Press Briefing

Press Briefing of Cabinet Secretary and Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles


CABSEC KARLO NOGRALES: [COVERAGE CUT] … lingguhang Talk to the People address. With the elections just four and a half months away, the President appealed to all candidates to exercise utmost caution and prudence in the conduct of political rallies.

Nagbigay din ng paalala ang Pangulo sa ating mga kababayan na sumasama sa mga gathering na ito na ituloy ang pagsunod sa ating mga health protocols. Ang babala ng Pangulo, tayo ay nasa pandemya pa at ang mga ganitong malaking pagtitipon ay maaaring maging super spreader events.

As we have been reiterating in all of our briefings, yes, it is true that the number of new and active COVID cases in the country is down significantly. It is also true that there is a new variant of concern and it is likewise true that we have seen cases of COVID surge in other parts of the world. The government is doing all it can to prepare and be ready for the potential threat posed by the Omicron variant.

Just recently, the World Health Organization lauded the country for our genomic sequencing capacity to detect the variants of COVID-19. WHO country representative Rabindra Abeyasinghe said that the Philippines is, and I quote, “Doing a lot more genome sequencing than many other countries in the region.” Kaya malinaw po na kailangan pa rin natin mag-todo sikap, magtrabaho at mag-ingat laban sa COVID.

Kaugnay nito, nananawagan ang Pangulo, sa Commission on Elections (Comelec) na tiyakin na masusunod ang social distancing sa campaign rallies. Nagbabala ang Pangulo sa panganib ng re-contamination kung hindi masusunod ang mga safety protocols sa panahon ng kampanya.

The President’s message is clear: To sustain the progress we have made in containing COVID, we must continue the measures that have contributed to the positive strides we have made. Continue to wear your mask, continue to wash your hands, continue to observe social distancing, continue encouraging everyone who has not been vaccinated to get a jab. Kapag tinuloy natin ang mga hakbang na ito, tuluy-tuloy po ang ating maligayang Pasko.

Speaking of elections, muling tiniyak ng Pangulo ang isang honest, peaceful, credible at free elections. In the words of the President, the administration will be neutral.

Samantala, ipinag-utos din ng Pangulo sa mga ahensiya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan na bantayan ang sitwasyon ngayong may paparating na bagyo at magsagawa ng lahat ng kinakailangan na paghahanda. Hinikayat din ng Pangulo ang publiko lalo na ang mga nasa lugar na dadaanan ng bagyo na agad na lumikas kapag mayroong advisory ang kani-kanilang LGU.

Inatasan din ng Pangulo si Secretary Eduardo Año na maghanda ng drug war report na nakasaad kung gaano karami ang iligal na droga na nasabat o nakumpiska ng mga awtoridad sa loob ng kanyang termino.

Nagbigay din ng kanyang ulat si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr kagabi sa Talk to the People. Ayon sa kanya, may inaasahan tayong 24 million doses ng COVID-19 vaccines this week. This is an unprecedented figure according to our Vaccine Czar dahil pumapalo lamang tayo ng, on the average, seven million doses per week sa ating previous deliveries. Dahil sa steady supply ng vaccines, maaaring i-expand ng pamahalaan ang pag-a-administer ng booster shots sa general population simula first quarter ng 2022, ayon kay Secretary Galvez; gagawin na itong by phases. It bears stressing that we are now able to talk about booster shots because we have an ample supply of vaccines.

So, for those who have not yet gotten vaccinated, there really is no excuse not to get your shots. Hindi po tayo magsasawa at mapapagod na ipaalala sa ating mga kababayan, magpabakuna na po kayo especially since we have another round of National Vaccines Days – more on this in a short while.

Sa usaping bakuna: Nagpapasalamat kami sa mamamayan ng The Netherlands at ang Dutch government dahil natanggap namin kagabi, December 13, ang 1,526,400 doses ng Janssen vaccine na kanilang donasyon; ito ang unang batch ng donation ng The Netherlands. Inaasahan na may darating pang 23 batches ng nasabing bakuna ngayong buwan na pawang donasyon pa rin ng Dutch government. Maraming, maraming salamat po sa inyo.

Kagabi rin dumating ang 859,950 doses ng Pfizer vaccines na binili ng ating pamahalaan. Nasa halos 55 million ang first doses na na na-administer, almost 38 million ang nakatanggap ng two doses habang nasa mahigit 3.6 million ang nakakuha ng single dose ng Janssen.

Samantalang nasa mahigit 800,000 ang booster shots na in-administer. Suma-tutal ay nasa higit 97 million ang total doses administered ayon sa National COVID-19 Dashboard as of December 13, 2021.

Bukas na po ang simula ng second round ng National Vaccination Days kung saan pitong milyon ang target natin na mababakunahan.

Samantala, sa mga lugar na maapektuhan ng paparating na bagyo, nagbigay ng advisory ang National COVID-19 Vaccination Operations Center na gagawin ang second round ng Bayanihan Bakunahan sa December 20 to 22, kasama dito ang Region V, ang MIMAROPA sa Luzon, ang Region VI, VII and VIII sa Visayas, at Region IX, X, XI, XII, CARAGA at BARMM sa Mindanao. Sa mga lugar naman na hindi ko nabanggit ay tuloy pa rin po bukas hanggang December 17 ang inyong Bayanihan Bakunahan.

