Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang hapon, Pilipinas.

Simulan po natin ang linggo sa pamamagitan ng magandang balita: Patuloy po na bumababa ang R0 mula 1.3648 noong Agosto 12, ito po’y naging 0.8555 noong Setyembre 13; mamaya ay makakasama po natin si Dra. Alethea de Guzman para bigyan-detalye ito.

Bahagya din pong bumaba ang ating mga positivity rate at habang patuloy na bumababa ang R0 at ang ating positivity rate, tumataas naman po ang nababakunahan. Ibig sabihin, mas maraming trabaho ang mabubuksan; mas marami ang magbabalik-buhay para sa hanapbuhay na lagi ninyo pong naririnig sa ating press briefing. Ang importante lang po ha: Ingat-buhay para sa hanapbuhay!

Sa ngayon, sa Alert Level 4, ang indoor dine-in ay nasa 10 percent ng venue or seating capacity pero ito po ay para lamang po sa mga fully vaccinated. Samantala, ang al fresco or outdoor dine-in ay pinapayagan sa maximum na 30% venue or seating capacity regardless of vaccination status, mamaya ay makakasama po natin si DTI Secretary Mon Lopez para pag-usapan ito at iba pa.

Sa usaping bakuna: Nasa halos apatnapu’t apat na milyon na po o 43,933,886 doses na ang total vaccines administered, ito po’y sang-ayon sa September 26, 2021 National COVID-19 Dashboard. Sa bilang na ito, mahigit dalawampung milyon na po ha or 20,307,122 ang fully vaccinated. Sa Metro Manila, mahigit labinlimang milyon or 15,396,718 ang total vaccines administered, sa bilang na ito – aba’y napakataas na po ‘no – nasa 71.86% na po or 7,025,358 ang fully vaccinated as of September 26, 2021. Malapit na po marating ang population protection na 80%, at kapag nangyari po, hindi lang po magiging masaya ang ating Pasko, magbabalik-buhay din po tayo. Dahil sa bakuna, mas maraming hanapbuhay, mas maraming trabaho.

Dumating kahapon po, September 26, ang three million doses ng Sinovac vaccine. Itong bagong shipment na ito ay idi-deploy sa Region IV-A, Region III, Region VI, Region VII, Region XI, Region II, Region I at Region IX. Habang ang mga doses na idi-deploy sa Metro Manila ay gagamitin para sa second dose.

Pumunta naman po tayo sa update sa COVID-19. Ito ang ranking ng Pilipinas sang-ayon po sa Johns Hopkins World Meter COVID-19 Data as of September 27, 2021: Number 18 po ang Pilipinas pagdating sa total cases; Number 13 po tayo pagdating sa active cases; Number 136 sa cases per 100,000; at Number 105 po tayo sa case fatality rate na sa ngayon po ay nasa 1.5% — mababa po ito doon sa acceptable level na 2.1.

Nasa 20,755 po ang mga bagong kaso ayon sa September 26, 2021 datos ng DOH. Nasa higit dalawang milyon or 2,292,006 ang mga gumaling, nasa 92% ang ating recovery rate. Samantalang 37,405 po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami. Nasa 1.5% nga po ang ating fatality rate.

Ito po ang kalagayan ng ating mga ospital: Sa buong Pilipinas, 75% po ang utilized ICU beds; sa Metro Manila – 75%. Sa buong Pilipinas, 65% po ang utilized isolation beds; sa Metro Manila, nasa 55% po. Sa buong Pilipinas, 68% ang utilized ward beds; sa Metro Manila, nasa 64% po. At sa buong Pilipinas, 54% po ang nagagamit na mechanical ventilators; sa Metro Manila, 57% po ang nagagamit.

Sa ibang mga bagay, binabati natin si Carlos Yulo sa karangalang kaniyang ibinigay sa bansa nang siya ay nagwagi ng dalawang medalya ‘no – gold in the floor exercise and bronze in vault sa 2021 All Japan Senior and Masters Gymnastics Championship sa Japan. Salamat at congratulations, Carlos, mabuhay ang galing ng atletang Pilipino!

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon.

Makakasama po natin ngayon si DTI Secretary Ramon Lopez at si Dr. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau, unahin ko po muna si DTI Sec. Ramon Lopez.

Sir, ang dami na talagang mga kababayan natin na nais magtrabaho na ‘no. At bagama’t mayroon tayong mga kakaunting nabuksan sa dine-in na ten percent at 30% sa al fresco, napakadami pang atat na atat po lalung-lalo na sa restaurant industry ang nais na magtrabaho. Sinasabi ko nga po, hindi po tamad ang Pilipino; nais nilang magbanat ng buto. Ano ba ho ang prospects para doon sa ating mga kababayan na makapagbalik-buhay dahil napakataas naman po ng bakunado na dito sa Metro Manila. Secretary Lopez?

DTI SEC. LOPEZ: Thank you. Salamat po, Spox, Sec. Harry, at saka sa atin pong mga kasama ngayon tanghali, sa ating mga kaibigan sa media.

Tama po, marami talagang gusto na ang ating mga kababayan na makapagtrabaho, makabalik-trabaho. Kaya nga nagpapasalamat din tayo as IATF for allowing talaga even at Alert Level 4 mabuksan itong mga tinatawag na medyo sensitive activities or activities of concern tulad ng mga indoor dine-in, outdoor dine-in pati na personal care services. At tulad ng nabalita ninyo ay in-allow na po ng IATF iyong ten percent indoor. At para maging safe ito doon sa mga customer, ni-limit muna natin doon sa vaccinated, pati sa workers, pati sa customers.

Pero pagdating po sa outdoor ay vaccinated workers ang requirement; pero sa customers, open na po, wala na pong distinction ng vaccinated at hindi vaccinated. That is an effort na para talagang mas open naman ito sa lahat at hindi naman masabing may favoritism or may discrimination tayo. But the idea po kapag sa indoor, talaga hong mas safe talaga sa mga vaccinated.

