Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Umpisahan po natin ang unang press briefing natin sa buwan ng Hulyo sa isang mabuting balita: Papasada na po bukas, a-tres ng Hulyo, ang mahigit na anim na libong roadworthy traditional jeepney sa Metro Manila sa may apatnapu’t siyam na ruta. Ito po ay ang inyong mga jeepneys na currently ay, number one, na-register as roadworthy ng LTO; at number, mayroon pong personal passenger insurance policy. Mananatiling nueve pesos po ang pamasahe sa unang apat na kilometro at dagdag na uno-singkuwenta pesos sa bawat na kilometro.

Uulitin po namin, ito po ang sabi ng DOTr, and I quote, “The LTFRB emphasizes to the traditional PUJ operators that they must provide PUJs that are currently registered roadworthy with the Land Transportation Office and with valid personal passenger insurance policy. At siyempre po, kinakailangan mayroong social distancing, nakasuot ng mask ang mga tao at kung pupuwede po, talagang dapat po mayroong disinfectant.

Makikita ninyo po sa ating infographic ngayon ang mga ruta. Hindi ko na po babasahin dahil medyo marami po sila, pero pakibasa na lang po sa screen.

Inaasahan natin na ang susunod ang mga operator at tsuper sa mga safety operations tulad ng pagsuot ng maskara at guwantes, at ang maximum 50% operating capacity.

Ito naman po ang update natin sa second tranche ng Social Amelioration Program. Nakapagbigay na po ang DSWD ng 6.8 bilyon na ayuda sa 1,346,444 na mga pamilya.

Ito naman po ang mga financial services which were tapped para tumulong sa pagbibigay po ng ating ayuda: Ang RCBC, Robinsons Bank, Union Bank, GCash, PayMaya at Starpay.

Sa isyu naman po ng Joint Administrative Order No. 2020-001 on the Health and Safety Protocols for the Conduct of Film and Audiovisual Production Shoots and Audiovisual Activities During COVID-19 Pandemic na inilabas po ng Film Development Council of the Philippines kasama ang Department of Health at Department of Labor and Employment, ito  po ay mapapatupad dahil ito po ay na-register na po sa National Administrative Registry ng UP Law Center, pero magkakaroon po nang mas mahaba pang usapinsa panig po ng DOLE, DTI, DOH at iyong mga stakeholders po sa ating film and TV industry. Titingnan po natin kung mayroong dapat repasuhin dito sa mga guidelines. Ang mga sasali po sa usapin ay ang Philippine Motion Picture Producers Association, the Inter-Guild Alliance of the film, television and advertising industry (IGA), and Directors Guild of the Philippines.

Mayroon po tayong naiwan na isang tanong noong nakaraan nating press briefing tungkol sa mga donasyon na natanggap ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Well, ayon po sa Department of Health, as of June 26, 2020, ito po ang ilan sa mga medical products na na-donate: Surgical masks – 6,425,950; N95 masks – 390,440; ang ventilators po ay 201; ang PPEs at medical coveralls ay 291,279.

Pumunta naman po tayo sa COVID-19 update. Mayroon na po tayong 38,511 na kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa bilang na ito, 24,638 po or 94.7 ang mga mild cases; 140 naman po ang severe or .05; 27 or 0.1 ang kritikal; nasa 1,240 naman po o 4.7% ang mga asymptomatic. Sa bilang na ito, pumalo na po sa mahigit na sampung libo or 10,438 ang gumaling, samantalang apat po ang naiulat na binawian ng buhay – sumatotal, ngayon po ay mayroon na tayong 1,270 na mga namatay.

Ito naman po ang confirmed COVID-19 deaths by date of death. Makikita po natin na pababa po siya bagama’t mayroon pong period sa June na bahagyang tumaas, pero bumaba na naman po muli ang mga namamatay sa pang-araw-araw.

Ang ating daily positivity rate po, makikita po natin na parang nag-plateau siya. From June, sa buwan po ng June, ito po ay more or less stable. At ngayon po, ang positivity rate natin ay 7.12, ibig sabihin po niyan – 7 out of 100 persons actually tested positive for COVID-19.

Ang patuloy na pagbababa ng mga namamatay sa virus ay matuturing nating small victory po ‘no. Ang tagumpay na ito, gaano man kaliit, ay tagumpay na masasabi.

Ano po ba ang ibig sabihin nito?  Sa pagbabago ng ugali at nakasanayan tulad ng pagsusuot ng facemasks, paghuhugas ng kamay, pagso-social distancing, mananaig tayo laban sa sakit. Ganito rin po ang ibig kong sabihin tungkol sa Unibersidad ng Pilipinas: Hindi po natin kalaban o kakumpetensiya ang UP. Hindi po kagaya ng maraming UP graduates, ako po ay high school pa lang ay nag-aral na po ako sa UP hanggang College of Law, at nagturo pa po ako ng labinlimang taon – full time, bago po ako pumasok ng Kongreso. So hinding-hindi ko po iku-consider na kalaban ang UP. UP naming mahal po iyan at bagama’t ang last time na nanalo po sa UAAP ay freshman pa ako sa UP College of Law.

Ang ibig sabihin ko lang po: Mayroon naman tayong mga sandata po na pupuwedeng gamitin laban sa mas mabilis na pagkalat ng COVID-19. Nandiyan na nga po iyong masks, social distancing, paghuhugas ng kamay at pananatiling malusog. So kung ang mathematical formula po ay nagsabi na ang forecast ay 40,ooo, at noong hinimok ko po kayong lahat na gawin natin ang lahat para hindi po tayo umabot ng 40,000 at lumabas naman po sa datos hanggang ngayon po ‘no, wala pa tayo sa 40,000 – pangalawang araw ng Hulyo. Iyong time po na inanunsiyo ko noong last press conference natin, mga 37,000 po ‘no so talagang nagalak po ako dahil ang tingin ko, marami naman pong nakinig sa atin – nag-practice ng social distancing, nagsuot ng mask – para mapababa nga po ang pagkalat ng sakit.

Huwag ninyo pong mamasamain, pero tingin ko po, hindi ko po ititigil itong prosesong ito – ipapakita po natin kung anong projection, kung nasaan na tayo in relation to the projection, at hihimukin ko pa rin po ang taumbayan na gawin ang lahat para huwag nating makamit iyong projected number.

So ngayon ang projection nila para sa Hulyo, 60 to 70,000 new cases. Mga Pilipino, mga kababayan, huwag tayo pong pumayag na pumalo ng 60 to 70,000 ang kaso ng COVID; kaya po nating pabagalin ang proseso – magsuot po ng mask, mag-social distancing, maghugas ng kamay. Tandaan ninyo lang po ang nakikita ninyo sa ating rostrum ngayon – puwede ba ho iyon?

Again po ‘no, sa mga taga-UP, puwede ba ho, ako ay taga-UP rin ‘no, mas matagal po ang tinagal ko diyan sa UP ‘no kaysa sa marami – UP naming mahal pa rin po.

Okay, ngayon po, habang hinihintay po natin si Chief Implementer Secretary Galvez at si DILG Secretary Año na pareho pong nanggaling sa Cebu kahapon at ngayong araw, siguro po mag-proceed na muna tayo sa ating question and answer. But at any time, pupuwede pong dumating si Secretary Galvez at si Secretary Año, wala daw po silang prepared presentation pero sasali po sila sa ating question and answer.

Yes, first question po, Joyce Balancio of ABS-CBN.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Good afternoon po, Secretary. In your interview this morning, sabi po ninyo, mayroon kayong ibibigay na update doon sa decision ni Pangulong Duterte sa Anti-Terror Bill. Ano na po ang ating update doon, Secretary?

