Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE:   Magandang tanghali, Pilipinas!

Humarap po kagabi ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte para sa kanilang regular Talk to the People Address. Ipinag-utos ng ating Pangulo na arestuhin ang mga barangay captain kung saan nagkakaroon ng super spreader events tulad parties, swimming or picnic at panagutin sa hindi nila pagpapatupad ng ban sa mass gatherings. Dereliction of duty at reckless imprudence ang puwedeng isampang mga kaso sa mga barangay officials na nagpapabaya.

Nagpaalala rin po ang ating Presidente na ang pinakamabisang bakuna ay ang bakunang naririyan na po. Libre po ang bakuna, wala po kayong babayaran sa first dose at sa second dose.

COVID-19 updates naman tayo. Ito po ang ranking sa Pilipinas sang-ayon sa Johns Hopkins:

  • Pagdating po sa total cases, tayo po ay number 24 sa daigdig
  • Tayo naman po ay number 34 pagdating sa active cases
  • Sa cases per 100,000, tayo po ay 134
  • Ang case fatality rate po ay 1.7% – 91 po tayo sa buong daigdig.

Mayroon naman po tayong 5,130 na mga bagong kaso ayon sa May 26, 2021 datos ng DOH. Nagpapasalamat po tayong muli sa magagaling, masisipag at dedicated na medical frontliners dahil patuloy ang pagtaas ng mga gumagaling. Nasa 1,127,770 na po ang bilang ng mga nag-recover.

Samantala, malungkot po nating sinasabi na ang ating binawian ng buhay dahil sa coronavirus ay pumalo na ng 20,169 or 1.69% case fatality rate. Nakikiramay po kami sa lahat ng mga kamag-anak ng namatay dahil sa COVID-19.

Tingnan naman po natin ang average daily attack rate mula sa peak nito na 9.2 noong Abril 4 to 17 ay naging 5.42 na lamang po ngayon dito po iyan sa NCR—ah, nationwide ‘no! At sa NCR noong April 4 to 17 ay 34, ngayon po ay 10.6 na lamang.

At ang two-week growth rate naman po, ang nationwide po ay dati ay 11%, ngayon po ay -21%. Sa NCR po dati -5%, ngayon po ay -47%.

Ito naman po ang confirmed cases by reported date sa mga lugar sa Pilipinas. Mapapansin ninyo po na iyong Metro Manila, iyong NCR ay nasa color blue. Nakita natin na mula noong peak nito kung saan tayo po ay nagsimula ng ECQ talaga naman pong mababa na ang mga confirmed cases by reported date pero pansinin ninyo po bagamat bumaba na, ito’y mas mataas pa rin noong simula ng pagsipa ng mga new variants noong February.

Samantalang ang Visayas na kulay light blue naman po at Mindanao na kulay orange ay patuloy na tumataas ang mga kaso. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, MASK, HUGAS, IWAS AT BAKUNA pa more pa po tayo.

Simple ang mensahe na ito, hindi lamang lockdown ang solusyon. Ano mang quarantine classifications po man iyan, ang pinakamahalaga ay patuloy tayong mag- MASK, HUGAS, IWAS AT BAKUNA kung pupuwede na po.

Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital sa Metro Manila muna ‘no. Ang ating overall health care utilization rate po ay ngayon po ay May 25 – 43%, bumaba po ito ng 25% kung ikukumpara doon sa peak between April 4 and 17.

Tingnan po natin iyong ICU beds natin noong peak – 88%, ngayon po ay 58%. Tayo po ay nasa low risk. Bumaba po iyan ng -30%. At pagdating naman po sa isolation bed noong peak po ay 73%, ngayon po ay 41%, bumaba po iyan ng 32 points ‘no or percentage.

Now, sa COVID ward beds po, dati sa peak – 72%, ngayon po ay 40%; -32% po ang ibinaba. At sa mechanical ventilators, sa peak po 64 ang ginagamit natin ngayon ay 41; -23 po ang ibinaba.

Okay! Sa ibang bagay naman po, inaprubahan ng Presidente ang additional five billion na alokasyon para sa repatriation ng ating overseas Filipino workers. Ito ay mismong kinumpirma ni Secretary Silvestre Bello at ito po ay pambayad sa mga hotels dahil nga po sa mas mahabang quarantine na niri-require natin sa mga bumabalik na OFW.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon.

Kasama po natin ngayong umaga si MMDA Chairman Benhur Abalos. At kasama rin po natin si Dr. Ted Herbosa, consultant po ng National Task Force. Unahin na po natin si Chairman.

Chairman, unahin na po natin iyong usaping pagbibenta ng vaccine slots ‘no at linawin po natin kung talagang pupuwede silang mademanda for other forms of swindling at ano pa po iyong mga mensahe natin doon sa mga kababayan natin na nagbibenta ng kanilang vaccine slots.

The floor is yours, Chairman Abalos.

MMDA CHAIR ABALOS:   Well, yes. Unang-una, magandang tanghali po sa kanilang lahat, kay Spox Harry at sa mga kasama po natin sa media partners, kasamang Ted Herbosa.

Iyon pong sa Mandaluyong na napalagay sa social media ay sumuko na po sa mga awtoridad, sumuko na po kay Mayora at sa akin kahapon at siya po ay na-turnover na ngayon sa kapulisan at sa NBI, iimbestigahan po siya nang husto.

Kagabi po ay nag-meeting kami ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila at isang tinalakay dito ay kailangan ba talaga ng uniformed ordinance sa Metro Manila? Kami po ay nagpalitan ng mga kuro-kuro. Si Mayor Abby po ay isang abogado rin kamukha ko po at sabi nga namin, we still have to review the national laws that we have right now.

Mayroon po tayo, Spox, mayroon tayong mga estafa, other forms of swindling, mayroon tayong conspiracy to commit it at mayroon din tayong Bayanihan Law na kung saan sinasabi sa Bayanihan Law ay if you’re going to take advantage of this pandemic ‘no and you use fraudulent scheme, puwede ka ring makulong ayon dito.