Kaugnay pa rin ng Bayanihan Bakunahan, naglabas din ng advisory ang Civil Service Commission na nananawagan for volunteers para sa second round ng ating National Vaccination Days. Part of the Civil Service Commission advisory reads, and I quote, “The Commissions enjoins all government agencies and their officials and employees irrespective of position rank and status to volunteer. Volunteers shall be considered on official business and in the performance of their functions and shall be entitled to official travel allowances and other related expenses subject to the availability of funds and pertinent accounting, auditing and budgeting rules and regulations. Agencies are advised to assign a focal person to coordinate with the DOH Regional or provincial office concerned to facilitate deployment orientation and training of volunteer government employees if necessary.”

Mamaya ay makakasama natin si Undersecretary Maria Rosario Vergeire para pag-usapan ang Bayanihan Bakunahan Round 2. Tulad ng narinig ninyo kagabi, patuloy ang pagtanggap ng volunteers para sa National Vaccination Days. Sinu-sino ba ang puwedeng mag-volunteer? Maaring tumulong ang sinuman para sa vaccination team or data management teams ng LGU nila, may health or medical background man or wala. Para sa vaccination team puwede po ay doctor, nurse, dentista, pharmacists, midwife, first responder paramedic, medical intern at clerk at iba pang allied health professional. Para naman sa data management team, dito po papasok ang mga data professionals, guro at school personnel, accountant, estudyante, kawani ng pamahalaan at iba pang non-health professionals.

For close to two years, we have been hailing our medical frontliners as our new heroes. And right now, they stand to benefit if a greater percentage of our population is vaccinated. The past few days, we have seen posts from major hospitals in Metro Manila who happily report that they have no new COVID cases or that the number of regular medical cases outnumber their COVID patients – ito po ay resulta ng malawakang pagbabakuna. Our medical frontliners in Metro Manila will have more time for their families because we have been able to vaccinate a substantial portion of our population in the National Capital Region. Now, we have to replicate this around the country; and to do this, we need as many generous, helpful and heroic hands as possible. Sa mga gusto pong tumulong mag-register lamang sa link na makikita ninyo sa inyong screen.

Pumunta po naman tayo sa COVID-19 update: Nasa 360 ang mga bagong kaso ayon sa December 13, 2021 COVID-19 Case Bulletin ng Department of Health. Nananatiling mababa ang positive rate po natin, nasa 1.1% na lamang ito. Sana po ay magtuluy-tuloy ito at maging below 1%. Nasa 97.8% naman ang porsiyento ng gumaling; nasa mahigit 2.7 million ang naka-recover.

Malungkot naman naming ibinabalita sa inyo na kahapon, 61 ang naidagdag sa bilang ng mga pumanaw dahil sa coronavirus. Nasa 1.77% ang ating fatality rate at ito ay nananatiling mas mababa sa 2% global average. Nasa below 30% naman ang ating hospital utilization rate.

In other matters, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) reported that Foreign Direct Investments increased 43.8% from $5.1 billion in September of 2020 to $7.3 billion in September of 2021. With a shift towards Alert Level 2 allowing more businesses to increase their capacities, we expect more economic activities including an increase in Foreign Direct Investments in the months to come.

Pumunta naman po tayo sa ginagawang paghahanda ng national government kaugnay sa pagdating ng Tropical Depression Odette. Ang Department of Social Welfare and Development as of December 13, 2021 ay may nakahandang stockpile at standby funds amounting to P951 million na may breakdown as follows: More than P87 million standby funds in the central office and field offices. Sa nasabing amount, mahigit P19 million ang available bilang quick response fund sa central office. Samantala, mahigit namang 300,000 na family food packs na nagkakahalaga ng mahigit P224 million; other food items amounting to more than P215 million; at non-food items amounting to more than P423 million are all available.

Bago tayo pumunta sa open forum kasama ang MPC, muli naming binabati ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na si Bea Luigi Gomez sa karangalan na binigay niya sa bansa, landing among the top 5 finalists in Miss Universe. Hawak ng Pilipinas ang longest streak of winning placements sa Miss Universe – 12 magkakasunod na taon. Patunay sa ganda at galing ng Pilipinas.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Bago tayo pumunta sa tanong ng MPC, kausapin muna natin si Usec. Vergeire tungkol sa Bayanihan Bakunahan na magsisimula po bukas.

Undersecretary Vergeire? Usec. Vergeire, kumusta ang paghahanda natin for Bayanihan Bakunahan especially in light of the expected Tropical Depression Odette at iyong mga adjustments na ginagawa natin on the ground where we expect na dadaanan ng tropical depression na ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Good afternoon, Cabinet Secretary Karlo Nograles. And magandang hapon po sa inyong lahat.

Ang Department of Health po ay nakikipag-ugnayan na sa ating national vaccine operations cluster headed by Secretary Charlie Galvez and of course with the National Disaster and Risk Reduction Management Council kung saan po nakapagbigay na po ng approval ang ating Presidente katulad ng sinabi ninyo kanina na ipo-postpone po, ire-reschedule ang mga ibang lugar sa ating bansa for this National Vaccination Days in anticipation po dito po sa parating na bagyo.

