Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. [GARBLED]

Ipapakita po namin ngayon iyong status ng ating vaccination ‘no… paki-show nga po iyong ating first slide.

Makikita ninyo po na ang mabuting balita ay lumampas na po tayo ng isang milyon pagdating po sa pagbabakuna ng first dose at mayroon na po tayong 132,228 na na-administer na second dose. Ang total na na-administer na po natin ay 1,139,644. So importanteng achievement po ito dahil lumampas na po tayo ng one million na nabakunahan.

Now, makikita po natin kung saan po na-administer ito ‘no: Sa mga A1 health frontliners – 965,169; ang first dose po ay 848,986; ang second dose ay 116,183. Makikita ninyo po na karamihan po sa ay nabakunahan po sa NCR, sumunod po ang Central Luzon Region, ang CALABARZON, ang Central Visayas Region, ang Davao Region, ang SOCCSKSARGEN Region, ang Ilocos Region, ang Northern Mindanao Region, at ang Western Visayas Region.

Makikita naman po na sa NCR, ang na-administer na pong mga bakuna ay 280,569 – ang first dose po ay 269,814; ang second dose po ay 10,755. Pinakamalaki pong na-administer natin ay sa Manila, susunod po sa Quezon City, Caloocan City, sa Pasig City, sa Taguig City, Marikina City, Mandaluyong City, Muntinlupa City at Makati City.

Now sa ASEAN, makikita ninyo po ‘no na bagama’t tayo po ay medyo nahuli sa pag-a-administer ng bakuna, tayo po ngayon ang pangatlo sa pinakamaraming nabakunahan na sa ASEAN. Ang pinakamarami po ay ang Indonesia with 14,000,744, susunod po ang Singapore at 1.7 tapos tayo na po at 1.1 million. Pagkatapos po natin ay Myanmar, Malaysia, Thailand, Cambodia, Vietnam, Laos at Brunei. So ito naman po ay sa kabila ng kakulangan talaga ng mga supply ‘no ay pangatlo pa rin po tayo sa ASEAN.

Now, uulitin po natin iyong mga inaprubahan ng Presidente na rekomendasyon ng IATF pagdating po sa mga klasipikasyon hanggang katapusan po ng Abril. Under Modified Enhanced Community Quarantine:

  • Ang NCR at ang mga probinsiya ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
  • Sa Region II po ay ang Santiago City at ang Probinsiya ng Quirino at ang Probinsiya ng Abra. Ang Abra po ay mula Abril dose hanggang a-trenta rin.

At i-explain lang po natin kung ano ang pagkakaiba po ng ECQ at MECQ ‘no dahil tayo po ngayon ay nasa MECQ na ‘no, so lahat pa rin po tayo ay homeliners ‘no. Ang kinakailangan o pinapayagang lumabas ay:

  • iyong mga bibili ng mga essential goods and services,
  • iyong mga trabaho sa mga opisina at mga establisyimento na pinapayagang mag-operate,
  • at saka iyong tinatawag na APORs (Authorized Persons Outside of Residence).

Now, sa MECQ po, ganoon pa rin po ang age-based restrictions natin. Ang mga below 18 years old at over 65, iyong mga mayroong immunodeficiency, iyong mayroong comorbidities at other health risks, at mga buntis, kinakailangan pong manatili sa tahanan. Pero sa MECQ, ang mga LGUs po ay pupuwedeng mag-relax ng minimum age range hanggang a-kinse, pero iyan po ay magiging desisyon ng ating mga LGUs.

Sa MECQ po ay allowed ang individual outdoor exercise ‘no gaya po ng walks, jogging, running or biking within the general area of their residence.

Now, pagdating po sa transportasyon, ang lahat po ng transportasyon – road, rail, maritime and aviation sectors – allowed po silang mag-operate at such capacity and protocols in accordance with the guidelines issued by the DOTr.

Iyong paggamit po ng bisikleta is highly-encouraged.

Now, suspended pa rin po ang atin face-to-face or in person classes ‘no. At iyong education sector po ay … iyong mga pampubliko natin, sarado pa rin po ‘no.

Now, sa mga gatherings po, bawal pa rin po ang mga gatherings na sa labas ng residence other MECQ. At saka bawal pa rin iyong mga gatherings sa residence with any person outside of one’s immediate household.

Pero pinapayagan na po ang religious gatherings sa MECQ hanggang 10% venue capacities. Pero ang LGU po ay pupuwedeng increase-an ito hanggang trenta porsiyento. Ang allowed po ay ang mga gatherings para sa necrological services, wakes, interment and funerals. Allowed to move po iyong mga immediate family members to attend the wake or interment of the deceased.

Now, ito naman po iyong mga establisyimento na allowed sa MECQ. Lahat po ng siyempre allowed sa ECQ ay allowed po na mag-operate under MECQ, at ito nga po iyong mga indispensable. Pero ito po iyong mga pupuwede nang mag-operate na dati po ay sarado or kalahati lamang:

  • For instance, iyong mga media establishments kasama iyong kanilang total permanent staff complement, sa ECQ po hanggang 50% lang; sa MECQ ay allowed na po 100%.
  • Iyong dental, rehabilitation, optometry and other medical clinics for the treatment of illness or injuries, onsite skeletal force lang under ECQ – allowed na po sa MECQ.
  • Ganoon din po ang veterinary clinics,
  • Ang banks, money transfer services ay ngayon po allowed na to operate, hindi lang po skeletal force. Ganoon din po ang capital markets,
  • Ang water supply, and janitorial sanitation services and facilities,
  • At energy sector kasama po iyong mga third party contractors and service providers.
  • Ganiyan din po pagdating sa telecommunication companies, internet service providers and cable television providers ‘no, allowed na po ang kanilang full operation.
  • Iyong airline and airlines maintenance, pilots and crew and employees of aviation schools, kasama rin po diyan iyong mga ship captains and crew.
  • Full na po ngayon ang funeral and embalming services.
  • Full na rin po ang mga security personnel.
  • Ang printing establishments; ang establishments engaged in repair and maintenance of machinery and equipment for households and essential permitted establishments;
  • Ang establishments engage in repair and maintenance of motorized and non-motorized vehicles including spare parts;
  • Iyong leasing of real and personal property, iyong employment of activities that involve the recruitment and placement for permitted sectors;
  • At saka iyong teachers, professors and other staff for purposes of conducting online, offline and flexible classes, completion of grades and processing of  student credentials, requirements and documents.
  • Ang mga abogado po ngayon ay hindi lang skeleton force, pupuwede na po silang mag-full operations;
  • At ganoon din po iyong mga negosyo na buying and selling of consumer goods or services via the internet.

