Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

A-uno na po ng Pebrero, at mayroon po tayong napakagandang balita. Mayroon na po tayong 5.6 million na bakuna na gawa ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca na inaasahang darating sa Pilipinas sa first quarter ngayong taon, simula po ngayong buwan ng Pebrero.

Sabi po ni Aurélia Nguyen, Managing Director ng World Health Organization-led COVAX Facility, makakatanggap ang gobyerno ng Pilipinas ng 9,407,400 doses mula sa dalawang pharmaceutical makers sa first quarter at second quarter ng 2021. Ang COVAX Facility ay isang global procurement mechanism na nag-invest in a broad portfolio of promising vaccine candidates to support the research, development and manufacturing. One hundred seventeen thousand doses ay galing sa Pfizer, inaasahang magdi-deliver sa Pilipinas sa kalagitnaan ng Pebrero at magku-cover ng first quarter supply commitment.

Makakatanggap din ng 5,500,800 hanggang 9,290,400 doses ng AstraZeneca; ang paunang deliver ay naka-schedule sa gitna hanggang katapusan ng Pebrero. Ito po ay bukod pa doon sa inaasahan natin galing po sa Sinovac na hindi po bababa sa 50,000 dosage ngayong buwan. Kasama po ito sa kabuuang 148 million doses na target natin sa ligtas, epektibo at libreng bakuna para sa pitumpung milyong Pilipino sa taong ito. Dalawang doses ang pag-a-administer kaya nasa 148 million.

Mga Pilipino ha, ito na po iyong inaantay natin. Sana po ay abutan natin, kinakailangan habang hindi pa natuturukan: MASK, HUGAS, IWAS!

Now, sabi ng mga kritiko – kilala ninyo kung sino iyon, iyong walang magawa kung hindi pula nang pula ‘no – nahuhuli na naman daw po tayo sa pag-rollout ng bakuna. Kasinungalingan! Walang basehan, guni-guni, pantasya ng mga gusto na namang bumalik sa kapangyarihan. Mga gahaman sa kapangyarihan!

Ano ba ho ang katotohanan? Sa tatlong Asyanong mga bansa pa lang po ang nag-rollout, ito po ang Singapore, ang India at ang Indonesia. At ilan na ho ba talaga ang nabakunahan sa mga lugar na ito? Well, sa Singapore, 1.98% pa lang po ang nababakunahan; sa India, 0.27% pa lamang; at sa Indonesia, 0.19. Ang ibig sabihin po nito, hindi po tayo nangungulelat. Kung magsisimula po tayong magbakuna ng Pebrero, halos kasabay po natin ang halos lahat na karatig-bansa natin. Huwag po tayong magpapaloko diyan sa mga kritikong iyang walang matinong magawa.

Magtiwala po tayo sa sinabi ng Presidente: Walang maiiwan, walang iwanan.

Ngayong paparating na po ang bakuna, kailangan nating i-push ang vaccine plan. Mask, Hugas, Iwas para sa ingat-buhay para sa hanapbuhay. Lalo pa may lugar na rin po sa ilalim ng General Community Quarantine or Modified General Community Quarantine.

Simula ngayong araw, a-uno ng Pebrero, ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng General Community Quarantine or GCQ: Sa Luzon – ang Cordillera Administrative Region kasama po ang Abra, Apayao, Ifugao, Benguet, Kalinga, Mt. Province at ang ating siyudad na Baguio City; sa National Capital Region po – ang buong National Capital Region; ang Probinsiya po ng Batangas.

Sa Visayas naman po – ang Tacloban City; at sa Mindanao – ang Iligan City, ang Davao del Norte, Davao City at Lanao del Sur.

Lahat ng mga lugar na hindi ko nabanggit ay nasa ilalim po ng Modified General Community Quarantine.

Ano nga ba ho ang pinakamalaking pagkakaiba ng GCQ at MGCQ? Sa GCQ, wala pong mas gathering; hanggang sampung tao lang ang pupuwedeng magtipon. Sa MGCQ, hanggang 50%, 70% capacity po ‘no pero hindi po pupuwedeng full capacity.

GCQ or MGCQ man ang inyong lugar, kinakailangang ipatupad ang mga sumusunod:

  • Health promotion at mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standards lalo na ang mga tinatawag na high risk areas tulad ng mga ospital, mga palengke, mga supermarket, mga opisina ng gobyerno, work places at maging sa loob ng tahanan.
  • Ang pagpapatupad ng localized community quarantine at pagpapataas ng bilang ng available quarantine facilities sa priority or critical areas na mayroong community transmission kasama na rin ang mga pribado at pampublikong establishments na may pagsang-ayon ang regional IATF.
  • Mabilisang facility-based isolation ang lahat ng mga dumadating, suspect at probably cases; at pagpaparami ng local health system’s capacity lalo ng community isolation at critical care kasama na ang dedicated mechanical ventilators at intensive care units, isolation at ward beds para sa COVID-19 cases.
  • Pagsumite ng kumpleto at tamang mga datos sa COVID Kaya at sa DOH data collection.

COVID updates naman po tayo. Ito po ang global updates sang-ayon po sa Johns Hopkins: Naku po, mahigit 102.9 million or 102,926,497 ang tinamaan na po ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 2,227,003 katao naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos na mayroong 26.1 million na kaso at 441,302 deaths; pumapangalawa po ang India, pero ngayon po ay sinundan na ng Brazil at ng UK. Panlima na po ngayon ang Russia. Nagpalitan na po sila ng puwesto.

Oo nga pala, Madam Vice President, sasagutin ko kayo sa sinabi ninyo na dapat itigil ang propaganda and focus on fixing the pandemic response. Ma’am, hindi po propaganda ang World Health Organization. Baka magalit ang World Health Organization dahil sinasabi ninyo nagpapakalat ng propaganda – hindi po. World Health Organization po ang nagsabi kung nasaan na tayo sa ating COVID response. At ito po ang katotohanan, bakit namin paniniwalaan ang ibang pag-aaral eh samantalang lahat tayo ay nagtitiwala sa World Health Organization sa panahon ng pandemya. Hindi po propaganda iyan – katotohanan! Buksan ang mata, buksan ang tenga.

Ano ba ho ang sabi ng World Health Organization? Number 32 po ang Pilipinas pagdating sa number ng mga total cases ng COVID; number 45 po tayo pagdating sa active cases; at iyong ating COVID-19 cases per one million population, nasa 134 po tayo – laylayan; at sa case fatality rate, number 72 ang Pilipinas. Hindi po iyan propaganda! Katotohanan na dapat tanggapin at pasalamatan po lahat ng ating mga medical frontliners na talaga naman pong ginagawa ang lahat para pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino. It is unfair to refer to their work output as propaganda; huwag naman po.

Mayroon po tayong 27,380 na mga aktibong kaso ayon sa January 31, 2021 datos ng DOH. Sa mga aktibong mga kaso, 93.2% ay mild at asymptomatic; nasa 3.3% ang kritikal; at 2.8% ang severe; nasa 487,551 ang kabuuang bilang ng mga gumagaling o 92.8% recovery rate. Samantalang malungkot nating binabalita na nasa 10,749 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus; nakikiramay po kami. Nasa 2.05% ang ating fatality rate.

Ito naman po ang confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset as of January 31: Makikita po natin iyong pagtaas o iyong surge noong Pasko, Bagong Taon at Traslacion ay muli naman pong bumababa na sa ngayon. Okay, ipagpatuloy po natin ang Mask, Iwas at Hugas.

Kumusta naman po ang ating mga ospital? Well, mayroon pa po tayong 59% available na mga ICU beds, 65% isolation beds na available, 75% ward beds available, 79% ventilators available.

On other matters: Nagtala ang Pilipinas ng pinakamataas na balance of payment surplus noong 2020 na nagkakahalaga ng 12.8 billion US dollars. Ito ang pinakamataas sa isang buong dekada.

Isa pang magandang balita: Ang Philippine peso ay nananatili as one of the most stable Asian currencies in 2020.

Ang mga nasabing numero ay ayon sa preliminary data ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon ang ating Acting NEDA Secretary Karl Chua para pag-usapan ang economic prospects at economic recovery ngayong 2021. Alam ninyo po, importante ang bakuna pero dahil itong bakuna ay siyang dahilan kung bakit makakabalik na tayo sa dati kung saan we were one of the darling economies of the world, consistent six plus percent per annum mula po nang naging Presidente si Presidente Duterte hanggang tinamaan tayo ng COVID.

At kasama rin po natin ngayon dalawang Pilipino, nasa UAE po, na nabakunahan na ‘no at tanungin po natin kumusta ba ho sila. Sila ba ay totoong nagtya-Chinese na ngayon matapos silang turukan ng Chinese vaccine. At iyong isa naman po ay mayroon ba siyang ibang mga side effect na naramdaman noong siya po ay tinurukan din ng isang Western vaccine.

Pero unahin muna po natin si Secretary Karl Chua. Sir, ang nais po naming malaman: Paano po tayo babangon uli? Ang sabi ni Presidente, walang maiiwan, walang iwanan. Paano po tayo makakabalik sa dati kung saan six percent plus ang ating annual economic growth?

The floor is yours, Secretary Karl Chua.