So mas minabuti po ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila ay ibato na lamang muna sa kanilang mga City Legal Officer at magmi-meeting po kami kung talagang kinakailangan pa, we will review all national laws pertinent to this, Spox Harry. At isa pang napagkasunduan ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila ay suportahan ang negosyo, mamaya magmi-meeting po tayo sa IATF, susuportahan po namin ang mga panukala ng DTI and of course ni Sec. Mon at ni Sec. Berna. At kamukha po ng dati, ang kanilang pananaw ay slowly but surely ang sa negosyo po, more business activities, taasan ang capacity pero dahan-dahan. Iyan po ang napag-usapan ng mga alkalde.

So mamaya po, iyan po ang dadalhin ko sa IATF kung anong mga activities ito. We leave it to Sec. Mon and to Sec. Berna kung ano po ang pag-uusapan mamaya. At bukod po dito gusto ko rin pong sabihin sa lahat na ayon po ito sa slowly but surely, iyon pong ating curfew na 10 o’clock to 4 ay minabuti na rin po ng ating mga alkalde na ipanatili, status quo pa rin po muna, Spox Harry, na huwag na munang galawin ang ating curfew. At hindi lamang iyon, lastly na lang po, napag-usapan din po kagabi na sinusuportahan din ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila ang pagbabakuna na ng mga A4, ng ating mga manggagawa. At kung maaari nga ay kaagad maimplementa po ito.

Iyon lang po, Spox Harry.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, Chairman. Pero napakadami pong balita na nanggaling sa iyo. Maraming salamat po.

Puntahan naman po natin si Dr. Ted Herbosa. Consultant po ng National Task Force. Sir, unang-una pakilinaw po, ano ba ang ibig sabihin ng   population protection at bakit hindi na natin ginagamit iyong term na herd immunity. At pangalawa, mayroon po ba tayong bagong updates pagdating po sa mga pagdating ng ating mga bakuna. The floor is yours, Dr. Ted Herbosa.

DR. HERBOSA:   Thank you, Secretary Harry. And good afternoon din kay ChairmanAbalos at  sa ating mga kasamahan sa media at mga nanunood sa telebisyon.  Doon sa unang tanong, iyong ating mass vaccination program ng COVID-19, hinahangad nating lahat kagaya ng ibang bansa na maka-attain tayo ng tinatawag na herd immunity, pero nagdedebate po ang mga eksperto dito kung ano iyong minimum na populasyon na kailangan para ma-attain iyong herd immunity. Nag-umpisa iyan sa 50%, naging 60 at ang consensus ngayon ay 70% ng population magkaroon ng tinatawag na population immunity or population protection. Iyon din ang common term na ginagamit natin sa herd immunity. So very important na iyong goal natin maintindihan, kasi bagong sakit po itong COVID-19. Hindi pa natin alam talaga how it will behave.

Pangalawa po, sa public health at epidemiology, ang unang ginagawa kapag mayroong epidemic ay siyempre disease prevention. Ang susunod diyan ay ang tinatawag naming containment, na pipigilan mo iyong rapid transmission at kapag nahinto iyan ang next step ninyo ay ang elimination, i-eliminate mo para kumaunti na lang ang mga kaso. At ang pinakahuli, ang tinatawag na eradication, kagaya ng ginawa natin sa polio. Zero cases sa buong mundo at sa ibang bansa.

Dahil dito importante na iyong ating year-end target malinaw na ma-contain natin iyong disease sa mass vaccination na ginagawa natin at ma-achieve iyong population protection. Ibig sabihin noon, by the end of the year nabakunahan na natin lahat ng A1, A2,A3, A4, A5, ito po ay ibabagsak iyong ating mga namamatay, kasi iyong high risk, iyong matatanda, iyong mga health workers  at iyong mga may comorbidity, at siyempre isusunod na natin  iyong mga nagtatrabaho at iyong mga mahihirap.

So ito ang ibig sabihin ng population protection. Ibig sabihin noon, iyong high risk groups napigilan nating mamatay o magkaroon ng severe illness na napakamahal ang ginastos sa ospital. So ang target po natin mabakunahan natin ang 70% at particularly nag-decide ang IATF na ito ay tutukan, ang NCR Plus 8 na provinces ‘no. by November 2021 and sana ma-achieve po natin ito at makuha natin iyong population protection.

Sa mga magagandang balita, ang idadagdag ko lang iyong sinabi in Secretary Galvez kagabi sa Presidente na naka-achieve tayo noong May 21 ng napakaraming injections per day, 237,984 at itong nakaraang linggo 1.1 million ang nabakunahan natin on the average, napakarami in one week, nakabakuna tayo ng 1.1 million Filipinos at 90% po ng ating health workers nabakunahan na. At ang madadagdag kong good news, this morning sa aming national task force meeting, naka-achieve na tayo ng almost 4.7 million na Pilipinong na-injection-an or ito ang number of injections. At ang good news dito, 1 million na po ang may second dose, nakalampas na tayo doon sa 900,000 – 1.069,844 at ang nabakunahan kahapon ay 170,983 injections.

Panghuli, gusto ko sanang ipaliwanag iyong desisyon ng IATF dito sa rekomendasyon ng vaccine experts panel na ang approach natin sa bakunahan ay iyong portfolio approach, namili tayo ng pitong bakuna para magamit natin sa steady supply.  Hindi po iyan para marami tayong pagpilian. Ito po ay siniguro ng ating IATF dahil sa global shortage maka-deliver ang pitong manufacturers sa atin at nagwo-work po ito, kasi mayroon tayong 8 million doses na nandidito nitong May at may dadating pa nitong this coming June, papadating pa iyong mga bakuna.

So as of now, pitong brands na po ang na-approve ng ating FDA sa Philippines. Pito po ito, ito iyong Pfizer, iyong Astra, iyong Sinovac, iyong Gamaleya, iyong Janssen, iyong COVAXIN ng India at iyong Moderna. Again, all these vaccines are napag-aralan at natingnan na safe, effective at ang pinakamahalaga libre po ito, sabi nga ni Secretary Harry wala pong babayaran sa first dose at second dose at kung kayo po ay tawagin, magpabakuna na kayo as soon possible. At sabi ng ating mga eksperto, the best vaccine is the one that is already in your arm.

Maraming salamat po, Secretary Harry.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, Dr. Ted Herbosa. Please join us for our open forum. Simulan na po natin ang ating open forum. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:  Yes. Good afternoon, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita.

