Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang hapon, Pilipinas. Nagbigay po ng talumpati ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte noong Martes, Setyembre 21, 2021 sa 76th session ng United Nation General Assembly.

Ito po ang ilang mga sinabi ng ating Pangulo: Sa isyu ng bakuna, binigyan-diin ng Pangulo ang pagkakaiba-iba sa vaccine access ng mayamang bansa at mahihirap na bansa. To quote the President, “Rich countries hoard life-saving vaccines while poor nations wait for trickles. They now talk on booster shots while developing countries consider have doses just to get by.”

Ito ang isa sa aking isinusulong sa aking nominasyon sa International Law Commission, ang pagkakaroon po ng tratado na kumikilala sa obligasyon ng lahat ng bansa na masigurado na magkakaroon po tayo vaccine equality.

Sa isyu ng Climate Change, sinabi ng Pangulo na tinatanggap ng Pilipinas ang kanyang responsibilidad at gumagawa ang bansa ng mga hakbang tungkol dito. To quote the President, “We have submitted our first nationally determined contribution with the target to reduce greenhouse emissions by 75% by 2030.” Kaugnay nga po nito, nag-issue ng moratorium ang administrasyon sa pagtatayo ng bagong coal power plants at nag-issue ng direktiba na i-explore ang nuclear energy option.

Sa isyu ng OFWs, naging pagkakataon na gawin ang UN General Assembly para manawagan ang Pangulo na protektahan ang mga karapatan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagdi-dismantle ng kafala system na dahilan ng exploitation at oppression ng ating mga migrant workers. To quote the President, “Nothing can justify the continued existence of this system.”

Samantala, sa kampaniya kontra illegal na droga, sinabi ni Presidente na ang batas ay nag-a-apply sa lahat. Kaugnay nito, ipinagbigay-alam ng Pangulo sa UN na inatasan niya ang Department of Justice at Philippine National Police na i-review ang conduct ng kampanya kontra illegal na droga. To quote the President, “Those found to have acted beyond bounds during operations shall be made accountable before our laws.”

Sa issue ng South ng China Sea, sinabi ng Presidente ng kaisa ng Pilipinas ang ASEAN at iba pang stakeholders para masiguro na ang South China Sea ay mananatili na sea of peace, security and prosperity. Binigyang halaga ng Pangulo ang 2016 arbitral awards. To quote the President, “No amount of willful disregard by any country, however big and powerful, can diminish the arbitral awards importance.”

Ipinagbigay-alam din ng Presidente ang ginawa ng Pilipinas sa pagtulong sa mga Afghans at mga Rohingyans. To quote the President, “The Philippines has limited resources during these extra ordinary times but what we can do for humanity and to uplift human being dignity, we will.”

At panghuli, nananawagan ang Pangulo ng pagbabago sa UN. To quote the President, “If the UN is to lead the world out of many crises we face, things made to change. The UN must empower itself by reforming itself. Therein lies the hope for humanity.”

Samantala, humarap naman po kagabi si Presidente sa kanyang ikalawang Talk to the People address ngayong linggo. Inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng mga eksperto na alisin ang paggamit ng face shield sa labas. Ang paggamit nito ay ni-require na lamang sa high-risk activities o lugar na tinatawag na 3Cs – closed, crowded and close contact.

Binanggit din ni Presidente ang pagtaas ng COVID-19 sa healthcare workers. Kaugnay nito, inatasan niya ang AFP at PNP medical corps na i-place on deck ang kanilang human resources.

Usaping bakuna naman po tayo ‘no. Naku, dumami na po talaga ang mga na-administer natin [signal cut] doses ang total vaccines administered ayon sa September 22, 2021 National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito nasa 19,376,832 ang mga fully vaccinated. So, nationally po, ang ating first dose ay 30.18%; ang mga na-second dose na ay 25.12%; at tumaas po ang ating daily jabs to 527,604.

