Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque with DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Umpisahan po natin ang briefing natin ngayon tungkol po sa usapin ng kaso ni Maria Ressa kung saan napatunayan na siya po ay nagkasala ng Makati Regional Trial Court. Siyempre po, ang unang-unang paninindigan ng ating Pangulo ay ito ay kaso na nalitis ng ating hukuman, respetuhin natin ang desisyon ng hukuman. Pero, diyan ba ho nagtatapos ang paninindigan ng Presidente? Hindi po.

Paulit-ulit na pong sinabi ng Presidente na ni minsan hindi po siya naghain na kahit anong kaso ng libel laban sa kahit kaninong nabu-buwisit siyang mga peryodista. Naniniwala po siya sa malayang pag-iisip at pananalita at ang paninindigan niya, ang taong-gobyerno hindi dapat onion skinned ‘no. Kinakailangan hinaharap ang pula ng taumbayan lalo na kung ito ay nanggagaling sa ating media. Hindi lang po nagtatapos doon ang paninindigan ng ating Presidente na hindi siya nagpa-file ng kahit anong libel case sa kaniyang karera bilang Mayor, Vice Mayor at Presidente.

Noong 2001 po, mayroon pong isang Davao based na peryodista, si Alexander Adonis, na napatunayan na nagkasala para sa libel at kinulong po sa Davao Penal Colony. Si Adonis po ay nakulong dahil ‘diumano, siya po ay isang broadcaster na ibrinoadcast iyong tinatawag na ‘Burlesk King’ incident na kinasasangkutan ni dating Speaker Nograles. Eh alam ninyo naman, matinding katunggali sa pulitika ni then Mayor Rodrigo Roa Duterte si then Speaker Nograles.

Ano po ang nangyari? Matapos pong nakulong si Adonis, patuloy pong nagbigay ng suporta ang Presidente kay Alexander Adonis at nagbigay din po siya ng material support dahil ang ginawa po ni Alexander Adonis, nagpunta po siya sa UN Human Rights Committee kung saan sinabi niya na iyong criminal libel sa Pilipinas ay labag po sa karapatan nang malayang pananalita.

Dahil po sa paninindigan ni Alexander Adonis at dahil na rin sa material support ni then City Mayor Rodrigo Roa Duterte, nanalo po si Alexander Adonis. Ano po ang desisyon ng Human Rights Committee? Sabi po ng Human Rights Committee na ang criminal libel sa Pilipinas ay contrary or labag sa karapatan nang malayang pananalita.

Bakit? Dahil ang sabi po ng Human Rights Committee, hindi po proportional ang pagkakakulong bilang parusa sa libel. Mayroon naman daw pong civil damages na pupuwedeng i-award, hindi po dapat pagkakakulong. At pangalawa po, mayroon nga pong alternatibo dahil hindi kinakailangang kriminal ang libel kung hindi dapat maging sibil. Iyan po ang Alexander Adonis vs. Republic of the Philippines, sinuportahan ni ngayong Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Hindi po diyan nagtapos ang kuwento ni Alexander Adonis, ginawa rin po natin siyang partido doon sa kaso laban sa cyberlibel. Kung matatandaan ninyo po, kasama namin si Alexander Adonis na naghain ng petisyon para kuwestiyunin ang constitutionality ng cyberlibel. Hindi po administrasyon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang nagsulong ng cyberlibel act – administrasyon po ni Presidente Noynoy Aquino.

Sa masawing-palad, bagama’t ang sinabi po ni Alexander Adonis na kinakailangan ipatupad ng ating Kongreso ang rekomendasyon ng Human Rights Committee na dapat i-decriminalize ang libel sa Pilipinas, eh ano po ang sabi ng ating Korte Suprema dito sa kaso ng Roque vs. Executive Secretary?

Ang sabi po nila, well, hindi naman daw po sinabi ng UN Human Rights Committee na dapat talagang gawing iligal ang criminal libel. Ang suhestiyon ay ibinigay na i-decriminalize daw, at dahil ito ay isang suhestiyon lamang, hindi binding sa Pilipinas ang naging recommendation ng UN Human Rights Committee. At sinabi rin ng hukuman and I quote: “Libel is not a constitutionally protected speech and that the government has an obligation to protect private individuals from defamation.

Ano naman po ang ibig sabihin o anong relasyon nitong Adonis vs. Republic of the Philippines at Roque vs. Executive Secretary? Nagpapatunay po na hindi po Presidente ang nasa likod sa panunupil diumano ng kalayaan nang malayang pananalita at pamamahayag. Iyan po ay desisyon ng ating Korte Suprema sa panahon pa ni Presidente Noynoy Aquino.

At sa katunayan, dahil ang Presidente ay hindi minsan man lang nagsampa ng libel case laban sa kahit kaninong peryodista at siya po ay sumuporta pa kay Alexander Adonis noong siya ay nakakuha ng communications sa UN Human Rights Committee na ang libel ay labag sa karapatan nang malayang pamamahayag, suportado po ni Presidente ang malayang pananalita at malayang pamamahayag. Sana po, malinaw iyan.

Alam naman po ni Bb. Maria Ressa itong kaso ni Adonis vs. Republic of the Philippines at alam din niya itong kaso natin laban sa cyberlibel. Pero sasabihin ko po sa kauna-unahang pagkakataon na iyong sinampa naman po namin iyong libel, iyong challenge laban sa criminal libel, hindi naman po kami sinuportahan ni Bb. Maria Ressa.

Sa ibang mga bagay-bagay naman po, updates po tayo sa Locally Stranded Individuals. Now, dito po sa Press Briefing na ito una ninyong narinig na dinala sa Villamor Airbase ang mga Locally Stranded Individuals. As of June 14, 2020, 6 A.M. mula sa datos ng DILG, mayroon po tayong 764 Locally Stranded Individuals na nasa Villamor Airbase Elementary School at Philippine State College of Aeronautics; 379 po ang nabigyan ng assistance for transport. Mayroon pa po tayong 385 na natitira; 150 po sa mga stranded, sang-ayon sa DOTr ay sasakay na ng OPV Gabriela Silang ngayong tanghali bound for Davao and GenSan. Mayroon pa po tayong 150 naman po na papunta sa Davao via Cebu Pacific.

Sa panig naman po ng DSWD, sila ay nakapag-distribute na ng 633 sleeping kits at 633 sanitary kits sa mga Locally Stranded Individuals sa Villamor Airbase Elementary School as of June 14. Nagbigay din po ang DSWD ng P2,000 financial assistance sa bawat isa sa 539 Locally Stranded Individuals.

Ito naman po ang pinakahuling ulat mula sa DOLE Abot Kamay ang Pagtulong for OFWs or AKAP financial assistance program. Ito po ay as of June 15, 2020, salamat po kay Secretary Bello para sa mga datos na ito. Under the initial fund release of 1.5 billion received as of April 8, 2020, iyong total budget nga po ay 1.5:

Ang target – 150,000 beneficiaries;

Ang received applications – 418,142;

Ang approved applications – 145,472;

Number of OFWs paid – 139,000.