So, we will have regions in Visayas – Regions VI, VII and VIII; Regions in Mindanao; and also Regions IV-B and Region V na isasagawa po natin ng December 20-22 na po ang National Vaccination Days. At iyon pong nasa NCR, CAR, Region I, II and III and Region IV-A will still push through with our National Vaccination Days tomorrow, December 15 ang umpisa hanggang December 17.

We will still have the same targets po katulad po ng mga napag-usapan at nai-announce, we will have seven million targeted individuals to be vaccinated for this National Vaccination Days kung saan may kanya-kaniya na pong targets ang bawat rehiyon. So, kahit po na-delay po tayo or na-reschedule tayo to next week for the other regions, the targets will be the same.

So, sana po ay makuha pa rin po natin iyong tulong ng ating mga kababayan, ng ating private sector, non-government organizations, lahat po ng puwedeng mag-volunteer. We have our sites where you can be able to register para makapag-volunteer. It is not too late yet, maaari pa ho tayong sumama at makilahok at tumulong para po dito sa National Vaccination Days.

If you remember, we reached at least 9.9 million during the first National Vaccination Days last November 29 – December 1. So, sana po maipakita ho natin uli ang ating spirit of bayanihan with this coming second phase of our National Vaccination Days para maabot din po natin iyon target natin nating of seven million and we can vaccinate those who are still unvaccinated in our population.

Iyon lamang po, Cabinet Secretary.

CABSEC. NOGRALES: Maraming, maraming salamat, Usec. Vergeire. Sa mga miyembro ng MPC, paunahin na nating sumagot sa katanungan si Usec. Rosario Vergeire dahil mayroon pa siyang isang pupuntahan.

So, without further ado, Usec. Rocky, questions for Usec. Vergeire muna.

USEC. IGNACIO: Opo. Good afternoon, Sec. Karlo, kay Usec. Vergeire at sa MPC.

Unang tanong po para kay Usec. Vergeire from Lei Alviz ng GMA News: Ano po ang paliwanag ng DOH sa issue ng syringe na binanggit ni Secretary Locsin? Kumusta po ang supply natin ngayon? Hanggang kailan po maku-cover ng ating inventory o pang-ilang buwan pa ito? Similar question with MJ Blancaflor ng Daily Tribune.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So unang-una po, gusto ho lang namin ipaalam sa ating mga kababayan, wala naman po talagang issue sa ating mga hiringgilya. Ito pong ating mga hiringgilya na atin pong kailangan para sa COVID-19 vaccination, mayroon ho tayong sapat na supply. Bagama’t ang atin pong ideal ‘no na ginagamit for these Pfizer vaccines would be the .3 ml na hiringgilya ngunit because of the global shortage across the globe, tayo po ay gumagamit ngayon ng alternative which are the tuberculin syringes. At nakapagbigay po tayo ng pondo sa iba’t ibang mga rehiyon natin para makabili tayo nitong alternative natin na syringe.

We also have received already our supplies from UNICEF, about 3.6 million worth of .3 ml syringes na naipakalap na natin po sa iba’t ibang rehiyon. Doon po sa mga ibang mga pangangailangan natin, sapat naman po at sapat ang ating mga pangangailangan for now.

So with these syringes, these are the .3 ml syringes, mayroon ho tayong parating pa na mga around 40 million sa unang parte ng taon next year. So we are forecasting na pagdating po ng next year, we will have enough supplies of these .3 ml syringes.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Usec. Vergeire, tumataas na ang kaso ng Omicron sa UK at may naitala na ring isang namatay dahil sa variant. Ikukonsidera ba ng DOH na isama ang UK sa red list countries?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Red ‘no. So actually mayroon ho tayong ginagamit na metrics para makapag-classify tayo ng bansa as to red, yellow and green. Sa kasalukuyan po ang United Kingdom, ang kanilang incidence rate ay mataas ngunit ang kanilang two-week growth rate po at one-week growth rate ay hindi po pumasok doon sa threshold para maging red listed country. So ngayon they are still part of the yellow listed country. We are monitoring the situation daily at kung sakaling ang mga bansa ay biglang umabot doon sa threshold na tinatawag natin based on our metrics, we immediately classify them into red countries kahit wala pa po doon sa time period of assessment for the IATF. Pero sa ngayon, UK is in the yellow listed countries.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Red Mendoza: Usec. Vergeire, sinabi po ni OCTA fellow Dr. Guido David na ‘pag pumasok ang Omicron sa Pilipinas magkakaroon ng isang seryosong surge base sa datos ng South Africa na umabot sa 200% ang pagtaas ng mga kaso. Nababahala po ba ang DOH sa mga lumalabas na figures na ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well iyan po ang ating iniiwasan, Usec. Rocky ‘no. So as soon as we heard the reports that there was this new variant of concern which was the Omicron variant at nakita ho natin at minu-monitor natin ang sitwasyon sa ibang bansa, tayo po ay nagkaroon na ng revised protocol sa borders natin para mas mabantayan po natin at ma-delay natin ang pagpasok nitong Omicron variant.

