Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang umaga sa inyong lahat, sa PNP Press Corps at sa Malacañang Press Corps because this is a joint Malacañang and PNP Press Corps press briefing.

As of 11:30 last night, I received information that the ICC Prosecutor Bensouda has concluded her preliminary examination against President Rodrigo Roa Duterte for the alleged crime of crimes against humanity. She will now seek judicial authorization from the pre-trial chamber of the ICC to formally conduct investigation against President Rodrigo Roa Duterte.

I believe that the decision to move forward into a formal investigation stage is legally erroneous – politically motivated. It is legally erroneous because in the first place, the ICC has no jurisdiction over the subject matter of crimes against humanity as alleged in her information against President Rodrigo Roa Duterte. Secondly, the case even for purposes of formal investigation is barred by the principle of complementarity. And thirdly, the investigation is not pursuant or in aid of substantial justice.

My first submission is that the ICC Prosecutor has no jurisdiction. She alleged in the first instance that the Philippine war on drugs is an instance of a crime against humanity. What is a crime against humanity? A crime against humanity is defined under the statute of the ICC law as a widespread or systematic attack against civilians knowing that the subjects of attack are civilians.

I will ask the Philippine National Police: When you discharge your obligations under the so-called drug war, did you target civilians? Did you kill civilians willingly because they were civilians? Obviously, the answer is no. Where their death as an incident to a lawful operation in connection with the war against drug?

You did not target civilians as such it was coincidental or collateral damage either because the policeman had the right to defend himself using reasonable force or they were in fact the subject of an attack and therefore justified by the principle of necessity and proportionality.

Pasensiya na po kayo, I know these are very technical language but I speak now as lawyer and as a member, the only Filipino member in the list of counsel of the International Criminal Court.

So kapag ang laban po sa droga ay dahil ito po ay katungkulan ng pulis para ipatupad ang ating anti-drug laws, wala pong intensyon na manarget at pumatay ng sibilyan dahil sila ay sibilyan. Kung mayroon man pong patayan na nangyari, dahil ito po ay gumamit po ng tamang puwersa ang ating kapulisan. Bukod pa po rito, alam po natin—at mamaya po ay ita-tackle ko iyan sa prinsipiyo ng complementarity.

Pangalawa, mayroon lang pong limited jurisdiction temporal, ratione temporal ang ICC dahil ang sinabi po nila na ang ating war against drugs is a crime against humanity, iyong ratione materiae, iyong ratione temporis is limited to June 30, 2016 until 17 March of 2019 when we withdrew from the ICC. Everything that happened before the President took office and implemented the war against drugs and everything that happened after 17 March of 2019 is clearly beyond the ratione temporis jurisdiction of the ICC.

Pero ang mas importanteng objection po sa gagawing imbestigasyon ng ICC Prosecutor ay doon sa prinsipyo ng complementarity; at tayo naman po bilang isang naging partido sa ICC, hindi po tayo sana sumapi sa ICC kung hindi dahil sa prinsipiyong ito.

Ang sinasabi po ng prinisipyo ng complementarity, “The ICC will not exercise jurisdiction unless the member state is unable or unwilling to prosecute.” Kapag sinabi pong unable, ibig sabihin, walang estado, walang hukuman, walang pulis na gumagana; it is a failed state.

Ang unwilling po is when you have legislation according impunity to an individual. Wala po tayong ganiyan sa Pilipinas dahil in the first place, lahat po ng presidente matapos ang kanilang termino—hindi po lahat, dalawang presidente matapos ang kanilang termino, nakulong – ito po si Presidente Estrada at Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.

At ang pinaka-importanteng punto na dapat maintindihan ng lahat ay dahil gumagana po ang mga institusyon natin dito sa Pilipinas. Mayroon po tayong independiyente, impartial at kumpitenteng mga hukuman; mayroon po tayong mga piskalya na naglilitis po ng mga patayan dahil nga po dito sa drug war. Kung naaalala ninyo ang kaso ni Kian, na-convict po ng murder iyong mga pulis na pumatay kay Kian.

