Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang Lunes na tanghali, Pilipinas.

Simulan po natin sa usaping bakuna ‘no. Dumating po kagabi ang limampung libong doses ng Sputnik V vaccines. Nasa walumpong libong doses na ang natanggap natin mula Russia. Kung inyong matatandaan, mayroong 15,000 na Sputnik V doses na dumating noong May 1 at nang May 12. Ang latest vaccine naman na ito ay idi-deploy sa mga tinatawag na centers of gravity o mga lugar sa buong bansa na nakakaranas ng COVID-19 surge.

Inaasahan din natin ang isang milyong doses ng Sinovac na kasama sa 4.6 million na order natin sa June 6; 1.3 million doses ng Pfizer sa June 7; 900,000 dose ng Pfizer sa June 11; at 200,000 doses ng Moderna sa June 21.

Sa buwan ng Hunyo din sisimulan ang pagbabakuna ng A4 priority group. Sinu-sino ba ho ang kasama sa A4?

  • Una, mga nagtatrabaho sa pribadong sektor na kinakailangan physically mag-report sa kanilang trabaho;
  • Pangalawa, mga empleyado ng gobyerno kabilang ang mga nagtatrabaho sa GOCCs;
  • Pangatlo, mga nagtatrabaho sa mga informal sector at mga self-employed na kinakailangang lumabas para magtrabaho, kasama rin dito po ang magtatrabaho sa mga pribadong mga households.

Nasa 35.5 million workers ang nasa A4 ayon po sa NEDA. Sa bilang na ito, nasa labintatlong milyon ang nasa NCR Plus 8.

Uulitin natin: Ang pinakamabisang bakuna ay ang available na bakuna. Ligtas at epektibo ang mga bakuna dahil ang mga ito ay nabigyan ng emergency use authorization or EUA hindi lang po ng FDA ng Pilipinas kung hindi ng iba’t ibang mga bansa sa daigdig, kasama na po ang WHO.

Libre po ang mga bakuna ha – first dose at second dose. Tayo po ay maging parte ng solusyon! Tara na po at magpabakuna, para sa’yo, para sa iyong pamilya, para sa iyong komunidad! Balik buhay sa bakuna.

COVID-19 updates naman po tayo. Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo sang-ayon sa Johns Hopkins:

  • Number 24 po ang Pilipinas pagdating sa total cases;
  • Number 32 po tayo sa active cases;
  • Number 133 sa cases per 100,000 population;
  • At nasa 89 po tayo sa case fatality rate na nananatiling 1.7%.

Mayroon po tayong 7,058 na mga bagong kaso ayon sa May 30, 2021 datos ng DOH. Nagpapasalamat naman kami sa mga magagaling, masisipag at dedicated na medical frontliners dahil patuloy ang pagtaas ng mga gumagaling. Nasa 1,149,010 na po ang bilang ng mga naka-recover.

Samantala, malungkot naming binabalita na nasa 20,860 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus; nakikiramay po kami.

Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital sa Metro Manila at sa buong Pilipinas ‘no.

Sa NCR:

  • ICU beds, 54% lang po ang utilized;
  • Isolation beds, 39% lang po ang utilized;
  • Ang ward beds, 37% po ang utilized;
  • At ang ventilators ay 38% ang utilized.

Sa buong Pilipinas:

  • Ang mga ICU beds po ay 58%;
  • Ang isolation beds na ginagamit ay 46%;
  • Ang ward beds na ginagamit ay 49%;
  • At ang ventilators ay 39%.

Sa ibang mga bagay, tungkol po kay Cebu Governor Gwen Garcia ay wala pong katotohanan ang mga lumalabas na report na may plano ako, kasama diumano si Justice Secretary Meynard Guevarra na magsampa ng kaso laban po kay Governor Gwen Garcia ‘no; nilinaw po natin ito kay Secretary Año. Ang sinabi po niya, ang ipinarating lang niya kay dating Justice Presbiterio Velasco na namumuno po ng mga Leagues of Governor ay kakausapin namin si Governor Gwen Garcia.

Napakahirap pong magkaso po ako laban kay Governor Gwen, dahil unang-una, hindi po iyan kasama sa katungkulan ko bilang isang Spox – laway lang po ako bilang spox. Pangalawa po, maski ako ay bigyan ng ganiyang kapangyarihan, alam naman po ng marami na mag-BFF po kami ni Governor Gwen, at hindi ko po magagawa iyon; siguro ibang tao po ang gagawa noon kung kinakailangan ‘no.

Pero naniniwala naman po ako na nag-innovate po ang ating Governor Gwen Garcia noong siya ay nagpa-implement ng polisiya na hindi kapareho dito sa Maynila noong mga panahon na kulang po ang kanilang mga kama for isolation. Pero ang pag-uusap po, kung mapapatupad pang tuluyan itong kakaibang protocols pagdating sa mga OFWs at returning Filipinos ay pag-uusapan po mamaya ni Governor Gwen Garcia at ng ating Presidente. antayin na lang po natin ang resulta ng kanilang pag-uusap.

Inuulit ko po: Wala po akong kapangyarihang magsampa ng kahit anong kaso kay Governor Gwen Garcia at hinding-hindi ko po gagawin sa aking BFF.

Sa usaping PDP Laban, well inanunsiyo ko po kahapon na itong pinatawag na pagpupulong ng PDP Laban ay in-authorize po ng ating Presidente bilang party chairman ng PDP Laban. Sang-ayon po sa konstitusyon ng PDP Laban, malinaw po na tanging chairman ang mayroong kapangyarihan na magpatawag ng ganitong pagpupulong.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon ‘no. Makakasama natin ngayon pong tanghali si US Ambassador Babes Romualdez at si MMDA Chair Benhur Abalos.

Unahin ko po muna iyong ating taped interview kay Philippine Ambassador to the US Babes Romualdez. Ito po ang aming naging usapan kaninang umaga:

SEC. ROQUE: Ambassador, good evening to you and thank you for joining us again. My first question, Ambassador, is napabalita po na napakadaming mga sumobrang mga bakuna ang ido-donate diumano ng Estados Unidos sa iba’t ibang mga bansa. Ambassador, mayroon ba ho tayong balita kung ilan at kailan tayo makakakuha ng donasyon galing sa Estados Unidos galing dito sa mga sumobrang mga bakuna nila?