Ngayon pong nakikita natin na doon sa South Africa ay pumuputok ang mga kaso, kung makapasok man ang Omicron dito, sana po ‘no nag-work ang ating border control at na-delay natin kahit papaano at nakapag-prepare tayo. Pangalawa, comparing our country to South Africa, there are a lot of differences – unang-una na iyong vaccination coverage. Sa South Africa po, they have about 23% of their population vaccinated.

Dito po sa Pilipinas based on total population, we are at about 37% vaccinated at halos more than 50 million na po ang may first dose ng bakuna, at patuloy pa rin ho tayong nagra-ramp up ng ating pagbabakuna. So with all of these interventions that we are doing, hopefully we do not have this kind of situation like South African countries right now.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Vergeire. Secretary Karlo…

CABSEC NOGRALES: Yes. Maraming salamat! Sa ating mga kaibigan mula sa MPC who is joining us via Zoom, mayroon ba kayong mga katanungan para kay Usec. Vergeire?

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Spox Karlo, good afternoon. Sir, just one question for Usec. Vergeire from me.

CABSEC NOGRALES: Yes, go ahead.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: This is Trish Terada. Hi! Good afternoon, Usec. Vergeire. Ma’am, just a clarification po doon sa nabanggit ni FDA Chief Eric Domingo. Did we understand it right that iyong bakuna for children would require a new purchase because it requires a different formulation? Tama po ba iyon? Do we have appropriations or are we ready to purchase if ever?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Trish ‘no. So iyon pong mga bakuna para sa bata kasi, ang sinasabi po ng Food and Drug Administration base sa pag-aaral, hindi siya bagong formulation pero mas konti iyong dose na ibibigay sa kaniya. So kung ganoon po ang pagbabasehan natin, ibig sabihin parehong bakuna pa rin – hindi natin kailangang bumili ng panibago. Ngunit ang dosing nila magkakaiba versus the adult dose na mayroon tayo ngayon.

Kung saka-sakaling magkakaroon ng mga bagong pormulasyon ng bakuna at kailangan nating bumili, mayroon ho tayong na-approve na sa budget natin for 2022 na nakalaan naman para sa booster doses ng ating mga adults at saka para sa mga kabataan 0 to 11 years old. So we have the budget for that.

CABSEC NOGRALES: Mayroon pang katanungan for Usec. Vergeire from MPC? Wala na? Usec. Rocky or we go to Mela? Mela Lesmoras ng PTV.

MELA LESMORAS/PTV4: Good afternoon, Sec. Karlo, Usec. Vergeire.

Sec. Nograles, unahin ko lang po kasi December 14 na ngayon at bukas ay mapapaso na iyong umiiral na Alert Level 2 sa buong bansa at maging iyong mga travel restrictions. Itatanong ko lang po sana just to manage the expectation of the public din. Kailan kaya magkakaroon ng panibagong anunsiyo sa bagong alert level at travel restrictions sa bansa?

CABSEC NOGRALES: Mayroon po kaming IATF meeting mamaya pagkatapos po nito. So asahan po ninyo na maglalabas kami agad ng advisory or statement kung kinakailangan.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, Secretary Nograles, kasi nalalapit na ring magsimula iyong simbang gabi at alam naman natin na maraming mga kababayan tayong nagpa-participate dito. Ang IATF po ba ay magkakaroon din ng separate guidelines para sa simbang gabi o ang susundin lang din po ay kung ano iyong alert level na iiral sa isang lugar?

CABSEC NOGRALES: Opo. We already have sufficient guidelines na nailabas na rin po natin so susundin lang po natin iyong mga guidelines na iyan. Although obviously sa IATF meeting mamaya ay maaring pag-usapan din namin ‘yan. If ever maglalabas na naman siguro ng reminders ‘no ang DOH pati ang PCOO at ang aming tanggapan – reminders lamang sa pagsunod ng mga umiiral na na guidelines for our respective alert levels – especially when it comes to religious gatherings, kasama na diyan iyong simbang gabi.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo and sa bagyo naman, sa Bagyong Odette. Secretary Nograles, I understand na talagang handa na iyong ating iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ukol dito. Pero may mga ekspertong nagsasabi na talagang malakas at matindi iyong magiging pagtama nito kung hindi magbabago iyong mga kasalukuyang datos. Si Pangulong Duterte po ba ay nagpaplanong makipagpulong or makausap talaga iyong mga lokal na pamahalaan ng mga lugar na tatamaan nito? At iyong iba nagwu-worry lang na baka mayroon nga tayong better Christmas sa COVID-19 situation pero tatamaan ng bagyo. Ano po kaya iyong masasabi rito ng Malacañang?