SEC. ROQUE: Wala na po sa lamesa ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs. Nailipat na po iyan sa Tanggapan ni Executive Secretary for final review, at ibig sabihin po, mayroon na pong memorandum na recommending a course of action to the President. Subject to final approval lang po siguro iyan ni Executive Secretary at dadalhin na po sa lamesa ni Presidente.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Secretary, also in your interview kanina, nabanggit ninyo na halos plantsado na po ang Bayanihan II and the Executive Branch is ready to ask Congress for a special session. Kailan po natin ini-expect si Pangulong Duterte to make a formal announcement asking Congress for the special session? At dapat po ba by next week ay masimulan na po itong special session na ito?

SEC. ROQUE:  Well, wala pa pong timeline, pero ito po kasi iyong first time na narinig ko kay Secretary Dominguez na more or less plantsado na sila at first time din na kinumpirma niya na hihingi tayo ng special session sa Kongreso.

Noong mga nakalipas na araw, ang mga nakukuha kong mga balita ay baka sa regular session na lang pero ang sabi po ni Secretary Dominguez, kailangan po natin iyan. So, kaya po binalita ko na magpapatawag na ng special session ngayon pong mukhang plantsado na iyong magiging laman ng Bayanihan II legislation.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Opo. Bale next week po kaya ito Secretary, before mag-SONA? Kailan po kaya, at least estimate time?

SEC. ROQUE:  Well, siyempre po dahil special session siya, it will have to be before SONA dahil kung after SONA, regular session na po siya ‘no. So antay-antayin lang po natin, ang importanteng balita po eh plantsado na ‘ata at iyon na nga po, nanggaling na po sa bibig ni Secretary Dominguez na pupuwede na pong magpatawag ng special session.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Opo. Nabanggit ninyo rin po Secretary, may out of town activity si Pangulong Duterte this coming weekend. Can you give us more details, ano po itong mga magiging aktibidad ng Pangulo?

SEC. ROQUE:  Unfortunately po, I cannot provide you with details but we will of course apprise you kung ano po ang ginagawa ng ating Presidente.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Last na lang po. Will he visit po iyong wake po nitong soldiers natin sa Jolo?

SEC. ROQUE:  Well, ang alam ko po ay mayroon nga pong mga naka-scheduled na mga aktibidades ang Presidente but for security reasons, hindi po pupuwedeng ianunsiyo. Hanggang doon na lang po.

Thank you very much, Joyce. Usec. Rocky, please.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Thank you, sir.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Ang tanong po mula kay Bella Cariaso ng Bandera: Dahil daw po doon sa statement ninyo on supposed beating the UP projection on COVID, many are saying that it’s not a fight with UP experts but rather on winning the battle against COVID. Kasi even there are differences in numbers, the fact remains that people who are infected with the virus are increasing and based on daily figures, halos 1,000 or more than 500  po iyong average daily increase ng COVID cases and it’s alarming. Any reaction daw po?

SEC. ROQUE:  Well, na-address ko na po iyan kanina ‘no, hindi po tayo nakikikompetensiya sa UP, hindi po natin nilalabanan ang UP, kaibigan ko po iyang mga iyan. Ako nga po ang nag-imbita rito kay Dr. Mahar Lagmay kung naalala ninyo ‘no para magbigay ng presentation, kung ano iyong mga UP presentation ‘no at tingin ko po importante iyang mga forecast na iyan. At ginamit ko lang po iyong forecast para himukin nga ang taumbayan, huwag tayong umabot doon sa forecast ng dami ng COVID.

So ibig sabihin po, gumagawa po tayo ng mga pamamaraan para nga himukin ang taumbayan mas maging matindi po ang ating kasagutan dito sa problema ng COVID. At kaya naman po iyan dahil napapatunayan nga natin na sa pamamagitan ng pagsuot ng mask, social distancing at paghuhugas ng kamay eh napakalaki po ng tsansa na hindi kayo dadapuan ng sakit na ito.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin mula kay Bella Cariaso: Iyon daw pong recommendation ni Secretary Dominguez kay President Duterte during the last meeting na kailangan daw pong mag-shift ang NCR sa MGCQ dahil sa economic consideration. Are we getting a hint on what to expect on July 16 despite COVID cases are increasing as evident by localized lockdown being imposed by LGUs because iyong fresh COVID cases?

SEC. ROQUE:  Well, uulitin ko po ‘no, iyong pagdami po ng kaso hindi po iyan ang katangi-tanging basehan kung ano magiging klasipikasyon natin. Ang tinitingnan po talaga natin, iyong case doubling rate, gaanong kabilis iyong pagdoble ng COVID: Kapag 7 days po ay pupuwede na ngang GCQ iyan ‘no pero kung mas matagal na po o umaabot ng sampung araw, iyan po ay pupuwede nang mag-MGCQ.

Pero tingin ko po, persuasive din naman po ang naging presentasyon ni Secretary Dominguez sa ating Presidente na talagang ginawa natin ang lahat para mapapigil ang pagkalat ng sakit at gagawin pa rin natin ang lahat. Pero dumating na tayo sa punto na kinakailangan din nating buksan ang ekonomiya nang hindi naman tayo mamatay sa gutom dahil walang hanapbuhay.

Now, hindi naman po ibig sabihin na ititigil na natin ang laban sa COVID-19; ipagpapatuloy po natin iyan. Paano po? Una, hygiene, masks, distancing and washing of hands.

Pangalawa, papaigtingin po natin iyong testing. Talagang aabutin po natin iyong 32,000 a day na tina-target natin dahil kung hindi po, maraming magkakalat ng sakit. At kapag napaigting na po natin ang testing, talagang padadamihin po natin ang tracers nang sa ganoon hindi na nga po kumalat iyong sakit dahil iisa-isahin natin iyong mga nakahalubilo ng mga may sakit na COVID-19.

At pangatlo po siyempre, ia-isolate natin sila kaya nga po marami na tayong We Heal as One Centers hindi lang po dito sa Metro Manila at sa Luzon, pati na rin po sa Visayas. Sa Cebu binanggit po noong isang araw ni Secretary, iyong isang isolation center diyan po sa Bigfoot Cebu ‘no, ang tawag nila Project NOAH ‘no, kasama po ako sa nag-inaugurate niyan ‘no. At bukod pa diyan eh doon sa ating T3 eh kinakailangan din siyempre na buksan din iyong transportasyon natin para nga makapunta sa kanilang mga trabaho iyong ating mga manggagawa.

At pang-apat po, hindi po rin natin ititigil ang pagdedeklara ng ECQ kaya nga lang po, gagawin nating granular lockdowns, localized lockdowns. At napapansin ninyo naman po sa balita dito sa Metro Manila, napakadaming mga mayor din po na nagla-lockdown ng mga localized areas dahil iyan pa rin po ang taktika natin para nga hindi lalong kumalat ang sakit.

Pero ang sinasabi ko lang po, kung susundin naman natin itong mga bagay-bagay na ito, iyong new normal, hygienic practices, T3, localized lockdowns, kaya pa rin nating pabagalin ang pagkalat ng sakit habang nag-aantay ng vaccine laban sa virus, at the same time, pupuwede naman pong buksan ang ekonomiya para tayo po ay makapaghanapbuhay nang mahusay. Pasensiya na po, medyo mahaba iyong sagot.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po mula kay Bella Cariaso: Iyon daw pong nangyari sa Sta. Cruz, Manila kung saan may mga miyembro ng isang pamilya ang namatay matapos mag-party at tinamaan ng COVID. Nagiging common scenario na daw po ngayon sa mga kalye ang pagkukumpulan at pag-iinuman after ma-lift iyong liquor ban. And iyong barangay captain noong lugar even quoted as saying na hindi nagkulang ang barangay sa pagpapaalala sa mga residente sa threat ng COVID. Ano po ang gagawing aksiyon ng IATF sa nangyaring problema?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, talagang pinararating natin ang mensahe – nasa kamay po natin kung anong mangyayari sa atin dito sa gitna ng pandemyang ito. Kung magpupumilit po tayo na magkumpulan, talagang iyan po ang 100% sure way na ikalat ang virus na ito.

