Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: [DIALECT], Pilipinas. Narito po tayo sa Lungsod ng Baguio para dumalo sa isang workshop for the Development of the National Action Plan Against COVID-19 for Phase IV.

Muling humarap po si Presidente Rodrigo Roa Duterte para sa kaniyang regular Monday Talk to the People Address. Ini-report ng Food and Drug Administration sa Pangulo na binigyan nito ng Emergency Use Authorization o EUA ang Sinopharm COVID-19 vaccine. Ilan sa mga nabigyan ng FDA ng EUA ay ang Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V at Pfizer.

Kaugnay nito, umapela ang Pangulo sa taumbayan na kumpletuhin ang pagbabakuna. Inatasan niya ang mga lokal na pamahalaan na hanapin ang mga indibidwal na naka-miss ng second dose nila ‘no.

Ini-report naman ng Department of Interior and Local Government na nakapagsampa na ito ng anim na kaso laban sa mga barangay official na nabigong maiwasan ang mga super spreader events sa kanilang nasasakupan. Kabilang dito ang isang report sa Caloocan; sa San Jose, Navotas; isang boxing match sa Tondo, Manila; isang insidente sa Norzagaray, Bulacan; at sa Malay, Aklan; at sa isang club sa Cebu City.

Samantala, ipinahayag ng Pangulo ang kahandaan ng pamahalaan na i-calibrate ang government response o magpatupad nang mas mahigpit na mga hakbang, ito ay kung patuloy ang pagsuway sa mga health at safety protocols.

Nanawagan din si Presidente sa taumbayan sa maayos na pagtatapon ng medical waste. Dagdag ng Pangulo, tumaas ang medical waste sa panahon ng pandemya.

Usaping bakuna naman po tayo: As of June 8, 2021 – 9,329,050 doses na mga bakuna na ang dumating sa Pilipinas. Kabilang dito ang 6.5 million na Sinovac; 2,556,000 na AstraZeneca; 80,000 na Sputnik V; at 193,050 na Pfizer.

As of June 7, 2021, ayon sa datos ng NTF, nasa higit na aim na milyon na o 6,096,208 doses ng COVID-19 vaccine ang na-administer. Nasa 1,604,260 naman po ang mga Pilipino ang nakatanggap na ng complete dose ng COVID-19.

COVID-19 updates naman po tayo: Mayroon tayong 6,539 na mga bagong kaso ayon sa June 7, 2021 datos ng DOH. Nagpapasalamat kami sa magaling, masipag at dedicated medical frontliners dahil patuloy ang pagtaas ng gumagaling. Ninety-three point seven percent (93.7%) po ang gumaling sa coronavirus; nasa 1,195,181 ang bilang ng mga naka-recover.

Samantalang malungkot naming binabalita na nasa 21,969 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.72% po ang ating fatality rate.

Ito naman po ang confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset Philippines as of June 7, 2021: Makikita na nag-plateau ang mga kaso sa buwan ng Mayo. Ngunit makikita rin ang posibilidad na pagtaas ng mga kaso sa katapusan kaya huwag nating ipagwalang-bahala ang paalala na mag-mask, hugas, iwas at bakuna sa mga pupuwede na.

Ang tanong: Saan ba nanggagaling ang pagtaas? Sa Visayas na represented ng light blue line, makikita na may pagbilis na pagtaas. Sa Mindanao na represented ng orange line ay patuloy din ang pagtaas. Malaki ang binaba sa Metro Manila na asul na linya.

Kumustahin naman natin ang average daily attack rate (ADAR) at two-week growth rate. Patuloy ang pagbaba nito – mula 10.06 noong May 9 to 22, ang ADAR ay naging 7.45 sa NCR. Sa buong Pilipinas, tumaas ito nang bahagya – mula 5.41 ADAR noong May 9 to 22, ito ay naging 5.56. Patuloy rin ang pagbaba ng ating two-week growth rate – mula -47 noong May 9 to 22, ito ay naging -26 sa NCR. Sa buong Pilipinas, mula -21% noong May 9 to 22, ito ay naging three percent noong May 23 to June 5.

Pumunta naman po tayo sa hospital care utilization rate:

Mula 54% noong peak April 13 to 15, ito ay naging 50% noong June 5.
Ang ating isolation beds ay nasa 48% noong June 5 mula 51% noong peak April 13 to 15.
Ang ating COVID-19 ward beds ay 49% noong June 5 mula 57% noong peak April 13 to 15.
Ang ating ICU beds ay nasa 58% noong June 5 mula 68% noong peak April 13 to 15.
Ang mechanical ventilators naman ay nasa 39% noong June 5 mula 48% noong peak April 13 to 15.

On other matters, nagpalabas ang Office of the Executive Secretary ng isang memorandum na nag-extend ng diversion ng international flights bound for Mactan-Cebu International Airport sa Ninoy Aquino International Airport hanggang June 12, 2021. Ito po ay para maayos iyong pag-i-implement ng IATF arrival protocols sa Cebu.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama natin ngayong tanghali si Dra. Lulu Bravo, professor emeritus ng University of the Philippines, College of Medicine at director ng Philippine Foundation for Vaccination at chairperson of the National Adverse Events Following Immunization Committee.

