Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas!

Humarap po si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan para sa kaniyang regular Talk to the People Address. ipinaliwanag ng Pangulo ang nangyaring procurement noong mga unang buwan ng pandemya and I quote: “When the pandemic started we had nothing. We had no face mask, personal protective equipment, and testing kits. Nothing! And the same people criticizing today are the same people telling us last year that we were too slow and we’re not prepared.”

Sabi pa ni Presidente: “In order to quickly address the lack of supplies, the entire government worked together to find a way to procure all these supplies even when all countries in the world were doing the same. The emergency procurement process needed to be resorted to get what we needed quickly because people were dying.”

Ganoon po iyon, it was for the protection of the people. Dagdag pa ng Pangulo and I quote: “The IATF and the NTF proposed that other agencies assist the DOH in the procurement. Iyon nga – OCD, and DBM Procurement Service. Bakit? Hindi nga nila kaya lahat; hindi nila kaya ang bumili ng mask pati itong equipment sila pa ang maghahanap para rito. Wala silang manpower. They would need other need other departments and other agencies, organs of government to really function. Kung sabihin mo ikaw lang ang departamento, you are not an island by yourself.”

Binigyan-diin ni Presidente and I quote: “The process of emergency procurement is consistent with our existing law as such as RA 9184 and other relevant procurement policy, and other support of RA 11468 or Bayanihan to Heal as One Act.”

Ano bang nakasaad sa RA 11468 or Bayanihan 1? Basahin natin ang Section 4 on Authorized Powers. Binigyan ng power ang Presidente to undertake the procurement of the following as the need arises in the most expeditious manner as exemptions from RA 9184 or the Government Procurement Act – goods which may include personal protective equipment such as gloves, gowns, masks, goggles, face shields, surgical equipment; supplies, laboratory equipment and its reagents, medical equipment and devices; etc.

Ano naman ba ho iyong nakasulat doon sa RA 9184? Well, ang nakasulat po doon na pupuwedeng magkaroon ng emergency negotiated procurement. So, kailan po iyong emergency cases? In case of imminent danger to life or property during a state of calamity or when there is the essence arising from natural or man-made calamities.

Kaya nga po tayo nagdeklara ng state of calamity because of the pandemic at kapag mayroon pong emergency, pupuwedeng magkaroon ng negotiated procurement. Procurement of goods, infrastructure projects and consulting services whereby the procuring entity directly negotiates a contract and with technically legal and financially capable suppliers.

Pero bagama’t mayroon nga po niyan eh nag-proceed pa rin po tayo na humingi tayo ng mga quotes para sa mga pinakamurang PPEs at ang nakita nga po ng PS-DBM noon ay mga 1,700 ang PPE. Overpriced ba raw po ito? Hindi po! Kasi noong mga panahon na iyon biglaan ngang lahat ng bansa ay naghahanap ng PPEs. Sa katunayan, pruweba na hindi po ito overpriced, magkano ba ang binili—magkanong PPEs—magkano iyong presyo ng PPEs na binili ng Aquino Administration?

Ipapakita po namin. Dokumento po ito! P1,700 sabi nila overpriced! Eh ang binili ng Administrasyon ni Presidente Aquino, P3,500! Kailan? September 28, 2015. Matter of days bago bumaba sa puwesto ang Aquino administration magkano ang binili na PPE? P3,800 – June 23, 2016, ilang araw bago bumaba sa puwesto! Pitong araw bago bumaba sa puwesto!

Alam ninyo po, sabi nila, kapag ikaw nagduro, apat na daliri ang nakaturo sa inyo. Ganiyan po ang nangyari doon sa di-umano overpriced PPE.

Senator Drilon, please explain, bakit ang mga kakampi mo doble ang halaga ng binili para sa mga PPEs sa panahon na wala pa pong pandemya. Mayroon po talagang kumita, hindi po sa administrasyon na ito.

Punta naman tayo sa balitang IATF. Inaprubahan ni Presidente ang extension ng travel restriction po sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia, at Indonesia. Mula ngayong araw, September 1 hanggang September 5, 2021.

Sa usaping bakuna naman po: Nasa 33,706,295 na po ang total na vaccines administered. Ito po ay sang-ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard as of August 31, 2021. Nasa 19,747,877 ang mga nakatanggap ng first dose, at 13,958,418 ang fully vaccinated. Halos 14 million na po.

Habang dumarami ang nababakunahan, tuloy-tuloy naman po ang dating ng mga supply ng ating mga bakuna. inaasahan natin ang pagdating ng 703,170 doses ng Pfizer. Dumating naman kagabi, August 31, ang 15,000 doses ng Sputnik V component 2; at tatlong milyong doses ng Sinovac. Ang tatlong milyong Sinovac vaccines ay ide-deploy natin sa Region IV-A; Region III; at iba pang mga lugar na nakakaranas ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Para sa buwan ng Setyembre, ito ang inaasahan natin na darating: Sinovac – 12 million; Pfizer – 5 million; Moderna – 2 million; AstraZeneca – 1 million; Sputnik – 1 million; Donation – 1 million; at galing po sa COVAX Facility – 3 million or 25 million doses ang inaasahan po sa buwan ng Setyembre.

Halina po’t magpabakuna! Libre po ang pagbabakuna! Ayon sa DOH, 80% o walo sa sampung mga pasyenteng may COVID na nasa ospital sa Metro Manila ay walang bakuna o hindi kumpleto ang bakuna. isa lang ang ibig sabihin nito, importante ang bakuna para sa proteksiyon laban sa COVID-19. Tandaan natin na kahit tayo ay fully vaccinated, maaari pa rin tayong magka-COVID-19 at makapanghawa kaya dapat pa rin ang MASK, HUGAS, IWAS, at BAKUNA.

Update naman po tayo sa COVID-19: Nasa 13,827 na po ang mga bagong kaso ayon sa August 31, 2021 datos ng DOH. Mataas pa rin po ang recovery rate na nasa 91%. Mayroon po tayong 1,810,847 na ang mga gumaling. Samantala, malungkot po naming ibinabalita na nasa 33,448 na po ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.68% po ang ating fatality rate.

Tingnan naman po natin ang kalagayan ng ating mga ospital. Mabuti na lang po marami nang nabakunahan sa Metro Manila. Ito po siguro ang dahilan kung bakit sa Metro Manila: 71% pa rin po, hindi nagbabago, iyong okupadong ICU beds; 66% po ang okupadong isolation beds; 74% ang okupadong ward beds; 64% po ang ginagamit na ventilators.

Sa buong Pilipinas, mas mataas po ang utilization ng: ICU beds, nasa 73%; 65% po ang ginagamit na isolation beds; 71% ang ginagamit na ward beds; at 54% ang ginagamit na ventilators.

Sa ibang mga bagay, sa mga nagtatanong tungkol sa voter’s registration sa mga lugar na nasa ECQ and MECQ, uulitin po namin, hindi po sa amin ito. Ang request po ay dapat manggaling sa Comelec.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon, NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez; NTF Deputy Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon; at kasama rin po natin ang ating Infectious Disease Specialist na si Dr. Edsel Salvaña; at DBM OIC Undersecretary Tina Canda.

Simulan ko na po muna kay Secretary Vince. Secretary Vince, the million dollar question: Bakit ba kinailangan na ang NTF ay humingi ng saklolo sa PS-DBM para mamili ng mga kinakailangan natin na gaya ng mga PPEs, Secretary Vince?

SEC. DIZON: Maraming salamat, Spox. Magandang hapon po sa ating mga tagapanood. Unang-una po, siguro, Spox, kung mamarapatin mo, dapat balikan po natin iyong sitwasyon noong Pebrero at Marso noong 2020. Alam ninyo po noong Pebrero, alalang-alala ko pa po dahil ang unang-unang naging malaking problema at hamon po ng ating gobyerno ay kung papaano po natin iri-repatriate iyong mga Pilipino po na manggagaling ng Wuhan at China noong unang sumabog ang COVID-19 sa China at iyong daang Pilipino na na-trap doon sa Diamond Princess Cruise line na nasa Japan na nahawa ng COVID-19.