Sa Metro Manila naman po: Ang ating first dose ay 8,323,130, ito po ay 85.14% ng coverage ratio; at ang ating second dose po ay umabot na ng 6,760,863, malapit na po sa 70%, nasa 69.16%. Tumaas po ang ating daily jabs ‘no para sa Metro Manila, nasa 110,326 na po tayo.

Dumating kagabi naman po September 22 ang 1,028,430 doses ng Pfizer. Samantala, darating ngayong araw September 23 ang 728,910 doses ng Pfizer din po. Inaasahan po na marami pang darating bago matapos ang buwan, nasa 27.2 million ang confirmed deliveries natin para sa buwan ng Setyembre.

So, mga kababayan ha, marami na po tayong supply ng bakuna. Tara na po, magpabakuna na tayo ng mabigyan ng proteksiyon hindi lang po ng ating mga sarili kung hindi ang ating mga mahal sa buhay din.

Pumunta naman po tayo sa COVID-19 updates. Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo sang-ayon sa John Hopkins world meter COVID-19 data: Number 18 po ang Pilipinas pagdating sa total cases; Number 14 po tayo pagdating sa active cases; Number 136 pagdating po sa cases per 100,000 population; at Number 103 po tayo sa cases fatality rate na nasa 1.54%.

Nasa 15,592 ang mga bagong kaso ayon sa September 22, 2021 datos ng DOH. Higit sa dalawang milyon or 2,217,611 ang mga gumaling. Nasa 91.7% ang ating recovery rate, samantalang nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 37,228 ang binawian ng buhay dahil po sa corona virus.

[Technical problem] … po ang utilized ICU beds: Sa Metro Manila, nasa 77% po iyan. Sa isolation beds sa buong Pilipinas, 67% ang nagagamit; sa Metro Manila 62%. Sa ward beds sa buong Pilipinas, 72% po ang nagagamit; sa Metro Manila, 71% po iyan. At sa mga ventilators, 57% ang nagagamit; sa Metro Manila, 63% po ang nagagamit.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon si Secretary Rolando Bautista ng Department of Social Welfare and Development.

Sec., noong Tuesday nung huli naming Press Briefing, mayroon daw kasing mga nagrereklamo na hindi pa nakakatanggap ng food aid ‘no, iyong ilang mga lugar under granular lockdown. Now, ang sagot ko po doon under the shared responsibility, ang alam ko po, ang first seven days ay local government; ang last seven days ay national government.

Sec., pakilinaw nga po itong isyu na ito at may nagtatanong din mayroon ba hong cash component ang ibibigay na ayuda sa mga lugar na nasa granular lockdown, Secretary Bautista?

SEC. BAUTISTA: Maraming salamat sa iyo, Sec. Harry, USec. Rocky, at sa mga kaibigan nating nasa media magandang hapon na ito. Batay sa ating guidelines at ito ay napagkasunduan ng TWG ng social amelioration program, ang DSWD ay magbabahagi ng assistance sa mga lokal na pamahalaan na may deklarasyon ng granular lockdown at ratified ito ng regional IATF.

So apparently, ang pilot testing is nandito sa NCR, at alam naman natin ito ay nag-start noong 16 September 2021. Iyong pangangailangan ng food packs para sa unang pitong araw ay manggagaling sa supply ng ating mga lokal na pamahalaan. Samantala, ang pangangailangan para sa natitirang pitong araw ng quarantine ay manggagaling naman sa supply ng DSWD na equivalent nito sa tatlong family food packs para sa isang pamilya.

So, ibig sabihin nito, Sec. Harry, kung nag-start ang granular lockdown nang 16 September, so ang unang linggo, iyong seven days, mag-i-end ito ng 23 September. Kaya based sa guidelines, ang unang linggo, ulitin ko lang, ay nasa responsibilidad ng ating lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng family food packs; at starting tomorrow, which 24 until 01 October, iyon na po ang magiging responsibilidad naman ng DSWD para mag-augment ng family food packs sa mga areas na dineclare na granular lockdown.

