Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Narito po tayo ngayon sa SM Clark para sa mahalagang milestone: Umabot na po sa dalawampu’t isang milyon ang fully vaccinated sa buong Pilipinas. Sa Metro Manila, halos 75% na po ang fully vaccinated.

At narito tayo sa Pampanga para sa soft launch ng VaxCertPH ng Region III and 4-A. Kung inyong matatandaan, para maabot ang herd immunity o tinatawag nating population protection, kinakailangang umabot ang mga nabakunahan sa 70 to 80 percent ng populasyon.

Bakit po mahalaga ang herd immunity or population protection? Unang-una po, ginugutom nito ang virus. Now, makikita ninyo po sa inyong screen ngayon kung paano pong epekto ng population protection. Ngayon pong mayroon na tayong 75% sa Metro Manila, para po kasing ink iyan sa tubig na habang ang Metro Manila po ang siyang talaga namang nagdadala ng COVID sa buong Pilipinas, kapag nabigyan na natin ng proteksiyon ang 75 to 80 percent ng population, magugutom iyong sakit at therefore, hindi na siya kakalat sa buong Pilipinas. Hindi po favoritism iyong pag-uuna natin sa Metro Manila; ito po ay nakabase sa sensiya.

Pangalawa, kapag mayroon na po tayong population protection, magbabalik tayo sa old normal; at panghuli, tinatapos nito ang pandemya. Ibig sabihin, magbabalik-buhay po ang lahat, magkakaroon nang mas maraming mga industriyang magbubukas, mas marami pong hanapbuhay para sa sambayanang Pilipino.

Sa usaping bakuna: Mayroon tayong tatlong shipments ng Pfizer vaccines ang dumating sa bansa kamakailan, lahat po ito ay donasyon mula Amerika through the COVAX Facility. Maraming salamat po sa bansang Amerika. Dumating kahapon ng umaga, October 3, ang 1,813,500 Pfizer vaccine doses; nasa 889,200 doses naman ng Pfizer ang dumating noong Sabado, Oktubre 2; at nasa 883,350 doses pa rin ng Pfizer ang dumating noong Biyernes, October 1. Sa kaparehas na araw, October 1, nasa dalawa at kalahating milyong doses ng Sinovac vaccine na binili ng pamahalaan ang dumating sa bansa.

Samantala, nasa higit 46.3 million or 46,380,040 doses na ang total vaccines administered ayon po sa October 3, 2021 National COVID-19 Dashboard. Sa bilang na ito, mahigit 21.8 million or 21,800,974 ang fully vaccinated. Sa Metro Manila, mahigit 16.1 million or 16,142,216 ang total vaccines administered. Sa bilang na ito, nasa 7.4 million or 7,408,813 or 75.57 na po ang fully vaccinated as of October 3, 2021.

Balitang IATF naman po tayo: In-extend ng inyong IATF ang pilot implementation of the Alert Level System sa National Capital Region mula a-uno ng Oktubre hanggang a-kinse ng Oktubre. Inaprubahan din po ng inyong IATF ang rekomendasyon na i-expand ng additional 10% ang allowable indoor capacity ng dine-in services, in-person religious services at personal care service sa mga lugar na nasa Alert Level 4 ng pilot implementation of Alert Level Systems para sa mga fully vaccinated individuals.

Bukas na rin po ang fitness studios at gyms, pero ito ay limited lamang sa 20% capacity para lang po sa mga fully vaccinated individuals provided na lahat ng nagtatrabaho sa gym ay fully vaccinated din. Bawal pa rin po ang group activities ha sa mga gym at kailangan lahat ay nakasuot ng face mask. Wala pa pong Zumba.

Inaprubahan din ng inyong IATF ang pilot rollout ng pagbabakuna ng mga bata na may edad dose hanggang disisyete ng mga bakunang nabigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration. Magsisimula po ito sa October 15, 2021 under sa phased approach. Habang pinagtibay ng inyong IATF ang pagbubukas sa general population, nationwide ang bakunahan.

Ito naman po ang mga quarantine classifications para sa buwan ng Oktubre ha:

  • Mga lugar na nasa MECQ, mula po October 1 to 15 – Apayao, Kalinga, Batanes, Bataan, Bulacan, Cavite, Lucena City, Rizal, Laguna, Naga City at Iloilo Province.
  • Ito naman po ang mga lugar na nasa GCQ with heightened restrictions sa buong buwan po ng Oktubre – Abra, Baguio City, Ilocos Sur, Pangasinan, Cagayan, Isabela, City of Santiago, Nueva Vizcaya, Quirino Quezon, Batangas, Bacolod City, Capiz, Iloilo City, Lapu-Lapu City, Negros Oriental, Bohol, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Davao del Norte, Davao Occidental, Butuan City at Surigao del Sur. Ang Davao de Oro ay nasa GCQ with heightened restrictions pero from October 1 to 15 lang po.
  • Ito naman po ang mga lugar na nasa GCQ sa buong buwan po ng Oktubre – Ilocos Norte, Dagupan City, Benguet, Ifugao, Tarlac, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Albay at Camarines Norte for Luzon. Sa Visayas – Aklan, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Cebu City, Cebu Province, Mandaue City, Siquijor at Tacloban City. At sa Mindanao – Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Misamis Occidental, Iligan City, Davao City, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Cotabato City at Lanao del Sur.
  • Ang mga lugar po na hindi ko po nabanggit ay mapapasailalim sa MGC.

Samantala, naglabas po ang inyong IATF ng updated list of countries, jurisdiction, territories na red, yellow at green list para po sa Oktubre 1 to 15. Bermuda po ang tanging nasa red list habang 49 countries ay nasa green list. Naka-flash po ito sa inyong screen. Ang mga wala po sa red at green lists ay nasa yellow list.

Sa COVID-19 update naman po tayo: Patuloy po ang pagbaba ng mga bagong kaso, nasa 13,273 na po ito. Ito po ay ayon sa October 1, 2021 datos ng DOH. Halos dalawa’t kalahating milyon or 2,442,623 ang mga gumaling. Tumaas din po ang ating recovery rate, nasa 94.2% po ito. Samantala, nasa 38,768 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami. Nasa 1.49 po ang ating case fatality rate.

Ito po naman ang ating kalagayan ng mga ospital ‘no: Sa buong Pilipinas, 72% ang utilized ICU beds; sa Metro Manila, ito po ay 74%. Sa buong Pilipinas, 60% ang utilized isolation beds; sa Metro Manila, ito po ay mas mababa, 48%. Sa buong Pilipinas, 64% po ang utilized ward beds; sa Metro Manila, mas mababa po, 61%. Sa buong Pilipinas, 53% po ang nagagamit na medical ventilators; sa Metro Manila nasa 56%.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon all-star cast po, lahat po ng mga action men laban sa COVID. Simulan po natin kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez para sa latest update kung gaano pang kadami ang darating na mga bakuna. Secretary Galvez?

SEC. GALVEZ: Sa atin po ngayon, the Philippines already received 77,417,640 doses of vaccines which is a very significant milestone kasi ito na po iyong kalahati ng volume na natin na on hand. Kailangan po nating bakunahan ang more or less 77 million, nasa atin na po iyong kalahati.

The 100 million doses target this October is still on track with expected arrivals of more than 10 million procured Pfizer vaccines. Mayroon pa po tayong limang milyon from Moderna, 10 million from Sinovac and the remaining 5.9 million doses of US COVAX donations.

The arrivals of US COVAX donation this month is very significant. The COVAX donation is now accounted for more than 19,653,730 doses and then we expect to receive 6.7 million more this October including the 844,800 AstraZeneca vaccines from the German COVAX donation.