Amount disbursed – 1.44 billion.

Ang mabuting balita po is as of 14 May 2020, binigyan pong muli ng isang bilyon ang programang ito:

Ang target number of OFW beneficiaries, ay 100,000;

Ang received applications ay 92,555;

Ang approved applications ay 45,748;

Ang number of OFWs paid ay 16,230;

Ang amount disbursed ay P169 million.

Ito naman po ang breakdown ng OFWs na nakauwi na sa kanilang home regions. Again, thank you to Secretary Bello for this data. Okay, ang numero po ay as of May 15 to 24, mayroon po tayong 8,922; Ang sumatotal po from May 15 to June 14 ay 50, 105.

May isa pa pong mabuting balita. Aba’y ang Japan Credit Rating Agency po (JCR), ay nagkaroon po ng upgrade sa credit rating ng Pilipinas to A- or one notch higher than BBB+. Ano pong ibig sabihin nito kay Juan Dela Cruz? Ibig sabihin po nito, makakautang po tayo dahil naniniwala ang mga nagpapautang na tayo po ay magbabayad. At dahil mabuti nga po ang ating credit standing, ibig sabihin mas mababa po ang interest na mauutang natin at iyong uutangin natin, pupuwede nating gamitin hindi lang para sa ayuda kung hindi para po sa ating mga responses sa COVID-19.

This recognition by Japan’s leading credit agency is an affirmation of the international community’s faith in our economic strength and resilience amid the worst global downturn in nearly a century. We thank our economic team lalung-lalo na po si Secretary Dominguez for their initiatives including reforms that help us weather the pandemic and steer the economy towards the new normal.

So, kasama rin po natin nga pala maya-maya po ay si Usec. Vergeire. Pero sa COVID-19 updates po natin, mayroon na po tayong 25,930 na kaso ng COVID-19.

Ang magandang balita pa rin po ay patuloy ang pagtaas ng mga gumagaling, nasa 5,954 na po ang mga naka-recover; samantalang napanatili nating mababa ang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa virus, sa ngayon ang suma total po ay 1,088. Mamaya po si Usec. Vergeire ang magbibigay ng detalye.

Dito po nagtatapos ang ating presentation para sa briefing ngayong araw. Usec. Vergeire, siguro kayo po muna bago po tayo tumanggap ng mga katanungan galing po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

USEC. VERGEIRE: Good afternoon po, Secretary. Magandang hapon sa inyong lahat. Ngayong araw po ay maglalahad ang DOH or magre-reemphasize nito pong mga bilang po ng mga namamatay sa ating bansa.

For these past days po, started June 12, nakapagtala po tayo ng medyo mas mataas na mga numero ng kaso kumpara doon sa mga nakakaraang araw ngayong Hunyo.

Ngayon pong araw na ito ay magbibigay lang po tayo ng pahayag at impormasyon sa ating mga kababayan para po sila ay maliwanagan sa ating estado ukol sa mga namamatay sa COVID-19. Can we show the slides please?

So, ito pong ating pinapakita ngayon na slide, dito po ay makikita natin ito pong mga pagtaas ng kaso ng mga pagkamatay dahil sa COVID-19.

Katulad ng sabi ko nitong nakaraang araw, makikita po natin po noong June 12 nakapagtala po tayo ng 16 deaths, no0ng June 13 nakapagtala po tayo ng 22 deaths and noong June 14 nakapagtala po tayo ng 14 death. Kumpara po ito sa mga nakalipas na araw ng Hunyo, kung saan nakakapagtala lang po tayo ng below 10 deaths.

Atin pong ipinorma ano, atin pong in-analyze at inilagay po natin sa tamang araw iyon pong ating mga pagkakamatay ng ating mga kababayan. Kung mapapasin ninyo po in the  previous slide, iyon po ay base sa araw ng pag-release ng report or base sa pag date of report ng pagkakamatay at hindi talaga sa araw ng pagkapanaw ng ating mga kababayan dito po sa COVID-19.

Ngunit dito sa slide na ito, atin pong hinanap at binerify iyong pong mga actual date of deaths nung mga tao. So, iyon pong ating mga nailahad noong nakakaraang mga araw, makikita po natin dito, dito po sa dark red na mga bars, ito po ang mga araw na mismong pumanaw ang ating mga kababayan for this reports that we’ve had in June 12, June 13 and June 14.

Ito pong ating mga pink na bars or the previously reported cases with known death rate and katulad nga po ng sabi ko, ito pong makikita natin, iyon pong nailahad natin noong June 13 na 22 deaths ito po iyong mga dark red na bars na makikita po natin na ang mga namatay po  ng June ay 4 lang po or 18% of these 22 deaths, at makikita po natin diyan sa mga bars na iyan, 7 po ang namatay noong May, 6 po noong April at saka lima po noong March.

So, kapag tiningnan po natin ito pong ating mga inihahayag na mga numero simula po noong Friday na tumataas na mga kaso ng pagkakamatay ay ito po ay based from the date of the death reported at hindi po iyong actual date na pumanaw po ang ating mga kababayan. Kapag tiningnan po natin ang slide na ito, it could show you na iyon pong mga 22 noong June 13, iyon pong 12 noong June 12 and then iyong 14 po kahapon ay mga namatay po iyong date of report nila ay mga namatay noong pa hong past months at hindi talaga sa June.

So, makikita po natin dito iyong case fatality rate, ang case fatality rate po ay ito po iyong numero ng namamatay sa ating bansa over the number of cases that we have. At makikita po natin na ang Pilipinas, in this light blue line, makikita po natin siya compared to the global scenario, compared to ASEAN countries and compared a country like Indonesia. And we can see ‘no na bumababa na po ang ating case fatality rate.

Nag-umpisa po tayo na ang ating case fatality rate is more than 5%. Pero ngayon makikita po natin na ang ating case fatality rate ay 4.23%. ‘Pag kinumpara po natin iyan sa global scenario, ang global scenario po ngayon ay mayroong 5.6% at ito po ay mas mababa sa global average. And also, kahit na po mas mataas po tayo doon sa ASEAN; ang ASEAN po they have 2.92% na case fatality rate. We are still below the global average and comparing with Indonesia, another ASEAN country, makikita natin na mas mababa rin po ang mga rate ng pagkakamatay dito sa ating bansa.

Ito pong slide na ito, gusto po namin ipakita na ang reporting po natin has consistently improved over time and we can see that the delays have specifically had been significantly reduced.

Mula po sa dati na ang ating tinatala ay mga 20 araw bago po tayo makapag-report ng isang pasyente ay namatay hanggang ito ay ma-report, umaabot na lamang po sa pitong araw para po ma-validate at ma-verify at ma-report sa DOH ang pagkakamatay. Ito po iyong red na line dito sa ating graph.

Ito naman pong ating makikita rin sa graph na ito iyong pagitan po ng pag-release ng result at saka pag-report po ng kaso na tumatala na lang po tayo sa 2.3 days; and this is the blue line na makikita po natin.

