Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang hapon, Pilipinas. Sana po [garbled] dahil kanina po ay nagkaroon g ng technical problems. Pero tuloy na po ang ating regular press briefing. Maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik.

Balitang IATF po muna tayo ‘no. Inaprubahan po provisionally ng inyong IATF ang guidelines on the pilot implementation of the alert level system for COVID-19 response in the National Capital Region. Ito po ay aprubado bilang isang pilot o pagsubok lamang!

Ano ba ho ang ibig sabihin nitong implementation ng alert level system for COVID-19? Unang-una po, dalawa na lang po ang classification natin ha, iyong kapag ECQ, iyan po ay ipapataw po ng IATF. Pero kung hindi po ECQ, ang classification po ay GCQ, pero ang pagkakaiba po niyan, hindi po iyan GCQ na alam na natin kung paano mapapatupad. Ang GCQ pong ito ay nakabase po doon sa alert level na nakapataw sa iba’t ibang siyudad at munisipiyo ng mga [technical problem] hindi po gaya ng dati na labas-pasok ang mga APORs. Ngayon, ang pupuwede na lang pong maglabas-pasok ay iyong mga medical and allied medical professionals; pangalawa po, iyong mga bumabalik na mga OFWs o iyong mga aalis na OFWs, at siyempre po iyong mayroong mga emergency.

Magbibigay na po ng ayuda ang lokal na pamahalaan at ang DSWD para hindi na po kinakailangang lumabas ng kahit sino sa mga lugar na naka-granular lockdown.

So makikita ninyo po talaga na itong bagong policy shift po ay ninanais na magpatuloy po iyong mga industriya na nananatiling bukas po sa GCQ. Kaya nga lang po, hindi ibig sabihin na palibhasa bukas ang industriya ay parang payag na rin tayo o pupuwede ang dine-in at saka ang personal services at ang mga mass gatherings.

Kapag Level 4 po, hindi pa rin papayagan; kapag Level 3 po, mayroon lang porsiyento na papayagan. At mamaya po ay kasama po natin si Usec. Densing para i-discuss ito in more detail.

Now, sa ibang bagay pa po: Ni-rescind po ng IATF ang nauna nang resolusyon kung saan hinayaan po iyong application ng debit-credit payment method or DPCM sa high at critical risk areas. Kung inyong matatandaan, ang basehan po ng DPCM ay ang two-week growth rate, ang average daily attack rate at healthcare utilization rate. Ang nationwide applicability ng DPCM ay hinayaan na po ‘no na sa sound judgement ng PhilHealth board.

Inaprubahan din po ng inyong IATF ang pagbuo ng Task Force on Oxygen Supply sa ilalim ng Task Force Against COVID-19. Ang Department of Trade and Industry ang magsisilbing lead at ang Department of Health naman po ang magiging co-lead.

At panghuli, pinayagan ng inyong IATF ang clinical rotation ng post-graduate interns regardless of community quarantine status. Kailangan lamang pong sumunod sa guidelines na ilalabas ng Commission on Higher Education at ng Department of Health.

Usaping bakuna naman po tayo. Dumating kaninang umaga po ang mahigit kalahating milyon or 502,000 doses ng AstraZeneca na binili ng pribadong sektor at ng LGU sa pamamagitan ng A Dose of Hope. At mamayang hapon ay inaasahan namang darating ang isa’t kalahating milyong doses ng Sinovac na binili ng pamahalaan.

At habang patuloy na dumarating na ang mga supply ng bakuna, walang sawa rin kaming magsasabi na please po, magpabakuna po tayo para tayo po ay makapagbalik-buhay.

As of September 9, 2021, nasa 37,728,140 na po ang total doses administered sa buong Pilipinas. Nasa 21,589,180 ang nakatanggap ng first dose at 16,138,934 naman po ang fully vaccinated. Samantala, 13,922,708 ang total doses administered po sa Metro Manila as of September 9, 2021. Sa bilang na ito, 5,610,408 ang kumpletong nabakunahan po.

Parami rin po nang parami sa ating mga kababayan ang nagpapabakuna po ha. Libre po at ligtas at epektibo po ang mga bakuna, lahat po ay pumasa hindi lamang po sa Food and Drug Administration natin kung hindi rin po sa World Health Organization.

Sa isang pag-aaral na ginawa ng FDA, sa 13.8 million na mga Pilipinong fully vaccinated, nasa 242 ang nagkaroon ng vaccine breakthrough infections – ito po iyong may bakuna pero nagkasakit pa rin. Ito po ay napakaliit, ito po ay 0.0017% sa lahat ng nabakunahan.

Protektahan po natin ang ating mga sarili, ang ating pamilya at ating mga mahal sa buhay at ang ating komunidad, magpabakuna na po.

Pumunta naman po tayo sa ating COVID-19 updates. Nasa 22,820 ang mga bagong kaso sang-ayon po sa September 9, 2021 datos ng DOH. Mataas pa rin po ha ang ating recovery rate ha, nasa 90.7%, mayroon na po tayong 1,960,487 na mga gumaling. Samantala, malungkot po naming binabalita na nasa 34,733 na ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.61% ang ating case fatality rate.

Ito naman po ang mga kalagayan ng ating mga ospital: Nasa 73% po ang nagagamit na ICU beds sa Metro Manila, 75% naman po sa buong Pilipinas; 65% po ang ginagamit na isolation bed sa Metro Manila, 69% sa buong Pilipinas; 73% po ang nagagamit na ward beds sa Metro Manila, 72% sa buong Pilipinas; 62% po ang ventilators na ginagamit sa Metro Manila, at 58% po ang ginagamit sa buong Pilipinas.

Sa ibang bagay, may kumalat po na video tungkol sa aming meeting sa IATF. Unang-una po, classified secret ang mga pagpupulong ng IATF. Bakit po? Kasi lahat po ng desisyon ng IATF ay makakaapekto sa lahat ng Pilipino, ke mayaman, ke mahirap. Kinakailangan po talaga magkaroon ng debate dahil kung wala po talagang debate, eh baka mamaya ay hindi makagawa ng tamang desisyon ang IATF. Ganoong pa man, lumabas na po iyan.

Well, unang-una po, kinukumpirma ko po ‘no na tayo po ay naging emosyonal – at pasensiya naman po kayo, tao lamang – doon sa rekomendasyon ng dalawang doktor, si Dr. Limpin at si Dr. Dans, na mag-impose ng hard ECQ lockdown. At naging emosyonal din po si Dra. Limpin at napaiyak. Doon po ako naging emosyonal kasi para namang importante rin po na marinig iyong damdamin ng mga maliliit na tao nating mga kababayan na nagugutom na po dahil sa parating pag-lockdown. Hindi po tamad ang mga Pilipino ha, hindi po sila umaasa sa ayuda. Handa po silang magtrabaho, bigyan lang natin sila ng pagkakataon magtrabaho. Alam po natin na marami talagang mamamatay at namamatay po sa COVID, pero nandiyan po riyalidad na sa Metro Manila ay halos kalahati na rin po ang ating nabakunahan. Bakit po tayo magha-hard lockdown na naman eh samantalang kaya nga po natin pinabilis ang proseso ng pagbakuna ay para makapagbukas tayo ng ekonomiya, magkaroon po nang mas maraming trabaho ang ating mga kababayan.

