Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Maayong udto sa inyong tanan. [DIALECT] PTV Davao para mag-attend sa regular Talk to the People Address ni Presidente.

Balitang bakuna: Nasa 27,806,881 ang total doses administered as of August 15, 2021, samantalang mahigit na labindalawang milyon ang fully vaccinated na po ‘no. Inaasahan natin na patuloy ang pagtaas ng pagbabakuna, salamat sa tumataas na kumpiyansa ng mga mamamayan at habang patuloy ang pagdating ng mga supply.

Dumating kahapon, August 15, ang 461,200 doses ng Moderna COVID-19 vaccine. Sa bilang na ito, 319,200 doses ay binili ng pamahalaan samantalang 150,000 doses naman ay binili ng pribadong sektor.

Dumating din noong Biyernes, August 13, ang 15,000 doses ng component 2 ng Sputnik V vaccines na binili ng pamahalaan. Samantalang, mayroong 578,800 doses ng AstraZeneca ang dumating noong Biyernes, ito naman ay binili ng pribadong sektor sa pamamagitan ng programang A Dose of Hope.

Usaping ayuda: Ito po ang status ng distribution ng financial assistance ng national government sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila as of August 15, 2021 ayon sa Department of Interior and Local Government, nasa 29.31% na po ang na-distribute. Katumbas ito ng mahigit tatlong bilyong piso or 3,299,290,000 mula sa total na mahigit na labing-isang bilyong piso or 11,256,348,000. Nasa mahigit tatlong milyon or 3,299,290 ang actual recipients o makakatanggap ng payouts. Nangunguna ang Makati sa distribution na nasa 51.48%; Pangalawa naman po ang Taguig, nasa 50.94%; pangatlo ang Caloocan – 45%; pang-apat po ang Marikina – 36.02%; at panlima ang Pateros na nasa 35.23%.

COVID update naman po tayo. Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo ayon sa Johns Hopkins World Meter COVID-19 Data at WHO COVID-19 Dashboard: Number 21 po ang Pilipinas pagdating sa total cases; number 24 naman po tayo pagdating sa active cases; number 133 naman po tayo sa cases per 100,000 population; at Number 92 sa case fatality rate na nananatiling 1.7%.

Tingnan naman po natin ang mga bansa dito po sa Southeast Asia at ang kanilang mga aktibong kaso, ito ay ayon din po sa World Meter COVID-19 Data ‘no as of August 16, 2021: Nangunguna pa rin po ang Indonesia na mayroong 384,807 aktibong kaso; pangalawa ang Malaysia na mayroong 247,261 aktibong kaso; pangatlo ang Thailand na mayroong 210,943; pang-apat ang Vietnam na mayroong 166,766; panlima ang Pilipinas na mayroong 102,748 aktibong kaso.

At dito nga po sa ating bayan, nasa 14,749 ang mga bagong kaso ayon sa August 15, 2021 datos ng DOH. Mataas pa rin po ang ating recovery rate, nasa 92.03%, mayroon na tayong 1,608,528 na mga gumaling. Samantalang malungkot po naming binabalita na nasa 30,340 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.74% ang ating fatality rate.

Tingnan naman po natin ang daily cases by date of onset of illness. Makikita ang patuloy na pagtaas ng mga kaso kaya mag-ingat po tayo ha, maging homeliners, manatili sa bahay; mag-MASK, HUGAS, IWAS at BAKUNA kung may schedule na po tayo.

Tingnan naman po natin ang kalagayan ng ating mga ospital ‘no. Naku, tumataas po talaga ang mga utilization rates ng ating ICU beds. Dito po sa ating nasyonal na sitwasyon, 70% po ang mga utilized na ICU beds; 60% naman po ang utilized na isolation beds; 61% ang utilized ward beds at 51% ang utilized ventilators.

Samantala sa Metro Manila po ha nasa 71% na po ang utilized ICU beds; 64% ang utilized isolation beds; 63% ang utilized ward beds; at 56% ang utilized ventilators.

Naka-flash po sa screen ang DOH Hospital Hotlines ha kasama na ang One Hospital Command Center. Ulitin ko po ha, tawagan po natin itong mga numerong ito bago tayo magpunta ng ospital para masiguradong matatanggap tayo sa ospital na pupuntahan natin ha. I-dial lang po ang 1555 o ‘di naman kaya ang 0915-777-7777; o919-977-3333; 02-88650500.

Makikita rin ninyo po ang DOH Telemedicine contact details para naman sa libreng medical consultations.

Sa COVID concerns and emergencies, makikita ninyo naman ang COVID-19 hotline numbers sa Metro Manila, nakalagay po ito sa ilalim ng lungsod at mga numerong pupuwedeng i-text or tawagan.

On other issues: On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte extends his sincere condolences to the government and to the people of Haiti for the tragedy and devastation caused by the strong earthquake that struck Haiti.

Ayon sa initial report ng Department of Foreign Affairs, wala pong Pilipinong naapektuhan ng lindol sa Haiti. Ang sentro ng lindol ay hindi po sa Port-au-Prince, ang kapitolyo ng Haiti, kung saan naroon ang marami sa ating mga kababayan.

Sa Afghanistan naman po ‘no, gumawa na ng arrangements ang DFA para sa repatriation ng mga natitira pang Pilipino na nasa Kabul, Afghanistan. Nasa tatlumpu’t dalawang Pilipino ang nailikas po kagabi at ngayon ay nasa Doha na at naghihintay na ng kanilang flight pabalik ng Pilipinas. Samantalang mayroong labinsiyam pa po sa ating mga kababayan ang inaasahang aalis na rin. Ang repatriations ay ginawa ng mga employers at ng DFA sa kasalukuyan ay naghahanap pa ng magri-repatriate na bukod dito.

At sa ibang mga bagay pa rin, binabati natin ang Team Philippines sa kanilang four silver medals at two bronze medals sa katatapos na 62nd International Math Olympiad hosted by Russia.

Samantala, binabati rin natin ang Team Philippines na nag-uwi ng dalawang silver medals at isang bronze medal sa katatapos na 53rd International Chemistry Olympiad hosted by Japan. Patunay ang mga ito sa galing at talino ng estudyanteng Pilipino.

