Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang umaga po sa inyong lahat. Sisimulan ko muna ho sa pamamagitan ng pagbibigay anunsiyo sa ilang mga punto na nais iparating sa inyo ng ating Pangulo.

Unang-una, dahil Public Enemy Number One nga po itong COVID-19 hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo, inanunsyo po ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya ng hanggang sampung milyong piso sa kahit sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19.

Pinapaanunsiyo rin po ng ating Presidente na siya po ay magbibigay ng isang substantial grant sa UP at sa UP-PGH para po maka-develop nga ng bakuna laban dito sa COVID-19.

Binibigyan linaw din po ng Presidente na ang kaniyang binanggit sa huling talumpati niya ay para tumulong at tawagin ang AFP para nga ipatupad po ang ating ECQ. Wala pong iligal dito. Sang-ayon po sa desisyon ng ating Korte Suprema, ito po ay ginagawa ng lahat ng administrasyon – tumatawag sa AFP kung kinakailangan na magpatulong sa AFP.

Gayunpaman, uulitin ko po, sa ating Saligang Batas, mayroong tatlong extraordinary kapangyarihan ang ating Presidente bilang Commander-in-Chief ng Hukbong Sandatahan. Ang pinaka-less intrusive ay ang tinatawag na “calling out powers”; ang susunod po ay iyong “suspension of the privilege of writ of habeas corpus”; at ang pinaka-draconian ay ang martial law po.

Ang binabanggit po ng Presidente, kung hindi po makuha sa ordinaryong pakiusap sa AFP para ipatupad ang ECQ dahil marami talagang pasaway, hindi po siya mag-aatubili na i-exercise ang kaniyang calling out powers para po tawagin nga ang Hukbong Sandatahan para ipatupad ang ECQ.

Pinababalita rin po sa atin ng DTI na mayroon na po tayong kapasidad na gumawa ng sampung libong PPEs na dati-rati po ay ini-export natin, ngayon po ay gagamitin na natin dito sa Pilipinas.

At ang inaasahan po natin ay darating din po iyong 74,000 PPEs na in-import natin sa pamamagitan ng PITC ngayong Biyernes. So iyong mga humihingi po ng PPEs, parating na po iyong ating in-import; at gumagawa na po tayo ng sampung libong PPEs araw-araw.

Mabuting balita rin po, sang-ayon po kay Secretary Vince Dizon, ang kauna-unahang pasyente po na gumaling sa COVID-19 ay na-release na sa ating We Heal as One Center dito po sa Ninoy Aquino Stadium. Mabuting balita po ito dahil isa sa pamamaraan kung paano natin po mapuprotektahan ang ating mga kababayan dito sa COVID-19 ay sa pamamagitan ng pagtatayo po ng iba’t ibang We Heal as One Centers, kasama na po diyan ang Ninoy Aquino Stadium. Itong tao pong nag-recover ay taga-siyudad ng Maynila. At inaasahan po natin na marami pa pong gagaling dito sa mga We Heal as One Centers natin.

Mamaya po ay magkakaroon na po ng turnover diyan po sa NEDA. At okinagagalak ko pong ipakilala ang ating Acting Secretary ng National Economic Development Authority, siya po ay si Dr. Karl Kendrick T. Chua; siya po ay dating Undersecretary ng Strategy Economics and Results Group ng Department of Finance. Ito po ay ang opisina na siyang bumuo ng 10-point socio-economic agenda na ipatutupad sa pamamagitan ng equitable and sustainable financing through tax reform. Bago po siya pumasok sa ating gobyerno, at siya po ay nanungkulan nang mahigit kumulang apat na taon bilang Undersecretary, siya po ay nagtrabaho sa World Bank bilang country economist ng Pilipinas. Dito po sa kaniyang appointment sa World Bank, siya po ang nagbigay ng advice sa ating gobyerno para sa mga istratehiya at mga polisiya para po maging inclusive ang ating economic growth. Twelve years po siyang nagtrabaho sa World Bank.

Si Dr. Chua po ay graduate ng UP para sa kaniyang MA in Economics at ang kaniyang PhD. At siya rin po ay graduate ng Ateneo de Manila para sa kaniyang undergraduate education.

Ano po ang mandato ng Presidente kay Secretary Chua? Unang-una, ipatupad sa lalong mabilis na panahon ang national ID system; pangalawa, atupagin po itong COVID recovery plan; at pangatlo, iyong mas mabilis at mas mabuting pag-implementa ng mga Build, Build, Build projects sa pamamagitan ng investment coordination committee. Welcome on board, Secretary Chua.

Now, kahapon po ay kinukumpirma ko po na natuloy po ang kunsultasyon ng ating Presidente sa mga dalubhasa. Mahigit-kumulang limang oras pong tumagal ang ating pagpupulong. Nagsimula po siya ng alas singko, natapos po ng alas dyes ng gabi.

Nandoon po sa meeting ang mga dalubhasa at saka nandoon po ang mga dating Secretary of Health, pinamumunuan po ni Secretary Esperanza Cabral, Secretary Janet Garin, at ni Secretary Jaime Galvez Tan. Nandoon po si Dr. Susan Mercado, si Dr. Anthony Leachon, Dr. Anna Lisa J. Ong-Lim, Dr. Marissa Alejandria, Dr. Katherine Ann Reyes, and si Dr. Mahar Lagmay na ating bisita po ngayon sa ating briefing.

