Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. At maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating presidential press briefing.

Sinumite po kahapon sa Kongreso ang panukalang 5.024 trillion na national budget para sa taong 2022. Tingnan natin po ang infographics na nagpapakita ng itinaas ng budget sa taong 2022. Mula po 4.06 trillion para sa 2021 budget, ito po ngayon ay 5.024 trillion or 11.5% na mas mataas.

Binanggit ko na po sa nakaraang dalawang press briefing ang mga detalye tungkol sa panukalang budget sa taong 2022 tulad ng alokasyon para sa ating COVID-19 response.

Ngayong araw, i-present naman po natin kung paano natin masu-sustain ang ating economic recovery. Ano ba iyong nakabahagi doon sa loob ng budget na magsisilbing fiscal stimulus para tayo po ay makabangon sa pandemya? Well, nahahati po ito sa, unang-una, food security, education and social protection, at industry and livelihood. Isa-isahin po natin ito:

Sa food security, mayroon po tayong probisyon para sa irrigation services na 21.8 billion; sa National Rice Program – 15.7 billion; sa Rice Competitiveness and Enhancement Program – 10 billion.

Sa edukasyon naman po ‘no, iyong Universal Access to Quality Tertiary Education, iyong libreng tuition po sa lahat ng pang gobyernong kolehiyo at pamantasan, iyan po ay may budget na 49.7 billion; iyong Education Assistance and Subsidies, kasi po iyong batas na sinulong namin sa 17th Congress, hindi lang po libre sa mga panggobyernong kolehiyo at pamantasan, mayroon din po tayong education assistance and subsidies para sa mga pribadong pamantasan at ang budget po diyan ay 30.1 billion; iyong ating Basic Education Learning Continuity Plan po ay 15.1 billion; iyong ating DepEd Computerization Program ay 5.4 billion.

Now, pagdating naman po sa social protection, iyong pagbibigay suporta ‘no sa ating mga mahihirap ‘no, mayroon po tayong Pantawid Pamilyang Pilipino Program, iyong 4Ps na tinatawag – 115.7 billion; iyong ating Social Pension for Indigent Senior Citizens, ito po iyong mga monthly pension ng mga lolo’t lola – 23.5 billion; iyong financial assistance, iyong Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances, kasama na po diyan iyong ayuda na binibigay ng DSWD, ito po ay 18 billion; at iyong Sustainable Livelihood Program, ito p ay 4.9 billion.

Now, pagdating naman po sa industry and livelihood, mayroon po tayong TUPAD ‘no, iyong pinamimigay po ng DOLE – 21 billion; iyong Emergency Repatriation Program, mayroon po tayong 11.2 billion na patuloy pa rin po ang libreng repatriation at hotel at quarantine at PCR ng ating mga bumabalik na OFW – 11.2 billion.

Now, mayroon din po tayong Continuing the Legacy of Infrastructure Development, Build Build Build, ito po ay 1.180.5 billion. Ibig sabihin, halos—one trillion ba ang basa diyan o one point … one trillion iyan ‘no? One trillion 180 billion [1,180,000,000,000] ang para sa Build Build Build Program. Saan po ito papasok? Sa ilalim po ng DPWH, iyong Network Development Program – 128.1 billion; iyong Flood Management Program – 113.5 billion; iyong Asset Preservation Program – 59.6 billion; at iyong Bridge Program ay 34.4 billion.

Sa Department of Transportation naman po, mayroon tayong Rail Transport na 110.9 billion; Land Public Transportation Program – 13.9 billion; Aviation Infrastructure Program – 1.7 billion; at Maritime Infrastructure Program – 720 million.

Sa ibang balita: Binigyan ng full approval ng US Food and Drug Administration ang Pfizer na bakuna. Kung inyong matatandaan, ang Pfizer vaccine ay kauna-unahang nabigyan ng Emergency Use Authorization EUA. Ano po ang ibig sabihin nito? Well, magiging commercially available na po ang Pfizer. Now, bagama’t kinakailangang bigyan pa rin ng commercial use approval ng Philippine FDA ang Pfizer, ito po ay mapapabilis dahil mayroon tayong polisiya na ang Philippine FDA ay mas mabilis na aaprubahan for commercial use ang mga bakuna at gamot na mayroon nang approval sa mga stringent na FDAs gaya po ng Estados Unidos. Kaya kaunting panahon na lang po ha at mabibili na sa ating mga botika ang Pfizer kung ito po ang inyong preferred brand.

Pero, speaking of Pfizer, inaasahan naman natin na bukas, August 25, ay darating ang 362,700 doses ng Pfizer na binili ng pamahalaan. Bukas din po ha—ay hindi, hindi pala bukas, pero inaasahan ding darating ang may tatlong milyong doses ng Sinovac ngayong 4th week of August.

As of 23 August 2021, nasa 30,693,019 ang total doses administered, samantalang 13,197,689 na po ang fully vaccinated.

Piliin nating protektahan ang ating sarili at ang ating pamilya, magpabakuna na po tayo ha. Libre po ang bakuna. Kung tayo po ay naninirahan na may kasamang mga senior at bata, mas puprotektahan natin sina lolo’t lola at ang ating mga tsikiting sa COVID-19 kung tayo po ay fully vaccinated na. Lahat ng bakuna po ay epektibo at ligtas. Mamaya ay kasama po natin si Dr. Rontgene Solante para pag-usapan ito.