Of course, iyong impact po nito sa ating economic activities, at least ho masasabi na imbes na sarado sila ay na-allow sila na mag-operate kahit napakaliit. Marami ang nagsasabi – mixed ang reaksiyon – sa ten percent indoor at 30% outdoor, sabi nila, marami dito lugi pa rin at hindi pa rin mababawi ang kanilang mga investment. Pero ang sabi naman nang mas marami dito sa mga industriya na ito, mabuti na ito kaysa sa sarado at kahit papaano ay may papasok na benta, may pansuweldo sila at mapapabalik nila ang mga workers nila sa kanilang operation, sa kanilang mga branches. So malaking tulong na rin po ito sa Alert Level 4.

Of course, tayo po ay umaasa na pagbaba natin sa Alert Level 3 ay, of course, mas malaki ang percentage opening dito po both for indoor and outdoor. At pagdating ho sa Alert Levels 3, 2, 1, wala ng distinction ng vaccinated at unvaccinated – puwede po lahat iyan – at mag-a-adjust po ang operating capacity natin.

Sa Alert Level 3 nga po, iyong indoor maging 30%, walang distinction sa vaccinated at unvaccinated, pati po ang outdoor ng Alert Level 3 ay 100%; so talagang mas makakabalik po ang karamihan po ng mga trabahante; ang atin pong mga kababayang workers, magkakatrabaho pong muli. Gusto po ng ating mga kababayang makabalik sa trabaho.

SEC. ROQUE: Salamat, Secretary Lopez. Kasama rin po natin ngayon si Dra. Alethea de Guzman. Ma’am, ang alert level ngayon ay didesisyunan na lamang ng DOH at hindi na ng IATF. Ano ba ho ang assessment ng DOH, talaga ba hong bumababa ang mga kaso sa Metro Manila? At ano ang possibilities na mabuksan nga hanggang 30% ang ating mga dine-in sa ilalim ng Alert Level 3? Dra. Alethea de Guzman.

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Okay po, Spox. Magandang tanghali din po, Sec. Mon. So ito po ay isang maiksing pag-uulat lamang. Kumusta na po ba iyong ating COVID-19 situation? Dideretso na po sa ating epidemic curve where iyong peak ‘no, iyong pinakamataas na dami ng kaso natin ay naitala pa rin noong ikalawang linggo ng Setyembre. Pero kung mapapansin ninyo, iyong number of reported cases, the average cases we’re reporting per day has gone down from 19,949 the previous week, to 17,783 in the previous weeks. So that’s a decline of around 2,200 average cases per day. Ito pong pagbaba na ito ay pinaka-mark sa National Capital Region at makikita nga po natin dito sa black line which represents the seven-day moving average na nitong nakaraang linggo mayroon pong biglaan at mabilis na pagbaba ng kaso na nari-report natin mula sa NCR. We’re now just reporting 4,347 cases per day, lower by 16% versus the 5,145 the week prior.

To further quantify po itong mga numero natin, nandito po iyong table natin showing that at the national level we’re now at moderate risk case classification because our two-week growth rate has become a negative two-week growth rate. We’re at -4% in the recent one to two weeks, much lower than the 27% we reported the week prior.

Pero tulad nga po ng ni-report ni Spox earlier, our bed utilization for COVID-19 remains to be at moderate risk at under 68% and we still have a high-risk ICU utilization at just under 76%.

There are still nine regions whose case classification remained to be at high risk and of those nine regions mayroon po tayong apat and these are CAR, Regions II, I, and CARAGA, where both bed and ICU utilization remained to be at high-risk.

Kumusta naman po ang NCR, CALABARZON at III? Sila po iyong nandito ‘no, just under these regions boxed in red where their two-week growth rates are now negative po ‘no. So, for NCR, its -13; CALABARZON at -18; and Region III at -13%.

Para po sa CALABARZON at Region III, ang kanilang bed at ICU utilization ay nananatili po na nasa high-risk at para po sa NCR ‘no, naka-moderate risk pa rin po ang kanilang bed utilization though it is lowered at 63% versus the 68% that we reported a few days prior. Pagdating naman po sa ating ICU utilization, tayo po ay nananatiling at high-risk at 76%, slightly lower from the 78% na na-report natin a few weeks prior.

Kung ito pong mga numerong ito ng NCR ang ating pagbabasehan, tayo po ay posibleng manatili pa sa Alert Level 4 subalit tulad po ng nabanggit ni Spox, ang mga metrics natin at ang ating mga numero ay tuluy-tuloy po nating pag-aaralan at napakahalaga na mayroon tayong tama at accurate na datos para makapagbigay din po tayo ng tama pong rekomendasyon.

Gusto ko rin pong pag-usapan nang sandali ito pong reproduction number dahil gusto ko nga po itong i-report. Una po, ang reproduction number, iyong una pong pagdi-describe sa kaniya ay ito iyong dami ng individuals na posible pa pong maging kaso kung siya po ay na-expose sa isang kaso. At nabanggit nga ni Spox, tayo po ay bumaba to less than one at 0.895 nito pong September 13 para po sa NCR.

Ang mahalaga po sa reproduction number ay hindi lamang ang pagbaba niya to less than one, pero dapat tuluy-tuloy o ma-sustain po iyong mababang numero na ito. Kasi kapag one pa rin iyan or more than one, ibig sabihin, tuluy-tuloy pa rin po iyong transmission natin.

Ikalawa po na puwede po nating makuhang datos sa reproduction number, tulad po ito actually ng ating growth rate sa kung paanong bumababa ang reproduction number, kung mapapansin ninyo iyan din po iyong line graph natin at epidemic curves. So, mini-mirror lamang niya iyong nabibigay nating datos that our growth rates have actually been slowing down ‘no. At iyan po ang nao-observe na natin nitong nakaraang linggo.

