Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: [OFF MIC] … mga bakuna. As of July 17, 2021, tulad ng ini-report ng ating Vaccine Czar at NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, nasa 27,922,360 doses na po ang dumating na bakuna sa Pilipinas. Makikita sa infographics ang iba’t ibang mga vaccines na na-deliver na po. At madaragdagan pa po ang bilang ng mga ito dahil inaasahan mamayang gabi ay darating ang mahigit kalahating milyon or 562,770 doses ng Pfizer na ating binili.

Bukas naman ng umaga, July 22, inaasahan natin ang pagdating ng isa’t kalahating milyong doses ng Sinovac. At sa Biyernes, karagdagang isang milyong Sinovac ang expected na darating din po.

As of July 2021, may higit limang milyon or 5,031,301 ang nakatanggap na po ng dalawang doses na bakuna. Nasa braso na rin po ang mahigit 15,616,562 ang best shot ng vaccine, ito ang total doses na na-administer na po natin.

Tara na po ay magpabakuna! Magpaturok na po tayo kung saan scheduled tayong magpaturok. Walang bayad po ang first dose at second dose kaya siguraduhing kumpletuhin ang dalawang doses. Magpalista na po tayo ‘no. Makipag-ugnayan sa inyong LGU tungkol sa proseso ng pagpapalista. Dagdag na proteksiyon ito sa inyo, sa inyong pamilya at sa komunidad.

Sa mga nagtatanong sa efficacy ng Sinovac, naglabas po ng analysis ang isang eksperto, si Dr. Rev. Father Nicanor Austriaco ‘no, professor of Biological Science ng University of Sto. Tomas. Ayon kay Dr. Austriaco, lumabas ngayong buwan ang results ng Phase 3 clinical trial ng Sinovac sa bansang Turkey. Ito ang first [unclear] review data set ng Sinovac na lumabas sa international science journal na ang Lancet. Ayon sa pag-aaral sa Turkey, mayroong 83.5% efficacy ang Sinovac sa 10,000 volunteers age 18 to 59 na sumali sa clinical trial. Isinagawa ang nasabing clinical trial noong panahon na may Alpha variant sa Turkey.

Dagdag ni Dr. Austriaco, sa clinical trial ng Sinovac sa Indonesia ay lumabas na 94% epektibo laban sa infection at 96% epektibo para hindi maospital. Sa report na 350 healthcare workers sa Central Java, Indonesia ang nag-infect ng Delta variant bagama’t fully vaccinated, ang hindi yata naha-highlight ay mayroon ng 5,000 healthcare workers na nabanggit sa lugar na iyon. Ano po ang ibig sabihin nito? Nasa 4,650 ang hindi nagkaroon ng COVID-19, katumbas po ito ng 93% protection rate.

Ganito rin po ang kaso sa bansang Thailand. Sabi ni Dr. Austriaco, nasa 677,348 medical personnel ang nabakunahan ng two doses ng Sinovac ayon sa datos ng Thai Ministry of Health. Sa bilang na ito, nasa 618 ang nagpositibo sa coronavirus, at sa 618,597 ay walang sintomas o mild symptoms. Ibig sabihin, 99% ang level ng proteksiyon sa Thailand.

Kaya huwag magpadala po sa mga naninira ha, magpabakuna po para protektado.

Speaking of Delta variant, ano po ba ang dapat malaman natin tungkol dito? Una, mas nakakahawa ba ang Delta variant? Ang sagot: Opo, 40 to 60 percent na mas nakakahawa ito kumpara sa Alpha variant.

Pangalawa, epektibo ba ho ang ating mga bakuna laban sa Delta variant? Ang sagot: Opo, ang mahalaga ay makumpleto ang dalawang doses. Halimbawa, ayon sa Public Health England, ang dalawang doses ng AstraZeneca ay 92% na epektibo para hindi maospital dahil sa coronavirus. Pinapakita rin ng isang pag-aaral na walang namatay sa Delta variant pagkatapos makatanggap ng dalawang doses ng bakuna.

Pangatlo, may pagbabago ba sa ating pinapatupad na intervention dahil nga po sa Delta variant? Well, mananatiling parehas ang ating mga istratehiya ngunit mas papaigtingin pa po natin ang pagpapatupad ng minimum public health protocols. Kasama na rito po ang ating minimum public health standards, order, control measures at quarantine, testing and contact tracing protocols. Sa madaling salita, intensified PDITR or PREVENT, DETECT, ISOLATE, TREATMENT, REINTEGRATE ang gagawin natin. Dapat din nating siguraduhing sapat ang ating health system capacity.

COVID-19 updates naman po tayo ‘no. Ito ang ranking ng Pilipinas sa mundo ayon po ito sa Johns Hopkins:

  • Number 23 ang Pilipinas pagdating sa total cases
  • Number 33 – bumaba po tayo ‘no – pagdating sa active cases
  • Number 132 po tayo sa cases per 100,000 population
  • Number 87 sa case fatality rate

Tingnan naman po natin ang bansa ng Southeast Asia at ang kanilang mga aktibong kaso, ito po ay ayon sa World Meter COVID-19 data as of 21 July 2021:

  • Una po ang Indonesia na mayroong 550,192 na mga aktibong kaso
  • Pangalawa ang Malaysia na mayroong 133,703 na aktibong kaso
  • Pangatlo po ang Thailand na mayroong 126,765 na mga aktibong kaso
  • Pang-apat ang Myanmar na mayroong 67,832 na mga aktibong kaso
  • Panlima po ang Vietnam, 51,043 na mga aktibong kaso
  • Pang-anim po ang Pilipinas, at mayroon po tayo ngayong 46,806 na mga aktibong kaso

Samantala, sa mga bagong kaso dito sa atin, ito ay nasa 4,516 – bumaba po ito ‘no – ayon sa July 20, 2021 datos ng DOH. Nananatiling mataas pa rin po ang ating recovery rate na nasa 95.1%; nasa 1,444,253 po ang bilang ng mga gumaling. Samantalang malungkot po naming binabalita na nasa 26,844 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa lahat ng mga naulila – 1.77% po ang ating case fatality rate.

Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital sa buong Pilipinas:

  • 54% lang po ang nagagamit nating ICU beds
  • 46% ang utilized na isolation beds
  • 43% utilized ang ating ward beds
  • 36% utilized po ang mga ventilators

Dito naman po sa atin sa NCR:

  • 42% utilized ang ating ICU beds
  • 38% utilized ang ating isolation beds
  • 34% utilized ang ating ward beds
  • 34% utilized ang ating ventilators

Sa ibang mga bagay: Sa tanong na may immunity po ba ang bise presidente sa mga law suit? Hindi po bago ang isyu na ito ‘no. Kung inyong matatandaan, natanong din ito sa panahon ni VP Jojo Binay. Malinaw po ang personal kong paninindigan dito. Ang presidential immunity from suit po ay sang-ayon sa jurisprudence. Bagama’t wala pa pong jurisprudence pagdating sa vice president eh siguro po magkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng linaw itong isyung ito kung dadalhin sa Korte Suprema.

Pero magugulat po kayo na ang nagsabi na mayroong immunity ang vice president ay walang iba kung hindi ang number one kritiko ng ating Presidente, si dating Justice Secretary Leila De Lima. Lumabas po ito sa pahayagang Rappler noong July 7, 2015. Ang sabi po niya, “The Constitution states that impeachable officials shall not be removed from office except by impeachment. It does not say categorically to what extent they may be subject to prosecution without the impeachability being affected. Theoretically, they can be subject to criminal proceedings as long as they are not removed from office such as what the Supreme Court has done with the commissioners of Comelec in several cases when it cited said commissioners in criminal contempt.”

So ang paninindigan po ni Leila de Lima, binago pa nga niya ang posisyon po niya, ay mayroon daw immunity ang vice president.

Ganoon din po ang opinyon ng election lawyer na si Romulo Macalintal na kung maalaala ninyo ay tumakbo sa partido ng dilawan, at lumabas po ito sa Philippine Star noong October 15, 2014. Sabi po niya, iyong dating Vice President Binay, just like the president and all constitutional officials, is covered by immunity from suit. Meaning, he cannot be charged in court under the normal procedure of trial.

Kaya inuulit ko po ang aking unang nasabi, let this be an opportunity to provoke jurisprudence.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon, unang-una, si Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno; at infectious disease specialist, Dr. Rontgene Solante.

Puntahan po muna natin si Mayor Oscar Moreno. Mayor, naka-ECQ po ngayon ang inyong siyudad – hindi po ako nakasama noong dumating po diyan ang NTF dahil kinailangan ko pong mag-press briefing sa Davao. Pero, Mayor, ano na po ang latest sa Cagayan De Oro? Ano po ang mga hakbang na ginagawa natin, lalung-lalo na po para palakasin ang ating healthcare capacity diyan sa siyudad ng Cagayan De Oro? The floor is yours, Mayor Oscar Moreno.

MAYOR OSCAR MORENO: Secretary Harry, maraming salamat. And sayang wala ka. We missed you. The team was here led by Secretary Duque, Secretary Año, Secretary Lorenzana of course, and Secretary Galvez. And together with their respective Regional Directors, ating DOH, DILG and pati iyong mga hospitals natin, nagkaroon po tayo ng pagpupulung-pulong and may dala rin po silang mga almost 400,000 doses na bakuna.

At ang sitwasyon po ng Cagayan De Oro is this: Noong May, nag-umpisa po itong latest surge and the highest was in June and mabuti naman na by July, nag-stabilize na, slow down. And in fact, last week, we were looking at the possibility na nag-plateau na iyong cases. We have gone past the peak and then came out the news about the statement ng DOH na mayroong detected na lima na Delta variant cases sa Cagayan De Oro. In fact, tamang-tama po iyon, Secretary, na people were expecting na may bagong announcement na naman sa   quarantine level.

Now, effective June 1, nasa MECQ kami and, so I was asked mga June 14 – makiusap ba tayo   na ma-reduce to at least GCQ ang quarantine level or kung MECQ pa rin, makiusap ba ako, given bumaba naman ang cases at iyong ating healthcare utilization rate, nasa level na ng 60’s? iyong below 70 kasi GCQ level na. Ang sagot ko po, was hindi ako makiusap, dahil kung ano ang dapat na quarantine level, sundin natin. After all, kailangan din na ma-sustain natin.

Mayroon na tayong mga small victories, since the surge pero kailangan ma-sustain natin. So, ganoon po and then came out the story noong July 15/July 16. Immediately nakipag-meet po tayo sa DOH Regional office at saka iyong ating COVID referral hospital dito sa Region X, which is based in Cagayan De Oro, iyong Northern Mindanao Medical Center and na-report nga iyong lima. And so, immediately strategies were agreed number one, iyong reported na Delta variant, although they were tagged as recovered, even according to the DOH, we would gather them back and ilagay sa special facility and then, contact tracing would have to be instituted again, intensified and hangga’t maaari kung puwedeng umabot ng third degree.

