Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali buong Pilipinas. Mula ECQ naging MECQ; mula Enhanced Community Quarantine naging General Community Quarantine ang maraming probinsiya at lungsod kasama na po ang Metro Manila. Unti-unti, dahan-dahan, hinay-hinay. Pero ano po ang nangyari noong araw ng Sabado? Dinagsa po ang mga malls parang nawala na ang katunayan na nandiyan pa ang COVID-19;ala na pong physical distancing; mayroon pa ngang nagtutulakan. Kapag ganiyan po tayo nang ganiyan lahat ay mabibigyan, hindi ng ayuda kung hindi ng COVID-19.

Paalala lang po: Modified Enhanced Community Quarantine o General Community Quarantine pa iyan, nasa ilalim pa rin po tayo ng community quarantine; nandiyan pa rin ang virus. Habang wala pang bakuna, habang wala pang gamot, hindi pa rin po tayo ligtas sa COVID-19.

Sabi nga ng isang nag-viral na post, at alam ko naman kilala ninyo kung sino siya: Bawal lumabas. Pero kapag-comply ka at inayos ninyo, mag-obserba ng proper hygiene tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng facemask or face shield at pagsunod sa social distancing at iba pang health protocols, mapapapa-flatten natin ang curve, at iyong bawal lumabas ay magiging puwedeng nang lumabas.

Pero kung magmamatigas ang marami sa atin, marami po talaga ang magkakaroon ng COVID-19. Matutulad po tayo sa ibang mga bansa kung saan tumaas ang kaso ng COVID-19 pagkatapos i-relax ang mga restrictions, at ang mga tao ay hindi na sumusunod sa mga itinakdang health standards.

Sa mga mall owners, may rule po tayo: Two square meters sa common areas of the mall ay dapat limitado po, para sa isang tao lamang. Kailangan pong sundin natin ito tulad ng dapat may security guards at mall employees na magpapatupad po ng social distancing at pagsusuot ng facemasks. Sa mga malls po na hindi sumusunod sa social distancing at crowd control, well, madali lang po iyan – ipapasara po kayong muli.

Ang tanong: Ano ba talaga ang kakayahan natin kung hindi tayo susunod sa social distancing at minimum health protocols?; Ilan bang kama ang kaya nating punuin ng mga pasyente?; nasaan na ho ba tayo sa laban natin dito sa COVID-19? Well, patuloy pong tumaas ang numero, at bantayan po natin ito. Itong numero na 12,513 cases mula May 17, 2020, tingnan po natin, talagang lulobo po iyan dahil sa mga nangyayari na binabalewala ang social distancing at iba pang mga health protocols. Sa numero pong ito, harinawa ay dumami rin po ang mga nag-recover – 2,635 na po; at ang mga namatay, tumaas din po, 824.

Makikita po natin ang graph, kaya ko po inuulit ito, tingnan ninyo po, pababa na iyong graph ngayon. Pero pagkatapos po ng Sabado, sigurado ako – tataas po iyan nang napakatarik, dahil nga po binalewala natin ang social distancing at iba pang health protocols.

Sa mga bagong namamatay, pababa na po sana on the daily basis ‘no, pero bantayan po natin iyan. Ngayong nasa Modified ECQ na tayo at nagmatigas ang ulo, muli po iyang tataas. At iyan din po ang trend ngayon sa new recoveries. Sa new recoveries bagama’t madaming gumaling po sa atin, may bahagyang pagbaba po noong mga nakalipas na araw, at siyempre po may relasyon pa rin iyan doon sa dami ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Now, ito naman pong slide na ito ay magpapakita pa rin, dahan-dahan pa rin po ang pag-akyat ng COVID-19 cases, pero, ito po matapos ang dalawang buwan ng ECQ. Kapag hindi po natin ipinatupad ang social distancing, makikita ninyo, ang laking tarik po ng taas niyang kurbadang iyan na ngayon po ay gradual lang sana.

Ngayon po, kung talaga tayo ay magmamatigas ng ulo at binalewala na natin iyong mga ginagawa natin noong mga nakalipas na buwan, ang tanong: Kakayanin ba natin kung napakadami sa atin ay magkakasakit? Totoo po nananakot kami, bakit po? Eh sa ngayon po ay mayroon lang tayong 13,457 total bed capacity para sa mga magkakasakit at ito naman po ay tingin ko sa Metro Manila ‘no. Ang isolation bed capacity natin ay 9,468 lamang; ang ventilators natin ay 1,963 at ang ating ICU beds ay konti, 1,303 lamang. Iyong isolation beds natin, iyan po iyong single na walang kasama sa room, pero ang ward beds natin ay 2,686 lamang.

Ngayon, kapag dumami po iyong nagkasakit ng COVID-19, makikita ninyo po na talagang limitado lang ang ating mga kama sa ating mga ospital. Ang ating testing facilities sa ngayon po ay 30 lamang bagama’t marami pa po ngayong nag-a-apply – mayroon pang 109 total applicants pero 76% po doon sa mga applicants na iyon, hindi pa po sila Stage 5.

At mayroon nga po tayong mga temporary, ang tinatawag natin Ligtas COVID facilities – iyong lugar kung saan puwedeng i-isolate na tinayo ng mga LGUs – pero ito ay hanggang 40,497 lang po ang capacity. At sa ating We Heal as One centers, mayroon lang po tayong 2,908.

So kapag tayo po ay nagmatigas, nagpatuloy ang dagsaan sa mga pampublikong lugar at kumalat ang sakit, 12,000 na po ngayon mahigit-kumulang ang mayroong COVID-19, kapag po umikli iyong tinatawag na doubling time at bumalik tayo sa two days doubling time, ang two days po ng 12,000 is 24,000. So siguro po sa isang linggo o dalawang linggo, mauubos na iyong suma-total na kama natin at sa kalye na po kayo ilalagay dahil mauubos na iyong kama para sa may mga sakit.

Uulitin ko po, para po sa atin ito: Social distancing, paghuhugas ng kamay, at kung pupuwede naman, manatili na muna sa bahay. Kahit ano po iyan – ECQ, GCQ, MECQ – community quarantine pa rin tayo.

Tingnan naman natin po ang mga ayuda na nabigay na ng pamahalaan: Ano ba ho ang sabi ng RA 11469? Ang sabi, dapat bigyan ang mahigit-kumulang na 18 million na pinakadukhang Pilipino ng ayuda; Magkano? Between 5,000 to 8,000 a month; at ilang buwan? Two months. Ano ba ho ang nabigay ng ating gobyerno? Una po, dahil ang pinag-uusapan ay 18 million po na mga beneficiaries, mayroon po diyan iyong DOLE’s COVID-19 Program, ang nabigyan na po natin – 602,722; Mayroon din po tayong DOLE na AKAP Program (Abot Kamay sa Pagtulong) – 73,352; Iyong DOLE’s TUPAD – 299,156 beneficiaries. Mayroon din po tayong financial subsidy for rice farmer ng Department of Agriculture – 415,000 farmers. Sa DSWD, iyong SAP, sumunod po tayo sa batas at nagbigay tayo sa 18,046,093 na pamilya.