So, base sa ulat na ibinahagi ng DSWD Field Office NCR—actually, nai-preposition na po ng ahensiya ang tig-1,000 na family food packs sa labinlimang lungsod sa NCR; ito ay nagkakahalaga ng P7.7 million. Actually, nakahanda na rin ang 1,000 family food packs ng Malabon, at hinihintay na lang namin na kukunin ito sa warehouse namin sa National Resource Operation Center.

Supposedly, mayroon din kaming 1,000 family packs na ipinosisyon sa Pasig kaya lang nag-abiso sila sa amin na hindi na muna nila kukunin dahil magandang balita, wala daw lockdown sa area ng Pasig. So iyon ang kalinawan na binanggit ko, Sec. Harry.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Sec. Bautista. Please join us po sa open forum, I’m sure mayroon pong mga katanungan ang ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

So punta na tayo sa open forum. Usec. Rocky, go ahead please.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque and Secretary Bautista.

Ang unang tanong po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: For clarification daw po. Did the President give his approval for the vaccination of children by October? And did he approve it for all kids or only those with comorbidities and the children of health workers?

SEC. ROQUE: Ay, ang naalala ko po kahapon ‘yan po ang rekomendasyon ng ating Vaccine Czar na si Carlito Galvez at kung hindi po ako nagkakamali, pag-uusapan po ‘yan ng IATF.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: How assured is the government of the timely delivery of vaccine considering that the US is set to administer booster shots which could affect the global supply?

SEC. ROQUE: Well kaya nga po nagsalita na si Presidente sa UN General Assembly ‘no na habang nag-iisip na sila ng booster shot eh pinag-uubra natin ang half shot ‘no dito sa mga developing countries. So wala po talagang kasiguraduhan na nakataga po ‘yan sa pader ‘no pero nakita ninyo naman po dahil ang istratehiya ay mayroon tayong portfolio ‘no at iba-ibang mga bakunang kinukuha, eh ngayon po nakikita ninyo po, unprecedented po iyong dami ng supply natin. So mukhang kakayanin naman po na talagang kung aaprubahan po ng IATF na magsimula na ng pagbakuna para sa ating mga kabataan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question mula kay Einjhel Ronquillo ng DZXX-RMN: Kung maglalabas ba ng guidelines ang IATF about po sa hindi pagsusuot ng face shield maliban sa 3Cs, maglalabas ba ng specific list of areas kung saan na lang dapat isuot ang face shields?

SEC. ROQUE: Inaasahan po natin na aamyendahan ng IATF iyong mga guidelines na naapektuhan dahil nga po doon sa kautusan ng ating Presidente.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Ang susunod pong magtatanong si Ivan Mayrina via Zoom.

SEC. ROQUE: Go ahead, Ivan.

IVAN MAYRINA/GMA7: Magandang tanghali po, Secretary. Magandang tanghali sa lahat.

When the President imposed the mandatory use of face shields back in June, it was also upon the recommendation of the experts who were then warning of the looming threat of the Delta variant which was more transmissible. At ngayon nga po we are in the middle of the—well, if I [overlapping voices] Delta storm. Pero—sorry? Sec., can you hear me?

SEC. ROQUE: Wala, wala. Go ahead, please.

IVAN MAYRINA/GMA7: Yeah. Sec., up until last week the President was chasing what little extra protection was being afforded by face shields pero ngayon po binawi na. What has changed? Ano ho ‘yung science behind this relaxing/easing of the use of face shields?

SEC. ROQUE: Well as the President said po ‘no, ‘yan po ay sang-ayon din sa mga advice ng ating mga dalubhasa ‘no. So siguro may mga factors na kinonsidera ang ating mga dalubhasa kasama na diyan iyong halos 70% na nabakunahan na dito po sa Metro Manila.