CABSEC NOGRALES: Iyong NDRRMC naman po natin ay patuloy na nagmu-monitor pati na iyong whole-of-government natin. In all our respective mandates and jurisdictions, ginagawa na po natin ang lahat ng paghahanda na kinakailangan nating gawin at ang pakikipag-ugnayan natin sa mga local government units. So we are monitoring this tropical depression very closely, we’re putting everybody on alert at kung kinakailangan magpatawag ng meeting si Pangulo before, during or even after ng pagdaan nitong tropical depression na ‘to mag-elevate siya into a typhoon ay gagawin naman po natin. Si Pangulong Duterte naman ay mabilis naman umaksiyon ‘pag kinakailangan.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuli na lamang po, Secretary Nograles. Kasi alam naman natin—from Malacañang side lang po kasi tuloy pa rin iyong pagpapalitan ng mga matatapang na pahayag nina Secretary Duque at Secretary Locsin tungkol pa rin sa issue ng syringes. According to Secretary Duque sa isang interview niya sa PTV kahapon ay ibi-bring up na niya ito kay Pangulong Duterte. Napag-usapan po ba ito kagabi noong magkaharap-harap ang ilang miyembro ng Gabinete at si Pangulong Duterte? At ano po kaya ang masasabi ni Pangulong Duterte para maiwasan na iyong mga ganitong isyu na mismong mga Cabinet members po ay nagkakaroon ng mga magkakaibang pahayag?

SEC. NOGRALES: Well, sa Talk to the People kagabi ni Pangulong Duterte, hindi naman siya kasama sa agenda doon. So, hindi napag-usapan doon sa Talk to the People per se. Subalit nakarating naman po itong bagay na ito sa Office of the President, at asahan po ninyo na kami po, tayo po ay magkakaroon tayo ng mga updates at mabibigyan din ng linaw ang lahat ng ito sa susunod na pagkakataon.

MELA LESMORAS/PTV: Okay. Thank you so much po, Secretary Nograles, kay Usec. Vergeire at kay Usec. Rocky.

SEC. NOGRALES: Okay. Back to you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Mela. Secretary Karlo, tanong mula po kay Llanesca Panti ng GMA News Online: Is the Palace in favor of BSP’s decision to erase faces of Filipino heroes who died defending our country from Japanese forces on the 1,000-peso bill?

SEC. NOGRALES: Actually, nasagot na po ito ng BSP. At kagaya ng sinabi ni BSP Governor Diokno, ang sinabi naman niya na iyong P1,000 bill natin that shows the faces ng ating heroes and martyrs na si Jose Abad Santos, si Vicente Lim at so Josefa Llanes Escoda ay mananatiling in circulation naman po. At itong bagong P1,000 bill featuring iyong Philippine Eagle po, iyan po ay iyong polymer series po natin na ginagawa naman po ng BSP as a test circulation din para malaman natin at ma-validate po natin kung totoo nga iyong polymer is more hygienic, more environmentally friendly and more secure kaysa sa mga dati nating ginagamit na materials for our peso bills. So, hindi po ma-demonetize ang ating P1,000 bills featuring our three national heroes and martyrs. Ito lamang ay iyong featuring iyong Philippine Eagle ay for test circulation lamang po to test the polymer material.

USEC. IGNACIO: Opo. So, ang second question po niya: Does this mean that erasing Filipino heroes on the Philippine bank note is now the policy of the administration? Similar question with Leila Salaverria ng Inquirer.

SEC. NOGRALES: Again, paliwanag ng BSP, ito po ay test circulation lamang na if the timeline is correct, it will be done, according to BSP, on April 2022. So, kabilang iyan ng test circulation para nga to validate the polymer material kung ito ay environmentally friendly, kung ito ba ay more hygienic especially in light of this COVID-19 pandemic that we are still currently facing, and if it is more secure.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question niya: Is there a need for such policy of erasing on heroes on bank notes as far as the Palace is concerned?

SEC. NOGRALES: Again, iyong P1,000 bills that features our three martyrs and heroes will not be demonetized. So maliwanag po iyon sa paliwanag ng BSP, through BSP Governor Diokno.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Karlo.

SEC. NOGRALES: Okay, salamat, Usec. Rocky. Let’s go now to Triciah Terada.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Secretary Karlo. Sir, follow up lang po doon sa BSP new design. Many did not like the new design and iyon nga po nag-express ng sentiments that they prefer the photos of the World War II veterans in the bank note. Will the President heed the call, sir, na ibalik po iyon? Although nabanggit nga po ninyo hindi idi-demonetize, pero hanggang kailan, sir, itong test run na ito? Ibig sabihin po ba, kung halimbawa sasabihin natin maging successful, ang ilalagay po doon sa polymer are still our heroes or the faces of our heroes?

SEC. NOGRALES: I think sa timeline, Trish, kung tama iyong pagkaintindi natin lahat, April daw magsi-circulate iyon, that will be part of the test circulation. So, after that, as it runs its test circulation, I don’t know how many months it will take for them to be able to verify or validate iyong advantages nga ng polymer. So by that time, actually frankly speaking, this is only for test circulation. So, we will now be, aasahan na lang natin sa BSP kung gaano katagal iyong test circulation. If indeed April pa magsisimula iyan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, kumbaga, sir, temporary lang po itong pagpalit ng design?

SEC. NOGRALES: According to BSP, they say it’s cyclical ang pagpi-feature ng different bank notes, number one. Number two, again apart from validating the advantages, the so-called advantages ng polymer, it also will help them in terms of ensuring na mas secure ang ganitong klaseng bank note. So with that, then I think ganoon iyong paliwanag ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Pero, sir, itong appeals ng mga tao and nagiging reaksiyon ng publiko sa pagpapalit ng design, although we see it could be temporary, nakarating na po ba ito kay Pangulo? And how did he react to this? And can you help us understand, why he decided this way kasi marami nga pong pakiramdam nakakainsulto ito sa kasaysayan at saka sa mga nagawa ng ating heroes?