Siguro, kailangan pa pong idagdag dito na hindi po kasi nadi-describe ng reproduction number ay oo, bumaba ang pagdami ng kaso pero gaano pa bang kalaki ng populasyon natin ang apektado?

Doon po papasok iyon pong dini-describe natin na average daily attack rate na although we’re now seeing a slowdown in our growth rates and reproduction number, there is still a large number of our population being affected po ‘no. Nasa 30s pa po iyong ADAR natin sa National Capital Region right now, meaning there are still a large number of populations in NCR being affected po.

Marami rin pong tanong, kumusta po ba itong pagbaba? Ito po ba ay isang tunay na pagbaba? We are being very cautious in saying that this is a decline because we are really seeing a lower numbers. In the past week, we saw our laboratory output declined by around 10%. At para po sa National Capital Region, nakita natin na bumaba tayo by 37,000 in the recent week.

So, dati po tayo ay nakakapag-test ng 285,000, ngayon po, ito ay 248,000 na lamang po. So, kailangan po at tayo ay nakikipagtulungan ngayon sa MMDA, sa ating mga LGUs upang alamin anu-ano po ba iyong mga posibleng dahilan bakit po bumaba ang ating testing? Dahil po ba ito na despite the active case finding being done by our LGUs talaga po bang wala na pong dagdag or kaunti na lamang ang mga kasong nahahanap natin.

Ikalawa rin pong pinag-aaralan natin ay iyong pag-shift or paggamit po ng antigen test aside from the RT-PCR at ito po ay kailangan din po kasi mai-report nang regular sa epidemiology bureau upang maisama po natin siya doon po sa topline or total number of reported cases natin per day. Ito po iyong ibibigay naming updates once we have finished our assessment.

And just to end, I’d like to leave with these three key messages:

Tunay naman pong nakakita na tayo ng pag-slowdown hindi lamang nitong nakaraang linggo pero over the past month we’ve seen our growth rate already slowing down and this is very marked in the negative two-week growth rate as well as the decline in the time-varying reproduction number we saw over the past week.

Kaya nga lang po nagiging maingat tayo dahil sa ating pag-aanalisa, hindi tayo tumitingin sa iisa o dalawa lamang na metrics. Tayo po ay nagta-triangulate at mayroon tayong iba’t-ibang metrics na tinitingnan para po buo iyong picture na maibibigay namin sa inyo in terms of COVID-19 situation.

Para sa DOH, liban sa case at fatality data, kasama dito ang health care capacity; ang ating PDITR indicators; at ang nabanggit nga po kanina, ang ating vaccination data. At iyong pang-apat, tayo ay very cautiously interpreting the decline that we saw because we need to assess the large decline in the laboratory output we saw in the past week.

So, salamat po and iyon lamang po, Spox. Magandang umaga.

SEC. ROQUE: Salamat, Dr. Alethea De Guzman. Pumunta na po tayo sa ating open forum. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Good afternoon, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita. Ang una pong tanong mula po kay Leila Salaverria ng Inquirer: What does Malacañang or the President think of a Pharmally executives’ admission that the company swindled the government by selling damaged or spoiled face shields and changing their expiry date? Given this, does it still think there is nothing to investigate about the Pharmally deals?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, ang isyu na binato nila sa Pharmally ay overpriced.  Mayroon na ba hong nahanap na overpriced sa face shield, sa PPE? Wala. Kasi nakita nga natin mas mababa pa nga iyong presyo na binili natin para sa PPE, 1,716, kaysa doon sa binili ng nakalipas na administrasyon. Pagdating naman sa face mask, mayroon bang overpriced? Wala rin. Kasi ito po ay sakop noong suggested retail price na inilabas mismo ng Department of Trade and Industry noong mga panahon na iyon.

Mayroon bang paglabag sa batas dahil hindi nasunod ang 9184? Wala. Kasi Kongreso ang nag-authorize sa Presidente na bumili ng mga kinakailangan natin sa panahon ng pandemya sa lalong mabilis na panahon, in the most expeditious manner.

So sang-ayon po sa batas iyong ginawa ng PS-DBM at bagama’t hindi po required ay kumuha pa nga sila ng mga price quotes, hindi lang sila naniwala sa isang supplier; so, iyan po ang isyu.

Ngayon lumalabas po itong mga bagong isyu na ito, ano. Ang tanong po: Tatayo ba ho iyong ganiyang testimonya? Tingnan po natin, kinakailangan po kasi iyan, ma-substantiate. Alam po ninyo kasi, noong ako ay nagti-training pa ng mga abogado, sinasabi ko hangga’t maaari, dapat physical evidence ang ating ibigay sa hukuman, kasi kung testimonya lang talk is cheap. Puwedeng mabili. Pupuwedeng matakot, so hanapan pa po ng substantiated evidence. Hindi lang po iyong testimonya ng isang tao.

Pangalawa po, ang sabi naman po ng DOH, kahit kailan pa iyan na na-manufacture, bago po nila tinanggap in-inspection po nila iyan at sinigurado nila na lahat ng tinanggap nilang mga kasama doon sa binili nating PPE at kasama iyong face shield dito sa binili nating PPE ay pursuant to the standard of the WHO.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Ang susunod pong tanong niya, ano daw pong directive, if any, has the President given regarding Pharmally’s actions?

SEC. ROQUE: Sa ngayon po, titingnan natin kung talagang may katotohanan iyang alteration ng manufacturing date at kung mayroon, kung mayroong batas na nalabag. Pero uulitin ko po ha, kung nagkaroon ng danyos ang gobyerno, ang sabi po ng DOH at DOH po ang tumanggap ng delivery in-inspection po nila iyong mga face shields na iyan bago nila tinanggap.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question niya: How does the Palace respond to statements that this could have happened without the help of someone in power?