So, the contact tracing was initiated and iyong mga primary contacts were brought to an isolation facility. And then tests were made doon sa affected ng Delta variant and lima po sila, Secretary, just to be clear about it. Iyong primary, iyong index case, is not a resident of Cagayan De Oro. Residente po siya ng Manolo Fortich pero right beside Cagayan De Oro. For all intent and purposes, that’s part of Metropolitan Cagayan De Oro ‘no. Pero ang problema iyong nahawaan niya, iyong apat – iyong wife niya 37-year-old, iyong anak 14-year-old, iyong mother-in-law, 62-year-old and iyong kapatid ng mother-in-law na 61 – are all residents of Cagayan De Oro, dahil iyong wife is a worker sa isang health facility.

So, they were, again like I said, gathered and put in a temporary treatment and monitoring facility and tested. And according to the test result noong Saturday, isa negative na, iyong tatlo nandiyan pa rin, dahil iyong isa ay nasa Manolo Fortich, wala sa Cagayan De Oro ‘no.  Although I have asked our health team to coordinate with health team of Manolo [Fortich] in Bukidnon. Iyong tatlo positive pa rin, pero mataas ang CT value, pero nonetheless, normally ano na iyan, kino-cover na iyan ng certified recovered. Pero anyway, nandiyan pa rin sa ating facility and I think ang desisyon is they will be kept in the facility until their RT-PCR would show negative.

Ang kagandahan po nito, Secretary, iyong apat na iyon who are residents of Cagayan De Oro, dahil noong lumabas ang result doon sa index case, eh di automatic nag-contact trace and then, doon sa contact trace, na identify iyong mga close contacts ‘no. Iyong high risk, iyong apat and so they were extracted. Ito, this was in June, extracted and placed in an isolation facility for testing. And then two days after, two-three days after they were tested and they tested positive sa COVID. So nailagay sila kaagad, nailipat doon sa temporary treatment and monitoring facility.

Now, I say this, Secretary, dahil ang maganda nito na kahit hindi pa sila na-test, they were already isolated. So the chances of transmission had been virtually boxed out. So, maganda ang ano.

Although, again people are asking me, bakit ECQ? Sabi ko, okay lang iyan, dahil first reason is kailangan preemptive ang ating approach sa pandemic, sa virus. Pangalawa, and this is what I explained to them, iyong tinatawag na abundance of caution, kailangan maniniguro tayo na wala ng naiwan diyan na Delta variant. Dahil ang balita nga is, this is more transmissible and probably even deadlier. So, but in the meantime, we are observing the ECQ and ano tayo doon sa mga spreader events, these are being closely watched kung mayroon man para mahinto, Secretary.

So, sa awa ng Diyos, okay naman. Salamat din po sa bakuna. Kahapon nagbakuna kami, again, kahit holiday we were able to vaccinate mga 3,750 there about. And then ngayon, tuloy na naman. Ang maganda dito dahil ang ating mga vaccination sites – we call them the mega-vaccination sites – iyong SM downtown at saka SM Uptown and then iyong Centrio iyong sa Ayala and iyong sa Lim Ket Kai ‘no. Nagpapasalamat po ako sa kanila dahil kahit na ECQ iyong mga malls are sarado except the groceries, pero they agreed to open up their malls para sa vaccination, Secretary.

Kagabi umabot ng mga past 7 ang pagbakuna dito sa SM Uptown.

SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat, Mayor Oscar Moreno. Please join us for our open forum later.

Kasama rin po natin si Dr. Rontgene Solante. Sir, alam natin mas nakakahawa na itong Delta variant, pero totoo ba hong mas nakakamatay at paano po dapat paghandaan ng ating mga kababayan itong Delta variant? The floor is yours, Dr. Solante.

DR. SOLANTE: Thank you, Sec. Harry Roque. I just have to present my slides. So I think the information has already been laid out by our Secretary that Delta variant is really highly transmissible. And I would just like to, again, illustrate here what is the difference with this Delta variant from the other variants of concern. So this is the virus and this is the spike protein in the red illustration here. And the white ones are the specific mutations of the Delta variant that makes it highly accessible to attach to the ACE2 receptor.

So this blue one, ito iyong ACE2 receptor na nakikita natin sa upper airway natin ‘no, kung malanghap natin itong virus na ito, then ito iyong unang sumasalubong sa atin. Then, it is also abundant not only in the upper but also in the lower respiratory tract, okay. So these are specific mutations na talagang what makes this Delta variant highly advantageous over the other variants of concern.

Okay, so just to illustrate to you the difference between the other variants of concern, this is the Alpha and these are the mutations, all of these mutations are located in the spike protein that makes it highly transmissible; attaches itself to the cells. But with the Delta variant, okay, being highly transmissible infection, these are the reasons why it is also highly transmissible: Number 1, the viral load. So meaning, once it attached itself doon sa ACE2 receptor ng tao, ng katawan natin ‘no, it produces more virus compared to the other variants of concern. In fact, the estimate here is that the viral load in the Delta variant were 1,260 times higher than the other strains, okay, during the time that they were able to detect this ‘no. So this viral load was measured based on a CT value. So meaning, the lower the CT value, the higher is the amount of the virus in the cells that it attaches ‘no. So it can be as low as 12 to as high as 35.

So this is the reason why that with one interaction, a single individual can infect as high as eight to as low as four, okay. And this has been illustrated in this particular data why it is more transmissible compared to the Alpha variant, compared to the Beta variant, the Gamma. So overall, it is 97% highly transmissible.

Now, being highly transmissible and because of the overwhelming viral load in the body of the infected individual, it will also be automatic that the reproduction number will also be increased. So mas marami kang tao na puwedeng mahawaan, and 55 to 60% more compared to the Alpha and the Beta variants. And that’s why the projection here is that, if this is how the curve in terms of reproduction number with the Alpha or UK variant is 2.7, then this is how high your Delta variant, okay. And this has been documented in Australia, where one was infected by the Delta variant just by walking past an infected person in five to ten second encounter.

