Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Narito pa rin po tayo sa siyudad ng Davao kung saan maya-maya po ay tutulak papunta ng Cotabato ang ating Presidente kasama ang ilang miyembro ng Gabinete para pulungin po ang mga opisyales ng BARMM, ng ating kapulisan at ng ating kasundaluhan diyan po sa probinsiya ng Maguindanao.

Ang objective po ng Presidente, para iparating ang mensahe na hindi po niya puwedeng pabayaan ang kaniyang katungkulan na ipatupad ang batas. At dahil nga po doon sa insidente kung saan ilang miyembro ng BIFF ay panandaliang nagtungo sa Datu Paglas, ang kaniyang mensahe—well, ang warning po niya talaga ay ipatutupad niya ang batas at hindi po niya kukonsintehin ang paggamit ng dahas diyan sa Maguindanao.

Well, kagabi po ay nagkaroon ng regular Talk to the People address ang ating Presidente mula po dito sa siyudad ng Davao ‘no. Napaliwanag niya sa taumbayan ang insidente sa Scarborough Shoal noong Aquino administration kung saan umalis ang Philippine Navy sa Scarborough Shoal habang nanatili ang mga barko ng Tsina.

Ano ba ho talaga ang importansiya nitong Scarborough Shoal? Well, alam ninyo po kasi, tahimik po ang usaping West Philippine Sea hanggang noong mga panahon na iyon kung saan dahil nga po mayroong mga nakitang mga mangingisdang Tsino doon sa Scarborough Shoal ay nagpadala po ng kaisa-isang Navy boat natin noong mga panahon na iyon ang administration ni Presidente Aquino. Kapag ikaw po ay nagpadala ng Navy boat, that is an act of war – iyong grey ship na tinatawag po – kaya po pumutok uli ang kontrobersiya sa West Philippine Sea.

Totoo pong hindi nariresolba iyang insidenteng iyan o iyang kontrobersiyang iyan, pero until iyong Scarborough Shoal incident ay tahimik naman po ang mga claimant countries. So naging mainit lang po iyan dahil nga po nagpadala ng Navy boat, at bagama’t nauna po ang administrasyong Aquino na magpadala ng Navy boat ay sila rin po ang unang umalis sa Scarborough Shoal dahilan kung bakit kontrolado po ngayon ng mga Tsino ang Scarborough Shoal.

Pero huwag po kayong mag-alala dahil nga po doon sa desisyon din ng Hague tribunal, nakapangingisda naman po ang ating mga kababayan.

Pero paulit-ulit nating naririnig itong Scarborough Shoal, ano ba talaga itong Scarborough Shoal at gaano kalayo ba talaga ito sa Zambales? Sa ngayon po kasi, halos lahat ng nangingisda sa Scarborough Shoal ay galing po sa Zambales bagama’t mayroon ding ilan na galing po sa Pangasinan at mayroon din pong ilan na galing sa … Pangasinan, at saka kung hindi po ako nagkakamali, Bataan ‘no. Pero karamihan po talaga ay galing po sa munisipiyo ng Masinloc.

Tingnan po natin kung ano ang itsura ng Bajo de Masinloc o Scarborough na tinatawag. Makikita natin sa mapa ang distansiya o layo ng Scarborough Shoal sa Tsina, Taiwan at Vietnam, tingnan ninyo po ito ‘no:

  • 427.7 nautical miles galing po sa Taiwan;
  • 446 nautical miles galing po sa coastline ng Tsina;
  • 475.5 nautical miles galing po ng Vietnam;
  • Pero ito po ay 120 nautical miles galing po sa Pilipinas.

Ibig sabihin, kabahagi po siya ng ating exclusive economic zone. Pero dahil siya po ay isang isla, at depenisyon ng isla po sang-ayon sa UN Convention on the Law of the Sea, ay permanently above waters, pupuwede po siyang mag-generate or magbunga ng 12 nautical miles of territorial seas. At dahil kabahagi nga po siya ng ating EZZ, eh talagang ang ating assertion po ay hindi lang po siya isla, mayroon din po siyang 12 nautical miles na territorial sea.

Pero dahil ito nga po ay isla, ano ba ang pinakamalakas na ebidensiya na tayo po talaga ang nagmamay-ari ng isla? Alam ninyo po sa isang desisyon ng ICJ sa isang kaso sa panig ng Inglatera at saka ng France, ang sabi ng ICJ or International Court of Justice, ang pinakamalakas na ebidensiya ng effective control – at ito po iyong test na ina-apply kapag ang pinag-aagawan ay isla – ay iyong pag-exercise ng judicial jurisdiction, iyong pag-exercise po ng desisyon ng korte. Eh nagkaroon po noong early 1900s ng isang banggaan sa barko diyan po sa Scarborough, at nagdesisyon? Hindi po Supreme Court ng China, hindi po Supreme Court ng Vietnam kung hindi Supreme Court po ng Pilipinas.

Tingnan naman po natin sa ating visuals kung ano ang itsura ng Scarborough Shoal ‘no. Kanina po ay pinakita na natin iyong layo – iyan po ang Scarborough Shoal. Totoo po, mga bato lang po iyan na permanently above water, mayroon pong lagoon sa loob. At kaya nga po itong lagoon na ito at saka iyong surrounding areas ay talaga naman pong mayaman sa isda.

Now, tingnan po natin nang mas malapitan kung anong itsura nitong mga bato na permanently above water ‘no. Ito pong mga larawan na ito ay galing po sa isang expedition sa Scarborough Shoal noong aking dating institute kung saan ako po ay naging direktor nang halos sampung taon. Iyong Institute of International Legal Studies ng UP College of Law ‘no, UP Law Center. Ang unang larawan po, tingnan natin ‘no, ito po iyong mga bato na permanently above waters. Pakita natin, Jovan, ngayon – ito naman po, ito po iyong apat na bato na makikita roon ‘no. Hindi po ko po alam kung mayroon talaga silang … iyong mas malakihang larawan. Ito naman po iyong mga typical na mga bangka na nagpupunta po doon sa ‘Borough’ na tinatawag natin.

Now, bagama’t ito po ay napakaliit na teritoryo, importante po ito dahil nga ito naman po ay kabahagi pa rin ng tinatawag natin na West Philippine Sea. At hanggang ngayon po, bagama’t iyan po ay inaangkin natin eh siyempre po mayroon pa ring kontrobersiya. Pero gaya ng aking sinabi, kung makakarating po ito sa isang hukuman at ang pag-uusapan ay iyong isla mismo, ay sigurado po ako, tayo po ang madideklara na mayroong superior claim dahil tayo lang po ang mayroong court decision ‘no, evidence of the exercise of judicial jurisdiction dito po sa Scarborough Shoal.