AMBASSADOR ROMUALDEZ: Good morning to you, Harry. First of all, in-inform ako ng White House just the other day na iyon na nga, President Biden is going to announce this week the distribution of 80 million vaccines that are available for the world. And this is just the beginning, I understand. Pero tayo, nandoon na sa the first batch that will be sent out to the Philippines, specifically for … iyon na nga, iyong mga close allies of the United States, iyon ang inuuna nila at saka iyong mga nangangailangan na mga bayan ‘no.

But we still don’t know how many will be given to us, but this donation without any strings attached to it so to speak. It’s just really part of a program that they have, that will start really helping other nations to be able to fight this virus. But the Philippines definitely will receive on the first batch of this 80 million that President Biden will announce sometime this week.

SEC. ROQUE: Mayroon din pong mga balita na mayroon ilang daw mga American vaccine manufacturers na nagpaplano na magsimula ng mga planta para mag-manufacture ng bakuna sa Pilipinas. Mayroon ba ho tayong mga balita tungkol dito sa mga kumpanyang ito?

AMBASSADOR ROMUALDEZ: Yes, actually, maraming—mayroon kaming ginawang forum noong isang araw with the US TDA at saka iyong Development Finance Corporation ng USA. We invited our members of our DOST at saka sa DOH at saka iyong mga iba pang mga private companies that are interested to do a joint venture with the pharmaceutical companies here in the United States.

There are two who are interested, iyong Arthur’s nga at saka iyong isa pang … iyong Novavax na sa tingin ko’y mayroon na silang kausap diyan, iyong United Drug. Pero there are still quite a number who are now developing  new vaccines not only for this virus but for other potential, I would say, not really a pandemic but like the flu shots and many other vaccines that will be required down the road.

So it’s still in the planning stage pero malaki ang interest. So we are again pushing this as part of our economic promotion for the Philippines, specifically iyong ating New Clark City where we will… we’re inviting these companies to locate specifically because of the fact that they have—iyong FedEx nga, iyan iyong one of their biggest hubs now in Asia based in the New Clark City.

SEC. ROQUE: Yes, Ambassador. Mayroon din pong balita na naudlot iyong kauna-unahang pagpupulong ng US Secretary of State Anthony Blinken sa sampung ambahador ng ASEAN ‘no. At bukod pa sa naudlot ay ito raw po ay kinansela matapos mapaantay ang mga ambassador ng isang oras. Anong basa ninyo po doon? Ibig sabihin ba niyan ay mayroon ng less importance ang ASEAN sa Washington D.C. or ano kaya ang dahilan kung bakit naantala at tuluyan nang hindi natuloy ang pagpupulong na iyon?

AMBASSADOR ROMUALDEZ:   Actually, sumulat nga si Secretary Blinken sa lahat ng ating mga foreign ministers na iyong meeting na iyon, that was pre-arranged pero alam naman natin nagkaroon ng emergency sa Middle East, specifically iyong nangyari sa Israel at saka iyong sa Gaza area ‘no. So, it was an emergency.

So, they planned it that the Secretary of State was going to meet virtually on the aircraft, on the State Secretary’s aircraft. Alam mo, iyong kanilang mga eroplano dito puro bago lahat eh. The Biden Administration has new aircrafts, so, mukhang nagkaroon ng glitch iyong kanilang technical facilities. So, iyong kanilang video facilities ay kailangan medyo secure din iyon, so, I think it has something to do with the satellite or something to that effect.

Sumulat naman si Secretary Blinken kay Secretary Locsin at nag-apologize. Pero ang mga ASEAN dito sa Washington, DC, we regularly meet with the White House at saka sa State Department on a regular basis. More often now in fact than the previous Administration. So, sa tingin ko the importance of the ASEAN is still very much on the radar screen. In fact, probably even more right now considering with what the situation there in our part of the world and they also would like to make sure, you know, economically it’s a booming area. They feel that the ASEAN Region with 650 million people is a region that will continue to, as soon as this pandemic is over, will rebound in a bigger way.

SEC. ROQUE:   Huling question na lang po para sa akin. Wala pa pong desisyon si Presidente tungkol sa Visiting Forces Agreement, may napapansin ba kayong mga panliligaw ng Estados Unidos sa ating Presidente ukol sa VFA?

AMBASSADOR ROMUALDEZ:   Well, alam mo, Harry, ang relasyon natin dito sa Amerika ay matagal na – 75 years na ang ating diplomatic relations, 70 years na iyong ating Mutual Defense Treaty, so, they are hopeful that President Duterte will of course extend the VFA dahil that’s part of the Mutual Defense Treaty, as part of the whole package at nagkaroon nga tayo ng mga meeting diyan sa DFA at saka iyong the counterpart here over the past couple of months to improve on this, iyong ating tinatawag na TA or terms of agreement na prinepare ngayon ng DFA at saka nandiyan na sa opisina ng Presidente.

Iyong Amerika siyempre, they would like us to continue with it pero handa rin naman sila kung hindi naman mangyari. Of course, they will be disappointed I’m sure, pero they would like to seek us really, continue to have a good relation. And I can feel it more now dahil, ito nga, they reach out to us on helping us in every way they can at saka tapos itong mga US companies talagang interesado sila ngayon to start moving into the Asian Region and the Philippines has always been a part and parcel of their whole program. They’re putting up a USTDA office diyan sa US embassy.

So, maraming mga pangyayari na lumalabas naman na talagang for the United States, the Philippines is still an important ally and they would like to keep it that way.

SEC. ROQUE:   Ito po ang mga katanungan galing po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Galing po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Is there already a scheduled talk between President Rodrigo Duterte and US President Joe Biden? If yes, when will this happen po? Maraming salamat po.

AMBASSADOR ROMUALDEZ:   Well, right now, wala silang schedule pa pero alam ko it’s part of the plan dahil ito nga we are celebrating itong 75th anniversary, so that will probably be the more or less the trigger for this conversation to happen. I think President Biden plans to talk to many of the ASEAN leaders hopefully before the hopeful-in-person meeting that will happen November in Brunei ‘no.