Doc, ano po ang balita sa mga adverse events ng mga bakuna? Mayroon na po tayong naibigay na mga six million doses, marami ba ho ang mga adverse events? The floor is yours, Dra. Bravo.

  1. LULU BRAVO: Thank y0u very much, Secretary Roque.

Actually, iyon ang magandang balita sapagka’t dito sa aming almost three months of monitoring, wala kaming nakitang masamang epekto ng bakuna. Walang red flag, walang masamang signal. Of course, may nangyayaring adverse events. Almost three percent ang reported, in fact, underreported nga iyan because ang tingin namin kung titingnan mo clinical trials, ang mga adverse events or iyong tinatawag na reactions could go up as high as 30, 40 percent. Pero iyong mga reported is only three percent, under nga, ayaw na nilang mag-report.

However, okay, ang ating mga tinatanong sa ating mga … ang sinasabi nila eh papaano naman po may nalaman kami na nagkaroon ng ospitalisasyon, namatay, nagkaroon ng masamang nangyari after vaccination.

Ito po ang masasabi namin sa inyo: Iyon pong mga nangyaring iyon, ang pinakamasaklap po ay iyong nagkakaroon ng COVID hindi po dahil sa bakuna kung hindi nakakuha sila ng COVID dahil, number one, mayroon na silang COVID bago sila nabakunahan, or mayroon po silang ilang araw pa lang nakakapagbakuna noong sila ay magka-COVID so hindi pa po sila protektado. Kaya importante iyong second dose, ano po.

Number two, mayroon pong nagkakaroon ng sakit pero hindi po dahil sa COVID vaccine, iyon po ay dahil sa kanilang hindi nagamot na underlying condition kagaya ng heart disease, diabetes, alta presyon. Pero ang magandang balita rin diyan alam mo, mas marami ang naisasalba kung kayo po ay magpapa-check up bago kayo magpabakuna kasi nakikita po na puwede pala kayong gamutin bago kayo magpagamot.

And number three, I would like to say that the real, real contraindication to vaccination is iyon pong allergy. Kasi kapag kayo po ay napatunayan na mayroon kayong allergy doon sa first dose ng bakuna, kayo po ay maaaring baguhin ang second dose. Hindi na po ibibigay sa inyo iyong second dose. And those are very, very small, napakaliit lang po ng porsiyento na masasabi nating tunay na nagkaroon ng allergy or anaphylaxis, at iyon naman po ay nagagamot.

So ang magandang balita dito, Secretary, is that ang pagbabakuna po sa loob ng tatlong buwan or sa mahigit na limang milyon na nabakunahan sa Pilipinas at mas higit pong isandaang eksperto ang tumututok sa mga adverse event mula sa Luzon, Visayas and Mindanao. Iyon po ang ginagawa ng ating mga eksperto, tutukan iyong mga nari-report na adverse event. Wala po kaming nakikita na makakasama sa pagbabakuna. Ang nakakapag-ospital po at ang nakakapagmasamang nangyayari ay kung hindi po nagamot iyong kanilang underlying condition. At iyon din pong mga elderly na kung minsan ay hindi talaga nila alam kung ano iyong kanilang sakit.

At ito pa ang isang magandang balita: Alam mo ba noong ikumpara namin iyong mga nagkakasakit pagkatapos mabakunahan kumpara doon sa mga normal na hindi naman nagpapabakuna at ang tinatawag natin ay iyong general trend ‘di ba? Aba! Eh mas maraming nakikita kaming may sakit at nagkakaroon ng sakit sa puso, inaatake, nag-ii-stroke doon sa hindi nabakunahan kaysa doon sa nabakunahan. At iyon tingin ko ay magandang magagawa ng ating mga kababayan, magpabakuna po kayo.

Pero doon sa mga may edad na takot magpabakuna, wala po kayong dapat alalahanin sapagkat ang nangyayari po pagkatapos ng bakuna ay iyon lang pong mga dati ninyong sakit. Kaya kung kayo po ay magpapagamot ay maganda ang nagiging resulta sapagkat mas marami pong nailligtas kapag nalaman nila na sila pala ay may alta presyon at nagagamot agad.

Iyon ang aming nakikitang parang silver lining eh, kaya maski na marami tayong sinasabing report na may adverse event, iyon naman po ay mga minor kagaya ng lagnat, kagaya ng pagsakit ng ulo, pagkakaroon ng sakit ng tiyan, iyong medyo nasusuka-suka or nagtatae, iyan naman po ay expected natin na nadadala talaga ng minor, tawag natin. Eh, lahat naman po ng bakuna eh may ganiyang side effect.

So, ang gusto lang po nating ipahatid sa ating mga kababayan, Sir Harry, is the fact na hindi po sila dapat matakot sa bakuna. At kung kayo naman po ay gustong tumaas pa ang kumpiyansa eh mabuti po magpa-check-up na rin kayo ng inyong blood pressure, ng inyong blood sugar, bago kayo magpabakuna nang sa ganoon mas kampante tayo at mas kumpiyansa at tiyak po natin mas maililigtas kayo sa mga adverse event.

So, over to you. Iyan ang aking importanteng mensahe sa araw na ito.

