Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Simulan po natin ang linggo ng mga mabuting balita ‘no: Sa pagtatapos po ng Tokyo Olympics, ang Pilipinas ang officially the best performing country sa buong Southeast Asia – isang gold, dalawang silver at isang bronze ang nasungkit ng ating mga atleta. Nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga atleta, sa kanilang coaches, trainers at mentors, at sa sambayanang Pilipino sa kanilang walang sawang suporta. Narating natin ang best Olympic performance ng Pilipinas in history, let us seize this moment and sustain the moment in Paris 2024.

Balitang IATF naman po tayo. Nagkaroon ng updated community quarantine classifications para sa buwan ng Agosto. Mula ika-6 hanggang a-kinse ng Agosto ang Laguna, Iloilo City, Cagayan de Oro ay nasa Enhanced Community Quarantine o ECQ. Ang Bataan naman ay nasa ECQ mula ika-8 ng Agosto hanggang a-bente dos ng Agosto 2021.

Samantala, mula August 6 hanggang August 15, ang Cavite, Lucena City, Rizal at Iloilo Province ay nasa Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ.

At panghuli, ang mga probinsiya ng Batangas at Quezon ay nasa General Community Quarantine or GCQ with heightened restrictions mula August 6 hanggang August 25, 2021.

Pumunta naman tayo sa financial assistance o ayudang ibibigay sa mga maapektuhang low-income individuals at families sa Metro Manila. Nasa 10.9 million individuals or bottom 80% ng populasyon sa Metro Manila ang makikinabang sa cash aid. Nasa 10.894 billion ang ini-release na financial assistance ng Department of Budget and Management para sa affected individuals and households sa Metro Manila na inilagay sa ECQ. Ito po ay diretsong ini-release o dinownload ng Bureau of Treasury noong Biyernes sa mga concerned local government units sa pamamagitan ng kanilang authorized government servicing bonds.

Inaasahang makakatanggap ng isa bawat katao at maximum na 4,000 per household. May pending memo ngayon para naman sa supplemental budget para sa NCR at Laguna. Mamaya ay maririnig natin si DSWD Secretary Rolly Bautista at DILG Usec. Jonathan Malaya para sa iba pang mga detalye tungkol sa financial assistance para sa NCR.

Balitang bakuna naman tayo: Nasa dalawampu’t apat na milyon or 24,479,750 ang total doses administered as of August 8, 2021. Samantala, mahigit labing-isang milyon or 11,391,969 ang fully vaccinated. Inaasahan natin na patuloy ang pagtaas ng magpapabakuna habang patuloy ang pagdating ng mga supply.

Dumating kahapon ang 326,400 doses ng Moderna COVID-19 vaccine, August 8. Sa bilang na ito, 224,400 shots ay binili ng pamahalaan, samantalang 102,000 doses po ay binili ng pribadong sektor.

Inaasahan naman natin na darating sa Miyerkules, August 11, ang 813,150 doses ng Pfizer na binili ng pamahalaan, habang dalawang milyong doses naman po ng Sinovac na binili ng pamahalaan ang inaasahang darating sa Huwebes, August 12.

May mga nasabi bagama’t walang pangalan na binanggit na nag-trigger ng panic sa ilang vaccination sites noong nakaraang linggo.

Linawin po natin ha: Nangyari po ang pagdumog ng mga tao sa ilang vaccination sites sa Metro Manila at Region IV-A noong madaling araw nang umaga ng Huwebes, August 5. At kailan po huling nagsalita ang Presidente tungkol sa bagay na ito, eh July 28 pa po. Ang tinutukoy lamang ng Pangulo ay ang mga nasa priority list na ayaw magpabakuna.

So kinakailangan naman po, mga lokal na pamahalaan, tanggapin po ang katungkulan na isaayos ang pagbabakuna at huwag namang ibaling ang sisi sa ating Presidente.

COVID-19 updates naman po tayo. Ito ang ranking po ng Pilipinas sa mundo ayon po ito sa Johns Hopkins ha, world meter COVID-19 data:

  • Number 23 ang Pilipinas pagdating sa total cases sa buong mundo
  • Number 26 po tayo sa buong mundo
  • Number 133 naman po tayo sa cases per 100,000 population
  • Number 88 po tayo sa case fatality rate na 1.76%

Tingnan naman po natin ang mga bansa sa Southeast Asia at ang kanilang mga aktibong kaso ha, ito ay sang-ayon din sa world meter COVID-19 data: Una ang Indonesia, pangalawa ang Malaysia, pangatlo ang Thailand, pang-apat ang Vietnam, panlima ang Pilipinas na mayroong 77,516 aktibong kaso.

At dito nga po sa Pilipinas nasa 9,671 po ng mga bagong kaso ayon sa August 8, 2021 datos ng DOH. Mataas naman po ang ating recovery rate, nasa 93.6%; mayroon na tayong 1,552,278 na mga gumaling. Samantala, malungkot naming binabalita na nasa 29,122 ang binawian ng buhay; nakikiramay po kami sa mga naulila, nasa 1.76 nga po ang ating fatality rate.

Tingnan naman po natin ang mga ospital. Naku po! Tumaas po talaga ang utilization rate natin dito sa Metro Manila pagdating po sa ICU beds: Sixty-three percent na po ang utilized sa ating mga ICU beds; 56% ang isolation beds; 57% ang ating ward beds; at 47% po ang ating mga ventilators.