So, we’re still waiting word from them, pero sumulat na nga si President Biden kay President Duterte not only on the occasion of the 75th anniversary but to also inform him about the relationship between the United States and the Philippines will continue and that he hopes that he will be able to meet in person with the President at some point in time.

SEC. ROQUE:   Itong susunod na tanong po ni Joe Montemayor, partially answered ninyo na po, iyong when can the Philippines expect the vaccine donation of the US. Pero iyong pangalawang question po niya: Will there be precondition on who and what sector will be inoculated using the donated vaccines? Parang condition po ng COVAX Facility na kinakailangan medical frontliners at mga mahihirap. May mga ganoong kondisyones ba ho?

AMBASSADOR ROMUALDEZ:   It’s up to our IATF ‘no, si Secretary Galvez. In fact, nag-meeting na yata si Secretary Galvez diyan sa US embassy kay CDA (Chargé d’Affaires) John Law precisely to plan on the arrival of the vaccines that are being donated by the United States.

SEC. ROQUE:   Is there a target date as to when Novovax and Arcturus will set-up their vaccine manufacturing plants in the Philippines, Ambassador? Also from Joe Montemayor.

AMBASSADOR ROMUALDEZ:   Right now, wala pang ano. These are all on the planning stage pa lang. Alam mo, these companies of course are still developing the vaccines specifically for this COVID and they’re still on clinical trial. So, these are new companies, I think one is based in San Diego.

That’s all and they’ve been looking at the Asian Region as one of the places that they would like to set-up shop. So, we’re hoping that we’ll be able to move on the next couple of stages in the next couple of months and our economic section here in the embassy will be following that up at some point.

SEC. ROQUE:   Okay! Maraming salamat, Ambassador Romualdez! Wala na pong tanong galing sa Malacañang Press Corps. Good evening, sir, and thanks as always. Have a good night.

AMBASSADOR ROMUALDEZ:   Maraming salamat din, Harry and thank you and take care!

SEC. ROQUE:   Okay. Kasama rin po natin ngayon ang ating MMDA Chair Benhur Abalos. Sir, mayroong isang doktor na nagsabi na mukhang masasayang daw iyong ating mga AstraZeneca dahil marami pa ang ating LGUs ng Sinovac at mapapaso na iyong AstraZeneca. Ano ba ho ang katotohanan dahil kayo naman po ang on the ground? Talaga bang may masasayang pong AstraZeneca? The floor is yours, MMDA Chair Benhur Abalos.

MMDA CHAIR ABALOS:   Magandang tanghali po, Spokesperson Harry Roque at sa lahat po, sa mga press at sa lahat po ng mga nanunood at nakikinig ngayong tanghali.

Unang-una ho, on record po ano, ni isang bakuna ever since po magsimula tayo ay wala pong na-expired, that is on record po.

Pangalawa, para lang po alam ng mga tao ang mga nangyayari ngayon, kung dumating po ang bakuna, ang tinatawag diyan ay first dose, ito iyong bakuna. Pagkatapos po as much a possible ay nagrereserba for the second dose kasi mahirap naman iyong pangalawang bakuna na wala ka pa, hindi ba?

Pero kung may mga dumating na mga bakuna, ginagamit muna iyong pangalawang dose para naman makarami tayo and then magre-reserve na naman for the second dose. So, ganoon po ang nangyayari dito. Lahat po iyan ay calculated sapagkat alam ninyo ho, maramihan po ang mga bakunang darating sa susunod na araw kaya kinakailangan ito po ay maiplano nang maigi at mai-schedule nang maigi.

Ang cardinal rule dito is number one, dapat mabilis at pangalawa, dapat walang mapapanis ni isa. Kung kaya minabuti po natin na bukod po sa sipag of course ni Secretary Galvez, ni Sec. Vince, at ng kasama natin sa DOH team, ay napakagandang balita, tinulungan po tayo ng mga private sector. Ito po iyong mga grupo nina Belluz. Ito pong mga taga-Mc Donald’s at Jollibee, magkakakompetensiya iyan pero tumutulong po sa atin ‘no, mga Ayala Land.

Ano po ang ginawa nila? Alam ninyo, kamukha po sa food companies, importante diyan malalaman mo anong gulay, anong hamburger ang isu-supply mo sa bawat chain mo otherwise kung ma-oversupply ka ito ay masisira. Iyan po ang ina-apply po natin ngayon dito po sa bakuna, iyong kanilang tinatawag na supply chain management. Iyan po ang ginagamit po ngayon dito sa pagbabakuna sa baba.

Just to give you an example lang po sa mga taga-Metro Manila. Isipin ninyo noong Abril, ang nabigay na bakuna sa Pilipinas ay kulang-kulang—I think, 1.5 million kung hindi ako nagkakamali. Pagkatapos itong June, we are going, ang projections is between 10, 12 or even 15 million of that. So, makikita ninyo po iyong malaking diperensiya.

So, ang importante rito ay ang mga mayors natin sa baba, ang mga doktor at nurses ay handa para kunin ito. Huwag kayong mag-alala, ito po ay pinag-uusapan araw-araw, tuwing alas-otso ng umaga nagmi-meeting po lahat dito. Napakaganda ng preparasyon, nandiyan na po ang mga bakuna ayon kay Secretary Galvez at nandiyan na po nasa baba ang DOH team, ang mga mayors, ang mga doktor, ang mga nurses, nakahanda po lahat.

So, ganoon po ang nangyayari, Spox, on the ground. Magandang balita, maganda po ang pagbabakuna ng LGUs sa National Capital Region.

SEC. ROQUE:   Isang tanong na lang, Chair, kumusta na po iyong estado ng ating mga registration ‘no kasi di’ umano, maraming mga seniors ang hindi nakaka-register dahil hindi sila computer techie. Ano po iyong mga hakbang na ginagawa natin para masiguro na iyong A1, A2, A3 na mayroong green lane ay patuloy pong mapapasabihan na pupuwede pa rin silang magpabakuna?