Now, because of this highly transmissibility and high reproduction number, it has also been the advantage of this Delta variant over the Alpha variant based on this Public Health England data that the secondary attack rate will also be higher. And in this particular data, you will notice that more households were infected compared to non-household, but again, the trend is that you have a higher household and non-household transmission as secondary contact with the Delta variant compared with the Alpha variant.

Now, I would like to emphasize again in this particular slide ‘no, so these are the vaccines that are currently available in the Philippines as granted EUA by our FDA. And if you take notice of all of these vaccines, I would say these vaccines are still effective in any variants of concern. It’s just a matter that some of these vaccines have very good data to show that they’re very stable against the Delta variant like your Pfizer, Astra and Moderna, and that also includes the J&J vaccine.

But likewise, even with your CoronaVac since it is also active against the Alpha, then it is also surmised that with the same mechanism and Alpha spike protein antibody production, then this can also withstand the Delta variant. Efficacy maybe a bit lower, but again, still highly significant protection with your CoronaVac.

Same with that also with your Sputnik and then even with COVAXIN which has the same platform as that with your Sinovac, and then your Sinopharm which are still effective against most of these variants of concern. So the message here is that all the vaccines that will be offered to you, you have to get it in order to protect us against any of these variants of concern.

So this is my take away, how to get over this Delta variant. We continue to proceed with our vaccination rollout because all vaccines at this moment are still working and will work especially against these variants of concern. And I think Sec. Harry Roque has mentioned the other eliminations strategy that the Philippines has been undertaking, like the border control; the test and trace isolate programs; we continue to avoid what we call super spreader events in the forms of gatherings, parties, etc.; and follow the minimum health safety protocol; particularly improve ventilation among those areas/establishments with poor ventilation.

That’s it for now.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. Solante. Please join us in our open forum.

Punta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Unang tanong mula kay Kris Jose of Remate/Remate Online: May sinabi daw po si Governor Evardone na isasapinal na ni Pangulong Duterte and senatorial line up ng PDP-Laban para po sa 2022 elections, kasama ang pangalan ninyo sa inisyal na listahan. Tatakbo po ba kayo sa pagka-senador? Nagkausap ba kayo ng Pangulo sa bagay na ito? Kung sakali man na tatakbo kayo sa pagka-senador, ano kaya ang sa tingin ninyo ang magiging dahilan o bentahe ng isang Harry Roque para ipagkatiwala sa inyo ang boto ng mamamayang Pilipino? Similar question with Cresilyn Catarong ng SMNI News.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Kris at saka kay Cresilyn sa inyong tanong ‘no. Pero nagpapasalamat din po ako sa PDP-Laban, kay governor Evardone sa kumpiyansa na naibigay nila sa akin. Pero sa ngayon po, nakatutok po tayo sa ating katungkulan. Tayo po ay bumalik bilang Spokesperson sa panahon ng pandemya dahil naniniwala tayo na kinakailangan ng factual at accurate ang mga information ng taumbayan sa panahon ng pandemya.

So nakatutok po tayo diyan. Kasama po doon sa ating ginagawa na inaantendan po natin ang lahat ng mga symbolic vaccination bilang isang paraan na mapataas pa po ang kumpiyansa sa bakuna dahil gaya ng sabi ni Dr. Solante, epektibo po ang lahat ng bakunang ibinibigay natin sa ating mga kababayan laban sa lahat ng variants. So diyan muna po tayo tututok. Siguro kapag nakamit na natin iyong tinatawag na population protection, iyon po iyong panahon para magdesisyon kung ano po ang magiging plano natin sa pulitika.

USEC. IGNACIO: Second question niya. Reaksiyon sa sinabi ni Vice President Leni na hindi niya tatratuhin si Pangulong Duterte sa paraang ginawa sa kaniya sakaling tumakbo siya at manalo sa pagka-pangulo sa 2022 elections. Ito ay kung magpapasya aniya si Pangulong Duterte na tumakbo bilang Bise Presidente sa 2022 elections. Sinabi pa ni VP Robredo na kapag siya po ay naging Pangulo ay bibigyan niya ng Cabinet post si Pangulong Duterte kapag nahalal siya bilang Bise Presidente.

SEC. ROQUE: Well, parang napakaikli naman po ng memorya ng ating Vice President. Nakalimutan ba po niya na binigyan siya ng Cabinet post ng ating Presidente, pero mas pinili niya na maging leader ng oposisyon kaysa magtayo ng mga pabahay para sa ating mga kababayan. So iyon lang po, tayo po ang umuukit ng ating tadhana, at saka tingnan po muna natin kung sino ang mananalong Presidente.

USEC. IGNACIO: Ang susunod pong tanong mula kay Cresilyn Catarong ng SMNI: Reaksiyon sa pahayag ni former Senator Trillanes, nagtitiwala po kasi si Trillanes na marami nang namumulat na Pilipino at lumalaki na raw ang tiyansa ng oposisyon na manalo sa 2020. Sabi pa ng dating Senador, “There is hope. For five straight surveys, Duterte’s approval ratings are down.” Ano daw po ang comment ng Palace?

SEC. ROQUE: Hindi ko maintindihan kung ano ang tinitingnan niyang survey. Kasi sa part 3 survey po, covering a period of nine months, 9o-91 po ang trust ang satisfaction rating ng ating Presidente sa Pulse Asia sa nakalipas ng anim na buwan. At itong nakalipas na tatlong buwan, tama po bumaba pero maliit po masyado ang binaba, dahil 88-88 po ang trust and satisfaction rating ng ating Pangulo.