SEC. CHUA:   Magandang tanghali po, Spox Harry at sa mga nakikinig. Malinaw po ba ako?

SEC. ROQUE:   Malinaw na malinaw po at sana po maging malinaw din ang ating mensahe kung paano tayo babangon bilang isang bansa.

SEC. CHUA:   Well, susubukin ko po.

Ang ibabahagi ko po ngayon ay iyong nakaraang linggo, naglabas po iyong Philippine Statistics Authority ng latest data on the economy. Ang ipapaliwanag ko ay iyong konteksto o iyong kuwento kung bakit ito iyong nakita po nating GDP or Gross Domestic Product growth.

So, magsimula po tayo sa kalagayan ng ating bansa bago pumasok ang COVID-19. Pumasok po tayo sa taong 2020 na isa sa pinakamalakas na ekonomiya sa buong mundo. Iyong ating economic growth performance in the year 2016 to 2019 ay nag-average ng 6.6%. Ito ay mataas lalo na kung iyong backdrop po natin ay iyong trade war at iyong growing uncertainties.

Bago pa mag-COVID-19 magiging upper middle-income country na tayo sana in 202o bago pa mag-COVID. Iyong ating inflation, low and stable – 3% average, pasok na pasok sa two to four percent target ng ating Central Bank at isa sa mga nakatulong dito ay iyong Rice Tariffication Law, iyong naibaba natin iyong presyo ng bigas by some ten pesos per kilo from the peak in 2018.

Iyong ating fiscal position ay napakaganda, highest revenue and lowest debt to GDP ratio at marami pong naitulong ang ating reporma sa pagbubuwis o iyong Tax Reform. At dahil sa ating magandang fiscal position, napondohan po natin ang Build, Build, Build Program at iyong iba’t-ibang mga social services. Nakatanggap din tayo ng isa sa pinakamataas na credit rating mula sa ating mga creditors at hindi lamang ito ang rating na hinahabol natin. Gusto po nating gumanda ang kalagayan at buhay ng bawat Filipino.

Lahat po tayo, whether business or individuals, umuutang po tayo for housing loan, car loan, personal loan, at for business expansion. Kung mababa ang credit rating natin naipapasa po natin sa taumbayan ang mababang interest rate. At dahil sa reporma na ginawa natin at magandang pamamalakad ng ekonomiya, nakita po natin ang pinakamababang unemployment rate, underemployment rate, at poverty rate.

So, ito po iyong kalagayan bago pumasok iyong COVID. Pero hindi po natin inaasahan na iyong 2020 simula February ay pumasok po iyong COVID-19 sa ating bansa. At dahil dito napilitan po tayong mag-impose ng community quarantine – iyong ECQ, MECQ, GCQ at ang MGCQ.

From average growth of 6-7% ng ating ekonomiya simula 2016 until the end of 2019, bumagsak ito to initially 0.7%, tapos iyong nag-ECQ po tayo sa April – May mas lumala ito sa minus 16.9%. Pero noong lumuwag naman iyong ating quarantine, nag-improve ito to -11.4% and in fourth quarter, -0.83%. Ang full year growth po natin is -9.5%, ito ay isa sa pinakamababa since nag-start po iyong pagkolekta noong data in 1946.

At dahil dito, nakita po natin na kung luluwag naman po iyong quarantine measures natin, gumaganda naman po ang growth natin from one quarter to the next quarter. So, halimbawa po from the third quarter to the fourth quarter, nag-improve naman iyong growth by 5.6% dahil iyong naalala ninyo po iyong October 12 in-approve ng Cabinet at ni Presidente Duterte ang reopening of the economy. Iyong ina-allow po natin iyong transport na mag-one seat apart – iyong public transport. Nag-allow din po tayo ng more capacity or higher capacity sa mga establishment; binabaan din natin iyong age group allowed to go out from 20 to 15. So, lahat po iyan nakatulong pero kung hindi po mas bukas ang ating ekonomiya, hindi po talaga natin makikita iyong normal growth.

Ang epekto po ng ating quarantine ay medyo malaki. As of January, iyong pagbisita po sa public transport station para sumakay ng jeep, ng bus o ng MRT, is still down by 50%. So, ibig sabihin, marami pa rin iyong nahihirapang sumakay at kung hindi po sila makasakay, sila ay puwedeng maglakad or magbisikleta. Pero iyong iba talaga hindi po nakakapasok sa office. Ito iyong isang consequence ng ating community quarantine.

Iyong susunod po, 30% of the people are still not going to work. Iyong iba, nagtatrabaho sa bahay pero sa bahay hindi kasi ganap iyong productivity kaya gusto po natin din na mas lumuwag iyong ating restrictions para makabalik na iyong mga workers as safely as possible to their offices.

At iyong isa pang dahilan ay iyong restriction natin sa age group. Iyong bansang Pilipinas, napakabata iyong populasyon. Iyong median age ay 25 years old, ibig sabihin, kalahati ng populasyon or 53.9 million are below 25 years old. In fact, iyong 40% of the population is under 20 years old, so nakikita ninyo sa datos na ito iyong age 15 to 19 they account for ten million people pero kapag isinama po natin iyong age 0 to 19, ito po iyong cumulative magnitude na nakikita ninyo na 43 million or almost 39.6 or 40%.

So, kung ni-restrict po natin iyong mobility nila, hindi po sila makalabas, ibig sabihin iyong pamilya hindi rin lumalabas at since ito ay isa sa pinakadahilan kung bakit maganda iyong economic growth natin, hindi po tayo aging population, iyong ating ekonomiya hindi rin maka-recover. Kaya iyong aming mungkahi ay dapat mas i-expand natin iyong age group na puwedeng lumabas pero gagawin natin iyan, of course, as safely as possible.

Ngayon, iyong ating quarantine restriction na nagsimula last March at ngayon February, alam po natin na GCQ pa rin iyong Metro Manila at iyong mga karatig na probinsiya and region where the economic activity is more than 50%, those translate to a total income loss for families of P1.04-Trillion or an average everyday nababawasan ang suweldo o kita ng ating mga kababayan by P2.8-Billion. So, on average, bawat worker – 23,000 iyong nawawala, pero alam natin iyong iba mas grabe pa iyong epekto kasi nawalan ng trabaho at iyong kanilang industry hindi po pinapayagan mag-operate. So, ito po iyong consequence ng ating quarantine.

Maganda po iyong objective ng ating quarantine to protect the people from COVID, to help the healthcare sector pero all decisions kasi may trade-off, hindi po libre, galing sa langit iyong ating mga benefits. So, ito po iyong isa sa mga trade-off kaya dito naisipan po ng economic team na hanapan ng paraan para mas maging maluwag itong ating restrictions pero in the safest possible manner.

Ngayon, ang prospects po natin sa 2021 ay maganda. Ang estimate po ng DBCC o ng Development Budget Coordination Committee comprising NEDA, DOF, DBM, BSP, and OP – 6.5 to 7.5% growth tapos by 2022, 8 to 10% growth. So, ito ay maganda kasi by 2022 mid-year, mababawi na natin iyong losses natin pero kailangan dapat magtulungan po tayo. Kung hindi po natin io-open iyong economy nang dahan-dahan at ligtas, magkakaroon po tayo ng further long-term scarring or productivity losses.

Ngayon, isa sa mga dahilan kung bakit mabilis iyong sa tingin namin ang ating recovery ay dahil marami po tayong na-achieve sa ating 10-Point Socioeconomic Agenda at iyong mga nakakulay na green, ito po ay highly achieved na at gumagawa po ng paraan ang gobyerno para matapos na rin iyong mga ongoing, iyong mga yellow na nakikita ninyo. So, hindi ko na po ipapaliwanag ngayon iyong detalye pero ito ay is sa mga foundations natin for our recovery.

Kung hindi po tayo, halimbawa, gumawa ng tax reform o ipasa ang rice ratification o ipasa iyong National ID o iyong Universal Health Care Law, baka mahirapan po iyong ating recovery. Pero iyong foundation natin ay nandiyan na.

Ngayon, punta naman tayo sa epekto sa mga tao, iyong binabantayan po natin ay iyong labor market, tulad ng unemployment rate or underemployment rate.

So iyong unemployment rate, ito iyong mga walang trabaho, naghahanap ng trabaho at available magtrabaho pero hindi po sila nakakapagtrabaho. So napansin ninyo from as low as 4.5% – one of the lowest in our history – biglang sumipa ito sa 17.7% iyong time ng ECQ. Pero iyong ni-relax po natin iyong restriction to GCQ and then to MGCQ, nakita naman ninyo na malaki ang ibinaba nito, one half ang binaba nito. So ngayon po tayo ay nasa 8.7% unemployment rate.

Iyong ating underemployment rate, ito iyong mine-measure iyong mga may trabaho, pero kulang iyong kita o iyong suweldo kaya gusto pa nila magtrabaho. From as low as 13% – one of the lowest in our history – ito ay umakyat sa 18.9% sa gitna ng ECQ. Pero nakita ninyo naman iyong nag-relax po tayo ng ating quarantine, nagbigay pa tayo ng mga subsidies or ayuda at iba pang mga tulong under Bayanihan 1 and 2, bumaba naman ito to 14.4%. In other words, almost back to normal level na. Pero siyempre mas maganda kung mas marami pa tayong gawin para mas bumaba ito.