Nilinaw ko lang po na kapag ikaw ay hindi sang-ayon sa hard lockdown na magiging dahilan para magutom ang ating mga kababayan, hindi po ibig sabihin noon na hindi ka na concern sa mga nagkakasakit. Lahat po tayo, nagkaroon na po tayo ng kamag-anak, ng kaibigan na namatay at nagkasakit sa COVID.

Lahat po tayo ay napaiyak na rin po sa trahedya na sumalanta hindi lang po sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Ang pakiusap ko lang po: Huwag po nating isipin na ang mga desisyon ay parang mga clinical decision lamang. Ito po ay nakakaapekto sa buhay lalung-lalo na ng mga nagugutom at naghihirap na mga Pilipino. Subukan po nating balansehin iyong pagbawas sa numero ng COVID-19 at iyong pagbibigay ng pagkakataon naman na maghanapbuhay ang taumbayan.

Nagalit po talaga ako dahil sa tingin ko panahon na po na marinig ang inyong boses ng IATF. Tama na po ang lockdown; magtatagal po talaga ang COVID hindi lang po sa Pilipinas kung hindi sa buong daigdig. Hindi po ibig sabihin na habang nandiyan si COVID hahayaan na nating magutom ang ating mga kababayan. Kailangan pong mag-ingat: Mask, Hugas, Iwas at Bakuna. At patuloy po tayong nagpapabakuna para nga po maski tayo magkasakit ay hindi po ito magiging malala. Pero isipin naman po natin iyong kapakanan ng mga wala ng makain dahil nga po sa mga lockdown.

Kung mayroon po akong na-offend sa aking pananalita, well humihingi po ako ng abiso. Pero, kinakailangan na pong pakinggan natin ang boses ng mga hindi naririnig sa IATF, ang hanay ng naghihirap at nagugutom. Maraming salamat po.

Tumuloy na po tayo sa presentasyon po ni Usec. Densing. Siya po ang magbibigay ng detalye nitong policy shift na nakabase po alert levels. Usec. Densing?

USEC. EPIMACO DENSING: Yes, magandang hapon po, Spox Harry. iyong ating mga kasama sa media, magandang hapon din po. Bibigyan ko lang kayo ng kaukulang mga detalye nitong policy shifts na ating ginagawa ‘no, na naaprubahan na ng IATF maliban sa tatlong area na mamaya babanggitin ko rin na subject pa sa pag-uusap ng technical working group ng IATF.

Well, pakita po ng slides. So, ito po iyong mga direktiba na naaprubahan po kahapon officially ng ating IATF maliban sa tatlong area na aking binanggit kanina.

Una sa lahat itong policy shift ay isang pamamaraan dahil lagi po nating pinag-uusapan ng maraming linggo, ano pang ibang pamamaraan na mas epektibo na dapat gawin ng ating bayan, ng ating gobyerno para ho hindi kumalat lalo ang COVID-19.

At pakita po natin na itong pagsasagawa ng granular lockdown ay isang epektibong pamamaraan, dahil itong mga nakaraang mga community quarantine na ating ginagawa sa pang-rehiyon at mga provincial level ay nakita po natin na hindi nagiging epektibo dahil marami pong taong lumalabas. Mayroon po tayong identified na 41 authorized person outside of residence at sa palagay po natin eh kapag lumalabas po sila nakikisabay na rin po ang mga non-APOR at dahil malaki po at malawak ang binabantayan ng ating mga enforcers, hindi po natin lahat kaagad nakikita o nahuhuli itong mga lumalabas na paglabag sa mga restrictions o mobility ng ating mga kababayan.

So, ang ginawa po natin, nakita natin na kapag nag-granular lockdown tayo makikita natin na mas malinaw ang mga taong hindi palalabasin at sigurado ho tayong hindi po makakalabas iyong mga non-APOR. Kaya nga itong granular lockdown, hindi po ito iba sa atin, ginagawa na po natin ito noong isang taon pa base sa isang resolution na ipinasa ng National Task Force on COVID-19 at mayroon na po itong mga karampatang mga patuntunan.

Ang ginawa lang po natin dinagdagan lang po natin ang mga panuntunan itong mga granular lockdown at kasama po dito ang pag-standardize ng mga pamamaraan ng pagla-lockdown. Una sa lahat, kapag sinabi nating granular lockdown, hindi na po ito iba-ibang araw. Sa dati po mayroon lokal na gobyerno na 3, 5, o 7 araw. Ito standard po na 14 days ang granular lockdown. At kapag granular lockdown po tayo, automatic magkakaroon ng active case finding iyong ating lokal na gobyerno, magbabahay-bahay po, magtatanong, mag-i-interview kung mayroong may sintomas magti-testing on the ground at kung makikita po natin na nag-positibo ito, ilalagay po natin sa ating mga isolation facilities.

At ang kagandahan naman po nito pagkatapos ho nating mag-active case finding, kapag nakita po natin halimbawa, kung 10 bahay po ang gina-granular lockdown natin at nakita natin iyong 4 na bahay sa dulo ay hindi naman talaga apektado, puwede hong paliitin ang area ng ating nila-lockdown.

Itong granular lockdown ay maaaring isang bahay, iilang bahay, isang purok, isang kanto, maaaring isang building, isang floor ng building at isang barangay sa pangkalakihan. Nilinaw din po natin sa granular lockdown na kung saka-sakaling may ila-lockdown po sa level ng siyudad at munisipyo, iyan po ay idedeklara ng ating mga provincial governors. So, this is general.

Pero, dahil po itong policy shift ay ginagawa natin muna dito sa National Capital Region, ang ating mga granular lockdown ay idedeklara po ng ating mga mayor up to the barangay level at mababa po sa mga maliliit na eskinita. Pero ang kagandahan ho nito nilagyan natin ng isang probisyon na bago magdeklara ang isang mayor ng isang granular lockdown sa isang barangay kailangan ho mayroong rekomendasyon ng local health official.

Kapag nai-standardized na po natin iyong granular lockdown, itong granular lockdown agad ay ginagawa na natin sa buong Pilipinas. Pero dito po sa atin sa Metro Manila, dinagdagan po natin ng karagdagan na polisiya, ito iyong tinatawag nating alert levels. So, para sa ating mga manunood, sa ating mga taga-media, burahin na po natin sa ating sistema o kaisipan, itong mga GCQ, MECQ, ECQ, MGCQ na mga terminolohiya.

Nabanggit kanina ni Spox dalawang klase na lang po iyong ating lockdown: Isang pangmalawakang lockdown na idedeklara lamang as a last resort ng ating IATF, ito iyong ECQ or puwede nating banggitin muna as Alert Level 5; at ang isang lugar na hindi naka-total lockdown, ang paggamitan po natin ay Alert Level 1, 2, 3 and 4. At ang restriction po ay hindi na po base sa lugar. Ang restriction ay base na po sa sector, sa industriya o sa aktibidades.

So, ito po uulitin ko, mayroon na tayong set of rules sa mga granular lockdowns. Ito po ang susundan natin at doon sa mga lugar sa National Capital Region na ating pilot area nitong susunod na dalawang linggo ay gagamitan po natin ng mga alert levels at kung sakali po, hindi na po natin gagamitin itong mga terms na GCQ, MECQ at MGCQ.