So paalala po, kinakailangan social distancing, pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay—paulit-ulit na po, parang sirang plaka, okay lang po iyan dahil iyan lang po talaga ang sandata natin laban sa COVID-19. Pero kung ano pong gagawin, siguro po rin eh bagama’t tayo po ay nasa GCQ, ang mga kapulisan ay dapat talagang mas magpaigting pa ng kanilang pagpa-patrol at talagang sabihan ang mga tao na hindi dapat nagkukumpul-kumpol, hindi dapat nag-iinuman sa kalye.

Okay, Triciah Terada CNN Philippines.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Good afternoon, Secretary. Sir, follow up lang po doon sa Anti-Terror Bill. Since nakarating na po at least kay ES iyong ATB, iyong kopya po, ano po iyong naging recommendations ng DOJ? And will Malacañang adopt the recommendations completely po?

SEC. ROQUE:  Hindi ko po alam, this is covered by executive privilege ‘no. I’m not privy to their recommendations to the President po.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Okay. Sir, segue lang po, iyong June 30 that marked the 4th year of the President in office. Ano po iyong assessment natin sa Malacañang doon sa 4th year ng Pangulo? And ano po iyong ini-expect natin na magiging top priorities in the last two years?

SEC. ROQUE:  Well, we have limited time, pero masasabi ko naman po ‘no na bago tayo tamaan ng pandemya, we have the best performing economy not just in South East Asia, one of the best in the whole world. We average 6.5% growth annually since in the past four years, inflation is under control, interest rates were low. We had the record credit rating, attesting to the fact na naniniwala po iyong mga nagpapautang na tama ang ating mga ginagawang mga polisiya ‘no.

So it was actually a great performance as far as the economy is concerned; as far as approval of the President is concerned, hindi po bumababa iyan sa otsenta porsiyento. So approved po ang taumbayan sa mga ginagawa ng Presidente kasama na rin po diyan iyong kampanya laban sa pinagbabawal na droga ‘no.

Unfortunately, tinamaan po tayo ng pandemya. Pero sang-ayon po sa mga survey din ay talagang overwhelming majority ng ating mga kababayan suportado naman po ang mga aksiyon na ginawa ng ating Presidente at ibabalik ko po sa inyo iyong katotohanan na based din sa UP study, kung hindi po tayo nagkaroon ng lockdown eh as much as three million ang atin ngang naging kaso sana ng COVID-19.

So it’s been a great four years. Mayroon po tayong pagsubok pero dahil mayroon po tayong very sound fundamentals, makakaahon din po tayo dito sa pagsubok ng COVID-19

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Well, sir, in the last four years, we’ve also seen the President’s strong political will. And I mentioned this because, sir, ngayon po ay mainit na issue iyon sa ABS-CBN and by any chance, sir, nag-react na po ba or may nabanggit po ba si Presidente about doon po sa hinaing ng mga workers? Ano po ba iyong magiging plano because these are 11,000, we’re talking about at least 11,000 people, ano po iyong magiging plano para sa kanila ng gobyerno?

Well, sang-ayon po sa DOLE, hindi naman po 11,000, but it’s 4,000 employees ‘no. Iyan po ay sang-ayon din sa mga submissions ng ABS-CBN sa DOLE. So linawin po natin, 4,000 ‘no, at ang sabi po ni Secretary Bello noong huli ko siyang panauhin dito, hindi naman po automatic na mawawalan sila ng trabaho, dahil hindi po automatic na palibhasa wala silang prangkisa ay wala na rin silang trabaho. Ang ABS-CBN naman po nagpapatuloy pa rin ng broadcast, lalung-lalo na sa digital platform.

Pero kagaya po ng buong Pilipinas, talagang malungkot po na baka dumating ang punto na marami pong mawawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya. Malungkot po talaga iyan, pero malinaw po ang Saligang Batas kasi – hindi naman ang Presidente iyong pupuwedeng mag-rewrite ng Saligang Batas – hindi po pupuwedeng magnegosyo ang broadcast companies na wala pong congressional franchise.

So, sana po ay tingnan po natin kung  ano ang magiging desisyon ng Kongreso, pero hindi po natin sila pupuwedeng panghimasukan,  bagama’t   sigurado po ako na iko-consider din ng mga congressmen at ng senador iyong kapakanan na mawawalan ng mga trabaho.

Thank you, Trish. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:  Mula Po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Nabanggit po nila kahapon na  malapit na pong i-finalized ang negotiation  between economic managers  and congress on the provisions of the Bayanihan II bill. Magkano po ang stimulus package under the said negotiation; kailan po ang special session na puwedeng ipatawag ni President Rodrigo Duterte to  congress to finalize the bill?

SEC. ROQUE:   Kagaya ng sinabi ko po kanina wala pa pong petsa, pero ang stimulus package ay P140 billion.

USEC. IGNACIO:  Mula pa rin po kay Sam: May desisyon na po ang IATF regarding sa pag-allow ng more foreigners to enter the country. If in-allow na ito ng IATF, ano po ang Build, Build, Build projects na magbi-benefit sa nasabing development?

SEC. ROQUE: Ang desisyon po ay huwag munang papasukin ang mga dayuhan. Bagama’t bumuo po ng technical working group para tingnan kung talagang mayroong urgency na papasukin, lalung-lalo na iyong mga dayuhan sa Build, Build, Build, pero wala pa pong desisyon. Ang desisyon po, I stand corrected, ay huwag papasukin muna ang kahit sinong dayunan,  maliban sa mga kasal po sa mga Pilipino.

USEC. IGNACIO:  Huling katanungan po ni Sam Medenilla: May update na po kayo sa mount ng local and foreign cash donations na nakuha ng government for its COVID-19 response? Saan po ito gagamitin ng gobyerno?

SEC. ROQUE: Binasa ko po kanina ‘no, dahil nga alam ko deliverable ko iyan today. Binasa ko po iyong mga recorded na donations na na-received po ng DOH. Next question, please.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, good afternoon. Sir, short lang muna doon kay Usec. Sonny. Doon sa ipinalabas kasi na public address ni Presidente, hindi namin nakita iyong response ni Presidente doon sa sinabi ni Sec. Sonny. So what was the President’s response when Sec. Sonny said that we really need to open up NCR and Calabarzon as quickly as possible?

SEC. ROQUE:  Alam po ninyo, very persuasive po si Secretary Dominguez kasi nga po ay mayroon namang pamamaraan na mabigyan ng kabuhayan and at the same time labanan iyong COVID.  So, hindi naman ibig sabihin na palibhasa bubuksan na ang economy, matira ang matibay, hindi po. Basta lang sumunod tayo sa minimum health standards, palakasin pa natin iyong ating T3 initiative at mag-resort po tayo sa localized/granular lockdown ay mapapababa pa rin po natin ang COVID.

So parang halos lahat naman na-convince na dumating na pala tayo sa punto na mayroon namang pamamaraan na mabuksan ang ekonomiya without exposing us to further danger ‘no. So, parang it’s no longer an ‘or’ situation pupuwede naman palang ‘and’ situation.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, I’m going to ask about the trip that you had yesterday.  May mga nagtatanong na puwede na daw ba iyon, iyong pagpunta from GCQ to MGCQ and leisure area, iyon muna, sir and then I will have a couple of question regarding that.