As of October 3, we have already administered more than 46 million doses with 24,579, 066 Filipinos already received the first dose, while almost 22 million are now fully vaccinated for our targeted population.

We have enough supply with more than 31 million in our current stockpile. We will be calibrating our vaccination program and modify our critical timelines in consideration of the following: Our experiences with the different variants; increasing our target population to at least 70-80%; the Real World Data on the efficacy of the different vaccines and our consideration also on the upcoming 2022 national elections.

Iyon lang po, sir Spox. Back to you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Galvez. Kasama rin po natin ang ating Testing Czar at Deputy Chief Implementer ng ating National Task Force on COVID, Secretary Vince Dizon.

SEC. DIZON: Maraming salamat, Spox. Maraming salamat sa lahat ng ating tagapakinig.

Unang-una po siguro, ia-address na ho namin ni Secretary Duque iyong mga lumalabas na balita tungkol sa testing. Unang-una, ang ating positivity rate ay bumaba na nang napakalaki mula sa pinakamataas nito na halos 30% noong mga gitna ng Setyembre, ngayon, nasa 20% na lang. Ang ibig sabihin nito, iyong dami ng mga nagpupositibo sa mga tini-test natin ay 10% na ang ibinaba, at nakikita na rin natin ito sa pagbaba ng ating mga positive cases every day,

Mula sa peak na umabot tayo ng 26,000 eh nasa halos less than 20,000 na lang ang ating daily average positive cases per day. Napakalaking bagay po nito. At ang ibig sabihin din nito ay bumababa na talaga mula sa peak ng dami ng kaso ang ating mga COVID cases at nakikita na rin natin ito sa pagbaba sa utilization ng ating mga ospital. Napakapositibong sign po ito pero hindi po ibig sabihin nito ay dapat na tayong magkampante. Kailangan pa rin tuluy-tuloy pa rin po unang-una, ang ating mabilis na pagbabakuna.

Kaya napakaganda po ng balita ni Secretary Galvez na marami na tayong supply ngayong Oktubre hindi tulad noong first half of September na medyo matumal po ang dating ng ating mga doses. Ngayon po, simula noong end of September hanggang ngayong first week of October, napakarami na pong dumating na doses ng COVID-19 vaccines. At trabaho po namin ngayon ni Secretary Galvez, pabilisin ang deployment at pabilisin ang pagbabakuna nitong mga doses na ito sa mga susunod na araw at susunod na linggo.

At ikalawa po, importanteng-importante kahit na may nakikita na tayong downtrend sa cases hindi lamang sa Metro Manila, kung hindi pati na rin sa ibang mga key cities sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas – tulad ng Cebu, tulad ng Iloilo, tulad ng Baguio, tulad ng General Santos, Davao, Zamboanga – kailangan pa rin tuluy-tuloy pa rin ang pag-iingat ng ating mga kababayan – pagsuot ng mask, paghuhugas ng kamay at pagdidistansiya. Iyon lang po talaga ang kailangan nating gawin kasabay ng atin mabilis na pagbabakuna at iyong tuluy-tuloy nating Prevention, Detection, Isolation at Treatment. Siguro po si Secretary Duque mayroon pong maidadagdag dito.

Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Okay. Si Secretary Duque po.

SEC. DUQUE: Maraming salamat. Magandang umaga muli, sa ngalan ng Inter-Agency Task Force at ng Department of Health.

Susugan ko lang po iyong unang naiulat po ng ating butihing Spokesperson patungkol sa mga bagong kaso ng COVID-19. At tama po, nasabi kanina na ang atin pong pangkalahatang kaso ay nasa 2,593,399 ang kaso po natin at ang recoveries po natin ay nasa 94.2% at umaabot na po sa 2,442,000 thereabouts ‘no. At bumababa naman po nang bahagya ang ating case fatality rate na sa ngayon po ay nasa 1.49% at umabot na po sa 38,768. Tayo po ay nasa panlima na sa mga bansang ASEAN na may relatively mas mababa ang atin at bumababa na case fatality rate. Panlima na po tayo, so, malayo na po tayo sa dati na isa po tayo sa may pinakamataas.

So, ito po ay nagsasalamin ng mahusay na pangangalaga at pagkalinga at paggamot ng atin pong mga severe to critical COVID cases pero ibig ko lang din pong bigyan-diin na ito pong mga nakaraang araw tila tumataas po ang porsiyento ng ating severe and critical COVID cases kaya kinakailangan po talagang mas maaga ang atin pong pagkonsulta at huwag po nating hinihintay na maging malubhang-malubha ang kalagayan bago po pumunta sa mga ospital para nang sa ganoon ay maibsan po natin ang pagkamatay dahil alam naman po natin lalo na sa mga nakatatandang mga kababayan natin, sila po ang madalas tamaan ng malubhang komplikasyon ng COVID-19.

Ibig ko rin pong dagdagan na mayroong mga limang lugar na pangunahin na [may] naiambag sa atin pong mga kaso. Ang NCR ay nakapagtala ng 2,976 new cases at ito po ay katumbas eh 22.42%; susunod po ang IV-A, nasa 1,920 cases at ito po ay katumbas na 14.47%; at Regions II, I, and III, sunud-sunod na po iyan at 9.27%, 8.19%, and 7.9%.

Samantalang doon naman po sa mga lugar sa NCR na nakapagtala ng may pinakamataas na bagong kaso sa 28.97% ang Quezon City at 862 new cases; sumunod po ang Manila, 242 cases at 8.13%; at Caloocan City, 216 cases ang katumbas po nito ay 7.26%; sunod po ang Taguig at City of Pasig at 7.12% or 212 new cases and 7.06% or 210 cases. Ito po iyong limang nakapag-ambag po ng mga kaso sa atin pong pinakahuling talaan.

At bigyan ko rin po ng diin iyong atin pong positivity rate ay ito ay bumaba na sa 20.2%. Dati-rati po, noong mga nakaraang linggo ay tila umabot ng mga 26/27%. So, ang ibig sabihin po nito ay posible na bumababa talaga ang ating mga kaso batay po sa datos ng DOH at ang positivity rate nga po ay patuloy na bumababa at harinawa na ito ay talagang bumagsak pa sa ating pinupuntirya na 5% positivity rate.

So, ako po ay nananawagan sa atin pong mga pamahalaang lokal na paigtingin ang atin pong risk-based targeted testing at pangalawa, kinakailangan po paigtingin ang active case finding at iyong efficient na ating isolation – contact tracing, isolation or quarantine ng atin pong natukoy na mga close contacts at kinakailangang po sila ay masuri nang mas maaga at para nang sa ganoon ay ma-isolate, ma-quarantine at makasisigurong maputol ang kadena ng hawaan at maiwasan ang pagkumpul-kumpol ng mga kaso sa mga iba’t-ibang komunidad.

So, huwag po nating kalimutan, patuloy ang ating bakunahan, paigtingin po natin. Ang aking pong panawagan sa mga local government units ay husayan pa natin, palawigin natin ang vaccine coverage at tuluy-tuloy ang pagpapaalala na ang atin pong mga priority groups – A1, A2, 3, and 4, and 5 ay dapat ito ay unahin natin. Bagkus ang pinakahuling direktiba ni Pangulong Duterte is buksan na to the general population. Ganoon pa man, kinakailangan pataasin pa rin natin ang A2 sapagkat ‘yan po ang grupo o ‘yan po ang priority group na pinanggagalingan po nang pinakamataas na porsiyento ng mga severe, critical and ‘yun pong mga pumapanaw.