Pinagbabawal pa rin po sa MECQ ang:

  • Establishment venues with live performances, mga karaoke bars, clubs, concert halls, iyong recreational venues gaya ng internet cafés, billiard halls, amusement arcades, bowling allies and other similar venues, iyong amusement parks or theme parks, iyong mga peryahan, mga kid amusement industries, iyong outdoor sports, courts or venues for contact sports, scrimmages, games or activities, bawal pa rin po sila.
  • Iyong indoor sports, courts or venues, fitness studios, gyms, spas or other indoor leisure centers or facilities such as swimming pools, bawal pa rin po.
  • Iyong mga casinos, horse racing, cockfighting and operation of cockpits, lottery and betting shops and other gambling establishments, except for the draws conducted by the PCSO, ay ipinagbabawal pa rin.
  • Iyong indoor visitor or tourist attractions gaya ng library, archives, museums, galleries and cultural shows and exhibits, at saka iyong mga outdoor tourist attractions, bawal pa rin po sa MECQ.

Ipo-post po natin ito sa web page ng ating opisina para mayroon po kayong ready reference. Iyong mga meetings, incentives, conferences and exhibition ay bawal pa rin po.

  • Iyong personal cares services, bawal pa rin po.
  • Iyong indoor dining, bawal pa rin po; bagama’t allowed na ang al fresco or outdoor at saka siyempre hindi naman po natigil ang take-out at saka deliveries.

Now, all establishments na hindi po pinayagan mag-operate under ECQ shall be allowed to operate at 50% on-site capacity while encouraging work from home and other flexible arrangements where applicable.

So, despite everything po na binasa ko, ang DTI po ay pupuwede pa ring mag-issue ng negative-list industries which will remain prohibited even under MECQ.

Now, sa curfew po, nag-usap-usap po ang Metro Manila mayors at binago na po ang curfew a Metro Manila. Ito po ngayon ay 8 PM to 5 AM. Kinukuha ko lang po kung anong mga balita sa mga probinsiya. Alam ko po maya-maya siguro po maaanunsiyo ko kung ano iyong status ng curfew sa mga probinsiya. Pero sa Metro Manila, kasama po natin ngayon si chairman Abalos at ginawa nga pong 8 to 5 ang curfew sa buong Metro Manila.

So, kasama po natin ngayon si Chairman Abalos, kasama rin po natin ngayon si Usec. Vega, at kasama rin po natin ngayon si Dr. Alethea. Unahin ko na po si Chairman Abalos.

Chairman Abalos, bukod sa curfew ano pa ang napagkasunduan ng mga mayor? Why will it not be business as usual for the coming two weeks of MECQ? At saka noong nagbotohan ba ho ang mga Metro Manila mayors, sumang-ayon ba ho sila dito sa rekomendasyon ng IATF na ibaba sa MECQ ang quarantine classification? The floor is yours, Chairman Abalos.

MMDA CHAIR ABALOS: Maraming salamat po, Spokesperson Harry Roque. Sa mga nanunood po ngayong tanghali, magandang tanghali po sa inyong lahat!

Unang-una po ay talagang sumusuporta po ang lahat ng alkalde sa naging desisyon po ng IATF at ng ating Pangulo. Alam naman ho natin na talagang mahirap po ang panahon ngayon, importante ang pagkakaisa. Nakikiisa po ang lahat ng alkalde kung kaya’t nag-usap-usap po kaagad pagkatapos ng meeting ng IATF noong gabi at napagkasunduan na ang magiging curfew sa Metro Manila ay alas-otso ng gabi hanggang alas-singko po ng umaga.

Bukod dito ay nakausap din namin si Secretary Duque at siya po ay humihingi ng tulong na kung posible na bukod doon sa private ay iyong mga ospital na ito po ay pinapatakbo ng mga lokal na pamahalaang lungsod ay maglaan ng mga kama pa. At hindi lang kama, importante na naka-focus talaga sa ICU.

Ang mga reports po ay sa Quezon City, kay Mayor Joy: Ang Quezon City General Hospital ay sampung kama; ang Bautista Hospital, sampu rin; Novaliches District, sampu rin; ang Hope Community Care, 1,000 beds.

Ang Taguig, ito ho for critical care ay pitong kama ang kanilang inambag. Itong critical care po ay may high-flow (nasal cannula) at mga ventilators and of course sa quarantine facilities, 43 na kama po ito at 43 rin sa mild.

Sa Navotas, 100 na kama. Nag-usap-usap po kami nila Sec. Duque at nandito po mamaya si Usec. Vega, tutulong po sila sa mga nurses at mga doktor po rito.

At bukod po rito ay ang Mandaluyong. Ang Mandaluyong po ay tiningnan namin at nag-commit po kami rito. Ang aming ICU ay mga walong puwedeng gawing ICU but for the meantime gagawin muna namin for critical care. Lalagyan po ito ng high-flow (nasal cannula) sa tulong po ni Usec. Vega and of course mga nurses.

Sa San Juan naman po, mga 30 beds po ang ini-increase nila. So, kung makikita ninyo po rito, ang mga alkalde po ng Kalakhang Maynila ay talagang nagkakaisa sa nangyayari ngayon at mag-aambag po ng mga kama.

On the other side po, gusto ko lang ibalita, Spokesperson Harry, na pagdating naman sa contact tracing, napaka-importante nito dahil isang taong umiikot ay baka makahawa, ay gusto ko hong pasalamatan din ang national government, kay Secretary Bello, dahil siya ay mag-commit ng higit-kumulang 230 million. This is about 14,000 contact tracers and this is good for ten days. Ang ginawa na lang po naming, sa mga mayors, imbes na sampung araw ay ginawa na lang po namin itong tatlong buwan. So, hinati-hati namin itong mga workers, in short, this 230 million will instead be given for three months, Spokesperson.

So, iyon lang po muna ang maibabalita ko ngayong tanghali. Sec. Harry?

SEC. ROQUE:   Maraming salamat, chairman Abalos. Puntahan naman natin si Usec. Vega. Usec. Vega, isa sa pinakamalaking basehan ng desisyon ng ating Pangulo at IATF na magdeklara ng MECQ ay iyong pinarami nating health care capacity. Nagdagdag po tayo, kagaya ng sinabi ni chairman Abalos, ng mga karagdagang ospital hindi lamang sa mga LGU hospitals kung hindi sa pampubliko at pang-pribadong mga hospital. So, can you give us an update po, kung ano na ang nadagdag na capacity lalung-lalo na po iyong ating ICU bed capacity? The floor is yours, Usec. Vega.

DOH USEC. VEGA:   Good afternoon, Sec. Harry, Spox Harry! Good afternoon, Chairman Abalos at good afternoon to everyone listening to this program.

Alam ninyo po, itong two weeks na ibinigay sa amin, itong break na ECQ, nagkaroon kami ng pagpulung-pulong sa mga chief of hospitals at saka iyong mga implementers lalung-lalo na sa health capacity systems natin.

