Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Bago po tayo magsimula ay hayaan ninyo munang batiin ko, nandito po sa ating press briefing room ngayon walang iba kung hindi ang ating NBI Director Eric Distor. Kasama po niya ang kaniyang Chief of Staff, Ernesto Macabare; si Chief Victor Lorenzo ng Cybercrime Division; at si Chief Christopher Paz ng Digital Forensics. Welcome po sa inyong lahat sa ating press briefing.

Balitang IATF po tayo ngayon: Inaprubahan po ng IATF ang IATF Resolution # 96. Ang nakasaad po dito ay ang bagong testing and quarantine protocols, epektibo po ito ng a-uno ng Pebrero ‘no, ilang araw mula ngayon.

Ano ba ho ngayon ang ating protocol pagdating sa lahat ng mga dumarating sa ating airport? Lahat po, regardless of their origin, ay required po sila mag-facility-based quarantine, ito po ay epektibo Lunes, a-uno ng Pebrero.

Now, matapos po ang limang araw – iyong pang-anim na araw kumbaga – lahat po sila ay kinakailangang kumuha ng RT-PCR test. At kung sila po ay negatibo, sila po ay iiendorso sa mga lokal na pamahalaan kung saan sila papunta, at sila po ay magpapatuloy ng kanilang 14-day quarantine.

So, uulitin ko po: Lahat po ng parating, 14-day quarantine pa rin po – five days po ay facility quarantine sa airport, makakalabas na po sila mga on the 7th day. Bakit po? Kasi po 6th day iyong testing, kinakailangan po ng isang araw for the results, so pitong araw po silang maku-quarantine sumatotal sa facility-based quarantine. Pero pagkatapos po noon, sila ay negatibo, tuloy pa rin po ang quarantine nila for the next seven days doon po sa lokal na pamahalaan kung saan sila papunta. Iiendorso po sila at hindi pababayaan na basta na lamang lumabas.

Now, kasama rin sa naging desisyon ng IATF ang pagpapaliban sa relaxation of the age-based restrictions sa mga lugar na nasa ilalim po ng Modified General Community Quarantine bilang pagsunod sa utos ng ating Pangulo.

Para matiyak naman po na tama, napapanahon at efficient ang distribution at administration ng COVID-19 vaccines, in-authorize ng IATF ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magsagawa ng kinakailangang aksyon para sa pag-procure ng services ng qualified third-party service provider para sa design approval, IT project implementation at service management ng Philippine COVID-19 Vaccine Information Management System. Ang DICT ang binibigyan ng awtoridad na gumawa ng standards para malaman ang kuwalipikasyon ng third-party service provider para magsagawa ng required services in the VIMS.

Naka-flash sa inyong screen ang functions ng Philippine COVID-19 VIMS kasama po iyan ang Citizen Vaccination Capture and Automation; Provider Management and Automation; Supply Chain Management; VIMS Dashboarding, Reporting and Analytics. So malalaman po natin kada araw at iri-report natin kung ilan na po ang nabakunahan nang malaman natin kung gaano pa ang dapat mabakunahan para makarating tayo sa 50 million ng taong 2021.

Samantala, isinama na po ang Czech Republic sa listahan ng mga bansang subject to travel restrictions dahil sa bagong variant ng COVOD-19. Epektibo mula ngayon po, a-bente otso ng Enero 2021, 12:01 Manila Time, at tatagal hanggang katapusan ng Enero 2021, ang mga banyagang pasaherong manggagaling ng Czech Republic or nagpunta sa bansang iyon labing-apat na araw bago dumating ng Pilipinas ay pinagbabawalang makapasok sa Pilipinas.

At tulad po ng inanunsiyo natin kahapon, pinili ni Presidente si Army Commanding General Lt. General Cirilito Sobejana bilang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines sa nakatakdang pagriretiro ni General Gilbert Gapay sa a-kuwatro ng Pebrero, Congratulations, Lt. General Cirilito Sobejana! Siya po ay awardee ng Medal of Valor. Kumpiyansa tayo na ipagpapatuloy ni General Sobejena ang modernisasyon ng militar at ang pagpapatupad ng mga reporma para maging ganap na propesyunal ang ating Armed Forces.

Now, COVID update naman po tayo. Ito po ang global update sang-ayon po sa Johns Hopkins: Naku po, mahigit 1oo million na or 100,746,915 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 2,170,467 katao naman po ang binawian na ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos – 25,583,630 cases, at mga namatay ay 428,791; ang India po ay mayroong 10 million plus na mga cases at 153,000 plus na deaths; sumunod po ang Brazil; ang Russia; at ang UK.

Ito naman po ang world rankings by country ayon sa World Health Organization at Johns Hopkins. Sang-ayon po ito sa World Health Organization, hindi po ito pribado, hindi po ito tabi-tabing mga organisasyon. Ang Pilipinas po ay Number 32 pagdating sa total cases – siyempre po Number 1 ang US nga po. Pagdating sa aktibong cases, ang Pilipinas ay Number 42. Pagdating sa cases per one million, ang Pilipinas ay Number 133 – nasa laylayan po tayo which is good news dahil naaalagaan natin iyong mga nagkakasakit. At saka pagdating po ng cases fatality rate, two percent, tayo po ay Number 73 – laylayan din po.

So I think ang mga figures po from WHO will indicate that we have been managing rather well iyong mga COVID cases dito sa Pilipinas. Mayroon tayong 32,384 na mga aktibong kaso ngayon ayon sa January 27, 2021 datos po ng DOH. Sa mga aktibong mga kaso, 93.8% ay mild at asymptomatic; nasa 2.4 ang severe at 3.4% po ang kritikal. Nasa 475,542 ang kabuuang bilang ng mga gumaling o 91.7% recovery rate; samantalang malungkot naming binabalita na nasa 10,481 ng binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami – 2.02% ang ating fatality rate.

Ito pong slide na ito ay nagpapakita ng confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset as of January 27, 2021. Harinawa, magpatuloy po dahil nakikita ninyo na bagama’t nagkaroon tayo ng pagtaas ng kaso, siguro po ay dahil nga sa Pasko, Bagong Taon at Traslacion, mukha naman pong bumababa muli.

Tingnan naman po natin ang total COVID-19 bed utilization rate: Umabot po sa moderate risk ang dalawang rehiyon, and CAR at paabot na rin po ang Region XI sa moderate risk. Bagama’t mayroon na pong rekumendasyon ‘no, isa po sa mga tinitingnan natin para mas mapataas ang quarantine classification ay ang bed utilization rate. Okay? So you can imagine po bagama’t hindi pa natin isinasapubliko ang CAR at ang Region XI, well, dahil nga po halos nasa moderate risk na sila, candidates po iyan for escalation ng community quarantine.

Pagdating naman po sa healthcare utilization rate as of January 24, 2021, sapat pa rin po ang ating mga kama at ang ating mga ventilators. Gaya ng aking nasabi, sa CAR lang naman po at sa Region XI ay nasa … hindi naman po iyan kritikal ‘no kung hindi moderate risk na po sila – yellow.