So ano pong total na nabigyan natin ng ayuda? Mas malaki po doon sa sinabi ng Kongreso na 18 million. Sa katunayan nakabigay po tayo sa first tranche ng ayuda to 19,436,323 beneficiaries. Sa second tranche, ilan ba ho ang bibigyan natin? Mayroon po tayong 4,900,000 left-out beneficiaries – ito po iyong sabi – na bigyan – ng Presidente dahil hindi nabigyan ang lahat sa first tranche – ibibigay na po natin iyan ngayon kasabay ng second tranche.

Bukod pa doon, mayroon nga tayong Small Business Wage Subsidy na ibibigay natin sa 3,400,ooo na katao. At siyempre po, iyong mga naninirahan sa ECQ na bibigyan pa rin natin ng SAP, na mahigit-kumulang ay 12 million.

So ilan po ang mabibigyan ng ayuda? Ang sabi ng batas 18 million; ang mabibigyan ng ayuda sa second tranche ay 20,300,000 families.

Balitang IATF naman po tayo:

Sa pagpupulong po ng IATF noong Biyernes kung saan ang inyong lingkod ay kasama at dumalo. Napagkasunduan po ang mga sumusunod:

– Una po, inaprubahan na po ang IATF ang Omnibus Guidelines For The Implementation Of Community Quarantine In The Philippines as presented and revised.

– Pangalawa, inaprubahan ng IATF Screening and Validation Committee ang classification ng mga sumusunod base sa kanilang risk level, simula noong May 16 po hanggang sa katapusan ng buwan, May 31. Ang Cebu City at Mandaue City ay napasailalim po sa Enhanced Community Quarantine, ECQ. Tulad ng una kong nasabi, ang mga siyudad sa NCR – ang Pateros, ang probinsya ng Laguna ay mapapasailalim po sa Modified Enhanced Community Quarantine. Ang nadagdag sa MECQ ay ang Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at Angeles City.

– Inilabas na rin po ng IATF ang Omnibus Guidelines On The Implementation Of Community Quarantine In The Philippines kung saan may kanya-kanyang guidelines ang mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine, Modified Enhanced Community Quarantine, General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine. Ito nga po ay alinsunod sa unti-unti, dahan-dahan na pagbalik sa buhay normal.

At ano po itong apat na ito ‘no?

– Una, ang Enhanced Community Quarantine, ito ang pagpapatupad ng mga pansamantalang hakbang na magpapataw ng mahigpit na limitasyon sa paggalaw at transportasyon ng mga tao. Kasama sa ECQ ang strict regulation of operating industries, provision of food and essential services at heightened presence of uniformed personnel para ipatupad ang community quarantine protocols. Ang buong Luzon ay sumailalim dito at iyong mga guidelines sa mga siyudad na aking nabanggit kanina na under ECQ pa rin ay mananatili – sa Cebu po iyan at sa Mandaue.

– Pangalawa, ang Modified Enhanced Community Quarantine na nakapataw po ngayon sa Metro Manila. Ito ang transition phase po sa pagitan ng ECQ at GCQ kung saan iyong temporary measures ay na-relax na tulad ng stringent limited movement and transportation of people; iyon nga lang po dagsaan nag labas ng tao noong Sabado. Kinakailangan po, maski tayo ay nasa ECQ, strict regulation pa rin of operating industries, provision of food and essential services at heightened presence ng ating mga uniformed personnel. Gaya nga po ng aking sinabi, ang NCR at karamihan ng mga probinsya sa Central Luzon at ang probinsya ng Laguna ay nasa ilalim po ng MECQ simula po noong araw ng Sabado hanggang Mayo 31.

– Susunod, ang General Community Quarantine, ngayon po lahat ng lugar sa Pilipinas na hindi naisailalim ng ECQ o ng MECQ, kayo po ay nasa ilalim ng GCQ. Ito ay tumutukoy sa pagpapatupad ng mga pansamantalang mga hakbang para malimitahan po ang galaw at transportasyon, regulation of operating industries and presence of uniformed personnel para ipatupad ang mga community protocols.

– Panghuli, ay ang Modified General Community Quarantine, ito naman po ang transition phase sa pagitan ng GCQ at ang new normal na tinatawag kung saan ang mga pansamantalang hakbang tulad ng limited movement and transportation, regulation of operating industries and presence of uniformed personnel ay na-relax na.

May ginawa po kaming mga infographics kung saan makikita natin ang pagkakaiba ng ECQ, MECQ, GCQ at MGCQ. Pero sa ngayon po, ang mayroon lang po kami ay infographics para sa buhay GCQ na umiiral ngayon sa halos buong bansa maliban po sa siyudad ng Cebu, Mandaue, Metro Manila, karamihan ng probinsya sa Central Luzon at probinsya ng Laguna.

Kasama rin po natin ngayon ay Dra. Minguita Padilla para magbigay po ng updates naman doon sa proyekto ng pribadong sector pagdating sa testing. Noong huli pong pagkikita natin, noong araw sa Huwebes, si Mr. Vince Dizon po ang Deputy Implementer ng National Task Force COVID-19 ay nagbigay ng ulat doon sa hakbang na ginagawa ng gobyerno para sa testing, doon sa ‘T3’ na tinatawag – testing ,tracing at treat.

Ngayon naman po sa bahagi ng pribadong sector. Dra. Minguita Padilla, thank you for joining us again pakibigyan po ninyo kami ng update sa inyong testing na ginagawa sa pribadong sector.

DR. PADILLA: Magandang umaga, Spox Harry at sa mga nakikinig at nanunuod.

Okay, ang na-testing na namin dito sa Project ARK na anti body rapid test kits ay ang Lungsod ng Maynila, Makati, Quezon City, Pasig, Antipolo nagsimula na po doon.

Ang total po na na-test ay 31,281 karamihan po dito ay Maynila. Sa mga na-test na 31,281 5.2% o 1,644 ay nag-positive. Iyong graph—sorry po hindi na siya updated, kasi kaninang umaga nagbigay sila sa akin ng update.

So, dumami po, kasi pumasok iyong Maynila, pumasok po iyong Pasig, pero hindi pa po tapos. Makati, Pasig, magtutuloy pa po tayo. Tapos this week and next week maglu-launch na rin tayo sa Muntinlupa, Taguig, San Mateo, Rizal at sa probinsya ng Batangas. Marami pong lungsod sa Batangas ang sasama rin po. Ito po iyong rapid anti-body testing. Pero bukod po dito—ang nangyari po ay dumating na ho iyong mga rapid anti body test, mga 500,000 ay dumating na sa Maynila this weekend, pinamudmod na po ng Project ARK sa mga iba’t ibang mga company. Inuna po namin iyong mga barangay na donasyon po ng private sectors sa mga barangay; wala hong binayad iyong mga barangay, mga lungsod.

