Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Narito po tayo ngayon sa headquarters ng One Hospital Command Center sa PICC. Ang One Hospital Command Center po, para sa kaalaman ng ating mga kababayan, ay may mahalagang papel na ginagampanan sa ating COVID-19 response. Minu-monitor nila at nagbibigay ito ng real time data ng mga available na kama sa mga ospital hindi lamang dito sa Metro Manila kung hindi po sa buong Pilipinas.

So kung mayroon po tayong dadalhin sa ospital, tumawag muna po tayo sa One Hospital Command Center nang malaman natin kung saan mayroon pong bakante.

Ang mga numero po ng One Hospital Command Center ay 1555 – iyan po talaga ang COVID hotline ng DOH – o ‘di naman kaya 0919-9773333/0915-7777777 or 02-886-50500.

Uulitin ko po, para hindi na kayo pumunta sa ospital na puno na, bago po magdala ng pasyente sa ospital, tumawag na po sa One Hospital Command Center.

Usaping sports muna po tayo dahil kahapon sinabi ko po na hindi po aksidente o hindi po coincidence lamang na iyong ating kauna-unahang ginto at ang ating best ever performance sa Olympics ay dahil din po sa mga resources na ginugol ng administrasyon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Tingnan po natin ang budget na inilaan sa sports sa nakaraang sampung taon, ito po ay ayon sa General Appropriations Act: Sa taong 211, iyong first full year ng previous administration nasa 168 million pesos lamang po ang budget sa sports. Eh ikumpara naman po natin ito sa first full year ng Duterte administration, ang budget sa sports ay 223 million – halos doble po ng kaniyang previous administration. Sa last year naman po ng nakaraang administrasyon, ang budget sa sports ay 186 million – ito po iyong nakaraan ‘no. Pero sa last year po ng taong 2021, ang budget po na ibinigay ng Duterte administration sa sports ay 1.3 billion pesos. Huwag na po natin isama siguro iyong 5.3 billion na ginasta natin noong 2019 dahil nga po sa Southeast Asian Games.

So nakikita ninyo na po ha, mayroon po talaga direct correlation doon sa halaga na ini-invest natin sa sports at iyong mga nagiging performance ang ating mga atleta.

Now, nandito rin po iyong ating mga larawan doon sa mga world class facilities na ginawa po natin ‘no sa kauna-unahang pagkakataon ‘no, napakaganda po ng ating mga sports facilities diyan po sa New Clark Athletic Center. Nakikita ninyo na mayroong bagong swimming pool, mayroon pong bagong field para po sa mga iba’t ibang sports ‘no. Ito nga pong mga facilities natin, inaarkila pa ng mga dayuhan noong sila po ay nag-train para sa Olympics. Ito po’y talagang mahalagang investments hindi lang po sa imprastruktura kung hindi ito po ay investment sa ating tinatawag na human capital, ang ating mga atleta.

Isa pang magandang balita: Ngayong umaga ay nagkaroon po ng announcement ang ating economic managers tungkol sa pagbangon ng ekonomiya. Ayon sa report ng Philippine Statistics Authority, lumago ang ating ekonomiya noong second quarter of 2021 to 11.8% from -17% in the same period last year. Ito na ang pinakamataas na GDP growth na nai-record mula fourth quarter of 1988.

Patunay po ito na sa gitna ng pandemya ay pinag-iingatan natin ang buhay para sa hanapbuhay. At tulad ng sinabi ng ating economic managers, and I quote, “The robust performance is driven by more than just base effects. It is the result of a better balance between addressing COVID-19 and the need to restore jobs and incomes of the people.”

Humarap naman po kagabi si Presidente Rodrigo Roa Duterte kasama ang ilang piling opisyal sa Gabinete sa taumbayan para sa kaniyang regular Talk to the People Address. Masayang ibinalita po ni DA Secretary William Dar na 19.4 million metric tons ang palay na naani natin noong isang taon, ito ang pinakamataas sa ating kasaysayan – ito po ay 90% rice self-sufficiency. Dagdag ng Kalihim, target natin ang 20.4 metric tons na harvest ng palay, at sa unang semester ng taong 2021 ay mayroon ng 8.8 metric tons na ang naani – pinakamataas din po ito na record.

Samantala, nagpahayag ang Pangulo kaugnay sa pagbibigay ng tax relief sa manufacturers ng medical oxygen na kaniyang sinabi na vital components laban kontra-COVID-19.

Sa usaping bakuna naman po, nagbigay ng posisyon ang Department of Health na i-retain ang policy na huwag na munang pabakunahan ang mga bata na may edad 17 pababa sa ngayon.

Ang polisiya natin ngayon ay tanging mga batang may comorbidities lamang ang magkakaroon ng access sa pinapayagang bakuna at maaaring makonsidera na mabakunahan once ma-stabilize na po ang ating supply.

Kung inyong matatandaan, nagbigay ng Emergency Use Authorization or EUA ang Food and Drug Administration sa Pfizer para sa 12 years old and above noong May 28, 2021.

Now, speaking of vaccines, halos dalawampu’t limang milyon or 24,990,042 na po ang total vaccines administered natin as of August 9, 2021. Samantala, 11,614,590 naman po ang fully vaccinated individuals. Inaasahan natin na tataas pa ang bilang na ito habang ang ating mga kababayan ay patuloy na nagkakaroon ng kumpiyansa sa pagpabakuna.

Gamitin natin itong panahon ng ECQ para mapataas pa natin ang bilang ng nagpapabakuna ‘no habang patuloy kayong nagma-mask, hugas, iwas bilang depensa laban sa coronavirus at mga variants.

ECQ man o GCQ, tuloy ang ating pagbabakuna! Kaya magparehistro na sa inyong LGU para tiyak na ligtas at maayos ang inyong pagbabakuna.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon, unang una, si Health Undersecretary at ang ating Treatment Czar and head ng One Hospital Command Center, our host, Usec. Leopoldo Vega. Kasama po ngayon din si MMDA Chair Benhur Abalos para sa mga bagong anunsiyo galing po sa ating mga Metro Manila mayors. At kasama rin po natin si San Juan City Mayor Francis Zamora kung saan, naku, ito po ay record ‘no, 74% ng kanilang eligible population ay fully vaccinated na! Via Zoom naman po na makakasama natin si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos at Pateros Mayor Miguel Ponce dahil mayroon din po silang mga record na na-break sa kanilang mga lokal na pamahalaan.

Unahin po muna natin si Usec. Vega Usec. Vega thank you for having us in this One Hospital Command Center ‘no. Pero ano ba ho ngayon ang estado ng ating mga ICU beds, isolation beds at iba pang mga healthcare facilities ngayong sumisipa na po ang kaso ng Delta variant? The floor is yours, Usec. Vega.

DOH USEC. VEGA: Magandang tanghali po sa lahat at kay Sec. Harry, Chairman Abalos and, of course, Mayor Francis.

Alam ninyo, itong Delta variant ay talagang naghahagis na naman ng isang pagkalat ng transmission lalung-lalo na dito sa National Capital Region. Kung titingnan ninyo po ang data sa buong Pilipinas, ang Region I, Region II, Region III, Region IV-A, NCR, Region VI, VII, X and XI, at mapapansin po natin na itong mga pag-increase na ito ay talagang within the last two to three weeks.

Dito naman sa NCR, ang ating 7-day average two weeks ago, nasa mga 600 plus. Pero ngayon, nasa mga reports as of yesterday, umaabot na tayo sa mga 2,000 plus sa NCR comprising mga 26%. Itong pagtaas na ito, ito iyong dahilan din kung bakit tumataas na rin ang ating healthcare utilization. At mapansin po natin sa kabuuan, iyong healthcare utilization po dito sa Metro Manila ay nasa threshold na ng moderate risk. Pero sa intensive care units, may mga hospitals na rin na umaabot ng high-risk ang kanilang category.

Kaya ang ating pag-ECQ dito sa Metro Manila at saka sa ibang mga lugar, ito ay isang preemptive response para mabawasan po natin ang transmission at hindi ma-overwhelm ang mga healthcare capacity lalo na sa Metro Manila at sa ibang provinces na may mataas na classification or high-risk for COVID-19.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Usec. Vega. Ilan ba ho ang linya natin ngayon dito sa One Hospital Command Center? Uulitin ko po ha, ito ang number na tatawagan ninyo kung naghahanap kayo ng espasyo sa ospital – 1555. Iyan po iyong pinakamadaling ma-memorize, o ‘di naman kaya 0915-7777777. So ilan po ang sumasagot ng ating mga telepono rito? At ilan ang mga tawag na natatanggap natin dito sa One Hospital Command Center on an average day?