Ang alert levels po or itong pilot po, bale pakitanggal na lang po iyong GCQ, ay pasisimulan po natin na hopefully by September 16 to 30. Again, sa National Capital Region lamang dahil iyong ating pong mga probinsiya o mga LGUs sa labas ng National Capital Region ay paggagamitan pa rin natin noong dating Omnibus Guidelines dahil po gusto nating masigurado na tama iyong pag-iimplementa nitong mga alert levels.

At inuulit po natin, ginagawa po natin ito because ang una nating hangarin ay makahanap ng matibay at maayos na pamamaraan para talagang mapigilan ang pagdami ng COVID-19 at isa dito ang pagpipigil ng paggalaw ng tao lalo na iyong mga asymptomatic na maaaring makapagdala o makapagkalat ng COVID-19.

At ang naging epekto po nito ay nagustuhan po ito ng ating mga economic managers sa gobyerno dahil nakita po nila na isa pong pamamaraan para dahan-dahan ding buksan at magkaroon ng economic activity sa ating bansa o sa mga lugar na napagdadausan nitong pilot alert levels.

So, nabanggit ko kanina, mayroon po tayong Alert Level 5, ipa-finalize na po ang terminology kung alert level 5 ba iyan o ECQ. Pero, isa lang ang ibig sabihin po niyan, ito ay idedeklara lamang as a last resort ng IATF at ito iyong ating hard lockdown na pinag-uusapan.

Then mayroon po tayong Alert Level 4, kung saan—mamaya babanggitin ko itong 3Cs na activities na bawalan—100% po bawal ang 3Cs activities sa Alert 4; sa Alert 3 naman is 30% papayagan; sa Alert 2, 50% papayagan; at sa Alert 1, ito na iyong pinaka-new normal natin kung saan halos puwede na lahat gawin basta lang importante nagpa-practice tayo ng minimum public health standards at bibigyan ho ng karagdagang 10% capacity kung ang establisyemento po ay mayroon pong safety seal certification.

Ito po iyong tinatawag nating mga 3Cs, nabanggit kanina si Sec. Harry: (1) Iyong mga places that are closed or in-door, (2) iyong crowded areas at (3) mga aktibidades na nagpo-promote ng close contact.

Ano po ba itong mga ehemplo or example nitong mga closed, crowded and closed contacts? Kasama ho dito iyong religious gathering, social gathering or mga parties, iyong ating meetings, incentives, conferences and exhibits, iyong mga in-door tourist attractions, iyong ating personal care at dine-in. At babanggitin ko, ito po iyong mga bagay na talagang nakalista na po sa bagong Omnibus Guidelines na ipalalabas at ang ina-identify dito ay mga aktibidades.

Babanggitin ko lamang po na while approved na po ito ng IATF kahapon. May tatlong bagay na gusto pang pag-aralan, bago po i-finalize. Ano po iyong tatlong bagay na ito? Una sa lahat, iyong proposal na magkakaroon ng vaccine bubble sa NCR. Base sa opinyon ni Department of Justice kasi, hindi pa natin puwedeng gawin sana ang vaccine bubble dahil hindi nabibigyan ng oportunidad ang ating lahat na mga kababayan na mabakunahan, na magkaroon ng over supply ng bakuna at maaari na lang tumanggi o hindi ang magpapabakuna. Noong una tinitingnan natin na ito ay discriminatory, pero tingin po natin, puwedeng tingnan na muli, dahil dito po sa National Capital Region kung nasaan po iyong pilot implementation nito ay mahigit… umabot na ng sisenta porsiyento ng populasyon ng National Capital Region or target population ng National Capital Region ay fully vaccinated at kulang-kulang 80% ng target population for vaccination ay nabakunahan na by at least one dose. So, ito po iyong unang pag-uusapan at pag-uusapan po ito ngayong hapon ng ating technical working group ng IATF.

Pangalawa po, medyo tumawad po iyong ating trade and commerce sector at sabi nila baka puwedeng pahintulutan sa Alert Level 4 kahit al fresco man lamang, mahigit 30% na al fresco at binabanggit nila kung puwede ring dine in. Dahil po sa alert 4, maski al fresco ay ipinagbabawal po ang dine in. Pero pag-aaralan po natin ngayon iyan base sa request ng ating trade and commerce sector.

At ikatlo po na pag-aaralan is iyong criteria for declaring alert levels, nakiusap po iyong ating MMDA through Chairman Abalos kung puwedeng i-review ito, dahil ang nakikita nila, marami pong puno or mataas iyong hospitalization care utilization rate ng NCR dahil maraming hindi taga-NCR ang pumapasok po sa ospital ng National Capital Region. At base po sa datos, 26% sa mga pasyente sa mga ospital dito sa Metro Manila ay hindi talaga taga-National Capital Region. So ito ang isang bagay din na pag-uusapan to finalize criteria.

Gusto ko sanang sabihin na ginagawa natin itong granular lockdowns, dahil nakita ho natin sa datos, sa buong bansa po, 80 porsiyento ng mga COVID-19 cases ay nanggagaling lamang sa 11 hanggang 30% ng mga barangay.

At sa National Capital Region naman, 80 porsiyento ng COVID cases ay nanggagaling lamang sa 12 porsiyento ng ating mga barangay. So kung magga-granular lockdown natin itong 12 porsiyento, automatic itong 80 porsiyento na may COVID-19 eh atin ng na-address at hopefully hindi makapangkalat pa iyong natitirang 20 porsiyento na hindi rin talaga natin nai-identify.

So, itong granular lockdown, isang pamamaraan na nakikita po nating magiging epektibo at wala pong datos dito, dahil ito po binibigyan ng tuon ating FASSSTER Projections at DOH noon. So, kami po sa DILG, gumagawa po kami ng mga datos, para itong mga datos na ating makukuha sa mga granular lockdowns maibibigay na natin sa FASSTER at mga health experts para mapatunayan nga na mas epektibo po ito.

Not to mention itong 80% na mga barangay na wala naman talagang kaso ay mapapayagan na rin po nating magkaroon ng maayos na pamumuhay, magkaroon ng negosyo, dahan-dahan po at importante, gusto nating sabihin na kailangan mayroon po tayong pagpa-practice ng minimum public health standards.

Iyong last slide po simple ano lang, isang matrix lang po na pagsasabi sa Alert Level 4, pinagbabawal lumabas iyong mga edad 18 pababa at 65 pataas at may comorbidities at buntis.

Sa Alert Level 2 at Alert Level 3 ang paggalaw ay hinahayaan na natin sa lokal na gobyerno at sa Alert Level 1, wala na po tayong masyadong restriction, except na talagang paigtingin natin ang minimum public health standards.

Sa private establishment naman, ating minungkahi na magkaroon ng minimal onsite capacity or work from home o pababain natin iyong tao sa loob ng opisina at kung alert 1 naman ay puwede hong punuin o mas maraming empleyado ang pumasok sa mga private establishment.

At sa mga ahensiya ng gobyerno, sa Alert Level 4, automatic po ire-reduce to 20% ang mga empleyado ng mga opisina na kailangang pumasok.