Tanong po mula kay Johnna Villaviray ng Manila Asahi: When the government says no sale of vaccine, does it prohibit only selling for profit or does it include arrangement where the recipient only repays, covers the cost of the vaccine plus operational cost? This is the arrangement that the Philippine Red Cross and some private companies are offering employees, relative of employees.

SEC. ROQUE:  I will defer po to the Food and Drug Administration, kasi sila naman po ang regulatory agency pagdating sa mga bagay na ito. Basta ang rule po is dahil wala pa pong commercial use authorization ang kahit anong bakuna, nasa Emergency Use Authorization lang po tayo, bawal po ang pagbenta. But anent the issue of iyong whether or not we can collect for reimbursement, hahayaan ko na po iyan na desisyunan ng ating FDA.

USEC. IGNACIO:  Question from Maricel Halili of TV5: Is the President seriously considering running for Vice President? Who will be his President?

SEC. ROQUE:  I think, I will quote the President, he leaves it to God.

USEC. IGNACIO:  Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE:  Ang unang magtatanong sa Zoom, sino po?

USEC. IGNACIO:  Si Melo Acuña po, Secretary, ng Asia Pacific Daily.

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY:  Good afternoon, Secretary. I just have several questions. First, with the good Chairman of the MMDA at kay Dr. Herbosa at pangatlo po iyong sa inyo.

Unahin ko muna si Chair Abalos. Thank you so much nawala na po iyong harang doon sa EDSA, wala na iyong tunnel na gagamitin ng mga kalaban. Thank you very much for acting on it immediately. I would like to bring this issue to you because DOTr has not updated us yet as to the kind of investigation they are doing to prevent private vehicles, vans and AUVs from transporting passengers to the Bicol region for example where passengers use fake PCR test results. May magagawa po kaya ang MMDA dito.

MMDA CHAIRMAN ABALOS:  Well, right now, we are trying to coordinate with DOTr regarding this as they have authority here. Actually, sir, we have the manpower, nandiyan lang po ang aming mga traffic enforcers. In fact, we have hired around additional 1,000 traffic enforcers last month to supplement our senior citizens working at home, ganoon po ang nangyari eh. So nakita ko kulang, kaya nga iyong ngang kakulangang ng DOTr puwede naman naming punuan ‘no. Asahan po ninyo po I will coordinate immediately with Secretary Tugade regarding this.

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY:  Very good. Iyon kasing mga nagbibiyahe eh naiengganyong maglakbay dahil nasa Facebook iyong arrangement at may mga telephone numbers na puwedeng tawagan, puwede po ninyong mabantayan iyon.

MMDA CHAIRMAN ABALOS:  Thank you, sir.

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY:  For Dr. Ted Herbosa, magandang tanghali po. Naitanong ko po ito kay Secretary Vince Dizon baka sakaling sa inyong level ay masagot din: Puwede bang magkaroon ng uniform PCR test results, may bar codes ba iyan na puwedeng ma-scan o ma-vet ng mga nasa boundaries ng mga regions para maiwasan iyong fake na mga PCR test results?

DR. HERBOSA:  Actually, sa totoo lang may mga ibang nahuli na fake PCR results because na-check noong LGU na tumatanggap dito na ito ay hindi the same person doon sa COVID-KAYA. Nari-report kasi lahat iyan sa Department of Health, iyong lahat PCR laboratory niri-report ang kanilang results. At kapag ikaw ay gumawa ng fake, ibig sabihin noong gumamit ka ng form na datihan at pinalitan mo lang iyong pangalan, lalabas po ang ibang results. So malalaman na fake.

So iyon iyong proseso na kailangan nating mapaigting, how to check it, maybe a bar code or a QR code, some kind of reader doon naman sa magtsi-check para mabilis makuha iyong datos. So, puwedeng pag-aralan iyan at ma-prevent ang further—maybe bigatan din iyong penalty sa paggawa ng fraudulent PCT results.

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY:  Nabalita po kasi sa Davao may mga QR code na nagagamit sa results, how true is this?

DR. HERBOSA:  Correct—Secretary Galvez and I have gone and we have to submit iyong PCR test mo bago ka nila bigyan ng QR code. So maghihintay ka ng a day yata bago ibalik sa iyo iyong QR code na gagamitin mo pag-enter sa Davao City. So our LGUs can actually definitely use that kind of system.

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY:  Mayroon po akong kahilingan noon kay Secretary Karl Chua na baka sakaling mahimay iyong data doon sa mga yumao dahilan sa COVID. Maaari po   kayang malaman kung anong average age, ano ang economic status at iyong kanilang tinitirhan bago sila pumanaw ng sa ganoon ay magkaroon tayo ng magandang larawan tungkol doon sa mga naging biktima na unfortunately nasawi dahilan sa COVID-19?

DR. HERBOSA:  Well, ang masasagot ko sa iyo is mga datos galing sa ospital, talagang higher age group, iyong matatanda, more senior mataas po ang mortality rate at ang susunod iyong mga may comorbidities kaya sila ang ating unang binabakunahan, kasi gusto nating maprotekatahn sila from dying or serious illness.

Pero magandang study iyan ano, ipo-propose ko iyan para maaral natin iyong 20,000 na pumanaw na at makita natin kung sino talaga ang mga high risk sa demographics natin at matutukan natin ng additional protection and prevention.

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY: Mas maganda po iyon. Para kay Secretary Harry: Ang Catholic Bishops Conference of the Philippines nanawagan na magkaroon ng special prayer for the people of Myanmar on Sunday dahilan sa kaguluhang nagaganap doon. Mayroon na po kayang nangyari doon sa mungkahi ng ASEAN na magpapadala ng special envoy doon sa Myanmar upang suriin ang mga nagaganap doon and what has been the position of the Philippines so far after the February 1 coup d’état, Secretary Harry?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, doon sa appointment po of special envoy wala pa po akong balita ’no, kasi that is something that the DFA should be monitoring. Pero ang posisyon po natin has been consistent, we want an end to the violence and we want a return to democratic institutions. So, malinaw naman po ang nagging posisyon natin diyan and that was articulated by our Foreign Affairs Secretary Locsin.