SEC. ROQUE: Thank you. Dr. Lulu Bravo para sa mga napakagandang balita na ibinigay ninyo sa amin ngayon na walang seryosong adverse reaction ang mga bakuna. Tanong ko lang po, doon sa mga kakaunting mga reports ng adverse reaction, mayroon ba hong isang particular na brand na bakuna na pinakamaraming nari-report na minor na mga adverse events?

  1. BRAVO: Well, Sir Harry, iyong Sinovac ang pinakamataas niyang adverse event ay iyong pagtaas ng blood pressure at iyon naman ang sinasabi natin ay magagamot kung kayo po ay mabibigyan ng inyong maintenance or iyong tinatawag nating anti-hypertensive drugs.

Sa Astra naman, ang pinakamataas na nakikita natin ay iyong tinatawag na fever or nagtsi-chills or matamlay ang katawan. Iyan iyong mga mas maraming nakikita.

At dito naman ngayon sa Pfizer, mayroon na rin tayong nakikitang fever and chills at nakikita naman natin, kakaunti pa lang kasi iyong sa Gamaleya, pero common na talaga or pangklahatan ay iyong talagang lagnat at pagtamlay ng katawan. Iyan ay expected natin at talaga namang ipinapaalam natin iyan sa ating mga kababayan kapag sila ay binabakunahan. Pero ito iyong kumbaga sa mga tao eh nag-aalala sila, iyong very, very rare okay? Iyong napakaliit na tiyansa, sabi natin huh, one in a million tiyansa na mayroon pong magkaroon ng tinatawag nating clotting. Nakita din po natin iyan kasi mayroon na tayong almost five million ‘di ba?

So, if you look at this, we have seen at least five kasi one in a million, mayroon na rin tayong makikita na mga around five na tinatawag nating clotting or parang nagkaroon ng coagulation defect na posible pong mag-bleed, posible pong magkaroon ng tinatawag na bara ang inyong mga veins. Iyon po ay puwedeng magamot kung ito po ay iri-report ninyo sa lalong madaling panahon.

Alam mo kasi, Sir Harry, kung minsan hindi naaagapan iyon at mayroon ng isa o dalawa na hindi naagapan, kasi iyong mga tao natakot mag-report or natakot pumunta sa ospital kasi sabi nila baka sila masabihan na may COVID and hindi ho maganda iyon. Kayo po ay sinasabihan natin na kapag kayo po ay nagkaroon ng karamdaman after vaccination, mas mabuti po na magpunta na kayo, mag-report sa inyong vaccination center or doon sa ospital at huwag po kayong matakot dahil sa lalong madaling panahon na makita ang inyong adverse event ay magagamot naman po. Ang nakita lang nating masaklap, Sir Harry, is kung hindi sila mag-report and too late kapag sila ay pumunta sa ospital.

So, over to you.

SEC. ROQUE: [OFF MIC] please join us in our open forum, in case iyong ating mga colleague sa Malacañang Press Corps have questions. So, tuloy na po tayo sa ating open forum.

Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. May tanong si Leila Salaverria of Inquirer, hindi ko lang po alam kung ito’y nakasama na ninyo sa presentation kasi late po ako nakapasok. Pero ang question po niya: Will the Palace fund the back pay and differential pay of the previously demoted nurses whose positions have since been corrected under a memorandum issued by Executive Secretary Medialdea? In PGH alone, nurses are seeking 43 million pesos. If yes, what will be the source of the funds? From Leila Salaverria of Inquirer.

SEC. ROQUE: [Technical problem] iyong mas mataas ang sahod ‘no ng ating mga nurses. Ito po ay desisyon naman po ng Korte Suprema ‘no, iyong Paquiz decision ‘no, ANG NARS ang naghain po ng kasong ‘yan ‘no. So prospective wala pong problema but we are seeking guidance po from the Executive Secretary kasi iyong kaniyang memorandum na in-issue is effective June 1 ‘no. So aalamin po natin kung anong magiging desisyon sa back pay.

Now iyong prospective naman po, hahanapan po ng DBM item sa DOH budget kung saan kukunin ‘no iyong halaga na kinakailangan para doon sa increase ‘no. At kampante naman po si Secretary Wendel na makakahanap tayo ng pondo sa existing budget ng DOH. Pero doon po sa back wages ‘no, kaya nga po humihingi ng guidance kasi mukhang wala pong sapat na funding for that for now. So, but huwag naman tayong mag-alala kung ang guidance ng ES ay magbibigay ng back pay eh pupuwede naman po iyang isama sa 2022 budget ‘no.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Leila Salaverria: Now that Sinopharm has an EUA, does this mean the Palace will now use the 1,000 doses that the President earlier said should be returned to China? If yes, where will be the doses be used?

SEC. ROQUE: Opo. Kaya nga po kumuha na ang DOH ng EUA para dito sa mga donated na 1,000 na Sinopharm. Saan po gagamitin? Well, kasama na po diyan iyong second dose ni Presidente dahil hindi pa po nagkakaroon ng second dose ang ating Presidente dahil inaantay nga po itong EUA.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: What is now the government’s policy daw po for LGUs that want to impose protocols different from that of the IATF?

SEC. ROQUE: [Off mic] po na in-issue ni Executive Secretary na nag-extend ng diversional flights from Mactan, Cebu—medyo malabo po ang sound system. Pakiayos po lang ang sound system. Nag-i-echo… Antayin lang po natin maayos iyang sound system.