Well, nagsalita na naman po si dating Associate Justice Antonio Carpio na wala raw ginawa si Presidente nang kinuha ang Sandy Cay sa Pilipinas. Well, isa na naman po itong malaking kasinungalingan. Sa katunayan, bagama’t hindi ko po alam kung ano iyong sinasabi niyang Sandy Cay, sa Annex 95 po ng Memorial o iyong pleading ng Pilipinas sa Hague ay nakasulat po doon sa Annex 95 na ang Sandy Cay daw po ay okupado ng Vietnam. Pero kung ang tinutukoy naman po ni Justice Carpio ay iyong Sandy Cay na malapit sa Pag-asa at ang sinasabi niya ay may mga larawan daw na mayroong mga tropang Tsina sa Sandy Cay eh ito po iyong pinakabagong larawan na ibinigay sa akin ni National Security Adviser Secretary Esperon. Ito po kasi itong mga Sandy Cay na ito, apat na milya, nautical miles from Pag-asa kung saan mayroon po tayong mga naka-station na mga kasundaluhan at mayroon tayong airstrip ‘no. At ito po ay mga features na lumabas, kumbaga sila po ay parang mga beach na lumabas at ngayon po ay visible [off mic] under low tide or high tide.

Eh tingnan ninyo po ang larawan, wala naman pong presensiya ng mga Tsinong [off mic]. At sa katunayan po, naalala ko po itong insidenteng ito dahil ito po ay naging kontrobersiyal noong 2017, kabagu-bago ko pong spokesperson noon. Naalala ko po kasi nasa Vietnam kami, nag-a-attend po kami kasama ang Presidente doon sa tinatawag na APEC Summit sa Vietnam. At ang naging kontrobersiya noong mga panahon na iyon ay nais sana ng Department of National Defense na magtayo ng structures dito sa Sandy Cay para nga huwag kunin ng Tsina. Well, naging kontrobersiyal po iyan kasi may usapin naman po sa panig ng Pilipinas at ng Tsina na status quo – hindi magtatayo ng bagong reclamation ang Tsina, hindi rin sila kukuha ng mga bagong isla galing po sa Pilipinas. At kung itutuloy nga po iyong plano na magkaroon ng bagong imprastraktura dito sa Sandy Cay eh baka ang Chinese po ay gumanti at kumuha na naman ng isla sa atin. Kaya naalala ko po iyong insidenteng iyan.

So hanggang ngayon po, wala pong naka-station kahit sino diyan sa Sandy Cay at iyan po ay under constructive possession ng Pilipinas dahil iyan po ay napakalapit naman doon sa Pag-asa Island na kabahagi po ng ating munisipiyo ng Kalayaan.

Uulitin ko po ‘no: Ang importansiya ng lahat na ito ay dahil walang tigil po ang paratang ng oposisyon na nagsasabi na pinamimigay raw ng Presidente ang ating teritoryo sa Tsina dahil nga dito sa kaniyang pagkakaibigan sa Tsina. Ang katunayan po, kung hindi po dahil dito sa bagong pagkakaibigan baka napataboy na tayo ng Tsina sa lahat ng islang ating hinahawakan.

At sa Lunes po ay ipapakita ko isa-isa kung nasaan iyong mga island hinahawakan natin at ano iyong ating presensiya sa mga isla na iyon para mapakita sa inyo na kung nanaisin ng kahit sino, pupuwede ipagtabuyan tayo, pero the agreement holds – walang bagong occupation, walang bagong reclamation, status quo po tayo. At iyan naman po ang legacy ng Duterte administration, hindi gaya ng ibang administrasyon na nawala ang teritoryo ng Pilipinas.

Pumunta naman po tayo sa usaping bakuna ‘no. Aarangkada na po ang mas marami pong mga bakuna sa pagdating nga po ng mga karagdagang deliveries. Dumating nga po noong kailan lamang ang 1.5 million na Sinovac; Dumating po ang two million na AstraZeneca; Dumating din ang 193,000 na Pfizer. Mahigit-kumulang 7.571 doses ng COVID-19 na po ang nakarating sa ating bansa.

Kagabi, dumating ang 193,050 doses ng Pfizer. Ang Pfizer ang latest available brand ng bakuna sa bansa. Nagpapasalamat kami sa COVID-19 Vaccines global access (COVAX Facility) sa kanilang generosity para sagipin ang buhay ng Pilipino mula po sa pandemya. Ang first batch ng Pfizer vaccine ay ipamamahagi sa Metro Manila, Cebu City at Davao City, na may kakayahan na mag-store ng required temperature ng Pfizer.

At ngayong Mayo ay inaasahan natin na aabot sa mahigit labing-isang milyon o 11,364,000 doses. Inaasahan natin ang higit isang milyon or 1,100,000 doses mula Pfizer; Kalahating milyong doses galing po sa Sinovac at Dalawang milyong doses mula Sputnik V.

Sa awa ng Diyos at patuloy na pagpapatupad ng ating COVID-19 plan, harinawa ay magiging masaya ang ating Pasko kung saan makakasama natin ang ating pamilya at mahal sa buhay. Balik buhay, balik Pasko, magtiwala lamang po tayo sa pamahalaan at pairalin ang kooperasyon sa Mask, Hugas, Iwas, at Bakuna.

COVID-19 updated naman po tayo ano. Mayroon tayong nai-report na 6,846 na mga bagong kaso kahapon po, ayon sa DOH May 10 COVID-19 case bulletin. Sumatutal, mayroon na po tayong 59,897 na mga aktibong kaso. Nagpapasalamat tayo sa ating medical front-liners dahil nasa 1,030,367 ang gumaling sa COVID-19, samantalang nasa 18,562 po ang bilang ng mga nasawi. Nasa 1.67 ang porsiyento ng mga namatay. Nakikiramay po kami sa lahat ng biktima.

Patuloy naman po ang improvements ng ating average daily attack rate mula 30.98% sa NCR noong April 11 to 24, ito po ay naging 19.02 noong April 25 to May 8. Ganoon din po ang two-week growth rate ‘no, mula –15% noong Abril 11 to 24 sa NCR, ito po ay naging –39% noong April 25 to May 8.

Makikita naman natin sa infographics ng confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset – Philippines, as of May 10, 2021 na patuloy na bumababa ang mga kaso sa NCR na kulay asul, ngunit iyong kulay abo na tumutukoy sa ibang mga rehiyon ay tumataas po. Pero ganoon pa man, tingnan ninyo po, iyong huling reported date natin ay halos kapareho na po ng pinakamataas na naabot noong bago po magkaroon ng mga bagong variants.

Tingnan naman po natin ang improvements on hospital care utilization rate sa NCR. Mag-focus tayo sa ICU beds at makikita po natin dito na mula 759 ICU beds noong March 27 bago tayo mag-ECQ, nadagdagan po ng 503 beds at naging 1,262 beds as of May 9. Ibig sabihin, mula 72% noong [inaudible] at pumalo ng 88% noong April 7 to 16, bumaba na po ito sa 67% noong May 9, moderate risk na po iyan.