Naku, sa buong Pilipinas mas mataas pa po ang utilization ng ICU beds natin nasa 64%; ang isolation beds po ay 55%; ward beds ay 56%; ang ventilators ay 45%, bagama’t ito po ay moderate risk at tayo po ngayon ay naka-ECQ na sa Metro Manila, sa lugar ng Laguna, sa Iloilo City, sa Cagayan de Oro at sa Probinsiya ng Bataan.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama natin po ngayon sina DSWD Secretary Rolly Bautista, Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, at DILG Usec. Jonathan Malaya. Simulan na po natin kay Secretary Rolly Bautista.

Sir, napakabuting balita na noong Biyernes ay nailipat na ang pondo galing po sa National Treasury papunta sa mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila. Kailan po kaya magsisimula ang distribution ng ayuda? The floor is yours, Secretary Rolando Bautista.

DSWD SEC. BAUTISTA: Secretary Harry Roque, Sec. Vince Dizon, Usec. Jonathan Malaya, Usec. Rocky Ignacio, mga kaibigan mula sa media, isang magandang tanghali sa ating lahat.

Sa ating katanungan, ni Secretary Harry Roque, actually binigay na po namin ang desisyon kung kailan magsisimula ang pagbibigay ng financial assistance sa kanilang mga constituents sa ating mga local chief executives, ito po iyong mga NCR mayors. So ang napagkasunduan po nila ay mas maganda kung sabay-sabay silang magbibigay ng ayuda para sabay-sabay din makatanggap ang kanilang mga constituents, Sec. Harry.

SEC. ROQUE: Yes, Sec. Rolly, dagdag ko lang pong katanungan: Bukod pa po rito sa ayuda, mayroon pa ba ho silang aasahang mga karagdagang food assistance galing po sa DSWD? At iyong ni-release po nating budget, kasama na po ba diyan ang Laguna at ang Bataan?

DSWD SEC. BAUTISTA: Sec. Harry, unang-una, iyong financial assistance na ibibigay ay that will cover apparently iyong food provision. Pero ang DSWD naman po kapag nag-request ang ating mga lokal na pamahalaan ay nakahanda naman po tayong mamahagi ng mga family food packs. Siguro inilaan talaga itong special assistance para maprayoridad ng mga indibidwal o ng pamilya of course iyong kanilang makakain sa araw-araw. Iyong isang katanungan mo, Sec. Harry, puwedeng pakiulit?

SEC. ROQUE: Iyong kasama na ba ho sa ini-release na pondo ang pondo para sa Laguna at saka sa Bataan?

SEC. BAUTISTA: Secretary, magri-rejoinder dito si Usec. Malaya. Based sa ating Inter-Agency TWG, iyong request po para sa budget para sa Laguna ay ipinadala na po yata ng DBM sa Office of the President pero ito pong sa Bataan dini-determine pa po kung ilang benepisyaryo ang makakatanggap based na rin sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan ng Bataan.

Usec. Malaya, baka mayroon kang gustong idagdag?

SEC. ROQUE: Pupuntahan po natin si Usec. Malaya, pero mayroon po akong natanggap dito ngayon na briefer galing po sa DBM. Ang sabi po, ang garantiya ay makakatanggap po ang Laguna at Bataan.

Ang Laguna po, ang proposal ng DBM ay financial assistance amounting to 2.715 billion ‘no. Itong computation daw po ay isinumite ng DILG at nandiyan po iyong listahan ng actual disbursements and number of beneficiaries last April 2021 when Laguna was also placed under ECQ. Meanwhile sa Bataan po, ang total cash aid ay kino-compute pa po based on ongoing consultations with the DILG and the Bataan LGU.

So, ganoon din po ang magiging arrangements natin, 1,000 per person and maximum of 4,000 per household at sapat naman po ang ating savings and dividends para bayaran po itong ayuda sa Laguna at Bataan kasama na po iyong sa Metro Manila, sa Cagayan de Oro City, sa Iloilo City.

Now, nagkaroon din po tayo rito ngayon ng isang aide memoire. Nagkasundo po yata ang mga mayors na sa linggong ito ay magsisimula na. May karagdagang detalye po siguro si Usec. Jonathan Malaya ‘no.

So, puntahan po muna natin ngayon si Sec. Vince Dizon pagdating po sa pagbabakuna.

Sir, itong ECQ sabi natin sasamantalahin natin at bibigyan nga natin ng four million o binigyan na natin ng four million ang mga taga-Metro Manila para lalo pang mapabilis ang kanilang pagbabakuna. Ano na po ang progress natin? Secretary Vince Dizon, the floor is yours.

SEC. DIZON: Salamat, Spox Harry. Nakapag-release na po ang DOH ng tatlong milyong bakuna sa Metro Manila simula noong nakaraang linggo. Mayroon lang pong hinintay na Certificate of Analysis documents ang ating Food and Drug Administration para magamit iyong Sinovac na dumating noong nakaraang linggo. Ito po ay dumating kahapon at ito ay mababakuna na po simula ngayong linggo.

SEC. DIZON: Okay. Pagdating naman sa testing natin, gaano kataas po ngayon ang ating testing rate habang tayo po ay naka-ECQ dito sa Metro Manila at ilan pang bahagi ng Pilipinas?

SEC. DIZON: Nag-a-average tayo, Spox, ng mga 57 to 58 thousand per day.

SEC. ROQUE: Okay. So, that’s 57 to 58,000 per day.