So ulitin ko po ‘no. Iyong memorandum po na in-issue ni Executive Secretary extending the diversion of international flights intended for Cebu to Manila was issued last 5 June ‘no. At ang nakasulat dito po: “To ensure that upon resumption of international flights to Mactan-Cebu International Airport, the travel and testing protocols approved by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases will be fully and seamlessly implemented, this office extends the diversion of international flights bound for MCIA to Ninoy International Airport until 23:59 hours of 12 June 2021.”

So inaasahan po natin that on the 13th of June, the IATF protocols on arriving OFWs and OFs will be implemented in Cebu. Iyan po ay according to the memorandum issued by the Executive Secretary dated 5 June 2021.

Next question, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Iyon po muna, Secretary. Ang susunod pong magtatanong ay si Mela Lesmoras via Zoom.

SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon, Secretary Roque. Just a quick follow up about sa order ng Office of the Executive Secretary. So ibig sabihin po ba Secretary Roque, kapag nawala na iyong diversion of flight sa Cebu, ang mangyayari na, kailangan katulad na ng testing at quarantine protocols sa buong bansa iyong paiiralin sa Cebu? Tama po ba?

SEC. ROQUE: Yes. That is what appears in the memorandum of the Executive Secretary.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Secretary Roque, doon naman po tayo sa National Vaccination Program. Linawin lang po natin kasi I understand dito nga sa A4 marami pong natuwa na marami nang kasama sa ating economic frontliners. But just to clarify kasi paulit-ulit din nating nililinaw na ito ay para sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa labas ng kanilang bahay.

Pero paano naman daw Secretary Roque iyong mga work-from-home na under alternative work arrangement dahil nga pa rin sa COVID-19 pandemic? Are they included po under sa A4 kasi anytime puwede naman silang pabalikin sa opisina para naman personal na magtrabaho ulit? Ano po bang pasya natin para sa work-from-home?

SEC. ROQUE: Well, bagama’t ito po ay lilinawin ko ‘no pero iyong mga nasa work-from-home na normally nasa work at the premises ‘no, sila po ay normally ‘pag pinari-require na sa trabaho nila eh makakasama sa A4 ‘no. Ito naman po ay temporary work arrangement lamang habang may pandemya at in fact sa gobyerno ay 30% skeletal force lamang. Pero sa tingin ko po, although this is subject to verification, kasama po sila kasi iyong mga taong-gobyerno ‘no for instance ‘no, skeletal workforce ang utos ng ating Executive Secretary ‘no. Hindi naman ibig sabihin na palibhasa hindi sila kasama doon sa 30% workforce eh hindi na sila mapapabahagi doon sa A4. Kaya po natin sila isinama para nga po tuluyan nang maging normal ang work arrangements ng ating mga nagtatrabaho sa pribado at pampublikong mga sektor.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. And Secretary Roque, follow up lang po sa public address kagabi. Kasi nabanggit din ni Secretary Galvez na iyong A5 ay anytime soon tina-target din na maisama na sila sa vaccination. May specific date po kaya tayo kung kailan na maisasama iyong A5; at ‘pag po ba sinabi nating kasama na rin iyong A5, ibig sabihin po ba nito general public puwede nang magpabakuna?

SEC. ROQUE: Well, wala pa pong petsa na naanunsiyo at ito po ay subject to availability of vaccines. Pero ang report naman po ni Secretary Galvez kagabi at napanood naman po natin lahat iyan ‘no, beginning July/August talaga naman pong bubuhos na iyong ating mga supply. So we expect na pagbuhos ng supply eh mapapasama na po ang A5.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuling katanungan na lamang po, Secretary Roque. SA isang ulat sinabi ng OCTA Research nalagpasan na ng Davao City iyong highest average daily COVID-19 cases ng Quezon City. Ano pong reaksiyon ninyo rito at paano kaya natin matutugunan iyong sitwasyon sa Davao City lalo pa lagi pa naman sa Davao si Pangulong Duterte at kayo po rin sa IATF?

SEC. ROQUE: I don’t think it’s a fair comparison kasi ang Quezon City kasi kabahagi ng Metro Manila bubble at nalagay nga sa ECQ at MECQ ang Quezon City sa napakatagal na panahon ‘no. Hindi bababa sa two moths ang ECQ at MECQ, samantalang ang Davao naman po was under GCQ for a long period of time.

So, sabihin na lang po natin siguro na hindi tayo puwedeng magkumpara na apple to apple dahil iba iyong sitwasyon sa Davao. Kaya po siguro bumaba ang kaso sa Quezon City dahil nag-ECQ nga at nag-MECQ na hindi naman po nangyari sa Davao.

Pangalawa po eh ang Davao po is actually kumbaga the place where many people from the Davao Region seek medical assistance ‘no. So, hindi rin po maaalis iyong katotohanan na dahil ang Southern Philippine Medical Center caters to everyone in Southern Philippines, iyong mga datos ng mga COVID-19 cases include cases from the neighboring areas in Southern Philippines.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay! Balik tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, question from MJ Blancaflor of Daily Tribune: May we get daw po Palace reaction on the statement of Congressman Alan Peter Cayetano that President Duterte should not run for Vice President to protect his legacy? Will the President consider the advice of his former running mate? Similar question with Kris Jose of Remate.