Sinamahan po siya ng ilang miyembro ng Gabinete at ng ating Senate President Tito Sotto; House Speaker Alan Cayetano; at ang Chairman ng Committee on Health ng Senado, si Senator Bong Go; at Chairman ng Committee on Health ng Kamara de Representante, si Angelina Tan.

Wala pong desisyon ang Presidente kung paano ang mangyayari pagdating ng atrenta ng Abril. Gayunpaman, ang unang nagbigay sa kaniya ng payo ay ang ating Department of Health at ang ating NEDA. Gaya ng nabanggit ko na po noong nakalipas, ang report po at mungkahi ng DOH at ng NEDA ay, unang-una, kinakailangan munang ma-attain natin ang minimum health preparation. At pagkatapos, kung mayroon na pong mga minimum health strategies na na-attain ay baka pupuwede na pong magkaroon ng patuloy na ECQ o di naman kaya modified kung hindi po completely ili-lift na ang ECQ.

Ang mga opsyon po ay siyempre nakadepende kung na-flatten na po ang curve sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Ibig sabihin ay titingnan po natin iyong mga kaso ng COVID hindi lang po sa buong isla ng Luzon, kung hindi sa iba’t ibang bahagi ng Luzon dahil mayroon naman po talagang ibang mga lugar na mas marami ang kaso kaysa sa ibang mga probinsiya dito sa Luzon mismo.

Sa Luzon mismo po, ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 ay sa Metro Manila, sa CALABARZON at bahagi ng Bulacan. Sa Visayas, ang pinakamarami pong COVID cases ay ang Cebu City; at sa Mindanao po, ang Davao po ang pinakamaraming COVID cases.

Hindi naman po daw nakapagtataka na ang Metro Manila, Cebu at Davao ang pinakamaraming kaso ng COVID dahil ito naman po talaga ang sentro ng commerce at transportation ng Luzon, Visayas and Mindanao.

So ang istratehiya po na nirekumenda ng Department of Health at ng NEDA ay kung anuman ang magiging desisyon ng ating Presidente, dapat nakabase rin po ito doon nga po sa numero ng mga tao na maapektuhan kapag tayo po ay tinanggal ang ECQ. Ibabalik ko po iyong kauna-unahang graph na ating ginamit, ang desisyon pong ito ay pagdating po ng atrenta ng Abril, kung tayo po ay magpapatuloy ng ECQ sa buong Luzon, talaga naman pong bababa ang numero ng mga kaso ng COVID-19.

Ang tanong: Kaya ba natin po na paantayin ang ating mga kababayan nang ganitong katagal? Kaya ba natin silang buhayin? Kaya nga po ang balanse ay sa pagitan ng karapatang mabuhay at karapatang magkaroon ng hanapbuhay.

Uulitin ko po, ang basehan ng rekumendasyon ng NEDA at ng DOH ay, unang-una, tignan kung ano iyong mga kaso sa iba’t ibang geographical areas ng Luzon at doon sa mga lugar na either hindi masyadong mataas or wala, siguro po ay pupuwedeng ikunsidera na i-modify o di naman kaya itigil ang ECQ. Pero doon po sa mga matataas ang kaso ang COVID, kinakailangan pong itimbang pa rin iyong karapatang mabuhay sa karapatan na magkaroon ng hanapbuhay.

Now, bukod po sa ating DOH at sa NEDA, siyempre po kinunsulta niya ang mga dalubhasa na iniisa-isa ko po ‘no. Ilan po doon sa mga significant na rekumendasyon ng mga umapir (appeared) bilang resource persons, si Secertary Garin po, ang sabi po niya, dapat siguro nga pag-aralan kung nasaan iyong mga lugar na pinakamaraming COVID cases at iyong mga lugar na iyon ay ipagpatuloy nga po ang ECQ dahil sa kaniyang paningin ay importante na iyong mga ayuda na binibigay natin sa lugar na mayroong ECQ ay talagang mapunta lamang doon sa mga apektado ng COVID-19. Ngayon po daw kasi, ang kaniyang obserbasyon ay lahat nabibigyan ng ayuda maski doon sa mga lugar na kakaunti lamang o kung wala man ang kaso ng COVID-19.

Si Dr. Jaime Galvez Tan ay nagsabi po na kinakailangan magkaroon ng isang comprehensive communication plan para po dito sa hinaharap nating problema. Ang sabi rin po niya, kinakailangan na magkaroon ng research-based health surveillance program. At kinakailangan din daw po na magkaroon tayo ng distinction between doon sa mga areas na red or kritikal dahil marami pong COVID cases, at iyong mga areas na light red o hindi masyadong kritikal ang mga areas. Minungkahi rin po niya na bukod po sa PCR at saka sa rapid testing kits, gamitin din po natin ang X-ray ‘no at iba pang mga bagong teknolohiya para po ma-determine kung mayroon ngang COVID ang isang tao.

Now, isa po sa nagprisenta rin kahapon ay si Dr. Mahar Lagmay at siya po ay nagprisenta on behalf of the whole UP system – ang sabi po niya, mula UP-Mindanao hanggang UP-Baguio.