Okay, tingnan naman po natin ang infographic ng global vaccination campaign. Maliit po ito ‘no so pasensiya na kayo eh nais ko sanang maipakitang mas malaki ito ‘no. Pero ito po ay nagpapakita—puwede bang i-full zoom iyan? Puwede ba nating i-zoom o ganiyan lang talaga? Nagpapakita pa naman po na hindi po tayo nakukulelat bagama’t hindi pa tayo nagsisimula ng ating pagbabakuna, ang katunayan kakaunti pa lang po na mga bansa ang nagsisimula. At sa katunayan dito po sa Asya parang India pa lang ang mayroong na-administer na 806,484 at napakaliit pa lang po ng porsiyento ang kanilang populasyon ang nabakunahan na – 0.06; ang pinakamataas po talaga ay Israel. Okay, ang Israel po talaga ay nandoon sa tuktok pero kakaunti lang din po ang populasyon ng Israel – 3,208,198 na po ang kanilang nabakunahan o 35.45% ng kanilang populasyon or per 100 people ‘no. Tama nga po, 35% ‘no.

Ang UAE po—well, pagkatapos po ng Israel, ang UAE po ang pinakamataas na porsiyento – 2,248,069 na katao or 20.9%. Okay? Otherwise po, halos lahat, bukod po sa dalawang country na ito, ang pinakamataas na po siguro ay 5% which is the United States, 18, 449,288 pero sila po ay naantala na rin dahil by now eh kung hindi po ako nagkakamali parang 15 million na rin dapat ang kanilang nabakunahan, ‘no.

So, hindi naman po tayo nahuhuli at kapareho pa rin po ang balita, inaasahan nating magsisimula ang ating bakuna sa buwan ng Pebrero.

Okay! Pero ito naman po ay nagpapakita, itong slide na ito nagpapakita kung saan nanggagaling, ano iyong mga brands na ginagamit.

Ang pinaka-used brand pa rin po ay Pfizer dahil ang Pfizer po ay nag-administer na ng 35,148 doses. Mayroon po siyang 63.8% market share – ito po ay sa Israel, sa Amerika, sa UK, sa Canada, at sa EU. Pero kung mapapansin ninyo po, tatlong Chinese vaccines ang sumunod – Sinopharm, Sinovac, at CanSinoBIO, and cumulatively ang kanilang naging market share ay halos 33% po ng lahat ng mga nabakuna na sa buong daigdig. Ang AstraZeneca po ay 806,000 – maliit pa lang po – 1.5%. Ang Gamaleya po ay 800,000 – 1.5% din po.

So, huwag po kayong mag-alala, alam ko naiinip na kayo, lahat tayo naiinip na! Pero nagsisimula pa lang po ang daigdig at hindi po tayo maiiwan ng daigdig. Pangako po iyan ng ating Presidente.

Sa ibang mga bagay naman. Kaninang umaga ay nagbigay ng briefing ang ating economic managers sa ating economic performance para sa fourth quarter ng taong 2020. Dahil sa muling pagbubukas ng ating ekonomiya, according to our economic managers and I quote, “In the fourth quarter of 2020, our economy performed better with a smaller GDP contraction of -8.3%.” This brings the full year GDP contraction to -9.5. Bagamat negative, ang ating ekonomiya ay tumaas ng 5.6% ito nga pong huling quarter.

Ngayong araw din ang inaugural run ng Philippine National Railways Diesel Hydraulic Locomotive. Tumakbo ang mga bagong tren mula sa Dela Rosa Station hanggang Tutuban station. Ang mga bagong tren ay binubuo ng tatlong locomotives at 15 passenger coaches. Kaya ng mga bagong tren na magsakay ng 1,250 na mga pasahero per set/per trip.

Okay. Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Mayroon po tayong panauhin ngayon. Ang tawag po natin dito, usaping bakuna. Bakit po tayo mayroong usaping bakuna? Eh, kasi po para huwag na tayo maguluhan na ang daming mga lima-singko na hindi umano ay eksperto, tayo na po ang nag-imbita ng tunay na eksperto para mabigyan tayo ng tinatawag na vaccine education.

Kung maaalala ninyo po, kilalang-kilala ninyo na ngayon si Dr. Bravo. Si Dr. Bravo, tayo po ang kauna-unahang nag-guest diyan. Ang feeling ko nga mas magaling pa si Dra. Bravo kaysa kay Dr. Fauci. Made in the Philippines kasi. Dr. Solante, naku, humahabol po iyan kay Fauci. Parang kapantay niyan si Fauci. Ngayon po mayroon na naman tayong bagong eksperto. Siya po ay walang iba kung hindi si Professor Charles Yu, isang doktor, mayroong Master of Science, mayroon po siyang diplomate at iba pang mga qualifications.

Sir, pasensiya na po pero alam ninyo I will do an exercise that I have not done on the past. Siya po ay president ng Philippine—in the past po kasi hindi ko ipinapakita how to qualify an expert as an expert pero with your indulgence po, let me ask you a few questions po to qualify you as an expert nang malaman ng tao na sa panahon ng pandemya importante na ang pakinggan nila ay mga eksperto.

Okay lang ba ho if I ask you a few questions to qualify you as an expert in the field, sir? Para lang makita ng tao kung paano ginagawa itong prosesong ito nang hindi sila makinig sa kahit kanino lamang pagdating sa bakuna? Is that fine Dr. Professor Charles Yu?

VYU: Opo. Fine na fine.

SEC. ROQUE:   Okay. Sisimulan ko lang po ito, illustration lang ito how to qualify you as an expert.

Now, Professor Charles Yu, can you tell us where you obtained your degree or what degree did you obtain?

DR. YU: I’m a Doctor of Medicine from the UP-College of Medicine and I have a Masters in Clinical Epidemiology also from the University of the Philippines-Manila. I was a cum laude graduate of UP-Diliman BS premed po.

SEC. ROQUE:   And when did you graduate from the UP-College of Law?

DR. YU: Medicine po.

SEC. ROQUE:   UP-College of Medicine. Naku! Kasi ako taga-College of Law eh, pasensiya ka na, doc. Sinong mas matanda sa atin in other words?

DR. YU: Class of 1982 po ako.

SEC. ROQUE:   Ay, mas matanda ka sa akin. Anyway, sinabi ninyo po kayo po ay nagkaroon ng Masters in Epidemiology. Kailan po iyan?

DR. YU: This was in 1994.

SEC. ROQUE:   Okay. Now, ano ho ba iyong larangan ng epidemiology, maikli lang po?

DR. YU: Iyong clinical epi, iyong mga doktor na nag-aral ng public health at ina-apply sa clinical practice. So, parang pinagsama-samang Masters ng Public Health at Clinical Research.

SEC. ROQUE:   Ito ba hong COVID-19 ay sakop ba ho iyan ng inyong specialty field na epidemiology?

DR. YU: Yes na yes po. Kami po ay nag-a-analyze ng mga trends at saka as a clinician and internist and pulmonary specialist, we can provide a clinical perspective to the numbers and to, iyong sa mga statistics na lumalabas po.

SEC. ROQUE:   So, since 1982, kayo po ay doktor na nag-ii-specialize sa epidemiology. Ilang taon na po kayo dito sa larangan na ito?

DR. YU: I have been practicing for over 32 years and also engaged in clinical research for 30 plus years, pati clinical trial ginagawa ko po.

SEC. ROQUE:   Mayroon ho ba kayong mga asosasyon kung saan kayo ay naging officer na nagpapakita na kayo po ay respetado ng inyong mga peers?

DR. YU: Ako po ay naging president ng Philippine College of Physicians noong 2009. Ako rin ay naging past president ng Philippine College of Chest Physicians about three years ago. Ako rin iyong naging national chairman ng Philippine Coalition against Tuberculosis po.

SEC. ROQUE:   Okay. Naging past president po kayo ng PCCP iyong chest physician ‘no, mayroon ba kayong mga specialized training po bilang isang doktor bukod pa doon sa naging Masters ninyo on Epidemiology?