So, pag-aralan po nang mabuti ni Senator Trillanes ang mga survey results ng makita niya na patuloy pong nagtitiwala at patuloy pong satisfied ang taumbayan sa ating Presidente.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Sabi ni MMDA Chair Benhur Abalos na may apela ang Metro Manila mayors sa IATF na isuspinde ang polisiya na papayagan ang mga batang limang taong gulang pataas na makalabas po ng bahay dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 lalo na daw po iyong Delta variant. Possible ba itong aprubahan ng IATF? Similar question with Mela Lesmoras ng PTV.

SEC. ROQUE: Matagal ko na pong sinasabi na napakahirap na balewalain ang mga suhestiyon ng mga alkalde na nagpapatupad po ng IATF policies. So ang alam ko po, nag-meeting na ang mga dalubhasa, magkakaroon po sila ng recommendation. Pero sa Huwebes po gagawin ang IATF meeting tungkol dito sa bagay na ito.

USEC. IGNACIO: From Cherry Light of SMNI News: May update na ba na inilabas ang IATF hinggil sa pagbabago ng quarantine protocol sa mga dumarating na OFWs sa bansa partikular na mula sa bansa na sakop ng inbound travel ban ng Pilipinas o iyong may high risk na COVID-19 Delta variant?

SEC. ROQUE: Walang pagbabago, 10 days facility quarantine, 4 days home quarantine, PCR test on the 7th day. Pero doon sa galing doon sa mga bansa at kabahagi po ng organized repatriation program, 14-day facility quarantine po sila.

USEC. IGNACIO: Bukod daw po sa UAE, anu-ano pa ang may mga schedule na repatriation flights para sa ating mga Overseas Filipinos na na-stranded mula sa bansang may travel ban?

SEC. ROQUE: Iaanunsiyo po iyan ng DFA kapag nasapinal na. At asahan po natin na dahil ang tanging pamamaraan para makauwi iyong mga Pilipino na nasa countries na mayroong travel ban ay sa pamamagitan ng organized repatriation ay mapapadalas po ito. Antayin na lang po natin ang anunsiyo ng DFA.

USEC. IGNACIO: From Sweeden Velado ng PTV. For Dr. Rontgene Solante. Dr. Solante, question ni Sweeden: Should a fully vaccinated person still worry about the Delta variant? What are the risks of getting COVID-19 for fully vaccinated people?

DR. SOLANTE: Okay, so for fully vaccinated individual, the risk is very low compared to non-vaccinated. And in fact, this data has been gathered from different countries wherein surges are being documented, and most of those cases are those cases that are vaccinated. So, fully vaccinated have lower risk of getting the infection, lower risk also of developing more severe COVID infection if you have received the two-dose full vaccination.

USEC. IGNACIO: Second question po niya. Are there new symptoms that we need to watch out for with Delta variant?

DR. SOLANTE: Well, with regards to the symptomatology, pareho lang ang sintomas kung anuman iyong mga variants of concern. So walang unique na symptom na makikita lang doon sa isang variant. So ganoon pa rin, iyong cough, fever, tapos pananakit sa katawan, masakit ang ulo. So those are the most common symptoms, including sore throat at saka iyong nawalan ng lasa at saka pang-amoy sa kapaligiran.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Dr. Solante. Mula po kay Mela Lesmoras ng PTV for Secretary Roque: Kumusta daw po ang paghahanda ni Pangulong Duterte para sa SONA? Sinu-sino ang nakatakdang dumalo na personal sa kanyang pamilya, Gabinete at past Presidents? May information na ba on how many revisions na ang speech?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, may rehearsal po si Presidente ngayon para sa SONA. So ito po iyong kauna-unahang rehearsal na. So nasapinal na po ang kaniyang talumpati; at based on past SONAs, ayaw ni Presidente na binabago-bago iyong kanyang speech. Pero in the end, siya mismo nag-i-edit as he rehearses. Now, ang alam ko po ang magiging porma ng kanyang SONA ay titingnan po niya iyong mga nakalipas na limang taon na siya ay naging Presidente at po-focus po siya siyempre sa pag-unlad ng bayan, doon sa ating mga socio programs, infrastructure, peace and security, foreign policy. Sasagutin niya iyong tanong na what and where we are now and looking forward doon sa huling taon ng panunungkulan ng ating Presidente.

So, pagdating po sa mga arrangement, sinabi po sa akin mismo ni Speaker Velasco na kapareho rin po ang mangyayari doon sa nakalipas na taon. Ang pagkakaiba lang eh kung saan ibibigay iyong rapid test doon mismo sa Kamara de Representantes. At sa mga darating po, nagsabi na po si Mayor Sara na hindi po siya makakarating. Pero inaasahan po natin na kung sino iyong nakarating last year ay makakarating din po. Ang Gabinete din po ay imbitado at inaasahan natin ang karamihan na miyembro ng Gabinete ay makakarating din po.

USEC. IGNACIO: Sa mga past Presidents daw po, Secretary?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po ay Bise Presidente ay binigyan ng imbitasyon ng Kamara kasi hindi po Malacañang ang nag-iimbita. Kami po ay guest diyan sa State of the Nation Address. At wala pa po akong kumpirmasyon kung makakarating iyong ibang past Presidents dahil alam naman natin puro seniors na po iyong ating mga past Presidents.

USEC. IGNACIO: Ang second question niya: Ano daw po ang reaksiyon ng Palasyo sa pag-dismiss ng Court of Appeals sa administrative case ni   dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog na dating nasa narco list ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Wala pa po dahil mayroon naman pong apela sa pagkaka-dismiss na iyan.