Tandaan din po natin na wala pong booster muna ha; marami pa po tayong mga kababayan ang kailangang mabakunahan. Sa mga nabakunahan na, huwag naman nating i-deprive iyong mga hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine. Maawa naman po tayo sa kanila, okay. Ubusin muna po natin ang hanay ng ating kababayan, bakunahan natin ang lahat bago tayo mag-isip ng booster; at kasama naman po iyan sa budget sa susunod na taon – 45 billion po ang nilaan natin para sa booster ng lahat.

COVID-19 update naman po tayo. Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo ayon sa Johns Hopkins. Kung mapapansin ninyo po ha, bumababa ang ranking natin pagdating sa—tumataas pala ang ranking pagdating sa total cases, Number 17 na po tayo. Ito ang pinakamataas na ranking natin. Hindi po iyan nakakatuwa dahil dumadami po ang kaso natin. Pero given na nandiyan naman po talaga si Delta variant, naiintindihan naman po natin iyan. Pero kinakailangan mas paigtingin pa natin ang mask, hugas at iwas, at kung pupuwede na, bakuna. Number 22 po tayo sa active cases; Number 131 pa rin po tayo sa cases per 100,000 population; at ang ating case fatality rate po ay mababa pa rin at 1.72%, 91 po ang rank natin – ang world average po ay 2.1%.

Nasa 18,332 po ang mga bagong kaso ayon sa August 23, 2021 datos ng DOH. Ito po ay within the projection pa rin po ng FASSSTER, within ng projection pa rin po. Mataas pa rin po ang ating recovery rate na nasa 91.3%. Mayroon na po tayong 1,695,335 na mga gumaling. Samantala, malungkot po naming binabalita na nasa 31,961 na po ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila.

Tingnan naman po natin ang kalagayan ng ating mga ospital. Habang tumataas po ang mga kaso, totoo po nasa critical warning na po tayo dahil lumampas na tayo ng 70% pagdating ng ICU beds pero mayroon pa naman po tayong espasyo: Seventy-two percent po sa Metro Manila ang nagagamit na ICU beds; sixty percent po ang nagagamit na isolation beds; seventy-one percent po ang nagagamit na ward beds; at fifty-eight percent ang nagagamit na ventilators. Sa buong Pilipinas ang ICU beds na nagagamit po ay 73%; ang isolation beds po ay 61; ang ward beds po ay 67%; ang ventilators ay 54%.

UUlitin ko po, dahil ang ating ICU beds ay nasa 70% plus na, this is high risk po ano, pero hindi pa po critical – high risk but hindi pa po critical. Ang ating mga isolation beds ay nasa moderate risk po. Ang ward beds sa Metro Manila ay nasa high risk din po.

Now, kahapon po nagsabi ako na dapat bayaran po ng PhilHealth ang mga claims ng hospital. Pero sa kabilang dako naman po, mayroon talagang mga mandarayang hospital. Kaya nga po ang sinasabi natin ay kinakailangan po balansehin din ang sitwasyon ‘no. Ang aking sinasabi lang, hindi ko po inaalis ang katotohanan na mayroong mga mandarayang hospital pero naninindigan ako na hindi naman sila pupuwedeng mandaya kung wala ring kakutsaba sa loob mismo ng PhilHealth.

Now, noong kailan lang po ay mayroon na naman pong desisyon ang ating Kataas-Taasang Hukuman kung saan eh sinustain (sustained) po iyong desisyon ng PhilHealth na huwag magbayad sa isang maanomalyang claim ng isang ospital. Basahin po natin ano ang sabi ng ating Korte Suprema:

“The present pandemic already highlighted the anomalies, flaws and limitations of our public health system. PhilHealth’s financial resources, and that of our nation as a whole, is already stretched to the limit. The present situation should inspire us to rise above ourselves and focus on our nation’s survival as a nation. The hardships brought about by the pandemic should not stripped us of our humanity, or destroy or defeat our core values, but rather serve as a stimulus for positive change within ourselves and in our nation. This should be a platform to better ourselves and an opportunity to craft and implement needed reforms in the public healthcare system. Indeed, this is what our policymakers envisioned in the first place. At this juncture, it is well to remind accredited health care institutions to deal with PhilHealth responsibly, honestly, and with integrity and to refrain from employing unscrupulous methods like actively recruiting patients just so that they could avail of PhilHeath benefits. Likewise, PhilHealth members and its officials – ito po ang sabi ng Supreme Court – PhilHealth members and its officials – iyong mga nanunungkulan diyan sa PhilHealth – are similarly exhorted to act with prudence and without any corrupt motives. Medical practitioners should not also allow themselves to be drawn into this unethical practice.”

So, dalawa pong panig iyan: May pera ang PhilHealth, dapat magbayad; Pero mga hospital, dapat panindigan din iyong katapatan. Kapag hindi po tayo tumupad sa ating katungkulan eh baka po mamatay ang mas marami pa nating mga kababayan dahil sa pandemya dahil hindi po kaya ng mga pang-gobyernong hospital na serbisyuhan ang ating sambayanan, kinakailangan pa po natin ang ating mga pribadong ospital. So, sa parehong panig po, magtino na po tayo.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon ang ating Vaccine Expert Panel member, Dr. Rontgene Solante. At kasama rin po natin, Mr. Christian Gonzales ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI). Unahin po natin si Mr. Christian Gonzales.

