Press Briefing

Press Briefing of Cabinet Secretary and Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles


CABSEC NOGRALES: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.

Over the weekend, we have been making important announcements due to the recent developments with regard to the new COVID-19 variant which the government has been monitoring closely.Yesterday, Sunday, the Inter-Agency Task Force or IATF was convened and approved several resolutions. Una, inaprubahan ng IATF ang paglagay sa Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy sa ilalim ng red list simula November 28, 2021 hanggang December 15, 2021, bukod pa sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique na una na nating inanunsiyo noong Sabado.

Ano po ang ibig sabihin nito? Hindi pinapayagang makapasok ng Pilipinas ang lahat ng mga pasaherong galing sa red list sa loob ng nakaraang labing-apat na araw anuman ang kanilang vaccination status. Tanging mga Pilipinong pabalik ng Pilipinas via government initiated or non-government-initiated repatriation at Bayanihan flights ang pinapayagang makapasok. At isasailalim pa rin sila sa umiiral na protocols sa entry, testing at quarantine para sa red list countries, jurisdictions or territories.

Sa mga pasahero naman na in transit na and all those who have been to the above-mentioned red list within 14 days immediately preceding arrival to the Philippines who arrive before 12:01 A.M. of November 30, 2021 – that’s about 12 hours from now – pinapayagan silang makapasok sa Pilipinas subject sa entry guidelines. Nguni’t kailangan nilang sumailalim sa facility-based quarantine sa loob ng labing-apart na araw with testing on the 7th day, with day one being the date of arrival. Kahit na magnegatibo ang resulta ng kanilang RT-PCR test, 14 days pa rin sila facility-based quarantine.

Sa mga pasahero naman na dumating na sa Pilipinas bago pa ang November 28, 2021 at kasalukuyan na nagka-quarantine alinsunod sa classifications ng kanilang country of origin as a case may be, kailangan nilang sumailalim sa kaniya-kaniyang testing protocols at sumunod sa pinatutupad na quarantine rules.

Sa mga pasahero naman na kasalukuyang nasa biyahe pauwi ng Pilipinas mula sa mga bansang aking binanggit, Pilipino man o dayuhan, hindi sila maituturing na galing sa mga bansang iyon kung sila ay namalagi lamang sa airport, hindi lumabas at hindi na-clear for entry ng immigration authorities doon. At pagdating sa Pilipinas, kailangan pa rin nilang sumunod sa pinaiiral na testing at quarantine protocols.

Pangalawa, inaprubahan din ng IATF ang pansamantalang suspensyon ng testing at quarantine protocols for countries, jurisdictions and territories classified as “green”. Ito ay effective immediately hanggang December 15, 2021.

Maliban sa mga bansang classified as “red”, ang testing at quarantine protocols para sa lahat ng inbound international travelers in all ports of entry ay kailangang sumunod sa testing at quarantine protocols ng yellow list countries.

Sa pasahero mula sa green list na dumating bago ang November 28, 2021, isasailalim sa kanila ang quarantine protocols na ating pinapatupad base sa kanilang country of origin upon the date of their arrival.

Pangatlo, inaprubahan din ng IATF kahapon ang pansamantalang suspensyon ng IATF Resolution # 150-A Series of 2021 providing for the entry of fully vaccinated nationals of non-visa required countries under EO # 408 Series of 1960 as amended from green list countries, jurisdictions and territories.

Fourth, dahil itong Omicron variant ay na-designate bilang variant of concern, pinalakas at pinaiigting na natin ang local response para sa COVID-19, these include strongly enjoining local government units to heighten their alert for increasing and clustering of cases and emphasizing the need for active case finding; to immediately conduct contact tracing and isolation of cases detected from case surveillance among the community including domestic and international travelers; and to use RT-PCR testing in order to allow for whole genome sequencing of collected samples.

Fifth, inaasahan mula sa mga regional epidemiology and surveillance units ang pagpapaigting at pagtitiyak sa mas targeted na pagpili ng samples na isinasailalim sa genome sequencing. Nararapat ding matugunan ang bumababang bilang ng submissions mula sa mga laboratories lalo na sa mga sumusuri sa mga domestic at international travelers.

The Bureau of Quarantine and the Department of the Interior and Local Government or DILG with the local government units have been directed to identify and locate passengers who arrived within 14 days prior to November 29, 2021 from countries classified as “red” and require these passengers to complete quarantine under a home quarantine set up for 14 days from date of arrival and undergo RT-PCR if symptoms develop.

LGUs and the DILG are further directed to ensure strict implementation and adherence to the Prevent, Detect, Isolate, Test, Reintegrate Strategy, and adherence and compliance to minimum public health standards with the directive given to the Philippine National Police to enforce MPHS compliance.