SEC. ROQUE: I’m sure the President will listen to all these well-meaning remarks particularly galing po kay dating Speaker Alan Peter Cayetano na naging running mate niya noong 2016. Wala pa naman pong desisyon kasi si Presidente Duterte, so, lahat po ng gustong magmungkahi, magbigay ng suhestiyon, welcome naman po sila dahil nasa proseso pa lang ng pagdedesisyon ang ating Presidente.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Did the President mention politics during your meeting with him last night? Did he give his reaction to the PDP-Laban’s resolution convincing him to run for Vice President?

SEC. ROQUE: Wala po. Wala pong nabanggit kahapon. Yesterday’s IATF meeting was one of the shortest that we had. We ended rather early bagamat matagal po talaga iyong biyahe galing sa Davao so late na rin kaming nakauwi and the President also had a late engagement na doon din sa venue kagabi. So, wala pong pulitika, it was straightforward COVID kahapon.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: Did he comment on calls for the presidential bid of Mayor Sara? Is he worried or concerned that the Mayor will run for a higher government post next year?

SEC. ROQUE: Wala po. Wala pong kahit anong sinabi kagabi because as I said, it was a short meeting, a very short meeting and no politics po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Nabalitaan ko po na mayroon ng EUA iyong Sinopharm at DOH ang nag-apply sa FDA pero parang iba daw po iyong procedure. May opisina na rin ba iyong Sinopharm sa Pilipinas to be granted EUA by the FDA?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko po, iyong EUA was granted for the 1,000 donated. Kasi specific po iyong EUA na it was for the donated Sinopharm. So, kung mag-aangkat pa po ng mas marami, I think a separate EUA will have to be given to the entity na mag-i-import po niyan.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you for the clarification. I came across a drug called Arbidol Hydrochloride said to be anti-COVID. Pinagbibili na po online pero wala pang sagot sa akin si Director General Domingo kung ito ay aprubado na. Kung hindi ito aprubado, bakit ito nakakapasok sa online platform? Hindi po kaya smuggled ito?

SEC. ROQUE: Wala pong audio, Melo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Secretary, I hope you can hear me.

SEC. ROQUE: Hello, na-mute mo yata. Naka-mute ka.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Hindi po. Bukas po ako.

SEC. ROQUE: Ayan, naka-mute ka. Okay na. Okay, pakiulit. Sayang iyong sinabi mo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Mayroon po akong nakita, naka-advertise sa online Arbidol Hydrochloride. Binibenta na online at nag-message po ako kay Director General Domingo ng Food and Drug Administration pero wala pang sagot. I’d like to believe dahil ito ay under clinical trials pa, kung papaano nakakapasok sa online dito sa atin sa Pilipinas kung wala pang approval ng FDA.

SEC. ROQUE: Nawala ka ulit, nawala iyong last statement mo pero I think tama nga po na ipinagbigay-alam ninyo iyan kay Dr. Domingo dahil hurisdiksyon po ng FDA na ipatupad ang FDA Law na nagbabawal po ng pagbibenta ng gamot na hindi pa po nabibigyan either ng EUA or ng commercial use authorization.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Last concern po, Secretary Harry. The Department of Finance said maganda iyong kalakal noong Marso. Mayroong rebound iyong merchandise trade—. Hello?

SEC. ROQUE: Pakiulit po, nawala po ulit ang audio ninyo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Iyon pong Department of Finance nagsabi na maganda iyong exports at iyong imports natin noong Marso at sinasabi na indikasyon ito na mayroong rebound sa manufacturing activities at ito ay nagsi-signify ng economic recovery at ito ay nagsimula na. Subalit ini-report din ng Philippine Statistics Authority ngayon na iyong unemployment rate ay 8.7% noong Abril, mas mataas sa 7.1 noong Marso. Kasabay po ito ng briefing ng World Bank na iyong kanilang forecast ng gross domestic product sa Pilipinas ay 4.7% na lamang, mas mababa kaysa doon sa kanilang projection noong Marso at ito ay mababa rin doon sa forecast ng gobyerno na 6-7% growth this year. Sa ganitong datos, saan patungo ang ekonomiya ng Pilipinas, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, Melo, ang kasagutan ay dahil nga po sa mga new variants napilitan tayong mag-ECQ at GCQ with restrictions dito po sa Metro Manila +, where 63% of our GDP comes from ‘no. So, hindi po nakakapagtaka kung bakit tumaas muli ang unemployment rate kasi tatlong buwan po tayo nag-ECQ, MECQ, at GCQ with restrictions ‘no. Pero kinakailangan naman po iyan to achieve total health ‘no, na masigurado na minimize poverty at the same time control the dramatic in rise in cases dahil nga po sa mga new variants.