Sir, maraming salamat pong muli sa ICTSI, nagkaroon po tayo ng inauguration ng drive-thru vaccination facility diyan po sa Nayong Pilipino. So, unahin po natin, magkano po ang naging halaga ng ating drive-thru vaccination at bakit po nagpatayo ng ganito ang ICTSI?

ICTSI MR. GONZALES: Good afternoon, Sec.! Thank you again for the opportunity to come on.

Ang ginastos namin diyan so far is in excess of P250 million on behalf of course of both the City of Parañaque and the national government in order to support the country’s vaccine program especially with regard to Moderna mRNA vaccine which as you know we’re also participating in as a private sector buyer.

SEC. ROQUE: Sir, ano iyong kakayahan ng facility para mabakunahan ang ating mga kababayan on a daily basis? At linawin lang po natin ‘no, saan po sila magpaparehistro kung sila po ay magpapabakuna diyan sa drive-thru facility sa Nayong Pilipino, sa Parañaque ba ho o doon sa isang service provider na mayroon pong webpage?

ICTSI MR. GONZALES: Sa Parañaque Sec., sa Parañaque sila magri-register. Of course, Parañaque as the host LGU is prioritizing iyong kanilang mga residente but they are also opening it up to non-residents of Parañaque. But it’s very important that we follow the DOH and NTF protocols which require the LGU to be the one in charge of these registrations.

Balik din tayo sa unang tanong. In terms of capacity, iyong maximum capacity namin sa Nayong Pilipino vaccine center is maximized at 15,000 people per day. Of course, ang importante diyan is: 1. Bakuna; 2. Tao.

In relation to the vaccines, sa ngayon we’ve been allocated 50,000 doses which is good for 25,000 people. Naubos na iyong 20,000 first doses, so, 80% na ang accomplishment of that first allocation. We understand also na mabibigyan ulit tayo ng 50,000 additional doses, so, we’ll be ramping up the operations in order to finish doses as quickly as possible.

Isa lang sa mga concern namin Sec is, I think you’ve touched up on this previously, mga no show. We’ve been seeing about 4,000 to 5,000 appointments but we’ve only been doing about 2,500 per day because nga limitado iyong vaccines and for obvious reasons kasi nira-ramp-up lang namin iyong operation ngayon but also because nga may mga no shows.

And it is very important na anybody booking is committed. The vaccines are safe as I’m sure you’ll discuss later. The vaccines are effective and it is very, very important for our recovery dito sa Pilipinas that everybody to get vaccinated as soon as possible.

SEC. ROQUE: Last question ko po ano. Unang-una, bago iyong last question ko pala, iyong mga non- Parañaque residents pupuwede ba ho sila magparehistro? At pangalawa, mayroon ba hong mga puno na naputol sa pagtayo nitong vaccination facility? Kasi iyon po ang naging basehan ng unang pagtutol ng dating administrator ng Nayong Pilipino Foundation

ICTSI MR. GONZALES: It is possible too for non-residents, Sec., to register doon sa Parañaque website but again as I mentioned earlier, kailangan nilang dumaan sa Parañaque LGU.

In terms doon sa mga puno, the answer is no. I can tell you that more than 95% of all the trees that were located there have been retained and in fact we’ve invested in areas there where you can walk around and enjoy the greenery.

And just to note also that we do now have a very strong and productive relationship with the board members of the Nayong Pilipino Foundation and also Department of Tourism whom Nayong Pilipino sits under.

SEC. ROQUE: Well, final question, Mr. Gonzales ‘no. Earlier, nag-donate din po ang inyong kumpanya ng isang modular hospital na ginagamit ngayon po diyan din sa may reclamation area bukod pa dito sa ating drive-thru vaccination facility. Why do you do this as a corporation? What’s in it for the corporation?

ICTSI MR. GONZALES: Just to note lang, Sec., it’s a quarantine facility and not a hospital. Although there have also been donations to other hospitals to improve those facilities.

Kaya namin ito ginagawa, Sec., is we know that it’s not just about operating in crisis and living in crisis, it’s also about finding a way out of the crisis. And the only way we’re going to do this is if the private sector and the public sector don’t matter what economic environment you’re in, the only way for this to happen is if we bond together, continue to bond together, coordinate, give each other the best that we possibly can so that we get out of this as quickly as possible. And from a health perspective, to have as few deaths as possible and our economy is able to recover going forward.

SEC. ROQUE: Okay! Alam ko po you cannot stay for our open forum, so, thank you, Mr. Christian Gonzales. And on behalf of the President, thank you very much to ICTSI and your foundation for your invaluable contribution in our fight against COVID-19. Have a good day, Mr. Gonzales.

ICTSI MR. GONZALES: Thank you. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Puntahan naman po natin si Dr. Rontgene Solante.

Sir, alam ninyo, medyo maraming nagtatanong ngayon, talaga bang pantay-pantay ang mga bakuna? Kasi may mga nagsasabi na ang epekto raw ng bakuna iyong iba anim na buwan, iyong iba mas mahaba. Ano ba po ang dapat isipin ng ating mga kababayan pagdating po sa ganitong usapin – iyong gaanong kahaba iyong proteksiyon na ibinibigay ng mga bakuna? Dahil kayo po ay tunay na eksperto at miyembro ng Vaccine Expert Panel group, ano po ang pupuwedeng advice na maibigay ninyo sa ating mga kababayan?

Go ahead, Dr. Rontgene Solante.