Now, dahil nag-request naman po ang ating NEDA at ang DOH na huwag munang isapubliko kung paano iyong suggested framework nila na gagamitin ng ating Presidente para magdesisyon kung babaguhin o ipagpapatuloy ang ECQ, humingi naman po ako ng abiso sa ating Presidente kung pupuwede naman nating i-allow si Dr. Lagmay na magprisenta dahil ito naman po ay isang report galing din sa lahat ng dalubhasa ng UP system na mayroong mandato po saka batas na bumubuo ng UP bilang isang national university na magbigay ng ganitong tulong sa ating republika.

So mga kaibigan, nais ko pong ipakilala sa inyo ang aking kaibigan Dr. Mahar Lagmay. Siya po ay produkto ng UP noong kaniyang undergraduate at ang kaniyang PhD work po ay galing po sa Cambridge University. Siya rin po ay isang founder, gaya ko, ng Pinoy UK, isang asosasyon po ng mga nag-aral sa Inglatera. Dr. Lagmay, please…

DR. LAGMAY: Maraming salamat, Ginoong Harry Roque – Secretary Harry Roque. Ako po ay kumakatawan doon sa mga lahat ng dalubhasa na nagbigay ng tulong, nag-research at walang sawa, 24/7, na pag-aralan kung ano ang nangyayari dito sa COVID upang magamit natin ang siyensya sa pagpuksa nito. Ito po ang nilabas namin kahapon noong nagkonsulta si Presidente, at ang title po niya ay “Visualizing the COVID-19 Threat for Anticipatory Planning”.

Marami po ang kasama dito, kasama po ang mga mathematicians, statisticians, epidemiologists, mga mappers, mga nangongolekta/nangangalap ng datos mula sa mga LGU, galing sa internet at pinag-aralan po kung ano iyong nangyayari. Ang sabi po ng ating mga modelers, saka ng mga epidemiologists ay iyong ating ECQ na nagsimula noong Marso pa medyo epektibo. Makikita natin dito sa linyang ito na iyong dilaw, kapag ito ay itinigil natin, mangyayari po ay tataas ulit iyong ating mga cases, pero kapag itinuloy natin ito, bababa ito hanggang tuluyan siyang mawala.

Pero hindi naman pupuwedeng ganoon kasi kailangan balansehin natin ang kalusugan at ang ating ekonomiya; ayaw naman po nating magutom ang mga tao. So kaya kailangan mayroong patakbo sa ekonomiya na maganda. Nasaan po ba ang balanse noon? Ang hinahanap po natin ay iyong gradual relaxation ng ECQ na kung saan tayo, iyong orange po na nakikita ninyo diyan sa linya na kung saan ay mapapayagan na hindi gaanong kalawak ang spread ng virus at kakayanin ng kapasidad ng ating mga ospital.

Kumbaga sa Ingles, eh this—pagdating sa reproductive number one na tinatawag ng mga epidemiologist, iyon po ang hinahabol natin, iyong R is equal to 1. Makikita po natin dito sa graph na ito, iyong Pilipinas ay pababa nang pababa, iyon po iyong itim, pababa nang pababa iyong R at hinahabol natin iyong R is 1. Kasi that is where we hold them, how we hold them, that is where we fight at saka iyan po iyong kailangan natin para pigilan ang spread ng COVID virus. Mas maganda na mas mababa po sa 1. So iyan ang magic number – R: 1.

Kung ikukumpara po natin iyong graph doon sa Korea at Singapore, eh medyo maganda po ang performance at dulot na rin iyan noong ating ECQ. Kung ikukumpara naman sa mga ibang bansa, makikita din natin dahil sa ECQ, ay may nakikita na tayong trend, bagama’t kung mayroong magtatanong kung tama ba iyong statistics na iyan, ay mayroon pong sample set na puwede rin nating makita na magbibigay sa atin ng ideya na kung epektibo po ba iyong ating ECQ o hindi.

Mayroon din po tayong mga tinitingnan na mga bagong mga pamamaraan para makita natin kung nasaan ang threat ng COVID. Eh hindi naman po buong Pilipinas ang mayroong COVID, kapag tiningnan natin at minapa (map) iyan, lalabas po na iyong buong Pilipinas ay hindi lang nandoon sa ang COVID ay limitado sa mga ibang lugar. Ang Metro Manila gaya po ng sabi ni Secretary Roque ay nandoon na, doon sa threshold ng ating probability of outbreak. So outbreak, actually outbreak threshold na sa Metro Manila dahil sa taas po ng numero ng mga cases na active ng COVID.

Pero marami pa pong lugar na hindi naman ganoon ano, so tinitingnan din po. Para iyan makita natin saan mag-a-anticipate ng laban at saan natin ilalagay iyong mga resources, ipa-prioritize para mas maganda ang laban natin sa COVID. Tinitingnan po natin iyong R, puwede po nating tingnan iyan sa website, ncov.ph at bawat siyudad at bawat probinsya po ay makikita ninyo kung ano ang performance laban sa COVID. Again ang magic number ay R; kapag 1, ibig sabihin po niyan ang ating mga health systems ay maganda ang kapasidad, kaya pong matingnan iyan ng mga doctors natin at mapagaling iyong mga severe cases at critical cases ng COVID-19.