So ito na lamang po ang aking mga binibigyan-diin na bahagi ng amin pong pag-uulat sa ngayong araw. Salamat po.

SEC. ROQUE: Salamat, Sec. Duque. Kasama rin po natin ang ating Metro Manila Chairman Abalos. Sir, congratulations po sa 75% na nabakunahan na sa Metro Manila. Pero anong plano po, kailan tayo makakarating sa 100% sa Metro Manila?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Maraming salamat, Spox Harry. Of course, sa aking mga kasama – si Sec. Duque, Sec. Charlie, Sec. Vince – at sa lahat po ng mga nanunood ngayong tanghalian, magandang tanghali po.

Ako po’y nagpapasalamat sa lahat ng alkalde ng Kalakhang Maynila, sa lahat ng mga medical frontliners and of course sa lahat ng LGUs ng Kalakhang Maynila at lalung-lalo na po sa national agencies of government – Department of Health, National Task Force po natin ang IATF ‘no, sa ating Pangulo ‘no lahat po ng ahensiya and of course ang ating private. Bakit? Tandaan ninyo galing lang tayo dati sa UK variant, pumasok itong South African variant, Delta variant… at habang tayo ay naka-ECQ, tuloy ang pagbabakuna at ngayon 75.57% na po tayo, halos 76% ma tayo.

Anong susunod? In one month, ang projections po namin, aabot siguro tayo ng mga 84%, dahil ‘yung mga naka-first dose ay magsi-second dose at ‘yung mga AstraZeneca naman magpapabakuna po ‘yan by December 2, ito po ay aabot ng 92%.

Spox Harry, gusto ko lang ibalita sa lahat na ang ginawa namin sa Metro Manila ay kinuha namin ang peak – the peak was 40,000 cases na active and from 40 ngayon nagpa-plateau na tayo sa about 25,000 more or less, halos dalawang araw na ganoon po ‘no. At of course hindi lamang ‘yun, sinasabi nila na ang growth rate – ito nga, ang ginawa naming projections eh hinabaan ko na, ginawa ko nang August 16 eh kasi baka sabihin because of… iyon nga, ‘yung mga hindi nakakapag-submit ng mga tests, so ginawa naming projections from August 16 pa, that’s 130.72%, it slowly declined ‘no’ hanggang ngayon ay negative 31% noong October 2. Look at the graph, look at the decrease in one month halos ‘no.

Ngayon let’s talk of reproduction rate. Maski sabihin natin may konting aberration but look at the trend, from a high of 1.9%, ito po ‘yung pag-aanak, noong virus reproduction rate ‘no dapat bumaba ang anak nito hanggang sa mawala na, hindi na siya manganak. Noong August 14 po, 1.9%; noong October 2, 0.83 – 0.83. Sa mga nanunood po ‘no, maski na ako tingin ko maski may konting aberrations, what is important, look at the trend – it is all going down.

Now, anong ginagawa ng ating mga alkalde to make sure this would really continue? Right now, ‘yung PDITR and of course ‘yung lockdown. Sa ngayon, as of October 2, ang na-lockdown sa Kalakhang Maynila to make sure talaga hindi kumalat ito ay 2,774 families – ito ay walang barangay na ni-lockdown to make it very micro – ibig sabihin talagang maliliit na lang para ‘yung mga healthy population makapagtrabaho at gumana ang ating ekonomiya; 397 household, 88 units sa condominium, 9 buildings po ito and 25 compounds ‘no. ito po ang ginagawa.

At ‘yung contact tracing po natin napakaganda, according to the LGUs and the Department of Health, ang contact tracing sa Metro Manila is 1 contact tracer, 19 – 1:19 – that’s very excellent ‘no. Dati nag-usap kami ni Sec. Duque 1:15 okay na ‘yan average natin but now still 1:19. Anong ibig sabihin? Maski gumaganda ang data, pababa tayo, tuluy-tuloy po ang Metro Manila Council, ang mga Mayors, ang LGUs ng Kalakhang Maynila sa ginagawa nilang talagang paghihigpit ng lockdown and of course massive contact tracing.

And while doing so, unti-unti namang pinayagan ng IATF ang pagbubukas ng ekonomiya. And I will say this, for the last two weeks, iyong pilot experimentation lalo na sa negosyo na binuksan nang konti, maski binuksan mo hindi naman nakaapekto sa aming kalusugan. Napakaganda po at sana’y dumiridiretso na po ito.

At bilang panghuli, gusto ko lang sabihin na ang aming ano sa Metro Manila, that we vax as one, gagawin po namin ito para makatulong hindi lamang sa Metro Manila kung hindi na rin po sa mga kapitbahay namin. Sayang we have the manpower Sec. Vince, Sec. Charlie ‘no, kung sakali man ano matutulong namin sa mga kapitbahay, nandiyan lang po ang mga LGUs of Metro Manila, handa po silang tumulong.

Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Chairman Abalos.

Punta na po tayo sa ating open forum. Kasama po natin ngayon hindi lang po si Usec. Rocky kung hindi si William Beltran ang PIO dito po sa Pampanga para po sa mga question galing po sa local media dito. Simulan po natin muna kay Usec. Rocky. Go ahead, Usec.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita.

From Leila Salaverria ng Inquirer: Various business groups and universities have called on public officials to cooperate with the investigation into the Pharmally deals as Filipinos deserve a full and fair accounting of how public funds are spent. What does the Palace say about this? Will the President allow government spending to be subjected to full scrutiny? You’ve said the President is sensitive to what the public wants.

SEC. ROQUE: Well, unang-una po kanina ang sabi lang ni Secretary Duque naka-attend na siya ng 21 hearings ‘no – 21 hearings po ‘yan sa Senado at saka sa Kamara de Representante. Sino hong magsasabi walang transparency after 21 hearings? Ang sinasabi lang ni Presidente ngayon after 21 hearings siguro naman lubayan na natin itong mga kasama ko po ngayon na sila po ang namumuno ng ating response laban sa COVID – Secretary Duque, Secretary Galvez, Secretary Dizon – eh sila po ‘yung mga pinakaimportanteng personalidad sa laban sa COVID. Imbes na nagugugol nila ‘yung panahon nila at lakas doon sa kalaban natin na COVID, nauubos ang oras sa hearings na hindi ko po alam kung ano bang nais nilang malaman.

Isa-summarize ko lang po ah – walang overprice. Chairman na po ng COA ang nagsabi diyan. Wala pong paglabag sa batas dahil ang Kongreso po ang bumuo ng Bayanihan 1 na nagsasabi sa panahon ng emergency na may pandemya, hindi kinakailangan sumunod sa 9184, RA 9184 at kinakailangan bilhin lahat ng kinakailangan natin sa lalong mabilis na panahon.

At iyong sinasabi naman nilang tampering ng diumano ng manufacture date ng face shield, lilinawin ko po ah – hiwalay po ito doon sa kontrobersiya na mga biniling PPE set na 9 pieces noong Abril 2020. Ito po ay ibang purchase na sa 2021 po nangyari at ang sinasabi po namin ang plastic na face shield, wala pong expiration date ‘yan dahil plastic.

So ano pa pong gusto nilang malaman? Siyempre may nagsasabi na may testigo na si Ms. Mago pero magtitestigo nga po si Ms. Mago na ngayon po ay nasa kustodiya na ng Kamara. ‘Antayin po natin kung anong sasabihin ni Ms. Mago. Matapos pong linawin ni Ms. Mago, ano pang kinakailangang malaman? Ang malinaw po eleksiyon na kaya lahat ng imbestigasyon kung ipagpapatuloy pa in aid election, hindi in aid legislation.

