Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Humarap sa taumbayan po muli si Presidente Rodrigo Roa Duterte para sa kaniyang regular Monday Talk to the People Address kagabi. Inutos ng Pangulo na manatili sa mga bahay or stay at home ang mga batang mula sampung taon hanggang labing-apat na taong gulang na una nang pinayagan ng IATF sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine. Nirespeto ng Presidente ang naging desisyon ng economic team at IATF, nguni’t dahil sa new COVID-19 variant kung saan may mga menor de edad na tinamaan, mas minabuti ng Pangulo na huwag ipatupad ang rekumendasyon ng IATF at pag-aralang mabuti ang new COVID-19 variant.

Muli ring pinaalalahanan ni Presidente ang publiko sa tamang pagsuot ng mask – kailangan natatakpan ng mask ang buong ilong.

Inulat naman po ni DOH Secretary Duque na dalawang lugar sa bansa ang umabot na sa critical level pagdating sa healthcare utilization rate, ito ang Davao de Oro at Baguio City. Nakipag-ugnayan na ang DOH Center for Health Development, DILG at mga lokal na pamahalaan para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso sa dalawang lugar.

Iniulat naman ng inyong Spox sa Pangulo ang status ng telecommunications sa ating bansa ayon sa report na ibinigay ng National Telecommunication Commission at ang rekumendasyon ng Department of Information Communication and Technology. Sumang-ayon po ang ating Pangulo sa rekumendasyon ng DICT, kinakailangang ipagpatuloy pa rin ang shape up. At talagang tututukan po natin ang mga telecoms para masigurado na patuloy po ang kanilang improvement pagdating sa kanilang serbisyo dahil sang-ayon po ang Presidente na dapat kapantay natin ang ating mga karatig-bansa gaya ng Vietnam at Thailand pagdating po sa bilis ng telekomunikasyon.

Usaping bakuna naman po tayo ‘no: Sa pangunguna ng ating Vaccine Czar, Secretary Galvez, inihanda ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga vaccine rollout. Nagkaroon ng simulation exercises at rehearsals sa Manila, Taguig, Makati, Mandaluyong, Caloocan, Pasig, Quezon City, Navotas at Parañaque. Binisita rin ang mga cold-chain facilities ng RITM, Zuellig at Unilab tulad ng una naming nai-report sa ating press briefing at ngayong linggo ay mga iba pang cold-chain facilities na bibisitahin.

COVID update naman po tayo. Ito po ang global update ayon sa Johns Hopkins: Higit 99.6 million na po or 99,655,985 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 2,138,251 naman pong katao naman ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos na mayroong mahigit 25.2 million na mga kaso at 420,873 deaths; pangalawa ang India; pangatlo po ang Brazil; pang-apat po ang Russia; at panlima pa rin ang UK.

Ito naman po ang world rankings by country ayon po sa World Health Organization as of January 24, 2021: Hindi naman po sa nagyayabang pero patunay po ito na ang mga Pilipino ay sinusunod po iyong pakiusap ng ating Presidente na mag-mask, hugas at iwas.

Sa total number of cases po, tayo po ay 32 sa mundo – nanggaling po tayo sa 18 noong Oktubre. Sa active cases naman po, tayo po ay number 42 sa buong mundo; ang active cases po natin ay 33,603. Sa COVID-19 cases per one million population, tayo po ay nasa 131 dahil ang kaso po natin per one million population ay 4,653 – 131 po tayo. At pagdating po sa case fatality rate o iyong mga namamatay, tayo po ay nasa number 77 – 1.99 po ang ating case fatality rate.

Well, iyong sa mga dating bumabatikos sa atin, bakit wala po tayong naririnig ngayong nag-improve na po ang ating ranking worldwide. Patuloy po tayong gagawin ang pinakakaya nating gawin para mapababa ang mga kaso ng COVID-19 at maski mayroon pong mga bagong COVID-19 variant, sumunod lang po tayo sa pakiusap ng Presidente – MASK, HUGAS at IWAS. Iyan pa rin po ang ating panlaban sa COVID-19 kasama na rin po ang tamang pagkain, ehersisyo at sapat na tulog.

Mayroon po tayo ngayon dito sa ating bayan na 29,282 na mga aktibong kaso ayon sa January 25, 2021 datos ng DOH. Sa mga aktibong mga kaso, 92.9 percent ay asymptomatic, mild or moderate; nasa 2.6 percent ang severe; at 4.1 percent naman po ang kritikal; nasa 475,422 ang kabuuang bilang ng mga gumaling or 92.3% po ang ating recovery rate. Samantala, malungkot naming binabalita na nasa 10,292 na po ang mga binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami; nasa two percent po ang ating fatality rate.

