Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Now, sa ibang mga bagay naman po. Tinitingnan ko po kung saan ako nakatigil. Okay, ang sabi nga po natin, kinakailangan habang nagbubukas ng ekonomiya, mas importante po ngayon na sundin talaga natin iyong mga paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask, pag-oobserba ng social distancing at pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon at pagdating po sa ating mga trabaho.

Okay, sandali lang po. Kasama po natin ngayon ang ating mga czars, pero titingnan ko lang po—we will go from the very beginning. So ulit.

Now, magandang tanghali po muli. Pinaulit po sa akin ‘no. Magandang tanghali po sa mga guests. Naririnig ninyo po ako lahat? Okay, naririnig ninyo ako. Mukhang ang instruction po nila ay ulitin natin dahil hindi raw narinig iyong aking mga sinabi kanina. Ngayon, malinaw naman po tayo ‘no? Malinaw, okay.

So unahin po natin uli ‘no, kagabi po ay nag-anunsiyo ang Presidente na ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay mapapasailalim po ng GCQ or General Community Quarantine. Ito po ay simula bukas, August 19, hanggang katapusan, August 31, 2020.

Binanggit din ng Presidente na mapapasailalim po sa GCQ ang Nueva Ecija, Batangas, Quezon sa Luzon; Iloilo City, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandau City, Talisay City, ang mga munisipilidad ng Minglanilla and Consolacion sa probinsiya po ng Cebu para naman sa Visayas. Ang ibang bahagi ng Pilipinas na hindi nabanggit ay nasa Modified General Community Quarantine.

Sinabi rin ni Presidente na ang RT-PCR testing ay hindi requirement sa pagbabalik trabaho, ngunit hinihikayat ang mga employer na ipa-test ang kanilang mga empleyado at no cost to the employees.

May binanggit din si Presidente na kailangan ng high priority workers ang PCR testing. Mamaya pag-usapan po natin nang detalyado po ito.

Muli rin nagpasalamat ang Presidente sa Tsina at Russia sa alok ng dalawang bansa na bakuna. Makikita rito na gumagana ang ating independent foreign policy kung saan kaibigan tayo ng lahat at hindi po tayo kalaban ng kahit sino. At dahil dito, nagiging prayoridad po tayo ng lahat ng mga bansa na nagdi-develop ng vaccine.

Liban sa bakuna, ang pangunahing layunin natin ay mapababa ang transmission rate na pag-uusapan po natin nang detalyado maya-maya lamang.

Samantala, balikan po natin: Ano ba ho ang pupuwede at hindi pupuwedeng gawin sa ilalim ng GCQ?

  • Unang-una, puwede lang pong lumabas ay ang mga essential workers at mga tinatawag na APORs or Authorized Persons Outside of Residence.
    • Bawal pa rin po iyong mga below 21, mga seniors, iyong may sakit at mga buntis.
    • Bawal pa rin po ang mass gatherings. Ang pupuwede lang po sa religious gatherings na hindi lalagpas sa sampung tao.
    • Puwede na po ang pagbisita sa mga sementeryo at libingan nang hindi lalampas sa sampung katao bawat grupo.
    • Pinapayagan po ang critical government services at humanitarian activities.
    • Pinapayagan na po ang pampublikong transportasyon basta po mayroong social distancing.

Kaugnay ng pagpapasailalim sa GCQ, nakasaad sa IATF Resolution 64 na inatasan ang mga nasabing lugar na mahigpit na ipatupad ang mga sumusunod:

  • Unang-una, iyong pag-iimplementasyon po ng localized community quarantine or granular lockdowns.
    • Pangalawa, implementasyon ng minimum public health standards, lalung-lalo na sa mga high risk areas tulad ng mga ospital, palengke, supermarkets, opisina ng gobyerno, mga lugar na pinagtatrabahuhan, pampublikong transportasyon at iba pa.
    • Pangatlo, pagkakaroon ng active surveillance at case finding.
    • Pang-apat, pagkakaroon ng immediate facility-based quarantine.
    • Panlima po, pagkakaroon ng immediate facility-based isolation.
    • Pagsisiguro na pagkakaroon ng isolation quarantine facilities sa priority at critical areas.
    • At pagpapalakas po ng healthcare capacity system lalo na ang critical care.
    • Pagsusumite ng kumpleto at tamang mga datos sa COVID KAYA at sa DOH DataCollect.

Hinikayat din po sa IATF Resolution 64 ang mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin at i-promote ang Philippine Humanitarian Assistance Registry bilang pangunahing government websites sa lahat ng impormasyon, mga tanong at mga procedures sa lahat ng humanitarian assistance para sa pamahalaan ng Pilipinas. Kasama rin po rito ang in kind at financial donations at deployment ng humanitarian workers.

Inaprubahan din po sa nasabing IATF Resolution ang pansamantalang pagsususpinde ng overseas deployment ng medical at health allied workers habang patuloy ang state of public health emergency.

May kasabihan nga po, “Charity begins at home.” Kinakailangan at kailangan na kailangan po natin ngayon ang mga doktor at mga allied medical professionals, manatili po muna tayo dito sa ating bansa.

Now, sa anim na buwan mula po na nagkaroon tayo ng pandemya sa ating bansa, walang tigil po ang pamahalaan sa pangangalaga at pagpuproteksiyon ng ating mga mamamayan. Siniguro ng administrasyong Duterte na sa pinakamahirap na bahagi ng ating buhay ay makakaraos tayo. Ipinangako ni Presidente na walang Pilipino ang magugutom. Kaya naman nagpamahagi tayo ng pinakamalaking ayuda, cash subsidy sa ating kasaysayan.

Noong nag-umpisa po ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay hindi pa po nakikila ang ating kalaban. Ngunit pagkaraan ng halos anim na buwan, kilala na po natin si COVID-19 at ang kaniyang mga galaw. At kung titingnan natin ang mga trends, masasabi natin na may laban tayo sa virus na ito, higit sa lahat, kaya natin mapagtagumpayan siya.