DOH USEC. VEGA: Sec. Harry, alam mo, nag-increase na rin kami ng personnel dito sa One Hospital Command, at from …siguro noong panahon na iyon, noong nasa MMDA pa ho kami sa—kaya nga alam ni Chairman Abalos iyon, iyong nandoon pa kami sa gym, mga 35 employees lang po kami doon at saka 24/7 ang operations din namin. Pero ngayon nandito na po kami sa PICC at nag-increase kami ng personnel para sa mga call takers at saka medical coordinators, umabot na rin kami ng mga 110 personnel sa kabuuan.

Ang number of calls natin two weeks ago nasa 98 to 105 calls per day, ngunit ngayon lahat ho, last two weeks ago, itong last week of July at papasok ng August ay tumataas na iyong calls namin from 300 plus nag-peak ho kami two days ago ng 472 calls. Ngayon, nag-a-average kami ng mga 350-370 calls per day.

So, ito iyong napapansin po namin, sa pagtaas ho ng mga new cases at active cases dito sa Metro Manila. Tumataas na rin iyong calls namin coming from the public para naman ma-coordinate ang kanilang transfer o mai-refer sa isang isolation facility.

SEC. ROQUE: Uulitin ko po huh, ang tawag sa One Hospital Command Center 1555, ay ang susi po para makapunta kayo sa ospital na mayroon pong mga bakanteng kama. Tawag muna po bago tumakbo sa ospital nang hindi na po tayo ma-frustrate kung malalaman natin na puno na pala iyong ospital na pupuntahan natin.

Kasama rin po natin ngayon, MMDA Chairman Benhur Abalos. Sir, kumusta na po iyong ating bakunahan dahil ang sabi natin eh sasamantalahin natin ang ECQ para lalo pa nating mapabilis ang ating pagbabakuna at mayroon yata tayong bagong anunsiyo pagdating po sa mga pag-exercise? The floor is yours, Chairman Abalos.

MMDA CHAIRPERSON ABALOS: Magandang tanghali po, Sec. Harry; of course, Undersecretary Vega; ang ating magiting na alkalde, Mayor Francis; sa lahat po ng mga nanunood po ngayon.

Ipapakita ko lang ho ang ilang slides ‘no. Okay. Nagkaroon po tayo noong bisperas bago magkaroon ng ECQ at ito po iyong sinasabing fake news na wala raw ayuda kung walang bakuna kaya nagkagulo. Sa Las Piñas po, isa po ito sa mga ipinakita. Pero makikita ninyo kung gaano kayos ‘no, napakaayos ng Las Piñas, this is the following day, first day of ECQ. [Next, please.]

Muntinlupa ganoon din, iyan kay Mayor Jaime Fresnedi. Mahaba ang pila pero maski gaano kahaba talaga naman ang mga tao ay naaasikaso. [Next, please.]

Umikot din tayo sa Parañaque. Ito ay sa isang mall sa Shoe Mart doon, isa sa pinakamaraming mall si Mayor Olivarez. Ayan din, maayos din po dito sa Parañaque. [Next, please.]

Caloocan, isang sports center naman po ang inano ni Mayor Malapitan. Ayan po siya napakaayos at napakarami rin ang nababakunahan. Very efficient. [Next, please.]

Malabon, si Mayor Len Oreta, isang mall – Robinson’s ‘no. Ayan din po ang mga taga-Malabon, nakapila at maayos. [Next, please.]

Sa Navotas, isang ospital naman ang ginamit po nila Congressman John Rey at of course Mayor Toby ng Navotas, maayos din po. This is the first day of ECQ. [Next, please.]

Valenzuela, ito nakakatuwa ito, Sec. Harry, dahil ang ginawa ng Valenzuela, marami siyang sites. Ito ay nagki-cater lamang sa lahat ng korporasyon, lahat ng kumpanya, and they got 600 companies. So, iba-iba ito, hindi lahat taga-Valenzuela pati taga-labas, mga taga-Bulacan, etcetera, nasi-service. Napakaayos! Ayan po si Mayor Rex Gatchalian. [Next, please.]

Of course, Quezon City. Ito, marami po ito, ito iyong nagkaroon ng fake news noong umaga pero ang galing ni Mayor Joy, ang galing ni General Eleazar, naayos kaagad nila maski mahaba ang pila napakaayos po dito sa Araneta vaccination site ‘no.

So, ito ay ipinapakita ko lang itong mga vaccination. Hindi ko lang ho napuntahan iyong Maynila dahil ang Manila the following day tapos nagkagulo rin ay wala ho silang bakuna dahil nga hinihintay pa itong Certificate of Analysis ng Sinovac. Sinabi naman po ni Sec. Vince iyon kaya sarado po iyong sa Maynila. [Next, please.]

Ngayon, tingnan po natin ang NCR jabs. Ang katanungan dito ay kaya ba ng 250? On the average between two to six bago pa tayo mag-ECQ nang first day, gumagawa tayo ng 156,000 jabs ngunit kinaya na iyong 203 noong August 3 at noong August 5. Actually, marami ang halos dumudoble rito. Marami! Ang Mandaluyong, ang San Juan, ang Taguig, marami. Halos lahat po ng LGUs talaga namang kung ang task ay 4,000 lang, iyong iba halos nag-8,000, halos doble ang ginagawa nila kaya iyong 250 kaya naman pero it goes without saying sana walang technicality kamukha ng Certificate of Analysis para dire-diretso ang supply po rito. [Next, please.]

So, ito po ang source ng DOH noong August 9. Ang first dose sa NCR ay 5.5 at ang second dose is about 3.9 million. So, siguro kulang-kulang 9.4 o 9.5 million na po noong August 9. [Next, please.]

Okay. Sa First dose 111% ang San Juan. Baka magtataka kayo bakit sobrang sipag naman – 111. Kasi po kami sa NCR, ang amin pong polisiya, lahat po ito ng LGU lang namin binabakunahan iyong residente namin. Lahat ng nagtatrabaho sa lugar namin ay binabakunahan namin. Kamukha sa Mandaluyong, 400,000 lamang kami night time pero ang nagtatrabaho sa amin ay 1.2 million. Ganoon rin po ang San Juan kaya sa sobrang sipag ni Mayor Francis, iyong mga nagtatrabaho sa San Juan, ayun na-111% siya ng first dose.

Sa amin sa Mandaluyong, 74.15; Pateros po ay 71.4. Mamaya iinterbyuhin din po iyong dalawang mayors, si Mayor Ike and of course ang aking boss, si Mayor Menchie rin ‘no. So, mamaya po iyan. May second dose din, hindi ko lang ano iyong second po nila ‘no. [Next, please.]

Pero ito ‘no, gusto ko lang sabihin hindi na nagkakalayo sa LGUs ng Metro Manila, hindi na ho talaga nagkakalayo. Ngayon, gusto ko lang ipaliwanag itong issue tungkol po rito sa exercise. Alam ninyo kasi, pinapayagan talaga ang exercise sa labas ng bahay between six to nine pero nag-usap-usap ang mga mayor. As we’re talking right now, ang kaso dati po sa Kalakhang Maynila ay higit-kumulang, siguro hindi lumalampas kami ng 6,000. We haven’t breached the 6,000 active cases. I’m talking about the total active cases pero nagulat kami in one day biglang nag-8,500 at ngayon we are nearing 16,000. 15,909 plus, close to 16,00o. Imagine mo from 5,000 to 16,000.

Pangalawang rason, napaka-contagious talaga nitong Delta variant, hindi natin masabi kung kaya’t maaalala ninyo even before ang mga mayors ng Metro Manila ang nagsabing mag-ECQ na tayo and I think they made the right decision because tamang-tama, we just caught the serpent by its head na nag-aano po ngayon.

At pangatlo, nasabi kanina ni Dr. Vega, ang atin pong mga ospital ay in moderate risk at mayroong iba ay critical risk na ICU in Metro Manila. So, ito ay kinombine (combined) namin lahat ng mayors. Kahapon, nagkaroon kami ng meeting, kahapon lang po ito, nag-exchange notes na naman, assessment on the ground. Ang sabi po nila ay ganito: Anyway, sampung araw na lang. Sampung araw na lang mga kasama sa Metro Manila ‘no, baka pupuwede tanggalin na rin natin iyong lalabas ka ng bahay. Bakit? Hindi mo kasi masabi baka mamaya nasa labas ka, may dumaan sa iyo, mahahawa ka ‘no.