Ngayon tingnan po natin iyong datos mula sa SWS, iyong nagkaroon po tayo ng ECQ at noong bumalik pa tayo sa MECQ, iyong ating hunger rate na bumaba na to record low level biglang umakyat to 30% in September; pero noong binuksan po natin iyong ating ekonomiya bumaba ito of more than half or almost half to 16%. So ito po iyong dahilan kung bakit ang mungkahi po namin ay iyong gradual and safe opening of the economy. Kasi ito iyong nakikita po natin using the data na pinakamabisa talaga na para ibalik iyong kita at iyong trabaho, pero siyempre gagawin natin ito in the safest possible manner.

Ngayon, ang ating ginagawa sa gobyerno ay hindi madali, we have to balance the tradeoff. On the one hand, we care for the COVID patients, marami na pong naapektuhan, marami ng na-infect ng COVID, marami rin iyong critical and severe sa hospital at marami na rin pong namatay. On the other hand, ‘pag tuloy po natin ang harsh quarantine, iyong ating hunger, iyong poor people, iyong unemployed at iyong mga namamatay from all other causes ay malubha din. Kaya nga sa gobyerno binabantayan natin ito, using the latest data at gumagawa po tayo ng studies, consultations with experts at sa IATF pinag-uusapan talaga kung paano natin ibabalanse ito, kasi mahalaga iyong maiwasan iyong infection mula sa COVID, pero mahalaga din iyong mabawasan po natin iyong mga nagugutom, iyong mga mahihirap at iyong mga may ibang sakit at namamatay from all other factors like cancer, diabetes or heart attack; so iyan po ang ginagawa natin.

So, aside from iyong further opening of the economy, mayroon pa tayong mga datos na nagsasabi na iyong sa October, iyong pumayag po ang ating Pangulo at iyong Gabinete na i-further open iyong economy, mayroon pa tayong one seat apart sa public transport, hindi na iyong one to two meter distancing, iyong mga establishments puwede ng mag-open up to 100% provided they follow the health standards at iyong age group binaba natin to 15 sa MGCQ area, wala po tayong nakikitang data na nag-spike iyong ating COVID-19 cases.

So mula October, papuntang end of December, at iyong end of December ay iyong Christmas holiday season, hindi po natin nakita na nag-spike. May resurgence sa January, pero ito ay dulot ng maraming dahilan tulad ng pagdating po ng other COVID variants. So, nakikita po natin dito na kaya naman natin na iluwang iyong restrictions at bumalik iyong trabaho at iyong mga suweldo at kita na hindi naman mag-i-spike iyong ating cases; so iyan iyong mensahe po natin ay kailangan magtulungan pa tayo.

And to end my presentation, ito po iyong iba’t ibang mga programa natin under our recovery program na sana maintindihan po ng lahat na packaged ang kailangan nating gawin. Under Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan 2, P80-billion ang subsidy or ayuda na inilagay po natin diyan at tuluy-tuloy po iyan. Mayroon din po tayong 2020 and 2021 budget.

Sa 2021 budget, ang total subsidy na pinasok po natin ay P158.6 billion. So marami po tayong mga binibigay na tulong at sa pamamagitan ng CREATE na tapos na iyong bicam, kailangan na lang i-ratify, pinababa po natin ang income tax for all corporations, whether you are largest, medium, small and specially the Micro.

Iyong FIST na nasa Malacañang na waiting for signature ito ay para tulungan iyong ating mga negosyante, iyong mga small businesses para maka-avail ng loans from the banks at cheaper rates. At iyong ating GUIDE [Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery Act] ay para tulungan iyong mga iba pang mga firms na may solvency issue, iyong kulang po iyong kapital. So ito iyong mga halimbawa ng mga programa natin na dapat ituloy po natin, kasi maganda iyong epekto.

Just to give you more details. In-extend din po natin iyong Bayanihan 2 at iyong 2020   budget. Kapag hindi po natin in-extend tapos na po sila as of end of December last year, pero in-extend po natin. Ito ay nagdulot ng additional 195 billion of fiscal stimulus to our economy at iyan iyong dagdag pa sa 2021 budget. Ngayon, iyong budget natin na pinakamalaki in our history, P4.5 trillion, it’s a 9.9% increase, ang laman nito ay P1.1 trillion worth of infrastructure at iyan ay makakapag-create ng 1.7 million jobs. So, importante po ito sa ating ekonomiya at sa ating pag-recover.

Iyong ating CREATE na kakatapos lang iyong bicam over the weekend, lahat po ng Micro Small and Medium Enterprises lalo na iyong Micro and Small na 99% of the economy are driven by these small firms, they can avail of lower tax and other incentives. Ang binabalik po natin na pera sa kanila ay P133 billion peso, kasi imbes na magbabayad ng 30% tax, 20% lang iyong ibabayad nila. Tapos iyong mga loses nga, puwede pa ring i-carry over.

At huli po iyong ating pagbukas ng ekonomiya, kasi kung hindi po mas bukas iyong ating ekonomiya, hindi po papasok iyong ating foreign investment at jobs. Kaya kami sa NEDA, tuloy po iyong pagpasa po natin o pag-propose sa Congress rather to pass the Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act and Foreign Investment Act.

So diyan po nagtatapos iyong aking pagbabahagi.

Basta alalahanin lang ninyo na iyong ating suporta sa ekonomiya at sa bawat tao, dapat packaged; hindi kaya ng isang instrumento lamang na tulungan ang lahat. We have to do it as a package, nandiyan iyong vaccine, nandiyan iyong cooperation of everyone in wearing the face mask and face shield and washing hands and social distancing tulad ng nakikita ninyo dito, nandiyan iyong recovery package natin, at mas mahalaga po iyong pag-open or safe reopening of our economy. So diyan po nagtatapos ang aking presentation; over to you, Spox Harry. Maraming salamat.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, Secretary Karl Chua. Pareho po ang ating mensahe: Ingat buhay para sa hanapbuhay!

Kasama rin po natin ngayon ang dalawang Pilipino na nasa UAE. Unahin po muna natin si Dr. Rommel Sergio. Sir, kumusta na kayo diyan sa UAE?

DR. SERGIO:  Mabuti naman po. Kumusta po kayo diyan, Sir Harry?

SEC. ROQUE: Sir, you are a doctor. Medical doctor po ba kayo?                

DR. SERGIO:  Hindi po, I’m teaching in the university po, it’s more of a PhD as part of the doctorate degree po.

SEC. ROQUE:  Para pala kayong nanay ko, doktor na hindi gumagamot ‘no. Pero kayo po ay nabakunahan na po diyan sa UAE?

DR. SERGIO:  Opo. That was eight days ago, in one of the major facilities po designated ng Ministry of Health and Prevention.

SEC. ROQUE:  So paano po kayo nabakunahan, eh hindi naman kay citizen ng UAE?                      

DR. SERGIO: So mayroon pong entitlement ang mga Filipinos especially those who are under the employment visa. So as an employee we are entitled to a free vaccine and you also have the opportunity to choose which among those that are available in the UAE can be part of your vaccination po.

SEC. ROQUE:   So ano po iyon pupuwedeng pagpilian diyan sa UAE; ano iyong mga available?

DR. SERGIO:  We have Sinopharm and we have Pfizer for the time being po.

SEC. ROQUE:  Okay. So iyong dalawa po ang pupuwedeng pagpilian?

DR. SERGIO:  Opo.

SEC. ROQUE:  Ano po ang pinili ninyong bakuna?

DR. SERGIO:  Ang akin po ay Sinopharm, because it has been also recommended by the employer. Dito po kasi case by case kung ano po iyong i-assign ng employer and they also create some sort of schedule for their employees, para po mayroon talaga silang slot para sa pagpapa-vaccine po.

SEC. ROQUE:   Kumusta naman po kayo matapos kayong mabakunahan? Mayroon ba kayong naramdaman na mga side effects?

DR. SERGIO: Opo. Sa awa ng Diyos hindi pa naman marunong magsulat ng Chinese at magsalita ng Chinese. But kidding aside, the first 15 to 20 minutes po ng injection, I just felt iyong numbness sa part na nabakunahan at sabi ng aking doctor ay normal din daw iyon in many cases. Kasi mayroon po akong maintenance, so nag-consult pa po ako sa dalawang doktor from two different hospitals just to be sure, kasi covered naman po iyan ng insurance, so maganda na po iyong sigurado ano.

So, iyon po, nabanggit din po sa akin na kapag nag-persist iyong symptoms, pumunta agad sa doktor kasi part din po iyan ng free services ng government nila, pati iyong kung may side effects ay covered din po iyan ng government. They will make a way para ma-resolve kung anuman iyong side effects na iyon. But so far after the 15 to 20 minutes po na numbness, okay naman po, wala naman po akong naramdaman na paninikip ng dibdib, maayos naman po ang aking pakiramdam.

SEC. ROQUE:   Sir, anong pakiramdam ninyo matapos ang halos isang taon na naka-lockdown dahil dito sa COVID-19 eh nabakunahan na kayo? Ano iyong naisip ninyo at naramdaman ninyo matapos kayo mabakunahan?