Nananawagan ang mga doktor, nurse at iba pang health workers ng pahinga. Pinakinggan po sila ng Presidente, binalik ang Metro Manila at karatig-probinsiya sa MECQ. Hindi natin sinayang ang dalawang linggong ito para tugunan ang kanilang mga suhestiyon. Ano ba ho ang ating ginawa nitong nakalipas na dalawang linggo?

Unang-una, bumaba po sa Metro Manila at mga hotspots ang CODE teams or Coordinate Efforts to Defeat Epidemic. Ito po iyong nagbabahay-bahay, naghahanap ng asymptomatics at sini-swab test iyong mga symptomatics para po ma-isolate kung sila po ay positibo.

Pangalawa po, inilunsad natin ang One Hospital Command Center. Ito ngayon po ang nagbibigay ng referral, hindi lang kung saan pupunta ang mga pasyente kung hindi kung saan pupunta ang mga mamamayan para sa kanilang mga swab tests or PCR test.

Pangatlo, namigay na po tayo ng libreng washable face masks. Sinimulan po natin ito sa Antipolo City, diyan po sa Rizal.

Pang-apat, binuksan na po natin ang 250 COVID-dedicated hospital facility diyan po sa East Avenue Medical Center. Panauhin po natin ngayon ang ating mga anti-COVID czars para bigyan detalye ang mga ito.

Ngayong babalik na po tayo sa GCQ bukas, ingat buhay para sa hanapbuhay po ang ating panawagan.

By the way, mayroon pong ibang mga taong minasama o binigyan ng kulay iyong aking sinabi na nagagalak na hindi tayo 100% na nawalan ng trabaho. Ang ibig ko lang pong sabihin, it could have been worse. Pero idadagdag ko lang po, may paglilinaw po si Labor Secretary Bello sa bagay na ito. Ang labor force survey ng Philippine Statistics Authority, ang official source ng employment information sa bansa, ayon sa April 2020 labor force survey, 17.7 po ang naitalang unemployment rate. Whether be it 40 plus percent or 17.7%, nalulungkot po tayo. Pero itong kawalan ng temporary po, inaasahan natin na temporary lamang dahil alam po natin epekto lang ito ng COVID. Babangon po tayong muli, magtatrabaho po tayong muli.

At ngayong magbubukas na nga ang ating ekonomiya para nga po makabalik na sa trabaho ang marami sa atin, siyempre po mas malaki ngayon ang banta ng COVID, pero kaya po natin ito. Ang kinakailangan lang po habang binubuksan ang ekonomiya, maging istrikto tayo sa pagpapatupad ng wearing of masks, ng social distancing, paghuhugas kamay at pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon at sa ating mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Okay. Importante po na talagang pag-ingatan ang ating mga sarili, pag-ingatan ang ating kalusugan, pag-ingatan ang ating buhay para po tayo ay makapaghanapbuhay muli.

Inaprubahan ng IATF ang isang strategic road map, ang strategy rehash or strategy refresh, magpalakas sa prevent, detect, isolate, treat and recovery strategy – ang layunin nito ay pababain ang bilang ng COVID-19 at ng COVID-19 deaths. Magagawa po natin ito sa pamamagitan ng: Isa, pagbaba ng transmission rate; pangalawa, palakasin ang health system capacity sa pamamagitan ng detect, isolate at treat.

Inaprubahan din po ng mga miyembro ng IATF ang proposal ng DILG na palawakin ang tracing, extracting and isolation strategy sa COVID-19 asymptomatic at mild cases. Inaprubahan ng IATF ang rekomendasyon ng DA na magkaroon ng temporary ban sa pag-angkat ng poultry products mula po sa Brazil.

Well, tulad ng sinabi ko po kanina, binanggit po ni Presidente Duterte nang kinausap niya ang taumbayan kagabi, ang mga manggagawa na binibigyang prayoridad sa RT-PCR testing. Nag-isyu ang DTI at DOLE ng Advisory No. 20-01 kahapon, August 17, kung saan tinukoy ang priority workers:

Una, sila po ang mga nagtatrabaho sa hospitality at tourism sectors gaya ng El Nido, Boracay, Coron, Siargao at iba pang mga tourist zones. Sila po ay maaaring mapa-test isang beses kada apat na linggo.

Pangalawa, mga nagtatrabaho sa manufacturing companies at public service providers na nakarehistro sa mga economic zones. Sila po ay maaaring ma-test kada-tatlong buwan.

Pangatlo, frontliner at economic priority workers na magtatrabaho po sa high priority sectors, may mataas na interaction at exposure sa publiko, mga nakatira sa special concern areas ay maaaring magpa-test po kada tatlong buwan.

Gagamitin po ang benepisyo ng PhilHealth, health maintenance organizations or private health insurance para sa COVID-19 testing para ma-reimburse ang cost of testing. Importante po iyan, babayaran po iyan ng PhilHealth o ng iba pang insurance companies.

Ang laban po sa COVID-19 ay hindi makakaya mag-isa ng pamahalaan. Tulad ng sinabi kahapon ni Marikina Mayor Teodoro, huwag po nating iasa lahat sa gobyerno, kinakailangan ng tulong at kooperasyon ng lahat. Masuwerte tayo at marami sa pribadong sektor ang tumugon sa panawagan ng administrasyon na tumulong.

Sa huli po, nasa mamamayan po nakasalalay ang lahat. Ipagpatuloy po natin ang ating social distancing, ang pagsuot ng maskara, ang pagkakaroon ng distansiya kahit sa mga kaibigan at kasama sa trabaho habang kumakain, halimbawa, at paghuhugas ng kamay.