Bumaba rin po ang ibang mga kama. Mula sa peak na 73% isolation beds noong April 7 to 16 ay bumaba ito sa 57% noong May 9. Ganoon din po ang COVID-19 ward beds mula sa peak na 72%, noong April 7 to 16 ay bumaba ito sa 51% noong May 9.

Sa iba pong mga bagay, ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of calamity dahil sa South African Swine Fever outbreak. Nilagdaan kahapon, May 10, ang Proklamasyon No. 1143 na nagdedeklara ng nasabing state of calamity sa buong bansa sa loob ng isang taon unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant.

Nakasaad sa Section 2 ng nasabing proklamasyon and I quote, “All government agencies and LGUs are enjoined to render full assistance to and cooperation with each other mobilize the necessary sources resources to undertake critical, urgent, and appropriate measures in a timely manner to curtail the further spread of the ASF, address the supply deficit in pork products, reduce retail prices, and jumpstart the rehabilitation of the local hog industry.”

Usaping baboy pa rin po. Tinaasan ang minimum access volume (MAV) ng karne ng baboy. Nilagdaan ni Presidente iyong Executive Order No. 133 kahapon, May 10, kung saan ang MAV ng karne ng baboy sa taong 2020 and 2021 ay tinaasan mula 54,210 metric tons to 254,210 metric tons; provided that any available balance at the end of 2021 shall not be carried over to 2022. Iyan po ay bahagi po ng kompromiso sa panig ng Ehekutibo at ng Senado ‘no pagdating po dito sa usaping MAV.

At bago po tayo magtapos, uulitin ko lang po iyong ating nai-release na sa ating press release kahapon. Inilagay po sa MECQ kahapon ng IATF ang mg probinsiya ng Cagayan, Apayao at Benguet. Uulitin ko po, itinaas po ang quarantine classification sa probinsiya ng Cagayan, Apayao at Benguet to MECQ at ito ay epektibo from 10 May hanggang 23 May ng taong ito.

Dito po nagtatapos ang ating press briefing. So, simulan na po natin ang open forum.

Usec. Rocky, first question please.

USEC. IGNACIO:  Good afternoon, Secretary Roque.

Unahin ko na lang po iyong bagong development. May tanong po si Pia Gutierrez ng ABS-CBN, pareho po sila ng tanong ni Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN: The DOH has confirmed the presence of India’s COVID-19 variant in the Philippines, how will this development affect quarantine classification in the NCR Plus after May 14?

SEC. ROQUE:  Well, siyempre po ito ay mainit-init na balita pa ano at alam po natin na mas nakakahawa at mas nakakamatay po itong Indian variant na ito. Sabihin na lang po natin na bagama’t ginagawa natin ang lahat para po mapigilan ang pagpasok ng variant na ito eh hindi pa naman po tayo sigurado rin na mayroon ng community transmission, dahil matindi naman po iyong ating pag-iingat.

Pinagbawalan na po natin ang mga pasahero na galing sa India at mga karatig na bansa at ni-require na po natin bang lahat na mag-undergo ng 14-day quarantine: 10 days po sa facility, isolation, sa institutional quarantine facility at the last four days sa lokal na pamahalaan under the direct control and supervision of the local government units.        

Ito rin po ang dahilan kung bakit pinapataas po natin iyong ating healthcare capacity at patuloy po nating patataasin iyan kasi whether or not there is a new Indian variant, mas mura po sa ating bansa na mag-invest sa healthcare facilities kaysa isarado po ang ating ekonomiya. At kaya nga po pinapalakas din natin iyong ating genome sequencing ng malaman natin kung talagang naririto na po an Indian variant.

Pero sa ngayon po, ang ating pakiusap, we are aiming for total health. Alam po natin na habang nakasarado ang ating ekonomiya marami po talagang nahihirapan, maraming nagugutom.

Lumabas na po iyong GDP natin na -4.3 po ata iyong ating GDP growth; ibig pong sabihin negatibo pa rin. Bagama’t ito po ay nag-improve na from last quarter dahil -8 po tayo from the last quarter at ang ating pakiusap po: Mga kababayan, alam po natin na kapag hindi po natin pinag-ingatan ang ating mga buhay ay hindi po tayo makakapagtrabaho.

Kaya ang panawagan po ng ating Presidente, ingat buhay para tayo ay makapaghanapbuhay, mask hugas, iwas at magpabakuna na po.

USEC. IGNACIO:  Opo. Question naman po ni Leila Salaverria ng Inquirer: What purpose would it serve if it would be determined who ordered the withdrawal of Philippine ship from [garbled] during the 2021 stand off?

SEC. ROQUE:  Well, ito po kasi ay dahil sa walang tigil na pula ng mga kritiko ni Presidente na kumbaga kinukompormiso daw ni Presidente ang soberenya at para bagang namimigay pa ng teritoryo sa Tsina. Kinakailangan po paalalahanan natin ang ating mga kababayan sa mga pangyayari noong 2014 ng maging malinaw, ni minsan po hindi kinompormiso ni Presidente ang ating soberenya, ni minsan hindi niya hinayaan na maski isang inch ng teritoryo ay mawala sa atin.

So ang purpose po ng pagpapaalala sa ating taumbayan, ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa pupuntahan. At importante po na ipaalam sa lahat na mayroon po talagang administrasyon na namigay ng teritoryo, hindi po iyan ang administrasyon ni Presidente Duterte, nadatnan na niya ang problema. Ang kanyang solusyon habang hindi pa po magkakaroon ng mapayapang resolusyon itong pinag-aagawang teritoryo ng mga lupa na wala pong kinalaman iyong pinanalo nating Hague ruling, eh isantabi muna iyan at isulong ang mga bagay-bagay na pupuwede gaya ng kalakalan at ng pamumuhunan.

USEC. IGNACIO:  Second question niya: How does this affect the Duterte administration approach to China’s latest incursion in the West Philippine Sea and what lessons does it take from the incident?

SEC. ROQUE:  Well, ang importante po iyong pinagkasunduan ni Presidente at President Xi na status quo, hindi po nababago. Walang bagong reclamation, walang bagong teritoryo silang nakukuha at wala tayong teritoryo na naibibigay. Importante po na galangin iyong kasunduan na iyan, dahil kung hindi po baka maulit iyong 2014. Ito po iyong dahilan kaya sa Lunes siguro ipapakita ko iyong estado ng ating mga isla under our possession para malaman ng taumbayan na kung gustong lumabag ng Tsina napakadali po nilang kunin iyong mga isla natin, pero hindi po iyan mangyayari dahil nga po sa usapin ni President Xi at ni Presidente Duterte.