SEC. DIZON: Ngayon, papaigtingin pa po natin iyan pero ang importante po eh ngayong naka-ECQ tayo ay talagang sa bahay po muna iyong mga kababayan natin—[garbled]

SEC. ROQUE: Naku! May problema po sa audio, Secretary Vince Dizon.

SEC. DIZON: Opo, Spox.

SEC. ROQUE: Basta 57-58,000 per day na po ang ating testing na ginagawa kada araw. Now, of course, DILG Usec. Jonathan Malaya, kailan ba ho talaga magsisimula? Kailan iyong pinagkasunduan? At bagamat mayroon pong pinagkasunduan, paki-emphasize lang po na pupuwede namang mauna iyong iba at hindi na kinakailangan maghintay doon sa petsa napagkasunduan. The floor is yours, Usec. Jonathan Malaya.

DILG USEC. MALAYA: Yes, maraming salamat po, Spox Harry, Sec. Rolly Bautista, Sec. Vince Dizon.

Tama po kayo, nag-meeting po ang mga (NCR) Mayors noong Sabado at Linggo kasama po ang DILG at kasama po si Secretary Rolly Bautista. At doon po sa mga meetings na iyon we informed the various mayors na nandoon na po, naibaba na iyong pondo sa kanilang mga LGUs at puwede na po silang magsimula ng pamimigay.

Ngunit gusto ko lang pong i-emphasize na hindi po ganoon kabilis na maglabas ng pondo ang mga local government units dahil una po, they will have to identify the distribution sites; they will have to authorize iyong mga special disbursing officers para mamigay ng pondo; kailangan din po na masiguro na walang kumpul-kumpulang mangyayari sa mga distribution sites natin, so, magmo-mobilize po tayo ng mga barangay tanod, mga PNP officers; and most importantly, kailangan pong masiguro na mayroong karampatang cash para masimulan ang pamimigay ng ayuda.

So, ito pong mga preparasyon na ito ng local government units takes some time. Kaya nga po doon sa meeting ng mga NCR mayors napagkasunduan po nila na magsimula sa Miyerkules. So, sa Miyerkules po imo-monitor po iyan ng DSWD at ng DILG ang actual na distribution ng mga ayuda sa ating mga kababayan sa National Capital Region. At base po doon sa ipinalabas na Joint Memorandum Circular ng DSWD, DILG at DND, mayroon pong 15 days ang ating mga LGUs na tapusin ang pamimigay ng ayuda.

Ngunit alam naman po namin, Sec. Harry, ang hirap ng pamimigay sa panahon ng Delta variant surge. So, dahil nga po dito sa Delta variant na ito, mahigpit pong ipatutupad ang social distancing at wala pong mass gathering sa pamimigay ng ayuda.

So, nagsabi na po ang mga LGUs na kung saka-sakaling hindi nila matatapos within the fifteen days eh kung puwede daw po silang mag-request ng extension at pumayag naman po si Secretary Eduardo Año at si Secretary Rolly Bautista ng extension upon the request of the local government unit kung ang dahilan ay dahil sa challenges of distributing during the time of pandemya.

Dahil nga po kung distribution points po ang magiging sistema, marami pong tao ang lalabas kaya mayroon pong ganoong klaseng arrangement na between the local government units, the DILG and DSWD.

SEC. ROQUE: Usec., bagamat ang pinagkasunduan nila ay Miyerkules, wala naman pong prohibisyon para doon sa ilang mga pamahalaang lokal na magpa-distribute na nang mas maaga kung kakayanin nila? Tama ba ho ito?

DILG USEC. MALAYA: Tama po. Doon po sa ipinalabas na Joint Memorandum Circular, ang nakalagay lang po doon ay they may determine the fastest and most efficient manner and iyong 15-day period begins on the day that they decide they will start the distribution.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Malaya.

Punta na po tayo sa ating open forum. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque, Secretary Bautista, Usec. Malaya, Secretary Vince.

Question mula po kay Rosalie Coz ng UNTV: Ano po ang timeline sa pamamahagi ng ayuda sa Metro Manila at paalala sa LGUs regarding this? Saan naman kukunin at magkano ang pondong ilalaan para sa additional ECQ areas?

SEC. ROQUE: Kakasagot lang po natin ‘yan ‘no. Miyerkules ang kasunduan na idi-distribute ‘yan ng mga mayors; pupuwedeng mas maaga kung kakayanin ng ilang mga LGUs. Ang na-release pong pondo ay hindi bababa sa—pondo para sa 10.9 million individuals ‘no or 10.894 billion – ito po ay para sa NCR. At mayroon pong karagdagang pondo na ilalabas para sa Laguna at sa Bataan, at ganoon din po makukuha noong mga lugar na ‘yan ‘no – P1,000 per person or P4,000 maximum per family. So kinuha po iyan sa Savings and Dividends.

USEC. IGNACIO: Second question para po kay Secretary Vince: Ano ang update sa additional vaccine supplies sa ECQ areas? Sa Metro Manila ba ay nai-deliver na lahat ang ipinangakong dagdag na 4 million doses?

SEC. ROQUE: Actually, nasagot na rin po ‘yan, 3 million ang sabi po ni Sec. Vince Dizon ‘no na nai-deliver na.

USEC. IGNACIO: Third question po niya: May naparusahan na ba ever since sa mga nagpakalat ng fake news amid pandemic? Ano ang gagawing paghihigpit sa mga nagpapakalat ng fake news?