So, sana itong ECQ na ito, alam ko mabigat po itong ayuda na ito, mabigat ang sakripisyo ng gobyerno rito. Mabigat ang sakripisyo nating lahat na nasa bahay tayo. Why not make the most out of this? Iyon naman ang napag-usapan ng mga mayor. But after this, anong malay natin gumanda na. I’m sure tatanggalin na po ito. Itong exercise na ito puwede na, it’s just this – the next coming ten days.

At isa pang rason dito na talagang tingin ko tumama sa puso ng bawat isa. Bawat mayor po ay magulang eh. Hindi namin alam ang epekto nito sa mga bata sa ngayon. Maraming nababasa, maraming naririnig na pati ang mga bata, maski nga ang bakuna ibibigay na sa mga bata. Ano ang punto po ng mga mayor? Ang punto po nila ay pag-iingat ng bawat isang pamilya, bawat isang komunidad. So, sana po maunawaan ninyo ang rason bakit itong polisiyang ito ang ginawa nila – iyong sa exercise.

Inuulit ko, ito po ay sampung araw lamang at sinabi ko na ang mga rason: Because of the rising cases because of the surge; because of the character of this Delta variant and of course, iyong sa mga bata natatakot po sila. But after ten days, they will review this at possibly baka mawala na rin po ito and to make the ECQ more effective para maiwasan din iyong mga nag-aabuso nito at iyong iba naglalabasan at nagtsitsismisan lamang. Okay?

So, iyon lang po, Sec. Harry at maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Chairman Benhur Abalos.

Kasama rin natin ngayon ang mayor na nakapagbakuna na ng 111% first dose pero nakamit na rin po nila ang 70% fully vaccinated sa kanilang populasyon. Wala pong iba kung hindi si Mayor Francis Zamora ng City of San Juan.

Sir, the floor is yours. Paano ninyo nagawa ito at ngayong naka-70% na po ba kayo titigil na kayo or magbabakuna rin kayo ng mga tao na galing sa iba’t-ibang mga lungsod? The floor is yours, Mayor Zamora.

SAN JUAN CITY MAYOR ZAMORA: Okay. Una sa lahat isang magandang tanghali po Secretary Harry Roque, kay Usec. Leopoldo Vega at siyempre sa aming Boss, ang mabait na Chairman po ng MMDA at of course former Mayor and former Congressman, Chairman Benhur Abalos; sa lahat po ng nakikinig ngayon, isang magandang tanghali po sa inyong lahat.

At ako’y natutuwa na ipaalam po sa inyo na ang San Juan po ay as of yesterday, kami po ay nakapagbakuna na po ng 147,421 sa kanilang first dose at 98,590 naman po para sa kanilang second dose. Kung ibabase ninyo po iyan sa aming populasyon based on the projected population of the Asian Development Bank for 2021, base kasi rito mayroon kaming 132,512 constituents at ang 70% niyan ay 92,759.

So based on the ADB projected population, ang San Juan po ay nakapagbakuna na ho ng 106.29% ng aming populasyon. At base naman po sa 2020 census ng Philippine Statistics Authority na siyang lumabas lamang nitong nakaraang linggo, 111.47% na po ang ating nababakunahan ng kanilang second dose.

Ibig sabihin, 111.47% na ang fully vaccinated sa Lungsod ng San Juan at iyan po ay aming nakamit ho as of yesterday.

So base po sa tanong ni Secretary Harry Roque, opo, tuluy-tuloy lang ho kami magbabakuna. In fact, we are vaccinating A4 non-San Juan residents working in San Juan gaya po noong binanggit po ni Chairman Abalos.

Lahat ho ng nagtatrabaho sa San Juan, kayo po ay aming babakunahan basta kayo po ay magparehistro sa aming online registration at makipag-ugnayan din po kayo sa mall management ninyo lalo na iyong mga malalaking commercial centers o natin sa San Juan, please coordinate with your mall management so that they can help you register para kayo po’y aming mabakunahan.

So if we are going to look at the total population naman po o iyong kabuuan ng San Juan na aming target po ‘no, our target really is to go beyond the 70% and ultimately vaccinate 100%. So ang hinahabol po natin ay 27,757 na lamang, that is just 21.97% in order to fully vaccinate the entire population of San Juan.

At kung naalala ho ninyo, ngayon pa lang uulitin ko ho ‘no, nagpapasalamat po ako kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagkilala niya po sa San Juan noong kaniyang State of the National Address. Binanggit niya ako noon ‘no, that within one month’s time ay matatapos na po ang San Juan sa 70% ng population. In fact, we were able to do it in just 2 weeks from the SONA. We are 3 weeks ahead of schedule kasi ang target ho namin noon ay August 31 pero dahil po sa inspirasyon na natanggap namin sa pagkilala ni Pangulong Duterte noong SONA ay ang ating vaccinators talagang paspasan hanggang gabi, tuluy-tuloy pong nagbakuna so natapos namin siya in just 2 weeks.

Another good news po, nais ko ring banggitin po na ang San Juan naman po ay nakumpleto na ho namin ang aming A3 target. Ibig sabihin iyong persons with comorbidities, ang target po namin ay 17,834 persons with comorbidities – ang natapos na po natin na fully vaccinated ay 27,221 – that means we have vaccinated 152.64% of our A3 thus tapos na po kami sa aming A3 population.

At isa pa ho sa ginagawa namin ngayon ay nag-iikot din po ako personally sa iba’t ibang barangay para ho magbakuna naman ng ating mga bedridden San Juaneños whether you are a senior citizen or even younger as long as you are bedridden, as long as you are physically incapable of going to our vaccination sites, you can register. In fact, nakailang barangay na po ako, sumasama po ako sapagkat bahagi na rin ito nang paghikayat sa ating mga mamamayan na magpabakuna.

So we are continuing our home vaccination for bedridden senior citizens and even those who are below 60 years old, as long as they are physically incapable.

At lastly po, good news muli sa San Juan – handa na po tayo sa ating pamamahagi ng ECQ ayuda. Ito po ay P101,794,000 at bukas nga po ay alas diyes ng umaga sasamahan po kami ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya – if I could kindly invite Chair Abalos to join kung puwede ho kayo please do so.

Ang proseso hong aming gagawin ay 100 beneficiaries per hour per barangay lamang upang hindi po maging dahilan ng violations sa social distancing; ibig sabihin po, magkakaroon ho nang kaniya-kaniyang serial number ang mga benepisyaryo. Halimbawa ang 10 A.M. to 11 A.M. si number 001 hanggang number 100 lamang and so on and so forth hangga’t matapos natin po ang maayos na pamamahagi ng ayuda.

So ang bahagi ho ng listahan namin noong Abril, siya rin po ang magiging bahagi ng listahan ho natin ngayon. Kung sakali ho na mayroong mga gustong magpalista sa tinatawag na ‘grievance list,’ mayroon naman po ‘yan. Kung sakali ho hindi lahat ay mag-claim nitong P101 million ho natin, that means we will have a surplus of funds – we can now use this para naman doon sa mga magpapalista sa grievance committee. So mayroon at mayroon ho kasing hindi kumukuha, maaaring iyong iba ho pumanaw na, iyong iba maaaring na-lockdown sa ibang probinsiya so iba’t ibang dahilan. But we will always give them many opportunities to claim ‘no. ‘Pag talagang hindi na bumalik or hindi na klineym [claimed], that is when we will have to generate a new list para ho mapakinabangan naman po ng bawat isa.

So iyon po ang aking mga binahaging balita, Mr. Secretary. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat and congratulations Mayor Francis Zamora. Mayroon din po tayong good news galing sa Mandaluyong, tawagin po natin si Mayor Menchie Abalos who is also the commander-in-chief of Chairman Benhur Abalos [laughter]. Attention! [laughs] Ma’am, ano pong good news natin sa Mandaluyong? Welcome, the floor is yours.

MANDALUYONG CITY MAYOR ABALOS: Magandang umaga po sa inyong lahat, of course, Secretary Harry Roque; sa atin pong Chairman ng MMDA, Chairman Benhur Abalos; sa atin pong mga kapwa mayors; sa lahat po ng mga nanunood. Can I share my screen? Share lang ako ng screen.

SEC. ROQUE: Go ahead po.

