Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas!

Babasahin ko po muna ang mensahe ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Mga kababayan, our principled position and stand on the West Philippine Sea remains. I have said it before and I will say it again, our agencies have been directed to do what they must and should to protect and defend our nation’s interest.

Our vessels will continue to patrol relevant areas to firmly assert what is ours. The Philippine Navy, the Philippine Coast Guard, and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources will be where they need to be.

We will not waiver in our position. Ang Pilipino ay may prinsipyo at mayroong paninindigan lalo na para sa Inang Bayan. And at the same time, we must be willing to do what we can as responsible members of the international community to resolve disputes peacefully. 

Diplomacy therefore, will play an ever important part. It has fully utilized the bilateral consultation mechanisms (BCM) and other diplomatic venues to engage China. The Department of Foreign Affairs as lead agency will be at the forefront in advancing our interest, harnessing time honored principles of international law.

All stakeholders have professed fealty to these fundamental principles. It’s time for all of us to walk our talk.

Maraming salamat po.

Muling dumalaw po ang inyong abang-lingkod sa Philippine General Hospital para personal na alamin ang sitwasyon sa PGH at bisitahin ang mga pasyenteng naapektuhan ng sunog. Kung kahapon po nagdala po tayo ng pagkain, ngayon naman po ang dala natin ay malalaking electric fan para po sa mga usok na nasa mga kuwarto pa ng PGH.

So, tuluy-tuloy pa rin po ang ating ginagawang pagbabakuna. Mamaya ay makakasama natin po sina Vaccine Czar Secretary Galvez at Testing Czar Secretary Vince Dizon para pag-usapan ito.

Iwasan po natin ang nangyaring vaccine rollout sa Parañaque kahapon po kung saan nagkumpul-kumpulan ang mga tao at nawala ang social distancing. Alam ko, marami ang na-excite sa bakuna ng Pfizer ngunit sundin po natin ang patakaran at anunsiyo ng inyong lungsod.

Makipagtulungan po tayo sa inyong LGU. Kung may schedule ang inyong lungsod na itong grupo lamang ang magpapabakuna, sundin po natin ito dahil kung hindi po talaga, baka maging super spreader venues iyong inilalaan natin para nga po masalba ang buhay ng ating mga kababayan.

Paglilinaw lang po, ‘no, kahapon eh narinig ko po kasi kanina si Manong Ted, ‘no, ang sinabi ko po, kasagutan lang po iyon, ‘no, na hindi ko naman sinasabi pong mananalo ang mga kandidato ng Administrasyon dahil sa pandemya, kung hindi mananalo po sila dahil sa kasagutan natin sa pandemya. Kasama na po diyan iyong pagma-manage natin ng mga kaso ng COVID-19 at iyong magiging successful na vaccine rollout. Sana po malinaw iyan.

Kasama po natin ngayon si Vaccine Czar Carlito Galvez. I give him an option to make an opening statement bagama’t kaninang umaga lang po ipinakita iyong Talk to the People on the COVID-related matters. Secretary Galvez, the floor is yours.

SEC. GALVEZ: Sa ngalan po ng ating bumubuo ng National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Cluster sa pamumuno po namin nila Secretary Lorenzana, Secretary Año, at saka nandito po kasama ko si Secretary Vince, magandang hapon po sa ating lahat.

Napakagandang balita po. Kahapon po ay lumampas na po tayo sa tatlong milyon, actually, 3,114,847 po ang naitala po natin sa ngayon at noong May 15, naitala natin ang pinakamataas na numero sa pagbabakuna na higit 120,529 jabs sa isang araw. Dati, nag-a-average lang po tayo ng 30,000.

Ngayong araw po ay malugod nating inaanunsiyo din po na mayroon tayong karagdagang 500,000 bakuna mula sa Sinovac na darating po bukas. Sa kabuuan po tayo po ay makakatanggap ng 8,279,050 na bakuna mula noong Pebrero. Ang ibig pong sabihin nito, para po sa buwan ng Mayo lamang ay mayroon tayong 7,753,450 na doses na matatanggap.

Para naman po sa buwan ng Hunyo, inaasahan naman natin ang pagdating ng 10,000,050 na bakuna. Mula rito ay mayroon tayong matatanggap na 21,829,050 para sa first and second quarter ng taon.

Sa kasalukuyan po, talaga pong ginagawa po natin ang grand preparation to achieve herd immunity through the strategy of a focus and expanse strategy at the centers of gravity. Sa kasalukuyan, tayo po ay nasa ating malawakang preparasyon upang palakasin ang implementasyon ng ating programa sa pagbabakuna upang makamit natin ang herd immunity sa mga critical na lugar or center of gravity. Ito ay pagtutulungan po ng National Task Force, ng DOH at ng DILG.

Ipinapakita naman po natin ang slide na ito, ang simulation na ginagawa ng ating mga kaibigan mula sa pribadong sektor na nag-combine po ang Jollibee at McDonald’s supply chain managers. Tulad ng inyong nakikita, ang mga numero na ito ay nagrirepresenta ng kinakailangan nating makamit upang mapabilis ang ating layunin tungo sa herd immunity, matapos ang paglaganap ng pandemya at maibalik na ang sense of normalcy sa atin at mga buhay.

Nais ko rin pong i-anunsiyo sa publiko na ang ating Gabinete ay inaprubahan ang ating rekomendasyon na simulan na ang pagbabakuna ng ating mga kababayan na nasa A4 at A5 na kategorya pagkatapos ng buwan ng Mayo o kapag nagkaroon na tayo ng nakikita na mayroon na tayong steady na supply. Ia-announce po namin next week just in case kung makakapagsimula na po tayo sa A4 at A5.

Ang COVAX vaccine po natin ay gagamitin po natin sa A1, A2, A3, and A5 at ang procured vaccines po natin ay sa A1, A2, A3, and A4. Ito po ay dito lang po sa sinasabi natin na NCR + 8.