So, iyong overall, ito pong graph na ito pinapakita lang that we have taken a significant strides and improvement in how we are reporting cases as of this time.

So, iyan lang po ang mailalahad natin sa araw na ito, Secretary Roque, para lang po sa kaalaman po ng lahat at para lang po maliwanagan at hindi mabahala ang ating mga kababayan ukol dito sa pagtaas ng numero ng mga namamatay over these past three days, Secretary.

SEC. ROQUE:   Maraming salamat, Usec. Vergeire. As we speak po, nagpupulong po ngayon ang IATF para bigyan ng desisyon iyong mga apela ng ibang mga local government units doon sa classification na nirekomenda ng IATF para sa kanila. Hindi ko na po alam kung ano ang desisyon, dahil umalis na po ako para magpunta dito sa press briefing. Pero sasabihin ko lang po sa inyo, kung ano iyong mga lugar na nag-apela.

Iyong mga nag-apela po para sa mas mataas na classification – gusto po nila ay maging GCQ from MGCQ – kasama pa diyan ang Quezon. Now, ang Cebu City po nag-apela rin, gusto nilang ma-MECQ; tapos may apela rin po na mag-GCQ itong mga lugar na ito ‘no – Abra, Apayao, Caraga Region at Lanao Del Sur.

Now, mayroon din pong ibang apela naman na para sa de-escalation, ibig sabihin siguro from GCQ gusto nilang maging MGCQ. Ito po iyong mga lugar na Dagupan City, Batanes, Davao De Oro, Davao Del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, Davao Del Sur.

Ito rin iyong mga nag-apela from GCQ para maging MGCQ – Pangasinan, Angeles City, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga, Cavite at Cebu province.

Uulitin ko po: ito lang po iyong lugar na mga nag-apela, hindi ko na po alam ang desisyon dahil sa ngayon po pinag-uusapan ng IATF ang desisyon sa mga apela na ito.

Mamaya po kapag nag-anunsyo na ang President, kasama na po sa iaanunsyo niya kung ano ang naging pasya at rekomendasyon ng IATF dito sa mga apelang ito.

Simulan na po natin ang ating open forum, Joyce Balancio ng DZMM.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Yes, good afternoon po, Secretary. Ang Quezon City government po Secretary naglabas po ng memorandum on additional guidelines on the extension of GCQ after June 15. May basbas po ba ng IATF for the LGU to make such announcements when it fact wala pa pong formal announcement si Pangulong Duterte on the post June 15 scenario?

SEC. ROQUE:  Well, wala pa pong announcement ang Pangulo. Pero ang proseso po, matapos pong magkaroon ng rekomendasyon noong araw ng Wednesday ay ipinagbigay alam po sa individual na LGUs kung ano ang rekomendasyon para sa lugar nila, kaya po nalaman naman siguro ni Mayor Belmonte kung ano iyong rekomendasyon para sa Quezon City. At ito po ay ginawa naman para magkaroon ng pagkakataon na umapela ang mga LGUs.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Okay. On Anti-Terrorism Bill po Secretary, nabasa na po ba personally ni Pangulong Duterte itong copy of the enrolled bill and is he close now to making a decision whether or not to approve the bill?

SEC. ROQUE:   Hindi ko pa po alam, mamayang gabi pa lang kami magpupulong.   

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Secretary, I know na nabanggit na rin ninyo ito sa opening statement ninyo on the conviction of Ma. Ressa. Pero I would like to ask directly from you iyong reaksyon sa kanyang statement because she mentioned this conviction to her as a cautionary tale to make people afraid and she said this is not about Rappler or sa kanya, it’s about the right of every Filipino because, I will quote her, “freedom of the press is the foundation of every single right of a Filipino citizen.”

SEC. ROQUE:  Wala pong basehan iyan, she is barking at the wrong tree. Sinuportahan po ni Presidente si Alexander Adonis noong siya ay nagpunta sa UN Human Rights Committee. Ano pa po ang kinakailangang ebidensiya na isa sa pinakamalakas na supporter ng freedom of expression at freedom of the press ay ang Presidente na ni minsan sa kanyang karera ay hindi po naghain ng kaso ng libel laban kahit kanino.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  May mga senators lang po like si Sen. Risa Hontiveros, she mentioned and I’m also going to quote her, “Kung kritiko ka puwede kang ipasara at puwede kang patahimikin. Takot sila kaya nila tayo pinatatahimik.” Any reaction to this, sir?

SEC. ROQUE:  Naku, wala pong basehan. Wala pong basehan. Sinuportahan po ni Presidente ang ruling sa Alexander vs. Republic of the Philippines. Unfortunately, nabigo po si Alexander Adonis na ipatupad itong ruling na ito sa pamamagitan ng kaso ng Roque vs Executive Secretary dahil ang sabi ng Supreme Court eh hindi raw protected speech ang libel. So, iyan po ay jurisprudence, hindi po ang Presidente.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Thank you, Secretary.

USEC. IGNACIO:  Good afternoon, Sec. Roque. From Rose Novenario of Hataw: Pahingi daw po ng reaction doon sa info na nagbabayad ng twenty thousand protection money kay Kerwin Espinosa ang bawat detainee para hindi masaktan sa loob ng NBI detention facility maliban pa sa tuloy ang illegal drug trade niya kahit nakakulong sa NBI?

SEC. ROQUE:  Wala po kaming alam diyan. Bagamat ang sabi ko po last press briefing, mayroon pong imbestigasyong nangyayari kay Kerwin; hindi lang po pupuwedeng i-discuss, ongoing investigation po kasi.

USEC. IGNACIO:  From Kris Jose of Remate Online/Remate: May pakiusap po sa gobyerno na huwag daw muna buwisan ang mga online seller ngayong panahon ng pandemya lalo na ang maliliit lang ang income. Ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ay ang malalaking malls, supermarkets, restaurants, boutiques at iba pang tindahan na nasa online business na rin ngayon na milyon-milyon ang kinikita isang buwan. Reaksiyon po ng Palasyo?

SEC. ROQUE:  Alam ninyo po, naiintindihan namin ang hirap ng buhay pero ito pong polisiya po, hindi ito bago. Itong polisiya po na buwisan ang mga online sellers nagsimula pa po noong si Kim Henares ang BIR Commissioner sa panahon po ni Presidente Noynoy Aquino. Ipinatutupad lang po natin ang instruction at ang isang batas na pinasimulan ni Presidente Noynoy Aquino.

Ang bago po, ngayon lang po nagkaroon ng zero income tax ang mga kumikita nang hanggang P250,000, iyan po ay dahil sa TRAIN na isinabatas as an administration certified Bill sa administrasyon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

USEC. IGNACIO:  Secretary, from Bella Cariaso of Bandera: Reaction sa warning ng UP experts na magiging 40,000 ang COVID cases by end of June after ma-predict na tama na aabot sa 24,000 ang COVID cases by June 15 and in fact po na-surpass pa. Hindi ba ito cause for alarm and not would warrant government review sa ginagawa pong pagre-relax ng mga restrictions?