At panghuli ha, good luck po sa Team Philippines na sasali sa 2020 Paralympics na magsisimula next week, August 24, sa Tokyo, Japan. Go for gold!

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon sila DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman; Philippine Genome Center Dr. Cynthia Saloma; at UP-PGH Infectious Expert Dr. Edsel Salvaña.

Siguro po unahin ko muna po si Dr. Cynthia Saloma ng ating Genomic Center. Ma’am, marami pong naaabala ‘no na nakapasok na raw itong mas matindi pang nakakahawa at mas matinding nakakamatay na Lambda variant. Ano po ang latest finding natin diyan sa ating UP Manila Genomic Center? Ilan ba hong mga kaso na ng Lambda variant ang nakapasok? At ano pong sitwasyon, magiging majority variant na ba ho itong Delta variant, Dr. Saloma?

DR. SALOMA: Sa ating lahat na tagapakinig, nais ko pong ihatid sa inyo na simula po noong Enero kung saan tayo nag-genomic bio surveillance, ngayon pa lang po tayo naka-detect ng isang Lambda variant which lineage C.37 po, isang babae na 35 years old. Hindi pa po natin alam ROF or it’s a local case.

Pero so far po, isa pa lang po iyong ating nakita, Sec. Roque, na Lambda variant sa Pilipinas kahit po na pinaigi na natin iyong ating genomic bio surveillance.

SEC. ROQUE: Ma’am, ano na po ang status natin, predominant variant na ba ho ang Delta variant o iyong UK variant pa rin po ang ating predominant?

DR. SALOMA:Oo. So, Secretary, if I can show you, share the screen to everyone, I can actually show the percentage of the way by which the Delta variant really has overtaken the other variants of concern. Hindi ba po dati marami tayong Beta at saka Alpha, ngayon po itong ating mga sampling na nai-sequence, pinakamarami na po ang Delta variant.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Dr. Saloma. Puntahan naman po natin si Dr. Edsel Salvaña. Dr. Salvaña, ang tanong ng marami ngayong nandito na ang Lambda variant, anong dapat asahan ng ating mga kababayan? Dr. Salvaña?

DR. SALVAÑA:Yes po. Good afternoon po, Spox Roque!

Iyong Lambda kasi, ito ay tinatawag na variant of interest. Ibig sabihin, it’s a lower level than iyong tinatawag na variant of concern katulad ng Delta at ito po ay nakita po natin una sa South America and mukhang mayroon siyang iyong mga mutations na maaaring makaapekto sa efficacy ng ating vaccines pero hindi pa po ito proven.

Sa katunayan, sa US, ang US CDC does not even consider Lambda variant as a variant of interest. So, kailangan lang po talaga natin itong bantayan. Sa akin, mas nakakatakot pa rin talaga ang Delta at kung anong ginagawa po natin para sa Delta gagana po iyan para sa Lambda. And iyong Lambda, kailangan lang pag-aralan pero mas nakakatakot pa rin talaga ang Delta.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Dr. Edsel Salvaña. And finally, we have our suki also, Dr. Alethea De Guzman. Ma’am, ang tanong ng marami, we are on our eleventh day of ECQ, how are we doing po compared to the FASSSTER projections? Are we on track or totoo ba ho iyong sinasabi ng iba na parang hindi natin nakukuha iyong epektong inaasahan natin sa ating ECQ? Dr. De Guzman?

DR. DE GUZMAN:Thank you very much, Spox at magandang hapon po. So, let me share my screen and I will go straight to our case data po.

So, gusto po naming ipaalam po na—apologies, Sir. I’ll just go straight to that, Sir. Sorry po.

So, kahapon po tayo ay nag-register nga po ng ating highest daily confirmed cases after we had that high noong Abril, at 14,749 at nakikita nga po natin na unti-unti nga pong tumataas iyong porsiyento na aktibo among our cases. Pero tulad nga po ng nabanggit ninyo, hindi tayo nakakakita sa ngayon ng pagtaas o pagbabago ng ating cumulative case fatality rate at naiiwan nga po siya at around 1.75 and as of yesterday it’s at 1.74.

Subalit ang nakikita natin ay itong ginagawa natin na ECQ at ang mga dagdag na response na ginagawa natin ay posibleng hindi pa nga po natin mararamdaman. Kaya po dito sa ating epidemic curve, nakikita natin na mayroon ho tayong pagtaas pa ng kaso at sa ngayon nitong nakaraang linggo tayo ay nag-report ng average of 12,009 cases versus the 8,825 we reported in the week prior.

And most of these cases are not coming from the Visayas and Mindanao anymore but rather from the National Capital Region which is represented here by the blue bars po. At nakikita natin na ang pagtaas na ito ay hindi lamang po naka-confine sa NCR Plus. So, this is a challenge po talaga to the country because, wherein the peak in April, much of the cases were really coming from the NCR Plus areas.

Nakikita po natin dito ang pagdami ng kaso ay hindi confined doon kung hindi nakikita natin siya across all island groups but the fastest increases are with the blue and green lines representing NCR Plus and the red line representing the rest of Luzon. Kaya naman ngayon tayo ay nagtala ng high-risk case classification with a 65% increase in our cases. Mayroon po tayong siyam na rehiyon na nakatala din as high-risk classification.

Pagdating po sa ating healthcare capacity ‘no, kinakaya pa ba natin? Sa ngayon, karamihan ng ating rehiyon ay nasa moderate risk healthcare utilization po na may dalawang rehiyon na CALABARZON at Region II na nagtatala na po ng high-risk healthcare and ICU utilization po. Pagdating naman po National Capital Region, ang ating trajectory ay nakikita po natin na pataas. From just 2,160 average cases per day last week, we are at 3,260 at makikita natin dito po lahat ng lugar ngayon sa NCR ay nagtatala ng high-risk ADAR.

Napapansin din natin na in terms of their bed utilization, umaabot po tayo ngayon sa moderate to high-risk. Kaya naman po patuloy ang Department of Health at ang ating iba’t-ibang ahensiya na dagdagan pa ang ating mga kama hindi lamang the total beds but especially our ICU beds and right now we’re also adding and seeing closer attention to the number of pediatric beds that we are adding in our hospitals.