Ngayon, bukod po dito sa rapid anti body testing ay tinutulungan na rin po namin iyong gobyerno sa ating mga RTPCR centers. So may slide ho tayo, iyong last slide po, puwede update po siya. Iyong first batch po ng mga makakatanggap ng ayuda sa Project ARK sa ating RTPCR centers ay ang Central Visayas Molecular Lab for COVID-19; iyong Jose Rodriguez Memorial Hospital – used to be called Tala Leprosarium; Perpetual Help-Las Piñas; Philippine Children’s Medical Center; Quirino Medical Center; Zamboanga City Medical Center.

Bukas at sa susunod na araw darating na po iyong C-130 airplanes galing ng China na dala po iyong mga makina na ipamimigay ng Project ARK, kasama na rin po ng mga pribadong sector, mga companies sa mga ospital na ito at centers pati na rin iyong mga testing kits.

Kasi po iyong Project ARK, Spox Harry, is combination ng rapid anti body testing used strategically with the RTPCR. So, madami na pong nangyayari. Itong last weekend at itong linggo na ito, the next couple of weeks. So, we are going to use the Modified ECQ para mag-test-test-test as much as possible ‘no. Kasi maraming mga companies talaga, ayaw nilang magbukas at hindi mo naman masisi na wala silang ginagawang test. So, ito na po ang aming tulong para maibalik sa normal as much possible slowly iyong ating kabuhayan. So iyon ho iyong aming mga updates. So medyo dumadami na po ang nate-test.

SEC. ROQUE: Salamat, Dra. Minguita Padilla. Ulitin ko po: alinsunod po sa guidelines na inisyu ng DOH, hindi po required na magbigay ng COVID testing ang mga employers, pero mayroon pong initiatives ang private sector na ang kanilang mga miyembro ite-test pa rin ang kanilang mga empleyado bago papasukin gamit po ang karamihan ay rapid testing kits. Bagama’t nagdo-donate din po sila ngayon ng mga PCR test kits sa ating gobyerno.

Unang tanong po mula kay Triciah Terada ng CNN Philippines.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi good afternoon, Secretary and Doc. Sir, iyong question ko po is based doon sa assessment na nangyari or sa scenario na nakita natin simula bumitaw po tayo sa ECQ then transitioned to MECQ. Paano po nito maapektuhan iyong magiging desisyon ng IATF in the coming days and hindi po ba, sir, na-foresee na nagpla-plano iyong mga ganitong scenario kaya hindi natin naiwasan, sir, iyong pagdagsa ng mga tao? At saka may reports din po kasi na iyong iba ginagamit iyong IATF IDs nila then employment IDs just to get inside the mall para makapasyal daw po.

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo ho, talagang nalulungkot kami sa pangyayari. Pero siguro intindihin na rin natin iyong taumbayan, unang beses kasi, para talaga silang nakawala sa koral ano. Pero uulitin ko po, kaya nga po ipinakita ko kanina iyong mga bed capacities natin – limitado pa rin po ang mga kama natin kapag tayo ay nagkasakit.

Kung lahat po tayo ay lalabas nang ganiyang kadami at hindi mag-o-observe ng social distancing, unang-una, babalik po tayo sa ECQ dahil sinabi ko naman po, hindi naman nakataga sa bato iyan na tayo ay nasa MECQ na. Pero kapag dumami pa rin at hindi natin kakayanang magbigay ng critical care doon sa mga magkakasakit, lalo po tayong balik sa kulungan – ECQ lahat uli.

So, kung ayaw ninyo pong bumalik na hindi kayo pupuwedeng lumabas para mag-ehersisyo lamang eh puwede ba ho, bawasan na iyang paglabas. Sige po, nakalipas na iyong araw ng Sabado, hayaan na po natin, marami po talagang mahahawa ng COVID-19 diyan sa ginawa natin. Pero huwag na po sanang mauulit dahil ako mismo ayaw ko na pong bumalik sa ECQ.

Next question, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Secretary, my next question is for the workforce. Kasi po marami, napansin po natin din, noong Saturday at hanggang ngayon iyong mga empleyado po naglalakad po sila papasok sa trabaho at iyong iba po, malalayo iyong distansiya ng mga bahay nila papunta sa kanilang mga trabaho at hindi po lahat ng employers nakakapag-provide ng shuttle. Sir, how are we going to support these people without naman po compromising for example, naiintindihan natin hindi pa rin puwede magbalik naman talaga iyong public mass transportation?

SEC. ROQUE: Simple lang po iyan, bagamat bahagyang binuksan natin ang ekonomiya, obligasyon po ng mga employers na magbigay ng sakay sa kanilang empleyado or tirahan doon sa kanilang lugar na pinagtatrabahuhan. Kung hindi po kaya, huwag na muna po kayo magpapasok, pero kayo po ang may obligasyon na magbigay ng sakay sa ating mga empleyado.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, last question. Sir, kumusta po si President Duterte, we understand he flew to Davao over the weekend, kailan po sir, babalik si Presidente? And can we expect a public address tonight po?

SEC. ROQUE: Ang alam ko pong pagbalik niya ay kung hindi ako nagkakamali, mamaya din ano? Mamaya din po ang pagbalik ng Presidente, hindi ko lang po alam kung matutuloy ang public address mamaya, pero mamaya po ang balik ni Presidente – gabi.

Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque! Rose Novenario of Hataw: Pahingi daw po ng reaction ninyo tungkol doon sa troll armies na nais paimbestigahan ni Senator Leila de Lima.

SEC. ROQUE: Sige po, imbestigahan ni Senator Leila de Lima iyan kung gusto niya, wala pong pumipigil sa kaniya.

USEC. IGNACIO: Iyong second po niyang tanong: Ayon kay Dr. Benjamin Kho, isang infectious disease and clinical pharmacology expert: The Philippines has the highest fatality yet lowest recovery rate for coronavirus disease in Southeast Asia, matapos po ang mahigit 60 days lockdown. Ano po ang direksiyon na tinatahak ng kampanya laban sa global pandemic ng Administrasyong Duterte?

SEC. ROQUE: Well, tingin ko naman eh doon nga sa isang survey na ginawa na ang mga Pilipino nagsabi na satisfied sila sa ginawa nating response rate at ang totoo naman eh although mababa siguro iyong recovery rate natin in relation to other countries at mataas iyong death rates natin, eh still, kung hindi po tayo nag-lockdown, kung hindi tayo ang pinaka-unang-unang bansa dito sa ating rehiyon na nag-lockdown, eh siguro mas marami pang nagkasakit at mas marami pang namatay.

Pero ang ginagawa po natin ngayon eh talaga pong tayo ay sumusunod sa guidelines ng WHO. Ang pakiusap nga lang po ng Department of Health ngayon, iyong mga gumaling na kung pupuwede po makipag-ugnayan pa rin kayo doon sa mga lokal na epidemiology units ng inyong mga lugar.

Pero gaya ng aking sinabi po ano, bagamat tayo ay bahagyang nagbukas, flexible po ito. Kapag dumami na naman ang kaso, kapag bumilis na naman iyong doubling rate at hindi natin kaya magbigay ng critical care eh babalik po tayo sa dati na ECQ.