Alam ninyo po noong panahong iyon, Spox, maalala natin wala tayong isolation facility, wala tayong paglalagyan sa kanila; wala po tayong PPEs, wala po tayong capability of testing. Alam ninyo po naalala ko pa po noong panahon na iyon, para lang po mag-test tayo ng COVID-19, pinapadala pa po natin ang ating mga specimen all the way sa Australia kasi po hindi kakayanin ng RITM ang dami ng mga kailangang i-test. At iyong New Clark City po ay ginamit pa dahil wala po talagang mapaglagyan noong ating mga kababayan na galing Wuhan, galing Diamond Princess ay dinala po sa New Clark City dahil wala pong gustong tumanggap sa kanila, wala pong gustong mag-ano dahil lahat po ay takot at hindi ho natin alam kung anong mangyayari sa atin dito sa napakabigat na hamon na hinaharap natin.

Alam ninyo, Spox, madaling makalimutan iyong mga panahon na iyon pero alalang-alala pa po namin nila Secretary Galvez, nila Secretary Duque, nila Secretary Lorenzana iyon dahil po ang marching orders po ng ating mahal na Pangulo is kailangan bilisan po ang response. Kailangan pong bilisan dahil ang mga kababayan po natin ay nagkakasakit at namamatay dahil hindi na po tayo puwedeng maghintay at hirap na hirap po tayo. Kaya po ang marching order ng ating Pangulo noon ay whole-of-government approach, kailangan po magtulung-tulong ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan para bilisan ang pagbili ng mga mask, PPEs, testing kits, pagpapagawa ng mga isolation facilities at lahat po ng kinakailangan para sa pandemic response.

Kaya po iyon po ang naging desisyon ng NTF, na lahat po ng ahensiya na puwedeng makatulong tulad ng OCD, tulad ng PS-DBM ay kailangan tumulong na at tulungan ang ating DOH dahil hirap na hirap na po ang ating DOH noon. Naalala ko pa po ‘no, lumapit po si Sec. Duque sa amin para po humingi ng tulong para i-house iyong mga darating galing Wuhan, iyong mga darating galing Diamond Princess ‘no, hindi po makahanap ng lugar para sa kanila. Ang mga ospital po natin at iyong weeks later, halos po puno na dahil nagkaroon na ng local transmission ng COVID-19.

Naalala ko pa po iyong mga dami ng mga namamatay – sa East Avenue Medical Center ‘no, kinailangan po nating kumuha ng mga reefer vans, magrenta ng mga reefer vans ‘no na kailangan para tulungan ang ating mga ospital ‘no. And siguro po si Secretary Galvez can talk more about it pero iyong atin pong mga ospital kung maalala po natin, wala pong makuhang mga PPEs noon. So iyon po ‘no, Spox, kailangan po talaga maalala natin at mabalikan natin iyong dinaanan nating napakahirap na panahon noong February/March noong 2020 ‘no. At ang marching order po, uulitin ko, ng ating Pangulo – whole-of-government approach – magtulung-tulong po ang lahat. Pati po ang private sector tinap (tap) po natin para po mabilis na mabili at ma-source itong mga much needed na supplies at equipment na kinakailangan natin sa pandemic response.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Vince. Secretary Galvez, bilang Chief Implementer po ‘no, puwede ninyo ba hong susugan iyong mga nabanggit ni Secretary Vince Dizon ‘no? Gaano pong kahalaga na ang PS-DBM po ay natalaga para mag-bid out ng mga pangangailangan laban sa COVID-19?

SEC. GALVEZ: Unang-una sa lahat, nakikiramay po ako sa pamilya po ni Mr. Carmelo ‘Melo’ Acuña na na-miss nga natin siya. Kasi, Spox, kapag nagkakaroon tayo ng Zoom, kasama siya dito sa ating Zoom. At kami po ay nakikiramay kay Sir Melo Acuña and we missed you.

Iyong sa context po ng ano, tama nga po iyong sinabi ninyo po, Sir Spox at saka Sec. Vince na dapat makita po natin ang context. Noong araw po na iyon na tinalaga po ako na Chief Implementer ay isa po sa binigay po sa atin ng Presidente is humanap tayo ng PPE. So iyong whole-of-nation approach, sinama po namin ang mga private sector, sinama po namin ang lahat ng mga ospital and then talagang in-evaluate po namin. Ako mismo po, akong gumawa ng tinatawag naming logistic evaluation ng DOH at nakita namin noong magkaroon kami ng tinatawag na logistics assessment noong sa capability ng DOH, nakita namin talagang kailangang tulungan ang DOH.

Kasi noong pumunta nga po kami kay Usec. Tong-an doon mismo sa DOH, takot na takot nga kaming pumunta sa DOH kasi almost half of the DOH family has been infected, [during] those times. And then tiningnan din po namin ang RITM, iyong capability nila to procure at saka iyong logistics na system, ng cluster ng DOH, nakita namin talaga na kulang. So humingi kami ng tulong kay Secretary Lorenzana na kung puwede iyong warehouse ng DOH mailagay doon sa OCD at matulungan din po ng OCD at ng PS-DBM ang pag-procure kasi iyong procurement po ng DOH is limited lang sa mga pangangailangan noon sa araw-araw. Ito iyong nakita namin na napaka[garbled] eh.

Actually, Spox, tumulong pa nga si Senator Pia Cayetano sa amin kasi siya, mayroon siyang expert about iyong sa PPE, kinompute nila iyong buong ospital ng buong Pilipinas. Noong una ang aming estimate is only 3 million. Sabi ni Ma’am Pia, “Charlie, you have to look at the possibility na 16 million.” Kasi mayroon siyang computation per day na consumption and we saw the merit na prinesent (presented) ni Senator Pia, we really thanked her, kasi naging perspective namin, naging malawak iyong perspective namin. Kaya lumaki iyong requirement ng PPE, na iyong PPE namin requirement previously is only 3 million, lumaki iyon ng 16 million kasi iyong mga PPE po ng mga private sector, ng mga private hospitals ay kailangan din namin i-cater kasi wala rin po talaga silang mabili.

Spox, tama po kayo na iyong price po na P1,700 napakababa po noon dahil kasi iyong mga private hospitals saka mga public hospitals gusto po sumama sa amin na mag-bidding doon sa PS-DBM dahil kasi nakita nila, sabi nila napakataas noong ano namin. Iyong ibang mga ospital, kinukuha nila P2,500. So noong panahon na iyon sabi nga namin huwag na kayong mag-alala kasi mayroon na kaming bibilhin so kami na ang bibili ng lahat ng mga gamit ninyo [PPE] kasi iyon naman po ang utos ng ating mahal na Presidente na bigyan ang lahat ng mga ospital ng PPE.

So I can assure you, iyong PPE talaga na iyon, iyong ginamit natin – iyon ay ginamit natin, binigay namin sa PGH. Tuwang-tuwa ang mga taga-PGH, Spox, kasi first time nila na makasuot ng ganoon na mayroong heat shield at talaga pong protected sila. Noong magamit po ng mga hospital po iyong PPE po na iyon na coming from China ay talaga pong natuwa po sila dahil kasi lumiit po ang kanilang casualty ratio. And at the same time humingi po kami ng tulong sa mga diplomatic corps noong time na iyon na kung saan po talaga makakuha tayo. Talagang makakakuha lang po tayo doon sa China kasi iyong China po ang nagbigay sa atin ng isang airplane na PPE at nakita namin ang quality maganda. At nagpatulong po kami kay Ambassador Huang Xilian para ma-connect po doon sa kanilang mga sources.

Iyon po ang totoo na talagang panahon na iyon kung kukuha tayo ng 3 million na PPE in a specific time period na only 1 week kailangan nandiyan na, iyon lang talagang supplier na iyon ang nag-qualify. At nakita namin, Spox, talaga na iyong price talaga is very decent ang price kasi 8 sets po iyon, talagang medical grade at iyon po ay talagang nakakatulong para at least hindi po ma-infect ang ating—security ng ating mga healthcare workers. Iyon lang po, Spox.

SEC. ROQUE: Salamat, Secretary Galvez. Puntahan naman po natin si Undersecretary Canda. Ma’am, kakaiba ba ho talaga ito na iyong ibang mga departamento ay binibigay sa PS-DBM ang pagbi-bid ng mga bagay-bagay na kinakailangan, una; at pangalawa ano ba ho talaga iyong mga binibili ng PS-DBM para sa iba’t ibang mga departamento?

DBM USEC. CANDA: Ang PS-DBM, ito ang kumbaga expertise ‘no, kaya noong panahon na iyon na naghahanap ang DOH, kasi ang dami nilang inaasikaso during the pandemic, itrinansfer nila iyong pondo sa PS dahil ang PS ang may kakayahan na i-bid out itong mga items na ito.