SEC. ROQUE: Well according to DIDM po ‘no, Directorate for Investigation and Detective Management ng PNP, today po limang kaso laban sa limang tao ang naisampa para po sa violation ng Article 154, Unlawful use of publication and unlawful utterances in relation to Section 6 of RA 11469, Bayanihan To Heal as One Act and Section 6 of RA 10175, Cybercrime Prevention Act and for violation of PD 90, Declaring Unlawful Rumor-Mongering and Spreading False Information in relation to RA 10175.

So iyong mga nagpapakalat po ng fake news, asahan ninyo po – mahahanap po kayo, sasampahan kayo noong kaso, ikukulong kayo!

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Sec. Vince, may idadagdag ka ba?

SEC. DIZON: Ah Spox, hindi. Iyon lang po na ang paalala lang po natin lalo na sa mga ECQ area natin na kung hindi kinakailangang lumabas ng bahay, huwag pong lalabas. Ang kailangan lang talagang lumabas ay iyong, unang-una, magpapabakuna at iyong mga kailangang gawin iyong mga essential activities na ayon sa ating mga regulasyon.

At tuluy-tuloy po ang ginagawa—kanina po nag-meeting lang po kami kasama ang mga NCR mayors, kasama ni Sec. Duque at ni Sec. Galvez at tuluy-tuloy naman po ang ating PDITR sa LGU level at sa barangay level. Pero ang importante po ngayon ay talagang padamihin natin nang padamihin ang mga nababakunahan natin dahil nakikita natin na kapag may bakuna eh mas mababa ang tsansa na mahawaan at hindi malubha masyado ang magiging karamdaman. Salamat, Spox.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Sec. Vince Dizon. Mela Lesmoras, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at sa ating iba pang Kalihim at opisyal. Secretary Roque, my first question is about ECQ aid lang po with Secretary Bautista and Usec. Malaya can also answer bukod po sa inyo.

Secretary Roque, ano po iyong pinakabagong order ni Pangulong Duterte about sa aid distribution? Paano po kaya maiiwasan na iyong mga issue katulad noon na korapsiyon and mabagal na pamamahagi? Mayroon po bang tsansa na magkaroon na rin tayo nang digital cash distribution? Like for example idadaan sa GCash or iba pang paraan para less contact na at maiiwasan na iyong mga mass gatherings sa pamamahagi po ng ayuda. Ano po kaya iyong innovation na nakikita natin na puwedeng gawin?

SEC. ROQUE: Sagutin ko na ‘no para mapabilis ‘no. Cash distribution po ‘yan; pangalawa po, ang pakiusap po ng Presidente at the soonest time possible. Pero alam po natin dahil nga sa pandemya ‘pag mamabilisin natin ‘yan ay magkakaroon nang pagtipun-tipon ‘no so open naman po ang gobyerno na pahabain iyong period ng distribution. Pero pakiusap lang po, at the soonest time possible. Ewan ko po kung may idadagdag pa si Secretary Rolly Bautista.

DSWD SEC. BAUTISTA: Karagdagan ano, Sec. Harry. Ayon na rin sa LBC [Local Budget Circular] No. 138 katulad ng nabanggit natin, ‘the LGU shall determine the most efficient and effective way of release of assistance at sila ay may option na makipag-engage sa financial service providers [FSPs] para maipamahagi ang ayuda sa loob ng 15 calendar days na itinakdang deadline alinsunod sa JMC.’

So iyong pag-engage nila sa digital payment FSPs desisyon na rin po iyon ng lokal na pamahalaan as long as they will observe iyong duration nang pamamahagi ng ayuda. Iyon ‘yung binabanggit natin na 15 days.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo, and just a quick follow up. Usec. Malaya, may nakipag-coordinate po ba sa inyo or humiling na LGU particularly dito nga sa Metro Manila kung puwede silang mag-digital cash transfer para dito sa ayuda?

DILG USEC. MALAYA: Okay. Mayroon po, ang nagpasabi na po sa amin ay ang Lungsod ng Makati na gagamitin po nila iyong GCash dahil mayroon na silang current na kasunduan sa pamimigay ng ayuda.

Doon naman po sa inyong tanong tungkol sa alleged corruption dito sa SAP ‘no noong nakaraang taon ay nakapagsampa na po ang DILG ng mga kaso sa iba’t ibang mga—sa Ombudsman at iba pang mga korte laban doon sa mga barangay officials na ‘di umano ay involved dito ‘no.

So kung makikita natin pang-apat na ito, habang tumatagal ang panahon, wala na masyadong reports of corruption dito sa ating pamimigay ng ayuda. Noong namigay tayo ng ayuda noong April, wala po tayong masyadong na-receive na reports na kasi alam na ng mga barangay officials na sila ay ihahabla at sasampulan ni Secretary Año at ng Philippine National Police.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, Secretary Roque, about pa rin po sa ECQ. Sinabi kasi ng DOH na Philippines is now considered as high risk for COVID-19 after recording an increase in the two-week growth rate and average daily attack rate. Paano po natin nakikitang makakatulong itong ECQ para mas mapababa pa iyong kaso ng COVID-19 particularly nga dito sa NCR at kailan kaya natin makikitang magri-reflect iyong talagang pagbaba na hindi na katulad ngayon na almost 10,000 iyong mga naitatalang cases?