In addition to this, the Department of Health is directed to ensure that our health system capacity is prepared to address increase of COVID-19 cases, if any, while the Sub-Technical Working Group on data analytics is directed to begin preparing models to show the potential impact of this Omicron variant to the prevailing protocols and approvals of the IATF.

Sa usaping bakuna naman: Dumating kahapon, November 28, ang 547,100 doses ng AstraZeneca vaccine donasyon ng pamahalaan ng Poland. To the people and government of Poland, our heartfelt thanks.

Dumating naman noong Sabado, November 27 ang 1,746,160 doses ng AstraZeneca vaccine na donasyon ng British government. Suma total, nakatanggap tayo ng 5,225,200 AstraZeneca vaccines na donasyon mula sa Inglatera. Maraming salamat sa inyo. Maraming salamat din po siyempre sa mga mamamayang Pilipino.

Samantala, dumating naman ang 201,240 doses ng Pfizer vaccine na binili ng pamahalaan noong Biyernes nang gabi, November 26. Kasama ang Pfizer sa mga bakunang idi-deploy para sa National COVID-19 Vaccination Days na magsisimula ngayong araw na ito.

Day one po ngayon ng National COVID-19 Vaccination Days. Sa mga nagtatanong, ano po ba ang kailangang dalhin? Una, kailangan may valid ID; pangalawa, medical clearances kung kinakailangan. At para naman po sa mga edad dose hanggang disisiete: Kailangan para sa mga magulang na magdala ng proof of filiation tulad ng birth certificate, baptismal certificate at iba pa; siyempre valid ID ng vaccine recipient at valid ID ng magulang or legal guardian. Kung halimbawa naman hindi masasamahan ng magulang ang bata sa araw ng bakunahan, ito naman ang mga dokumentong maaaring dalhin ng adult na sasama sa bata: Notarized authorization letter; written affidavit ng magulang or guardian na under oath with a public official katulad ng notary public or barangay official na may kasamang valid government ID; barangay certification galing sa barangay kapitan o punong barangay. Kaya tara na at magpabakuna!

Samantala, nasa mahigit 81.2 million ang kabuuang bilang ng doses ng bakuna na naiturok sa buong Pilipinas as of November 20, 2021 ayon sa National COVID-19 Vaccination dashboard. Sa bilang na ito, nasa 46.25% or 35.6 million na ang fully vaccinated. Sa Metro Manila naman ay higit 100% o mahigit 10.4 million na ang nakatanggap ng first dose samantalang 96.15 o mahigit 9.4 million na ang fully vaccinated.

Sa COVID-19 update naman po. Nasa 838 ang mga bagong kaso ayon sa datos ng DOH na may petsang November 28, 2021. Ito na ang pinakamababang bilang ng COVID-19 sa loob ng isang araw naitala sa taong 2021. Ito na rin ang panlimang magkakasunod na araw na nasa below 1,000 ang mga bagong kaso ng coronavirus sa bansa. Ang positivity rate natin ay mas bumaba pa, nasa 2.4% na ito. Nasa 97.7% ang porsiyento ng gumaling, nasa mahigit 2.8 million ang naka-recover habang nasa 1.71 % naman po ang ating fatality rate. Malungkot naming binabalita sa inyo na kahapon ay nagtala tayo ng 156 sa bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19. Nasa below 30% naman ang ating hospital utilization rate sa buong Pilipinas, nasa 27% ang ICU bed utilization – ganito rin sa Metro Manila 27%.

Huwag po tayong magpakampante lalo na mayroon tayong variant of concern – ang Omicron. Nasabi nga ng DOH, hindi ito tanong kung makakapasok ba siya sa bansa, it is really a matter of time. During the holiday season with restrictions easing, we know many of you plan to see loved ones and friends so we appeal to everyone to please, please, please remain vigilant. Lalo po nating paigtingin ang mask, hugas, iwas at bakuna. If you or members of your family have not been vaccinated – please, please po, magpabakuna na po kayo.

Ngayon po, some good news for our PUV drivers and operators. Patuloy po ang pamamahagi ng fuel subsidy na nagsimula noong Miyerkules, November 24, 2021 kasabay ng ceremonial signing ng joint memorandum circular sa pangunguna ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pagitan ng iba pang ahensiya kabilang na ang Department of Energy, Department of Budget and Management at Landbank of the Philippines.

Nasa 78,000 jeepney operators na po ang nabigyan ng subsidy na ito. Samantalang inaasahan natin na may kabuuang bilang na 136,000 na driver ng PUJ units ang magiging benepisyaryo ng fuel subsidy sa taong kasalukuyan. Maaari ninyo na pong magamit ang halagang P7,200 bilang one-time fuel subsidy – maagang aguinaldo po ito ng ating pamahalaan. Matatandaang ang pondo na ginamit para sa programa ay mula sa 2021 General Appropriations Act na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama naman po natin ngayong tanghali ang dalawang eksperto – si Dr. Edsel Salvaña, Director of the Institute of Molecular Biology and Biotechnology at the National Institutes of Health of the University of the Philippines para sa updates sa Omicron at si Dr. Eva Maria Cutiongco-Dela Paz, Vice Chancellor for Research of UP Manila and Executive Director of the National Institutes for Health, UP Manila para naman po sa genome sequencing.