DR. YU: Well, ang pulmonary training ay extra training after ng three years ng internal medicine, may two years po ng pulmonology po iyon. Iyong Masters in Research inabot po iyon ng 4 to 5 years, dahil mayroon pa rin kaming thesis at saka research na ginawa rin po.

SEC. ROQUE:   Naipasa ninyo ba ho iyong specialty board exam para sa mga pulmonologists?

DR. YU: Opo, oo. Both internal medicine and pulmonary medicine po.

SEC. ROQUE:   At ang COVID-19 po dahil ang tinatamaan po dito ay ang lungs, sakop ho ba ito ng inyong field of specialization bilang pulmonologists?

DR. YU: Yes, po. In fact, most of the deaths that we are getting are from respiratory failure. Kaya aside iyong infectious disease specialist, iyong mga pulmonary specialist na nakakakita ng karamihan ng mga COVID cases sa outpatient at sa ospital po.

SEC. ROQUE:   At ngayon po, kayo ba ho ay mayroong pinagtuturuan kung mayroon man?

DR. YU: Ako po ay nagtuturo sa College of Medicine. Ako rin po ang head ng Cavite-De La Salle COVID Diagnostics Center. Ito po ay isang partnership with the government of Cavite. I actually get daily, nightly reports on the number of COVID cases in our lab and in Cavite po.

SEC. ROQUE:   Pasensiya na po kayo. Ating mga kababayan, ganiyan po ang mga tanong bago maging isang expert at dapat pakinggan bilang expert. Sir, as an expert on public health, as an expert on pulmonology, bakit po namin dapat pagkatiwalaan ang mga bakuna na na-develop ng iba’t-ibang mga kumpanya laban po sa COVID-19?

DR. YU: Ang lahat ng mga bakuna na currently available at malapit na ring i-release ay dumaan sa mas strict na criteria para makalusot. Hindi alam ng tao na sa isang bakunang nadi-develop, siguro isang daan ang nari-reject. So, dumadaan iyan sa very strict process ng mga animal studies hanggang maging phase 1 na maliit na group para ma-check lang iyong dose; phase 2 na mas maraming pasyente; and phase 3 iyong mga libu-libo iyong pasyente.

So, bago dumaan ang isang vaccine para ito ay ma-release at mag-apply ng authorization, napaka-strict po niyan, napakarami pong dinadaanan including our regulatory authorities as well as our expert panels, so dapat magtiwala ang ating taumbayan na lahat ng mga available ngayon na mga bakunang naririnig nila ay safe at effective.

SEC. ROQUE:   Okay. Mayroon po kayong power point presentation on COVID vaccine clinical trials updates. The floor is yours, Dr. Yu.

DR. YU: Sige po. Can I have the first slide po?

SEC. ROQUE:   Okay na po, nandiyan po ang first slide.

DR. YU: Itong talk ko ay shinare ko sa mga teachers sa medical schools na nagtuturo ng clinical pharmacology ‘no. So, dito ay pinapakita iyong statistics mula sa Amerika noong 2019. So makikita ninyo may mga measles doon sa taas pero ang maganda ay iyong naka-mark na green sa last column – kung gaano kalaki ang nai-eradicate ng paggamit ng bakuna, halimbawa sa measles hanggang sa polio at how effective siya para matalo itong mga sakit na ‘to. So hanggang polio, 100%; measles 99%; iyong pertussis ang pinakamababa 92% pero napakataas pa rin niyan. Importante ito dahil ang measles nakakahawa.

Ito naman ang slide, sa buong mundo at iyong coverage ng mga bakuna lalo na sa mga bata at nakikita ninyo ang title noong slide ay “Ang Tagumpay ng Mundo sa Pagdaan ng Bakuna.” In fact, lagi ko shini-share sa mga interview na dalawa lang ang bagay sa field ng public health at human history na nakapagbago at naka-save nang daang-daang milyon, if not billions of people – ito ay safe drinking water at iyong bakuna. The vaccine has been our greatest human triumph in defeating a lot of illnesses.

Pero ang pag-discover ng vaccine ni Edward Jenner noong 1796 laban sa smallpox ay kasing tanda ng discovery ng vaccine ay ang mga kritiko ng vaccine – ito iyong tinatawag nating ‘vaccine hesitancy’ o iyong parlance ng mga nasa social media, iyong ‘anti-vaxxers.’ Itong cartoon na ‘to ay lumabas 5 years after in-introduce ni Jenner iyong bakuna sa smallpox na ginawa from a cowpox. At tingnan ninyo na lang doon sa cartoon, takot na takot sila, magmumukha daw silang baka ‘pag in-injection-an sila. This picture just shows na the fear of vaccines is as old as vaccines themselves.

So ang ating bansa noon, napakataas ng confidence sa vaccine. Noong 2015 gumawa ng study ang London School of Tropical Medicine at tinanong nila kung gusto nilang magpabakuna, 93%. Pero dahil sa nangyari sa Dengvaxia controversy sa pagitan nitong mga taon na ‘to ay bumagsak nang 32%. But with the support of the DOH and the present government, umakyat-akyat na iyan to more than 60%. And it’s important to note na may mga bakuna na dapat 90% or more ang coverage katulad ng measles.

Ito siguro alam na ng mga friends natin sa media. Ito iyong latest na Pulse Asia na noong nationwide ay 47% ang parang naghi-hesitate na mabakunahan at 32% lang ang parang gusto, pero mayroon ding 21%. Isang reason po kaya ko in-accept itong imbitasyon ay to convince iyong mga nagda-doubt na kailangan tayo—we are all in this together.

So, paano po tumatalab ang bakuna? Simply put, ang bakuna ay nagwu-work sa ganitong paraan: Mag-i-inject kami ng isang bahagi noong virus, either siya’y patay na virus, pinahinang virus or nag-create sila ng parang bagong virus katulad ng mRNA at iyong iba naman ay iyong tinatawag nilang parte lang. Iyong sa COVID ‘di ba may parang may matutulis, iyon ‘yung tinatawag nilang spike protein. So iyong ibang mga second generation na bakuna sa spike protein sila tumitira.

So ang konsepto ay mag-i-introduce ka nang maliit, pinakamababang dose, ng particle ng virus; magri-react—o ang mga sundalo natin magri-react dito sa parang foreigner na ‘to; at ‘pag nagkaroon na siya ng reaction na maganda, ‘pag nagkaroon ka ng exposure sa tunay na COVID ay malalabanan mo na siya at matatalo mo na siya.

So madalas nakikita natin iyong … pinapaliwanag iyong herd immunity. Pero karamihan ng mga tao hindi naintindihan na ‘pag sinabi mong ‘herd immunity,’ hindi iyong mga binakunahan ang gusto mong proteksiyunan. So sa kaso ng COVID-19, ini-estimate na dapat 60 to 70 percent ng ating populasyon ay dapat mabakunahan. ‘Pag nabakunahan mo ang 60 to 70 percent, mapuproteksiyunan mo na ngayon iyong 30 to 40 percent na hindi nabakunahan; iyon ‘yung konsepto ng herd immunity – para maproteksiyunan mo iyong hindi nabakunahan.

Ngayon, paano ngayon iyon kung ang laki-laki ng populasyon eh ayaw magpabakuna? Hindi magwu-work iyong herd immunity. At siguro at this point gusto ko ring i-share na iyong issue na ‘personal right ko na huwag magpabakuna.’