SEC. ROQUE: Dahil nga po inatasan natin ang ating mga hepe ng pamilya na mag-declare ng household lockdown, inaasahan po natin na ang ECQ ay magdudulot nang mas mababang numero pagdating po sa mga nahahawa ng COVID-19. Ito po’y magbibigay ng pagkakataon para mapalawak pa natin ang ating critical care capacity at inaasahan po natin ang resulta matapos po ang two weeks ‘no dahil iyan po ‘yung buhay, iyong cycle na tinatawag ng COVID-19 virus.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Panghuli na lamang po, Secretary Roque. May Talk to the People po ba mamaya? Ano po kaya—

SEC. ROQUE: Mayroon. Mayroon po tayong Talk to the People mamaya.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po Secretary Roque at sa ating mga iba pang—

SEC. ROQUE: Thank you, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary. Question from Kris Jose of Remate/Remate Online for Secretary Roque: Reaction sa panukala ni Senator Imee Marcos na muling magpatupad ang gobyerno nang 60-day price freeze sa essential goods at medical supplies and equipment kabilang na ang oxygen tanks na hinu-hoard daw ng ibang individual na may kakayahang bumili.

SEC. ROQUE: Well, sang-ayon po sa DTI ‘no, nakapagdeklara na po tayo ng price freeze eh tatlong beses na po ‘no: Noong nag-public health emergency po tayo noong March 15, 2020, noong state of calamity noong March 18, 2020 at noong May 10, 2021 dahil po sa ASF.

May batas po kasi na nagsasabi na hindi po natin pupuwedeng ideklara ang price freeze for more than 60 days ‘no at 60 days at a time lang po ‘yan ‘no. So hindi pupuwedeng palawakin pa po beyond 60 days. So mayroon naman po tayong mga suggested retail price para sa mga pangunahing mga bilihin.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Napaulat na may mga bagong variant ng COVID-19 sa bansa at ito ay ang Lambda variant na una pong natukoy sa Peru. May paghahanda pa rin bang ginagawa ang pamahalaan na hindi makapasok sa bansa ang bagong variant na ito na sa ngayon ay variant of interest?

SEC. ROQUE: Alam mo, lilinawin ko pa ho. Kahit ano pang variant ‘yan, kapareho po ang ating katugunan. Unang-una, iyong ating border control, pinagbabawalan natin iyong mga manggagaling sa mga lugar na matataas itong mga mas nakakahawang mga variants. Pangalawa, iyong PDITR natin. Hindi po substitute talaga ang kahit ano sa PDITR, iyong mask, hugas, iwas, iyong ating detection, isolation and treatment. Wala po talagang substitute diyan sa PDITR na iyan. At pangatlo iyong pinapalawak pa natin lalo ang numero ng mga nababakunahan. It’s really a race against the new variants, pero nakikita naman po natin eh mayroon po tayong mga headways pagdating sa pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Vince Dizon: Question po na according to Vice President Leni Robredo na for government to get 750,000 vaccinated per day so this ECQ is ito na daw po iyong last lockdown?

SEC. DIZON: Unang-una po, mawalang-galang na po kay Vice Presidente Leni, pero in fact, hintayin po natin sa vaccine cluster sa pamumuno ni Secretary Galvez, ang tatargetin po natin ay aabot na ng isang milyon. Iyon ang target natin, it is more than the 750,000. Noong nakaraang linggo ay nag-high na po tayo ng 710,000 and ang panawagan po natin is, lahat tayo sana magtulung-tulungan na lang para maabot natin itong mga target na ito. Kasi kagaya ng sinabi ni Spox Harry kanina, karera po talaga ito against the variant.

But again, ang pinakamalaking hamon pa rin natin ay supply. At ito ay hamon hindi lang ng Pilipinas, kung hindi hamon ng buong mundo, lalung-lalo na iyong mga bansang hindi nagma-manufacture ng sarili nilang bakuna tulad ng Pilipinas. Lahat po talaga tayo ay nahihirapan maghanap ng supply. Pero kung tayo po ay may sapat na supply at makukuha po natin ang ating mga doses na pinangako ng ibang mga manufacturers sa iba’t ibang bansa, eh kakayanin po natin at tinatarget natin is even much higher than the 750,000. Hanggang isang milyon kada araw, basta may supply.

SEC. ROQUE: Yes, nawala ka, Secretary Vince. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque, itatanong ko lang po iyong question ni Pia Rañada kasi I think nawala po siya sa Zoom. Ito po iyong question ni Pia Rañada ng Rappler: People were caught on camera in TV reports saying they rush to vaccination sites because of President Duterte’s remarks that they can’t leave their house if they aren’t vaccinated. Given the real world consequences of the President’s words, should the President be advised to be more careful with his public pronouncement?

SEC. ROQUE: Conclusion na lang po iyan, Pia. Noong sinabi po iyan ng Presidente, Lunes pa noong nakalipas na linggo; eh nagkaroon naman ng siksikan, Biyernes na. So wala pong kinalaman iyong sinabi ni Presidente. So huwag nating lagyan ng kulay iyong mga sinabi ni Presidente at saka hina-highlight po niya doon iyong mga ayaw magpabakuna na nasa A2 at A3. Malinaw po iyan sa konteksto ng sinasabi ni Presidente.

Ngayon, wala po tayong magagawa kung talagang lalagyan ninyo ng kulay lahat ng sinasabi ni Presidente, talagang magkakaroon po iyan ng kulay. Pero iyong pag-uunahan po, Thursday na po iyon; Lunes na po na nagsalita ang Presidente. Kung talagang reaksiyon po iyan sa sinabi ni Presidente, dapat po iyan ay nagsiksikan na Tuesday pa lang o Wednesday, pero hindi po nangyari iyon. So sabi nga po nila, evidence law is based on human experience. Unlikely po iyong sinasabi natin.