IVAN MAYRINA/GMA7: So, it doesn’t necessarily mean na bumaba na po ang risk ng Delta?

SEC. ROQUE: Well, hindi po, nandiyan pa rin po ang Delta. Kaya nga po importante na MASK, HUGAS, IWAS at BAKUNA pa rin.

IVAN MAYRINA/GMA7: Sir, can you—I know you’re to release new guidelines but can you just walk us through some, you know, very basic principles? For example po, very practical example – tiangge, Divisoria – open pero crowded. Kailangan pa rin po ng face shield?

SEC. ROQUE: 3Cs ‘no, kinakailangan crowded. Eh ang aking paningin po basta crowded eh baka kinakailangan po pero outdoors po kasi, mayroon ding mga tiangge sa labas ‘no so we will have to distinguish kasi mayroon talagang mga tiangge na indoors, mayroon ding tiangge na outdoors.

IVAN MAYRINA/GMA7: Yes. For example po, iyong pila ng mga pasahero sa EDSA Carousel.

SEC. ROQUE: Opo. Well, ang tingin ko po outdoors po ‘yan.

IVAN MAYRINA/GMA7: So, hindi na kailangan?

SEC. ROQUE: Sa tingin ko po ‘no pero ‘antayin po natin ang guidelines din ng IATF, kasama po ‘yan sa agenda mamaya.

IVAN MAYRINA/GMA7: All right. Sa binanggit ninyo pong health care utilization kanina, nasa 70—almost 80% ang ating ICU at ward beds. Pero nabanggit din po ng Pangulo iyong dire situation pagdating po sa ating health care workers. Kung hindi po sasapat iyong i-import natin na mga health care worker mula sa AFP at PNP medical corps, what’s going to be the plan, Sec.?

SEC. ROQUE: Nagkakaroon din po tayo nang malawakang pagri-recruit ng mga health professionals gaya noong nangyari noong nauna nang surge ‘no. So ang DOH po ang nagri-recruit at pupuwede pong ma-deploy ‘yan sa iba’t ibang mga ospital.

IVAN MAYRINA/GMA7: And how soon can that happen, sir?

SEC. ROQUE: Ongoing po ang ating recruitment.

IVAN MAYRINA/GMA7: Okay. One final question, sir. In the last several Talks to the People, the President has been noticeably dedicating a lot of his time responding and at some point, even mounting counter-attacks against his critics specifically Senator Gordon. Considering the election season is upon us, ganito pa rin po ba ang magiging stance ng Pangulo at lalo na po’t kandidato siya? Sasagutin po ba niya lahat ng mga bumabanat sa kaniya and how is this going to affect his ability to govern in the last few months of his term?

SEC. ROQUE: Importante kasi sagutin iyong mga binabatong mga paratang na may korapsiyon daw sa pagbili ng PPEs at face shields ‘no. Ivan, uulitin po natin, kinailangan po nating bumili ng face shields at PPEs dahil nagsisimatayan po, namamatay po iyong mga health care workers natin noong buwan ng Abril noong nagsisimula po ang COVID pandemic ‘no.

So ang importante lang po sa isipan ng Presidente at ng Kongreso na nagpasa ng Bayanihan 1, kinakailangan sa lalong mabilis na panahon mabigyan ng proteksiyon ang ating mga health workers sa pamamagitan ng PPEs and face shields. At ginawa po ‘yan ng gobyerno sang-ayon po sa batas na sinulong mismo ng Kongreso at with the exercise of utmost diligence kasi maski hindi nga po required eh kumuha po tayo ng mga different price quotes.

At needless to say ‘no, si COA Commissioner na po, Chairman ang nagsabi wala pong overprice. Now samantalang inuulit-ulit ng mga senador na mayroon daw anomalya, karapatan din naman ng Ehekutibo na ulit-ulitin lalo na iyong sinabi ni Chairman Aguinaldo –wala pong overprice, walang anomalya.

