, nagbago na po sila ng forecast baka 80 at the end of July. Ibig sabihin, hindi nagkatotoo dahil mas marami pang kasong mare-record kaysa doon sa initial forecast ng UP na nakakalungkot po talaga.

Kaya ang rekomendasyon po ng UP base po sa karanasan ng Cebu City na talagang matindi po iyong mga kaso at matindi po iyong pagkalat ng sakit, bumagal po talaga ang pagkalat ng sakit at nabawasan ang kaso noong bumalik po sila ECQ. At dahil nga naiintindihan naman nila na kinakailangan kahit papaano buksan na ang ekonomiya, ang sabi nila, ang rekomendasyon nila ay MECQ. At noong una nga po, sinang-ayunan ni Presidente pero umapela po si Sec. Galvez at si Sec. Año. Sinabi nga po nila iyong pangako ng mga mayor na paiigtingin ang localized lockdown at iyong kanilang mga T3 at nagbago nga po ang isip ni Presidente. So, iyon po iyong sinabi ng UP ‘no.

At ang pangalawang tanong ko pa po na hindi na na-broadcast, kung tama na hikayatin natin ang mga taumbayan na gawin ang lahat para huwag magkatotoo ang forecast? Kaya ba nating hindi talaga bigyan ng katuparan iyong forecast na ginagawa ng UP? At ang sagot po nila, kaya naman po natin iyan, napatunayan natin sa Cebu na pupuwedeng hindi magkasing dami ang kaso ng COVID na kanilang na-forecast sa pamamagitan nga po ng… ito po nasa harapan natin ‘no, iyong mga tinatawag nilang non-pharmacological interventions: social distancing, pagsusuot ng mask at social distancing. So, iyon po ang konteksto kung bakit tayo po ay nagpapatuloy ngayon sa GCQ.

Pero malinaw po, kapag hindi natin napababa iyong “R0” na tinatawag kasi doon sa ipinakitang graph ng UP, talagang mahigit sa one ang “R0”, mas marami pa sa isa ang nahahawaan ng mga COVID positive dito sa Metro Manila, eh baka kinakailangang maghigpit matapos itong dalawang linggong ito.

Pero naniniwala naman tayo na… nakikita ninyo naman ang ginagawa sa Taguig, ang ginagawa ni Mayor Vico sa Pasig – at sa mga susunod na araw iimbitahin pa rin iyong iba’t-ibang mga mayor – may pag-asa po.

So tama po na, unang-una, hindi po tayo titigil, patuloy po nating papaalalahanan ang ating mga kababayan, gumawa po tayo ng hakbang na hindi magkatotoo ang forecast po ng UP. Kinakailangang labanan itong COVID-19.

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Opo, sir. Doon sa ulat sa bayan ni Pangulong Duterte halos wala rin po akong narinig na message from the President. Mayroon ba siyang very specific instructions sa members of the Cabinet na hindi na rin po na-air kagabi?

SEC. ROQUE:   Well, marami naman pong nabanggit ang Presidente. Iyong obserbasyon niya sa kaniyang mga kababayan sa Cebu, kinakailangang mag-cooperate pero ang balita naman sa kaniya ng NTF eh mukha naman pong nakiki-cooperate na ang kaniyang mga kababayan sa Cebu kaya nga po napababa na iyong numero bagamat kinakailangang pababain pa rin iyong mga namamatay sa Cebu.

Ang iba pang mga nasabi niya ay tinanong niya po talaga, ito nga pala, tinanong niya talaga sa mga doktor at dalubhasa na naroroon sa meeting, “kaya na bang buksan ang ekonomiya bagamat tumataas ang numero?”

At ang naging kasagutan naman ng lahat kasama na po ang UP diyan ay kakayanin naman po basta ipatupad nga itong ating istratehiya – localized lockdown, mas maigting na testing, tracing and treatment. Iyong mga vulnerable kinakailangan po talagang maging homeliners!

Ang mga vulnerable, tapatan na po, kapag lumabas kayo kasama na kayo sa death, sa mortality data. Sigurado na po iyan dahil iyan na po ang napatunayan natin sa Espanya, Sa France, sa Italya, talagang wala po kalaban-laban ang mga seniors. At siyempre po, iyong holy trinity na tinatawag – hugas, mask at iwas.