MMDA CHAIR ABALOS:   Napakagandang tanong po iyon ‘no. Kaniya-kaniya pong innovation ang mga local government unit sa baba, ang mga mayors. Mayroon po diyan halos siguro mga jeep-jeep pinapasundo ang mga seniors dahil alam ninyo, ang mga lolo’t lola kung minsan takot sila lumabas, iniisip nila may mga sakit sila ‘no pero sa totoo lang po, sa mga nakikinig po ngayon, sa Metro Manila and for that I’m thinking of the whole Philippines ‘no, wala ho naming, on record ‘no, wala namang namatay dahil sa bakuna sa atin dito. Wala ho! In fact, kung may cases ka, halos walang sinasabi nating kritikal o masama, halos wala ho talaga. Kaya’t importante dito ay mahikayat sila dahil mas importanteng protektado sila.

Ang mga local government units po ay may kaniya-kaniyang innovation na ginagawa, iyong iba po ay binahay-bahay ang registration, iyong iba naman po ay may dalang laptop at iniikot po ito. Iyong iba naman ay binabahay-bahay iyong mismong bakuna, ang iba naman po ay pinapasundo po sila.

Huwag ho kayong mag-alala, Spox, ito po ay talagang mino-monitor hindi lamang po ng mga mayors, kasama na po ang task force po natin.

Thank you po.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, MMDA Chair Benhur Abalos. Magpatuloy na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, go ahead please.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque and kay Chair Benhur Abalos.

Question from MJ Blancaflor of Tribune. Iyong una po niyang question ay nasagot ninyo na Secretary, about doon sa claim na no formal communication from the President sa scheduled council meeting of PDP Laban. Ang second po niya: Will the President attend PDP’s council meeting? Is it included in his official schedule?

SEC. ROQUE: Hindi po included sa official schedule.

USEC. IGNACIO: Tanong ni Maricel Halili of TV-5: Did Senator Pacquiao request a meeting with President Duterte about PDP Laban’s meeting? What is the President’s response?

SEC. ROQUE: Wala po akong impormasyon diyan. Iyan po’y dinadaan sa Appointments Office.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Ivan Mayrina: Another possible scenario today is that the party will come out with a manifesto urging the President to run as Vice President in 2022. Has the President said anything new about the possibility aside from leaving it up to God?

SEC. ROQUE: Wala po. He still leaves it to God.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Punta tayo kay Mela Lesmoras, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque, pati na rin po kay Chairman Abalos.

Secretary Roque, unahin ko lang po iyong schedule ni Pangulong Duterte. May Talk to the People po ba mamaya at anu-ano ang inaasahan nating iaanunsiyo niya? And then, isaglit ko na rin Secretary Roque. Tama po ba, may meeting si Pangulong Duterte at si Cebu Governor Garcia? Kasama rin po ba ito sa schedule niya today?

SEC. ROQUE: Oo, kasama po sa schedule. Una po iyong meeting with Cebu Governor Garcia pagkatapos po iyong meeting with small IATF group.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Anu-ano po kaya iyong ia-announce, sir? Dito na po ba iyong ia-announce iyong quarantine at sa travel ban po?

SEC. ROQUE: Dahil treinta’y uno na po ngayon ng Mayo, sigurado pong iaanunsiyo mamaya ang quarantine classification para sa darating na buwan ng Hunyo.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, sir, regarding lang po sa travel ban, kasi even sa Vietnam ay may natuklasan ding bagong variant ng COVID-19. Makakaapekto po kaya ito, sir, sa travel ban? Mai-expand pa kaya iyong mga bansang mayroon tayong travel ban and at the same time sa quarantine classification?

SEC. ROQUE: Wala pa pong lumalabas na memorandum galing po sa tanggapan ng Presidente tungkol sa continuation noong travel ban bagama’t mayroon pong rekomendasyon ang IATF to extend iyong existing travel bans until June 15. Pero uulitin ko po, wala pa pong desisyon ang ating Presidente tungkol dito.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And panghuli na lamang po, Secretary Roque. Nabanggit po kasi natin sa ating mga announcement na by June ay sisimulan na iyong vaccination para sa A4. May I ask kung ano na pong balita sa guidelines para rito or ang mga A4 po ba starting tomorrow puwede na rin pumunta at mag-register sa mga bakunahan? Paano po iyong magiging proseso?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po talagang registration is required ‘no. So mag-register po tayo at mag-antay tayo ng notice kung pupuwede nang pumunta sa vaccination center bagama’t ang meeting po ng… kung hindi ako nagkakamali, ng NITAG, ay kung hindi ngayon ay bukas po precisely para dito sa guidelines ng pagbabakuna po ng mga A4.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque at kay Chairman Abalos.

SEC. ROQUE: Thank you, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online for Secretary Roque and Chairman Abalos: May kaniya-kaniyang gimmick ang mga lokal na pamahalaan para mahikayat ang kani-kanilang mga nasasakupan na magpabakuna kontra COVID-19.  Nandiyan iyong may pa-raffle ng mga sako ng bigas, discount coupons sa mga restaurant pati na ang bahay at lupa para sa mga magpapabakuna kontra COVID. Sa tingin ninyo, makakatulong ang ganitong gimmick? Kailangan na ba na manuhol ang LGUs para mahikayat lang ang kanilang mga nasasakupan na magpabakuna?

SEC. ROQUE: Hindi naman ho panunuhol iyan, iyan po ay marketing. Lahat naman po ng ating undertaking kinakailangan mayroong communication at mayroong marketing at kabahagi lang po iyan ng kanilang overall marketing dahil alam naman natin na ang pagbabakuna ang solusyon talaga sa pagtatapos nitong pandemyang ito.

Chair Abalos, would you like to add?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, tama po si Spox Harry ‘no, it’s part of the innovation at marketing ‘no. Dahil sa totoo lang marami siguro, may mga nababasa iyong iba nating mga nakakatanda and sila po pinaka-vulnerable sa lahat kaya sila’y dapat proteksiyunan. Baka iniisip nila may edad na sila, may sakit na po sila. The best thing here is for them to be really informed na talagang safe po ang bakuna.

At uli on the record, sinasabi ko po na ang bakuna ay very safe. Ang aking ama ay halos 85 years old na ‘no. Siya ang unang-unang nagpabakuna’t sinasabi niya, hinihikayat niya mga senior citizen na talagang magpabakuna ‘no. So iyon lang po, iyong mga nakikinig po na lolo at lola, huwag na ho natin aksayahin – napakahirap kumuha po ng bakuna sa buong mundo. Napakasipag ni Sec. Galvez ‘no at ng of course team Philippines dito. Magpabakuna po tayong lahat.