USEC. IGNACIO: Okay. Second question po: Ano daw po ang update on the President’s order to bar executive officials from attending the Senate inquiry? Will he still issue this?

SEC. ROQUE: Well, wala pa po akong naririnig na bagong balita tungkol diyan. Pero ang sabi po sa akin kanina ni Secretary Duque, he does not mind going to Congress dahil wala naman po siyang itinatago. So while the Cabinet officials appreciate the concern of the President, eh sila naman po, for purposes of transparency, pupunta pa rin po sa Senado dahil wala naman pong tinatago.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: How does the Palace respond to statement from law experts daw po? It’s actually the President’s order seeking to stop the work of a co-equal branch of government that create an unnecessary constitutional crisis amid the pandemic and that if the President has nothing to hide, there is no reason for him to stop the investigation.

SEC. ROQUE: Unang-una po, hindi ko alam kung sinong mga experts ‘yan. Pero ako po may isa akong expert na pinaniniwalaan dahil propesor ko po siya sa UP – ang dating Dekano Pacifico Agabin. Siya po naman ay ni-reiterate iyong sinabi ko na na naging ruling sa Neri versus Blue Ribbon Committee na kapag ang mga Gabinete, miyembro ng Gabinete ay pinagbawalan um-appear ng Presidente sa Senado, hindi dapat sila i-hold in contempt dahil sila po ay alter ego and under the control and supervision ng Presidente. So hindi po nila kasalanan kung pagbabawalan sila ng Presidente.

Iyong constitutional crisis, ang punto nga ni Presidente after 21 hearings, ano pa ba ang gusto ninyo? After 21 hearings, malinaw na kung ipagpapatuloy ‘yan, pulitika na po ang dahilan – not in aid of legislation, in aid of elections.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Ang susunod pong magtatanong si Ivan Mayrina via Zoom ng GMA News.

SEC. ROQUE: Go ahead, Ivan.

IVAN MAYRINA/GMA7: Spox, good afternoon. And to the Secretaries in the panel, magandang hapon po. Spox, the announcement of the President that he is retiring from politics was met with scepticism. So is it really true that the President is retiring from politics?

SEC. ROQUE: Eh bakit naman tayo magdududa kung sinabi na ni Presidente ‘yan? At naghain na po ng Certificate of Candidacy si Senator Bong Go for Vice President. Eh hindi na po makakatakbo si Presidente sa posisyon ng Vice President dahil hindi naman niya pupuwede labanan si Senator Bong Go. At alam naman po natin hindi na siya pupuwedeng maging presidente muli.

So sa mga sceptics, nandiyan po ang Saligang Batas na nagsasabing wala ng re-election as president at sa tingin ko naman hindi lalabanan ni Presidente ang kaniyang matalik na kaibigan at matagal na nagsilbihan sa kaniya na si Senator Bong Go.

IVAN MAYRINA/GMA7: Hindi niya po lalabanan pero posible kayang mag-substitute siya? [Overlapping voices]

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano po ang mangyayari pero sa ngayon po ay nagkaroon na ng desisyon – Senator Bong Go will be the candidate for Vice President.

IVAN MAYRINA/GMA7: Ang ginamit pong basehan ng Pangulo sa kaniyang desisyong magretiro sa pulitika ay iyong survey daw na nagsasabing mas nakararaming Pilipino ang naniniwalang paglabag sa Saligang Batas ang kaniyang pagtakbo bilang Vice President. Suppose another survey is conducted next week or next month and shows a different result and there’s actually a clamor for him to run, would he heed that call as well?

SEC. ROQUE: Well, gaya ng aking sinabi, Ivan ‘no, pinakikinggan po ng Presidente ang pulso ng bayan kaya nga po all-time high ang kaniyang trust at satisfaction rating sa lahat ng presidente since martial law. So sa akin po, wala naman akong nakikitang basehan para magbago ang pulso ng bayan so wala po rin dahilan para magbago ang desisyon ng Presidente.

IVAN MAYRINA/GMA7: But suppose magkaroon nga po ng ganoong—is it in the realm of the possible tulad po ng binabanggit ninyo, in politics anything is possible. So, posible pa pong kumambiyo ang Pangulo?

SEC. ROQUE: I will not venture into theoretical questions ‘no. Basta ang sabi ni Presidente, he is retiring. Let’s leave it at that.

IVAN MAYRINA/GMA7: Okay. Spox, the President confirmed a Sara-Go tandem. What do you know about this and how do you reconcile this with the fact that Mayor Sara has filed for re-election as Mayor of Davao?

SEC. ROQUE: I can only speak for the President because Mayor Sara has her own spokesperson, Mayor Frasco. As far as the President is concerned, he thinks it will be a Sara-Go tandem but that is as far as the President is concerned.

Now alam ko po na nag-file naman siya ng Certificate of Candidacy pero all lawyers know that all Certificate of Candidacy can be withdrawn.

IVAN MAYRINA/GMA7: Okay. Last po, Spox. Kayo, kailan kayo magpa-file?

SEC. ROQUE: Ah, nagdadasal pa po tayo at kinakailangan pang kausapin ang ating Presidente.

IVAN MAYRINA/GMA7: Salamat po, Spox. Good afternoon.

SEC. ROQUE: Salamat, Ivan. Nagtatanong ka, Ivan, kung kailan ako magpa-file, ‘di mo naman sinasabi kung ibuboto mo ‘ko. Anyway, punta tayo kay William Beltran ng PIO.

WILLIAM BELTRAN/PIO: Secretary, magandang umaga po sa ating lahat. On the part of the national and regional media we have here on site at SM City Clark, we have Mr. Chino Gaston of GMA-7 for the first question.

SEC. ROQUE: Yes, Chino…

CHINO GASTON/GMA-7: Good afternoon, sir. Sorry ha, dalawang GMA sunud-sunod. Pero hindi ho sa politics ang tanong ko but dito sa ating fight against COVID. Nabanggit kanina ni Secretary Galvez, there are procedures or plans for pilot vaccination of our minors. Ano po ‘yung mga procedures nito? Paano ang consent sa magulang? Ano ‘yung legal nito na usapin lalung-lalo na ang tanong kung ‘yung minors ba kailangan din makakuha ng consent kahit pumayag ‘yung magulang and then vice versa?

SEC. ROQUE: Secretary Galvez or Secretary Duque?

CHINO GASTON/GMA-7: Either, sir.

DOH SEC. DUQUE: Okay. Maraming salamat doon sa iyong katanungan. Mayroon po tayong guidelines ‘no for the operationalization of our pediatric age group vaccination. From 12 to 17 pero uunahin muna ‘yan by phases – 15 to 17 ang mauuna tapos 12 to 14 ano po. At dahil sila po ay mga minor ay kinakailangan po talaga ng parental consent ano, hindi pupuwedeng sila-sila na lamang ang magdidesisyon at wala naman po silang kakayanan para magdesisyon para sa kanilang mga sari-sarili.

Ang mahalaga po rito, maging maayos ang sistema, ang proseso ng pagbabakuna kaya nga ito po ay ilulunsad sa ating mga ospital muna para nang sa ganoon kung magkaroon man ng mga adverse event following immunization ay at least nasa loob na po ng ospital at mabilis na matugunan kung magkaroon man ng emergency. So iyon lang po at itutuloy po natin ito.