At ngayon nga po, dineklara po ng ating Secretary of Justice at ng ating PNP Chief – at ibibigay ko po mamaya ang floor kay PNP Chief – na lahat po ng kaso kung saan mayroong namatay in the course of a police operation ay iimbestigahan. Hindi po natin kinakailangan ang mga dayuhan na mag-imbestiga ng patayan dahil sa drug war dahil gumagana po ang sistemang ligal sa Pilipinas, mayroong mga piskal at mayroong mga hukumang naglilitis at nagparusa na.

At mula nga po naging PNP Chief si Chief Eleazar, hindi lang po 62 cases ang ibinigay na niya sa DOJ, sinabi po niya, all 6,000 cases ibibigay niya sa DOJ for conduct of investigation. Bakit manghihimasok ang International Criminal Court na pinakita na natin na kayang-kaya ng mga lokal na institusyon na siyang mag-imbestiga sa mga krimen na ito.

Because of complementarity, I am confident that the pre-trial chamber will reject the request for investigation.

Pangatlo, it is not in pursuit of substantial justice. Bakit? Hindi na po tayo miyembro ng ICC. Ang karapatan at ang kakayahan ng hukuman para mag-imbestiga, upang magsampa ng kaso ay nakasalalay sa kooperasyon ng estado. Sinabi na po ng ating Presidente, hinding-hindi tayo magku-cooperate dahil hindi na tayo miyembro ng ICC. Kung sila ay magsasampa ng kaso, ang basehan ng ebidensiya lamang nila ay ebidensiya na ibinigay ng “kaliwa” na siyang pumapatay din ng ordinaryong mamamayan gaya nang nangyari doon sa football player diyan po sa … kailan lang po ang pangyayari.

Iyang mga patayan ng NPA, iyan ang dapat tinitingnan ng ICC, hindi ang patayan dahil po sa isang valid and legitimate exercise of police powers – the war against drugs. Sasayangin lang nila ang panahon, sasayangin lang nila ang resources ng hukuman dahil without cooperation from the Philippine state, hinding-hindi naman makakabuo ng kaso kung hindi base sa ebidensiya na hearsay at galing mismo sa mga komunista at pulitikong kalaban ng Presidente.

Which brings me to the last point: Sino bang naghain niyang kasong iyan? Hindi ba ngayon gustong tumakbo ng presidente o bise presidente. Hindi ba pulitika ang dahilan kung bakit isinampa ang kasong iyan?

At pulitika rin ang dahilan kung bakit si Prosecutor Bensouda ay nagsampa, dahil ang pula sa kaniya ay ang kinakasuhan lang niya ay mga kapwa Africano niya; kinakailangan niyang magkaso nang hindi Africano para patunayan na hindi totoo na kaya lang niyang magsampa ng kaso sa kapwa Africano niya. And good luck to her political career in her home state, pero not at the expense of Presidente Rodrigo Roa Duterte.

This is now a political issue. Hinding-hindi magku-cooperate ang Presidente hanggang tapos ng kaniyang termino sa June 30 of 2022. Hindi po natin alam kung ano ang magiging polisiya after 2022. Iyan po ay bibigyan po ng kasagutan kung sinuman ang susunod na presidente ng Pilipinas.

Nais ko pong ibigay ang rostrum ngayon doon sa inaakusahan ni Prosecutor Bensouda na pumapatay ng sibilyan dahil sila ay sibilyan, ang namumuno ng institusyon ng kapulisan para sagutin: Totoo ba ang sinabi ng Bensouda na iyan na ang kapulisang Pilipino ay pumapatay ng mga sibilyan dahil sila ay sibilyan? Hayaan na po nating si General Eleazar ang sumagot niyan.