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Opo. Secretary, on a different topic, pardon me for asking this. You were interviewed about—and you’ve mentioned about the donations of the network in this time of the pandemic. In one interview, you compared what the network donated compared to other business groups and you said in that interview that ABS-CBN could have done more.

Just to be clear, sir and for the record, sir, anong koneksiyon ng donations ng ABS-CBN sa COVID-19 pandemic to the issue of the non-renewal of the franchise of the network and the President’s mention of the company when he talked about dismantling the oligarchy? By mentioning this, are you saying, sir, dahil nakukulangan ang gobyerno sa idinonate ng ABS-CBN that’s why it’s one of the reasons na ipinasasara ngayon ang kompanya?

SEC. ROQUE:   Hindi po. Nilalagay ko lang iyong konteksto kung bakit napatawad ni Presidente iyong oligarchs na mga Ayalas at MVP Group of Company. Bagamat siya po ay nagbanta na ipakukulong niya ang mga Ayalas at si MVP, at hindi lang po iyan banta. Itinalaga na po niya ako para magsampa ng kasong kriminal at hindi lang po iyan pagtatalaga, ginawa ko na po ang kasong kriminal laban sa mga Ayalas at kay MVP; Pero ang konteksto po noon bakit ba siya nagpalit ng isip?

At tinanong ko naman po at siguro po ngayon sasabihin ko, magkano ba talaga ang naibigay ng MVP Group at ng Ayala Group? Ang initial po na nakalap ko, ang MVP Group po ay P6.5 billion na actual tulong bukod pa po ito sa mga buwis na binayaran nila nang mas maaga at iyong mga concessions fee na binayaran nila ahead of time – kung isasama po iyan mahigit-kumulang ang sumatotal po ay P20 billion.

At ang Ayala Group naman po, maraming salamat doon sa mga  pamilya mismo ng Ayala na nagbigay sa akin ng pigura, hindi po bababa sa P9.5 billion ang kanilang naibigay para sa COVID response. So, iyon lang po ang konteksto noon. Bakit ba talagang nahabag naman ang Presidente na bagamat itinagala niya ako at handa na—alam po ni Presidente handa na ang kaso, nagawa ko na po. Bakit hindi niya itinuloy? Ito nga po ang dahilan. Iyon lang po iyong aking ilalagay na konteksto.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Secretary, pahabol na lang po talaga ‘no. On the speech of the President I know you mentioned in several interviews that you have no personal knowledge as to the transcript of the entire speech pero nagbabaka-sakali lang ako, sir, by the time na you were interviewed and ngayon, baka you could have, you know, gotten more details as to really what happened.

Just for the record sir, why are we now editing the speeches of the President when in fact before hindi naman po natin ginagawa iyon? Who gets to choose which parts of the speech will be edited out and was it deliberate na iyong portions about ABS-CBN and Rappler, they were edited out and was there any motive at all?

SEC. ROQUE: I’m sorry, same answer – I was not there and I cannot respond. Okay, next question please. Back to Mela Lesmoras.

MELA LESMORAS/PTV: Yes po, sir. From Francis Wakefield of Daily Tribune. Actually follow up po ito sa first question ni Joyce: Dahil daw po muntik nang magbalik sa MECQ ang Metro Manila, does it mean that the Palace admits nabigo ang gobyerno na pababain ang COVID-19 cases sa Metro Manila at kanino po ang pagkukulang? ‘Pag daw po ba binalik sa MECQ ang Metro Manila, paano na ang ekonomiya at kabuhayan ng mga tao? Will SAP be provided again?

SEC. ROQUE: Iyon nga po iyong problema natin, kinakailangan po—ang nangyari naman sa atin, hindi naman po malala. Ang nangyari lang sa atin, naging flat iyong ating case doubling rate, naging from 7 to 9 po ang ating case doubling rate ‘no, 7 days to 9 days. It is at 8-point-something right now. Hindi na po natin napahaba pa kaya nga hindi tayo makaalis-alis po ng GCQ. So hindi naman po talaga lumalala, iyan po ang katotohanan kung pagbabasehan natin ay ang case doubling rate, bagama’t ngayon po medyo talagang mataas iyong utilization natin ng mga ICU beds ‘no.

