Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Naka-flash sa inyong screen ang mga larawan ng mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc. Ito pong larawan na ito ay kinuha kahapon lamang, July 14, 2021. Naka-flash din po sa inyong screen ang mga Coast Guard ng Pilipinas na nakikipagbayanihan po sa ating mga mangingisda.

Para sa kaalaman ng lahat, ang BRP Capones at BRP Sindangan ay kabilang sa mga barko ng ating Coast Guard na nananatili at nagpapatupad po ng seguridad at kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea, specifically sa Boro na tinatawag o Scarborough Shoal. Kabilang sa kanilang binabantayan ay ang mayamang katubigan ng Bajo de Masinloc sa Probinsiya ng Zambales.

At habang tayo ay nagpi-press briefing kahapon, hindi alam ng karamihan na nakipagbayanihan nga po ang ating Coast Guard sa humigit-kumulang animnapung mangingisda. Mabuhay po kayo diyan! At harinawa, itong mga larawan pong ito will put an end doon sa controversy na hindi raw po nakapangingisda ang ating mga kababayan doon. Sabi nga po nila ‘no, pictures don’t lie.

Usaping bakuna po:

  • Mayroon na tayong labing-apat na milyon or 14,074,514 total doses na na-administer.
  • Nasa 257,156 ang daily jab na na-administer kahapon po.
  • Mahigit na apat na milyon or 4,047,792 ang nabigyan ng two doses.

Patuloy po ang ating bakunahan. Tingnan po natin ang mga larawan sa Bakuna Nights sa Taguig na ginawa sa High Street Mega Vaccination Hub. Tara na po at magbalik-buhay sa bakuna! Paulit-ulit nating sinasabi na libre una at pangalawang bakuna. Para ito sa kaligtasan ninyo, ng inyong pamilya at ng inyong komunidad.

Patuloy ang dating ng mga bakuna sa ating bansa. Mamayang ala una ay inaasahan ang pagdating ng Moderna vaccines. At tulad nang nabanggit ko kahapon, 194,400 doses ay nakalaan sa pamahalaan at 56,400 doses naman ay sa pribadong sektor. Bukas nang umaga naman, July 16, ay inaasahang darating ang 1,150,800 doses ng AstraZeneca na binili ng ating mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor. At sa parehas na petsa, July 16, ay inaasahan natin ang 1,606,600 doses ng J&J donation, galing po ito sa Estados Unidos under the COVAX Facility – ito po iyong single dose lamang.

Sa Sabado, July 17, ay inaasahan ang pagdating ng ating binili na 1.5 million doses ng Sinovac. Kung inyong matatandaan, may isang milyong doses na Sinovac ang dumating kahapon, Miyerkules. Sa parehas na araw, July 17, ay darating naman ang remaining na 3.2 [million] doses ng J&J.

Sa travel restrictions sa bansang Indonesia, effective 12:01 A.M. ng July 16, 2021 – mamaya pa pala po iyan, Manila Time – hanggang 12:59 P.M ng July 31, 2021 ay bawal pong pumasok sa Pilipinas lahat ng mga pasahero galing o nanggaling sa Indonesia sa loob ng labing-apat na araw immediately preceding arrival in the Philippines.

Hindi po kasama rito ang mga Pilipinong babalik kasama sa government-initiated repatriation programs o parte ng non-governmental repatriation programs at special commercial flights na pinapayagan sa ilalim ng IATF resolution.

Effective immediately:

  • Lahat ng mga pasahero na galing sa Indonesia sa loob ng labing-apat na araw bago dumating ng Pilipinas at dumating bago ang 12:01 A.M. ng July 16, 2021 ay pupuwedeng pumasok ng Pilipinas, ngunit kailangan nilang sumailalim sa absolute facility-based 14-day quarantine period lahat ng mayroong negative RT-PCR results.
  • Lahat ng mga pasahero, Pilipino o dayuhan, ay masasabing merely transiting sa bansang Indonesia kung sila ay namamalagi sa paliparan sa Indonesia sa lahat ng oras at hindi na-clear for entry sa Indonesia. Pagdating ng mga pasaherong nag-transit sa bansang Indonesia ay hindi na nangangailangan ng full 14-day facility-based quarantine pero kinakailangan nilang sumailalim sa pinaiiral na testing at quarantine protocols – that’s ten days facility quarantine at PCR test on the seventh day.

COVID-19 updates naman po tayo. Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo ayon sa Johns Hopkins: Nananatiling Number 23 po ang Pilipinas pagdating sa total cases. Bumaba po tayo lalo pagdating sa active cases ‘no, nasa Number 31 na po tayo. Number 130 po tayo sa cases per 100,000 population at Number 88 sa case fatality rate – 1.8%.

Mayroon tayong 3,806 na mga bagong kaso ayon sa July 14, 2021 datos ng DOH. Samantala, nasa 95.2% ang ating recovery rate kaya naman nagpapasalamat kami sa ating mga medical frontliners. Nasa 1,414,817 na ang bilang ng mga gumagaling, samantalang malungkot naming binabalita na nasa 26,232 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.77% ang ating fatality rate.

Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital sa buong Pilipinas:

  • 57% utilized po ang ating ICU beds
  • 46% utilized ang ating isolation beds
  • 42% utilized ang ating ward beds
  • 37% utilized ang ating ventilators

Sa NCR:

  • 43% utilized po ang ating ICU beds
  • 38% utilized ang ating isolation beds
  • 33% utilized ang ating ward beds
  • 36% utilized ang ating ventilators

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama natin ngayon po si DOH- Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman. Ma’am, nagbigay po ng recommendation ang ating IATF na mapasama sa travel ban ang Indonesia. Ano po iyong mga dahilan kung bakit binigyan ng Presidente ng ganiyang rekomendasyon; at ano na ba ho ang estado ng Delta variant diyan po sa Indonesia? The floor is yours, Dra. Alethea De Guzman.

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Salamat po, Spox. At isang magandang tanghali po sa lahat ng nakikinig po sa ating press briefing.

So pasimulan ko po sa pagbibigay ng isang maikling situationer ‘no sa ating COVID, at gusto ko pong pasimulan sa apat na key messages po. Tayo po, nationally, ay naiiwan po na naka-low-risk ‘no. Ibig sabihin, ang ating average daily attack rate at ang cross tabulation niya sa ating two-week growth rate ay ang dahilan kaya po low-risk tayo overall.

Subali’t mayroon po tayong mga rehiyon na nakikitaan po natin na hindi po naiwan na negative ang kanilang two-week growth rate, at ito nga po ay iyong Regions I, IV-B at CAR na ngayon po ay nakakakita tayo ng pagtaas ng mga kaso.

Mayroon din tayong mga rehiyon na ang kanilang mga healthcare at ICU utilization rates ay naiiwang high to critical risk. Halimbawa nga po, ang Region VI kung saan ang ilang …anim out of the eight areas po nila ay mayroong high to critical health care utilization rate (HCUR) or ICU utilization rates.

Mayroon din po tayong naobserbahan na pitong NCR cities na ngayon po ay mayroon na pong positive two-week growth rate. At gusto nating malaman ano ba iyong mga naging dahilan sa pagdami ng mga kaso dito para naman po ma-preserve natin ‘no iyong mga naging case natin over the last two months.

At kanina natanong nga ni Spox ‘no, ano ba iyong halaga ng mga travel bans natin at ano din iyong halaga na nakikita natin iyong border control natin ‘no para sila po ay ma-prevent natin iyong entry at introduction ng mga bagong variants of concern locally po.

So this is the data that we presented yesterday or reported yesterday, pero ang gusto po naming i-point out dito at i-focus po dito ay, una, iyong tuluy-tuloy na pagbaba ng porsiyento ng active cases. Ito na siguro iyong isa sa mga pinakamababa na percent ng active cases natin ‘no from heights of 12% during our peak, it’s now less than three percent.

And as mentioned, our recoveries have continued to go up and is now at 95.24% habang ang atin namang cumulative case fatality rate ay naiwang maliit ‘no – it’s less than two percent – and the global case fatality rate.

Pagdating naman po doon sa bakit natin nasabi ‘no na low-risk po ang ating bansa, nakita natin na ang ating two-week growth rate ay naiwan po na negative from nine percent, mas mababa po at around 10% in the last two weeks. Ang atin naman pong ADAR ay naiwan sa moderate risk at 4.88. And overall, ang ating mga utilization rates ay naiwan po sa safe zone.

Subalit ang Regions XI, VI at CAR po ay naka-classify po natin ngayon as high-risk dahil sila po ay nagpakita ng positive two-week growth rate, ang kanila pong average attack rate din ay pula, meaning po, nasa high-risk po siya.

Higit din po nating binabantayan ang Regions XI and VI dahil base po sa ating datos, naka-high-risk ang ICU utilization para sa XI, at naka-critical-risk nga po para naman po sa Region VI. Ang dalawang rehiyon pa na mayroon pong positive two-week growth rate ngayon ay iyong Regions 1 at MIMAROPA subalit nami-maintain naman po nila sa ngayon na safe zone ang kanilang mga utilization rates.

Looking at their epidemic curve after the peak and then the subsequent decline, there was some increase in the cases beyond iyong tinatawag po naming seven-day moving average and just happened over the first two weeks of June. Subalit makaraan ang dalawang linggong ito, nakita natin ang tuluy-tuloy na pagbaba naman po ng kaso at ang dami ng mga nagkakasakit sa bawat linggo is actually below this seven-day moving line. So meaning, it’s already less than what we’re reporting on average. At nakita po natin na ito pong blue bars represented by the NCR remains to have very low number of cases and most of the cases natin ay nanggagaling na po outside the three big regions of NCR, CALABARZON, and Region III po.

Kung titingnan naman natin per island group, nag-plateau ‘no, flat na po itong last two lines which are the NCR + areas. Ang atin pong Mindanao line which is the orange line is already continuously going down over the last two weeks at iyon pong Visayas po natin, nagpapakita ho ngayon ng medyo flat or plateau po siya. Ang atin pong iniimbestigahan ay iyong bahagyang pagdami ng mga kaso galing po sa rest of Luzon po natin.