DR. SERGIO: Sir, to be perfectly honest, dito po kasi sa UAE medyo maluwag na at wala na ring mga areas when you come halimbawa po sa public places like sa mall, iyong mga temperature checking an all that, wala na siya a month ago, so talagang open na po.

But to answer that question, maayos po ang perspective, kasi isa po ako doon sa nagra-run ng seminar workshops or webinars on mental health dahil one of my PhD is happen to be in the area of psychology, so ako po iyong unang-una na nakakaramdam noong stress na pinanggalingan po ng ating mga kababayan ano po.

We have this very good training program internal to the consulate in Dubai, so the dignitaries here, the consulate itself had been part of that endeavor, so malaking bagay po na makita ko ngayon na nagpri-free out na, lumuluwag na po iyong sistema. Iyon lang sa eskuwelahan ang talagang kami ay online pa, even my kid is still having his classes online.

But in terms of looking at the greater majority, those who are working they are already in their respective employers desk na.

SEC. ROQUE:   Okay—

DR. SERGIO: So, maginhawa po ang pakiramdam dahil iyon nga po, nabanggit ko na isa po ako sa tumutulong sa ating mga kababayan dito for their mental health check and balance and all that. So, yeah—

SEC. ROQUE:   Mensahe, Dr. Sergio, doon sa mga kapuwa Filipino natin sa Pilipinas na magsisimula na kasi tayo ng bakuna, dapat ba silang mangamba, lalung-lalo na kung ang ibibigay ay Chinese vaccine?

DR. SERGIO: Opo. Huwag po kayong mangamba dahil ang mahalaga po kasi ay talagang ma-educate po natin ang ating mga sarili na mas marami po tayong benefits na makukuha kung tayo po ay magiging open minded sa vaccination na ito rather than tayo po ay open sa napakadaming risks.

So, para sa akin po, it starts by educating oneself and then, you also need to see, read. Pero siyempre iyong mga fake news i-avoid po natin iyan dahil marami po tayong makikita na hindi masyadong magandang reviews at we overthink kasi as Filipinos ‘no. Wala pong masama kung magkaroon tayo ng awareness pero the fact that we are overthinking, hindi po ito nakakabuti sa ating psychological make-up.

SEC. ROQUE:   Maraming salamat, Dr. Sergio. Kasama rin natin si Mr. Lito Echiverria. Lito, kailan ka nabakunahan diyan sa UAE?

MR. ECHIVERRIA: Good morning, Secretary! Ako, nabakunahan noong December 29. Ang bakunang naturok s akin ay iyong sa Pfizer BioNTech. [unclear]

SEC. ROQUE:   Hindi ka ba natakot?

MR. ECHIVERRIA: Hindi!

SEC. ROQUE:   Hindi ka natakot?

MR. ECHIVERRIA: Ang unang lumabas dito sa UAE iyong Sinopharm. Hinahanap ko na iyong vaccination center, gusto ko ng magpabakuna, so wala akong nahanap na malapit sa bahay, so noong lumabas na iyong BioNTech dito sa Dubai, iyong Pfizer, agad-agad akong tumawag sa DHA which is Department of Health dito at nagpa-schedule ako.

Suwerte ako nakuha ako sa first batch dahil—kasi iyong first batch kasi dito iyong mga matatanda na at saka iyong mga chronic illness. Ako, mayroon akong asthma so pasok ako, so, nagpabakuna na kaagad ako, walang isip-isip. Una pa before pa lumabas iyong bakuna nasa isip ko na magpabakuna ako kung available na.

SEC. ROQUE:   Hindi ka ba natakot na may mga namatay sa Norway na ang gamit ay Pfizer?

MR. ECHIVERRIA: Hindi. Hindi ak0 natatakot. In fact, Secretary, una pa akong nagpabakuna doon sa case na namatay, una pa akong nagpabakuna. Noong narinig ko iyon, hindi ako nag-worry pa rin eh… hindi ako nag-worry pa rin. Alam kong sa pagbabakuna sa akin mas marami akong advantage na makuha kaysa makinig sa mga nakakatakot na news.

SEC. ROQUE:   Anong mensahe mo sa mga kamag-anak mo, mga kaibigan dito sa Pilipinas – magsisimula na tayo ng ating vaccination – na nangangamba? Ano ang iyong payo sa kanila?

MR. ECHIVERRIA: Ang payo ko lang, ang advice ko sa mga kababayan ko diyan sa Pilipinas, huwag kayong mangamba at saka huwag kayong masyadong maniwala sa mga bali-balita na hindi maganda, mga fake news, kasi kami dito talagang—ako mismo nag-ano sa kaniya na magpabakuna na kasi para sa ating lahat, para safe at saka maliban sa pag-handwashing, iyong mga hugas at saka iyong social distancing, itong bakuna eh isa rin sa mga kung paano ma-control iyong pandemic.

SEC. ROQUE:   Maraming salamat, Lito Echiverria! Please join us baka may tanong sa inyo ang ating mga Malacañang Press Corps ano.

Pero pumunta na tayo sa ating open forum. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:  Yes. Good afternoon, Secretary Roque and Secretary Karl Chua.

Question from Genalyn Kabiling of Manila Bulletin: May we get the Palace statement on the killing of Mary Ann Dinolo, an Overseas Filipino Worker in Abu Dhabi, UAE? Amid the family’s appeal for justice, what kind of government assistance will be given to the family of Dinolo?

SEC. ROQUE:  Well, ang pangako po ng Presidente mabibigyan po ng hustisya at katarungan ang pagkamatay ng ating kababayang si Mary Ann Dinolo. Sa ngayon po ang OWWA po ang siyang tumutulong dito sa pamilya ni Mary Ann at in fact, ang OWWA po ang tumulong para magkaroon po ng autopsy ng sa ganoon mabigyan ng katarungan ang pagkamatay niya. May autopsy rin pong nangyayari ngayon sa panig ng NBI at lahat po ng gastos para ilibing si Mary Ann ay sagot po ng ating OWWA. At magkakaroon din po sila ng financial assistance at death benefit galing po sa OWWA sa takdang panahon. Pero ngayon po ang inaatupag natin ay bigyan ng katarungan itong pagkamatay ng ating kababayan na si Mary Ann Dinolo.

USEC. IGNACIO:  Opo, second question po niya: Will the government review the OFW deployment to UAE to prevent a similar incident and to ensure the protection of migrant workers?

SEC. ROQUE:  Patuloy po ang proseso ng pagbibigay proteksiyon sa ating mga mamamayan na nagtatrabaho sa iba’t ibang parte ng daigdig at ang ating pangako po ay hindi naman po tayo magkukulang sa pagbibigay ng kumbaga education sa ating mga kababayan kung ano ang dapat at hindi dapat gawin habang sila ay nasa abroad at patuloy po ang pagbibigay natin ng serbisyo kung sila po ay maging biktima ng krimen sa ibang bansa.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Ang tanong ko po ay mayroon na po bang statement ang Malacañang ukol sa nagaganap sa Myanmar sapagkat bahagi ang Myanmar ng ASEAN at mahalaga rin ang papel nito sa RCEP, Secretary Harry, please?

SEC. ROQUE:  Well, siyempre po ang ating pangunahing interest ay iyong kaligtasan ng ating mga mamamayan. Gumagalaw po ngayon ang ating embahada sa Myanmar para magbigay ng tulong sa lahat ng mga Pilipino. Kung gusto pong umuwi ng ilang mga Pilipino, gagawan po natin ng paraan para sila ay makauwi, kung gusto po nilang temporary shelter diyan sa ating embassy, maghahanap po tayo ng mga paraan ‘no at pinag-iingat nga po natin ang lahat ng ating mga kababayan diyan sa Myanmar.

Inaasahan po natin na sa lalong mabilis na panahon sana po bumalik sa normal iyan bagama’t ang pangyayari po sa Myanmar ay isang bagay na internal at hindi po natin pinanghihimasukan. Ang importante po iyong kaligtasan ng ating mga mamamayan diyan sa Myanmar.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Secretary, matanong ko na rin po kayo, ibinalita ng Asian Development Bank na mayroong 25 bilyong dolyar na ipapahiram sa Pilipinas upang makabili tayo ng bakuna. Ano po kayang bakuna ang bibilhin natin sa halagang ito. 

SEC. ROQUE:  Lahat po ng bakuna na financed ng ADB dapat po dumaan sa masusing pag-aaral at proseso ng ADB. So, ang sigurado pong kasama diyan ay iyong mga bakuna na kasama rin sa COVAX Facility.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Opo. Para po kay Secretary Karl Kendrick Chua kung mararapatin. Mayroon pong mga Pilipinong nangangalakal sa Myanmar, katulad po ng Ayala Corporation, katulad po ng Universal Robina at ang Liwayway na mayroong Oishi at iyong Bench mayroon ding pabrika roon. Sa ganito pong pagkakataon, mayroon kayang epekto ito sa kanilang kalakal at kinabukasan ng kanilang investments doon?

SEC. CHUA: Lahat po naman ng events whether social, political or economic, may epekto naman, pero hindi pa natin matitiyak iyan until nakita po natin ano iyong development. So, iyong sa sasagot po niyan, we have to look at it further

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Okay, let’s leave at that. Thank you, Secretary

USEC. IGNACIO:  Yes, from Leila Salaverria of Inquirer: What is Malacañang’s directive regarding the presence of Chinese dredging ships that are in the country illegally?