Sa pagtatapos ho ng aking presentasyon, nais ko pong i-emphasize ang adhikain ng ating Administrasyon sa ilalim ng pamamahala ng ating Pangulong Presidente ay mabakunahan ang lahat ng Pilipino nang libre. Dito po nagmumula ang aming paniniwala na no one is safe until everyone is safe.

Tulad po ng sinabi ng ating mahal na Presidente, na though mayroon na tayong ginagawang strategy, walang maiiwan, walang iwanan.

Maraming salamat po and back to you, Spox.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Galvez. Kasama din po natin ang ating Testing Czar ang Deputy Chief Implementer, Secretary Vince Dizon. Secretary Vince Dizon, the floor is yours.

SEC. DIZON: Magandang umaga po, Spox! Na-report na po ni Secretary Galvez ang ating pinaka-importanteng mga reports sa ating vaccination strategy at dahil po diyan ay kampante na madami na talagang mga Pilipino ang makaka-avail ng ating mga bakuna.

Ang hinihiling na lang po natin ay kaunting disiplina lang po, kaunting pag-aalala na dapat pa ring sundin ang ating minimum health standards lalo na iyong pagdidistansiya at huwag tayong magkukumpul-kumpulan.

Iyon lang, Spox at ready naman po tayong sumagot ng mga tanong ng mga kasamahan natin sa media.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Secretary Vince Dizon. Tumuloy na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon Secretary Roque, Secretary Galvez, Secretary Vince. Ang unang tanong galing po kay Leila Salaverria ng Inquirer para po sana kay Sec. Vince Dizon pero nasagot na po ni Secretary Galvez iyong A4/A5 na pagsisimula ng vaccination.

Ang second question po niya for Secretary Galvez: How will the vaccination of the A5 category go? Do they have to register like members of other categories? Will the LGUs have to round them up to go to the vaccination site?

SEC. DIZON: Okay. So ano po ‘no, maglalabas po ng guidelines ang vaccine cluster at ang DOH sa mga susunod na araw. Pero ang napag-uusapan po ngayon, ang napag-usapan po ng ating Vaccine Czar at ng iba’t ibang mga implementing agencies, kasama na ang mga LGU ay kakailanganin natin lalung-lalo na sa A4 ang cooperation ng mga private sector companies dahil iyong economic frontliners nila ay ang babakunahan na natin under A4 pati na rin iyong mga iba’t ibang mga government agencies. So, ngayon po inaayos lang po ang ating mga guidelines pero kailangan pong lahat ay magrehistro. Pero gagawin po natin, gagawin nating mas madali at mas simplified para mas mabilis po tayong makakabakuna.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Vince. For Secretary Roque: When the President says the Cabinet can’t speak on West Philippine Sea issue, does this mean DND Secretary Lorenzana can no longer question China’s presence in the West Philippine Sea and tell them to leave? How is this beneficial to the country?

SEC. ROQUE: I think the President’s message was clear and I don’t have to interpret it.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Ang unang magtatanong by Zoom is Mela, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Good afternoon Secretary Roque at good afternoon din kay Secretary Galvez at Secretary Dizon. Secretary, okay lang pong kay Secretary Galvez muna?

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Secretary Galvez, na-monitor nga po namin iyong report ninyo kay Pangulong Duterte hanggang ngayon and it sounds so very promising. Ang itatanong ko lang po Sir, with this plan po, ano po bang sitwasyon/status po ngayon ng Pilipinas pagdating sa supply? Ibig sabihin po ba nito ay na-surpass na o masu-surpass na natin iyong global vaccine shortage given na mas paiigtingin natin iyong supply natin, paiigtingin iyong pagbabakuna? Paano po natin matatapatan ito sa supply naman? Ano po bang status po ng Pilipinas?

SEC. GALVEZ: Nakikita po natin na medyo umaangat na po iyong tinatawag nating production ng mga manufacturer at sa ngayon, iyong COVAX naging steady na iyong supply niya and at the same time iyong ating mga procurement ay dumadating na rin po. Ang maganda po dito ay this coming June, tataas po ang ating volume. Unang-una, iyong Sinovac 2 million lang ang nakuha natin this month, sa next month po ay magiging 4.5 million hanggang sa September po.

Ibig sabihin, iyong 4.5 million po na iyon – June, July, August mayroon pong 4.5 million each tayo, each month dito sa Sinovac. At the same time darating na rin po iyong mga procured ng ating private sector at saka LGU this coming month, 1.3 million. And also iyong ating mga procurement sa Moderna and also iyong Gamaleya ay darating na rin po. So mayroon tayong magiging parang steady supply na increasing siya, incrementally umi-increase siya nang more or less by millions.

At natutuwa po kami dahil kasi noong dati, nakikita natin noong month ng March and April, ang nakita natin in trickles lang, ngayon in millions na. So mayroon pa tayong padating na 2.2 million sa Pfizer and another 2 million from AstraZeneca sa COVAX. So natutuwa po kami na medyo steady na po ang supply natin. And nakikita natin na nag-i-increase na rin iyong capacity ng ating mga LGUs. Sa ngayon po nakapagtala na po tayo ng 120,000 jabs a day which is a very, very promising po.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Secretary Galvez, linawin ko lang din po. Kanina po kasi sa presentation ninyo, May 20 iyong dating noong Sinovac and then you said bukas. Clear ko lang po, kailan po darating iyong Sinovac doses na 500,000?

SEC. GALVEZ: Darating siya May 20. I stand corrected.

MELA LESMORAS/PTV4: So ano po, Thursday.

SEC. GALVEZ: Yes, oo.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And panghuli na lang po for you, Secretary Galvez. Kasi bukod naman sa pagbabakuna, nakatutok din tayo sa implementation ng health protocols at iba’t iba pang hakbang para nga mapigilan itong COVID-19. Puwede po ba nating i-reiterate lang kung anu-ano iyong mandates ng NTF Against COVID-19? At bukod sa bakuna, anu-ano po ba iyong mga tinututukan ninyo pa?