Let’s go first to Dr. Edsel for his short presentation. Doc Edsel?

DR. SALVAÑA: Thank you very much, Spox and CabSec. I’m just going to share my slide here, very short four slide. So iyong Omicron po which is our new variant of concern, klinassify (classify) po ito ng WHO noong November 26 – this is the 5thvariant of concern after Alpha, Beta, Gama and Delta.

Iyong latest updates po natin about this, may nilabas po kasi ang WHO ng [garbled] again dated November 28, this is highly mutated with more than 30 mutations in the spike protein. Iyong spike protein po iyong ginagamit ng virus para dumikit sa cells ng ating katawan at ito rin po ang main type ng ating mga vaccine. Pinag-aaralan pa po kung iyong transmissibility niya po ba ay mas mataas kaysa sa Delta. Hindi pa klaro kung iyong Omicron is more contagious, in fact mayroong mixed data talaga on whether itong pagtaas ng cases in different parts of Africa is really because of iyong enhanced tracing or if tunay po talaga na ang Omicron ang nagda-drive dito.

Sa ngayon wala pong ebidensiya na ito ay deadlier or causes more severe disease. Nakita nga po nila mukhang may indikasyon na baka mas mild iyong disease although nakita nila ito sa mga mas bata, eh alam naman natin sa bata mas mild talaga. Bata meaning mga university students po ito. So kailangan pa po itong pag-aralan nang mabuti para matiyak po natin kung this is just as severe as Delta or less severe at hindi rin po tayo sigurado kung mas nakakahawa po siya. So, sa ngayon, may mga vaccine effectiveness studies that are already ongoing and we expect that some of these data will come out in the next couple of weeks.

Sigurado po naman tayo, mga dalubhasa iyong consensus is na hindi naman po magsi-zero iyong protection ng ating vaccines. Gradual po iyong pagbagsak nito, kung sakali man, wala pong ebidensiya na siguradong babagsak po talaga iyong effectiveness, tuloy pa rin po iyong protection especially against severe disease.

At kung nabawasan man ito to a significant degree, sinabi na rin po naman ng mga manufacturers ng vaccine na kaya po nilang i-modify iyong kanilang mga vaccines at sabi ng Pfizer 100 days lang daw po iyong kailangan kung sakali mang kakailanganin. So, mayroon po tayong laban kahit bumaba iyong effectiveness ng ating mga vaccines.

Sa ngayon, iyong mga treatment at mga tests at iyong mga public health measure patuloy pong gagana iyan against Omicron kaya huwag po tayong mawalan ng hope kasi po iyong mga ginagamit po natin sa ibang variants of concern ng Delta gumagana rin naman po sa Omicron bagama’t mas kailangan pa nating mas pag-aralan kung ano po talaga iyong implications ng mga mutations na ito.

So, finally, ito po iyong ang ating action point: We need to have vigilant and proactive border control na nakikita naman po natin itinataas po natin iyong ating measures para at least mas mamo-monitor natin. It has been mentioned it might be just a matter of time na makapasok ito pero kung maso-slowdown po natin iyan, it buys us time to strengthen our systems.

Iyong enhanced genomic surveillance mas maipapaliwanag po ni Dr. Eva and iyong pag-reinforce ng ating minimum public health standards is a must lalung-lalo na in the face of an unknown. Hindi po natin alam sa ngayon iyong clinical behavior nito kaya it’s better to be safe rather than sorry.

And push po natin iyong vaccination. In the next three days hopefully aabutin po natin ang ating targets para mas marami po talaga iyong maprotektahan. We need to avoid high-risk situations pa rin. As usual, alam naman po natin kapag crowded, kapag closed at pangit po iyong ventilation, mas mataas iyong tiyansa na mahawa po tayo.

And very, very important, be informed. Mabilis po talaga iyong turnover ng information ngayon, huwag po tayong maniniwala sa fake mga news na we should always stick to verifiable sources of information para po gawin natin iyong tama at hindi lang po tayo basta mag-panic.

Iyon lang po, Spox and CabSec, for my short presentation.

SEC. NOGRALES: Maraming salamat, Doc Edsel. Ngayon naman po si Dr. Eva Maria Dela Paz para sa maikling presentasyon lamang din. Dr. Eva?

DR. DELA PAZ: Magandang tanghali po, CabSec Nograles, sa lahat po ng kasama natin sa media at sa ating mga tagapakinig.