MANDALUYONG CITY MAYOR ABALOS: Thank you. Anyway, magandang hapon po sa inyong lahat ‘no—ay umaga pala. Ito iyong aming ishi-share for the Mandaluyong vaccine program rollout: First, Mandaluyong, mayroon po kaming 27 barangays; out of 27 barangays, we have 464,467 population. And then so 70% po, ito iyong mga eligible na dapat bakunahan – we have 325,127.

Sa atin pong mga priority eligible na dapat bakunahan, ito po iyong mga A1/A2 which is frontliners, senior citizens and iyong adult comorbidities pati na rin po iyong ating mga frontliners po na personnel.

We have 529,687 total vaccines deployed so as of August 9 which is kahapon po. Kung mapapansin po natin ‘no, last March 25 noong nagsimula po ang pagbabakuna, 450 lang po ang ating napapabakunahan araw-araw. Pero as of kahapon, naka-reach po kami ng 15,212 jabs per day. So, iyon po, ganiyan po ang makikita ninyo sa graph, talaga pong pataas iyong aming pagbabakuna araw-araw.

Ito po iyong mga vaccine deployed, ito po iyong mga brands: Sinovac, Gamaleya, AstraZeneca, Pfizer and Moderna. Kung mapapansin ninyo Sinovac iyong may pinakamaraming napabakuna sa main sa Mandaluyong. Sa amin po, we have 12 regular vaccination centers. Ito karamihan po dito mga schools ang ginamit namin, kasi iyon po iyong aming mga facilities na mayroong medyo malaki ang area.

Aside from that, we have eight mega vaccination centers. We have SM Megamall, SM Cinema, iyon pong Mega Trade Hall Cinema, JRU po (Jose Rizal University), mayroon po kami dito iyong MCM Mega Tent One and Tent Two, Robinson’s Forum, Rizal Technological and of course Shangri-la Plaza.

Sa amin pong 12 vaccination center and of course, 8 mega vaccination center po, mayroon po kaming 1,067 vaccine staff, including na po dito ang mga doctors, nurses, atin pong mga encoder at lahat po ng mga talagang kasama po sa ating vaccination. Ito po iyong aming ikinatutuwa talaga, sobrang proud kami, dahil talaga pong ito iyong aming pinaghirapan.

Total ng amin pong mga senior citizen. Sa amin pong OSCA, population ng ating mga senior citizens, ito po iyong mga naka-register senior citizen ay 29,749. At ito po, based po ito sa 2019 na aming census para po sa ating mga senior citizen, kasi baka mapansin po ninyo na nasa 31,000 na po iyong atin pong first dose, bago 29,000 lang po iyong naka-register sa OSCA. Dahil siguro po, alam naman ninyo, yearly nadadagdagan iyong population, hindi lang pa lang sila nakakapagpa-register, pero po lahat po ito na mga taga-Mandaluyong. So 31,000, kung tutuusin po, 105% na po ang atin pong mga population o mga senior citizens na napabakunahan. So, out of 464,467 population, 70% po ang eligible, ang mga naka-receive na po ng first dose is 325,188 or 101% as of August 9.

So, iyong kay Chairman po na sinabi niya na 74%, actually po medyo tama, kasi po alam naman natin, hindi lang po taga-Mandaluyong iyong ating pinababakunahan, kasi kasama na po dito ang atin pong A4, iyong mga nagtatrabaho sa ating lungsod. Kaya po medyo mataas po iyong ating napabakunahan for eligible population.

And then, ano nga po ba ang aming mga ginawa pagdating po dito sa atin pong vaccination? So as early as January, nagkaroon po tayo ng Mandavax, iyon pong ating pre-registration for vaccination. Nagtayo rin po kami ng call centers para po sa ating Mandavax, COVID response and of course sa mental health, dahil alam naman po natin kung gaano kahirap ngayon. So kasama na po iyan noong nag-hire kami ng mga tao for call centers.

Aside from that nagkaroon po kami ng roving swabbing for minors, senior citizen of course pregnant, ito po iyong mga sector na hindi puwedeng lumabas, kaya po sila po iyong atin pong binababaan o nagkaka-roving. Para po makuha natin iyong 100% natin na population ng ating senior citizen, binahay-bahay po talaga natin iyan lalo na po sa ating mga senior citizens, ang atin pong mga bed ridden na kailangan pasukin sila. Bed ridden po natin, ito po kasama na rin po dito.

And nagkaroon po tayo ng special lane for senior citizen and at the same time PWD natin pong mga kababayan. Ayan po. Kasama na rin po dito, ito talagang medyo ipinagmamalaki ko, ito pong ating mga kababayan na mayroon pong immunocompromised, iyong atin pong mga kababayan na may HIV. Mind you, hindi po lahat iyan taga-Mandaluyong, pero dahil po ang pinaka-main office po ng atin pong HIV, iyong Love Yourself, nandito po sa Mandaluyong, kaya po nagkaroon sila ng sarili pong vaccination site para po sa lahat ng ating mga kababayan na mayroon pong HIV. Dahil alam natin kung gaano po iyong kanilang kalusugan na kailangang mabakunahan kaagad.

Aside from that, nagkaroon po kami ng pag-uusap pagdating naman po sa Meralco, iyon pong ating mga vaccination sites, iyong mga meter number nila, ni-register po natin iyan para sa ganoon hindi sila mawawalan ng kuryente. Dahil ayaw po natin na maputulan sila o mag-brownout dahil napakaimportante po sa freezer ng atin pong mga vaccine. Kaya ito iyong ginawa namin, for registration house to house sa atin pong mga kababayan na talagang walang access sa computer or hindi masyadong techie, hinouse to house na po sila as early as January.

Ugnayan sa Barangay, iyong atin pong campaign and of course, ayan po sa lahat ng barangay. Kaya po, ako talaga lubos na nagpapasalamat sa lahat ng ating mga barangay captain, mga kagawad dahil hindi ko po kayang mag-isa ito. Sila po ang aking kasama, sila po ang aking mga katulong pagdating po sa atin pong pagpapabakuna. Sila ang nagbibigay sa akin ng listahan araw-araw at binigyan ko po sila ng quota, dahil alam ko bawat barangay   alam nila kung ilan ang kanilang mga kababayan diyan. So iyong quota nila, they will make sure na ma-meet nila iyan, depende sa laki ng barangay, depende rin po sa dating ng bakuna natin. So iyon pong pagbibigay natin ng food provision, as of last year hanggang ngayon po tuluy-tuloy iyan sa atin pong mga kababayan, pati po iyong gulay.

Pagdating naman po sa atin pong ayuda for tomorrow, so hindi po lahat dapat pumunta sa atin pong pagpapaayuda, may oras sila, mayroon silang araw, tingnan lang nila sa listahan ng kanilang mga kapitan, sa ating pong posting sa ating FB, sa lahat ng mga puwede pong paglagyan ng atin pong information. Mag-abang lang sila dahil kapag oras nila, araw nila, pumunta sila, dahil kapag hindi sila pumunta sa oras at araw nila, pupunta sila sa dulo, para ma-avoid po natin iyong atin pong tinatawag na super spreader. Dapat po making kayo o maghintay kayo ng anunsiyo.

So, that’s all. So, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat and God Bless you all.

SEC. ROQUE: Maraming salamat Mayor Menchie Abalos and congratulations po sa inyo.  Puntahan naman po natin ang ating mayor ng Pateros. Mayor Miguel Ponce, who will also give us good news from Pateros. Mayor Miguel Ponce, the floor is yours.

PATEROS MAYOR PONCE: Yes, magandang tanghali po sa inyong lahat, Sec. Harry, Usec. Bong, siyempre sa ating minamahal na Chairman Benhur, sa aking kapwa Mayor, kay Mayor Francis at kay Mayor Menchie at sa lahat ng mga nanunood po. Kami po ang pinakamaliit sa Metro Manila. Kami ang nag-iisa na lang na municipality, kaya medyo pinakamabilis siguro iyong report na gagawin natin.

Ang amin pong estimated, iyong huling datos ng aming populasyon ay nasa mga 70,000 lamang po. Kaya’t tayo po ay siguro inasahan ng lahat na pinakamagiging mabilis pagdating sa pagbabakuna. Kaya lang alam ninyo, si Mayor Francis ay superman ano, kaya mahirap talunin ito. Kaya lang sa amin po dito sa Bayan ng Pateros, bagama’t kami ay maliit ay maliit din po iyong resources na aming nagagamit. Ang totoo po ay tinaguyod namin itong bakunahang ito ng apat na doctor lamang po ang ginagamit namin.