So—pero ang nais natin siyempre, kung kaya nating makamit ang zero transmission, bakit hindi. Well alam na po natin ang ilang mga bagay na dapat ginawa natin nang mas maaga. Itong Oplan Kalinga, dapat po siguro sa mula’t mula ay pinatupad na natin na kung wala kang sariling kuwarto, wala kang sariling banyo sa kuwarto mo, kinakailangan magpunta ka na sa isolation center, pero ginagawa naman po natin ngayon iyan.

Iyong mga centralized lockdown nakita ninyo naman iyong ginawa ni Mayor Cayetano ‘no, 300 cases sa isang building alone eh napigilan po natin iyong pagkalat nang matinding kalat diyan kasi at more than 1 R-naught, ibig sabihin baka mamaya 600 ang mahahawa kaagad noong mga 300 na na-isolate ‘no sa pamamagitan ng isolated lockdown. So sa tingin ko naman po, with Oplan Kalinga, with localized lockdown, intensified T3, makikita po natin na ang case doubling rate sa Manila posible pong humaba pa at makarating tayo ng MGCQ, Modified GCQ.

Thank you. Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, good afternoon. Sir, short lang ‘no. Kagabi doon sa speech, sa address ni Presidente, we barely heard him. Why was he heavily edited out, the address that he wants?

SEC. ROQUE: Well, sa totoo lang po ‘no, gabi na kasi kaya ako’y umaalis na kaagad ‘no so hindi ko po alam kung sino talaga ang nag-edit. Pero marami po talagang sana po nga napakita gaya noong tanungan namin ni Professor Rye at dito na lang po sa press briefing, at least iyong tanungan namin ni Professor Rye dahil kontrobersiyal iyong aking celebration na hindi tayo umabot sa forecast ng UP ‘no na ang sabi naman ng mga taga-UP tama, ganoon talaga ang gawin natin, hikayatin pa rin natin ang mga mamamayan.

Pero doon sa—kay Presidente kasi, internal I think iyong ginawa niyang consultation eh sa mga dalubhasa. “Puwede ko na bang buksan ang ekonomiya maski ganito ang mga datos?” Dapat siguro nga hindi ko sinabi pero sinabi ko na rin, ang sagot nila ay puwede naman po. Pero he just wanted personal, kumbaga advice ‘no. Tinanong niya, ano na ba talaga ang mga available na mga gamot. So nag-isa-isa po iyong mga kini-clinical trial; mayroon siyang sinabi na pupuwede ba iyong ginagamit sa mga hikain eh gamitin natin – ang sagot hindi po, wala pong datos na nagpapakita na nakakatulong iyan. Ano ba talaga iyong pinakamabuting alam natin para gamutin?

Ang lumabas po, ang pinakamabuti ay iyong tinatawag nating—hindi po siya ventilator eh, High Flow Nasal Cannula, iyan pala po ang pinaka-mas mabuti at hindi ang ventilators kaya nga lang po, ito po’y manufactured in New Zealand at konti lang ang supply ‘no. So ang sabi niya, “Well hahanap tayo ng pera, bumili tayo ng pinakamaraming kaya nating bilhin na High Flow Nasal Cannula,” ‘no. Iyong mga ganiyan po, so it was more of he wanted professional opinion from experts yesterday. So siguro hindi ninyo po alam pero maraming dalubhasa rin po na naimbita kahapon. Unfortunately, nakalimutan ko po sa sasakyan ko iyong listahan na nag-attend kahapon.

JOSEPH MORONG/GMA7:  All right. Sir, just doon sa—initially si Presidente agreed na Metro Manila can go back to MECQ. What were his thoughts when he said na, yeah parang puwedeng mag-MECQ?

SEC. ROQUE: Well, because ang sabi po ni Prof. Rye—tinanong ko nga po siya ‘no, noong sinabi niya na tama ang ginawa ko na hinihikayat natin na huwag magkatotoo ang forecast, sabi ko talaga bang kaya natin na biguin iyang forecast na iyan? Sabi niya kaya, nagawa na nga po iyan sa Cebu. Pero isa sa rekomendasyon nila ay bumalik nga sa MECQ at doon nga po pumasok naman iyong ating Kalihim Galvez at Kalihim Año na baka naman subukan muna natin itong pangako ng mga mayor.

