Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Narito po tayo ngayon sa SM San Mateo para kilalanin na naman po ang isang milestone sa ating vaccination campaign. Mga kaibigan—[technical problem]

Magandang umaga, Pilipinas. Maraming salamat po sa inyong muling pagsama sa presidential press briefing ngayong Lunes na ito. Narito po kami ngayon sa SM San Mateo para i-commemorate ang dalawang importanteng milestone – umabot na po tayo sa mahigit 30 million na nabakunahan ng first dose at mayroon na po tayong 13 million na fully vaccinated na mga kababayan. To be more accurate po ha, mayroon na tayong 13,389,160 na total doses administered; at ang fully vaccinated na nating mga kababayan ay 30,130,485. Malaking achievement po ito dahil noong Mayo a-uno ay doon lamang po natin sinimulan ang ating pagbabakuna. At hanggang ngayon po ha, naka-30 million tayo bagama’t halos lahat ang bulto ng mga bakuna ay [technical problem]

[COVERAGE CUT] mahigit 30 million na na-administer na COVID-19 vaccines. To be more exact, mayroon na po tayong 30,389,160, at sa numerong ito, mayroon na po tayong 13,130,485 na fully vaccinated na mga kababayan.

Well, kahapon po, napanood po natin muli ang Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao. Nagpapasalamat po kami kay Senator Pacquiao sa hindi mapapantayang karangalan na ibinigay niya sa bansa at sa saya na ibinigay ng Pambansang Kamao sa lahat ng mga Pilipino sa kaniyang mga laban sa napakatagal na panahon. Senator Manny fought a very good fight with his heart and soul. At sa oras ng tagumpay at panahon ng pagkabigo sa kaniyang boxing career, nasa likod po niya ang sambayanang Pilipino. Ikaw pa rin ang aming People’s Champ, Senator Pacquiao.

At habang pataas nang pataas po ang mga numero ng mga nabakunahan, walang tigil din po ang dating ng supply ng ating mga bakuna ‘no: Dumating noong Sabado, August 21, ang 260,800 doses ng Sinopharm na donasyon pa rin po mula sa Tsina. Kung inyong matatandaan, nauna nang dumating ang 739,200 doses of Sinopharm [garbled] August 20. Suma total, isang milyong doses ng Sinopharm na donasyon ng Tsina ang dumating na. Dumating din po noong Sabado, August 21, ang isang milyong doses naman ng Sinovac na binili ng pamahalaan. Nasa 582,500 doses naman po ng AstraZeneca ang dumating noong Biyernes, August 20, na binili ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

Sa balitang IATF naman po tayo: Nasa ikatlong araw po tayo ha ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa Metro Manila at Probinsiya ng Laguna; ito po ay magtatagal hanggang katapusan, August 31, 2021. Samantala ngayong araw, August 23, ang unang araw ng MECQ sa Probinsiya ng Bataan na magtatagal hanggang katapusan din po ng buwan. Bagama’t balik trabaho tayo, limited onsite operations pa rin po tayo sa MECQ po ‘no.  At kakaiba nga po itong MECQ na ito dahil wala pong indoor at al fresco dine-in services; bawal pa rin po ang mga personal care services gaya ng beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas. Samantala ang ating religious gatherings po ay mananatiling online or virtual sa NCR, Laguna at Bataan sa panahon nang nasa ilalim po tayo ng MECQ. Pinapayagan naman po ang mga lamay, burol at libing; pero ito po’y pupuwede lamang daluhan ng mga malapit na kapamilya ng yumao at dapat po ay sumunod sa prescribed minimum public health standards.

Now, dahil sa kakulangan po ng panahon, ipu-post na lang po namin ang COVID update number. Pero sa ibang mga bagay, inaasahan po na nasumite na ng ating Department of Budget and Management kaninang umaga po ang 5.04 trillion na proposed 2022 National Expenditure Program sa ating Kongreso. Ito po ngayon ang pinakamataas na budget na sinumite ng Ehekutibo sa Kongreso.

Itong 2022 National Expenditure Program po sang-ayon sa DBM ay binuo para po magbigay ng pondo at suporta sa lahat po ng mga pangangailangan natin habang tuluy-tuloy pa rin ang COVID-19 pandemic at para po ma-sustain ang trajectory ng ating economic growth at para magpatuloy ang legacy ng infrastructure development.

Ilan po sa mga pupondohan para labanan ang pandemya ay iyong 45.4 billion para sa COVID-19 booster shots ng 93.798 million fully vaccinated Filipinos. Kasama rin po dito ang 983 million pesos para po sa establishment ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines.

Mayroon din po tayong 140 million para po mapalakas po ang bio surveillance and immune bio surveillance ng COVID-19 variants sa ilalim ng Philippine Genomic Information and Resource Hub.

Kasama po natin ngayong hapon walang iba po kung hindi ang ating MMDA Chairman Benhur Abalos; ang ating Chief Implementer ng National Task Force on COVID-19, Secretary Carlito Galvez; at kasama rin po natin ang ating General Manager ng MMDA, si GM Jojo Garcia na taga-San Mateo at tagabigay po ng bakuna sa San Mateo at sa Probinsiya ng Rizal.

Mayroon po munang opening remark si MMDA Chairman tungkol po sa mga datos na kinakailangan ninyong malaman dito sa Metro Manila. Chairman Abalos?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Maraming salamat, Spox Harry at sa aking mga kasama. Magandang tanghali po sa lahat ng mga nakikinig.

Alam naman po natin galing sa ECQ ang Kalakhang Maynila. Ano po ang mga naging epekto nito? Pabayaan ninyo po akong bigyan kayo ng mga datos ‘no, unang-una sa mga pagbabakuna. Habang po nagkaroon ng ECQ ay tuluy-tuloy po tayong nagbakuna at ito ay nagbunga naman ng mga magaganda. Iyong dating sinasabi nating target natin na four million, although hindi naman natin nakamit ay halos nakamit na rin natin ‘no – konting diperensiya lang.

In fact, sa ngayon, makikita po sa ating table, ang populasyon po natin ay 14 million sa Metro Manila; ang eligible sa atin ay 70%, tatanggalin mo iyong 30%, so that’s about 9.8 million. Ang atin pong nababakunahan ngayon sa Metro Manila ay 11,613,157. Of that, ang first dose ay mga 7.3 million or 75% — inuulit ko – 75% ng mga nasa Kalakhang Maynila ay nabakunahan na ng first dose. Sa second dose naman, ang nababakunahan na o completely vaccinated ay 4,262,546 o 43.5%, this is as of August 22. Kaya iyong target na 50%, awa ng Diyos bago magkatapos, baka kayanin po nating matapos iyan dahil ngayon ay nakaka-43.5%. Maraming salamat mga mayors ng Metro Manila, medical frontliners, of course, iyong ating national government, sila Sec. Charlie, Sec. Vince ‘no, lahat po ay nagtutulungan po rito – DOH. Next slide, please.

Ngayon, tingnan nating maigi, karamihan ng nasa ospital natin, dalawa ang pinaka-most vulnerable: Ito ang ating mga senior citizens, ang ating mga lolo’t lola; at iyong mga person with comorbidities.  Sa nabanggit kong bakuna, higit kumulang 78% ng lahat ng mga lolo’t lola sa Metro Manila ay nabakunahan na ng second dose. Ibig sabihin, sila ay fully protected at first dose nila ay 92%. Sa mga persons with comorbidities, sila ay more or less, 42% ang completely vaccinated. Next slide, please.