Mayroon po tayong 20 priority areas na gusto po nating i-flag. So, una siguro, i-konteksto ito po ay mas mahabang listahan. Three to four weeks ago we were reaching numbers as high as 33 or 34 flagged areas, so, that’s an improvement. Meaning, lumiliit na po iyong listahan ng mga lugar kung saan high to moderate risk ang kanilang case data tapos high to critical risk ang HR or ICU rate. Kaya lamang po tayo po ay mayroong mga naka-box dito na mga lugar na gusto nating higit pang tutukan dahil hindi pa po masyado iyong pagbaba ng kanilang ICU utilization na nakikita po natin. So, nangangailangan ng higit pang augmentation para po ma-ensure natin na bumagsak to moderate to low risk lamang ang mga health care and ICU utilization rates natin.

Pagdating naman po sa NCR, tayo po ngayon ay nagtala ng 640 average cases per day, slightly higher than the 619. So, ito po iyong nababanggit natin na sa NCR po ay plateau siya ‘no. Mayroon pong bahagyang pagtaas at pagbaba at gusto natin sana lalo pa nating mapababa iyong mga dami ng kaso po sa ating National Capital Region.

At mayroon nga po tayong pitong lugar sa NCR na tayo po ay nag-flag nang may bahagya pong pagtaas ng kaso na nakikita po ‘no. Pero sa ngayon, ang Makati po ay naka-high risk ang ating health care at ICU utilization. Pero ito po ay tinitingnan na natin kung papaano po ba natin maka-quadrant o igi-grid ang NCR para naman po kung mayroon tayong mga lugar sa NCR na medyo tumataas ang utilization rates, ito ay ma-augment at ma-decongest at makatulong iyong mga neighboring na areas po nila at hindi po ma-overwhelm ang mga individual LGUs po natin sa National Capital Region.

Ngayon, para naman po sa ating mortality data, tayo ay tuluy-tuloy. Mas maganda na po ang ating trend natin ng deaths after the parang stepladder na pagbaba noon pong mga buwan ng Mayo at Abril, ngayon po mas diri-diretso na po iyong pagbaba ng kaso. Tayo po ay nag-average ng 85 deaths per day noon pong Hunyo at ngayon pong unang dalawang linggo ng Hulyo ay naka-34 deaths per day po tayo.

Ngayon po, gusto ko pong magbigay lamang ng kaunting update tungkol sa ating bio-surveillance. Una po, pag-usapan natin ang Delta variant, bakit ba tayo ay nagpa-flag, bakit tayo ay nagbabahagi ng higit na impormasyon tungkol sa Delta variant. Mula nang ito ay ma-report noong December 2020, kumalat na po ito sa 98 countries. Na-detect, na-report na po siya.

Ang mga characteristics po nito kaya po siya ay na-tag as a variant of concern ay iyong highly transmissible na characteristic niya. Ito ay nakita natin kung saan sa India at UK, base po sa mga siniquence po nilang samples, sinasabi nila na dominant na ‘no ang Delta variant sa lahat ng variants na nakita po nila doon. Nakikita rin nila na approximately 40-60 times more transmissible siya kay Alpha variant, iyong B.1.1.7, na unang na-report kay Delta.

Siguro para lang po i-konteksto, ang ibig pong sabihin dito, kung ang original na virus po ng SARS-CoV-2 ay nakaka-infect lamang ng 2 to 3 people, ang Delta po umaabot ng 5-8 people ang puwede pong ma-infect ng isang kaso. Isa rin pong nakita ng mga bansa kung saan marami na pong porsiyento ng kanilang na-sequence ay mga Delta variants na ay iyong increased hospitalization. Nakikita dito sa isang pag-aaral na nai-publish ng Scotland na mayroong two times the risk of being hospitalized if you have that variant, the Delta variant, kumpara doon sa Alpha variant or the one first reported po in the United Kingdom.

Pero, ito naman po iyong magandang nakita natin. Epektibo po ang ating mga bakuna at napakahalaga na dalawang doses ang maibigay po sa atin para maabot po natin iyong magandang efficacy rate. Para po sa Pfizer, umaabot ng up to 88% ang efficacy niya doon po sa mga may sintomas kapag naka-dalawang dose. At sa AstraZeneca naman po, iyong mga initial na pag-aaral ay up to 60% kung nakadalawang doses tayo. Kung titingnan natin, comparable po siya kung halimbawa Alpha variant ang mayroon po ang isang kaso, ganoon po kataas iyong level of protection.

Gusto ko lang po sabihin na ito ay mga initial na pag-aaral. Ayaw natin sabihin na mayroong bakuna na mas magaling over the other. Mayroon nga pong posibleng pagkakaiba sa mga efficacy po nila pero lahat po sila ay nagpapakita ng more than 50% na efficacy in a such, that more than 50%, the 60-80% efficacy is better than zero kapag hindi po tayo nagpabakuna. Iyong dalawang dose ay atin pong nirerekomenda na makuha agad dahil nakita natin na kapag iisa lamang ang dose, ang effectivity po niya ay only up to 33% para sa AstraZeneca at sa Pfizer po.