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY:  Okay. Thank you very much, Secretary Harry. Have a nice day, thank you.

SEC. ROQUE:  Have a nice day too, Melo. Balik ulit tayo kay Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO:  Yes, Secretary tanong in Leila Salaverria ng Inquirer: The FDA said it will amend daw po Pfizer’s EUA to allow its vaccines use on 12 to 15 years old. What is the government’s plan to vaccinate teenagers, if any?

SEC. ROQUE:  Well, gagamitin po natin ang Pfizer kapag dumating na iyong ating mga biniling mga Pfizer, kasi iyong mga Pfizer na dumarating po ngayon galing po iyan sa COVAX Facility kinakailangan po ilaan natin iyan para sa mga indigents. Pero huwag po kayong mag-alala, matapos po iyong July 4 sa Amerika na tinatawag nilang Independence Day from COVID ay inaasahan natin na luluwag na ang supply ng Pfizer. Dahil iyan lang naman po ang bakuna na pupuwede sa teenagers asahan po natin na bibili tayo ng mas maraming Pfizer para sa mga teenagers.

USEC. IGNACIO:  Opo. Second question po niya: DOH Duque said they cannot be included nga in the vaccination drive from now given the limited doses. At what point can they be included? Will it be within this year or if we have reached at least 58 million?

SEC. ROQUE:  Well, inaasahan po natin na kapag dumating iyong ating mga biniling Pfizer ay pupuwede naming makonsidera rin ang ating mga kabataan. Parang seniors po iyan, iyong mga panahon na hindi pupuwedeng ibang bakuna kung hindi AstraZeneca ano. Dahil sa ngayon ang only one authorized by the FDA is Pfizer, eh inaasahan po natin na kahit papaano, kapag dumating na iyong biniling Pfizer mag-a-allocate tayo para sa mga kabataan.

USEC. IGNACIO:  Third question po niya: Sinopharm, has the government returned this as the President ordered three weeks ago or has the government kept it and it’s just waiting for its EUA?

SEC. ROQUE:  Alam po ninyo mabilis ang pangyayari, a few days after sinabi ni Presidenteng ibabalik niya iyong Sinopharm parang one day nga lang po eh lumabas iyong balita na naaprubahan ng WHO iyong Emergency Use List ng Sinopharm para sa buong daigdig which made it easier now for the Department of Health using data submitted to the WHO to be the one to apply para sa EUA na Sinopharm. At sa report po kahapon ni Dr. Domingo mukhang it’s a matter of time, days bago lumabas ang EUA ng Sinopharm.

So, ang sagot ko po diyan, hindi pa po nari-return ang 1,000 pero tingnan po natin ang susunod na mangyayari dahil talaga napakabilis naman po ng developments pagdating sa Sinopharm. May possibility po na kapag lumabas ang EUA eh baka hindi na natin isauli dahil iyon naman ang sinabi ni Presidente dahil nagagalit iyong ilang mga doktor na gumamit ng walang EUA, isasauli niya pero now that may WHO EUA list na at baka possibly in a matter of days lalabas na ang EUA, baka maging moot and academic na iyong controversy.

USEC. IGNACIO:   Opo. Secretary, susunod na magtatanong via Zoom ay si Mela Lesmoras ng PTV.

SEC. ROQUE:   Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV:   Good afternoon, Secretary Roque, kay Dr. Herbosa at kay MMDA chairman. Secretary Roque, iyong first question ko lang po follow-up sa sinabi kanina ni MMDA Chairman. Itatanong ko lang po, can you please elaborate the details ng magiging IATF meeting today? Tama po ba iyong mga IATF members lang po ito at without the President at kailan po kaya iyong quarantine announcement? Puwede rin po sumagot si Dr. Herbosa at MMDA Chairman, ano po kaya iyong mga recommendation nila?

SEC. ROQUE:   As usual, alam ninyo po ang IATF is a collegial body; napakahirap pong pangunahan. Pero ang sa akin lang naman po, consistent ang formula natin: Iyong two-week daily average attack rate, iyong daily attack rate na parehong negative po ngayon for Metro Manila and for the entire Philippines at saka titingnan din natin iyong hospital care utilization rate na sa ngayon po ay nasa low risk.

So, everything else being considered, there is a likelihood na mas magluluwag ang ating quarantine classification pero kagaya ng sinabi ni Chairman Abalos, ang mga mayors are of the belief and they have recommended na unti-unti iyong gagawin nating pagbubukas ng ekonomiya. So, I guess by way of conclusion there’s a likelihood that the quarantine classification might be relaxed on the basis of formula but subject to the recommendation of the Metro Manila Mayors na any further reopening should be gradual.

MELA LESMORAS/PTV:   Opo. Kailan po kaya iyong announcement, Secretary Roque?

SEC. ROQUE:   Well, magpupulong po mamaya. It’s not yet end of the month, but because it is already 28 ‘no, hindi po aabot sa susunod na Talk to the People ang Presidente sa Lunes ‘no, although that is already the 31st ‘no. So, tingnan po natin. It could be announced by the President himself on the 31st or it could be announced earlier after maproseso iyong mga appeal ng ilang mga LGU. Pero considering that Monday is the 31st, I prefer that the President be the one to announce it.

MELA LESMORAS/PTV:   Okay. And Secretary Roque, on mass gatherings naman po, just to remind the public, puwede ninyo po bang i-elaborate muli sa ating mga kababayan under MGCQ, under GCQ, and under MECQ, gaano karami lang po ba iyong pinapayagan and maybe Dr. Ted Herbosa can add, kung lalampas sa mga prescribed na bilang na ito, gaano kalaki po iyong health risk?

SEC. ROQUE:   Ang MECQ po kasi eh talaga pong at most ay doon sa special rules ng ating IATF – 30% sa mga restaurants pati sa mga Simbahan ngayon ay 30%.

Now, sa MGCQ, allowed po ang 50%, so iyon po iyong importanteng isipin natin. Bawal pa rin po talaga ang mass gathering, nagbukas lang tayo ng bahagya, anywhere between 30% sa MECQ at saka 50% sa GCQ.

MELA LESMORAS/PTV:   Opo. At panghuling katanungan na lamang po, Secretary Roque. May mga schedule pa po ba si Pangulong Duterte this week? At sa IATF, may mga dapat abangan po ba ang ating mga kababayan?