SEC. ROQUE:   Well, ito po talaga ang problema ko ano. Noong bumalik po ako sa gobyerno, talaga naman ang aking pinasok na mga negosyo, matapos akong magkasakit ay lahat po iyan ay related sa agrikultura – pagkain po, baboy, prutas. So, maski hindi  pa po ako bumalik  sa gobyerno, mayroon na po talaga akong pass sa aking sasakyan, dahil iyong panahon  na hindi pa ako  nasa gobyerno, ako po mismo ang naglalako kung anuman ang  dapat lakuhin, dahil nga ECQ noong mga panahon na iyon.

So, ako po ay APOR, ang problema ko po, ipinagbabawal talaga ng Saligang Batas itong  mga negosyo. Pero paano ko naman mabebenta iyong mga iyan, eh lockdown. So iyon po ang totoong dahilan kung bakit ako nagpunta diyan sa Bataan. At ako po ay taga-Bataan, so hindi po ako turista; taal po akong taga-Bataan. At nahihiya nga ako sa aking pinsan diyan na number one bokal hindi ko na siya natutulungan.

First time ko pong pumunta, umuwi kahapon dahil first day of MGCQ dahil ako rin po ay natatakot. Nagbibigay lang po ako ng PPE diyan sa aming ospital sa Bataan, pero hindi po talaga ako umuuwi ‘no. So umuwi ako dahil kinakailangang tingnan ko iyong nalulugi ko ng mga ventures, super lugi po iyan.  Kaya when I say na naramdaman ko iyong hirap ng taumbayan dahil sa ECQ, ramdam ko po talaga ‘no. Pero at the same time, aaminin ko po na  first time kasi na first day ng MCGQ, tinanong ko kung bukas na sila, sabi ko why not, dahil malapit naman po lahat iyan doon sa aking pinuntahan and everything on a day’s – in an afternoon.

So as far as my trip there is concerned, dati na po akong APOR, dahil pagkain po ang aking naging negosyo at hanggang ngayon po hindi ko nabebenta bagama’t I think iyong constitutional prohibition naman po should not be construed in a way na magiging impossible to comply with. Hindi ko po mabitawan itong mga negosyong ito dahil sarado nga po tayo, sino ang bibili noong aking mga baboy at ang problema nga hindi mo naman ma-transport iyong mga baboy na iyan dahil istrikto dahil sa ASF. Iyon po ang talaga iyong pinasok ko.

So, I am an APOR at ang pinuntahan ko po dahil nga po ako nagpunta roon, dahil first time na MGCQ na sila.  But even under GCQ, ang swimming naman po ay allowed, because it is a non-contact sports. At kung mayroon po akong nalabag sa social distancing, ang katabi ko naman po mga dolphins, hindi naman po tao.

So, wala po akong nilabag na regulasyon. Bagama’t I recognized  po na mayroon siguro talagang mga iba diyan na na-offend doon sa nakita nilang mga larawan. At para doon po sa mga na-offend ko ay paumanhin po ‘no dahil tao lang po.

Kung tatanungin po ninyo ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps, iyong trabaho ko po walang Sabado/Linggo. So kinakailangan po, kung kinakailangan mag-break, isingit mo kung kailan mo maisisingit ‘no. So, again po, to those whom I offended, my sincere apologies at hayaan ninyo po hindi na po mauulit iyan dahil hopefully mag-MGCQ na rin po ang Metro Manila, soon.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, okay guidelines, because they are thinking na puwede na pala leisure, because nakita nila na.

SEC. ROQUE:  Hindi po siya leisure. Dahil ang first trip ko po doon – I’m an APOR – iyong akin nga pong mga alaga ko na hindi ko ma-dispatsa dahil sarado po ang ating ekonomiya. At ever since po ako talaga ang naglalako niyang mga iyan bago ako bumalik sa gobyerno.  Tinigil ko na po iyong paglalako, kasi wala na akong nilalako, tinanggap ko na, na lugi na iyan. So, sinusubukan ko pong ma-dispatsa. So, it was not a trip intended for leisure. It was a side trip kumbaga, and I really intended na mga one hour lang iyan, dahil alam ko limitadong oras. Kaya lang sinabi po noong may-ari ng beach na sila rin ang nagpapatakbo noong Dolphin Encounter, so tiningnan ko po kung ano iyong dolphin encounter.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, last: Hindi ba iyan pareho, sir, noong kay General Sinas?

SEC. ROQUE:  Hindi po, hindi po ako nag-party. Nag-iisa po ako, ang kasama ko po [ay] apat na dolphins.

Secretary Año, ay nandito na pala si Secretary Año, he’s on the line. So Malacañang Press Corps, if you have questions for Secretary Año fresh from Cebu. Secretary Año, are you in the house?

SEC. AÑO:   Yes, magandang araw. Magandang tanghali sa ating lahat.

SEC. ROQUE:  Kumusta po?

SEC. AÑO:   Kararating lang namin from Cebu City.

SEC. ROQUE:  Yes. Sec. Año, well, sabik na sabik po kami sa balita. Kumusta po ang Cebu? Ano pong nakita ninyo at ano pong aksyon na gagawin po natin? The floor is yours, Sec. Año.

SEC. AÑO:   First of all, nagkaroon tayo ng dialogue with the LGU, with the private sectors, civil society organizations, even iyong mga owners ng mga malalaking hospital doon at mga constituents ng Cebu City at Cebu Province.

Maganda naman iyong naging resulta ng lakad natin doon. We foresee na magkakaroon ng remarkable changes sa Cebu City and Cebu Province after July 15.

Sumusunod na rin iyong mga kababayan natin doon sa ipinag-uutos na ECQ. Of course, dinagdagan natin ang ating Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines. Binisita din natin iyong ibang mga health centers and hospitals doon, even iyong Cebu International Airport na ngayon ay tumanggap na rin ng mga returning OFW from other countries at iyong mga protocols naman ay naka-set-up.

So, I can see we are really going in the right direction and hopefully by July 15 maka-graduate ang Cebu City from ECQ.

SEC. ROQUE:  Okay. Salamat, Sec. Año. I hope you don’t mind po pero marami po silang tanong tungkol sa Cebu. So, babalik muna po tayo kay USec. Rocky for her questions tapos members of the Malacañang Press Corps. Please feel free to raise your questions about Cebu to Sec. Año. Marami pa po tayong oras, it’s only 12:32.

Yes, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Sec. Roque, tanong mula kay Rose Novenario ng Hataw: Ano po ang gagawin ng Palasyo para matuldukan ang eskemang nanlaban sa PNP at panagutin ang mga responsable sa rubout sa apat na sundalo sa Sulu? Ano man ang maging taguri sa insidenteng ito, paano patataasin ng commander-in-chief ang morale ng mga sundalo? Magiging barometro ba para kay Pangulong Duterte ang nangyari para magdalawang-isip na aprubahan ang Anti-Terror Bill?

SEC. ROQUE:  Well, ang isasagot ko po diyan unang-una, ito po ay iimbestigahan ng NBI. Ang Presidente po mismo nagsabi na na may personal na interest siya para malaman kung ano talagang nangyari diyan dahil talagang ayaw niya na nangyayari ito sa mga magkakampi; at pangatlo, siya mismo po ay makikipag-usap doon sa mga pulis na na-involved dito sa patayan na ito.

Sec. Año, would you like to contribute?