Ngayon, bakit naman tayo talaga nagwa-warn against and we want to prevent and delay the entry of this Delta variant? So, nabanggit ko nga kanina, in just seven months you have already seen it spread across the globe and it is now the more dominant variants specially nga po sa India, UK at kasama po ang United States ‘no. Sabi nga po sa isang report, more than 58% iyong sa mga bagong nahahanap na kaso ay positibo po para po dito sa Delta variant.

Sa Malaysia, umabot po ang mga bagong kaso po nila to as high as 11,618 last July 14 at ito pong Delta variant ay nakita na po sa bawat estado sa Malaysia kaya nakikita nila baka puwede pa pong lalong dumami ang mga kaso nila sa mga susunod na linggo. At para naman po sa Indonesia, umabot po to as high as 54,000 cases per day noong last July 14 ‘no, iyong mga new reported cases nila and this is ten times higher than what we saw at the start of June.

Sa kanan, dito natin ipinakikita kung gaano kabilis iyong pagtaas ng dami ng kaso. Ang Malaysia po, iyon pong gray line, unti-unti pataas na siya; pero sa Indonesia napakataas, iyong spike is very steep po. Kaya naman po ito iyong isa sa naging dahilan kaya nagrekomenda po in the meantime, temporarily, let’s impose a travel ban to Indonesia po ‘no.

Ngayon, ang magandang po nakikita natin locally mayroon tayong mga nadi-detect na Delta variant cases subalit sila ay among incoming international travelers pa lamang. Wala pa po tayong nadi-detect na any local case pero tayo ay tuluy-tuloy na nagmo-monitor lalo na po iyong mga nabanggit naming lugar kung saan mayroon tayong nakikita na mabilis na pagdami ng kaso o hindi kaya pagdami ng mga clusters para masigurado natin, makita natin kung mayroon po tayong mga variants or variants of concern na madi-detect po sa mga lugar na ito.

Gusto ko lamang pong magtapos na ipakita ang ating four-door strategy. Iyong unang door po kasi ito po iyong mga travel ban restrictions natin. Sa ngayon mayroon tayong walo nga pong lugar na mayroon tayong travel ban. Ito po ay ginagawa natin para mabigyan ng oras ang door two para lalo pa po siyang palakasin ‘no.

At ang door two naman natin ay napakahalaga. Ito po iyong ating mga border controls. Kaya tayo ay nagrerekomenda ng agarang quarantine, sampung araw na quarantine sa national facility at iyong apat po ay tatapusin sa LGU at ang pagti-test po sa 7th day. Ito pong door two ang nagsisigurado na una ma-prevent sana natin ang pag-introduce ng mga bagong variants of concern locally o kung hindi man natin totally ma-prevent, we are delaying the entry because we want to strengthen doors 3 and 4. We want to further pushdown our cases, we want to increase our vaccination coverage so that if ever a Delta variant case was able to enter our borders, mas handa po tayo. Hindi po mao-overwhelmed ang ating health capacity and [unclear].

So, iyon lamang, Spox. Salamat po at magandang tanghali po sa ating viewers.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. Althea de Guzman. Thank you, ma’am.

Punta na tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque, and kay Doc. De Guzman.

From Rose Novenario of Hataw: Reaksiyon po sa statement ng FOCAP at NUJP kaugnay sa naging briefing kahapon at tanong ng isang reporter kaugnay sa West Philippines Sea at pangingisda roon ng ating mga fishermen kasama ang mga panauhin mula sa PCG at Masinloc LGU kung saan umano na-call out on national television ang mamamahayag at singled out?

SEC. ROQUE: Wala po akong reaksiyon. Abogado po tayo, truth is our natural advocacy. Pinalabas lang po natin ang katotohanan, sang-ayon naman po sa panig ng Philippine Coast Guard, ng mga dalawang mayor ng Munisipyo ng Masinloc at ng Bolinao, Pangasinan at iyong mga nagmamay-ari ng mga lantsa na pumupunta po sa Borough para mangisda.

So, bahala na po ang taumbayang manghusga; ganoon po talaga ang teorya ng malayang merkado ng ideya. Taumbayan na po ang maghuhusga kung sino talaga ang nagsasabi ng katotohanan.

USEC. IGNACIO: From Pia Gutierrez of ABS-CBN: Hinahamon kayo ng grupong Pamalakaya na samahan sila pumunta sa Bajo de Masinloc para makita ang totoong sitwasyon sa lugar at mapatunayan kung nagsisinungaling sila sa pagsasabing pinipigilan silang mangisda doon ng Chinese Coast guard. Kakasa ba kayo sa hamon?

SEC. ROQUE: Unang-una, nakita po natin ang larawan ng Coastguard na kinuha kahapon lamang. So sa tingin ko naman po, malinaw na malinaw nakapangingisda po ang ating mga kababayan, at nandoon po ang Philippine Coast Guard kung mayroong aberya sa ating mga kababayan. So, wala na pong kinakailangang kahit sinong magbigay ng hamon.

Alam po ninyo, ang pagkakaiba ng Philippine Coastguard, mga public officers po iyan, nanumpa po iyan na tutuparin ang batas at ang Saligang Batas kasama na iyong ating batas laban sa pagsisinungaling. So, kapag ang public officer po ay nagsalita ay mayroon naman pong weight iyan kumbaga.