SEC. GALVEZ: I-add ko rin po na talagang nag-usap na po kami ni Usec. Myrna kanina, nagkaroon po kami ng vaccine cluster meeting noong last Wednesday at inilahad po doon ni Usec. Myrna lahat ng mga tinatawag natin iyong phased vaccination.

Unang-una, iyong ano, mayroon na po tayong six sites na hospital na pagdadausan po ng tinatawag nating pilot vaccination. Uunahin po natin dito, sinabi nga po ni Sec. Duque, iyong may comorbidities na mga bata. Ito pong mga ospital na ito, ito po iyong Philippine Children’s Medical Center, iyong National Children’s Hospital, iyong Philippine Heart Center, iyong Pasig City Children’s Hospital, iyong Fe del Mundo Medical Center at saka Philippine General Hospital.

Ito po ay gagawin nating phased. Uunahin po natin iyong 15 to 17 years old and then iyong 12 to 14. Then after 14 days, we will expand to select LGUs in NCR. Itong six local government units, ito po ay kinoordinate po ni Dr. Global (?). At ito pong mga unit pong ito ay ang Manila, Pasig, Taguig, Makati, Quezon City, Mandaluyong. At after 30 days, magkakaroon na po tayo ng rollout sa buong NCR at sa mga areas na mayroon na po tayong average na more than 50% iyong mga A2 vaccinees po natin. Ibig sabihin, ito po ay ibibigay po natin sa mga city at saka sa mga areas na may above 50% na po ang ating general population vaccination, especially iyong ating mga senior citizen.

SEC. ROQUE: May idadagdag din si Chairman Abalos.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Yes, Chito, as what Sec. Duque and Sec. Charlie are saying, last night we had a meeting of all the mayors of Metro Manila, together with Director Balboa. We are now preparing, the mayors are now preparing for this vaccination of the minors. Iyong mga pre-registration ay matagal na nilang ginagawa, it’s just a matter of identifying those who have comorbidities in those in the lists.

But what is more important here, ang sabi nga namin, if it’s possible, Sec. Charlie, probably you could even expand the list to include everyone ‘no, for the pilot. But what is important here are, all of the mayors are very ready, they are very enthusiastic about this pilot, lalo na sa mga bata. At every three days ay nagmi-meeting po kami tungkol dito, and we’re very much prepared. Thank you.

Q: Sir, follow up lang. Ilan ang target natin doon sa pilot na babakunahan, Sec.?

SEC. GALVEZ: Ang initial natin sa pilot natin is more or less, mga ilang libo lang muna for the meantime and then oobserbahan po natin. Kapag once na nakita natin na wala siyang mga tinatawag na side effects, adverse effect, major adverse effect ay itutuloy po natin iyon. Kasi ang gagawin po natin, talagang gagawin po natin sa mga bata, para sa kaalaman po ng lahat, na gagawin po natin talagang phased, closely monitored at talagang sequential ang gagawin po natin.

So nagkakaroon po kami ng tinatawag na continuous research also, iyong mga ginagawang vaccination ng mga different countries. At sinabi nga po ni Chargés d’affaire Heather Variava, sinabi nga niya na doon sa US, ang dami na nilang nabakunahan na 12 to 17 at wala po siyang narinig na nagkakaroon ng major side effects.

SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. May follow up lang po si Ace Romero sa tanong ni Ivan Mayrina: The doubts stemmed daw po from the President’s statement in 2015 that he is retiring, yet still ran for President in 2016. Ano po ang masasabi ninyo?

SEC. ROQUE: Well, kung talagang may nagdududa, eh hintayin na lang natin ang Oktubre a-otso para malaman natin kung anong plano ni Presidente. At kung mayroon pa ring duda, hintayin natin ang November 15 kasi iyon po iyong deadline para sa substitute. Wala na po akong assurance na maibibigay doon sa talagang gustong magduda.

USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz ng UNTV: Sa COVID-19 pill ng Merck & Co., ano ang reaction ng Palace sa development na ito against pandemic? Anong efforts ang gagawin ng Philippine government in case manghingi na ito ng approval sa US FDA at mabigyan ng authorization?

SEC. ROQUE:  Si Secretary Duque please.

DOH SEC. DUQUE: Ito po ba ay patungkol sa gamot na Molnupiravir? Ito po ba iyong sa—iyan, iyan ba?

USEC. IGNACIO: Secretary Duque, wala siyang minention [mentioned], pero iyong pill po ng Merck & Co.

DOH SEC. DUQUE: Ang alam ko iyan iyong gamot na binigyan diumano ng approval or EUA. Pero dito sa atin, wala pa pong nag-a-apply. Hinihikayat po natin ang mga pharmaceutical healthcare association of the Philippines na tingnan po ito, at kung makapag-apply na proactively ‘no for an EUA, Emergency Use Authorization, or Compassionate Special Permit. So kahit na wala pa iyong gamot, pero kapag naging available na, at least mayroon na kaagad authorization.

So proactively, iyan po ang aking abiso sa pharmaceutical division ng Department of Health na pinangungunahan ni Dr. Melissa Guerrero. So binabantayan po natin ang developments patungkol po sa antiviral drug na Molnupiravir ang tawag po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Duque. For Secretary Roque: Seryoso ba si Pangulong Duterte sa pagpapahayag ng interes na makabisita sa Amerika? Kailan niya ito balak gawin kung hindi naman matutuloy within his term? May efforts bang ginagawa ang Palasyo para personal na makapagpasalamat sa US government sa pamamagitan ng phone call or letter for President Biden?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po iyong mga bagay na iyan ay talagang diplomasya po iyan, so hintayin na lang po natin kung magkakaroon ng kasunduan kasi kinakailangan din ng kasunduan. So I cannot second guess kung ano pong mangyayari diyan. Hintayin na lang po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question po niya: Paano [garbled] ang Pangulong Duterte sa COVID-19 response sa nalalabing termino habang nangangampaniya? Ano ang mas priority at bakit?

SEC. ROQUE: Pakiulit ang tanong kasi choppy, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano raw po makaka-focus si President Duterte sa COVID response sa nalalabing termino habang nangangampaniya? At ano ang mas priority nito at bakit?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, hindi na kandidato ang Presidente. So mas marami pong panahon ang magugugol niya dito sa COVID response. At sinabi naman po niya na talagang sa nalalabing termino niya, kinakailangan mabigyan ng population protection ang buong Pilipinas at iyong kaniyang kampaniya laban sa korapsyon at sa droga ang kaniyang bibigyan ng prayoridad.

Usec. Rocky, punta muna tayo kay William Beltran.

BELTRAN: Secretary, the next question will come from Patrick de Jesus of PTV 4.

PATRICK DE JESUS/PTV4: Good afternoon po, Secretaries. Kay Sec. Galvez po, balikan ko lang po iyong sa pagbabakuna ng 12 to 17. Ilan po iyong naka-allocate na doses para sa initial run po nito?

SEC. GALVEZ: Iyong sa 12 and 17, ang ating bilang is 12.7 million iyong mababakunahan noon. But in fact, ang ating ina-allocate dahil kasi ang ano po natin, ang ating bilang po sa ating mga children population is more or less 26 to 29 million, nag-a-allocate po tayo ng 60 million.

PATRICK DE JESUS/PTV4: Thank you po. Kay Sec. Duque po at saka kay Secretary Roque siguro. Iyong sa alert level po, kailan po natin masasabi na puwede na rin po itong ipatupad outside the National Capital Region?

SEC. ROQUE: Kinakailangan muna pong ma-assess natin iyong pilot bago natin i-implement on a nationwide basis. Yes, Secretary?