SEC. ROQUE: At siyempre coming from one who had COVID, hindi ko po ninanais on anyone iyong pagkakaroon ng COVID. Napakatindi po ng sakit ng katawan, iyong kawalan ng pag-asa kung ikaw ay magkaka-COVID. Iwasan na po natin ang COVID sa pamamagitan ng pagbabakuna, mask, hugas, iwas.

MMDA CHAIR ABALOS: Usec. Rocky, dadagdag ko lang. Alam mo sa puntong ito, gusto lang idiin iyong sinasabi ni Spox Harry Roque. Sa pamilya ko kasi, ang magulang ko ay may edad na – may dad is 84/85, my mom po is 78. My mom, tinamaan po sila last year at ang aking ina po ay pumanaw because of COVID complications last January. Kung maaari pa lang ho, napakasakit ang mawalan ng nanay ‘no, napakasakit ang mawalan ng kung sinumang mahal sa buhay dahil sa COVID. Kung mayroon lang bakuna noon, sana lang po napabakunahan ko mga magulang ko. Kaya sa mga nanunood po, please lang po sayang ang pagkakataon, magpabakuna po tayong lahat.

SEC. ROQUE: At huwag na po tayong mag-antay ‘no dahil tayo nga po’y nangangarera dito sa mga new variants na mas nakakahawa at mas nakakamatay ‘no. Protektahan po natin ang ating sarili dahil importanteng bigyan ng proteksiyon din ang ating buong pamilya.

Next question, please.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: May panukala ang isang senador na payagan na pong lumabas ang senior citizens fully vaccinated na kontra COVID-19. Pabor po ba kayo? Sa tingin ninyo po safe na? Pareho po sila ng tanong ni Einjhel Ronquillo ng DZXL: Reaksiyon po sa sinabi ni National Commission on Senior Citizens Chairperson Franklin Quijano na payagan nang makalabas ang mga fully vaccinated na senior citizens sa unang dalawang oras ng umaga sa pagbubukas ng mall at grocery dahil makakatulong ang mga nakakatanda sa pagbuhay muli ng ekonomiya at makakatulong din sa kanila ito para makapaglakad-lakad na paraan na pag-i-exercise.

SEC. ROQUE: Unang-una, hindi naman po absolutely prohibited ang mga seniors na lumabas. Puwede po silang lumabas para bilhin iyong mga kinakailangan nila; kung kinakailangang pumunta ng mall para dito eh pinapayagan naman sila. Pangalawa, pinapayagan silang mag-exercise dahil importante naman talaga ang exercise para sa health promotions dahil kinakailangan manatiling malusog laban sa COVID-19.

Pero iyong pagpapalabas po after the vaccination, tingin ko po depende iyan kung maa-achieve na natin iyong population protection ‘no. Ibig sabihin, hindi lang naman po iyong mga may bakuna ang pupuwedeng magkaroon ng proteksiyon, kinakailangan mas marami pa sa populasyon ang magkakaroon ng proteksiyon dahil ang bakuna po is not a guarantee na hindi na kayo tatamaan ng COVID. It is a guarantee na siguro hindi kayo magkakasakit nang malala o hindi kayo mamamatay pero iba po ang kondisyon ng mga seniors – they are especially vulnerable.

So ang effect po ng bakuna sa isang malusog na kabataan ay hindi po kapareho sa isang matanda. So let us veer on the safer side na hanggang wala pa pong population protection, habang hindi pa natin nababakunahan ang 70% ng ating populasyon, stay at home muna po ang mga lolo at lola.

USEC. IGNACIO: Opo. For Chairman Abalos: Hingi lang daw po ng update sa vaccine express lanes para sa mga A1 hanggang A3 groups sa vaccine priority lists.

MMDA CHAIR ABALOS: Well, of course ‘no, iyon pong A1 to A3, iyan po iyong mga sinisimot na po natin ‘no, iilan na lang po ang mga frontliners na hindi pa ho nagbabakuna. And of course, kamukha ng sinabi ko po kanina, iyong mga senior citizen, iyong iba po ay talagang sinusundo na, iyong iba’y binabahay-bahay ‘no. At of course iyong comorbidities, these are the most, sabihin na nating affected ‘no dahil sila ang pinaka-vulnerable.

Iyon pong sigurong guidelines dito ay ginagawa pero ang importante ‘no, sa lahat po nito para huwag tayong magkagulo ay ang tinatawag na scheduling. Ngayon siguro kung may dadaan diyan na mga may edad, of course sila po ay ipa-priority natin. Pero importante, inuulit ko dahil bubuksan na ang A4, importante talaga dito ang scheduling on that.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong last question po ni Kris Jose para kay Chairman Abalos: Tama ba na inihihirit din ninyo ang house-to-house vaccination para sa senior citizen?

MMDA CHAIR ABALOS: Hindi ko naman po hinihirit ito ‘no. Ang sinasabi ko lang, mayroon pong mga ibang LGUs ay ginagawa po ito. Pero of course tandaan po natin, we need more manpower right now. In fact, sa isang vaccination center, kamukha kami dito sa MMDA, ang doktor namin ay dadalawa ‘no. Marami po kaming inoculators but—we could do 500.

Pero kung ibabahay-bahay pa po namin, baka maubusan ng manpower. Kaya in terms of efficiency, mas mabuti talaga kung mapasundo sila at madala nila sa isang vaccination center, that is the ideal.  Pero talaga iyong mga ibang bedridden na talagang hindi kaya, gagawin naman po iyon. So ito pong lahat na ito ay ginagawa naman sa lahat, except na talagang pinagpaplanuhan na po, para lang pagdating ng mga maraming bakuna ay mas makapagbakuna tayo ng madami [unclear].

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, we’ve seen the factions in the PDP-Laban play out in public ‘no. We have seen the different groups, iyong kay Senator Manny Pacquiao and then also kay Secretary Cusi. Sir, why isn’t the President intervene himself? Kasi, like now iyong isang faction ng PDP-Laban are saying they don’t hear naman the President personally saying that he authorized the meeting taking place later.  So, why doesn’t the President step in to intervene and resolve these factions in his political party?