SEC. AÑO:   Yes. Unang-una, inilagay na natin sa—dinetain na natin itong mga suspects na policemen at ni-relieve na rin natin iyong chief ng Jolo station doon at sisiguraduhin natin na ang justice ay talagang igagawad natin but of course, we will observe the due process.

You know, my heart bleeds for our soldiers who were slain because I know this people personally. I’ve been a commander of that unit even when I was still in the military service and they’re really professional intelligence officers.

Mayroon na tayong nakitang mga video, pictures, even iyong mga statements ng mga eye witnesses at nakikita naman talaga doon na wala naman talagang shootout na naganap. Ito talaga ay isang shooting incident; but of course, I don’t want to preclude the investigation, kailangan i-observe natin iyong due process. Makakaasa iyong ating mga kababayan na justice ang masusunod dito at we will update the [garbled] resulta ng mga ongoing investigations natin.

NBI ang nagko-conduct ng investigation, nag-parallel investigation din ang CIDG.

SEC. ROQUE:  Okay. Maraming salamat. Maricel Halili of TV 5?

MARICEL HALILI/TV5:  Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, tungkol lang po doon sa statement natin on the prediction of UP. I understand you have a clear statement about it. But how can we say that we are winning our fight against if: 1.) We haven’t maximized yet our testing capacity?; 2.) Although ang nakalagay po doon sa ating confirmed cases ay nasa more than 38,000 po iyong ating COVID cases dito sa bansa, but then if we check the DOH website, iyong possible o positive individuals umaabot ng 47-48,000 although na clarify naman ng DOH that these numbers eh kailangan pa ring i-validate kasi baka may duplications, still kailangan pa rin po siyang i-validate?

So, how can we say, sir, that we are winning the battle?

SEC. ROQUE:  Well, palagi ko pong sinasabi tingnan po natin iyong critical care capacity natin. Iyong pag-lockdown po natin talagang hanggang wala pong bakuna, hanggang wala po ng gamot sa sakit na iyan, hind po tayo mananalo laban sa COVID-19.

Ang ginagawa lang po natin, mapabagal ang pagkalat hanggang doon sa punto na mayroon na tayong sapat na kakayahan na bigyan ng lunas ang mga magkakasakit and we are there. Kaya nga po sa nasa 35% capacity pa lamang tayo sa critical care capacity natin.

At bukod pa po roon, importante rin na hindi man natin mapabagal nang husto ang pagkalat ng sakit, iyong mga namamatay naman po eh under ten naman po. Kahapon nga po, apat lang ang namatay at sana po magpatuloy iyan at kung pupuwede nga po sana wala nang mamamatay nang tuluyan.

Pangatlo po, iyong ano nga po … iyong case doubling rate, dahil habang mas mabagal na kumakalat ang sakit eh mas nagkakaroon po ng oportunidad na gamutin iyong mga nagkakasakit na.

And that is why I maintain na we are still winning the war against COVID-19 pero siyempre po, iyong ultimate weapon na gagamitin natin nasa kamay po ng taumbayan – mask, washing hands and good hygiene.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, follow-up lang po doon sa issue on Sulu. Aren’t you concern that the public trust doon sa Philippine National Police might be affected because of this incident? I understand ongoing pa po iyong investigation. But this is not the first time it happened kasi mayroon na rin pong nangyaring incident sa Quezon City, iyong kay Ragos—kay Winston Ragos, involving also PNP?

SEC. ROQUE:  Sec. Año is the boss the PNP. Sir, would you care to answer the question?

SEC. AÑO:   Yes. Well, ang question [garbled] naman kasi diyan is ano ba iyong action na ginagawa natin after the incident. Of course, dalawa iyan eh ano. We are continuously instituting reform in the Philippine National Police including upgrading their training, their capabilities para maiwasan iyong mga ganitong insidente.

Now, [garbled] come out like this ‘no, ang ginagawa naman natin sinisigurado natin talagang lahat ng [garbled] ay ginagawa natin. For the Sulu incident, immediately ano just one hour after the incident I already ordered the disarming of the suspected policemen and putting them into custody.

Now, observing the due process of course, kailangan matapos itong investigation and the President himself para sigurado na hindi maapektuhan iyong relationship ng PNP and AFP, the President is going to talk to the commanders of the AFP and the PNP in the Western Command area and I will be joining the President also. And if he has time, he will also talk with the nine suspect policemen.

Ang sabi ko nga ano, ako mismo I have an interest to ensure that justice shall prevail because I know this people and I’ve been part of the Armed Forces. And not only that, it is my duty also to make sure that justice is served not only because they are AFP people but dapat sa buong entire country, sa public, we will exact accountability and they will answer kung ano man iyong lalabas sa investigation and we will file appropriate charges to them after the investigation.

SEC. ROQUE: Okay. Next question?

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, follow-up lang po doon sa winning against battle doon sa COVID-19? Do you agree, sir, Sec. Año, that we are winning this battle against COVID-19 despite the rising of the COVID cases?

SEC. AÑO:   Yes, of course. Nakita naman natin na we are able to manage specially the number of deaths. You know, no country can ever say it’s already successful in the fight against COVID hanggang wala pang vaccine because this is always what you call series of [garbled] lockdown and what you call health and risk management. Because if you just look around, all over the world, nakita naman natin the performance ng ating country is it is really doing good.

Now, habang tumataas iyong testing natin, siyempre dadami iyong numbers.

But if you look at the positivity rate ‘no, we are now at about 6% positivity rate probably hanggang 7. Our goal is to bring down the positivity rate up to 3% and even 1% ‘no, like for example, South Korea they are between 1 to 3 percent. That means that you are really winning. Kahit ilan iyong numero diyan na tini-test natin at hindi naman tumaas na iyong—relative to our population iyong positivity rate and eventually also we are able to manage our severe and critical symptomatic patients kaya nga nakita natin iyong iba’t-ibang measure of success.

Now, if we compare our country with other countries also, nakita natin. We have about 7.4 infected person/100,000 population. And look at US, there are about 368 persons/1 million population, iyong sa atin is about 11/1 million population. For Brazil, it’s 127. So makita mo iyong difference ‘no. And we are able to manage nga itong mga severe and critical.

Now ang maganda sa nagawa natin, sa pagla-lockdown natin, we are able to buy time to increase our testing capacities, build isolation facilities at saka iyong mga healthcare capacities. So we are really very, very ready now to fight COVID more than ever.

SEC. ROQUE:  Okay, thank you. We would like to welcome Secretary Galvez, also fresh from Cebu. Sec. Galvez, would you like to have an opening statement? Ano po ang assessment ninyo sa Cebu at anong unang-unang gagawin ng National Task Force, as Chief Implementer?

SEC. GALVEZ:  Katulad ng naunang nasabi po ni Secretary Año, medyo gumaganda po ang analysis natin doon sa Cebu, mas maganda ang organization nila at well-knitted iyong Cebu City Operations Center at kaniya-kaniya po kaming ginawa na bisita. Si [garbled] Secretary, siya pong bumisita bumisita sa mga hospitals [garbled] at nagbigay rin po siya ng mga benefits doon po sa mga tatlo na doktor at nurses na naging positive po sa COVID at naging severe cases.

So nagdala po ng mga tinatawag nating mga high morale ang ating mga healthworkers at saka po titingnan po natin ang support ng ating mga private sectors. I’m very happy [garbled] sa Aboitiz, San Miguel Corporation at iba pa na iyong kanila po ng mga donations na [garbled] at saka beverages para po sa ating mga health workers, tumataas po ang level ng antas ng morale ng ating health workers. At the same time, iyong 25 na [unclear], iyong para i-abort iyong tinatawag nating intubation ay nagagamit po, 20 na po iyong nagamit doon na pinadala po ng San Miguel Corporation.