Magbabahagi lang po ako, dugtungan ko lang po ang mga na-share/naipamahagi na ni Dr. Edsel Salvaña tungkol sa Omicron variant at ikakabit lang po ito sa ating genomic biosurveillance.

Okay po. So, isa lang pong pasimula, una po itong nakita itong Omicron variant noong November 2021 sa Botswana, Hong Kong at South Africa. Sa mga sequences po sa rehiyon [garbled] ng South Africa, ang Omicron variant po ay 75-100% na po ng mga kaso.

Dati po siyang – tulad po ng nabanggit ninyo CabSec – dati po siyang variant under monitoring subalit noong November 26, sabi po ng WHO itinalaga na po siyang variant of concern.

Dito po sa graph sa kanan makikita po natin na ipinapakita ang pagdami po ng Omicron at ayon po sa mga lumalabas na impormasyon, maaari po daw madaig nito ang Delta variant sa South Africa subalit hindi pa sapat ang kaalaman tungkol po dito.

SEC. NOGRALES: Doc Eva, naka-mute na naman po.

DR. DELA PAZ: Namu-mute po ako, pasensya na po.

Sa kasalukuyan po, ang nalalaman na tungkol sa Omicron variant ay nagtataglay po ito ng limampung mutations at higit sa tatlumpu doon ay galing po sa spike protein. Iyong mga mutations po more than double the number po na nakita sa Delta variant.

Ito na po ang tinagurian nilang pinaka-heavily mutated na version ng virus or variant of the virus na nakita natin hanggang sa kasalukuyan. Ang variant po ay nagdadala ng ilang pagbabago na nakita na natin dati sa iba pang mga variant noon na mga Alpha, Beta, Delta ngunit hindi kailanman magkakasama po siya sa isang virus.

Mayroon din po siyang mga novel or bagong mutations na hindi pa po nakita noon. Ang kakaibang pagsasama-sama po ng mga mutations ay maaari pong nakapagdulot ng pagtaas ng kaniyang abilidad na makapanghawa at takasan ang immune system at ilang mutations din po na na-identify sa ating Omicron ay maaari din pong makaapekto sa pagkapit ng virus sa katawan ng tao at pag-iwas sa antibodies.

Ngunit kailangan pa po, tulad din po ng sabi ni Dr. Edsel, kailangan po ng maraming talagang pag-aaral. Marami pang hindi alam tungkol sa bagong variant of concern na ito para maunawaan ang kaniyang abilidad na makapanghawa, makapagdulot ng—nakakapagdulot ba ito ng mas matinding sakit, ang sinasabi rin po nila, iyong risk of re-infection at kung mababawasan po ang pagiging epektibo ng mga bakuna.

Ang huli ko lang pong pananalita na nais sabihin ay kami po ay umaapela rin from the Philippine Genome Center, ako rin po ay kasama sa Philippine Genome Center, na sana po iyong pagsusumite ng mga samples para po ma-sequence lalo na po sa ating mga returning overseas Filipinos. Very important po na ang ating pagsa-submit po ng mga samples upang ito ay ma-sequence kasi sa ganoon lang po natin paraan malalaman kung ang variant ay nakapasok na sa ating bansa.

Ito lang po ang mensahe ko, marami na po tayong natutunan sa pandemyang ito katulad na po kung gaano ka-importante po ang pagpapatupad ng mga bansa ng genomic biosurveillance upang masubaybayan po ang paglabas ng mga bagong variants.

At siyempre po, nabanggit ninyo na rin, CabSec, kanina, very important po iyong pagpapaalala na wala pong ligtas kung hindi lahat tayo ay ligtas kaya kailangan po tayong magpabakuna.

At ang panghuli po, pangatlo po eh kahalagahan po ng pag-iingat. Kahit tayo po ay may bakuna na, kailangan pa rin tayong sumunod sa minimum public health standard.

Iyon lang po, CabSec, at maraming salamat po.

SEC. NOGRALES: Maraming, maraming salamat, Doc Eva at Doc Edsel. Please stay onboard dahil may maraming katanungan ang ating mga kaibigan mula sa Malacañang Press Corps. So, with that let’s go to USec. Rocky para sa mga katanungan.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Nograles, pati po sa ating mga bisita.

Ang unang tanong, CabSec, mula po kay Rosalie Coz ng UNTV: Given iyon daw pong mga pagluluwag na ngayon towards sa holiday season at upcoming election season, ano po ang worst case scenario na pinaghahandaan ng IATF kaugnay ng Omicron variant?