Kasi alam ninyo po sa nakalipas na linggo, naka-tatlo kaming meetings sa mga mayor ng NCR at talagang alam naman po nila na ang responsibilidad ngayon dahil nga kinakailangan buksan ang ekonomiya ay nakasalalay mas malaki sa kanilang mga kamay dahil nga sa mga localized lockdown at iyong pagpapaigting po ng T3 kasama na iyong Oplan Kalinga dahil sila naman po talaga iyong susundo at maglalagay sa isolation centers ng mild at asymptomatic cases.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, I’m interested in the thought process of the President when he said, yeah parang puwedeng MECQ. Why was he receptive? From his point of view ‘no, from what he told the doctors yesterday, why was he receptive to Metro Manila returning to MECQ?

SEC. ROQUE: The promise of the Metro Manila mayors and kasi sinabi rin nila Secretary Briones at saka ni Secretary Popoy na pareho nilang naging estudyante si Prof. Rye. Iba naman kasi ang karanasan ng Cebu City, iisang city lang iyan; pero sa Metro Manila, we have 15 cities and 1 municipality. So hindi pupuwede na sabihin natin na palibhasa nagawa ng isang siyudad gaya ng Cebu City, mangyayari rin sa NCR. At nandoon naman talaga iyong pangako ng mga mayor na talagang aktibo nilang gagamitin ang localized granular lockdown at papaigtingin nga ang T3. So iyon po ang basehan kung bakit hindi na po napatupad iyong MECQ sa Metro Manila pero iyan po ay for the next 2 weeks lamang.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, last. Iyon pong kahapon, iyong start noong address ‘no medyo putul-putol lang iyong thought or iyong narrative nitong CHEd and ng DepEd. May mga na-mention na mga proposals, iyon split iyong curriculum na iyong theoretics will be first semester, laboratories second semester and then si Secretary Galvez mentioned iyon pong [unclear] sa mga dormitories. Can you provide, sir, more context, more data doon sa proposal ng CHEd and DepEd because medyo putul-putol kagabi?

SEC. ROQUE: Well, kaya po hindi talagang nadesisyunan iyan, sabi ni Presidente, “Gusto kong makita in writing mga proposals ninyo. Ibigay ninyo sa lahat ng miyembro ng IATF at pag-usapan natin.” So kaya naman po hindi na siguro brinoadcast in full iyong mga proposals kasi wala pa naman pong desisyon. Hayaan ninyo po, as soon as the formal proposals are submitted, I don’t see anything wrong with sharing it with the media ‘no. Tingnan po natin.

Thank you, Joseph. Back to Mela.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay, sir. Thank you for your time.

MELA LESMORAS/PTV4:  Sir, from Kris Jose of Remate/Remate Online: Sa ikalawang pagkakataon po ay nalagay na naman sa hot seat si Secretary Duque sa kaniyang mga naging anunsiyo. Una ay iyong sinabi nga niyang nasa second wave na ang bansa ng COVID-19 at pangalawa ay ito lang na matagumpay na raw na na-flatten ang curve na naging bent naman. Iyong mga ganitong laban-bawi po na ginagawa ni Secretary Duque sa kaniyang mga pahayag, basehan na po ba ito para alisin daw siya ni Pangulong Duterte sa puwesto at sinabon ba siya ni Pangulong Duterte kaya biglang binawi ang kaniyang anunsiyo na nagdulot na naman ng kalituhan sa publiko?

SEC. ROQUE: Wala pong pagsabon na nangyari. At ako naman noong matapos nangyari iyan, tumawag kaagad sa akin si Secretary Duque ‘no at sinabi nga niya na parang mali iyong salitang nagamit niya. Sabi ko, korekin lang natin. Eh sino ba naman sa media ang magsasabing hindi sila nagkakamali ‘no. So kinorek lang po, hindi naman po na-flatten, nabali at ang ibig sabihin niya, mukha talagang kumonti ang kaso matapos tayong magkaroon ng ECQ at MECQ na kapareho rin ng sinabi ni Prof. Rye.