Gusto ko lamang din po ipaabot, Spox, na sa ngayon based on our alert levels, wala na po tayong Alert Level 1. Karamihan po ay nasa Alert Level 4 na po, ibig sabihin, kasabay ng pagdami ng kaso ay iyong pagtaas din po ng ating mga utilization beds.

At dito po pagdating naman po sa ating deaths, bahagya pong may pagdami tayo ng deaths na nakikita. Tayo ay nag-a-average ng 75 deaths per day for the first two weeks of August and this is nearing the 84 deaths per day we saw in July at iyong higit na pagbabantay sa apat na rehiyon kung saan nakakita tayo ng pagtaas ng deaths at ito iyong NCR, Region III, CALABARZON at Region VII.

Ngayon, tungkol sa tanong na tayo ba ay tuluy-tuloy pang tataas? Ito po iyong gusto naming ipaabot: Isang naging obserbasyon natin ay kahit tayo po ay naka-ECQ nakita natin na bahagyang bumaba iyong mobility po natin. Kaya lang kung ikukumpara po natin sa mobility noong tayo ay under ECQ noong Abril na talagang biglaang pagbaba, ngayon pong ECQ na nakaraan ay hindi ganoon kababa iyong reduction ng ating mobility. Kaya naman ito po iyong aming panawagan, tuluy-tuloy pa, makikita natin na tataas ang ating mga kaso pero may magagawa pa po tayo para pabagalin iyon. At nabanggit nga natin ay ang MPHS (minimum public health standard) natin ay ang pagbabakuna at agarang pagpapatingin at pag-i-isolate at quarantine po, at again, the goal for these interventions is actually to prevent more severe and critical cases as well as additional fatalities.

So, iyon lamang po, Spox. Salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. De Guzman. Babalikan po natin si Dr. Saloma para sa kaniyang power point presentation doon sa mga estado ng iba’t-ibang variant sa ating bayan ngayon. Dr. Saloma?

DR. SALOMA: Okay po, Spox. Permission to share my screen. So, ito po iyong aking ibahagi sa inyo.

So, ang ating genomic biosurveillance po this is the update as latest as of 16 August 2021. So, this is the Delta variant, this is the global epidemiologic profile of the Delta variant worldwide as the latest data from the Global Initiative of the Sharing of all Influenza Data where more than two million whole genome sequences of SARS-CoV 2 have been deposited as late as August 13.

Makikita po natin dito na essentially iyong Delta variant po iyong nag-takeover na sa blue, sa red na po ito. This is the Alpha variant before which was the dominant variant all over the world pero ngayon nakikita natin since May 2021 ang bilis po ng pagtaas nitong Delta variant, almost 99% of sequenced cases are now Delta variant.

If you look naman po sa regional distribution nitong variants and sequences worldwide makikita po natin in the continent of Africa, Asia, Europe, Oceania, as well as North America, dominant na po talaga ang Delta variant except in South America where we still have a lot of Gamma cases. Iyong Lambda naman po, doon naman makikita marami doon sa Peru kaso nga lang po ang Peru hindi naman malaki iyong kanilang genomic biosurveillance capability kaya kaunti lang po iyong nasi-sequence nila.

So, sa atin naman po, ito po iyong ibinahagi ng Department of Health kahapon. We already have a total of 807 Delta variant cases from the different regions in the country. In contrast, we have about 2,483 Beta as well as 2,232 Alpha cases. Sa Pilipinas o sa ibang bansa marami pa talaga iyong Alpha cases pero sa atin pong bansa, na-notice po namin na mas marami pa tayong Beta cases as compared to Alpha cases.

And gusto ko rin ibahagi sa inyo na we are looking at a slight increase in the number of P.3 cases that we have been detecting in our genomic biosurveillance efforts.

So this is for the comparison between the different variants that we have sequenced. So these absolute values ma-notice po ninyo noong March and April marami po talaga tayong sinequence, noong May po medyo kaunti iyong ating nai-sequence.

Pero simula ngayon pong June and July marami na po tayong nai-sequence at makita po ninyo in comparison to June, iyong atin pong July number of cases ng Delta, ito pong purple, ito po Delta cases, itong pink po are the Beta cases at ang Alpha po iyong—Beta po is pink and the Alpha po is the slight light purple. So kung makikita po ninyo dito in June very, very few. We started detecting the Delta cases in May – very, very few in Delta mostly in the ROFs. But eventually po in June, we’ve detected 72 samples in swab in June but immediately within July ang taas po, about tenfold increase, about 721 cases [unclear] Delta ito noong July.

I-compare naman po natin iyong nakikita natin sa National Capital Region, you will also notice that the rise in cases for Delta in comparison to Alpha and Beta is even more dramatic in the National Capital Region.

If you can see po, wala pa tayong nakikita na Delta noong May sa mga na-swab nating samples mula sa NCR. Pero sa June po mayroon tayong mga sampu and immediately po within July ang bilis po nang pagtaas ng kaso nitong ating Delta kung comparison to the Beta and the Alpha cases ‘no.

So kung titingnan po natin in terms of percentage, we will see for example that in the national average, we had about 3.81% of total cases na nakita natin Delta. Tapos sa June may bahagyang pag-akyat, 5.84% pero po nationally based on submitted samples to us, mga 42% na po ng ating mga total sequences ang Delta. This is even more noticeable po in the National Capital Region where from of about 10.56% of cases in June, nakikita po natin na ang mga Delta po ay nagti-takeover na sa ating Alpha and Beta cases.

So just to summarize what we know so far about the Delta variant and these are based on data from the US CDC and other sources, we have noticed also within our country that the Delta cases natin have a much lower Ct value values in RT-PCR. So you’ll notice that when people submit to us iyong sequences for whole genome sequencing, iyong atin pong requirement if a Ct value of 30 pero sa mga naibigay po sa amin na nagiging Delta po, ang baba po talaga ng mga Ct values nila. Sometimes we’ll get Ct values of 12, 15,16 or 20 but it’s a very, very dramatic so mataas talaga po iyon, viral load.