SEC. NOGRALES: Well, iyong emphasis naman talaga ng BSP in doing this whole exercise is for security purposes ‘no, apart from testing the polymer material and part of it also is iyong paliwanag din ng BSP na iyong P1,000 bills kasi natin is one of the most sinusubukan na i-fake, ‘di ba, and it is the most widely circulated bill. Although, maraming security features naman presently ang ating P1,000 bills kaya hindi agad at madaling pekein ang P1,000. The BSP is constantly developing ways and means to ensure that hindi mapipeke ang bill na ito especially since it is our highest denomination.

So that was the explanation of the BSP and together with the test circulation nitong bagong polymer material is the change in design. But again, with the assurance na itong pagtsi-change naman ng design is cyclical and nagtsi-change lang iyong features and, again, it’s just for test circulation.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, sir, as far as the President is concerned, tuloy pa rin po itong pagpapalit ng design or itong test run?

SEC. NOGRALES: Yes, but also with the assurance na hindi natin i-demonetize iyong ating P1,000 bills that features our three martyrs.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, one last question from my end. Hihingi lang po kami, sir, ng statement and kung ano po iyong intervention na gagawin ng Palasyo with regard to hospital severing ties with PhilHealth. Kasi last Friday, sir, seven hospitals already decided to cut their ties with PhilHealth. And iyong group of private hospitals also said na hindi lang iyong seven hospitals sa Iloilo, mayroon din daw pong hospitals sa Mindanao and Northern Luzon. Ano po ang plano dito? And ano po ba iyong nagiging problema kung bakit until now, hindi pa rin po ma-resolve iyong isyu with PhilHealth?

SEC. NOGRALES: According to PhilHealth, they have this new debit-credit payment method that is supposed to enhance and speed up the payments to hospitals. And sabi ng PhilHealth, using this debit-credit payment method or DCPM – they have actually had two waves of this already – again to accelerate and facilitate the payment of the hospitals, and they are set to release a third wave of DCPM. So, ang panawagan po ng PhilHealth sa lahat ng mga hospitals is to avail of this DCPM payment method, especially since they are now going through and preparing for the third wave.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: May appeal po iyong Malacañang sa hospitals who are planning to cut their ties with PhilHealth?

CABSEC NOGRALES: Well, ang directive lang naman sa PhilHealth is to immediately makipag-ugnayan agad sa mga hospitals and to—si Pangulong Duterte has already issued a directive in previous, previous Cabinet meeting namin na to pay the hospitals immediately, bayaran ang mga ospital. So because of that directive, nagkaroon nitong Debit Credit Payment Method which, again, nag-two waves na nga. And then now, PhilHealth is already preparing everything to do the third wave.

So ang panawagan ng PhilHealth sa mga hospitals ay to cooperate with their DCPM method so that mas mabilis bayaran.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Spox Karlo. Salamat po.

CABSEC NOGRALES: Salamat, Trish. Usec. Rocky, back to you.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ibigay ko na lang muna itong tanong ni … follow up question ni Tuesday Niu ng DZBB: After daw po ng validation na mas maganda iyong polymer materials, ibabalik na rin po iyong faces ng tatlong heroes sa one-thousand-peso bill kapag nag-mass printing ulit sila gamit ang polymer?

CABSEC NOGRALES: Sa pagkakaalam ko ‘no, ang BSP ay mayroon po silang committee or a body that does the designs. Then from there ay dadaan sa proseso iyan, and then from there, then—it will follow daw the process. So ayaw ko ring pangunahan ano ang magiging desisyon ng BSP with regard to ano iyong magiging design ng one-thousand-peso bill na iyan after the test run.

USEC. IGNACIO: Okay. Iyong tanong po mula kay Ivan Mayrina ng GMA, nasagot mo na, Secretary, about doon kay Secretary Locsin.

Maricel Halili ng TV5: Request po ng statement from Palace regarding doon daw po sa secret plot to invade Sabah?

CABSEC NOGRALES: Fake news po. We will not anymore add any statement to that, but that is actually fake news.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong po ni Ellison ng Manila Bulletin ay nasagot ninyo about doon sa possible IATF guidelines for Simbang Gabi. Ang tanong ni Joel Pelenio ng DWIZ ay nasagot ninyo na rin sa inyong presentation, Secretary, about doon sa pag-apruba ng rekomendasyon ng DOH at ng NTF doon sa second round ng vaccination dahil po sa Bagyong Odette. Same question po sila ni Leila Salaverria ng Inquirer, ni Rosalie Coz ng UNTV at ni Aileen Taliping ng Abante Tonite.

Tanong po ni Joel Pelenio ng DWIZ: Ano raw po ang epekto ng kanselasyong ito sa kabuuang target ng vaccination ng pamahalaan? Ang follow up naman po ni Rosalie diyan: Ilan na po ang target doses na mai-administer sa December 15 to 17 kung mapu-postpone po sa ibang lugar?