SEC. GALVEZ: Ang National Task Force bilang Chief Implementer, tinututukan natin iyong tinatawag na tatlong cluster na response. Ibig sabihin nito na ang NTF ay nahahati ito sa tatlo: nandoon iyong Response Cluster, nandoon iyong Vaccine Cluster at saka iyong Recovery Cluster. So iyon ang trabaho ng NTF and basically sa ngayon ang NTF, nakita natin na during nagkaroon ng surge, iyong ating COVID-19 noong unang araw ng February to April, nakita natin iyong lahat ng mga PDITR elements natin ay gumagalaw.

Nakita natin iyong pina-increase natin ang capacity at the same time iyong response natin na iakyat ang critical care utilization ay ginawa po ng tinatawag nating response team. While iyong vaccination team, iyon po talaga ang nakikita natin na from procurement to administration, iyon po ang tinatrabaho nila. At the same time ito namang mga recovery team, tinitingnan nila para magkaroon ng tinatawag na economic recovery and resiliency during the time of pandemic.

Iyon po ang ano po natin, pagkakahiwa-hiwalay natin and as a Vaccine Czar, nandoon po ako sa vaccine cluster.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you, Secretary Galvez. Secretary Roque, one last question for you lang po.

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Secretary Roque, kagabi po kasi nababanggit ni Pangulong Duterte na siya ay nag-aalala rin sa COVID-19 variants at may nabanggit pa nga siyang posibilidad pa rin ng mga lockdowns. May I ask, ano po iyong magiging basehan kaya ni Pangulong Duterte para maulit na magkaroon ng lockdown sa bansa at ano po iyong immediate actions natin para nga ma-control na itong mga variants na ito?

SEC. ROQUE: Well, unang-una hindi naman talaga tayo tumigil mag-lockdown. Hanggang ngayon po kasama sa ating istratehiya iyong granular or iyong localized lockdown. So kahit anong classification po naririyan po iyan ‘no, ang kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan na mag-resort to granular and localized lockdown. Pero pagdating naman po sa quarantine classification, malinaw na malinaw na po iyan, alam na ng lahat ng ating mga kababayan iyan – tinitingnan po natin ang ADAR, iyong average daily attack rate, iyong daily attack rate at saka iyong two-week attack rate at saka iyong ating health care capacity ‘no. So formula na po iyan, kasama rin iyong social at saka political implications ng lockdown.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretaries.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong ni Jo Montemayor ng Malaya for Secretary Galvez: Nabanggit ninyo na kailangan ng 450,000 sa Davao at 350,000 sa Cebu. Ilang vaccine ang kailangan para sa iba pang focused areas na katulad po ng Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Pampanga para ma-achieve iyong herd immunity?

SEC. GALVEZ: Sa pag-achieve ng herd immunity, very critical po iyong steady supply. So ngayon ang ginawa po natin, kinuha po natin iyong mga different target population ng mga lugar na ito at tiningnan po natin iyong 70%. At sa pag-aano po namin, kinompyut po namin na i-divide po natin sa 6 months po iyon or 180 days, nakikita po natin ang minimum na requirement ng NCR is 3.3 million. Ang Davao po more or less 350,000 to 450,000 at ang Cebu ganoon din po 350,000 to 400, 000.

At kinompyut din namin po iyong mga NCR Plus 6, iyong mga different provinces, nakita po namin na napakaganda po na alam natin kung ano iyong requirement nila at nasu-supply. Para at least kapag once na nagkaroon po nang steady supply, mapu-push po iyong ating mga LGUs na mag-increase ng kanilang capacity. So iyon po ang ano natin, kasi iyong pinakaunang-unang requirement talaga is iyong steady supply.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Update lang kung ano daw po iyong nangyari sa ilang vaccine tulad ng Sinopharm na donated vaccine, kung ilan ang naibalik o nagamit na lahat?

SEC. GALVEZ: Sa Sinopharm po nakita po natin na iyon po ay inilaan po talaga na for donation na nakita natin doon sa Presidential Group at sa National Command Authority. Sa ngayon ay kasalukuyan [tuloy] pa po ang administrasyon katulad nga iyong sa second dose. Pero ang ano po namin, aalamin po kung ano po iyong status ng 1,000.

USEC. IGNACIO: Iyong request daw po sa US na hiramin, bilhin ang AstraZeneca nila na stock kung itinuloy pa rin po ba daw?

SEC. GALVEZ: Ongoing ang ating pag-uusap sa US at ng ating ambassador to the US, Ambassador Babes at ako po ay natutuwa na talagang continuing ang kaniyang mga pag-uusap doon sa state department at the same time, doon sa mga companies. At sa ngayon po nakita po naming maganda po iyong supply natin dahil kasi ang nangyayari, iyong donation po na ginagawa ng US itina-transfer po niya sa COVAX.

USEC. IGNACIO: Ang pang-apat po niyang tanong: Sa Pfizer, Moderna, Johnson & Johnson na vaccine for kids kung bibili din ang gobyerno once available na?

SEC. GALVEZ: Ang nakikita po natin i-evaluate pa po kung talagang bababa na po tayo, kung puwede na pong bumaba ang mga vaccine po na ito kasi ginagamit po nila ito. Nagkakaroon po sila ng clinical trial pa kung puwede itong gamitin sa mga 17 and below. Once na mayroon na pong directive ang ating FDA at saka iyong vaccine expert panel na puwede na pong gamitin ito sa 17 and below, and children. Tayo po ay talagang nag-a-anticipate, may foresight po tayo na bumili. Kaya nakita po natin na binili po natin na vaccines na instead na 148 ay nai-angat po natin iyon sa 202.

USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon po sa naging panawagan ng retiradong military at police officers kay Pangulong Duterte na depensahan ang West Philippine Sea mula sa continuous incursions ng China?

