Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: [Coverage cut] … kung hindi po na-ere iyong sinabi ko na kauna-unahan ha, ang good news po: Inaprubahan na po ni Presidente ang pagbabakuna sa general population simula po ng buwan ng Oktubre.

Kaugnay pa rin ng bakuna, nagbigay ng opinyon ang Presidente na sa ilalim ng police power estado, pupuwedeng ma-compel ang lahat na mabakunahan. Dagdag pa ng Pangulo, ang mga government personnel na ayaw magpabakuna ay maaaring umalis sa pamahalaan. Ang bakuna ang best defense pa rin sa inyong sarili at sa inyong kapwa.

Tungkol naman po sa face shields, ini-report ni Secretary Francisco Duque sa Presidente na hindi tinanggap ng DOH ang face shields supplies na hindi na-inspect ng DOH inspection team. Kaugnay nito, inatasan niya ang procurement at supply chain ng DOH na tignan ang alegasyon ng tampering ng production dates ng face shields.

Dagdag pa ni Secretary Duque, kung may tampering na nangyari, kailangang bawiin ng gobyerno sa kumpaniya ang isang taon na tinamper.

Samantala, inulat ni Secretary Duque na ang resulta ng investigation sa false positives ng Red Cross ay mailalabas sa Oktubre a-otso.

Narinig din natin sa Talk to the People kagabi na inatasan ng Pangulo ang Solicitor General na makipag-ugnayan sa Commission on Audit na aksyunan ang disallowances sa SBMA noong ito po’y pinamumunuan ni Senator Gordon.

Sa usaping bakuna: Nasa mahigit apat na milyon or 44,361,285 doses na ang total vaccines administered, ito po ay sang-ayon sa September 27, 2021 National COVID-19 Dashboard. Sa bilang na ito, nasa 26.68% o mahigit dalawampung milyon or 20,583,580 ang fully vaccinated. Sa Metro Manila naman po ‘no, mahigit labinlimang milyon or 15,466,087 ang total vaccines administered. Sa bilang na ito, nasa 72.43% na po o higit pitong milyon or 7,081,010 ang fully vaccinated as of September 27, 2021. Malapit na po talaga ang population protection sa Metro Manila.

At kapag nangyari po itong population protection ‘no, iyong mababakunahan na ang otsenta porsiyento, makakapaghanapbuhay ang karamihan sa atin, magbabalik-buhay po tayo at magiging masaya ang ating Pasko.

Inaasahan na darating bukas, September 29, ang 391,950 doses ng Pfizer na binili ng pamahalaan.

Punta naman po tayo sa COVID-19 updates ‘no. Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo sang-ayon sa Johns Hopkins: Number 18 po ang Pilipinas pagdating sa total cases; Number 13 po tayo pagdating sa active cases; Number 136 po tayo sa cases per 100,000 population; Number 105 po tayo sa case fatality rate, at ito nga po ay at 1.50%.

Nasa 18,449 po ang mga bagong kaso ayon sa September 27, 2021 datos ng DOH. Nasa higit dalawang milyon or 2,313,412 ang mga gumaling. Patuloy ang pagtaas ng recovery rate, nasa 92.2% po ito. Samantala, malungkot po naming binabalita na nasa 37,494 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami.

Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital ‘no: Sa buong Pilipinas, 75% po ang utilized ICU beds; sa Metro Manila nasa 77% po ito. Sa buong Pilipinas, 64% ang utilized isolation beds; sa Metro Manila, 55% po ang utilized isolation beds. Sa buong Pilipinas, 68% ang utilized ward beds; sa Metro Manila nasa 65% po tayo. At sa buong Pilipinas, 54% po ang nagagamit na mechanical ventilators; sa Metro Manila, ito po ay 58%.

At sa iba pang mga bagay: Ang bente pesos na banknote o paper bill ay nananatiling legal tender. Mayroon po kasing fake news na kumalat na hindi na raw ito kikilalanin bago matapos ang taon – wala pong katotohanan ito! Magagamit pa rin ang dalawampung pisong kasama ang dalawampung pisong coin.

Dito po tayo nagtatapos ng ating presentasyon. Kasama po natin ngayon, walang iba kung hindi ang ating Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion.

Secretary Joey Concepcion, ako po’y kaisa ng pribadong sektor na kinakailangan ang itaguyod natin ay iyong total health ‘no, mapababa ang kaso ng COVID at maiwasan ang pagkagutom. Ngayon pong halos 75% na ang nabakunahan dito sa Metro Manila, ano po iyong mga suhestiyon ng pribadong sektor para po buksan pa nang mas malaki ang ekonomiya at least dito po sa Metro Manila.