SEC. ROQUE: Absolutely, bereft of merit. Salitang pang-eleksiyon, desperadong manalo.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol lang po kay Secretary Lopez from PTV: Ano daw po ang status ng gyms, Secretary Lopez?

DTI SEC. LOPEZ: Well, ang gyms po sa ngayon, pino-propose po natin sa IATF at pinag-aaralan ngayon ng Technical Working Group. Ang dahilan naman po dito, nag-appeal itong sector na ito dahil baka raw sila ay hindi nakonsidera as an essential activity at noong ni-review naman po namin at least from our end sa DTI at iyong ibang agencies, nakikita natin iyong rationale, iyong iba pang dahilan at justification na ang gym nga naman ay pampalakas ng immunity dahil sa exercise with boost immunity ng ating mga kababayan against COVID.

tulad ng pag-encourage natin sa outdoor exercise. Naniniwala po kami dahil sa mga testimonya rin noong ibang tuluy-tuloy na nag-i-exercise na talagang tumataas ang kanilang immunity level based on mga indicators sa mga test nila.

Again, isa pong paalala ito na—sa Level 3 allowed po iyan. Ang pinag-uusapan na lang natin dito ay sa Level 4 ay kung maisama siya sa isa sa—parang dine-in at personal care services na limitahan ang operation nito sa Level 4 para lang may continuity ang ating mga kababayan sa mga activities na masasabing hindi naman mapanganib na mapapanatili ang safety. For example, kung i-limit ang indoor capacity nito sa gyms, sa Level 4, i-allow lang iyong maybe 20% katulad noong prinopose natin last week, i-allow lang ang full vaccinated para lamang dito sa Level 4 na indoor activity ng gym. At alam naman po natin kapag sa gym, puwedeng no removal of mask at all times, non-contact, may physical distancing na mga 4 meters apart at any given point in time at i-limit lang iyong number of members. Kung dati ay 1oo ang allowed, let say sa isang lugar na 400 square meters na gym, i-limit doon sa 20% noon. So, kung 20 people lang imbes na 100, at saka i-strengthen iyong ventilation. May isang air purifier sa bawat 50 square meter, buksan ang window, buksan ang pintuan para may hangin. Things like these can also be done para lang mapanatiling safe iyong lugar na iyon. So kaya naniniwala kami na may solusyon naman pagdating sa indoor.

Of course, sinasabi rin natin dito sa sektor na ito, as much as possible, mag-develop kayo ng outdoor activity na pang-exercise na gym. But again, bottom line po dito, this is essential and it will boost immunity at iyong virus is here to stay, so we should manage how to function in a very safe manner can save small businesses and jobs at isa pa matagal na po silang sarado.

This is, I think, even safer than iyong dine in and personal care services kasi nga walang tanggalan ng mask, mas malalayo – four meters apart – at saka individual activity po ito. So the idea lang po is to allow this at Alert Level 4 para may continuity ang safer business operations. Ang ia-adjust lang natin operating capacity depende sa alert level para hindi po sila open-close, open-close sa iba’t ibang alert level. Thank you po.

SEC. ROQUE: Secretary Lopez, personal ko kayong suportado dito. Ako po ay diyabetiko; ako po ay may heart condition, ever since sarado po ang gym, hindi na po naging normal ang aking blood sugar. It is now always in excess of 200. Dahil noong mga panahon pong bukas ang gym, five times a week po ako, doon ko lang po napapanatiling normal ang aking blood sugar.

So, nakikiusap po tayo sa mga opisyales, mga kasama natin sa IATF, essential po talaga ang gym lalung-lalo na doon sa mga mayroon ng karamdaman gaya ng diabetes. Alam ko sasabihin nila puwede ka namang mag-exercise ‘no. Ang problema po, hindi naman po pupuwedeng tumakbo kasi masyadong malaki, masama po sa ankles. So talagang hindi naman mag-swimming din, bawal din po ang swimming. So talagang mukhang marami po sa amin na mayroon ng karamdaman, talagang absolutely indispensible po ang gym.

DTI SEC. LOPEZ:  Spox, madagdag ko lang, si Chairman Abalos ay kasama ko sa nag-inspect dito. Sinasabi niya na typically iyong immunity level ng mga ibang kasama natin ay below 200. Pero siya po na nag-i-exercise sa kanyang sariling gym ay 1,000 ang kanyang immunity level. So napakataas noong kanyang immunity level dahil nga daw po sa exercise. So iyon lang po, I think we really should consider this activity na essential at safe pa din.

SEC. ROQUE: Binigyan ninyo ako ng idea, makiki-gym ako sa personal gym ni Chairman Abalos. Yes, next question please.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, ang susunod pong magtatanong ay si Mela Lesmoras via Zoom ng PTV.

SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV 4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque, Secretary Lopez at kay Dra.  De Guzman. Secretary Roque, unahin ko lang po, just follow up question doon nga sa usapang gym. Kailan po kaya makakapagdesisyon ang IATF dito nga sa kung isasama na rin sa bubuksan ang gym sa Alert Level 4? At kailan din po ilalabas iyong guidelines para naman sa face shield?

SEC. ROQUE: Well, ang tingin ko po doon sa huling pagpupulong ng IATF, hinayaan munang matapos ang pilot hanggang a-30 ng Setyembre, at matapos ang a-30 ay pag-aaralan muli. Pagdating naman po sa face shields, alam ko po DILG ang maglalabas. Pero ang advice ko sa taumbayan, literal lang naman po iyong sinabi ni Presidente, iyong closed huwag nating isipin iyon, kasi basta closed mayroon talagang face shield. So iyong dalawang C na lang ang ating dapat pagtuunan ng pansin, crowded ba siya at mayroon bang close contact. So anyway, baka may idadagdag si Secretary Lopez?