SEC. ROQUE:   Well, magkakaroon po tayo ng anunsiyo ‘no. Whether or not it’s done before Monday or on Monday by the President himself remains to be seen. Pero siyempre po kasi bagama’t there will be recommendations to be made today, subject pa rin po iyan sa appeal ‘no and approval of the President. Kaya nga po kami nag-iingat ‘no dahil hindi naman po 100% of the time naaaprubahan ang rekomendasyon ng IATF, so, hintayin lang po natin kung ano ang desisyon ng Presidente.

Anent his schedule, well, busy po si Presidente. Ibig sabihin, busy rin ako, napakadami pong mga ibang mga imbitasyon na ibinato rin sa atin dahil sunud-sunod po ang mga pagpupulong ni Presidente sa Malago.

MELA LESMORAS/PTV:   Okay. Thank you so much po, Secretary Roque at sa ating mga panauhin.

SEC. ROQUE:   Maraming salamat din, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:   Yes. Thank you, Secretary. From Alvin Baltazar of Radyo Pilipinas: What measures are being taken by the Duterte Administration so that the CPP be able to indemnify their victims of human rights abuses and atrocities in the number of billions. Sinasabi po sa report na for the past ten-year period, it cost the deaths of 77 soldiers, 296 innocent civilians, habang sila din po ang umano’y nasa likod ng 533 incidence of destruction ng mga civilian-owned properties.

SEC. ROQUE:   Alam ninyo po, ang liability po nila eh dahil sa paglabag sa international humanitarian law. Iba po iyang humanitarian law sa human rights law dahil international humanitarian law po iyan nag-a-apply po iyan kapag mayroong labanan at iyan po nag-a-apply sa lahat ng mga tinatawag na grave breaches ng AP II (Additional Protocol II) of the Geneva Convention na ginagawa po ng ating CPP-NPA dahilan kung bakit binansagan sila na terorista hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa iba’t-iba pang parte ng daigdig.

Kapag ikaw po ay lumabag sa Additional Protocol II ng Geneva Convention, you are guilty as an international criminal and you can be prosecuted by [unclear] sa kahit anong bansa, kahit saan man nangyari ang krimen dahil ganoon pong karumaldumal ang mga grave breaches or war crimes na tinatawag na ginagawa po ng CPP.

Tingnan po natin at I’m sure na kagaya po ng mga Nazis na maraming nagtago, iyong iba uugud-ugod na eh nahuli pa rin sila and fifty years later pinanagot pa rin sila, kampante po ako na hindi po makakawala sa kanilang mga krimen ang mga CPP-NPA. Justice will catch up with them.

USEC. IGNACIO:   Question from Kyle Atienza of Business World: The proposed Bayanihan 3 Law was already approved by the Lower House. It is among the chamber’s top priorities before it adjourns sine die on June 5. House leaders have said that the measures already met the constitutional requirement for funding sources. Will the Presidente finally certify the bill as urgent?

SEC. ROQUE:   Hinihintay pa muna natin iyong report ng ating economic team if we have available funds pa rin ‘no. Dalawa pong bagay iyan: Number one is iyong consistent position ng economic managers na tingnan muna natin kung pupuwede nating gamitin iyong existing national budget for 2021 at iyong mayroon pang mga butal na mga halaga under Bayanihan 2 bago magba-Bayanihan 3. An additional consideration po is iyong certification coming from the treasury kung mayroon po tayong pondo para mapondohan ang Bayanihan 3. Ganoon pa man, nagpapasalamat po kami talaga sa Kamara de Representante dahil kung talagang gagamitin po natin ang Bayanihan 3, naririyan na siya at hindi na tayo kinakailangan magkumahog ‘no kung talagang kakailanganin natin ng supplemental budget. Maraming salamat po sa Kamara de Representante.

USEC. IGNACIO:   Second question ni Kyle Atienza ng Business World: The proposed economic CHA-CHA was approved on second reading. May we know the Administration’s official position on this bill?

SEC. ROQUE:   Hinahayaan po natin iyan dahil iyan po ay initiative talaga ng Kongreso ‘no. Ang nangyayari po ay amendment pursuant to Constituent Assembly ‘no at iyan naman po ay prerogative talaga ng ating Kongreso.

USEC. IGNACIO:   Opo. Thank you, Secretary. Susunod pong magtatanong si Triciah Terada ng CNN Philippines.

SEC. ROQUE:   Go ahead, Trish.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Hi! Good afternoon, Spox Harry and to our guests. Sir, question lang on the recalibration of targets. Why did the government recalibrate iyong targets for this year in terms of vaccination efforts kasi po yesterday DOH said that from 70 million, it’s been adjusted to 50-60% with concentration in NCR? Is this an admission, an early admission that we can’t meet the original target or is this the government’s way of managing expectations? Ano po iyong setbacks that the decision-makers saw aside from the global supply limitations to adjust these targets?

SEC. ROQUE:   Well, I will defer to what the DOH has said ‘no. Ang riyalidad kasi talaga, is in the beginning, we had expectations of having more vaccines which did not happen particularly, early on in the vaccination process ‘no. Pero ngayon naman po ay dumarating na ang ating mga bakuna at ang importante naman po is talagang to achieve population protection in Metro Manila Plus where we have most of the cases.

So, again, in-explain na ni Dr. Herbosa ang pagkakaiba ng population protection at ng herd immunity. It’s actually technical and scientific distinction. Of course, we’re still aiming for mawawala talaga iyong COVID-19 which is herd immunity, pero meanwhile eh dahil talaga naman we are an archipelago unless 70% of the entire population is vaccinated, we’re aiming for population protection in areas where the cases are highest.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Just one question for Dr. Ted and if I can go back to after, just a follow-up on that.

SEC. ROQUE:   Go ahead.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Hi, Doc Ted! Good afternoon!

DR. HERBOSA: Hi, Triciah!

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, Doc Ted! Good afternoon. Sir, just a follow up doon sa population protection. So, do you mean that it’s just a matter of terms and ibig sabihin po ba, when we achieve population protection, does this inspire the government to ease up pa rin? Kaya po ba natin ma-arrest pa rin, sir, iyong pagkalat ng new variants? Will that be enough to arrest the new variants?