DR. SOLANTE: Yes. Thank you, Sec. Harry ‘no. So unang-una, good morning to everyone. Ibig nating—again, we have to repeat and repeat this ‘no na lahat ng mga bakuna na binibigay natin ngayon ‘no sa gobyerno through this vaccination rollout ay mayroong bisa ‘no sa protection against infection, against symptomatic COVID and against severe COVID ‘no.

Although may nakikita na tayong mga data na sa ibang mga bansa nagbibigay ng booster ang mga ibang bansa dahil nga nagwi-wane iyong immunity base doon sa data niya pero dito sa atin, wala pa tayong recommendation on giving booster ‘no dahil itong mga bakuna na binibigay natin, effective pa rin. And in fact, maski sasabihin nating may mga data na bumababa ang immunity after 6 months or 8 months – in actual protection, mayroon pa ring protection ang mga nabakunahan at this point in time ‘no.

But siguro, Sec. Harry ‘no, bigyan lang kita ng—these are data na na-collate namin dito sa hospital namin. Napakaimportante at this point in time na nagsi-surge ang mga kaso natin ‘no dahil sa lahat ng mga admitted cases natin ngayon, mas marami pa rin ang walang bakuna na na-admit kumpara doon sa mga mayroong bakuna. And in fact, doon sa mga nag-develop nang severe to critical, napakataas noong rate noong walang bakuna kumpara doon sa mayroong bakuna. So iniisip at nakikita natin gaano kaimportante ang bakuna at this point in time ng surge of cases natin.

SEC. ROQUE: Doc, isa pang tanong ‘no. Pagkatapos po ng dalawang linggong ECQ, patuloy pa rin pong tumataas ang numero ‘no. Ano ba ho explanation dito? Talaga bang hindi gumana ang ECQ bagama’t palagi kong sinasabi we are within the projection of FASSSTER ‘no na hindi dapat aabot sa 20,000 per day iyong ating mga kaso ‘no. So, ano po ang masasabi ninyo dito sa—matapos ang dalawang linggong ECQ at pantatlo o apat na araw tayo ng MECQ ay lalo pa pong tumataas ang mga numero?

DR. SOLANTE: Okay. Unang-una ‘no, these are my own personal observation ‘no, Sec. Harry ‘no at nakikita natin ‘to sa mga dynamics at saka iyong demographs ng mga pasyente natin ngayon ‘no. Saan nakukuha nila ‘tong mga infection despite this na nagla-lockdown tayo? Ang nakikita namin ngayon ‘no, ang pinakasentro ng transmission is in within the household, okay, sa mga household ang transmission ngayon. Mayroong mga lumalabas, pakonti-konti sa household, pagbalik nila hindi nagpa-practice ng health protocol. So, sino ang na-expose? Iyong mga bata at iyong mga matatanda ‘no. And these are important points kasi ang importante ngayon na ‘pag umaalis tayo, ‘pag bumabalik tayo sa bahay, kailangan talaga na mag-observe pa rin ng health protocol.

Pangalawa, mataas ang hawaan because we’re dealing with a virus that is very highly transmissible. Kaya maski hindi ka masyadong lumalabas – bahay, workplace, bahay lang – nandoon pa rin iyong risk mo na makakuha ng infection especially na wala tayong bakuna at hindi pa nabakunahan lahat ‘no. And that’s the target of the government na at least ‘no, mabakunahan lahat – 40 to 50 percent sa NCR – in the next few weeks dapat makuha natin ‘yan. And you will be vaccinated even if you will be exposed, your risk of getting the infection and transmitting it will be a bit lower and significantly lower compared to those na wala pa tayong bakuna.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat. Pumunta na po tayo sa ating open forum. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. At magandang hapon po sa ating mga bisita.

From Leila Salaverria ng Inquirer: Why is the government po proposing a bigger 28-billion budget for the NTF-ELCAC in 2022? The pandemic is still raging and many businesses and employers need help to recover. Why is the NTF-ELCAC a priority?

SEC. ROQUE: Una po ‘no, maski po nandiyan ang pandemya, alam pa rin natin na ang kagutuman ang dahilan nang pag-aalsa, okay. Ito pong mga proyektong ito ay magbibigay hanapbuhay doon sa mga nahihirapan sa buhay na dahilan kaya sila nagiging rebelde. Pangalawa, ito po’y sang-ayon din doon sa ating istratehiya kung paano tayo babangon galing po dito sa pandemya na ito – that is to provide more development projects nang sa ganoon mas maraming hanapbuhay at mas maraming pera ang iikot sa ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO: Second question niya: And if the government needs help in the development of barangays, why doesn’t it just fund development projects under the different departments who are primarily tasked to carry these out?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po ang budget nanggagaling sa ELCAC pero ang implementasyon po niyan either sa local government unit na or DPWH pa rin po ‘no. Ang pondo po ay galing lamang doon sa programa ng ELCAC.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: What’s to prevent the NTF-ELCAC budget from being diverted for election purposes?

SEC. ROQUE: Mayroon na po tayong constitutional guarantees, mayroon po tayong ban on public works projects ‘no kapag panahon na po ng eleksiyon.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Yes. Punta naman po tayo kay Mela Lesmoras. Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at sa ating mga guests. Una lang, Secretary Roque. Tuloy po ba iyong Talk to the People mamaya?

SEC. ROQUE: Tuloy po.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And speaking—follow up lang po sa discussion kanina on ECQ and COVID-19 cases. Kasi kahapon nakapagtala po tayo nga nang highest daily COVID-19 cases sa bansa. Ikinababahala po ba ito ng Malacañang o are we confident na we are still winning against COVID-19? Ano pa po kaya iyong mga measures na maaari nating gawin para nga makontrol iyong COVID-19?