So other cases, there have been reports worldwide that the viral shedding is about 18 days versus the traditional 14 days. So mayroon po siyang implication sa quarantine but how deep it is, more data would be needed for this particular instance.

And number two, the risk of reinfection of Delta has been detected to be higher compared to Alpha with re-infected higher for those who have been vaccinated or have undergone—who’ve been infected for more than 6 months.

And the severity of illness, there are some early reports that [unclear] some severe illness but this data, [unclear] further a validation that the spread of Delta, this one po is alam naman ng—naibalita naman po ito. It spreads as easily as chickenpox with an R0 of about 5 to 9. It is more transmissible than SARS, than MERS, than Ebola even common colds, flu as well as smallpox.

But very important po this one in number six, that’s why we really need to—not only to vaccinate but also to wear the mask even if you are already vaccinated because vaccinated people carry huge amounts of the virus, can be just as contagious as the unvaccinated people. But very, very important is the fact that there is as much as 75% of breakthrough cases have been detected with the Delta variant and that could happen if symptoms are much milder and that of course based on data in the US and other countries 91.5% of tests are occurring in the unvaccinated. That’s why it’s really, really imperative that we get ourselves vaccinated when it is our turn.

On the Lambda variant naman po, Spox, the first collection date, we only have detected one – the swab date was on July 22, 2021 from a 35-year-old female. Our Epidemiology Bureau is still detecting or still tracing the travel history of this patient and whether this patient is an ROF or not.

So the Lambda variant was first detected in Peru in December 2020, it was now been detected in 29 countries but mostly in South America. The in vitro data from experiments in Japan show that the mutation from the Lambda variant would have potential for immunization. For now, it is still considered as a VOI and that we need more information as to its clinical as well as epidemiologic implications.

So iyon lamang po, Spox. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Dra. Saloma. Pumunta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, go ahead please.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. At good afternoon po sa ating mga bisita.

Ang unang tanong mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: Secretary Roque, ano daw po ang masasabi ninyo na maging si Manila Mayor Isko Moreno ay nagpositibo po sa COVID-19? Isa po siyang patunay na kahit bakunado ang isang tao ay maari pa ring tamaan ng COVID-19.

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, we wish Mayor Isko Moreno good health. We hope that he gets well soon ‘no.

Well, hindi naman po talaga sinasabi ng mga eksperto na ang mga bakuna ay garantiya na hindi tayo magkaka-COVID. Ang sinasabi po ng mga eksperto, lahat po ng bakuna natin epektibo para maiwasan ang seryosong pagkakasakit o pagkakamatay dahil po sa COVID-19. So iyan pong karanasan ni Mayor Yorme ngayon ‘no, sa tingin ko naman po precaution iyong kaniyang pag-uospital pero sa tingin ko po ay siguro po moderate ang magiging kaso niya at hindi na po siya magiging kritikal dahil bakunado na po siya.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: May naging rekomendasyon na ba ang Metro Manila Council sa IATF kung papalawigin nito ang ECQ sa NCR na nasa ilalim ng dalawang linggong ECQ na magtatapos sa August 20?

SEC. ROQUE: Wala pa pong rekomendasyon at nilinaw po ni Mayor Olivarez na bagama’t nagkaroon ng ulat sa isang pahayagan na ‘di umano ay nag-meeting na ang mga mayor, wala pa pong ganiyang pagpupulong na nangyayari.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang pangatlo niyang tanong: Sa palagay ninyo kakayanin pa ng gobyerno kung ie-extend ang ECQ sa NCR? Similar question po with Rosalie Coz ng UNTV, Leila Salaverria ng Inquirer at ng Daily Tribune News Desk.

SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinasabi ko po, ang ating objective ay iyong sinasabi nating total health – bawasan iyong kaso pero hindi naman po pupuwede na dadami iyong mga hanay na nagugutom. So tingnan po natin ang datos, mayroon pa po tayong mga araw ‘no at sa tingin ko naman alam na nating lahat ‘no – ito po ‘yung parang third na pagtaas na ng mga kaso ‘no.

Alam po natin na it takes about two weeks bago po magkaroon ng epekto iyong ating ECQ ‘no. At so maski dumating po ang a-beinte, hindi pa rin po natin makikita iyong pagbaba ‘no – iyan po iyong ating karanasan doon sa dalawang pagkakataon na tumaas ang kaso natin at nag-ECQ rin tayo.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Punta tayo kay Mela. Mela, please go ahead.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi, Secretary Roque at sa ating mga health experts. Secretary Roque, puwede pong unahin ko muna iyong ating mga health experts?

SEC. ROQUE: Go ahead.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Secretary Roque, for our health experts lang. Given the reports nga na iprinesent natin kay Dra. De Guzman, Dr. Salvaña, Dr. Saloma – Ano po iyong maimumungkahi ninyo para nga sa ECQ natin? Kasi we understand iyong Delta cases ay tumataas nga at may Lambda variant na rin na na-detect sa Pilipinas. Particularly para as NCR, ano po kaya iyong maimumungkahi ninyo sa ating mga awtoridad?

Napapanahon ba para i-extend pa ang ECQ o kaya rin naman ng ating bansa particularly nga ng NCR na magbaba na ng quarantine into MECQ?

DR. DE GUZMAN: O sige, panimulan ko po ‘no. So patungkol sa usapin ng ECQ tulad ng nabanggit ni Spox Harry, ito’y kailangan talagang pag-aralan. Alam po natin iyong malaking impact po talaga niya sa ekonomiya natin kung tayo’y magpapalawig pa. Ito’y pag-uusapan at rirebyuhing mabuti po sa ating susunod na IATF.

Subalit hindi man po siguro nakaka-excite na sabihin, pero iyong mga ginagawa talaga natin ngayon, these are the things that work. But we need to do it correctly and consistently – the masking, the face shield, the physical distancing. Makikita natin ang clusters hindi na lamang po sa mga workplaces and establishments, pati po sa bahay. So kailangan ang pag-iingat ay nasa lahat ng settings po natin.