SEC. ROQUE:  Well, that assumes po na magkakaroon tayo ng relaxation eh wala pa pong ganiyang desisyon, mamaya pa sasabihin ni Presidente. But perhaps si Usec. Vergeire can also contribute her five cents worth dito sa tanong na ito, Usec. Vergeire?

USEC. VERGEIRE:  Yes, Sec. Gusto lang ho nating ipaalam sa ating mga kababayan na ito pong mga ginagawang estimates ng ating partner institutions in the analysis of our situation for COVID ay mga estimates po at mga model na maaaring maapektuhan pa rin ng ibang factors while we do the response.

Ang pinakaimportante pa rin po na gagawin natin para hindi natin maabot iyong ganiyang numero ng mga kaso is to continue implementing the minimum public health standards para po tayo ay makaiwas sa ganitong mga numero ng kaso sa mga darating na araw.

SEC. ROQUE:  Maricel Halili of TV5?

MARICEL HALILI/TV5: Hi sir, magandang hapon po. Sir, you mentioned in a radio interview over the weekend na gamble iyong magiging desisyon ng Pangulo with regards doon sa community quarantine? What do you mean by this, sir? Why did you say gamble?

SEC. ROQUE:  Well, it wasn’t—I didn’t actually say gamble. I said, it was a reasoned gamble. Kasi siyempre, the right to life prevails ‘no. Kinakailangan pangalagaan ang kalusugan ng lahat pero nandiyan din iyong karapatan na magkaroon ng hanapbuhay, so kaya napipilitan tayong magbukas ng ating ekonomiya at iyon nga po ang ginawa natin under GCQ.

So, ang sinasabi ko lang sa mga opsyon ni Presidente, kinakailangan isipin nga niya iyong obligasyon ng estado, obligasyon ng kaniyang administrasyon na pangalagaan ang kalusugan na kinakailangang i-balanse doon sa karapatan na magkaroon ng hanapbuhay din naman ang mga tao.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, do we have an estimate as to how many iyong mga possible COVID-19 cases, should the government decide to relax the community quarantine particularly here in Metro Manila or can we afford to relax it?

SEC. ROQUE:  Again, that’s speculative because the President still has to announce. Ang mga tanong ninyo po is based on the assumption na magkakaroon ng further relaxation. We will find out po tonight.

But then again, madali pong sagutin na iyan kasi mayroon nga po tayong tinatawag na case doubling rate na sa ngayon po sa Metro Manila, almost seven days na po pero hindi pa po seven days. Ang alam ko po noong huling presentasyon ng DOH, it was 6.9 days, so bitin po to seven days. So, kung magkano ang kaso sa Metro Manila ngayon, kung ang doubling rate niya ay seven days then in one week’s time dodoble iyon pero sa buong Pilipinas naman po ay mas matagal na po.

Usec. Vergeire, would you like to contribute to this question as well?

USEC. VERGEIRE:  Yes, sir. Katulad po ng sinabi ni Sec. Roque, iyon pong ating case doubling time at saka critical care utilization rate, iyan po iyong tinitingnan natin para masabi natin if kailangan—if makakapag-ease tayo ng restrictions o hihigpitan pa natin itong mga restrictions na ipinapatupad.

So, sa ngayon nga, katulad ng sabi ni Sec. Roque, bumagal na ang period or ang panahon para mag-doble ang kaso dito sa National Capital Region even for the whole Philippines kapag sinuma mo nang isang buo.

And the critical care utilization rate is just about 35%, so ibig sabihin na-u-utulize lang ng mga resources ay 35% pa lang for critical care. So, marami pa tayong available na mga ICU beds na mga mechanical ventilators.

And that was the very objective of flattening the curve. For us to extend time, to have more time to prepare at nakikita naman ho natin ngayon na ang ating kapasidad sa ating mga health facilities, laboratories ay tumataas na rin po.

So, I think ito pong tinatanong ninyo kung tayo ay magkakaroon ng easing of restrictions, it will all depend on these indicators that we have just mentioned.

SEC. ROQUE:  Okay, next question?

MARICEL HALILI/TV5:  Pero Usec., kung kayo po iyong tatanungin what will be your recommendation po on the part of the Department of Health? Should we relax the community quarantine or should we extend the GCQ or dapat mas maging stricter tayo particularly in Metro Manila.

USEC. VERGEIRE:  Hihintayin na lang ho natin iyong sasabihin ng ating Presidente mamaya, ngunit ang sinasabi nga natin, patuloy pa rin dapat ang responsibilidad ng bawat isa and to implement the minimum public health standards.

SEC. ROQUE:  Next question?

MARICEL HALILI/TV5:  Thank you po.

SEC. ROQUE:  Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:  Secretary, from Francis Wakefield, ang tanong po niya: Sa radio interview ninyo last Saturday, nasabi ninyo na full schedule po si Pangulong Duterte ngayong Monday including po iyong pagtanggap niya ng mga credentials ng mga ambassadors. Pero lahat po iyan online na, may we know kung sinu-sino daw pong ambassadors ito and may we also know kung ano ang full schedule ni Pangulong Duterte this week?

SEC. ROQUE:  Well, nagbago na naman po ano. I know that within the week he will be accepting the credentials of at least five or six ambassadors, but this will be done online. So, for the first time in history ambassadors will present their credentials online.

As for the schedule for the whole week, hindi ko na po alam dahil the schedule comes weekly.

USEC. IGNACIO:  Sa second question ni Francis: May we know kung ano po ang reaction ni Pangulong Duterte sa nangyayaring mga protesta sa Amerika?

SEC. ROQUE:  Minsan po ay nagsalita siya. Siyempre ang una niyang tanong, sana walang madawit na Pilipino sa kaguluhan na iyan otherwise eh … Sinasabi niya eh dapat hindi mangyari ito sa bayan din natin dito sa Pilipinas.

Joseph Morong?

JOSEPH MORONG/GMA:  Hi, sir.

SEC. ROQUE:  Yes, go ahead.

JOSEPH MORONG/GMA:  Hi, sir. Hello? Yeah, okay. Sa GCQ muna tayo, sir, sa inyo po muna ano. So, walang um-appeal po sa mga taga-Metro Manila na mag-MGCQ sila?

SEC. ROQUE:  Hindi ko pa po alam ang desisyon kaya hindi ko po alam mayroong umapela sa desisyon na iyon. So, you’re trying to get me there pero hindi po … hindi ko pa po alam. Pero wala pong apela na nanggaling sa Metro Manila.

JOSEPH MORONG/GMA:  All right, sir. Just a little bit on that ano. So, what will be the factors again that the President will consider whether to relax or to stay in the GCQ?

SEC. ROQUE:  Pareho po, it has always been case doubling rate, the critical care capacity and concern for the economy.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, one last sa’yo, and then I’ll go to Usec. Vergeire. Sir, sa cybercrime law, is it right to say that you can apply retroactively iyong cybercrime law?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano ang konteksto ng tinatanong ninyo. Pero the law was enacted during the time of President Noynoy Aquino, and it became effective at the time it was published in the Official Gazette.