Okay. Next question please, Trish Terada of CNN.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Hi, Secretary. Good afternoon po. Sir, balikan ko lang po iyong doon sa question ni Joyce kanina. You mentioned partly na nilagay—iyong doon po sa tanong niya about doon sa edited part about the oligarchs. Sinabi ninyo po na nilagay ko lang iyong konteksto kung bakit napatawad ni Presidente ang oligarchs and then you mentioned about naka-ready na po iyong criminal charges versus the Ayalas and then kumbaga itong whole thing was just a premise kung bakit po nagbago iyong isip ni Pangulong Duterte. Sir, just to clarify, ibig sabihin po ba nito hindi pa fully napatawad ni Presidente iyong mga Lopez’s?

SEC. ROQUE: Hindi naman po kasi sila kasama doon sa gustong ipakulong ni Presidente, iyon po ang paulit-ulit kong sinabi doon sa interview ko kay Karen Davila. Ang binalaan niya na ipakukulong Ayala, MVP at doon nga po sa okasyon na iyon sinabi niya, “‘Ayan si Harry Roque, siya na magsasampa ng kaso.” Ako naman, binigyan ako ng kooperasyon – this is the first time I’m revealing this to the public. Binigay sa akin lahat ng dokumento ng iba’t ibang ahensiya, kumpleto po ang dokumento ko, nag-draft na po kami, ready kami for filing pero nangyari po ang COVID.

Hindi naman ibig sabihin na palibhasa tumulong sila to the tune of 6.5 and 9 billion off the hook na sila. Sabi pa rin ng Presidente, kinakailangan amyendahan ang water concession agreement. Kinakailangan ibalik iyong dapat ibalik sa taumbayan. Ang nawala lang is iyong talagang determinasyon na ikulong sila dahil kumolekta sila ng pera, environmental fee na wala namang water treatment facility.

Pero iyon na nga po, kasi ang Presidente, noong panahon ng COVID, ang daming kinakailangan gastusin, maski galit na galit siya noong una dito eh grabe namang galanteng  magbigay, ang MVP group, hindi pa nga due ang tax, binayaran na ahead of time. Pero iyon po uulitin ko po ha, hindi naman ibig sabihin excuse na sila, dahil kinakailangan amyendahan ang c0ncession agreement, ibalik ang dapat na ibalik. 

TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: So, Secretary, on another topic doon naman po sa COVID natin. Sir, what’s the threshold, what is the tipping point for the government that will prompt you to put Metro Manila back to stricter quarantine measures po?

SEC. ROQUE:  Siyempre tinitingnan natin iyong ‘R0’, iyong pagbilis pa rin ng pagkalat, hindi po magbabago, pero ngayon po kasi flat, flat tayo – hindi  tayo umaalis sa between  7 to 9, 8 point something po ang ating case doubling rate. So, kapag iyon po ay bumalik sa 6,5,4 ay naku, balik po talaga tayo sa mas mahigpit. Pero hangga’t maaari po, ang pakiusap nga natin, nasa kamay naman po natin iyan – mask, washing of hands, social distancing – kinakailangan ingatan po natin ang buhay natin para tayo po ay maghanapbuhay. 

TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Last question po.  Since may mga hospitals, dumadami po iyong hospitals natin na nagde-declare ng full capacity of their COVID cases. Puwede po ba, since nagtatayo iyong mga LGUs natin ng kani-kanila pong alternative medical facilities. Puwede po bang for example, a person who is not living in that  LGU, puwede po ba siyang pumunta doon para mag-avail po ng services or makuha po iyong services ng local government unit in case po na mahirapan po siya ma-accommodate doon sa mga ospital na pupuntahan po niya, kahit hindi po siya residente doon sa LGU?         

SEC. ROQUE:   Puwede po, kasama po iyan sa katungkulan ni Dr.  Vega, Usec. Vega sa kanyang One Hospital Incident command. So, nira-rationalize niya po kung nasaan ang mga bakanteng kama, at siya po ang nagre-referee, kung saan dapat pumunta ang mga mayroong pangangailangan.  Thank you Trish, back to Mela please.

MELA LESMORAS:  Yes, sir, from Arriane Merez of ABS-CBN Online. Her first question po is: Why did the Palace omit the part of the President’s speech in Jolo, where he criticized ABS-CBN?

SEC. ROQUE:  Same answer: I was not there, I could not answer.