Unang-una talaga napansin namin na ang pinakamalaking problema ng mga hospitals ay iyong pagbayad ng PhilHealth. Kasi alam ninyo, itong pandemya na ito, kung wala ka namang sapat na financial resources mahihirapan ka talaga mag-provide ng extra allocation for the number of beds.

So, sa tulong po ni Sec. Vince, Sec. Galvez, at saka utos po ni President Duterte, pumayag po iyong PhilHealth through a mechanism, iyong credit-debit payment mechanism na babayaran po iyong hospital na mga valid claims up to 60%. Ito ay very significant ho, kasi itong financial resources na ito, ito iyong puwedeng magbigay ng more beds and allocation sa mga hospitals lalung-lalo na sa pag-increase ng kanilang equipment at saka sa human resource sa private.

So, pagkatapos po pumayag ang PhilHealth dito, kinausap na rin namin iyong private and public hospitals at nagkaroon kami ng agreement na para hindi mahirapan ang ating health care response or hindi ma-strain talaga, kailangang magbukas sila ng kama at saka pumayag ho sila, both public and private, nakakuha kami ng mga 1,042 beds na allocated coming from public and private. Malaki po iyan dahil ito ay maka-increase in the number of beds allocated for COVID.

At saka sa ICU po, pumayag na rin sila na mag-increase in ICU setting. Hindi naman talaga iyong setting ng ICU sa mga ward at saka sa private rooms at hindi talaga iyong formal na ICU but kailangan mag-allocate sila ng mga beds in the wards and the private rooms na parang ICU naman din ang facility. So, pumayag po sila dito at mayroon silang 142 na puwedeng ma-ICU beds.

Itong two weeks na ito po, naayos din po namin ang National Mental Health na mayroon hong 3,500 beds po iyan. this is the biggest DOH facility po dito sa Department of Health at saka 1,000 ho bakante. So, ang ginagamit po ng mga mental health patients eh nasa between 400-500 kaya malaki ang tingin namin na puwedeng gamitin iyong National Mental Health.

So, noong Sabado po, inayos po namin iyong National Mental Health na isang pavilion can accommodate at once mga 200 – 250 beds at saka iyong pangalawang pavilion, mga 700 plus. Ang total ho nito mga 960 COVID beds for mild and moderate. So, ito iyong malaking hakbang na nakita namin na puwedeng palawakin namin iyong number of beds lalung-lalo na sa mild and moderate cases.

At saka ho mayroon din kaming nabuksan na facility dito sa QI. Ito iyong field modular hospital na naplano na ho namin last year pa kasi alam namin kailangan talaga ng imprastraktura for moderate and severe. So, itong field hospital na nagawa po ng DPWH last November na-operate ho namin last week. So, dahan-dahan na po silang nagbubukas, ito ay 110 beds po. So, medyo may kaluwagan, may space na rin lalung-lalo na for the moderate and severe.

Doon naman sa isolation centers ho, itong next Wednesday or Friday, bubuksan na ho namin iyong 250 isolation center sa Manila Times sa Subic. Ito ho ay makapagbibigay ng isolation facility lalong-lalo na sa positive COVID na may mild and asymptomatic na puwede naming i-transfer doon.

Nabuksan din namin ang Eva Macapagal na nandito sa Port Area na 150 beds. At saka po iyong sa National Government Administrative Center sa New Clark City, ito mayroong 170 residences na bubuksan din namin by next week.

So, ito iyong ginawa namin habang two weeks para mabigyan ng sapat na number of isolation beds at saka COVID beds sa mga hospital para luluwang at hindi ma-strain iyong ating health system capacity.

Iyon lang, Sec. Harry Roque. Thank you po.

SEC. ROQUE:   Usec. Vega, iyong mga karagdagang kama na binanggit ninyo po, ano po ngayon iyong current health care utilization rate natin para sa mga ICU beds at saka para sa mga COVID—

DOH USEC. VEGA:   Kung bubuksan po natin iyan, Sec. Harry, lahat ng 142, ang ballpark figure namin sa HCUR mga bababa ho ng 75-77%. Hindi na high-risk position at saka iyong totality ng HCUR baka nasa 58% na low risk category na, hindi na moderate risk. So, ito iyong tinitingnan po namin sa pagbukas talaga ng number of isolation beds at saka treatment beds sa mga hospitals.

SEC. ROQUE:   So, ang nagiging strategy natin, Usec. Vega, imbes na magsara ng ekonomiya ay talagang dinadagdagan na natin ang ating—

DOH USEC. VEGA:   Oo, kailangan talaga natin. Oo.

SEC. ROQUE:   [Garbled] to invest in health care facilities kaysa isarado po ang ekonomiya.

DOH USEC. VEGA:   Tama iyon, Sec. Harry. We have to tame the virus and we have to adapt to the present pandemic. Kailangan natin the economy has to be there and we have to make sure na we can suppress and maximize our treatment response.

SEC. ROQUE:   Thank you very much, Usec. Vega. Kasama rin po natin si Dr. Alethea De Guzman. Ma’am, two weeks ago you had a model kung anong inaasahan nating makamit matapos ang two-week ECQ at two more weeks of MECQ kasi iyan po iyong ating quarantine classification ngayon. Ano po kaya ang inaasahan nga na mangyayari kung lahat ng tao po ay paiigtingin nila iyong kanilang ‘Mask, Hugas, Iwas’, iyong PDITR na tinatawag po natin. The floor is yours, Dr. De Guzman.

DR. DE GUZMAN: Magandang umaga po! Magandang tanghali po sa lahat! And if I may present po, I’ll keep it short but I’d like to be able to relate to the public ano bang estado natin ngayon; kumusta po tayo at saan po tayo patungo? What were the gains of these two weeks of MECQ?

Gusto ko pong pasimulan doon po sa pag-relate kahapon na nakapagtala tayo ng 11,601 cases at ang naiiwan po na mga top regions kung saan nanggagaling po ang mga bagong kaso ay sa NCR, CALABARZON at CAR po. Kaya naman mayroon na tayong 864,868 confirmed cases and 17% are active cases. Bahagya pong tumaas ang ating recovery rate at 81% ang ating case fatality rate po ay naiiwan naman po sa less than 2%, it’s actually around 1.7% in the past week.

Ngayon, gusto kong simulan sa data muna ng laboratory [garbled]. We’re already hearing na we’re really doing well, lahat ng datos natin bumaba. Gusto nating ipaabot na nitong nakaraang linggo nakakita din po tayo kasi po ng pagbaba ng ating laboratory output.

So, apat na araw wala pong pasok, nabawasan ang mga laboratoryo na nag-o-operate, bumaba po ang ating sample collection kaya po nag-decline po ang ating testing output by 12% at ito po ay nakaapekto doon sa dami ng mga confirmed cases na nare-report natin and this may be interpreted po kasi as a marked decline in the number of cases that we are seeing.