So siguro iyong huli kong pag—iyong dalawang gusto pa naming ipaabot ay iyong pagpapabakuna and I’ll let Dr. Edsel further elucidate on it. At iyong ikatlo po, iyong agarang pagpapatingin. Nakikita natin ngayon, matagal pa iyong interval between finding a case and then isolating them – that’s still almost 7 days. And the 7 days na hindi po natin naa-isolate ang mga kaso na ‘to ay pitong araw po na posibleng sila ay nag-i-infect pa ng ibang mga individuals.

DR. SALVAÑA: Siguro dagdagan ko lang po iyong sinabi na ni Director Thea. It’s very difficult to see what’s happening in real time kasi mayroon po talaga iyon delay. Kumbaga ‘di ba iyong stars for instance ‘di ba sinasabi natin that’s 1 lightyear away. So iyong nakikita nating ilaw sa star na 1 lightyear away, isang taon na iyon. So hindi naman ganoon katagal para sa COVID pero it’s about 14 days iyong delay noong ating mga interventions kaya ang nakikita natin ay iyong mga infections na nangyari two weeks ago.

So iyong naglagay na tayo ng mga things but katulad nga rin iyong sabi ni Director Thea, iyong vaccination is really what will change the course of this pandemic.

Kasi nakita nga natin more than 70% of seniors in NCR are already vaccinated and we know that even though the seniors only represent 20% of the cases, iyong deaths 60% ang galing sa kanila. So alam natin ‘pag binakunahan natin ang majority ng mga vulnerable population, iyong mga mamamatay will go down by 90%.

And so kahit madami pa man iyang cases na ‘yan kung mas konti ang nagkakaroon nang severe disease, hindi ganoon kabigat ang magiging iyong burden sa ating healthcare system and we can continue to remain open para naman iyong economy rin natin ay tuluy-tuloy nang maka-recover. So iyon po ‘yung importante, let’s see what happens over the next week or so and also at the same time continue to encourage people to get vaccinated kasi ito po talaga ang magiging long term solution natin dito sa problemang ito.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Thank you po and—

SEC. ROQUE: I don’t know of Jovan can show actually iyong PowerPoint ng FASSSTER projection ‘no but we’ll see ‘no. Kung kaya i-project iyan, titingnan natin—ima-magnify natin iyong period na covered now ‘no to see where we are as against the projection of FASSSTER.

Pero kung maaalala ko po iyong figures and I just looked at it last night, mukha naman pong we are more or less seeing in reality what was projected by FASSSTER. Kasi iyong projection po ng FASSSTER talaga is kung hindi tayo mag-i-ECQ, aabot hanggang 525,000 iyong kaso natin ‘no.

Pero iyong lumalabas po ngayon ay if we succeed with this ECQ, hindi naman po ibig sabihin na completely bababa iyong ating mga numero – iiwasan lang natin iyong talagang saksakan nang taas na mau-overwhelm iyong ating mga health facilities.

Pero if I’m not mistaken, ang projection po is we will achieve something like 20,000 cases ‘no which is still of course a lot lower compared to 525,000 na projected kung hindi po tayo nag-ECQ ‘no. So maya-maya po tingnan natin if we can re-flash in our screen iyong projection ng FASSSTER.

Next question, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, Secretary Roque, kasi we understand may Talk to the People si Pangulong Duterte mamaya at alam naman natin iyong ating mga kababayan, isa ‘to sa mga inaabangan. Initially mapag-uusapan na po kaya iyong bagong quarantine classification for NCR at ano po kaya iyong magtutulak sa IATF at kay Pangulong Duterte para i-extend pa nga itong ECQ sa NCR?

SEC. ROQUE: Well, mamayang gabi po walang ganoong usaping mangyayari. Bukas po ang magiging pagpupulong ng IATF, initial pagpupulong for the next quarantine classification and the recommendation will have to be finalized, if I’m not mistaken baka mga around Thursday after a period has been given sa mga LGUs na umapela. So wala pa po ngayong usaping reclassification mamayang gabi.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuling katanungan na lamang po, Secretary Roque. About lang po—follow up about sa Afghanistan. Ano po iyong mensahe ng ating Pangulo sa mga kamag-anak at mismong mga kababayan natin na mga nag-aalala sa Afghanistan? And kung sakali man, iyon nga, will the Philippines recognize Taliban-led Afghan government?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, nanawagan tayo sa mga Pilipino. Nag-alert level 4 na po tayo. Gumagawa na po tayo ng hakbang para tuluyan kayong ma-repatriate. So pupuwede po kayong makipag-ugnayan sa ating embassy, para po kayo ay ma-repatriate na dito sa Pilipinas. I understand, we have around a 170 or so na mga kababayan diyan at 39 pa lang po iyong nari-repatriate.

So, nanawagan po kami sa mga may kamag-anak sa Afghanistan, pauwiin na po ninyo dito sa Pilipinas iyong ating mga kababayan para masiguro ang kanilang seguridad. Hindi ko po alam kung ano ang magiging desisyon ng ating pamahalaan pagdating sa Taliban regime, pero sa larangan po international law, hindi naman po element ng statehood ang recognition. Iyong recognition po ay just declaration na mayroon pang estado at iyong pagri-recognize ng isang gobyerno ay isang mensahe na handa tayong magkaroon ng bilateral relations doon sa bansang iyon.  Iiwan ko na po iyan   sa DFA iyang ganiyang desisyon.

MELA LESMORAS/PTV: Okay, thank you so much po, Secretary Roque at sa ating mga health experts. Happy birthday po kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Mela. Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Bago tayo magpatuloy, Happy Birthday, Usec. Rocky. And Happy Birthday kay Rhoda dito sa PTV 4-Davao.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Thank you din kay Mela Lesmoras. Iyong tanong po ni Rosalie Coz ng UNTV na bakit daw po tila hindi effective ang intervention sa kabila ng ECQ, nasagot na ninyo, Secretary.

Ang second question niya: Ano ang Palace reaction sa plano pong pag-conduct ng full congressional inquiry ng findings ng COA na mismanagement umano ng DOH’s 67.3 billion pesos COVID-19 response fund? Nakarating na ba kay Pangulo ang initial response ng DOH sa COA at ano po ang reaksiyon niya kaugnay nito?