So importante po ang modeling, importante ang statistics, importante ang mathematics. Gaya po ng eleksiyon, kahit konti lang ang sample set ninyo ay kaya ninyong mag-predict doon sa survey, sa statistics, kung sino ang mananalo doon sa eleksiyon o hindi.

Noong tiningnan din po iyong mga number ng mga schools ‘no—iyong interaction pala rather ng mga different age groups, iyong zero to 19 years old, iyong mga matatanda … nakita po doon sa models na iyong interaction ay pinakamalaki kapag iyong mga bata ang nag-i-interact. In fact, it’s roughly around 56%, at base doon sa mga models, kapag tayo ay walang klase – ito po ay nirerekomenda – kapag walang klase hanggang December ay malaki po ang maibabawas natin sa transmission ng COVID-19.

So ito po ay isa sa mga rekumendasyon na binigay kahapon doon sa meeting at mayroon din po na mga tungkol sa economy. Mayroon po tayong mga important sectors for rebooting the economy, mayroon din tayong mga sectors for contributing to the spread of the virus. Pinaghiwa-hiwalay po iyan at makikita po doon sa paghihiwa-hiwalay na iyon ano ang mga maaaring rekumendasyon na puwedeng gawin ng gobyerno.

Higit sa lahat po, iyong mga datos at saka iyong mga models ay naaayon lamang doon sa quality ng tinatawag na data. Gusto po natin na maging real time, maging araw-araw ang reporting kaya gumawa din po ang UP ng mayroong infrastructure, mayroong system na kung maaari lahat ng LGU ay maglagay ng kanilang impormasyon kada barangay araw-araw upang ang ating datos at ang ating mga statisticians, mathematicians, epidemiologists ay mas maganda ang mga predictive models na kakailanganin natin matapos ang ECQ ngayong April 30.

Mas maganda po na umpisahan na po natin ngayon iyan para ang ating survey at ang ating pag-predict o pag-forecast noong kinakailangan natin na impormasyon ay maihatid na ngayon para ngayon pa lamang nakakapagprepara na tayo. Iyon lamang po at maraming salamat!

SEC. ROQUE: Thank you, Dr. Lagmay. Limang oras po iyong naging konsultasyon ng ating Presidente, pero siguro po mayroong mga commonalities na sinabi ang mga dalubhasa. Ang narinig ninyo po ay ang presentasyon ng UP system na marami rin naman po ang sumang-ayon doon sa mga naimbita nating mga eksperto dahil ilan po sa kanila ay galing din po sa UP ‘no?

Pero ang mga commonalities po: number one, wala pong nagrekomenda ng total lockdown. Wala pong nagrekomenda ng total lockdown. Ang option na lumabas kahapon ay ipagpatuloy, ‘di naman kaya i-relax, o ‘di naman kaya completely itigil ang ECQ sa iba’t ibang lugar ng bansa depende sa dami ng kaso ng COVID-19.

Okay. Questions, si Joyce Balancio po ng DZMM

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Yes. Good afternoon po, Secretary Roque. So just to be very clear, ang options na lang ni Pangulong Duterte ay just two, that is to extend the Luzon ECQ or to implement a modified ECQ. Tama po ba, sir?

SEC. ROQUE: I will not say those are the only options of the President because the President will decide for himself. Pero doon sa konsultasyon po, walang nagrekumenda ng total lockdown. Ang naging rekumendasyon lamang, i-maintain, i-relax o i-lift ang ECQ sa iba’t ibang lugar depende nga sa kaso ng COVID-19.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Okay. Particularly po doon sa medical experts, because you mentioned former Secretary Garin mentioned about modified. So ibig sabihin po ba, most of the medical experts, ang kanilang recommendation to the President is for modified ECQ implementation?

SEC. ROQUE: I would say that there was almost as consensus na ang ECQ eh hindi naman dapat ipatupad sa buong Luzon. Ito po ay by way of recommendation, na depende sa dami ng kaso, eh pupuwede nga pong as is, i-relax or i-lift ang ECQ.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Okay. And hearing the President asking questions and also being briefed by medical experts, do you see him as, you know, inclined to support a modified ECQ Secretary?

SEC. ROQUE: Hindi ko po masabi dahil ang Presidente ay nakinig bagama’t I will quote him kung anong nais po niyang marinig sa mga eksperto.

Quote 1: “What will happen if he lifts ECQ to certain kinds of people? What good will lifting or relaxing ECQ give to certain sectors of society? How many people will die if ECQ is lifted, modified or retained? Is there a possibility of a second wave of COVID if ECQ is relaxed or lifted?” And finally, he said that if people are allowed to go out of their homes, is there a danger for the disease to spike anew or is this just really round one of COVID?

Bagama’t ang sabi nga po ng Presidente, sa kaniyang pag-iisip, ang mabuting balita ay mas marami na po ngayong gumagaling kaysa sa namamatay dahil po sa COVID-19.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Iyon hong mga nabanggit po ninyo na questions quoting President Duterte, ito po iyong mga kung saan siya nakulangan po ano? Kasi sabi po ni IATF spokesperson Karlo Nograles, he tossed back to IATF at inutusan niya na mag-usap pa kayo kasi may mga hinihingi pa siya. So, ito po iyong mga nabanggit ninyo na hinihingi pang information ni Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: I quoted the President po, verbatim.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. And then also, Secretary, nakita ko po sa picture si Senator Bong Go was also present during the meeting. And yesterday, he had a statement saying he favors the extension of ECQ in Metro Manila. Was it also discussed during the meeting? And what were the President’s thoughts on this?