JOSEPH MORONG/GMA7: May I elaborate on the context, sir, with your indulgence? The article was 2012, it was corrected in 2014, the court says, it constitutes republication. So, in effect, the cybercrime law is being applied retroactively to a (unclear) article?

SEC. ROQUE: You know, Joseph, cybel was really my specialty as a criminal lawyer. So, if Maria Ressa wants advice on that, I would say, go ask her lawyers but it’s not for me to advise her right now.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Usec. Vergeire, please. Hi, ma’am.

USEC. VERGEIRE: Good afternoon, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA7: Magandang hapon, ma’am. Ma’am, context lang, noon pong nag-shift tayo from MECQ to GCQ, what did you observe in terms of the number of infections?

USEC. VERGEIRE: Yes, Joseph. When we shifted from MECQ to GCQ, nakita po natin ‘no, there were this times in our plots for the epidemic curve na medyo tumataas iyong numero ng kaso. Pero towards the end, bago tayo nagkaroon uli ng desisyon, bago matapos iyong end of May, nakikita natin na bumababa na uli ang kaso.

So ang lagi naming sinasabi, hindi lang numero ng mga kaso ang titingnan natin lagi, kailangan din nating makita ang kakayahan ng health system natin. So these two things have to go hand in hand kapag gumagawa tayo ng desisyon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Ma’am, what do you think will happen if we shift from GCQ to a more relaxed MGCQ?

USEC. VERGEIRE: Well, hindi pa natin makikita sa ngayon, although mayroon na tayong mga modelo at saka mga estimates na ipinapalabas ng ating mga iba’t ibang institusyon dito sa country natin at iba’t ibang experts ‘no. We still need to really analyze and monitor on the trend kaya ang lagi lang nating pinapaalala ‘no, if we continue to be responsible – each of us ‘no, individually – and implement this minimum public health standards, and then we can, therefore, prevent hopefully itong sinasabing mga pagtaas ng kaso kung saka-sakali.

JOSEPH MORONG/GMA7: Ma’am, one last na lang po. Iyong capacity po ng PGH, kumusta iyon, ma’am?

JOSEPH MORONG/GMA7: Actually, it was cleared ‘no. There was this statement sa Viber na kumalat yesterday na sinasabi ‘no, itong mga sinasabing puno na na mga wards. And we tried to call the Philippine General Hospital Chief, si Dr. Gap Legaspi, at sabi niya this was an internal memo and he was pertaining to their preparation for opening a specific ward in their hospital that’s why it was sent to all of their units. But this was not really meant to be, you know, sent outside.

So ibig sabihin, iyong kanilang sinasabi doon, ito ay pagbibigay-alam lang sa kanilang mga empleyado, and they have still available units and beds para po sa mga COVID patients natin.

JOSEPH MORONG/GMA7: Ma’am, thank you for your time. Secretary, thank you for your time.

SEC. ROQUE: Let me just clarify first iyong mga ambassador. Iyong mga presentation of credentials via teleconference, pero may isa pong ambassador na pe-farewell call in person.

Usec. Rocky?

USEC. ROCKY: Secretary, mula kay Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Will the government support Senator Zubiri’s proposal to impose heavier taxes on POGO which he claimed were growing within the country like a virus? Will the government listen to appeals to spare small online sellers from registration and tax payments during pandemic?

SEC. ROQUE: Well, never say never po. Pero for now, ang gustong mangyari ng Presidente, magbayad muna sila ng kanilang deficiency taxes bago sila payagang mag-operate muli.

USEC. IGNACIO: Iyong second question po ni Genalyn, natanong na rin ni Bella Cariaso. Ito naman po kay Reina Tolentino of Manila Times: Follow up din po para sa COVID data. Are we really flattening the curve?

SEC. ROQUE: Usec. Vergeire?

USEC. VERGEIRE: Sir, I’m sorry, I’m not hearing Usec. Rocky.

SEC. ROQUE: The question is: Are we really flattening the curve?

USEC. VERGEIRE: Yes, Sec. Katulad po ng lagi nating sinasabi ‘no, it is based on the case doubling time and the critical care utilization rate.

Katulad po ng mga nilahad natin kanina, humaba na po ang panahon para magdoble ang kaso dito sa ating bansa; pangalawa, iyon pong ating critical care utilization ay nasa 35%. Ibig sabihin, mayroon pa ho tayong available na 65% na mga critical care resources. If we look at that, makikita ho natin ‘no na binibigyan talaga tayo ng panahon para makapaghanda.

Gusto lang ho natin ipagbigay-alam sa ating mga kababayan when we say flatten the curve, the objective is for us to prepare and to prepare more para po sa kung saka-sakali, if and when cases will surge, we are prepared and our health system will not be overwhelmed. So sa ngayon po, hindi po overwhelmed ang ating health system base po sa ating analysis of data.

SEC. ROQUE: Yes, Melo Acuña?

MELO ACUÑA: Magandang hapon po, Secretary. Good afternoon, Secretary. I hope you can hear me now.

SEC. ROQUE: Yes, I can hear you. Go ahead.

MELO ACUÑA: Thank you. I have several questions for Dr. Vergeire.

SEC. ROQUE: Go ahead please.

MELO ACUÑA: Dr. Vergeire, we took note of the government’s campaign to do hand washing to prevent COVID-19. Would the DOH have an inventory of communities with sufficient water supply? Because we understood, there are areas in the Philippines with potable water supply or unreliable supply of water district. A case in point is Daraga, Albay where there is no water in the taps. This maybe domestic or parochial, but this has significant … I would say, it is significant because it is part of our campaign, Dr. Vergeire?

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Actually, it’s one of the indicators na atin pong minu-monitor sa ating environmental sanitation kung saan tinitingnan po natin iyong mga households with supply of potable water. So kasama po iyan ‘no.

And aside from that, we also monitor ito pong ating sanitation and hygiene kung saan tinitingan din po kung mayroon talagang supply ng tubig para makapag-hygiene ang mga tao sa kani-kanilang mga lugar. So mayroon po tayong mga datos na ganiyan.

MELO ACUÑA: Salamat po kung ganoon. Mayroon din po ba kayong impormasyon tungkol sa mga paaralan na maaaring mabuksan sa darating na Agosto? Sapagka’t nabanggit na ni Secretary Briones na mayroong hand washing facilities but the question is, may tubig po ba?

USEC. VERGEIRE: Ito naman po ay makikipagtulungan tayo ‘no sa Department of Education lalung-lalo na nga po ngayon na isa sa ating mga preventive measures is washing of the hands. So alam natin na kapag walang tubig, hindi makakapaghugas ng kamay.

So ang Kagawaran ng Kalusugan po ay nakikipagtrabaho sa Department of Education to ensure na kapag nagbukas po ang paaralan kung saka-sakali ay mayroon ho tayong source of water para po makapaghugas ng kamay ang ating mga mag-aaral.