Mayroon po talagang mga nagsabotahe. At ang pakiusap po natin, wala po kaming sinisisi, pero iyong mga lokal na pamahalaan, huwag naman kayo magbabaling ng pula sa ating Presidente. Dahil the bottom line is katungkulan pa rin ninyo na kayo ang magpatupad ng maayos at makataong pagbabakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: What will Malacañang do to prevent such remarks? How will you streamline Palace communications to prevent a repeat?

SEC. ROQUE: Wala pong pagkakamali ang ating Presidente sa kaniyang pananalita. At kung paniniwalaan po natin ang mga surveys, the President remains to be the best communicator and the best positive communicator in the country today.

USEC. IGNACIO: And third question po niya: Has President Duterte read the VFA side agreement which Secretary Lorenzana says is now with Office of the President? Is he kin to approve it?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam. Tatanungin ko po mamaya sa Talk to the People.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Leila Salaverria of Inquirer:  To be clear, will Laguna and Bataan get cash aid for their ECQ?

SEC. ROQUE: Yes.

USEC. IGNACIO: Ang follow up po niya dito: Does the government see the need now to ask for a supplemental budget?

SEC. ROQUE: Malinaw na malinaw po magkakaroon ng ayuda ang lahat ng areas na nasa ilalim po ng ECQ. Iyan po ang sabi ng Presidente, hindi siya papayag na mapasailalim sa ECQ ng walang ayuda. Magkakaroon po ng ayuda ang Laguna at ang Bataan.

In fact, ang Bataan po pina-finalize lang po ang amount. Ang Laguna finalized na ang amount, naaprubahan na nga po yata ng Presidente at iyan po puwede nang ma-release soon ng Treasury. Pero pagdating po doon sa Bataan nga po, ang proseso, whether be it Laguna or Bataan, approval of the President bago po mai-release ng Bureau of Treasury sa LGUs.

USEC. IGNACIO: Opo. For USec. Malaya: Could we ask for updates daw po on the probe on the alleged sabotage of the government’s vaccination campaign? Has it seen any evidence to support the suspicion that there was a deliberate move to sow chaos in the vaccination drive, instead of just there being a misconception about government policy?

USEC. MALAYA: Opo. Mayroon na pong team na inorganisa ang Philippine National Police led by the Criminal Investigation and Detection Group, kasama na rin po ang anti-cybercrime group ng PNP at sila po ang nag-iimbestiga nito. Pero wala pa po silang sinusumiteng report sa DILG. Alam naman po ninyo ang paghahanap ng ebidensiya takes time, dahil kung hindi naman po mabigat ang ebidensiya ay ito po ay idi-dismiss lamang ng City Prosecutors Office. So kailangan po matibay at maliwanag ang ebidensiya, bago magsumite ng report ang PNP. So bigyan pa po natin ng kaunti pang panahon dahil ito po ay nangyayari pa lamang noong nakaraang linggo, noong Thursday. Let’s give the PNP more time to finalize the investigation.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Ian Cruz ng GMA News for Secretary Vince. Hindi ko lang po alam kung nasagot na rin ito:  Naabot ba ng NCR ang target na 250,000 jabs per day since August 6?

SEC. DIZON: Noong nakaraang linggo, nag-high po ang NCR ng 210,000 jabs in one day. So pinipilit po natin ngayon na maabot ang 250,000. Pero kagaya po ng nasabi ko kanina, mayroon pong naging delay doon sa certificate of analysis ng Sinovac, pero iyan ay lumabas na kahapon at masisimulan na pong ibakuna iyan sa mga susunod na araw.

So, pipilitin po ng mga LGUs natin, pero talagang hindi madali ang magbakuna ng ganoon kalaki sa mga susunod na araw. Pero iyan po ang pipilitin natin, para mapabilis natin ang pagbabakuna para maunahan natin itong pag-spread ng Delta variant.

USEC. IGNACIO: Opo, ang second question niya: May ibang LGU in NCR na hindi pa daw po maiturok ang Pfizer vaccine dahil hindi raw po dumarating ang ancillaries?

SEC. DIZON: Kanina po sa meeting namin sa mga LGUs ng NCR at ng DOH, dumating na po iyong mga ancillaries noong weekend at sa kasalukuyang dini-distribute na po iyan ngayon para magamit na po doon sa Pfizer vaccines, pandagdag doon sa mga nakuha na nilang Sinovac at Moderna.

USEC. IGNACIO: Opo. From Vanz Fernandez, for Secretary Roque: With the formal closing of Tokyo 2020 Olympics, what step is the government taking to better support athletes who represent the country? Will the support of athletes also come with proper expectation for them to bring home more gold medal for the country in the next Olympics?

SEC. ROQUE: Well, Vanz, siguro hindi coincidence na we had the best ever performance in the Olympics, including our first gold medal even in our history under the leadership of President Rodrigo Roa Duterte. The figures will bear me out, pero talaga naman pong nagtanim at nag-invest ang ating Pangulo sa ating mga atleta. Kauna-unahang panahon po, record po ang suportang pinansiyal na ibinigay natin sa ating mga atleta, at nakita naman po natin ang naging prutas ng ganiyang investment.