Next question? Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Sir, may isa lang tanong po iyong netizen dito: Entitled ba po daw ang government workers sa hazard pay during MECQ?

SEC. ROQUE: Ano nga ba? Ang tanong ay: Entitled ang government workers? Skeleton pa rin naman po, so kung sino po iyong nagtatrabaho dati sa ECQ, sila pa rin ang nagtatrabaho ngayon; kung dati entitled sila, hanggang ngayon po entitled pa sila kasi it remains to be at skeletal force po ang gobyerno.

USEC. IGNACIO: Question from Julie Aurelio of PD—

SEC. ROQUE: Basta lang po papasok na 100% ang government employees under GCQ. Okay?

USEC. IGNACIO: Okay.

SEC. ROQUE: Skype? Via Skype si Joyce Balancio.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes. Good afternoon, Secretary! Sabi po ni PNP Chief Archie Gamboa it would be difficult to replace NCRPO Chief Debold Sinas because of his COVID -19 Programs na currently being implemented by the Philippine National Police. Do we share the same sentiment of the PNP Chief – na it would be better to keep Sinas sa kaniyang posisyon? We know that he is a Presidential appointee, Secretary?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po, hinihintay natin iyong investigation ng IAS dahil ang Palasyo po ang magbibigay ng go order kung sasampahan o hindi ng administrative case si General Sinas. So, I ask for indulgence, dahil Palasyo po ang magdedesisyon kung tuloy ang administrative case at kung matutuloy po iyan, iyan din po ang magde-determine kung masisibak o hindi si General Sinas. Please understand, I would rather not comment on that, para wala naman pong pre-judgment on the part of the Palace.

Yes, next question po.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay, opo. Secretary, follow-up lang doon sa question din ni Trish on testing ano, kanina may naging topic na rin tayo diyan. sabi po ng DOH, hindi po requirement iyong COVID testing sa returning workers, only those symptomatic workers should be placed under COVID testing. Pero paano po iyong mga asymptomatic workers, kasi alam naman natin hindi lahat ng COVID-19 affected people, ay may sintomas? So, paano natin ire-remedy o bibigyan ng remedyo iyong ganitong case na isang asymptomatic worker posibleng pumasok sa trabaho at makahawa siya doon sa workplace?

SEC. ROQUE: Well, kaya po natin inimbita si Dra. Minguita Padilla para ipakita at ipaalam sa lahat na bagamat hindi po ito kabahagi ng guidelines ng DOH eh ang private sector boluntaryo po binibigyan ng rapid test iyong kanilang mga empleyado.

In an ideal world, dapat po lahat ng tao ma-testing pero alam ninyo, una, ang hirap na nga nitong PCR testing, trenta pa lang ang laboratories natin, ang gusto nating mangyari hindi bababa sa nobenta iyang mga PCR testing centers natin; pangalawa, nagkakaubusan din po sa rapid test kits. Sa katunayan, alam ko po as a fact na napakahirap na ngayon sa Tsina maglabas ng rapid test kits dahil sila mismo gusto nilang i-test ang lahat ng mga Tsino.

Sa Wuhan po, ang kanilang target, eleven million testing sa pamamagitan ng PCR at rapid test. Kaya po iyong Chinese Customs hinaharang din iyong paglabas ng kanilang mga rapid test kits, bukod pa doon sa katotohanan na iyong Amerika, binibili lahat ang rapid test kits available. So, pahirapan po iyan and that is why we are giving recognition to the initiative of the private sector na sila na mismo ang bumili ng rapid test kits para ma-test ang kanilang mga empleyado.

Next question, please.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Sir, ano na lang… follow-up and last question from me. Is it possible for the IATF to come up with a single policy on LGUs sa pagpapatupad nga nitong—for example, mandatory testing of returning workers? Kasi sabi po ni Senator Gatchalian, confusing daw po na may mga ibang LGUs nagma-mandate na iyong returning workers may mandatory test, iyong iba naman wala; and also, iyong liquor ban, may ibang LGUs nagli-lift, iyong iba, hindi – so, very confusing daw po ito on the side also of the businessmen.

SEC. ROQUE: Well, siyempre po, mahirap naman balewalain iyong mga local government units dahil sila iyong nakakaalam kung ano talaga ang nangyayari sa kanilang mga lugar. So, hinahayaan na po natin na kung may kakayahan ang mga LGUs eh ‘di ipa-test po nila ang mga empleyado; kung wala pong kakayahan, i-test nila iyong mga symptomatic or huwag munang papasukin iyong mga symptomatic.

Sa liquor ban. Sa mula’t mula po, wala pong deklarasyon ang IATF diyan, hinayaan po natin iyan sa mga lokal na mga pamahalaan dahil alam naman nila kung anong dapat sa kanilang mga siyudad at munisipyo.

Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Question from Julie Aurelio of PDI: Can we get the IATF/Palace take on Bishop Pabillo’s Facebook post on the restrictions on religious activities? He calls the restrictions unreasonable directives that were made without consulting the religious sector.

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po kung maaalala ninyo eh nag-iba nga ang isip ng IATF pagdating dito sa religious gatherings. Dati nga po eh nagkaroon ng deklarasyon na papayagan na – binawi. Bakit po? Dahil napakadaming lokal na opisyales na nagalit. Iyong isang governor sa akin na kasama ko sa 17th Congress, naku! Pinagsisigaw-sigawan ako! Dahil sabi niya, hinding-hindi namin mai-enforce ang social distancing sa mga Simbahan dahil hindi naman pupuwedeng pumasok iyong mga pulis habang sumasamba sila.

So, iyang initiative po na bawiin muna iyong public gatherings for religious services ay nanggaling po iyan sa mga lokal na opisyales at binigyan naman ng respeto ng IATF. Gayunpaman, dahil marami naman kung hindi halos sa lahat sa IATF ay gusto na ring magsimba, inaanyayahan po namin ang Simbahang Katolika, makipag-ugnayan hindi lamang po sa local government units kung paano ipatutupad ang social distancing. Kung siguro iyong CBCP can officially communicate with IATF kung paano nila gagawin po iyan. Ang alam ko po ang Iglesia ni Cristo nag-submit ng kanilang proposal, dodoblehin daw po nila iyong kanilang simba nang sa ganoon 50% capacity lang ang kanilang mga Simbahan nang ma-enforce ang social distancing. So, I welcome Bishop Pabillo to send-in his proposals kung papaano po ang gusto nilang mangyari at titingnan po iyan ng IATF dahil uulitin ko po, noong una nga po pinayagan na iyan, binawi lang dahil sa reklamo ng mga lokal na opisyales.

Next question please, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Sir, tatlo ang tanong ni Francis ng Daily Tribune: Comment daw po sa Facebook location tag describing the Philippines as a province of China?

SEC. ROQUE: Pakisabi po iyan sa Vera Files at saka sa Rappler dahil sila iyong alleged truth verifiers ng Facebook. Siyempre po wala namang katunayan iyan, eh bakit naman ako magre-react pa diyan. Next question po.