Pumunta naman po tayo sa COVID-19 updates. Mayroon po tayong 49,034 active cases, sa mga aktibong kasong ito; ang mild po ay 91.1%; 6.5% ang asymptomatic; 1% ang severe; 1.4% ang critical. Mayroon na po tayong 112,759 na mga gumaling, samantalang 2,681 naman po nabawian ng buhay. Nakikiramay po kami muli sa mga naulila.

Dito po nagtatapos ang ating presentation.
Kasama po natin ngayon ang ating mga anti-COVID Czars para i-discuss po ang detalye dito sa ating planong i-refresh ang ating response dito po sa COVID-19.

Nakikita ko na po sa screen ko, unahin po muna natin si Chief Implementer Secretary Galvez. Sec. Galvez, paano po ipapatupad itong mandato ng IATF na palakasin at i-refresh itong ating pagtugon sa COVID-19? The floor is yours, Secretary Galvez.

SEC. GALVEZ: Magandang hapon po sa inyong lahat. Kagabi po ay inanunsiyo po ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang Metro Manila at karatig nitong lalawigan na ilalagay po sa ilalim ng General Community Quarantine. Naging mahaba po ang diskusyon ng Inter Agency Task Force bago tayo humantong sa desisyon na ito. Ngunit nais naming siguraduhin sa ating mga kababayan na pinaghandaan na po at handang-handa na po ang ating pamahalaan pati po ang local government units sa muling pagbabalik sa GCQ. In fact, nag-prepare din kami na bumaba sa MGCQ.

Alam po ninyo nitong nakaraang dalawang linggo ay nag ikot po ang buong teams ng National Task Force at saka sinamahan po kami ng core group ng Inter Agency Task Force sa iba’t ibang lungsod at lalawigan para matulungan ang ating mga lokal na pamahalaan na mapalakas ang kanilang localized approach sa implementasyon ng ating National Action Plan against COVID-19. Nag-concentrate po kami dito sa Metro Manila at saka po sa apat na probinsiya ng karatig ng Metro Manila.

Ano po ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin ay katuwang po natin ang ating lokal na pamahalaan sa pagbabalanse ng ekonomiya at ng ating kaligtasan sa kalusugan dahil po sila ang nakakaalam kung ano po ang maganda sa kanilang mga lugar. Sa susunod na mga linggo po, tayo po ay magpapamigay ng mga dagdag na surgical mask sa ibang mga komunidad. Ito po ay kabilang sa ating adbokasiya na palaging i-observe ang ating minimum health standard. At ito po ang promise ng ating mahal na Presidente, na magbigay po tayo ng 20 to 30 million na mga face mask.

Mga kababayan, kami po ay nananawagan na magsuot tayo ng mask at maghugas po ng kamay at umiwas sa mga matataong lugar upang manatili po ang ating kaligtasan. Kaya naman po lagi po nating tatandaan na tayong lahat, ang gobyerno, ang local government officials, mga pribadong kumpaniya at ang buong sambayanang Pilipino ay may iisang responsibilidad upang masigurado ang kaligtasan ng bawat isa at ng ating mga pamilya.

Sa kabilang banda, kung kayo po naman ay nilalagnat or inuubo, iyong sa ating mga mamamayan, nagpaparanas po ng mga flu-like na symptoms, huwag po kayong magdalawang-isip na i-report agad sa inyong barangay o city health offices. Wala po kayong dapat ikatakot, ang lahat po ay naka-coordinate sa ating mga lokal na pamahalaan upang mabilis, upang matulungan ang inyong mga pangangailangan at aalagaan po namin kayo.
Nandito din po ang ating mga contact tracing teams upang mas epektibo na mabilis nating ma-identify ang ating mga possible and suspected cases. Sa kabuuan po, tayo po ay mayroong 14,348 contact tracing team na binubuo ng 145,733 na mga miyembro. Dahil dito, ang ating pinalakas na contact tracing, dumadami na rin po ang bilang ng ating mga nag-test na mga kababayan.

Sa pagtaas po ng bilang ng ating kaso, dahilan po ng pinalakas nating contact tracing test, tuluy-tuloy po ang ating pagdadagdag ng ating mga care facilities kung saan po natin inaalagaan at binibigyan ng karampatang medikal na attention at monitoring ang ating mga kababayan na nagkakasakit. Kaya po iyong East Avenue ay aming binuksan po yesterday.

Sa Luzon po ay target natin na makapagsagawa ng care facilities na makakatanggap ng 12,427 na mga pasyente. Sa Visayas naman po ay may target po tayong 3,565 na mga care facility beds. At sa Mindanao naman po, ang target naman natin ay magkaroon ng 3,893 care facility beds.

Bakit po natin binibigyan ng higit na halaga at panahon ang pagpaparami at pagpapalakas ng kakayahan ng ating care facilities? Ito po ay upang ang lahat nang nagkakasakit at mga potensiyal na nakakahawa ay kaya po nating ilagay po sa ating isolation facilities.

Malaki ang numero pong ito lalo na sa Visayas at Mindanao kung saan hindi pa sa mga oras na ito kinakailangan ng ganitong kadaming healthcare beds ngunit mas mabuti po tayo na maghanda. Kaya po tayo, ang ginagawa po natin, bukas ay pupunta kami sa Cagayan de Oro para paghandain po ang Mindanao.

Sa pamamagitan po ng ating mas pinalakas na testing capacity ay mas madali po nating matutugunan ang mga pangangailangan ng mga nagkakasakit. Sa ngayon po ay halos nasa dalawang milyon na katao ang ating na-test, at patuloy pa rin po tayo sa pagtulong sa ating mga lokal na pamahalaan na madagdagan ang ating mga accredited testing centers dahil napaka-critical po ang ma-test ang ating mga kababayan at agad na makakuha ng resulta ang mga ito dahil bawat segundo ay napakahalaga po, especially sa ating contact tracing.