Sa Alert Level 3 ay 30 porsiyento; sa Alert Level 2, 50 porsiyento;

At kung Alert 1 naman ay halos puwede ng pumasok ang ating mga empleyado sa gobyerno.

Again, inuulit ko: Gusto nating bigyan ng pagkakataon ang ating mga lokal na gobyerno na magkaroon ng mas malalim na responsibilidad sa paglaban ng COVID-19. Nagsabi na po iyong ating mga NCR Mayors sa aming ilang pagpupulong na sila ay handa na para ito ay i-implement. Nagsabi na rin po ang League of Provincial Governors na sila ay handa na ring gawin ito kung sakaling i-rollout na sa buong bansa.

At ang kagandahan po nito, sinasabi natin sa ating mga kababayan na may responsibilidad din sila sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19, while sila ay nasa labas para magtrabaho ay mag-negosyo.

So, lahat ay binibigyan na ho natin ng responsibilidad. This is what we call the whole of nation approach. Ang paglaban ng COVID-19 ay hindi lamang po sa gobyerno, kung hindi responsibilidad ng bawat Pilipino, kahit mga ordinaryong Pilipino ay tumulong sa paglaban ng COVID-19. Ito po iyon Spox, maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat. Nais ko lang sabihin sa ating mga kababayan na ito po iyong pinag-uusapan ng IATF noong ako po ay naging emosyonal.

Kasi habang pinagdedebatihan po iyong dalawang isyu, ano ang magiging alert level sa Metro Manila at kung papayagan na ba iyong mga bakunado na magkaroon ng at least al fresco dining or limited dine in.

Eh bigla lang po pumasok sa pagpupulong si Dr. Limpin at Dr. Dans na nagsasabi, kinakailangan two weeks hard ECQ otherwise maraming mamamatay. At iyon pong konteksto ng sinabi ko na lahat po tayo, ayaw po nating mamatay ang ating mga kababayan, pero lahat po tayo kinakailangang mag-isip ng pamamaraan kung paano nga mababalanse iyong paglilimita ng mga namamatay at doon sa pagkagutom naman na nangyayari na po ngayon. Ang dami na pong gutom, sa datos po o sa survey ng SWS, tumaas po iyong perception na sila po ay underemployed eh dahil nga po nag-lockdown na naman tayo kung kailan lamang.

So, I hope that will answer many of the questions of our friends from the Malacañang Press Corps. I had to speak for those na hindi po naririnig sa debate kung dapat bang mag-lockdown or hindi. Ipagpaumanhin po.

Okay, punta na po tayo sa ating open forum. USec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque at kay Usec. Densing.

From MJ Blancaflor ng Daily Tribune, iyong first question po niya na-present na po ni Usec. Densing. Ang second question niya: Doc Tony Leachon alleged that a Cabinet official cursed doctors during a meeting on Thursday. He also demanded an apology for what he called verbal abuse on position leaders. He also said IATF members should call out the rude behavior of their colleague since they are all public servants. May we get your comment?

SEC. ROQUE: Unang-una, hindi po ako nagmura; naging emotional po ako pero naging emosyonal din si Dra. Limpin, napaiyak din po siya—umiiyak siya bago po ako naging emosyonal kasi nga nag-react ako na parang kapag hindi ka sang-ayon sa hard ECQ na lockdown eh parang gusto mong mamatay iyong mga kababayan natin. Hindi po, walang gustong mamatay ang ating mga kababayan; nag-iisip nga lang tayo ng pamamaraan kung paanong manatiling buhay at magkaroon ng hanapbuhay.

Now apology, iyong mga na-offend po sa manner – I apologize kung na-offend po kayo sa manner. But the message remains clear: Kinakailangan naman po pakinggan din natin iyong hanay ng nagugutom. Huwag po na parang tayo ay nasa clinic na walang pakialam kung anong nangyayari sa totoong buhay. Huwag naman po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: Can you confirm na isa kayo daw po sa guest candidate ng PDP Laban na tatakbo sa pagka-senador sa election 2022? At kapag tumakbo kayo, sino daw po sa tingin ninyo ang magiging kapalit ninyo bilang Tagapagsalita ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, nagpapasalamat po ako sa PDP Laban ‘no. Talagang nagagalak po ako na kinonsidera nila ako bilang isang guest candidate. Pero kung maalala ninyo po, umalis na po ako sa trabahong ito pero bumalik dahil sa tingin ko nga mayroong tawag at paghamon ng panahon sa kalagitnaan po ng pandemya.

Nais ko muna pong makita na magkaroon ng kahit papaanong pagtatapos itong pandemyang ito sa pamamagitan po nang pagkamit ng population protection. So sinantabi po muna natin ang mga planong politikal at tutok po tayo dito sa pag-engganyo sa ating mga kababayan – magpabakuna na po tayo para tayo po’y makapagbalik-buhay. ‘Pag mayroon na po tayong population protection sa Metro Manila, pag-iisipan ko na po ang aking mga political plans.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Yes. Sino pong magtatanong on Zoom?

USEC. IGNACIO: Ang susunod pong magtatanong, si Mela Lesmoras ng PTV.

SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at kay Usec. Densing. Secretary Roque, unahin ko lamang po, kasi nabanggit kanina ni Usec. Densing na itong bagong patakaran na pilot implementation sa NCR ay paiiralin sa September 16 to 30. Ito po ba ay confirmed na? At, Secretary Roque, ano po ‘yung masasabi ninyo lang din sa mga [garbled] o nagagalit doon sa pabagu-bago raw na desisyon ng IATF? And para lang doon sa ating mga kababayan, ito pong bagong patakaran ay kailan na iyong confirmed na paiiralin po?

SEC. ROQUE: Eh kaya nga po ako naging emosyonal noong pagpupulong na iyon eh kasi talagang lahat po ng desisyon ng IATF literally means the difference between poverty, hunger or living ‘no. Kaya nga po talagang pinag-aaralan po ang mga proposed solution at itong bagong policy shift po tingin ko po gagana ‘to kung pagsasabayin natin iyong pagbabawal sa 3 Cs – close, crowded and close contact – at saka iyong istriktong granular lockdown.

Pinaplantsa po dalawang issue, ito po in the spirit of transparency. Issue number one: Ilalagay ba sa Alert Level 4 ang Metro Manila na bawal pa rin ang dine-in, personal services at mass gatherings or may mga nagsasabi na dahil mataas na naman po ang nabakunahan sa Metro Manila eh gawin natin ang ginagawa sa ibang bansa – basta mayroon silang vaccination pupuwedeng limited dine-in, pupuwedeng limited al fresco? So mainit po ang debate diyan at hayaan po nating umusad iyong proseso ng debate.

Uulitin ko po, kaya po secret ang mga pagpupulong ng IATF para lahat po ay makapagsalita kung anong nasa isipan nila at nang sa ganoon magkaroon po tayo nang tamang desisyon bagama’t siguro ang mga desisyon na ito ay hindi magiging popular.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Pero, Secretary Roque, tama po ba ang target sa September 16 pero we will just wait for the final announcement po ba?