SEC. ROQUE: Again ipa-flash ko iyong projection ng FASSSTER. We are within projection for as long as we do not exceed 20,000 per day ‘no – that is the projection. So kung ang iniisip ninyo ay iyong ECQ will result in a drastic reduce in cases, hindi po ‘yan iyong projection.

Ang projection ay hindi tayo lalampas dapat ng 20,000 ‘no. Hindi po bababa ang numero, iyan po ‘yung projection natin ng two weeks ECQ at saka iyong pinapatupad nating MECQ pa. Okay? So I would say we are on track.

Now sinagot na po ni Dr. Solante bakit ganiyan. Kasi unlike iyong naunang variant po eh talaga naman pong mas nakakahawa itong variant na ito at pangalawa hindi naman tayo pupuwedeng mag-total lockdown na naman ‘no dahil kinakailangan naman ay makapagtrabaho nang hindi magutom iyong karamihan ng ating mga kababayan.

But we are on track by way of our projections.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And from Mark Fetalco of PTV lang, Secretary Roque: Ayon sa survey noong OCTA [garbled] tumaas iyong [garbled] Filipinos gustong magpabakuna but at the same time marami pa rin iyong undecided kung magpapabakuna sila o hindi. Paano po kaya natin mahihikayat pa iyong ating mga kababayan with this Delta variant po?

SEC. ROQUE: Sa aking pananaw, si Delta variant na ang pinakamabuting dahilan kung bakit dapat magpabakuna. At kung hindi kayo natatakot kay Delta variant, matakot ka kay Lambda variant. So kung gusto mong mabuhay, gusto mong maprotektahan ang iyong sarili at ang iyong mga mahal sa buhay, pabakuna na po tayo.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Secretary Roque, patanong lang po mula sa isang colleague po sa PTV. From Karen Villanda: Ano po iyong status sa panawagan ng ilang grupo na para ma-restore iyong GOCC workers wage hike order na na-suspend sa panahon ni Pangulong Duterte noong 2017? Umaasa po kasi sila na matutupad iyan bago matapos iyong term ni President Duterte. Mabibigyan po kaya iyan ng kasagutan?

SEC. ROQUE: Well, iyan po’y pinag-aaralan pa sa ngayon ‘no at iyan naman pong mga bonuses at mga incentives na ‘yan ay nakadikit po ‘yan ‘no doon sa tinatawag nating performance ng mga GOCCs at saka iyong availability of funds din.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And panghuling katanungan na lamang po, Secretary Roque. May isa lang kasing lumabas sa isang newspaper na tinanggap na formally ni Presidente Duterte [garbled] PDP Laban’s endorsement for him to run as the party’s vice presidential candidate in the 2022 election. Ano pong masasabi ninyo rito? Can you confirm this po, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: I can only confirm na kagabi ay nagpulong po ang Presidente kasama ang Pangulo ng PDP Laban na si Secretary Cusi; kasama rin si Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino pero hindi po ako kasama sa pagpupulong. Ang sinamahan ko lang pong pagpupulong ay iyong para sa mga Olympians ‘no.

So I can confirm nag-usap po sila pero I do not have personal knowledge kung ano pong nag-transpire and I will leave it to PDP Laban as a political party to make the proper announcement.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque at sa ating mga panauhin.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Punta na tayo uli kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Question from RG Cruz ng ABS-CBN: Saan daw po gagamitin ng gobyerno ang may 8.6 billion na intel at confidential funds in a pandemic? Bakit mas mababa ang amount than last year?

SEC. ROQUE: Well, patuloy pa rin po ang banta ng mga terorista, ng ISIS, ng mga komunista, ng mga drug lords kahit po may pandemya. Hindi naman po ibig sabihin ay pandemya ay tigil na muna ang terorismo. Diyan po napupunta ang ating intel fund at kasama din po diyan doon sa mga benepisyong binibigay doon sa mga napapatay na mga sundalo at mga kapulisan.

USEC. IGNACIO: From Maricel Halili ng TV-5: Kontra Daya questions the participation of F2 Logistics in the Comelec bidding. Si Dennis Uy daw kasi ang chairman nito na kilalang supporter ng Pangulong Duterte. Should F2 Logistics be disqualified given this? Should the participation of F2 Logistics be a concern in terms of credibility of election?

SEC. ROQUE: Pakitanong po ‘yan sa Comelec because the Comelec has the sole power ‘no to conduct elections including to award iyong mga kontratang gaya nito. Wala pong kinalaman ang Presidente diyan; Comelec po ‘yan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat. Punta naman tayo kay Ivan Mayrina, please, of GMA.

IVAN MAYRINA/GMA7: Magandang hapon Secretary and Dr. Solante, good afternoon. Sec., kahapon nga po nagtala tayo nang bagong record high ano and with the 25% positivity rate, hindi ho malayo na magtatala na naman tayo ng mga panibagong record high sa mga susunod na araw. Pero sinasabi ninyo po lagi we’re still within the projections. Is this to tell the public, sir, that we’re still okay? And at what point do we sound the alarm and you know, call for more stringent measures para tigilan na po na—parang masyado nang runaway itong ating mga kaso?

SEC. ROQUE: Alam mo, Ivan, alam na natin ang anyo ng kalaban. Maraming mahahawa pero wala pang mga 2% ang kinakailangan maospital. Ang pinaghahandaan po natin eh dapat kung sila’y pupunta sa ICU ay mayroon silang kama na makukuha sa ICU o ‘di naman kaya sa isolation wards ‘no.