SEC. ROQUE: Well, wala po tayong magagawa sa desisyon ng Kongreso, dahil sila po ay independiyenteng sangay ng gobyerno at talaga pong katungkulan at responsibilidad ng Kongreso na magkaroon ng ganiyang imbestigasyon. Pero mamaya po sa Talk to the People, asahan po natin na baka po magbigay ng paunang kasagutan ang DOH, mamayang gabi sa harap ni Presidente at sa harap ng taumbayan. So, abangan po natin ang Talk to the People mamaya.

USEC. IGNACIO: Opo, question from Leila Salaverria ng Inquirer: How will the discovery of a Lambda variant case affect current restrictions?

SEC. ROQUE: Well, alam naman po ninyo na iyong ating mga travel bans doon sa sampung bansa ay napalawig pa natin hanggang katapusan ng buwan. At patuloy naman tayo sa ating prevention, detection, isolation at treatment. Wala po talagang ibang alternatibo kung hindi ang ating PDITR. Kinakailangan, mask, hugas, iwas at bakuna nga po. Kahit ano pa pong variant iyan, pareho po ang ating magiging response, kinakailangan lang siguro, habang mas nagiging nakakahawa sila at nakakamatay, mas papaigtingin pa natin ang ating mask, hugas, iwas at bakuna.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Ang susunod po sa Zoom ay si Ivan Mayrina ng GMA News.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Secretary, magandang hapon at magandang hapon po sa ating mga resource persons. Sir, at the current positivity rate of 20 to almost 25%, sinasabi po ng ilan na baka kailangan nating i-ramp up ang testing natin; it stands now at 50-55,000 a day. Ano po ang masasabi ng mga eksperto natin dito? Are we testing enough? Nabanggit po kanina ni Dr. De Guzman na iyong lag between the time na makita natin ang isang case at ma-isolate siya is seven days, during which time posibleng nakapag-transmit na siya ng virus. So, are we testing enough? Isa pa rin po ito sa mga tinukoy ni VP Leni na hindi raw po sapat ang ating mga tine-test.

SEC. ROQUE: Well, suki po natin dito sa press briefing si Secretary Vince, pero bukas po natin siya makakasama. All I can say is, sa mula’t-mula po, talagang we give a priority to testing dahil siyempre po iyan iyong ating unang sandata, kinakailangan malaman natin kung sino iyong dapat i-isolate ‘no. And I think ang hakbang na ginawa ni Secretary Vince eh, bukod pa doon sa additional labs, and yes, we are increasing our testing beyond 55,000 ay gumagamit na rin po tayo ng antigen. Dahil mayroon naman po tayong protocols when they can be used doon sa mga areas na talagang mataas po iyong clustering ng kaso eh pupuwede pong mag-antigen. So, hindi po natin pinababayaan iyan, we have always recognized na testing is very crucial in the fight against COVID-19. Si Dra. Alethea De Guzman from the DOH, mayroon po kayong idadagdag?

DRA. DE GUZMAN: Salamat po, Spox. Gusto ko lang pong suportahan iyong nabanggit nga na, of course, while we advocate for risk-based testing po ‘no, pero nakikita natin na para rin po mapabilis ang paghahanap ng ating kaso, ang Department of Health ay nag-recommend na po ng paggamit po ng ating antigen testing lalo na po sa ating mga level 3 at level 4 na mga areas. Pero ang pagpapaalala po natin na ang antigen testing ay ginagamit lamang or kino-conduct lamang natin sa ating mga asymptomatic individuals at iyon pong pasok sa suspect at probable case definition at iyon pong ating mga close contacts po.   

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Okay. Secretary Roque, sir, ano po ang masasabi ng Palasyo sa mga ulat na may mga nakakakuha na ng booster shots, iyong mga tinatawag na nag-i-LGU hopping daw para makakuha ng mga bakuna?

SEC. ROQUE: Well, hindi po natin kinukonsinte iyan dahil marami pa pong hindi nababakunahan. So ang pakiusap po natin, lahat naman po ng bakuna ay nagbibigay proteksiyon, so hintayin muna natin magkaroon ng bakuna ang karamihan ng ating mga kababayan bago tayo mag-booster shot.  Siguro we can make an exception doon sa mga OFW, iyong mga seafarers na kinakailangang magpabakuna ng mga western brands dahil iyon naman po any requirement ng kanilang mga employers ‘no. Pero at the same time, kung kayo po ay isang seafarer na alam ninyong kinakailangan ninyo ng particular brand, huwag na po kayong magpa-inject ng  iba pang brand; kumuha na  po kayo ng brand na niri-require ng inyong mga employers para sa ganoon ay  maibigay naman natin iyong ibang mga bakuna doon sa ibang nangangailangan din.

Ulitin ko po ha, ang bakuna lang po talaga ang magiging dahilan para matapos na itong pandemyang ito. Hayaan na muna nating magkaroon ng population protection ang lahat bago po tayo mag-booster shots.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: But, Secretary, don’t you agree that this is something that could have been avoided kung mayroon tayong master list ng mga nababakunahan?

SEC. ROQUE: Mayroon po tayong ginagawang master list, iyan po iyong proyekto ng DICT. Kaya lang po, kagaya ng hindi naman natin inaasahan, talaga itong pandemyang ito, we have to make that master list as we go along. So kaunting pasensiya lang po. Iyong mga nagrireklamo rin na kinakailangan ng certification na galing sa isang ahensiya ng gobyerno lang po, diyan po papasok iyong DICT list natin. At ngayon po nandiyan na iyong programa, pinapasok lang po ngayon galing sa mga LGUs iyong mga nabakunahan na.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Panghuli po, Secretary. Asking this for a colleague, is the Palace satisfied with the vaccination rollout in NCR? Maaabot po ba ang targets na 50% ng target population by end of August and 70% by end of September?