SEC. ROQUE: Paulit-ulit na po nating sinasabi na hindi po tinitigil ni Presidente ang pagdidepensa sa ating teritoryo. Mayroon lang pong mga panlilinlang na nanggagaling po sa mga kritiko. Pero ang katotohanan po, kaya binabalik natin ang kasaysayan na nangyari doon sa Scarborough Shoal dahil ito naman po ang naging hudyat para maging mainit muli ang usaping West Philippine Sea. Hindi po tayo nawalan ng teritoryo sa administrasyon ni Presidente Duterte. Nangyari po iyan sa ibang administrasyon.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror, for Secretary Galvez: Ilan ang recorded vaccine wastage and how will this affect its ongoing vaccination drive?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po ang na-report po sa atin iyong nangyari sa province ng Cotabato, iyon po ay ini-imbestigahan po natin at ini-evaluate pa rin po natin kung iyong 380 na naiwanan sa freezer ay puwede pa pong gamitin. Sa ngayon po ang mga report po is very minimal sa ating tinatawag na mga wastage. Kasi iyon po ang talagang pinapaalam namin sa ating mahal na mga Pilipino at saka sa mga LGUs na talagang we have to look at the vaccines as precious as gold.

So, ang ginagawa po namin talaga na very minimum ang magiging wastage, na gagawin po natin ito. Kaya po ang ginawa po natin ay sinusunod po natin iyong ating patakaran sa WHO na mayroon po tayong tinatawag na vaccine safety officer na titingin kada oras, tinitingnan iyong status na  iyong efficacy at saka iyong cold chain system ay hindi po nabi-break doon sa storage po.

USEC. IGNACIO: Ang second question po ni Sam Medenilla: Magkano po ang nagagastos ng government for vaccine procurement and for what vaccines kaya ito ginamit?

SEC. GALVEZ: Sa ating vaccine procurement, nakita po natin na 82.5 million po ang ating allocation. Out of that allocation, 58 billion po iyong inutang po natin sa Asian Development Bank at saka World Bank at saka Asian Infrastructure Investment Bank. Ang nagagastos na po natin ngayon ay iyong sa 4.5 million ng Sinovac at saka iyong advance natin sa Gamaleya and also our advance for Moderna. Iyong iba po, ongoing pa po iyong financing at hindi po tayo nakakapag-release pa.

SEC. IGNACIO: Okay, thank you, Secretary Galvez.

SEC. ROQUE: Okay. Melo Acuña of Asia Pacific Daily please?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yes, good afternoon, Mr. Secretary. This goes to you and to Secretary Galvez and probably Secretary Dizon. I heard and I saw some reports na mayroong karamdaman na tumatama sa mga gumagaling na sa COVID-19. Ito iyong tinatawag nilang black fungus or mucormycosis. Mayroon na rin po bang ganitong nagaganap sa Pilipinas among people who recovered from COVID-19?

SEC. ROQUE: Ako po wala. Dahil nagka-COVID ako wala naman akong ganiyan. Ako po personally, I am not in a position to answer that. I would like to refer you to Usec. Vergeire.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah, okay. So iwan na muna natin iyong isyu roon. Pero mayroon na po bang natanggap na balita ang Pilipinas, ang pamahalaan tungkol doon sa panukala ng Amerika na mag-donate ng mga bakuna sa mga bansa na nangangailangan ng bakuna ngayon?

SEC. ROQUE: Secretary Galvez, please?

SEC. DIZON: Salamat, Melo. Tayo po ay nakikipag-ugnayan ng tuluy-tuloy sa ating Philippine Embassy sa Washington DC, kay Ambassador Babes Romualdez  at siya ay nakikipag-usap din  sa  mga  key officials ng US government tungkol sa donation ng mga bakunang hindi naman gagamitin ng Amerika at ito ay hinihingi na rin ng iba’t ibang bansa kasama na ang Pilipinas. Siguro po sa mga susunod na linggo, magkakaroon tayo ng update dito. Pero sa balita na ibinigay sa amin ni Ambassador Babes, is very positive ang naging response ng US government tungkol sa ating request, lalo na para doon sa mga AstraZeneca vaccines na nasa Amerika ngayon  na hindi pa nila ginagamit.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Pero ito po ba ay babayaran natin o ito po ba ay donasyon?

SEC. DIZON: Ito po ay magiging donasyon. Iyon po ang nagiging usapan ngayon. Hindi lang  sa Pilipinas, kung hindi pati sa iba’t ibang bansa sa mundo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po. Para po kay Secretary Galvez. Secretary Galvez kayo po ay abala sa vaccine rollout at iba pang issues tungkol sa COVID-19. Hindi po ba nababawasan ang inyong oras sa pagiging Presidential Adviser on the Peace Process at ano po ang tingin ninyo doon sa isyu ng BIFF at doon sa ilang reklamo o hinaing  ng mga katutubo na sila ay nagigipit ng ilang mga armadong grupo doon sa kanilang mga lupain? Salamat po Secretary Galvez.

SEC. GALVEZ: Alam po ninyo iyong Office of the Presidential Adviser on Peace Process ay matagal na po na nandiyan po, more than 18 years na talagang tumututok po tayo sa Bangsamoro Peace Process. Marami po tayong mga tauhan lalo na si Usec. Sid Purisima at saka iyong ating mga EXECOM na talagang nakatutok po dito sa ongoing implementation ng normalization at saka political track ng Bangsamoro. Sa kasalukuyan, Sir Melo ang peace agenda po ng OPAPP ay anim na peace agenda po iyan at talaga pong tinututukan po namin ang lahat ng mga rebel groups para magkaroon ng tinatawag na normalization at magkaroon ng tinatawag na peaceful productivity doon sa mga areas na nasasakupan ng mga different rebel groups.

Sa kasalukuyan, bukas po pupunta po kami sa Cotabato, may emergency meeting po kami kay Hadji Murad at ako rin po ay lumalabas din po sa Senado, para naman sa extension ng BARMM election. So, sa ngayon po nakita po natin na kahit na marami po tayong tinatrabaho, nandiyan naman po sila Sec. Dizon at ang ating mga kasama na tinatawag natin na mga different cluster groups na talagang very professional at ang nakita natin, ano lang po iyan, paghahati-hati lang po ng ating panahon para magkaroon po tayo ng focus doon sa tatlong ibinigay po na misyon sa akin po ng ating mahal na Presidente.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Matutuloy po iyong okasyon ng World Bank sa darating na Huwebes?