DOH SEC. DUQUE: Dagdagan ko lang, alam naman po ninyo na in-extend natin ang pilot run ng bagong alert leveling system dito po sa NCR from October 1 to 15. At ito po ay binabantayan linggu-linggo ng inyong Department of Health at ng IATF para tingnan kung ito ba ay nagkakaroon ng tagumpay doon po sa pag-monitor ng ating pilot test ng alert leveling system. At apat na bagay po ang binabantayan dito, unang-una, ito po iyong atin pong mga kaso na binabantayan, iyong metrics kung tawagin natin na binubuo ng tinatawag nating average daily attack rate per hundred thousand population, ang atin pong two-week growth rate at ang atin pong healthcare utilization rate.

Pangalawa po, iyong pinaigting, at ako ay natutuwa na narinig ko mismo kay Chairman Abalos na ang kanilang case to contact ratio ay kanila na pong napaunlad. Ngayon po ay nasa 1:19 – one case for every 19 close contacts. At napakamahalaga po nito para madali pong mai-isolate o ma-quarantine ang mga taong close contacts, at dahil po rito ay maibsan ang pagkalat ng COVID-19. At nakikita po naman natin na patuloy ang pagbaba ng mga kaso sa NCR at ‘di-umano sa buong Pilipinas ano except for a few areas.

Pangatlo, iyong kanila pong pagsisiguro na ang pagtugon ng Barangay Health Emergency Response Teams nila at iyong kanila pong pinaunlad na tinatawag nating COVID Referral System. Nakikipag-ugnayan po sila mula po sa pamahalaang lokal sa national po, iyong ating COVID Patient Navigation and Referral System na pinangungunahan po ni USec. Leopoldo “Bong” Vega.

So, ito po ang mga tinututukan sa ngayon ng DOH at IATF at kapag nakita na maliwanag dahil po rito ay patuloy ang pagbaba ng kaso, palalawigin na po ito sa ibang lugar ng bansa.

PATRICK DE JESUS/PTV4: Panghuling tanong na lang po for Secretary Galvez. Ngayon pong October, 28 million na po ang fully vaccinated nationwide.By the year ends po, ano pa rin po ba iyong target natin?

SEC. GALVEZ: Nakita natin kapag tumaas po iyong ating vaccination, kasi ang target po natin is magkaroon po tayo ng 600-800,000 per day, nakikita po namin na baka maabot po namin iyong 50 to 58—50% maaabot po natin. Pero kapag once na gumanda po iyong ating vaccination, talagang medyo makuha niya iyong one million or even more, makakaya po natin iyong 60% to70%.

Pero realistically, ang nakikita namin based doon sa computations namin na talagang more or less ang pinaka-achievable natin is iyong 50% at nakikita namin iyong 50% na iyon malaking ano na iyon kasi kung makikita natin ang ating mga tinatawag na mga iyong higher natin, iyong percentage ng willing vaccinees, 46%.

SEC. DIZON: Dagdagan ko lang ‘no. Tama iyong sinabi ni Sec. Galvez. So, ang target natin is 50% pero ang importante dito is talagang magpa-prioritize tayo at magfo-focus tayo doon sa mga high risk areas at ito mostly iyong mga malalaking siyudad. Kaya ngayon pagkatapos ng napakagandang performance ng National Capital Region na ini-report ni Chairman Benhur, ang pina-prioritize natin ngayon ang mga iba’t-ibang malalaking mga siyudad sa Region III, Region IV-A, Region VII, Region VI, Region XI, Region X, Region IX, and pati iyong mga siyudad natin sa norte hanggang sa GenSan at saka sa Davao.

Kasi alam natin base sa mga eksperto, na iyong mga malalaking siyudad iyan din ang mga high risk na areas sa COVID-19. So, kung umabot tayo ng 50% and up sa mga malalaking siyudad na iyan, napakalaki na iyon na magiging kaginhawaan natin at talagang makakapagbukas na tayo nang todo-todo ng ating ekonomiya.

PATRICK DE JESUS/PTV4: Salamat po.

SEC. ROQUE: Yes. Punta tayo kay USec. Rocky again.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. Tanong po ni Trish Terada ng MPC, kung may Talk to the People daw po si Presidente mamaya?

SEC. ROQUE: Mayroon po, may Talk to the People mamayang gabi.

USEC. IGNACIO: Okay. From Kris Jose of Remate/Remate Online: Nagsimula ng umingay ang usapin ng halalan sa bansa dahil marami na ang naghain ng kanilang COC. Ang hakbang na gagawin ng pamahalaan para malaman kung saan nanggagaling ang campaign funds—Ano daw po ang hakbang kung saan daw manggagaling ang campaign funds ng mga kandidato lalo pa’t ito ang panahon na buhay na naman ang dugo ng mga sindikato?

SEC. ROQUE: Well, may requirement po ang Comelec na matapos po ang halalan eh kinakailangang ideklara kung saan galing ang kanilang mga pondong ginastos. SOCE po ang tawag doon at kung hindi po iyan magpa-file eh madi-disqualify po sila sa pag-participate sa mga susunod pang halalan.

USEC. IGNACIO: From Dano Tingcungco ng GMA News: Paano ang pag-implement ng [technical problem]—

SEC. ROQUE: Paki-ulit, choppy. Paki-ulit, choppy ang tanong.

USEC. IGNACIO: Okay. Tanong po ni Dano Tingcungco ng GMA News—

SEC. ROQUE: Naku! Choppy po. Ulit, one last time.

USEC. IGNACIO: From Dano Tingcungco daw po ng GMA News: Paano daw po iyong requirement ng vaccine sa pilot for children, open to all or may mga enrolled na participants? And on what parameters may a child be admitted or qualify for pilot vaccination?

SEC. ROQUE: Ang uunahin po sa mga kabataan ay iyong mayroong mga tinatawag na comorbidities o mga sakit ‘no. At hinihikayat po natin na mag-masterlisting iyong mga magulang para sa kanilang mga anak. Ang alam ko po, para lang ma-check ni Secretary Duque kung tama ang sinasabi ko, kinakailangan ng consent ng magulang, kinakailangan ng consent ng doktor para doon sa mga may comorbidities.

Si Secretary Duque po?

SEC. DUQUE: Dagdag ko lang doon sa sinabi ni Spox ‘no, iyong mga listahan ng comorbidities, ito na-establish na natin. So, ito po, galing sa Philippine Pediatrics Society and the Philippine Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines.

So, iyong mga—12 po ito ano, medical complexity, genetic conditions, neurologic conditions, metabolic and endocrine disorders, cardiovascular diseases, obesity, HIV infection, tuberculosis, chronic respiratory disease, renal disorders, hepatobiliary conditions, and immunocompromise due to disease or treatment.

So, ito po dapat ay matukoy kung alin ba dito ang mga bata na naaapektuhan at ito ang magiging isa sa mga batayan for the rollout of the pediatric vaccination.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Duque. From Dano Tingcungco ng GMA News: Paano po ang magiging protocols sa medical screening sa eligible teenagers? Mas magiging mahigpit po ba sa paghingi ng medical certificates para sa mga batang babakunahan?

SEC. DUQUE: Yes. Mayroon tayong guidelines para dito. So, antabayanan na lamang ito, iyong official na guidelines or protocols for the adolescent kasi kasama pa rin naman iyan sa ating 12-17 years of age. Alam naman ninyo, 18 and above iyon na iyong kasalukuyang polisiya natin na binabakunahan na ‘no pero ito ngang bago sa pediatric vaccination program ay mayroon tayong ilalabas na protocol at ito po ang susundin.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Duque, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay William Beltran.