I know the government is not forcing us to vaccinate pero if I may appeal ganito: Iyong personal right natin na huwag magpabakuna or gaya sa akin, TB expert din ako, kung ayaw mo magpagamot okay lang iyong kung hindi ka manghahawa ng mga nasa paligid mo, mga loved ones mo, mga community mo, iyong bansa mo. So that personal right to not to get a vaccine is trumped by the greater good dahil mas marami dapat ang mabakunahan para maproteksiyunan natin ang mas nakakarami.

So kahit hesitant ka, isipin mo na lang hindi lang ito para sa iyo, ito ay para sa mga minamahal mo. Ito ay para bumalik tayo sa normal na matagal na nating nami-miss. Para makita natin iyong mga lolo/lola natin, mga dati nating kamag-anak, puwede na tayo uling mamasyal, manood ng pelikula, mag-travel. Kung gusto nating bumalik sa normal kaagad-agad, then we must all support mass vaccination at lahat ng mga available na vaccines ay safe. Milyun-milyon na ang mga na-inject, mabibilang mo lang sa daliri iyong mga nagkaroon ng side effect, expected po iyon.

So, ang herd immunity ay mangyayari lamang kung mag-i-inject tayo nang mas maraming tao. At tandaan ninyo, marami sa mga umiikot diyan na mga COVID, asymptomatic – puwede rin silang manghawa. So huwag nating hintayin na lumaki nang lumaki ang populasyon ng mga may—hindi rin masyadong alam ng mga tao na iyong mga nagka-COVID na, puwedeng nagku-contribute rin sila sa herd immunity kaya lang hindi clear ang science diyan kasi maraming nagsasabi na after several months bumababa na ang immunity. Kaya kahit sa abroad, sa US at sa UK at sa Europe, binabakunahan uli nila iyong mga nagka-COVID na. Pero as I said, hindi ‘yan clear sa mga pananaliksik.

So if I may end my last slide, Sec. Harry, I’m willing to share this slides, there’s a lot more to these slides which was shared including ano iyong mga types of virus. Huwag ninyo na lang pansinin iyong price, mayroon akong isang table ng price kasi hindi update iyong price na iyan kasi mostly nakuha namin sa social media.

So, thank you for the invitation. Gusto ko lang pong sabihin sa ating mga kababayan at sa ating media partners: We need to get our act together. Hindi magwu-work kahit our government is trying so hard to secure all the vaccines at gawin mo siyang libre. Ganoon ang experience namin sa TB, kahit libre ang gamot sa Tuberculosis, kailangan i-convince natin na pumunta iyong mga tao. Kailangan natin i-assure na ang mga bakuna ay safe kaya nga kaming mga doktor ang unang nagbu-volunteer magpabakuna para ma-show na ito ay safe at dapat lahat tayo ay—let’s do this for the greater good and for the progress of our country.

Marami pong salamat.

SEC. ROQUE: Maraming, maraming salamat Professor-Doctor Charles Yu. Sir, mayroon lang po akong dalawang tanong ‘no. Eh kasi nga po maraming pinupolitika iyong bakuna, sinasabi nila huwag daw—o matakot doon sa Chinese vaccines na gumagamit ng inactivated. Pakilinaw nga ho ‘no: Ano ba itong inactivated at bakit dapat pagkatiwalaan iyong inactivated vaccines na gawa po ng bansang Tsina?

DR. YU: Okay. So, first let me introduce that I’m part of a group including Lulu Bravo, Edsel Salvaña, Minguita Padilla, Dr. Espie Cabral, Gene Solante. So—

SEC. ROQUE: Ay, mga tunay na eksperto po! [laughs]

DR. YU: Yeah. The attenuated vaccines are the oldest vaccines. Dalawandaan na ang—200 years na ang history niyan. Siya na ang may pinakamaraming experience ang mga siyentipiko at saka mga researchers at saka mga clinicians. So theoretically, siya iyong safest kasi matagal na iyan ginagamit. Ang danger lang diyan kung iyong mga mutant ay baka mas less effective siya. Pero kung iku-compare mo siya sa newer generation, mas may track record na iyan for safety so dapat hindi sila matakot particularly for some of the first ones that came out.

Iyong mga messenger RNAs also seems to show a safety profile. All I can say is, safety-wise mukhang okay silang lahat pero may mga bakuna mas gusto naming doctors kasi hindi lang iyong efficacy, mukhang masyadong obsessed iyong ating media at iyong mga nagbabasa sa social media doon sa numero noong efficacy. As Dr. Edsel says, sa amin, hindi iyong overall efficacy ang importante. Ang importante – and these Chinese vaccines have shown to be effective – hindi mamatay iyong pasyente. Mabawasan iyong hospitalizations, mawala iyong severe disease so imbes na grabe, maging mild.

Sa amin, iyong ang mas mahalaga dahil hindi mo matutumbasan iyong ‘pag namatay ‘yung iyong love one ‘no. So let’s not look at numbers, hindi iyan apples to apples – apples to orange iyan so dapat maintindihan natin iyan.

SEC. ROQUE: Well, last question lang po para maging patas. Eh doon naman po sa Pfizer, 29 na matatanda ang namatay. Dapat bang matakot sa Pfizer?

DR. YU: Okay. So iyong particular circumstance diyan, binigay nila sa pinaka-vulnerable group, iyong super matatandang group sa Europe. Eh normally yata sa isang araw eh 50 ang namamatay doon. So again, I explained it, na porke’t naturukan hindi ibig sabihin iyong tumurok—iyong vaccine ang nag-cause noong death. Paulit-ulit iyan tuwing may bagong bakuna, natatakot dahil sa social media mayroon daw namatay.

But usual explanation at I think they showed it already I think in Norway, hindi related sa bakuna. Nagkataon na may ibang sakit iyong mga iyon at talagang normally maraming namamatay every day. In fact, iyong numerong iyon as a daily count is actually lower than what’s expected. So dapat huwag kayong mag-panic dahil milyon na ang na-inject, mabibilang mo talaga iyong mga namamatay. Magpa-panic ako kung libu-libo iyong namamatay pero parang dalawang dosena/tatlong dosena pero milyon na ang in-inject – expected po iyon.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Professor-Doctor Charles Yu. I hope you can join us for our open forum in case our colleagues in the Malacañang Press Corps have questions for you.

Simulan na po natin ang ating open forum. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque and Dr. Yu.

Question from Jam Punzalan of ABS-CBN Online: Senator Risa Hontiveros is urging Malacañang to denounce what she calls China’s bullying of a Filipino fisherman who was reportedly harassed by a Chinese Coast Guard ship near the Pag-asa Island. Will the Palace do this? Why or why not?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po mayroon tayo ng separation of powers. Hindi naman po dapat diktahan ni Senadora Hontiveros ang ating Presidente at hindi na niya kinakailangan sabihin kung ano gagawin ng Presidente. Ang Presidente po ay naninindigan na siya’y Presidente ng Pilipino, puprotektahan niya ang mga Pilipino at kung kinakailangan ay paninindigan po niya ito ‘no.

So napaulat naman po na nag-file na tayo ng diplomatic protest laban doon sa bansa na sinabi ko nga po dito sa press briefing na bagama’t mayroon kang kapangyarihan na bumuo ng mga ganiyang bansa, kinakailangan ito po ay tumutupad doon sa international law na nagsasabi na pinagbabawal pa rin ang paggamit ng dahas except kung by way of self-defense or authorized by the Security Council.

Pagdating po sa illegal fishing, nakasaad po sa UNLOS, hindi nga pupuwedeng arestuhin ang mga illegal fishermen – more so, lalo na po hindi dapat sila barilin. Okay? So puprotektahan po ng Presidente ang ating mga kababayan despite, inspite of what Senator Risa Hontiveros says.