Pero nakikita naman po natin makaraan noong Linggo, ilang araw na mababa ang ating mga nare-report na kaso, noon pong Friday and Saturday tumaas po uli iyong mga nare-report natin kaso, it’s around 12,000 noong mga dalawang araw pong iyon at 11,000 nga po kahapon. Kaya naman kung titingnan po natin, ito ipinapakita ko po ito every time I present iyong ating epidemic curve.

So, we have set the highest number of cases getting in noong ikatlong linggo po ng Marso. Noong sumunod na linggo, iyong ika-apat na linggo nakikita po natin palapit na po siya. Wala pa po siya doon pero palapit na po siya. Ibig sabihin, kailangan ngayon pa lang mayroon na tayong ginagawa para hindi na po niya ma-overtake iyong mga peak na nakikita po natin. Itong huling bar, ito po iyong unang linggo ng Abril, ngayon pa lang natin nakikita iyon pong mga nagkakasakit at sila po ay nare-report po sa atin at karamihan po talaga ng kaso ay manggagaling po sa National Capital Region at CALABARZON.

Kung titingnan natin, ito po iyong nare-report na mas kaunti ang kaso natin ngayon. The average cases we reported nationally over the past week is just around 9,432 versus the 10,239 the week before. But we need an estimation, so we assumed na fully operational po ang laboratoryo, fully operational ang sample collection, nakikita natin na posibleng mayroon pala tayong 4,000 na dagdag na confirmed cases na nakikita at ang dami nang nare-report na kaso nitong nakaraang linggo kumpara noong two weeks ago ay halos pareho po at around 10,000 cases.

So, ano bang ibig sabihin noon? Ibig sabihin, we need to be very cautious in interpreting our number. That’s why the Department of Health whenever it presents its numbers, we tell the people lahat ng assumption namin para ho pare-pareho po tayo mag-interpret sa ating datos.

At para po makita po lamang—ito ho hindi ko na po dadaanan lahat, gusto lang namin ipakita na ang pagbabantay ng DOH at ang ating mga national government agency ay nationally and all regions. So liban po sa NCR, nakikita po natin ang pagtaas din ng kaso para po sa CALABARZON, sa Regions I, II, III, and CAR po. Sila po ay ini-engage na natin dahil ayaw nating umabot ang kanilang datos, tumaas siya kasing bilis as nakikita nating pagtaas ng mga kaso dito nga po sa NCR Plus areas po natin.

Dito po sa NCR Plus specifically, nakakita tayo ng 6,324 average in cases per day subalit ang maganda para sa NCR Plus, from critical risk ngayon po tayo ay nasa high risk. Anong ibig sabihin noon? Tumataas pa po ang kaso subalit hindi na nga lang po siya kasing-bilis as nakikita po natin noong mga nakaraang linggo. Dito pinlot (plot) lamang po natin nang nagsimula tayo ng ECQ at makikita po talaga natin ang epekto nito makaraan ang dalawa hanggang tatlong linggo. Kaya po hanggang ngayon mayroon pa tayong pagtaas ng kaso na nauobserbahan po.

Punta po ako sa deaths, ito po napakahalaga. Malaki po iyong contribution po iyong nabanggit nga ni Usec. Vega na pag-improve po sa ating health care capacity. Pero gusto ko lang pong idagdag, hindi lamang po dapat health care capacity, tayo din po, we need to be able to seek consult immediately. Ang mga deaths na nakikita po natin, sila po ay among our vulnerable group – matatanda, may sakit.

Pero mayroon din tayong nakikita, nagpapaabot ng isang linggo, dalawang linggo bago po sila magpatingin at pumunta sa mga ospital. Nakita nating tumaas ang mga kaso, mga deaths po natin, mga dalawang linggo pagkatapos ng unang mabilis na pagtaas ng mga cases. At pina-plot lang natin nang nag-start tayo ng ECQ around two weeks ago and right now that’s the peak of our deaths.

Mayroon po tayong oportunidad na hindi pa lalong pataasin ang deaths na ito ‘no. In the next few weeks that will actually help us determine how much more we can lower these deaths because these are actually all preventable deaths and with the improvements in our health care capacity and health care referral systems, nakikita natin na malaki iyong magiging epekto nito sa pag-decline ng mga deaths po natin.

Sa ngayon ang ating average deaths per day para sa Marso po ay nasa 46, sa April 1 to 11 po ay nasa 41 na. Hindi pa natin naabot naman iyong peak na nakita natin noong Agosto at 68. So kung titingnan natin perspective ‘no, napakataas talaga ng mga CFRs natin last year kasi mas kaunti ang kaso noon pero ang kanilang average deaths per day ay at 68 deaths per day. So in comparison we’re still doing better, it just also means that we really know what we need to do. It’s a matter of just pushing it a bit more and having the partnership, not just of government but all sectors para po mapaganda pa po natin ang ating health care system.

Ito po sa kanan ang mga listahan ng rehiyon na higit naming binabantayan in terms of death and that would include, top are NCR, III and Region VII po.

Sa ating health care utilization, ito po iyong nabanggit na ni Usec. Vega na nakakakita pa tayo nang pagtaas. So from 64% umakyat tayo ng 66% in terms of health care utilization for the National Capital Region at ang Regions II at CAR ay nasa high risk na po ngayon.

At huli na po, bago po ako magsabi ng ating recommendations ay iyon nga pong ating ICU utilization rate. Kaya iyong pagdagdag ng ICU beds at mga tao na mag-u-oversee ng mga ICU beds ay napakahalaga. These will be the beds that will really save lives dahil ito po iyong nagbibigay ng tiyansa ng ating mga severe at critical cases will be immediately and properly accommodated po.

Bago po rekomendasyon pala, balikan ko po iyong sinabi po ni Spox Harry ‘no. Two weeks ago we showed you these projections and these were the projections na nagbigay sa atin ng basehan para sabihing, “Uy, kailangan pa nating dagdagan ng isang linggo ang ECQ.” Kasi kung wala pong ECQ, ano po bang epekto nito? Una hong epekto dadami talaga, nakikita ninyo po lahat noong bars ‘no, iyong mga line graphs, iyong mga una pataas pa po ang kaso. So talagang tuluy-tuloy po ang makikita nating dami ng kaso at deaths kung hindi po natin ito in-impose.

Ikalawa po, dahil sa tuluy-tuloy na pagdami ng kaso and our deaths, higit pang mau-overwhelm ang ating health care capacity. Ibig sabihin we’re not just talking about COVID here, we’re also talking about non-COVID cases ‘no. So hindi naman po tumitigil ang pagkakaroon ng diabetes or hypertension, so kailangan po iyong pagbabalanse na parehong COVID at non-COVID, naaalagaan po natin nang mabuti. At nakikita nga po natin dito na iyong gains ng ating ECQ while hindi pa natin nakikita ngayon ay posible na po nating makita in another departments ho. Dito po by third week of March, we should be seeing declines in our cases and our health care utilization rates po.