SEC. GALVEZ: Yes, tomorrow mayroon po yata tayong ano, tinatawag na launching iyong Bangsamoro National Trust Fund and also mayroon din tayong, nagkaroon po tayo ng tinatawag nating development partners engagement noong nakaraang week at ito po ay talagang inaasahan po natin na magiging maganda po iyong ating engagement with our foreign donors.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po. Thank you very much for the update. Thank you, Secretary Harry.

SEC. ROQUE: Maraming salamat Melo. Balik tayo kay Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Pia Gutierrez of ABS-CBN, for Secretary Vince Dizon: Reaksiyon sa pagdumog ng mga tao sa pagbabakuna ng Pfizer sa Parañaque, ipinapakita lang daw kasi nito na preferred talaga ng tao ang Pfizer over other brands of vaccine. So ano ang mensahe ninyo sa publiko tungkol dito?

SEC. DIZON: Unang-una po ano. Hindi lamang Pfizer pero ang tingin ko iyong nangyari sa Parañaque at nangyayari din sa ibang lugar ay nakikita na natin na tumataas na ang kumpiyansa ng ating mga kababayan sa pagbabakuna. Pero siyempre hindi naman natin maiiwasan na mayroong mga pagkiling ang ating mga kababayan kung ano ang bakunang gusto nilang matanggap. Ang importante lang, unang-una maintindihan ng ating mga kababayan na lahat po ng mga bakuna na nasa Pilipinas ngayon at darating sa Pilipinas ay ligtas at epektibo.

Lahat po ito ay dumaan na sa masusing proseso ng pagba-validate ng mga iba’t-ibang eksperto sa Pilipinas at sa ibang bansa at ang pinaka-epektibo pong bakuna ay iyong bakunang makukuha na natin.

Ang challenge po natin sa mga bakuna tulad ng Pfizer ay iyon pa ring supply’ ‘no. Alam natin na ang unang dumating na Pfizer ay 193,000 lang at talagang kakaunti po iyon at ito sana ay talagang priority para gamitin ng ating mga health care workers at ng ating mga senior citizens.

So, ano lang po ano, sa ating mga kababayan, ang importante lang po ay magpabakuna na tayong lahat nang mabilis. Pero kapag tayo po ay pumupunta para magpabakuna, huwag na huwag po nating kakalimutan na kailangan po nating sundin ang tamang minimum health standards. Lagi tayong naka-mask, naka-face shield, at didistansiya tayo at huwag tayong magkukumpulan.

Nagpapasalamat din po tayo kay Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque dahil kahit na dinagsa siya kahapon ay mabilis niyang naayos ito sa tingin ko sa mga susunod na araw eh mas magiging maayos na dahil sa efforts ni Mayor Edwin at ng iba pa nating mga mayors.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.

SEC. GALVEZ: Okay! Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hello? Sec., can you hear me?

SEC. ROQUE: Yes. Go ahead please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just on the Talk to the People last night kasi Sir, iyong directive nga po ni Presidente na Cabinet Members shouldn’t speak about West Philippine Sea issues. Sir, does this directive cover the NTF-WPS press releases wherein they tell the public, they even show photos and videos of Chinese ships in the West Philippine Sea. Does that mean that the task force can no longer do this?

SEC. ROQUE: The instruction of the President was clear.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Which is? How does this relate to the NTF-WPS?

SEC. ROQUE: Well, only the Secretary of Foreign Affairs and myself, can speak on the issue now.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, that means no more press releases like these because these reports from the task force also helped the public understand the situation more and it shows transparency on their part? Does this mean that we can expect no more such press releases?

SEC. ROQUE: Well, you know, reports of the NTF are forwarded to the DFA and they would determine if they will file diplomatic protest. So, these are matters, facts, which are relevant to diplomatic communications covered by executive privilege. So, although there is transparency, an exception to transparency are diplomatic communications and that includes also inputs which form the basis of diplomatic communication.

PIA RAÑADA/RAPPLER: In what way have these press releases been harmful to international relations or projects or initiatives of the government?

SEC. ROQUE: I never said they’re harmful, I just said it’s covered by executive privilege because we need to allow the executive branch to make the correct decision no matter what.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes, but they’ve been doing these for months already and wala namang parang harm that the public can see from these press releases. So, if the thing isn’t defective why stop what’s happening especially since they also educate the Filipino people?

SEC. ROQUE: That’s the decision of the President—

PIA RAÑADA/RAPPLER: Why stop this practice?

SEC. ROQUE: That’s the decision of the President, Pia. And as I said, it’s covered by traditional exception to Freedom of Information.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And then, Sir, can I just ask Secretary Galvez what happened to the 10,000 Sinopharm vaccines ordered by the PSG? Dumating na po ba ito at kung hindi pa, affected po ba ito ng order ng Presidente na wala munang Sinopharm na ia-administer until may EUA.

SEC. GALVEZ: I’m not privy on this issue considering that this ano is with the PSG.

PIA RAÑADA/RAPPLER: You’re not privy but you’re the vaccine czar. Don’t you keep tab of what government agencies for example order?

SEC. GALVEZ: Ito kasi iyong tinatawag nating CSP eh. Ang ano ko eh is more on the procurement, iyong sa CSP at saka iyong sa mga donations, it is basically handled by the DOH.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, you have also no idea how much the PSG spent on the Sinopharm vaccines?

SEC. GALVEZ: I have no idea.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Sir, you mentioned may emergency meeting po kayo with Interim Chief Minister Murad. Sir, may we know bakit po nagkaka-emergency meeting? Ano po ba iyong concerns ni Chief Minister in relation to extending the BARMM elections?

SEC. GALVEZ: I’m not in a privilege to divulge it.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And Sir lastly, you mentioned iyong A4 vaccinations, you are looking at making the private sector more involved in this. Sir, does it mean na iyong economic frontliners natin, are they no longer need to register through their LGU, it would be preferred if they register through their company? And if so, what about the companies, Sir, who didn’t purchase their own vaccines?