Ngayo, gusto kong tingnan ninyo itong overview na ito. Ito ay overview, hinimay namin. Dapat ba tayong magpabakuna o hind? Kaya tayo nandirito sa San Mateo ngayon ay para i-promote ang pagbabakuna. Ang magpapakita rito ay halos 69.52 o halos 70% ng mga tinatamaan ngayon ng COVID ay walang bakuna. At dinivide namin sa fully vaccinated, at iyong two dose at one dose naman, iyong mga partially vaccinated, sila ay 30%. Pero ang importante rito, dapat makita natin na ang death, ang critical at severe, talagang mas marami ang unvaccinated; halos konti na ang mga fully vaccinated. Ito po ay nakuha namin sa lahat ng LGUs ng Kalakhang Maynila.

Ngayon, gusto ko lang pong sabihin ‘no – next please – ito, iyong iba sa amin, kamukha ng San Juan halos 100%; sa Mandaluyong na [unclear] na kami. I’m talking of the two doses, nakakadalawang bakuna – and Pateros. Bakit? Mga maliliit na lugar po ito eh. The smallest is Pateros, San Juan and then Mandaluyong, so madali talagang makatapos. Ito po ay napag-agree-han na ng mga alkalde before ng Kalakhang Maynila. Alam ninyo sa Kalakhang Maynila, we act as one; we vote as one; and now we are going to vaccinate as one.

So napagkasunduan namin iyong mga nakatapos na ay magkaroon ng QR Code. Ito nakita ninyo, Pateros, Mandaluyong and San Juan, na iyong mga labas namin na hindi na residente ng LGU ay puwedeng magpabakuna, provided, number one, no walk ins at kailangan magpa-schedule sila. May mga nilagay kaming mga QR Code, puwedeng i-download po ito.

And hopefully lahat na po ito ng Metro Manila, hindi lamang sa Metro Manila pati iyong fringes of Metro Manila. It could even be Rizal, Laguna, Bulacan, later on and even Cavite for that matter. Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayu-tayo na lang?

Ang pinakahuli kong sasabihin ay ganito, ang sabi po ngayon, ang epekto nitong two-week ECQ ay ang ating reproductive rate. Noong tinake (take) ito noong August 6 nagsimula tayo August 8-14, kinompare (compare) sa August 15-21, dati ay 1.9%, ngayon ay 1.67%. Bumaba nang bahagya ang ating reproductive rate. Gumanda nang bahagya pero it does not mean we are out of the woods. Mag-ingat pa rin tayo!

Pinakahuli kong sabihin, sa ngayon we’ve got 3,641 granular lockdowns. Puro lockdown ang lahat ng mayor ng Metro Manila, kaliwa’t kanan po iyan, binabantayan talaga. Bukod po rito ay humingi kami ng 50,000 RT-PCR. At maraming salamat, Senator Gordon; maraming salamat, Sec. Vince, dahil dito at least nakareserba po ito kung sakaling mag-surge. Pinaghahandaan na po namin ito.

Ang aming contact tracing, nagbigay ang LGU, at maraming salamat, DOLE Sec. Bello, ini-extend niya for another two months ang contact tracing ng Department of Labor. Ang isolation, pinaghahandaan na rin namin dahil dati nag-reserve na kami pero bukod doon ay mahirap na baka mag-surge ulit kaya ngayon pa lang nagri-request kami sa Oplan Kalinga tungkol sa mga hotels and probably in the next coming days baka mag-request kami ng opening of more schools just in case lang dumami pa itong surge na ito.

At gusto ko lang sabihin, anong nangyari sa Mandaluyong dito sa aming WE VAX AS ONE, last Friday, 50% na nagpabakuna sa Mandaluyong ay mga taga-labas at last Saturday at 30%. Sa awa ng Diyos, tulong-tulong tayo rito, national government, local, private, Juan Dela Cruz, kaya po nating talunin itong COVID sa madaling panahon.

Maraming salamat, Spox Harry.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Chairman Abalos.

Dahil po ang ating Vaccine Czar ay mayroong importanteng pagpupulong na tungkol din po sa bakuna, uunahin po natin ang lahat ng tanong kay Vaccine Czar. So, Usec. Rocky, all questions first to Vaccine Czar Secretary Galvez at saka mamaya po lahat ng Zoomers, lahat ng question po para ay Secretary Galvez.

Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Good afternoon, Secretary Galvez at sa marami pa nating mga bisita. From Llanesca Panti ng GMA News Online: Secretary Galvez, what is the vaccine supply for the NCR+8 areas right now given that these are the priority vaccination areas determined by the government?

Follow-up: What is the vaccine coverage for NCR+8 areas?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon nakita natin nakapag-supply naman tayo ng more or less four million pero iyan hindi iyan iyong one tranche lang, by tranches iyan. So, ang ano natin na tinatawag na parang ating commitment with the NCR+ including iyong 4A, Region III, Region VI, Region VII, Region XI and those priority areas ay makakapagbigay tayo ng four million at saka another 2.5 million.

With the continuous delivery of our vaccine na naka-receive na tayo ng more than 14 million and we will be receiving another five million, nakaya po natin na suportahan po iyon at ngayon po iyon nga pong four million na dumating na vaccine last week from Sinovac and also from other sources ay ibinigay na rin po natin equitably sa mga provinces.

Kasi po iyong ginagawa po natin ngayon, nakikita natin ngayon na at least we have already enough supply para sa NCR+8, we are now pushing na magkaroon ng tinatawag natin na isho-shorten natin ang gap between the different regions. So, iyon po ang ginagawa po natin ngayon at tuloy-tuloy po iyong ating supply. Mayroon po tayong makukuha na more or less another 20-25 naman this coming September.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Secretary Galvez, around 42 LGUs and over 700 private companies have tempting tripartite deals with the COVID-19 vaccine manufacturers which could have covered 10 million vaccine doses. What is the reason behind the government’s inaction on these deals?

SEC. GALVEZ: Hindi iyon inaction, gusto ko lang i-correct iyon ‘no. We are only doing some prudent negotiations. Unang-una, ang reason why we have some sort of a delay on the signing of tripartite – one – iyong Novavax vaccine na galing sa India, unang-una, wala po itong EUA sa ibang mga bansa na supposed to be dapat kapag magpapabakuna po tayo dapat kahit man lang doon sa kung saan ito na-formulate at nag-origin na country kailangan ma EUA siya.

And then doon sa origin country, iyong Novavax na ginagawa sa SII until now wala pa rin pong EUA. Ang ano po namin is baka magkaroon ng EUA ito sa September. And then, hindi po tayo makapag-negotiate kung wala pong definite na volume kasi mahirap po na kunyari pipirmahan natin iyong tripartite agreement, parang bibigyan natin ng false hope ang mga LGU na mayroong pinirmahan tayo pero maghihintay tayo sa wala. And then iyong ibang mga manufacturers are not interested anymore for multi-party agreements. Sinovac, Sputnik intends to prioritize orders from the national government.

Second, iyong Moderna and AstraZeneca are no longer accepting vaccine orders. Maybe they will be accepting vaccine orders for the second wave pero iyong first wave na procurement natin ngayon hindi na po sila tumatanggap. And Johnson & Johnson and Pfizer are currently not open with the MPAs (multi party agreements). And then iyon sa Covaxin na issue as I have said earlier, nanghingi kami ng recommendation sa HTAC if this vaccine is still safe considering na iyong Covaxin kakaunti lang ang gumagamit na countries. Unlike iyong seven portfolio ng vaccine natin, nabigyan na ng go signal ito ng ating Vaccine Expert Panel. And also, we have some issues on pricing.