I’d like to end with these three key messages po at papaalala po na ang ECQ, alam ko po lahat tayo apektado ng ECQ. Pero ito ay ginawa natin dahil gusto nating mapabagal iyong pagtaas ng kaso. Gusto natin tumigil ‘no iyong pag-spread nitong mga variants of concern. Ito rin ay panahon para bumili tayo ng oras upang kung anuman iyong dapat nating i-improve ay i-improve natin and at the end we want to be able to protect and save lives.

So, ano po iyong naging gains? Nabanggit ko kanina mayroon tayong panahon, it bought us time – we now have more beds especially po sa ating ICU, especially sa ating mga TTMFs ‘no at nagkaroon tayo nang higit na oras upang lalo pa pong mapaganda ang ating mga triage and referral systems ‘no.

Ako personally ‘no, I had my brother who tested positive recently. He was accommodated ‘no. Hindi ako nagsabi na ako si Dr. Thea, ako ay dumaan sa OHDC pero it is a testament na while it is not yet perfect, it is improving po. Ikalawa po, again paalala, makikita/sisilipin natin ito sa susunod na linggo iyong sinasabi natin na pagbaba po ng kaso at health care utilization rates.

Pero iyong ikatlo pong gusto naming ipaabot, ang istratehiya natin ay hindi nagbabago kasi nakita natin epektibo po siya. Pero para po tuluy-tuloy ang pagbaba ng kaso, kailangan hindi lamang po gobyerno, hindi lamang po private sector but all of us ‘no – the community, individual persons will have to actively participate po. Lahat tayo may buy-in and may ambag po dito.

So iyon lamang, Spox Harry. Salamat po and magandang tanghali.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. De Guzman. Simulan na natin ang ating open forum. Usec. Rocky, go ahead, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque, at sa atin pong mga bisita. Tanong po ni Kris Jose ng Remate para po daw kay Chairman Abalos. Nasagot na niya iyong sa curfew hours, ang tanong po niya dito: Kailangan pa rin ba daw magpakita ng certificate of employment ang isang empleyado kapag naabutan siya ng curfew sa daan?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Maski ID na lang po ang ipakita ‘no. Kamukha po nang dati noong ECQ, maski ID lang puwede na po.

USEC. IGNACIO: Opo. For Usec. Vega: Doc Vega, iminumungkahi na gawing vaccination sites ang gym ng mga unibersidad at mall. Ano daw po ang reaksiyon ninyo dito, Usec. Vega?

DOH USEC. VEGA: Tama ho iyon lalung-lalo na sa simultaneous vaccination ng A1 to A4 ano, kailangan natin madali iyan talaga kasi ito iyong cover natin for a faster immunity sa community.

So i-designate lang ng RHD or the regional health offices ng Department of Health iyong mga lugar na iyan and then ‘pag once designated as a vaccination center, they can be used as vaccination centers.

USEC. IGNACIO: Opo. Question for Secretary Roque and kay Chairperson Abalos: Reaksiyon daw po sa apela na palawigin pa ang palugit sa pamimigay ng ayuda sa mga residente ng National Capital Region Plus Bubble na nasa ilalim ngayon ng MECQ dahil hindi daw po kakayanin ng LGUs na tapusin ang pamamahagi sa loob lamang ng dalawang linggo.

SEC. ROQUE: Chairman Abalos…

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, actually tama po iyon eh ‘no. Sa obserbasyon po namin talagang mahihirapan na matapos iyong sinasabing 15 days ‘no kasi we also have to balance eh. Kung bibilisan mo baka magsiksikan po ang tao eh ‘no, talagang nandoon po iyong—kinakailangan ibinabahay-bahay mo iyan eh pero kung ibabahay-bahay mo naman, hahaba naman ang panahon ‘no. Kaya iyon nga, susulat nga kami sa DILG in the next few days para humingi po ng palugit hinggil po rito. Salamat po.

SEC. ROQUE: Sa panig naman po ng Presidente, ang hinihingi lang niya ay best effort at naiintindihan naman po ng Presidente na mayroong pandemya at kinakailangan ma-avoid natin, maiwasan iyong pagtipun-tipon. So wala naman pong magiging problema pero ang pakiusap na rin ay sa lalong mabilis na panahon eh sana po ma-distribute.

USEC. IGNACIO: Question from Jam Punzalan of ABS-CBN Online: How would you respond to criticism that the President in the past few days showed the proof of life but no proof of work and that people are dying but he’s supposedly golfing and biking as seen in photos from an ally?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po ang Presidente walang iniisip kung hindi iyong mga problema ng bayan. So may mga iba kasi nagpapakita lang ‘pag sila’y nagtatrabaho, iyong mga para lang mapakita purposes ‘no. Pero alam naman natin ang Presidente natin 24 hours, 24/7 ang kaniyang pag-iisip ay nasa bayan po.

USEC. IGNACIO: Opo. From Triciah Terada ng CNN Philippines for Secretary Roque, Usec. Vega and Dr. Thea: What is the basis of the IATF and the President for easing restrictions to MECQ? What is the government’s assessment of the two-week ECQ, did it work?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ano, ang naging basehan nga natin iyong improved healthcare capacity natin dahil nadagdagan nga po iyong ating mga facilities. Pangalawa po, hindi pa po natin nakikita iyong epekto ng two weeks ECQ although I’m very certain po makikita natin iyan in the coming days.

Now hindi ko po alam if Dr. Vega and Dr. De Guzman would like to add.

DOH USEC. VEGA: Tama iyon, Sec. Harry. Itong breaks na ‘to na two weeks na ginawa po natin, nakapag-increase kami in the number of isolations at saka COVID-allocated beds. Eh malaking hakbang po ito para ho matugunan natin iyong mga pangangailangan ng ating mga kababayan lalung-lalo na sa mga mild, moderate and severe. At saka nag-agree naman ang mga private and public hospitals na i-increase ang kanilang intensive care capacity. So malaking pagbabago in terms of the HU rates lalung-lalo na sa pagbukas ng beds na pangangailangan po.

SEC. ROQUE: Dr. De Guzman…

DR. DE GUZMAN: Una po, Spox Harry, i-correct ko lang po – the changes or the decline mostly will be by the third week of April ‘no and I think at all sides, we want to be able to balance out the economy at nakikita natin that it will take us a bit longer to see those visible effects. Ang isang naging basehan din po ay are the capacities in place and as mentioned by Usec. Vega and the other czars, we saw that it is now being in place po and we are gaining more confidence to slowly lift ‘no, these wide scale and very strict restrictions po.

SEC. ROQUE: Next question, Usec. Rock.