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, malapit na tayo sa fourth quarter next week ‘no, beginning October. So ang hinihingi ng private sector—bago iyan, may meeting kami kahapon, Harry, with the medical groups ‘no, kasama iyong Philippine Medical Association. And we presented to them and lahat ng mga sektor katulad ng mga restaurants, mga spa, mga salons, mga gyms ay humingi na sana dapat ipalagay na natin sa Level 3 sa pagpasok natin sa fourth quarter.

Alam naman natin, sa fourth quarter, itong talagang puwedeng magbawi ng … sa mga negosyante, mga lugi nila. So tataas dito iyong consumer spending dahil sa Christmas ‘no at palagay ko, election spending. So importante ang quarter na ito na sana ay ipalagay na ang quarantine, ibaba sa Level 3.

Pero ang sinadyest [suggested] ko lang po kay Secretary Galvez, iyong Level 4 kasi is only for fully vaccinated ‘no. Pero sa Level 2 at 3, they are allowing both unvaccinated and vaccinated. So siguro dapat, consistent application in Level 3 for fully vaccinated para puwede na nating buksan ang economy at baka puwede pang itaas iyong capacity para sa mga negosyante; hindi lang 30%, baka puwedeng nilang itaas. Kasi sa unang ginawa nila, for both fully and unvaccinated. But kung puro lang vaccinated … kasi importante dito iyong capacity dapat itaas para mas maganda ang benta nila. At tatlong buwan lang itong quarter, importante dito na mabawi nila ang mga lugi nila para mabayaran iyong 13th month pay sa mga empleyado pagpasok dito ng Christmas.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion. Hayaan ninyo po, iyan po ay tatalakayin sa IATF at isa po tayo sa susuporta doon sa inyong mungkahi.

Bago po tayo magpatuloy ‘no, mukhang na-late daw po iyong ating Facebook broadcast. So uulitin ko lang po: Magsisimula na po ang pagbabakuna sa general population itong buwan ng Oktubre. Ito po ay inaprubahan na ng Pangulo sang-ayon po sa advice ni Vaccine Czar Carlito Galvez. At magsisimula na rin po ang ating pagbabakuna ng ating mga kabataan, pero ang ating hinihikayat ngayon ay magpa-master listing na po ang mga magulang ng mga kabataan para mapalistahan na ang mga kabataan kapag nagsimula na po tayo. Inaasahan po nating magsisimula rin tayo sa buwan ng Oktubre; aprubado na rin po iyan ng ating Presidente.

Okay, pumunta na po tayo sa ating open forum. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque and Secretary Concepcion.

From Kris Jose of Remate/Remate Online: Nabanggit po ni Pangulong Duterte sa kaniyang Talk to the People na kung magmamatigas pa rin ang karamihan sa mga Pilipino ay maaaring mapilitan ang gobyerno na gumamit ng police power upang puwersahin ang mga mamamayan na magpaturok. Ito na po ba sa tingin ninyo ang pinaka-effective na hakbang para makumbinsi ang mga tao na magpabakuna para ma-achieve ng bansa ang herd immunity? Wala bang lalabagin na karapatang pantao sa hakbang na ito?

SEC. ROQUE: Marami na pong mga desisyon ang ating Korte Suprema pati po sa Estados Unidos na basta mayroon pong batas eh pupuwede po talagang ipatupad ‘yan. So ilagay po natin sa konteksto ‘no, talaga pong mayroong kapangyarihan ang estado na gumamit ng police power para itaguyod ang ikabubuti ng karamihan ‘no. Pero pagdating po diyan sa bakuna, ‘antayin po natin ‘no dahil kinakailangan din ang polisiya.

USEC. IGNACIO: Opo. From Llanesca Panti ng GMA News Online: Would the President reconsider VP run in 2022 given majority of Filipinos say such run is contrary to Constitution’s intent?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po abogado rin naman ang Presidente at siguro ang importante ay iyong mga abogado ay magkaroon ng kaniya-kaniyang mga opinyon. At sa tingin niya hindi po ‘yan labag sa Saligang Batas kasi wala pong expressed na prohibition and therefore it is allowed. Pero masasabi ko lang po, sensitibo po ang Presidente sa pulso ng taumbayan. ‘Antayin na lang po natin ang kaniyang pinal na desisyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod na tanong mula kay MJ Mondejar ng SMNI News: For Secretary Roque, you were invited by Kabayan Partylist Representative Ron Salo na maging keynote speaker sa kanilang Courage to Career Webinar Project. Ano ang response ninyo dito given na may history na misunderstanding kayo ni Representative Salo?