Kaya hindi tayo magsasawa po ha, kinakailangan alam na natin kung ano ang gagawin – MASK, HUGAS, IWAS!

Now, ito ang confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset. Makikita ninyo na talagang tumaas po noong mga nakalipas na tatlong araw ang mga kaso at ito na nga po iyong sinasabi natin, malamang ito po iyong surge dahilan ng Pasko.

Now, nagkaroon po ng notable increase in trend pagdating po ng first two weeks of January with cases coming in from other regions. So iyong pinakamalaki po diyan, iyong itim ay other regions po ‘no; ang NCR ay blue. Okay, sa analysis ng DOH, ito ang mga rehiyon na mayroong mga pagtaas, at mamaya po ay pag-uusapan ang classification.

Iyong mga rehiyon na may pagtaas: NCR, Region I, II, III, IV-A, VII, VIII, IX, X, XI at Caraga. Pagdating naman po sa mga high risk, kasama rito ang Kalinga, Mt. Province, Aurora, Ifugao, Catanduanes, Apayao, Basilan, Antique, Romblon, Masbate, Bukidnon, Davao Occidental, Abra, Compostela Valley, Cebu, Mandaue City, Sulu at Cebu City.

Pagdating naman po sa average daily attack rate, ang high risk ay ang Kalinga, Mt. Province, Baguio City, Benguet at Dagupan City.

Pero pagdating po sa health system capacity indicators, pagdating sa treatment, isolation at testing as of January 24, 2021, okay naman po ang ating mga bed capacity. So far, nasusunod po iyong ating 25% ng lahat ng kama ay dapat maibigay sa COVID-19 patients. Pero iyong palapit na po ng …iyong sa indicators po natin for TTMFs natin, nadagdagan po tayo ng bahagya ng TTMFs sa national, ngayon po ay mayroon na tayong 11,240 TTMFs tapos mayroon po tayong … sa Luzon ay nandiyan po iyong mga bahagyang pagbaba po ‘no, nasa screen po ‘no.

Now, ang health system capacity indicators, pagdating naman po sa testing – 211 labs na tayo; at ang accumulative tests na nagawa na natin ay 7,564,946 so umakyat po iyan ng four percent; ang positivity rate po ay 8.1% bagama’t ang 7-day daily monitoring average po natin ay nasa 35.636.

Ito po ang importante, dahil ang usaping classification po, kombinasyon ng active cases, two-week active cases at critical care capacity. Pagdating po sa mga TTMFs, iyong mga Temporary Treatment and Monitoring Facility, makikita po natin na malayo pa po tayo sa moderate. Wala pong malapit sa moderate. Lahat po tayo so far so good.

Pero pagdating po natin sa regional healthcare utilization rate, makikita ninyo po, ang CAR ay nasa moderate risk na po; ang Region XI ay halos nasa moderate risk na po. Pero titingnan po natin kung ano ang magiging diskusyon kasi nasa moderate risk palang pa naman po ang CAR at saka ang Region XI pero sana po ay mapababa ang mga kaso nang sa ganoon ay mas dumami iyong hospital beds na available. At tulad ng nai-report kagabi, ang Davao de Oro at Baguio City ay nasa critical level po. Samantala, ang Nueva Vizcaya at Agusan del Norte ay nasa high level.

Sa iba pang mga bagay, kinukumpirma ko po na ang dating CA Justice Jhosep Ylarde Lopez ay natalaga na po bilang Associate Justice ng Korte Suprema. Pinirmahan ang kaniyang appointment paper kahapon, January 25 at inaasahan ng Pangulo na paiiralin ni Justice Lopez ang judicial independence at rule of law at ipagpapatuloy niya ang mga reporma sa ating court processes. Si Justice Lopez po ay isang produkto ng UP College of Law, dati po siyang konsehal, dating city fiscal ng Manila bago po siya natalagang Court of Appeals Justice.

Isang magandang balita naman po, nag-umpisa nang dumating ang fourth generation light rail vehicles (LRV) for LRT 1 at Cavite Extension Project. Kaninang umaga ay nagkaroon arrival ceremony para sa unang batch composed of 4 out of 120 light rail vehicles na dumating mula sa Spain.