SEC. GALVEZ: There are two options actually. Ang ano natin is puwede nga magkaroon ng institutional vaccination meaning doon sa economic frontliners they will be vaccinated by the company having iyong third party provider, or they can be registered doon sa LGU.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, Sir, if the company was not able to secure vaccines on their own, iyong advice pa rin ng National Government is for the economic frontliners to register through their LGU of residence.

SEC. GALVEZ: Yes. Actually, lahat naman iyan with or without the procurement of the companies, the government can take care of it.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And then registration through their barangay of residence, hindi po through their iyong location po ng work nila?

SEC. GALVEZ: Normally, ang ginagawa natin, iyong sinasabi ko nga, iyong sa option kung just in case na mayroong available na dosage ang company, the registration will be through the institution, iyong sa company. So, we require them to have the master list but in case na hindi nakabili iyong company ng dosage, so, normally ang ginagawa natin na master listing is doon sa LGU where dalawa iyon – either sa location ng company or doon sa location ng residence niya.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you, Pia.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Thank you.

SEC. ROQUE: May we ask Usec. Rocky again for questions.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. From Jam Punzalan ng ABS-CBN for Secretary Galvez pero nasagot na rin po niya iyong iba dito. Basahin ko na lang po baka may dagdag pa si Secretary Galvez: A legislator and several sectors are urging government to bump-up the A4 and the general public in the vaccination priority. They say they will help boost public confidence in the jabs, how likely are we to heed this? Aside from tight supply, what constraints could be stopping us?

SEC. GALVEZ: Actually, nasagot na natin iyan. Magbubukas na po tayo sa A4 at saka sa A5, ang timing na lamang po ang tinitingnan natin. Ini-inventory po natin ngayon ang supply na darating at saka iyong nasa ating current inventory.

USEC. IGNACIO: For Secretary Dizon, from Jerome Aning ng PDI: Mag-iisyu ba ang NTF or any government agency ng guidelines regarding vaccination in the private sector? May mga tanong kasi ang workers kung ang employer o ang gobyerno ang sasagot sa serious adverse effects? May mga employer na ngayon pa lang ay naglalabas na ng policies at consent forms regarding company-based vaccination.

SEC. DIZON: Yes. Kagaya ng nasabi ko po kanina, maglalabas po ng guidelines in the next few days ang vaccination ng A4. Ito ay hindi lang ang private sector kung hindi pati ang mga national government frontliners and various agencies ng gobyerno.

So, maglalabas tayo ng guidelines dito. Pero ang sinisigurado natin dito ay ito ay pipilitin nating maging as simple as possible para hindi po mahirapan ang ating mga iba’t ibang kumpanya na makapag-avail ng mga bakuna at mabakunahan nang mabilis ang kanilang mga empleyado.

So, abangan na lang po natin sa mga susunod na araw.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Vince. From Ivan Mayrina ng GMA News for Secretary Galvez: Ang vaccination targets natin pre-suppose that the population is ready and willing to get the jab, but the reality is not as many as six in ten Filipinos are not willing to get vaccinated. Anong mga konkretong hakbang ang balak nating ipatupad para tugunan ang hamong ito at ma-achieve ang ating target?

SEC. GALVEZ: Mayroon po tayong tinatawag na Task Group on Demand Generation at ito po talaga ay they are working hand in hand with our communicators doon sa private sector at nakikita po natin na medyo tumataas naman po iyong ating tinatawag na uptake. Ang mga nakita namin na tumataas na ngayon na more than 80% sa ibang ng mga sector at nakikita po natin na very evident talaga iyong class D and E ang nakita nating mayroong hesitancy pero iyong class A, B, and C, we saw that ang acceptance napakataas.

So, ang challenge po sa amin, talagang gumagawa po tayo ng programa na magkaroon po tayo ng tinatawag na demand generation uptake through massive information and also massive communications with the concerned citizens and also the LGU and DILG are also working hand in hand with us so that iyong mga influencer natin, iyong mga LGUs natin and also iyong tinatawag nating private influencers ay makatulong po sa atin.

USEC. IGNACIO: For Secretary Dizon: Magkakaroon ba daw po ng pagbalasa sa prioritization? Sinabi ng Pangulo na bilisan na ang pagbabakuna sa A4 at sa mga mahihirap. Ganoon din po ba sa mga sundalo at pulis, and how soon?

SEC. DIZON: Opo. Unang-una po, inanunsiyo na po ng ating vaccine czar at inaprubahan na ng ating Pangulo ang expansion natin sa economic frontliners at national government frontliners, iyong tinatawag nating A4 category sa mga susunod na linggo, malapit na malapit na. Kasama po dito ang ating mga kasundaluhan at ang kapulisan. Kaya mag-uumpisa na po tayo dito.

At ang importante po ngayon ‘no, sususugan ko lang iyong sinabi ni Sec. Galvez kanina. Iyong vaccine hesitancy, alam nating totoo iyan pero ang pinakaimportante po ngayon ‘no ay bilisan natin at palawakin natin ang pagbabakuna para unang-una iyong mga gustong magpabakuna at iyong mga kailangang-kailangang mabakunahan ay mabakunahan na natin sa loob ng ilang mga buwan na lang ‘no. Kasi napakaimportante niyan para maprotektahan na natin lalo na iyong mga frontliners natin at iyong mabuksan na natin nang todo-todo iyong ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kylie Atienza of Business World, for Secretary Roque: After having a meeting with Senator Enrile on the South China Sea dispute, ano po ang next step ng gobyerno to address the issue? Will the President also hold talks with maritime experts and other concerned parties especially the fishery sector? Isn’t it high time to come up with the national coastal management policy?