Now, iyong sinasabi namang incursions, uulitin ko po ha, iyong mga napakadaming mga fishing boats sa Julian Felipe, iyan po ay napakalayo sa atin. Bagama’t ang Julian Felipe po ay mayroon tayong claim dahil nga po kasama iyan doon sa PD na inisyu ni dating Presidente Marcos na kabahagi ng Kalayaan Group, sa katunayan po ni minsan hindi po natin na-possess yan, napakalayo po niyan doon sa ating mga islang na-possess. At ang talagang nag-aagawan ng teritoryo sa lugar ng Julian Felipe ay ang mga bansang Vietnam at Tsina.

USEC. IGNACIO:  Opo. Question from Einjhel Ronquillo of DZXL-RMN: Ano daw po ang mapapala ng taumbayan sa debate ninyo nila Vice President Leni Robredo, Justice Carpio at former SFA Del Rosario? Anila, kahit na magdebate ay hindi kikilalanin ng China ang pagkapanalo ng Pilipinas sa The Hague. Anila, dapat magkaisa dahil hindi kapwa Pilipino ang kalaban sa usapin ng West Philippine Sea.

SEC. ROQUE:  Tama, dapat magkaisa. Pero wala pong tigil ang pagpupula at pagbibintang ng kritiko, hindi naman pupuwedeng manahimik ang Presidente, kaya ibinabalik po niya ang kasaysayan ng makita kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang nagsasabi ng katotohanan.

Pero tama po iyon, sa panahon ng pandemya, isantabi na muna po ang pulitika, at lahat naman po nitong pagpupula sa West Philippine Sea ay dahil wala na silang ibang mapula kay Presidente, naghahanap ng isyu para sa eleksiyon. Huwag naman po sa panahon ng pandemya, isantabi muna po iyan.

USEC. IGNACIO:  Opo. Susunod pong magtatanong si Mela Lesmoras ng PTV, Secretary.

SEC. ROQUE:  Mela via Zoom?

MELA LESMORAS/PTV:  Opo. Secretary Roque, good afternoon po. Unahin ko na lang po about sa Cotabato City. May inaasahan po ba tayong speech ni Pangulong Duterte today mula nga sa Cotabato City at anu-ano po ba iyong kanyang activities diyan sa Mindanao?

SEC. ROQUE:  Well, siya po ay makikipag-ugnayan nga po sa BARMM officials, sa ating kapulisan, sa ating kasundaluhan at pag-uusapan nila paano maiiwasan iyong insidente nga noong Linggo na kung saan ilang mga armadong miyembro ng BIFF ay panandaliang nag-occupy noong Datu Paglas ‘no; pero sandali lang naman po iyon at napaalis din sila ng Hukbong Sandatahan.

Ang mensahe nga po ng Presidente bagama’t talagang ninanais nating magkaroon ng kapayapaan, dahilan kung bakit nakipagkasundo nga tayo sa ating mga kapatid na Muslim at mayroon na tayong BARMM ay dahil wala pong progreso diyan sa probinsiya ng Maguindanao at iba pang lugar na okupado ng ating mga kapatid na Muslim kung wala pong kapayapaan. Pero kung patuloy po na mayroong mga bandido na manggugulo diyan, eh hindi po mag-aatubili nga ang Presidente na gamitin ang lakas ng gobyerno para supilin po ang mga bandido.

MELA LESMORAS/PTV:  May speech po kaya today si Pangulong Duterte, sir, from Cotabato?

SEC. ROQUE:  Alam ko po mayroong pagpupulong, hindi ko lang po alam kung it will be for public consumption, dahil alam ninyo naman po [garbled] iyong ating pag-uusapan ng Presidente at ang BARMM. So I will update the country kung ano po iyong napag-usapan at siguro po maglalabas nga po tayo ng advisory kung hindi man ma-live broadcast iyong pag-uusap.

MELA LESMORAS/PTV:  Sir, on COVID-19 para lang, sir, kasi inaabangan ng ating mga kababayan iyong quarantine classifications nga. Just to give us a picture po, para alam din ng publiko, kailan po ba pag-uusapan ng IATF iyong magiging rekomendasyon ninyo for quarantine classifications, kailan ito ipapasa kay Pangulong Duterte at kailan po kaya iyong announcement; will there be second Talk to the People this week po kaya?

SEC. ROQUE:  Well, dahil pista opisyal po sa Thursday, ang pagpupulong po ng IATF para magbigay ng rekomendasyon sa Presidente ay sa Biyernes. So inaasahan po natin na itatawag na lang po natin kay Presidente ang rekomendasyon at magdedesisyon ang Presidente kung approved siya o hindi. So ang anunsiyo po sa bagong quarantine classification, most likely sa darating na pong Biyernes.

MELA LESMORAS/PTV 4: And, sir, panghuli na lamang po. Sa West Philippine Sea naman, kasi ayun nga, nagsanga-sanga na po ang isyu at mukhang naipaliwanag na rin nang husto kung ano iyong mga nangyari dati.  So to wrap up, sir, ano po kaya iyong mga plano pa ng Duterte Administration para sa West Philippine Sea? And just to further elaborate: For the Duterte administration naman po, anu-ano po ba iyong mga legacy na gustong iwan ni Pangulong Duterte hinggil nga dito sa isyu ng West Philippine Sea?

SEC. ROQUE: Well, pinakaimportante na masunod iyong kasunduan na status quo. Walang galawan. Walang bagong reklamasyon. Walang bagong isla na io-occupy ang Tsina. At as of now po, mukha namang the agreement holds.

Meanwhile, patuloy po nating pinag-uusapan iyong Code of Conduct, patuloy po nating ginagamit ang diplomasya para magkaroon po ng mapayapang solusyon dito sa pinag-aagawang isla.

Uulitin ko lang po ha, ang pinag-aagawan po natin ay mga isla. Iyong naresolba ng UN Tribunal for the Law of the Sea ay mga usaping maritime zones. So talagang hindi po talaga nagbigay ng solusyon iyong desisyon na iyon na ating napanalunan bagama’t nagkaroon po ng clarity sa ilang mga isyu na walang basehan po sa batas – iyong tinatawag na historic claims to waters at saka iyong tinatawag na nine-dash lines.