Pangalawa po, hindi ko po kinakailangan na kahit sinong humamon, matagal ko na pong gustong pumunta roon, that is why—unang-una, I would like to congratulate Asec. Queenie Dizon who has now been appointed as Undersecretary. So Undersecretary Dizon, congratulations. Can I ask Undersecretary to arrange our trip to Bajo de Masinloc and to Kalayaan? Matagal ko na pong gustong makarating diyan. Eh bago matapos ang termino ni Presidente sana magkaroon po ng katuparan. Pero pupunta po ako diyan dahil gusto kong pumunta, hindi dahil mayroon pong paghahamon ng kahit sino.

Ay nandito po kasama rin po nga pala natin si Director Bernadett Velasco ng One Hospital Command Center. Ma’am, I will put you in the air po mamaya na lang. Kasi baka mayroong magtanong doon sa ating kahandaan sa ating pagpasok ng Delta variant. So mamaya ko na po kayo tatanungin. Go ahead, next questions, please.

USEC. IGNACIO: Opo, question mula po kay Rosalie Coz ng UNTV: Napag-usapan na ba sa IATF ang pagdaragdag ng capacity sa mga work place, halimbawa ay payagan ng gawing 80 to 100% ang pumasok sa trabaho kapag nasa 80% na po ang vaccinated sa isang establishment, batay po sa proposal ni Presidential Adviser Joey Concepcion? Ano po ang update dito?

SEC. ROQUE: Wala pa pong napag-uusapan na ganiyan sa IATF. Pero kung talagang umabot tayo doon sa sinasabi ni PA Joey Concepcion na 80% na ang nabakunahan sa isang business establishment, I am sure the IATF will consider this in due course. Hindi ko lang po alam kung mayroon ng mga 80% vaccinated employees in any establishment. But needless to say, all that PA Concepcion has to do is to write a formal letter to the IATF to consider adopting this rule, at pakikinggan naman po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong ay mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Handa na ba ang gobyerno sa posibleng pagpasok ng Delta sa komunidad? Masasabi ba natin na hindi pa too late ang travel restrictions sa Indonesia? At may posibilidad bang masama ang Malaysia soon?

SEC. ROQUE: Now, sagutin ko po iyong pangalawang tanong ‘no. Hindi naman po too late iyan kasi mayroon naman pong datos ng mga dumarating na mga pasahero galing sa Indonesia.

Well, unang-una po wala po tayong turismo at wala rin po tayong business visas except for the long-term investors visa na inisyu natin. So, sa datos po na nanggaling po sa gobyerno natin, from the month of April, May, June at July, ang suma total lang naman po ng mga dumating galing sa Indonesia ay 724. So maliit po iyan, at lahat po iyan ay dumaan naman sa quarantine na sampung araw, na facility quarantine, since we imposed the rule on 10-day quarantine and four days quarantine sa local government unit. So, hindi naman po, dahil limitado din talaga iyong mga pumasok galing Indonesia.

But I would like to turnover now the floor to Dr. Bernadett Velasco on the question: Handa na ba tayo ‘pag dumating ang Delta variant sa atin at magkaroon ng community transmission? Dr. Velasco, the floor is yours.

DR. VELASCO: Magandang hapon po sa inyong lahat. Yes, sir, currently po naghahanda po ang lahat ng hospital at mga health facilities natin para doon sa Delta variant.

First of all, we want to control the borders po natin. We don’t want iyong Delta variant na makapasok po sa ating area. So we are strictly monitoring and doing proper border control po sa lahat po ng mga returning Filipinos or even the foreigners po na dumadating sa atin. It is in coordination with the one stop shop and Bureau of quarantine po natin sa country po.

And of course, if in case na makarating po sa atin at hindi talaga natin mapigilan ang pagpasok ng Delta variant, we have the full surveillance team in support to check out, to do the contact tracing po, so that we would know po kung saan napupunta iyong mga Filipinos or returning Filipinos or iyong mga citizens po na nakarating dito na having that Delta variant.

And lastly po, iyong mga health facilities po natin, hinahanda na rin natin. Kahapon po nagkaroon tayo ng meeting with all the medical center chiefs na sinasabi natin na just in case po na dumating ang ating Delta variant or there will be another surge po sa ating country, they should be prepared po doon sa scenario na iyon. So currently we are planning po and evaluating their increase ng surge ng cases po. So these are the things na ginagawa po natin in the One Hospital Command Center through the guidance po of the Department of Health.    

SEC. ROQUE: Dr. Velasco, noong kailan lang po in-inaugurate ang mas malaking tanggapan ng One Hospital Command Center sa PICC. Ilang linya na po mayroon tayo para paniguro na kapag dumating ang Delta variant ay mayroon pong sasagot sa mga tawag ng ating mga kababayan?

DR. VELASCO: Before po, we just started with around 10 to 12 lines. But right now, we have a direct connection po with DOH na additional po na 10 lines and readily po once na na-award na po sa atin iyong management services natin, we can open another 40 lines po to accept calls directly po from the citizens.

SEC. ROQUE: So, up to ilan po iyan? Fifty lines?