USEC. IGNACIO: May nagpapatanong pala kung iyong self-employed po daw na isang tao like auto-mechanic ang work, on call po siya, puwede na ba ho siyang lumabas at mag-work? Ano raw po ang kailangang ipakita sa awtoridad para hindi sila masita at makapunta sa paroroonan?

SEC. ROQUE: Eh kung wala po siyang ID, eh ‘di magdala siya ng business permit o kahit anong katunayan na ang negosyo niya is auto repair na pinapayagan na po sa MECQ. Next question…

USEC. IGNACIO: Pakiusap daw po ni Navotas Mayor Toby Tiangco sa IATF na ibalik ang Navotas sa ECQ dahil baka daw po lalong tumaas ang COVID cases sa siyudad.

SEC. ROQUE: Well, iyan po’y desisyon ng IATF. Sana po nag-apila si Mayor Tiangco noong period na puwedeng mag-apila ‘no. Pero sa ngayon po kung ipapatupad ninyo naman po ang MECQ, hindi naman po dapat na nangyari iyong nakita natin noong Sabado. Sa pagpapatupad lang po iyan. So Mayor Tiangco, puwede ninyo pa pong ipatupad ang MECQ. Lahat noong hindi pa pupuwedeng pumasok sa mga sarado pang industriya, puwede pong huwag munang papasukin.

Si Maricel Halili on Skype, please…

MARICEL HALILI/TV5: Good afternoon, sir. Sir, I understand President Duterte went to Davao also to visit his family. But aside from visiting his family, ano pa po iyong ibang naging activities ni Presidente doon? Mayroon po ba siyang naging mga official schedules and binisita for inspection?

SEC. ROQUE: Well, I got word nga po na as of yesterday eh hindi pa niya nakikita iyong mga apo niya ‘no. So alam ninyo kasi ang Presidente naman, hindi lang naman siya Presidente dito sa Luzon, Presidente iyan ng buong Pilipinas ‘no. Nakipagkapit-bisig po siya dahil pinakamatinding problema sa COVID-19 dito sa Luzon kaya 67 days siyang nanatili rito ‘no para ipakita na he is one with the people ‘no.

Pero kinakailangan din naman malaman po ng Presidente kung anong nangyayari sa iba’t ibang parte ng Pilipinas gaya noong lugar kung saan siya po nanggaling, sa Mindanao ‘no. Kaya nga po as of yesterday nagulat ako na hindi pa niya nakikita iyong kaniyang mga apo, inuna po siguro niya iyong pagtingin kung anong nangyayari hind lang po sa siyudad ng Davao kundi sa buong Mindanao.

MARICEL HALILI/TV5: Pero sir, why visit Davao? I understand siyempre malapit sa puso niya iyong Davao, but Davao is a GCQ area. There are also other areas po like Cebu na under ECQ and iyong, for example, Samar na nasalanta po ng Bagyong Ambo.

SEC. ROQUE: Well, siguro po kasi iyong—the fact na vulnerable person din ang Presidente kaya umiiwas siya sa mga mataas na cases ‘no, sa GCQ siya nagpunta. Pero iyong mga lugar naman na sinalanta ng bagyo, it’s without prejudice po. Ang nagiging problema lang po talaga ng Presidente, super istrikto sa kaniya ang PSG ‘no, na for 67 days, diyan lang po talaga siya sa Malago, hindi po siya nakalabas ng Malago ‘no.

So given the clearance to be given by PSG, I’m sure gustung-gusto talaga pumunta ni Presidente doon sa mga nasalanta ng bagyo kasi ang track record naman niya talagang pinupuntahan niya iyong mga lugar na iyan. So I think it’s without prejudice, but we have to convince PSG that they can protect the President.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, panghuli na lamang po. Based po doon sa IATF guidelines, mayroon po bang exemption, for example iyong mga government officials, to travel from—inter-island travel? And kung mayroon pong exemption, ano po iyong basis noong exemption?

SEC. ROQUE: Yes, nakasulat po iyan sa interzonal movement na ang government employees are APORs ‘no or authorizes persons, nasa guidelines po iyan.

Usec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, from Bella Cariaso of Bandera: Iyong mga OFWs na tumakas sa hotel habang naka-quarantine and it turned out positive pala ang ilan sa kanila sa COVID. May we know iyong exact numbers ng mga nag-positive na tumakas at paano daw po mae-ensure iyong safety ng public habang may COVID positive na posibleng makapanghawa? At ano po ang ginagawa ng awtoridad to make sure na hindi na mangyayari ang ganitong insidente?

SEC. ROQUE: Well, paumanhin po ‘no, siguro dapat in-increase-an ang security doon sa mga hotels na ginagamit as quarantine facilities ‘no; pero nangyari na po iyan. Patuloy pa pong hinahanap iyong ibang mga lumabas bagama’t mayroon na pong isa na nasa kustodiya na ng mga awtoridad at binibigyan po ng PCR test iyong buong pamilya noong isang OFW na nahanap na. Patuloy po ang paghahanap sa iba, ito naman po ay para sa kanilang kalusugan din at kalusugan ng kanilang mga mahal sa buhay. I think there will be increased security na po in the different hotels that we are utilizing as quarantine areas.

Next question, please.

USEC. IGNACIO: From Mylene Alfonso ng Bulgar: Why don’t we just wait for a vaccine or medicine before opening classes across the country so that there won’t be any children getting infected or infecting other families? Why do we have to rush opening classes in August instead of prioritizing our children and family’s safety and health?

SEC. ROQUE: Well, kasi po may batas, ang batas po ay nagsasabi na kinakailangan magbukas ang mga eskuwelahan na ang pinaka-late na po diyan ay iyong last week of August. Kaya nga po ang DepEd ay magbubukas sa beinte kuwatro. Pero siyempre po, kung mataas pa rin ang banta sa ating mga kabataan, siguro kinakailangan amyendahan ng Kongreso iyong batas na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Vanz Fernandez ng Police Files: Reaction daw po ng Palace doon sa statement ni Vice President Leni Robredo na ‘the law should be used for the benefit of all, not just the persons in authority’. After daw po ito nang may naaresto for allegedly threatening and criticizing the President.

SEC. ROQUE: Well, we live po in a rule of law. Kung sa tingin ng mga alagad ng batas mayroong krimen na nangyari, puwede naman silang mag-aresto. Pero nakikita po natin kung mali ang basehan ng pag-aresto, pinalalaya po ang ating mga mamamayan ng mga piskalya. So ganiyan po ang ating lipunan ngayon sa ilalim ni President Rodrigo Roa Duterte, gumagana po ang mga institusyon lalong-lalo na institusyon na may kinalaman sa hustisya.

Skype kay Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Good afternoon. Sir, I have several questions ‘no. Una muna, given what you have seen ‘no, iyong mga tao na nasa mga checkpoints, ang daming sasakyan, ang daming mga tao sa malls. Do you think the decision to shift from ECQ to MECQ was a mistake?