SEC. ROQUE: Fifty, kasi unang-una mayroon pong ayuda; pangalawa, mayroon po talagang pagtaas ng kaso dahilan para marami sa ating mga kababayan eh nag-aalinlangang lumabas ‘no. Pero hindi po ganoon kababa ah. Kung ang target natin ay 250, sumisipa po tayo ng mga 230,00 a day. So, that is not bad at all. At basta patuloy lang po tayo eh makakamit po natin iyon pong ating ninanais na maubos iyong 4 million na ibibigay sa Metro Manila bago po magtapos ang ating ECQ. So we are on our way to vaccinating at least 50% of our population here in Metro Manila.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Salamat, Secretary. Salamat po sa ating mga resource persons.

SEC. ROQUE: [Inaudible] Ivan. Balik tayo kayo Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. From Daily Tribune News Desk: To what do we attribute the increase in daily COVID-19 cases?

SEC. ROQUE: I think nasagot na po iyan ni Dra. Saloma. Ang nangunguna nang variant po ngayon ay si Delta variant, mas nakakahawa po talaga si Delta variant. Kaya nga po mas kinakailangan paigtingin pa natin ang mask, hugas, iwas at bakuna.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Today is the start of the enrollment daw po ng upcoming school year, does the Palace expect the number of enrollees to go down given the difficulties in remote learning?

SEC. ROQUE: Hindi po. Inaasahan natin na ang mga magulang ay magnanais na bagama’t may pandemya, tuluy-tuloy po ang edukasyon ng ating mga kabataan. At saka kapag hindi kayo nag-enroll at nagkaroon na tayo ng population protection ay baka hindi rin kayo makasali sa face to face.

So kinakailangang i-enroll po natin ang ating mga tsikiting ‘no dahil ang gusto lang naman ni Presidente ay magkaroon ng sapat na populasyon na mabakunahan at baka naman po susubukan din natin ang mga face to face. So enroll po tayo, hindi naman po forever itong blended learning; may katapusan din po itong pandemyang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Sam Medenilla ng Business Mirror: In case lang daw po na ma-extend ang ECQ sa NCR, saan daw po … kung mayroon daw pong additional funds na ipu-provide?

SEC. ROQUE: Saka na natin pag-usapan po iyan kung mayroon po talagang extension. All I can say is: walang ECQ kung walang ayuda.

Kung wala na pong available, hahanap at hahanap tayo, and if need be, doon po tayo pupunta sa Kongreso for supplemental budget.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Kung may napili na raw po or kinu-consider na kaya na new DBM Secretary si President Rodrigo Duterte? If yes, can you name him or her?

SEC. ROQUE: Mayroon po tayong officer-in-charge, si OIC Usec. Canda.

USEC. IGNACIO: Question from Joseph Morong ng GMA News: Ano raw po ang overall hospital capacity for NCR and then national?

SEC. ROQUE: Well, kagaya ng pinakita ko po kanina ‘no, nasa 71% po ang national na utilization ng ating ICU, at parang 70% po iyong sa Metro Manila. Pero I flashed it in the screen ‘no. So if I’m not mistaken, nasa moderate risk ang total bed capacity natin ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo.

SEC. ROQUE: Baliktad pala, 70% ang ICU bed sa nasyonal; 71 ang utilization natin sa Metro Manila. Pero nasa moderate risk po iyong ating mga isolation beds at saka iyong ating mga ward beds.

USEC. IGNACIO: Opo. For Dr. Alethea, are we seeing a surge? Do you think we can withstand the surge?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Sige po, magandang tanong po iyan. So una pong … we don’t encourage using the term “surge”; it is not an epidemiologic term.

But what we’re seeing is that, we’re seeing a 65% increase in cases. We’re seeing that the percent of population being affected is already at high risk po.

Sa ngayon, nakikita rin natin na may kaakibat na pagtaas ng ating utilization rates both national and especially at the National Capital Region, pero ito po iyong tuluy-tuloy natin ‘no na dinadagdagan ang ating mga kama at health human resources upang masigurado natin na despite this increase in cases, we will prevent severe, critical cases and fatalities by improving our healthcare capacity.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, ang third question niya: What are we most worried about in terms of our hospital, Dr. De Guzman?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Siyempre tayo naman, ang gusto nating masigurado na available sa ating nga ospital ay iyong kama, tao at ating equipment.

Pero kaya nga po tayo ay mayroong crisis action plan, tayo po ay continuously coordinating hindi lamang within our health sectors para kung anuman iyong mga kakulangan po natin ay hopefully mas mabilis po natin na ma-fill in and we will have less healthcare utilization rates even with our increasing number of cases.

USEC. IGNACIO: Thank you po. From Sweeden Velado ng PTV for Dr. Edsel: Do you agree that the current wave of the pandemic is the pandemic of the unvaccinated? Mas marami ba sa mga nagpupositibo ngayon ay walang bakuna?

DR. EDSEL SALVAÑA: Yeah, well, that remains to be seen kasi it’s a, you know, we have to look at what the numbers are actually. Pero ang nakikita natin sa preliminary data from vaccination is very, very encouraging nga. So kung titingnan po natin, iyong mga nabigyan na, say, ng Sinovac, out of five million na fully vaccinated, mga 91 lang po iyong nagkaroon ng breakthrough infection at isa lang po iyong namatay.

Sa Astra naman, mga 908,000 ang na-fully vaccinated, mayroon na silang breakthrough na 30 plus at wala pong namatay.

So we expect overtime na makikita natin iyong epekto talaga ng vaccine will translate to lower mortality and lower severe cases.

Bago pa lang ngayon, hindi pa tayo completely maraming-marami talaga iyong nababakunahan. But this has actually been seen in the UK na kahit tumataas talaga iyong number of cases nila, iyong number of deaths and hospitalization ay nananatiling mababa. So ito po iyong inaasahan natin na mangyayari as we get more people vaccinated.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya para sa inyo, Dok Edsel: How is the continued vax rollout helping in our fight against Delta variant and COVID-19 as a whole?

DR. EDSEL SALVAÑA: Yeah, iyon nga, so actually inaasahan nga natin, hopefully, na makikita na rin natin na hindi po talaga mao-overwhelm iyong ating healthcare system because even if tumaas talaga nang todo iyong number of cases natin ay iyong of severe cases will remain manageable at hindi po mao-overrun iyong ating hospitals. So we expect that that will happen once we get to a certain percentage.