Isa pa pong magandang balita, ayon sa preliminary estimates ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), foreign direct investments to the Philippine rose by almost a third in 2020 bagama’t may umiiral na pandemya. In its latest investments trends monitor, UNCTAD said that the trend foreign direct investment flows went up 29% to $6.4-Billion in 2020 from 5-Billion in 2019.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon bilang panauhin walang iba kung hindi po ang presidente ng PhilHealth, Atty. Dante Gierran.

Pañero, thank you for joining us. Marami po kasi ang nagtatanong na mga miyembro ng media na napakadami daw hospital ngayon po, Pañero, ang nagrireklamo na hindi pa rin po sila nababayaran ng PhilHealth. Ano ba hong mga hakbang ang ginagawa natin para mabayaran iyong mga ospital na ito bagamat ang tanong po ng marami, kinakailangan ba gamitin ang ‘style PRC’ ‘no para mabayaran sila? The floor is yours, Atty. Gierran, ano po ang plano natin para bayaran po iyong mga accounts payable ng iba’t-ibang hospital from PhilHealth?

PHILHEALTH PRESIDENT GIERRAN: Good morning po, Spox Secretary Roque. Sa tanong po ninyo na kung anong gagawin doon sa mga hospitals na hindi pa nababayaran, sa totoo lang po, unang-una, we recognize na mayroon tayong pagkakautang sa mga ospital, sa mga health care providers kasi araw-araw naman may mga pasyente na pumapasok sa ospital, so nagkakaroon tayo ng utang, okay.

Now, mayroon talagang kaunting delay although sa ating computation dito sa loob, we teamed-up iyong tinatawag natin na TAT na 42%. TAT, meaning turnaround time of being health care providers. Pero of course that’s figures dahil maraming nagrireklamo.

Unang-una, one of the reasons of the delay is of course, we are under a COVID regime. Alam naman natin under COVID regime lahat tayo napipinsala, mga kilos natin, we are less liberated, hindi tayo makaalis. As a matter of fact, a lot of offices are having this kind of… sa lang ang mga tao na tinatawag na work from home. So, iyon ang rason na mayroong delay.

Isa pa po, ang delay po ay hindi lang po kasalanan ng PhilHealth kung hindi kasalanan din ng health care providers. Kasi kung minsan iyong mga applications nila may deficiencies. In effect, not all claims are good claims kasi kulang ang signature, kulang ang data, and then—these are one of the causes.

May mga application na tinatawag na ‘did not conform with the standard care’. So, ang ginagawa ng PhilHealth diyan ay ibabalik doon sa health care providers para i-comply nila kung anong requirements ang kulang. And of course, this and all are one of these many reasons na ibinabalik natin ang kanilang claims and that causes delay.

Isa pa pala, gusto ko ring sabihin na mayroon din tayong pagkukulang dito sa tinatawag nating IT. Medyo kulang pa rin tayo kasi kung napakaganda sana ng IT natin sana, mabilis ang pagbayad.

Thank you po.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Atty. Gierran. Pero pagdating po sa updates natin, iyong ginagawa po ng Presidente sa kaniyang ‘Talk to the People’, mayroon ba hong bagong nasisante, nasuspinde, natanggal na mga corrupt diyan sa PhilHealth?

PHILHEALTH PRESIDENT GIERRAN: Of course, noong unang inimbestigahan ng NBI, mayroong mga nasuspinde. Mayroong walo and then mayroong dalawa, sa ngayon yata mga umabot ng 13 ang nasuspinde.

So, if you can just imagine, Spox, na napakahirap din ng trabaho ko rito in effect that I have a shallow bill right now. So, ang ginagawa ko kung ano lang ang mayroon dito, sige magtatrabaho tayo.

So, iyan ang riyalidad dito sa ground, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at nagpapasalamat din po ako sa patuloy ninyong suporta doon sa dalawa nating whistleblowers laban sa WellMed, ‘no. Alam ko po tinutulungan ninyo ang dalawang whistleblowers na ito at sana po magawan ng paraan para iyong kaso sa WellMed ay umusad na nang mas mabilis.

Maraming salamat, Pañero—

PHILHEALTH PRESIDENT GIERRAN: Salamat, sir. Gusto kong mag-comment doon sa dalawa.

Sa totoo lang, may suweldo naman ako dito sa PhilHealth, malaki ang suweldo ko rito. Binibigyan ko iyan po, binibigyan ko nang sarili ko iyan po at ang problema natin doon, Secretary, kasi iyong kaso nila ay nasa Municipal Trial Court (MTC) so they are not qualified to be a state witness ba iyon, kasi nasa MTC lang eh. Sana kung nasa RTC, sana they will be qualified as state witness.