MELA LESMORAS:  Her next question, sir: The Anti-Terror Law is set to take effect this weekend. What is the Palace message to critics and Filipinos in general?

SEC. ROQUE: Let me check kung kailan talaga ang effectivity ha, kasi may isang kaso—I forget the name of the case now. Bagama’t mayroon nang online, Official Gazette. Ang sabi ng kaso, kinakailangan printed Official Gazette pa rin ‘no. Eh matagal po iyang printed Official Gazette so we will use the … or publication in two newspapers of general circulation ‘no. Pero kung ang initial position po ng Secretary of Justice, since it was published in two newspapers of general circulation – isa na po diyan ang Inquirer – ang 15 days na para maging epektibo ang batas, according to the Secretary of Justice, ay July 19 po.

MELA LESMORAS:  Opo. Another question, sir, From Kris Jose of Remate/Remate Online: Naniniwala po si Communist Party of the Philippines founder Joma Sison na mali si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabing nawakasan na nito ang oligarkiya sa bansa dahil isa aniya ang punong ehekutibo ang itinuturing na oligarch. Sinabi ni Sison na mismong ang Pangulo ang chief political representative ng oligarchy sa Pilipinas. Iginiit rin ni Sison na ang mga pagpapasara ng gobyerno sa ABS-CBN ay hindi nangangahulugan na natuldukan na ang oligarkiya, kung hindi ang pagtatapos ng isang broadcast network na pinapayagan ang kritisismo laban sa mga krimen ng rehimen ng Pangulo. Ano po ang reaksiyon ng Palasyo rito?

SEC. ROQUE:  Wala pong komento ang Palasyo sa mga salita ng terorista. Joma Sison, laos ka na. Bakit ka pa humahawak ng baril, kayang-kaya naman ng parliamentary struggle. No comment to a terrorist.

Melo Acuña of Asia Pacific, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC:  Good afternoon, Secretary. Sa pagbabago po ng sistema sa pagtugon sa COVID-19 patungo sa local government units, hindi po kaya magkaroon ng problema dahilan sa karamihan ng LGUs ay umaasa sa Internal Revenue Allotment? Kung sakali po ba na magkulang ang kanilang pondo, aayuda pa rin po ang national government sa pamamagitan ng dagdag na alokasyon ng salapi para matugunan ang COVID-19 challenges?

SEC. ROQUE:  Melo, fortunately, ang problema natin, Metro Manila and Cebu. And, of course, alam naman natin that 60% of our national economy is dependent on Metro Manila. Ibig sabihin, sapat-sapat naman ang resources ng ating mga siyudad at kaisa-isang munisipyo dito sa Manila. Wala pong problemang ang ayuda sa Metro Manila, at hindi naman kinakailangan pong magbigay ng ayuda sa ngayon dahil hindi naman po tayo naka-ECQ at MECQ. 

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC:  Opo, on another thing, Secretary. Nabanggit po ni Secretary Locsin noong linggo na non-negotiable ang desisyon ng arbitral tribunal na pumabor sa Pilipinas tungkol sa South China Sea. Subalit, nagkaroon po ng pag-uusap sina Ginoong Wang Yi at Secretary Locsin at pinagtuunan ng pansin iyong  pagpapaigting at pagpatibay ng bilateral relations. Nabago po ba ang paninindigan ng Malacañang tungkol sa arbitral tribunal decision? Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:  Melo, hinding-hindi po tayo nagbabago habang ako po ang tagapagsalita. We will agree to disagree on the arbitral award, but it is not the sum total of our bilateral relations with China. We will move on areas na kaya nating isulong ang ekonomiya at ang kalakalan. And we will put on hold iyong mga bagay-bagay na hindi natin mapagkasunduan sa ngayon, kasama iyong ating territorial dispute. Hindi po nagbabago ang posisyon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Yes, back again to Mela. Thank you Melo.

MELA LESMORAS:  Yes, sir from Virgil Lopez of GMA News Online: The AFP said, it has submitted to Malacañang the list of ten generals who may replace AFP Chief Felimon Santos Jr. upon his retirement next month. Has the President started the vetting process or will he extends Santos term? What are the qualities the President is looking for in the next AFP Chief?