SEC. ROQUE: Wala pong desisyon at hindi po nagsalita ang Presidente. Ang sabi nga po ng Presidente eh ang kaniyang desisyon may come today or it may come on April 30 kasi kung anuman ang desisyon niya baka ang mga tao ay lumabas sa kanilang mga bahay. Pero ang malinaw nga po ay wala pong nag-recommend na ang ECQ ay ipatupad sa buong Luzon. Sinasabi lang po nila, kinakailangan i-relax or i-lift doon sa mga areas na wala namang madaming kaso ng COVID-19.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, after medical experts, si Pangulong Duterte may balak ba siyang makipag-meet with at least for the private sector or business sector groups kasi sila din they have proposal on ECQ?

SEC. ROQUE: Nadinig na po ni Presidente ang proposal ng private sector dahil nagkaroon na po ng briefing si Presidential Adviser on Entrepreneurship, si Secretary Joey Concepcion, at hindi naman po malayo ang rekumendasyon ni Secretary Concepcion.

Sa kaniya po, hindi rin tama na ipagpatuloy ang ECQ sa buong Luzon at ang suhestyon po ng pribadong sektor ay pag-aralan siguro maski sa Metro Manila kung ano iyong mga barangay na mataas talaga ang kaso ng COVID-19 at ipagpatuloy ang ECQ doon sa mga barangay na mataas po ang bilang ng COVID-19.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay, sir. Last from me na lang po. Did he give a deadline to IATF sa… you know, kapag gagawa ng meeting and providing him with information he needs in order for him to make the decision?

SEC. ROQUE: Well, it’s an open-ended deadline kasi nga po ang sabi ng Presidente – he can decide today, he can decide on April 30. So, until the President actually makes the decision, pupuwede pa po lahat ng taong gobyerno na magbigay ng suhestyon.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you so much, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Good afternoon, Secretary Roque. Question from Chona Yu of Radyo Inquirer. Inulit lang po niya iyong napag-usapan daw po. Ano daw po iyong napag-usapan sa meeting kagabi at ano daw po ang directive ni President Duterte?

SEC. ROQUE: Nasagot na po natin iyan. Next question po.

USEC. IGNACIO: What is the decision of the President on the recommendation of Finance Secretary Dominguez to resume POGO operations?

SEC. ROQUE: Wala pa po. In fact, kahapon po hindi po napag-usapan iyan. Pero iyong pagbubukas po ng POGO ay kabahagi po iyan doon sa suma total na dapat desisyunan ng Presidente dahil matapos po tanungin kung gaano kalala ang problem sa COVID sa isang partikular na lugar eh mayroon nga pong mga kuwestyon na dapat sagutin: Ano iyong mga industriya na dapat buksan at ang dapat buksan po? Gaya nang nakita ninyo sa slide ni Dr. Lagmay ay may mga industriya naman na low risk sa population at low risk din naman pero high impact on the economy.

So, ang POGO po kabahagi po iyan siguro ng isang industriya na nagbibigay ng cash resource sa Presidente, sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng buwis at ang tatanungin po natin is ano iyong risk na pino-pose ng operation ng POGO? Mababawasan ba iyong risk ng pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng social distancing at pupuwede bang mag-work from home iyang mga POGO industries na iyan?

Si Trish Terada ng CNN Philippines.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Secretary, good afternoon po. Sir, part of the recommendations or at least doon sa na-discuss ng experts before the ECQ can be lifted or at least iyong recommendations din ng World Health Organization, there should be a minimum threshold or minimum requirements na kailangang ma-meet in terms of preparation. Sir, can we say now that in terms of what we have, in terms of the supply of PPE, test kits, ready na po ba tayo at least lang doon sa level na iyon, sir, sa health requirements?

SEC. ROQUE: Siguro para maintindihan ng taumbayan iyong sinasabi mo, ibabalik ko iyong graph. Kasi iyong graph na unang pinagbabasehan natin, mayroon ditong linya na flat, iyong linyang flat na iyan, ang goal natin is number one: to flatten the curve. Pababain iyong numero ng COVID cases. Pero iyong dotted lines, iyan po iyong kapasidad ng ating health industries para magbigay ng medical treatment sa mga nagkakasakit ng COVID.

So, makikita po natin na as a basis for rational decision matapos ang ECQ natin sa a-trenta ay pupuwede sigurong magkaroon ng modified. Bakit po? Dahil itong sa yellow line naman nakikita natin na bagama’t tataas ang kaso ng COVID, sapat naman po ang kahandaan ng ating health sector para magbigay lunas doon sa mga magkakasakit – iyan po iyong yellow line.

So, bagama’t relaxing the ECQ will definitely increase the number of COVID cases basta kakayanin po ng ating health sector na bigyan ng medical attention sila ay pupuwede naman po sigurong i-pursue iyan.