So, ano DOH lang ba ito? Hindi! Ang rationale kasi ng PS eh iyong mga common used supplies and equipment diyan talaga binibili ng mga ahensiya. So, ang tagabili in bulk ng mga ganitong items – hindi lang PPE, pati iyang mga papel, pati iyong mga gunting, scotch tape – iyong mga ganiyan talagang Procurement Service ang bumibili para sa buong gobyerno. Kasi kung bulk purchase nakakatipid ang gobyerno sa presyo, hindi iba-iba ang presyo from agency to the next.

So talagang naglilipat ng pondo ang mga ahensiya para bumili ng mga items at mayroon ding tindahan kumbaga ang PS para doon sa mga common use na kung gusto nilang bumili ng mga ganiyan – papel, mga ballpen, mga small items na ganiyan – eh doon lang sila pupunta sa PS. Matagal na pong nabubuhay ang PS, kung hindi ako nagkakamali, panahon pa po ni President Marcos noong na-create po ang Procurement Service.

SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat Usec. Canda; and finally si DR. SALVAÑA: Kayo ba ho ay nagugulat sa mga matataas na numero na nakikita ngayon na kaso ng COVID-19, Dr. Salvaña?

DR. SALVAÑA: Yes, magandang hapon, Spox. Magandang hapon sa lahat. Actually, iyong numbers na po ito, iyong expected naman natin na tataas talaga ito. Because we know that iyong R Naught nga ng Delta variant is 5 to 8, which makes it two to three times more contagious than the original virus.

So kaya po talaga tayo nag-lockdown ng maaga, noong August is because we expected na tatama talaga itong tinatawag nga natin na tsunami of cases and our healthcare system what’s bound to be overwhelmed unless magawa natin iyong pagbabakuna nang malawakan. Dahil iyong pagbabakuna po, we can bring down iyong need for hospitalization by 90%. And so even if the number of cases is very high, the number of people who will need hospitalization is much lower and so hindi mau-overwhelm iyong ating healthcare system.

Katunayan if we look at the FASSSTER projection, the most conservative FASSSTER projection na six-weeks na ECQ predicted about 66,000 active cases in NCR by August 31. Where are we right now? We are at about 40, 41,000 active cases. So, even though hindi natin itinuloy iyong ECQ, we are still below the active cases na predicted ng FASSSTER for August 31 and that is I think minor miracle, because iyon nga nagsarado tayo ng maaga, 54% lang iyong health care utilization natin at that time and at the time iyong pagbabakuna po talaga pinaigting ng todo-todo.

And one other thing that supports this, is that the proportion of severe plus critical which was two weeks ago at 2.8% is now down to 1.7%. And alam naman na ang Delta dapat mas nakakahawa, mas nakaka-cause ng serious illness. The fact na bumaba pa iyong proportion ng severe and critical, the only reason for that is the widespread vaccination campaign lalung-lalo na doon sa Metro Manila. So, even though nakakabahala talaga, madami iyong cases, like nag-peak tayo ng 22,000 – hopefully peak na iyon – but you know, it can’t stay higher for a few more days. Ang nakikita naman natin sa trends are magpi-peak nga first, second week of September.

But based on the FASSSTER projections na kung ECQ na 6 weeks, August 31, dapat 66,000 active cases in NCR, and right now we are about 41,000. We are doing something right naman. And so, we just have to stay the course and also we try really to live with this virus and of course iyong ginagawa po talaga lalung-lalo na sa NTF sa NVOC [National Vaccine Operations Center] and sa MMDA iyong tuluy-tuloy na pag-vaccinate po natin and this is the only way the health care system natin will survive. Thank you po, Spox.

SEC. ROQUE: Siguro bago pa tayo magpatuloy, ipakita natin uli iyong FASSSTER projection. Nasa screen na po ninyo ngayon ang magnified FASSSTER projection, pakilagay po sa screen. Iyan makikita po ninyo, ang projection ay it is in between 25,000 ang 37,500 active cases. May arrow po ano, iyan po iyong ating, we hope to achieve through two weeks of ECQ and two weeks of MECQ plus kasama pa iyong one week na GCQ with additional restrictions. Hindi po siya dapat tataas ng 37,500 at hindi naman natin sinasabi na hindi po siya bababa ng 25,000. So again, we are consistent.

Now, kung hindi po tayo nagsarado, makikita po ninyo doon, September 9, ilan ang dapat iyong kaso natin, we would have hit around 125,000 active cases by September 5, kung hindi po tayo nagsarado ng ECQ, kasi iyon po iyong arrow, kapag hindi tayo nagsarado at kung makikita po ninyo iyong entirety of the past projection. Ipakita natin iyong up to September 30, makikita po ninyo, kung hindi tayo nagsarado, there is a possibility na hanggang 525,000 ang ating active cases be end of September.

So makikita po ninyo, we are on track, nakakabahala po talaga, kasi mahigit 20,000 ang mga active cases at saka mga daily cases, mga 18,000 ‘no; pero iyan naman po ay within the projection of FASSSTER. Now, ang kapalit po niyan, kung hindi tayo nagsara, eh talaga pong sandamukal na dapat ang nagkasakit ngCOVID-19. At ang mabuting balita nga po, gaya ng sinabi ni Dr. Salvaña. Dahil naman po sa 45% vaccination sa Manila, hindi pa po tayo nauubusan ng mga ICU beds sa Metro Manila at sa buong Pilipinas. Sana po manatiling ganiyan.

Okay. Punta na po tayo sa ating open forum, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque.

First question mula po kay Red Mendoza ng Manila Times para po kay Secretary Vince Dizon: Sa pag-implement nang napakaraming apps for QR tracing tulad ng StaySafe, LGU QR code, S-Pass, Vax Cert at iba pa, bakit hindi na lang po pag-isahin sa isang platform? Bakit kailangan pa na hiwa-hiwalay na apps pa ang gamitin ng tao para hindi maging hassle sa taumbayan at may issue din ba ang integration nito sa national at lokal na gobyerno?

SEC. DIZON: Ito po ang pinipilit na gawin ngayon ng ating DICT ‘no. In fact sa mga susunod na araw iyong ating vaccination certificate ay ipa-pilot test natin sa National Capital Region. Pero ito talaga ang objective ‘no, pero hintayin siguro natin ang DICT na magpakita sa atin noong kanilang mga ginagawa sa mga susunod na araw, susunod na linggo.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Dizon. For Secretary Galvez: Sinagot na po ni Dr. Leachon ang inyong statement sa hearing noong Biyernes. Ang sambit niya ay dapat [garbled] mahalaga pa rin daw ang [garbled] ng bakuna na mataas ang efficacy at sinasabi rin niya na pagod na rin daw ang tao sa sinasabing posturing ng gobyerno. Ano po ang masasabi ninyo sa bagong patutsada niya na ito?

SEC. GALVEZ: Hindi ko po alam kung saan nagsisimula po si Dr. Leachon kasi unang-una hindi po siya expert sa usaping bakuna. At nakikita po natin iyong kaniyang ano, ang kaniyang mga data is skewed at saka malicious. Ang talagang ano po ng Vaccine Expert Panel ay lahat po ng bakuna is very effective. At nakikita po natin si—puwede pong susugan po ‘yan ni ano, mamaya ni Dr. Salvaña na talagang lahat po ng ano, based doon sa mga report ng ating mga ospital at saka iyong mga current real world study natin na talagang lahat po ng vaccine na nabili po natin is very effective.

Unang-una, dapat malaman ninyo rin po na si Dr. Leachon ay dating NTF Adviser. Iyong word na ‘posturing’ I believe sa kaniya iyon eh kasi talagang nagpu-posture siya para mag-secretary siya ng DOH. Kasi noong nasa NTF siya, lagi niyang sinisiraan si Sec. [garbled] at saka po anong ginagawa ng DOH. Noong malaman ko na ‘yung posturing niya pala noon na gusto niyang mag-secretary ng DOH, talagang tinanggal namin siya. Iyon ang ano namin kaya dapat iyong mga tao tingnan natin po kung saan nanggagaling ang context ng kaniyang pagsasabi na nagpu-posturing ang government.

Palagay ko ho baka sa kaniya po, siya po ang nagpu-posturing kasi nakita ko po iyong ano po ni Leachon, nakasama ko siya nang almost 3 months, nakita ko talaga iyong kaniyang mga sinasabi minsan [garbled] na hindi namin na ano. Kaya sinasabi ko nga po noong dati [garbled] siya eh [garbled] na may sariling mundo kaya po tinanggal namin siya sa NTF po. So maybe iyong usapin po ng tinatawag nating efficacy, si Dr. Salvaña po ang makapagsabi niyan; siya po ang expert.

