Interview

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Maayong udto sa inyong tanan. [DIALECT] sa Davao City, sa Batacan Montejo & Vicencio Law Firm sa Abreeza Business Center.

Muling humarap sa taumbayan si Presidente Rodrigo Roa Duterte kagabi para sa kaniyang regular Monday Talk to the People Address.

Naglabas ng saloobin ang Pangulo tungkol sa nasabi ni Bise Presidente Leni Robredo na kinakailangan diumano na dumaan sa tamang proseso o right process ang Sinovac.

To quote Vice President Robredo, “Ang Pfizer saka AstraZeneca, mayroon nang EUA, mayroon nang positive recommendation galing sa HTAC. Pero iyong Sinovac, nakikita natin mayroon pa lang siyang EUA pero wala pa siyang positive recommendation from HTAC. Ito iyong pinoprotesta noong mga health workers sa PGH.”

Sa panahon po kasi ng may vaccine hesitancy ang ating mga medical frontliners, hindi nakakatulong ang ganitong pananaw. Hindi masama ang pumuna o magbigay ng ibang opinyon, pero duda at takot ang natatanim sa isipan ng medical frontliners at sa ating mga kababayan doon sa mga binigkas na salita ni VP Robredo.

The Vice President is planting doubt and fear factor. Hindi ito nakakabuti sa kampaniya na mapalakas ang vaccine confidence sa bansa, ito ang konteksto ng mga nasabi ng Presidente kagabi.

Balikan natin ang Section 34 ng Universal Health Care Law kung saan ang inyong Spox ang pangunahing may akda sa 17th Congress. And I quote, “The Health Technology Assessment or HTA process shall be institutionalized as a fair and transparent priority setting mechanism that shall be recommendatory to the Department of Health and PhilHealth for the development of policies and programs, regulation, and the determination of a range of entitlements …”

Malinaw na hindi po mandatory ang HTAC recommendation eh bakit sasabihin ni Vice President Robredo na dapat dumaan sa tamang proseso at kinakailangan diumano ang HTAC recommendation eh samantalang, unang-una, eh iyong binabakuna nating Sinovac ay donated, hindi binili gamit ang kaban ng taumbayan; at pangalawa, sabihin na nating gagamitin ang kaban ng taumbayan, malinaw po ang letra ng batas at saka iyong intensiyon ng mga awtor – ako po iyon – na hindi po dapat i-second guess ang FDA ng HTAC pagdating po sa issue ng safety at efficacy.

Uulitin ko lang po, naging maganda or excellent ang ating COVID-19 response. Tingnan natin ang buong larawan, nasaan ang Pilipinas sa laban kontra COVID-19 – pantatlumpu ang ating bansa na may 597,000 total cases. Ikumpara natin ito sa mga mayayamang bansa na mayroong mga makabagong kagamitan sa kanilang mga ospital tulad ng Estados Unidos na may mahigit na dalawampu’t siyam na milyon na mga kaso at Inglatera na may mahigit na apat na milyon na mga kaso. Nananatiling mababa ang ating case fatality rate kumpara sa Estados Unidos, Brazil, India at Inglatera na pumapalo sa daanlibo.

Beyond the numbers, nakapagbigay ng ayuda ang pamahalaan sa mga sektor na naapektuhan ng pandemya; nai-rollout ang Social Amelioration Program or SAP ng DSWD; ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers or TUPAD, ang COVID-19 Adjustment Measures Program or CAMP ng DOLE; at Small Business Wage Subsidies or SBWS program ng DOF.

Samantala, sa pakikipag-ugnayan at kooperasyon ng ating local government units ay na-rollout na ang ating mass vaccination program laban po sa coronavirus. Dahil dito, nasiyahan or satisfied ang mga Pilipino sa COVID-19 response ng Duterte administrasyon. Nasa siyam sa sampung Pilipino ay may ganitong opinyon, hindi nga lang sila maingay sa social media tulad ng isa na hindi nasisiyahan.

Usaping bakuna ‘no, mayroon na po tayong 35,669 healthcare workers na nabakunahan as of March 7, 6 P.M., sa 169 vaccination sites. Samantala, nasa halos kalahating milyon or 463,540 po doses na ang napamahagi sa labing-anim na rehiyon at BARMM. Kasama na rito po ang 379,840 Sinovac at 83,700 na AstraZeneca.

Ito po ang update ‘no:

  • Pumirma na po ang Pilipinas ng purchase order sa isang milyong doses ng Sinovac vaccine.
  • Pumirma naman ng supply agreement para sa labintatlong milyong doses ng Moderna vaccine, hiwalay pa rito ang pitong milyong doses ng pribadong sektor.
  • Pipirma na rin bukas, ikasampu ng Marso, ng supply agreement with Novavax – 30 million po iyan ‘no – at habang in progress naman po ang ating supply agreement with J&J.

Samantala, inilabas ng Interim National Immunization Technical Advisory Group for COVID-19 vaccine or iNITAG ang Resolution # 5. Ito ang ilan sa mahahalagang rekumendasyon:

  • Sa administrasyon o alokasyon ng AstraZeneca vaccines na galing sa COVAX Facility, ibinibigay lamang ang AstraZeneca vaccine sa Priority A1 healthcare workers na nasa frontline facilities.

Sinu-sino nga ba uli ang A1? Sila iyong mga nasa health facilities both national and local, private and public; health professionals or non-professionals tulad ng mga medical students, nursing aides, janitors; at mga ospital, barangay health workers at iba pa.

Ito naman po ang order of prioritization:

  1. Una, lahat ng healthcare workers sa lahat ng Level III hospitals kasama ang COVID referral hospitals sa buong bansa.
  2. Pangalawa, iba pang dedicated COVID-19 referral COVID-19 hospitals sa mga lugar na walang Level III hospitals.
  3. Pangatlo, senior citizen healthcare workers sa ibang mga ospital sa buong bansa na hindi kasama sa unang dalawang nabanggit;
  4. Mga natitira pang priority workers sa A1 sa NCR kung saan ang prayoridad ay mga senior health workers.
  • Kung may excess doses, susundin ang approved prioritization framework ng COVID-19 vaccine development program.
  • Ang dosing interval na nakasulat para sa Philippine EUA ng AstraZeneca ay apat hanggang labindalawang linggo computed mula sa petsa ng unang dose.
  • Sa mga tatanggi o aayaw sa AstraZeneca, makakatanggap sila ng bakuna pagkatapos maturukan ang lahat ng priority groups.
  • Ii-schedule ng vaccination sites ang pangalawang dose ng AstraZeneca vaccine matapos ang recommended interval.
  • Hindi papayagan or bawal ang co-administration ng iba’t ibang vaccine brands.