SEC. ROQUE: Hindi naman po, kasi talagang after 2 months, gaya ng buong daigdig, kinakailangan naman nating buksan nang bahagya ang ating ekonomiya. Kaya nga lang ang inaasahan natin, sana dahan-dahan, unti-unti, hinay-hinay pero ang nangyari po talaga, nagdagsaan. So kaya nga po nagbigay tayo ng babala, unang-una, hindi po iyan permanente dahil obligasyon ng estado na pangalagaan ang kalusugan, puwede tayong bumalik po sa ECQ.

At patuloy po tayong nakikiusap: kailangan po natin ng kabuhayan kaya binuksan natin ang ekonomiya, hindi po iyan dahilan para mag-malling.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Prior to the decision to shift to MECQ, there was a study, there was a warning from UP experts saying if we lift, if we relax, we will get 24,000 cases, 1,700 deaths. Was that advice ignored by the IATF?

SEC. ROQUE: No, kaya nga po MECQ pa rin tayo. ECQ pa rin po tayo, hindi pa po tayo GCQ. Next question, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. So, was the decision more economic than scientific?

SEC. ROQUE: It is scientific and economic. We consider all these in the decisions made by the IATF. The decision was made that there was a 5-day doubling rate and that we have capacity as of now para magbigay po ng critical care at ng medical attention doon sa mga magkakasakit – as of now. Pero ang assumption po natin, full cooperation ng ating mga kababayan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa testing na lang ‘no. Nandito po si Dra. Minguita, maybe she can butt in.

SEC. ROQUE: Go ahead.

JOSEPH MORONG/GMA7: Right now, wala tayong officially sanctioned mass testing ng government. When I say mass testing, this is not just the OFWs na ginagawa ni Secretary Vince; but mass testing, meaning ordinary persons who are going to go back to work today, they will get mass tested. Wala tayong ganoon na government sanction mass testing, correct?

SEC. ROQUE: Well, as much as possible po ano, mayroon tayong—ini-increase natin iyong capacity natin ng testing kaya nga we’re aiming na aabot tayo sa 30,000. Pero in terms of mass testing na ginagawa ng Wuhan na all 11 million, wala pa pong ganiyang programa at iniiwan natin sa pribadong sektor. You can ask your question from Dra. Minguita, she’s here I think ‘no. Anong question mo?

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes. Ma’am, iyan po ay private sector—Dr. Minguita, this is private sector initiative ‘no, iyong private testing ninyo. What happens—well, number one, how reliable are the PCR as against the rapid testing that you guys are doing?

SEC. ROQUE: Dr. Minguita, are you there?

DR. PADILLA: Yes. I’m okay now? Can you hear me now? I was muted eh.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, ma’am.

DR. PADILLA: Okay, sorry about that. Okay, there’s no perfect test, Joseph, you have to remember that. Even PCR can miss one-third of the cases even in symptomatic ha, that’s why I have to make that clear. So kahit iyong gold standard ay hindi talaga gold ‘no, may pagkukulang pa rin.

Iyang rapid antibody testing, totoo na mayroon talagang iba na talagang kuwenta. There are some that can only get only 40% sensitivity – really bad. Pero mabuti na lang ngayon dahil nag-improve na rin sila, marami na ring mga mahuhusay. And even iyong mga staunched rapid antibody testing kits noon, inaamin naman nila na mayroong mga 99% accuracy or specificity, and above 90% sensitivity – iyon ang mga kinukuha namin, iyon ang mga pinag-aaralan namin. We try to be very careful doon sa mga what we – what do you call this – suggest to our … to the people who asked us. So there are good ones and are bad ones. Okay?

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Secretary, given that ‘no na even the rapid testing, we cannot trust; the PCR is not very gold, and we are releasing number of people into their workforces and under the approved industries. Hindi ba siya, sir, delikado in the sense na hindi natin kita who are the asymptomatic and yet we are allowing them to go out?

SEC. ROQUE: Kaya nga po—

DR. PADILLA: May I answer that?

SEC. ROQUE: Yes, go ahead.

DR. PADILLA: We cannot hide from the virus forever. It will take a while before we have a vaccine, okay. And iyong mga … we have guidelines, the DOH has guidelines, the DOLE has guidelines on how to go back to work. Kaming mga nagtatrabaho sa ospital, hindi kami puwedeng magtago; bumabalik din kami sa trabaho.

So how do you now protect our people? Let me tell you. Asymptomatic – government will not test muna kasi nga wala pang kakayahan ‘di ba, kulang pa iyong PCR kaya tumutulong kami; Iyong mga rapid antibody testing at PCR, kailangan iyan complementary. Kung gagamitin mo iyan sa tamang paraan, you will be able to catch the people who are a threat to society. That having been said, pagpunta natin sa ospital, bumalik kaming mga doktor— maraming ospital nagte-test ngayon sa rapid antibody testing. Kung mag-positive, they will send you for PCR – sana nga PCR lahat. You always have to live as though the virus is there, as though you are infectious, and the person beside you is infected – that is the only way.

Even in the hospital, if you go now to the hospital next week or this week, makikita mo iba na talaga ang patakaran. Lahat ng pasyente, we have to adjust to a new normal talaga. Wala nang walk-in, for example; everybody wears a mask; everybody has a questionnaire; even the doctors wear shields. But we cannot hide – so if we do that in the hospital where the chances of getting the virus is high, we can go back to work – factories can, restaurants can, but as Spox Harry said, we have to always remember the virus is there. But we cannot forever hide, because forever hiding and avoiding may be more deadly than the disease which in 80% is actually mild or asymptomatic. We have to just protect our vulnerables; the vulnerables we have to protect.

SEC. ROQUE: Thank you very much. Usec. Rocky? Thank you, Doc. Thank you, Joseph. Usec. Rocky, please…

USEC. IGNACIO: Okay. From Angel Ronquillo/DZXL: Sumasang-ayon po ba ang Palasyo sa pahayag ni Senator Nancy Binay na hindi lang second wave ng COVID-19 ang dapat nating asahan kung hindi tsunami of cases of infection dahil matapos buksan ang mga mall noong Sabado, nagsidagsa ang mga tao at hindi sinunod ang social distancing?

SEC. ROQUE: Pagagalitan na po siguro ako ni Presidente, pero sang-ayon po kami diyan. Kaya nga po ang aking babala, kapag hindi tayo nag-cooperate, sa kalye na po tayo pupulutin. Pakiusap ko po: kung hindi kinakailangan, manatili sa bahay; kung kinakailangan magtrabaho, social distancing, minimum health standard kung ayaw ninyo pong pulutin sa kalsada. Next question please.

USEC. IGNACIO: Kasunod ng obserbasyon nitong mga nakalipas na araw, may bagong guidelines na ba ang ipapatupad ang IATF para mabalanse ang kaligtasan ng publiko at ang pag-restore muli ng ating ekonomiya?