Sa ngayon po, maganda naman po iyong sa airport, maganda pong balita na kapag once na ano po namin, target po namin ay makapag-accept before the end of the month, na makapag-accept ng 4,000 OFWs at seafarers. Ito po, ang gusto po namin ay [garbled] passengers natin para mawala po ang distress ng ating mga OFWs sa abroad. So we are planning to either within this month ay makakuha pa tayo ng mga 5,000 to 7,000 po na OFW daily using the NAIA terminal and also the Clark and also the Cebu [garbled]. Malaki po ang potential sa Cebu Airport [garbled] tayong magkarga ng 4,000 passengers po doon sa airport.

Maraming salamat.

SEC. ROQUE:  Okay, Usec. Rocky. Thank you, Sec.

USEC. IGNACIO:  Secretary Roque, iyong tanong ni Rosalie Coz natanong na po ni Joseph Morong. Ito na lang pong tanong ni Francis Wakefield ng Daily Tribune: Regarding pa rin po doon sa alleged misencounter sa Sulu, may naganap na po bang pagpupulong with President Duterte at leadership ng PNP and AFP to help defuse any tension? Is the President going to Mindanao this weekend to visit troops, para daw po mapataas ang morale nila? Ano daw po ang guidance sa kanila?

SEC. ROQUE:  Secretary Ano, would you like to respond?

SEC. AÑO:  Yes, the President is going to the south to talk to our PNP and AFP commanders. Sabi ko nga kung may time pa siya ay kausapin din niya iyong mga suspect. I cannot just disclose for security reason, but it is coming very, very soon.

SEC. ROQUE:  Well Sec., isama ninyo po ako diyan ha para mayroon po tayong mabilisang ulat doon sa pagpupulong na gagawin po ng ating Presidente.

USEC. IGNACIO:  From Raquel Bayan ng Radyo Pilipinas: Agri group po is asking the government for suspension muna ng pag-i-import ng agricultural products amid the new swine flu in China. May we know the Palace take on this and anu-ano po ang measure being implemented now para sa ating mga ports and borders to ensure that the new strain of swine flu will not enter the country?

SEC. ROQUE:  Nagbigay na po ng anunsiyo ang DA, bawal po ang pag-angkat ng produktong baboy galing po sa Tsina.

USEC. IGNACIO:  Tanong pa rin po mula kay Raquel Bayan: According to PAGASA, for this month of July po nasa dalawa hanggang apat ang expected na bagyong papasok sa bansa. How prepared are we for this and do we still have enough funds para po sa possible relief and rescue operations po since naka-focus po tayo ngayon sa COVID response?

SEC. ROQUE:  Well, matindi naman po ang preparasyon natin sa mga bagyo dahil sanay na po tayo sa pagdating ng season ng mga bagyo ‘no. Nag-issue na po ng Memo 54 ang ating NDRRMC na nagbibigay po ng furthers guidance sa ating mga LGUs sa kanilang mga preparasyon and adjustments sa kanilang mga trabaho dahil nga po sa COVID-19. Hindi po naman tayo mauubusan ng pera dahil ang ginawa nga pong istratehiya ng ating Department of Finance ay noong napakataas po at hanggang ngayon po napakabuti ng ating credit rating, eh nangutang na nga po tayo ‘no para mayroon tayong standby funds na pupuwedeng magamit sa mga aberya.

So wala pa naman pong problema sa pagpopondo, kung hindi sapat ang budget, malaki-laki na po ang nautang natin, mahigit kumulang 5 billion dollars ang inanunsiyo natin. At noong sa pagpupulong nga po kay Presidente noong isang araw, nadagdagan pa po ng 500 million dollars, so almost 6 billion na po ang nautang natin. Hinahanda po natin iyan sa contingencies na puwedeng mangyari habang may COVID-19.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  Hi, sir! Good afternoon. Sir reaction lang po doon sa sinabi ni Senator Antonio Trillanes regarding the Sulu encounter, this is for you and Secretary Año. Sabi po kasi ni Senator Trillanes, the murder of 4 Army men by the PNP is the latest price we have to pay for tolerating the EJKs in the past 4 years. Make no mistake, Duterte’s nanlaban doctrine is the poison that destroys the PNP as an institution.

SEC. ROQUE:  Hindi ko po alam kung anong sinasabi niya dahil hindi po natin kinukunsinti ang patayan kaya nga po masinsinang imbestigasyon ang ginagawa natin dito sa naging pagpatay sa apat na sundalo mula sa po sa Hukbong Sandatahan.

Secretary Año, the question is also—

SEC. AÑO:  Yes, I agree ‘no. EJK is not a policy of this government and on the Sulu incident, sabi ko nga ‘no, we will exact justice and we will make sure that those responsible shall be accountable. Umasa kayo diyan, ako mismo ang personal na nagpa-follow up ng kaso na ito.

SEC. ROQUE:  Okay. Next question, Pia.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  Sir, reaction naman po sa sinabi ni Phil Robertson ng Human Rights Watch. Sinabi niya na iyong creation ng government of a panel that investigates the drug war deaths ay isa lamang daw pong pakana ng administrasyon to shield country from international scrutiny.

SEC. ROQUE:  Wala pong katotohanan iyan ‘no dahil alam ninyo po, maski wala po iyang inter agency na iyan, nasa manual po ng PNP, kapag mayroong namatay na talagang nag-iimbestiga po ‘no kung bakit nagkaroon ng patayan sa isang police operation. So lahat po ng kaso iyan, 5,000 plus, naimbestigahan po iyan isa-isa at ito namang pagbubuo po ng inter-agency, hindi naman po bago iyan eh. Noong ako po ay una pang Spox, diyan po nagsimula iyan ‘no at noong mga panahon na iyon, ang PNP Chief ay iba pa ‘no. Eh sinimulan na nga po iyong imbentaryo at pagtitingin kung mayroon talagang paglabag sa batas na naganap diyan sa mga patayan na iyan. At ipinagpapatuloy po iyan ng DOJ ngayon sa pamamagitan nitong inter-agency.

Ang importante po ay ganito, kung hindi po mapigilan ang patayan, kinakailangan imbestigahan, litisin, parusahan ang mga pumapatay at iyan naman po ang polisiya ng gobyerno. Wala po tayong bibigyan ng impunity dahil hindi naiwasan ang pagpatay kung talagang mayroong ebidensiya for murder, sasampahan po iyan ng murder at nangyari naman po iyan doon sa kaso ni Kian.

Your last question, please.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  Sir, can you react on the statement of Cebu City Mayor Edgardo Labella na there are other reasons that might have led to the rise of COVID cases in the barangays hindi lang iyong pagiging matigas ng ulo ng mga Cebuano, like for example having a dense population ng mga informal settlers, iyong not so efficient testing capacity and the intensified contact tracing. Are we also taking that into account, sir, doon sa increase ng cases sa Cebu City, sir?

SEC. ROQUE:  Secretary Galvez as Chief Implementer, would you like to respond to the question?

SEC. GALVEZ:  Nakikita po natin—ang isa sa nakikita natin na mali sa implementation ay unang-una, iyong home quarantine na 1,900. Kapag po tayo ay nagkaroon ng home quarantine, hindi po natin makontrol o totally mai-isolate po iyong tinatawag po natin na mga COVID cases.

Pangalawa. ang naitala po ay medyo mahina po ang contact tracing at 30%, meaning  iyong mga taong  na-infected ay talagang hindi po nakukuha at the same time nagkakaroon po kasi ng psychological stigma. Ibig sabihin iyong isa tao na may kontak, hindi na po siya nagsasalita dahil ayaw po niya magkaroon ng COVID case pa, kasi malakas po ang discrimination. So, psychological po iyong isa sa nakikita nating dahilan.