DR. HERBOSA: That’s a very good question. Iyon nga iyong reason why it’s very hard to predict herd immunity, even for the US and Europe, they can attain this number of immunization dahil marami silang stock ng bakuna, pero hindi sila sigurado kung iyong variants will—kung iyong bakuna nila will provide protection with the new variants. So in public health, ang ini-aim talaga natin ay ma-contain mo iyong transmission. Kasi kapag na-contain mo iyong transmission, mako-contain mo rin iyong creation of new variants. So very important iyon na maintindihan natin iyong principle na iyon. Kaya kapag mas marami tayong nabakunahan and mass vaccination, mas bababa iyong ating mga kaso, mas mapuprotektahan natin iyong populasyon at iyong ating mga high-risk na mga tao.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Doc. Spox, may I just go back to you on the clarification lang po sana sa President’s order to arrest mass gathering violators. Kasi po nabanggit po niya, barangay captains pero sa some parts of his speech ay nabanggit niya pati iyong mga violators. Just to clarify: Is this already a go signal to arrest and detain violators in general? Nakahanap na po ba ng legal basis to detain them?

SEC. ROQUE: There has always been a legal basis. We have existing ordinances and of course, the President also cited two additional legal basis. The first of which is dereliction of duty for the barangay officials who fail to prevent with knowledge these super spreaders events, at saka iyong reckless imprudence ‘no.

So there’s always been a legal basis. But the President was also clear, the police should only utilize proportionate force ‘no against those who will defy agents of the law.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, sir, pero kasama na po violators in general, not just barangay captains?

SEC. ROQUE: Opo, kasama po iyan. Kasama po iyan dahil ordinances and all laws apply to all.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, ito pong improvement sa ating healthcare utilization rate, there were big improvements – 20 to 30 percent reduction. How will this factor in sa recommendations for community quarantine classifications? I’m asking also, sir, because we want to know kung ano po ba iyong exact percentages or numbers that you’re looking at so we can go down to MGCQ?

SEC. ROQUE: Ang ating standard is, if the two-week ADAR [average daily attack rate] and the daily attack rates are low-risk and if the hospital care utilization is also low-risk, that’s sufficient basis for GCQ. However, there is also the fact that the implementers have to be heard ‘no, and the implementers here are the Metro Manila mayors saying that the reopening of the economy, while they are fully supportive must be done in a gradual manner.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Spox. Thank you very much, Doc Ted and Chairman. Thank you po!

SEC. ROQUE: Thank you, Trish.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, balik tayo. Tanong po mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: Sinabi po ni Secretary Galvez na maraming residente mula sa mahirap na komunidad ang nag-aalangan pa rin na mabakunahan laban sa COVID-19. Ano po ang gagawing hakbang ng pamahalaan para mahikayat ang mga ito na magpabakuna at tuluyang maalis ang vaccine hesitancy sa Class D at E at makumbinse ang senior citizens na magpabakuna? Kailangan na bang gumamit ng kamay na bakal o maging sapilitan na ang gagawing pagbabakuna?

SEC. ROQUE: Unang-una, hindi pa po tayo naaalarma kasi hindi pa naman dumarating talaga iyong bulto ng ating mga bakuna. So hindi pa naman natin talaga kayang bakunahan ang lahat ‘no na at the same time.

Pangalawa po, umaasa po ako na doon sa pag-aaral ng SWS, bagama’t mayroong hesitancy ay mawawala po iyong hesitancy kapag nakita nila iyong mga kapitbahay nilang nabakunahan na. At iyan naman po ay nangyayari na. And we have seen a substantial increase in the reduction of hesitancy dahil sa huling pag-aaral ng SWS ay umaabot na po sa 50% ang pumapayag na magpabakuna, 30% iyong hardcore na ayaw magpabakuna.

At pangatlo, iyan po ngayon ay subject ng intensified communication campaign ng gobyerno, ng DOH, ng Office of the Presidential Spokesperson at ng PCOO and even the private sector kasi nga po kung hindi natin maa-achieve iyong population protection, no one will be safe.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod po niyang tanong para po kay Chairman Abalos: Clarification, may report na sinabi ninyo na diumano na case closed na ang isyu ng vaccine and slot for sale sa Mandaluyong at San Juan. Bakit ninyo po nasabi na case closed na gayung magsisimula pa lamang ang imbestigasyon ng PNP at ng NBI sa suspect?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Nasabi ko po iyon sapagka’t iyong pinaghahanap na tao na tinuturo doon sa social media ay nai-surrender na po. At noong na-surrender na siya, siya ay tinurn over na po namin sa kapulisyahan at sa NBI.

In that case, doon ko po nasabi na ito’y halos sarado na. Pero hindi pa rin po tayo titigil dito sapagka’t hindi tayo kakampante hanggang hindi natin malaman ang katotohanan. Kung ito ay dini-deny ni Mr. Bonifacio, nasa pulis po iyon at nasa NBI para talagang imbestigahang maigi kung siya ay may mga kasabwat, kung mayroong tiga-gobyernong kasabwat dito. At para sa amin, dapat lamang mademanda at makulong ang ganito sapagka’t libre po ang bakuna at, you know, we are now vaccinating close to 122,000 a day. Talagang napakahirap sa mga doktor, sa mga nurses, sa mga alkalde, kaya we do not need this kind of distraction.

Ang paalala lang, huwag magbibenta ng bakuna at huwag bibili ng bakuna, pareho po kayong makukulong po rito. Thank you po.

USEC. IGNACIO: Pakuha lang daw po ng detalye kaugnay sa nangyaring meeting kagabi ng Metro Manila mayors?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Kamukha po nung nasabi ko ‘no, napagkasunduan ng mga mayors na kami po ay nakikiisa sa economic team – gradual opening ‘no dahil maganda na ang naging mga kaso ngayon, bumaba na po. At hindi lamang iyon, maganda na rin sa ospital. Pero huwag lang natin masyadong bibiglain.

At hindi ko lang nasabi kanina na sang-ayon din pala ang mga alkalde kung ang opening ng simbahan ay aabot ng 50%. Thank you po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Chairperson Abalos.