Ibig sabihin, kung ang first dose ay AstraZeneca, ang second dose ay AstraZeneca din; kung ang first dose ay Sinovac, ang second dose ay dapat ay Sinovac din. Only one vaccine type for both doses shall be administered per vaccine recipient.

  • Para maiwasan ang vaccine errors at mabawasan ang wastage, isang vaccine ang maaaring i-administer sa vaccination site kada araw.
  • Ang mga vaccine recipient na tatanggi sa bakuna ay puwedeng mabakunahan na rin provided lahat ng mga priority groups ay nabakunahan na.

Sa ibang mga bagay, patuloy na ang pagbangon ng ating ekonomiya na nakikita sa January 2021 Labor Force Survey, bagama’t mataas pa rin ang ating unemployment rate at 8.7%; bumaba ito ng 12.4% noong Oktubre noong nakaraang taon. Ayon sa ating economic managers, nasa halos isa at kalahating milyon or 1.4 million na trabaho ang nanumbalik mula Oktubre nang nakaraang taon hanggang Enero ngayong taon. Ito’y nakikita sa Labor Force Participation Rate na tumaas mula 58.7% sa 60.5% sa loob ng tatlong buwan. Makikita ang biggest improvement sa Metro Manila kung saan 269,000 na trabaho ang bumalik dahil sa pagbubukas ng ekonomiya. Kaya naman po patuloy na rin tayo sa ating mask, hugas, iwas at bakuna. At ngayon nga po, balik-buhay dahil po sa bakuna.

Usaping baboy naman po tayo ‘no: Magtatapos ang animnapung araw na price ceiling sa mga produktong baboy at manok sa Metro Manila na nakasaad sa Executive Order #124 sa unang linggo or first week ng Abril. Muli itong pag-aaralan o i-evaluate bago mag-lapse ang nasabing petsa.

Sa ngayon, ito ang mga aksyon na ginagawa ng Department of Agriculture para masiguro sapat ang ating supply ng baboy: Una, transport subsidy para suportahan ang pag-aangkat ng baboy mula areas of production papuntang Metro Manila; pangalawa, pagkakaroon ng surplus production sa mga rehiyon lalo na sa Visayas at Mindanao para maidala ang surplus sa Metro Manila; pangatlo, pagtitiyak ng DA na pagsunod sa price cap monitoring at matching supply mula production areas papunta sa mga palengke sa Metro Manila.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama natin ngayong araw po si DOJ Undersecretary Adrian Sugay na Inter-Agency Committee on Extralegal Killings, Enforced Disappearances and other Grave Violations of the right to Life, Liberty, and Security of Persons.

Usec. Sugay, kayo po ang representante ng AO 35, Inter-Agency Committee na binuo para nga po imbestigahan ang mga kaso ng extralegal killings, enforced disappearances, torture.

Now, mayroon pong pagpatay ng anim na diumano, aktibista dito po sa CALABARZON. Kasama ho ba itong siyam na napatay sa mga iimbestigahan ng Inter-agency Committee at mayroon na ba ho tayong datos na magpapakita kung ilan na po iyong mga kasong iniimbestigahan ng ating Inter-Agency committee? Ilan na ang rekomendasyon para kasuhan at ano pa po ang mga hakbang na gagawin ng Inter-Agency Committee para po maimbestigahan at malitis ang mga gumagawa ng extralegal killings, enforced disappearances, torture at iba pang paglabag sa karapatang mabuhay?

DOJ USEC. SUGAY: Magandang tanghali, Secretary. Magandang tanghali sa ating mga tagapanood. Unang-una, tama ka, iyong Department of Justice is the chair noong Inter-Agency Committee on Extralegal Killings, Enforced Disappearances, Torture and other Grave Violations of the Right to Life, Liberty, and Security of Persons o iyong Administrative Order No. 35 na inisyu noong 2012.

So, under this Administrative Order, marami nang nagtanong ano, mga ilang araw na, mga dalawang araw na, kung itong siyam na napatay noong Linggo ay iimbestigahan through the AO 35 mechanism. Unang-una, iyong AO 35 mechanism kasi ano iyan eh, may limitasyon ang kaniyang scope, ang kaniyang nasasaklawan. So, ang kailangan iyong root word ay extrajudicial killings, particularly siguro para lang ma-summarize natin, involving persons who are member of cause-oriented groups or those who are engaged in legitimate dissent or opposition. Iyon ang nasa Administrative Order No. 35.

So, pagdating po dito sa naganap noong Linggo involving itong siyam nga na sinasabing mga miyembro ng certain groups ano, unang-una, kailangan pong tingnan muna ng AO 35 Inter-Agency Committee kung iyan ay covered, iyong mga pagpatay ay covered ng AO 35 mechanism. Titingnan po muna kung itong mga nasawi ay miyembro ng cause-oriented groups and are engaged primarily in legitimate dissent or opposition. Kasi po kapag hindi, ang mangyayari po diyan, iyan po ay dapat ating idulog sa ating pulis, sa ordinary processes through the PNP ano. Ganiyan din po iyong nangyari dito sa mga ilang taon na mula noong ang AO 35 ay in-implement at naging effective ano.

So, sa ngayon ano wala pa naman ako, wala hong available na exact figures dito sa mga naimbestigahan pero marami na po ano. Most recently, ang naimbestigahan recently ay itong pagpatay nga ho kay Mr. Echanis at saka ito pong kay Zara Alvarez. But sa ngayon tuloy-tuloy ang investigations dito, tungkol dito sa mga kaso na ito ng AO 35 Inter-Agency Committee through our special investigation teams. At sa ngayon, tuluy-tuloy ang investigation, we continue to look for witnesses who will help us uncover kung ano po iyong nangyari diyan at kung maaari po sana ay mapanagot natin kung sino iyong involved dito sa pagpatay dito sa mga personalidad po na ito.

Mr. Secretary?

SEC. ROQUE: Yes, Usec. Pero linawin po natin, sino po ang mag-iimbestiga noong kaso ng siyam na napatay sa CALABARZON nitong weekend? Ito ba ay ang grupo ninyo, ang pulis or ang NBI?

DOJ USEC. SUGAY: Sa ngayon ho, ang direktiba ni Secretary is kami ay gagawa muna ng initial determination. So, titingnan po natin kung iyan ay covered ng AO 35 mechanism, so dito po iyan sa amin sa DOJ. Sa ngayon, wala pang sinasabi si Secretary, wala pang direktiba kung iyan ay aming ibabato o idudulog sa NBI para imbestigahan.