So, lahat po ng mga datos na iyan, unfortunately, dahil po sa pagsasara muli ng ekonomiya at ang kinabukasan po natin lalo na sa remaining buwan ng taong ito eh talagang taumbayan po ang magdedesisyon diyan, kinakailangan po talaga mask, hugas, iwas at bakuna. Pero ang istratehiya naman po natin unang-una is tangkain na ikontrol nga ang disease na ito para lalo tayong makapagbukas ng ekonomiya; pangalawa, patuloy pa rin iyong paggagamit natin ng fiscal at monetary policies na umaabot hanggang 2.7 trillion po ang ating ibinibigay na subsidiya ano; at pangatlo po, iyong pinabibilis nga po natin ang pagbabakuna.

At dahil nga po dito sa three-pronged strategy na ito ay tingin ko makakabawi tayo bagamat kagaya po ng sinabi ng World Bank, hindi siguro kasing bilis ng inaasahan natin noong ating plano dahil noong nagplano po tayo, hindi natin akalaing mag-e-ECQ tayo at MECQ tayo sa ganitong kahabang panahon.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po. Thank you very much. Good afternoon.

SEC. ROQUE: Good afternoon, Melo. Thank you. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Pabor ba ang pamahalaan sa nilulutong plano ng DOH na magkaroon ng vaccine passport? Kailangan ba talaga ang ganitong dokumento ng mga biyahero sa panahon ng pandemya?

SEC. ROQUE: Eh talagang makakatulong po iyan hindi lang sa domestic travel pati po sa international travel. At ang sinasabi ko nga, siguro magkakaroon talaga tayo ng uniform na passport ‘no na kikilalanin ng lahat. Pero iyang passport po will enable us na talagang makabalik na sa normal dahil kapag ikaw naman po ay nabakunahan na bagama’t hindi talaga sigurado na 100% hindi ka mahahawahan eh kahit papaano ay lalakas ang kumpiyansa natin ‘no, na kung magpapatuloy din nang mask, hugas, iwas ay halos maliit na talaga iyong tiyansa na tayo po ay magiging spreader ng COVID-19.

So hayaan na muna po nating ipatuloy ang proseso na pagbubuo nitong passport na ito, ito naman po ay ginagawa ng DICT in very close collaboration with the Department of Health. At tingnan po natin kung ano ang final product output because it can only lead to desirable events po.

USEC. IGNACIO: Opo. From Vanz Fernandez: Iyon daw pong recent death of the Far Eastern University athlete Keith Absalon after members daw po of the New People’s Army detonated an anti-personnel mine, killing Absalon and his relative. In line of this event, ano raw pong step ang gagawin ni President along with the NTF-ELCAC in his last year to finally end the obvious threat of the CPP-NPA from harming more innocent civilians and disturbing our peaceful lives?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po iyong paggamit ng land mine is an international crime. Hindi lang po iyan krimen dito sa Pilipinas, that is a crime against humanity; it is a war crime. Ipinagbabawal po iyan ng Ottawa Convention ‘no dahil ang land mines po ay nilalabag iyong prinsipiyo ng distinction sa International Humanitarian Law dahil kahit sinong paa po ay pupuwedeng mag-trigger ng pagsabog niyan, hindi lang paa ng mandirigma.

So iyan po ay isang international crime at importante na mahuli, malitis, maparusahan ang mga tao ng NPA na patuloy pong gumagamit ng landmines. Uulitin ko po: That’s an international crime – a crime against the international community. That is the worst crime that anyone can commit, and the NPA is guilty of it.

USEC. IGNACIO: Question from Ivan Mayrina ng GMA News: Reaksiyon daw po ng Palasyo sa pahayag ni Mayor Isko Moreno sa posibleng tambalang Duterte-Duterte sa 2022. Hindi raw po namamana ang posisyon at hindi raw siya buboto sa ganito dahil hindi siya pabor sa dynasty.

SEC. ROQUE: Alam ninyo po sa demokrasya, tama po si Mayor Isko Moreno. Wala pong nagmamana ng posisyon sa Pilipinas. Lahat po ng ating mga elected officials, halal po ng taumbayan. So taumbayan po ang magdidesisyon. Kung nagkataon kamag-anak ang [garbled], eh kabahagi po iyan ng ating [garbled].

Mayroon lang po tayong anunsiyo, kakapasok lang po na balita, mainit-init pa. In-appoint po ng ating President si Rear Admiral Adeluis S. Bordado as Flag Officer ng Philippine Navy at pinalitan po niya si Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo. Again, congratulations to Rear Admiral Adeluis Bordado, the new Flag Officer of the Philippine Navy.

USEC. IGNACIO: Opo, Secretary. Can you hear me? Secretary, mamaya kapag gumanda iyong audio—nag-echo kasi kayo kanina, Secretary. Mamaya ipapaulit po namin iyong appointment na binasa ninyo. Hindi po malinaw ang dating sa amin dito, Secretary.

SEC. ROQUE: Tinalaga po ng ating Presidente si Rear Admiral Adeluis S. Bordado as Flag Officer ng Philippine Navy. This is effective June 9, 2021.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Ivan Mayrina ng GMA News: May update na ba on the IATF assessment of Cebu sa testing and quarantine protocols? Will this not set a precedent for other LGUs to come up with their own protocols inconsistent with those set by the IATF and may result to confusion among the public? Similar question po ni Leila Salaverria ng Inquirer at ni Ryan Macasero ng Rappler Cebu.

SEC. ROQUE: Asked and already answered na po kanina.