SEC. ROQUE:  Well, malinaw naman po, Iyang vessel na iyan ay inaresto at siya po ay dadaan sa proseso na sang-ayon sa ating batas dito sa Pilipinas.

Pero mga kababayan ang tanong: saan ginagamit itong mga dredging vessels na ito? Baka naman iyan ay ginagamit dito sa ilang mga lugar sa Pilipinas na may pagpayag ng mga lokal na pamahalaan. Ako po ay taga-Bataan ‘no, eh anong ginagawa niyang dredging vessel na iyan sa malapit sa Orion, ang hometown ng aking lola, eh malapit po iyan doon sa lugar na   alam nating kinukuhanan ng black sand diyan sa Zambales. So ang nais kong malaman: Ginagamit ba ito para sa black sand operation diyan sa mga karatig bayan ng Bataan at sinong nagbibigay permiso rito?

So ibig sabihin po, hindi naman pupunta iyan dito kung walang gumagamit niyan at ang nais kong malaman – sana po mabigyan ng kasagutan ng DENR – ay ginagamit ba itong mga Chinese dredging vessels na ito para kunin iyong tanging yaman ng Pilipinas at ipadala sa ibang bansa?

USEC. IGNACIO:  Opo, iyong second question niya: What does the Palace think of their continued presence in the country?

SEC. ROQUE:  Gaya ng aking sinabi, hindi naman po dumadaan iyan, ang aking duda may gumagamit niyan. Ang dapat i-report sa taumbayan: Sino ang gumagamit nitong mga dredging vessels na ito?

USEC. IGNACIO:  Third question po niya:  How does the Palace respond to concerns that the military has been too focused on red tagging to guard Philippine waters versus threats posed by China?

SEC. ROQUE:  Wala pong katuturan iyan, iyan na po iyong propaganda na sinasabi ni Vice President Leni at hindi iyong WHO figures.

Ang ating depensa po ng teritoryo primarily Philippine Navy at Coast Guard, iyong mga nagsasalita laban sa pulahan ito po iyong ELCAC na tinatawag na kabahagi po ang Armed Forces of the Philippines; ibig sabihin dalawang sangay po iyan ng Hukbong Sandatahan.

So, hindi po totoo na obsessed sila sa isa at napapabayaan na iyong isa. Eh nahuli nga po iyong dredging vessel, ano ba kayo; kung natutulog sa pansitan ang ating Hukbong Sandatahan eh nakalusot iyang dredging vessel na iyan. The fact na nahuli belies the propaganda.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sa timeline, sir. Kasi I was hoping Secretary Galvez would be in Laging Handa, pero hindi yata nakarating. We understand maybe he’s probably busy. But timeline, lang sir. Cause with regard to AstraZeneca and Pfizer. So Pfizer 117,000 at saka iyong sa AstraZeneca, 5.5. You said February… middle of February, Valentines ba ito, sir? Iyong timeline muna tayo.

SEC. ROQUE:  Walang timeline po diyan, sabi nga po nila mga second week of February may darating na. Hindi po natin alam kung ano specifically pero iyan naman po will be air lifted or sent by commercial airline. So kapag iyan po ay lumipad na, magbibigay tayo ng anunsiyo sa ating mga kababayan at lahat naman po ay excited na dumating iyong very first dosage ng ating bakuna; so malalaman at malalaman po natin iyan. Ang sigurado, ito na pong buwan ng Pebrero and Happy Valentines to all.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Specific dates, sir.

SEC. ROQUE:  Well, hindi pa po natin malaman kung ano ang specific date iyan, because COVAX Facility po as you know is a facility operated by the WHO ‘no, hindi naman po tayo talaga ang magsasakay sa eroplano niyan, iyong COVAX Facility po ang magsasakay. So antayin na lang po natin ang detalye.

Lilinawin ko po iyong COVAX, hindi talaga tayo Pilipinas ang bumili, iyan po ay ibibigay ng facility na kasapi tayo ng COVAX. So sila po ang nagbibigay sa ating kung kailan talaga darating iyan. Kung tayo po ang nag-order masasagot po natin talaga with a degree of being definite kung kailan darating, pero ito po dahil sa COVAX we will just give you a timeline na siguro po in the middle of February.

Anyway, bukas po nandito si Secretary Galvez at si Secretary Dizon sa ating press briefing.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, in terms of just the volume, kasi sinasabi naman natin iyong five million hindi naman puwedeng isang bultuhan iyon because it’s really impossible. So would we know as far as the letter from the COVAX Facility is concerned kung iyong initial first shipment, is this all 117,000 na Pfizer and how much of the 5.5 million AstraZeneca are we slated to use and then idugtong ko na, sir so pagdating sa Pilipinas, just for our… sa public ‘no. Papaano iyan makakarating sa kanila?

SEC. ROQUE:  Gaya ng aking sinabi po, base rin sa naging deklarasyon ni Secretary Galvez, darating po iyang mga bulto ng 100,000. So asahan po natin ang first delivery natin, at least 200,000 at mayroon din po tayong inaasahan galing sa Sinovac na 50,000 nga for the month of February. Paano po ang mangyayari diyan? Siyempre po from the airplane—Ang Pfizer lang naman po ang mahirap i-handle diyan because sub-zero. Ililipad po iyan sa isang refrigerated van din na may sub-zero capacity tapos ilalagay po iyan sa central warehouse, at from the central warehouse, dadalhin na po iyan doon sa mga city health offices at saka mga provincial health offices.

Inaasahan po natin na ang Pfizer ay magagamit lang sa Metro Manila, Davao and Cebu dahil sila lang iyong may sub-zero storage. Pero AstraZeneca po, mas malawak ang kaniyang pupuwedeng ma-distribute-an na kasi marami naman po tayong facilities, refrigerated lang iyan.

Pero kagaya ng aking sinabi po, pupunta muna sa warehouse and it will take about three to five days bago po natin mabakuna. Pagdating ng bakuna, three to five days bago mabakuna sa mga frontliners.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. So pagdating mid-February, before February ends, we can expect bakunahan ‘no?

SEC. ROQUE: Yes po, iyan ang Valentine’s gift natin sa ating mga sarili.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, Sec. Can I go to Secretary Chua, please?

SEC. ROQUE: Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, good afternoon. Sir, you showed us slide kanina na when there’s 75% shutdown of the economy, iyong mga nasi-save natin in terms of –papaano iyong, teka lang, balikan ko iyong slide mo – mayroon kang pinakita na parang timbangan doon eh, na mayroon kang ganito pero kapag when we continue on with the quarantine, mayroon namang maraming mas magugutom, mas maraming mawawalan ng trabaho.

Is that our situation now or is that a forecast in the future if we continue with the GCQ?

SEC. CHUA: Thank you very much, Joseph.

Iyong pinakita kong datos na may timbangan, iyan talaga iyong data in the middle of the year when we imposed the strictest ECQ and those hunger, poverty, unemployment and deaths are actual data. Iyan po iyong consequence kasi at the start when we were not very familiar with the virus. So we were very, of course, conservative – we imposed the strictest lockdown.

Ang consequence naman, iyong nakita po natin ay iyong nakikita ninyo ngayon sa screen. So sabi po namin, we have to care for both COVID patients and the people who have other sickness or health or hunger problem. So iyan po iyong sinasabi po natin. Mahalaga po iyong dalawa. Unfortunately, hindi po natin nabalanse nang maayos kasi dati, we were risk averse because we didn’t know. But now we know better, so we will have to live with the virus and balance that better. So thank you.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. How much of an effect will the vaccination program have as far as recovering our economy is concerned, sir?

SEC. CHUA:  Well, malaki po ang epekto ng vaccination program. The mere announcement and the mere fact that we have a plan is also building a lot of confidence. Tatlo po iyong kailangan natin ngayon eh: Una, iyong vaccine program will be on track; pangalawa, iyong ating opening of the economy will continue as safely as possible; and iyong pangatlo, iyong recovery program natin kung saan maraming subsidy, infrastructure and other support na binibigay po natin sa business and the people. So all of these will need to be done to have the best impact for the economy and the people this year.

JOSEPH MORONG/GMA7: No, because the government is saying, well, Secretary Roque is saying that we can start vaccinating at least before February ends. Sir, in terms of effect on the economy, makikita ba agad natin iyon in such a way that we’ll be more confident to re-open some parts of the economy, sir?

SEC. CHUA:  Siguro in two aspects ‘no. Una, it will improve our confidence on our healthcare system kasi iyong prioritization is frontliners muna, and then iyong senior citizens. So ibig sabihin, people will not be as afraid na to go out because they know the healthcare system will be there to protect them, to care for them when needed. So iyong confidence ay tataas. When confidence increased, that’s where you see the economy coming back. So iyan po iyong relation. So malaki ang impact talaga.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, just one last question. How much longer can we afford to stay under GCQ? Mayroon ba tayo, sir, point of no return such that if we spend this number of months under still GCQ eh iyong damage to the economy will be irreparable?

SEC. CHUA: Well, you know, we have been in GCQ or higher ‘no in the Metro Manila area for already 12 months, so to the extent that we can continue with it, it’s really going to put our economy in a very difficult position.