Pero ang polisiya po ng Presidente, patuloy po tayo sa diplomasya, patuloy po ang usaping Code of Conduct, at patuloy po nating riresputihin iyong kasunduan na status quo po tayo.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE:  Salamat, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong mula kay Maricel Halili ng TV5: Justice Carpio said that the standoff in Scarborough was meticulously planned by China, and the Philippines fell for it. This is the same strategy China did with Vietnam, kunwari Chinese fishermen iyong nandoon, iyon pala Chinese Navy ship kaya 30 against one ang nangyari sa standoff. Dehado raw po ang Pilipinas. Ano raw po ang reaksiyon ng Palasyo?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, mali na ang obserbasyon ni Justice Carpio na talagang meticulously planned iyan. Mayroon po tayong mga nahuling mga nangingisda diyan sa Scarborough. Imbes na ipadala natin ang Coast Guard, ang pinadala po natin ay barkong pandigma, naval ship, iyong Pio del Pilar na kaisa-isahan noong mga panahon na iyon. Retrofitted po iyan, mas matanda pa iyan sa lola ko na barko. Pero bago po iyon, kaya feeling matapang iyong dating administrasyon.

Iyon po ang napakalaking pagkakamali kasi ang paggamit po ng dahas, the use of force is prohibited under the UN Charter. And the sending of a naval ship is interpreted as an act of war. Dapat po iyon siguro utmost ay Coast Guard kasi ang Coast Guard po civilian ship. So nagresponde po ang China, nagpadala ng sangkatutak na barko. So mukhang hindi po plinano po ng China iyon; mali ang naging response ng nakalipas na administrasyon na ginamit nila ang isang naval ship na act of war. Kaya nga po the rest is history.

At kaya po, mula noong insidenteng iyon, naging mainit na muli ang usaping West Philippine Sea. Dati po tahimik ang isyu na iyan. Mayroon tayong mga kaniya-kaniyang mga isla under occupation na ipapakita ko sa inyo, hindi po nariresolba kung sino talaga ang may-ari niyang mga isla na iyan, pero tahimik po bago po pumutok itong kontrobersiyang ito.

Now, of course, tama rin po na tayo ay nag-arbitrate dahil malinaw na po na walang basehan iyon nine-dash lines. Pero ang naging kasagutan naman ng Tsina, doon po niya pinalaki iyong mga artificial islands na dati-rati ay mayroon lang kaunting improvements. Ngayon po, full-pledged military bases na iyan, complete with landing strips. Iyan po iyong kasagutan ng Tsina doon sa ating resort to arbitration. So naging militarize na po talaga ‘no.

So huwag ninyo pong kakalimutan kung bakit po mainit ang usapin, hindi po dahil kay Presidente Duterte. Nadatnan na po niya iyan at ang nais nga po niya ay mas maging tahimik muli itong isyu na ito dahil hindi naman ito ang end-all and be-all ng ating diplomatic relations with our neighbor China.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Maricel Halili ng TV5: Carpio also explained that when the United States brokered, both China and the Philippines agreed to withdraw. And ending, tayo lang ang nag-withdraw and the Chinese did not honor the agreement. Can the government still trust the Chinese after this? Can we still continue the bilateral talks given this record?

SEC. ROQUE: Ang sinasabi po ni Presidente Duterte, kung presidente siya noong mga panahon na iyon, hindi siya aalis na una; umalis muna ang Tsina. Pero [off mic] is history. So hindi po iyan dahilan para sabihin you cannot trust China. Kinakailangan naman po, we have to give the assumption of good faith particularly to our neighbor. Eh ngayon naman po, iyong ating agreement na status quo, hindi naman po nalalabag iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong magtatanong via Zoom, si Pia Rañada ng Rappler.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hello, Secretary, can you hear me?

SEC. ROQUE: Yes, I can hear you. Go ahead.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes, sir. Sir, the aspect of West Philippine Sea issue, the President wants to focus on like, iyon nga, iyong loss of Scarborough Shoal and Mischief Reef. Is this deflecting blame? Because the issue now is not what happened during the previous government which everyone agrees naman the President cannot control. But the issue here, critics are saying, is what the Duterte government is doing now. So do you agree that this is deflecting blame? And if not, why not?

SEC. ROQUE: Not at all! Because under the Duterte administration, wala po tayong bagong teritoryong nawala. Naging mainit po ang pagkakaibigan natin sa Tsina. Wala naman pong bagong threat na ginagawa ang Tsina laban sa atin. So what is there to deflect? We are now enjoying the renaissance as far as Philippine-Chinese relation is concerned. Hindi po nagkakaroon ng banta sa ating territorial integrity. What is there to deflect? Sumasagot lang po kami sa mga walang basehan na mga paratang ng mga kritiko ng Presidente. Matatapos po siguro itong usapin na ito kung ititigil din nila iyong kanilang pagbabatikos dahil hindi naman pupuwedeng hayaan namin silang bumatikos nang hindi sumasagot base po sa kasaysayan at sa katotohanan.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, what about the more build ups of military facilities on the artificial reefs, like Mischief Reef, which took place during the Duterte administration? Like currently, there is a new runway on Mischief Reef and there were surface-to-air missiles also on some of these artificial reefs. And at the same time, ships are being deployed to these islands from China. So are you saying the government is okay with that, those new activities of China?

SEC. ROQUE:  Hindi po sa okay, pero anong magagawa po natin eh dati na namang nasa possession nila ang Mischief Reef. Nawala po sa atin ang Mischief Reef, 1995 pa. At totoo po na talagang ginagawa nilang mga base militar iyan pero nagsimula po iyang proseso na iyan mula po nang naghain tayo ng arbitration nga. Iyan ang kasagutan nila sa ating arbitration. At naalala ko, may ilang mga nagsasabi na baka mamaya ay hindi rin makabuti sa atin ang arbitration na iyan kasi hindi malulutas ang pinag-aagawang isla at naging dahilan nga para ma-militarize lalo iyong problema.

So ang usapan po, walang bagong reclamation, walang bagong teritoryo na aagawin sa atin, and they’re holding as far as that promise is concerned. Pero sa Lunes nga po, ipapakita ko kung ano iyong mga improvements na mayroon ang Tsina noong una at ano ngayon ang itsura ng mga improvements na iyan matapos po ang ating arbitration. Lahat po iyan sinimulan noong tayo po ay naghain ng arbitration. Sinimulan at natapos bago po magkaroon ng desisyon ang Arbitral Tribunal.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, hindi ba iyong promise na iyan actually benefits China because kumbaga you’re saying that they can do anything else aside from reclamation, aside from seizure. So, you know, this is now allowing them na nga to deploy military ships there. And people are saying this is also alarming because it means that they can effectively increase their control in the West Philippine Sea. So you’re saying na anong magagawa natin? So is the policy of the government to just let it happen?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, ang tanong is, anong gusto mong gawin, Pia? Gusto mo bang magpadala roon ng kasundaluhan para sabihing huwag na kayong magtayo ng extension ng inyong runway diyan? Gusto mo bang lusubin na iyan ng ating mga Philippine Navy para paalisin sila? Siguro for once, ikaw ang magbigay ng kasagutan: Anong gustong mong gawin? Tumutok tayo sa Mischief Reef. Kung ayaw mo iyong mga continued improvement sa Mischief Reef, sabihin mo, ano ang gusto mong gawin ng gobyerno?