SEC. ROQUE: Regrets po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Ang susunod pong magtatanong, si Mela Lesmoras ng PTV via Zoom.

SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at kay Secretary Concepcion. Secretary Roque, follow up lang muna po doon sa general population vaccination. May I just clarify, paano po ‘yung magiging sistema dito? Can you just walk us through? Magiging priority pa rin po ba ‘yung ibang mga priority sectors or paano po ‘yung mga magiging sistema? I’m sure iyong mga kababayan natin curious kung paano ‘yung dapat nilang gawin dito.

SEC. ROQUE: Gaya ng aking sinabi ‘no, ‘antayin natin iyong detalye. Pero iyong mga A1, A2, A3 hindi naman po mawawala ang kanilang priority. Magkakaroon po tayo ng express lane para sa kanila. Pero ang importante lang dahil nandiyan na po ang supply at ang naging problema naman natin dati ay kakulangan ng supply, ngayong maraming supply eh sisimulan na po natin ang bakunahan ng general population.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And para naman po sa mga bata, kasi sabi ninyo this October din ito. Ito po ba ay itataon bago magsimula iyong limited face-to-face classes sa ilang panig ng bansa or nakadepende pa rin ito sa supply?

SEC. ROQUE: Well, ngayon po, mayroon po tayong sapat na supply ‘no. Pero ang pinaghahandaan po natin iyong masterlisting pa lang naman, okay. So ‘pag mayroon na po tayong masterlist ‘antayin po natin ang anunsiyo kung sino ang mauuna.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And my final question, Secretary Roque, follow up lang po doon sa naging tanong nga kanina. On SWS survey na nagsasabi nga 60% nga ng adult Filipinos ay naniniwala na iyong pagtakbo ni President Duterte sa 2022 would violate the Constitution. Tanong ko lang po kung agree dito ‘yung Malacañang at makakaapekto po ba ito sa magiging pinal na desisyon kung sakali ni Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po ‘yan. Sa tingin po ng Presidente at ng maraming mga abogado – kasama na po ako doon – wala pong lalabagin sa Saligang Batas kung siya’y tatakbo sa Bise Presidente ‘no. Pero ang Presidente naman po ay nakikinig ‘no sa pulso ng taumbayan at antayin po natin ang pinal na desisyon.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po Secretary Roque at kay Secretary Concepcion.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Punta tayo uli kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary Roque, ang tanong mula kay Margot Gonzales ng SMNI News: Pipirmahan kaya ng Pangulo ang panukala para sa extension ng voter’s registration?

SEC. ROQUE: Wala pa po ang papel sa Malacañang pero wala po akong nakikitang hadlang ‘no unless sa pag-aaral ng Legal Department ng Office of the Executive Secretary ‘no ay mayroong legal objection. Pero sa tingin ko naman po walang objection but I stress na hindi pa po namin natatanggap iyong pirmadong kopya ng panukalang batas na ‘yan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Jayson Rubrico ng SMNI News for Secretary Joey Concepcion: Ano po ang assessment ninyo sa unang linggo nang pagpapatupad ng Alert Level System? Kumusta po ang naging sitwasyon ng ilang mga negosyong pinayagang magbukas?

SEC. CONCEPCION: Siyempre kahit mababa iyong capacity, at least they are happy that naumpisahan, at least pilot test naman ‘to. Pero sana gusto nila itaas iyong capacity kasi sa 10%. Iyong mga entrepreneurs hindi kikita diyan sa mababang capacity. Pero sa tingin namin kung mabuksan ‘to at maibawas iyong—mapunta tayo sa Level 3, diyan sa palagay ko mas maganda para sa mga negosyante na mabawi nila ang mga lugi nila noong mga ibang panahon na—iyong unang buwan natin na talagang panay lockdown.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Concepcion. For Secretary Roque, question from Yellow ng CCTV: Did you discuss AUKUS with the President yesterday? What is his reaction? Do you think that AUKUS promotion of nuclear submarine cooperation is a threat to regional security? What role should ASEAN play in maintaining regional peace and security?

SEC. ROQUE: He said that this will be discussed in the full Cabinet meeting although he expressed concern about a regional nuclear arms race. But he will discuss this further with the Cabinet and will come up with a clear position after the meeting of the Cabinet.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Susunod pong magtatanong si Ivan Mayrina via Zoom.

IVAN MAYRINA/GMA7: Magandang tanghali, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Ivan.