WILLIAM BELTRAN/PIO: We’ll have Ms. Liza Yambao po of SMNI News channel.

LIZA YAMBAO/SMNI NEWS: Good afternoon po, sir.

Nabanggit po kanina na nasa 3o% po iyong mga nabakunahan. Do we have plans po para mapabilis po mapabilis pa po iyong—ma-achieve po iyong herd immunity po natin?

SEC. ROQUE: Secretary Galvez?

SEC. GALVEZ: Iyon po ang ginagawa po natin, nagkakaroon po tayo ng recalibration ng ating pagbabakuna dahil kasi nagkaroon po tayo ng tinatawag natin na inflection doon sa mga high areas natin considering na iyong mga cities nakukuha na nila iyong tinatawag na saturation point.

Sa ngayon, ang ginagawa po namin nina Sec. Vince, nag-aano po tayo, nagri-region-region na po ang mga meeting natin para i-expand na ang mga capacities ng ating mga LGUs iyong kanilang mga vaccination.

Sa ngayon, medyo bumagal dahil kasi iyong karamihan ng ating mga bakunang nakuha ngayong September at saka iyong last quarter, ito iyong mga sensitibong mga bakuna, iyong Pfizer at saka Moderna.

So ngayon, nagpa-pilot testing na tayo sa lahat ng mga lugar at nakakaroon na tayo ng tinatawag na “hub-and-spokes” at saka iyong tinatawag nating just in time na delivery kasi nakikita natin iyong mga ibang nasa far-flung areas kulang na kulang sila ng mga tinatawag na cold chain capacity.

So ngayon, ginagawa na po natin, marami na pong nagro-rollout ngayon, mini-rollout and we expect na mag-e-expand tayo ngayong October.

Secretary Duque?

LIZA YAMBAO/SMNI NEWS: Thank you.

SEC. DUQUE: Susugan ko lang po. Inaasahan natin na mas dadami pa ang mga darating na mga bakuna itong mga susunod na panahon, itong October, November. At iyon pong malinaw na direktiba ni Pangulong Duterte na buksan na po to the general population.

So maganda po ito at marepaso ‘yung atin pong target daily vaccination rate. Sa ngayon nasa 400 to 500 thousand tayo a day ay maitaas po ito to about 800,000 to about a million a day para nang sa ganoon talagang mapaunlad ang ating completed jab rate para po sa proteksiyon ng ating bayan. Salamat.

Q: Thank you po, sir.

SEC. ROQUE: Okay. Punta tayo ulit kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. Tanong ni Maricel Halili ng TV-5. Iyong una pong tanong niya nasagot na, about kay Presidente Duterte, pag-retire sa politics. Second question po niya: Is the President eyeing Mayor Sara to be the running mate of Senator Go? Will he actively campaign for SBG?

SEC. ROQUE: Well, again ‘no, I’m speaking only for the President. I think the President has said that he wants Mayor Sara to run with Senator Bong Go. Now as to the reaction of Mayor Sara, I will have to refer you to Mayor [Cristina Garcia]-Frasco, the spokesperson of Mayor Sara. And of course, yes, the President will campaign not just for Senator Bong Go but for his slate, for the Senate as well and his local candidates as well.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Maricel: What’s your political plan? Are you still going to push through with your senatorial bid?

SEC. ROQUE: Magkakausap muna po kami ni Presidente and I continue to consult with my family members and supporters as well as seeking spiritual guidance on this decision.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Punta tayo uli kay William Beltran.

WILLIAM BELTRAN/PIO: Secretary, the next question po will come from the Philippine News Agency, Ms. Marna Del Rosario. Please allow me to read her question: How would you assess the performance of Region III provinces in terms of vaccination rollout? And, mayroon po ba tayong nakitang distinct best practice in Central Luzon in terms of responding to COVID-19?

SEC. ROQUE: Secretary Vince Dizon is a resident of Region III and I will ask him to answer.

SEC. DIZON: It’s actually doing very well ‘no. And like I said, ang Region III at Region IV-A ngayon ang isa sa mga top priorities – dalawa sa top priorities ng national vaccination program. Unang-una dahil sa proximity nito sa Metro Manila at dahil nga mataas ang risk noong mga iba’t ibang mga siyudad at LGU sa Region III at sa Region IV-A. Ngayon talagang tinutulak natin pero kagaya ng sinabi ni Sec. Galvez kanina, noong September especially noong first half nagkaproblema tayo sa pagdating ng supply. Pero ngayong dulo ng September at ngayong early October, ang dami nang dumating so marami diyan ay mapupunta sa Region III at Region IV-A. At naniniwala kami na ‘yung mga probinsya natin, ‘yung mga siyudad natin at ‘yung mga LGU natin, may high capacity sila to administer kaya bibilis lalo ito ngayong October.

SEC. ROQUE: Yes. So, Usec. Rocky, wala ka nang katanungan?

USEC. IGNACIO: Secretary, marami pa rin po. Tanong po ni—

SEC. ROQUE: Naku. Can I ask you to, siguro read all the questions kasi it’s 1:04 so paki-read na lang as many questions as you can.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary. Tanong po ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN: What was the basis daw po for President Duterte’s statement last Saturday that the Mayor Sara-Bong Go tandem is already a go? Nag-usap ba sila ni Mayor Sara?

SEC. ROQUE: No information kung nag-usap, that is the personal wish of the President. Next question, please.

USEC. IGNACIO: Does the President mean to say that Mayor Sara’s filing of candidacy for Davao City mayor is only a strategic move to distract the public before she finally runs for president?

SEC. ROQUE: Wala po akong impormasyon diyan dahil halos kasabay po ang pag-file ni Mayor Sara for mayor sa pag-file ni Senator Bong Go for Vice President.

USEC. IGNACIO: Can we get your response on the criticisms over your question last night in Miss World on whether a woman with young kids should run for president if it meant sacrificing time for her family? Some netizen say that the question was misogynistic and out of place in a contest meant to empower women. What was your aim in asking that question? How would you answer it yourself? Similar question with Ace Romero.

SEC. ROQUE: OA po ‘yun na misogynistic ‘yun. That’s a valid question. If you disagree, you’re entitled to your opinion, mag-judge din kayo.

USEC. IGNACIO: From Cresilyn Catarong ng SMNI: Tuloy na ba next week ang pag-uumpisa ng vaccination sa minors? Ano pa pong mga paghahanda ang ginagawa ng national government at kumusta ang inyong coordination with the LGU para sa implementasyon nito?

SEC. ROQUE: Already answered na po ‘yan. Tuloy na po iyan ‘no. Already answered na po iyan many times. Next question, please.

USEC. IGNACIO: From Trish Terada ng CNN Philippines for Secretary Galvez: When does the government intend to allow the local sale and distribution of Pfizer by the private sector? Hindi po kaya mas makakatulong sa vaccination rollout ito?

SEC. GALVEZ: Hindi pa nag-a-apply po ‘yung Pfizer po dito sa atin ng CPR so ano pa rin po, EUA pa rin po ‘yun. At saka ang intention pa rin po nila even sa second ano po natin, second wave is basically to supply the government demand and requirements.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kylie Atienza ng Business World: Last week a coalition of medical professionals said that the President and other Philippine officials has failed to pressure the WTO to waive the patients for COVID-19 vaccine, a move done by India and South Africa. I quote: “Government pronouncement have highlighted the lack of vaccine supply, yet does not acknowledge the question of inequity on an international scale – one that the TRIPS [Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights] waiver dares to answer,” the coalition said. What was the official position po ni Presidente on the TRIPS waiver? Will the Philippines also join other developing countries in pressuring the WTO to waive the IP rights for vaccines?