DR. VELASCO: Up to 50 lines, sir. We can accommodate 50 simultaneous po na call sa atin.

SEC. ROQUE: Ito ba ho will be manned by call center operators or directly by DOH na?

DR. VELASCO: These are DOH hired, sir, so we have coordinators and call takers po that are all handling the calls and trained by the medical officer here at OHCC.

SEC. ROQUE: So wala na po tayong kukuning mga call centers operators, puro in house na?

DR. VELASCO: Of course. Yes, sir. We still have partners po, iyong third party po natin na they can also accept iyong overflow ng calls natin, in case na sobrang dami pa rin ng mga calls natin.

SEC. ROQUE: And in terms of iyong ating healthcare facilities po ‘no, I noticed na ang ating ICU beds ay nadoble na ‘no, dati 700 ang nakasulat, dito ngayon—ay hindi pala doble, pero nag-increase na to 1.1. Mayroon ba hong karagdagang ICU beds na tayo dito sa NCR beyond   the 1.1 or do you have the figures now?

DR. VELASCO:  Right now, sir, I don’t have the exact figure ‘no. Pero iyong February-March na surge po, what we did is we increased the number of ICU beds, not only ICU beds but also the COVID ward beds so that we can accommodate more moderate and ICU beds. Although, we don’t want din naman na magkaroon tayo ng madaming mga critical patients.

So currently po [garbled] ng number of ICU beds, but iyong pag-increase po nila noong the past few months are currently maintained po. So we encourage po iyong mga health facilities na don’t close muna po iyong mga ICU beds and COVID ward beds because the same scenario might happen po again on the succeeding months po.

SEC. ROQUE: Opo. Babasahin ko lang po kung ano ang nakasulat dito sa DOH figures ‘no: 1.1 thousand ICU beds in Metro Manila, 4.6 thousand isolation beds, 3.4 thousand ward beds and 1,000 ventilators. So paki-update lang po kami, Dok, kasi importante na makita ng taumbayan na bagama’t mababa nga iyong utilization natin ngayon eh kapag dinapuan naman tayo ng Delta variant ay mayroon naman tayong sapat na kakayahan na alagaan lalong-lalo na iyong mga magkakasakit ng malubha.

So paki-update lang po, and we will share the information with the media as soon as we get it from you.

DR. VELASCO: Yes, sir, we will update po the data. Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Thank you po. Back again to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, iyong tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times, iyong ikalawang tanong niya: Ang naging kritisismo sa gobyerno ay ang late na pagdideklara ng travel ban sa mga bansa na mataas ang kaso ng COVID noong ito ay nagsisimula pa lang. Ngayong maraming nagsasabi na baka late na naman daw po ang pagdideklara ng travel ban dahil sa Delta, ano po ang masasabi ninyo dito?

SEC. ROQUE: Hindi po, kasi nandito po ang datos, ang official data ‘no. Noong Abril, 98 lang po ang nanggaling sa Indonesia na pumasok; noong Mayo – 200; noong June – 259; noong July ay 167. Ito po kasi eh, mayroon naman talaga tayong travel ban in general ‘no. Halos mga Pilipino lang pong umuuwi, mga OFWs at mga Overseas Filipinos na umuuwi ang pinapapasok natin. Wala po halos tayong dayuhang pinapapasok except for those na mayroon nga pong long-term investors visa or long-term residence visa.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon sa ulat na nasa 45% ng mga Pilipino ang nagpahayag na handa raw po silang magpaturok ng COVID-19 vaccine base po iyan sa huling survey ng Social Weather Station. Hindi pa sumampa sa 50%. Ibig bang sabihin nito ay kulang pa ang ginagawang pagbibigay-impormasyon ng pamahalaan para makumbinsi ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19 at sabihin sa mga ito ang kahalagahan ng pagbabakuna?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, nagagalak na nga po kami dahil tumaas na po iyang lebel na iyan. Kung hindi po ako nagkakamali ay noong Talk to the People, ako ang nagbalita kay Presidente na sa Pulse Asia, tumaas ng 40 something pero nagsimula iyan parang 13 lamang ‘no. So nadoble o natriple iyong mga numero na nais magpabakuna, at ito naman po ay corroborated by the SWS na halos pareho lang sila ‘no – 43% na po ang payag magpabakuna.

So malaking taas na po iyan sa naunang mga datos, at nagpapakita po iyan na tama rin iyong naunang SWS survey na tataas ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa bakuna kapag nakita nila iyong kanilang mga kapitbahay na mabakunahan na. So iyan po ang nangyayari ngayon, bagama’t hindi po tayo titigil. At sa Lunes nga po, iti-tape natin si Presidente dahil siya po iyong biggest endorser natin para doon sa bagong informercial na hinahanda po ng Office of the Presidential Spokesperson.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod po niyang tanong: Kapuwa pinuna ng ilang senador ang napaulat na pagtatapon ng basura kasama na ang dumi ng tao ng mga Chinese vessels na pumapasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Anila, magpapatuloy pambabastos ng China kung patuloy din na hindi igigiit ni Pangulong Duterte ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea. Mahirap din daw suklian ng respeto at kabutihang loob ang isang kapitbahay na kumakamkam sa bahagi ng lote o pag-aari natin at magtatapon pa ng dumi.