The good news naman is we have lived with this virus already. So we will go through another month of GCQ but I’m confident iyong pagdating ng vaccine and the data that may show that we can better manage the economy by re-opening further and safely, and we have shown that in October, November, December, iyong nagbukas po tayo, hindi naman nag-spike ang cases. Pababa nga iyong sa slide na pinakita ko.

So I think, after this month, we should be in a better position to relax further. Iyon talagang hindi puwede if mag-U-turn tayo, iyong bumalik tayo sa ECQ or MECQ. And 95% of the time, the people’s behavior will determine that if they follow the health standards of maintaining a distance, wearing mask and washing hands.

JOSEPH MORONG/GMA7: So March, sir—

SEC. CHUA: [Unclear] provide us additional support.

JOSEPH MORONG/GMA7: So March, sir, you hope at least na mag-MGCQ na ang Metro Manila, we can say?

SEC. CHUA: We strongly believe with the data that we are seeing and if everyone cooperates, I think we can further relax after this month.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Thank you for your time. Secretary Roque, thank you for your time, sir.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Joseph. Maraming salamat, Secretary Chua.

Kapapasok lang po na balita: Napirmahan po ng ating Presidente ang Executive Order # 124, ito po ay nagpapataw ng price ceiling sa mga produktong baboy at manok. Sang-ayon po sa Executive Order, ang pinakamataas na dapat presyo ng baboy at ng mano ay as follows:

  • Sa baboy po, ang pigue – 270/kilo
  • Ang liempo – 300/kilo
  • Ang dressed chicken — 160/kilo

Uulitin ko po, EO 124, mayroon na pong price ceiling, hindi na po pupuwedeng ibenta ang baboy, ang pigue na mas mahigit pa sa 270 per kilo, ang liempo ay hindi pupuwedeng ibenta nang mas mataas pa 300 pesos per kilo, at ang dressed chicken ay hindi po pupuwedeng ibenta nang [mas mataas] ng 160 per kilo. Iyong mga hindi po susunod, mayroon pong mga ipapataw na parusa kasama po ang pagsasarado ng kanilang mga puwesto. So kung gusto po ninyong manatiling magnegosyo na nagbibenta ng baboy at ng manok, sumunod po tayo sa price ceiling. Sa panahon ng pandemya ay talaga naman pong kinakailangan naman po magbayanihan tayong lahat.

Okay, balik po tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nationwide po o National Capital Region daw po iyong price ceiling?

SEC. ROQUE: Binabasa ko po itong price ceiling na ito, at ang sabi po ay – dahil ito po ay kakapasok lang po – in the National Capital Region. Ito pong price ceiling na ito ay para sa National Capital Region.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. From Evelyn Quiroz of Pilipino Mirror for Secretary Roque: Is there already a timetable daw po for the vaccination of all the Filipino people with the two or more doses needed, considering that the government is still trying to procure the vaccines in contrast to other nations in Asia where the people are already being given vaccines?

SEC. ROQUE: Uulitin ko po ‘no, tatatlong bansa pa lang po sa Asya ang nagpabakuna na – ang bansang Singapore, one percent pa lang ng population; ang bansang Indonesia – 0.19 pa lamang; at ang bansang India – 0.27. So, Evelyn, hindi totoo na nahuhuli po tayo. Sabay-sabay lang tayo kasama ng ating mga karatig-bansa. May ibang kaunting nauna, pero kakaunti pa lang po ang nababakunahan nila. On track po tayo, mababakunahan natin minimum 50 million bago po matapos ang 2021.

USEC. IGNACIO: Opo, Secretary, question ni Evelyn Quiroz para po kay Secretary Karl Chua: Secretary, you claimed that the fiscal stimulus is no longer needed has drawn accusations that you are detached from reality. The Philippines Statistics Authority announced that the country plunged deeper into recession by another 8.3% in the last quarter of 2020, therefore resulting in the full year economic growth to negative 9.56 percent. We are in a recession. Could you explain why you think there is no point in giving more stimulus?

SEC. CHUA:   Thank you very much sa tanong ni Evelyn. Una po, hindi ko po—I did not claim that we don’t need a fiscal stimulus. In fact, iyong sa aking sinabi and the transcript will show, we need to do a support as a package.

At binanggit ko nga sa presentation ko ngayon at iyong sa release ng GDP, we extended Bayanihan 2 and the 2020 budget that provides almost 200-billion in additional fiscal stimulus. We welcome the completion of the bicam of the CREATE that will give more than a hundred-billion-peso worth of fiscal stimulus in the form of lower taxes.

We also have in Bayanihan 2 and the 2021 budget a total of P238.3-billion worth of subsidy. Ang sinabi ko po is ano ang gagawin po natin sa stimulus kung hindi naman bukas iyong ekonomiya at what will we do with subsidy if the people cannot go out? That is why we have to work together and provide a support as a package, iyan po iyong sinabi ko.

And some reporters naman they captured it correctly, they focused on the ‘if’ statement, in some it was not clear, so I’m making it clear. We have so many fiscal stimulus, we are doing a national ID to even target better the provision of fiscal stimulus.

But it is not enough. We have to open the economy and we also need the vaccine. So, package ang ating support na kailangan. Thank you.

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary Karl Chua.

SEC. ROQUE:   Okay. Punta naman tayo kay Trish Terada of CNN Philippines, please.

Wala kang audio, Trish, no audio.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Hello, Spox?

SEC. ROQUE:   Go ahead, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   All right. Good afternoon po sa inyo, Spox and kay Secretary Karl!

SEC. ROQUE:   Go ahead.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Sir, first question lang on the relaxation of the travel ban. Ito po kasi iyong sinasabi, the presence nga po of the new variant and the entry of cases with the original COVID, does it or doesn’t it show the government’s blocking measures are ineffective? And now po that without the new measures, the government is opening its doors further, how are we going to prevent or para po mapigilan pa ito, sir, iyong pagkalat or pagdating nitong UK variant?

SEC. ROQUE:   Well, unang-una, kaya naman po natin binan (banned) iyong mga bansa na mayroong new variant eh dahil kinakailangan siguro natin na mayroon tayong sapat na kakayahan para gamutin iyong mga magkakasakit lalung-lalo na iyong inaasahan nating surge noong Pasko at Traslacion.

May awa po ang Panginoon, hindi naman po nangyari talaga iyong surge na iyan at sa ngayon po, sapat ang ating kakayahan na gamutin iyong mga magkakasakit na seryoso kaya hindi na po kinakailangan na i-ban sila at ang tingin naman natin, sapat po iyong protocol na ginawa ng ating IATF na matapos ang limang araw na quarantine saka sila magpapa-test at ipagpapatuloy hanggang 14-day mandatory quarantine in coordination with the LGUs.

Siyempre po, hindi na natin puwedeng ipagpatuloy pa iyang ban na iyan dahil ito po ay makakasama sa ating ekonomiya, ano. So, sa aming palagay po at ito po naman ay desisyon din ng IATF, sapat naman po iyong existing protocols natin para po maiwasan iyong pagpasok ng new variant.

At lilinawin ko lang po ano, it’s not as if napakadami pong mga dayuhang pumapasok ngayon sa Pilipinas. Kakaunti lang po iyan. Ang mga pupuwede lang pumasok ay iyong mga mayroong mga treaty trader’s visa, investor’s visa, kakaunti lang po iyan, hindi pa rin po natin pinapapasok ang mga turista.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Kumbaga, sir, there’s really an assurance that if there will be a spread for example of the UK variant or kung dumami iyong cases our current healthcare capacity can handle it, tama po ba?

SEC. ROQUE:   Opo. Tama po iyan, iyan po iyong ating pagtimbang palagi. Hindi natin maiiwasan talaga na nandiyan pa rin ang COVID-19 habang hindi pa tayo nababakunahan; ang sinisiguro lang natin, mayroon tayong sapat na kakayahan na gamutin at ito iyong sinasabi naman ni Secretary Karl Chua, ng economic team na habang nandiyan iyang kakayahan na iyan, pupuwede nating buksan ang ekonomiya natin even further kasi kung hindi, mas marami namang magugutom kung hindi mamamatay dahil sa COVID-19.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Secretary, doon naman po sa issue ng West Philippine Sea. Si Senator Risa Hontiveros responded and she lauded move of the government to file a diplomatic protest but she also responded to your statements, let me just quote it. She said, “Baka kailangan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ng kaunting oras na magmuni-muni at mag-reflect. Sana ay pag-isipan muna ang sitwasyon kaysa mag-abogado para sa Tsina at magkibit-balikat sa lantarang pagbabalewala nito sa international law na pumuprotekta sa ating interes.” While she stresses also the importance na hindi raw po dapat urong-sulong iyong pahayag ng mga officials and she is also saying that it’s an irresponsible statement on your part na iyong UNCLOS na hindi kinikilala ng Tsina ay iyon pa po iyong nagbibigay ng proteksiyon sa ating mangingisda laban daw sa iligal na panghihimasok ng China. Your response—

SEC. ROQUE:   Hindi ko po alam kung anong sinasabi ni Senator Risa Hontiveros. As past president of the Asian Society of International Law, siguro alam ko naman po ang international law. 15 taon ko po iyan itinuro full time sa UP at nagkaroon po ako ng advanced training in international law.