PIA RAÑADA/RAPPLER: Well, ako hindi po ako expert on this. But the experts who have spoken in public are saying that, for one thing, the Philippines can increase its presence there. It can also resume some of its mga exercises with other countries, other powers which have the military might that could, iyon, control China or at least get them to behave better in that area. These are things which I think the President has not been—

SEC. ROQUE: Bakit sa tingin mo ba—What’s the question now ‘no? Pero kung ang question mo ay bakit hindi ipinapatupad iyang suhestiyon ng so-called expert na joint military exercises, eh hindi ba kakatapos lang natin ng VFA Balikatan Exercises at hindi ba ang Estados Unidos at iba pang mga bansa ng Europa ay nagpapatuloy magpadala ng kanilang aircraft carriers para sa tinatawag nilang freedom of navigation. Pero naitigil ba iyong ginagawa ng Tsina?

So, iyan ang punto ng Presidente, ‘Ano ang gusto ninyong gawin ko, makipag-giyera sa Tsina?’ Eh hindi nga niya gagawin iyon dahil—ipapakita ko rin po sa susunod na press briefing iyong pagkakaiba ng ating military capacity between the Philippines and China.

So, anyway let’s move to your next question because it’s now 12:42.

PIA RAÑADA/RAPPLER:    Sir, last question. Earlier you said Julian Felipe Reef is far from the Philippine land mass, we never possessed it. Sir, does that mean that Malacañang is not bothered by Chinese ships presence there and that statement of yours that it’s too far away anyway. Doesn’t that weaken our position and the position of the National Task Force on the West Philippine Sea?

SEC. ROQUE:   Well, all we’re saying is we were never in possession of that area and we’re making a big thing out of the fact that that area naman in the first place was never under our possession. So, pinalalaki po ang issue. Ang issue po talaga diyan is unang-una, fishing—kasi alam mo, ni hindi po iyan kabahagi ng ating EEZ iyong Julian Felipe. Labas po iyan, ganiyan po kalayo iyan kaya lang mayroon tayong claim doon sa Julian Felipe as an island kaya we claim na mayroon iyang territorial seas.

So, pinalalaki po iyan ng ating mga kalaban talaga dahil ang ating claim diyan is because of the PD pero ang totoong nag-aagawan diyan sa area na iyan ay Vietnam at saka ang China. Eh, bakit Pilipinas, bakit si President Duterte ang tinatanong kung anong gagawin niya diyan? Bakit hindi tanungin ang mga Vietnamese dahil unang-una, mas malapit sa kanila iyan; Pangalawa, sila talaga iyong nag-aagawan diyan sa area na iyan. Eh bakit ang sisi eh ibinibigay kay Presidente Duterte. Hindi niya maintindihan and remember, we’re not the only claimants there.

Sa susunod nga ipapakita ko po iyong West Philippine Sea kung nasaan tayo at nasaan ang Julian Felipe. Ang problema, doon sa mapang gagamitin ko kanina sana eh hindi makita kung nasaan ang Julian Felipe kasi iyong kumbaga naka-zoom na portion ng mapa kung nasaan iyong mga isla natin eh napakalayo doon sa Julian Felipe. Pero it doesn’t weaken anything kasi hindi naman natin gini-give-up iyong claim natin to Julian Felipe pursuant to Marcos appending Julian Felipe into the territory of the Philippines. That is our evidence of effective occupation.

Okay? Thank you, Pia. Balik tayo uli kay USec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary Roque. Tanong po mula kay Rose Novenario ng Hataw: Itinalaga daw po kahapon si Usec. Joel Egco bilang isa sa mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC. Ang kaniyang bagong posisyon ay conflict kaya sa pagiging Task Force on Media Security chief niya considering na pamoso ang NTF-ELCAC sa red-tagging sa media?

SEC. ROQUE:   Well, unang-una po, isa lang po siya sa walong bagong tagapagsalita ng ELCAC. Pangalawa po, mayroon pong pag-aaral kasi ang CMFR (Center for Media Freedom and Responsibility), ang media killings po sa Pilipinas karamihan po ang pangyayari diyan ay parang mga hoodlum killings. Hindi naman po iyan because of red-tagging. Iyan po ay established finding po ng CMFR dahil matagal naman po akong nag-represent din ng mga miyembro ng media.

Karamihan po ng killings ay iyong mga local na pulitiko na nagpapapatay ng mga local media ano at hindi naman po related sa red-tagging, iyan po ang katotohanan. Bagamat may mga ilang peryodista na na-red-tagged na eh mayroon naman pong remedyo, iyan po iyong Writ of Amparo at saka iyong Writ of Habeas Data ano para burahin kung ano iyong naging basehan ng red-tagging. Pero sa tingin ko po, wala naman po iyang conflict of interest dahil ang trabaho nga po ni Usec. Egco pagdating sa media security ay subaybayan at siguraduhin na lahat ng pumapatay sa ating mga mamamahayag ay maparusahan sang-ayon po sa ating batas.

USEC. IGNACIO:   Ang second question po niya: Paano daw po mabibigyan ng proteksiyon ang media lalo na sa red-tagging lalo na’t ni minsan ay hindi kumibo si Egco sa isyung ito?

SEC. ROQUE:   Ang alam ko po, may mga media na na-red-tagged pero uulitin ko po ‘no, kakaunti naman po iyan at tingin ko ang importante kung ang isang media ay na-red-tagged, gamitin po natin iyong remedyo na sang-ayon po sa rules of court na prinomulgate ng ating Supreme Court – Writ of Habeas Data at saka Writ of Amparo.

USEC. IGNACIO:   Susunod pong magtatanong si Melo Acuña ng Asia Pacific Daily;

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Good afternoon, Mr. Secretary! Good afternoon. The Philippine Statistics Authority reported a decline of –4.2% in our GDP for the first quarter which is an improvement of the other quarter last year. However, lumabas po na iyong construction ay –24.2 at iyong agriculture ay –1.2%. So, dito po kaya sa construction na –24.2 nangangahulugan po kaya na hindi dumating iyong inaasahang epekto ng Build Build Build upang sumigla ang ating ekonomiya, Secretary?

SEC. ROQUE:   Totoo po iyan kasi noong huling IATF meeting, isa pong kadahilanan kung bakit ni-lift na natin iyong kumbaga ban on foreign nationals entry nga at medyo nagluwag na tayo at bawal pa rin po ang turismo pero iyong mga mayroong investor’s visa pinayagan na ay dahil marami pong mga consultants sa mga Build Build Build Projects ang hindi po nakapasok.