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, bini-verify po muna ang reports bago tayo magsalita. Pero ang posisyon po natin pagdating sa pagpasok ng dumi at ng basura ay malinaw: Sa administrasyon po ni Presidente Duterte, pinabalik po ang basura na tinapon sa atin ng bansang Canada. So kung mapapatunayan po iyan, eh siyempre kung hindi mapapabalik iyong duming iyon ay talaga naman pong makakarinig sila ng mga maaanghang na salita at isang babala na dapat itigil iyan dahil hindi nga po kubeta ang Pilipinas ng kahit sino.

USEC. IGNACIO: From Tina Mendez ng Philippine Star: Senator Koko Pimentel has told Energy Secretary Alfonso Cusi to form his own political party rather than seek havoc within the ranks of PDP-Laban. With Presidente Duterte as Chairman of PDP-Laban, how is he dealing with these conflicts within the party? Will the Cusi faction where Duterte obviously belongs heed to Pimentel’s call?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, it’s better to ask Secretary Cusi, because iyan naman po ay directed kay Secretary Cusi. Pero uulitin ko lang po iyong minsang narinig ko na kay Presidente, ang PDP-Laban naman po talaga ay partido ng mga Pimentel.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Also, Pimentel asked Secretary Roque not to belittle PDP-Laban because he also wanted to become a member of the party. Any comment?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, matagal ko na pong kaibigan si Senator Koko. Kaeskuwela ko po iyan. Sabay po kaming nag-graduate sa UP College of Law – classmates. So I do not intend to belittle PDP-Laban. Noong minsan po, sinuportahan ko po ang kaniyang ama when his father ran for vice president and every occasion na tatakbo po ang ama niya, including Koko Pimentel.

For the first time in my life, eh naano pa po kami, na-anti-riot squad pa kami sa PICC noong kami po ay nag-rally in support of his candidacy. So I don’t think Koko Pimentel meant any harsh words for me because I refuse to believe that in the first place. Pero sa katunayan po, ever since 2019, ako po ay card-bearing member ng PRP.

USEC. IGNACIO: Opo. From Tuesday Niu ng DZBB: Dinadaan daw sa takutan ng administrasyong Duterte ang mga Pilipino sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, ito po ay ayon kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ay taliwas sa malambot na pananalita at aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte pabor sa China. Dinagdag naman ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na may survey na nagsabing nasa 80-90 percent ng mga Pilipino ang nais na maipatupad ang Arbitral ruling pabor sa Pilipinas.

SEC. ROQUE: Wala pong bago sa mga sinasabi nila so wala na po akong bagong dapat sabihin by way of reaction. Lumang tugtugin na po nila iyan.

USEC. IGNACIO: From Kyle Atienza of Business World: OceanaGold Corporation on Wednesday announced daw po that the Philippine government renewed the Didipio Mine financial or technical assistance agreement for additional 25-year period beginning June 2019, this despite strong opposition from the Didipio community in Kasibu in Nueva Vizcaya and the local government.

Has the national government already talked with Governor Carlos Padilla who imposed a restraining order on the Didipio Mine in 2019? The Supreme Court in 2020 junked OceanaGold’s call for an injunction against Nueva Vizcaya’s restraining orders of its mine operation. Is the national government willing to be accountable for allowing the mining firm to resume its operations which environmental group Kalikasan said would lead to 25 more years of water depletion, agricultural losses and human rights violation. Bakit hindi po muna nagkaroon ng konsultasyon sa mga lokal na residente?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, kinukumpirma ko po na napirmahan na po iyong MPSA ng ating Executive Secretary at ito po’y papunta na sa DENR.

Pero bago po iyan pinirmahan, mayroon pong tatlong pagbabago doon sa kontrata na makikinabang po ang mga taga-Nueva Vizcaya at ang Quirino Province ‘no:

Unang-una po, dinoble po iyong porsiyento ng mga probinsiya para doon sa kanilang tinatawag na social development fund na matatanggap ‘no. Ito po ay from 1.5, ginawa pong 3%.

Pangalawa po, ni-require po itong kumpaniya na ito na mag-lease sa Philippine Stock Exchange na mas maraming Pilipino ang pupuwedeng magmay-ari ng kumpaniyang ito.

Pangatlo eh nagkaroon po ng mandatory requirement na iyong local office ‘no, iyong chief principal place of business ng kumpaniyang ito ay dapat mailipat doon sa lugar ng minahan para magbayad din po sila ng business taxes. Ibig sabihin, mas maraming kita po para doon sa mga lokal na pamahalaan kung nasaan ang mina.

Ang sinasabi lang po natin, mayroon pong such a thing as responsible mining at iyan po ngayon ang paghahamon sa ating regulatory agency na DENR, MEB, ang Mining and Geological Bureau at ang ating DENR ‘no na kinakailangan maging responsable ang pagmimina.

Sa panahon po kasi ng pandemya na napakadaming tao na nawalan ng trabaho, alam natin na ang pagmimina ay isang industriya na hindi natin isinara maski under ECQ dahil napakarami nga pong nakasalalay na mga kabuhayan dito.