SEC. ROQUE: Noong ako po ay ni-nominate ng ating republika sa pamamagitan ng ating Presidente para sa ILC, iyan po ang kasunduan namin – na ipaglaban ang vaccine equality. It was a nomination with the purpose at ito po ay makakamit sa isang draft treaty na sana po ay buuin ng ILC at diyan po sa TRIPS agreement sa WTO. Kabahagi po tayo, kasama po tayo ng buong developing world sa kagustuhan natin na magkaroon ng vaccine equality at isa sa pamamaraan po diyan ay iyon ngang waiver ng TRIPS protection. Ito po ay intellectual property ‘no, at sinasabi natin buksan na iyong intellectual property ng mga bakuna at ito naman po ay isang suhestiyon din ng Amerika mismo.

USEC. IGNACIO: From Johnna Villaviray ng Asahi Manila, clarification daw po: Gyms and fitness studios are open but no group classes yet so no yoga or Zumba indoors. How about daw po ‘yung group classes in open spaces like parks or poolside?

SEC. ROQUE: Well, ang pinagbabawal po ‘yung indoors ‘no. Indoors po dahil iyan po ay closed ‘no, ‘yung 3Cs na tinatawag. At saka ito po ay sa Metro Manila lang, hindi ko po alam kung mayroon talagang mga group Zumba sa Metro Manila pero ang alam kong may mga group zumba po talaga sa Burnham Park sa Baguio. Go ahead please, next question.

USEC. IGNACIO: Opo. From Trish Terada ng CNN Philippines for Secretary Vince Dizon: Although bumaba ‘yung positivity rate, DOH is not confident to say na downward na po ang trend because bumaba po ang testing rate. What is the reason behind lower number of testing?

SEC. DIZON: First of all, I think our testing is still at the 60,000 to 70,000 levels ‘no. But remember, kagaya ng sinabi ni Sec. Duque, risk-based ang ating testing. Anong ibig sabihin noon? Tini-test natin ‘yung mga mataas ang risk for COVID-19 exposure – close contacts, those with symptoms, those who live in high prevalence areas. So ang ibig sabihin noon, kapag bumababa na ang kaso which we are slowly seeing although tama naman na hindi tayo dapat maging kampante, kapag bumababa na ang mga kaso as shown by the positivity rate, bumababa din ‘yung mga numbers of close contacts, ‘yung mga numbers of high-risk individuals. So that necessarily means that the testing rate will be lower than compared to during the time of a very, very high surge. So that is the explanation there.

SEC. ROQUE: Okay. Tawagin naman natin si William Beltran para sa last question ng mga local media na naririto ngayon.

WILLIAM BELTRAN/PIO: Yes, Secretary. May I call on Ms. Lyra Customero (?) of the PIA.

Q: Hello po. Good afternoon po to everyone. So ‘yung question ko po is more of a parang closing na rin kasi this would be the last question po for the local media. So it was mentioned po kanina na paulit-ulit po tayo na 30% na po ‘yung total population na na-vaccinate natin nationwide. What about po in Region III? Do we have a figure on that po? And then, given po ‘yung current vaccination rate po natin and ‘yung makikita po nating increase sa vaccination, willingness ng public, will we be able to reach po our immunity target before the year ends?

SEC. ROQUE: Ang sabi po kanina, iyong sa second question mo ni Sec. Galvez dahil lack of time na ‘no that dahil marami naman tayong mga supply, we’re hoping to achieve at least 50% by end of the year ‘no. Now, iyong sa Region III, go ahead, Secretary Galvez.

SEC. GALVEZ: Iyong sa Region III, malaki na iyong ano natin ‘no, bale nakikita natin sa mga cities lalo na sa Angeles at saka dito sa Mabalacat, umaabot na tayo ng ano, iyong first dose natin na more than 50% na siya. Then iyong percentage natin sa first dose sa Region III, pang-number 3 tayo sa buong bansa, so more or less 30% na po iyong first dose natin. At ang ating   fully vaccinated is more or less 25%.

Ang nakikita namin, iyong City ng Angeles, iyong Mabalacat and also iyong most populated area na binigyan namin ng maraming vaccine, nasa 60 percent to 70 percent na siya. So iyon ang nakikita namin na kapag once na binuhusan namin itong Region III, are very confident na by November, we are more than 50% iyong buong Region III at saka buong basa.

Q: Thank you so much po and magandang hapon po.

SEC. ROQUE: Okay. Usec. Rocky, mayroon pa bang mga tanong?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque, siguro mayroon pa po akong mga tatlo ditong tanong.

SEC. ROQUE: Go ahead, fire away.

USEC. IGNACIO: From Sofia Tomacruz of Rappler: How many Sinovac doses were purchased by the government? Earlier, Secretary Galvez mentioned a purchase deal was signed for 25 million and that there were negotiations for 10 million doses more. But latest data from the government shows, at least 39 million doses have arrived already. Were government funds or multilateral loans used to pay for the additional doses? We know one million doses were earlier donated by China.

SEC. GALVEZ: Yes, ang total ano natin, vaccine na dumating na Sinovac is 41,000,500, at almost two million dito ay galing sa donation at saka iyong sa private sector. So more or less, 39,000,100 iyong nabili natin. And then, we are still having another nine million for the month of October. Kasi nakita natin nagkaroon ng more or less mga slippage iyong mga western brand, we have to accelerate iyong ating vaccination. So ang ginawa namin, over and above doon sa ating 26.5 na unang first wave na procurement, dinagdagan na po natin siya ng 19 million. So more or less ang ano natin sa Sinovac, kung matutuloy po iyong nine million na darating ngayong October, magiging 50 million na po siya.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Duque, who will be held liable daw po in case may side effect sa minor in the long run ang COVID-19 vaccine? Tanong po iyan ni Sam Medenilla ng Business Mirror.

DOH SEC. DUQUE: Unang-una, mayroon po tayong sistema na tutugon diyan. Mayroon po tayong tinatawag na NAEFI, ito po iyong National Adverse Events Following Immunization. At ito po ay mayroon ding katumbas sa regional, AEFI, at saka sa local.

So ito po ay babantayan at titingnan kung ano ba ang mga adverse events, ito ba ay minor or major. At pag-aaralan pa iyan kung mayroon bang direktamenteng ugnayan doon sa pagbabakuna at doon sa nakitang kumplikasyon o problema. So ito ay dadaan sa mga pagsusuri, mahigpit at malalimang pagsusuri na gagawin ng ating mga eksperto. So hanggang diyan na lang po ang aking masasabi.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary Duque. Secretary Roque, last question po from Jopel Peleño of DWIZ, kung confirmed na po bang napirmahan na raw ni President Duterte ang Compensation and Position Classification System o CPCS?

SEC. ROQUE: Wala pa po kaming impormasyon tungkol diyan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay. So dahil wala na pong mga tanong, nagpapasalamat po tayo sa ating mga naging panauhin – Secretary Vince Dizon, Secretary Carlito Galvez, Secretary Duque at Chairman Abalos. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat po sa lokal na pamahalaan ng Angeles at Mabalacat. At maraming salamat din po sa SM Malls for hosting our affair today.

Mga kaibigan, maraming salamat din po sa inyong patuloy na pagsuporta dito sa ating presidential press briefing. Sa ngalan po ng inyong Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabing: Pilipinas, ito na po ang population protection. Konting tiyaga na lang po, magwawagi na tayo laban kay COVID.

Magandang hapon po, Pilipinas.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)