SEC. ROQUE: Yes, the President considers as very, very important the appointment of the Chief of Staff. Qualities: Must be able to serve the Republic, okay; must have the competence; must have integrity; dapat hindi corrupt and must have shown  a track record to  serve the Republic.       

MELA LESMORAS:  Opo. Sir, another question from Virgil Lopez: At least 45 lawmakers in the US urged the Philippine government to immediately repeal the Anti-Terrorism Act of 2020. An Illinois lawmaker called the law, a new weapon to suppress the dissent in the Philippines. May we get Palace’ reaction to this po?

SEC. ROQUE: Matagal na po ng independiyente ang bansang Pilipinas sa Amerika. Bagamat noong sinakop po tayo, iyan po ang pinakamadugong bakbakan na nakita ng buong daigdig, kung saan ang Amerikano ay talaga naman pong nilabag ang tinatawag na batas na umiiral kapag mayroon pong labanan. Pinatay po nila lahat ng nakikita nilang gumagalaw lalung-lalo na sa mga lugar ng Samar.

Having said that, nasa hukuman na po iyan. To the congressmen who signed it, we have a working judicial system and we can rely on our judicial system to rule on the constitutionality of the Anti-Terror Law. Pero huwag na po kayong maghimasok, hindi na po namin kayo colonial masters; independiyenteng bansa na po kami.

MELA LESMORAS:  Okay, sir. Sir just a follow up from Gillian Cortez of Business World, though, nabanggit na rin po ninyo, sir: To be specific, does the Palace think the US is interfering with our country’s state matters again through this call to repeal the law?

SEC. ROQUE:   Well, siguro po iyan iyong mga colonial-minded pa na nakalimutan na independiyente na tayo ‘no. So hayaan na po natin iyan, basta—anyway, ang matter na Anti-Terror Law, nasa Korte Suprema na po natin iyan, hayaan po nating desisyunan ng Korte Suprema.      

MELA LESMORAS:  Sir, from Sam Medenilla of Business Mirror, iyong   first question po niya ay natanong na kanina. Iyong second naman po: Nabanggit po ulit ni Secretary
Duque during the Pre SONA forum iyong proposal nila na pag-establish ng Philippine Center for Disease Control so the country will be ready for future diseases. Will President Duterte certify as urgent the pending bills creating PCDC once Congress resumes its regular session?

SEC. ROQUE: Most likely po.

MELA LESMORAS:  Last question from Sam Medenilla: Karamihan po ng OFW are still not members of PhilHealth. Tapos President Duterte ordered Philhealth to defer making it mandatory for OFWs to pay Philhealth premiums. Itatanong ko lang po, how the government plans to help OFWs pay for their COVID-19 testing and treatment kung ma-infect sila? Will the government allocate funding to pay for the Philhealth premiums of OFWs?

SEC. ROQUE: Kaya naman po ako naniniwala na magbabayad ng boluntaryo ang mga OFW. Hindi ka naman po mag-o-OFW kung wala kang dapat sustentuhan dito sa Pilipinas. So maski wala  po sila sa Pilipinas, mayroon silang mga anak; kung walang anak, asawa; kung wala, may mga magulang na mangangailangan po ng libreng gamot at pagamot, at ang kinabukasan po ng Universal Healthcare ay nakasalalay doon sa kontribusyon na binibigay natin at doon din po sa kaban ng taumbayan. So kampante po ako, kung mapapaliwanag na mabuti, ang mga OFWs ay magbabayad pa rin po ng Philhealth.

Okay, now—wala kayong tanong kay Mayor Vico?  Mayor, ang dami-dami ng text messages nagbibigay ng mga address kung saan niyo sila puwedeng sunduin. Ano pong mensahe ninyo sa mga gustong magpasundo sa inyo, Mayor Vico?

Nawala na yata si Mayor. But anyway, maraming,maraming salamat Mayor Vico Sotto. At sa susunod nating Press Briefings, iba-iba pang mga mayor po ng Metro Manila ang ating ipi-feature para malaman naman natin ang kanilang mga hakbang na ginagawa laban dito sa COVID-19. Wala na po tayong tanong, tapos na po ang press briefing.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte. Ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Pilipinas, laban tayo sa COVID-19.

Stay safe. Good afternoon to all of you.              

   

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)