So itong desisyon pong ito ay pagkilala na kinakailangan magkaroon nang mas marami pang trabaho ang ating mga kababayan sa panahon ng pandemya pero hindi po natin papayagan na masira ang Inang Kalikasan natin kaya nga po sisiguraduhin ng ating DENR ang responsableng pagmimina.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod niyang tanong: Kalikasan has declared its commitment to challenge the national government’s decision in court. May we get your comment?

SEC. ROQUE: No problem po kasi mayroon naman po talagang mga pamamaraan para ma-challenge iyan, iyong sa writ of kalikasan. Pero noong ako po’y nasa UP pa eh kami po’y na-commission nga po ng DENR, ni dating Secretary Paje at ni dating Chief Justice Reynato Puno na gawing uniformed iyong mga rules ng lahat ng ahensiya ng DENR dahil ayaw naman talaga ng Korte Suprema na iyong trabaho ng DENR is sila ang gagawa. Ang talagang ahensiya po na binuo para protektahan ang kalikasan at para i-promote ang sustainable development ay ang DENR. At naniniwala po kami na iyong ginawa naming uniformed rules para sa DENR will help po ‘no in protecting the environment.

USEC. IGNACIO: From Joseph Morong ng GMA News: Justice Carpio said the President allowing China to fish in our EEZ is a violation of the Constitution and he should be impeached. Your comment, please.

SEC. ROQUE: Go ahead, impeach him if you can. Pero iyong pangingisda po sa Boro, hindi po Presidente nag-decide diyan. Ang nag-decide po diyan ay iyong arbitral tribunal. Sinabi po lahat ng traditional fishing rights ng mga lahat ng nangingisda diyan since time immemorial eh dapat patuloy na respetuhin. At therefore hindi lang po Pilipino nangingisda diyan, pati mga Tsino, mga Vietnamese, iyong mga mayroong traditional fishing rights.

So huwag ninyo pong sisihin ang Presidente, sisihin ninyo po iyong arbitral tribunal kung gusto niya at observer naman po siya maski saling-pusa siya doon sa Hague eh kahit papaano mayroon din siyang responsibilidad sa ganitong naging desisyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Johnna Villaviray ng Asahi Manila: Are Chinese Coast Guard vessels still in Scarborough Shoal? If they are, what is the Philippines doing about it?

SEC. ROQUE: Ang importante po nandoon ang ating Philippine Coast Guard gaya noong pinakita natin sa mga larawan. Ang alam ko po, dahil nga po sinasabi natin na itong si Albert Del Rosario ang dahilan kung bakit nasa kamay ngayon ng Tsina ang Scarborough Shoal eh dahil iyong mga panahon na matinding pag-aagawan eh pinaalis nga niya po iyong ating Coast Guard doon ‘no so naiwan po doon iyong mga Coast Guard. So hindi ko lang po masisigurado kung nandoon pa ang mga Tsino pero sa ngayon po sa mga larawang ito sa Boro, nakikita ninyo po nandoon din ang ating Philippine Coast Guard.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question po ito mula kay Ivan Mayrina ng GMA News: Iyong bahagyang pagtaas ng two-week growth rate sa 7 NCR cities, is it in any way any indication an early clue of the Delta variant causing it?

SEC. ROQUE: Hindi pa naman po kasi mayroon naman po tayong genome sequencing na ginagawa at wala pa po tayong nakikitang community transmission ng Delta variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question po niya: To the One Hospital Command, what is the actual situation in/out hospitals in NCR Plus?

SEC. ROQUE: Dr. Velasco, question is for you.

DR. VELASCO: Yes, sir. Regarding po doon sa mga health situation or available beds po natin within NCR, pretty much po medyo maluwag tayo sa National Capital Region. So may mga nari-receive po kaming mga calls at they’ll be admitted immediately po sa mga hospitals natin within NCR.

Outside NCR, of course there are critical areas po na medyo napupuno, napupuno din iyong mga hospitals. So what we do is we do interregional referrals po. So kunyari po IV-A or IV-B, there are a lot of cases po doon sa area na iyon at medyo congested ang hospital so what we do is we refer it to NCR or Region III kung saan sila malapit so that the patient will be accommodated and be managed immediately.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque, may pahabol pong tanong si Ace Romero ng Philippine Star: Kailan daw po ang quarantine classifications?

SEC. ROQUE: This afternoon po isasapinal ng IATF and it will be announced I think within the day.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Thank you. Mukhang napakabuti naman ng ating naging press briefing ngayon ‘no so I think we will maintain this format from now on. Mukhang mas efficient na si Usec. Rocky na lang talaga ang magtatanong ‘no. So I look forward to this kind of a format – mas mabilis, mas efficient.

So maraming salamat sa ating mga naging panauhin, si Dr. Althea De Guzman at si Dr. Velasco ng One Hospital Command Center. Maraming salamat Usec. Rocky and maraming sa mga tanong ng ating Malacañang Press Corps. I look forward to further questions to be submitted to Usec. Rocky. And as I reiterate na mukhang mas maganda talaga itong format na ito.

Okay. So sa ngalan po ng ating Presidente, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing mas maikli na po ang ating press briefing with our new format. Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)