DTI SEC. LOPEZ: Opo. Actually po, itong pinag-uusapan sa gym will not change ngayon hanggang October 1—hanggang September 30 dahil pilot test, ayaw nating baguhin iyong mga patakaran. If ever po, ito iyong gagawin po natin after September 30, which means October 1 onwards kung ito ay matapos ang pag-aaral ng Technical Working Group at noong industriya na nagpi-present sa Technical Working Group.

MELA LESMORAS/PTV 4: Opo. And for my second question for Malacañang, DOH and DTI po. Kasi iyon nga malapit ng mag-October, for DOH kailan kaya malalaman iyong bagong magiging alert level sa NCR? At sa side po ng Malacañang at DTI, ano po kaya iyong isinusulong ninyo na bagong maging alert level sa NCR?

SEC. ROQUE: Well, lilinawin ko lang bago sumagot ang DOH ‘no. Ang patakaran ngayon, ang alert level, DOH na ang magdi-determine; hindi na po iyan IATF. Bagama’t nagkaroon nga ng rekomendasyon ang Metro Manila Council na personal kong sinusuportahan, pero iyan po ay magiging desisyon pa rin ng DOH. Perhaps, si Dra. De Guzman?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Thank you po, Spox. Tulad ng nabanggit ko nga po, kung gagamitin natin iyong metrics na we used in assessing NCR initially, for this week, we remain to be under Alert Level 4. But as mentioned po by our two secretaries, we are looking into reviewing these metrics and indicators not just with the technical working group but with our sub-technical working group on data analytics, and this will be presented po to the IATF, and it’s next week.

MELA LESMORAS/PTV4: Pero may tentative po kayo, Dra. De Guzman kung kailan aasahan ng taumbayan iyong magiging bagong alert level system sa NCR?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Sa ngayon, ang atin namang alert level ay hanggang September 30. So on October 1, there will be an announcement kung tayo ba ay maiiwan sa Alert Level 4 or tayo ba ay makakapag-deescalate na po to alert level 3.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, panghuli na lamang po, Secretary Roque, may Talk to the People po ba sa Pangulong Duterte mamaya? At anu-ano po kaya iyong agenda, kung sakali?

SEC. ROQUE: Mayroon pong Talk to the People. At sigurado po na bukod sa COVID ay magsasalita muli si Presidente tungkol sa mga isyu na lumalabas sa Senado. Importante kasi iyan eh, na ang Presidente mismo ang sumagot doon sa mga paratang ng mga senador. Hindi po masama ito because we are co-equal branches of government; nagkakaroon lang nang diskurso at debate sa panig ng dalawang independiyenteng sangay ng ating gobyerno.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque, at sa ating mga panauhin.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Tanong mula kay Yellow ng CCTV: Foreign Affairs Secretary Locsin stated daw po on 21st September that the Philippines welcomes AUKUS (Australia-United Kingdom-United States), and the mechanism is beneficial to the region. A view that contrasts sharply with the stance of other ASEAN countries such as Indonesia and Malaysia which fear that AUKUS could lead to a major arms race in the region. Do you think Secretary Locsin’s statement is a deviation from the peaceful and independent foreign policy of President Duterte and detrimental to the ASEAN centrality in the region?

SEC. ROQUE: Well, Yellow, because I’m still on quarantine, facility quarantine, I have not had the occasion to discuss this with the President. My rule of thumb is: Any very important issue of foreign policy, I clear first with the President. So I promise you within the day, I will talk to the President about this new initiative. But preliminarily, I can say that the President is the chief executor of our laws and the Constitution of the Philippines provides for a nuclear-free Philippines. And we are also party to the ASEAN-Bangkok Accord providing for a nuclear-free Southeast Asia.

So I would say that the immediate concern of the Philippines is to ensure that its [Constitution] and its treaty providing for nuclear-free Southeast Asia will not be violated because of this accord. But I will verify with the President his thoughts on this matter tonight.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod na tanong, si Cresilyn Catarong ng SMNI News: Patuloy daw po ang paghikayat ni dating Senator Trillanes kay Vice President Robredo na tumakbong presidente. Pero kapag hindi raw po tutuloy sa pagsabak sa 2022 presidential race, may mensahe po si Trillanes, and I quote, “Para sa mga maka-oposisyon, tuloy ang pagtulak natin kay VP Leni to run for president. Kung tumuloy siya, ipanalo natin siya. Pero kung hindi pa rin siya makakapagdesisyon by 12 noon of October 8, tuloy na po ako ng pagka-presidente. Hindi nating hahayaang matalo ang tunay na oposisyon na hindi man lang lumaban.” Ano daw po ang mensahe ng Malacañang sa dating Senador?

SEC. ROQUE: Wala po. Bakit naman ako magmimensahe sa kaniya, eh ‘di bahala siya sa buhay niya. Gawin niya ang gusto niya. Karapatan naman niya iyong tumakbo. Good luck!

USEC. IGNACIO: Mula po kay Prince Golez ng Abante: Is President aware of Davao artist Bree Johnson’s death? Her mother said, she fears about the country’s justice system because the Ongpins are a powerful family.

SEC. ROQUE: Yes, and he has instructed the criminal justice system of the country to accord the victims justice. Pero kinakailangan po, hayaan natin na magpatuloy ang imbestigasyon para malaman natin kung ano talaga ang nangyari.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Susunod na magtatanong via Zoom, si Pia Rañada ng Rappler.

SEC. ROQUE: Go ahead, Pia.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Sec., first on the Pharmally controversy. So, sir, like you mentioned ‘di ba, iyong Pharmally executive statement, you said earlier that it requires more substantiation. So doesn’t this in itself precisely merit an investigation by the executive department? Will you investigate this on your own?

SEC. ROQUE: We will look into the matter ‘no. But what is important is iyong sinabi nga po ni Usec. Vergeire ‘no, na kahit kailan pa na-manufacture iyan, ininspekta iyan ng DOH and it was accepted because it was pursuant to standards set by the WHO.