MELO ACUÑA: Last point po para sa araw na ito. Nabawasan na po ba natin iyong panahon bago mailabas ang results ng swab tests? Mayroon na po bang reduction ng time dahilan sa may mga umuuwi sa probinsiya, pagdating doon saka nagpa-positive?

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Katulad po ng ating nai-report kanina, our reporting has improved considerably. Kung dati po iyon pong pag-release ng resulta ‘no from the time na ma-release ang resulta hanggang mai-report natin ang kaso, ito po ay tumatagal ng mga pito hanggang sampung araw. Ngayon po ay nasa 2.3 days.

So kapag iyan po ang tinignan natin, ibig sabihin, ang release din ng resulta ng laboratoryo ay bumibilis na rin. Dati ho nag-a-average tayo at even tumagal pa tayo sa mga 10 to 12 days. Pero nakikita po natin ngayon ang turnaround time ng ating mga laboratories, umaabot na lang po sa three to five days. And hopefully, in the coming days, kapag na-address na ho natin ang operational issues of our laboratories, maibababa pa ho natin at mas mapapabilis natin ang turnaround time ng laboratories natin.

MELO ACUÑA:  Salamat po. Paki-update na lang po ako doon sa mga lugar na walang tubig ano, para malaman natin kung ano ang tunay na larawan. Salamat po.

SEC. ROQUE: Yes, Usec. Rocky, next question.

USEC. IGNACIO: From Mylene Alfonso of Bulgar: Palace’s reaction po sa apila ni Manila Archdiocese Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan na alisin na ang limitasyon ng bilang ng mga papayagan po sa religious services sa ilalim ng GCQ?

SEC. ROQUE: Well, Bishop Pabillo, lahat po tayo gusto na talagang magsimba. Pero pinangangalagaan po natin ang kalusugan ng lahat. Puwede naman tayong manalangin at magkaroon ng relasyon sa ating Panginoon sa ating mga tahanan and by video.

Next question please.

USEC. IGNACIO: From Rose Novenario ng Hataw: Ano po kaya ang magiging tugon ng pamahalaan sa hindi makontrol na pagtaas ng presyo at pagbaba ng supply ng baboy sa Luzon?

SEC. ROQUE: Well, in-assure po tayo ni Secretary Dar na sapat-sapat po ang ating supply. May mga hakbang na gagawin po diyan. I’m sure kung kinakailangang mag-import para pababain ang presyo, gagawin po iyan. Huwag po kayong mag-alala, we’re on top of the situation.

USEC. IGNACIO: From Aileen Taliping ng Abante Tonite: Ano po ang stand ng Malacañang sa mga naglipanang ‘hao shao’ na rapid test kits sa bansa? Dapat bang i-recall ito ng FDA at higpitan ang pag-apruba bago po ito gamitin?

SEC. ROQUE: Huwag po kayo mag-alala, mamaya po tatawagan ko si Director General Domingo kasi nakatanggap nga ako ng resulta na ang efficiency at saka iyong accuracy ng rapid test kits will determine kung siya ay magiging sandata sa COVID-19. At alam ko po mayroong isang brand na sinuka na sa Inglatera at saka sa India ay ginagamit pa rin po at nasa FDA list. Ipagbibigay-alam ko po sa kaniya ito.

Trish Terada … Trish, perhaps you can ask the question that you asked of me last Saturday at 10:37 P.M. pero I could not answer because I felt I was not qualified to answer that. So can you ask that question, same question to Usec. Vergeire now?

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Good afternoon, Secretary and to Usec. Vergeire. Ayun po, papa-reaction lang po sana kami, sir, doon sa naging comments ni Dr. Tony Leachon who is also a consultant at the NTF, na iyong data po or reporting natin on COVID cases is quite unreliable dahil nga po doon sa sinasabi po na may late cases pa rin and backlogs and iyong sa death po, pero I think na-address ninyo na po kanina iyong about sa deaths ‘no.

Iyong doon po kasi din sa backlogs, nabanggit po doon na hindi pa rin daw naaayos which could have been resolved earlier on kung nakapag-hire daw po ng epidemiologist and other encoders. Salamat po.

USEC. VERGEIRE: Yes, Trish. Actually, ito pong pinalabas ni Dr. Leachon ‘no, nagpalabas po tayo ng statement kahapon. Unang-una, ang sinasabi ho natin, ito pong ginagawa natin ngayon for COVID response, this is a whole of government and whole of society approach. Kung mayroon pong gustong maitulong ang mga taong nagbibigay ng komento, bukas naman po ang ating pintuan ng Kagawaran para tumulong sila sa amin.

Pangalawa, mula pa ho nang umpisa naging transparent po tayo. Kung kami po ay nagkakaroon ng delays sa mga pagre-report, amin pong inilalahad sa inyong lahat. Kapag po may parang tumataas, bumababa o hindi maintidihan ng ating mga kababayan, amin pong ipinapaliwag. Atin pong pinakita kanina sa aking presentation na iyong atin pong pagre-report have considerably nag-improve na siya.

Kapag nakita po natin iyong dating paglalabas po natin ‘no, iyong release of result to the time that we report it, dati po nasa mga 7 to 10 days. Ngayon po umikli, nasa 2.3 days. Iyon pong dati na bini-verify natin na mga namamatay bago po mai-report, nasa mga 20 days po iyan dati. Pero ngayon po bumaba na sa seven days, almost seven days na lang po at naipapasok na ho natin sa ating talaan.

Mayroon pa ho tayong fresh and late cases, tama po iyan, pero pinapakita ho natin ‘no, kaakibat nitong fresh and late, iyon pong ating epidemiologic curve. Ibig sabihin, kapag nakuha ho namin iyong fresh and late cases, binabalik po namin iyong mga kaso na iyon doon sa date of onset of illness nila pagka-verify namin para makita natin talaga iyong trend po ng numero ng ating mga kaso at maintindihan ng ating mga kababayan at hindi po sila mabahala.

So, in the whole and just to give you that response, we have been transparent from the first time that we have reported. Kailangan namin ng tulong ng lahat, especially our local government units, kasi hindi naman aandar talaga ang reporting kung hindi makakapagbigay din ng report na maayos ang ating mga local governments which they are doing and we understand that, tinutulungan din natin.

And then the third, our government through the DICT, nagtatrabaho na po nang mabilis para magkaroon tayo ng automated system para hindi naman po tayo magkaroon ng ganitong delays sa pagre-report. So hopefully in the coming days, we can have more improvements in our report.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  So Usec., follow ko na lang po din doon sa backlogs. Bakit po until now, hindi pa rin daw po naso-solve iyong problem natin sa backlog? And sabay ko na rin po, iyong doon po sa ating testing capacity, bakit po hindi pa rin daw naaabot iyong rated testing capacity, hindi daw po nama-maximize iyong capacity ng ating mga testing labs, saan daw po ba nagkakaproblema?