So, iyon po, gusto ko pong i-correct iyong notion, Usec. Rocky, na hindi namin dini-delay. Mahirap, mako-COA tayo kapag once na pumirma po tayo kaagad dahil kasi sasabihin ng COA, bakit bibili ang LGU eh excess na ang ating vaccine? At saka ito po, baka September baka magkaroon na po ng full authorization ang Pfizer or Moderna. Ibig sabihin, puwede na siyang CPR, meaning, puwede ng bilhin ng private sector iyong Pfizer at saka Moderna. So, we are waiting for time kasi nakita natin may mga developments eh.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez. From Sam Medenilla ng Business Mirror. Secretary Galvez, ilan na daw po iyong current supply ng COVID-19 vaccine na na-secure ng government since last March?  Ilan po dito ang donated at ilan po ang purchased by the national and local government?

SEC. GALVEZ: Sa presentation natin previously kay President, we have already tinatawag natin na secured more or less 165.4 million vaccines. Karamihan po dito ay procured; more or less 100 million plus are procured po. Iyong iba po, iyong 44 million galing po sa COVAX. Kaya more or less, tinatawag natin 17 million coming from the private sector and LGU, AstraZeneca procurement; and another 7 million from Moderna, private sector procurement. Mayroon din tayo na more or less mga 4 million na galing sa donati0n bilaterally and we are expecting again, another more or less 4 million na ido-donate ng tatlong countries. So, nakikita namin, baka umabot tayo ng 170 million doses. And kung dadagdagan pa natin iyong ating additional order na 30 million for Sinovac, that will become 190 million.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po ni Sam Medenilla, Secretary Galvez. Magkano na po ang nagastos ng government sa procurement ng COVID-19 vaccine?

SEC. GALVEZ: Paki-ulit lang, USec. Rocky, naputol po kayo nang kaunti. 

USEC. IGNACIO: Magkano daw po iyong nagastos na ng government sa procurement ng COVID-19 vaccine?

SEC. GALVEZ: Sa ating budget, ang ano po natin is, initially mayroon po tayong budget na 82.5 million. But recently mayroon na po tayong ini-request contingency fund na another 2.8. So more or less, ang total po natin na budget po sa ating COVID-19 is 88.6 billion, kasama na po diyan ang mga tinatawag natin na mga peripherals katulad ng mga diluents at saka mga syringes at kasama na rin po diyan ang tinatawag na cold chain management third party provided costing. So ibibigay po, magkakaroon po tayo ng senate hearing this coming Wednesday. We might have iyong DoF iyong magbibigay po ng exact figure para hindi po tayo magkaroon ng tinatawag na conflict ng figures.         

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: May mga vaccine manufacturers na kaya daw po nag-cancel o nag-delay ng order ng Philippine government after mag-announce ng ilang mga bansa na magbibigay sila ng booster shots sa citizens nila? If yes, ilang doses kaya ang mako-cover ng delayed or cancelled deliveries?

SEC. GALVEZ: For the information of the public, wala po tayong kinansel na tinatawag nating contract. Kasi iyong contract natin, this is the first wave, iyong ating second wave na contract, sa 2022 as we have said earlier sa hearings, is mayroon tayong tinatawag na mga boosters. Kasi sa ngayon, hindi pa tayo nag-aano, tinatawag natin na another procurement kasi humingi ng time ang vaccine expert panel. Sinabi nila kung puwedeng maghintay kami ng more or less September, October para makita natin talaga iyong real world efficacy ng mga vaccines. So iyong ating mga procurement ngayon na tinatawag nating first wave, iyong for 160 million, ito po wala pong na-cancel tayo dito.  And then we are now coordinating with some manufacturers, four or five manufacturers, for second wave procurement if either booster o iyong tinatawag nating iyong second generation vaccine that can handle iyong mga variants.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez. Iyon pong tanong ni Jo Montemayor ng Malaya ay nasagot na daw po ninyo kanina sa inyong presentation, Secretary Galvez. Salamat, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay, baka doon sa mga naka-Zoom, mayroon kayong tanong para kay Secretary Galvez? Mga naka-Zoom?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Good afternoon, Spox. I have a question for Secretary Galvez. Sir, doon lang po follow up on the companies na hindi nag-a-accept ng tripartite deals. How will this affect now our vaccination rollout and iyong supply po natin? Will this have any effect?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon iyong tripartite na na-hold, walang effect iyon. Kasi iyon talagang na-program natin is 148 million initially. Sa ngayon sumosobra na tayo eh, 190 million. The LGU should think na baka mamaya iyong reason na to but more vaccine, magkaroon sila ng complication sa COA. Kasi nakikita natin, the government, the national government already buying enough vaccine, considering that we have already covered even iyong tinatawag nating, iyong pediatrics na future naman natin and at the same time, kinober natin is more or less 80 to 90 million. Kasi ang guidance po ng ating mahal na Presidente is we have to vaccinate all people to have iyong tinatawag nating talagang total immunity. So, sa ano po natin ngayon, wala pong effect iyong tinatawag nating tripartite, considering that all the procurement that we will have, including the COVAX, it will be delivered.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: You’re still confident na maabot po natin iyong population protection with their target cities?

SEC. GALVEZ: Yes. With the rate that we are going na mayroon tayong 30 million and most likely this coming September nakaka-add na naman tayo ng another 10 or 15 million, nakikita natin, we are very confident at ang majority ng ating mga procured vaccine including Pfizer, Sinovac at saka iyong Moderna and maybe iyong Gamaleya, they might have an increasing delivery this coming September and October. And I would like to announce, that the EUA for Sputnik light na one dose na siya ay naaprubahan na po ng FDA. And we will follow up iyong more or less 10 million natin na doses. It will become, tinatawag nating 10 million treatments, meaning 10 milyon na tayo ang makikinabang nito ng full protection considering that the Sputnik light is one dose na siya. Parang iyong Gamaleya Sputnik light is like Johnson & Johnson that it has higher efficacy, considering na ano na siya, parang single dose na parang Johnson & Johnson.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: all right, thank you very much, sir. Salamat po.

SEC. ROQUE: okay, mayroon pa bang sa Zoom para kay Secretary Galvez?

MELA LESMORAS/PTV: Secretary Galvez, one follow up question lang po. Secretary Galvez, follow up lang po sa question ni Trish.  Speaking of population protection, kailan po natin ini-expect na makukumpleto iyong vaccine deliveries para ma-achieve natin iyong population protection this year?

SEC. GALVEZ: Nakikita natin, mayroon pa tayong more or less 120 million to be delivered within the next 4 to 5 months. So nakikita natin continuing iyan, kaya ang ginagawa namin geographic ang approach natin. And we can see na iyong NCR, they can achieve iyong people’s protection, more or less baka October or November. And then the other regions na nakikita namin iyong Region IV-A, Region III, Region XI, Region VI and Region X, even region VII, we are trying to push for more accelerated vaccination para maka-catch up siya sa NCR. So we can see na iyong tinatawag nating mga surge areas at saka iyong mga tinatawag na critical and vulnerable areas will be fully protected. Nakikita namin by November, and then iyong December, we will follow on the other areas. So, iyong vaccine delivery will follow hanggang December po.   