Secretary, ang susunod na magtatanong via Zoom, si Pia Rañada ng Rappler.

SEC. ROQUE: Go ahead, Pia.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hi, Sec! Good afternoon. Sir, “I will leave it to God,” sir, you said that the President said that when he was asked about whether or not he will run for Vice President. So does this mean he is not ruling it out? Because before you said the President totally nixed the idea because sabi niya, he would never run for VP kasi naging presidente na siya. So did he change his mind?

SEC. ROQUE: No. I think you have to accept his answer for what it is. He leaves it to God.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Because he also said the exact same thing before he ran for President in 2016? Actually, that was 2015. So, sir, does this mean that he’s open to it, at the very least he is open to it?

SEC. ROQUE: Well, he’s leaving it to God, that’s his answer.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right, okay. And then, Secretary, what was discussed in President Duterte’s meeting about the Bangsamoro Region yesterday? Did he weigh in on the nitty-gritty of bills to extend the BTA like for example, its composition, if the present BTA officials will stay on a holdover capacity?

SEC. ROQUE: Well, of course, the President listens to everyone ‘no. And the reason why they were there in the first place was the signing of appeal dividing the Province of Maguindanao to Sur and to Norte. So that was the reason. But the President has always been consistent that he leaves the issue of extending the transition period in the BARMM to Congress. And that both the BARMM officials and the local government officials should coordinate closely with our senators and our congressmen.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just a quick question on that. Sir, how come the media was not informed of the signing event? Kasi usually iyong mga ganiyang signing ceremonies, the media gets to cover it?

SEC. ROQUE: I’m not sure because that’s really handled by different office, MARO under PCOO.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And then, sir, last question for you. Sir, what is Malacañang say about the anti-BTA extension voices? Because for example, the non-Moro indigenous peoples don’t trust the MILF? Political leaders like Sakur Tan of Sulu think the extension is just an excuse to perpetuate the power of MILF. Has Malacañang studied these voices as well?

SEC. ROQUE: Well, the President’s position is he leaves it to Congress ‘no because it is not something that the executive can decide on. So he has been approached by both, pro and anti, and his consistent advice is: Coordinate and talk to the senators and the congressmen. Although, as a matter of fact in the Senate, our Secretary Galvez has spelled out the pros and cons of the extension of the transition.

But whether or not, however the Senate will decide, well, that will be dependent on the ultimate wisdom of both the Senate and the House.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  All right. And then my last question is for MMDA Chairman Abalos.

SEC. ROQUE: Go ahead, Pia.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Yes. Sir, tama po ba, iyong recommendation po ng Metro Manila Mayors is to extend GCQ with heightened restrictions, is that what you are saying?

MMDA CHAIRMAN ABALOS:  No. What we are saying is that, right now, it’s still going to be discussed by the IATF.  As what Spox Harry said, it’s a collegial body, we will be deferring to whatever will be the decision of the IATF. However, it is the consensus, because when I am there, they will ask the stand of the mayors. The stand of the mayors is simple: Let’s just be cautious with slowly opening up the economy, it’s been, you know, it is what has been done before during ECQ up to now, sayang naman iyong gains nandito na tayo. Pero we leave it to DTI Secretary Mon Lopez of what activities and businesses to open and so with Secretary Berna.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  And then, Sir, to clarify, the mayors are open to increasing the capacity of religious gatherings to 50%, pero hindi pa approved iyon, Sir? Kailangan pang i-approve ng IATF or go na ito, sir?

MMDA CHAIRMAN ABALOS:  Yes, this is just the consensus of the mayors. So it’s up to the IATF as a collegial body to approve or disapprove these recommendations.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Okay thank you, very much, sir.

MMDA CHAIRMAN ABALOS:  Thank you, thank you.

SEC. ROQUE:  Right now, Pia, the status is religious gatherings are still limited to 30% but with approval of the local government units.

Thank you very much, Pia. Back to Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO:  Ang tanong ay mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, for Secretary Roque: The fact that the President issued an apparent gag order on Cabinet members in relation to publicly discussing the West Philippine Sea issue, points to a rift and opposing views between government officials and the President. Was the gag order directed specifically at Defense Secretary Delfin Lorenzana and National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr?

SEC. ROQUE:  Hindi po, it was addressed to everyone.

USEC. IGNACIO: Second po para kay Chairman Abalos: Samar Representative Edgar Sarmiento has a proposal to deploy marshals in Public Utility Vehicles or PUVs to ensure passenger compliance with COVID-19 protocols. What are your views on the said proposal? Pareho po sila ng tanong ni Aileen Taliping ng Abante.

MMDA CHAIRMAN ABALOS:  Well, we will discuss this with the DOTR Secretary Tugade. As I have said before, even with the Public Utility Vehicles, we have the manpower to assist DOTr. Thank you. 

SEC. ROQUE:  Dadagdagan ko lang po. Nagkaroon din po ng statement diyan si Secretary Tugade. Mayroon po talaga tayong mga marshals sa ating mga tren to implement the minimum health standards. At ang ating mga traffic enforcers po pati mga kapulisan also act as marshals for public transportation, dahil sila po ang nagpapatupad ng mga local ordinances on minimum health standards. So ang rekomendasyon po is well taken, but we already have actually marshals in trains and law enforcers who act as marshals as well as LTO officials and iyong LTFRB officials who are in fact in our streets ensuring minimum health standards.

USEC. IGNACIO:  Opo. Question from Aileen Taliping of Abante Tonite: May isa daw pong party-list organization na nag-celebrate ng kanilang anniversary sa isang beach resort sa Cebu. Dinaluhan ng ilang Congressmen at local officials, maraming tao at nagkaroon ng sayawan na pinaniniwalaang puwedeng maging dahilan ng super-spreader. Ano po ang gagawing aksiyon ng IATF considering that mga taga-gobyerno mismo ang hindi sumunod sa health protocols?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, linawin natin kung ano iyong quarantine classification doon, kasi kung ang quarantine classification ay MGCQ allowed po up to 50%. Now, kung outdoors po iyan, siyempre up to 50% po. Pero at the same time, I’m sure that DILG will be looking into it. Pero huwag lang po nating kakalimutan na iba ang standards natin sa Norzagaray at saka sa Caloocan na under MECQ, doon sa mga lugar na  under MGCQ, Dahil ang pagkakaiba nga po  with or without mass gatherings po iyan.