Magiging katuwang na rin po natin ang nasa higit na dalawang libong mga healthcare Filipino overseas workers na nagsiuwian po sa ating bansa at sila ay kasalukuyang kinakausap po ng DOH para sa ating recruitment program.
Tayo po ay tuluy-tuloy na ang pagbili ng mga epektibong gamot tulad ng high nasal cannula, Remdesivir, Dexamethasone, Avigan at convalescent plasma upang mapababa po ang bilang ng mga nasasawi.

At tuluy-tuloy po ang ating mga eksperto, mga doktor at mga siyentipiko ng pag-aaral at pagkikipag-ugnayan sa international communities para sa pag-secure ng mga vaccine para sa bawat Pilipino na bunga ng diplomatic efforts ng ating mahal na Pangulo. Kaya po magpasalamat po tayo at maganda po ang ating mga relationship sa China, sa Russia, sa Korea, Singapore at sa iba pa pong mga bansa.

Sinisiguro po ng ating Pangulo na ang bawat Pilipino ay makakakuha nito lalo po ang mga taong nangangailangan. Ang pagkakasabi niya po sa akin, dapat itong mga vaccine na ito ay dapat maging accessible lalung-lalo na sa ating mga poorest of the poor. Kaya po ang ating call to action, kaya po nating pababain ang ating mga new cases, kailangan lang po natin proteksiyunan ang ating mga sarili. Proteksiyunan natin ang ating mga pamilya at ang ating komunidad. Kaya nga po ang sinasabi nga po ni Secretary Roque: Ingat buhay para sa hanapbuhay.

Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Galvez. Kasama rin po natin ngayon ang ating birthday boy, walang iba po kung hindi si Secretary Vince Dizon, ang ating Testing Czar. Happy birthday, Sec. Vince, the floor is yours.

SEC. DIZON: Maraming salamat, Spox Harry. Wala na po kaming masyadong sasabihin siguro. Ang importante lang ay ngayong nagbubukas na tayo ng ekonomiya dahil kinakailangan na po talaga natin gawin ito para maiangat na po natin ang ating mga kababayan at maibalik natin ang kabuhayan ng higit nakararami sa ating mga kababayan, dapat tatandaan po natin na kailangan talagang mag-ingat po tayong lahat at sundin po natin ang ating mga importanteng kailangang gawin bilang mga responsible na citizens ng ating bansa. Lagi po tayong magsusuot ng ating mask, lagi po tayong maghuhugas ng kamay at magdistansiya po muna tayo sa ating mga kababayan.

Sa testing po, alam naman po natin na talagang ang isa sa mga main objectives ng National Task Force, ng IATF ay pataasin ang ating testing capacity. At dahil po sa efforts ng ating DOH at ng ating iba’t ibang ahensiya ay mahigit dalawang milyon na po ang ating nati-test. Target po natin iyan sana sa katapusan ng Agosto pero ngayon pa lang, kalagitnaan pa lang po ng Agosto ay nalampasan na po natin ang dalawang milyon.
Noong Marso po, kung maaalala natin, ay wala pa tayong dalawampung libong tests. Twenty thousand tests lang po tayo nationwide noon. Ngayon ay tayo na yata ang isa sa mga pinakamataas o pinakamadami sa Asia na nagti-test.

Pero kulang pa rin po iyan, kailangan tuluy-tuloy pa rin po ang ating pagti-test lalo na sa mga areas na medyo matataas ang mga kaso tulad ng Greater Metro Manila Area. At hinihingi lang po natin ang tuluy-tuloy na kooperasyon ng lahat, dahil hindi po talaga kaya ng national government lamang ito. Kailangan natin ang local governments, ang ating mga mayors, kailangan natin ang ating mga private companies at higit sa lahat, kailangan natin ang lahat ng ating mga kababayan.

Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Salamat, our Testing Czar, Secretary Vince Dizon. Kasama po natin ngayon, galing po sa siyudad ng Baguio, ang ating Tracing Czar, Mayor Benjie Magalong.

Mayor, noong una na tayo ay nakapag-usap diyan sa Baguio, sinabi mo napakababa ng tracing capacity ng ilang mga lokal na pamahalaan. Nag-improve na ho ba? Nasaan na po tayo sa ating tracing capability sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas? Mayor Benjie Magalong, the floor is yours.

MAYOR MAGALONG: Thank you very much, Spox Harry. Magandang tanghali po sa ating lahat. Mayroon lang po akong konting presentation, ilu-load ko na po.

Magandang katanungan iyan, Spox Harry, dahil ito iyong … ibibigay ko sa inyo ngayon, ito iyong ating contact tracing update. Unang-una, gusto kong ipaalam lang sa inyo na bago tayo nag-ECQ, ito po iyong ating figure. Lumalabas nga po na talagang mababa sa ibang mga lugar, tulad ng NCR na nasa 1:3 lang po sila. Pero latest po ay umakyat na po iyan ng 1:5. Pero kung tatanungin ninyo ako kung masaya ba tayo sa figure na ito, talaga hong kulang na kulang pa ho.

Sa Cordillera, mataas ito at nasa 1:22; sa Region I, 1:13; at iyong ibang mga regions naman po ay fairly okay lang po iyong kanilang contact tracing ratio or efficiency ratio, pero masayang-masaya ho sana tayo kung umaabot po sila doon sa linya ho ng 1:30 or 1:37.

Ito naman po sa Region VI, sa Region VII, pero malaki na rin po ang improvement ng Region VII. I just would like to emphasize, ito pong figure na nakikita ninyo, ito po iyong figure noong August 3. That is around two weeks, noong nag-umpisa po tayo ng massive po na capacity building sa iba’t ibang mga region.