SEC. ROQUE: I think, it’s enough that the President signed in writing a memorandum authorizing Secretary Cusi to call the meeting today and made me announced it yesterday.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, does he have any directives on like the communications or kasi ang public ng bangayan eh, so wala po ba siyang call to maybe streamline, like set the record straight on his positon so that these kinds of factions no longer claim public because isn’t it this harmful, sir, to the party?

SEC. ROQUE:  The only instruction I got was to confirm that Secretary Cusi was authorized to call for today’s meeting. That’s all.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, how come the President isn’t joining the PDP-Laban assembly when he is the Chairman?

SEC. ROQUE:  I have no idea other than he’s got a full schedule also in the Palace. As you know, in the afternoons, we are fully booked.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, could we also just get more details if you know when President Biden sent his letter to the President and what was the context of this conversation and is the President replying?

SEC. ROQUE:  I don’t have access to that information now. I will ask and inquire.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Lastly, sir. With Palace vaccine from the US, will this affect President Duterte’s decision on the VFA?

SEC. ROQUE:  I do not know, but we still have to receive the vaccines to begin with.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Is he waiting for the vaccines to arrive before deciding on the VFAs take?

SEC. ROQUE:   No information other than he is still contemplating on the matter.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  All right. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:  Thank you very much, Pia. Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, from Leila Salaverria of Inquirer: What is the Palace’ response to the request of Leagues of Cities of the Philippines to deploy more vaccine to areas outside NCR Plus 8 because of the rise of the number of cases there?

SEC. ROQUE:   Alam ninyo parang nagkaroon lang ng misinformation, kasi may nagsabi na hindi naman gobyerno na diumano ay 90% dapat ibigay sa Metro Manila, wala pong ganoong desisyon ang IATF. Ang desisyon po ng IATF at most ay 38% to 42% ang ibibigay sa Metro   Manila Plus 8 at napakalaking lugar po iyon ‘no. At iyong balanse, iyong mayorya ay iikot pa rin sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, siyempre kasama na iyong mga lugar na tumataas ang kaso ng COVID-19. So huwag po kayong mag-alala, in the first place, iyong balita na 90% mapupunta lamang sa Metro Manila Plus 8 ay hindi po iyan nanggaling sa gobyerno. Maging maingat po tayo sa processing ng impormasyon. Siguraduhing galing gobyerno po iyan.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ang second question niya: Do we have enough supply to send more vaccines to places that experiences spike in cases even if they are not considered priority areas?

SEC. ROQUE:  Well, in the first place, iyong active cases po, two-week attack rate at saka critical care capacity, iyan po iyong magdi-determine kung sino ang dapat bigyan ng importansiya pagdating sa bakuna ‘no. So ibig sabihin ay aside from Metro Manila Plus 8, na traditionally iyan po talaga iyong kumbaga kuta ng COVID-19 eh siyempre bibigyan din natin ng mas marami iyong mga lugar na tumataas ang mga kaso.

USEC. IGNACIO:  From Llanesca Panti of GMA News online, for Secretary Roque: Is the government satisfied with the vaccination program considering that new cases yesterday still at 7,000 and we are yet to bring it down to at least 1,000 a day.

SEC. ROQUE:  Let’s put it this way, talaga naman pong iyong bulto ng ating mga bakuna ay hindi pa dumarating: So nais ba nating mas maraming bakunang dumating, siyempre! Dahil mas ninanais natin na mas maraming mabibigyan ng proteksiyon, pero given the circumstance po na talagang nagkakaroon nga tayo ng vaccine apartheid, I would say, the fact na iyong mahigit limang milyon na pong nabakunahan natin is an accomplishment by itself, despite a very tight supply po for these vaccines.

USEC. IGNACIO:  Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:  Punta naman tayo kay Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Good afternoon, Mr. Secretary and nice to see you. I have several questions for you. Sa katatapos pong Tapatan sa Aristocrat kanina, binanggit po ng Seafarers at na-confirm din po naman ni MARINA Administrator Bobby Empedrad na may mga bansang tumatangging tumanggap ng mga seafarers na bakunado ng Sinovac. Ano raw po ang puwede nating magawa, para makabalik sa trabaho iyong ating mga manggagawa?

SEC. ROQUE:  I cannot second guess the NITAG and the IATF. Bagama’t ang plano ko nga ay magkaroon ng presentasyon mamayang gabi kay Presidente tungkol sa isyung ito. Pero ang aking legal position dito ay person similarly situated must be treated alike and that is the equal protection clause. Ang test na ginagamit natin diyan iyong Rational Basis Test at isa sa tatanungin natin ay mayroon ba talagang distinction sa panig ng mga seafarers na mawawalan ng trabaho kung hindi sila mabibigyan ng western brand at iyong ibang ating mga kababayan at ang aking position ay mayroon naman po. So parang dahilan enough, reason enough sa akin na ibigay iyong mga western brands sa mga seafarers dahil nakasalalay naman doon iyong hanapbuhay nila at siyempre iyong kapakanan ng kanilang mga pamilya. Pero mamaya po iyan itatalakay ko po siguro kay Presidente.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Salamat po. Iyon pong Israel, nabalita na ipinatawag ang ating Ambassador tungkol doon sa naging boto ng Pilipinas, sapagkat ang Pangulo ang ating chief architect ng ating foreign policy. Iyon po bang pagboto natin na siyasatin iyong naganap sa Israel ay sa payo ng ating Pangulo?

SEC. ROQUE:  Sa totoo lang, this is the first time I’m hearing about this ‘no. I did not know about this vote, I am not familiar and I cannot respond on a matter that I have no information as of yet. Tatanungin ko po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Salamat po. Iyon pong 15 miyembrong bansa ng economic community of West African states, sinuspinde iyong membership ng Mali, dahilan sa coup na ginawa kamakailan. At binalewala iyong elective officials. Sapagkat mahalaga riyan ang ASEAN, isusulong po kaya ng Pilipinas sa dikta ng Pilipinas o sa kahilingan ng Pilipinas na suspendihan ang Myanmar, sapagkat ang posisyon ng Pilipinas ay bumalik doon sa status quo ante, bago naganap ang coup noong a-uno ng Pebrero. Ito po kaya ay maging posisyon ng Pilipinas sa ASEAN?