USEC. IGNACIO: Ang second question po ni Jam Punzalan: Palace reaction daw po about the lowly report saying the Philippines ranked 79th out of 98 countries in terms of their success in handling the coronavirus pandemic.

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kasi 79th kung that’s the lowest; if lowest is better or kung number 1 is better ‘no. Pero sa akin po, hindi ko pa nakikita iyan, hindi ko po alam kung ano iyong lowly. Ang pinagtitiwalaan ko po WHO. Ang sabi po ng WHO active cases, number 32 in the world—hindi, ang total cases number 32 in the world – iyan po ay dati 18. Pero iyon nga po tahimik ang lahat ‘no, hindi naman pinapansin na napakalaki nang improvement natin sa total cases.

Sa active cases mas mahusay po tayo, mas mababa ang ranking natin at ayaw po natin maging top-notcher dahil ang top-notcher diyan Estados Unidos, number 42. Sa cases per 1 million, ito po iyong objective way of looking at it ‘no, laylayan po tayo which is a reason to celebrate – 133 ang ating ranking. At ang ating case fatality rate which is I think the most important, napapababa natin ang mga namamatay, laylayan din po tayo – number 73 lamang tayo sa buong daigdig. Iyan po ang aking mas pinaniniwalaan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Yes. Thank you, Usec. Punta naman tayo Mela Lesmoras, please, PTV-4.

MELA LESMORAS/PTV4: Good afternoon, Secretary Roque. Good afternoon din po kay Dr. Charles na ating guest. On IATF policies lang Secretary Roque, just to remind the public. Anu-ano po ba iyong mga aktibidad na pinapayagan sa ating bansa at hanggang ilan iyong maaaring magtipun-tipon under GCQ areas and under MGCQ areas po?

SEC. ROQUE: Okay. Paulit-ulit po natin sinasabi diyan. Wala pong mass gatherings sa GCQ. Hanggang sampu lang po ang pupuwedeng magtipon sa GCQ. Sa mga restaurants, hanggang 70% po ang capacity, pero restaurants po iyan. Wala pong public gathering sa GCQ.

Sa MGCQ po eh ang rule po diyan is hanggang 50% capacity po ang gatherings ‘no. Kaya nga po iyan ang pinakaimportanteng diperensiya sa MGCQ at saka sa GCQ. No mass gatherings in GCQ pero mayroon pong maximum capacity pagdating sa MGCQ.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Thank you, Secretary Roque. Para lang din po alam ng ating mga kababayan. For personal events like birthday, wedding, binyag, gender reveal, hanggang ilang tao po ba iyong puwede? And the reason I’m asking is may ilang kababayan po kasi tayong nalulungkot na parang tila ‘pag mayaman puwede, ‘pag mahirap hindi. Kasi iyong ibang personalities daw po nag-a-upload pa ng vlogs and photos na tila ipinagmamalaki pa na nagagawa nila ito. Ano po ang masasabi dito ng Palasyo?

SEC. ROQUE: Well, pansinin din po natin kung saan iyong pagtitipon. Kung sa lugar na GCQ bawal po talaga ang in excess of 10. Pero sa MGCQ, hanggang 50%. Kung sa restaurant nga po pupuwedeng mag-70% ‘no pero dapat mayroong social distancing. So unang-una ninyong tanungin, huwag muna kayong mag-react: Saan ba iyang lugar na iyan? Bawal ba ang mass gathering on puwede ang limited mass gathering? Pagkatapos po pansinin ninyo: Mayroon bang social distancing? Tapos pansinin ninyo: Mayroon bang mask, hugas at iwas? At lahat naman po ng ating mga pinatutupad na quarantine rules, lahat po iyan ay ipinatutupad sa lahat ‘no. Kaya nga lang po importante tingnan saan nangyari, dahil sa GCQ bawal; sa MGCQ, limited.

MELA LESMORAS/PTV4: Sir, panghuling question na lang po. Nagkaroon po ba kayo ng communication kay Pangulong Duterte on quarantine classifications? Kailan po kaya iyong magiging announcement, sir, on this?

SEC. ROQUE: Well, may meeting po ang IATF today para maresolba ang mga nag-apela. Pagkatapos po masasapinal ang rekomendasyon at didesisyunan po iyan ni Presidente siyempre bago matapos ang buwan ng Enero.

MELA LESMORAS/PTV4: But this week po kaya, sir, iyan? May inaasahan po kaya tayong public address?

SEC. ROQUE: Siyempre po. Wala pong public address but it will be announced. I mean for the quarantine classification kasi kung magkaka-Monday address, a-uno na po ng Pebrero iyon ‘no. So baka magkaroon po ng pag-anunsiyo before the 1st of February. Sigurado po iyan, before the 1st of February.

Okay. Thank you, Mela. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, question from Leila Salaverria of Inquirer: The DFA has filed a diplomatic protest versus the new Chinese law that allows its Coast Guard to fire on foreign ships. Is Malacañang happy about this move? Is it a concern that this move would affect the admin’s efforts to procure Chinese COVID vaccines? How will it make sure South China Sea issues won’t affect the country’s access to vaccines?

SEC. ROQUE: Leila, this is consistent with our position that while states can enact laws as part of their sovereignty, they must do so in compliance with the UN Charter – prohibiting the use of force unless by way of self-defense or when authorized by the Security Council.

Additionally, iyon nga pong UN Convention on the Law of the Seas prohibits even the arrest of illegal fishermen. Eh kung ang arrest pinagbabawal at kinakailangan i-release upon posting of bond, eh bakit mo babarilin? So mayroon din pong issue diyan about breach of the UN Convention on the Law of the Sea.

We welcome the diplomatic protest of course of the DFA and this will prove that the Philippines is fully committed to the rule of law and will assert all its right available under existing principles of international law to defend its interests.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: What is the admin planning to do anything about this new Chinese law beyond the filing of diplomatic protest? Will it order intensified patrols in the South China Sea? How will this new law affect efforts to finalize and implement a Code of Conduct in the South China Sea?

SEC. ROQUE: Our independent foreign policy is intended to be friends with everyone, enemies with no one but we will protect and secure the Philippine national interest. Ang detalye po, we leave it to the Department of National Defense and the Department of Foreign Affairs, as well as the Philippine Coast Guard.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you. Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Good afternoon, Mr. Secretary. Nabanggit po ni US Secretary of State Antony Blinken na nakausap na niya si Foreign Secretary Teddy Locsin, Jr. at ipagpapatuloy ang magandang relasyon ng Amerika at Pilipinas. Nakapag-ulat na po kaya si Secretary Locsin sa detalyes nito kay Pangulong Rodrigo Duterte?

SEC. ROQUE: No information po ako as of now. But I defer to Secretary Locsin to make public the details of their conversation.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  I hope okay na. Ang mahalaga iyong kontribusyon ng mga Pilipino sa ibang bansa. Mayroon po kayang balak ang ating pamahalaan na padalhan din sila bakuna sa kanilang bansang kinalalagyan upang maging ligtas?

SEC. ROQUE: Ang plano po natin sa ngayon ay iyong mga Pilipinong nasa Pilipinas. Pero huwag naman tayo mag-alala dahil ang alam ko po iyong iba’t ibang bansa eh binabakunahan ang lahat naman.  Now, sa susunod na linggo po, kakausapin natin iyong ilang mga kababayan natin na nabakunahan na sa iba’t ibang parte ng daigdig.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Napagkasunduan ng mga Obispo na magbukas ng kanilang mga simbahan at iba pang pasilidad para magamit sa pagbabakuna. Mayroon din po kayang istratehiya ang pamahalaan para marating iyong mga malalayong pook na maaaring walang kuryente o hindi kaya ay nangangailangan ng basic services?