But initially we are already conducting our initial investigation to determine kung kailangan po na magbuo ng special investigation teams under the AO 35 mechanism composed of prosecutors, members of our law enforcement agencies para talagang mas masusi po at mas malalim na tingnan kung ano po ang nangyari dito sa siyam. Ano po ang mga naganap bakit nangyari ang pagpatay o ang pagkakamatay nitong siyam na ito, ano nga po ang circumstances?

So, iyon po ang titingnan ng special investigating team na bubuuin under the AO 35 mechanism kung sakali po that within the DOJ and during our initial assessment ay ito pong mga pagkakapatay na ito ay maaaring saklaw ng AO 35, Mr. Secretary.

SEC. ROQUE: Usec., kailan po ang desisyon kung ito po ay iimbestigahan ng AO 35, kasi iyan po ang tinatanong ng ating mga kababayan?

DOJ USEC. SUGAY: Sa lalong madaling panahon po, Mr. Secretary. In fact, nag-umpisa na ho ang aming investigation and maybe iyong aming preliminary findings ho siguro within the week or maybe even in the next two days, in the next 24 to 48 hours, lalabas po iyong aming initial findings diyan at titingnan kung ito po ba ay ibabato natin sa ating law enforcement agencies katulad ng PNP for a regular investigation or magbubuo po ang AO 35 mechanism through the Department of Justice as Chair ng special investigation team para mas masusi pong maimbestigahan itong mga kaso na ito.

So, Mr. Secretary, probably po mga between 24 to 48 hours po magkakaroon po kami ng initial assessment.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po. Inaasahan po natin ang kasagutan within 24 to 48 hours at ipagbigay-alam po natin sa publiko nang malaman naman po nila kung sino talaga ang mag-iimbestiga.

Okay, simulan na po natin ang ating open forum. Usec. Rocky? Usec. Rocky, ang ating paunang tanong, please go ahead. Wala kang audio.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, can you hear me?

SEC. ROQUE: Go ahead, Usec. Rocky. Go ahead, I can hear you now.

USEC. IGNACIO: Secretary, although hindi ko kayo naririnig pero kung naririnig ninyo po ako, ito po iyong tanong ni Rose Novenario and I think para din po ito sa DOJ. Ang tanong po ni Rose Novenario ng Hataw: May kapangyarihan ba si PNP Chief Debold Sinas na amyendahan ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Comprehensive Firearm and Ammunition Act RA 10591 na nag-aalis ng requirement na NBI clearance upang makakuha ng license to own and possess firearm at palitan ito ng police clearance?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, binasa ko po iyong batas. Tama po kayo, siguro po [overlapping voices] …

DOJ USEC. SUGAY: Usec. Rocky, siguro po [overlapping voices] … Ako ho, hindi ako pamilyar eksakto doon sa specific na probisyon po ng RA 10591 kung sino po under that law ang gagawa ng Implementing Rules and Regulations or who reviews ano the Implementing Rules and Regulations for purposes of amending o revising. So siguro po dapat tingnan iyong 10591 pero kadalasan po kung sino po iyong nag-iimplementa na ahensiya – kunyari ho dito ho sa usapin na ito malamang ang PNP through the Firearms and Explosive Office, sila nag-iimplementa – so malamang sila po rin ang magri-revise o mag-aamyenda ng Implementing Rules and Regulations na ‘yan. But—pero kailangan pong tingnan pa po nang masusi iyong RA 10591 kung sino po talaga.

SEC. ROQUE: Usec. Rocky, kung idadagdag ko lang, wala talaga sa batas iyong requirement ng NBI clearance ‘no. So talagang nasa IRR ‘yan at ang IRR naman po, iyan po ay binubuo ng Ehekutibo para mapatupad ang batas. So gaya ng sinabi ni Usec. ‘no, kinakailangan siguro konsultahin ng PNP iyong ibang mga bumuo ng IRR para malaman natin kung pupuwede nang i-forego iyong requirement ng NBI clearance. Pero pinag-aaralan daw po ito ng PNP ngayon at nagkaroon po kami ng telephone conversation about this kay Chief Sinas bago po magsimula ang ating press briefing.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po ni Rose Novenario ng Hataw: Wala daw pong database ang PNP sa mga individual na may kaso sa hukuman na mayroon nang NBI. Paano daw po makakatiyak ang publiko na ang binigyan ng lisensiyadong armas ng gobyerno ay law-abiding citizen? Hindi ba daw po makukompromiso ang kaligtasan ng mga mamamayan sa ipinalabas na resolusyon ni General Sinas?

SEC. ROQUE: Gaya ng sinabi ko po ‘no, nagkausap po kami ni General Sinas. Pag-aaralan po niya itong issue na ito.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Yes. Ang next question ikaw na ang magsabi kung sino, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Ang susunod pong magtatanong ay si Triciah Terada ng CNN Philippines.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox. And good afternoon, Usec. Sir, last night you met with the President. May we know kung nabanggit po ba niya or nasabi niya iyong thoughts niya about the death of the nine activists? Did he find [garbled]?

SEC. ROQUE: Alam mo napaka-muted noong question mo. Can you repeat it, please?

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right, sir. Sir, last night po na-meet ninyo po si Pangulo, did he say anything about the death of the nine activists upon possibly reading the briefer? Did he find this alarming?

SEC. ROQUE: Wala po siyang nasabi kasi iyan po ay iniimbestigahan pa ngayon ng ating mga awtoridad.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, but by any chance, does Malacañang think or does the Palace ever realize that the law enforcers on the ground may have interpreted the President’s directive wrongly or differently? Or was there a problem—do you think there was a problem in messaging or could it be in the interpretation? And at this point po ba, mayroong efforts to clarify the order or the President’s directive?

SEC. ROQUE: Wala naman pong misinterpretation diyan, dahil ako noong ako’y nasa UP pa, halos araw-araw na kaming nagli-lecture sa kapulisan ‘no tungkol sa International Humanitarian Law ‘no – na kinakailangan kapag mayroong labanan ‘no, kung ito ay engkuwentro sa panig ng pulis at ng NPA, dapat ta-target-in lang ang mga mandirigma. Pero kung hindi naman po ito engkuwentro sa panig ng pulis at ng mga armadong mga personalidad, kinakailangan sundin ang ating batas na Revised Penal Code at saka ang batas sa karapatang pantao ‘no na kinakailangan mayroong necessity at mayroong proportionality.

Ang mga binitawang salita ngayon ng mga opisyales ng PNP ay nagsasabi na nagkaroon ng banta sa mga buhay noong mga taong nagsi-serve ng search warrant kaya nagkaroon po ng putukan; pero malalaman po natin ang katotohanan matapos po ang imbestigasyon.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, on COVID-19 naman po. At this point, sir, ay medyo marami iyong cities na nabanggit ni Secretary Duque last night that’s under moderate to high-risk areas. At this point, sir, advisable po ba na magkaroon ng citywide lockdowns or better na barangay level pa rin po iyong lockdowns natin?