So ito na rin po sa Mindanao naman, mababa pa rin noong August 3 – ito po iyong pre-MECQ sa Metro Manila at sa apat na probinsiya. Gusto ko lang pong ipakita sa inyo itong graph na ito na lumalabas—gusto ko lang ipaalam din na ang mga figures na pinapakita ko po sa inyo, galing po iyan sa WHO kaya po very objective po itong mga datos na binigay po sa atin.

Kung titingnan ninyo po itong graph, very gradual po. Ito po iyong noong nag-umpisa po tayo ng capacity building. Ito na po iyong number of contact trace, ito po iyong graph na iyan, ito po iyong linya na iyan. Very gradual po ang taas. Pero after two weeks, kita ninyo po, nagkaroon na po ng surge. That’s a very good improvement. Pero kung tatanungin ninyo ulit kung masaya po tayo sa figure na ito, I was expecting po na sana very, very steep ang start nito. Sayang po ang ating objective, para siguraduhin po natin na effective po iyong contact tracing ng ating mga local government unit.

For this week, we have scheduled or planned for the site training po sa Region X – bukas po iyan. Mayroon din po kaming mga virtual trainings sa Region IV-B, Region VIII, Caraga Region. At tuluy-tuloy po iyong pakikipag-ugnayan po namin sa regional directors po ng mga regions na iyan. We will also conduct analytical tools trainings sa Regions I, III, IV-B and Region VIII.

At itong week na ito, idi-deploy na po namin iyong aming contact tracing diagnostic questionnaire para malaman po natin kung nagkaroon po ng improvement. Ang kailangan lang po natin na kasagutan dito ay iyong katotohanan, at sana po iyong ating mga local government units ay magbigay ng mga makatotohanan at truthful and honest na data or datos.

Now, ito naman po iyong aming nalaman tungkol sa bakit lumalabas na poor performance ang local government units pagdating sa contact tracing. Unang-una, kulang po ang active involvement ng ating mga mayors. Sana … gusto ko lang pong i-emphasize dito na sana po ang ating mga mayors will be directly involved sa contact tracing.

Ang ating local government units kung minsan ang binibigyan nila ng importansiya ay iyong ibang activities sa COVID-19 tulad ng relief operations at nakakalimutan nila nasa back stage lang iyong contact tracing. Nao-overwhelm din sila sa large number of daily cases. Karamihan sa mga contact tracing natin, during that time were not incentivized and some of them are still not incentivized as of these days, sa kanila iyong contact tracing, sila pa iyong swabbers, sa kanila pa iyong sasakyan, sa kanila pa iyong gasolina. Kaya kung minsan ay nawawalan na sila ng ganang magtrabaho.

Iyong ating ibang local government unit, nawala sa kanila, hindi nila na-realize iyong in context, in its entire context, iyong importansiya po ng contact tracing. Finally, iyong lack of trained contact tracers at ito po iyong ating pinapaigting ngayon – tatlong regions na lang po ang tinututukan natin. And finally, may mga local government units na wala pong sapat na pondo para suportahan iyong kanilang contact tracing.

Maraming, maraming salamat po, Secretary Harry. Iyan po ang sa lugar po ng contact tracing.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mayor Benjie Magalong. At kasama din po natin ngayon, siyempre po ang ating Treatment Czar. Dalawang bagay po ang nasa isipin ng ating mga mamamayan: Paano ba magamit iyang One Hospital Command Center, at nasaan na po tayo ngayon sa mga karagdagang critical care capacity na minamadali nating buksan? Si Treatment Czar, si Usec. Bong Vega po.

USEC. VEGA: Magandang hapon, Sec. Harry. Magandang hapon po sa lahat.

For the One Hospital Command ho, operational na ho for one week na ngayon. At nakikita namin na ang dami ng tawag sa amin kasi nagko-coordinate kami sa mga lahat ng calls coming from the citizens and the facilities, naghahanap ng transfer or referral to hospitals and TTMF [Temporary Treatment and Monitoring Facilities].

Ngayon po, nakikita po namin na kailangan palakasin namin iyong call center activity namin na off site, kaya gumawa kami ng paraan ngayon na magkaroon ng another off site call center to accommodate all calls kasi nakita namin ito iyong weakness namin. At saka maghahanap din kami ng—pinadamihan din namin ang number of cellphones or number na puwedeng ma-contact iyong mga call centers na puwedeng i-redirect sa mga doctors namin sa MMDA platform para magkaroon ng medical direction. So iyon iyong nangyayari po ngayon, pinapaigi po namin iyong call center para magkaroon talaga ng coordinate care.

Pangalawa ho, sa increase in systems capacity or health systems capacity, nakita naman natin sa last month nung mag-monitor kami ng mga public and private hospital, last month po ang private hospital nasa 8 to 10% allocation lang sila in terms of sa mga allocations for COVID beds. Pero ngayon po, after a month na araw-araw namin silang nakakausap, nakikita namin na umaabot na sila sa 18 to 20% allocations. So nag-increase na rin ang mga private sectors lalung-lalo na iyong mga Level 3.

Pangalawa, iyong mga sa public hospitals naman, dati last month nasa 15 to 17% range lang iyong allocation nila pero ngayon ho, dahil nakakausap naman namin at kung paano mag-adjust, umaabot na rin sila sa mga 30 to 35 bed allocation. Pero ang pinakamagandang nangyari po, kasi for one month, pini-prepare po namin iyong East Avenue Medical Center. Ito iyong bagong building na 6-story, na noong nakita namin last month na 96% completed. So kinausap namin iyong contractor at saka si Sec. Villar at saka si Emil Sadain na kung puwedeng matapos po ito, at in-inaugurate after tayo mag-MECQ. Ngayong nasa GCQ na tayo, ito iyong pinapakita namin na mayroon ng kapasidad iyong hospital na iyon na mga 250-beds po iyan, tapos mayroong 30 Intensive Care Unit.