USEC. IGNACIO: From GMA News, the statement of the President before that the drug war may last well beyond his term. Is that not an admission of failure to fulfill his campaign promise of ending in on three to six months?

SEC. ROQUE: Sinabi naman po talaga ni Presidente na hindi niya akalain na mas malala ang problema pagdating sa droga noong siya po ay nangangampanya. Na-realize po niya early on his term na talagang mas malalim at mas malala ang problema kaya nga po mas tumagal iyong pagsupil sa ipinagbabawal na droga.

Gayun pa man, sang-ayon po sa ating kinauukulan ay na-clear naman po ang 52.05% ng ating mga total na mga barangay sa pinagbabawal na droga at mayroon po tayong 31.42% na mga barangay na dapat linisin ‘no. Eh kampante naman po tayo na may isang taon pa so baka kakayanin naman pong gawin iyan. At pagkatapos po ng termino ng Presidente ay maaaring ma-achieve po na lahat ng barangay ay maging drug-free

USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: How would you judge the drug war five years since it was launched? If it were a success, by what metrics are you measuring its success? Has it made a dent on the supply, the cost? And how many high value targets have we arrested?

SEC. ROQUE: Napakadami po niyan ‘no. Ang aking datos po ay as of May 31 pa, so nadagdagan na po ito ‘no. So napakadami pong mga na-dismantle na dens ‘no, 807 total number of dismantled dens and clandestine laboratories ‘no. Iyong halaga po ng mga nakalap na pinagbabawal na droga ay nasa 49.31 billion pesos po ‘no. Iyong ating mga batang na-involve sa iligal na droga na na-rescue po ay 3,736. Tapos iyong mga anti-illegal operations conducted, 203,715; persons arrested, 293,841. Tapos iyong mga high-value target po na naaresto natin, 12,356 ‘no; at iyong mga government workers arrested in anti-drug operations ay 979. Lahat po iyan, I think, are proper measurements kung matagumpay nga po itong war on drugs, and I would say it has been successful.

USEC. IGNACIO: Third question po niya: Would you agree that the statement of the President where he asked that sagot niya ang mga awtoridad inspires impunity? How can you say that there’s no impunity?

SEC. ROQUE: Hindi po kasi nilinaw naman po ni Presidente, sagot niya ang mga pulis kung tama ang gawain nila, kung ang paggamit ng dahas ay sang-ayon sa batas. Kung ito po ay labag sa batas, eh they will have to be responsible for their acts. Sinabi po iyan paulit-ulit ng ating Presidente.

USEC. IGNACIO: From Maricel Halili ng TV5: Senator Pacquiao’s ally, Monico Puentevella, said the President owes PacMan an apology for his actions against the Senator. Is there a reason for the President to apologize? Will he apologize?

SEC. ROQUE: Wala pong dahilan para mag-apologize. Lahat po iyan ay kabahagi ng free market place of ideas, ang malayang merkado ng mga ideas.

USEC. IGNACIO: Second question niya: Congressman Lagman said, President Duterte wants Senator Bong Go to run for president so that if they both win, it will be easier for Presidente Duterte to replace Senator Go in Malacañang. Your thoughts?

SEC. ROQUE: Naku, eh sasabihin ko pong tama iyan kung close si Congressman Lagman kay Presidente. Alam ko po, walang connection at all si Congressman Lagman, so wala pong katunayan iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Third question niya: Iloilo City Mayor Gerry Treñas said placing Iloilo under ECQ is not justified because 60% of their patients are from other areas. Also, COVID cases in their City is 25% lower compared last month. Why did the IATF decide to place Iloilo under ECQ if this is the case? How will you justify your decision?

SEC. ROQUE: Sa datos po nakabase iyan, at paulit-ulit na pong nasagot iyan ng ating mga taga-DOH at ng NTF. Ulitin ko lang po: Ang ating basehan po ay iyong daily attack rate at iyong two-week average daily attack rate na parehong kritikal for Iloilo City. Iyong una po, test kasi, iyong pagbilis; iyong isa naman po kung gaano kadami ang nahahawa.

At tama po, maski karamihan ng pasyente ay galing sa labas ng Iloilo City eh iyong healthcare utilization rate naman po ay factually and objectively measured. Ilang ICU beds pa ang available, at ang lumalabas po ay zero ICU bed available na ‘no so kinakailangan po talagang ilagay sa ECQ ang Iloilo City ‘no.

Now, kaya naman po nilalagay ang Iloilo City sa ECQ gaya ng nangyari sa Metro Manila at the rest of Plus 8 noong kailan lamang ay dapat mapabagal natin iyong pagkalat ng sakit nang sa ganoon ay mapaghandaan po natin iyong mga pangangailangan ng mga magiging seryoso ang kanilang karamdaman. So kinakailangan po, palawigin natin ang ating healthcare utilization rate habang tayo po ay nasa ECQ.

USEC. IGNACIO: Okay. Question from Pia Rañada ng Rappler for CDO Mayor Moreno: Mayor, the late Nene Pimentel issued messages of support for you before. Do you agree with President Duterte that the Pimentels are not recognized in Cagayan de Oro sa politicians of influence?

CDO MAYOR MORENO: Well, alam mo, I would view the statement of the President as ano na, iyong season, political season na ‘no. And iyon lang, medyo masakit lang dinamay si Nene ‘no. Noong sabihin niya kay Senator Koko, okay lang iyan, that’s fair game, pero kay Senator Nene, medyo masakit.