IVAN MAYRINA/GMA7: So, again if I may push the question. Ganito pa rin po ang magiging stance ng Pangulo? Makikipagsagutan pa rin siya hangga’t may mga banat, hangga’t may mga akusasyon?

SEC. ROQUE: Habang mayroon pong mga hindi napapatunayang mga alegasyon, sasagot po tayo dahil kinakailangan ilabas ang katotohanan.

IVAN MAYRINA/GMA7: Salamat, Sec. Magandang tanghali po sa lahat.

SEC. ROQUE: Salamat, Ivan.

Bago po tayo magpatuloy ‘no, mayroon po akong nakaligtaan na balita. Sa ibang mga bagay, pinirmahan kahapon, September 22, 2021 ang Republic Act No. 11590 or An Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operations ‘no. Bahagi ito sa ating mahigpit na pagri-regulate ng lahat ng klase ng gambling at pagbabawal ng iligal na sugal. Sixty percent ang total of revenue collected from gaming tax imposed on offshore gambling shall be allocated as: 60% for the implementation of our Universal Health Care Act – iyong ating sinulong pong batas; 20% shall be allocated to the Health Facilities Enhancement Program; at 20% for the attainment of sustainable development goals. RA 11590.

Balik na tayo sa ating open forum. Usec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. From Johnna Villaviray ng Asahi Manila: There are malls daw po with open areas. Can mall management require people to wear shields there since its private property? What about open areas of condos?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po ang binanggit po ni Presidente pupuwede po sa labas except for the 3Cs – crowded, close-contact and closed.

USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz ng UNTV: With decreasing numbers ng COVID-19 cases sa Metro Manila, gaano kataas ang possibility na luluwagan pa ang restriction at maging Alert Level 3 ang National Capital Region?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po iyong paglalagay ng alert level, iyan po ay nakasalalay na ngayon sa DOH ‘no at ‘yan po naman ay gagawin in consultation with the local government units. So ako naman po’y umaasa na as we hit 70% at soon 80% ‘no, ‘yan naman po talaga iyong target population na proteksiyon natin eh baka naman makabalik tayo nang kaunti sa dating mga buhay natin. Pero dapat po talaga eh pursigido pa rin ang ating proteksiyon ‘no laban sa COVID-19 kasi alam natin na mayroon ding mga breakthrough infections.

Pero sa tingin ko po, talagang mas magiging maligaya ang Pasko ngayong 80% na halos ang bakunado sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz pa rin po ng UNTV: Kailan gagawin ang assessment sa pilot implementation at kailan pag-uusapan ng IATF ang recommendation para sa Pangulo? Malaki ba ang possibility na i-adopt na ang strategy outside Metro Manila by October?

SEC. ROQUE: Premature pa po kasi kakatapos pa lang ng unang linggo. Hayaan po nating matapos iyong pangalawang linggo at tingnan natin kung ano magiging datos kasi ganoon po ‘yung proseso ng evaluation – dapat data-based.

USEC. IGNACIO: From Maricel Halili ng TV-5: Do you consider the Isko-Ong tandem a threat to the Go-Duterte tandem?

SEC. ROQUE: Unang-una po, hindi ko po alam kung mayroong Go-Duterte tandem ‘no. So I cannot make any comparison. Ang masasabi ko lang po, talaga namang karapatan ng lahat ng Pilipino na tumakbo sa eleksiyon – karapatan nilang bumoto at iboto.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: News 5 learned that President Duterte has already signed his certificate of nomination and acceptance as official candidate of PDP-Laban. Does it mean na wala ng atrasan sa pagtakbo ang Pangulo? No substitution like what happened last 2016 national election?