Pero ngayon, ang opening po, mayroon kaming mg 180-beds na ready kaagad at 15 intensive care. So, ito iyong isang malaking nangyari po sa increase in capacity dahil ito ay maka-serve talaga ng malaki lalung-lalo na sa Quezon City na medyo mataas din ang number of COVID cases.

Pangalawa po, nagkaroon din kami ng kaugnayan sa DPWH through Sec. Mark Villar na kung puwedeng magkaroon tayo ng pop-up modular hospital. Ito iyong pop-up modular hospital, gagawin po in three months, so probably siguro ho ma-realize ito by October ang first po nito na 110 na bed capacity na for moderate and severe cases po iyan, kasi ito ay designed actually for mga pasyenteng ganoon na mayroon din silang oxygen line for severe cases. Ito ho ay mangyayari ho sa QI, at ang operations nito will be an extension of the 10 government hospitals. Ang na-recognize po namin diyan ay iyong Jose Reyes Memorial Hospital, sila iyong mag-o-operate at ito lang iyong extension ng kanilang hospital para bang iyon ang COVID center nila for Jose Reyes.

Iyon din ang gagawin ho namin sa Batangas City, sa South. Kasi nakita din namin na tumataas ang CALABARZON dahil ang imprastraktura doon mahirap na rin talagang mag-extend ng hospitals, so magkaroon kami ng pop-up modular hospital na naman na composed of 110 beds. So ito din, mangyayari din sa Amang Rodriguez na magkakaroon din sila ng pop-up modular bed to extend ng facility ng COVID patients.

Ito po siguro before the end of the year ay matatapos po namin iyan. Pero iyong sa QI siguro mauuna talaga iyon, iyong pop-up modular laboratory. Ito ay makaka-enhance talaga ng ating systems capacity network.

At isa pa, nakikipag-ugnayan din kami sa local government units lalo na iyong mga Level 1, Level 2, Level 3 na magkaroon sila ng flagship hospital. Ang ginawa po namin itong model ay iyong Amang Rodriguez being the flagship hospital ng mga Level 1, Level 2, Level 3 na LGUs sa Rizal Province for their service delivery network. Kasi dito, nakikita nila kung saan ilalagay iyong mga severe and moderate. At saka iyong mga moderate naman ng Amang Rodriguez, puwedeng mailagay sa mga LGUs na na-identify.

So, ito iyong magagandang nangyari po in terms of system capacity, mag-i-improve ng infrastructure, at the same time, magkaroon ng very efficient coordinated referral systems among the LGUs and the retained hospitals of the Department of Health.

Salamat ho, Sec. Harry.

SEC. ROQUE: Okay. Mukhang nawala ang audio ni Treatment Czar. So okay ba ho ang audio ko? Well, pumunta na po tayo sa ating open forum kasama ang ating mga miyembro ng Malacañang Press Corps. Pero bago po diyan, lilinawin ko po ano: Sa religious services sa GCQ, sampung katao or 10% of capacity whichever is higher, iyan po ang religious gatherings, sampung katao o 10% of capacity whichever is higher.

Now, Usec. Rocky—kung si Secretary Vince ay ang ating birthday boy, si Usec. Rocky ang ating birthday girl. Happy birthday Usec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Magandang hapon po sa inyong lahat at sa atin pong mga bisita. Magandang hapon po. Secretary, ang una pong tanong galing kay Francis Wakefield of Daily Tribune, ito po ang tanong niya—

SEC. ROQUE: Teka muna, mayroon pa pala tayong panauhin. Wait, may panauhin pa pala tayong isa, galing po sa Philippine College of Physician, si Dr. Panaligan. Doc. Panaligan, sorry po ha, medyo hindi ko nakikita sa screen eh.

DR. PANALIGAN: Magandang tanghali po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Thank you for joining us. At siyempre po matapos po ang dalawang linggong hiningi ng ating mga frontliners para mag-time out na sinamantala din po ng gobyerno para i-refresh ang kanyang COVID-19, ano po ang maasahan natin ngayon? Yes, Dr. Panaligan, the floor is yours.

DR. PANALIGAN: Magandang tanghali po sa kanilang lahat. Unang-una, masaya ang grupo dahil natugunan agad ‘no, mabilis ang naging aksyon ng ating Pangulo at nabigyan ng mga bilin ang lahat ng mga opisyal sa gobyerno lalung-lalo na ang mga Czars na narinig natin kanina. At simula noong nakaraang dalawang linggo, maraming pagpupulong ang nangyari, kasama na ang aking grupo, bukod sa Philippine College of Physicians, kasama rin namin ang Healthcare Professions Alliance against COVID-19 na nagawa o gumawa ng napakaraming solution at naibahagi ito sa Department of Health para maisakatuparan at ma-integrate din sa lahat ng mga programa ng ating gobyerno.

Unang-una, napalakas iyong healthcare workforce natin. Kung narinig ninyo nga kanina si Usec. Vega, sinabi niya iyong One Hospital Command ‘no, kasama doon iyong pagtulong ‘no sa mga ospital na nangangailangan ng mga dagdag na tao. Bukod pa doon dahil sa One Hospital Command, napalakas iyong referral network, iyong linkages lalung-lalo na iba’t ibang ospital para matugunan iyong mga paglilipat o iyong paghahawak ng mga pasyenteng nangangailangan ng tulong ‘no.

Pero siyempre, mas maganda na mas mapalawak pa ito para, sabi nga niya kanina, para umabot doon sa mga LGUs na kailangang-kailangan ng tulong. Kailangan mapalakas pa natin ito lalung-lalo na sa ating mga mayor at sa ating mga barangay officials para matulungan din natin ang iba’t ibang tao na kailangang kumonsulta dahil sa sakit na ito.