So, anong kakayahan natin? Well, siyempre po, number one: nandiyan na nga po iyong We Heal as One Centers natin. At nagagalak nga po ako na hindi lang iyan Rizal Memorial Stadium, nandiyan na rin po ang PICC, ang World Trade Center; sa Central Luzon po nandiyan iyong Athlete’s Village ng Southeast Asian Games, nandiyan iyong ASEAN Center, nandiyan po iyong Philippine Arena.

At iyan po iyong pinaghahandaan natin nga dahil kapag na-relax ang ECQ eh inaasahan natin tataas talaga ang number ng COVID cases. Basta sapat po ang ating resources para gamutin sila ay siguro po ay pupuwede nating ikunsidera iyan. Pero uulitin ko po, wala pa pong desisyon at siyempre po, ang WHO advice na dahan-dahan dapat ang pagbabalik sa normal ay ikukunsidera rin ng ating Presidente. Pareho naman ho ang World Health Organization’s advice doon sa mga advice ng mga dalubhasa kagabi dahil wala ring kahit sinong dalubhasa na nagsabi na i-lift na altogether ang ECQ. Wala pong ganoong nagbigay ng rekumendasyon.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: But, Secretary, at this point, in case lang po if we have a modified lockdown, did the experts present any projected impact or increase doon po sa bilang ng COVID cases sa country sakali lang po na ma-lift po?

SEC. ROQUE: Well, I think on the basis of the graph, iyong relaxation in areas where COVID cases are not prevalent or inexistent is something that our health sector can already address, pero ibig sabihin niyan kinakailangan ituloy pa rin iyong ECQ doon sa mga areas na mataas pa rin ang outbreak ng COVID-19.

Pero gayunpaman, iba’t ibang recommendation nga ang narinig ng Presidente. May rekumendasyon na it be on a provincial, city, municipal and of course, on a barangay level as suggested by the private sector.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, finally, what can Malacañang say about doon sa criticisms specifically by the director of Arms and Security Program at the Center for International Policy na iyong approach daw po ng Pangulo ay mas pinapalawak iyong takot at repression rather than addressing the problems on health-based approach. Sa kabila daw po ng pronouncements ng government na may preparations, marami pa rin daw po iyong health workers na kulang iyong PPE and iyong ayuda na hindi po nabibigay.

SEC. ROQUE: Alam mo, ang nakakatakot talaga ay iyong sakit mismo, iyong COVID-19, hindi ang sinasabi ng Presidente. Nakakatakot ito dahil ito’y bagong sakit. Hindi natin talaga naiintindihan kung ano ang anyo ng sakit na ito, wala pang lunas. So tama po, nakakatakot ang sakit pero hindi po nakakatakot ang kahit anong sasabihin ng Presidente. At dapat po, to a certain extent, ay talaga namang dapat mag-ingat ang taong bayan dahil nga po hanggang tayo po ay magkaroon ng vaccine – at nagbigay na nga ng pabuya ang Presidente para magkaroon ng ganiyang vaccine – eh hindi pa po tayo tuluyang ligtas sa sakit na ito. Ang magagawa lang po natin ay mapababa o mapahina, mapabagal ang pagkalat ng sakit na ito hanggang tayo po ay nagpeprepara ng ating health sector.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, sir. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Rocky?

USEC. IGNACIO: Secretary, from Francis ng Daily Tribune: Sabi ninyo wala pa raw desisyon kung extended na ang ECQ after noong meeting by the IATF last Monday. Ano daw po iyong naging contentious points doon sa naging meeting kahapon? Naging madugo nga ba talaga? At kumusta po iyong naging meeting ni PRRD doon po sa former Health secretaries and experts? Is he already leaning to the extension of the ECQ or modified na nga ba or need more time pa to decide?

SEC. ROQUE: Well, nasagot ko na po iyan: Wala pang desisyon. Pero hindi po naging madugo ang usapin kahapon, halos wala nga pong nagtatalo doon. Parang nagkaroon nga po ng consensus na ang approach kung ire-relax, ime-maintain, o ili-lift ay depende sa lugar at kung gaano kalaganap ang sakit na COVID-19.

Hindi po naging madugo because I thought it was a very good meeting, it was very informative and it was very—the opinions were very well-researched. And I have to say, we have the best brainpower in this country.

USEC. IGNACIO: Okay. Ang second question niya, Secretary: Kung present daw ang economic team regarding sa economic losses as a result ng lockdown? May report na bang naibigay kay President Duterte?

SEC. ROQUE: Wala pa po at talagang pinag-aaralan pa iyan para malaman kung ano talaga iyong eksaktong impact. Pero ang naianunsyo po kahapon ay talagang bumaba po ang koleksyon ng gobyerno at ito po ay inansunsyo ni Secretary Domiguez. Ang koleksyon po natin ngayon ay nasa 156.26 bilyon lamang, short po tayo ng 757.12 billion. So, mayroon po tayong deficit pero gayunpaman, huwag tayong mag-alala kasi tayo naman po ay nakautang sa World Bank, sa ADB at sa AIIB.

Joseph Morong, GMA?

JOSEPH MORONG/GMA: Hi, sir. Good morning.

SEC. ROQUE: Good morning.

JOSEPH MORONG/GMA: Good afternoon pala.

SEC. ROQUE: Good afternoon.

JOSEPH MORONG/GMA: Sir, doon po sa presentation Dr. Lagmay. He said that the NCR is at the outbreak threshold. What does he mean by that, sir?