SEC. ROQUE: Hindi po. Ang ating istratehiya pa rin ay localized lockdown. Bagama’t ang obligasyon talaga ng ating mga lokal na pamahalaan ay paigtingin iyong kanilang isolation, detection at siguraduhin lalung-lalo na iyong mga positibo ay mailipat sa mga quarantine facilities at maiwasan po ang home quarantine.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Spox. Spox, just one question for Usec. Sugay.

DOJ USEC. SUGAY: Yes, ma’am. Go ahead, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon, Usec. Sugay. Sir, this incident with the killing of nine activists, is this the first time that a case like this has been turned over to your office or may similar instances po ba na nangyaring ganito? Would you say that this is an isolated case with … or at least iyong overview or profile noong mga cases na nakarating po sa inyo?

DOJ USEC. SUGAY: Mayroon na namang mga dati, Triciah ‘no. Like kamukha noong sinabi ko kanina ‘no, kamukha iyong kaso kay Mr. Echanis at saka kay Ms. Zara Alvarez ano, iyong similar cases ano. So mayroon namang mga ni-refer na ganiyang mga kaso but iyon nga initially before iyong AO 35 mechanism ‘ika nga ay kicks in ano, there has to be an initial determination first whether or not in fact ay covered iyan noong Administrative Order No. 35 ‘no. So siguro hindi ko naman masasabi that it’s the first time, it is not and from recent memory ‘no, from my review of the records ano hindi naman Triciah. This is not the first time.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, without preempting the results of the preliminary investigation and with the evidence on hand, do you think you have a clear, kumbaga, circumstances concerning the death of these 9 activists at this point?

DOJ USEC. SUGAY: Sa ngayon hindi pa ‘no kasi ang aming initial assessment naman, Triciah, is really for purposes of determining whether or not this can be … this particular incident can be covered by Administrative Order No. 35 ‘no. And also with regard to the circumstances, kung anong tunay nangyari, ba’t nagkaganoon ‘no, these are things ‘no, ito iyong mga bagay na kailangan tingnan ‘no noong ating mga special investigation teams as soon as it is determined na tama nga – this may be a case of extrajudicial killing involving persons who are members of cause oriented groups na ganiyan ‘no. So titingnan lahat iyan.

So sa ngayon, hindi pa kami makakapagbigay talaga ng initial assessment kung ano nga ang tunay na nangyari dito sa siyam na ito.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: So kumbaga, sir, the determination of EJK or cases related to such, medyo matagal po talaga iyong proseso? Tama po ba?

DOJ USEC. SUGAY: Oo, medyo matagal iyan at saka titingnan natin siyempre. Alam mo kadalasan – ito nabanggit na ni Secretary ito eh – siguro kadalasan kasi ang nagiging problema namin sa AO 35 ay iyong talagang iyong kawalan ng testigo or sometimes talagang wala or sometimes unwillingness, the lack of willingness to testify or participate or to assist in the investigation of an incident. These are issues that we need to look into and we need to make sure na kumpleto ang ebidensiya before we make any recommendation.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL: Thank you, sir. Thank you, Spox.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Triciah. Punta tayo uli kay USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, question from Leila Salaverria of Inquirer: The PSA said 4.5 million were jobless in 2020, the highest in 15 years. We put off reopening the economy further until more people have been vaccinated. The bulk of the vaccines aren’t expected to arrive until later this year. What does the government plan to do to address this high number of jobless Filipinos? Is another cash aid or social amelioration package an immediate option?

SEC. ROQUE: Well, hindi pa po kasama sa mga option ang pamimigay ng ayuda. Ang ating gagawin po ay unang-una iyong pagbubukas pa muli ng ating ekonomiya. Pangalawa po, iyong expansion ng mga age group na pupuwedeng lumabas at ang pangatlo po ay iyong pagpaparami pa ng ating transportasyon. At bukod pa po dito, mayroon din tayong three-pronged strategy para sa ating economic recovery. Iyon nga pong unang-una iyong pagbubukas ng ating ekonomiya na kinakailangan naman hindi sinasakriprisyo iyong kaligtasan at kalusugan. Patuloy pa rin po ang mask, hugas, iwas at bakuna. Pangalawa po, iyong pagpapatupad po noong ating recovery package na nasa Bayanihan I, Bayanihan II, 2020 at 2021 national budget. At pangatlo po talaga iyong implementasyon ng ating vaccine program. Dahil ang sabi naman po ng Pangulo, magsimula lang ang pagbabakuna at ma-convince lang siya na marami-rami na ang nababakunahan, talagang tuluyan na niyang bubuksan ang ekonomiya. Pagbubukas po talaga ng ekonomiya ang solusyon para magkaroon po ng mas maraming trabaho sa ating lipunan.

USEC. IGNACIO: Ang second question ni Leila Salaverria: Philippine Ambassador to the US Jose Romualdez said the US has provided a list of its aid for the military and he hopes it would satisfy the President’s concerned regarding the modernization of the AFP. Romualdez said his interpretation of the President’s statement about payment for the VFA is because the Philippine needs to modernize its Armed Forces. Has the President been showed the list which Romualdez said has been given to DND Secretary Lorenzana? Will military aid form the US be enough to convince the President to keep the VFA?

SEC. ROQUE: Kampante po ako na nakita na po iyan ni Presidente at alam naman po ni Presidente ang mga pangangailangan natin pagdating sa military hardware. Pero ang desisyon kung talagang mananatili ang VFA ay desisyon na tanging Pangulo lang po ang pupuwedeng gumawa. Napakabigat po kasi ng katumbas ng pagbibigay ng military hardware pagdating doon sa seguridad ng ating mga kababayan at ng ating bayan.

Sabi nga po ng Presidente, ang pananatili ng mga Amerikano at ng kanilang mga equipment sa Pilipinas ay dahilan para maging target tayo kapag nagkaroon po ng barilan sa panig ng Tsina at ng Amerika. Kaya nga po tinitimbang niyang mabuti kung sapat ba iyang mga military hardware na iyan doon sa ibubuwis natin pagdating sa mga buhay ng ating mga mamamayang Pilipino. Hayaan po nating makinig muna ang Presidente sa pulso ng bayan at hayaan po natin siyang gumawa ng tamang desisyon. Dahil kaya naman po natin siya hinalal bilang Presidente ay dahil nagtitiwala din tayo na tama ang kaniyang magiging desisyon pagdating po sa mga issue ng foreign policy na siya lang po talaga ang sole architect.