Mayroon pong pagkakataon na tinulungan tayo ng ating DOH, subalit hindi naman po talaga nasu-sustain ito ng ganoong dire-diretso. Naiintindihan ko naman ito, USec. Bong, dahil sa dami po ng tinutulungan ninyo, alam ko po at ako po ay patuloy na nakikipag-ugnayan naman kay Director Balboa tungkol dito.

Pero sa amin pong 70,000 na population ay sinet (set up) po natin iyong initial target na 70% na target population. At sa ngayon po sa aming, first dose na nababakunahan na po natin— Iyan pong 70% pala ay nasa 49,000 po na target nating dapat bakunahan.

Pero diyan po sa target natin na 49,000, ang nababakunahan na po natin sa ngayon ng first dose ay 51,732. Ang ibig pong sabihin, doon sa original target po namin na 49,000, ang nababakunahan na po namin ng first dose ay lumampas na pong 100%, 105% na rin po ito.

At iyong second dose naman po, ang nabakunahan na po natin ay 30,846, ito po ay close to 63% na po ng ating target population. Ang ipinapakita po nating datos dito sa slides ay ito na po iyong itinaas na namin na target – from 70% ginawa na po nating 80% ito dahil katulad po ng sinabi ni Mayor Francis kanina, ngayon po ang tao po ay hindi na natin pinipilit na magpabakuna, sila na po ang eager na eager na lumapit sa atin para mabakunahan kaya hindi na rin po tayo nahihirapan para sila ay himukin.

Ngayon ay itinaas na po natin ito at sa pagtataas po natin ginawa na po nating target ngayong bago ay iyong 56,000 o 80% na po ng ating population. Ito po ay—sa ngayon ang datos natin na 51,732 na first dose ay nasa 92.38% na po at dito po sa ating second dose ay nasa 55.08% na po nung bagong target; pero kapag titingnan po natin iyong dating target na 70%, ang sabi ko nga po, ito po ay 105% ang first dose at almost 63% na po ng ating second dose.

Iyan po ay itinataguyod natin sa pamamagitan lamang po ng apat na vaccination sites na ating binuksan dito po sa bayan ng Pateros at sa mga kakaunti na mga nurses at mga midwives na tumutulong po sa atin na habang tayo ay nagbabakuna ay nagkakaroon din mga suliranin dahil may mga nagti-test po na positive at mayroon ding mga nagiging close contact kaya kailangan po ay i-isolate din natin sila.

So, sinimulan po natin ang pagbabakunang ito katulad din ng sinabi ni Mayor Menchie, nasa mg third week po ng buwan Marso at sa tingin ko po katulad din ng sinabi ni Mayor Francis, bago po matapos ang isang buwan ay matatapos namin iyong 100% ng second dose dito po sa ating target population.

Pagdating naman po sa pagdi-distribute ng food packs ay nagagawa din naman po natin ito, ang totoo ay malapit na po kaming matapos. Binibigyan natin ang lahat ng pamilya sa tulong dn po ng DSWD iyong mga food packs na ating nakukuha. At batay na rin sa pinagkasunduan po natin sa pangunguna ni Chairman Benhur Abalos na bukas ay magsisimula kami ng rollout ng ayuda ay nakahanda na rin po kami dito at magsisimula kami sa dalawang barangay.

Ang ginawa po natin dito ay magbubukas po tayo ng payout sites at hinati po natin ang bawat payout sites sa limang time slots na mayroong isang oras at kalahati at naglagay po tayo lamang ng 120 beneficiaries bawat one and a half hours para masiguro po natin iyong talagang mami-maintain ang social distancing at hindi magkakaroon po ng crowding at magiging spreader itong event or activity na ito.

So, iyon po ang ginagawa po natin sa ating bayan at tingin ko na po natutugunan po natin iyong lahat ng mga inaatas sa atin ng ating National Government at ako ay nagpapasalamat din po sa pagkakataong ito na sa ating National Government sa lahat ng ibinibigay nilang probisyon para sa atin lalo na po itong ayuda na ito, sa ating Pangulong Rodrigo Duterte; at siyempre sa ating Department of Health sa kanilang patuloy na pagtataguyod sa lahat ng aming pangangailangan; sa DSWD; at siyempre iyong aming champion, iyong aming abogado dito sa Metro Manila Council, si Chairman Benhur Abalos.

SEC. ROQUE: Maraming salamat and congratulations, Mayor Miguel Ponce. Pumunta na po tayo sa ating open forum.

PATEROS MAYOR PONCE: Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Okay. USec. Rocky, hindi ko na hihintayin ang tanong, ako na po ang sasagot kaagad ng pinakamarami at pinaka-importanteng tanong ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Kayo namang mga kasama ko sa Malacañang Press Corps, wala pong pangalan at walang pangalan ng siyudad na nabanggit ang ating Presidente. Bilang tagapagsalita, I cannot add doon sa hindi inilabas ng ating Pangulo.

Mayroon po siyang dahilan kung bakit hindi niya siguro inilabas iyon pero hindi ko po alam kung bakit. So, I will have to leave it at that. I’m only a spokesperson, if the principal did not want to reveal kung sino ang mayor na iyon at anong LGU na iyan, so be it ‘no. Let’s leave it at that.

Ngayon, malalaman naman natin iyan dahil ang utos ng Presidente ay for the DILG, the PNP and even the AFP and the DSWD to assist na sila’y magbibigay ng ayuda sa siyudad na ito. In due course po, malalaman natin kung ano iyan. Magkakaroon ba ho ng aberya, sa tingin ko ay wala dahil noong mga nakalipas naman pong pamimigay ng ayuda ay DILG at DSWD din po ang namigay. Mayroong isang pagkakataon na diniretso po ng DSWD at DILG sa mga beneficiaries. At iisang LGU naman po ito, kung matutuloy ito I don’t think there would be a problem.

Pero as to the identity, hindi po binanggit ng Presidente, it’s not for me to say kung sino po iyon. Okay? I hope that answers almost all of your questions for the day. Usec. Rocky, let’s proceed to the other questions.

USEC. IGNACIO: Okay, Secretary. Good afternoon po sa inyo at sa ating mga bisita.

May follow up lang po si Rosalie Coz ng UNTV tungkol diyan: Bukod daw po sa pagpapasaring sa public address ng Pangulo sa LGU na ito, ano na po iyong pormal na hakbang na gagawin ng administrasyon? Magsasampa ba ng reklamo dahil sa umano’y ‘di maayos na pamamahagi ng ayuda ng LGU na ito at ano po ang basis sa reklamo ng Presidente?

SEC. ROQUE: Iiwan na po natin iyang desisyon na iyan sa DILG dahil iyan naman po ay katungkulan ng DILG.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Ano po ang mensahe ng Palasyo sa constituents ng LGU na ito na maaring maipit o maapektuhan sa girian sa administrasyong Duterte habang pandemya at may matinding banta ng Delta variant?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po ang Presidente na nagsabi na sa IATF – hindi pupuwede ang ECQ nang walang ayuda. So dahil na-ECQ po ang lugar ninyo, magkakaayuda po kayo, huwag po kayong mag-alala.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Punta naman tayo siguro sa ating—mayroon ba tayong Zoom questions? Sino ang unang magsu-Zoom? Trish Terada, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox Harry and to all our guests. Sir, unahin ko lang iyong tungkol pa rin po doon sa ayuda. Iyon nga po nabanggit ni Pangulo that he will make the DSWD and the DILG takeover iyong distribution ng ayuda for one LGU. First question, sir: How will this work considering na inanunsiyo na po kahapon na downloaded na iyong mga pondo sa Metro Manila LGU? Ibabalik po ba?

SEC. ROQUE: Frankly, hindi ko po alam. I leave to the DILG and DSWD dahil sila ang inatasan po ‘no so hindi ko po alam. There must be talks ongoing right now but I’m not privy to the talks po.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, although hindi po pinangalanan ni Pangulo iyong—kung sinuman po iyong Metro Manila mayor LGU or iyong mayor po mismo, of course iyong supporters po ni Mayor Isko Moreno couldn’t help but think that the President’s alluding to him and marami pong naniniwala this already part of mudslinging in relation to the 2022 elections. Why did the President resort to this kind of rhetoric?