CABSEC NOGRALES: Yes, narinig natin si Usec. Vergeire kanina at nabanggit niya nga po na the target remains the same, iyong seven million na target po natin para sa Bayanihan Bakunahan. But because of this tropical depression na minu-monitor po natin ay minabuti po natin na iurong muna ‘no iyong magiging affected regions and provinces, na instead of December 15 to 17 ay gagawin na lang pong December 20 to 22 para iyong affected provinces ay makapag-concentrate sa any quick response na kinakailangan pagdaan po nitong tropical depression na ito. Then after that, we anticipate by December 20, 21 and 22 ay magiging all clear na po for the Bayanihan Bakunahan Phase 2 to be conducted. Again, lahat ng mga provinces at lahat ng mga regions, maging ang cities and municipalities ay mayroon pong mga set targets per locality.

At ang panawagan nga po natin sa lahat ay if we all meet our targets, then collectively ay we will all collectively meet the 7-million mark set for Bayanihan Bakunahan Phase 2.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang follow up po ni Rosalie Coz ng UNTV: Confident pa rin ba tayo na maabot ang 54 million Filipinos fully vaccinated by end of 2021 or magbabago tayo ng target?

CABSEC NOGRALES: Yes, confident po. And we are confident in not only our LGUs but also sa ating mga kababayan dahil lahat naman po tayo ay kailangan magtulungan para maabot natin itong 54 million target natin na fully vaccinated by end of 2021.

Iyong Bayanihan Bakunahan ay maging malaking tulong po sa pag-abot natin sa target na iyan. And ang panawagan po namin sa mga nakapag-first dose na na who will be needing their second dose at naka-schedule na second dose nila on December ay take advantage po natin itong Bayanihan Bakunahan. Marami kasi sa ating mga kababayan na naka-first dose will be due for their second dose pagpatak ng mga December 20 onwards. So panawagan po natin sa lahat na kailangan mag-second dose ay magpa-second dose na po tayo.

Panawagan naman din po natin sa mga employers, whether or not its Bayanihan Bakunahan National Vaccination Days, kung kinakailangan magpa-second dose or kahit first dose ang ating mga kababayan, ang inyong mga empleyado at workers ay hayaan po natin; huwag natin i-mark as absent; kasama po iyan sa ating resolution and guidelines ng IATF. In fact, let’s encourage our fellow employees, our fellow workers to get vaccinated and get fully vaccinated kung kinakailangan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Leila Salaverria ng Inquirer: How does the Palace address lawmakers’ concerns that the erasure of the historical figures denigrates their contribution to Philippine history and makes them casualties of retail revisionism?

CABSEC NOGRALES: Again, iyong one-thousand-peso bill po is just for …the new design is for test circulation and the design featuring our three national martyrs ay hindi po ma-demonetize; patuloy pa rin siya in circulation. Patuloy pa rin siya na gagamitin ng ating mga kababayan; hindi po siya ma-demonetize.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Rosalie Coz ng UNTV: Ano po ang reaksiyon ng Palasyo sa apela ng OFWs na ibalik sa three days iyon pong facility-based quarantine period para raw po makasama ang kanilang pamilya nang mas mahabang panahon ngayong holiday season? May mga greater chance ba na ma-extend ang travel restriction at bakit?

CABSEC NOGRALES: Mayroon kaming IATF meeting mamaya at maaaring isa po iyan sa mga pag-uusapan namin. Of course, alam po namin iyong concerns ng ating mga kababayan na OFWs, mga returning Overseas Filipinos po natin, mga kababayan natin na umuuwi dito sa ating bansa so pinag-uusapan po namin iyan sa IATF at patuloy naming pag-uusapan iyan mamaya sa IATF meeting namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong po ni MJ Blancaflor ng Tribune: Has the President discussed with Health Secretary Duque the 50 million syringe procurement deal which did not push through?

CABSEC NOGRALES: Gaya ng sinabi ko kanina, nakarating na po itong bagay na ito sa Office of the President at asahan po ninyo na kami po ay magbibigay ng mga updates at magbibigay po kami ng … as we go along sa ibang mga pagkakataon ay we will continue to provide you updates on that.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ang follow up po niya: Will he intervene to address and stop the … in fighting in his Cabinet? Similar question with Lei Alviz ng GMA and Red Mendoza ng Manila Times.

CABSEC NOGRALES: We’ll continue to give updates na lang on that as we go along.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong po ni Maricel Halili ng TV5, iyong tungkol sa new travel guidelines, nasagot ninyo na po dahil effective until tomorrow na, December 15.

From Aileen Taliping ng Abante: Ipinapaabot ng mga biyahero mula Cavite, baka raw po hindi pa alam ng Palasyo, nagtaas na po ng singil sa pasahe ang mga bus mula 45 pesos bago mag-pandemic. Ngayon, 65 pesos na po and other bus ay 70 pesos. Twenty to 25 pesos po ang itinaas, at hindi alam kung aprubado ba ito o may basbas ng LTFRB. Sana daw po ay ma-clarify ito ng Palasyo.

CABSEC NOGRALES: Amin na po iyan kinol [called] iyong attention ng LTFRB. Ni-refer na po namin iyong concern na iyan sa LTFRB.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula po kay Miguel Aguana ng GMA News: In terms of provision for education, a UNESCO report shows 30% of households borrow for school’s expenses such as uniforms and school supplies, although public schools [education] are free in the country. What are we doing to support these families?