SEC. ROQUE: Baka mayroon pong reporters na nandito sa SM na may tanong para kay Secretary Galvez? Any question for Secretary Galvez? Okay wala yatang questions. Oh, may isa, si Ian for Secretary Galvez. Please, Ian of GMA.

IAN CRUZ/GMA 7: Yes, Secretary, congratulations sa milestones natin sa 30 million and 13. Pero ang isa pa po sa hinihintay ay magkakaroon daw po tayo ng manufacturing ng vaccine sa Philippines. Matutupad na po ba ito? Saan gagawin at anong klase po ng bakuna ito?

SEC. GALVEZ: Pinag-uusapan na ng ating DOST, DOH at saka DBM including iyong ARTA. Actually, tumawag sa akin si Secretary Belgica para mapabilis ito ngang pagtatayo ng tinatawag nating vaccine manufacturing dito sa atin. Ito baka most likely kung titingnan natin, once na nagkaroon ng magandang negotiation at saka makita natin ang mga kondisyon, if might pursue po sa 2022 po ang ano natin.

IAN CRUZ/GMA 7: Sec, anong klaseng vaccine mRNA?

SEC. GALVEZ: Ang initial ano po, based on my knowledge, initial ano po natin Fill and Finish, meaning the vaccine maker can contract the plant here to have a Fill and Finish. And we don’t know yet sa ngayon kung whether mRNA or ano. I am not privy on the details of the negotiations. But the target is by 2022.

IAN CRUZ/GMA 7: Sa Clark po ba iyon, iyong planta?        

SEC. GALVEZ: I don’t know yet iyong details.

IAN CRUZ/GMA 7: Sec., nabanggit mo kanina iyong full approval ng Pfizer ng FDA. Ano po ang implications sa Pilipinas nito? Possible kaya na, siyempre magkaroon ng commercial use iyong mga private sector?

SEC. GALVEZ: Nakikita po natin, iyon na po ang hinihintay po natin kasi I believed ang Moderna po at saka iyong Pfizer, they are applying for full authorizations ng kanilang mga vaccines considering that maraming ano eh, hundred millions na po ang gumagamit po ng mga vaccines nila. So ang magiging impact nito is, once the two companies and even Sinovac, they are also applying for full authorization, once na naaprubahan na sa kanila, sa mga countries nila, they will also apply to us [for full authorization].

So most likely, ang nakita namin nito, if they will have September sa kanila, they will apply on October, maybe ang ano natin is December or first quarter, there will be a full commercialization of the vaccine.

IAN CRUZ/GMA 7: Sa mga ospital po, puwede na po iyon ano, bibili na sila?

SEC. GALVEZ: Most likely, iyon ang ano po natin. Mag-a-apply po iyong application ng CPR.

IAN CRUZ/GMA 7: Yes, sir. May diminishing effect daw po ang vaccines overtime? So, around October or November, after six months, iyong ating mga healthcare workers, may plano raw po sa kanila?

SEC. GALVEZ: Hinihintay po natin iyong tinatawag na deliberations ng all expert panel at saka vaccine expert panel on the date na kung kailan talaga tayo gagamit ng tinatawag nating boosters. And also, kasama na rin po roon iyong pediatric vaccination.

IAN CRUZ/GMA 7:  Okay. Last from my end, sir. Sir, ang nabanggit po ni Usec. Vergeire, iyong mga wide-[scale] lockdowns daw po ay hindi na nagiging effective sa bansa at mas effective kung granular lockdowns at i-improve iyong PDITR. So sa tingin po ba natin ay hindi na tayo magkakaroon ng mga hard lockdowns sa NCR? More on granular na lang po?

SEC. GALVEZ: Nakikita po natin na may effect pa rin iyong tinatawag nating ECQ. As we have said earlier na bumaba iyong positivity at saka iyong ating reproduction rate because of the ECQ. Mayroon pa rin siyang gamit, pero ang inaano nga natin, ang tinatawag natin because of its effect on the business sector, nakikita natin na it’s not sustainable. Kaya nga sa ngayon, ang ginagawa nating strategy, unang-una, talagang we have ongoing iyong massive vaccination. So that nakita natin, nakita natin talaga na even sa Manila nakita natin ang nagiging effect na kapag once na ang isang lugar ay fully vaccinated, nakikita natin na bumababa iyong tinatawag nating death rate at saka iyong rate of hospitalization.

So ang strategy natin ngayon is in order to avoid iyong hard lockdown is basically two-pronged: One is iyong i-maximize na natin iyong tinatawag nating iyong PDI responding scale. We need to mobilize and build a lot of hospitals, modular hospitals and also TTMF, and at the same, we have to prepare iyong ating mga treatment facilities, and lastly iyong massive vaccination.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Galvez. Mayroon pa bang question? He really has to go. Kaya pa ba o you really have to go? One last please, one last, but he really has to go. It’s an important meeting with the manufacturer also of vaccine.

Q: Opo. Clarification lang doon sa you mentioned by November, iyong surge areas, you think na fully vaccinated na or magkakaroon ng population protection. Which surge areas po ito? And kumusta iyong vaccination rate sa kanila at the moment?

SEC. GALVEZ: Nakikita natin na talagang sa Metro Manila, we would like to congratulate Chairman Abalos and also the NCR mayors, talagang napakaganda ng vaccination rate nila. And we are very confident na may mga mayors at saka may mga cities, lalo na iyong mga maliliit, mauuna. Mandaluyong, we congratulate Mandaluyong, San Juan and even Marikina na talagang mataas na iyong percentage nila. And we are very confident na maybe by, iyong iba, by end of August or even by end of September, makukuha na nila iyong, more or less, iyong 70% ng population nila.

And I am very confident na iyong Metro Manila, by October, all of them including Quezon City and Manila, they will have their own geographical protections by October. And there are many areas also, like for example iyong Iloilo City, mabilis. Talagang nakita namin na si Mayor Treñas ay mabilis din. At saka iyong Cagayan de Oro and also the vaccination in Davao is also scaling up. So we can see that once we have a continuous supply, steady supply of vaccine, we will be able to catch up with the NCR. And that’s our goal na iyong Region IV-A, iyong Region III and other regions ay makaka-catch up sila by October.

Q: Thank you po, Sec.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Secretary Carlito Galvez, our Vaccine Czar.

So, bago po tayo magpatuloy ‘no, nagpadala na po ng mensahe sa akin ang general manager po ng ating Philippine Ports Authority tungkol doon sa naging observation ng COA sa kaniyang 10 million na infinity pool. Tatlo po ang punto na nais pong ipabanggit ng GM ng PPA na si GM Atty. Joseph Santiago. Unang-una po ay mayroon daw pong mandato sa charter ng PPA na magpagawa ng training pool ang PPA. Ito daw po ay makikita sa Section 69 ng charter po ng PPA. Ito po ay training pool na essential po sa training ng mga port police personnel para po sa mga emergency and rescue activities.

Pangalawa, iyong halaga daw po ng infinity pool na 10.8 million, hindi lang po iyan para sa pool, kasama na rin po daw diyan iyong halaga ng mga guest rooms, multipurpose function conference room at air-conditioning for the additional facilities at saka iyong electrical systems.

At pangatlo, hindi raw po extravagant ang infinity pool; it is merely an engineering and structure design element. So mayroon daw pong mga pag-aaral na nagpapakita na ang continuous flow or infinity pool ay mas mahusay po kaysa sa conventional pool as water is continuously filtered and replaced.