SEC. ROQUE: Unang-una, I think iyong premise mo na this is Manila, I cannot confirm that because I am not able to confirm it ‘no. If the President did not name him so be it. Pero sa [garbled] ko pictures cannot lie. Ang reklamo ni Presidente hindi niya mapatupad iyong mabuting pagbabakuna. Dalawang larawan po kasi ‘yan ‘no, iyong pagpila sa baha, sa ulan na matinding ulan ng mga kababayan natin at pangalawa nga po iyong pagkakagulo sa bakunahan, nakita rin po natin sa mga larawan ‘yan. So pictures don’t lie at naisip naman ni Presidente na kung ganito rin ang mangyayari pagdating sa distribution ng ayuda eh baka lalong dumami pa ang ating COVID cases sa lugar na iyon. So hinahayaan na niya ang DILG at ang DSWD together with the PNP and the AFP to do it.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: But what about, sir, the recognition coming even straight from the DILG acknowledging iyong efficient work and timely distribution ng ayuda ng Manila LGU?

SEC. ROQUE: Again, I do not know if the President was alluding to Manila. So perhaps you can also direct your question to the DILG.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, maybe final question: Ano na lang pong tugon natin doon sa mga nagtatanong that what could be the President’s ascendancy for bringing up indecency when in fact in the past marami pong instances that the President has been also criticized or that he personally even admitted for example to molesting his helper in his younger years?

SEC. ROQUE: Ewan ko po ‘no pero wala pong ganoong mga larawan ang Presidente. Let’s leave it at that.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: But, sir, even if walang larawan I mean the action. How does it weigh compared to those pictures?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kasi as I said, the President never posts for pictures like those and let’s leave it at that.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you very much, Spox.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Trish. Let’s go back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer. Iyong first question niya nasagot ninyo na rin, about participation ng LGU sa pagbibigay ng ayuda. Second question niya parang clarification lang daw po ito: Will the cash aid distribution in this LGU still begin on August 11 which is what NCR mayors had agreed on?

SEC. ROQUE: Opo, tuloy po ‘yan bagama’t ang utos po ng Presidente DSWD at DILG na tutulungan po ng kapulisan at ng AFP.

USEC. IGNACIO: Iyong third question po niya already answered na, na pareho rin po ng tanong ni Mikhail Flores ng Agence France regarding doon sa reasoning behind the decision not to allow people to go out for exercise.

SEC. ROQUE: Oo, nasagot na po iyan ni Chairman Benhur ‘no dahil talaga naman pong sumipa talaga iyong numero ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod na po iyong sa Zoom, Secretary.

SEC. ROQUE: Oo. Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes, sir. Sir, you were saying that pictures don’t lie but pictures also don’t prove who is to blame for the crowding. Kasi we can see there’s crowding but ‘di ba, it doesn’t necessarily establish that it’s the fault of a specific entity or group or persons. So, will the DILG at least carry out a probe first, an investigation to find out the real cause of the crowding and so that there’s also fairness before concluding right away that the mayor or the LGU is to blame for the crowding?

SEC. ROQUE: What is the question?

PIA RAÑADA/RAPPLER: If the DILG will initiate a probe first because the President concluded right away? Parang, was there any process for example in determining who is to blame for the crowding?

SEC. ROQUE: Well, Pia, we’re not imposing any sanctions on anyone. Sinisiguro lang natin na hindi mangyayari iyong kaguluhan na nakita ni Presidente sa larawan and that is why pinadadaan po through and alternative distribution scheme; pero wala po tayong pinaparusahan, wala tayong nililitis. Kapag mayroon pong parusa siyempre diyan, mayroong paglilitis then he will be entitled—he or she will be entitled to all his full due process rights sang-ayon po sa desisyon ng Korte Suprema sa Ang Tibay case.

PIA RAÑADA/RAPPLER: But, Sec., the conclusion that the President made is because supposedly it’s the fault of the mayor, therefore he should not be given the responsibility to distribute the aid. So, hindi ba ‘to hasty conclusion? I mean, it’s also a negative connotation to say that disorganized iyong vaccination site because of the LGU. But is there any probe that the government will conduct to at least ensure the fairness of this conclusion?

SEC. ROQUE: Alam mo wala naman pong inaakusa, walang parusa so wala pong karapatan na nalalabag. Ang sinisiguro lang ng Presidente iyong karapatan ng taumbayan makakuha ng ayuda sa pinakamabuting mga pamamaraan. Siguro po later on if the DILG would decide na kinakailangan magkaroon ng administrative charges then [garbled] na magkakaroon po talaga ng investigation. Sa ngayon po the money is coming from the national government, kinikilala natin na partners natin iyong mga ilang mayors—karamihan LGU mayors sa pamimigay ng ganitong ayuda. Pero kung sa tingin ng Presidente mas mabuti para sa mga constituents ng lugar na iyon na ipadaan sa DILG and DSWD, we cannot question that po dahil that’s national funds anyway.

PIA RAÑADA/RAPPLER: The President also said he has problems with this mayor’s sexy photos and his past as a “callboy.” But he also appointed Mocha Uson who is herself a sexy star or a sexy dancer into government. So for that matter, he appointed also si Isko Moreno who also has a past as a… you know, may sexy role siya in certain films and model din siya before, he appointed him DSWD Undersecretary in 2018. So, why the double standard? Why does he—he is okay with Mocha Uson but not okay with a mayor with the similar past?

SEC. ROQUE: Hindi naman po siguro siya nagdu-dwell doon kung sino nag-appoint ‘no. Ang ini-issue lang niya is ano ang moral ascendancy nitong taong ‘to para mamuno ‘no. Si Mocha Uson, well, na-appoint po iyan pero hindi ko naman po alam kung ano talaga nakaraan ni Mocha Uson ‘no sa totoo lang po ‘no. Ang sinasabi ko lang is the President gave her a second chance and I think she took advantage of the second chance. Pero iyong konteksto po ng sinasabi ni Presidente kagabi, ang narinig ko lang naman po is ito ba ang gusto ninyo. So iyon lang po, it’s a question, it’s a pending question to the sambayanan.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And, how abot Isko Moreno as DSWD Undersecretary? Does the President not see this also as a bad appointment? 

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung bakit mo nilalabas ang pangalan ni Isko Moreno. Dahil hindi ko po alam kung siya iyong naka-post doon ‘no, hindi ko po alam. I have no information, sorry.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, Sec.

SEC. ROQUE: Thank you very much. Yes, punta naman tayo uli kay Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Yes. Tanong ni Kris Jose ng Remate/Remate Online. For Chairman Abalos, already answered na po, iyong report niya kagabi sa Talk to the People about doon sa vaccination site situation. Ang second question po niya for Chairman Abalos: Reaksiyon na nakamit na ng Maynila ang herd immunity dahil nakapagbakuna na po ito ng mahigit isang milyon? Anong lungsod sa NCR ang masasabi ninyong kulelat sa pagbibigay ng bakuna sa kanilang nasasakupan?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Actually, Usec. Rocky, halos dikit-dikit naman lahat eh ‘no. Maganda ang performance ng NCR as a whole tungkol dito. And you know, it’s really a tall order itong next two weeks. Talagang mabigat dahil you still have the ayuda and of course mayroon ka pang bakuna na we are targeting 250 each, mahirap talaga. Kaya nga nagsasabi iyong iba, bakit ganito lang, bakit ganiyan lang. May isang doctor nga akong nakausap, namamanhid na raw iyong kamay eh, talagang ganoon po, ano. And of course, aside from the fact na you have to contend with the surge, iyon ang problema natin, tumataas sa ospital ngayon.

At ito ay delikado: What if tumaas ito, kukunin mong mga crew dito iyong mga nasa inoculation center, iyon ang ililipat mo sa ospital. So natutuwa naman ako kay Dr. Vega because he has a program na magkakaroon ng pool, may pool na puwedeng palitan. That is very important right now. Hindi pa man nangyayari, pero ngayon, pinagpiprepahan na iyan. So iyon po ang sagot ko ngayon na halos dikit-dikit naman po lahat ng Metro Manila mayors pagdating po dito sa mga pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Chairman Abalos, third question po mula naman kay Kyrie of Manila Times: Anu-ano po ba iyong laman ng resolution na inaprubahan ng Metro Manila mayors, which you mentioned last night?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Iyon pong na-mention ko kanina, iyong tungkol po sa huwag muna sanang lumabas ng bahay sa umaga dahil nga para mag-exercise, dahil nga number one tumataas ang kaso natin; number two, halos iyong ating ospital, nasabi nga sa ICU medyo kritikal na. And of course, mataas na rin ang ano at number three, very contagious itong Delta variant ‘no at baka makahawa; and number four, ito ay sampung araw lang naman; and number five, to make the ECQ really very, very effective para huwag namang maabuso. Kasi iyong iba nagtsitsismisan lang, lumalabas, etc.