PIA RAÑADA/RAPPLER: When you say ‘look into the matter’, does this mean the Department of Justice will make its own investigation?

SEC. ROQUE: We’ll leave that to the Department of Justice to decide.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So what do you mean when you said, we will look into the matter?

SEC. ROQUE: I’m sure that the DOH will look into the allegation and to see if it is in fact verified ‘no. Because right now, it came from one source and we do not know under what circumstance the source may have said this ‘no. So let’s find out. Sabi ko nga po ‘no, even as a lawyer, as a legal educator, physical evidence matters.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And, sir, earlier you said na in-inspect naman ito ng DOH. But iyon nga iyong allegation ng Pharmally executive, pinalitan iyong sticker. So even if in-inspect, the sticker itself was a deceptive move. And would there have been a way for them to ensure that even if the sticker says made in 2021, it was actually made in 2020?

SEC. ROQUE: Pia, so far, may isang testimonya na ganiyan. Hindi pa siya eyewitness ‘no. So hindi ko nga alam kung ano iyong bisa, iyong bigat ng sinabi dahil hindi naman siya iyong nagpalit ng petsa. So hindi ko nga alam kung paano niya nalaman iyan. Ang sinabi lang naman ng DOH, kahit kailan pa na-manufacture iyan, in-inspect nila iyan at it’s pursuant to the standard na inaasahan nila ‘no.

So kumbaga, if you are saying kung nadanyos ang gobyerno, ang sabi ng DOH, hindi. But as to whether or not there was tampering, let’s look at the evidence. Kaya nga may kapangyarihan ang Senado rin na mag-imbestiga. Tingnan natin kung ano pa ang lalabas na ebidensiya beyond the allegation of one person kasi I can assure you, whether be it in the court of law or court of public opinion, iyong isang tao na hindi naman personally ginawa iyon ay mahirap naman po na iyon lang ang paniniwalaan natin bilang katotohanan.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Well, actually, there were two witnesses ‘no—well, two people who were making that allegation – the worker na parang naka-disguise siya and then si Ms. Mago nga. But when you said that the DOH will investigate, are you saying that they’ve already opened formally an investigation? What will be the scope of this investigation? How long will this investigation take, who will be leading it?

SEC. ROQUE: Please ask the DOH.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Dr. Alethea, mayroon po ba kayong input doon sa tanong?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: I’m sorry, Pia, I have no further inputs as of now. But pretty sure, I will assure you, I will refer this to our spokesperson and to the principals po natin.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And then, last question for Secretary Roque. Sir, before, you said that there was no issue naman to discuss with Pharmally kasi na-deliver naman lahat ng supplies. But, as an internal audit by DBM showed, actually maraming delays ang Pharmally. They weren’t able to provide a lot of the supplies on time, and in fact, damages were already charged against it. So doesn’t this also merit any action from the executive branch aside from a probe that you’re saying will happen? Like, will you at least, like pause the orders from Pharmally given this?

SEC. ROQUE: I do not know kung tama iyong sinabi mo ‘no. I do not have any personal knowledge na may ganiyang sinabi ang DBM na nali-late ang iyong Pharmally ‘no. In fact, ang buong kontrata nga, hindi sila mababayaran unless it is delivered, accepted by PS-DBM. So hindi ko po alam kung ano iyong katotohanan ng sinabi mong na nagkaroon ng delays kasi nga time is also of the essence. Kaya nga po madalian silang bumili ng mga supplies na ito dahil importanteng ma-deliver din kaagad, at hindi ko po sigurado kung talagang mayroon ngang delay.

Mayroon naman kasing tinatawag na major delay, mayroon namang de minimis delay ‘no, so hindi ko po alam kung anong tinutukoy ninyo.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And then my last question is for Dr. Alethea. Ma’am, iyong health utilization rate ng Metro Manila now, you’re saying it’s at critical level ‘di ba 76%? So, at what utilization rate will trigger Alert Level 3 for NCR?

DR. DE GUZMAN: Sa ngayon, hindi siya critical ‘no. So, kung natatandaan natin iyong dating metrics, kailangan umabot tayo sa 85% para maging critical level ang utilization. High-risk lamang tayo doon sa ating metrics. Ideally ‘no mapababa pa sana natin to moderate risk pero tulad nga ng nabanggit ko kanina, tayo ay under a pilot implementation.

So, itong metrics na nababanggit ko din ay tuloy-tuloy nating pag-aaralan kung ito rin ba iyong gagamitin natin na tuloy-tuloy hindi lamang para sa NCR but for the rest of the country or tayo ba ay magdadagdag or magri-revise ng metrics at ito ay base doon sa maoobserbahan natin na implementation nitong pilot sa NCR.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, typically in the usual parameters, moderate risk would mean how much percentage of health care utilization rate?

DR.  DE GUZMAN: Sa ngayon, ang moderate risk is under 70%.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Thank you.

DR. DE GUZMAN: You’re welcome.

SEC. ROQUE: Thank you, Pia. Balik tayo kay USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. From Joseph Morong ng GMA News: Do you think the Senate investigation will lead to President Duterte? If not, why?

SEC. ROQUE: Absolutely not. Wala naman po silang ebidensiyang nakukuha na may overprice. Sinabi na ng COA, walang overprice, so anong maili-link kay Presidente? Ingay lang po.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Do you think the facts so far uncovered in the Senate warrant filing of criminal charges?

SEC. ROQUE: Well, as far as overpricing is concerned, wala po tayong nakikita diyan. Mayroon silang sinasabi na tampering of manufacturing date, tingnan po natin kung mayroong katotohanan iyan. At kung mapapatunayan naman iyan, the President will not tolerate that kung talagang nangyari po iyan.