SEC. ROQUE:  Alam mo ang Presidente hindi naman nagma-micro manage, although in foreign relations, he is really the chief architect. Pero sa bagay na ito, I will defer to the DFA dahil I’m sure hihintayin ni Presidente ang rekomendasyon ng DFA.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Okay po. May pahabol nga po pala huwag lang po kayong magagalit. Sabi po ng ilang mambabatas, apat na lamang nag natitirang session days, may oras pa po kaya para maipasa ang Bayanihan 3 na kailangan ng mga mamamayan? Ano po kaya, magpatawag ng special session?

SEC. ROQUE:  Unang-una po, nagpapasalamat nga kami sa Kamara para sa Bayanihan 3, pero ang naging consistent position po ng ating economic team na pinangungunahan ni Secretary Dominguez, titingnan muna natin kung sapat na iyong nasa budget natin sa 2021. At bukod pa diyan, mayroon pa tayong butal na pondo galing sa Bayanihan 2. So we welcome Bayanihan 3 as a fallback, pero mukhang hindi pa po urgent ang passage ng Bayanihan 3, dahil ginagastos pa po natin iyong existing budget natin. So, wala naman pong problema kung hindi maipasa during the second regular session ng 18th Congress itong Bayanihan 3.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Maraming salamat po, Secretary. Have a nice day.

SEC. ROQUE:  Have a nice day too. Thank you.

Usec.  Rocky please.

USEC. IGNACIO:  Yes, Secretary. Tanong po ni Jayson Rubrico ng SMNI News, para po kay Chairperson Abalos: Anu-ano daw po ang napag-usapan ng IATF hinggil sa quarantine restriction?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, iyon pong sa IATF ay hindi ko pa po puwedeng sabihin ngayon, dahil ito ay recommendatory pa lang sa Presidente. Pero ang masasabi ko lang ay ang rekomendasyon ng Metro Manila Council sa IATF na kung saan ang sinasabi po nila ay dahil mababa na ang kaso at of course maganda na ang ating mga kama sa ospital, puwedeng unti-unti, ang pagbubukas ng mga activities at mga negosyo. Iyon lang po! Unti-unti pero of course with caution always. Iyon po ang napagkasunduan ng mga alkalde.

USEC. IGNACIO: Ang second po niyang tanong sa inyo: Kumusta raw po ang paghahanda ng ilang Metro Manila mayors para sa A4 vaccination? Handa na ba ang mga lokal na pamahalaan?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, yes, handa na po kami ‘no. In fact, iyong ibang mga LGU ay talagang very efficient tapos iyong mga bakuna nila ay halos umubos na po. In fact, if I will cite to you numbers, noon lamang last Friday ay 57,000 ang nabakunahan; last Saturday, ito’y 64,000. Kung kaya’t iyong kanina, iyong may sinasabi, kamukha ng sinasabi ko po, iyong first dose, tinatabi iyon para sa second dose ‘no – nakatabi iyan parati. Pero kung may darating na bakuna, ginagamit na muna iyong first dose para mas marami tapos saka na lang magtatabi na naman for the second dose.

Kaya iyong may nagsabing isang tao na mayroon daw mai-expire, wala hong katotohanan iyon. Dahil sabihin mo maski ito ay 60,000, easily we could use that in just one day ‘no. It’s 57,000 and 60. Ganoon po ka-efficient ang mga LGUs natin sa Metro Manila. At ganoon din ka-efficient ang team ng DOH and of course, nila Sec. Charlie ng NTF lalo na ngayon kasama pa natin ang mga private group. Napakaganda po ng performance ng National Capital Region o ng Metro Manila po rito sa bakuna.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya sa inyo: Update daw po sa suspect ng bakuna sale scheme?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Nasa CIDG po iyong suspect. Iniimbestigahan po siya ngayon kung may mga kasama pa po siya. At kung ano pa ang magiging panukala po, siguro po ay either pa walang sala siya or proper charges will be filed.

USEC. IGNACIO: Thank you, Chairperson Abalos.

SEC. ROQUE: Okay. Punta naman tayo kay Trish Terada.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Spox Harry. Sir, what does the President think of the efforts of the Biden administration to reach out to the Philippines, ito pong most recent iyong plans to send vaccines to us? Does it make the President consider his position on the VFA because of these actions?

SEC. ROQUE: Well, first and foremost, hindi pa po natin alam kung mayroon talagang darating at kung ilan ang darating, so antayin po muna po nating dumating ‘no.

Secondly, I think the President has been pondering on the issue and has a bigger framework of analysis ‘no. And let’s just await for his decision because he’s the only one who can decide on this matter.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, iyong sa OCTA Research Group naman, they warned of a possible ripple effect in the Visayas and Mindanao regions, kumbaga kung saan nag-surge po to levels similar in NCR in March. How will this affect, sir, the vaccination plan? Are the numbers fluid or fixed na po ba iyong 38% for Metro Manila regardless kung mataas or mababa iyong kaso dito?

SEC. ROQUE: Gaya ng sinabi ko kanina ‘no, mayroon naman pong extent of flexibility na sinusunod ang ating mga decision makers on vaccine ‘no. Noong tumaas po ang kaso sa Puerto Princesa, nagpadala po ng additional bakuna, mga additional testing kits. So inaasahan po natin na kung mayroon talagang mga lugar outside of Metro Manila Plus 8 na kinakailangan ng special attention, magbibigay naman po ng mga special na mga pangangailangan even if it means additional vaccines. Kasi mayroon po talaga tayong vaccines na nakareserba precisely for this purpose.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Pero sir, iyong sa NCR po na targets, fixed na po iyon, hindi na po siya magagalaw?

SEC. ROQUE: Well, we hope to actually achieve population protection by November 27 at importante nga po na 38% of all vaccines that arrive will be given to Metro Manila Plus 8.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, ito hong nakikita nating pagtaas ng kaso sa Visayas and sa Mindanao, does it mean na hindi completely effective iyong lockdowns? Because it may be effective and slowing down the infections in Metro Manila, but is it indicative na we failed our border controls?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, we’re dealing with new variants ‘no; it’s a complete game changer ‘no kumbaga. Pangalawa, hindi naman tayo nag-lockdown sa Mindanao at saka sa Visayas. Ang lockdown talaga natin the past few months ay dito lang sa Luzon ‘no. So ibig sabihin lang siguro, baka kinakailangang pag-aralan ang posibilidad ng higher quarantine classification sa iba’t ibang parte ng Visayas at ng Mindanao.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, what will make the President run as vice president?