May alam po akong isang Build Build Build Project na isang flagship project na nag-request po sila ng pagpasok ng 97 ng kanilang expats, hindi po nakapasok iyon mula noong ni-request nila noong May 9 kasi nga po naabutan na ng mga paghihigpit. At ngayon po, ngayong pupuwede ng pumasok, doon sa 97 eh kalahati ayaw ng pumunta sa Pilipinas natakot na rin sa COVID.

Sa tingin ko, itong karanasan ng isang Build Build Build Project na ito ay karanasan din ng iba kasi doon sa IATF meeting nagsalita po ang DOTr, nagsalita po ang DA na iyong kanilang mga foreign consultants ay hindi rin makapasok dahilan kaya nga po bahagyang nagluwag na tayo ng pagpapasok ng mga consultants lalung-lalo na sa Build Build Build Projects.

At pagdating naman po sa pagbaba ng agricultural productivity eh kabahagi na po diyan iyong problema natin sa ASF. Pero kampante naman po ang ating economic team, sinabi po ni NEDA Secretary General na hahabulin naman po natin sa susunod na walong buwan ang pagbaba ng ating ekonomiya.

At tama ka, Melo, iyong bago itong quarter na 4.2 ang ibinagsak o –4.2 ang ating GDP eh –8 plus iyong quarter before this last quarter. So, kumbaga kung titingnan mo sa graph bumagsak na ganiyan pero ngayon po paakyat na tayo pero hindi pa rin positibo. So, we’re about to take-off kaya nga po ang ating pakiusap, ingat-buhay para sa hanapbuhay ‘no.

Iyan po ang graph na sinasabi ko ‘no, 4.2 tapos 4.3 po yata iyong last time, so, nakita natin na patuloy naman pong umaakyat bagamat wala pa po sa positive iyong ating GDP growth. Hayaan ninyo po, sa ating pag-iingat-buhay, sa ating pagbabakuna, inaasahan po natin na sa susunod na quarters ay magiging positibo na po ang ating GDP. Kaya pa naman po habulin iyan, mayroon pa tayong walong buwan.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Thank you, Mr. Secretary. Mayroon pong request iyong transport operators na—hindi lang iyong mga bus, pati iyong mga jeepney cooperatives na hindi pa raw po nababayaran sa ilalim ng service contracting ng Department of Transportation, baka sakaling mabanggit ninyo kay Secretary Tugade, wala na raw po yatang pang-operate itong mga bus operators at jeepney cooperatives.

SEC. ROQUE:   Ipaparating po natin iyan sa DOTr, kay Secretary Tugade mismo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Okay. Isa pong tanong. Ano na ang pinakahuli sa repatriation ng mga Pilipino mula sa India?

SEC. ROQUE:   Wala pa po tayong balita. Well, epektibo pa rin po iyong travel ban galing sa India. Siguro po naghahanap pa ng sapat na numero ang ating embahada roon kasi kinakailangan naman mapuno ang isang eroplano para po makapag-charter flight ang ating embassy.

So, lahat po ng nais umuwi galing sa India, ipagbigay-alam ninyo lang po sa ating embahada at mayroon naman pong mga hakbang na ginagawa para ma-repatriate sila.

Pero kapag ma-repatriate po sila ha, intindihin ninyo po, you will be subjected to very strict quarantine requirements including mandatory 14 days quarantine whether or not you test positive or negative in PCR.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Thank you very much, Mr. Secretary. Thank you.

SEC.  ROQUE:  Maraming salamat, Melo. Balik tayo kay Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO:  Secretary, question from Kris Jose of Remate/Remate online: May ginagawa ba na iba pang istratehiya o paraan ang pamahalaan para manguna ang Pilipinas sa ASEAN region sa usapin ng dami ng mga nabakunahan laban sa COVID-19?

SEC.  ROQUE:  Well, hindi naman tayo nakikipag-unahan. Importante lang po na sabihin natin ang totoong status ng ating pagbabakuna in relations to our neighbors. Kasi iyon nga po, pati po iyan pinupuntirya ng ating kritiko, kulelat daw tayo. Hindi po totoo, pangalawa na po tayo ngayon. At ang importante, makamit natin ang herd immunity unang-una dito sa Metro Manila plus areas at sa lalong mabilis na panahon sa buong bansa. Pero sa tingin ko po magkaroon lang tayo ng herd immunity sa Metro Manila at karatig na areas eh napakalaking bagay na po iyan dahil alam naman natin ang bulto ng mga kaso ng COVID-19 ay nasa Metro Manila plus areas.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ang second question niya: Bagama’t matagal pa ang okasyong ito, sa tingin kaya ninyo kaya ng pamahalaan na magkaroon ng better Christmas ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic kagaya ng sinabi ni Secretary Galvez?

SEC.  ROQUE:  Patuloy po tayong gumagawa ng hakbang para makamit po natin ang Merry Christmas talaga sa darating na Pasko.

USEC. IGNACIO:  Secretary, reaksiyon daw po sa sinabi ng kampo ni Vice President Leni Robredo na unahin na lang ang mas mahalagang trabaho kaysa maghamon ng debate?

SEC.  ROQUE:  Tama po iyan, kaya itigil mo na VP Leni ang iyong pagpupula sa ating administrasyon, kapit-bisig na lang tayo sa panahon n pandemya. Dahil ang gobyerno naman po sumasagot lang sa inyong mga paratang.

USEC. IGNACIO:  Susunod pong magtatanong si Ivan Mayrina ng GMA7.

IVAN MAYRINA/GMA 7:  Sec, nakausap po namin kahapon si dating Philippine Ambassador to the US na si Jose Cuisia, siya po ang ambassador noong maganap itong 2012 stand-off sa Scarborough. Ang tanong po niya: Bakit si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ang sisihin sa pag-pullout, bakit hindi iyong Chinese for their deceit at iyong hindi nila pagtupad doon sa kasunduan na simultaneous pullout sa area?

SEC.  ROQUE:  Well, ang importante po, sino ang nagdesisyon na paalisin ang ating Navy noong mga panahon na iyon? Eh hindi po natin kontrolado kung ano ang gagawin ng Tsino eh. Ang importante kontrolado natin kung ano ang gagawin ng opisyales ng ating bayan at siguro nagkamali sila ng pagtiwala na talagang magpu-pullout ang lahat. Pero ang sinasabi ni Presidente, kaya nga itigil ninyo ang pula ninyo na ang Presidente Duterte ang siyang namimigay ng teritoryo, dahil sa kaniyang administrasyon ni isang inch ng teritoryo wala pong nawala.

IVAN MAYRINA/GMA 7:  Secretary, salamat. Usec. Rocky, thank you. 

USEC. IGNACIO:  Thank you, Ivan. Secretary, tanong mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: May na receive na kaya ang Office of the President na proposed austerity measure from DBM? If yes, may action na kaya dito si Presidente Duterte?

SEC.  ROQUE:  Wala pa po kaming nari-receive.