SEC. DIZON: Spox, puwede akong magdagdag?

SEC. ROQUE: Yes, please. Go ahead.

SEC. DIZON: Una ho, maikli lang po ito ‘no. Gusto ko lang pong susugan iyong sinasabi ni Sec. Charlie ‘no. Unang-una po, hindi po posturing ang 33.7 million doses administered – iyan po ay katotohanan – 33.7 million, 13.7 million doses sa loob lamang ng buwan ng Agosto ang na-administer po ng pamahalaan sa tulong ng ating mga local government units at ng private sector. Hindi po posturing ang halos 14 million Filipinos na fully vaccinated – ‘yan po ay factual, ‘yan po ay totoo.

So hindi ko po alam [garbled] gaya noong sinabi ni Secretary Galvez, kung ano ang sinasabi ni Dr. Leachon na posturing. Wala pong posturing diyan, ‘yan lang po ay numero, katotohanan, ‘yan na po ang ating dami ng nabakuna.

Ngayon po doon po sa sinasabi niya na mas maganda po na iyong mga vaccine na mas mataas ang efficacy. Ang paulit-ulit pong sinasabi ng ating mga [garbled] ang best vaccine ay ang vaccine na available. Ang best vaccine ay ang vaccine na nakaturok na sa ating mga braso.

Ngayon po kung assuming po si Secretary Galvez ay hindi po umorder noong iba’t ibang mga bakuna sa ating current portfolio tulad ng Sinovac at iba pang mga bakuna, tingin ninyo po ba aabot po tayo nang 33.7 million doses administered? Tingin ninyo po ba aabot po tayo ng 14 million fully vaccinated Filipinos ngayon given na iyong supply ng mga western vaccines ay napakahirap makuha? Iyon po ang tanong natin kay Dr. Leachon. Kung siya po siguro ang nagdesisyon baka po ang nabakunahan natin ay one-fourth pa lang noong mga numero natin ngayon. Ano po ang mas maganda at ano po ang mas masama? Iyon po ang tanong natin sa kaniya. Wala pong posturing diyan, Spox. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: At siguro idadagdag na rin ‘no, Usec. Rocky, na kahit ano muna po ang itinurok, nagpapakita po lahat po ‘yan ay nagsasalba ng buhay dahil lahat po sila ay talagang nagpi-prevent nang seryosong kaso ng COVID at siyempre po nagpi-prevent nang pagkamatay – kahit ano pa pong bakuna ‘yan.

DR. SALVAÑA: Spox, puwedeng dagdagan ko lang iyong latest efficacy data lalung-lalo na po sa Sinovac?

SEC. ROQUE: Go ahead, Dr. Salvaña, dahil kayo po ang tunay na expert.

DR. SALVAÑA: Yes, po. So actually iyong sinasabi nila na walang datos para sa Delta, ito na, may lumabas na pong datos galing sa China noong nagkaroon po sila ng outbreak doon sa China ng Delta na na-trace naman nila lahat.

Ang latest data is 77% efficacious ang Sinovac against pneumonia and it’s 100% effective against severe illness. 100% po ang fully vaccinated ng Sinovac, wala pong kinakailangan i-ospital na iyong severe po talaga iyong ano—na kailangan bigyan ng oxygen. Nagkaroon po ng pneumonia, ang efficacy po niya ay 77.7% pero iyong severe illness talaga 100% effective po sa kanila. Wala pong nagkaroon nang severe pneumonia na nahawa ng Delta na nagkaroon ng full vaccination ng Sinovac po. So it’s a very effective vaccine against Delta.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Edsel, tanong pa rin po naman sa inyo ni Red Mendoza: Nagsabi daw po si Dr. Gene Solante sa isang interview about possible waning immunity sa bakuna that is why he was personally suggesting to consider the use daw po ng boosters for healthcare workers and vulnerable individuals. Dapat bang matakot ang mga tao sa possible breakthrough infection ng COVID lalo na iyong mga vulnerable na individual?

DR. SALVAÑA: Yes, Usec. Rocky. So actually active naman iyong discussion tungkol dito sa boosters and ang nakikita natin sa boosters, ang nagwi-wane talaga iyong protection against clinical disease – ibig sabihin magkakasipon ka, magkakalagnat and iyong transmission – dahil iyon po ‘yung related sa antibodies. Pero iyong related po sa [unclear] na nagpu-protect sa atin from severe disease, tuluy-tuloy po iyon, hindi po kailangan iyon ng booster.

Now iyong mga healthcare workers na puwedeng makahawa ng iba and we want to try to get, you know, preserve as many of our healthcare workers as possible, puwede pong pag-aralan iyon kung mapapatunayan na iyong boosters talaga ay significant iyong nadadagdag na protection. Kasi sa ngayon, ang problema is itong vaccines natin are designed against the old virus, iyong kinaunahang virus pa. Eh puro variant ‘tong tinitingnan natin ngayon.

Now iyong antibodies, they don’t work very well so kahit i-boost mo siya, mataas na level pero it’s not very good. Ang nangyayari ngayon is itong mga Moderna, Pfizer, different vaccines, Astra… gumagawa po sila ng tweak na vaccine – ibig sabihin specifically designed for this new variant. So in other words, iyon talaga ang mas likely na makapagdagdag ng protection in terms of transmission and clinical disease – and these are already in clinical trial.

Now kung hindi natin mahintay iyon at kailangan talagang i-boost, hintayin po natin iyong datos at kailangan din baguhin iyong EUA. Pero alam kasi natin iyong pinakamagandang effect ngayon ng vaccines natin is to protect people from severe disease – and the more people are protected, the better. So pag-aralan po natin iyon but alam natin po the more people that we vaccinate now, the less burden it will be on our hospitals.

USEC. IGNACIO: Thank you Dr. Edsel, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Usec. Punta tayo kay Mela Lesmoras, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon Secretary Roque at sa ating mga panauhin. Secretary Roque, una ko pong tanong. Follow up lang doon sa inyong opening statement na sinegundahan ng ating mga kalihim. Sa ngayon po, Secretary Roque, once and for all ano po iyong assurance natin sa publiko pagdating sa mga government procurement at paano kaya matatapos itong sagutan nga ng Malacañang at ng mga senador? Sa tingin ninyo po ba kailangang humarap pa si Pangulong Duterte sa Senate inquiry para matuldukan na itong isyung ito?

SEC. ROQUE: Matatapos lang po iyan sa eleksiyon. Desperado po ang oposisyon ‘no. Gumagawa ng isyu laban sa administrasyon, maski hindi naman po magre-reelection ang ating Presidente. Pero siguro ginagawa nila ito para hindi ma-otso-diretso ang kanilang mga senador ngayong taon na ito. Pero malinaw po iyan kung ang administrasyon na kakampi ni Senator Drilon, Senator Hontiveros ay bumili ng PPE na wala pang pandemya at 3,500 per set, bakit mo pupulaan ang administrasyong Duterte na sa panahon ng pandemya ay bumili ng kaparehong PPE na P1,700. Kung hindi po pulitika ang dahilan, bakit sila gagawa ng ingay sa P1,700 kung ikukumpara sa P3,500. Huwag po tayong magpadala sa mga pulitikong maagang namumulitika.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. And for you, Secretary Roque and Secretary Galvez can also answer. Kasi ngayon alam naman natin ‘ber’ months na. Sa Malacañang IATF at sa NTF side, paano po kaya natin mapapaigting iyong ating COVID-19 response para matiyak iyong ating pagkamit ng better Christmas?

SEC. ROQUE: Well, talagang ang istratehiya po natin diyan ay mas papaigtingin natin iyong PDITR. Kinakailangan po talaga mabawasan iyong panahon na matapos madiskubre na mayroong COVID ang isang tao ay dapat siya ay ma-isolate kaagad. At iyan po talaga ay dapat paigtingin. Kinakailangan paigtingin din natin iyong ating contact tracing, pataasin natin iyong mga numero na pinagsasabihan natin na dapat silang mag-quarantine at siyempre po, dapat mapabilis pa ang pagbabakuna. Bagama’t nakikita naman ninyo na talagang medyo mataas na po ngayon ang supply ng ating mga bakuna at ngayong nasa 45% na nga po ang bakuna sa Metro Manila ay ibubuhos na po natin iyong ating mga dumarating na bakuna sa mga karatig-lugar nang magkaroon po tayo ng population protection sa Metro Manila plus ‘no, at eventually sa buong bansa. Ewan ko po kung mayroon pang idadagdag sila, Sec. Galvez.