At ganoon din ‘no, narinig din natin kanina ‘no si Mayor Magalong sa contact tracing although mababa pa din pero papalakas, padami nang padami ito at kami ay umaasa na mas magiging malakas pa ang contact tracing lalung-lalo na, dahil tandaan natin marami pa rin ang mga asymptomatic, na hindi natin malalaman na magkakaroon ng sintomas at kakalat nang kakalat ang sakit na ito kung hindi natin naagapan ito ‘no. At siyempre pa, importanteng-importante din ‘no iyong mga gamot na maibibigay natin lalung-lalo na doon sa mga nasa ospital ‘no.

So ngayon na nasa GCQ na ang NCR ‘no, siyempre kasama kami sa pagtulong, sa pag-alalay para ma-monitor ang lahat ng mga programa na ginagawa ng gobyerno. Siyempre pa importanteng-importante na sabi natin at palagi nating ulit-ulitin sa ating mga kababayan ang importansiya ng infection control, iyong pag-iingat. Hindi tayo dapat maging kampante, kailangan nating isipin na lahat tayo posibleng maging carrier at lahat tayo ay posibleng ma-infect o magkaroon ng sakit na ito.

So ulitin ko iyong sinabi kanina ni Secretary Roque, importanteng-importante na magsuot tayo ng mask lalung-lalo na kung kailangan at lalung-lalo na kung tayo ay lalabas. Siyempre ang physical distancing, ang distansiya natin kailangan mahigit isang metro at saka pangatlo siyempre ang paghuhugas ng kamay. Huwag din nating kakalimutan siyempre iyong kailangan nating tandaan kung saan tayo nanggaling lalung-lalo na kung nagkaroon tayo ng sintomas ‘no. So tandaan natin iyong huling dalawang araw, kailangan malaman natin, matawagan natin kung sinong naging contact natin para matugunan din natin ang pagko-contact tracing at para makatulong din tayo sa lahat.

At ulitin ko iyong sinabi kanina ni Secretary Roque, ingat buhay para sa hanapbuhay at tandaan natin ang buhay at kabuhayan ay tunay na magkaagapay para sa pamilya at bayan.
Maraming, maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. Panaligan. At maraming salamat po sa lahat ng ating frontliners, talagang napakalaki po ng utang na loob ng sambayanan sa inyo. Maraming salamat po.

So Usec. Rocky, go ahead for your questions.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita. Ang una pong tanong galing kay Francis Wakefield of Daily Tribune. Ito po tanong niya: People are asking about transportation after President Duterte approved IATF’s recommendation to bring back GCQ in National Capital Region, Bulacan, Rizal, Cavite and Laguna. Same lang po ba ito as before or madadagdagan pa ang mga public transport on roads? Siguro kung kasama dito po iyong mga jeepneys, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Well, sang-ayon po sa DOTr, mayroon po tayong sumatotal ‘no, 12,443 na mga Public Utility Vehicles na pinayagan nang mamasada ngayon. Kasama po rito ang mga PU buses o iyong mga bus, 3,662; point-to-point bus, 364; ang mga taxi is 20,493; ang Transport Network Vehicle Service, 23,776; ang UV express, 641; ang total number of traditional UV express routes opened since GCQ started, 1,621; modern Public Utility Jeepneys, 716; traditional Public Utility Jeepneys, one thousand two hundred [garbled]; tapos mayroon pang additional routes [garbled] 295 ‘no.

Ang total number of traditional PUJ routes opened since started [garbled]. Ang total number of authorized units po ay 12,443. Ito pala po ay para lamang sa traditional Public Utility Jeepneys ‘no. So I stand corrected, iyong 12,443 ay para lang sa PUJ. Hindi ko na po na-sumatotal iyong lahat-lahat pero iyan po ay mahigit-kumulang po 50% na po iyan ng ating capacity kung hindi pa po mas mataas.

Next question please, Usec. Happy birthday muli ha.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Can you walk us through sa naging virtual meeting daw po ni President Duterte? Nag-object ba siya initially sa recommendation na ibalik ang Metro Manila sa GCQ or did he approve it immediately knowing fully well na need na ma-open uli ang economy?

SEC. ROQUE: Well, una po niya akong tinanong kung ano iyong rekomendasyon at ano iyong mangyayari sa mga lugar na nasa ilalim ng rekomendasyon at GCQ. Pagkatapos po niya [garbled] iyong mga hakbang ginawa na po ng [garbled]. Tinanong niya ako [garbled] Secretary Delfin Lorenzana makapag-broadcast si Presidente nang mas maaga dahil [garbled] nagliliparang mga [garbled] ni Presidente.

So ang pinakamagandang balita po kagabi, nakita ng taumbayan si Presidente – malakas po at in fighting spirit lalo na noong siya ay nagtalumpati na naman tungkol sa pinagbabawal na droga. Ang sumatotal po, ang pinaka-effective na para mag-dispel ng mga tsismis at fake news na nagkasakit daw si Presidente, nagpunta ng Singapore, ay iyong pagharap niya sa taumbayan kagabi.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nag-choppy ka kanina eh. Ang tanong po niya: Kung initially iyong recommendation na ibalik, did he approve it immediately?

SEC. ROQUE: Naintindihan po niya na napakatindi na po ng epekto ng lockdown sa atin ‘no. Mayroon pong 16.5 contraction ng ekonomiya. Sabi nga ng SWS survey, mas mahigit kalahati ang nagsasabing mas mahirap ang buhay nila. Sabi ng SWS, 44% ang nawalan ng trabaho. Malaki rin ang estimate ng Philippine Statistics Authority sa mga nawalan ng trabaho. So ang eksplanasyon nga ng Presidente, kinakailangan balansehin na iyong kalusugan at hanapbuhay at hindi naman pupuwedeng hindi tayo mamamatay sa COVID, mamamatay naman tayo sa pagkagutom ‘no.

So hindi po niya tinalo, kumbaga hindi niya kinuwestiyon iyong desisyon na mag-GCQ pero talagang he went out of his way na sabihan ang taumbayan – kinakailangan matuto tayong mabuhay kasama ang COVID – wearing of mask, social distancing, paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face shields sa trabaho at sa pampublikong transportasyon.