IVAN MAYRINA/GMA7: Binanggit ng Pangulo kagabi sa kaniyang Talk to the People iyong tungkol sa pag-i-expire ng mga face shield, in fact went to the extent of suggesting ways para gawan ng paraan ‘pag nasira iyong foam, etcetera. Pero ang hindi po binanggit ng Pangulo ay tungkol sa punto ng tampering ng production date ng mga ito. What does the President think of that point? Wala ho ba siyang nakikitang bad faith sa bahagi ng Pharmally dito sa tampering ng manufacture date?

SEC. ROQUE: Unang-una, Ivan, hindi pa napapatunayan ‘yang tampering. Kinakailangan muna ma-substantiate iyong allegation ‘no. So huwag muna tayong mag-conclude na nagkaroon ng tampering. Pero ang importante iyong issue na nadanyos ba ang gobyerno, kasi ang sabi ng Presidente hindi gaya ng gamot, ang mga plastic face shield naman ay hindi nai-expire. So ‘yun po ‘yung konteksto ng sinabi ni Presidente. Wala pong danyos ang gobyerno at uulitin ko po, iyong face shield na ito ay kabahagi ng 9-piece PPE set na nabili natin for P1,716.

IVAN MAYRINA/GMA7: So iyong confession po ni Ms. Mago, ano ho ang weight nito as far as the President is concerned?

SEC. ROQUE: Hindi pa po mabigat ‘yan kasi hindi naman po siya talaga iyong nag-tamper ‘no, kumbaga wala siyang personal knowledge ‘no. So kinakailangan i-substantiate po ‘yan.

VAN MAYRINA/GMA7: Okay. Doon naman po sa punto ng restitution na binanggit ni Secretary Duque. How is this process going to be? Should charges necessarily have to be filed para mabawi ho ng gobyerno itong sinasabi ni Secretary Duque na one year’s worth na tinamper iyong production date kung sakali ngang mapatunayan ito?

SEC. ROQUE: Ang restitution naman kasi is either magbabayad ng danyos or papalitan ‘no so dahil one year’s worth iyon ‘no. So kinakailangan muna magkaroon ng demand. Pero ito naman, pupuwede sigurong ‘pag demand eh mag-comply na ang Pharmally kung talagang mapapatunayan. Again, kinakailangan po nating linawin, hindi pa po ‘yan puwedeng mapatunayan dahil iisang tao lang po ang nagsabi ‘no na nangyari daw ‘yan at hindi naman siya iyong taong gumawa.

IVAN MAYRINA/GMA7: Oo. May idea tayo, Sec., kung magkano ang hinahabol natin should it come to it?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam pa, pero uulitin ko po, the face shield is part of a 9-piece PPE set. Siyempre po ang pinakamahal diyan iyong PPE mismo at saka iyong apron ‘no at iyong mga collaterals po I think—well may halaga po ‘yan pero I don’t think it constitute the biggest amount doon sa [unclear] for P1,716.

IVAN MAYRINA/GMA7: Pero, Sec., mayroon ho bang instructions ang Presidente to vigorously pursue this? Ito hong—itong punto na ‘to na nagkaroon ng pag-tamper sa production—manufacture date?

SEC. ROQUE: Hindi na po hinintay ng DOH ang order ng Presidente at nag-iimbestiga na po sila ngayon as we speak.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Yes. Panghuling punto po: How does the President intend to exercise the police power of the state to compel people to get vaccinated? Ito po ba iyong dati na niyang nabanggit na arestuhan?

SEC. ROQUE: Well, kinakailangan po muna ng batas. Ang sabi naman niya iyong mga taong gobyerno kung ayaw nilang magbakuna ay huwag silang magtrabaho sa gobyerno. So, I guess, sisimulan ni Presidente iyong requirement na kinakailangan bakunado para magtrabaho po sa gobyerno. Pero, this is without prejudice po to Congress passing a law, kasi ang ating jurisprudence upholds the validity of laws requiring as being mandatory, iyong pagbabakuna.

IVAN MAYRINA/GMA 7: So, is that a cue for Congress to pass a law?

SEC. ROQUE: Yes, of course, that’s the jurisdiction of Congress, but the President can always certify an administration bill for such a law.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Ivan, balik tayo kay Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque. From Leila Salaverria: The President expressed doubt that plastic face shield expires easily. What was he trying to say by raising this question? Does it mean, he sees no problem with Pharmally tampering the production date of the face shield delivered to the government, since he doesn’t think they expire easily?