SEC. GALVEZ: Iyon nga po, tama po iyong sinabi ni Spox na talagang paigtingin natin iyong vaccination sa ngayon. Talagang kami po ni Sec. Vince ay talagang tinututukan na po natin ang mga regions para tumaas po ang ating vaccination these coming days. And we are negotiating gracefully na para mapataas iyong level ng ating mga deliveries at kami po ay mayroon po kaming mga negotiations na gagawin sa Pfizer, Moderna para ma-accelerate po iyong mga deliveries po natin. At least makuha po natin iyong another 114 million by end of the third quarter and fourth quarter.

MELA LESMORAS/PTV: Opo and for my final question, Secretary Roque. Kay DBM OIC Canda can also add about this po. Patanong lang ni Karen Villanda of PTV: Nagsagawa po ng protesta ang mga healthcare workers ngayong araw para ipanawagan ang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III. Ganoon din ang pagtanggap pa rin nila ng mga benepisyo pa na kailangan nilang matanggap. Ano po ang reaksiyon dito ng Palasyo and just to be clear, puwede po bang maipaliwanag pa rin ng DBM iyong about dito sa benefits for healthcare workers?

SEC. ROQUE: Well, karapatan po ng lahat ng mamamayan na iparating ang kanilang damdamin ‘no. At siyempre po iyan ay protektado ng Saligang Batas. Pero iyong ating tinatawag na special risk allowance, iyan po ay nai-release na, nagkaroon po ng kaunting delay, dahil nga po sa pagsusumite ng mga pangalan sa hanay ng mga pribadong hospital. Kasi iyong special risk allowance ay ibinigay po ng Kongreso sa lahat ng health workers, hindi lang po sa pang-gobyernong mga health workers. Iyong iba pang mga benepisyo naman po na nakasaad sa batas, lahat po iyan ay ibibigay, pero ang isyu po ay kung saan natin kukunin, kung kukulangin ang pondo. Pero sa SRA po, tapos na po iyan.

Perhaps. USec. Canda can add. Iyong ibang mga benefits po na hinihingi nilang mai-release kagaya noong mga meal allowances? If you have any information on this, Usec. Canda.

DBM USEC. CANDA: Yes, Spox. Ang meal allowance kasi at saka transportation ‘no, meal, accommodation and transportation supposed to be charged iyan against DOH budget. Iyan ang malinaw doon sa nakasaad approval galing sa Office of the President. Kaya lang, sa sobrang laki at dami ng claims ano, ang sabi namin sa DOH, nakipag-usap si Secretary Duque na puwede bang release-san iyan? Sabi namin, Sir ipapa-clear po namin iyan. Pero in the meantime, hina-highlight din namin sa DOH, saan nila puwedeng kuhanin iyon in the meantime.

Ang requirement kasi for this purpose is something like P13 billion, so medyo mahirap na i-accommodate iyan sa loob ng budget ng DOH. So iyon ang amin. Pero tama si Spox na iyong SRA, so far ay naibigay na at nai-distribute na sa mga ospital iyong actual grant na lang siguro doon sa mga taong entitled dito sa allowance na ito, iyon iyong hindi pa nagagawa.

MELA LESMORAS/PTV: Okay, maraming salamat po, Secretary Roque at sa ating mga guest.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Punta tayo uli kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Tanong ni Jam Punzalan ng ABS-CBN Online: You earlier said the Philippines is on track as long as the daily tally of new COVID cases stays below 20,000. We logged 22,366 cases on Monday. Does the Palace find this worrying? What happens now? Will we change our game plan and how soon can we do so?

SEC. ROQUE: Jam, same answer kanina ‘no. Binigyan naman namin kayo ng kopya ng FASSSTER projection, actually pinag-usapan pa iyan if I should make this public. Sabi ko wala naman tayo tinatago. Kaya naman tayo gumagawa ng desisyon, dahil sang-ayon dito sa projection na ito, if we have two weeks of ECQ, two weeks of MECQ, ganito ang mangyayari. So makikita naman ninyo, siguro hindi malinaw sa inyong mga television screen, pero ito po ay nasa Facebook page din ng aking tanggapan. Makikita po ninyo, the projection is anywhere from 20,000 up to 37,5000. So, it’s a range.

Kung titingnan po ninyo iyong orange line na nasa ibabaw ng green line. At nandiyan pa rin po tayo, we are still on track. Iyan po talaga iyong inaasahan natin, given iyong 60% increased transmissibility ng Delta variant. Pero again po, nandiyan din po iyong ating projection na kung hindi tayo nagsara ng mas maaga, by now, we would have at least mga 125,000 cases per day. Di ba po? So nakita po ninyo, we are on track, pero hindi po natin sinasabi na kinakailangan eh magpabaya na ‘no, hindi po. Napakataas pa din po nitong numerong ito at hindi pa rin sapat iyong mga nababakunahan nating kababayan. So kinakailangan mask, hugas, iwas at bakuna pa rin.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: A group of health workers say that if President Duterte was able to raise daw po the salary of policemen, maybe he could exercise the same political will to double the salary of medical frontliners? Is this possible before the President steps down?

SEC. ROQUE: Jam, nagawa na iyon. Na-implement na po ng Presidente iyong desisyon, Ang NARS decision, na itinaas po ang salary standardization scale ng mga starting nurses. Nagawa na po niya. Ang starting salary po ng nurse ay hindi na po nagkakalayo sa starting salary ng police o ng sundalo. Ang problema diyan sa private sector. Kasi malaki iyong diperensiya ng suweldo ng gobyerno na naka-base sa salary standardization at saka doon sa mga pribadong ospital. Alam mo pinag-iisipan ko iyan bilang abogado at dating mambabatas, hindi naman kasi pupuwedeng mag-provide ng , well, hindi ko po alam kung hindi pupuwede, pero ito po ay dapat pag-aralan nga ng ating Kongresista at Senador kung pupuwedeng magkaroon ng minimum wage para sa mga medical frontliners.

Ang hirap po kasi diyan mayroon tayong equal protection of the law na kapag tayo nag-minimum wage, dapat applicable lahat, hindi lamang sa frontliners, hindi ko po alam if it can be justified na magkakaroon ng minimum wage for medical frontliners, because it is based on genuine distinction. So that is an open question po para doon sa mga nag-iisip na magpasa ng minimum wage para sa lahat ng medical frontliners. Pero sa ngayon po nagawa na po iyan ni Presidente. Na-implement na po iyong Ang NARS decision.

USEC. IGNACIO: Opo, third question mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online para po kay Doc Salvaña: Patuloy na sumisirit ang bilang ng mga nadi-detect na may COVID-19 Delta variant sa bansa. Bukod dito nakapagtala rin ang DOH ng mga kaso ng Alpha, Beta at Theta variant. Dapat po bang maalarma ang publiko sa ulat na ito? Para sa kaalaman ng publiko ano na po ang pagkakaiba ng bawat isa?

DR. SALVAÑA: All right, iyong Delta actually, we really expected it to take over. Kasi sa US, ang bilis talaga ng takeover niyan eh – 10% after two weeks, 50% after two weeks, 90%. Iyong sa atin actually mabagal na. So, iyong ginawa nating border control gumana po talaga iyon. It really extended the time, and nakapagbakuna tayo. As I said, you know, it’s really our only hope eh.

Kasi nakita naman natin iyong nangyari sa India, nangyari sa Indonesia, tatamaan ka talaga ng maraming, maraming cases and the best that you can do is to protect your population and at the same time try to spread out those cases if you can lalung-lalo na iyong mga severe and critical.

We’re also—nandiyan pa rin naman iyong Alpha and Beta and we manage that rin naman dati pero actually iyon nga iyong nag-cause ng peaks natin noong April. Ngayon, it’s Delta and again according to the projections nga doon sa ginagawa natin, we’re still within that, actually lower than expected nga kasi ang expected dapat with even with tuloy-tuloy na ECQ was 66,000 and we’re about at about 40,700.

So, hopefully we can continue to manage it. Like I said, we’re doing something right and that thing is vaccinating like crazy and continuing to spread out the cases. We expect dadami pa ito and so we have to continue vaccinating and at the same time reinforce talaga our healthcare systems.