USEC. IGNACIO: Question from Ace Romero ng Philippine Star: Secretary, New York is considering hiring medical workers from the Philippines and other countries to replace unvaccinated staff at hospitals and nursing homes who will not follow the States’ requirement for health workers to get vaccinated. What is your take on this? Will the government allow the deployment of more health workers given that some may consider the risk option due to concerns about the delay of the release of their benefits?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, dahil ito’y magdudulot ng mas maraming trabaho para sa ating mga kababayan under better conditions dahil hindi naman natin maikakaila na mas mataas talaga ang sahod ng mga nurses sa Estados Unidos, we are happy for those na makakakuha po ng trabaho sa Amerika pero at the same time babalansehin po natin iyan dahil titingnan natin kung nagkukulang naman tayo ng nurses dito sa Pilipinas.

Dahil mayroon pa rin tayong kapangyarihan po, ang Ehekutibo, na pigilan ang paglabas ng ating mga nurses gaya ng ginawa natin noong nakaraan na nagkaroon po tayo ng cap, pero kung maaalala ninyo, ni-lift din po natin iyong cap at hinayaan natin na mas maraming nurses na makapunta sa Germany kung hindi po ako nagkakamali.

So, ganoon po iyong sitwasyon, natutuwa po kami sa mga pagkakataon na ibinibigay sa ating mga kababayan pero at the same time titingnan naman po natin na baka naman tayo ay magkulang. Pero sa tingin ko, hindi naman po because napakadami pong mga bagong pasang mga nurses ngayon, so, baka mayroon po talagang mga pagkakataon.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Ace Romero: What is the likelihood of Metro Manila being downgraded to Level 3 and why? Similar question po ni Jacob Lazaro ng Cignal TV.

SEC. ROQUE: Already answered po ‘no ni Dra. De Guzman. Sa ngayon po, wala pang datos na nagpapakita na pupuwedeng bumaba pero pupuwede naman po itong magbago.

USEC. IGNACIO: From Red Mendoza ng Manila Times: Significant po ba ang decrease sa bilang ng mga tini-test natin kaya hindi pa natin masabi ang pagbaba ng kaso? Bakit iba ang metrics ng DOH sa ginagamit ng OCTA na nagsasabi na patuloy na ang pagbaba ng kaso?

SEC. ROQUE: Si Dra. De Guzman I think is in a better position to answer that. Doc?

DR. DE GUZMAN: Thank you, Spox ‘no.

So, tulad ng nabanggit ko para po sa National Capital Region, ang pagbaba ay umabot sa almost 37,000 in the last week. And we want to be able to assess why the numbers and the lab outputs went down.

Iyong ikalawang tanong, ako po personally, we shouldn’t have to dictate what metrics institutions should use. If another research body or another institution is using different metric from what the Department of Health is using, then I don’t think there’s a problem with that ‘no. But for the Department of Health, we’d like to be able to relay how we are analyzing and interpreting our data and what metrics and indicators that we are using.

USEC. IGNACIO: Susunod pong tanong niya: May mga testing backlogs pa rin po ba tayo? Gaano karami ang backlogs na ito at makakaapekto rin po ba ito sa bilang ng mga kaso sa mga susunod na araw?

DR. DE GUZMAN: Spox, if I may ‘no. We’ve also looked inyo that and we have seen a very small amount po ng testing backlogs natin, parang isa, sampu lamang po. So, that did not definitely account for the decline in our laboratory outputs.

USEC. IGNACIO: Opo. For Doc Alethea pa rin po form Jacob Lazaro ng Cignal TV: Can we get the DOH comment on MMDA’s hope to downgrade the Alert Level of NCR to Level 3 by September 30 due to their 0.94% reproduction rate and -21 one week growth rate according to OCTA?

DR. DE GUZMAN: Tulad nga po ng nabanggit natin, sa ngayon, sa metrics na ginagamit natin, tayo ay nananatili sa Alert Level 4 ‘no.

Ikalawa, iyon pong mga nabanggit na metrics ay medyo kaiba doon sa ginamit nating metrics at hindi po siya dapat gawing basehan ng publiko or ng media para masabing ibaba na tayo sa Alert Level 3.

At iyong pinakahuli, tulad nga ng nasabi ng ating Spokesperson, ito naman po ay pinag-aaralan pa natin at bago po matapos ang September 30 or bago po mag-October 1, tayo po ay magbibigay ng announcement ano po ba ang Alert Level para sa NCR.

USEC. IGNACIO: Opo. From Lei Alviz ng GMA News para po kay Doc Alethea: Tatlong araw nang walang reported deaths. Ano po kaya ang naging issue sa COVID-KAYA at kailan po ito maaayos?

DR.  DE GUZMAN: Oo nga po. Tayo po ay may mga technical issues po sa COVID-KAYA ‘no. Ang isang naging epekto po nito ay hindi po nagkaroon ng oportunidad ‘no na ma-access ang COVID-KAYA at ma-encode iyong mga datos natin sa deaths.

Ang COVID-KAYA po ay iyong portion na iyon ay naayos natin late afternoon kahapon na kaya tayo ay nakapag-encode na ng datos ng mga fatalities natin kaya—subalit iyon po ay makikita pa natin sa susunod na araw.

So, with DITC, the Department of Health is working with them closely para nga po iyong mga nakikita nating technical issues ay unti-unti po nating ma-solve at we minimize these kinds of delays in the reporting that we are seeing in the past few days.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question po niya: May rekomendasyon na po ba ang all experts group sa vaccination ng 12-17 years old at booster shots?

DR. DE GUZMAN: Sa ngayon po, wala pa tayong final recommendation. The NITAG along with the all-experts group is still continuously discussing po ano po iyong ebidensiya na mayroon tayo, anong datos mayroon din po tayo locally para po tayo po ay mayroon ng konkretong rekomendasyon after.

USEC. IGNACIO: From Ivan Mayrina ng GMA News for Secretary Lopez: Secretary Lopez, if we deescalate to Alert Level 3, how many more are expected to go back to work and as far as industries that will be allowed to reopen or will be allowed to operate at greater capacity, can we quantify that in peso terms?