Maraming salamat po kay PPA General Manager Atty. Joseph Santiago sa mga puntong ito. Ipagpatuloy na po natin ang ating press briefing. Kasama pa rin po natin si Chairman Abalos at si MMDA General Manager Jojo Garcia. So punta tayo kay Usec. Rocky. Go ahead, Usec.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. From Kris Jose of Remate/Remate Online: Kasado na ang 20-day break ng Malampaya gas field simula October 2 hanggang 22. Sa tingin ninyo ay hindi kaya magkakaroon ng problema sa storage ng mga bakuna sa panahong ito, assurance na hindi masasayang ang mga bakuna na binili ng gobyerno sa oras na ikasa na itong 20-day break ng Malampaya gas field?

SEC. ROQUE: Well, I can only restate iyong assurance po na sinabi ni Usec. Wimpy Fuentebella na handa po tayo sa 20-day closure ng Malampaya ‘no. Ang maganda naman pong balita ay we are having this closure of Malampaya in the month of August, hindi na po talaga masyado peak ang demand for electricity dahil ang peak for electricity po talaga ay iyong tag-init ‘no, na gumagamit talaga tayo ng mga air-conditioning at mga bentilador.

So inaasahan po natin na hindi naman po maapektuhan ang ating supply ng kuryente, at dahil dito, hindi rin maaapektuhan ang ating mga bakunahan.

USEC. IGNACIO: For MMDA Chairperson Abalos: Tama ba na nananatili ang curfew hours from 8 P.M. to 4 A.M.? Bakit hindi ito pinaiksi gayung wala na raw po sa ECQ ang NCR at nasa MECQ na?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Actually, napagkasunduan ito ng mga alkalde na i-maintain muna for the next, actually, hanggang katapusan lang naman ito eh dahil hindi pa ho ganoon, dahil tumataas pa rin po ang kaso ‘no. At ang atin pong ICU at ang ating mga beds ay hindi pa rin po mababa ‘no, medyo mataas pa rin.

Pero, although bumaba ang reproductive rate, iyong panganganak ng virus, from 1.9, naging 1.67, we are not yet out of the woods. Iba na ho iyong maagap na po tayo kaya pinapangunahan na natin ‘no. Huwag tayong masyadong magpakampante. Kaya mas minabuti na lang ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila, i-retain muna ang curfew hanggang sa katapusan. Anyway, ilang araw lang po naman ito.

USEC. IGNACIO: For Secretary Roque from Leila Salaverria: Since Metro Manila is close to vaccinating 50% of its population, how likely are officials to implement transportation bubbles or lay down new rules for the vaccinated and the unvaccinated by next month or will officials wait for the vaccination supply to stabilize since many of those who actually want to get vaccinated have yet to receive a schedule?

SEC. ROQUE: Wala pa pong plano na mag-implement ng bubble. Tuluy-tuloy po muna tayo ng ating bakunahan bago tayo magkonsidera ng mga bubble na tinatawag.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Punta tayo kay Mela Lesmoras, please.  Mela on Zoom? Habang wala pa si Mela, si—

MELA LESMORAS/PTV: Ayan, okay na po. Sorry.

SEC. ROQUE: Okay, go ahead.

MELA LESMORAS/PTV: Secretary Roque, unahin ko lang: May inaasahan po ba tayong Talk to the People mamayang gabi?

SEC. ROQUE: Wala po mamayang gabi; bukas po may posible. Mamayang gabi po ay bibigyan ng parangal ng Presidente ang ating mga medalist doon sa nakaraan na Olympics.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. And speaking of COVID-19 response po ng gobyerno, sa ngayon may iba’t-ibang reports po kasi na lumalabas about sa naging epekto ng ECQ sa NCR. Pero mula mismo po sa Malacañang at IATF, ramdam na nga rin po ba ngayon ang naging resulta ng ECQ and in what ways po? Kailan kaya natin ini-expect na mapapababa na iyong cases sa 5,000 and below?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, we are within the projection of FASSSTER. Kung naaalala ninyo, palagi kong pina-flash iyong naging projection ng FASSSTER kung anong mangyayari sa atin kung tayo po ay magtu-two weeks ECQ at saka itong ongoing MECQ natin. Hindi po natin inaasahan na tumaas sa 25,000 ang mga kaso ‘no, so, we are within the target.

Pangalawa po, bumaba po ang ating R naught ‘no, nasa 1.6 from 1.9. So, iyan po ay patunay.

Pangatlo, hindi pa po talaga natin makikita ang epekto niyan. Siguro po kinakailangan pa ng apat hanggang limang araw pa matapos ang ECQ bago natin mai-record talaga iyong substantial na pagbaba kung magkakaroon man.

Pero ang importante po—ayan naka-flash po sa screen natin iyong ating FASSSTER projection ang inaasahan po natin, iyan nilakihan na po natin—ay mananatili tayo doon sa orange line ‘no. Nasa more or less mas mababa pa nang kaunti or 25,000 cases.

Talagang matindi po talaga itong 60% transmissible rate ng Delta variant ‘no but we are within our projections po. So, I would say we have achieved our achievements for now ano pero siyempre kung mas bumaba pa po ang mga numero, then it would be for the better.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. And just a follow-up, Secretary Roque: Sa tingin po ba natin sa takbo ng sitwasyon na sinabi ninyo nga we achieved our target, ito na rin iyong last ECQ tulad ng ating target?

SEC. ROQUE: Well, it’s encouraging po na sa Metro Manila we are close to 43% fully vaccinated. Ang population protection po ay nasa 50% pero hindi naman po tayo titigil ’no, pararamihin pa rin po natin iyong mga nababakunahan sa Metro Manila at gaya noong sinabi natin kanina, we will vax as one. Iyong mga siyudad at kaisa-isang munisipyo sa Metro Manila na natapos na ng 50% papunta sa 70%, pupuwede na rin pong magbakuna ng mga mamamayan na galing po sa mga karatig munisipyo ng Metropolitan Manila gaya po ng Rizal, ng Laguna, at ng Cavite.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. At last question na lang po para sa MMDA. Chair Abalos, just a question, ngayon pong bumaba na tayo ng isang bahagdan sa quarantine, ngayong nasa MECQ na tayo, paano po natin pinapanatili iyong strict health protocols? At kakayanin po kaya na by September ay makabalik na uli tayo sa GCQ?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, we really hope so ‘no although the data right now are very encouraging. From 1.9 to 1.67 but it doesn’t mean we’re out of the woods ‘no kasi we must remember the character of this Delta variant. It’s really so contagious.

That’s why as early as now even though napababa na namin, we’re still looking na we’re always thinking na conservatively. Tinitingnan namin na, oops, maski mababa ito uunahan na namin ito. In what way? Pinaghandaan na namin ang aming contact tracers and our contact tracers right now ay from DOLE hiningan na namin iyong extension ng 5,775 na mag-e-expire na itong month na ito, so mawawalan kami, then DILG ‘no.

And of course, ang aming testing. Importante ang testing para maihiwalay kaagad, dinoble pa nga namin eh, humingi pa talaga kami ng 50,000 from the Red Cross kaya nagpapasalamat kami kay Senator Gordon, nakausap namin ni Sec. Vince three days ago.

And of course, ang aming isolation. Kasi, importante ma-isolate kaagad para hindi na makahawa. Dito iyong mga eskuwelahan namin halos puno pero mayroon pa naman, about 70% pero we just want to make sure may mga reserve kami rito.

So, hopefully, while doing all of these things, we are still vaccinating and vaccinating. So, at the end of the month we could reach that 50% and hopefully huwag na tayong umabot ng November. Sana by October pa lang or even September eh talagang protektado na ang buong Metro Manila.