USEC. IGNACIO: Ang third question po ni Ivan: Any update daw po sa VFA renegotiation? Is the President close to a decision and is he leaning towards continuing with the improved agreement? Similar question with Kyle Atienza of BusinessWorld.

SEC. ROQUE: Wala pa pong desisyon ang ating Presidente sa VFA.

USEC. IGNACIO: Ang fourth question po niya: World Bank forecasts for Philippine anew to 4.7% from 5.5% says possible resurgence in COVID-19 infections a key risk toward recovery.

SEC. ROQUE: Well, asked and answered na po iyan. Talaga pong ang forecast ay bumaba dahil tayo nga po ay nagsara muli ng ating ekonomiya noong tayo po ay nag-impose ng ECQ, MECQ, travel bubble dahil po iyan sa mga new variants na pumasok sa ating bayan.

USEC. IGNACIO: From Kyle Atienza of BusinessWorld: May update na po ba sa AO # 18?

SEC. ROQUE: It’s subject po for complete staff work sa Office of the President; although we acknowledge receipt of the request by Director General Plaza.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Unemployment rate in April rose to 8.7% from 7.1% recorded in March. This is equivalent daw po to 4.14 million Filipinos. Think tank IBON earlier said that the labor force grew by 3.8 million in March, meaning there’s still not enough work for everyone. What step daw po na gagawin made by the administration to mitigate unemployment and protect the country’s labor force amid a prolong pandemic?

SEC. ROQUE: Well, asked and answered po. [Garbled] coronavirus [garbled] paggamit ng fiscal and monetary policies para po ma-stimulate ang ekonomiya to the tune of 2.7 trillion at iyong ramp-up po ng ating National Vaccination Program.

USEC. IGNACIO: Third question po niya: Will the President look into the proposal seeking to restructure the AFP to increase the country’s maritime defense? Ano ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno to boost our maritime defense to deter foreign incursion sin Philippine waters?

SEC. ROQUE: Sa totoo lang po, matagal na po iyang in-implement ng ating Presidente. Siya lang po ang nagpasok ng dalawang modernong frigates galing po sa South Korea, at patuloy po ang kaniyang ninanais na tuluyang ma-modernize ang ating Hukbong Sandatahan dahil talaga namang hindi madidepensahan ang national teritoryo kung wala tayong kakayahan na dipensahan iyan.

So ipapatupad po ng Presidente hanggang sa huli ng kaniyang termino, COVID or no COVID, iyong kaniyang pagnanais na mapalakas ang ating Hukbong Sandatahan na maprotektahan ang ating teritoryo

USEC. IGNACIO: Opo. From Johnna Villaviray ng Asahi Manila for DR. LULU BRAVO: Pa-clarify lang daw po, did she say that those who developed a severe allergy from the first COVID-19 vaccine will no longer be given the second dose of the same brand or he won’t be given a second dose at all?

  1. LULU BRAVO: Tama po iyan. Tama po iyan, kung kayo po ay nagkaroon ng severe allergy or anaphylactic shock, kayo po ay hindi na eligible for the second dose. Maaari po kayong bigyan ng another dose most likely po iyong medyo pareho noong plataporma nung una ninyong dose pero hindi na po iyong inyong first dose.

Over to you. Thank you.

USEC. IGNACIO: Thank you, Dr. Lulu Bravo.

Secretary Roque, second question po ni Johnna Villaviray: Kung ang village daw po or condo management ay hindi pinatutupad nang maayos ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face shield at mask sa common areas, like corridors and driveways or parks, ano po ang puwedeng magawa ng residente at kanino po sila puwedeng magdulog ng reklamo? Puwede po ba sa barangay kahit private property ang condo or gated village?

SEC. ROQUE: Parang ang tanong mo, ano ang remedyo kapag ang mga building property managers ng mga condominiums ay hindi nagpapatupad ng health protocols. Well, puwede mong isumbong po iyan sa mga barangay because lahat po ng mga pribadong condominium still form part of the barangay ‘no. So pupuwede pong magpatupad diyan ang mga barangay at ang kapulisan ‘no, at pupuwedeng mareklamo din po iyong mga property managers na hindi sumusunod dahil iyan po ay disobedience to agents of authorities kapag binigyan na po sila ng ultimatum na ipatupad ang mga minimum health protocols.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya ay: Ngayong mas maluwag na po ang quarantine restriction sa NCR, puwede na po ba ang outdoor group exercise classes katulad ng Zumba at Tai chi?

SEC. ROQUE: Well, basta po outdoors, non-contact sports po ang Zumba so just observe social distancing po and wearing of mask. Allowed naman po iyan dahil it is non-contact sport po, iyong Zumba. Dito po sa Baguio allowed iyan at kung magsu-Zumba ako eh kasi parang ako iyong pinakamataba doon kaya hindi na ako magsu-Zumba sa Burnham Park.

USEC. IGNACIO: [Laughs] Secretary, natawa naman kasi ako sa iyo…

SEC. ROQUE: Ah, ikaw talaga oo [laughs]. Okay, go ahead po.

USEC. IGNACIO: Tanong po ni Alvin Elchico ay iyong iba po ay nasabi ninyo na sa mga tanong ng ating kasamahan at sa inyong presentation din. From Adrian Ayalin: Sarado ang vaccination sites sa Marikina and Antipolo dahil wala nang supply ng bakuna. Ano ang plano ng Palace? Sila ba ay uunahin sa sandaling may dumating na supply?