CABSEC. NOGRALES: Actually, nagtutulungan naman po ang national government at ang LGUs dito sa pagbibigay natin ng mga kagamitan sa ating mga estudyante ‘no. So, it’s really a partnership between national government and ang ating mga local government units.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: How much have we so far spent for public education in primary and secondary levels?

CABSEC. NOGRALES: The DepEd (Department of Education) has the exact figures so I will have to refer you to DepEd.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina ng GMA News: Sa pagdinig po sa Senado, inireklamo ng mga farmers sa La Trinidad, Benguet ang mga smuggled na mga gulay mula po sa China lalo na at peak season pa naman daw ng mga gulay ngayong Disyembre. Nang tanungin po ni Senator Lacson ang DA at Customs kung paano nakakapasok ang smuggled na gulay ay tila nagturuan ang dalawang ahensiya at hirit ni Senator Lacson, baka may nangyayaring inter-agency conspiracy. Ano daw po ang reaction ng Palace?

CABSEC. NOGRALES: Wala pong inter-agency conspiracy na nangyayari. The Bureau of Customs and the Department of Agriculture are working together para ma-curb po itong mga smuggling ng gulay at smuggling per se.

At napakaimportante po ng kooperasyon at mga information na puwedeng ma-supply ng ating mga kababayan. Kung mayroon po kayong nalalaman about smuggling whether sa gulay man iyan o sa ibang bagay ay agad pong isumbong sa kinauukulan.

Mayroon po tayong Hotline 8888 na prinisinta din po ni Executive Secretary Medialdea kagabi sa Talk to the People ni Pangulong Duterte. Nakita ninyo naman na napakarami na pong mga inireklamo sa 8888 na agad binigyang-tugon ng inyong pamahalaan. So, the hotline is there for purposes of people to report immediately to us kung mayroon ba kayong nalalaman, kabilang na rin po diyan iyong sa smuggling.

So, we continue to crackdown on illegal smuggling. We continue to crackdown siyempre doon sa smuggling ng mga gulay dahil alam naman po namin na ang tatamaan talaga dito ay ang ating mga magsasaka at mga mangingisda.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kris Jose ng Remate/Remate Online: Ano po ang reaksiyon ng Malacañang sa pormal na pag-atras ni Senator Bong Go sa presidential race? May napipisil na po ba ang Pangulo kung sino po ang susuportahan niya sa pagkapangulo sa eleksiyon sa susunod na taon? Similar question po iyan ng kay Maricel Halili ng TV5: What’s next for PDP-Laban? Will the Party support any candidate from the line-up?

CABSEC. NOGRALES: This is relatively very new development on the ground, so we will continue to provide you updates as it comes along. Ganoon din po iyong sa partido ng PDP-Laban. Siyempre mag-uusap pa iyong mga miyembro, mga opisyales ng aming partido at ganoon din po sa any comments from the Palace, we will provide the updates as we go along kung kinakailangan at kung si Pangulong Duterte rin naman po ay kung kailangan niyang magsalita ay gagawin niya sa tamang oras at panahon.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: May commitment na po kaya ang Congress kung kailan po masa-submit ang 2022 National Budget sa Malacañang? If yes, kailan po kaya ito?

CABSEC. NOGRALES: Sa pagkakaalam ko kasi na dapat ay tatapusin na po nila iyong Bicam this week; ma-ratify dapat ng House of Representatives at ng Senado ang Bicameral Conference Committee Report ng budget this week. At aasahan po namin na agad nilang ipapadala sa Malacañang, sa Palasyo para sa pagpirma ni Pangulong Duterte.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po si MJ Blancaflor ng Daily Tribune: May we get Palace’ clarification on President Duterte’s pronouncement last night that his Administration will be neutral in the 2022 election? Does it mean na wala po siyang iendorso sa pagkapangulo? Ano po ang ibig sabihin niya sa pagiging neutral?

CABSEC. NOGRALES: Lahat naman ng civil servants, lahat naman ng workers in government are required to be neutral sa eleksiyon. So, iyon lang po iyong reminder ni Pangulong Duterte sa lahat ng mga civil servants is to remain neutral during elections.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Karlo at sa MPC.

CABSEC. NOGRALES: Maraming, maraming salamat, Usec. Rocky at sa MPC, and of course, thank you to Usec. Rosario Vergeire ng Department of Health.

Ngayong gabi ay forecasted ang pagpasok ng Tropical Depression Odette. Nanawagan kami sa lahat lalo na po sa mga residenteng nakatira sa direksiyong tatahakin nitong bagyo na mag-ingat, mag-imbak ng pagkain at tubig, ihanda ang flashlight at mga baterya kung sakaling mawalan ng kuryente at makipagtulungan sa inyong local government units sakaling mangangailangan ng paglikas sa mas ligtas na lugar.

Stay safe po, stay dry, maging laging handa at higit sa lahat, manalangin tayo sa kaligtasan ng ating mga kababayan.

Mga kababayan, uulitin ko po, sa mga pagkakataong ito, kailangan nating magtulungan.

God bless! Maraming salamat po.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center