Pero people here in Cagayan de Oro know the kind of person Nene Pimentel was. Alam mo, karamihan ng mga local leaders na napunta sa Manila as senator ay focused pa rin sa local politics dahil iyan ang bailiwick nila ‘no. But that was not Senator Nene. When he became senator, he focused on the issues of the country; hindi na on local politics.

So I’m sure the President did not mean that, siguro kay Senator Koko, I would say Senator Koko can defend himself but not in the case of Senator Nene. But we know deep in our hearts how we love Senator Nene.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Mayor Moreno. Question from Jo Montemayor ng Malaya for CDO Mayor Moreno pa rin po: Will cash aid also be provided to CDO?

CDO MAYOR MORENO: Yeah, tutulungan tayo sa DSWD. In fact, Friday iyong ECQ, Saturday nag-usap na kami ng Regional Director, si Director Libang, sa DSWD. Of course, ang ano lang nito is kailangan targeted ‘no. And sinasabi ko naman sa aking mga kababayan na I don’t want to give false hope na as if everybody is going to be given cash aid and so on. Ang importante nito is isipin natin iyong ECQ as a mode to ensure na iyong Delta variant ay wala nang maiwan. Para itong kung magkasakit ay kailangan magpahinga ‘no. So let’s take a rest; avoid iyong mga super spreader, iyong sinabi ni Dr. Solante.

And iyong ano ko lang, iyong sa border control, dahil the day after the declaration, ang haba ng ating checkpoints ‘no both sa eastern and western sides of the city. Kaya sinabihan ko ang pulis na ano natin, isipin natin na kaya tayo nasa ECQ not because of the number of cases or that overwhelmed na ang ating health system dahil sa awa ng Diyos ay nag-improve na ‘no, pero dahil lang sa Delta variant which is fine, kailangan natin iyan. Pero huwag naman masyadong higpitan—iyong ano nga, in one checkpoint, may report pa nga na humihingi ng swab test result ‘no, RT-PCR result. Medyo ano—pero nag-usap na kami ng Regional Director, and he assured me na there will be—of course, may triaging ‘no. Triaging is a must.

May mga questions din na ang advice ko rin—ang problema dito po is Cagayan de Oro is a hub city, it’s a convergence city; marami from neighboring municipalities who come to Cagayan de Oro to work or to do essential things ‘no kaya dapat considerate lang din po tayo. Iyong mga nasa neighboring municipalities, virtually, they are part of Cagayan de Oro already, virtually.

USEC. IGNACIO: Thank you, Mayor Moreno. From Triciah Terada ng CNN Philippines for Secretary Roque: Secretary Roque, will the IATF adjust the parameters for restrictions with the threat of the Delta variant or aantayin po ba muna na makita iyong pagtaas ulit ng cases and HCUR bago mag-tighten ng restrictions? What will trigger the IATF to tighten the restrictions?

SEC. ROQUE: Well, nakabase po iyan sa datos. So babantayan pa rin natin ang daily attack rate, two-week average attack rate at ang healthcare utilization rate dahil ang ating isinusulong po ay iyong total health. Importante po na makontrol natin, mapabagal natin ang pagkalat ng COVID, pero importante rin na mabawasan natin ang hanay ng mga nagugutom dahil po sa lockdown. So alam naman po ng ating mga lokal na pamahalaan na kung kinakailangang mag-lockdown, gagawin po natin iyan initially granular and localized.

USEC. IGNACIO: Second question naman po niya. Does the Palace confirm the President’s senatorial line up shared by Governor Evardone, puro daw po incumbent officials ang tatakbo? Even if sa October pa ang filing, hindi po ba unfair or undue advantage na inevitably magagamit ang current post, government resources for exposure habang wala pa ang campaign period? For example, iyong mga nag-iikot for vaccination drive launches, inaugurating government projects.

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung I can confirm this because it did not come from the President, and I only speak for the President. So having said that, I would like to reiterate my gratitude for the trust given to us by PDP-Laban and Governor Evardone.

And the second question: Alam naman po ninyo, mayroon talagang specific prohibitions kapag iyong mga taong ito ay tatakbo na. As soon as they filed their certificate of candidacy, which is months ahead of elections, more than six months, eh kinakailangan po silang magbitiw sa kanilang puwesto para walang undue advantage.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Ano po ang naging standard ng Pangulo sa pagpili ng senatorial line up?

SEC. ROQUE: As I said, I cannot confirm po na si Presidente na ang namili niyan kasi hindi pa naman po sa akin sinasabi ni Presidente iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Lei Alviz ng GMA News for Dr. Solante: Dr. Solante, may pagkakaiba ba ng clinical manifestations ng Delta variant?

DR. SOLANTE: Yeah, I think, I have answered this, USec. Rocky, na Delta variant man iyan or any other variants of concern. Sa patient, usually most of those infected will have the same clinical manifestations. Siguro isa lang ang kaibahan dito, that if you have a virus that has higher viral load, then iyong risk mo na ma-hospitalize will also be higher compared to other variants of concern. But for the manifestation, more or less, it’s still the same as that with other variants of concern.

USEC. IGNACIO: Opo, iyong second question niya ay nasabi na rin ninyo sa presentation kung gaano kabilis makapanghawa. Iyong third question po niya: Dapat bang bawiin muna ang pagpapahintulot na lumabas ang mga 5 years old and above na bata dahil sa Delta variant?

DR. SOLANTE: Yeah, I think, Sec. Harry Roque has mentioned that already that it’s already under evaluation by the IATF after the recommendations coming from the other experts.