Ang nakikita talaga natin sa mga vaccinated patients na nagkakaroon ng breakthrough infection, halos lahat po iyan mild or moderate and so we’re really able to manage them. So, for everybody, please get vaccinated. This is the only way we’re going to open up.

USEC. IGNACIO: Thank you, Dr. Edsel. Secretary?

SEC. ROQUE: Thank you very much, Usec. Punta tayo kay Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hello, Sec. Can you hear?

SEC. ROQUE: Yes, I can.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes, sir. Sir, just on your intro, because sir you were saying na iyong issue naman talaga doon sa Senate hearing was not so much emergency procurement, the need for speed, I think we all understand that the fact that these powers were actually in the Bayanihan Law and in the GPPB Resolution. I think the question more for senators was due diligence. Was there due diligence on the part of the DBM when it awarded the contract to a six-month old company with a 600 capital investment. And then the fact that iyon nga, may links pala siya to Michael Yang who’s an ex-adviser of the President. So, my question is the President at least ‘no seems to know about Michael Yang’s ties to Pharmally? So, did the government award these pandemic contracts to Pharmally knowing they were linked to Yang? Was the Yang connection what led to these contracts in the first place?

SEC. ROQUE: No, kasi alam ko iyong proseso ng DBM maski they are availing of Bayanihan 1. Humihingi iyan ng quotes from multiple sources and the basis of quotes submitted doon sila magdidesisyon kung kanino ibibigay. So, hindi ibig sabihin na palibhasa wala ng bidding ay hindi sila humingi ng multiple quotes. I have personal knowledge na talagang humihingi sila ng ganiyang mga quotes ‘no at ibinigay nila sa pinakamababa na 1,700.

Alam mo, napakahirap makamit itong 1,700 kasi kumpletong set iyan. Mula iyong head gear hanggang sa paa, hindi lang po iyan PPE, pati iyong isinusuot na goggles ay kasama ano doon sa price quote.

At talagang challenge po talaga iyong 1,700. In my private capacity, you can look at the jurisprudence on government bidding, halos lahat po iyan ako nag-argue so kilala ko iyong mga nag-aangkat at nagbebenta sa gobyerno. Hindi po talaga nila mapatasan iyong 1,700 na full set ng PPE. Kaya nga po ipinalabas namin ang dokumento, hindi po iyan sabi-sabi lamang na iyong Aquino administration bought the exact same set of PPEs prior to the pandemic at P3,500 – 3,800.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Can you explain what exactly is Michael Yang’s role in all this? Because yesterday the President described him as “pagador” which I researched it from some Davaoñes and they said that pagador means pay master – someone who distributes salaries and payments. So, that’s how he described Michael Yang. So, it seems from a normal viewer hindi ba parang money is involved in his role and then he got this pandemic contracts. How can you assure Filipinos that iyon nga, walang influence si Michael Yang on these contracts, these billions worth of contracts?

SEC. ROQUE: Well, ultimately, it’s the price and the specification that matters. Sa presyo po ang labanan kahit sino ka man. Eh, unfortunately, wala pong ibang kumpanya na makakapagbigay ng 1,700. And again, I will repeat, one company that I represented in the Supreme Court and it’s in the SCRA [Supreme Court Reports Annotated] wanted to join pero talagang suko sila dahil hindi makuha iyong 1,700; wala pong kinalaman ang mga personalidad, ang tiningnan, presyo at saka iyong kalidad.

SEC. GALVEZ: Spox, puwedeng mag-add ako, sir Spox?

SEC. ROQUE: Go ahead. You can add, Sec. Galvez.

SEC. GALVEZ: Actually, Pia, iyong time na iyon, kami ang nag-uusap nila Lloyd at saka iyong PS-DBM at saka OCD. Kasi ang directive talaga ni Presidente within two days or three days kaya nga nabigla nga iyong taga-PS-DBM na within two days kailangan ma-produce na namin.

So, ang tanong namin kaagad kay Lloyd, Lloyd, sino ang puwedeng makapag-produce ng ganito kalaki na three million at a certain price na ganito and then kailangan mai-deliver iyan ngayon! Iyan ang [unclear] namin kay Lloyd noong sinabi namin iyon.

Ang sabi niya, “Sir, titingnan ko.” Then ngayon noong nagkakahirapan na kami, humingi kami ng tulong talaga kay Ambassador Huang Xilian kung puwede kami maituro kung saan mayroong manufacturer. Kasi nag-deliver ang China ng isang eroplano na PPE. Nag-usap kami noon noong panahon na iyon, nag-usap kami doon sa NAIA kung paano kami makapag-produce ng ganoon karami.

So, kaya na-involve ang Armed Forces kasi dalawang C-130 ang ipinadala namin kaagad doon at saka iyong Navy na nandoon sa exercise ipinadala namin doon sa China para makuha iyong 600,000. Kasi iyong C-130 they can only carry more or less mga 16-20,000 lang eh. So, meaning ang kailangan namin kasi noong that time is more or less at least 600,000 to one million at that time.

So, iyong involvement natin ng ano, iyong tinatawag natin si Michael, I believe talagang ano iyan—ang involvement lang namin doon is basically kami nila USec. Lloyd at saka iyong tinatawag nating Task Group Resource Management Cluster, kami ang nagdi-dictate ng kung paano ipu-procure at makukuha iyong mga PPE natin at that time.

So, kumbaga sa ano, ang aming objective is to save lives not to make money. Very callous iyong ano na ganiyan. Ang ano namin is to save our healthcare workers. 37 na ang namatay na doktor that time at saka nurses at mayroon pang sampu na naka-intubate. And then hospitals are pleading to us that’s why we need that volume immediately. Ang question diyan is can they deliver on time with a decent price at saka specific na ganito kalaking volume?

PIA RAÑADA/RAPPLER: Does it bother, sir, the Executive Branch na ganito nga iyong parang background ng company? And if so, because nga sinasabi ng senators na the fact that it’s just six months old, walang track record, does this mean given these concerns that the Executive Branch or the President will order to put on hold at least any procurements muna from this company given the concerns in maybe to make way for an investigation because nga of these concerns?

SEC. ROQUE: Alam mo, ang problema, Pia, is despite the fact na 625,000 ang initial paid-up capital eh naka-deliver naman po sila. Hindi po issue kung naka-deliver o hindi. Siguro po kung hindi naka-deliver puwedeng magreklamo but kasi ninyo in-award sa kompanya na walang resources ‘no. Pero given na lahat ng PPE na kinakailangan natin to save lives actually arrived at nagamit, I don’t think that’s an issue.

Pero as I said po ‘no, this was procured under Bayanihan 1. Siguro po kung talagang regular bidding talagang mayroon talaga iyang mga disqualification on the basis of iyong requirements kung gaano kalaki ang kumpanya mo ‘no. Pero dito po, ang talagang pinagbasehan is iyong quality, iyong specification ng gobyerno at saka iyong presyo at kailan makaka-deliver.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Last question, Sec. SI Lloyd Christopher Lao says he resigned from the DBM but was there—is this true completely or did the President ask him to resign; and if ever what were the reasons for that?

SEC. ROQUE: I have no reasons to doubt when Usec. Lao said he resigned. I am not aware that he was fired by the President, he must have resigned.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, Secretary. Thank you to the—

SEC. ROQUE: Thank you very much, Pia. Usec. Rocky again, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. From Kris Jose, Remate Online: Reaksiyon sa sinabi ni Senator Lacson na large scale corruption at hindi lamang plunder ang sangkot sa pondo ng DOH na para sana sa COVID-19 response. Malinaw raw sa pinakahuling pagdinig ng Senado, bilyun-bilyong piso ang nakurakot sa pondong inilaan para sa paglaban sa pandemya. Hindi pa rin ba daw ito basehan para sibakin na ni Pangulong Duterte si Secretary Duque at hindi na hintayin pa na magbitiw sa puwesto ang Kalihim? Bakit ganoon na lamang ang tiwala ng Pangulo kay Secretary Duque?

SEC. ROQUE: Unang-una, mga kababayan, linawin po natin huh. Wala pa po na kahit anong napatunayan na Senado, Iyong overpricing po ng PPE hindi po nila napatunayan iyon kasi wala naman silang maipakita na sa mga panahon na iyon eh 1,700 is overpriced. Pero ngayong araw po ipinakita namin ang dokumento na ilang araw bago magtapos ang termino ng nakalipas na Administrasyon eh bumili rin sila ng kaparehong PPE na halos doble ang halaga – 3,800. So, wala pa pong napapatunayan.