SEC. ROQUE: Opo, may panahon pa naman po ‘no at a-diyes pa lang naman po ‘no. So malalaman po natin kung ano ‘yung classification, iyong alert levels sa Metro Manila at malalaman natin kung anong resolusyon doon sa sinusulong din po ng pribadong sektor na magkaroon tayo ng pagpapayag na—ilang mga pagpapayag na gawain para sa mga indibidwal na bakunado na po.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And second clarification lang, about nga po dito sa bagong patakaran, Secretary Roque, para din malinaw doon naman sa mga kababayan nating nasa labas ng NCR. Kasi nabanggit nga po kanina na mawawala na iyong MGCQ, MECQ… iyong iba kumbaga ECQ at GCQ na lang matitira. Just to be clear, ito po ay hindi pa apektado iyong ibang lugar? Ito lamang ay sa pilot implementation? Tama po ba, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Parang malinaw po itong alert level system na ating pinag-uusapan. Ito po’y ipa-pilot sa Metro Manila lamang – sa ngayon po ‘no. At kung ito naman po’y mapatunayang epektibo at saka po natin ipapatupad sa iba’t ibang lugar. Sa ngayon po iyong mga iba’t ibang klasipikasyon outside of Metro Manila epektibo pa po sila.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuli na lamang, Secretary Roque: Kumusta po si Pangulong Duterte? May mga inaasahan po ba tayong aktibidad sa kaniya ngayon at sa mga susunod na araw? May Talk to the People din po ba?

SEC. ROQUE: Mayroon pong Talk to the People mamaya – at least inaasahan po natin ‘yan. Pero gaya ng sinabi ko po, napakadaming pagpupulong po ngayon ni Presidente. Noong isang araw po, lima iyong pagpupulong namin, kasama po ako bago po nagkaroon ng Talk to the People kaya nga po natapos na kami ng alas dos ng umaga, iyong taping ng Talk to the People. So tingnan po natin kung kaya pang mag-Talk to the People dahil talagang namang at 2 o’clock in the morning lahat kami ay pagod na pagod na [laughs].

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Salamat po Secretary Roque at kay Usec. Densing.

SEC. ROQUE: Salamat din, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. From Kris Jose ng Remate/Remate Online: Reaksiyon daw po sa sinabi ni Congressman Abante na dapat hayaan ng gobyerno ang mga lokal na pamahalaan na magdesisyon sa pagpapatupad ng quarantine classification sa kanilang mga LGU dahil mas alam daw ng mga LGU ang nangyayari sa kanilang mga nasasakupan. Bunsod daw po ito nang pabagu-bagong community restrictions sa NCR.

SEC. ROQUE: Well, sang-ayon po tayo diyan at sang-ayon din po ang IATF. Kaya nga po ang pinagdidebatehan ngayon is ilalagay ba sa Alert Level 4 ang mga siyudad at isang munisipyo ng Metro Manila. Kasi ang basehan naman po diyan hindi lang iyong two-week average attack rate at daily attack rate kung hindi rin iyong healthcare utilization rate ‘no.

Noong isang pagpupulong sa Malacañang noong isang araw sabi nga ni Senator Cynthia Villar, siya ang sumusubaybay sa Las Piñas ngayon. Eh kaya naman puno ang mga ospital kasi nga karamihan ng mga pasyente eh galing sa probinsiya at hindi sa Las Piñas so bakit mo ilalagay sa critical ang healthcare utilization rate ng Las Piñas eh ganoong hindi naman mga taga-Las Piñas nga ang mga nauospital ‘no. So ‘yan po iyong ilang mga bagay na pinagdidebatehan pa.

At ako naman po ang—well hindi na po dapat sabihin kung anong personal na opinyon ‘no kasi iyan po ‘yung dahilan kung bakit dapat confidential na hindi natin pupulaan iyong mga sinasabi ng mga miyembro ng IATF. Dapat talaga they can freely say whatever they want in the most robust debates kasi nga po makakaapekto ‘to sa lahat.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Does your explanation mean na the medical experts appeal for hard lockdown was no longer considered? What was the government response to them?

SEC. ROQUE: Mukhang hindi na po, kasi ipapatupad pa rin natin itong alert level system ‘no. At sa mula’t mula naman po sumusunod tayo sa mga doktor – kada nag-i-ECQ, mga doktor nagsasabi. Iyong paggamit ng face shield kasama po si Dr. Limpin at si Dr. Dans doon sa pagsabi na kinakailangan mag-face shield. Pero dumating na lang po talaga sa punto na ako’y pumalag na, hindi na po makaya. Maski ako po’y tagapagsalita ng IATF, hindi ko na po kaya na sabihin na naman sa sambayanan “Hard lockdown na kayo maski kayo’y gutom na gutom na.” So pasensiya pong muli.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Do you see any need daw po to apologize to the health experts? Similar question with Jam Punzalan ABS-CBN Online, Tuesday Niu ng DZBB at Ivan Mayrina ng GMA News.

SEC. ROQUE: Siguro po to those na hindi nakakaintindi doon sa tindi ng aking pagdaramdam para doon sa mga naghihirap, I apologize. But I cannot apologize for the message po. Tulungan naman natin iyong mga nagugutom.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Ang susunod po, si Triciah Terada ng CNN Philippines.

SEC. ROQUE: Go ahead, Trish.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL: Sir, since nabanggit nga po ninyo din iyong concern para doon sa mga hindi naririnig sa mga discussions sa IATF, if that is the case Sir, bakit po nagpi-flip-flop last minute? Kasi kung ganoon Sir, kung pinagdedebatehan naman ng IATF, bakit hindi po iyan napag-usapan in the previous meetings, bakit last minute? Kasi hindi po ba nari-realized ng IATF na marami pong maapektuhan and truly naapektuhan po noong last minute changes? And sa daming beses pong nag-meet ang IATF, bakit hindi pa rin po naa-iron out itong mga concerns na ito?

SEC. ROQUE: Well, Trish, hindi pa ba malinaw iyong mga pangyayari noong pagpupulong na iyon? Ang pinag-uusapan namin itong level system, biglang, I don’t know where they came from ha. Nakapasok na lang sa meeting at nagsabi nga na papatayin ninyo ang taumbayan kung hindi kayo mag-hard lockdown ng dalawang linggo. So, parang eh napakatindi na nga ng debateng nangyayari, kung kinakailangan Alert Level 3 o 4 ang Metro Manila, kung kinakailangan na hayaan na iyong mga bakunado na makapag-dine-in nang mabuhay naman ang mga restaurants ‘no.

So ang sabi ko nga, you do not have the monopoly of caring. So, hindi po flip-flop iyan. Talagang ongoing debates pa rin po, dahil talagang alam namin ang desisyon ng IATF ay napakaselan. Pero dahil ni-reject po ang gustong mangyari ni Dr. Limpin at ni Dr. Dans at sa tingin ko naman, hindi naman po lahat ng doktor ay nais na talagang magkaroon na naman ng hard lockdown sa Metro Manila dahil ang dami na ngang nahihirapan ay united naman po ang ating IATF na kinakailangan siguraduhin naman natin na maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan. Kaya nga po humahanap tayo ng alternatibo.