SEC. ROQUE: Sana po dahil kayo na ang namumuno ng PhilHealth eh magawan ng paraan na talagang masampa ulit iyong kaso laban sa mga tiwali sa hurisdiksiyon ng RTC para mabigyan pong muli ng witness protection ang ating mga whistleblowers.

So, Atty. Gierran join us for our open forum po. Talaga pong in demand kayo sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps and I hope our colleagues in the Malacañang Press Corps will raise their questions.

Simulan na po natin ang ating open forum. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Attorney Gierran, good afternoon po.

From Prince Golez of Politiko Abante: In your recent vlog interview with actress Aiko Melendez, you seem to have changed your tune about running for public office in the next elections. Are you now open to seeking election to the Senate?

SEC. ROQUE: Hindi naman po nagbago ‘no. Sabi ko nga para maging epektibo ako bilang tagapagsalita, kinakailangan eh isantabi muna iyang mga planong iyan ‘no at sabihin kung anong kinakailangan sabihin sa taumbayan. Kung ikaw kasi ay palaging nanliligaw eh limitado ang iyong puwedeng sabihin, limitado ang iyong aktuwasyon ‘no. Pero ngayon po I think I’ve been liberated, bereft of political plans, I can say what I say and in a manner that I think should be done. So hindi po nagbabago ang ating paninindigan.

Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Thank you, Mr. Secretary. I owe you one good lunch [laughs]. Salamat narito si Attorney Gierran. I just want to find out from the good Head of PhilHealth, ano po iyong PhilHealth na namana ninyo nang kayo ay mag-assume sa inyong opisina? How was it? Ano po iyong PhilHealth noon?

PHILHEALTH PRES. & CEO GIERRAN: Ang namana ko po? Namana ko po iyong kapahiyaan ng mga taong Pilipino. Pinapahiya na ang PhilHealth dahil ang mga PhilHealth daw ay magnanakaw, may IRM. Iyong iba sinasabi sa akin ng taga-PhilHealth dito nang pumasok ako bago lang, sabi niya: “Sir mag-ingat kayo sir dahil babatuhin kayo.” Kako, “Hindi nila ako kayang batuhin kasi iyong service ko bullet proof iyan, hindi nila kaya iyon.”

So all these things—all these negatives ‘no and sabi ko nga ito na, lugmok na – from all fronts, and even Congress, two House investigating PhilHealth, napakahirap and kako wala na akong magawa dito kasi lugmok na nga eh. And sabi nga sa Australia, “If you are down under, there is no other way to go but up.” I have to be positive, kayang-kaya natin ito.

Ang ano lang, tulung-tulong lang tayo. Huwag tayong magpahiya ng taga-PhilHealth, tulungan natin ang taga-PhilHealth kasi ito lang po ang corporation, ito lang po ang korporasyon na nagbibigay ng kasiguruhan doon sa mga healthcare benefits ng tao – ‘pag naoospital ka, kahit wala sa ospital because lahat ng Pilipino dito miyembro, bawat miyembro ay protektado ‘no. Kalusugan ng lahat sigurado so dito lang po.

Ito nga, kahit nga inaano natin—because of the importuning of the President na huwag muna itaas ang premium contribution ng ating direct contributors to 3.5% from 3… sige lang po, okay lang. Basta suportahan lang tayo ng gobyerno, okay. Bayad tayo ng utang natin and lahat.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Opo. Natagpuan na po ba iyong labinlimang bilyong pisong sinasabing nawawala sa PhilHealth?

PHILHEALTH PRES. & CEO GIERRAN: Sa totoo lang po, sir, hindi po nawawala, andiyan lang. On record po, ang utos po ng Senado at saka ng Lower House sabi i-liquidate. So sa ngayon po 92% na, 92% na ang liquidated. So kukonti na lang po sir at I will not allow this—I will not allow that iyong pera ng Pilipino nawala. Sir galing ako sa NBI po, hindi puwedeng mangyari sa akin iyan.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Opo. Nabanggit po sa akin na may utang pa raw po ang PhilHealth na 600 million sa Red Cross at mga 1 billion sa Medical City. Are these isolated incidents?

PHILHEALTH PRES. & CEO GIERRAN: Ang utang po natin sa PhilHealth sa ngayon is something like 400 million ‘no—No, sa Red Cross pala something like 400 million ‘no. And then sa totoo lang because mayroon pang advance noong unang ginawa, noong una—during the time of previous CEO Morales, mayroong advance daw 100 million ‘no. So sa total po, ang natira na lang something like mga 300 million na lang po.