SEC. ROQUE:  Kumpleto po ang plano ng DOH at ng ating National Task Force kung paano mararating ang lahat ng mga Pilipino kahit nasaan sila. In fact, iyong katatapos ko lang na trip to Palawan, ang sabi nga ni Governor Alvarez at alam naman ninyo na ang Palawan ay arkipelago, napakadaming katutubo, isang buwan lang daw ang kailangan niya at mababakunahan niya lahat ng kaniyang constituents diyan sa Palawan. So, nakahanda naman po ang mga plano, although we welcome the offer of the Catholic churches.  Siyempre po, the more facilities we have, the better.

Okay, Melo, I suggest you contact your provider and complain na napuputol ang iyong connection. And if you will text to us your provider, baka iparating din natin sa NTC to tell your provider na kahit papaano make sure na hindi naman napuputol kapag tayo ay nagpi-press briefing because it’s a very bad reflection of telecoms in our country. So, okay. Thank you, Melo. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:  Secretary, unahin ko na po ito from Marichu Villanueva of Philippine Star: Iyon pong effect, kung may effect sa vaccine procurement with DFA protest on China’s passage of law on use of force at West Philippine Sea? 

SEC. ROQUE:  Wala pong epekto iyan dahil ibang usapin naman ang bakuna. Ang bakuna po is actually a humanitarian act of the entire planet Earth in response to a humanitarian disaster.  

USEC. IGNACIO:  Question form JP Soriano of GMA 7: Is Malacañang aware of the presence daw po ng Chinese vessel Jiageng that has been apparently and allegedly violating our EEZ for years according to the DFA maritime affairs office? If so, can you share to the public the actions being taken or been taken? Will this be referred to SND?

SEC. ROQUE:  If the question is if I am aware, I am not, so I will refer the matter to the Secretary of National Defense.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Good afternoon, Spox. Spox, there is this organization investigating human rights abuses and it [unclear] of the Human Rights Council. It is planning to submit their report to the UN-HCR and hoping also to present their analysis and compilation of their reports to the ICC and other parliaments in the Europe. But basically, what they are saying in summary is that the Philippines is experiencing basic sanction crime against its people. How do you wish to respond to this? And how does Malacañang want to, you know, maybe do something about it before it reaches these panels?

SEC. ROQUE:  Ay, consistent po ang posisyon natin – gumagana po ang ating sistemang legal, if they have complaints they can file, before the Prosecutors Office, if they already have the evidence. Kung wala mag-file sila sa polisiya o sa NBI. Nandito po ang director ng NBI to assure you na lahat ng complaints sa paglabag ng karapatang pantao lalo na ang patayan ay inaaktuhan nila. As a Human Rights lawyer po, napakadami kong cases ng extra-legal killings na na-refer at naresolba po ng NBI. Eh kinakailangan po gumawa ng hakbang na legal para mabigyan ng solusyon. So hindi po kami nababahala diyan. Dahil ang obligasyon po ng mga bansa pagdating sa karapatang pantao ay siguraduhin na magkaroon po ng remedy ang mga biktima doon sa sarili niyang mga institusyon na gumagana. Ang ICC po gagana lang iyan, kapag unwilling or unable ang mga institusyon na kasuhan iyong mga gumagawa ng krimen.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, just zooming in on IATF policies and law enforcement. Mari-reconsider, napag-usapan ninyo in Mela kanina ano, because of that, of course the controversial parties that happened recently, specifically many people slam how the rich and the powerful are treated versus doon sa ordinary people, sir, committing violations – about how they are treated. So with all things considered, sir, like for example the quarantine classification in the area, the venue.  This is not the first time, sir, that this happened or parang nakumpara nga iyong treatment. What does this say or this incident say about how the government exercises its power over the rich and the poor? And ano po ba, sir, iyong blanket directive in terms of law enforcement? Particularly kasi, sir, tinitingnan din dito iyong nangyari po na pagtrato doon sa nagbebenta na ang daming nag-attack sa kaniya, the poor guy na sinira pa iyong gamit niya sa pagbebenta.

SEC. ROQUE:  Again, ulitin ko po ha, always distinguish between GCQ, bawal; MGCQ, allowed na limited gatherings. Pangalawa po pagdating sa pagpapatupad ng protocols, wala po tayong kinikilala – mayaman, mahirap, babae, lalake – kung anumang kasarinlan. Kinakailangan po iyang ipatupad at itong kontrobersiyal na insidente naman na ayaw naman ninyong sabihin doon sa Baguio eh nangako naman po ang Mayor ng aking siyudad na aaktuhan po iyong mga nangyari rito. Humingi na po siya ng abiso na nagkaroon nga po nga po ng lapses at ang sabi po niya, pati sarili niyang misis ay pupuwede niyang iimposan (impose) ng fine.  So hayaan na po natin na umusad ang proseso. Buo po ang tiwala ni Presidente kay Mayor Magaling, buo po ang kaniyang respeto kay Mayor Magalong and when he says that the law will be implemented, we trust that Mayor Magalong will implement the law.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, just the EO on price cap or price ceiling po doon sa pork and chicken products. Napirmahan na po ba ng Pangulo?

SEC. ROQUE:  It’s, I think, forthcoming, pero hindi ko pa po nakikita iyong pirmadong EO itself. And as you know the consistent policy of our office, kapag hindi pa pirmado ang papel, we don’t go public with it.

USEC. IGNACIO:  Secretary, question from Aileen Taliping of Abante Tonite: Marami celebrities ang hindi sumunod sa IATF guidelines kaugnay sa quarantine protocols. Wala bang plano ang IATF na magtakda daw po ng mas mabigat na parusa o kaya ay mas malaking multa para mabigyan ng leksiyon ang mga hindi sumusunod sa basic health protocols kagaya ng ginagawa ng ibang bansa sa Asya?

SEC. ROQUE:  Hindi po IATF ang nagpapataw ng parusa, mga lokal na pamahalaan po iyan, sa pamamagitan po ng mga ordinansa.

USEC. IGNACIO:  Question from Jinky Baticados ng IBC-13: Malacañang’s take daw po of media workers inclusion in COVID-19 vaccine priority list?

SEC. ROQUE:  Isa rin po iyan sa ipinaglalaban natin, kasama iyong mga may comorbidities ‘no, so hayaan po ninyo tuloy pa rin ang pag-uusap sa IATF and tuloy pa rin iyong kagustuhan ng ilan kasama na po ako doon na i-expand iyong definition ng mga frontliners. Pero siyempre po, dahil mayroon talagang mauna, without a doubt ang dapat mauna are the medical frontliners.

USEC. IGNACIO:  Palace reaction daw po sa patuloy na pagsadsad ng ekonomiya nakapagtala ng pinakamababang GDP sa taong 2020?

SEC. ROQUE:  Kagaya ng sinabi ko po, talaga namang iyan ay resulta ng pandemya ano. Bago po tayo tinamaan ng pandemya mula po noong nagsimula ang administrasyon in Presidente noong 2016 hanggang 2018 ay consistent po tayo – 6% plus ang ating growth, we were the darling economy of South East Asia, if not Asia. Kaya nga lang kagaya ng buong daigdig sumadsad dahil sa COVID. Pero mabuting balita po, bagama’t nasa negative territory pa rin tayo, nag-improve po ang ating ekonomiya from 16.9 at the height of our lockdown, naging 11.3 at ngayong last quarter po, ay  -8.3 an improvement of about 5% clearly.