So, ang tingin ko po, patuloy po ang ating investment in our athletes, dahil nakita naman po natin na kapag nakapag-uwi ng medalya ang ating mga atleta, hindi lang tagumpay ng mga atleta natin ito, kung hindi tagumpay ng buong sambayanang Pilipino. We needed those medals at this time in our history po sa gitna ng pandemya. They provided us hope na kahit gaano kahirap ang buhay natin ngayon ay magwawagi rin po tayo. Kaya nga po iyan ang dahilan why the President has always believed in investing in our people, whether be it in our athletes, in the form of Universal Health Care or free tuition sa lahat ng public universities and colleges

USEC. IGNACIO: Opo. From Maki Pulido ng GMA News: Ano po ang guidelines ng distribution, kung gagamit ba ulit ng financial institutions?

SEC. ROQUE: Nasagot na po iyan. I think, sinabi na ni Usec. Malaya, Makati has said that they will use GCash. I guess the other LGUs can provide with notice to the DILG.

USEC. IGNACIO: For Secretary Bautista: Comment daw po on Navotas case. There were a lot of cases where money was transferred to the wrong beneficiaries.

DSWD SEC. BAUTISTA: Salamat, Usec. Rocky. Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang DSWD through our field office NCR sa lokal na pamahalaan ng Navotas sa pag-validate ng mga nasabing higit na 2,000 na grievances mula sa second tranche ng SAP.

Titiyakin ng DSWD na ang nararapat na aksyon ay maigagawad sa mga benepisyaryong mapapatunayan na karapat-dapat na makatanggap ng SAP. Maaaring isa sa mga pamamaraan na isasagawa ng ahensiya ay ang pagsasagawa ng balidasyon sa pamamagitan ng pag-reconcile ng database ng LGU, ng concerned financial service provider at ng field office NCR, or even pagtawag sa mga kinauukulang benepisyaryo, at maging ang pagsasagawa ng house to house validation.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya doon po sa guidelines: Is DSWD going to verify the list? Some LGUs have complained that this is the number cause of delay.

DSWD SEC. BAUTISTA: Salamat, Usec. Rocky. Uulitin lang namin, batay na rin ito sa JMC, ano: Gagamitin ng mga lokal na pamahalaan ang enhanced list database ng mga benepisyaryo mula sa nakaraang pamamahagi ng ayuda sa NCR Plus areas noong April to May 2021. Tiwala kami na nasala na itong listahan ng mga LGUs dahil ito rin ang isinumite nila sa kanilang mga liquidation reports sa DBM at COA.

USEC. IGNACIO: Opo. Question for Usec. Malaya: Ilang araw po ang ibinibigay sa mga LGU para tapusin ang pamamahagi ng ayuda?

DILG USEC. MALAYA: Opo, gaya nga po ng sinabi ko kanina, mayroon pong 15 days ang mga LGUs para tapusin ang ayuda from the time that they start distribution. So bibilang po tayo ng 15 days mula sa Miyerkules.

Ngunit kung magkakaroon ng delay dahil nagkaroon po ng adjustments dahil nga po tayo ay nasa Delta surge, baka po maging dahilan ang pamimigay ng ayuda ng spread ng COVID-19 ay puwede pong magsumite ng request ang mga LGUs to DSWD Secretary Rolly Bautista at kay DILG Secretary Eduardo Año.

USEC. IGNACIO: Opo. For Usec. Malaya from Maricel Halili ng TV5, kasasagot ninyo lang po iyong tanong niya about na … kung hindi magiging dahilan ng mass gathering iyong pamamahagi ng ayuda.

For Secretary Roque: OCTA Research fellows see political agenda behind the Congress probe on OCTA. Do you find it necessary to conduct an investigation about analysis based on DOH data?

SEC. ROQUE: Unang-una po, Congress has plenary powers to investigate in aid of legislation; hindi ninyo po mapipigilan ang Kongreso. So dapat maintindihan po iyan ng OCTA ‘no. Kahit sino po ay hindi pupuwedeng pigilan ang Kongreso sa kahit anong imbestigasyon.

Now, gusto ko ba ho ng imbestigasyon? Eh desisyon naman po iyan ng mga kongresista, hindi ko po iyan desisyon. Pero ang sinabi naman ng mga kongresista ay nais nilang malaman iyong mga qualifications ng mga bumabasa ng datos. At tingin ko naman po as a lawyer, kapag mayroon kang expert evidence ‘no, expert witness, hindi ninyo po dini-dispute ang conclusion ng experts; ang ididispute ninyo po talaga ay iyong qualification niya as an expert.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong ni Maricel Halili: Sabi ng isa sa witnesses sa kaso ni Senator Leila de Lima na si Jerry Valeroso, pinabayaan daw sila ng pamahalaan after mag-testify. Bukod daw sa gutom ay wala na raw silang protection from the government. Is this true? At ano po ang tugon ninyo rito?

SEC. ROQUE: Iba-validate po natin iyan dahil talaga namang napakalaki ng mga personalidad na nasa likod ni dating Secretary Leila de Lima ‘no. So kinakailangan talagang bigyan ng proteksiyon ang mga tumitestigo laban kay Senator Leila de Lima.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Trish Terada, para raw po kay Spox o Secretary Rolly. Ang tanong niya po rito: Ano raw po ang nagku-cause ng delay sa distribution? Kasi ito na raw po iyong third time that we had SAP. Is it lack of funds or lack of system?

SEC. ROQUE: Sa akin po, wala naman pong delay. Kaya lang po, napakabilis po ng pangyayari dahil itong Delta variant, kinakailangan mabilis din ang aksyon natin ‘no. Nagkaroon na nga po tayo ng isang linggong allowance para ma-organize at maayos ang funding source natin.