CABSEC NOGRALES: Well, una sa lahat ‘no, ini-emphasize natin na naka-activate na po iyong ating 4-door policy ‘no. Bakit 4? Para hindi po makapasok iyong Omicron sa bansa at kung anuman variant, anuman ang COVID-19 virus na ‘yan. Four doors po ‘yan ‘no: Iyong door number 1 na nakasara para masara iyong door number 1 eh dito po tayo sa point of origin kaya nga po ay naglabas agad po tayo ng mga travel restrictions doon kung saan maaaring mag-originate iyong Omicron.

Iyong door number 2, ito po ‘yung mga quarantine at testing protocols na ginagawa natin sa mga international travellers arriving in the Philippines. So iyan po ‘yung door number 2 natin.

Iyong door number 3 at door number 4, ito na po ‘yung sinabi natin na reminders sa ating mga LGUs. Door number 3, iyong patuloy natin na PDITR, iyong patuloy natin na surveillance, iyong patuloy natin na pagdi-detect, isolate – lahat po iyan nasa door number 3 natin.

At iyong door number 4, iyong local at granular lockdowns kung kinakailangang gawin, kung may mga surge na nakikita sa mga LGUs, sa mga barangays, sa mga purok – agaran dapat ang mga mayors at governors na mag-implement ng localized at granular lockdowns.

Ito po ‘yung apat na door na ‘yan para ma-prevent ang pagpasok ng Omicron dito sa ating bansa. But we have to remember if nakikita natin ‘no na siyempre we have to prepare for the worst-case scenario po talaga. So lahat iyan in place but we will continue to monitor developments with regard to the Omicron variant.

Dr. Edsel, Dr. Eva would you like to add anything?

DR. SALVAÑA:Yes po, CabSec. Nakikita natin na iyong pinakaimportante po talaga dito is iyong prevention natin and the fact that highly vaccinated tayo hopefully. Even if makapasok sa ating bansa, at least mati-temper talaga itong pag-increase ng cases. And of course, at the same time iyong last line po natin, kaming mga frontliners sa ospital, kinakailangan po talaga we have good medications that can take care of people but we have to make sure we have enough beds. So as you had mentioned, iyong all 4 doors need to be there and of course at the very of the day kinakailangan po talaga nating paghandaan in terms of our health care capacity.

CABSEC NOGRALES: Dr. Eva?

DR. DELA PAZ: CabSec, ang nais ko lang pong idagdag I think kailangan po nating balikan at isiping muli ang ating istratehiya as a whole-of-nation approach ng PDITR po plus vaccination ‘no – iyong Prevent, Detect, Isolate, Treat, Reintegrate plus Vaccination po. Kasi tingin ko po, tayo po sa mga nagdaang mga araw at buwan, iyan pa rin po ang nakapagligtas ng maraming buhay sa ating bansa, CabSec. Salamat po!

CABSEC NOGRALES: Thank you. Usec. Rocky, next question.

USEC. IGNACIO: Opo. CabSec, ang susunod pong tanong ni Rosalie Coz ay: Ano daw po ang dapat i-anticipate ng publiko sa mga gagawing pagbabago sa polisiya ng IATF upang maiwasan itong ganitong worst case scenario?

CABSEC NOGRALES: Well, we’ll take it one day at a time, one step at a time. Ang mensahe na lamang po siguro is we’ve been through this before at iyong IATF ay agaran naman kung kinakailangan mag[garbled] at kung kailangan na agarang magbigay ng mga new policy, directives, actions ay agad naman nating ginagawa – IATF pati iyong National Task Force.

Pero again, ano ba ang maiaambag ng publiko? Pabalik-balik na po ‘yung PDITR plus vaccination – that is how you can help us in government fight this Omicron variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nabanggit daw po ni Secretary Galvez ang posibilidad ng pagbabalik ng face shield policy dahil sa banta ng Omicron. Ano po ang posisyon ng IATF dito? Similar question po iyan ni Maricel Halili ng TV-5 at ni Madz Recio ng GMA News.

CABSEC NOGRALES: Well as it stands, ganoon pa rin po ‘no – iyong latest resolution ng IATF tungkol sa face shields ay ito po ay mandatory sa mga health care [garbled] at sa ibang settings naman po ay voluntary siya. But if we ask the experts, of course it is an added layer of protection. So while it is voluntary, siyempre—ako personally, I would like to encourage ‘no ang ating mga kababayan kung kaya naman po magsuot ng face shield ay magsuot tayo ng face shield para dagdag proteksiyon na lamang po.

But ang pinaka-minimum talaga, iyong masking. Talagang kailangan naka-mask po talaga – mask, hugas, iwas, bakuna – mask, hugas, iwas, bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Dreo Calonzo ng Bloomberg: Is the government ready to its ‘no-vaccine, no-work’ policy for onsite workers starting December 1st? What’s the reason behind this policy and is there sufficient vaccine coverage already for onsite workers to justify it?