SEC. ROQUE: Well, malinaw naman po ang guidelines natin: Sa ngayon po, pinapatupad ang MECQ dahil inaasahan namin po ang full cooperation ng lahat. Kung wala pong cooperation, siyempre po babalik sa ECQ dahil hindi naman pupuwedeng magpabaya ang estado sa obligasyon na protektahan ang kalusugan ng kaniyang mamamayan. Next question please, Pia Gutierrez.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir. Good afternoon. Sir, follow up lang doon sa public transportation under MECQ areas. Kasi marami pa rin pong trabahador ang nahihirapan na pumasok dahil wala silang public transportation. Ang question ko po: Puwede bang tumanggi ang mga empleyado na pumasok sa trabaho kung hindi makakapag-provide ng shuttle ang kanilang mga kumpaniya? I’m asking this kasi nabanggit ni DTI Secretary Lopez over the weekend: “If an employee refuses to work, it doesn’t reflect well on his or her character and he or she also runs the risk of losing his or her job.” Kasalanan po ba ito ng empleyado, sir?

SEC. ROQUE: Tingin ko, hindi naman po dahil IATF naman po ang nagsabi, kinakailangan mag-provide ng shuttle o di kaya patirahin nang malapit sa factory or place of business ang mga manggagawa. So kung wala po talaga silang masasakyan, I don’t think that can be taken against the employee.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Yes, sir. Also, sir, if the employee is uncomfortable going back to work because of the health risk involved kasi nga we are under a pandemic, puwede rin ba silang tumanggi na pumasok?

SEC. ROQUE: Eh kung mayroon naman pong shuttle, mahirap po iyan. Pero ang importante lang, observe minimum health standards. Kaya kahapon sinabi ni Dra. Padilla, hindi naman tayo puwedeng magtago forever diyan. Mag-facemask, manatiling malusog, health promotions at maghugas ng kamay, observe social distancing, tingin ko naman po ay mama-manage natin iyong risk.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, second question. Doon sa presentation ninyo kanina, it’s clear na doon sa second tranche, hindi na ipapatupad iyong CAMP at TUPAD. Pero sinabi ninyo po before, noong May 1, ipagpapatuloy po iyong mga programs na iyon. So ano po ba iyong mangyayari, sir, bibigyan pa rin po ba ng budget itong mga programs na ito ng DOLE, sir?

SEC. ROQUE: Sa katunayan, mayroon na ngang additional budget na one billion akong naanunsiyo ‘no. Pero dahil hindi pa napamimigay iyon, hindi pa kasama sa figures ko. Okay, so actually mas marami pa sa 20 million ang mabibigyan ng ayuda.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, also clarification lang: Iyong Small Business Subsidy sir, is it under the Social Amelioration Program?

SEC. ROQUE: No.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Kasi I understand, itong program na ito is clearly meant for middle income earners.

SEC. ROQUE: No po. It is not intended as SAP; it is for small and medium enterprises, at ang DOF po ang lead agency for this. But it is only intended for employees of small and medium enterprises.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, last question na lang. Sir, reaksiyon ninyo lang po. Kasi over the weekend may lumabas na geo-tag sa mga social media na ‘Philippines, Province of China.’ So anong reaksiyon ninyo dito sir, do you see this as a serious matter? Do you see this as a joke or a direct criticism of the administration’s pro-China policies?

SEC. ROQUE: Tinatawagan ko ng pansin po ang Vera Files at Rappler, sila po iyong mga fact verifiers ng Facebook, bakit naman po nakalusot ito. Sana po iyong mga fake news ay talagang i-flag nila dahil ito po, clearly fake news, hindi na po dapat komentuhan. Usec. Rocky..?

USEC. IGNACIO: Secretary, from Rosalie Coz ng UNTV: Aminado po ang National Task Force versus COVID-19 na worried po ito sa absence ng physical distancing sa ilang shopping centers sa NCR sa first day ng implementation ng MECQ. Ano po ang paalala ng Palasyo sa publiko kaugnay nito?

SEC. ROQUE: Paalala sa publiko: Baka babalik po tayo ng ECQ kung walang kooperasyon. Paalala sa mga mall owners: Ipasasara po muli kayo kung hindi ninyo mapapatupad ang social distancing.

USEC. IGNACIO: Ano rin po ang babala ng Malacañang sa mga lokal na pamahalaan at pribadong establishment na hindi makapagpapatupad ng crowd control at minimum health standards sa kanilang premises?

SEC. ROQUE: Ipapasara po iyong premises nila muli dahil wala pong choice; kinakailangan pangalagaan ang kalusugan. Hannah Sancho?

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Hi, sir. Kakasabi ninyo lang, sir, na ipapasara iyong mga malls, sir, kapag hindi sinunod iyong mga measures na pinapatupad ng pamahalaan para dito sa COVID-19 pandemic. Do you think, sir, kailangang maging liable din po sila kasi po sir, sila din po iyong nagpapapasok doon sa mga shoppers sa loob, sir, kasi nga—although may mga malls naman talaga akong nakikita sir, na may ginawang mga hakbang para mapatupad iyong social distancing. Pero sa tingin mo sir, dapat maging liable po sila?

SEC. ROQUE: May legal possibility po iyan dahil under the We Heal as One Act kinakailangan ipatupad iyong mga requirements ng IATF ‘no, so mayroon din pong criminal liability iyan if they do not exert or if they do not fulfill the obligation na dapat ginagawa nila. Dapat po may sapat na empleyado, security na magpapatupad nitong mga guidelines na ito, otherwise magsarado po sila.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Sir, ano po iyong magiging indicators po natin sir, para sabihin na po ng pamahalaan na kapag ito nagpatuloy ay ipapasara na namin itong mga malls?

SEC. ROQUE: Siyempre po iyong doubling rate ng sakit ng COVID-19. Kung ito po ay bumalik tayo sa two days, eh talaga pong lahat ay sarado uli, back to ECQ. Okay, malinaw po iyan. Basta sundin naman po iyong one is to two – for every hundred square meters, magpapasok lang ng singkuwenta. At madali po iyon, mabibilang po ng security guards nila iyon.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Sir, last question, sir. Regarding po doon sa sinabi po ni Senator Panfilo Lacson regarding sa overpriced medical supplies ng DOH. Ano po iyong hakbang na gagawin ng Palasyo dito, sir?

SEC. ROQUE: Well, pakikinggan po natin kung ano ang sasabihin ni Senator Lacson, but actually mayroon naman pong Spokesperson naman ang DOH, Dra. Vergeire and I will defer to her.

USEC. IGNACIO: From Jona ng Asahi Shimbun: A number of checkpoints still either don’t have scanner or do not use the scanners for rapid pass holders. Why is this so? Has the supplier of the scanners explained the issues they are having? Is it the hardware or the software? How much has government allotted for the rapid pass system?

SEC. ROQUE: Well, off hand hindi ko po alam kung bakit, pero napansin ko nga iyan. Dahil bagama’t we have virtual press briefings, I travel from my home to Malacañang at sapat naman na ipakita ko iyong ID ko na kasama iyong rapid pass ko, pero walang bumabaril kumbaga sa rapid pass, siguro kilala na ako ‘no.

Pero… tatanungin ko po kung ano ang naging problema diyan, pero ang alam ko lang po ay ang rapid pass ay dito lang po sa Metro Manila. At titingnan ko nga po, tatanungin natin ang DICT bakit parang ang konti nga ng gumagamit noong scanners.