USEC. IGNACIO: From Jam Punzalan pa rin, question niya for Secretary Roque: Sir, with all due respect, since you are sick and the President is healthy, why didn’t the President announce the quarantine decision himself? The people are also demanding for a medical bulletin of the President. Will Malacañang be able to do that?

SEC. ROQUE: Jam, ang medical bulletin is only given when the President is sick; and he is not sick. Bakit hindi po siya nag-aanunsiyo? Eh ako naman po talaga nag-aanunsiyo eh ng mga classifications after he approves them ‘no. Mula po halos isang taon na nang ako’y bumalik talagang ako naman po nag-aanunsiyo niyan except lang kung iyong simula ng buwan coincides with the Talk to the People on a Monday. In which case, sinasabay po sa Talk to the People. Pero sa mula’t mula po, ako naman po iyon.

USEC. IGNACIO: Ang third question niya, Secretary: What symptoms did you experience this time around? And how did you manage to get a COVID bed in PGH while many are in dire need lining up for a slot, some even dying as they wait?

SEC. ROQUE: With all due respect to Jam, I think that’s an unchristian question. Ang aking assurance lang, sa administrasyon po ni Presidente Duterte, lahat ng mayroong pangangailangang medikal eh mabibigyan po ng tulong at iyan na rin naman po ay dahil din doon sa ating sinulong na Universal Health Care noong 17th Congress.

USEC. IGNACIO: From Melo Acuña of Asia Pacific Daily for Usec. Vega: Do you have enough personnel handling calls from the general public? Will you augment your staff and telephone lines to accommodate more calls and request for assistance?

DOH USEC. VEGA: Mag-i-increase na ho kami ng personnel kasi ang nangyari po sa amin nitong surge na ‘to, double the capacity last year ano. Kaya na-overwhelm talaga iyong operation center namin kaya nag-recruit kami ng mga 15 to 20 new doctors and ITs para ho mag-man ng One Hospital Command at saka mayroon na kaming support sa PLDT through opening nga po of more lines.

So mayroon kami sigurong mga changes na mangyayari sa One Hospital Command lalung-lalo na kung magamit na namin iyong hotline na 1555 na puwede na madiretso ho sa base center namin for any calls.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque my apologies, iyong kanina pong tinanong ko sa inyo ay hindi po kay Jam Punzalan. Tanong po iyon ni Trish Terada, my apologies.

Ang second question po ni Melo Acuña for Secretary Roque: While there are reports of vaccine shortage, would the government have a program or strategy to guarantee second dose for people who already got their first jab?

SEC. ROQUE: Unang-una po, wala pong problema ang second dose ng Sinovac dahil ang Sinovac po natin talagang guaranteed po iyong ating supply ‘no. Iyon namang nakakuha na po ng AstraZeneca wala rin pong problema iyan, mayroon lang pong delay pero sigurado naman pong darating iyong COVAX at saka iyong mga binili ng private sector na ang kalahati ay dinonate sa gobyerno. So huwag po kayong mag-alala, matapos po ng tatlong buwan kung kailan kinakailangan na ang second jab ng AstraZeneca, sigurado naman pong may darating din na AstraZeneca.

So wala pong problema, napaka-conscientious ni ating Vaccine Czar Carlito Galvez at bukod pa po doon sa mga Sinovac, AstraZeneca, alam po natin na napakadami pa niyang napirmahan nang mga supply agreement – Novavax, J&J, kasama na rin po ang Moderna at hindi pa rin tayo nag-gi-give up po sa Pfizer.

USEC. IGNACIO: Ang third question po ni Melo Acuña: There’s this report quoting a senior Chinese official that their vaccines don’t have very high protection rate. Chinese vaccines don’t have very high protection rates said the Director of the China Center for Disease Control Gao Fu at a conference Saturday in the Southwestern City of Chengdu, China. Any comment daw po?

SEC. ROQUE: I think Mr. Gao Fu has spoken and he said he has been taken out of context ‘no. Pero ganoon pa man assuming na tama nga iyong 50% efficacy rate, ang ini-explain naman ng mga doktor paulit-ulit na iyan, that’s still a guarantee against serious illness or even death because of COVID-19 and that’s why okay pa rin po siyang proteksiyon.

USEC. IGNACIO:  From Cresilyn Catarong of SMNI for Dr. Thea and Usec. Vega: Kumusta ang recovery rate ng bansa from COVID-19?

DR. DE GUZMAN:  Yes po. Ang ating recovery rate ngayon ay 81%. It is expected that it will be lower than what we are previously reporting, dahil marami po tayong mga active cases. So, the goal is really pushing down the new cases, so that tataas din po ang ating recovery rate. Pero sana tingnan din natin ang ating case fatality rate. Sa ngayon, it actually less than 2% and we want to be able to maintain that low case fatality rate po.

USEC. IGNACIO:  For Usec. Vega?

SEC. ROQUE:  Usec. Vega, would you like to add? Wala na siguro, go ahead next question please.

USEC. IGNACIO:  Ang second question po ni Cresilyn Catarong: Ano ang treatment na naibibigay natin para sa asymptomatic hanggang sa severe?

SEC. ROQUE:  Dr. Alethea?

DR. DE GUZMAN:  Para po sa ating mga COVID-19 cases, symptomatic po kasi ang ating treatment. So kung ikaw ay may lagnat bibigyan ka ng paracetamol o di po kaya iyong ibang symptoms. Pero ito lang po siguro, una napakahalaga na magpatingin po agad, whether it is physically going to your health center or to the hospital o ngayon ini-expand po natin na ang ating tele-consultation services. Huwag po kayong mag-self medicate, it may do you more harm than good.  Once you are seen, once you are triage, the health worker will inform you, ano po ba kailangan po ba ninyong i- x-ray para malaman kung may pneumonia at kung may pneumonia nga tayo at iba pa pong sakit saka po tayo a-advise-an kung kinakailangan po ng dagdag na gamot tulad po ng ating antibiotics. So seek conserve early po.

USEC. IGNACIO:  Opo, question from Maricel Halili of TV 5:  I understand po that the President must be protected from the virus, but he can always use Zoom or Stream Yard to address the public. He only needs one assistant to do that if he can’t operate it on his own. Why didn’t he address the public even if technology is readily available?

SEC. ROQUE:  Hindi ko maintindihan kung ano ang kinakailangan ano, because the President made all the decisions he needs to make, particularly on the quarantine classifications. Patuloy din ang kaniyang pag-supervise dito sa acquisition ng mga bakuna at pagsisigurado na ang bakuna ay naro-rollout at the soonest time possible. So ang assumption po ninyo, kinakailangang magpakita para patunay na nagtatrabaho ang Presidente, hindi po ganoon ang istilo ng ating Presidente. Hindi na po niya kinakailangang ipagmayabang sa publiko na siya ay nagtatrabaho. At ang taumbayan naman ay naniniwala naman po na talagang on top of the situation ang Presidente even if hindi niya pinangangalandakan ito sa taumbayan.