USEC. IGNACIO:  Okay. Thank you, Secretary Roque. Ang susunod na magtatanong via Zoom, si Ivan Mayrina ng GMA News.

SEC. ROQUE:  Go ahead, Ivan.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS:  Good afternoon, Sec, good afternoon Chairman Abalos and Dr. Herbosa. Kagabi po pinalutang ni Senator Bong Go iyong concern ng mga marino, iyong mga seafarers at ganoon din ang mga OFW tungkol sa bakunang ituturok kanila. May hesitancy on their part, not because they are being choosy, but because the brand of the vaccine that they are going to get jab with is a requirement doon sa host country nila or kundisyon para sa pag-renew ng kanilang kontrata. Pakilinaw nga po iyong naging tugon ng Pangulo, hindi lang po naging malinaw sa akin?

SEC. ROQUE:  Wala pa po, pag-aaralan po. Ang sabi naman ng Presidente. There may be basis for the request. And again explaining the President’s position, iyong constitutional principle involved po is equal protection of the law na dapat, although, similarly situated should be treated in the same manner. Pero kung mayroon naman pong genuine basis for distinction baka pupuwede po. So ang sagot po ng Presidente, neither here nor there, pag-aralan natin.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: So may posibilidad po na maging exempted sa ilang beses na sinabi ng Pangulo na dapat walang mamimili itong sector ng mga OFW at mga seafarers?

SEC. ROQUE:  Kung mayroon naman po talagang basehan at ito at ay magiging pre-condition para sa hanapbuhay ng ating mga kababayan, may posibilidad po.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS:  Thank you, Sec. Pangalawang tanong ko po, Atty. Barry Gutierrez, the Spokesperson of the Vice President Leni called you out tungkol po doon sa sinabi ninyo kagabi na nag-volunteer siya para sa gagawing infomercial kasama ang Pangulo. Paglilinaw po niya hindi daw po nag-volunteer si VP Leni but merely agreed to the proposal of Senator Joel Villanueva for an infomercial na tatampok po ang Pangulo at ang Pangalawang Pangulo?

SEC. ROQUE:  That’s his perception. Ang tingin ko po, it was really volunteering.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS:  Okay, thank you, Secretary, thank you to the gentleman of the panel.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, Ivan. Balik tayo kay Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO:  Yes, question from MJ Blancaflor of Tribune: Health Secretary Duque noted that the daily attack rates and two-week attack rates in Metro Manila have decreased in recent weeks. Is the Palace considering a more relaxed GCQ in NCR Plus next month to allow the reopening of more businesses?

SEC. ROQUE:  Nasagot ko na po iyan. Under existing criteria, that is generally a basis for relaxation of quarantine classification. But we have to decide considering all factors including the recommendations of our implementers, our mayors.

USEC. IGNACIO:  Opo. The DOH is reporting a decline in positivity rate. However, the department is also reporting a drop in COVID-19 test conducted daily. The country log record-high 67,563 test on April 14. But yesterday, we only conducted 36,630 tests. Is this a cause of concern?

SEC. ROQUE:  Well, titingnan po natin kung bakit bumagsak iyong average daily testing. Remember, kaya po importante na increased testing, iyan po iyong solution or partial solution doon sa surge. Pero habang bumababa naman po ang surge, ang positivity rate ay bumababa din, despite the fact na bumababa po iyong testing. Mayroon po kasing mathematical correlation between a surge and the fact that in order to lower the R0, kinakailangan gumawa ng mas maraming test.

USEC. IGNACIO:  Question from Jam Punzalan of ABS-CBN Online: Is it true that the President approved P5.5 billion in additional funds for the quarantine and repatriation of OFWs? Will be another supplemental budget for this, considering that OWWA said it needed P9.8 billion?

SEC. ROQUE:  Totoo po iyan because that was confirmed by no less than Secretary Bello citing information which he received from the Office of the President. Ito po iyong pambayad sa mga hotel na alam natin lumulubo dahil nga po mas matagal na ngayon ang quarantine period na nire-require natin. Pero tama po kayo, ito ay kalahati lamang noong nire-request ng OWWA. So titingnan po natin kung ano ang mangyayari. There may have to be further supplemental budget or there may have to be amendments of our existing protocols.  But, hindi po nakuha ng OWWA iyong kabuuang budget na kinakailangan niya to maintain the status quo.

USEC. IGNACIO:  Opo. Iyong second question po niya ay nasagot na ninyo, Secretary, pero ang follow up lang po niya ay kung iyong travel ban sa India and several other countries kung i-extend?

SEC. ROQUE:  That will be decided upon din po by the IATF. But so far, all travel bans have been extended up to 31 May.

USEC. IGNACIO:  Opo, third question niya: You have repeatedly pointed out the fishermen can sail out to the West Philippine Sea, however PAMALAKAYA says fishermen in Zambales province lose about 70% of their income due to the intensified presence of the Chinese Coast Guard at Panatag Shoal. Is there something that the government can do about this?

SEC. ROQUE:  Bakit naman natin sinasabi na PAMALAKAYA lang ang pupuwedeng magsalita sa usaping ito eh alam naman atin identified ang PAMALAKAYA sa Bayan Muna Group of Party List. So sa akin mas importunate na pakinggan natin iyong mga pahayag ng walang pinapanigan na mga grupo ng mga mangingisda at tatanungin ko po sila dahil noong minsan naging abogado po nila ako.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po, Secretary Roque at sa ating mga bisita. Iyon po iyong mga nakuha nating question mula sa ating mga kasamahan sa media.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat sa ating naging panauhin, Chairman Benhur Abalos, ang ating suki. Maraming salamat din sa isa pa nating suki, Dr. Ted Herbosa. Maraming salamat sa iyo, Usec. Rocky. At maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Mga kababayan, hindi naman po aaprubahan ng mga dalubhasa ang kahit anong bakuna kung hindi ito napatunayang ligtas at epektibo. Huwag na po nating antayin na maunahan pa tayo ng COVID-19, pabakuna po tayo kung pupuwede na.

Magandang hapon sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)