Again, humihingi po kami ng abiso, pero hindi nga po madali itong debateng ito, napakahirap pong balansehin iyong pagbawas ng kaso ng COVID doon sa pagbibigay ng karapatang magkaroon ng hanapbuhay sa lahat.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL: So, Sir the IATF made the announcement, while it was unprepared? Na wala pa po talagang katiyakan sa mga rules? Why did the IATF do that?

SEC. ROQUE: Well, in the first place, wala pa kaming detalyeng binibigay. Di po ba, unang-una sinabi ko, approved in principle na we will resort to granular lockdowns which welcomed. Pero hindi pa po lahat ng isyu ay resolved until now. And you can see kung bakit po, kasi talagang matindi iyong debate. Kapag pinayagan mo ang mga bakunado, magrereklamo naman na discrimination against doon sa hindi mga bakunado. Kapag hindi mo naman papayagan ang lahat, naku, mahigit isang buwan na namang sarado ang mga restaurants ha, napakadaming nagtatrabaho bilang owners, waiters, chefs, suppliers ng pagkain na walang hanapbuhay. So, ganoon po katindi iyong debate at hayaan na muna nating umusad iyong debate ng sa ganoon magkaroon ng pinakamabuting solusyon.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL: Sir, many are asking, kasi you have been using the #KalmaAkoLangTo, but why does it seem, sir, na kapag halimbawa naki-criticize or kunwari mayroong hindi magandang nasasabi, you seem to lose your cool? Hindi daw po ba posible iyong healthy discussion or healthy debate, without disrespecting one another?

SEC. ROQUE: Well, naging emotional po kasi si Dr. Limpin, umiyak nga siya at ang sama ng pinalalabas niya, eh sila lang ni Dr. Dans ang nako-concern sa mga namamatay, hindi po totoo iyan. Kaya iyon po ang kontekstong sinabi ko, lahat tayo umiyak na rin dahil lahat tayo mayroon tayong kamag-anak, mayroon tayong kaibigan. Now, that’s the first time that I lost my bearing in an IATF meeting, but as I said, I may apologize and I had in fact apologized for the manner, but never for the message. I stand by the message.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL: Sir, just a related issue and question, kasi last time, when you replied to Manila Mayor Isko Moreno? He did have an interview and he appealed to the President. Sabi niya, “Mr. President nakikisuyo naman kami, naniniwala naman kami sa iyo, tanggalin mo na iyong mga taong walang modo at kung sumagot pabalang-pabalang. Parang buhay namin walang kuwenta. Mayaman hindi makabili ng gamot, kasi walang gamot, iyong mahirap lalo na. You have no idea of reality or wala kayong pakialam sa buhay namin Mars”. Who do you think, Sir was Mayor Isko was alluding? Did you even think that it’s you, considering na kayo po iyong Spokesperson ng Malacañang and kayo po iyong kumbaga huling nag-address sa kaniya? And what is your reaction to this, sir?

SEC. ROQUE: I don’t think it was me, kasi ngayon po nasa publiko na, na nagwala nga ako noong nabalitaan ko na may ilang mga doktor na gusto na naman ng two-week hard lockdown. Nagwala nga po ako dahil tama na po ang paghihirap ng mga sambayanan ‘no. Tama na po iyong pagkakait ng karapatang magkaroon ng hanapbuhay. Hindi po ako iyong hindi nakakaramdam sa kahirapan ng nakakarami and this is what was made apparent noong isinapubliko po nila itong aming exchange sa IATF meeting – res ipsa loquitur.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL: All right. Sir, just one last. The President during his Last Talk to the People apologized to the country where the Chinese nationals who were killed in a drug bust come from ‘no. Why did the President apologize for the death of these drug suspects?

SEC. ROQUE: Well, siguro po kasi, mayroong mga katungkulan ang lahat ng bansa sa mga dayuhan na nasa kanilang teritoryo. And the President said that the deaths were in fact by way of collateral damage to a legitimate sovereign exercise of police power.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL: All right. Thank you very much, Spox Harry.

SEC. ROQUE: Salamat, Trish. Balik po tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

Tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer: Was it the doctors [who] appeal for ECQ that lead to the deferment of the GCQ with granular lockdown? Similar question with Maricel Halili.

SEC. ROQUE: Well, sabihin na lang po natin that in fairness to the IATF, we did not waver, dito sa resolve na humanap ng alternatibo sa hard lockdown. Na-postpone lang po talaga ang implementation dahil hindi po magkasundo, number one nga, iyong Alert Level 4 for Metro Manila, kasi pumapalag ang mga lokal na mga opisyal, dahil sinasabi nila na puno ang mga ospital namin, dahil iyong mga nasa probinsiya ang nagpapa-confine sa mga ospital namin. So, hindi kami critical at pupuwedeng magbukas ang aming mga restaurant industry lalung-lalo na ‘no. Iyon ang talagang pinag-uusapan. At siyempre iyong isa pang pinag-uusapan nga is iyong pribelihyo na ibibigay nga sa mga vaccinated individuals. Iyon po talaga ang dahilan na hanggang po hindi pa nareresolba. Patuloy po ang debate.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: What does the Palace say to the businessmen and workers complaining about the last minute decision to postpone it, especially daw po, those that already bought perishable supplies in preparation for it? They also say the pandemic has been here for a year and the government still has confusing and haphazard [decisioning]?

SEC. ROQUE: Well, kaya nga po kung mananaig po iyong kagustuhan ni Dr. Limpin at Dr. Dans, isasara po nila kayong tuluyan na for another two-week period po. So, pasensiya na lang po, humihingi ng pasensiya, abiso pero ito ay panandalian na lang po, habang dini-debate nga po ngayon kung pupuwede nang magbukas ang mga restaurants. At sa tingin ko naman po, napakaraming trabahong nakasalalay sa restaurant industry at kinukonsidera po iyan ng inyong IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Leila Salaverria pa rin po: What does the Place think of the proposal of Ombudsman Martirez to impose jail time on those who would comment on the SALN of the government officials? Aren’t SALN’s a transparency and accountability tool which is why the public is expected to be interested in this? And shouldn’t this be fair game for public comment?

SEC. ROQUE: Well, nirerespeto namin ang mga opinion ng Ombudsman, dahil siya po ay isang Constitutional body, we respect his opinion po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Aang susunod po ay si Pia Rañada ng Rappler.

SEC. ROQUE: Go ahead, Pia.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just quickly on specific details lang of the new system. First, what will happen to public transportation under this new alert level system?

SEC. ROQUE: Usec. Densing? Care to answer?

USEC. DENSING: Yeah, iyong public transportation natin, Pia, will now be the same or normalized. The adjustment will simply be dependent on market. In other words, the more people they expect to go out, then there will be more transportation which will be allowed. So, again kaya nga itong difference natin sa MECQ, GCQ, medyo may semblance of normalcy. In fact, some non-essentials will be allowed. For instance, under MECQ, non-essential travel is disallowed. But in this new system, even in alert level 4, non-essential travel will be allowed and the traveler will just be restricted based on the protocols of the LGU of destination. So, there is a semblance of normalcy in this kind of an alert level.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So be clear, sir, iyong public transportation will only be prohibited kapag ECQ? All other levels, public transportation will be normal a hundred percent, ganoon po ba?