At makikita mo naman po muli ‘no, nasa screen po natin ang ating healthcare utilization rate, we are in high risk – that’s true – nationally and within Metro Manila pero hindi pa po tayo kritikal ‘no. So kaya pa po nating alagaan iyong mga magkakasakit.

That is what we mean po by living with the virus, talaga pong naririyan iyong virus na ‘yan hanggang hindi pa natin nakakamit ang population protection. Pero ang paghahandaan po natin, dapat mabigyan natin ng tulong at kalinga iyong mga seryosong magkakasakit.

IVAN MAYRINA/GMA7: Dr. Solante, may I get your thoughts on this? Okay pa po ba kayo sa ganitong mga numerong nakikita ninyo sa ngayon?

DR. SOLANTE: Yeah, so far ‘no. Mga hospitals especially the government hospitals are still accommodating patients ‘no and we are thriving despite this increase in the cases and more or less ‘no talagang pinapagpreparahan naman talaga natin ‘to. Now there are what we call flexibility in most of these hospitals na kung tataas pa ang kaso, we will also increase the allocation of beds for the COVID ‘no. And at the same time we also have to balance that also iyong mga available na mga healthcare workers. Kaya napakaimportante ngayon na mag-ingat pa rin tayo ‘no na at this point in time especially for those vulnerable population kasi ito ‘yung binabantayan natin na maa-admit sa mga hospital.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Salamat, Dr. Solante. Sec, nagpulong daw po kahapon ang leaders ng Kongreso at ang IATF. Can you tell us what came out of that meeting?

SEC. ROQUE: Hindi po ako kasama doon sa pagpupulong, nandito po ako sa Malacañang for a series of meetings ‘no. Pero hindi po ako kasama doon sa pagpupulong ng IATF and members of Congress at wala po akong notice na nakuha tungkol diyan

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Salamat, Secretary Thank you. Dr. Solante.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Ivan. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. From Joseph Morong ng GMA News, for Secretary Roque: There are still people who could not secure a vaccination schedule? How will you explain it? Does it speak for a shortage in supply?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po iyong scheduling eh, nasa lokal na pamahalaan na po iyan ano. So makipag-ugnayan po tayo sa mga lokal na pamahalaan at tingnan po natin kung anong dahilan. Pangalawa, well ngayon po mas marami tayong supply, hindi kagaya noong mga nakalipas sa buwan. Mahigit 20 million po ang inaasahan nating darating ngayong buwan ng August at sa tingin ko po, kung kayo po ay kabahagi doon sa mga manggagawa at saka mayroong mga priority ay wala pong dahilan para hindi kayo makakuha ng schedule.

USEC. IGNACIO: Only 7% of the target frontliners have been vaccinated, why so? Can this explain spread of COVID?

SEC. ROQUE: Hindi po totoo iyan na 7% lang, kahapon po ay nasa 90+ percent na tayo sa lahat po ng mga A1. At doon sa mga lola at saka sa mga may comorbidities, eh medyo mas mababa po kaysa sa A1, pero hindi po 7%.

USEC. IGNACIO: Can you give us the statistics of how many have been vaccinated versus the target for NCR and the country? Can you quantify the need, maybe the number of people that needs to be vaccinated versus present supply?

SEC. ROQUE: Well, kagaya ng sinabi po kahapon ni Vaccine Czar, Secretary Charlie Galvez, mayroon na po tayong around 43% na fully vaccinated sa Metro Manila. So we have 7% more to go, para ma-achieve ang population protection of 50% dito po sa Metro Manila. Now, we concede na iyong mga karatig probinsiya natin, iyong plus 8 natin ay mga nasa 12 to 14% at iyan nga po ang gagawin natin ngayon, ibubuhos natin ang mga dumarating na supply doon naman sa mga karatig probinsiya at mga bayan at siyempre po iyong mga lugar kung saan nagkakaroon po ng surge.

USEC. IGNACIO: Sir, clarification lang po ni Joseph Morong bago pumunta sa tanong niya kay Dr. Solante. Iyong A4 daw po iyong 7% pa lang?

SEC. ROQUE: Can I see the data kung mayroon kang data? Well, siyempre po ang A4 ay ito po iyong mga manggagawa. So, nagsimula lang po tayo at siyempre po kaya 7% iyan ay dahil napakadami po ng ating mga manggagawa, pero pataas nang pataas naman po ang bilang diyan.

USEC. IGNACIO: For Dr. Solante, tanong po ni Joseph Morong: From a survey of OCTA Research, a top reason why people don’t want to get vaccinated is that they think it is not safe? Are the vaccines safe regardless of brand?

DR. SOLANTE: Yes, it has been proven already ‘no, na iyong pinadala or pinakita ng FDA na mga adverse reaction napakaunti kumpara doon sa nabakunahan o lahat ng nabigyan ng bakuna regardless of the brand. At saka nakikita rin natin doon na wala pang namamatay dahil doon sa bakuna. Kaya we have to enhance our campaign that all vaccines are safe and kailangan magpabakuna at this point in time.

USEC. IGNACIO: Thank you. From Kylie Atienza ng Business World, para po kay Secretary Roque, on the NTF-ELCAC proposed budget: Why is the Duterte administration going to subsidize local projects such as those under the BDP when the Mandanas ruling which includes the LGU share from national taxes will already be implemented next year. A budget analyst from Think Tank Group iLEAD also asked why the admin prioritized this when infra projects will very likely be forestalled by the upcoming election ban?