SEC. ROQUE: Maraming salamat ‘no! Tawagin natin si Kier Gapayao ng PIA CALABARZON para tawagin naman iyong mga members ng media na naririto kasama natin sa SM San Mateo.

KIER GAPAYAO/PIA CALABARZON: Ngayon naman po tatawagin natin ang ating ibang mga onsite media and again for another question si Ms. Vivienne Gulla, ABS-CBN? Okay… Another question from JP Nuñez of UNTV.

JP NUÑEZ/UNTV: Chairman, doon po sa kapag nag-open po iyong vaccination para doon sa mga kalapit probinsiya, paano po iyong magiging sistema? Tapos paano po natin mase-secure na baka mayroon pong report na vaccine hopping o iyong magpabakuna ng third dose or iyong booster shot; and sa national government po, ano po ba iyong babala natin doon sa mga subok po ng ganoon na magpabakuna ng booster shot?

MMDA CHAIR ABALOS: Okay. Ganito ang mangyayari ‘no: Iyong mga tapos na sa amin – actually it’s Mandaluyong and Pateros right now – mayroon kaming QR code. So, all you have to do is i-download mo iyong apps tapos mayroon kang QR code; fill-up-an mo tapos pagpunta sa amin bibigyan ka ng schedule.

So, pagpunta mo roon you have to bring a government ID, importante iyon. Either passport/drive license. Important iyon, kung wala iyon hindi ka namin babakunahan. Why? Para mai-check na namin with DICT, dini-develop na ngayon ni Usec. Caintic, I’ve requested him primarily for this kasi nga takot baka magkaroon ng third dose, baka magpa-booster iyong iba, maabuso.

Kaya sa mga nakikinig huh, binabawalan ko kayo, ipakukulong talaga namin kayo! Huwag kayong gagawa ng ganoon dahil everything would be recorded.

And secondly, sa form, explicitly papipirmahin nila that they haven’t been vaccinated in any other place. So, once malaman namin – dalawa na iyan – so sa form na iyon makikita mo that’s already falsification, at pangalawa mati-trace namin. Siguro mahirap naman pekein pa iyong passport or driver’s license. These are government-issued IDs, importante iyon.

Tapos pangatlo, si Usec. Caintic, right now is developing that at least within Metro Manila magpapalitan kami ng mga data so that let’s say, Mandaluyong, I would like to check who is this Juan dela Cruz, he is from let’s say Quezon City? Ifi-feed sa akin, oops, he has never been vaccinated or he had this vaccination.

So, inano namin kay Usec. Caintic, pero sabi niya sa akin one week eh, so, siguro next week but we’re still waiting for that. Hindi na namin mahintay, sayang eh. Sayang iyong manpower namin, doktor namin, inoculators namin. In-open na rin namin ito dahil we hope that with that with the requirement of a national or government ID, talagang mahuhuli na rin namin iyon ‘no.

So, iyon po ang nangyayari ngayon and ito lang ang gusto ko on record, halos iyong sa Metro Manila dikit-dikit na naman eh, halos pare-pareho eh. Marikina is also near, it’s almost 90%. It’s already helping others. So, iyon lang.

Hopefully—kasi ang problema, kung dadalhin namin iyong team sa ibang lugar, mahirap. Naka-set-up na kami eh. Kamukha kami sa Megamall, naka-set-up na eh, para dalhin pa namin sa ibang lugar mas mahirap. So, mas pinag-uusapan namin nila Sec. Vince, ng ibang mga mayors, pabayaan na lang namin. Kung kailangan magsundo, magsusundo pa kami through MMDA. Nandito si Usec. Jojo Garcia, sabi ko nga gamitin mo lahat ng facilities, mga buses natin, magpasundo ka para mas marami tayong mababakunahan.

Thank you.

JP NUÑEZ/UNTV: Okay po. Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Okay. Balik tayo kay Kier ulit.

KIER GAPAYAO/PIA CALABARZON: For more onsite media, we have a question from Patricia Bermudez of PIA CALABARZON.

PATRICIA BERMUDEZ/PIA CALABARZON: This question po is for you, Usec. Jojo Garcia po. Usec., paano po ang coordination na ginagawa ng NCR at adjacent provinces nito like Rizal for their vaccination programs?

MMDA GM GARCIA: Again, again?

PATRICIA BERMUDEZ/PIA CALABARZON: Sir, paano po iyong coordination na ginagawa ng NCR at adjacent provinces nito like Rizal for their vaccination programs po?

MMDA GM JOJO GARCIA: Okay, unang-una ‘no. Sabi nga ni Chairman, iyong sa NCR namin, may mga sistema iyan ng pagbabakuna. Ngayon ang Marikina po at Quezon City dahil sila po ang border ng San Mateo, naglagay sila ng mga vaccination na malapit sa San Mateo at doon nagpupunta ang mga taga-San Mateo at nagpaparehistro. Kaya nga po sabi ni Chairman we vax as one, maganda naitayo natin ito, itong nasa San Mateo mismo, hindi lang para sa taga-San Mateo, kung hindi pati sa taga-Rodriguez or Quezon City or Marikina na nagtatrabaho dito. Just like this SM ‘no, inuna natin iyong A4, mga A4 lahat ito, hindi lahat ng tao rito nakatira sa San Mateo. May nakatira sa Quezon City, Marikina and Rodriquez, kaya iyan ang ating mga tutulungan.

Q: Thank you po.

SEC. ROQUE: Trish Terada please, on Zoom.

TRICIAH TERADA/ CNN PHILS: Hi! Good afternoon again, Spox. Sir, first question lang. I think si Sec. Vince is not here, pero iyong testing capacity po natin, tama po ba, is quite limited and we are doing antigen test that are reflected in the total number of cases? So, sir, what are the chances or iyong possibility, sir, na mas marami iyong mga cases na hindi pa recorded at hindi pa nadi-detect?         

SEC. ROQUE: Alam po ninyo, anything is possible ‘no. Pero we are hitting around 60,000 and ang antigen naman po, when you use it at nag-positive, kapag pina-PCR iyan, confirmatory na po iyan, pero halos hindi na po nagbabago kapag nag-positive sa antigen. So we are still opening up new labs, knowing that as the surge continues mas marami pang test ang kinakailangan. But as of the last report of Secretary Vince eh, in excess of 60,000 nga po ang ginagawa natin daily for testing.

TRICIAH TERADA/ CNN PHILS: Sir, after this round of strict lockdowns, inaasahan ba natin na talagang last or final ECQ na po itong nangyayari?      

SEC. ROQUE: Let’s just say that we are hoping, kasi alam naman ninyo kada lockdown natin, we have to adjust again our economic forecast. So far positive pa rin po ang inaasahan nating economic development within the year of 2021. Pero another lockdown, baka po hindi na natin makamit ang positive growth. We are encouraged by the fact that we had an all-time high for the second quarter when we reopen the economy. Pero alam naman po natin na itong third quarter nagsarado na naman muli. Pero what we did in declaring ECQ, when we did in August, is we are trying to save the last quarter of the year na normally po ito talaga iyong pinaka-productive sa mga negosyo, dahil nandiyan po ang Pasko.