If at all, ang napatunayan lang po ay iyong hindi paggastos ng DOH pero ito naman po ay halagang hindi naman po nawala. Hindi ko po sinasabi na wala na silang pananagutan dahil hindi nagastos dahil siyempre dapat ginastos naman iyan kung naririyan ang pera. Pero hindi po iyon pandarambong ‘no, hindi po iyon pangurakot ng pondo at nandiyan pa rin po iyong pondo.

Now, sa issue naman po ni Secretary Duque, nagsalita na naman po ang Presidente – nasa kamay na po ni Secretary Duque kung siya ay magbibitiw. Kung siya ay magbibitiw, ang sabi ng Presidente, tatanggapin niya. Pero kung ang gusto ng ilang kaniyang mga kritiko ay i-fire si Secretary Duque, sa mata niya wala pong masamang ginagawa si Secretary Duque. Pero kung ninanais ni Secretary bumitiw, he will honor and respect that decision.

USEC. IGNACIO: From Llanesca Panti ng GMA News Online: Bakit kailangan sabihin ni Presidente na magpapayat si Senator Gordon? Ano ang kinalaman ng pagpapapayat sa imbestigasyon ng Senado sa allegedly overpriced face mask, face shield, PPE na binili ng gobyerno?

SEC. ROQUE: I may be Spokesperson but I agree. Mr. President, huwag mo na sitahin ang katabaan dahil mea culpa, mataba rin ako [laughs]. Mea culpa, Mr. President, magpapapayat na rin po ako. Nagpapapayat naman ako kaya lang sarado ang mga gym kaya wala. Tapos noong panahon pang mag-e-exercise, pati exercise pinagbawalan. Eh ngayon ang hirap nang bumalik sa exercise pero susubukan ko po, magpapapayat din po ako.

USEC. IGNACIO: Opo. From Llanesca Panti pa rin po ng GMA News Online: What is the reason daw po behind the government’s failure to meet the target of administering 500,000 doses of COVID-19 vaccines on a daily basis from August 23 to 29 based on data presented by Secretary Galvez?

SEC. ROQUE: Eh kasi nga po—

SEC. DIZON: Ah, Spox…

SEC. ROQUE: Yeah. Go ahead, Sec. Vince.

SEC. DIZON: Yes. Alam ninyo noong ano ‘no, unang-una ‘no, napakabigat ng hamon natin ngayon dahil tayo ay nagbabakuna sa kalagitnaan ng pag-surge ng mga kaso. But despite that, noon buwan ng Agosto tayo ay nakapagbakuna nang mahigit 13 million doses in one month – iyan ang pinakamadami nating nabakuna sa loob ng isang buwan. Noong nakalipas na buwan, noong July, nakapagbakuna tayo ng sampung milyon – iyon ang dati nating record sa isang buwan. Sa buwan ng Agosto, mahigit 13 million. Iyan ay pasok doon sa target ni Secretary Galvez na 12 to 15 million na mapapabakuna natin ng Agosto. At noong buwan din ng Agosto, nakapagbakuna tayo nang pinakamadami nating nabakuna sa isang araw – mga higit 700,000 doses administered in one day.

Pero ano ang hamon kapag tayo ay nagbabakuna habang may surge? Ang pinakamabigat pong hamon ay mga vaccinators at mga healthcare workers. Bakit po? Dahil po ang mga vaccinators natin, ang mga doktor natin, mga nurse natin sa iba’t ibang vaccination centers sa buong bansa, sila din po ang kinakailangan nating mga healthcare workers na kailangang mag-alaga ng mga may sakit sa ospital. Sila din po ang mga healthcare workers na kailangan nating mag-alaga ng mga naka-isolate sa mga quarantine facility. Sila din po ang mga healthcare workers na kakailanganin natin para mag-swab ng mga iba’t ibang mga kababayan nating kailangang i-test. Kaya ang bigat po talaga, napakahirap po ng dinadanas nating problema ngayon.

Pero despite po that, nakapagbakuna po tayo ng 13.7 million sa loob ng Agosto na ang translation niyan ay roughly 450,000 doses on average sa buwan ng Agosto. Ngayon gusto ba natin nang mas madami pa? Definitely gusto natin. Kaya ngayon ang ginagawa po natin sa tulong ng CHEd, sa tulong ng DOH at ni Secretary Galvez ay sinusubukan nating ma-harness ang mga estudyante sa medical schools – ang mga fourth year, iyong tinatawag nating medical clerks at mga interns natin or iyong mga fifth year. So sa aking pagkakaalam ay tapos na iyong guidelines nito na ginawa ng CHEd at ng DOH at minamadali na nating ma-approve iyan para ma-mobilize na natin itong mga dagdag na estudyante sa medical schools para tumulong sa ating vaccination effort.

USEC. IGNACIO: Thank you Secretary Vince, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Yes. Punta naman tayo kay Trish Terada, please. Go ahead, Trish.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon po and to all our guests, Sir. Sir just a follow up doon sa question ni Pia ‘no. I understand iyong Pharmally was able to deliver but how and why did the government trust this business or Pharmally despite being a new company and iyong tax expert was actually wondering how they were able to secure an importation permit that fast for a new company?

SEC. ROQUE: What mattered at that time was kung sino makakabigay nang pinakamura, pinaka-high quality at sa pinakamabilis na panahon na mga PPEs. Hindi naman po ito regular procurement, lahat po ng punto na niri-raise ng inyong tax expert, applicable po iyan sa regular procurement. Sa regular procurement nga po two stages iyan – iyong pre-qualification at iyong bid itself. Iyong pre-qualification dapat lahat noong requirements pati doon sa capitalization ng kumpanya ay makamit bago mabuksan man lang iyong financial proposal ng kumpanya o ng bidder. So this was under emergency bidding, under both the emergency bidding provision of the RA 9189 and Bayanihan 1.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Uhum. But, Sir, what’s worth of assurance did the government have or did the government get na talagang makakapag-deliver itong Pharmally? Was there a person behind who vouched for the integrity of this business?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po may bond na binibigay na kapag hindi naka-deliver makukumpiska ang bond kung hindi po ako nagkakamali. Kasi may tinatawag tayong performance bond po na kapag hindi sila nakapag-deliver, mapu-forfeit in favor of the government ang performance bond.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Okay. Sir, iyong senators po were unfazed by the President’s remarks, mas naging interesado pa raw po sila na malaman kung ano iyong mayroon sa likod ng transaction with Pharmally. What does Malacañang think of this and kung wala raw pong tinatago, bakit na ganoon na lang daw po iyong naging reaksiyon ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Eh kasi nga po sa nakalipas na administrasyon, P3,500 ang bili ng PPE eh pinupulaan iyong binili natin na P1,700 at that time of pandemic na lahat ng bansa sa daigdig ay nagkukumahog para makabili po ng PPE.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Uhum. Sir, balikan ko lang iyong issue ng SALN since na-raise po siya recently. Nabanggit ninyo nga po that there is already a process to get the President’s SALN but until now several media entities, including us, that tried to secure the President’s SALN pero wala pa rin pong nabibigyan ng copy. Why not just release the copy of the President’s SALN for the sake of transparency kagaya po noong ginagawa na dati and with previous presidents and now with other government officials as well?

SEC. ROQUE: Because there’s new policy being implemented by the Ombudsman as a constitutional body and we respect the prerogative of the Ombudsman in this regard.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: But can’t the President just unilaterally decide, Sir, na: “Oh here’s my SALN,” so that no questions will be further asked?

SEC. ROQUE: Well he could, but he respects the Ombudsman and he leaves it to the Ombudsman.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Okay. Sir, just a question po please for Secretary Dizon and Secretary Galvez?

SEC. ROQUE: Pero parang na-exceed ka na ng mga questions mo. Oo, I think you’ve exceeded. Punta muna tayo sa iba muna ‘no kasi it’s 1:14 so thank you very much, Trish. Punta tayo ulit kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News: Sa post daw po the other day ni Vice President Leni, she said that with the rising COVID numbers, is it safe to presume that the real number is actually more because we are simply not testing enough? One reason why we are not testing enough is because of our weak contact tracing capabilities. We note that we have ramped up our testing to 70,000 on some days but is it enough? Also, are we in our contact tracing efforts as a means to control transmission?

SEC. ROQUE: Sec. Vince…

SEC. DIZON: Yes. Usec. Rocky, maybe I can answer and maybe later on we can also ask Dr. Edsel who’s here, who is the expert on this. Just some ano ‘no, numbers Spox ‘no. The last week, our peak testing was 80,000 plus a day with an average of close to 70,000 a day – this is our highest ever.