CABSEC NOGRALES: Alam ninyo—balikan na lang po natin ‘no para walang misunderstanding or walang misinterpretation. Let’s just go back to the resolution as stated at para maliwanag basahin ko lang po ‘no. Resolution No. 148-B ng IATF na nakalagay po dito: That all establishments [garbled] employers in the public and private sector shall require their eligible employees who are tasked to do onsite work to be vaccinated against COVID-19. Eligible employees who remain to be unvaccinated may not be terminated solely by reason thereof. Opo, however, they shall be required to undergo RT-PCR test regularly at their own expense for purposes of onsite work; and antigen test may be resorted to kapag ang RT-PCR capacity is insufficient or not immediately available.

Klinarify [clarified] po ito ng Resolution No. 149, nakalagay naman po sa 149 is that: In furtherance of IATF Resolution 148-B, all partially vaccinated employees in the public and private sector tasked to do onsite work need not undergo RT-PCR test at their own expense as long as their second dose is not yet due pursuant to the interval prescribed for the brand of vaccine received as first dose. And then to clarify pa: For purposes of onsite work, its frequency ng RT-PCR test shall be construed as that determined by the employer but which should be at least once every two weeks.

So para walang misinterpretation, let’s just go back to the letter and spirit of these IATF resolutions.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong mula kay Celerina Monte ng NHK Manila—paumanhin, Secretary, hindi ko po alam kung ito po ay na-present ninyo pero may clarification daw po on this stated daw po sa IATF Resolution No. 158 providing for the entry of fully vaccinated nationals non-visa required countries under Executive Order No. 408 as amended from green list countries jurisdictions/territories shall be temporarily suspended: Does this mean foreigners from green list countries such as Japanese tourists are no longer allowed to enter Philippines from [garbled] December 15, 2021?

CABSEC NOGRALES: Yes. We have temporarily suspended IATF Resolution No. 150-A. Ito ‘yung na-announce natin noong the past press briefing. Para sa mga fully vaccinated nationals of non-visa required countries coming in as tourists, pansamantala dahil dito sa Omicron variant, pansamantala, suspendido po iyan. Ito iyong mga mula sa green list countries katulad ng Japan, we are temporarily suspending it po. Abangan na lang po natin iyong latest developments kasi kami rin sa IATF, we continue to consult with our health experts; we continue to actively monitor developments with regard to the Omicron variant. So abangan na lang po natin. But in the meantime, suspended po muna itong Resolution # 150-A.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Celerina Monte ng NHK Manila: Clarification lang daw po regarding those included in red list countries. Are Filipinos taking commercial flights, not government-initiated repatriation or the like from those countries, are they allowed to enter the Philippines?

CABSEC NOGRALES: Ang aking ano diyan, my recommendation is to immediately contact the Embassy of the Philippines. Right now kasi, of course naka-red list, of course we are not taking in flights except kung Pilipino, mga Pilipino na babalik dito under government-initiated or non-government-initiated repatriation flights at Bayanihan flights. So kailangan po nilang makipag-ugnayan sa Embassy of the Philippines.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi raw po ni Dr. Tony Leachon na dapat daw ay magsara na ang Pilipinas sa mga bansa tulad ng Hong Kong na may detected na kaso ng Omicron variant at umaksiyon daw na may sense of urgency. Ano raw po ang reaksiyon ng Palasyo rito?

CABSEC NOGRALES: Yes, we are acting with a sense of urgency. Agad naman pong nagdidesisyon ang IATF; agad naman pong kinu-convene, kinukonsulta ang ating mga experts. Ang napagdesisyunan po namin sa IATF, iyong pagri-red list ng mga countries will be dependent kung mayroon na pong local case ng Omicron doon sa bansa na iyon, kung may local case ng Omicron sa mga bansang iyon.

Kung imported case po siya, ang desisyon ng IATF kung imported case at hindi local case ng Omicron, kung imported case po siya then we have the option of retaining the status of the country whether yellow or green, ano po. Pero puwede pong ma-override iyan kung sa tingin ng IATF at ng mga eksperto natin ay hindi ganoon kaganda ang nakikita natin na surveillance activities na ginagawa doon sa bansang iyon, at hindi ganoon kaganda at hindi tayo ganoon ka-confident sa ginagawa nilang mga genome sequencing, at hindi tayo confident sa pagdi-detect ng mga local cases ng Omicron sa bansang iyon. Otherwise, kung ito ay imported case at hindi local case ay nasa discretion po ng IATF na i-retain iyong current listing niya whether green or yellow.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times para po kay Dr. Edsel at kay Dr. Eva: Ano raw po ang explanation kung bakit maaaring nadi-detect ng isang uri ng test kit ang Omicron variant? Ibig bang sabihin nito ay mas lalong mapapadali ang pag-detect sa variant at baka magkaroon ng posibilidad na makakitaan agad ng mga kaso ng Omicron variant dahil po sa test kit na ito?