And our history of payment is klaro. Sige-sige naman ang bayad natin basta lang matapos ang validation ng mga test ‘no. So kabuuan nga po’y ang nabayad na po natin is 3.4 billion something ‘no, iyon ang nabayad natin ngayon. So kanina nga may napirmahan ako tseke, something like 100 million ‘no, tatlong tseke iyon eh. So sa totoo lang po, binabayaran naman po natin kaya lang all those submissions ng Red Cross ay subject to tinatawag natin na validation po.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Opo. Iyong sa Medical City, 1.052?

PHILHEALTH PRES. & CEO GIERRAN: Pina-check po natin iyan, sir. Sa totoo lang po hindi naman ho 100 million ang utang eh. Kasi may mga claims po na binabalik, sabi ko nga kanina may mga claims na not so good claim ‘no, not so good claims so binabalik iyan dahil may depekto. And then to do that, we give instruction on what to do para ibalik nila iyong claims na previously denied for some reasons and then eventually we will reprocess that again.

And saka totoo lang, mayroon tayong tinatawag [unclear] para bigyang remedyo. Mayroon tayong opisyal na pinapadala doon sa mga regions ‘no, iyong tinatawag nating reconciling officers para i-reconcile ang two conflicting records. So iyan ang ginagawa natin sir para maibsan iyong mga utang natin. Sir, utang iyan ng gobyerno, utang ng PhilHealth iyan, utang iyan dahil sinisiguro natin iyong health benefits ng ating mga kababayan so hindi puwedeng hindi bayaran ng gobyerno iyan.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: One last point, sir. I just want to find out how financially stable is PhilHealth today compared with other health insurances in the region, let’s say ASEAN?

PHILHEALTH PRES. & CEO GIERRAN: Ah kung ano lang po, kung PhilHealth lang po, we have money. We have money… as a matter-of-fact, sige naman po, sige-sige naman po ang ating koleksiyon, may collections naman tayo. At saka mayroon pa naman tayo in the event na medyo mahirapan ng collection, mayroon pa naman tayong reserve fund – reserve funds something like 132 billion po as of November 30 of last year, 132 billion. So just in case doon natin kukunin pero mayroon pa naman tayong pera.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Okay. Maraming salamat po. Thank you very much. Thank you.

PHILHEALTH PRES. & CEO GIERRAN: Thank you, sir. Welcome po.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Melo. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Question from Jam Punzalan of ABS-CBN: Kamakailan daw po sinabi ni CHEd Chairperson de Vera na pinayagan na po ni President Duterte ang limited face-to-face classes para po sa mga piling courses. Anong mga kurso po ito at saang areas?

SEC. ROQUE: Well, ito po ay para sa medical and allied programs. Ito po ay sa mga med schools and iyong mga medical allied programs. Sa mga higher educational institutions sa MGCQ at para po sa mga higher educational institutions in GCQ areas with base hospitals that cater to COVID-19 patient. Ito po ay para hindi tayo maubusan ng mga doktor ‘no, kung hindi po magpapatuloy iyong mga face-to-face na mga doktor and allied medical profession.

Nauna po nito, pinayagan po ng IATF na mag-resume iyong face-to-face clinical internship program ng UP-PGH ‘no at ito po ang memo po ni Executive Secretary came after the IATF Resolution po na pinapayagan na nga iyong UP-PGH internship program.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat. Trish Terada please of CNN.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi. Good afternoon, Spox. Sir, kagabi po si Secretary Galvez, he sought the President’s help in a campaign to boost vaccine confidence. In what way does the NTF or IATF want the President to help? I asked also, sir, because I’m wondering kung iyong vaccination po ng Pangulo ay final na po ba talaga na it will be done privately or was there some sort of change of mind after humingi ng tulong ni Secretary Galvez kagabi?

SEC. ROQUE: Well, sa communication plan po, importante ang Presidente. Kung napapansin ninyo, iyong ating kampaniya na ginawa dito sa OPS, iyong ingat-buhay para sa hanapbuhay, in the end, the endorser was the President himself na nagsasabing tatlong salita lang naman ‘no – Mask, hugas at iwas.

So sa mga ganoong paraan po, we recognize that the President is the best communicator for the NTF and our anti-COVID -19 efforts.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, iyong vaccination po ng Pangulo, final na po ba na it will be done privately?