Maraming salamat po.

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Thank you very much, Secretary Harry Roque. So, well, iyong gusto kong banggitin kanina na binanggit ni Secretary Roque na the PNP eh kami po ay willing na iyong mga dokumento sa amin na ang depository is Internal Affairs Service is puwede pong available iyan na repasuhin ng ating DOJ. In fact, with the guidance of SILG, noong nakausap ko po ang ating minamahal na Secretary of Justice, Secretary Menardo Guevarra, eh iyon nga pong mga cases namin na mayroong initial … may mga findings of lapses ang ating Internal Affairs Service ay sinabi po namin na available for them. In fact, 53 of them were already turned over to them dahil iyong mga remaining ay hindi maibigay kasi subject pa rin sila ng appeal or hindi pa totally resolved.

So the other cases that we have, the same manner. Wala pong magiging problema since we believe that—well, definitely, the DOJ has the imprimatur of the President to conduct its review. Kaya kami naman, wala naman kaming tinatago sa mga dokumento na iyan kaya ipapakita po namin sa DOJ. But outside of DOJ, nasa chain of command tayo and we will seek guidance through the SILG. But with regard to the DOJ, available po iyan at kasama iyan sa aming pag-uusap.

Kaya gusto kong i-clarify: All these documents that we have pati na rin iyong sinasabi natin na imbestigahan ng IAS natin, all the cases of anti-illegal drug operations that resulted in the death of the suspects or even the policeman, puwede po iyan na ma-review ng DOJ.

At tungkol naman doon sa inaakusahan ang ating pulis ay wala pong katotohanan iyan. Laging malinaw naman ang sinasabi ng ating Pangulo. And on the series of conference that I attended ay laging sinasabi niya na ‘gawin iyong tama!’ Pero sinasabi rin niya dapat ay proteksiyunan ang ating sarili; huwag naman tayong papayag na pagdating doon ay nandoon sa sitwasyon na nasa panganib ang buhay ay ikaw pa ang unang mamamatay.

In fact, during my assumption—well, when I took my oath, I took my oath as the Chief PNP, isang klaro lang ang marching order niya sa akin: Do what is right and legal!

At kahit sa iba’t ibang mga meetings na inatendan ko, doon naman lagi nag-i-evolve ang sinasabi niya: ‘Ang kaniyang pulis, ang kaniyang kasundaluhan ay kaniyang mahal na binibigyan ng proteksyon pero kapag gumawa ng kalokohan ay hindi kukunsintihin.’

That’s why in my case as the Chief PNP, ganoon din, pinakita rin natin itong mga ibang mga pulis natin na nagmamalabis, imbestigahan and through due process, kasuhan natin iyan. At itong mga dating mga nangyaring kaso na, just like what I’ve said, the documents are available; we’re just seeking guidance from SILG. But wala pong dapat na itago dito as long as—if the DOJ wants this document available for their review.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Roque and General Eleazar.

Iyong first question po ni Leila Salaverria, similar question ni Maki Pulido ng GMA-7, Pia Rañada ng Rappler, Maricel Halili ng TV-5 and Jo Montemayor ng Malaya ay nasagot na rin po ni Secretary Roque.

Ang follow up question po ni Leila Salaverria, Secretary: Why won’t the government just cooperate in the probe to prove the ICC wrong if it believes it has done nothing wrong?

SEC. ROQUE: Because in the first place when we became a member, noong tayo po’y sumapi sa ICC ang sabi natin, na ang korte ay gagalaw lang kapag wala pong mga domestic na mga institusyon na pupuwedeng mag-imbestiga. Hinding-hindi po tayo pumayag na ang ICC ang magsa-substitute sa ating lokal na piskal, sa ating lokal na hukuman. Wala pong hadlang para imbestigahan ang mga kasong ito sa Pilipinas at in fact marami nga pong kasong nakabinbin ngayon sa hukuman – hindi lang po for murder, mayroon pa tayong mga writ of amparo, writ of habeas corpus – at lahat po iyan ay inaaktuhan ng ating hukuman.