USEC. VERGEIRE: Ito pong ating testing laboratories, katulad ng lagi nating pinapaliwanag, mayroon po tayong rated capacity at mayroon ho tayong actual capacity. Ang ating rated capacity ngayon is almost 50,000 na po dahil may 59 laboratories na tayo. Nakukuha ho natin ang rated capacity kapag po tiningnan natin ang isang bagong lisensiyadong laboratoryo base sa kanilang RT-PCR machines kung ilan iyan: base kung ang ating mga health human resources ay kumpleto; base rin po sa operating hours ng isang laboratory and then we compute for their maximum na capacity na puwedeng magawa base sa resources.

Kaya lang kapag kinompute mo iyan, hindi pa ho kasama diyan ang operational issues na maaaring nagkakaroon nang daily na operational issues ang isang laboratoryo. So ito pong backlogs na sinasabi natin per laboratories, as of today ‘no—as of yesterday actually we have a total of about 2,200 backlogs in our laboratory, napababa na ho natin iyan into just 500. Kaya lang with this operational issues that we encounter daily, talagang hindi po maiwasan na mayroon po talagang nagkakaroon ng bottleneck.

So mayroon na ho tayong strategies na ini-employ for these things para po magkaroon tayo nang stable na outputs per day and hopefully we can reach this goal of having 1.5% of the population tested by the end of July.

So iyong pangalawang tanong, iyong backlogs ‘no. dalawang klase ang backlogs natin, ang isang backlog iyong sa laboratoryo; ang isang sinasabing backlog siguro iyong delay natin sa pagre-report kasi gustong makita ng tao na iyong total unique tested na sinasabi nilang 20,000 plus, hindi nag-a-approximate doon sa sinasabi nating lumalabas sa laboratoryo naman natin na mga test … sa mga confirmed cases natin.

Say for now, we have this 25,000 plus, iba naman sa laboratory. Hindi po talaga magtutugma iyan ‘no kasi mayroon ho tayong mga repeat tests para sa ibang mga kababayan natin na nagko-confirm positive at ito po ay hindi natin binibilang as unique. Sa isang tao, isang bilang lang po tayo per person so, talagang hindi mag-a-approximate.

Ngayon, doon po naman sa mga nililinis natin na datos kaya may fresh and late, kakaunti na po itong nililinis natin kasi nakapag-submit na po ng mga line list ang ating mga laboratoryo. Isa na lang ho iyong kailangang mag-complete pa para po ma-eliminate na ho natin talaga iyong mayroon talagang late na kaso at nakita na natin iyong kabuuan noong mga fresh cases natin. 

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Ma’am, bale po, may target po ba iyong DOH kung kailan po matatapos itong backlog and at the same time, may maitutulong po ba ang DOH o iyong government in terms of iyong problem po doon sa operations kaya po hindi naaabot iyong full capacity natin? And siguro po huling katanungan ko po, reaction na lang din po doon sa sinabi ni Senator Lacson in an interview earlier that the problems on testing and tracing will persist because of incompetence.

USEC. VERGEIRE: First, ito pong ating mga issues sa laboratoryo ‘no, magpi-persist daw. Actually operational issues, hindi naman po nawawala iyan sa bawat facility na nagpo-provide ng ganitong mga serbisyo. Ito pong mga operational issues natin, logistics-wise napakalaking bagay po sa amin. Mayroon ho tayong current international shortage on the different logistical supplies na kailangan ng isang laboratoryo na hindi ho madaling makuha sa panahong ito.

Kaya atin pong pinagpapatuloy ang partnership natin with the private sectors so that natutulungan ho nila tayo to augment these supplies na kailangan natin through this T3 task force, nao-augment po nila.

Pangalawa po, ginawa po nating centralized ang procurement para po iyong ating—para makapag-source out po tayo directly ‘no with suppliers, iyong ating procuring entity para mas mabilis. Kasi iyong atin pong mga kaniya-kaniyang laboratoryo, iyon pong kanilang power to negotiate and also to look for appropriate suppliers ay hindi na po talaga nagwo-work sa ngayon.

Pangatlo, health human resources po. So we are doing emergency hiring para po makumpleto ang cadre natin for the personnel and the fourth would be most, napakaimportante – encoders po. So ngayon po nagha-hire na po talaga ng mga encoders para po sa mga laboratoryo, para po sa mga ospital, para po sa mga local government units para po makapag-encode nang maayos ng datos at maging real time ang information natin. 

SEC. ROQUE: Usec. Rocky? Thank you Trish.

USEC. IGNACIO:  From Vanz Fernandez of DZRJ/Police Files. With Senator Bato Dela Rosa’s statement addressing the critics of the Anti-Terror Bill, saying don’t blame the government if terrorism worsens in the Philippines, with this statement of Senator Dela Rosa is indirectly implying that if the Anti-Terror Bill is passed into law, then terrorism would be eliminated in the Philippines. The question is: What guarantees can the government give to the Filipino people that passing the Anti-Terror Bill into law will lead to effectively terrorism in the country?

SEC. ROQUE:  Well, nasagot na po iyan ni Senator Lacson ‘no; narinig ko siya noong sinagot niya iyan. May  mga  pagkakataon po na dahil doon sa existing batas natin 36 hours lamang ang pre-trial detention ay napapakawalan po ang ilang mga tao na nakikita natin na gagawa muli  ng susunod na terrorist act ‘no.

So, siguro po ang pagsagot diyan, it’s not guarantees, we are providing for a institutional responses which we deem are more effective in dealing with terrorism po.

USEC. IGNACIO:  Second question ni Vanz: If the Anti-Terror Law gets passed into law, what will the exact plan of the government in tackling the threat of terrorism to the safety and security of the Filipino people?

SEC. ROQUE:  Alam naman po ninyo ang Ehekutibo sa ating Saligang Batas, kami po ang magpapatupad ng batas. Ang polisiya po ay ibinigay ng Kongreso, nagpapasalamat po kami kay Senator Lacson at kay Senate President Tito Sotto at sa ating mga kongresista na nagpasa ng batas na ito, hayaan po ninyong ipatupad ng ating Presidente ang batas na iyan.

USEC. IGNACIO:  Opo, iyong question  naman ni Darryl Esguerra ng Inquirer.net, natanong na po tungkol sa Rappler CEO Maria Ressa. Question na lang po niya kay Usec. Vergeire: There has been a surge in recoveries in recent days, saan po ma-a-attribute ito ng DOH?

SEC. ROQUE:  Usec., before you answer ‘no, siguro although there was no question on Maria Ressa, I would like to highlight that the complainant here is a private individual. Sa ating batas ng libel kasi, mayroong tinatawag na malice in law, malice in fact. Kapag ang nagrereklamo po ay pribadong indibidwal ay mayroon pong presumption na malicious iyong reporting. Samantalang kung ang complainant po ay public figure, gaya ng isang taong gobyerno, kinakailangang i-establish po iyong malice in law na kinakailangan talagang ipakita na mayroong malice.

So dahil private po ang complainant, the court gave it credence and applied the presumption that any malicious imputation is in fact malicious. Yes, Usec. Vergeire.

USEC. VERGEIRE:  Yes, sir. Is this about the recoveries, the question?

SEC. ROQUE:  Yes, ma’am.