USEC. DENSING: That is right, iyong ECQ again is the last resort and it’s only for IATF decisions, decision-making.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And if ever there will an ECQ declaration, it will cover entire Metro Manila, hindi siya iyong city by city, tama po ba yon?

USEC. DENSING: Correct. For the purpose of the pilot, itong NCR, they will be put under one alert level only. But later on, kapag naging successful tayo and it will be rolled out, the ECQ will be reserved again for the IATF on provincial independent components cities and highly urbanized cities only.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Kung ganoon, sir, in September 16, all cities pala will be under the same alert level, like let say Alert Level 4, the strictest. How is this different really from our quarantine classification system?

USEC. DENSING: Yeah, as I have mentioned a while ago, what is being restricted in these alert levels are activities, sectors or industries rather than a location because when we talk about the previous community quarantine classifications, what we lockdown is a specific area, in this case, the whole of the National Capital Region.

In this alert level, what is being restricted are activities. So in this case, we’ve identified activities in the 3Cs. So if those 3Cs which are specifically identified in the operating guidelines, anything outside of that is allowed.

SEC. ROQUE: Idadagdag ko lang, Pia. Your question was precisely what I said in the IATF when Dr. Limpin and Dr. Dans spoke up. Ang sabi ko, hindi ko nga makita iyong pagkakaiba muna sa ECQ, at that time hindi pa malinaw sa isip ko pero ngayon malinaw na. Dahil nasa GCQ lahat ng industriyang bukas sa GCQ, bukas pa rin. Kaya lang, iyong 3Cs – crowded, closed and close contact – iyon ang pagbabawalan sa Alert Level 4. So ito talaga iyong pinag-uusapan when they actually joined the meeting ‘no. At ang sabi ko nga, bakit itong mga ito are saying na sila lang ang tama dahil sila ang may gusto ng hard ECQ eh ako nga hindi ko maintindihan kung ano ang pagkakaiba nitong sistemang ito sa ECQ.

Pero ngayon, malinaw na sa isip ko, ang pagkakaiba ng sistemang ito, bukas ang industriya na bukas sa GCQ pero mayroong hard lockdown at mayroon pa ring mga activities na 3Cs – closed, crowded at saka close contact – na hindi papayagan under Level 4. So iba pa rin talaga siya; hindi talaga siya ECQ.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sige, Sec., baka we can also have a full list of all of those ‘C’ industries kasi medyo general pa iyong pagkasabi earlier.

But moving on to my other questions, sir, so itong for the pilot period, who will be announcing the alert level? Would it be still a centralized body like Malacañang or will the cities themselves who will be making their own announcements every week? Kasi I heard every week iyong differences in alert levels. And then after the pilot system, what will be the system then, will LGUs be the one to announce by themselves?

USEC. DENSING: The alert levels will be announced by the Department of Health for Alert Levels 1 to 4, and the announcements will be done generally by weekly or every two weeks. Pero dito sa pilot area, gagawin nating weekly because tinitingnan namin iyong posibilidad na baka ibaba sa Alert Level 3 ang NCR after one week. So weekly at least for this period only.

SEC. ROQUE: [Unclear] ito, Pia, is done with close coordination with the Metro Manila mayors. So amongst the mayors, nagdidebate rin sila whether or not they should be Level 4 or Level 3.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay, all right. And then, my last question will just be for Secretary Roque.

Sir, this question is similar to Trish but parang kasi, parang you didn’t understand her question so much. She was really asking about the September 6 announcement na nagka-premature announcement na GCQ shift on September 8, and then September 7, the day before September 8, you announced na hindi pala tuloy iyong downgrade. So what business groups are saying was, why was there a need for the September 6 announcement when it appeared that that decision was not yet final pala and people prepared their capital, their stocks thinking that September 8 they could open already. So can we just know the background of this, the inside story? Parang bakit nagka-premature announcement September 6 when hindi pa pala fleshed out iyon?

SEC. ROQUE: Well, alam mo, I’m only a spokesperson. It’s the IATF that decided to differ it kasi nga hanggang ngayon hindi nila maplantsa iyong isyu anong alert level ng Metro Manila at kung papayagan ba ng privileges ang vaccinated individuals as being proposed by the private sector. So iyong dalawang isyu po, hindi pa rin naresolba.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Who decided on September 6, to announce it on September 6?

SEC. ROQUE: Mayroon pong resolution. There is a resolution. Alam ninyo po, ang rule ko sa Office of the Presidential Spokesperson, we do not announce without a resolution. So there was a resolution, and of course we post it. Pinost po namin iyan na … naka-post po iyan sa IATF resolution.

PIA RAÑADA/RAPPLER: What’s the assurance now of people in the country especially in Metro Manila na this announcement you made today will actually push through and can be announced or preparing also [unclear] start spending money on maybe preparing for GCQ on September 16 because you’re saying here that it will happen on September 16? Is that going to be true?

SEC. ROQUE: Pia, nagwala na nga ako kasi ang feeling ko hindi naririnig ang taumbayan minsan, nalulunod sa boses ng ilang mga tao gaya ng mga ilang mga doktor ‘no. So huwag po kayong mag-alala, sinimulan ko na po iyan, ipagpapatuloy ko na rin po iyan. Alam ko po hindi dapat nagpi-flip flop dahil kinakailangan ng predictability. And I assure you, I will be their voice from now on as far as that’s concerned.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, Sec.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pia.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, tanong po ni Maricel Halili ng TV 5: I personally called One Hospital Command yesterday because a friend needed to be confined due to COVID. The command center could not refer us to any hospital because, according to them, all hospitals in Metro Manila and nearby provinces are full. My friend was brought to Bataan from Marikina just to be treated. Given this situation, can we afford a GCQ? It seems that the statistics does not match the reality on the ground.

SEC. ROQUE: Well, hindi po ordinaryong GCQ iyong gagawin natin, Maricel. Dalawang klasipikasyon na lang tayo – ECQ or GCQ. Pero mayroon pong napakatinding localized lockdown at mayroon pa ring mga ipinagbabawal na aktibidades, iyong mga closed, crowded at close contact depending sa alert level. So hindi po talagang GCQ as we know it ang mai-impose.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Cresilyn Catarong ng SMNI: Reaksiyon po sa pagpunta at pagkuwestiyon ng isang senador sa pagtatalaga kay Retired Lt. General Parlade sa National Security Council. Sabi niya, ang I quote, “I do not understand at all why President Duterte is so committed to recycling disgrace officials to new government post and rewarding bad behavior among public employees. I worry that General Parlade’s appointment to the National Security Council would only cause national insecurity and instability given his previous actions. We have many officers qualified to serve as deputy director general of the NSC who are not spreading fake news and red tagging everything from community pantries to celebrities, bakit ito pang si General Parlade ang napili?”

SEC. ROQUE: Well, karapatan niya pong magsalita. Pero ang appointment po, katungkulan lang po iyan ni Presidente. That’s the President’s prerogative.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Tuesday Niu: Nagalit kayo sa IATF, ano ang dahilan? Was that necessary? Sa halip daw po magalit kayo, sana tingnan ninyo na constructive at tingnan ninyo ang dahilan bakit nila ipiniprisenta ang kanilang panig.