At nakikita rin po natin ang Cebu City ay para din itong tinatawag na hub na talaga pong lahat puntahan ng mga tao. At nakikita rin po natin na may mga area na tinatawag na Barangay Luz ay talagang densely populated. Meaning, hindi po tayo makapag-ano talaga ng social distancing at saka tinatawag nating mga minimum health care standards dahil po nakikita po natin na very vulnerable po ang mga informal ano po natin doon.

Ang iba ano po ay talagang… iyong titingnan po natin ang isang sitwasyon din po ay katulad po sa Manila, mayroon po tayong tinatawag na forty six level three hospitals. Sa Cebu po nakita po natin, apat lang po iyong malaking civilian hospital doon at pito lang po iyong Level 3 hospitals. Meaning, ang Cebu po ay tinatawag po lagi mga geographical challenged dahil kasi isa po siyang hub, center hub at puntahan po ng mga tao.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  Sir, follow up lang po. Do you think that it’s fair for the government to zoom in iyong doon sa supposedly katigasan ng ulo ng mga Cebuano as the main reason kung bakit mataas iyong kaso nila doon?

SEC. GALVEZ:  Ang nakikita natin talaga pong malaki po iyong dahilan kung kapag po talaga iyong obedience ay ipa-ano po… iyong tinatawag exact ano ng quarantine control, malaki po ang magiging effect nito. Kasi ang ano po ng tinatawag natin na epekto ng ECQ is to minimize iyong tinatawag nating transmission and contain iyong spread. Kapag hindi po iyon na-implement na mabuti ay ang ating R0 o iyong rate of transmission ay hindi po bababa. At ang nakikita po natin kapag po talaga hindi po naging effective iyong ECQ ay talaga pong hindi po mapipigilan iyong tinatawag nating spread. At ang ano po natin, kaya po nagpapasalamat po ang karamihan dahil (garbled) at umikot kami sa mga iskinita kagabi, nakita ko po talaga na sumusunod po ang ano po natin.

Iyong sinasabi po ni Presidente, parang karinyo lang po iyon sa mga Bisaya. Nakita  po natin sumusunod naman po sila, ang ano lang po natin ay talagang bigyan lang po natin ng tinatawag na iyong information drive na dapat (garbled) na iyong fight na ito ay hindi para sa (garbled). This is people’s battle against COVID. So ang ano po natin dapat talaga ipakita sa kanila na napakahalaga ng  kanilang partisipasyon, peoples participation is very important in this fight against COVID.

SEC. ROQUE: Yes, thank you, Pia. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:   Secretary from Tina Mendez of Philippine Star regarding po doon sa projection ng COVID-19, UP Researcher Professor Ranjit Rye said it has never been a game for their team and that there was no reason to be happy when the country has registered ten thousand cases in two weeks up to the end of June. Father Nicanor Austria Co also of the UP OCTA Research Team said it was more important to look at the trend that figures from the government were showing than the target being hit because this is representative of the pandemic happening in the country. Ano daw po ang komento ninyo?

SEC. ROQUE:  Well, nasagot ko na po iyan. Iyong aking nasabi noong nakaraan, ito naman po ay kaunting pagdiriwang kasi nga po matapos nating himukin ang ating mga kababayan na gumawa ng hakbang para mapabagal ang kalat ng COVID, eh hindi nga po umabot doon sa projected figure ng UP, iyong bagong kaso ng mga COVID. Eh, pasensiya na po ano, kasi habang wala talagang bakuna, habang wala pong gamot, eh talaga namang kapag iyong… whatever little victory we can have, eh ako po personal eh nagagalak, pero alam ko po malaki pa rin ang problema at ultimately kailangan talagang bakuna at gamot, pero huwag naman po ninyong ipagkait doon sa mga taong gaya ko na hindi tayo umabot sa projected figure eh puwede ng ikagalak iyan.

Hayaan na po ninyo kami, dahil sa ngayong pandemya eh dapat naman mayroon kaming maasahan, dapat naman mayroong din dahilan para magdiwang ng kaunti. Doon lang po.     

USEC. IGNACIO:   From Virgil Lopez ng GMA News online. The Supreme Court has dismissed the petition questioning the constitutionality of the Bayanihan to Heal as One Act due to the failure of the petition to show grave abuse of discretion on the part of the IATF and other government officials. May we get Palace’s reaction to this?

SEC. ROQUE:  Nagagalak po kami at sinuportahan po ng Hudikatura itong sagot ng Ehekutibo  at ng Kongreso laban po dito sa banta ng COVID-19. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO:  Mula pa rin po kay Virgil Lopez. The DOH has identified several emerging hotspots of COVID-19 in Mindanao. Is this a cause of concern that this time—what government interventions are in place to prevent further spread of the virus in these areas?   

SEC. ROQUE:  Secretary Galvez?

SEC. GALVEZ:  Sa ngayon po tinitingnan po natin aside from Cebu ay itong Region VIII. Nakita naman po namin, inano po namin na maganda naman po ang ginagawa po ng ating mga governors at saka mayors po doon at naikuwento nga po kanina sa akin ni Governor Petilla na tumataas po ang recovery po doon sa area ng Region VIII and at the same time (garbled) at may mga umuuwi po na hindi po natin ma-kontrol. Ibig sabihin mayroon pong sumasakay sa mga tinatawag nating mga sasakyan na hindi po nakikita ng ating mga task groups on returning OFWs saka iyong LSIs. So iyong pagtaas po ng spike ng mga numbers nila, is basically doon po sa Locally Stranded Individuals particularly those iyong mga hindi recorded na kumbaga sa ano po ay sumasakay po sa mga logistics na barko at hindi po natin natitingnan. Kaya nga po ngayon ay tinawagan po natin ang ating Coast Guard para paigtingin po iyong tinatawag nating LSI na bumabalik po na hindi po nare-record po natin.

SEC. ROQUE:  Yes. The time is 12:59, we are running out of time. Melo Acuña, please?

MELO ACUÑA:   Good afternoon, Secretary. This is for Secretary Galvez. Sa aking interview kay Archbishop Jose Palma ng Cebu, nabanggit niya na naipahiram na ng Archdiocese of Cebu iyong kanilang International Eucharistic Congress Convention Center which seats about 14,000 people. Kulang pa po ba itong pasilidad na ito para sa quarantine ng ating mga kababayan sa Cebu?

SEC. GALVEZ:  Kailangan po talaga na i-akyat pa sa level ng aming expansion ng mga quarantine facility. Kaya nga po ang ating Philippines Red Cross ay nagbigay na po ng 14 tents at ang ating Regional Director ng ating DPWH, may 11 sites sila na pino-propose para gawan po ng ating quarantine facility. Kailangan pong gawin po talaga ito para po iyong tinatawag nating mga cases ay mailagay po natin sa isolation area. Kasi po iyong strategy natin ng isolation ito lang po ang magandang magagawa natin para at least ma-prevent po totally iyong spread ng virus. So, kailangan pa po na magkaroon po tayo ng mga quarantine facilities and we really thank ang mga religious na nagbigay po sila ng more or less mga [garbled] beds doon sa isa nating quarantine facility.

MEL ACUÑA:   Opo. Sa kaiikot ninyo, hindi ba naman kayo nangangamba na magkaroon kayo ng COVID-19 dahilan sa exposure?

SEC. GALVEZ: Iyon po talaga pong dapat nating gawin, kasi kami nga nila Secretary Año talagang very ano po kami. Sa aking team dalawa na po ang tinamaan ang tinatawag na Head Executive Assistance (garbled). At talaga pong ginagawa po namin na double protection, kaya po nakita natin na marami tayong iniinum na vitamins at saka iyong immunity natin inaakyat po natin at the same time we are praying hard na sana hindi tayo tamaan.         