Pasensiya na po kayo, but you know, we have to bite the bullet here. All that we are asking for, ten days lang ito, after that, ili-lift na. Mag-uusap naman ang mga Mayors dito. Assessment lang naman ito. Salamat po.

USEC. IGNACIO: From Prince Golez ng Pulitiko Abante for Secretary Roque: Ano po ba iyong protocol sa mga pasaherong galing Japan? Bakit pinayagan ang mga opisyal ng gobyerno na salubungin ang mga atleta mula sa Tokyo?

SEC. ROQUE: Siguro, exceptional naman iyon. Alam natin kung ano ang protocol, ten days iyan kung hindi sila nagsumite ng kanilang proof of vaccination bago sila umalis ng Pilipinas, seven days quarantine kung nagpakita po sila ng kanilang vaccination certificate. I think ang nangyari naman is very exceptional, nagwagi po sa kauna-unahang pagkakataon ang ating mga atleta sa Olympics at karapat-dapat lamang, bagama’t may pandemya, ay magkaroon man lang sila ng hero’s welcome.

If at all ang mga nagbuwis ng buhay po ay iyong mga sumalubong, kasama na po diyan si Executive Secretary Medialdea at saka si Senator Bong Go. So, pero iyong sa pagdating po sa protocol, hindi pa po tayo nagbabago: Had they presented their vaccination certificates bago pumunta ng Tokyo, seven days mandatory po iyan. At hindi naman po sila pinayagang makaalis ng airport dahil diretso po sila sa quarantine facility.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Michael Flores ng Agence France for Secretary Roque. Tungkol po ito sa decision to prohibit outdoor exercises during ECQ:  Is the government not concerned about the mental health impact of preventing people from going outside to walk or jog?

SEC. ROQUE: Ito po iyong pagkakataon na ang Presidente nagdi-defer sa mga lokal na pamahalaan. Sila po kasi ang nagpapatupad noong ating mga quarantine. So kapag sa tingin nila na importante na ten days na lang naman ay sa bahay na muna tayo, sumunod na po tayo dahil kung wala naman pong mga mayor, wala din pong magpapatupad ng mga IATF resolutions.

USEC. IGNACIO: Opo. Questions from Rosalie Coz of UNTV already answered, Secretary, about doon sa atletang Pinoy, pagsasanay bago ang Tokyo Olympics. Ang susunod na tanong from Patrick ng PTV for USec. Vega, already answered na po, iyong average na nari-receive na calls ng One Hospital Command. Ang susunod niyang tanong: Gaano mas kahanda ngayon ang One Hospital Command compared sa previous surge, USec. Vega?

USEC. VEGA: Thank you, Usec. Rocky. Mas handa ngayon ang One Hospital Command or the National Patient Navigation Center para sa surge na dumarating. So mas marami kaming personnel na medical coordinators at saka mga call receivers na handa naman sa 24/7 mag-accept ng mga calls coming from the public o kaya mga institutions o pasyente.   

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Malacañang has repeatedly told the opposition not to politicize the government’s pandemic response. How can the Palace convince the public that politics was not the reason behind the President’s order to take away the Manila LGUs power to distribute aid?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung may ganiyang order sa Manila.

USEC. IGNACIO: Basahin ko na lang po iyong susunod, Secretary, baka may maidagdag: If so, what was the President’s basis in claiming that Manila Mayor Isko Moreno was disorganized and incompetent in distributing and organizing when the DILG only in June had given Manila a certificate of recognition for its efficient and timely completion of the distribution of ayuda?

SEC. ROQUE: Wala pong binanggit na LGU unit, wala pong binanggit na pangalan ang Presidente kagabi.

USEC. IGNACIO: Opo. Third question po niya: Was there any attempt from the Office of the President or the DILG to address this so-called problem before taking away the LGU’s power to distribute aid? Paano na po ang magiging sistema ng distribution ng ECQ aid sa Maynila? Hindi ba iniipit ng Pangulo ang mga mahihirap sa Maynila dahil lamang sa galit sa Mayor? Did President Duterte have anything to do with the inadvertent issuance of the show cause order of DILG against Mayor Isko Moreno? 

SEC. ROQUE: Una, hindi nga po nabanggit kung anong LGU. At dahil ang tanong po, iipitin ba ng Presidente ang mga taga-Maynila? Hinding-hindi po! Ang assurance po natin, lahat ng mahirap makakatanggap ng ayuda na galing po sa national government.

USEC. IGNACIO: Opo. Question pa rin po ni Pia Gutierrez, follow up: Malacañang attributed last week’s chaos in vaccination sites to fake news. Why was the President blaming the incompetence of that particular LGU sa pagkakaroon ng gulo ng pagbabakuna, when he is not blaming other local government units that also experienced the same for what happened? Ano ang naging basehan ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Pangalawang beses na po kasing nakakita ng ganiyang lawaran ang ating Presidente, hindi lang doon sa pagbabakuna dahil sa fake news. Mayroon din siyang nakita na hindi makataong mga sitwasyon na nagpapakita doon sa mga pumipila para magpabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Miguel Aguana ng GMA News Desk for USec. Vega: What is the government doing daw po to help hospitals in the provinces experiencing surge in COVID admissions?

USEC. VEGA: Salamat, Usec. Rocky. Unang-una, na-identify na po namin iyong mga regions na may critical risk classification at mataas ang mga kaso lalung-lalo na sa COVID-19 na ito, sa Regions I, III, IV-A at nagbigay na kami ng mga resources. Nanghingi na rin kami ng kanilang programa para maitaas ho nila ang kanilang healthcare workers kasi handa naman ang Department of Health na magpadala talaga ng position for healthcare workers. Nagpadala na rin kami ng mga resources for intensive care – mga mechanical ventilators, high flow nasal cannula at saka mga BiPAP machines, at ito po ay naibigay po namin sa mga areas na mataas ang kaso lalung-lalo na sa critical care. Ito po ay handa po kaming tumulong sa lahat ng mga hospitals na nangangailangan po ng ibang resources or manpower para po matulungan ang kanilang pag-service sa mga critical care patients.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vega. From Jayson Rubico ng SMNI News. For Mayor Zamora. Iyong first question nasagot na po sa presentation ni Mayor Zamora. Ganoon din po po iyong second question niya, nasagot na rin po sa presentation ni Mayor Zamora. Ang follow up po niya: What are the steps that will be taken for faster distribution of cash aid and ma-hit ang target na 15 days?

SAN JUAN MAYOR ZAMORA: Gaya ng binanggit ko ho kanina, ang lahat po ng barangay na magiging benepisyaryo po natin ng ECQ ayuda ay magkakaroon ng per hour schedule na 100 beneficiaries lamang per hour. Ito po ay aming ipapaskil na sa aming social media account starting today, at ipapaskil din po iyan sa mga barangay hall.

So sa ngayon pa lang dapat alam na nila kung ano ang schedule nila. Walang dahilan sabihin nila hindi nila alam o nag-absent sila dahil may pasok. So if you will already see your schedule kung anumang araw iyan from now until the 15th day, pakimarka na sa kalendaryo ninyo kung anong oras, anong venue upang ito ay inyong makuha sa tamang oras.

So ito ay aming ginagawa, gaya ng aming pagbabakuna na wala tayong walk-in sa San Juan, sa vaccination; everyone gets a schedule specific to them for a particular time, at ito naman po ang dahilan kung bakit hindi naman ho kami nagkakaproblema in terms of overcrowding both in the vaccination sites pati ho sa aming ayuda distribution.

USEC. IGNACIO: Thank you, Mayor Zamora. For Secretary Roque from Kyle Atienza ng Business World: President Duterte on Monday night said he will ask Congress to pass a measure giving manufacturers of medical oxygen supplies tax relief. May percentage na po ba sa tax relief? Will the measure be part of the administration priority legislation?

SEC. ROQUE: Well, wala pa pong exact percentage na nabanggit ang Presidente. Pero ang paggamit po ng tax relief ay para maengganyo nga po ang mga manufacturers na mag-produce pa nang mas maraming oxygen na baka po kakailanganin natin pagdating po ng spike dito sa Delta variant.