USEC. VERGEIRE:  Tumataas po ang ating mga recoveries for these past days, nakikita po natin. Marami pong maaaring maging factors ito. Unang-una, nagkaroon na ang ating mga doctors with enough experience coming from these five months na po na sitwasyon dito sa ating bansa para po makapanggamot nitong ating mga may COVID-19.

Pangalawa po, mayroon na rin pong function of reporting iyan. Nalilinis na po natin iyong data, nata-tag na po natin iyong mga dapat nai-tag na recovered na hindi na po nai-report sa atin ng local governments. Nabalikan na po natin at naidadagdag po natin ang mga numerong ito ngayon dito po sa datos ng recoveries kaya marami na po ang nakaka-recover and sa tingin po namin ay marami pa pong madadagdag sa darating na mga araw.

USEC. IGNACIO:  Mula pa rin kay Darryl, for Usec. Vergeire pa rin po. The government has been claiming that the country’s rated testing capacity is now over 42,000 tests a day. But according to DOH data, actual test daw po being done daily by all the testing labs only ranges between 10,000 to nearly 12,000. How does the DOH plan to address this gap?

SEC. ROQUE:  Yes. Paano daw po ma-address iyong gap between the capacity and the actual testing being conducted, Usec. Vergeire?

USEC. VERGEIRE:  Yes, sir. We have now strategies para gawin po ito. Unang-una, kailangan pong madagdagan iyong sina-sample ng ating laboratoryo, iyong mga pinuproseso. At ito naman po ay madadagdagan na dahil nakapag-expand na po tayo ng mga sub sectors na ite-test. Idinagdag na po na natin ang sub sector E and sub sector F sa ating expanded protocol guidelines, kung saan po itong sub sector E ay iyon pong other frontliners – mga barangay health emergency response teams, mga social workers at iba pa pong mga frontliners.  Iyon pong vulnerable, iyon pong mga operahan, iyon pong manganganak, iyong nagda-dialysis, nagke-chemo, naisama na rin po. So expectedly, there will be an increase in the samples that will be submitted to our laboratories.

Pangalawa, we will continue to expand the laboratories which are licensed in the country. Sa ngayon po, mayroon po tayong 59 at tayo po ay nagkakaroon ng goal na matatapos ng about 60 to 65 number of laboratories na puwede pang lisensiyahan by the end of July.

Pangatlo, we need to stabilize our supply. So, kailangan po iyong partnership natin with the private sector and of course kailangan po talaga ng talagang appropriate sourcing of these supplies from our international suppliers para lang po magkaroon ng continuous na pagsu-supply sa ating nitong mga kailangan ng ating laboratoryo. So, these are the things that we are doing right now.

Ang atin pong average ay pumapalo na po sa 10,500 to 11,000 a day for output and hopefully po magtuluy-tuloy para pagdating po ng end of July, we can reach that, we have tested 1.5% of the population.

USEC. IGNACIO:  Secretary, may follow up question si Rose Novenario. Maapektuhan daw po ba ang estado ni Kerwin Espinosa sa Witness Protection Program dahil sa pagkakasangkot niya muli sa illegal drugs?

SEC. ROQUE:  Eh kung mapatunayan po, siguro po.

USEC. IGNACIO:  Last question na po ito, Secretary. From Randy Canedo of DABIG C News Nationwide: Are we considering using ant-inflammatory drugs and traditional medicine to help in fighting COVID-19 and if ibinabawal na ang misting bakit marami pa daw pong gumagamit nito sa other checkpoints at other public and private establishment?

SEC. ROQUE:  Tatanungin ko po si Usec. Vergeire sa kanyang opinion; pero iyong use of traditional medicine po mayroon pong clinical studies ang ginagawa ngayon ang DOST sa Virgin Coconut Oil at sa tawa-tawa. Usec. Vergeire?

USEC. VERGEIRE:  Yes, sir. Katulad po ng nabanggit ninyo, mayroon nga po tayong mga clinical trials studies for the Virgin Coconut Oil and tawa-tawa. As to the other traditional medicine, ang lagi lang po nating sinasabi lang, as long as ito po ay naka-rehistro, ito pong mga traditional medicine at hindi naman po makakasama sa katawan ng mga tao katulad noong pag-inom ng ginger with hot water kapag gabi, kung hindi naman po magkakaroon ng masamang epekto sa ating katawan, ito naman po ay hindi ipinagbabawal. Kaya lang hindi po puwedeng maging complacent, kasi lagi nating tandaan wala pa ring gamot na nadidiskubre at may ebidensiya na magagamot  o malalabanan ang COVID-19.

SEC. ROQUE:  Well, Usec. Vergeire, we have a few minutes left, would you like to leave us with your parting message?

USEC. VERGEIRE:   Yes, sir. Nagpapasalamat po kami sa pagkakaimbita sa amin dito sa Laging Handa. Thank you po, Secretary Roque.

Gusto lang po naming ipahatid sa ating mga kababayan, unang-una, tayo po ay pumapasok na uli sa panibagong antas ng community quarantine kung saka-sakali at ang gusto lang naming ipahatid sa inyong lahat na sana po tayo ay magkaroon ng responsibilidad na pangsarili.

Kung tayo po ay magkakaroon ng obligasyon para ipatupad ang mga minimum public health standard, hindi lang po sarili ninyo ang pinoprotektahan ninyo, pinoprotektahan din po ninyo ang pamilya ninyo at mapuprotektahan din po ang ating komunidad.

So, doon po sa numerong lumalabas sa ngayon, sana po tayo po ay magbasa o tumingin sa DOH facebook page at saka sa iba pang mga platforms para maintindihan po natin iyong mga ipinapaliwag namin kung bakit ganito po ang numero sa ngayon, para po hindi po tayo makapag-spread ng incorrect information. Maraming salamat muli, Secretary Roque.

SEC. ROQUE:  Usec. Vergeire, hindi po ito Laging Handa, pawang katotohanan lamang ang presidential press briefing po. At magagalit po si Sec. Martin dahil laking guwapo po ni Sec. Martin kaysa sa akin. Ang pangit ko po compared to him.

But anyway, sa mga darating na araw po asahan po natin ang mga kalaban ng gobyerno ay gagamitin ang conviction ni Maria Ressa for libel para sabihin na kalaban daw po ng kalayaan ng malayang pananalita at pamamahayag ang Presidente.

Sinabi ko na po, as early sa 2001, sinuportahan po ni Presidente si Alexander Adonis, nakakuha ng communication sa UN Human Rights Committee na ang libel sa Pilipinas, criminal libel ay labag sa malayang pananalita.

Sinabi ko  rin po na sa  Alexander Adonis ay nagpunta noong 2008 para mapatupad ang ruling ng UN Human Rights Committee sa Korte Suprema. Hindi po naging successful ang pagpunta ni Alexander Adonis at ngayon po ang ruling ng Supreme Court, ‘libel is not protected speech.’

Mayroon pa naman pong pagkakataon si Maria Ressa na umapila; habang siya po ay umaapila, hindi naman po siya makukulong. We wish her the best.

Iyon lang po. Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)