USEC. IGNACIO: Opo, ang last question ni Leila: When can we expect a decision from the President on this issue?

SEC. ROQUE: In due course po, huwag nating i-pressure ang Presidente.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Ang susunod pong magtatanong si Joseph Morong ng GMA News.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon munang sa OCTA. Now, iyong latest data nila according to Professor David is that iyong surge is increasing faster than they thought, such that iyong figures that they have is that if the reproduction rate which is 1.6, we can have 3,000 new cases in NCR by March 31. And kung pumalo iyan ng 1.8, we can have 4,000 to 5,000 cases by March 31. Do you think that we have a problem in our hands?

SEC. ROQUE: Let me correct you, wala pong sariling datos ang OCTA. Bina-base po nila iyan sa datos ng Department of Health, okay, binabasa po nila iyong datos ng Department of Health.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, in their analysis on the data.

SEC. ROQUE: So tama po ang basa nila, na kung mananatili itong ganitong positivity rate ay posibleng umabot sa ganiyang karaming mga kaso. Pero unang-una ang positivity rate naman po nagbabago araw-araw. So kinakailangan bantayan natin kung mananatiling ganito kataas ang positivity rate. Pangalawa, hindi lang naman po dami ng kaso ang basehan, para tayo po ay magbago ng quarantine classification. Mas importante pong tingnan natin iyong health care utilization rate. Sa ngayon po, nasa 60 hanggang 65% pa rin po ang available na mga ICU beds natin, isolation beds at saka iyong isolation ward facilities natin.

Ibig sabihin, sabihin na nating dadami ang kaso, eh mga 2 to 3% lang naman po ang mangangailangan ng pagho-hospital, habang hindi po nao-overwhelm ang ating mga hospital ay patuloy pa rin po tayo ng mask, hugas, iwas at ng bakuna para naman po tayo po ay makapaghanapbuhay. Mahirap po talagang isarado muli ang ekonomiya, pero ito po iyong ating pinaghandaan kung bakit tayo nag-ECQ at nawalan ng hanapbuhay sa mahabang panahon din. Kaya po natin iyan, ingat buhay para sa hanapbuhay.

JOSEPH MORONG/GMA7: In other words, sir, you don’t see this is a problem?

SEC. ROQUE: Well, problema po talaga na tumataas at kagabi nga po, pakiusap ng ating Presidente, paigtingin natin iyong mask, hugas, iwas at bakuna. At nananawagan po talaga tayo: Mga kababayan, kung nais nating patuloy na makapaghanapbuhay, kinakailangan mask, hugas, iwas at bakuna.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, Dr. Dayrit yesterday said that probably the reason for the increase is not so much on the new variant but, number one, the increase mobility; and number 2, with dropped in the compliance. Now, iyong IATF has issued in the past several resolutions relaxing iyong ating mga quarantines or even iyong mga businesses. Now, are we reconsidering iyong resolutions in IATF with regards to maybe the cinema iyong mga pagbubukas sa mga tourist spots, pag-a-allow sa mga provincial buses in light of the increase in our cases because of mobility and a dropped in a compliance with the minimum health protocols?

SEC. ROQUE: I cannot second guess po kung ano ang magiging desisyon ng IATF being a collegial body. Ang susunod na pagpupulong po ay Thursday, pero uulitin ko lang po, ito po ang dahilan kung bakit pinaghandaan natin ito at ngayon naman po habang mayroon tayong sapat na kakayahan para gamutin ang mga lubhang magkakasakit eh patuloy po ang panawagan natin, minimum health standard nang sa ganoon tayo po ay patuloy na makapaghanapbuhay dahil marami na po talagang nagugutom dahil po sa mga lockdowns.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just one last point on the HTAC. Si Secretary Duque said, number one, that iyong mga donations – and you are saying this also, you said this before – na donati0ns are not … does not require iyong HTAC positive recommendation. But Secretary Duque said last night na with as far as the Sinovac one million doses, the HTAC or DOH legal team had to ask for a positive recommendation.

Now the question is, moving forward, will we require a positive HTAC recommendation for the vaccines that we are going to buy in the future? Like for example, you said, we’ll sign a supply agreement with Moderna and we’re buying that, right?

SEC. ROQUE: Well, I don’t think there’s any issue here because while I am the principal author of the law, and as you know, ginuest [guest] din natin dito si Dr. Ernesto Padilla at si Dr. Butching Paterno who were my advisers when we were drafting the Universal Health Care Law, and they were also of the same opinion na hindi talaga katungkulan ng HTAC to second-guess and to repeat the process that has already been undertaken by the FDA para ideklara na ligtas at epektibo ang isang bakuna. Eh wala naman pong isyu because the HTAC also had the positive recommendation for Sinovac.

Ang sinasabi ko po as author of the law, hindi po kinakailangan ang approval ng HTAC para gumamit ng mga bakuna in a situation na mayroon tayong pandemic and in a situation na wala pa po talagang kahit anong bakuna ang nakakaabot sa Stage 4 clinical trial. Pero ibinibigay din naman po iyan ng HTAC kaya wala tayong problema.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. So the answer to the question is that in the procured vaccines, will we require the HTAC recommendation?

SEC. ROQUE: It’s recommendatory, that’s what the law says. We will get whatever vaccine we can get; we will use it whether or not there is a recommendation from the HTAC because we have an emergency situation.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Thank you, that’s clear. Thank you very much for your time, sir.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Roque, question from Kris Jose of Remate/Remate Online, ang tanong po niya ay katulad din ng tanong ni Llanesca Panti at ni Tina Mendez ng Philippine Star: Comment lang po sa sinabi ni Vice President Leni Robredo na massacre daw ang nangyari sa CALABARZON raids at hinihikayat ang publiko na huwag matakot sa tinatawag niyang “murderous regime”. Tanong naman po ni Llanesca Panti: Would that be an accurate description po?

SEC. ROQUE: Unang-una, kung personal na nakita ni Vice President iyong pangyayari, aba’y magbigay siya ng ebidensiya. Kasi ang pananalita niya ay parang nakita ng dalawa niyang mata kung ano ang nangyari doon sa mga patayan na iyon ‘no. Kapag hindi siya nagbigay ng ebidensiya, kasalanan din po iyan; baka siya ang makasuhan ‘no.

So kung talagang siya ay eyewitness, sige po, ibigay niya ang ebidensiya. Pero kung hindi niya nakita ang pangyayari, gaya ng Presidente at gaya ng sambayanang Pilipino, mag-antay ng resulta ng imbestigasyon dahil, naku, abogado pa naman po tayo pare-pareho ‘no. It’s an issue of fact, at kapag mayroong krimen na nangyari, talaga naman pong ang unang ebidensiya na io-offer natin sa hukuman kung mayroong kasong maisasampa ay iyong investigation report ng ating kapulisan.