Now to the question, is it enough? I don’t think it’s enough to be honest ‘no. But what we have to understand is we always follow the advice of our experts that we cannot just test shotgun ‘no, meaning magti-test na lang tayo nang walang basis. It needs to be risk-based, it needs to be based on the guidelines that have been approved by our experts and by the DOH which tells us that we test symptomatics, we test contacts, we test contacts of symptomatics and we test in areas of high risk.

Iyon po ang ating guidelines at ang sinusunod natin. Ang rason po diyan, hindi lang po base sa siyensya na ipapaubaya kay Dr. Edsel Salvaña na ipaliwanag. Pero iyan din po ay isang praktikal na isyu.

Alam po ninyo napakadali pong magsabi na mag-test tayo ng isang daang libo kada araw o 150,000. In fact mayroon pa kaming nakita dati ni Dr. Salvaña, mayroong naglabas ng white paper na sinasabi kailangan daw nagti-test tayo ng 10% of the population every day ‘no.

Gagawin lang po nating ano, para lang po maintindihan natin ang implication noon. At the current price ang pinakamababa po sigurong PCR test ay P2,000. Kung magti-test po tayo halimbawa iyong sinabi ng white paper dati na 10% of the population every day. 10% of 100 million na lang is 10 million Filipinos every day, 2,000 times 10 million, iyan po ay P20 billion kada araw!

At this rate already. We are already spending P160 million a day both from the pockets of our citizens who are paying for the test and also from PhilHealth who is paying for the test of those that are qualified to be tested; napakalaking pondo po nito. Hindi ko na po uulitin iyong 20 billion a day, kasi outrageous po talaga iyon at wala tayong ganoong pondo.

So tingin ko po bago po tayo maglabas ng mga statement na kailangan maka-test tayo ng napakalaki o ganito kalaki, siguro pag-isipan din natin iyong practical at iyong on the ground implications nito. Dahil at the same time na kailangan tayong mag-test; kailangang tayong mag-contact trace, may gastos po iyon; kailangang tayong mag-isolate may gastos po iyon; kailangan tayong magbakuna, may gastos po iyan.

So tingin ko, ano po, napakadali po kasing magsalita at magsabi ng mga ganitong mga rekomendasyon, pero siguro po dapat pag-isipan din natin iyong practical na pagsasagawa nitong mga rekomendasyon na ito, given lahat ng restrictions at constraints natin sa paglaban sa COVID-19. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay. For Secretary Roque: What was the President’s reaction to his ouster as party chairman by the Pacquiao-Pimentel faction of the PDP-Laban?

SEC. ROQUE: Wala po, kasi sa pananaw ng Presidente, nananatili po siyang chairman. Kinakailangan po talaga na madesisyunan itong isyung ito ng Korte Suprema at alam po iyan ng Presidente.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: If it gets to the point that a Senate investigation noong Pharmally and the allegedly overpriced medical supplies goes all the way up to the President; will he cooperate?

SEC. ROQUE: Well unang-una po, wala pong ebidensiya ng overpricing. Kung mayroon po at mayroon talagang ebidensiya ng korapsiyon, hindi na po kinakailangan ng Senate investigation, sisibakin na po iyan ng Presidente.

USEC. IGNACIO: UP Experts daw po lead by Dr. Jomar Rabajante project that community cases may move partly 3 million on October and may exceed 4 million by December 2021? What can the government say about this projections; and how does impact our objectives for a happier Christmas?

SEC. ROQUE: Of course, papabayaan ko pong si Dr. Salvaña ang sumagot, pero sa ating panig po, unang-una ang dapat pong tinitingnan iyong active cases, kasi maski mayroon tayong 4 million total cases, hindi naman po iyan lahat sabay-sabay nagkakasakit. Halos lahat po ay nagri-recover din.

So dapat tinitingnan natin iyong active cases at ilan sa mga active cases ang critical o kaya ay seryoso na nangangailangan ng pagho-hospital. At iyon po ang pinaghahandaan natin na mayroon tayong sapat na hospital beds para doon sa magkakasakit ng seryoso at kritikal. At sa ngayon po, totoo po na nasa kritikal na po ang ating ICU utilization, pero mababang critical pa po, 71 in Metro Manila, 73 nationwide.

At ikukonsidera pa rin natin iyong patuloy nating pagbabakuna, dahil itong patuloy na pagbabakuna, ito po siguro ang dahilan, bagama’t napakalaki na ng numero ng active cases ay hindi pa rin po napupuno ang ating mga ospital, dahil parang sipon po sa karamihan ng nabakunahan na ang tumatamang COVID-19.

Pero Dr. Salvaña, of course the real expert can answer this question. Yes, sir, go ahead.

DR. SALVAÑA: Thank you, Spox. Siguro before I answer that, I’ll go back to what Sec. Vince said about testing. Very important po na maintindihan natin na mas contagious at mas mataas viral load ng Delta. So, mas malaki ang tiyansa na magpa-positive po talaga iyong tine-test natin, so that is also part of the reason why tumataas iyong positivity rate natin. And of course mabilis ang pagkalat and so kapag nagku-contact trace po tayo ng agresibo which is what we want, makikita po talaga natin na mataas iyong ating positivity rate. So, we have to watch this, but the best way to bring it down is to properly isolate everyone para ma-interrupt po natin iyong transmission.

Now, iyong number of cases naman. What’s important here kagaya rin noong sinabi ni Spox is iyong percent ng severe and critical, dahil iyon naman talaga iyong kinakailangan nating ilagay sa ospital. Balikan natin sa US, tingnan natin ilan ba ang nagkaroon ng trangkaso sa US from 2018 to 2019? 35 million! Which is almost the same as their COVID cases; pero ilan ang namatay? 30 to 50,000 sa US noong trangkaso, pero sa COVID lampas na silang 600,000. So the difference between COVID and the flu is really the severity and ilan iyong mamamatay.

Now, paano natin gagawin iyong COVID into the flu, dito pumapasok iyong bakuna, dahil kapag binigyan mo ng bakuna iyong nakikita natin ngayon na 1.6, 1.7% case fatality rate natin, magiging .1% na lang iyan. Iyan ang case fatality ng flu. Hindi naman tayo nagla-lockdown para sa trangkaso di ba? Kaya ito lagi ang sinasabi natin, we have the tools to open up – it’s vaccination. And it is not necessarily every single person, we have to vaccinate the people above 18 years old, dahil iyong mga bata, ano bang fatality rate niyan .1% nasa flu na talaga sila. Ang problema lang talaga is you don’t really want them to spread it to other people na mas susceptible.

But the bottom line is – sa akin ha – kasi ito we know that the early lockdowns in March of last year saved 200,000 Filipino lives conservatively, dahil nau-overwhelm talaga iyong healthcare system eh. Ngayon, with vaccines, we have the tools na kahit dumami ito, kahit umabot ng 3 million, 4 million, parang nakikita natin sa flu, kung nabakunahan lahat iyan hindi ganoon kalaki iyong impact, it will be one tenth of what it would have been. And so, alam naman natin, marami rin namang nagugutom, namamatay sa hirap, dahil hindi tayo makabukas eh, pero hindi naman tayo nagsasarado for the flu. So let’s turn COVID into the flu and the best way to do that is to vaccinate and that is how we open up.

USEC. IGNACIO: Thank you, Dr. Salvaña. Question from Pia Gutierrez ng ABS-CBN: What does President Duterte mean when he said government needs to recalibrate its response following the rise of COVID-19 cases to a record of 22,000? Will there be new policies?

SEC. ROQUE: Pinag-uusapan po ngayon iyan sa IATF. Okay, so the time is 1:24 na po ‘no. So, magpapasalamat na po kami sa ating mga naging panauhin. Maraming salamat po kay Secretary Galvez; kay Secretary Dizon; kay Usec. Canda; at saka kay Dr. Edsel Salvaña; maraming salamat din sa iyo Usec. Rocky; at sa mga miyembro ng Malacañang Press Corp.

Nasabi na po kanina ni Secretary Galvez na isa pong kasamahan natin ay pumanaw dahil po sa COVID. Melo Acuña, we already miss you. I miss your well thought of questions at saka siyempre napakahirap ng mga tanong mong sagutin. Pero sa ngayon po, mayroon po kaming kaunting alay para kay Melo Acuña, panoorin po natin.

[VTR]

##


News and Information Bureau-Data Processing Center