USEC. IGNACIO:  Ang tanong pa rin ni Maricel Halili: Where is the President now, where did he spent the last two weeks?

SEC. ROQUE:  He never left his residence in Malacañang.

USEC. IGNACIO:  From Leila Salaverria of Inquirer for Usec. Vega, kung nandiyan pa po si Usec. Vega?

USEC. VEGA:  Nandito ako, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Doc, ang tanong po ni Leila Salaverria ng Inquirer: Now that hospitals are filled merely to capacity, are there any changes to the DOH policy n home isolation and home quarantine?  Does the DOH allow mild and asymptomatic patients to isolate at home and be treated there?

USEC. VEGA:  Hindi naman nag-change ng guidelines po ng home policy for mild and asymptomatic. Iyon nga lang, kapag home isolation po kayo, dapat very clear na you have a room for yourself saka iyong toilet and bath, parang gamit mo lang at saka iyong utensils mo. At saka wala namang kasama ho kayong mga high risk individuals na nangangailangan po ng ano, baka vulnerables po sila. So kapag ganoon naman po, mga 10 to 15% ng mga individuals with mild and asymptomatic cases ay puwede naman po sa home.

USEC. IGNACIO:  For Secretary Roque: How does the Palace respond to comments that while many were suffering, the President did not appear to be doing much to address the country’s problems?

SEC. ROQUE:  Already answered po. Hindi kinakailangang ipangalandakan ni Presidente na siya ay naninilbihan and an overwhelming majority of our people know na 24/7 ang iniisip lang ng Presidente ang sambayanang Pilipino.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ang tanong ni Tuesday Niu ng DZBB: Puwede na bang mag-travel ang ordinary citizen na not belong into APOR outside the NCR plus?

SEC. ROQUE:  Hindi pa po, homeliners lang tayo. Ang pagbibiyahe po ay kung kayo ay APOR or work related or essential. Kahit saan po kayo pupuwedeng pumunta kung kayo ay APOR or essential dahil trabaho po iyon.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po. Again, humihingi po ako ng apology kay Jam Punzalan ang question po, Secretary, noong sinagot ninyo ay galing po kay Trish Terada. Salamat po.

SEC. ROQUE:  The question may have come from Trish and the answer is the same – it is an un-Christian question.

USEC. IGNACIO:  Secretary, titingnan ko po kung mayroon pang ilang mga tanong dito. Hinahanap ko po kasi, kasi iyong una pong binigay sa akin, ang sabi parang isa-submit na lang din sa inyo. So, kung pupuwede po na masagot pa rin iyong iba.

For Usec. Vega po, may tanong po ni Joseph Morong for Usec. Vega: Why was the position of the DOH to impose ECQ not followed? Do you think an MECQ will lower cases and decongest the hospitals, if there’s an increase in mobility; for how long can you add ICU, isolation rooms until the surge could overwhelmed our critical care capacities?

USEC. VEGA:  Alam ninyo, thank you for the question, Joseph.  We all know that after one year, we know very well how the virus behave – it’s almost mechanical, just like gravity and the only way that we can do and make sure that we don’t get the transmission is to properly respond to this. And MECQ only means that if we have the strategy for suppression of the virus, meaning to say that we can test enough people and we are now testing antigen test especially here in Metro Manila, because the prevalence is very high.  If we can actually easily contact trace and StaySafe now is being implemented and digital and a manual kind of contact tracing and of course isolation.

That is the only way that we can maximize the suppression of the virus. In other words, for a mechanical kind of transmission, we have to have certain type of mechanical way of making sure that the suppression is maximum. And also for the treatment capacity, for the last two weeks, we have engaged the different government and even the private hospitals na they have to increase their bed capacity, because this is in relation on what they received from PhilHealth. Significant and substantial portion of PhilHealth reimbursement to the debit/credit in NCR plus hospitals or 60% of the valid claims has been reimbursed and we have asked them and they agreed that for them to help us and support the government in terms of the allocation of more beds, they must do so and they have responded with both public and private of about 1,042 extra beds for COVID and about a 142 for ICU.

And notwithstanding also the opening of QI which is 110 bed modular hospital and the opening of National Mental Hospital for mild and moderate which is roughly 960. So in other words, MECQ, it’s actually we have bought our time and made sure that we are able to suppress and improve the capacity of our health system. Thank you.

USEC. IGNACIO:  Secretary, question from Sam Medenilla of Business Mirror. For Secretary Roque: During po sa IATF meeting last Saturday, ano ang update na nakuha ni President Duterte sa investigation on the alleged irregularities regarding sa interim reimbursement mechanism fund ng PhilHealth? Ano po ang difference ng interim reimbursement mechanism fund sa debit/credit payment method ng PhilHealth?

SEC. ROQUE:  Malaki po! Iyong reimbursement ay nag-allocate silang mga malalaking halagang pera sa iba’t ibang lugar maski iyong lugar na walang COVID para ma-liquidate for allegedly for COVID-related expenses. Pero nangyari po ngayon ay nagbayad talaga ng malaking halaga ang PhilHealth at itong debit/credit mekanismo ay para mapabilis iyong paglipat ng pera. Kung may pagkakautang ang ospital sa PhilHealth at mayroong pagkakautang ang PhilHealth sa hospital, doon po nila isi-set off iyon, nang mabilisan na. Kung mayroong balanseng natitira, then mapupunta sa ospital. At ito naman pong ginawang prosesong ito ang naging dahilan kaya nadamihan ang mga kama ng mga pribadong ospital at pampublikong ospital na rin, kasama na rin iyong mga LGU-owned ospital, na i-dedicate nila sa COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya ay susuportahan kaya ang passage ng Bayanihan III or will he just push for a supplemental budget para po pondohan ang additional government response sa COVID-19?

SEC. ROQUE: Ang statement po, na latest statement ng ating Finance Secretary is we have the necessary funds, the 2021 budget for COVID-related expenses; ang wala po ay iyong for ayuda ‘no.

But in any case, kapag magkakaroon po ng Bayanihan III, it is in the nature of supplemental budget. In other words, it is a sum of money that is not included in the 2021 national budget.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: Kailan expected maglalabas ng new issuance si President Duterte for the proposed austerity measures ng economic managers?

SEC. ROQUE: I’m still awaiting advice po from Secretary Wendel Avisado dahil ang opisina niya ang nagsabi na ang istratehiya nila ngayon ay titingnan kung saan pupuwedeng magkaroon ng austerity para magamit iyon lalung-lalo na sa ayuda.

USEC. IGNACIO: Opo. From Pia Rañada ng Rappler: May we know what symptoms of COVID-19 you are experiencing that requires you to be confined in a hospital instead of in a quarantine facility or at home?