So hayaan na muna po natin na ang economic managers propose to Congress the exact figure. And I’m sure naman with the level of cooperation being extended by Congress, mapapabilis po ang pagpasa ng batas na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya, may mga private hospitals na raw po na nagdeklara ng ICU units nila already reached full capacity. Ang question po niya: What steps are being undertaken right now to address the impacts of the Delta fueled spike in infections on hospital? Are we now prepared to face an India-like Delta surge?

DOH USEC. VEGA: Usec. Rocky, alam mo, itong steps na ito, you’ve taken it since last year when we had the surge ‘no. And on different waves natin sa bandang April, napansin iyon na we were … naghanda na rin ang mga hospitals in terms of allocating more beds for COVID.

Dito nga sa NCR, last February, ang number of ICU beds was only about mga 703. Napa-increase po namin iyan sa 1,383 ngayon; ganoon din sa mga isolation. Now, bukas, i-inaugurate po namin iyong isang modular hospital sa Lung Center na 110 capacity. So ito iyong mga modular hospitals na ginawa namin for critical care. At saka pag-expand ng mga intensive care units sa mga Level III hospitals na may kakayahan ng kanilang resources at manpower nakapag-increase talaga, at ito’y palagay ko ang makakatulong sa atin sa surge na ito.

Ito namang kung kakayanin ba natin iyong India-like surge, I hope not. Kasi alam naman natin ngayon, napaaga natin iyong ECQ at ito ay preemptive response and we hope na itong transmission ng virus na ito ay ma-stall natin o ma-prevent para hindi naman ma-overwhelm ang ating health system capacity.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vega. For Secretary Roque from Sam Medenilla ng Business Mirror: Reaction ng Palace sa 11.8% GDP growth sa second quarter. Can this be sustained until the end of the year after po ng impose ng recent lockdown?

SEC. ROQUE: Well, nagagalak po kami ‘no na nagkaroon tayo ng ganiyang kataas na pagbangon ng ating ekonomiya. And we’re hoping po na bagama’t tayo po ay nag-lockdown ngayon ng two weeks ‘no, na makakabawi pa rin tayo sa last quarter.

Ginawa nga po natin itong lockdown na ito ngayon na para makabangon tayo ng last quarter ng taon dahil iyong last quarter po, traditionally, iyan ang pinakamasiglang panahon para sa ekonomiya.

USEC. IGNACIO: From Mav Gonzales ng GMA: Reaction po ng Malacañang, may mga medical frontliners na hindi pa rin daw po nakakakuha ng special risk allowance and death benefits?

SEC. ROQUE: Ang palaging marching orders po ng Presidente, kinakailangang bayaran lahat ng benepisyo ng ating mga frontliners. Perhaps si Usec. Vega can also add.

DOH USEC. VEGA: Sa special risk allowance, alam natin galing ito sa Bayanihan II, at naibigay na ito sa lahat ng mga hospitals through the central health development or regional office ng Department of Health at saka sa mga retained hospitals.

Siguro ho para ma-inform din ang public na itong special risk allowance halos 8.8 billon or 9 billion po ang nababa sa region; at ang nakatanggap po niyan ay mga both public and private healthcare workers, contractual man o plantilla, nasa 400,000 po.

So nasa ano po iyan, naibigay na po lahat iyan, na-downloaded or allocated na iyan sa different regional health offices para sa public, sa LGU at saka sa mga retained hospitals.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong question from Jun Veneracion ng GMA News, nasagot na po ni Usec. Vega about iyong tulong sa mga ospital sa mga probinsiya.

From Maricel Halili ng TV5 for Secretary Roque: DFA Secretary Locsin said, our vaccination cards are not accepted in Hong Kong because they are not connected to a single source. He said, poor OFWs going to their jobs in Hong Kong even if jabbed. How will this affect the OFWs? How does the government plan to address this?

SEC. ROQUE: Well, nakakalungkot na balita po iyan ‘no. Pero ang buong daigdig po, we are finding ways and means now para magkaroon po tayo ng basehan na kilalanin iyong ating mga vaccination cards. Hindi lang po iyan problema ng Pilipinas; problema po iyan ng buong daigdig. Siguro makakatulong na mayroon tayong tinatawag na “yellow book” na iniisyu ng Bureau of Quarantine. Alam ko po noong nagpunta ako ng South Africa noong minsan eh iyong mandatory vaccination ko po for South Africa ay doon ni-record at iyon ang pinakita ko sa border control ng South Africa.

So siguro po pupuwede nating dalhin ang ating mga vaccination cards doon sa Bureau of Quarantine para magkaroon tayo ng yellow card. Pero ang alam ko po, even IATA [International Air Transport Association], iyong private sector that deals with the airlines, sila na po ang gumagawa ng paraan dahil problema po talaga kapag wala tayong standard na basehan para [garbled] iyong ating mga vaccination status.

So all I can say is, nakikipag-ugnayan po ang gobyerno sa international community pagdating dito. Tinitingnan po natin kung pupuwedeng magamit iyong yellow card ng Bureau of Quarantine at tinitingnan po natin kung pupuwede rin ang WHO ay manguna na ‘no doon sa initiative para magkaroon tayo ng uniformed na pagtanggap ng mga vaccination cards.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya, Secretary, natanong na rin; same question po with Pia Gutierrez. Iyong tanong po ni Ivan Mayrina ng GMA for Usec. Vega, halos naitanong na rin po, tungkol doon sa mga provincial hospital na tulong. Ito po iyong second question niya: Based on the numbers, how likely is it that we will have an extension of the ECQ or are there recommendations as early as now for an extension of the ECQ, Usec. Vega?

DOH USEC. VEGA: Usec. Rocky, alam natin na at this time, mataas ang ating two-week growth rate at ang ating ADAR ‘no, and ang classification nga natin ay nasa high-risk. Kailangan ho—at saka iyong HCUR natin ay nasa moderate risk. Kailangan po pababain po natin ito lalung-lalo na itong two-week growth rate na maging negative para makita natin na talagang bumababa na talaga iyong pandemic o epidemic.

Pangalawa, iyong ADAR po natin, pabababain po natin so that hindi naman masyadong maging highly ano … ang transmission ay hindi tataas. At saka dapat naman low-risk ang category dapat ng ating HCUR lalung-lalo na dito sa Metro Manila. Siguro kung ganoon, baka ang IATF ay mag-deescalate na kung makikita nila itong matrix na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. From Red Mendoza ng Manila Times for Usec. Vega: Sinabi po ni Dr. Bernadette Velasco ng One Hospital Command sa isang TV interview na siya po ay nag-positive for COVID-19. Ano po ang mga ginagawa natin for One Hospital Command and may contingencies po ba sa mga staff na magkaka-COVID?

DOH USEC. VEGA: Unang-una, na-contact trace na po namin iyong naging close ni Dra. Velasco at saka naka-isolate na po sila, nasa hotel. Pangalawa, iyong ano naman namin dito, lahat ng mga pumapasok dito sa One Hospital Command lalo na iyong nasa desk ano, nagma-man ng mga desk or employed with the One Hospital Command ay bakunado na po silang lahat on the second dose. So, medyo ano na ho sila, may protection na po sila in terms of having serious or critical COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Vega.

From Ian Cruz, nasagot na po ni Chairman Abalos iyong target na 250,000 jabs. And iyong kung sapat daw po ba iyong vaccine inventory ng NCR LGUs? Mayroon po bang LGU na kulang ang supply na bakuna?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po ay iyong hiningi po ay three million na ang naibigay at ihahabol pa po iyong one million na Sinovac na na-approve na po iyong certificate of analysis. So maibibigay po iyong hiningi ng Metro Manila mayors.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary Roque at sa ating mga bisita.

SEC. ROQUE: Okay, dahil wala na po tayong mga katanungan, magpapasalamat tayo sa ating mga naging panauhin – si Chairman Benhur Abalos, Usec. Vega, Mayor Francis Zamora, Mayor Menchie Abalos at Mayor Miguel Ponce ng Pateros. Maraming salamat din, Usec. Rocky.

At sa ngalan po ng inyong Presidente, ito po ang inyong Spox Harry na nagsasabi: Alam ninyo po ang Presidente, ang interes lang niya ay makataong pagbabakuna at ayaw niya na pinahihirapan ang taumbayan. Itong ayuda naman po ay galing sa national government, ang gusto lang niya ay masigurado makarating sa taumbayan sa pamamaraan na maayos at maiiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)