So kung anuman ang conclusion ni Vice President Robredo, kung wala siya doon sa mga pangyayaring iyon, as usual, laging mali ang ating Vice President.

USEC. IGNACIO: Okay. Iyong tanong po ni Llanesca Panti, considering daw po the spike in COVID-19 cases, is the government still considering easing quarantine restriction within the month? Is there a need to deploy cops and soldiers anew to implement quarantine protocols?

SEC. ROQUE: Lahat naman po ng datos ay binabantayan ng inyong IATF. Sa ngayon po, mababa pa po ang ating utilization ng healthcare utilization kaya po mayroon pa po tayong kapasidad na gamutin ang mga seryosong magkakasakit. So sa ngayon po, walang dahilan para baguhin ang quarantine classification. Pero patuloy po ang panawagan natin mga kaibigan, hindi po pupuwede na pataas nang pataas ang mga kaso ng COVID-19. Alam ko po, pagod na pagod na kayo na mag-mask, hugas, iwas at magbakuna, at mag-iisang taon na nga ‘no, pero konting antay na lang po iyan dahil nagsimula na nga po tayo ng ating pagbabakuna. Konting tiis na lang po. Konting-konting tiis na lang po at mayroon nang solusyon dito sa ating pandemya.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary. Ang susunod po na magtatanong via Zoom ay si Melo Acuña ng Asia Pacific Daily.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. The economic managers reported that about 270,000 jobs were created with the slight or this slow but sure reopening of the economy. Iyon po bang bilang na ito ay sasapat kung ihahambing sa posibleng peligro na idudulot kung patuloy na bubuksan ang ekonomiya? Is it commensurate? Is it worth the risk, Secretary?

SEC. ROQUE: It’s more than commensurate po ‘no dahil nakikita natin doon sa presentasyon ni Acting Secretary Karl Chua ‘no na napakadami ng namamatay sa ibang mga dahilan bukod sa COVID-19 kung ikukumpara doon sa numero ng mga namamatay dahil sa COVID-19. At napakadami na pong nagugutom ‘no kung ikukumpara natin doon sa mga numero na nagkakasakit ng COVID, at two to three percent lang naman po ang mga kaso na kinakailangan ng pag-oospital.

Ibig sabihin, bagama’t dapat pa rin nating pag-ingatan ang ating mga sarili laban sa COVID-19, talagang kinakailangan na pong bigay ng hanapbuhay ang mas nakakaraming mga kababayan natin.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah. Secretary, mayroon na po kayang statement ang Malacañang tungkol sa naganap na pagpatay kahapon sa Mayor ng Calbayog City?

SEC. ROQUE: Well, gaya po ng kaso doon sa pagpatay sa Calbayog ‘no, kinukondena po natin iyan dahil ang karapatang mabuhay po ay ang pinakaimportanteng karapatan ‘no. At nanunumbalik po kami at naaalarma na dahil isang mayor po ang pinatay, baka ito’y simula na naman ‘no ng patayan dahil sa politika sa panahon na papalapit na ang eleksiyon.

Ang demokrasya po, tao po ang humahalal; at ang ating panawagan, hayaan po nating maghalal ang taumbayan sa pamamagitan ng pagpili ng sa tingin nila ang pinakaepektibong mga mamumuno. At saka itong political violence po has no place in a democracy. Kinukondena po natin iyan!

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you very much. For Undersecretary Adrian Sugay, please. Mr. Undersecretary, good afternoon.

DOJ USEC. SUGAY: Magandang hapon.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Salamat sa pagkakataon na idinulot ninyo sa amin na makausap. Binanggit po ninyo na mayroong mga nag-aatubiling sumaksi o tumestigo sa mga pagsisiyasat na ginagawa ng pamahalaan. Ano po kaya ang dahilan at nangangamba silang humarap bilang testigo? Ito po kaya ay paghuhusga na mahina ang ating Witness Protection Program?

DOJ USEC. SUGAY: Alam mo, hindi naman po siguro ‘no. Pero kadalasan naman ho ganiyan naman eh ‘no. In any investigation or in any… kunyari iyong may namatay, kailangan imbestigahan, kadalasan naman ang ating mga testigo ay hindi naman ho basta-basta talagang lalantad iyan at magsasalita ‘no, kadalasan ay kailangan pa talagang kumbinsihin. We really need to really coax them ‘no, to convince them to testify and to assist in the investigation, and eventually in the prosecution ng mga kaso.

I think that’s common place, ano. Kaya lang ho, lalo na when we talk about iyong mga kaso na saklaw nitong AO 35 which involves extrajudicial killings, iyong mga ganiyan and also lalo na ho ano medyo siguro ho, you know, these cases are really quite controversial so I suppose in cases like this you will have, you will see more lack of willingness on the part of witnesses to come forward and to participate.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Without necessarily putting the cart before the horse as they say, saan dudulog ang taumbayan kung pulis ang pinaghihinalaang may kagagawan ng krimen, Mr. Undersecretary?

DOJ USEC. SUGAY: Kadalasan ho kapag ganiyan ano, kung ang tingin ng taumbayan na siguro naghahanap sila ng ibang… kung saan sila makakadulog kapag may nangyari o may naganap ano, kadalasan naman ang nangyayari, lumalapit sila sa amin through the … for the National Bureau of Investigation to participate in the investigation or to actually investigate ‘no.

Earlier ay may napanood ho ako na interview sa isang congressman in connection with iyong pagpatay ho dito sa mayor ng Calbayog na sinasabi nga niya kung puwede ang NBI sana tumulong dito sa imbestigasyon.

So, mayroon hong mga ganoong issues talaga. These things happen. So, puwede naman or when it comes to iyang mga extrajudicial killings nga, nandiyan ho iyong AO 35 mechanism, nandito ho ang Department of Justice as Chair of the Inter-Agency Committee and with the help of agencies like iyong Commission of Human Rights, so baka naman ho puwede namang idulog sa amin iyong mga ganitong mga kaso.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Nabanggit po ni Secretary Roque ang kahalagahan ng inyong komite na pinamumunuan ng Department of Justice, wala pong problema roon. Are you getting the support from the other agencies you are supposed to work with?