TRICIAH TERADA/ CNN PHILS: Sir, patanong lang po sa kasamahan natin MPC na si Prince Golez from Politiko. Bakit daw po kailangan iyong mga vaccination milestone events when enough naman iyong communication platform ng government para i-announce iyong mga ganitong development? Hindi raw po ba delikado iyong mga ganitong event especially na may local transmission na po ng Delta variant? Idagdag ko na lang din po, sir, pati po iyong inauguration ng mga temporary facilities and iyong mga modular hospital beds, hindi po ba delikado iyon, sir, iyong mga ganoong events?            

SEC. ROQUE: I don’t think so po, ‘no. Kasi unang-una nandito kami sa area na hindi po under MECQ, Rizal is not under MECQ, it’s under GCQ with heightened [restriction]. Hindi po MECQ ang Rizal ‘no. So hindi naman po ipinagbabawal ang pagtitipon. Of course, we are cognizant po, kung ano ang quarantine classification kung saan kami pupunta. Pangalawa, wala pong masama na binibigyan natin ng importansiya ang mga milestone, hindi naman po kami pumupunta sa mga ganitong mga activities na wala po tayong milestone na kinikilala.  Because taking note of this milestone is a way of encouraging people na magpabakuna na rin. So, my answer to Prince is wala pong masama na ginagawa po natin. We feel that this is part of effective government communication na magpabakuna ang lahat. At iyong mga inauguration naman po ng mga facilities, dahil dapat naman malaman ng taumbayan kung saan napupunta ang kanilang pera lalung-lalo na pagdating sa ating mga hakbang na ginagawa laban sa COVID-19.

TRICIAH TERADA/ CNN PHILS: All right. Thank you very much, Spox.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, punta tayo kay Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. For Chairperson Abalos, top officials are set to meet to discuss ways on how to reopen the economy amid the present threat of COVID-19. Will you now consider the restriction of movement unvaccinated people and opening of business establishments only to fully vaccinated individuals?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Actually, they have been doing that in other countries like Singapore. This morning I was with Joey Concepcion with Go Negosyo, I told him what is important here is that we reach a certain level, a target, if it’s 60%, if it’s 70%, let the medical experts set the standards and compare it with other countries. I think Singapore, I am not sure ha, if it’s 60 or 68% and then, they made this kind of policy. But such kind of ideas for me, it shows flexibility. Ako, I fully support it, because we must learn how to live with the virus, it’s not so easy to defeat it, so might as well learn how to be flexible and live with this. So siguro sa mga susunod na buwan, talagang aangat na ang ating ekonomiya, importante lang ang pag-iingat ng bawat isa.            

USEC. IGNACIO: Thank you, Chair Abalos. From Kris Jose of Remate/Remate Online for Secretary Roque: Marami daw pong mahihirap na pamilya sa NCR, Bataan at Laguna na nasa ilalim ng MECQ. Nanawagan sa gobyerno na bigyan sila ng karagdagang ayuda lalo pa at hindi naman nagbukas ang lahat ng negosyo. Mapagbibigyan ba ang hiling ng mga ito?

SEC. ROQUE: Unang-una po, wala pong katotohanan na habang nagbaba na tayo ng classification to MECQ, iyong hindi pa nabibigyan ng ayuda, ay hindi na mabibigyan. Habang hindi pa po ninyo natatanggap ang ayuda ninyo. Maski naibaba na sa MECQ ang classification, tatanggapin pa rin po ninyo ang ayuda na intended para doon panahon ng ECQ. Ang alam ko naman po, kung para sa karagdagang ayuda, ang DSWD po ay mayroon talagang nakalaan na mga family food packs bilang karagdagang ayuda, bukod pa doon sa naibibigay po ng ating mga lokal na pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.    

SEC. ROQUE: Okay, by Zoom, wala na ano. So kung wala na pong mga tanong. Maraming salamat po. Unang-una dito kay Chairman. Mayroon pa po bang tanong?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque, mayroon pa pong mga tanong.

SEC. ROQUE: Ah mayroon pa, akala ko wala na.

USEC. IGNACIO: Sa akin po, Secretary Roque, may mga tanong pa ang MPC. From Currie Cator ng Manila Times for Spox Roque: Reaction daw po ng Palace on Senator Manny Pacquiao’s statement that he will announce his plans for 2022 next month?

SEC. ROQUE: Wala po. Karapatan ng Pilipino, bilang Pilipino na tumakbo at mahalal para sa kahit anong puwesto sa gobyerno.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: OCTA says the two-week ECQ has slowed the spread of COVID-19 in Metro Manila, but efforts need to be sustained over the next four weeks to prevent another spike. What is the right decision to ease to MECQ? And as early as now, are we considering retaining the lockdowns in NCR for at least for the next four weeks?         

SEC. ROQUE: Unang-una po ang lockdown po ay last resort. Ang talagang inaasahan po natin, iyong mas maigting na PDITR na ipapatupad ng ating mga lokal gobyerno –prevention, detection, isolation, treatment and reintegration. Importante po lahat ng Pilipino – mask, hugas, iwas at importante rin, kabahagi ng ating istratehiya ay iyong mas mapaigting pa po ang ating bakunahan. Dahil nakikita na po natin sa datos na ang Delta variant, ang COVID ay inaatake po talaga ang karamihan ng mga hindi pa nababakunahan.

USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz ng UNTV: Ano daw po ang reaksiyon ng Palace sa bantang disengagement sa PhilHealth ng mga private hospital? Gaano kalaki ang impact nito sa healthcare system sa bansa? Paano aayusin ng Palasyo ang girian sa pagitan ng private hospitals at PhilHealth?

SEC. ROQUE: Napakalaki po. I will speak as the primary author of Universal Health Care in the 27th Congress: Noong tinatalakay po natin ito sa 17th Congress itong Universal Health Care nagkaroon po ng isyu. Ina-nationalize ba natin ang mga pribadong hospital? Ang katotohanan po, halos 70% po ng ating healthcare ay binibigay po ng private hospitals. At ang estimate po namin noon ay 3 trillion ang kakailanganin para lang ma-nationalize iyong mga public hospitals. Dahil hindi nga po natin kakayanin na i-nationalize ang private hospital at sila po iyong mas malaking serbisyong binibigay sa taumbayan, ang ginawa na lang natin, ang PhilHealth, ang gobyerno sa pamamagitan ng PhilHealth ang siyang bibili ng lahat ng medical goods and services.

Kaya nga po, itong banta nila na sila ay titigil na magbigay ng serbisyo at mag-disengage sa PhilHealth, that has the potential of derailing the Universal Health Care. At bilang author po ng batas na iyan, hindi po tayo papayag. Ang panawagan ko po sa PhilHealth, magbayad kayo ng dapat bayaran. Dahil as author of the law, the intent of the law, is kayo po, ang gobyerno through PhilHealth, will become the sole purchaser of all goods and services.  Totoo po, maraming mga anomalyang mga claims. Ang dapat gawin po diyan, litisin ang mga nagsusumite ng mga fictitious claims at mga maanomalyang mga claim. Pero huwag po nating gamitin iyong blacklisting and the threat of blacklisting dahil uulitin ko po, hindi kakayaning ma-implement ang Universal Health Care ng pang-gobyernong hospital lamang po ang magbibigay ng serbisyo lalung-lalo na sa panahon ng pandemya.