SEC. ROQUE: Salamat po sa katanungan na iyan, ano. Isa po ako sa tumayong abogado kay Governor Dodo Mandanas para diyan sa desisyon na iyan at nagagalak kami na magkakaroon na po ng implementation iyan itong taon na ito. Sa katunayan, nag-isyu na po ng Executive Order 138 para ipatupad itong Mandanas ruling ‘no. 37% more IRA and it will have to be automatically released to the LGU. Bakit kinakailangan pa ng ELCAC, kasi po ang reyalidad, mayroon po tayong mga 5th and 6th class municipalities na kahit tumaas ang kanilang IRA ay kakaunti pa rin po ang pondo. And siyempre po you can imagine na iyong mga pinakamahirap na mga munisipyo, diyan po nakatira iyong mga pinakanahihirapan sa buhay na mga nagiging rebelde. So iyan po ang dahilan.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: The Commission on Audit has already found multiple deficiencies in NTF-ELCAC funds coursed through the regional offices of the DILG. Has the Executive Branch already initiated any investigation regarding the deficiencies flagged by state auditors? Would you recognize that these funds are prone to abuse?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, I disagree. Kasi wala naman tayong balita na fundings ng ELCAC. Ang mayroon lang po iyong Makabayan Bloc ay kinukuwestyun, ang sinasabi nila iyong paglipat daw ng pondo ng ELCAC sa ibang ahensiya ng gobyerno. Pero ito naman po ay hindi po totoo, dahil kagaya ng sinabi nga po natin kanina, under the Mandanas ruling, habang totoo po na ang LGUs ay magkakaroon ng mas mataas na IRA, eh karamihan pa rin po ng mga barangay kung saan nandudoon ang mga nari-recruit ng NPA ay iyong mga 5th and 6th class municipality. Wala po talagang katotohanan iyong sinasabi nila na nagkakaroon ng fund transfer ‘no. Dahil ito po ay binibigay mismo doon sa mga komunidad.

USEC. IGNACIO: Question from Llanesca Panti ng GMA News online, for DR. SOLANTE: Does the Vaccine Expert Panel share the concern Vaccine Czar, Secretary Galvez on Covaxin that it is not widely used and as such, we should not buy that vaccine brand anymore?

DR. SOLANTE: Actually, noong naibalik ang Covaxin sa Vaccine Expert Panel, mataas ang efficacy niya. In fact, as high as 80% saka mataas din ang protection against severe COVID. So on that note, we still maintain our statement na any vaccine, kung pipiliin ba ng gobyerno na bibilhin, then those are coming from approved by the FDA and those are also very effective in the prevention of COVID-19.

SEC. ROQUE: Sandali lang bago tayo magpatuloy. Iyong alegasyon ng Makabayan Bloc laban sa DILG dito sa pondo ng ELCAC ay nagkaroon daw ng fund transfer at sinabi nila na ito daw ay highly irregular. Wala pong irregular doon, dahil ang nangyari naman po dito, sang-ayon kay Secretary Año, is that wala pong fund transfer, ito po ay downloading of funds from the DILG Central Office to their regional office at ito daw po ay authorized under the General Appropriation Acts of 2020. So wala pong ganiyang report ang COA, Makabayan Bloc lang po.

USEC. IGNACIO: From Llanesca Panti ng GMA News Online: Secretary Roque, is the Palace in favor of keeping unvaccinated within home to work and vice versa, while allowing fully vaccinated to go in other areas such as malls and other establishments?

SEC. ROQUE: Well, in the perfect world na karamihan ay bakunado na, siguro po ‘no. Pero sa ngayon na we are still 7% away in Metro Manila alone from 50% eh ipagpaliban po muna natin iyan. Siguro po later on the Metro Manila mayors will themselves provide for ordinances kung mayorya sa atin dito sa Metro ay nabakunahan na. Premature po to answer that as of now.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Llanesca Panti: Why is that certain LGU have vaccine supply surplus and as such are offering vaccination for non-residents? Why are they not giving the vaccine supply directly to the LGUs which need them?

SEC. ROQUE: Well, mahirap pong sagutin iyan, dahil iba-ibang dahilan kung bakit iba-ibang phase ang pagbabakuna. Pero ang importante pong maintindihan ng taumbayan, kung ikaw po ay LGU na mabagal magpabakuna, hindi rin po ganoon karaming supply ang ibibigay sa inyo, dahil ibibigay iyan doon sa mga LGUs na mas mabilis gumamit po ng bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Is it time to change some policies daw po in fighting the pandemic given that the number of cases are not dropping and Delta Variant is on the rise?

SEC. ROQUE: Well, masasabi ko lang, mas dapat paigtingin po natin iyong prevention – mask, hugas, iwas at bakuna; Iyong ating Detection; iyong ating Isolation; iyong ating Treatment at iyong ating Reintegration. Wala na pong ibang formula diyan kung hindi Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration.

USEC. IGNACIO: From Ina Reformina ng ABS-CBN: Is the Palace, AITF open daw po to allowing voter registration in ECQ and MECQ areas or considering registrants as APOR in the same way people are allowed to queue for ayuda provided strict protocols are maintained? This is in light of the recent stricter classifications sa NCR and other areas, whereas the September 30 voter registration deadline will no longer be extended. Many qualified voters will be disfranchised.