SEC. ROQUE: I started my isolation at home, but my oxygen level fell to 90.

USEC. IGNACIO: Given what the Palace says are rising COVID cases in Malacañang, what conditions have been set that [will] not allow President Duterte to hold his Talk to the Nation later?

SEC. ROQUE: Ang alam ko pong ginawa ‘no dahil sa aking opisina sa NEB ay mahigit sampu na kaming nadale out of 25, nagkakaroon po ng regular disinfection ngayon at talagang ini-implement na po iyong targeted testing. Actually, lahat na na gustong magpa-test sa OP ay pinapunta na po sa isang hospital ‘no para doon na mag test. At doon nga po lumabas kung gaano kami kadami na nag-positive sa maliit na opisina. And this has been the experience, I guess, of the other offices din po ‘no.

At saka talagang fully skeletal po, hindi ko lang po alam kailan na tayo makakabalik sa NEB. Pero sandali lang kaming bumalik sa NEB, apat na naman po ang tinamaan ‘no so I think talagang broadcast from home will be our mainstay.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Red Mendoza ng Manila Times for Secretary Roque: Sinabi raw po ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 na nasayang lang ang ECQ dahil hindi naman naayos ang mga panukala nila na magkaroon ng incident command center, integrated ICT infrastructure at hindi makapag-calibrate sa pagbabakuna among others. Sinabi rin nila na dapat ang aksyon ng pamahalaan sa COVID-19 ay dapat katulad sa Bagyong Yolanda. Ano raw po ang comment dito ng Palasyo?

SEC. ROQUE: Naku, huwag na po nating ibalik iyong naging kalansay ng Liberal Party na Yolanda ‘no. Kapag sinabi mong Yolanda, alam ng taumbayan, disaster po iyan. Hindi po natin ibabalik iyong naging government response to Yolanda na disastrous ‘no.

So unang-una po, hindi ko po alam talaga kung nagsasalita para sa medical profession itong health alliance na ito ‘no. At ako po talaga ay naguguluhan kasi iyong pinuno niyan ay isang miyembro rin ng NITAG natin ‘no at adviser din ng ating IATF, so hindi ko maintindihan kung bakit pupulaan niya na wala raw programa eh samantalang kasama siya doon sa mga gumagawa ng mga polisiya dito sa IATF.

Ako na lang, I would caution the public, dati na pong naging issue ito, ang dapat po nating pakinggan kapag talagang nagsasalita ang mga doktor ay iyong Philippine College of Physician in the form of a valid resolution at saka iyong Philippine Medical Association.

Now, iyong sinasabi nilang operation center, mayroon po tayo. Iyan po iyong pinamumunuan ni Usec. Vega – One Hospital Command Center. Si Usec. Vega po is not only a specialist doctor; he also holds management degrees ‘no from very prestigious universities. At nakikita naman po natin na epektibo naman po talaga ang One Hospital Command Center. Would you like to add, Dr. Vega?

USEC. VEGA:  Thank you, Spox Harry. Unang-una po, iyong One Hospital Command, ang pinaka-objective nito is really is at the start of the pandemic was for a coordinated care and proper referral system. At pangalawa po, is the expansion of the infrastructure of the health system.

So nagawa po namin itong One Hospital Command and linked with MMDA ngayon kasi alam namin mahalaga talaga iyong connection or collaboration namin sa mga emergency ops centers ng LGU. In fact, ito iyong pinapa-strengthen namin and pinapalakas kasi alam namin through the LGUs and through the One Hospital Command, through the emergency ops centers nila, we can easily navigate patients. So itong One Hospital Command really is for coordinated care and navigation for patients towards hospitals and isolation or isolations centers or quarantine facilities. Iyan lang po, Sec. Harry.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Ilang beses sinasabi ng OCTA Research na kahit bumaba ang reproduction number natin, hindi pa rin tayo puwedeng makampante dahil above one pa rin ang number na iyan at maaaring pumalo pa rin sa four hanggang five thousand ang kaso kada araw sa NCR at umabot sa isang milyong ang kaso ng COVID sa Pilipinas by end of April. Ano raw po ang reaksiyon ninyo rito?

SEC. ROQUE: Ang ating pinaghahandaan po ay iyong pagkakasakit ng malala at seryoso ng ating mga kababayan, at nakamit din po natin iyan doon sa two-week ECQ at saka sa one week na travel bubble na ini-impose natin at patuloy pa rin po nating pinalalakas iyong ating healthcare capacity.

USEC. IGNACIO: Opo. Question po para kay Usec. Vega: Paano raw po natin maa-assure na luluwag na ang bed capacity natin with announcement made by Spokesperson Harry Roque yesterday about expanding beds and hanggang ngayon po ay mga naghahabol pa rin sa hospital beds at maraming may mild at moderate symptoms ang lumalala at namamatay?

SEC. ROQUE: I think nasagot na iyan with the increased number of beds that we have actually introduced. Dr. Vega, mayroon ka bang—

USEC. VEGA:  Yes, yes, oo. Gusto ko lang sabihin na, Sec. Harry, na sa data ho namin, for admitted patients, 42% po ang may mild and asymptomatic. So ito iyong ginagawan namin ng paraan na kung puwede nating mailagay itong 42% sa isolation facilities or even quarantine, luluwag talaga ang hospitals.

At saka itong ginawa po natin hakbang na inayos po natin with the different hospitals, makapagbibigay ng malaking improvement po iyan sa health system capacity.

USEC. IGNACIO: Okay, thank you po.

SEC. ROQUE: Okay. Kung wala nang ibang mga questions, maraming salamat po, unang-una, sa ating mga naging panauhin, si Chairman Abalos, si Usec. Vega, si Dr. Alethea de Guzman. And thank you very much, Usec. Rocky. Maraming salamat din sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

At magpapatuloy po tayong muli ng ating press briefing bukas. Kung mayroon pong hindi pa naitanong, at tingin ko naman ay lahat natanong na, eh puwede ninyo naman pong ipadala at sasagutin natin iyan.

So thank you very much again sa Malacañang Press Corps at [garbled] pinagbigyan po tayo sa isang abbreviated press briefing ngayon. Alam ninyo po, talaga naman ang anyo po ng serbisyo sa gobyerno ay kung kayang nagtatrabaho ay dapat magtrabaho. So kahit tayo po ay naka-confine ngayon sa ospital dahil kaya ko naman pong magtrabaho, minabuti ko na pong i-discharge ang aking mga katungkulan dahil ito rin po ang aking mensahe sa ating kababayan ‘no na kinakailangan talaga, bagama’t tayo ay matitisod sa COVID, huwag po tayong magpapadapa.

So maraming salamat po. Sa ngalan po ng ating Presidente, ito po ang inyong Spox Harry Roque, alive and well and saying, “Kakayanin natin itong COVID-19, kaya natin ito!”

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)