Malinaw po ang sinabi ko noong lumabas po iyong batas ng Tsina, sinasabi ko, bagamat sila’y mayroong kapangyarihang gumawa ng kanilang mga batas kinakailangan sang-ayon iyan sa general international law na ipinagbabawal ang gamit ng dahas except by way of self-defense or when authorized by the Security Council.

Hayaan mo, Senator Risa Hontiveros, if you want, if I go back to teaching, you can enroll in my class; hindi ko lang alam kung anong magiging grade mo.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Thank you, Spox. Spox, maybe you can answer this or maybe Secretary Karl Chua. I just have a question because hindi ba po iyong sa presentation ni Sec. Karl Chua, iyon nga, parang the way we see it, economic managers are encouraging the further reopening of the economy but recently, si President nga po stopped iyong easing ng age restrictions. How do you wish to extend or to let the President know about these measures—these factors and what measures, sir, are actually in place in case nga po payagan or mag-push through sa pag-i-ease ng age restrictions?

SEC. CHUA:   Thank you, Triciah. Iyong aming approach is really to look at the latest data. In fact, in December the President already approved the pilot face-to-face classes and if not for the new variant, I think the President would have approved the lowering of the age limit but these new variants suggest that we have to be more careful.

So we want to take two steps forward minsan, one step back and which we did correctly para i-observe muna natin kung ano iyong epekto ng new variant. And I’m very sure like before when the President sees the data from both health side and the economic side, meaning the jobs and the hunger, and the poverty, then the President will make an informed decision. So, every two weeks we meet as an IATF to evaluate when we can safely open and like in the past, mayroon po tayong opening every time we have the latest data.

Thank you.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   But with the new variant, do you think it’s timely to reopen of to further ease the restrictions? And what do you think that we did right during the time that we reopened the economy, that maybe we can you know, apply also if we do the same at this time?

SEC. CHUA:   Triciah, sorry it was not very clear but—kasi mahina, pero if I get it correctly, you know, there are several variants already. In fact, in August according to the health expert, may pumasok na na ibang variant which we were able to manage naman.

So, basically the story here is, this virus is not going to go away easily. Even if you have the vaccine it will take maybe a couple of years or more to vaccinate everyone. But at the same time, we cannot just hide in our homes and do nothing. Our actions have consequences for the people, those who cannot go to school, who will lose future productivity or have other sickness.

For instance, ako I had a check-up recently, I have to wait two weeks for my procedure kasi pila lahat, everyone is afraid. So, in other words, we have to live with this virus. So, sometimes we have to take one step back and just examine if this new variant is manageable or not and later on kapag sanay na tayo, then we would be able to manage. It’s like the start of the ECQ, everyone was afraid; ngayon naman if you go out, people are going out and managing the risk by themselves and we will do the same.

Thank you.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   So, sir, your next recommendation to the President is to reconsider or rethink the easing of age restrictions and further reopening of the economy, is that right?

SEC. CHUA:   Sorry, I’m not able to hear. Can you or someone repeat louder?

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Hello? Hello, Secretary? Can you hear me now?

SEC. CHUA:  Hindi din eh…

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Hello, Secretary? Can you hear me now?

SEC. CHUA:  Yes.

SEC. ROQUE:   Okay. Yes, ayan, go.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   So, sir, bottom-line is your recommendation to the President or will you recommend to the President to reconsider the easing of age restrictions and further reopening of the economy?

SEC. CHUA:  We will recommend that once we see both the health data and the economic data. But as of the moment, I think the decision is correct to hold back until we know more about the virus.

From the economic side as I mentioned, we will be conducting the labor force survey monthly starting this year instead of quarterly, para makita natin kung ilan talaga iyong nawalan ng trabaho, nabawasan ng suweldo and so on, and then we will compare that with the health data showing whether there were spikes or not with the new variant. If both of them tell the same story na we can manage like what we saw sa October, napababa iyong cases at the same time we opened the economy, then we will make the recommendation. If not, then we will hold back and wait for a better opportunity.

Thank you.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Thank you, sir! Thank you, Secretary Karl! Thank you, Spox!

SEC. ROQUE:   Thank you, Trish! Thank you, Secretary. Usec. Rocky again, please.

USEC. IGNACIO:   Yes. Secretary, from Dreo Calonzo of Bloomberg News: Update daw po sa FIST [Financial Institutions Strategic Transfer] Bill, has it been signed into law by President Duterte?

SEC. ROQUE:   Kararating lang po ng Malacañang, hindi pa po napipirmahan.

USEC. IGNACIO:   From Sam Medenilla of Business Mirror. Question for Secretary Chua: With NCR again placed on GCQ, how will this affect the country’s first quarter performance? Until when can the economy continue operating on lockdown without causing economic scarring?

SEC. CHUA:  Well, sa NCR and adjacent regions, every day of GCQ is P700-million that we lose in wages and salaries and other incomes, so malaki iyong effect. And we hope that by March we can make a turnaround na and makakabawi tayo hopefully in the second to the fourth quarter.

So far naman, so long as we manage the risk better, we do not see a significant change in our economic growth trajectory. So, tuloy pa iyong 6.5 to 7.5%. But as I mentioned, 95% of the time, your safety, everyone’s safety is driven by your personal behavior of wearing a mask and shield, washing hands, distancing and avoiding crowds. So, if you do all these, it will really open the economy. But if people violate it and have parties or so on without those precautions, then, sayang lang iyong ating progress. So, the scarring is there and we have to minimize it.

USEC. IGNACIO:  Opo, second question po niya: How can the government respond to the ill-effects of another lockdown while economic reform bill still pending in Congress?

SEC. CHUA:  Well, the good news, iyong CREATE tapos na ng bicam, for ratification na, iyong FIST is in Malacañang na. We extended the Bayanihan II and the 2020 budget and that provides additional stimulus, almost 200 billion. Then, we have the full P4.6 trillion 2021 budget with the P1.1 trillion infrastructure budget. So what we need to do is to implement this, kasi almost lahat naisabatas na. And if we do this and we open the economy and provide targeted subsidies to the vulnerable, then mas malaki iyong chances of recovery as a package. But if we don’t do it as a package, iyong gusto lang natin, one or the other, then kulang iyong effect.

USEC. IGNACIO:  For Secretary Roque, tanong po mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Ano po ang reaksiyon ng Palasyo sa hiling ng ALU-TUCP na hindi sila magri-request ng umento sa sahod dahil sa sitwasyon ngayon, pero sana raw bigyan sila ng 2,000 to 4,000 pesos na subsidy kada-buwan pampapuno sa pang-araw-araw na pangangailangan?

SEC. ROQUE:  Well, maraming salamat po sa ALU-TUCP, pero doon sa hinihingi nila kung pupuwede po ibibigay ng Presidente, pero ang isyu nga po – kung pupuwede! Tingnan po natin kung pupuwede at hindi rin po natin alam kung saan kukunin iyan. Dahil alam po naman ninyo po, walang salapi na galing sa kaban ng taumbayan ang pupuwedeng gastusin ng hindi po napaloob sa ating appropriations law.

USEC. IGNACIO:  Question from Virgil Lopez of GMA News online. The Philippines daw po has further dropped in the corruption perception index ranking 115th out of 180 countries in 2020 from its previous rank of 113th in 2019. According to the Transparency International, efforts to control corruption in the Philippines, appear mostly stagnant since 2012, what is the Palace reaction po sa assessment na ito?

SEC. ROQUE:  Well, alam po ninyo ang Presidente, talagang problemado din diyan kasi nga parang walang katapusan itong problema ng korapsiyon. Ngayon po sinusubukang niya iyong public shaming, iyong pagbabasa ng mga pangalan, para magsilbing halimbawa sa iba na kung ikaw ay corrupt eh talagang mababasa ang pangalan mo diyan. Pero bukod pa po diyan ay nandiyan na nga po iyong opisina ng ARTA para mabawasan iyong korapsiyon, maalis iyong discretion sa panig ng mga ahensiya ng gobyerno. Nandiyan din po iyong Presidential Anti-Corruption commission, PACC ‘no, na bukod pa sa Ombudsman na alam natin na kakaunti lang nag personnel ng Ombudsman na talagang hindi sapat doon sa gravity ng problema. Ibig sabihin, alam ng Presidente may problema pa at kaya nga sinabi-sabi niya na igugugol niya iyong dalawang taong natira niya, isa at kalahati na lang po ‘no, isa at kalahating [taon] na panahon na natitira sa kaniyang termino para lutasin itong problema ng korapsiyon, tingnan po natin ang mga susunod na mga pangyayari.

USEC. IGNACIO:  Ang susunod pong tanong, may mga magkakatulad pong tanong. Si Johnna Villaviray ng Asahi Manila, ganoon din po si Rose Novenario ng Hataw at Celerina Monte.  Kay Rose Novenario statement regarding po sa Myanmar’s military coup against the democratically elected government of Aung San Suu Kyi who was detained along with other leaders of her national league of democracy party in early morning. Ang tanong naman po ni Celerina Monte: How does the Palace view the situation in Myanmar where Aung San Suu Kyi, President U Win Myint and other senior figures from the ruling party are detained?