SEC. ROQUE: Bago ko sagutin iyan ‘no, unang-una, idadagdag ko lang doon sa aking sagot kanina, hindi lang naman sa Pilipinas lumulubo ang mga numero dahil sa buong mundo po ay nagiging dominant variant na si Delta variant na mas nakakahawa.

So problema po talaga ng mundo ito, pati doon sa mga lugar na mataas na ang kanilang vaccination. Kaya nga lang po, kapag nagkaroon na ng mataas na vaccination, parang sipon na lang po ang COVID-19, pero ang numero ay tumataas pa rin po.

Noong kailan lang po, nakausap ko iyong Deputy Ambassador ng Israel, iyan po iyong sinabi nila sa akin ‘no na bagama’t halos 70% na ang nabakunahan nila, aba’y nagti-ten thousand a day sila ngayon sa Israel. Ang kabutihan lang, hindi na kinakailangang maospital; parang nagkaka-sipon na lang.

Now, dito sa kuwestiyon na ito, well, ang bagay-bagay na po na iyan ay nasa hurisdiksyon po ng Comelec, hindi po ng Presidente. So perhaps the IATF can make recommendations but ultimately, even the IATF po ay hindi pupuwedeng magdikta sa Comelec; desisyon po iyan ng Comelec as constitutional body.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong po ni Ace Romero katulad din ng tanong ni Pia Gutierrez at ni Prince Golez about doon sa kung tinanggap na raw po ni Presidente iyong pagtakbo sa VP ng PDP ay nasagot ninyo. Secretary, from Prince Golez naman po: Patanong daw po if you already received COVID-19 vaccine? Fully vaccinated ka na daw po ba? At kung kailan kayo nagpabakuna?

SEC. ROQUE: Fully vaccinated na po ako. Hindi ko matandaan kung kailan iyong exact date. Pero nagkasakit po ako nang April, I think I waited a month tapos nagpabakuna na po ako.

USEC. IGNACIO: Opo. From Pia Rañada ng Rappler para po raw kay DR. SOLANTE: Is the vaccine expert panel already studying daw po at what percentage of vaccinated population in a region like Metro Manila? Can local government start imposing vaccine requirements for entry into establishments like restaurants and gyms? Like if 50% of eligible population is vaccinated, is it recommended that LGUs be allowed to impose such rules?

DR. SOLANTE: Well, regarding that question, Usec. Rocky, hindi na yata ano ng vaccine expert panel ‘no kasi ang trabaho namin is really evaluating the vaccine, ano iyong mga bakuna na puwede nating ibibigay; how safe are they and how good are they in protecting [against] COVID-19.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, from Sam Medenilla ng Business Mirror: At the current rate daw po ng pagtaas ng new COVID-19 cases sa NCR, may projection po ang government kung kailan po magiging critical risk ang healthcare utilization sa region? If yes, ano po ang ginagawa ng government to address this?

SEC. ROQUE: Well, as I said po ‘no, naghanda po tayo ng additional ICU beds. At mapapansin ninyo po na sa 1,400 na po ang ating ICU beds. Tayo po ngayon ay nagkakaroon ng triaging – iyong mga hindi kinakailangang mag-ospital, pinapapunta na po natin sa ating mga TTMFs [Temporary Treatment and Monitoring Facilities] kung saan mayroon din pong doktor diyan ‘no. At saka nandiyan po iyong mas pinalawak pa, mas pinalakas na One Hospital Command Center – 1555 at saka iyong 0915-7777777 – para hindi na kayo pupunta sa ospital na punuan na. At sa ngayon naman po ay—mayroon pang iba pang mga numbers ‘no – 02-886-50500 at saka 0919-9773333.

USEC. IGNACIO: Question from Ace Romero ng Philippine Star: Ano raw po ang agenda sa Talk to the Nation at IATF meeting mamaya?

SEC. ROQUE: Well, siguro po iyong kumpirmasyon kung tatakbo siya sa pagiging vice president or hindi, manggagaling na mismo sa bibig ng Presidente.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po.

Now, bago po tayo magtapos, mayroon po akong dalawang BFFs na kasama sa 17th Congress na binisita po ako ngayon. Naalala po nila ako, at ako naman po ay galak na galak kaya masarap ang aming tanghalian ngayon. Wala pong iba kung hindi ang, unang-una, ang aking adviser at mentor sa Kongreso, si Congressman Anthony Bravo ng COOP-NATCCO na dapat talagang maibalik sa Kongreso; at ngayon po ang ating Deputy Director General ng TESDA, wala pong iba kung hindi si dating Congressman John Bertiz. Maraming salamat po sa inyong pagbisita, at sana po ay mas mapadalas pa ang inyong pagbisita dito sa ating lungga sa Malacañang.

So since wala na pong tayong mga questions, maraming salamat po kay Dr. Rontgene Solante. Maraming salamat kay Mr. Christian Gonzales. Maraming salamat sa’yo, Usec. Rocky. At maraming Cong. Bravo at Cong. Bertiz sa inyong pagbisita ‘no.

Sa ngalan po ng inyong Presidente, ito po ang inyong Spokesperson Harry Roque na nagsasabi: Pilipinas, steady lang tayo, alam na po natin ang kalaban natin. Kinakailangan patuloy na mask, hugas, iwas at bakuna. pero meanwhile, pinaghahandaan po natin ang mga posibleng magkasakit ng seryoso, aalagaan po natin kayo, aarugain, walang iwanan; walang maiiwan.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center