SEC. ROQUE: Well, naubos na po kasi ‘no iyong ating naunang na-distribute na. So we have distributed about 8 million of the 9 million na nakarating na ‘no. Pero mayroon naman pong dumating na Sinovac, kagaya ng sinabi kahapon ni Secretary Duque, although kinakailangan ng certificate of analysis eh ipakakalat na po natin iyong Sinovac na dumating kasama na po diyan iyong sa LGU sa Metro Manila habang inaantay po natin iyong certificate of analysis.

So, parating na po ang mga bakuna sa inyo. Hindi na po hihintayin iyong pagkatapos ng certificate of analysis, dadalhin na po sa inyo. Ang maaantala lang po iyong pagdi-distribute dahil kinakailangan lumabas iyong certificate of analysis. Iyong certificate of analysis po, ito naman ay para sa ating kabutihan din. It ensures na iyong kalidad ng bakuna ay kagaya rin po ng mga earlier batches na nakuha natin sa manufacturer.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kyle Atienza: In an interview daw po with ABS-CBN News Channel, Senator Pacquiao asked supporters of President Rodrigo Duterte and her daughter Sara to give others a chance. Meanwhile Congressman Alan Peter Cayetano, a known admin ally said it’s better for President Duterte to be an elder statesman than run for VP in the 2022 post. May we get Palace reaction? Would not these fresh crops within the Duterte camp cause serious effects on the political campaigns of the administration bets?

SEC. ROQUE: Ulitin ko lang po ‘no: Nasagot ko na po iyan kanina, pero wala pa naman pong desisyon ang Presidente; at habang siya’y nagdidesisyon, we welcome all these suggestions from everyone lalo na sa mga malapit na kaalyado ng ating Presidente. Welcome po kayo to express your views and the President will consider, ikukonsidera po iyan ng Pangulo sa desisyon na gagawin niya.

Pagdating naman po kay Mayor Sara, that’s a decision to be made po by Mayor Sara. I’m sure she is also listening to what the people have to say. Pero pagdating po kay Mayor Sara, parang napakalakas iyong ‘Run Sara Run’ ‘no. So hintayin na rin po natin ang mga desisyon ng kaparehong si Mayor Sara at ng ating Pangulo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang question po niya sa inyo: Spox, would you run for a national position?

SEC. ROQUE: Ako po? Well, patuloy pa rin po ang pagdadasal ko dahil noong 2019 nga po nagplano ako na mag-senador; ako naman po ay nagkasakit ‘no at grabe po talaga iyong impact sa akin noong disappointment na hindi ako nakatakbo. So I continue to ponder and pray and although this I will say, gustuhin man po natin dahil mayroon tayong unfinished agenda noong tayo po ay naging congressman nang 17th Congress, ang tanong po natin iyong pondo. Kasi sa panahon ng COVID, napakahirap po talagang mag-raise ng pondo at kinakailangan ng napakalaking halaga para makatakbo at manalo sa Senado.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Trish Terada ng CNN Philippines: Senator Lacson has information na mayroon daw pong undersecretary na nag-o-organize na sa buong bansa bawat probinsiya – hinihingan ng at least dalawang trolls sa bawat probinsiya para i-attack mga hindi kakampi. Does Malacañang know about this? What does Malacañang intend to do about this?

SEC. ROQUE: Wala po kaming alam diyan. Hindi po iyan polisiya ng gobyerno. Kung ginagawa po iyan ng taong gobyerno, siguro ginagawa nila iyan in their personal capacities.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong tanong si Genalyn Kabiling although sinabi ninyo na po na—Has the President received second shot of Sinopharm? Pero ang follow up po niya—sorry, sinabi ninyo na po ito Secretary na hindi pa nabibigyan, tama po ba, ng second shot si Presidente Duterte ng Sinopharm?

SEC. ROQUE: Opo. Inantay iyong EUA.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, last question na po mula po kay Ron Lopez ng AFP: Update daw po sa number ng Chinese fishing vessels sa West Philippine Sea.

SEC. ROQUE: I don’t have the numbers po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE: Iyong announcement po natin kasi nawala po iyong ating volume kanina. Tinalaga po ni Presidente si Rear Admiral Adeluis S. Bordado bilang Flag Officer in Command ng Philippine Navy, and this is effective June 9, 2021.

Wala na pong mga katanungan.

Dr. Lulu Bravo, maraming, maraming salamat for being our ‘suki’ at maraming salamat po for giving very crucial information to our people para po mapalakas ang kumpiyansa ng ating taumbayan. Nanggaling na po sa isang eksperto ha, professor emeritus, wala po silang naobserbahang adverse events na seryoso sa kahit anong bakuna na naturok na sa mahigit na anim na milyong Pilipino na po. So kung nais po nating protektahan ang ating mga sarili at ang ating mga mahal sa buhay, magpabakuna na po tayo.

Salamat din po kay Usec. Rocky. Salamat po sa ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito ang inyong Spox Harry Roque ang nagsasabi: Pilipinas, malapit na talaga tayo bumangon uli. Pabakuna na tayong lahat.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center