Pero natutuwa nga po ako, more than 70% na ng ating seniors in NCR are fully vaccinated, and we know naman na sila talaga iyong pinaka-highest risk. So we expect that the mortality in that population will go down by 90%.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Roque from Kyle Atienza ng Business World: It takes months daw po for the DOH to report variant infections. What does this say about the country’s sequencing capacity? UP Philippine Genome Center Executive Director Cynthia Saloma last month said they need 100 million pesos to capacitate the Center’s sequencing facilities in Visayas and Mindanao. Ms. Saloma said the PGC does not know yet where to source funds. Has the national government already discussed the PGC’s proposal? Will the 2022 budget allot funds for this?

SEC. ROQUE:  I think so. We rely on the Genomic Center para ma-trace natin kung ano na iyong variant na laganap sa ating bayan, at importante po iyan para alam natin kung gaanong papaigtingin pa natin iyong ating depensa ‘no.

So I think si Dr. Saloma is here, I think tama naman po that they requested additional funds. And if I’m not mistaken ay pagbibigyan naman po iyan, because importante talaga iyong ating surveillance and that has been recognized as a priority po of the DOH – to improve our surveillance capacity.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Kris Jose ng Remate/Remate Online for Dr. Saloma: Napaulat na nga raw po iyong Lambda case sa Pilipinas, dapat po bang maalarma ang mga mamamayan na habang nakikipaglaban ang lahat sa COVID-19 sa variant na Delta, nandiyan na ang Lambda? So sa bagong development, sa tingin po ninyo ay mapapalawig pa ang ECQ sa NCR?

DR. SALOMA: Iyong discussion po sa NCR is going to be discussed based on the data that will be coming in over the next few days.

Regarding naman po sa Lambda, so far, kahit po sa mga countries where they found Lambda, even the US na hindi naman po siya na-associate talaga sa rise in cases ‘no.

So for now, I think the protocols are still the same; we practice PDITR. Ako po mas nababahala ako sa Delta compared sa Lambda. So sa atin pong mga kababayan na naalarma tungkol sa pagkakita natin ng case, one case of Lambda, I think po as long as we continue our PDITR, mag-mask po tayo, mag-hugas ng ating mga kamay, mag-iwas ng mga places where there are many people converging at saka kapag hindi necessary ay huwag po tayong lumabas ng ating bahay, at kapag time na po natin magpabakuna po tayo, kasi iyong mga bakuna po naman ay nagwo-work po naman particularly in preventing hospitalization, severe as well as the critical cases, particularly also deaths.

So tayo po dito sa Philippine Genome Center at saka iyong mga regional Epidemiology Surveillance Units, we are on alert po na matingnan natin kung ano pa iyong mga spread ng Delta, ng Lambda and other variants of concern in the country, and we will report this to you as soon we can. Iyon lang po.

USEC. IGNACIO: Opo. From Pia Gutierrez ng ABS-CBN for Dr. Salvaña and Secretary Roque: The US CDC recently recommended people to double mask to increase their protection against COVID-19. Is this something that the IATF is also looking into or is the current requirement of wearing a face shield on top of the facemask already enough?

DR. SALVAÑA: Yeah, I think we have addressed that before. Even the CDC said, you now, double mask is an extra layer. If it’s face shield plus facemask, we consider that a double layer as well, and mayroon pang additional na eye protection na alam naman natin ay nakakatulong din.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Well, I can only say that is already the response of the experts at kaya nga po pinakikinggan natin ang mga eksperto. Sa panahong ito po, makinig lang tayo sa mga tunay na eksperto.

USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla ng Business Mirror: May tentative date na po kaya kung kailan mapu-fully rollout iyong master list of vaccine cards ng DICT? Currently, ilan na daw po iyong percentage ng vaccine cards data from LGUs ang napasok na sa nasabing masterlist?

SEC. ROQUE: Bukas siguro, mabibigay ko iyong figures ‘no. Tatanungin po natin ngayon sa DICT kung ilan na.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque at sa ating mga bisita.

SEC. ROQUE: Okay! Dahil wala na po tayong mga katanungan, nagpapasalamat po tayo sa ating mga naging panauhin. Maraming salamat kay Dra. Alethea De Guzman, kay Dr. Cynthia Saloma at Dr. Edsel Salvaña. Happy birthday and maraming salamat, Usec. Rocky! Happy birthday din kay Rhoda ng PTV 4 Davao. At maraming salamat sa lahat ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Alam ninyo mga kababayan, mula po nang pandemya, napapansin ninyo na palaging mga eksperto ang ating iniimbita pagdating sa usaping COVID-19. Importante po kaso na mabigyan kayo ng mga datos, ng mga data at mga facts na nakabase po sa siyensiya.

Ngayong araw po, ang importanteng narinig natin sa ating mga tunay na mga eksperto ay: Una, wala pong dapat ikabahala na nandiyan na si Lambda variant. Kaisa-isang kaso naman po iyan at kahit ano pa pong variant iyan pareho din po ang ating mga sandata – ang ating mask, hugas, iwas at bakuna.

Pangalawa, well, hindi na po bago sa atin ang karanasan na magkaroon ng ECQ. Alam po natin na kung lahat tayo po ay nakiki-cooperate at lahat po nagiging homeliners, mapapababa po natin ang numero ng COVID-19. Kaya nga lang po hindi instant ang resulta so kinakailangan maghintay pa tayo ng 14 days at lahat po ng ECQ natin ang mga resulta ay huwag sumipa matapos ang 14 hanggang 19 days pa nga po doon sa ating mga karanasan.

So, hayaan na po muna natin kung anong mangyayari pagdating ng 21 dahil nandiyan naman po iyong ating mga dalubhasa at mga eksperto na magbibigay ng kanilang mga expert opinions. Meanwhile, mga kababayan, sana po lahat tayo maging homeliners dahil importanteng makapagbalik-buhay po tayo sa pamamagitan po, unang-una, ng bakuna at pangalawa, sa pagpapababa ng numero ng COVID-19.

Magandang araw po sa inyong lahat.

 

###

 

 

 

News and Information Bureau-Data Processing Center