SEC. ROQUE: We have always had this policy ‘no. In fact mayroon po tayong batas na isang polisiya tungkol dito. So ginagawa po iyan, pinapatupad po iyan ng Presidente – ang naging malinaw lang sa sinabi ni Senator Enrile kagabi ay batay sa kaniyang karanasan bilang dating Secretary of National Defense, dating Senator at Senate President ay wala pong mali sa polisiya ng Presidente pagdating sa West Philippine Sea at bilang Presidente, siya lang naman talaga ang tanging arkitekto ng ating foreign policy.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Vivienne Gulla of ABS-CBN for Secretary Galvez and Dizon. Iyong first part po ng question niya about A4 and A5 nasagot ninyo na. Pero ang follow up po niya: Kung ito daw po ay for all areas, for high risk areas lamang muna? Government procured vaccine lang po ba ang puwedeng gamitin for A4, pero ang mga bakuna from COVAX puwede bang ibahagi sa mga kabilang sa A5?

SEC. DIZON: Salamat, Vivienne. Unang-una po ‘no, kasama na sa prinisenta ni Sec. Galvez kahapon sa ating mahal na Pangulo ang ating magiging priority para sa ating expansion to A4 and A5 ay iyong NCR+8. So ang National Capital Region, ang probinsiya ng Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas at ang Metro Cebu at Metro Davao.

Ito po ay priority natin dahil unang-una, sila ang may pinakamataas na incidence ng COVID-19 at sila din ang mga area na napakaimportante para sa ating ekonomiya. So sila ang uunahin ‘no sa expansion. Pero nasabi din ni Secretary Galvez na kapag dumating na ang iba pa nating supply, mag-i-expand tayo sa iba pang mga area sa bansa.

Doon sa pangalawang tanong na ano ang bakunang gagamitin, para sa A4 ang gagamitin natin po doon ay ang mga binili nating mga bakuna. Para naman sa pag-expand sa A5, doon po natin gagamitin iyong mga bakunang binigay ng COVAX Facility.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: Higit dalawang buwan na daw po ang COVID vaccination sa bansa pero sa ilang lungsod sa Metro Manila, wala pa rin sa kalahati ng populasyon daw po ang nagpaparehistro para dito. So, ano daw po ang puwedeng gawin para mas mapataas ang kumpiyansa at mahikayat ang publiko na magpabakuna? Paano natin matitiyak na walang masasayang na bakuna sa gitna nang mababang registration rate?

SEC. GALVEZ: Yeah. Talagang malaking challenge po iyan at nakita po natin na talaga sa Valenzuela, pinakita nga po nila Senator Gatchalian na talagang very challenging iyong registration. Ang ginagawa po ng ating mga LGU ngayon at saka ng ating mga private sector ay umiikot po at saka nagbibigay ng education para malaman po nila iyong benefit ng vaccination.

Isa lang po sa mga example nito, noong kausap namin iyong Embahada ng Israel, noong nagkaroon po sila ng 59% ng kanilang vaccination ay parang na-normalize na po ang nagiging buhay ng mga Israelis. At nakita po natin iyong ibang area po sa US, bukas na rin po ang edukasyon at bukas na rin po kadalasan iyong kanilang mga tinatawag na lahat ng mga establishment, ng business establishment po sa US.

At nakita po natin, nag-improve din po iyong health standards at saka iyong tinatawag natin iyong cases ay nag-improve po. Sinabi nga rin po sa Israel noong sinabi nila noong nagkaroon po kami ng meeting, 10,000 po iyong nahu-hospitalize po nila noong wala pa po iyong vaccination. Pero noong nagkaroon na po ng vaccination po, sa ngayon po 47 na lang po ang nasa hospital.

Ibig sabihin talaga sabi nila, ang vaccine ang answer dito sa pandemic na ito. So dapat iyon ang pang-unawa natin sa ating mga Pilipino na really, the only answer for us to become normal is iyong vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Galvez, iyong kanina pong sinagot ninyo sa tanong ni Jo Montemayor, gusto lang po niyang i-follow up: Ilan daw po iyong steady vaccine supply na required per month sa other focused areas?

SEC. GALVEZ: Nakita po natin na talagang sa buong Pilipinas, kailangang magkaroon po tayo ng 500,000 jabs a day. In order to have that 500,000 jabs a day, kailangan po na sa nationwide mayroon po tayong 15 million. Sa NCR, sa mga focused areas natin, kailangan po natin ng 3.3 million kada buwan. At nakita po natin, sinabi nga po natin na iyong mga provinces na nakapaikot sa NCR at saka iyong Metro Cebu at saka Davao, kailangan po magkaroon po sila nang more or less 250,000 to 450,000 vaccines a month.

So iyon po ang tinatawag nating steady supply na iyon, iyon ang nag-i-ensure na iyong mga daily jabs po nila ay masusuplayan. So iyon po ang ano po natin, sinasabi ko po na kailangan in order to have iyong herd immunity, kailangan po natin ng 500,000 na jabs and then at the same time, 15 million doses a month.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po si Ivan Mayrina ng GMA News: Kung priority rin ba na bigyan ngayon nang mas malaking allocation ang Palawan and other regions na matataas daw po ang cases? Reklamo doon, parang kaunti lang daw po ang nagbabakuna sa kanila.

SEC. GALVEZ: Opo. Papunta nga po kami doon sa Palawan at saka sa Zamboanga City kung saan tumataas ang ating mga kaso at bibigyan po natin sila nang added vaccines at saka po ng test kits. At saka magbibigay rin po tayo ng mga gamot para po sa mga COVID positive.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Vanz Fernandez ng Radyo Pilipinas: Sa pahayag daw po ni President Duterte saying that Chinese President Xi Jinping warned that if the Philippines drills for oil in the West Philippine Sea, that there will be trouble. Wouldn’t that ply against the President’s much earlier statement saying if China drills oil in the West Philippine Sea, he would send his gray ship. Doesn’t this create a standstill whether neither side can exploit the resources of the territories they claim to be theirs?

SEC. ROQUE: Hindi po. Kaya nga mayroon pong usapin na habang hindi pa nariresolba kung sino ang mayroong soberenya diyan sa areas na iyan eh baka posible na joint ang magiging exploration and exploitation ‘no. So patuloy pa iyang usapin na iyan dahil sa iba’t ibang parte naman ng daigdig, itong mga issue na ito ay hindi naging hadlang para makinabang ang lahat sa tanging yaman.