SEC. ROQUE: A message from God because he has left it to God.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: How will he know, sir? How will he be getting that? What indicators, what clues will he be getting?

SEC. ROQUE: Well, I guess, if the President thinks it is God’s will, he will make the proper announcement in due course.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, how does—iyong sa PDP Laban, sir, I understand he is appointing Secretary Cusi. Pero, sir, itong whole rift in general, isn’t this causing a distraction to the President with his work?

SEC. ROQUE: Not at all. As you can see, life continues in Malacañang – meetings are scheduled; meetings will be held; decisions will be made; decisions will be announced.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Spox.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. Let’s go back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Tanong mula kay Cresilyn Catarong ng SMNI News: Kailan inaasahan ang unang batch na inorder ng private sector na COVID-19 vaccine? At ilang doses iyong paunang darating?

SEC. ROQUE: Kung hindi po ako nagkakamali, mga July po iyan. At hindi po bababa iyan sa eight million kung hindi ako nagkakamali.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question niya, nasagot ninyo na po tungkol sa guidelines kaugnay sa vaccination ng A4 category, similar with Maricel Halili. Pero may pahabol pong tanong si Mhet Sanding Miñon ng SMNI: Ano po ang update kaugnay sa Vietnam variant ng COVID-19? May nakitaan na ba dito sa bansa natin?

SEC. ROQUE: Wala pa po akong nakakalap na ganiyang impormasyon pero tatanungin po natin sa mga taga-UP PGH na sila po ang gumagawa ng genome sequencing.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kyle Atienza ng BusinessWorld on PDP Laban issues: Is the President still capable of leading the party?Will he clarify his stand on the issue in his public address this week? Wouldn’t this warring faction cause serious cracks within the Duterte administration? Isn’t this an indication of what may happen in the run up to the 2022 elections?

SEC. ROQUE: Teka muna po ‘no, bago ko sagutin iyan, let me be more accurate. Iyon inaasahan po nating initial na delivery para sa order ng pribadong sektor sa July ay mga 1.3 million. Pero initial lang naman po iyan, hindi iyan iyong bulto.

Now, ang sagot naman diyan, alam ninyo, chairman po ng partido ang Presidente pero hindi naman po pupuwedeng diktahan ni Presidente kung ano ang gagawin ng partido. Kaya nga po nagpupulong na ganiyan para malaman kung anong direksyon ang tatahakin ng partido, at importante rin na iparating sa mga miyembro ng partido kung ano ang mga nagawa na ng kanilang chairman nitong nakalipas na limang taon.

I understand na sa agenda, bulk of it will be to report on the party the gains made by the President.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Einjhel Ronquillo ng DZXL: Reaksiyon po sa mungkahi ng isang senador na gamitin ang waterfalls policy para mapabilis ang pagbabakuna kontra-COVID-19. Sa ilalim ng waterfalls policy, maaaring ibigay sa ibang sektor na hindi kabilang sa A2 hanggang A3 category ang mga nakalaan sa kanilang COVID-19 vaccine kung magpapasya ang mga ito hindi muna magpabakuna?

SEC. ROQUE: Ipapatupad na po natin iyan simula nitong buwan na ito. Bagama’t iyong A1, A2, A3 ay mayroon pa ring green lane. So hindi mawawala ang prayoridad nila pero kinakailangang buksan na natin sa 35 more million Filipinos ‘no na A4 at A5. Hindi nga lang po A4, kasama na ang A5 pero nakadepende po iyan sa supply na matatanggap natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Question mula kay Kyle Atienza ng BusinessWorld: Senate President Sotto earlier today said the proposed Bayanihan III was not included or discussed in the mini-LEDAC meeting held a few days ago. May we confirm this? Further details po ng LEDAC meeting? Why is the Palace still lukewarm towards the proposed third stimulus law? Won’t this affect the admin’s relationship with its allies in the lower chamber given that the bill was mainly authored by House leaders?

SEC. ROQUE: Wala naman pong problema iyan gaya ng aking sinabi. We welcome that at naka-standby naman iyang House approval na iyan. Kung kinakailangan po ng Bayanihan III, then we will only have to reckon with the Senate. So mas mabilis na po iyong proseso.

Pero ang sinasabi po ng economic team, tingnan muna natin kung talagang kinakailangan ng supplemental dahil ngayon po ay nasa buwan pa lang tayo ng Hunyo at mayroon pa po tayong budget na ginagastos pursuant to the budget of 2021 at mayroon pang naiiwang pondo under Bayanihan II.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong tanong si Melo Acuña. Ano raw po ang ipapayo ninyo sa mga taong hindi marunong mag-register online? Sa India po, mayroon ding mga taong walang access sa internet.

SEC. ROQUE: Well, gaya po ng sinabi ni Chairman Abalos at sa aking sariling barangay ‘no, hindi na po nagri-rely ang ating mga lokal na pamahalaan sa computer registration; nagpupunta na po sila kung nasaan ang mga seniors. Sa aking barangay po, nakarating na dalawang beses ang Quezon City government at ang pasabi po ay ginagawa sa pamamagitan ng Viber ‘no at saka iyong mga printed materials na galing po sa barangay.

So clearly, innovative naman po ang ating mga LGUs, iba’t ibang mga paraan ay kinu-consider nila para maparating lalung-lalo na sa seniors at may comorbidities na panahon na para magpabakuna.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Thank you, Chairman Abalos. Iyon lamang po ang mga nakuha nating questions for today.

SEC. ROQUE: So maraming salamat kay Philippine Ambassador to the US, Jose Manuel Romualdez. Maraming salamat kay MMDA Chairperson Benhur Abalos. Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming, maraming salamat siyempre sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Dahil wala na pong katanungan, dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Sa ngalan po ng ating Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabi: Pilipinas, ang solusyon sa pandemya ay ang pagbabakuna. Pabakuna na po tayo para sa ating sarili, para sa ating mga pamilya, para sa ating komunidad. Balik buhay po tayo dahil sa bakuna.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)