SEC. ROQUE: I can only confirm that I saw the release of PDP-Laban that the President had indeed signed his certificate of [nomination] for vice president. Pero naka-facility quarantine po tayo ngayon, so wala po tayong physical access kay Presidente. Anent doon sa tanong na wala na bang pagbabago? Well, tingnan po natin kung ano ang mangyayari sa October 8 at saka sa November 15, kung hindi po ako nagkakamali, iyon po iyong last day for substitution.

USEC. IGNACIO: From Kyle Atienza ng Business World: Congress has already approved the bilateral conference committee report on the proposed amendments to the country’s 20-year-old retail trade liberalization act. Has the President already signed the measure?

SEC. ROQUE: Wala pa po kaming natatanggap na ganiyang impormasyon.

USEC. IGNACIO: From Prince Golez of Abante: In an episode of the Mangahas interview, you said that you are seeking to return the late Senator Miriam Defensor-Santiago’s caliber to the senate. Does this mean that you finally decided to join the senatorial race next year? Have you spoken to the President as regards to your political plans? If yes, ano po ang naging advice niya sa inyo?

SEC. ROQUE: Unang-una, kinukumpirma ko po na sinabi ko iyon na kinakailangan ibalik naman iyong mga kalibre ni Miriam Defensor-Santiago sa Senado. Napakalaking budget po ng Senado at kinakailangan naman talaga iyan magamit iyong pondo para sa mga indibidwal na may kakayahanan na bumuo ng mga polisiya na makikinabang ang buong bansa. Pagdating po sa pagnanais, matagal na po nating ninanais iyan. Dahil minsan tayong naglingkod na sa Kongreso – at tayo naman po ay hindi naging Committee of Silence – na nagsulong ng mga importanteng batas kagaya po ng Universal Health Care at ng libreng irigasyon at libreng tanghalian para sa kabataan. Pero mag-uusap pa po kami ni Presidente, naka-facility quarantine nga lang po ako kaya mahirap kaming makapag-usap. Pero I am now on the 5 or 6th at inaasahan ko po next week ay pupuwede na po kaming makapag-usap.

USEC. IGNACIO: Opo. From Joyce Balancio ng ABS-CBN, nasagot na po ninyo, Secretary about iyong sa confirmation, iyong certificate of nomination acceptance as official candidate for VP.

From Vanz Fernandez: What are the Palace comments daw po regarding Manila Mayor Isko Moreno to bid for the presidency in the upcoming election? Ang follow up po niya: Is Mayor Isko Moreno earning himself some positive regard from the administration for his neutral stance as he can work with anyone and his willingness to continue the infra programs of President Rodrigo Duterte?

SEC. ROQUE: Well, nasagot ko na po iyan kanina. Karapatan ng lahat ng Pilipinong bumoto at iboto.

USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla of Business Mirror: Gaano po kalaki ang shortage sa medical staff sa mga ospital sa Metro Manila at ilan po ang ide-deploy na personnel ng AFP to address this?

SEC. ROQUE: Ang problema po kasi, nagkakasakit iyong ating mga frontliners na nagiging dahilan naman para sa ilang malalaking pribadong ospital na huwag nang tumanggap ng karagdagang mga COVID patients. Wala po akong mga datos ngayon, pero kagaya ng napanood nating lahat sa Talk to the People, eh ipapadala na nga po natin iyong ating AFP Medical Corps to augment iyong manpower requirements sa mga ospital kung saan maraming mga nagkasakit na health workers.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: Anong hospitals daw po ang magbi-benefit sa nasabing augmentation from AFP? Will the said hospitals, particularly those from the private sector, be charged with any fee for the services of the additional medical workers from AFP?

SEC. ROQUE: Well, dalawa po iyong narinig ko kahapon, iyong dalawang Saint Luke’s at saka Cardinal Santos. Hindi ko lang po alam kung mayroong bayad.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you very much, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Rolly Bautista. Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat sa lahat ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Malapit na po ang better Christmas. Patuloy po tayong magpabakuna. Magandang araw po, Pilipinas.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center