Sa katunayan po iyong langis sa Middle East, sa ilalim naman po ng lupa wala naman pong territorial boundaries iyan ‘no. So nagkakaroon po sila ng usapin kung paano jointly madi-develop ang tinatawag na straddling resources. At pagdating po sa joint exploration sa karagatan, marami na po tayong mga model na puwedeng sundin diyan at nakikita po natin na pupuwede naman pong pag-usapan ang mga bagay-bagay na ito sa panig ng mga magkapitbahay na matalik na magkaibigan.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil daw po sa tensiyon sa West Philippine Sea, what leverages does the Philippines have against China’s encroachment into our territory to deter them from any further advances into our territorial waters?

SEC. ROQUE: Wala po akong nakikitang tensiyon sa West Philippine Sea. Ang tensiyon ho ay binubuo ng mga kritiko dito lang sa Pilipinas po. Pero sa labas naman po ng Pilipinas eh alam naman po natin na may problema pero wala naman pong tensiyon ‘no, hindi po kagaya noong nangyari doon sa Scarborough Shoal. So ang ingay po ay naririto sa Pilipinas lamang.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Sandra Aguinaldo ng GMA-7 for Secretary Galvez: What is the update on the expiring vaccines? How many doses have been used so far?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po patuloy po ang pag-aano po natin sa mga vaccine natin sa AstraZeneca at iyon po, pina-priority po ng ating mga LGUs na binigyan po natin. Sa ngayon po more or less mga 200,000 to 300,000 na po ang na-vaccinate ng AstraZeneca at nakita po natin na tuluy-tuloy. Ang pagkasabi ng mga LGU, hindi lalagpas ng 15 days matatapos po natin iyong mga doses na ito. Huwag po kayong mag-alala dahil kasi po iyong mga vaccine po na ito ay talagang naka-timed na June 15 matatapos po namin.

USEC. IGNACIO: Opo. So, paano daw po maaabot ang 120,000 vaccination per day? Dahil ba sa pagdami ng vaccination sites o kaya ay improvement in vaccine confidence?

SEC. GALVEZ: Pareho po iyon, kapag nag-expand po tayo ng mga vaccination site, ibig sabihin may dagdag po na capacity po iyon  at iyong nakita po natin na mayroon sa directive po ng DOH na tinanggal na po iyong pagkukuha ng BP, so napapabilis na po iyong  tinatawag nating screening.  So with that kapag napaiksi na po iyong screening at na-expand na po ang vaccination site ay talaga pong dadami ang ating vaccination.

USEC. IGNACIO: Okay. Iyong third question po niya nasagot na ninyo. From Kylie Atienza naman for Secretary Roque: Will the President consider the request of PEZA to lift AO no. 18 which imposed a moratorium on the processing applications for eco-zones in Metro Manila?

SEC. ROQUE: Well, aalamin po natin iyan, because ngayon ko lang po narinig iyan.

USEC. IGNACIO: From Tina Mendez ng Philippine Star. For Secretary Galvez: NCR Plus is giving priority for vaccination. But there are areas daw po like Montalban in Rizal, some localities in Antipolo and even barangays in Bulacan and Pampanga which are still catering to A2 or the elderly. Marikina has to intensify A3 vaccination also since it is wrapping up second dose for health care workers and catering to seniors. How is the national government addressing the gaps in administering vaccines for A3 then later on A4 so that we can reach the goal to have herd immunity by yearend?

SEC. GALVEZ: Ang ano po natin, mayroon po tayong ginagawang capacitation na ginagawa po natin. Sa ngayon po umiikot po ang ating team, CODE team tinitingnan po ang capacity ng isang lugar and then kapag nakita po natin na kinukulang ang capacity, gagawa po tayo ng augmentation sa mga staff at saka nag-i-increase tayo ng vaccinations sites. So sa ngayon po ang gagawin po natin, nakita po naming may mga LGU na talagang prepared na prepared  na at ang sinasabi po namin iyong mga LGU na nangangailangan ng tulong dahil kasi napakalaki ng kanilang populasyon ay talagang tutulungan po ng Armed Forces at saka ng mga uniformed personnel  at magkakaroon po tayo ng redeployment from area to another area.

USEC. IGNACIO: Question from Aileen Taliping of Abante Tonite:  Reaksiyon daw po sa ulat na plano umanong magbenta ng vaccine ng Philippine Red Cross para sa mga hindi makapaghintay ng bakuna mula sa gobyerno?

SEC. GALVEZ: Nagkaroon na po ng clarification po iyon. Nagkaroon na po ng tinatawag nating misinterpretation sa sinabi po ng Red Cross. Nagkaroon na po ng clarificatory statement ang Red Cross kanina po.

SEC. ROQUE: Well, lilinawin ko lang po sa panig po ng Presidente, ang pangako po niya ibigay ang mga bakuna ng libre, dahil ang mga bakuna naman na inaangkat ng gobyerno ay babayaran ng ating gobyerno. Iyong mga inaangkat siyempre ng pribadong sector ay para sa kanilang gamit, pero wala po dapat magbenta, kasi wala nga pong general use authority pa ang kahit anong bakuna.

USEC. IGNACIO: Secretary Galvez, may clarification lang po si Dreo Calonzo ng Bloomberg: When do we expect po, first shipment of the Pfizer vaccines that we ordered, not the ones po from COVAX at update po sa Johnson & Johnson negotiations?

SEC. GALVEZ: Ang sa ano po natin third quarter, fourth quarter pa po, hindi pa po natin napipirmahan ang supply agreement ng Pfizer, so wala pa pong indicative date. Iyong sa Johnson & Johnson ongoing pa rin po iyong ating negotiations sa financing.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po, Secretary Vince. Secretary Galvez and Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat, dahil wala na tayong ibang mga katanungan.

Maraming salamat, Secretary Galvez, Secretary Dizon, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat po sa inyong lahat, sa inyong patuloy na pagtangkilik sa Presidential Press Briefing.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang Spox Harry Roque na nagsasabing Pilipinas, nandiyan na ang bakuna, pabakuna na tayo nang matapos na ang pandemyang ito.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)