USEC. IGNACIO:  Opo. Dr. Solante, question from Maricel Halili ng TV 5: Clarification lang po sa protocols ng vaccine. Paano daw po kapag na-expose sa COVID after ng first dose ng vaccine, puwede bang ituloy ang second dose niya or kailangan muna ang negative swab test? Ano po ang protocol dito?

DR. SOLANTE: Okay, so halimbawa you were exposed ‘no at nagka-COVID ka after the first dose, she will still get the vaccine the second dose as long as natapos mo na iyong isolation mo at saka hindi ka na symptomatic; and hindi kailangan ang RT-PCR para mabigyan ka ng pangalawang dose during the vaccination.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya. Can we say that there is already a local transmission of Delta variant in the country?

DR. SOLANTE: Well, I would speculate that based on the cases na na-document ng Philippine Genome Center, there are those cases na hindi related doon sa returning OFWs. So there are what we call local cases. And with that demographs, then I would say, mukhang mayroong local transmission ang Delta variant.

USEC. IGNACIO: Thank you. Dr. Solante.  From Ivan Mayrina ng GMA News. For Secretary Roque: Hanggang ngayon ay wala pa ring travel ban sa Malaysia at Thailand na parehong dumaranas na rin ng surge dahil sa Delta variant. Ano ba ang mga pamantayan o standard matrix bago ito ipatupad? At ano po ang masasabi ninyo sa mga nababagalan sa ating desisyon sa bagay na ito?

SEC. ROQUE: Noong nagdesisyon po ang IATF na irekomenda ang travel ban sa Indonesia, 97% na po iyong prevalence ng Delta variant doon sa bansang iyan. Noong mga panahon pong iyon ay nasa 34% pa lang po ang prevalence ng Delta variant sa Malaysia. So makikita po ninyo talaga na hangga’t maaari, dahil mga karatig-bansa natin iyan at iyan ang pinakamalapit na mga bansa sa atin ay iniiwasan natin ang travel ban. Pero kapag mayroon talagang banta na gaya ng nangyari sa Indonesia na 97% na nag prevalence ng Delta variant sa kanila ay nagdideklara na tayo ng travel ban.

USEC. IGNACIO: From Kyle Atienza ng Business World: Opposition Senator Leila de Lima sent a letter to President Rodrigo Duterte earlier today. In the letter, the detained Senator said the political persecution she has been subjected to by the administration only strengthen her resolve to fight for her advocacy and seek re-election in next year’s polls. Natanggap ba ng Pangulo ang mensahe? What was his reaction? May we also get the Palace comment/statement on her statement? Same question rin po ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN. Sinabi po niya Senator Leila De Lima announced that she will run for the 2022 elections. Same with Aileen Taliping ng Abante/Abante Tonite na tatakbo siya para daw po ituloy ang kanilang laban at may banta kay Pangulong Duterte na sisingilin ito sa aniya umano’y  pambabalasubas sa bansa. Ano po ang tugon ng Malacañang?

SEC. ROQUE: Unang-una, wala pong political prosecution. Alam naman ni Leila De Lima bilang abogado that she is not accused of politically-related crimes; akusado po siya because of the heinous crime of drug trading, drug pushing and drug trading.  So, wala pong pulitika diyan. Now, kung tatakbo po siya, that’s her right, hanggang hindi pa siya convicted with finality.  Sana hindi siya ma-convict with finality bago dumating ang eleksyon.

SEC. IGNACIO: Opo. Patanong naman po ni Llanesca Panti ng GMA News Online: Why is the President seeking immunity po? Did he do something wrong?

SEC. ROQUE: Wala po, ang statement of fact lang po iyan na ironically suportado noong kaniyang mga arch critics, gaya ni Leila de Lima at saka ni Atty. Romy Macalintal na tumakbo nga po sa Partidong Liberal.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Tuesday Niu ng DZBB: Kung may plano daw po na mag-suspend ng government work? Dahil nag-suspend na po daw ang SC sa mga Court dahil po ito sa habagat.

SEC. ROQUE: Nag-aantay pa po tayo ng anunsiyo ‘no. Pero nakatanggap po ako ng text galing sa NDRRMC, orange rainfall warning sa Metro Manila at Cavite, nagbabanta nang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa. Mag-ingat po ang lahat.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Roque, maraming salamat po. Iyan po ang nakuha nating questions sa ating mga kasamahan sa media especially ang Malacañang Press Corps.

SEC. ROQUE: Bago po tayo magtapos ‘no, sa mula’t-mula po ang Presidente, ang sinasabi niya sa IATF, hindi ako papayag na mag-ECQ na walang binibigay na ayuda doon sa hindi makakapagtrabaho dahil sa ECQ. Wala pa pong desisyon, pero iyan po ang matagal nang polisiya ng Presidente. So sa mga taga-Iloilo province, Iloilo City, Cagayan De Oro, Gingoog, hindi po kayo nakakalimutan ng Presidente. Magbibigay po sa takdang panahon ng ayuda. At siguro naman po iyan ay hindi bababa sa ayudang ibinigay doon sa mga hindi nakapagtrabaho dito sa Metro Manila noong huling nasa ECQ po ang Metro Manila.

Dahil wala na pong mga katanungan, maraming salamat po sa ating mga naging panauhin – Mayor Oscar Moreno ng Cagayan De Oro City, si Dr. Solante ng San Lazaro Hospital. Maraming salamat sa inyo, USec. Rocky. At maraming salamat sa lahat ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry nagpapaalala sa lahat: Mas nakakahawa, mas nakakamatay ang Delta variant. Ang sagot, mas maigting na mask, hugas, iwas at kung pupuwede na po magpabakuna na po tayo. Mag-ingat po kayo dahil umuulan at magandang hapon po sa inyong lahat.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)