Again, I reiterate: Kinakailangan magkaroon ng kooperasyon, ang PhilHealth magbayad ng mas mabilis. Hindi po dahilan ang kakulangan sa pondo ha. I will be the first to tell you, hinding-hindi po mauubos ang pondo ng PhilHealth, hindi po nawawala ang anomalya, pero ang sa akin dapat litisin iyong mga nagpapabayad ng anomalous claims at ang panawagan ko kay Atty. Gierran: Bakit iisa pa lang ang natatanggal sa PhilHealth dahil sa mga anomalya, nag-resign pa? Ang ibig mo bang sabihin, lahat ng mga anomalya sa nakalipas eh naririyan pa rin ang lahat ng mga taong responsible pa diyan at ni isang tao sa PhilHealth, hindi dapat sibakin? Hindi po kapani-paniwala iyan.

I am saying this now because we are in a time of pandemic, kinakailangan po utmost cooperation at kinakailangan ipatupad ang Universal Health Care dahil ito po ang kasagutan talaga sa panahon ng pandemya.  Sorry po, medyo emotional because I am very, very much invested dito sa Universal Health Care

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque, tanong po mula kay Cresilyn Catarong ng SMNI: Sabi po ng tagapagsalita ng COVID-19 pandemic response team ng UP. Malabo raw makamit sa Setyembre ang Herd Immunity sa Pilipinas. Impossible ba talagang ma-achieve it? Ano po sa tingin ninyo ang kailangan pang gawin o paigtingin na mga hakbang ng pamahalaan?

SEC. ROQUE: By September impossible, dahil ang target naman po natin for population protection ay December. At malaki po ang pagkakaiba ng population protection at saka herd immunity, dahil ang herd immunity, pati iyong mga kabataan nabakunahan na po. So we are aiming to vaccinate the adult population by December at ang epekto po niyan talaga  ay magkakaroon tayo ng population protection, mas matindi po ang  pagbaba ng kaso, because that would mean, one out of two Filipinos would already have protection.

USEC. IGNACIO: Ang sunod po niyang tanong: Ano daw po ang update sa pamamahagi ng ECQ ayuda, possible kaya na maabot ng mga LGU ang deadline hanggang August 25 para makumpleto ang distribution nito?

SEC. ROQUE: I am happy to announce that according to the DILG, naipamigay na po ang 75% ng lahat ng mga pondong na-download na po sa national government sa Metro Manila. Ito po ay nabenepisyuhan na ang 8.4 million beneficiaries. At may possibility naman po doon sa mga LGUs na hindi pa natatapos ng kanilang proseso na mabigyan ng karagdagang panahon, pero kikilalanin ko lang po ang mga nakahalos-100% na o iyong pinakamabilis na naka-distribute: Pateros – 96.87%; Mandaluyong – 85.52%; Parañaque – 77.89%; Caloocan pala 100% according to MMDA Chairman, Caloocan also 100%.

USEC. IGNACIO: Iyong tanong po ni Ivan Mayrina ng GMA News ay natanong na po ni Ian Cruz kanina diyan. Ang second po niyang tanong: Nagbanta ang Filipino Nurses United of FNU na if by September 1st, hindi pa rin maibigay ang benefits ng mga nurses and contractual health care workers, mas mabilis pa sa 24 oras silang magbababa ng resignation letter.

SEC. ROQUE: Huwag naman po sana, dahil nag-order naman po ang Presidente na within ten days from last Friday ay kinakailangan maibigay na itong mga special risk allowance. At kapag nag-resign po sila, dadami iyong hanay na walang trabaho sa panahon ng pandemya, mas lalala po ang problema natin kung mas maraming walang trabaho sa panahon ng pandemya at wala naman po tayong karagdagang ayuda ng maibibigay.

USEC. IGNACIO: From Joseph Morong ng GMA News. Some hospitals think that the ECQ was lifted too soon. Your reaction.

SEC. ROQUE: Well, kanya-kanya po tayong opinyon. Pero hindi po nakikita talaga ang resulta ng ECQ kaagaran. Hindi lang po 14 days iyan. I wish I can show, siguro po tomorrow ‘no. We will show in tomorrow’s briefing na ang talagang ang epekto ng ECQ nararamdaman po iyan 5 to 6 days after the two-week period.  Pangatlong ECQ na po natin ito. Alam na natin ang ating gagawin. Bukas po ipapakita ko po iyan para mapruwebahan ng epekto talaga ay hindi lang after 14 days, it’s on the 16th and 17th day.

USEC. IGNACIO: Opo, for GM Jojo Garcia. From PTV: Tutulong ba ang NCR sa mga karatig-probinsiya sa pagbibigay ng bakuna? At papaano daw po ang magiging proseso nito?

GM GARCIA: Tama po iyon, tutulong po ang NCR, katulad nga po ng sinabi ni Chairman   Benhur kanina, may mga QR code iyan, may proseso, magri-register po sila online at doon po sila pupunta sa mga site ng mga LGU ‘no. Katulad nga ng sinabi namin kanina, ang Marikina, Quezon City, para sa mga kababayan natin dito sa San Mateo at Rodriguez, dahil iyan po ang border nila. Pagdating naman doon sa bandang kabila, iyong border ng Pasig, puwede rin kapag natapos na rin po ang Pasig. So, pagtulung-tulungan po natin iyan, may sistema po tayong ilalabas, naglabas na po sila Chairman Abalos, iyong WE VAX AS ONE. So magkakaroon po ng uniform registration po. Thank you po.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, may follow up lang po is Joseph Morong: Ang ibig sabihin po ba daw ay luluwag ang hospitals in the coming days, but we shifted to MECQ?

SEC. ROQUE: Well, nakikita po natin ang pattern. Bagama’t sumisipa ang numero, ang mga hospital po natin, hindi po nao-overwhelm. Ngayon po, hindi ko na nabasa because of lack of time. But our hospitals, the health care utilization rate is more or less at around 70% kung hindi po ako nagkakamali. Tama po ‘no, sa buong Pilipinas, 73% ang utilized ICU beds; 62% ang isolation beds; 66% ang ward beds; 51% ang ventilators. Sa Metro Manila po, 71% ang utilized ICU beds ‘no. So mayroon pa po tayong espasyo para gamutin ang mga matinding nagkakasakit.

Ano po ang ibig sabihin nito, bakit napakadaming mga bagong kaso, 17,000 a day, 16,000 a day. Bakit hindi nao-overwhelm ang mga hospital, kasi halos 50 porsyento na po ng nababakunahan sa Metro Manila at ang ibig sabihin nito, bagama’t magkaroon sila ng COVID, hindi na po nagri-require ng hospitalization. Sana nga po magpatuloy itong trend na ito.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Thank you, MMDA Chair Abalos and GM Jojo Garcia.

SEC. ROQUE: Okay, maraming-maraming salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating Presidential Press briefing. Salamat po kay Chairman Abalos, kay GM Jojo Garica. Salamat po kanina kay Secretary Carlito Galvez. Maraming salamat kay Kier Gapayao ng PIA. Maraming salamat, USec. Rocky. Maraming salamat sa pamunuan ng SM San Mateo at ang local government ng San Mateo for being our host today.

Sa ngalan po ng inyong President Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Pilipinas, we are doing everything para magkaroon po tayo nang mas mabuting

Pasko. Sa Metro Manila po, halos 43% na po ang nababakunahan. Ibig sabihin po, 7% na lang ay pupuwede na tayong magkaroon ng population protection. Gaya ng sinabi ng Presidente, may katapusan din po ang pagsubok ng pandemya at papalapit na po ang ating tagumpay. Kinakailangan lang po magpabakuna na dahil ang bakuna ay ang ating garantiya na makapagbabalik tayo sa ating mga buhay, dahil nga po sa bakuna.

Magandang araw po sa inyong lahat.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)