DTI SEC. LOPEZ: Okay. Well, iko-compare na lang natin doon sa noong tayo ay ECQ/MECQ which is quite similar dito po sa ating Alert Level 4 na ang impact po, naaalala ko doon sa mga report noong nakaraan na I think it’s something like about P30 billion per week impact pagdating po sa wages lalo na sa NCR kapag tayo po at nasa ganitong Alert Level.

And ang ikinaiba lang po nito ay may kaunti nga tayong pagbubukas ngayon dito sa dine-in at personal care, so, it will be in that vicinity at ibig sabihin iyan ang potential na magbalik sa economy kung tayo ay bumaba sa Alert Level 3.

Tapos pagdating naman dito sa percentage noong businesses that are closed, we should note na tayo ay umabot—bumaba ang percentage of companies na sarado mula sa 40% last year na sarado, naging around 4% na lamang iyan bago tayo nags-impose uli ng mga ECQ/MECQ.

Dahil nag ECQ/MECQ recently itong August at September, ito po ay umakyat uli. Ngayon, ang ating closed dito po sa NCR, mula sa 16%— nag-16% po iyan mula sa dating 4%. Nag-16%, tumaas, pero dahil tayo ay bumaba sa MECQ at naging Alert Level 4, may kaunting pagbukas, mga 11.7, 12% na lamang ang sarado coming from 16%. So masabi nating mayroong kaunting improvement.

Ngayon, outside Metro Manila, bumaba na iyan sa 4% ang sarado. Pero dahil in different parts of the country, sa iba’t ibang probinsiya may mga nag-ECQ rin, MECQ dahil may pagkalat din ng COVID doon at nagkaroon tayo ng high restriction, ito pong 4% tumaas sa 7% ang close. Ito po iyong batay sa latest survey that is ongoing and everyday mayroon kaming updates sa mga pumapasok na kasagutan dito sa survey. Ang target po ng survey na ito ay around 15,000 at ito po iyong mga preliminary result. So, we are now, NCR, we are now around 11.7% close coming from 16% at iyong the rest of the country – outside Metro Manila, ibig sabihin – ay 7% ang close coming from 4%.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Lopez. From Kyle Atienza ng Business World: IBON earlier today said, taxing the [country’s] ‘super rich’ is an effective way to raise funds for social and economic services while reducing inequality. Substantial revenues can be raised by taxing the country’s ‘super rich’ who can well afford to contribute much more to COVID-19 response and other needs. It said, the World Economic Forum, the International Monetary Fund and the democratic senators in the United States have been pushing for a wealth tax.

The President too had launched attacks on some corporate leaders, and once said that he had dismantled the oligarchy without declaring a martial law, had pushed for the passage of a law reducing corporate income tax. May chance po ba under the Duterte administration na magkaroon ng batas taxing the super rich? Was it considered by the President before?

SEC. ROQUE: Well, ang ating taxation system po ay iyong tinatawag na progressive. Habang mas mayaman ka, mas marami kang buwis na binabayaran. So actually, iyong suhestiyon na buwisan ang mga mayayaman, nangyayari na po iyan.

USEC. IGNACIO: When he was still po a candidate for the presidency, Mr. Duterte presented himself as an anti-elite promising to go against an order dominated but what he termed oligarchy.  Has the President really dismantled the people who [are] called oligarchs? May we get your comments on allegations that the President has installed his own set of oligarchs?  Also, your insight on the alleged rise of presidential cronyism under Mr. Duterte’s term with the President’s preference for Chinese businessmen and China’s state companies?

SEC. ROQUE: Sino po iyong nagtanong?

USEC. IGNACIO: Si Kyle Atienza po ng Business World.

SEC. ROQUE: Kyle, I am sorry. I don’t think that’s really a question, that’s more of a conclusion. I don’t think you really want an answer. You wanted your question read, pero, ako naman dahil binasa naman ang tanong, ang oligarchy po ay malinaw ang ginawa ni Presidente. Iyong mga hindi makatarungang water concession agreements, pinabago niya at lahat ng Pilipino po ngayon ay nagpapasalamat, dahil mas mura na po ang ating tubig.  Ang mga naghaharing-uri sa larangan ng media ay sa ngayon po, hindi nila nakumbinsi ang Kongreso na bigyan sila ng prangkisa at iyan naman po ay nakaapekto doon sa isang pamilya rin na matagal na pong naghaharing-uri. Pero iyan po ay ang naging desisyon ng Kongreso.

So iyan po ang mga katotohanan, Kyle. Anent doon sa sinasabi niyang cronyism, eh wala naman pong napatunayang overprice in the first place dito sa Pharmally. So, hindi ko po alam kung ano iyong cronyism na sinasabi ninyo. At ipakita po ninyo kung sino iyong mga cronies, dahil ngayon po sa Pharmally wala nga pong overprice. At kung ayaw ninyong maniwala sa mga testigo, paniwalaan natin ang COA Chairman mismo, Michael Aguinaldo.

USEC. IGNACIO:  Thank you, Secretary Roque, iyon po muna iyong mga tanong natin.

SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat sa ating mga naging panauhin. Secretary Ramon Lopez, maraming po ha, dahil pareho po tayo ng paninindigan na kinakailangan magkaroon po ng pagkain sa hapag-kainan ang ating mga kababayan at kinakailangan naman bigyan lang sila ng pagkakataong makapaghanapbuhay. Pareho po tayo ng adbokasiya.

Salamat din po kay DOH Dr. Alethea De Guzman. Thank you, Ma’am. Maraming salamat sa iyo, Usec. Rocky at maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang iyong Spox Harry nagsasabi: Pilipinas, lalung-lalo na sa Metro Manila, mukhang there will be a better Christmas. Patuloy pa po tayong magpabakuna.  Magandang araw po sa inyong lahat.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)