Similar question po ni Ivan Mayrina, ang sabi naman ni Ivan: Is it fair to say that this was brought about by incessant criticisms and questions on the government’s pandemic response and management including those that come from the healthcare sector.

Ang sabi po ni Dr. Maricar Limpin, I quote, “Instead of getting angry at us, tingnan kung bakit. All criticisms should be taken constructively. Apolitical po kami.”

SEC. ROQUE: Well, hindi po totoo iyan. Ang kanilang suhestiyon po ay hard ECQ lockdown for two weeks, at doon po ako nag-react na kinakailangang ikonsidera naman natin iyong kahirapan na dinidulot ng hard ECQ lockdown.

At saka uulitin ko po, lahat naman po ng sinasabi nila, pinakikinggan. Pati po iyang face shield na iyan, iyan po ay suhestiyon din ni Dr. Limpin at ni Dr. Dans.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Susunod pong magtatanong si Pia Gutierrez ng ABS-CBN.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi! Sir, good afternoon. Sir, there has been a lot of criticism over the confusion to bring back NCR under MECQ kasi maraming mga small business owners were severely affected by this flip-flopping nga po. Do you think the people deserve an apology over this confusion, sir?

SEC. ROQUE: Well, all I can say is that the debates are continuing and we’re aiming to provide the best alternative to a hard lockdown. So hindi po madaling proseso iyon, humihingi po kami ng pag-intindi galing po sa publiko. Dahil kung masusunod nga po si Dr. Limpin at saka si Dr. Dans, ang gusto po nila absolute hard ECQ lockdown na tinutulan po natin.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ito pong new strategy, sinabi po these are, itong guidelines na ito are just provisionally approved. So, how ready are we to implement these new strategies come September 16?

SEC. ROQUE: Well, talagang ang tagumpay po nito ay nakasalalay sa mga lokal na pamahalaan. Itong granular lockdown naman, dati nang ginagawa ng mga lokal na pamahalaan, pinapaigting lang talaga natin. Hindi na natin papayagan na maraming APOR na labas-pasok. Ang APOR na lang, iyong health and allied health professionals at saka iyong mga OFWs at saka iyong mayroong mga emergencies ‘no. Pero magbibigay naman po tayo ng ayuda para hindi na sila [lalabas]. In fact, hindi lang ayuda ang ibibigay natin – pagkain na ang ibibigay natin para mayroon na silang makakain habang sila po ay naka-lockdown.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, with the pilot implementation of this new strategy, anong i-expect natin, sir, pagdating sa testing and contact tracing capacities ng government? Do we expect a significant expansion din dito sa testing and contact tracing to help o parang to ensure the success of this new strategy?

SEC. ROQUE: Iyong atin namang CODE na tinatawag, ipapatupad pa rin doon sa mga areas on hard lockdown. So iyong mga barangay talaga na mataas ang kaso, patuloy po tayong magku-CODE visits ‘no para po i-test ang mga sintomas ‘no at i-isolate iyong mayroong mga sintomas, so patuloy naman po iyan. It’s complementary ‘no at hindi naman po talaga maikakaila na habang dumadami ang kaso, importante pa rin iyong tinatawag nga nating PDITR ‘no – Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Rehabilitation, kasama na po iyong test.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero, sir, could you explain to us iyong metrics natin to measure whether this new strategy is working or not?

SEC. ROQUE: Well, ang metrics po kasi, alam natin naman kung ano iyong mga barangay na matataas ang kaso. So kapag tayo po ay nagkaroon ng hard granular lockdown, inaasahan po natin na maa-isolate natin ang pagkalat ng mga kasong ito. And this is really an extreme granular lockdown ‘no, hindi lang natin i-impose sa buong Metro Manila para nga mabigyan naman ng pagkakataon na maghanapbuhay ang mas marami sa atin.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, last na lang. Iyong doon sa line-up kasi ng PDP-Laban sa kanilang senatorial slate ‘no, kasama na po kayo doon and a lot of, iyong kasama doon sa line-up are members of the Cabinet – si Labor Secretary Bello, si DPWH Secretary Mark Villar, Transportation Secretary Arthur Tugade and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. Sinabi ninyo nga po na you are not ready to decide yet. But how do you assure the public that as you, officials, pursue your own political ambitions eh hindi po maaapektuhan iyong COVID response?

SEC. ROQUE: Well, that’s an individual decision for the Cabinet members. Ako po nagdesisyon: Bumalik ako for a reason, tatapusin ko po iyong aking dahilan.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right. Maraming salamat, Sir.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pia. Okay, balik tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, pahabol lang na tanong ni Tex Jimenez ng GMA News: Ang NCR po ba, Alert Level 4 na or pag-uusapan pa?

SEC. ROQUE: Pinagdidebatehan po nang matindi. Kasi kapag nag-Alert Level 4 ang Metro Manila wala na namang dine-in, wala na namang personal services at ang kuwestiyon nga is napakatagal na kasi na walang restaurant industry. Pinagdidebatehan pa, Tex, at iyan po ang dahilan kung bakit pinagpaliban implementasyon.

USEC. IGNACIO: From Jam Punzalan ng ABS-CBN Online: The Metro Manila Council urges the IATF to consider easing COVID guidelines for fully vaccinated individuals in NCR. Will the IATF heed this?

SEC. ROQUE: Isa pa nga po iyang pinagdidebatehan. Sinabi naman ni Usec. Densing na ang posisyon ng Department of Justice hindi pa pupuwedeng mapatupad iyan dahil discriminatory ‘no. I have my personal position, pero as a Spokesperson, huwag na nating tanungin kung ano iyong personal opinion ko ‘no. Pero nagkakaisa ang IATF, kinakailangan maibsan ang paghihirap ng lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Second po niyang tanong, about ex-General Parlade sa NSC: Were there no other candidates for the post?

SEC. ROQUE: Already answered. Executive prerogative po ang appointment.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question na po, ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano po ang reason why the IATF decided to recede its resolution allowing PhilHealth to implement its debit-credit payment method for paying hospitals? Hindi po ba ito nag-slowdown sa payment sa mga hospitals in high-risk areas?

SEC. ROQUE: We leave it to be a business decision of the PhilHealth po. Okay?

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Oo, wala na pong katanungan. Maraming salamat po kay Usec. Densing. Maraming salamat Usec. Rocky at maraming salamat sa lahat ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Alam ninyo mga kababayan, napakahirap po talaga ng mga panahon ngayon – napakadaming namamatay, napakadaming naghihirap. Ang ninanais po natin nga eh itaguyod iyong kalusugan sa kaniyang totality ‘no, hindi lang iyong pag-iwas po sa COVID kung hindi iyong pagbawas din sa kagutuman.

Napakahirap ng mga desisyon na ito pero habang itong mga bagay-bagay na ito ay dinidebatihan sa IATF, kilalanin naman natin na lahat tayo walang gusto na nangyari ang pandemya. Walang gusto na patuloy na namamatay ang ating mga kababayan at ito naman po ay dilemma at problema hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi ng buong mundo.

Welcome po ang mga constructive criticisms, pero isipin din po natin na mayroon ding ibang pananaw ang iba’t ibang mga kababayan natin. At kapit-bisig lang tayo, bayanihan. Tayo naman po, we will all heal as one.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center