Pasensiya na po kayo, naging emotional po ako kanina. Wala po akong binabasa, galing po sa puso iyon. Insulto po kasi sa lahat ng Pilipino para sa isang dayuhan gaya ni Bensouda at para sa kapwa Pilipino na magsabi na iyong mga legal institution natin sa Pilipinas ay hindi gumagana at hindi nagbibigay-katarungan. Insulto po iyan. Maku-compare tayo sa mga country gaya ng Darfur, iyong mga lugar na wala talagang gumaganang gobyerno. Hindi po tama iyon. Tingnan ninyo po kung sino mga may kaso sa ICC, iyan po ay galing sa mga hurisdiksyon na hindi talaga gumagana ang hukuman.

How dare you say that the Philippine legal system is not working. Emotional issue po ito for all lawyers and for all Filipinos. Hindi po, hindi tayo ganiyan sa Republika ng Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Question from Pia Rañada ng Rappler: The ICC Prosecutor pointed to multiple eyewitness, NGO and media accounts of police involved in extrajudicial killing [garbled] war [garbled] ICC Prosecutor [unclear] evidence to determine these killings constitute crimes versus humanity.

SEC. ROQUE: Kaya nga po sinasabi ko, it will not also be in pursuit of substantial justice dahil paratang po iyan ng mga grupo na talagang kontra po sa ating Presidente. Hindi lang po iyan leftist, marami po diyan – legal fronts; hindi po ako nagri-red baiting. Totoo naman po iyon at halos lahat po diyan na nagrireklamo eh kalaban ng gobyerno – kasama na po iyong nagsampa ng kaso na ngayon malalaman din ng ICC ay tumatakbo para mas mataas na posisyon na presidente or bise presidente. Pulitika po ito. Eh bakit naman kasi hinayaang mag-proceed ng investigation.

Pero ulitin ko po, wala pa pong kaso ang Presidente ha. Ito po bagama’t mayroong pretrial chamber na mag-o-authorize ng investigation, hindi pa po kaso iyan. Iyan po’y akin to a preliminary investigation na dapat aprubahan ng pretrial chamber. Matapos po ang preliminary investigation, doon lamang magsasampa ng kaso – at doon sila magkakaroon ng problema. Kasi sa preliminary investigation, hindi tayo magku-cooperate. Hinding-hindi tayo magku-cooperate dahil hindi na tayo miyembro at kahit anong pilit na gawin nila hindi tayo magku-cooperate.

Paano sila makakasampa ng kaso? Makakasampa ba sila ng kaso on the basis of what Joma Sison said alone? On the basis of what Sonny Trillanes said alone? Paano ngayon ‘yan?

Next question, please.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, from Pia Rañada pa rin: If Duterte administration is indeed sincere about bringing drug war abuses to justice, why are the only conviction of drug-related EJKs the cops in Kian delos Santos murder?

SEC. ROQUE: Excuse me! Kailan ba nagsampa ng kaso si Trillanes? 2018. Anong taon ngayon? 2021. Anong stage natin? Formally mag-i-investigate ka pa lang! Kung mabagal ang proseso sa Pilipinas, mas mabagal po ang proseso sa ICC dahil wala pa ngang preliminary investigation, tatlong taon na ang lumipas. Eh bakit nagdi-demand tayo nang napakabilis na proseso dito sa Pilipinas?

‘Di ba po? Hindi ninyo na ba naisip iyon? Ang kaso ‘pag naisampa sa piskalya 90 days kinakailangan maresolba otherwise walang suweldo ang piskal. Itong Bensouda took 3 years bago man lang siya magdesisyon, “Ay tapos na iyong aking preliminary investigation. Magsisimula na ako ng investigation.” Tapos sasabihin natin wala daw effort sa Pilipinas. Matagal po ang proseso pero iyon po ang halaga ng tinatawag nating due process.

USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla ng Business Mirror: [Garbled] remaining quarantine restrictions which will take effect starting June 16, 2021 [garbled] Bulacan and NCR?

SEC. ROQUE: Well [laughs] naiba na tayo ng topic ‘no at pampababa ng alta presyon. Can we show the Power Point?

Ito po ‘yung iba-ibang quarantine classification ‘no. Kagabi naman po inulit ko ‘no na iyong mga napakaraming lugar na nasa MECQ, wala po tayong mass gathering. Hanggang sampung porsiyento lang po ang pupuwede. Kasama po diyan iyong mga simba, kasama po ang mga libing – hanggang sampu or sampung porsiyento lang po.

Now ‘ayan po, nakikita na natin sa screen ‘no. Now ang importante po sa lahat ng quarantine status, bawal po ang entertainment, ang recreation, amusement, ang traditional cockfighting. Pupuwede po ang PCSO dahil pinayagan. Pupuwede po ang horse track betting, off track po dahil pinayagan. At sa lahat po ay bawal po ang contact sports.

Now ang magkakaiba po, sa mga gyms okay. Sa MECQ po walang gym. Sa GCQ mayroong gym, 50%. Pero doon sa mayroong heightened restriction, wala rin pong gym. Pero sa Metro Manila—wait po ha, baba po natin ito. Iyong GCQ with restrictions sa Metro Manila allowed na po sila 30% pero kung mayroon silang Safety Seal up to 40%. Okay, up to 40% po iyan. Okay.

Ibalik natin sa gym para isa-isahin natin para sigurado tayo. Sa GCQ with restrictions, June 16—mali pa ako. It’s 20% pero 30% with Safety Seal pero this is for June 16 to 30. Okay. Pero doon po sa mga GCQ with heightened restriction, wala pa pong gym. Okay? So I hope that clears it po ‘no pursuant to this table.

Ang indoor attraction po allowed po sa GCQ with restrictions dito po sa Metro Manila at saka sa Bulacan, 30% pero ito can be increased by 10% kung mayroon Safety Seal. Okay.

So, okay. Ano pa po ang mga—ipu-post ko na lang po itong graph na ito para sa benefit ng ating media.

Iyong venues for meetings bawal po sa MECQ, allowed sa GCQ. Sa Metro Manila at Bulacan 30%, mayroon pang additional 10% kung may Safety Seal. Pero GCQ with heightened restrictions hindi po allowed, sa MGCQ allowed. Okay.

Iyong personal care – barbero at saka mga salons – 50% sa GCQ, 50% sa Metro Manila and Bulacan plus 10% kung mayroong Safety Seal. At GCQ with heightened restrictions sa Laguna, Cavite, Rizal, 30% at 10% additional if mayroong Safety Seal. Sa MGCQ allowed po sila.

Outdoor tourist attractions 50% sa GCQ, 50% sa Metro Manila and Bulacan, 30% po sa Laguna, Cavite at Rizal. Sa MGCQ po 75% allowed.

Allowed po ang mga specialized markets of the DOT. Allowed po ang staycations.

Sa indoor dining, dito po ang importante, 50% po ang allowed sa GCQ; hindi po allowed sa MECQ, pero sa Metro Manila at sa Bulacan 40%. Ito po kaya ako na-confuse kasi iba iyong percentage ng gym at saka ng restaurant. Sa restaurant po, 40% allowed; pero kung mayroong safety seal, additional 10% up to 50% ‘no. Sa with restrictions po sa Laguna, Cavite at Rizal, 20% plus additional 10% kung mayroong safety seal; sa MGCQ allowed. Sa outdoor dining naman po, even under MECQ, 50% allowed; 50% allowed po sa lahat ng classification; allowed fully sa MGCQ.