So nagagalak po tayo na kahit papaano na dahil sa pagbubukas ng ekonomiya ay unti-unti pong nag-i-improve ang ating ekonomiya. Pero mga kaibigan nakikita natin na hindi pa po sapat ang pagbubukas para tayo ay bumalik sa normal para mapigil ang kagutuman sa Pilipinas. Kaya pa po nating magbukas, mask, hugas at iwas. Kahit new variant pa po iyan mas paiigtingin lang natin ang mask, hugas, iwas, dahil nakikita ninyo kapag hindi binuksan ang ekonomiya marami talagang magugutom at mamamatay kung hindi dahil sa COVID dahil nga po sa kagutuman.

USEC. IGNACIO:  Question from Kyle Atienza ng Business World. Ang tanong po niya: Bayan Muna Representative Carlos Zarate earlier said that the national government and LGUs can buy the produce of farmers then sell them to the consumers at a subsidized rate similar to what was done during the early stages of the lockdown last year. Would the President consider providing temporary subsidy to consumers amid high prices of goods such as pork and chicken?

SEC. ROQUE: Tuluy-tuloy naman po iyong programa ng Kadiwa ng gobyerno ‘no kung saan gobyerno na ang nagbibenta nang sa ganoon nga po ay mas mapababa ang presyo, hindi na tutubuan ng mga traders. So bukod pa po diyan, iyan na nga po, nakahanda na iyong price control na i-impose natin doon sa mga produktong napakataas, at nandiyan na rin po iyong patuloy na pag-angkat natin ng baboy, ng manok mula Visayas, Mindanao at mula po sa mga lugar na wala pong ASF. Ang problema po talaga natin ay ASF pagdating po diyan sa baboy ‘no. At naging problema rin natin talaga iyong sunud-sunod na bagyo.

So huwag po kayong mag-alala, si Secretary Dar naman po ay dalubhasa rin sa larangan ng agricultural economics at gagawin po niya ang dapat gawin para mapababa ang mga presyo ng bilihin.

USEC. IGNACIO: Question pa rin po mula kay Kylie Atienza: Now that the country has seen a surge in food prices, do you think it’s high time that the Palace support a third stimulus or certify as urgent the proposed measures in Congress calling for a Bayanihan III? Do we have enough in reserve?

SEC. ROQUE: Ang ating stimulus package po, ang tawag ay 2021 budget. Nakapaloob po diyan ang mahigit isang trilyon sa Build, Build, Build na magbibigay po ng milyung-milyong trabaho sa ating mga kababayan. Sa ngayon po, gagamitin po natin bilang stimulus ang ating budget. Tingnan po natin kung hindi ito maging epektibo at kung hindi naman po, doon po tayo magkakaroon ng Bayanihan III.

Maraming salamat, Usec. Punta naman tayo kay Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Good afternoon. Sir, iyong sa AstraZeneca. The FDA announced that it has granted the EUA for AstraZeneca. Question ko, sir, is: What does it mean in terms of our vaccination program? How many LGUs have so far negotiated to use AstraZeneca; and the schedule for the first deliveries of Astra?

SEC. ROQUE:  Ibig sabihin po niyan, pagdating ng Pfizer, pagdating ng AstraZeneca, puwede na pong gamitin; wala na pong hadlang para gamitin. As far as I know, noong nagpirmahan po kami sa RFM, 37 LGUs have contracted to buy AstraZeneca. At bukod pa diyan ay mayroon ding commitment ang COVAX Facility na magbigay sa atin ng Pfizer at ng AstraZeneca. Sa ngayon po ay wala pa talagang figure na maisasabi ako ‘no. May mga binanggit si Secretary Galvez na hanggang isang milyon ang parating na bakuna natin, pero hindi ko po masasabi ano ang Astra, ano ang Pfizer at ano ang Sinovac.

JOSEPH MORONG/GMA7: The earliest delivery, sir, would we know?

SEC. ROQUE:  Definitely po in February. So hindi pa po tayo makasabi kung when Astra and Pfizer will come from COVAX, but we expect it will come ahead of Sinovac lalo na ngayong may EUA na po ang kapareho ng Astra at saka ang Pfizer.

JOSEPH MORONG/GMA7: Meaning, sir, iyong February schedule ng COVAX it could be either Pfizer or AstraZeneca ‘no?

SEC. ROQUE: Yes po.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, iyong sa community quarantine. Well, mga narinig na namin from different mayors iyong kanilang CQ for next month, but you won’t confirm kung iyon iyon because it’s subject to appeal. Now, are we going to make the announcement tomorrow, Friday, last day of the week or the weekend? Tapos you mentioned, sir, mayroon bang mga areas that are candidates for MECQ? Ito po ba iyong dalawang region, CAR and Region XI? And papaano, sir, iyong imposition noon? It’s going to be region-wide or per city or localized lockdown?

SEC. ROQUE: Kaya nga po antayin natin ang final kasi dalawa po iyong naging rekumendasyon. At although the body adopted one, the President could change the situation. So napaka-premature po ngayon na magsabi, kaya nga po nagugulat ako maraming nagsasabi ‘no. Well, there has been precedents already with the President did not go with the recommendations of the IATF. So antayin na lang po natin. Bagama’t notice has been given to… iyong mga iba’t ibang mga LGUs dahil kinakailangan naman po silang maghanda. So huwag po kayong mag-alala, maski hindi pa nasasapubliko kung ano iyong quarantines na iyan eh alam na po ng mga lokal na pamahalaan kung ano ang dapat gawin.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Dalawang recommendations, what are these and for what, for what cities?

SEC. ROQUE: Eh kaya nga po recommendations iyon eh. Antayin na lang natin kung ano ang desisyon ng Presidente.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sige. Tapos, sir, iyong mga bishops – just an additional question – they are offering to have themselves vaccinated in public. What do you think of this? And sabi ni Secretary Duque yesterday, the President still might… may might change his mind about being vaccinated in public.

SEC. ROQUE: Alam ninyo po ngayon ang problema is… we all want to boost vaccinate confidence, but I think the way to do it is through education which is what we do. Magreklamo na po ang lahat ng miyembro ng Malacañang Press Corps, pero mula po ngayon, palaging mayroon kaming eksperto na magsasabi at mag-i-educate sa ating publiko tungkol sa bakuna ‘no.

Pero sa tingin ko, iyong mga turuk-turok in public, eh depende pa rin po iyan dahil ang importante naman ay manguna iyong ating nasa prayoridad. Sa tingin ko naman, kapag nakita nila ang mga doktor, ang mga nurses ay nagpapabakuna ay pagkakatiwalaan ng taumbayan naman iyan eh. Of course, mga celebrities, mga pari bakanuhan, mas importante pa rin na makita nila iyong nakakaintindi ng bakuna na unang napabakunahan. So susundin natin in the end kung ano po iyong order of priorities natin.

JOSEPH MORONG/GMA7: So as far as the offer of having themselves vaccinated in public, the bishops, what do you think?

SEC. ROQUE:  Well, I know its well-meaning pero I will leave the matter po to the NTF. At ang sabi ko po nga po, unahin natin iyong order of priorities natin – medical healthcare workers.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir, last na lang. Sir, iyong kay Mayor Magalong. He is the Tracing Czar, he is part of the NTF, and yet he attended the party in Baguio. Wala ba, sir, liability doon si Mayor Magalong?