DOJ USEC. SUGAY: Opo naman, mayroon naman ho. Of course, palagi iyan, siyempre ano iyong ating mga testigo minsan siyempre minsan may agam-agam ano, mayroong kapag nakita kung sino iyong mga kasama sa ating committee but we would like to assure you na ano naman iyan, inter-agency iyan, nandiyan kaming lahat hindi lang naman certain agencies. And with the help of iyong Commission on Human Rights and other agencies, siguro naman ho ay magagawa natin nang mas maayos-ayos iyong trabaho natin.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po. Thank you very much. Secretary, thank you! Have a nice day. Thank you!

SEC. ROQUE: Thank you po. Thank you very much, Melo

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Roque, ang susunod pong tanong ay mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. For Secretary Roque daw po: You recently said the CALABARZON killings would be investigated because the victims were unarmed, will that be a real investigation or one conducted for the benefit of public opinion?

SEC. ROQUE: Well, Evelyn, wala pong imbestigasyon conducted only for public opinion. Lahat po ng ating mga imbestigador mayroon pong sinumpaang katungkulan na ipatupad ang Saligang Batas na nagbibigay proteksiyon sa karapatang mabuhay at ang ating mga umiiral na batas at ang murder po ay krimen. So, huwag po kayong mag-alala dahil mayroon po tayong sinumpaang katungkulan. Wala pong PR na investigation lamang.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman daw po para kay Usec. Adrian Sugay: During a briefing in Camp Crame on Monday, Philippine National Police Chief General Debold Sinas defended the simultaneous operations in CALABARZON as legitimate because they are covered by search warrants. Do you find it alarming that search warrants would lead to the death of nine unarmed person?

DOJ USEC. SUGAY: Usec., iyan ho ay titingnan natin iyan. That’s one of the things that we will look into. Ang amin lang napansin recently kapag may search warrants at sa pag-implementa ng search warrant, minsan talaga nagkakaroon ng hindi magandang pangyayari ay mayroong mga naaaresto o kaya kamukha nitong nangyari nitong linggo mayroong mga nasawi, may mga napatay. So, siguro talagang titingnan natin iyan, ano bang nangyari talaga diyan? How were these search warrants being implemented and which we understand iyong search warrants were regularly applied for and issued naman by the Regional Trial Courts concerned? So, titingan po natin iyan, that’s one of the things we will look into.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod niyang tanong ay – mula pa rin kay Evelyn Quiroz – para pa rin po kay USec. Sugay: The DOJ chief has expressed disappointment over the continuous killings in police operations. What measures are being done by the DOJ to address the issue?

DOJ USEC. SUGAY: Alam ninyo ho, tama ho ano nabanggit nga and I think that’s more out of exasperation ano. Siguro talagang minsan, sabi ko nga, you never get used to deaths eh, you never get used to killings ano. Hindi naman ho exception si Secretary na kapag may ganiyan ho siyempre talagang palagi ho nakakabahala eh kapag may namamatay.

So, siguro these are things that we need to look into through the Inter-Agency Committee ano, ng AO 35 and also kasama rin ho iyan doon sa aming nirirepaso, niri-review in connection with iyong anti-illegal drug killings. So, iyan hong mga issues na iyan talagang tinitingnan namin iyan.

So, these are the steps we’re taking. We’re really taking a hard look through the mechanisms available within the department para ho matingnan anong nangyari sa mga iyan at sana makatulong sa abot ng aming makakaya na mapigilan iyong any more deaths ‘no in connection with iyong mga operations ho ng ating law enforcement agencies.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pahabol lang po si Melo Acuña na tanong sa inyo: Ano na daw po ang nangyari sa Commonwealth shootout?

DOJ USEC. SUGAY: Iyon ho, tulad ho ng direktiba ng Presidente, ang NBI po which is an attached agency dito sa Department of Justice has been given the directive to investigate exclusively. Sinabihan ho ang PNP at PDEA na pabayaan ang NBI. So, sa ngayon, tuluy-tuloy ang imbestigasyon po ng NBI and we hope that they will have something more concrete for us, more concrete findings within the next few days.

They are investigating, nakalap na po nila iyong mga ebidensiya na kailangan, nakausap iyong mga dapat kausapin, I understand they’re undertaking paraffin and ballistic tests, they’re also going through the cellphones of the persons involved. So, ganoon ho, the investigation is ongoing.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you po. Secretary Roque, ang susunod na magtatanong ay si Maricel Halili via Zoom.

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

MARICEL HALILI/TV 5: Secretary, my question is about the case of Ambassador Mauro, she granted interview to the media recently and she said that she was not able to undergo due process and that the decision of the President is the result of pressure from some politicians because of public outcry. Ano po iyong masasabi ninyo dito, is this true?

SEC. ROQUE: Kung makikita ninyo naman po iyong tape, nakita natin lahat ang mga pangyayari ano. So, I think, Ambassador Mauro, the best option is just quietly vanished into the night. Napakahirap pong sabihin na wala siyang pananagutan dahil mayroon po tayong physical evidence. Huwag na po nating ungkatin iyan ‘no dahil malinaw na malinaw po ang mga nakita natin sa pamamagitan po ng teknolohiya.

MARICEL HALILI/TV 5: Secretary, another thing. Ambassador Mauro asks Malacañang to reinvestigate her case and consider the evidences. Puwede po bang mangyari na buksan uli iyong investigation sa kaniya? Will the President consider this? And if ever, ano po iyong mga possible basis to reopen the investigation?

SEC. ROQUE: Alam ninyo, si Ms. Mauro was removed as ambassador. So, let us not give her the title of ambassador, so ex-Ambassador Mauro. She can, of course, move for reconsideration or appeal pero napakahirap po. Hindi ko alam kung ano pang reconsideration ang gagawin niya because the decision was rendered by the President himself. So, pupuwede po siyang mag-reconsider sa Office of the President pero napakahirap po kasi to argue with a video of what transpired. Siyempre po, siya po ay mukha ng Pilipinas sa ibang bansa kaya po talagang we cannot compromise as far as conduct of highest officials are concerned lalung-lalo na iyong mga alter-egos ng ating Presidente sa iba’t-ibang parte ng daigdig.

MARICEL HALILI/TV 5: So, definitely, Secretary, ex-Ambassador Mauro will not be welcomed in this Administration anymore, to hold any government office?

SEC. ROQUE: Not just in this administration, till Kingdom come po. Iyon po ang kaniyang parusa.

MARICEL HALILI/TV 5: Sir, last na lang po, on issue naman po ng vaccine. Manghihingi lang po ako ng update about Sinopharm because well, as you mentioned nga po nag-apply na sila ng EUA. Considering that, kailan po magsisimula iyong vaccination or when do we expect Sinopharm to be delivered in the country to be vaccinated to the members of PSG? Considered pa rin po ba iyong kanilang compassionate use license or are they going to wait for the EUA to be approved like the decision of President Duterte na maghintay na lang sa EUA?