USEC. IGNACIO:  Ang second question po niya: Reaksiyon sa latest GDP figures?

SEC.  ROQUE:  Well, nalulungkot po kami na patuloy pa ring negatibo ang ating GDP figures pero nagagalak at the same time, dahil from -8 naging -4 na lang po ang negative growth ng ating bayan. Ibig sabihin unti-unti na po tayong umaahon at ang ating pakiusap sa lahat, ingat buhay, para po makapaghanapbuhay nang sa susunod na quarter ay positibo na po ang ating GDP. Eh talagang malungkot po talaga, na itong pandemyang ito ay nagdudulot ng saksakan nang kahirapan sa ating mga kababayan. Kaya nga po ingat buhay para sa hanapbuhay.

USEC. IGNACIO:  Opo. From MJ Blancaflor of the Daily Tribune: Did the UNDP and the foreign contractor of the free Wi-Fi project respond to the DICT so it could turn over 21 million US dollars to the national government?

SEC.  ROQUE:  Hindi ko po alam kung mayroon na silang response, pero iyan po ang naging demand natin. At ang demand natin a is refund dahil sa mga hindi napatayong mga Wi-Fi hotspots at iyong DICT na po ang magtutuloy dahil napakabagal nga po noong foreign contractor na UNDP.

USEC. IGNACIO:  Second question po niya: Can we explicitly say that the government terminated its agreement with the UNDP for the project or will it remain as the DICTs implementing partner?

SEC.  ROQUE:  Hindi na po. Kukunin na po ng DICT iyong responsibilidad para ipatupad iyong ating batas sa 17th Congress na libreng Wi-Fi para sa lahat.

USEC. IGNACIO:  Third question niya: Liable ba ang foreign contractor under our laws for undervaluing its shipment even if it returned the money?

SEC.  ROQUE:  Pinag-aaralan po ng DICT iyang isyung iyan ngayon, kasi alam naman po natin ang ipinagbabawal sa ating Tariff and Customs Code at mayroon pong tinatawag na penal clause sa paglabag ng ating Tariff and Customs Code.

USEC. IGNACIO:  From Llanesca Panti of GMA News Online: Justice Carpio said the Sandy Cay sand bar, which is within Pag-asa island territorial sea, has been occupied by China in 2017, while Chinas’ military build-up in islands within Philippines EEZ such as Mischief Reef, Mabini Reef, Johnson Reef and Calderon Reef had been reported with images by the New York Times and the Inquirer in 2018. How do you reconcile this with your claim that we never lost anything to China under the Duterte administration?

SEC.  ROQUE:  Asked and already answered. I have personal knowledge pa nga po kung ano iyong naging isyu diyan noong 2017. We were in the APEC Summit in Vietnam noong pumutok po iyong balitang iyan at nagkaroon po ng mainit na usapin doon dahil nga doon sa plano na magtayo ang Pilipinas ng structures diyan sa Sandy Cay na iyan na hindi lang po natin pinatuloy, kasi nga po mayroon tayong agreement na status quo ‘no.  At hindi rin naman po inagaw ng Tsina sa atin iyan.

Kasinungalingan po na nawala diumano iyang Sandy Cay sa atin at iyan pong larawan na pinakita natin, isa po iyan sa pinakabagong larawan na nagpapakita na wala pong mga tropang Tsino doon sa Sandy Cay. Mayroon po talaga doon sa annex 95 na acknowledgement na ang tinutukoy na isang Sandy Cay ay nasa possession ng Vietnam, pero iyan po ay nasa memorial na hinain natin sa administrasyon, muli po ni Presidente Aquino. So iyong Sandy Cay po na ngayon po ay nasa posisyon ng Vietnam, hindi po iyan nawala sa administrasyon ni Presidente Duterte.

USEC. IGNACIO:  Second question niya: What specific sector of the population will benefit from the mega vaccination center in Nayong Pilipino property?

SEC.  ROQUE:  Lahat po. Kasi kailangan po natin itong mga mega vaccine facilities kapag dumating na po tayo sa panahon na lahat na po ng sektor ng ating lipunan ay bibigyan ng bakuna. Hindi na lang po A1, A2, or A3.

USEC. IGNACIO:  Third question niya: Would it be more cost-efficient if we instead use existing huge stadium instead like MOA Arena, Araneta Center or malls just like what happened in Parañaque for Sputnik V rollout rather than build a new one which takes time?

SEC.  ROQUE:  Unang-una po iyong SM Arena, binawi na po ng SM. Kaya nga po natigil na iyong mega swabbing facility roon. Pangalawa po ang Araneta, hindi ko po alam kung ang pamilya ni Mar Roxas ay ever nag-offer ng kanilang Araneta Coliseum. Wala po akong alam na kahit anong COVID related activities diyan sa Araneta.

Pangatlo po, iyong itatayo po doon sa Nayong Pilipino, ano po iyan makeshift, hindi po iyan permanente, parang mga tents lang din po iyan, parang iyong ginawa rin na mga tents facilities para magamit na COVID isolation facility diyan po sa Nayong Pilipino na lupain din sa reclamation area.

So ito naman po ay hindi magiging permanente, ito po ay para lang maibsan nga po itong problema natin sa pandemya at kapag nabakunahan naman po ang karamihan ng ating mga kababayan, magtatapos na rin ang ating problema sa COVID-19. So pakiusap lang po sa Nayong Pilipino Board, sana naman po huwag kayong sumuway doon sa programa ng Presidente na makamit ang herd immunity at payagan nang magtayo ng mega vaccination facility diyan po sa Nayong Pilipino.

USEC. IGNACIO:  From Cecil Morella of AFP: Can we ask why Secretary Harry is now claiming Julian Felipe Reef is not part of our EEZ, didn’t our Coast Guard tell the Chinese militia boats there just last April 27 that they are inside our EEZ?

SEC.  ROQUE:  Well, lilinawin ko po, ang claim po natin Julian Felipe is an island, and an island generates maritime territory. Pero ni hindi nga po iyan kabahagi noong ating arbitration, napakalayo po talaga niyan sa atin. Pero hindi po natin binabalewala ang ating claim, ang sinasabi ko lang eh bakit ba binabato na naman sa Presidente iyan, eh wala namang isyu na hindi tayo in possession of that part of the disputed West Philippine Sea. Katotohanan po iyan.

USEC. IGNACIO:  Okay. Thank you, Secretary Roque. Iyon lang po iyong mga nakuha nating question ngayong araw.

SEC.  ROQUE:  Okay, maraming salamat po. At dahil wala na pong katanungan, maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

At sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox nagsasabing: Mga kababayan, hindi po kayo nagkamali, dahil ang presidenteng hinalal ninyo noong 2016, hindi po mamimigay ng teritoryo, paninindigan ang ating soberenya.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)