SEC. ROQUE: I think so, he has said so. Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak so hindi pupuwedeng public.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Okay. Sir, doon na lang po sa contact tracing. Bakit daw po nabawasan iyong budget for contact tracing? Because, I remember, si Sir Benjamin Magalong said that nag-expire daw po iyong contracts ng mga hinire [hired] na contact tracers on December 31 and 15,000 lang po iyong na-rehire due to budget constraints. Is the government or the IATF considering na dagdagan po iyong pondo for contact tracing given na ito nga po, nagkakaroon tayo ng spread o dumating na po itong UK variant dito sa ating bansa?

SEC. ROQUE: You know, Trish, I really doubt na babawasan natin ang budget for contact tracers at this time ‘no. Pero ang nangyayari kasi, marami doon sa mga hindi plantilla positions ay nag-expire sila last December. May entire office, except for those occupying plantilla, have not received their paychecks kasi ganoon po iyong nangyari sa gobyerno ‘no – after last year, kinakailangang ma-renew ang mga kontrata ng mga non-plantilla personnel. At I think that is the case also with the contact tracers. Pero mari-renew din naman po iyan at mari-receive din nila iyong mga suweldo nila.

But I’m telling you, in my office, it’s around 60% of the people na wala pa pong sahod din dahil nag-expire ang kanilang appointments as of December.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So kumbaga, sir, hindi naman po maapektuhan iyong contact tracing? Kumbaga ibu-boost pa ba po natin, do we see the need to boost contact tracing efforts at this time?

SEC. ROQUE: Kung ang karanasan po nila ay karanasan ng aking opisina, may utang lang po ang gobyerno sa kanila – iyong kanilang suweldo noong a-kinse. Pero I think it is forthcoming, iyong renewal ng mga kontrata.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Okay. Thank you, Secretary. Salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Trish. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Question from Allan Nawal of PNA para po kay ATTY. GIERRAN: There are those who have paid daw po their premiums under the new table. Will the excess amount be prorated to their next contribution if the new contribution schedule is suspended?

ATTY. GIERRAN: Ano na lang iyan, ma’am, sa nagtanong, iyong sobra po sa bayad na ano dahil dinifer [deferred] nga natin iyong pag-collect ng 3.5% year 2021, it will be treated as advance payment na lang.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Attorney. Secretary Roque…

SEC. ROQUE: Thank you. Joseph Morong of GMA, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Good afternoon. Sir, iyon lang pong kahapon sa desisyon ni Presidente. Can you tell us the kind of discussions that you had with the President as far as revoking the relaxation of the age restrictions? Were there sentiments na baka the government is worried na if we allow the 10 to 14 to go out, baka masisi kapag dumami iyong cases because of the new variant? Can you just give us the rationale why the President revoked the IATF? And then, address lang, sir, the sentiment ‘no na bakit parang urong-sulong tayo at pabagu-bago iyong mga desisyon ng gobyerno?

SEC. ROQUE: Wala pong discussion. What you saw and heard is what the President said. Ang sabi po niya, stay home muna ang mga 10 to 14 kasi nga may bagong variant. At doon sa karanasan ng Bontoc, pati bata nahahawa. Samantalang dati, iyong normal variant ay parang kakaunti iyong mga batang nahahawa. So habang wala pa tayong masyadong alam tungkol sa new variant, stay home na muna. Bagama’t sinabi nga ni Presidente, naintindihan ko naman kung bakit kinakailangan ganiyang magdesisyon, kaya lang siyempre ‘no tatay at lolo po ang ating Presidente, ang kaniyang pangunahing concern ay pangalagaan ang kalusugan ng ating mga kabataan.

So iyon lang po iyon. Habang hindi pa tayo masyadong maraming alam sa bagong variant, stay home muna po ang mga bata. Ang your second question is?

JOSEPH MORONG/GMA7: Bakit parang urong-sulong tayo sa—

SEC. ROQUE: Ay, hindi po.

JOSEPH MORONG/GMA7:—policies that we’re implementing.

SEC. ROQUE: I don’t think so ‘no. Kasi IATF was created by the President to assist him as a recommendatory body. In fact, the IATF has no legislative foundation other than exercise of executive power.