Religious worship, 10% po sa MECQ, 30% sa GCQ, sa GCQ with restrictions, sa Metro Manila at saka sa Bulacan, 30% up to 50% if allowed by LGU. Sa GCQ with heightened 10% po, up to 30% with consent of LGU, ang MGCQ hanggang 50%.

Hindi po allowed ang inter-zonal travel sa MECQ, pero sa lahat po ng mga iba pang restrictions or classification allowed, pero kinakailangan sumunod po sa restrictions ng tatanggap na LGU, okay.

So ang inter-zonal po, sa MECQ, sa GCQ generally hindi po allowed except for obtaining essential goods, for work at saka kung mayroon pong point to point travel complying with the guidelines issued by the Department of Tourism.

Ngayon, lahat po din ay homeliners, except that the seniors nga po na fully vaccinated can go out in areas covered by GCQ and MGCQ; hindi pa rin po allowed ang mga fully vaccinated na lumabas ng bahay sa MECQ. We will post this is our webpage.

Next question please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, question from Maricel Halili ng TV 5: Sabi daw po ni Congressman Rodriguez, pinabayaan ang Mindanao kaya nagkaroon ng surge sa COVID cases. Hindi raw kasi sila agad binigyan ng additional vaccines kahit ilang beses na sila nanghingi. Ano po ang inyong masasabi dito? Napabayaan nga ba sila?

SEC. ROQUE: Hindi po totoo iyan. Mayroon pong mga datos na nagpapakita na kaya din nag-surge po sa ilang parte ng Pilipinas – sa Visayas and Mindanao – eh kasi hindi nag-ECQ, hindi nag-MECQ. At talagang bumaba po ang compliance with the minimum health protocols. Now, uulitin ko po, bagama’t sinasabi natin na binigyan ng prayoridad ang Metro Manila plus, that’s only to the extent of around 38% of the vaccines. But the remaining balance are still delivered to the rest of the Philippines pursuant to equitable distribution as mandated by the President. So hindi po totoo iyan na ginipit natin ang ibang parte ng Pilipinas, hindi po. Inuna lang natin iyong una na pinakamataas ang numero, pero ngayong tumataas po sa iba, nagpapadala rin tayo ng karagdagang bakuna sa mga lugar na iyan. At saka ang pagkalat po ng sakit, hindi po iyan dahil sa kawalan ng bakuna, iyan po ay dahil bumaba ang compliance with minimum health requirements. Mask, hugas, iwas pa rin.                

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Why did the President decide to suspend the abrogation of the Visiting Forces Agreement (garbled) the country’s benefits from VFA?

SEC. ROQUE: Okay, salamat po diyan. Ang naging desisyon po ni Presidente, palawigin pa iyong pag-terminate niya sa VFA. Bakit po siya nag-decide? Kasi hindi pa siya maka-decide sa ngayon kung talagang gusto na niyang i-terminate ang VFA at mas mabuti for the time being na hayaan munang umiral pa ang VFA hanggang wala pa siyang pinal na desisyon.              

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po, Secretary Roque. And thank you, General Eleazar at iba pang mga bisita.

Samantala, antabayanan po ninyo ang Public Briefing #LagingHandaPH. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Since wala na tayong katanungan, unang-una, maraming salamat po kay PNP Chief Eleazar. Maraming salamat for your hospitality. Maraming salamat po sa lahat ng opisyales ng PNP at saka sa DOH na nagsagawa ng A4 vaccination dito ngayon sa Camp Crame. Maraming salamat sa mga kasama natin sa media galing sa Defense/PNP Press Corps at saka sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat, Usec. Rocky.

Sa ngalan po ng Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi sa buong daigdig: Kaming mga Pilipino, mayroon po kaming mga batas, mayroon po kaming katarungan, hindi namin kinakailangan manghimasok ang dayuhan pagdating po sa katarungan.

Magandang umaga po sa inyong lahat.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)