SEC. ROQUE: Well, mayroon na po silang compassionate use, so kapag dumating po, pupuwedeng gamitin ng PSG iyong ten thousand na covered ng compassionate use.

Iyong balita sa EUA, patuloy pong nagsusumite ng datos ang Sinopharm at ang huling nakuha ko pong impormasyon kahapon ay kinukuha nila iyong datos galing po sa third stage clinical trial na ginawa sa Sinopharm at isusumite nila ito sa FDA.

MARICEL HALILI/TV5: All right. Maraming salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Maricel. Back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, ang susunod pong magtatanong ay si Valerie Samson ng GMA News, iyong unang tanong po niya ay nasagot ninyo na, about iyong CALABARZON operations. Iyong second po niyang tanong ay para po kay Usec. Sugay: Update daw po sa alleged shootout between the PNP and Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino and his bodyguards. May ginagawa po ba daw probe ang Department of Justice dito?

DOJ USEC. SUGAY: Usec. ano, oo. Iyong tungkol dito sa nangyari nga ‘no dito sa Calbayog City Mayor ‘no at ang kaniyang dalawang bodyguards, na nagbigay na ng direktiba si Secretary ano para sa NBI na para imbestigahan itong nangyari na ‘to, to conduct its own investigation. So the proper authority will be issued by the Secretary within the day and the NBI will conduct its own investigation.

USEC. IGNACIO: Thank you po. Question from Pia Rañada ng Rappler para po kay Secretary Roque and kay Usec. Sugay: Given the many unsolved cases of killings of red tagged individuals, does the Palace and DOJ think it’s time to include third party entities to monitor raids, arrests, serving of search warrant as a safeguard against police or military abuse during such operations? Secretary Roque…

SEC. ROQUE: Nagpapatupad na po tayo ng body cameras ‘no para maging garantiya na hindi po nalalabag ang standard operating procedures natin sa mga police operations. So sa ngayon po nagsisimula na sila ng training kung paano gagamitin itong mga body cameras na ito at inaasahan natin na sa lalong mabilis na panahon eh lahat po ng kapulisan ay gagamit na ng body camera. At dahil mayroon pong ganitong teknolohiya, hindi ko po alam kung sino pang third party ang kinakailangan na mag-witness.

Pero SOP din po iyan na kapag magpapatupad ng search warrant for instance eh humihingi po tayo ng representante sa barangay ‘no. Kasi kapag pinatupad po ang search warrant, kinakailangan mayroong imbentaryo at mayroon din dapat testigo na tama iyong mga nakalap na ebidensiya sa pamamagitan po ng search warrant.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Sugay…

DOJ USEC. SUGAY: Oo. Ganoon din ano, katulad nga ng sinabi ni Secretary Roque, talaga naman—I suppose talagang may ginagawa para masiguro na itong mga klase ng operations na ito ay magiging maayos. At palagi namang—ang ating law enforcement agencies sa aking pagkakaalam ay talagang they keep … tuluy-tuloy ang pagrepaso nila noong kanilang mga procedures ano at processes.

At sa amin naman sa Department of Justice lalo na dito sa mga kaso ng mga extrajudicial killings, iyon naman, nandoon iyong aming mandato ‘no na mag-imbestiga… tumulong sa pag-imbestiga kung kinakailangan at kung it is within the mechanisms provided for or within the authority of the Department of Justice. So tuluy-tuloy po iyan at tuluy-tuloy iyong pakikipagtulungan namin sa law enforcement agencies to ensure that the… iyong mga operations natin na maayos.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque, tanong ni—may tatlo na lang pong tanong na natitira dito. Iyong dalawa pong tanong mula kay Kyle Atienza ng BusinessWorld: The Philippines daw po ranked 6 in the list of countries that would most favor cashless society. Handa na po ba tayo dito? With the presence of more contagious coronavirus strain in the Philippines, dapat din po bang mapaghandaan o maging priority to avoid transmission via bank notes or coins; at by what year po natin inaasahan ang cashless sa Philippines?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung kailan talaga tayo magkakaroon ng cashless Philippines pero may mga hakbang na po na ginawa ang Bangko Sentral ‘no. Unang-una, para huwag nang gumamit noong mga barya; pangalawa po, mas marami nang mga lokal na pamahalaan ang gumagamit ng cashless transactions at nangunguna na po iyan iyong sa aking siyudad ng Baguio ‘no. So pang-anim nga po tayo sa digital ranking at iyan naman po’y patunay na we can readily make the shift to a cashless society dahil alam naman natin na iyong physical pera ang isa sa pinakamalakas na magkalat ng COVID virus.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: With the surge daw po ng coronavirus infection in Metro Manila, do we expect deployment of more police units across the capital region to implement health protocols?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po mayroon tayong pigura ‘no, nakita ko po ‘to, titingnan ko po kung mahahanap ko ngayon ‘no. Pero talaga pong habang dumadami iyong mga kaso ng COVID, dumadami rin po iyong mga pagsisita ng ating mga kapulisan doon sa pag-violate ng minimum health protocols ‘no. So ewan ko po kung makukuha ko ngayon ‘to sa aking Viber pero iyong nakita ko pong figure ay nakakaabala rin ‘no na talagang padami nang padami iyong nasisita na nagba-violate ng minimum health protocols. Kaya nga po ang ating panawagan, huwag na po nating ‘antayin na magkasakit tayo, kinakailangan po mask, hugas, iwas.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question, Secretary Roque. Tanong mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN: Can we get more details daw po on the supply deal with Novavax that will be signed tomorrow? Do we have an initial estimate on the cost?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po ay 30 million ‘yan pero wala pa po sa akin ang cost ‘no kasi until a supply agreement is signed, hindi pa po isinasapubliko iyong halaga.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary Roque, Usec. Sugay.

DOJ USEC. SUGAY: Maraming salamat.

SEC. ROQUE: Okay. Natapos na naman po ang ating isang regular press briefing galing dito sa siyudad ng Davao. Nagpapasalamat po kami kay Usec. Sugay, kay Usec. Rocky at sa lahat po ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Mula po sa siyudad ng Davao, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Naku mga kababayan, nandito na po iyong bakuna ha, hindi na tayo nag-aantay. Pero sana po abutin naman natin ang bakuna. Itong pagtaas po ng mga kaso ng COVID-19 ay nagpapakita na medyo nagiging pabaya tayo; sayang naman po, matapos tayo ng mag-antay ng isang taon, eh ngayon pa ba tayo magkakasakit ng COVID-19. MASK, HUGAS, IWAS at BAKUNA!

Magandang hapon po sa inyong lahat.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center