So hindi naman po tayo nag-uurong-sulong. As far as I know, this is the second time na ni-revoke ni Presidente ang isang rekomendasyon. Iyon una po iyong pilot face-to-face sa mga eskuwelahan pero in-explain din po niya ‘no na dahil nga sa new variant iyan ‘no. Kung walang new variant eh sana natuloy iyong ating pilot ng face-to-face school experience. Ngayon po, ito na namang 10 to 14 dahil din nga po sa new variant. So sa tingin ko naman po ay maiintindihan ng taumbayan kung bakit ganito ang desisyon ni Presidente because we don’t know enough about this new variant.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, by Friday ba, sir, are we expecting any announcement from the government as far as the new community quarantines for February are concerned?

SEC. ROQUE: We’re meeting in the IATF at 2 P.M., and we’ll be submitting our recommendation to the President. Like last time, the President announced it or authorized its announcement even prior to the filing of appeals ‘no. Pero I think from the report of Secretary Duque, makikita ninyo iyong areas kung saan talagang tumaas iyong 2-week attack rate at kung saan nasa kritikal na iyong ating healthcare capacity.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, before I go there. When are you going to announce the new quarantines?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam. When it’s actually decided ‘no, when it has been recommended by the IATF and when the President authorizes his announcement.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yeah, the areas that Secretary Duque mentioned last night, what’s going to happen to those? And then iyong mga binigyan ninyo ng data na 2-week growth rate na mataas and average daily attack rate and also health system, can we expect a tightening of community quarantine for these areas, the ones that you mentioned and Secretary Duque mentioned last night?

SEC. ROQUE: Ilang minuto na lang naman po ay magmi-meeting na ang IATF, so huwag na po natin silang pangunahan. Pero established naman po ang criteria natin, iyong attack rate at saka iyong healthcare utilization. So I guess you can say na iyong mga nasa critical care, iyan po ay isang ground for escalation pero babalansehin naman po natin dahil may iba pa tayong mga factors na tinitingnan, kagaya ng social factor at saka economic factor.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, just one last question. Can we say now na iyon pong bagong COVID variant has contributed to the increase of cases in the Philippines or in specific areas? And given that, sir, ‘di ba mayroon kayong proposal before na you’re looking at declaring some areas under the new normal. Now, because of the new variant, are we … parang hindi muna tayo magdi-declare ng mga areas under new normal because of the threat of the faster spread of the new variant, sir?

SEC. ROQUE: Again, this is a collegial decision. In principle, IATF agreed na iyong talagang wala nang community transmission, bakit hindi. But we still have to see kung mayroon pa ngang areas ngayon with the new variant na walang community transmission. Let’s wait and see.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon pong increase in the number of cases, we cannot attribute that whether it’s coming from the new COVID?

SEC. ROQUE: Limited pa lang po iyong niri-report ng ating DOH na mga kaso na new variants ‘no, so I’ll leave it at that. Maliit pa po iyong mga numbers na nairi-report ng DOH. But given iyong increase infectiousness ‘no, siyempre po inaasahan natin iyong pagtaas din.

Bagama’t paulit-ulit po nating sinasabi, bagama’t new variant po siya, pareho pa rin ang ating panlaban ‘no, iyong mask, hugas at iwas.

Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. From Keith Calayag ng Manila Times: The President po promised to give vaccines to soldiers and their families. Ipag-uutos din po kaya ng Presidente na bigyan din ng libreng bakuna ang pamilya ng medical frontliners as they are also putting their own lives on the line now that the country is facing COVID pandemic?

SEC. ROQUE: I do not know po. I cannot add, I cannot subtract to what the President said. Sinabi po niya isasama niya iyong pamilya ng men in uniform.

USEC. IGNACIO: Question from Virgil Lopez: The Commission on Higher Education has approved the return to limited face to face classes for students of medicine and allied health sciences will the President also reconsider CHED’s approval given his concern about the UK variant of the coronavirus?

SEC. ROQUE: Well, sa tingin ko po, number one, you cannot second guess the President; pero number two, obvious po ang dahilan kung bakit kinakailangan na magpatuloy ang training ng mga doctors dahil kapag hindi natin ipinagpatuloy iyan eh darating po ang panahon wala tayong graduates and at the time of pandemic, we need all the doctors we can have.

USEC. IGNACIO: Opo. Question for PhilHealth chief Atty. Gierran from Virgil Lopez po: The Philippine Red Cross daw po said PhilHealth has yet to formulate a package for the coverage of saliva test for COVID-19. Will PhilHealth include saliva test in the benefit package for COVID-19 testing?