Sa tingin ko naman po, there has not been any extraordinary delay bagama’t susubukan po nating mapabilis talaga iyong pagbibigay ng ayuda.

Secretary Bautista, if you have anything else to add, please.

DSWD SEC. BAUTISTA: Alam naman natin, Secretary Harry, talagang maraming challenges itong pagbibigay ng ayuda. Ito na iyong sinasabi nating health protocols, iyong mga limitasyon ‘no, iyong pagpunta ng tao, kung saan ibibigay ang mga ayuda. At siyempre iyong timeline din kasi ‘no, iyong timeline na iyan ay hindi natin puwedeng ipilit iyan sa lokal na pamahalaan, na kailangan on this day ay ganitong beneficiaries ang maibigay mo o kaya ganito dapat karami. Kinu-consider lahat iyan ng ating mga lokal na pamahalaan.

Kung sinasabi nating mayroong delay, isa siguro iyong database. Doon po sa JMC [Joint Memorandum Circular] talagang binigay na po namin ang leeway sa … ng list ‘no. So iyong list na po iyan ay talagang manggagaling na po iyan sa ating LGU dahil katulad ng nabanggit ko kanina, iyang list na po iyan ay ito po iyong listahan na aktuwal na nabigyan ng ayuda noong last na … noong naging NCR Plus areas under ECQ. So sa tingin ko iyong magiging delay naman is reasonable dahil kinonsider po lahat iyan ng ating lokal na pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Carolyn Bonquin ng CNN Philippines for Usec. Malaya: Kung sapat na raw po iyong 255,000 contact tracers para maabot iyong ideal ratio na 1:100 kasi kulang daw po ng 18,000 contact tracers? Have we ever reached the ideal contact tracing ratio na 1:30 to 37 within two days?

DILG USEC. MALAYA: Well, unang-una po, ay nagpapasalamat po ang DILG sa ating Pangulo dahil naaprubahan na po iyong renewal ng 15,000 contact tracers na hinire [hire] natin noong January, at mag-i-expire iyong kanilang mga kontrata ngayong Agosto ‘no.

Inaprubahan po ng Pangulo ang 1.621 million, so that’s essentially 1.6 billion pesos for the re-hiring of these contact tracers hanggang December 31, 2021 na kinuha po ng ating Pangulo sa contingent fund under the General Appropriations Act.

So dahil po renewed itong ating mga contact tracers ay wala po tayong problema sa numero ng mga contact tracers natin. Ang kailangan na lang pong tutukan ng mga lokal na pamahalaan ay iyong performance ng ating mga contact tracers dahil iyan po ay nasa control na ng mga LGUs dahil ito pong mga contact tracers na ito are hired by the DILG but they are deployed to the local government units at ang may control na po sa kanila on a daily basis ay ang mga city and municipal health officers.

So we wish to remind ito pong ating mga contact tracers who are now to be renewed under the supervision and management of the LGUs to conduct active case finding sa inyong mga areas dahil nga po kumakalat ang Delta variant and you must prioritize those areas na mayroong clustering. Pangalawa po iyong close contacts of suspect, probable and confirmed cases must be traced within 24 hours; and most importantly, lahat po ng mga COVID positives must be isolated and quarantined immediately also.

SEC. ROQUE: Nawawala po ang audio ninyo. Anyway, maraming salamat, Usec. Malaya. Nawawala po ang audio ninyo, I’m so sorry ‘no.

So, Usec. Rocky, mayroon pa ba ho?

USEC. IGNACIO: Opo. May question po, pahabol na tanong si Melo Acuña: May program ba ang pamahalaan para sa mga taong ayaw magpabakuna?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po siguro ang programa diyan ay bahala na si COVID-19 sa kanila kung ayaw nilang magpabakuna ‘no.

Anyway, since wala na po tayong mga katanungan, maraming salamat po sa ating mga naging panauhin – Secretary Rolando Bautista, NTF Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, at DILG Usec. Jonathan Malaya. Maraming salamat, Usec. Rocky.

Pero bago po tayo magtapos, sasagutin ko lang po iyong sinabi ng isang kongresista ngayon lang po sa ANC na napakabilis daw ng ating pagdideklara ng ECQ na naging dahilan para magkaroon ng danyos ang ating mga maliliit na mga namumuhunan. Ma’am, hindi po gobyerno ang nagbigay danyos sa ating mga maliliit na mga namumuhunan – COVID-19 po iyan. At hindi po mabilis kasi ako nga po mismo ang nag-move ng isang linggong palugit para magkaroon ng pagkakataon nga ang ating mga taumbayan na paghandaan itong ECQ. So hindi po totoo iyang paratang ninyo. For your information lang po.

So, tapos na naman po tayo sa isang presidential press briefing; matagal-tagal pa po bago ang Paris Olympics muli. Muli po kaming nagpapasalamat at nagbibigay-pugay kay Hidilyn Diaz, kay Nesthy Petacio, kay Eumir Marcial, at kay Carlo Paalam. Pero ang tagumpay po nila ay hindi lang pang-indibidwal na tagumpay; ang tagumpay po nila ay tagumpay ng buong sambayanang Pilipino. Puwede po nating pagkunan ng inspirasyon ang kanilang pagwawagi dahil lahat naman po tayo ay kalahok sa palakasan sa pang-araw-araw nating buhay. Marami po tayong pagsubok, kinakailangang magpursige, at gaya nila Hidilyn, magtatagumpay po tayo.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)