SEC. ROQUE:  Well, alam mo, ang personal liability is—

JOSEPH MORONG/GMA7: Given that you said that there are violations.

SEC. ROQUE: You know, on the personal liability depends kung mayroon siyang personal na ginawa. Mere attendance is not actionable. Siya ba ay nag-observe ng social distancing, siya ba ay naka-mask. So kung ganoon naman ay wala siyang liability ‘no.

Pero ang importante po, sinabi na niya there were lapses at sinabi na nga po niya, the Vice Mayor is investigating obviously kasi involved siya doon sa insidenteng iyan. Antayin na lang natin po ang mga hakbang na gagawin.

JOSEPH MORONG/GMA7: Pero, sir, what does it say? I mean, iyong mga nagpapatupad ng mga rules… can you say they are flaunting the rules?

SEC. ROQUE: I cannot come up to any conclusion kasi hindi ko alam kung nagkaroon ng personal breach si Mayor Magalong. I have not seen him in any photo indicating that he did not observe social distancing or he was not wearing a mask. So he personally may not have liability but he has said that there were lapses. And ang sabi nga niya, “Tao lang po.” So I leave it at that; confident that the matter will be investigated.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay, sir. Thank you for your time, sir.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Joseph. Punta tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: From Tina Mendez of Philippine Star for Dr. Charles Yu: Ang pagpapaturok po ba ng anti-pneumonia vaccine ay nakakatulong sa pag-lessen ng impact ng COVID-19 sa health condition ng isang tao kung mag-positive siya sa COVID-19?

DR. YU: Siguro no clear answer to that. Ang anti-pneumonia lalo na iyong invasive pneumococcal, iyong lifetime na nagpu-protect sa deadly na pneumonia will help kasi karamihan ng mga ibang COVID na namamatay hindi dahil sa virus namatay, kung hindi dahil nagkaroon ng complicating bacterial pneumonia. So kung nagkaroon ka ng injection ng lifetime na pneumonia ay maaaring makatulong iyon para mag-boost ng immunity mo. Pero itong mga pneumonias ay bacterial vaccines. Kasi may naririnig kami na, “Magpabakuna ka na rin kasi makakatulong ito para nagka-COVID ka, makakaiwas ng complication,” that is partly true. Pero kung nabakunahan ka ng pneumonia, hindi ibig sabihin ay makakaiwas sa COVID; it might reduce the mortality and morbidity lalo na sa mga elderly, mga vulnerable, iyong mga may emphysema, iyong may mga diabetes, iyan makakatulong iyan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Dr. Charles. For Secretary Roque, iyong tanong po ni Keith Calayag ng Manila Times about diplomatic protest, nasagot ninyo na po, against China. From Tina Mendez of Philippine Star: may we know why the top NBI officials are in his office or PCOO? Are there matters that the NBI is investigating in Malacañang or at the Office of the Presidential Spokesperson?

SEC. ROQUE: Sa akin na lang po iyon.

USEC. IGNACIO: Okay, Secretary. From Sam Medenilla: When does the government expect to start registering again a positive GDP growth?

SEC. ROQUE: Well, inaasahan po natin next year; kung patuloy po ang pagbubukas ng ating ekonomiya, ang estimate po ng ating mga economic planners ay magiging positibo tayo at hindi lang po iyan, baka tayo ay makabalik doon sa ating consistent 6% per annum growth ‘no bago po tayo putaktehin nitong COVID-19.

Ang inaasahan po natin pagdating po ng next year ay nasa 6% po ang ating possible growth ng 2021 at posibleng mas mataas pa po pagdating ng 2022. So, nandito po sa akin iyong briefing paper ni Secretary Karl at kung hindi po ako nagkakamali, iyon ang kanilang projections pero kinakailangan po talaga, ito po ano, 6.5 to 7.5% in 2021 and 8 – 10% in 2022 pero lilinawin ko po, this will happen kung mabubuksan po talaga ang ekonomiya.

Kaya nga po ang desisyon kung mababawasan ang pagkagutom eh nasa sa atin; kasi kung tayo po ay magpapabaya, hindi mabubuksan ang ekonomiya. Hindi magiging MGCQ ang Metro Manila kung saan 60% ng ating GDP ay nakasalalay, eh talagang hindi tayo makakabangon. Importante po talaga – ‘Mask, Hugas, Iwas.’

USEC. IGNACIO:   Okay. Thank you, Secretary Roque. Dr. Yu, thank you!

SEC. ROQUE:   Ay, wala na po pala tayong mga questions. Maraming salamat po sa ating panauhin, ang expert po si Dr. Charles Yu. Sir, we have discovered you again and I hope we can count on your further cooperation dahil importante po talaga na i-promote natin ang vaccine education sa panahon po na marami po talagang hindi naman experts na nagsasamantala para sumikat lamang at kung anu-anong mga ginagawa.

Kung papaano pong nangyari na nasira po ang vaccine confidence natin dahil dito sa mga hindi naman eksperto, na kung anu-anong kabulastugan ang kinalat, ang panlaban po natin ang mga tunay na mga eksperto kagaya ninyo. So, asahan ninyo po ang aming paulit-ulit na imbitasyon para magbigay po ng vaccine education sa atin publiko.

Maraming salamat, Usec. Rocky, maraming salamat sa—

USEC. IGNACIO:   Secretary Roque?

SEC. ROQUE:   Yes?

USEC. IGNACIO:   I’m sorry po may pahabol po si Tina Mendez, I’m sorry pero pinakiusapan po akong ipahabol ito: The public has the right to know po iyong about doon sa pagtungo ng NBI sa office ninyo?

SEC. ROQUE:   Why? Why? What is the public interest there? They are police investigation—law investigation agency and if I feel that I have been a victim of a crime then I will consult with them but because there will be an investigation, no, it’s not covered by the right to information – that is wrong! Because police investigation is always an exemption to the right to information. Okay?

USEC. IGNACIO:   May pahabol pa rin po si Tina: May we know po what is the NBI investigating? Are you filing any case?

SEC. ROQUE:   It’s now under investigation. Thank you very much—

USEC. IGNACIO:   Secretary, si Joseph yata.

SEC. ROQUE:   Joseph?

USEC. IGNACIO:   Thank you.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Sir, well, you brought it up. You are a victim of a what? Cybercrime?

SEC. ROQUE:   Well, hayaan na po nating umusad ang imbestigasyon.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Broad strokes, ito ba iyong mga recent events? Mayroon ka bang meme or whatever? I need just broad strokes of the investigation

SEC. ROQUE:   Hayaan po natin umusad, exception to right to information – ongoing investigations. Okay? We’ll leave it at that.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   But sound bite. You have the NBI there because you think that you are a victim of a crime.

SEC. ROQUE:   Sound bite? The NBI is here because the NBI is tasked by law to investigate possible offenses of existing laws, criminal laws.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   And you are filing a complaint?

SEC. ROQUE:   Well, let’s just—tingnan muna natin baka naman walang complaint talaga. Okay? Thank you very much everyone and the Malacañang Press Corps. Thank you, Usec. Rocky. And thank you, Dr. Yu. And thank you everyone sa inyong patuloy na pagtataguyod ng ating press briefing.

Sa ngalan po ng ating Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Pilipinas, nandiyan na po ang bakuna. Magtiwala sa eksperto at babangon tayo sabay-sabay. Walang maiiwan, walang iwanan!

Magandang tanghali sa inyong lahat.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)