At talaga pong ginagawa po namin na double protection kaya po nakikita natin na marami tayong iniinom na vitamins at saka iyong immunity natin inaakyat po natin at the same time, we are praying hard na sana hindi tayo tamaan.

MELO ACUÑA:  Opo. Para kay Sec. Año: Iyon pong pagsasanay para sa contact tracers, how far have your gone? Marami na po bang na-recruit ang DILG to do the job? Thank you.

SEC. AÑO:  Sa ngayon ay mayroon na tayong almost 4,000 teams na bumubuo ng almost 50,000 contact tracers at tuloy-tuloy ang training niyan. Almost mga 40% naman diyan ay na-train na natin. kung maaaprubahan iyong Balik—iyong Bayanihan Part 2 naitn ay isa din sa hinihingi natin diyan ay iyong funding ng contact tracer na initially, 50,000 talaga iyong gusto nating ma-hire muna kaagad at ito ay idi-distribute natin sa mga lugar na heavily affected at sa mga lugar na kakaunti iyong tinatawag nating health capacity para ma-foresee natin at ma-anticipate natin iyong mga biglang pag-surge dito kung sakali man.

So, baka siguro in the coming weeks ay makapagsimula tayo ng pag-recruit ng mga contact tracers. This is very, very important. Kapag kasi hindi magaling ang contact tracing natin, para tayong bulag na nakikipaglaban, so, ito iyong unang-unang maghahanap bago natin mai-test.

And may mga lugar naman din na magagaling talaga iyong contact tracing natin like Baguio, dito sa Metro Manila, magaling din at sine-share natin iyong mga experiences natin.

MELO ACUÑA:  Salamat po, salamat po.

SEC. ROQUE:  We’re down to our last eight minutes. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:  Question from Tuesday Niu of DZBB: Papayagan na po bukas sa Metro Manila ang anim na libong traditional jeepneys na roadworthy, sino daw po ang nag-determine ng road worthy ang mga jeep na ito at kailan nagsagawa ng inspection para masertipikahan nga sila na road worthy?

SEC. ROQUE:  LTO at LTFRB, dahil kung hindi po sila road worthy wala pong rehistro.

USEC. IGNACIO:  Tanong mula kay Aileen Taliping ng Abante Tonite: Puwede po bang magtanggal ng mga kawani ng gobyerno ngayong panahon ng pandemic? Ang National Housing Authority (NHA) po kasi ng mga kawani na COSP nitong Lunes kaya hindi alam ng mga kawaning natanggal kung paanong maka-survive lalo na ngayong may COVID crisis?

SEC. ROQUE:  Wala pong prohibisyon basta po sinusunod ang due process at mayroon pong basehan.

USEC. IGNACIO:  Iyong tanong po ni Vanz Fernandez ay natanong na po ni Joyce Balancio. Tanong ni Julie Aurelio ng PDI: Can we confirm that the Palace will be asking Congress for a special session to tackle Bayanihan II? Was this already communicated to Congress and do we have a tentative timeframe for this?

SEC. ROQUE:  Nasagot ko na po iyan. Yes po, we will ask for a special session pero wala pa pong timeline.

USEC. IGNACIO:  Iyong second question po niya, nasagot ninyo na about Ocean Adventure. Tanong po Mylene Alfonso ng Bulgar: Ano po ang reaksiyon ninyo na kinontra ni Sen. Nancy Binay ang sinabi ninyo na panalo na tayo against COVID-19? Masyadong maaga pa raw para sabihin ito, the mere fact na we’re still under General Community Quarantine, meaning we are not winning the battle daw po.

SEC. ROQUE:  Well, na-explain na po namin iyan. Kapag sinabi nating nananalo po tayo dahil nahanda po natin ang ating health system para magbigay lunas sa mga magkakasakit  bagamat tama po kayo, hindi talaga tayo mananalo habang walang bakuna, habang walang gamot dito sa sakit na ito.

USEC. IGNACIO:  Question pa rin po mula kay Mylene: Nagbabala po ang isang senador na posibleng magiging malaki ang epekto sa mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 presidential elections kung hindi mabibigyan ng solusyon ang problema sa mataas na singil ng kuryente at tubig sa panahong patuloy ang pananalasa.

SEC. ROQUE:  Opo. Mayroon pong show cause order na na inisyu ang ERC tungkol dito, hihintayin po natin ang sagot ng Meralco at ng ERC. Kukumpirmahin ko po na nakipag-ugnayan din tayo sa Meralco at nangako po sila na wala naman pong putulan ng kuryente hanggang buwan ng Agosto, habang pinaplantsa nga po ng ERC kung bakit naging mataas ang singil ng Meralco. So, hintayin lang po natin ang aksiyon ng regulatory agency which is the ERC.

USEC. IGNACIO:  From Llanesca Panti ng GMA News Online—

SEC. ROQUE:  Nawala na… nawala… Okay. Sec. Año, Sec. Galvez, your last words, please.

SEC. AÑO:  Maraming salamat, Sec. Roque.

Sa ating mga kababayan, napakasimple lang talaga ang pupuwede nating gawin para makatulong tayo sa paglaban sa COVID, bawat isa ay isang tinatawag nating frontliner. Magsisimula ang laban sa indibidwal na mga kababayan natin. Kailangan lang naman talaga sundin natin iyong tinatawag nating health standards: Wear the mask; observe physical distancing; and wash your hands, WOW for short. Napakasimple lang, malaking tulong na iyan.

For the national government and the local government, makakaasa kayo we’ll do everything in order to win this fight against COVID-19. So, together we will win and we heal as one.

Thank you.

SEC. ROQUE:  Thank you, Sec. Año. Sec. Galvez, please.

SEC. GALVEZ:  Ayun rin po. Talaga pong ang battle po nito ay para talaga sa ating mga kababayan at nakikita po natin nag i-improve ang Cebu because of the cooperation of the public and their LGUs.

Iyong pipe po nito, iyong nagagawa po namin na National Action Plan Part 2 or iyong Phase 2, ang ano po namin is saving lives and mitigating impacts as one towards economic and social recovery, so, iyong mga ano po natin ay iba-balance po, ire-rebalance po natin ang ating health procedures at ating economy.

So, makakaasa po kayo ang national government po ay talagang puspusan po na makapagbigay ng serbisyo sa inyo lalo na dito na nagkakaroon tayo ng susunod na pangamba sa mga susunod na mga typhoon area.

Ito po ang ano natin na talagang tayo po ay makapagbigay ng serbisyo sa ating mga kasamahan laban sa COVID-19.

Maraming salamat po.

SEC. ROQUE:  Well, maraming salamat, Sec. Galvez, Sec. Año, Usec. Rocky, sa mga kasama natin sa Malacañang Press Corps. Natapos na naman po ang isang briefing natin at ang mensahe ko po ay para sa ating mga kababayan sa Cebu: Magbantay gihapon ta, dili sa ‘ta magpakumpiyansa, musunod ta sa minimum health standards, suot ng mask, hinaw sa kamot, pagkig distansiya. (Mag-ingat pa rin tayo, huwag muna tayong kampante, sumunod sa minimum health standards: magsuot ng mask, hugas ng kamay, social distancing)

Mga kaibigan, talagang matindi po ang kalaban natin na COVID-19. Mayroon naman po tayong mga sandata, gamitin natin iyan. Magkapit-bisig and together we will heal as one.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ako po ang inyong spox Harry Roque nagsasabing, keep safe Philippines.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)