USEC. IGNACIO: From Buena Bernal ng Channel News Asia: May we know how many government certified labs are currently active testing given the testing center in Albay was damaged by the typhoon last week? Is this the only one that halted testing operation so far and how about the damage? Any news on specimen/staff there, where they affected by the damage? What type of damage occurred? Also what precautions were cascaded to testing centers in affected areas before the typhoon? How many testing centers were in affected areas and how many of them were informed of said precautions?

SEC. ROQUE: Ang masasagot ko lang po diyan, iyong sinabing mga datos ni Secretary Vince Dizon noong nakalipas na Huwebes, 30… ano bang tawag doon, class five laboratories are in existence. Hindi ko po alam kung kasama sa 30 iyong lab sa Albay. But, I think that’s a matter that I would defer also to the DOH, mayroon naman pong press briefing mamaya si Usec. Vergeire.

USEC. IGNACIO: From Mark Cristino, in Tanay daw po they require a health certificate for residents to enter even if you have a rapid pass or any other ID. Should this be a requirement in other provinces as well especially with the government’s Balik Probinsya Program?

SEC. ROQUE: Well, ang rapid pass po ay Metro Manila. So, kung ito po ay Tanay, nasa labas na po iyan ng Metro Manila, the LGU may impose ‘no; pero sana naman po huwag namang unreasonable po iyong mga requirements ng Local Government Units lalung-lalo na sa mga APORs, iyong mga authorized persons. Dahil kung iyan po ay mangagawa lalung-lalo na sa agrikultura baka magutom tayo kung hindi natin papapasukin.

May report din po ako na ganyan sa Tanay ‘no, at sa katunayan po nagkakaroon ng problema diyan dahil marami pa ring mga farms diyan sa Tanay. So, ang pakiusap po natin, sundin pa rin natin iyong guidelines ng DA lalung-lalo na kapag ang mga personnel ay mga nagtatrabaho sa agrikultura, makaka-apekto sa ating good security, paraanin po.

USEC. IGNACIO: From Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Will the government extend the 60-day price freeze on basic commodities to ease the burden of the public during the coronavirus emergency? How will the government protect consumers from traders engaged in profiteering?

SEC. ROQUE: Well, hindi pa po natin alam kung ano ang epekto ng MECQ kung tataas o bababa ang mga presyo. Pero I’m sure the DTI will act accordingly, tingnan po muna natin kung ano ang mangyayari.

USEC. IGNACIO: From Llanesca Panti GMA News Online: Bakit po pabagu-bago ang classification ng areas from no quarantine to Modified GCQ and from GCQ to MECQ and in less than 24 hours at that. Hindi po ba nakokonsulta ang mga LGUs bago mag-adopt ng policy resolution ang IATF? Nalilito po kasi ang mga tao ang LGUs.

SEC. ROQUE: Well, ang ating ginagawa po ay hinay-hinay, dahan-dahan, unti-unti. Kung mayroon pong mga pagbabago, kasi nga po, unang-una, iyong ginawang classifications ng IATF ay binigyan po natin ng pagkakataon mag-apila iyong mga probinsya na bumalik sa ECQ o manatili sa MECQ dahil na-classify na sila as GCQ. So, kasama po iyan sa proseso, kasama nga po iyan sa pagkonsulta. Kaya nga po iyong appeal process is proof na talagang pinakikinggan naman po ang mga local na pamahalaan.

USEC. IGNACIO: From Ace Romero ng Philippine Star: Clarification, Secretary, regarding sa second tranche, bakit 20.3 million households, hindi pa po kasama dito iyong GCQ areas?

SEC. ROQUE: Hindi pa po. Gaya ng aking sinabi, itong sa second tranche, iyong sinabi ni Pangulo na 4.9 million na hindi nakatanggap ng SAP first tranche bibigyan din, so kasama na po sila dito sa second trance. Bagong mga tao po iyang 4.9 million. Tapos iyong iba’t ibang mga programa po natin eh nandiyan na iyong natitira pang mga tatanggap ng SAP na mga mahigit kumulang 12 million na second tranche, ito po iyong kaparehong mga tao rin iyan na nakatanggap ng first tranche pero mayroon pa po tayong Small Business Wage Subsidy na tina-target din natin na magbigay sa 3.4 million people. Kaya po ang suma total, 20,300,000.

USEC. IGNACIO: Okay, last three questions na lang po, Secretary. From Virgilio Galvez. Question from Batangas. Are Mayors authorized to require rapid testing certificates issued by the LGU for those picking up agricultural produced from their towns?

SEC. ROQUE: Well, alam ko po may discretion na ganyan. Pero, I do not know if that is unreasonable. Kasi if the province or the Local Government Unit can provide the rapid testing right there and then siguro hindi iyon unreasonable. Pero kung wala namang available na rapid test doon sa area at nandoon na iyong tao, baka naman po maging unreasonable. Ang rule of thumb po bumalik po tayo doon sa general guideline na binigay kung sino ang APORs. Kung talagang indispensable po iyan dahil carrying cargos, pagkain at lahat, patuluyin po.

USEC. IGNACIO: From Julie: Palace reaction po sa report that the Charter Change drive is very much alive amid the COVID-19 pandemic. The DILG is gathering 2 million signatures online in support of Cha-cha to be presented to Congress. Although Usec. Malaya said the DILG is prioritizing COVID-19, document show that only the physical signature campaign is postponed and online efforts will continue.

SEC. ROQUE: Well, na-explain na po iyan ni Usec. Malaya ‘no. It is not really a priority. They are continuing, because the mechanism is there. Pero nakatutok po talaga tayo ngayon sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Last question. Is the DILG’s effort part of the Palace directive to push for federalism even if the government’s resources are supposedly diverted to the COVID-19 response. Does the Palace think that the DILGs campaign is ill-timed considering the crisis at hand?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko, they are not exerting any effort naman po para… any additional effort para isulong iyong charter change during this times of COVID-19. So, sa akin po, it’s always been a mandate of DILG. They should do it, otherwise makakasuhan naman sila ng dereliction, pero at the same time makikita naman po ninyo na talagang ang DILG ang primary attention nila nakatutok po dito sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Okay, Secretary, iyan po ang ating mga natanggap na tanong mula sa MPC at sa ating mga kaibigan na miyembro ng FOCAP.

SEC. ROQUE: Naku, mga kababayan, pasensiya na kayo kung medyo masakit iyong mga salita kong binitawan ngayong araw, pero kinakailangan po talagang iparating sa inyo ang katotohanan. Ang buhay po ninyo, ang buhay ng inyong mga pamilya nakasalalay po iyan kung ano ang gagawin natin sa mga susunod na araw. Wala pa po tayong bakuna, wala pa tayong gamot para dito sa COVID-19. Ang ating kinabukasan po, kung mabubuhay tayo o hindi, nasa kamay natin iyan. Please stay safe, observe minimum health hygiene and observe social distancing. Magandang hapon po sa inyong lahat.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)