SEC. ROQUE: Iyan po ay napakadaming kaso talaga ng COVID-19. At iyong outbreak threshold po, iyan po ay mga lugar na posibleng dapat ipatuloy ang ECQ.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay, so my question now, sir, is: Is the National Capital Region a good candidate for a modified quarantine?

SEC. ROQUE:  Well, ang opinion po ng dalubhasa, at mukha namang mayroon ding consensus dahil mayroon pong outbreak sa NCR, ay mukhang candidate po siya. Ang pinag-uusapan na lang anong basehan? Ang suhestiyon ng private sector on a barangay basis, ang suhestiyon ng ilan sa IATF buong Metro Manila. Pero hindi lang naman po Metro Manila ang pinag-uusapan, nandiyan din po ang Cebu City, nandiyan din po ang Davao City.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Clarification: Candidate siya for a modified quarantine, so out of the question iyong extension?

SEC. ROQUE:  Well, hindi po. Ang sabi ko nga po, ang consensus ay depende po sa dami ng kaso, iyon po ang rekumendasyon. Now, ang hirap pong sagutin nung is it out of the question. Hindi po, everything is possible, because only the President can decide. Pero by way of recommendation, ang rekumendasyon po nila is ituloy ang ECQ doon sa mga areas na mayroon talagang outbreak ng COVID-19.

JOSEPH MORONG/GMA7:  And that is NCR, sir.

SEC. ROQUE:  NCR, Cebu and Davao.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, next question, sir.  You mentioned that there were several questions from the President to the medical health experts.

SEC. ROQUE:  I stand corrected, Joseph, it’s not just NCR. It’s also Calabarzon and portions of Bulacan.     

JOSEPH MORONG/GMA7:  NCR, Calabarzon and parts of Bulacan.

SEC. ROQUE:  Yes.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Ngayon po, sabi ninyo kanina, si Presidente may tanong doon sa mga health experts. I am just curious, ano po iyong sagot ng mga medical experts doon sa number one question: How many people will die if we lift, retain or relax the ECQ?

SEC. ROQUE:  Depende nga po kung talagang outbreak, ibig sabihin, baka hindi po makayanan ng health system sa lugar na iyon na bigyan ng medical attention lahat ng magkakasakit kung tuluyang ititigil ang ECQ. Pero option din naman po iyon na i-relax dahil alam naman natin na kapag tuluyang itinigil ay talagang   magsho-shoot up ang cases; pero kapag ni-relax, hindi naman ganoon karami.

Let me make a correction, baligtad iyong aking binasa. Paumanhin po at baligtad iyong binigay sa aking pigura. Kagabi ang sinabi ni Secretary Dominguez, ang collection po natin is 757.12 billion. Ang short po natin, hindi naman pala malaki masyado –  156.26 billion.

Uulitin ko po, I asked for your kind understanding, mali po iyong naipasang note – the amount that we collected is 757.12 billion, and we are short from our target by 156.2 billion. Salamat po.

Now, ano po ang sagot, iyon nga po iyong kasagutan, hindi pupuwedeng masagot na sa buong Luzon ay pareho ang gagawin natin ngayon na imementina ang ECQ, depende po iyan sa lugar at depende po kasi iyan sa datos. Kaya nga po by way of a common recommendation to the President, lahat  po ng ating mga dalubhasa ay talagang nag-emphasize na dapat po magkaroon tayo ng mass testing dahil sa pamamagitan ng mass testing, magkakaroon tayo ng tunay na larawan kung gaano kalaganap ang COVID na siya namang dapat magdikta kung ano ang magiging desisyon ng ating Presidente.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, clarification lang ha, walang nag-recommend ng total lockdown and wala ding total lifting?  

SEC. ROQUE:  Opo.

JOSEPH MORONG/GMA7:  And what was the President’s response? How do these two concepts appeal to him?

SEC. ROQUE:  Wala pang response ang Presidente. Nakinig po ang Presidente, and he said that he will wait for the transcript; he will look at the recommendations of IATF; he will look at the recommendation of WHO and the recommendations of the experts; and he will make a decision.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just one last question lang. I’m on the website of UP. Ang sabi dito, iyong pandemic response team is recommending a graduated activation after April 30. What does the Palace think about this?

SEC. ROQUE:  Well, the President will consider that. And ang sinasabi ko nga, marami ring eksperto na ganyan ang rekumendasyon – graduated. Meaning, hindi complete lifting, hindi rin complete status quo.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Pero, sir, tingin mo ba delikado pag-i-lift sa NCR?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam, hindi ako eksperto at babayaan ko na po si Presidente na gumawa ng ganyang desisyon. Ayaw ko pong gumawa ng ganyang desisyon, wala po akong kakayanan at hindi po ako binigyan ng taumbayan ng mandato para gumawa ng ganyang desisyon. Tanging ang Presidente lamang po ng Pilipinas ang binigyan ng ganyang mandato.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, may pinapatanong lang si Alexis. Elaboration daw po doon sa suspension ng classes until December. What does the Palace think about this?