PHILHEALTH PRESIDENT GIERRAN: Mayroon ng study ginawa ng ating mga kasama dito sa PhilHealth and welcome for us itong saliva testing because it’s less intrusive. And on our studies on our recommendation even pricing will be… what we call this… will be tossed to the meeting we will be having tomorrow with the board of directors, bukas po.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you po. From Sam Medenilla, for Secretary Roque: May desisyon na po kaya si President Duterte sa proposal daw po ng Department of Agriculture to issue a new order to implement price freeze para po sa pork products?

SEC. ROQUE: Hintayin na lang po natin ang desisyon pero it was a recommendation made by the authorized Cabinet Secretary and it’s a matter of time po before the President acts on it. Kaunting hintay lang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Ibi-verify lang po namin kung magkakaroon po kaya ng Cabinet meeting today to discuss the government’s economic recovery plan for COVID-19?

SEC. ROQUE: Wala pong Cabinet meeting today.

USEC. IGNACIO: Question from Vanz Fernandez: With the passing daw po of the Chinese Coast Guard Law allowing the Coast Guard to take more direct action against foreign vessels, what is the official diplomatic response of the Philippines to this development and what will the AFP and DND do in a situation that this may cause an incident that may potentially escalate tensions?

SEC. ROQUE: Sinabi na po ni Secretary Locsin wala naman po tayong diplomatic moves na gagawin diyan, it’s their law.

USEC. IGNACIO: From Tina Mendez ng Philippine Star: Ayon po kay sa Secretary Roque ay pinag-aaralang mabuti ang pagpapaluwag ng age restriction. Hindi po ba na-consult ang IATF ang Presidente bago niluwagan ang age restriction sa mga edad 10 hanggang 14 years old? Bakit hindi natimbang ang kaso ng new variant sa unang desisyon sa easing of age restriction, kailangan pa tuloy i-revoke ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Ang sa akin po, the President ultimately decides on matter under the jurisdiction of IATF dahil extension lang po ng Presidente ang IATF; so wala pong issue doon, whatever the President has decided prevails.

USEC. IGNACIO: Opo. Question naman po mula kay Ace Romero, patanong daw po ito: Dahil Trade Secretary Lopez says failure to reopen economy and ease age-based restriction may backfire and may negatively affect the economy, livelihood, and even the health of Filipinos. How is government bracing for this given that the President halted the relaxed age-based restriction?

SEC. ROQUE: Wala pong issue iyan dahil unang-una, tinitingnan lang naman natin talaga kung ano pong epekto ng new variant sa kabataan. Kung maging malinaw po na wala pa ring masyadong epekto iyan sa kabataan, bakit hindi naman po, ‘no. At ito po ay sa mga lugar na MGCQ. ‘no, so wala pong inconsistency. Hintayin lang po natin kung ano pang malalaman natin tungkol dito sa new variant because the whole world is actually studying kung ano itong new variant na ito?

USEC. IGNACIO: Secretary, last question na po ito mula pa rin kay Ace Romero: What are the possible effect of this prolonged age-based restriction on the economy given that a huge chunk of sales according to DTI comes from families?

SEC. ROQUE: Well, inaasahan po natin na unang-una, hindi nga po siguro ito permanente ‘no. Malapit na rin naman pong matapos itong ating problema sa COVID, nandiyan na po ang bakuna, huwag po nating kalimutan iyan, ‘no. Bakuna po iyong solusyon at anytime in February magsisimula na po tayo.

Ang plano po natin is within the year matapos lahat iyang bakuna na iyan, so hindi naman po ito magtatagal na. Mayroon din pong katapusan itong ating paghihinagpis sa ilalim ng pandemya, kaunting hintay lang po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay. So, kung wala na po tayong mga tanong, I’d like to thank Atty. Gierran. Thank you very much, President Gierran. As you experienced talagang marami po talagang tanong ang ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. And thank you for joining us, I appreciate it very much.

Maraming salamat, Usec. Rocky and maraming salamat po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Alam ko po marami talagang naiinip na pero ito na po iyong sinasabi ni Presidente. Hindi na kinakailangang maghintay pa nang matagal. Pebrero – magsisimula na po tayo ng ating pagbabakuna at huwag din kayong maniwala sa kritiko ng gobyerno na nangungulelat dahil ang katotohanan po, sabay-sabay lang po tayo ng karamihan ng ating mga karatig bansa sa ASEAN na magbabakuna. Dalawa po sa ating karatig-bansa ay nagbakuna na pero kakaunti lang iyan, ang lahat po ay magiging kasabayan lang natin.

Pilipinas, gaya ng sinasabi ng ating Pangulo, we will all heal as one.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)