SEC. ROQUE: Tama po iyon. Ang sinasabi niya walang danyos sa gobyerno iyan, dahil hindi naman napapaso ang plastic face shields. Pero siyempre iniimbestigahan kung mayroon tampering, kasi kung mayroon pong tampering at iyan po ay requirement at mayroon silang official document na pinirmahan na it was manufactured on a certain date, pupuwedeng maging falsification po iyan.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Will the President order Pharmally to pay the government and take legal action against the company if the tampering is proven?

SEC. ROQUE: Kapag napatunayan po, of course, we will exercise all our legal remedies. Ulitin ko lang po, this constitutes one of the nine items na binili natin constituting a PPE set.

USEC. IGNACIO: From Maricel Halili of TV 5: Kung mapapatunayan na tampered nga ang shelf-life ng face shields ngayong pina-inspect ulit ito ni Secretary Duque, anu-ano ang posibleng liabilities ng Pharmally? Will they be blacklisted? May pananagutan din ba ang PS-DBM?

SEC. ROQUE: Well, hintayin na po muna natin ang resulta ng imbestigasyon. Pero offhand, iniisip ko po kung mayroon silang pinirmahan na public document on the date of manufacture, puwede pong falsification iyan, pupuwede ring maging estafa ‘no, pero it is only as to the face shield as one of the nine-piece na dineliver constituting one PPE set.

USEC. IGNACIO: Opo. Question pa rin po mula kay Maricel Halili ng TV5: Filing of COC will start on Friday. Ano ang plano sa mga posisyon sa Gabinete na mababakante? Will the undersecretaries be promoted?

SEC. ROQUE: That’s of course the decision of the President. Ang importante is, maski magkaroon po ng bakante, they will always be an officer-in-charge habang wala pang bagong appointment na nagagawa ang Presidente.

USEC. IGNACIO: Opo. From Sam Medenilla for Secretary Concepcion: What is your opinion on the claim that implementing vaccine bubbles, which is seen to promote segregation of the vaccinated and unvaccinated, is discriminatory?

SEC. CONCEPCION: First of all, the vaccine bubble is not meant to that ‘no. The vaccine bubble is composed of the family bubble and the business bubble. So from the family bubble, the parents has supposed to ensure that their children, their kasambahay are fully vaccinated. And the business bubble, the CEOs and the managers and the entrepreneurs who owned restaurant should also ensure that their employees are fully vaccinated. So the bakuna bubble is a promotion of more vaccines for the Filipino people’s higher uptake and acceptance. So that is very important in our fight against COVID. And I am glad that the President made that statement, a strong statement.

I don’t believe there is any discrimination here when it comes to protecting the unvaccinated. What we are trying to do is protect those that are most vulnerable in this disease. And clearly if you look at the hospitals, they are full of unvaccinated patients. So that is what we have to try to do, protect them and grant more mobility to the vaccinated because the economy will not [start to reopen]. Who is going to be the consumer at a time like this, is it those that are protected not against the infection but against hospitalization and that is the vaccinated people. And that is why I believe that we should really encourage every Filipino out there to get the vaccines, so that our hospitals will not be overrun and we will not be facing with another lockdown if the hospitals have to be full and we will be forced to have many more lockdowns. So we should end lockdowns and allow the economy to start to reopen.

SEC. ROQUE: Dadagdagan ko lang, Usec. Rocky. Ang Saligang Batas po nagsasabi, under the Equal Protection Clause na individuals similarly situated should be treated alike. So sa isa pong test na ginagamit natin, iyong rational basis test, ang tatanungin ng hukuman, kung talagang makakarating sa hukuman itong mga bubbles na ito, ay iyong distinction ba is based on genuine distinctions. Sa tingin ko po, it is because alam naman natin na iyong mga hindi bakunado ang siyang talagang tinatamaan ng sakit at sila talaga iyong pupuwedeng maging super-spreaders. So sa tingin ko po maa-uphold din iyan ng hukuman according to the rational basis test.

USEC. IGNACIO: Question from Ace Romero for Secretary Roque: You said the public should wait for the President’s decision on his plan to run for vice president. Does this mean it is possible that the President will not push through with his plan? What will make him withdraw?

SEC. ROQUE: Well, anything is possible, unless and until the certificate of candidacy is filed.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque, Secretary Concepcion.

SEC. ROQUE: Okay maraming salamat, Secretary Joey Concepcion. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Dahil wala na po tayong mga katanungan, maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtatangkilik ng ating regular Presidential Press Briefing.

Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque ang nagsasabing: Pilipinas, may katapusan din po ang ating paghihinagpis sa ilalim ng pandemyang ito at malapit na po ang katapusan na iyan. Magandang hapon po sa inyong lahat.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center