SEC. ROQUE:  Well, kagaya ng aking sinabi po, ang ating pangunahing concern sa Myanmar ay iyong kaligtasan ng ating mga mamamayan.  Inaasahan po natin na gumagawa ng mga hakbang ang ating embahada roon, para bigyan ng proteksiyon ang lahat ng ating mga mamamayan at naka-standby naman po ang ating Hukbong Sandatahan kung kinakailangan na ma-airlift o kaya ang mga bapor ng ating Philippine Navy kung kinakailangan na pauwiin iyong mga Pilipinong nandiyan sa Myanmar. Pagdating po doon sa pangyayari sa Myanmar eh hindi na po muna tayo magkukomento dahil sa ngayon po ang pangunahing interest natin ay iyong kaligtasan po ng mga Pilipino sa Myanmar.

USEC. IGNACIO:  Second question naman po ni Celerina Monte: China’s Coastguard law takes effect today. Does the Palace share the view of retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, that the Code of Conduct being worked out by ASEAN with China is dead, why and why not?

SEC. ROQUE:  Alam ninyo kagaya ng sinabi ko ‘no. Uulitin ko lang po iyong consistent policy. So, wala pong pabagu-bago pagdating sa Presidente, lahat ng batas pupuwedeng isulong ng mga iba’t ibang bansa, pero ito ay dapat consistent and in conformity with international law. So as to whether or not the Code of Conduct is dead, I don’t think so po dahil iyan naman po ay patuloy na tinatanggap at pinag-uusapan ng mga bansa na mayroong kaniya-kaniyang claim diyan sa West Philippine Sea. Now, alam naman siguro ni Justice Carpio na when you assail the validity of a law, kinakailangan that has to be someone na proper party, iyong karapatan ay nalabag, wala pa naman pong ganoon. Antayin po natin, tingnan po natin kung paano mapapatupad iyan. Pero sa ngayon po, nag-file na po tayo ng diplomatic protest and we leave it at that.

USEC. IGNACIO:  Ang third question po niya: As suggested by Justice Carpio, will the Philippines, along with ASEAN, go to UN to declare China’s Coast Guard Law invalid under UNCLOS and international law?

SEC. ROQUE:  Well, alam po ninyo, unang-una, that will be the decision of the Department of Foreign Affairs and the different Ministry of Foreign Affairs of ASEAN. Number two, limitado po ang mga lugar na pupuwede nating pagdalhan ng ganiyang kontrobersiya ano. Ang China po hindi pupuwedeng dalhin sa International Court of Justice dahil wala po siyang consent na mag-litigate doon sa ICJ. Ang pupuwedeng gawin po ay diyan nga po sa International Tribunal for the Law of the Sea gaya ng ginawa natin, dahil by being a party to UNCLOS, she also become a party to the compulsory dispute settlement mechanism.

So, there is a probability, but the decision on whether or not to actually do so will be dictated by national interest, not only of the Philippines, but also of the different ASEAN countries. Hayaan na po nating magdesisyon sa mga bagay na iyan ang DFA but like in our domestic jurisprudence kinakailangan we need to show that the enforcement of a law will in fact violate the rights of an individual and we need to show that there is an actual case or controversy as well. Define in international as a disagreement as to fact or an issue of law dictated or provided in an international treaty or other bilateral treaties.

USEC. IGNACIO:  Question from Ace Romero para po kay Secretary Karl Chua: DTI has mentioned that families constitute a significant chunk of sales of business establishment and that is the reason why there was a proposal to relax the age-based movement restriction. Now that President Duterte decided to defer it, what would be its impact on consumption and the economy in general given that some parents do not go to malls without their children?

SEC. CHUA: Well, tama po iyong sinabi ng DTI, 30 to 50 percent ng non-essential consumption is driven by families as opposed to individuals or workers. So, may epekto talaga sa ekonomiya natin.

Pero gumawa po kami ng survey sa NEDA, even naman with the reduction of the age restriction, many parents are also going to exercise a careful approach. So hindi naman ibig sabihin kapag nag-open iyong economy, they will all go to the malls. They have to make an informed decision as well.

Pangalawa, marami rin kasing parents cannot go to work or have to do work part-time because they have to be with their children at home to take care of them, to school with them especially… like me, I have a 5-year-old, I have to school with the children. So the more children are not able to go out, even to the office or daycare or other daycare facilities, then apektado rin. So it’s not just the malls; it’s a holistic manner in which that affects everyone’s productivity and work. Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up po ni Ace Romero, Secretary Karl Chua: How ready is the Philippine government for these effects given that the rejection of relaxed movement provision goes against the effort to re-open further the economy?

SEC. CHUA: Well, thank you. As I mentioned, we use our data to inform our decision and our recommendation to the President. So every two weeks, we will look at the economic and health data, and if we see a better opening and people manage the risk better and they cooperate and they don’t spread the virus by following the minimum health standards, then mayroon po tayong opening to do so. Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Celerina Monte for Secretary Karl Chua: You have mentioned that productivity is affected because of work from home. Does that mean the economic team rather wants the workers and employees to be present in their offices despite the pandemic, heavy traffic and existence of a telecommuting law?

SEC. CHUA: Well, we want to give the workers and their employers the option. Ngayon kasi we hardly give the option eh. So we don’t want to tell workers and employers what to do. Sometimes they are more productive at home but sometimes they have to show up in the office kasi work is teamwork. You have to attend meetings; you have to run payrolls or so on. You have to meet clients. There’s a limit kasi sa Zoom or sa video or sa work from home. Sa bahay, if you try to work, your kids are running or there are other distractions and so on.

So in general, we want to relax and give the options to the workers and the employers rather than telling them, you can’t do this or you can’t do that.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Alvin Baltazar ng PBS Radyo Pilipinas, nasagot na po ni Spox Roque about EO—

Question from Bruce Rodriguez ng ABS-CBN for Secretary Karl Chua: With GDP growth only expected to turn positive year on year by the second quarter of 2021, will this make achieving government’s forecast of 6.5 to 7.5% growth rate for this year more challenging? What measures are being done to ensure these figures can be reached?

SEC. CHUA: Well, we have not seen any reason to change the projections. We already know when we proposed the projection that we will have a slow start; but by the second quarter especially because of the vaccine and the re-opening of the economy and when our recovery program kicks in fully, then we will make a strong comeback. So talagang slow start po tayo. And then we will… by the middle of the year, have a full speed ahead to achieve iyong 6.5 to 7.5% growth target for the year.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Kyle Atienza of Business World for Secretary Karl Chua: How will executive branch ensure legislative action on remaining economic reforms with window for such action narrowing due to lawmakers’ preparation for the upcoming 2022 elections?

SEC. CHUA:  Well, fortunately, iyong CREATE tapos na iyong bicam for ratification; iyong FIST [Financial Institutions Strategic Transfer] nasa Malacañang na. So we’re working on the GUIDE. And I think iyong ating window of opportunity would be a few more months before the campaign season to get the rest of the bills passed.

So we will present to Congress the urgency of having the rest of the economic bills kasi package iyong ating proposal. What’s the point for instance of lowering the taxes, providing the infrastructure and ease of doing business if investors cannot come in kasi may restrictions sa kanilang pagpasok, that’s why we’re pursuing the liberalization amendments to the Public Service Act for instance.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question naman po ni Kyle Atienza for Secretary Karl Chua: Do we need another round of stimulus to support MSMEs and other sectors hammered by the pandemic?

SEC. CHUA: Let me answer it in three manners ‘no. First of all, we have provided a total fiscal stimulus of 1.258 trillion pesos from the very start; that is 6.7% of GDP. We have already provided total monetary support and financing of 1.3 trillion pesos, that is seven percent of GDP. So ang total support na binibigay natin in fiscal, monetary or financing is 2.567 trillion or 13.8% of GPD. And many of them have not yet been implemented kasi CREATE is still to be approved in the… or ratified by Congress; iyong FIST still to be implemented; iyong Bayanihan II and the 2020 budget, hindi pa tapos iyong pag-implement. So we will have to prioritize this kasi marami po tayong prinupose na stimulus. When we implement it and we see that more is needed then we will be open to that.

Let me also mention that NEDA, the DOF and the government have conducted nine surveys on top of the regular surveys. We have reached 700,000 people, businesses, both small and large businesses and the people. And we continue to listen to them so that we can provide a better way of addressing their needs. But so far, we have a lot and we have to implement. If we need more, then we will be open for more. Thank you.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Karl Chua. Secretary Roque, tanong po mula kay Trish Terada at kay Ace Romero kung may public address daw po si Pangulong Duterte mamayang gabi?

SEC. ROQUE: Mayroon po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay so maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat, Secretary Chua at si Dr. Rommel Sergio and Mr. Lito Echiverria. At maraming salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating presidential press briefing.

Dahil wala na pong tanong, sa pangalan ng ating Presidente, Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Pilipinas, narinig ninyo po si Secretary Chua. Alam na po natin kung paano mabuhay bagama’t nandiyan ang COVID-19. Alam na rin po natin magsisimula na tayo ng bakuna. Lahat po ito ay para lahat tayo’y makabalik sa ating mga dating buhay at magkaroon ng hanapbuhay. Sana po ay pag-ingatan nga natin ang ating mga buhay para sa ating mga hanapbuhay.

Magandang hapon, Pilipinas!

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)