DR. EDSEL SALVAÑA: I can start off. Iyong ano kasi, iyong spike protein, alam natin more than 30 iyong mutations doon ‘di ba. So iyong mga test kits kasi natin, iba’t ibang piyesa ng virus iyong hinahanap niya. So may mga test kits na ang ginagamit nila ay iyong tinatawag na E gene, iyong iba naman ay iyong M gene, iyong iba naman ay iyong S gene.

So iyong spike protein [technical problem]

CABSEC NOGRALES: We are having a technical difficulty. So, Doc Eva, would you like to continue from where Dr. Edsel—

DR. EVA CUTIONGCO DELA PAZ: Go ahead, Edsel.

DR. EDSEL SALVAÑA: Kasi iyong tatlong klaseng—may mga target po kasi iyong ating mga test ng iba’t ibang gene. Now iyong S gene, na iyong gene para sa spike protein, bihira iyon gamitin. Pero may mga kits kasi na gumagamit noon katulad ng TaqPath, tatlong genes ginagamit nila kasama iyong S gene. At kapag nag-positive siya doon sa TaqPath, hindi siya magpa-positive doon sa S gene, iyong tinatawag po natin na S gene dropout. At hindi lang kasi iyon unique doon sa Omicron; nangyayari rin iyon sa Alpha. So kung gamitin man natin iyon, hindi kasi siya widely used dito sa Pilipinas, puwede natin at least ma-screen lalung-lalo na doon sa mga returning travelers kung nawawala iyong S gene, masasabi natin, “Ah, sige, i-sequence natin ito baka Omicron ito.” Pero kung nandoon ang S gene, then mas makakatipid tayo kasi hindi na natin kailangang i-sequence iyon.

CABSEC NOGRALES: Thank you, Dr. Edsel. Dr. Eva?

DR. EVA CUTIONGCO DELA PAZ: CabSec, ang nais ko lang pong idugtong sa nasabi na po ni Dr. Edsel, ang nangyayari po, kailangan pa rin po nating i-sequence kapag po na-detect po siya using that kit. Iyon na nga po, tulad nang nabanggit din niya, maganda po siyang gamiting pang-screening sa mga dumadating po nating returning Overseas Filipinos pero hindi pa rin po natin palalampasing hindi iyon ma-sequence kung sila po ay na-pickup noon. Kaya importante pa rin po iyong ating whole genome sequencing, CabSec. Salamat po.

CABSEC NOGRALES: Thank you, Dr. Eva, Dr. Edsel. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary. Tanong po mula kay Ivan Mayrina ng GMA News: With the looming threat of the Omicron variant, is the IATF still considering de-escalating NCR to Alert Level 1?

CABSEC NOGRALES: Sa ngayon po, pina-finalize pa rin po ng IATF iyong mga parameters na gagamitin natin para makapag-de-escalate or makapag-declare po tayo ng localities under Alert Level 1. Sa ngayon po ay hindi pa namin naisapinal ang mga parameters na iyan. So abangan na lang po natin muna.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: What can you advise daw po to the public who have probably made plans for the holidays, perhaps to travel or maybe organized parties and reunions and get together? Is it still safe to push through with these plans or would it be more prudent to defer to safer and better times?

CABSEC NOGRALES: I would go for safety first, safety muna. Safety first for everyone ‘no. Kaya napaka-importante po iyong pagpapabakuna natin ngayon ‘no. Let’s take advantage of these three days National Vaccination Days na magpabakuna na po tayo para to fully protect ourselves and our families.

Pangalawa po, iyong mask, hugas, iwas talagang napaka-importante po ‘no especially as we go into the December month, January ‘no. Alam naman po natin na napaka-importante po talaga nitong mask, hugas, iwas at bakuna.

But in considering and in consideration of your activities, ang advice ko po ay safety first.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. For Dr. Salvaña: Are there any unique symptoms daw po associated with the Omicron variant?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, sa ngayon ay pinag-aaralan pa iyan. Nakita kasi nila ito sa mga university students, naturally mild iyong disease nila. And ang minention [mentioned] din nila is, it doesn’t seem to be much iyong pagkawala ng panlasa at sa amoy, iyong Anosmia. So there may be some [technical problem]

CABSEC NOGRALES: Okay, nawala iyong audio ni Dr. Edsel. Dr. Edsel, are you still on board?

USEC. IGNACIO: Secretary, isunod ko na lang po iyong tanong ni Maricel Halili ng TV5, pero ang tanong po niya, Secretary, nasagot ninyo na about Hong Kong kung bakit daw po wala sa red list. Ang second question niya: Will the President receive his booster shot this afternoon? From Maricel Halili ng TV5.