SEC. ROQUE:  Rekumendasyon po iyan ng UP, wala pa pong desisyon ang Presidente. Bagama’t alam naman po natin na halos lahat po ng eskuwelahan ngayon ay hindi na natapos ng semester Pero ang datos po ng UP iyong mga kabataan, sila po talaga iyong nakikihalubilo lalung-lalo na doon sa especially vulnerable groups gaya ng senior citizen.

So malaki po ang maitutulong sa pagbagal ng pagkalat ng sakit kung isususpinde ang mga klase hanggang college level.

Mayroon ding isang eksperto na nagsabi kagabi na alalahanin po ninyo na kapag sinuspend ninyo ang klase, wala ring mga medical students na mag-graduate sa panahon na kailangan din natin ng mga medical graduates, at saka iyong mga nursing graduates at iyong mga medical allied professionals. So, tingnan po natin baka magkaroon din ng ibang desisyon pagdating dito sa mga kinakailangan nating mga health workers.

USEC. IGNACIO:  Secretary, from Kris Jose ng Remate. Napaulat po na may mga pekeng ID na may pirma po ni Pangulong Duterte ang nagkalat sa ngayon at ibinebenta daw po ito ng 1,000 to 3,000 para daw makalusot sa mga quarantine checkpoints. Sinasabing di-umano galing daw po sa Presidential Task Force on moral recovery ang nasabing pekeng ID. Ano pong hakbang na gagawin ng Malacañang dito para matigil na iyong bentahan ng pekeng ID, at aksiyon para doon sa mga nakabili o bumili ng pekeng ID? Panawagan po o payo sa mga publiko hinggil po sa ganitong panloloko ng iba habang nasa krisis ang bansa dahil sa COVID-19.

SEC. ROQUE:   Inaatasan po ng Pangulo ang PNP at ang NBI na imbestigahan itong mga anomalyang ito. Ito po ay krimen, ito po ay falsification of public document at ito po ay estafa dahil sila po ay nagbebenta. So habulin po iyang mga criminal na iyan at ikulong.

USEC. IGNACIO:  From Bella Cariaso ng Bandera: Puwede pong malaman ang individual position ng mga dating DOH secretaries na um-attend sa meeting with the President? Ano po ang mas lamang sa recommendation ng mga dumalong experts?

SEC. ROQUE:  Hindi naman po sila nagkakaiba, bagama’t ang pinakamahabang recommendation ay si Dr. Galvez dahil siya ay isang community health expert. Ang pinakaimportanteng suhestiyon nga niya ay iyong pagbubuo ng national health surveillance at iyong paggamit din ng x-ray at saka iyong posibilidad na since bumisita  naman iyong mga Chinese experts dito ay ikunsidera din natin iyong alternative medicine kasabay ng western medicine sa paggamot ng COVID-19. Iyon lang po.

USEC. IGNACIO:  From Johnetta Giolago ng Asahi Shimbun: Tell us more about the President’s phone conversation with President Trump. What kind of cooperation to fight COVID are we looking at? Was there any mention of China and Beijing supposed responsibility in spreading the virus?

SEC. ROQUE:  Well, gaya ng sinabi ko po kahapon, alam po ninyo iyong mga pag-uusap ng diplomasya, iyan po ay exemption to freedom on information dahil ang Presidente naman ay kinakailangang gumawa ng tamang desisyon maski hindi po ito popular na desisyon.

So in fact, ang ginawa po natin ngayon ay hindi po natin in-articulate in detail ang posisyon ng mga Gabinete ng ating Presidente sa kanilang rekumendasyon dahil that is covered by executive privilege. Pero iyong mga dalubhasa naman po ay hindi, kaya pupuwede naman pong i-discuss pati iyong posisyon ng UP.

So, hayaan na po natin ang Presidente ang mag desisyon sa mga bagay-bagay na pinag-usapan nila ni President Trump. I am not privy to it po and the request of the President is only to say that the conversation had to do with bilateral cooperation pagdating po sa COVID-19. Let’s respect that.

USEC. IGNACIO:  Ang second question niya: Recent statement daw po ay seems to indicate that authorities are in favor of an extension of quarantine in the capital, but relaxation elsewhere. What is keeping us from making that final decision? How long do we need the numbers to be before we are satisfied that quarantine measures have been effective?

SEC. ROQUE:   Let me clarify that the consensus is amongst experts; covered pa rin po ng executive privilege kung ano talaga ang recommendation.

In fact, wala pa pong recommendation ang Department of Health, walang recommendation ang NEDA and if I am not mistaken, wala pa pong final recommendation ang Inter-Agency Task Force.

So, wala pa pong rekumendasyon ang mga taong gobyerno. Ang rekumendasyon po ay nanggaling sa mga dalubhasa. So hintayin naman po natin iyong formal na rekumendasyon ng mga taong gobyerno para maging basehan ng pinal na desisyon ng ating Presidente.

USEC. IGNACIO:  Ang last question po from Julie Aurelio ng Inquirer: President Trump offers assistance sa Philippine in phone call. What form of assistance daw po ito?

SEC. ROQUE:  Again. I am not privy, it’s covered by executive privilege. At ang sabi lang po ng presidente it was about bilateral cooperation in the fight against COVID-19. Now, I see that we have about six minutes left, mayroon bang katanungan para kay Doctor Lagmay? Well, kung wala, hanggang sa Huwebes po muli, ito ang inyong Spox Harry Roque. Keep safe, Philippines.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)