CABSEC NOGRALES: Opo, kagaya ng sinabi ko about sa Hong Kong ‘no, iyong Hong Kong kasi, number one, minu-monitor natin ‘no. We are actively monitoring developments in Hong Kong and in other countries as well. Active iyong monitoring natin sa lahat ng mga nangyayari sa iba’t ibang bansa especially when it comes to Omicron.  And the reason why hindi natin na-red list ang Hong Kong at iyong iba pang mga countries na hindi natin na-red list is again, iyong pinaka-consideration natin for red listing countries is iyong detection of a local case ng Omicron in those countries.

Kapag imported po ang case, titingnan namin kung nandiyan ba, pinaiigting ba nila o maganda ba ang ginagawa nila na mga quarantine and testing protocols, kung nakikita naman at confident naman po tayo sa quarantine at testing protocols ng bansang iyon o ng territory na iyan then we will not red list that country unless nakikita namin na may high probability na mayroon silang nami-miss out na local transmission ng Omicron na hindi pa nila nadi-detect.

So, iyan po iyong aming tinitingnan and that’s the reason why ang Hong Kong ay wala pa po sa Red List. But again, again, again, we are actively monitoring any and all developments happening in all countries/territories and jurisdictions around the world.

Sa pangalawang katanungan ay nasagot ko na iyon noong last press briefing. Again and again, it’s really between the President and his personal physician to decide.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, puwede ko po bang balikan si Dr. Edsel para po sa tanong ni Ivan Mayrina. Iyon pong tanong ni Ivan Mayrina: Are there any unique symptoms daw po associated with Omicron variant?

DR. SALVAÑA: Sorry po, naputol po tayo. Sa ngayon po, mukhang less likely na nawawalan ng pang-amoy at panlasa compared to the other variants. Pero mukhang mild and again they only saw this sa mga university students na alam naman natin kung bakit mas mild talaga iyong symptoms.

So, we just need more data at this point. But that is encouraging kung mas mild talaga, so fingers crossed.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Dr. Salvaña. From Jopel Pelenio of DWIZ: Secretary Nograles, may statement daw po si Secretary Joey Concepcion na simula December 1st, ire-require na daw ang mga hindi pa vaccinated employees na magpa-RT-PCR test kada dalawang linggo at hindi daw ito sasagutin ng employer bagkus empleyado ang sasagot. Ano daw po ang reaksiyon ng Palace on this, hindi ba ito matatawag na discrimination?

SEC. NOGRALES: Again, balikan na lang po natin iyong Resolution 148-B at iyong 149 with clear emphasis on onsite, kung kinakailangan on onsite. Let’s just follow kung ano iyong nandoon nakasulat sa dalawang resolution na iyon – 148-B as clarified by 149.

With regard to the question on discrimination, nasagot na iyan ni Pangulong Duterte mismo. Wala pong diskriminasyon dahil ang tinitingnan po talaga natin iyong safety po ng lahat, public safety po. Public safety ang clear emphasis dito sa lahat ng ginagawa po natin. But again, onsite, please underscore iyong ‘onsite.’

USEC. IGNACIO: Tanong po ni Ace Romero ng Philippine Star: Since pina-finalize pa ang Alert Level 1 parameters, how likely na ang Metro Manila po mailagay sa Level 1 sa December?

SEC. NOGRALES: Again, pina-finalize pa namin iyong mga parameters ‘no and siyempre we’re also monitoring the developments with regard to Omicron and all these other developments worldwide. So, I cannot really put a date kung kailan po namin mapa-finalize iyon kasi it’s an ongoing process pa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon lang pong pahabol si Marichu Villanueva ng Philippine Star: Is IATF revokes easing of quarantine rules for green list until further notice due to Omicron scare?

SEC. NOGRALES: Are we talking about 150-A?

USEC. IGNACIO: I think so, sir.

SEC. NOGRALES: Yeah. Iyong suspension ng mga pagdating ng mga tourists from non-visa required countries, again, let’s take it day to day. Right now, it’s suspended temporarily. Kung hanggang kailan, we will take it one step at a time, day to day monitoring ng any and all developments happening around the world.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Nograles, Doc Eva and Doc Edsel, salamat din po sa MPC.

SEC. NOGRALES: Maraming, maraming salamat, USec. Rocky, Dr. Edsel Salvaña, Dr. Eva Maria Cutiongco Dela Paz.

Mga kababayan, sa kabila ng maraming hamon at tagumpay, nananatili ang pangangailangan para sa pinagkaisang adhikain para sa paghilom at pagbangon ng bayan. Hanggang ngayon nananatili ang ating panawagan: Kailangan nating magtulungan.

Maraming salamat po. Ingat po lagi. God bless. And I’ll see you all in the National Vaccination Days, today, tomorrow and December 1.

God bless.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)