Next question… Okay, siguro kung wala ka nang ibang tanong, tatawagin ko na si—well, memoryado ko na kung sino iyong unang magtatanong. Joyce Balancio, DZMM.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes. Good afternoon po, Secretary and to our guests. There is a move po in the Senate to investigate the assignment of IATF members sa LGUs po, Secretary Roque. Si Senator Risa Hontiveros, she has filed a resolution to look into what she said as toxic micromanagement and an interference to barangay affairs. Any reaction to this, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, mali po iyong interpretasyon ni Senator Hontiveros, wala pong intervention, wala nga pong paghihimasok ang ginagawa namin. Tinatanong lang po namin kung paano makakatulong ang pangnasyonal na gobyerno sa mga lokal na pamahalaan at ito naman po ang naging karanasan natin sa Cebu at sa iba pang mga lugar kung saan matindi ang pagsubok pero nagawan naman po ng paraan ‘no. So it is not our intention to intervene with the works of the local government units, bigay lang po kami ng suporta.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Kay Secretary Galvez po.

SEC. ROQUE: Malinaw po talaga iyan na hindi kami manghihimasok. Si Secretary Galvez can add siguro.

SEC. GALVEZ: Opo. Alam ninyo po sa implementasyon ng ating concept, hindi pupuwedeng ano po eh, dapat makita po natin kung nagha-harmonize ang local government officials at saka po iyong national government. Kahit na maganda po iyong ating plano pero hindi po nakikita ang implementasyon sa baba ay wala pong mangyayari po sa ating plano. So ang ginagawa po natin, bumababa po tayo, tinitingnan po natin kung iyong nabubuo na plano natin ay nai-implement sa baba. At ang ano po natin doon, ang pinaka-immediate ano po natin doon, bumababa po tayo sa mga different cities at saka mga provinces ay para tingnan po natin kung ano po iyong nangyayari po doon at saka iyong totoong datos.

Nakita po natin, marami tayong question about the data and about iyong decision-making natin, doon natin nakikita talaga kung ano ang nangyayari at ano po ang concrete na mga data at saka kung ano ang mga problema at saka iyong tinatawag nating gaps between the national and the local policies. So doon po, maganda po kasi kapag once na iyong ating concept at ating plano ay naibaba po at na-implement po hanggang sa barangay ay doon po natin makikita iyong tinatawag na magandang patutunguhan.

Nangyari po iyan sa Cebu. Nakita po natin noong nagkaroon tayo ng kahirapan na mapababa ang atin pong kaso ay tiningnan po natin kung paano po ang magagawa po natin at natutukan po nating mabuti iyong ano po natin.

Sa ngayon po, iyong pag-a-assign po natin parang nakita po natin, napag-usupan namin po sa IATF na ang pinaka … parang ano, parang main objective po ng ano po natin ay para po matulungan po natin at maibigay po natin ang dapat nating kinakailangan doon po sa mga baba. Ito po ay hindi po sa interference dahil alam po natin ang local government unit, alam po nila ang kanilang ginagawa at alam po nila ang makakabuti para sa kanilang mga constituents.

So iyon lang po ang ano po natin ay para mapaganda ang implementasyon. Sa lahat po ng plano, ang pinakaimportante po sa lahat ay ang implementasyon.

SEC. ROQUE: Yes, your second question, Joyce.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Pagdating naman po sa health protocols, para lang ma-prevent iyong re-infection kasi po with the recent case of Interior Secretary Eduardo Año. Yesterday, Secretary Roque, you mentioned na you though that once you contracted the virus and you recovered, may antibodies ka na, therefore, less possibilities of being infected again with COVID-19. Now, with these cases of re-infection, mayroon ba tayong gagawin na re-adjustment pagdating sa health protocols? First, ano po ba iyong health protocols natin for those recovered patients; and dadagdagan or ia-adjust po ba natin ito given na mayroon tayong cases of re-infection? Puwede po si Secretary Dizon po and Usec. Vega.

SEC. ROQUE: Dr. Vega, because it’s a medical question, I will defer to you.

USEC. VEGA: Ang katanungan po, if kapag … sa re-infection kasi, kung na-isolate ka at saka na-quarantine ka for 14 days at wala ka namang symptoms at wala ka namang deterioration sa iyong clinical health, deemed ano na ho kayo, recovered.

Iyong re-infection kasi, kapag minsan iyong after nang nag-quarantine ka tapos nag-positive ka ulit after, say, one week, it could be possible na iyong debris kasi ng virus ay nadi-detect pa ng PCR machine so nagkakaroon ka ng parang positive sa COVID. Pero in actuality, hindi ka na infectious at that time at saka baka debris na lang iyon ng virus.

The only way to tell na talagang re-infection ba iyan ay kung ma-culture mo iyong virus. That’s the gold standard, i-culture mo talaga ang virus but it is very hard to do that. So we always presume na kapag nag-positive ka after an isolation, we always take it not as a re-infection but rather as a detection of debris coming from a previous infection of the virus.

SEC. ROQUE: Your last question, Joyce.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo, kay Secretary Galvez lang. Earlier, sa opening statement ninyo po Secretary, you mentioned that the National Task Force is also preparing for MGCQ for Metro Manila. Tama po ba iyong dinig ko? So are we anticipating na maybe after August 31, Metro Manila ang nearby provinces will be placed under MGCQ? Ready na po ba tayo for that scenario?

SEC. GALVEZ: Ang ano po natin, sa plano po, laging dapat po ay two steps or three steps ahead po tayo. Dapat ang preparation natin ay hindi lang GCQ. So kung ano ang nakikita natin na opening, titingnan natin din iyong consequences. And from there, pinag-aaralan po ng mga ibang ano po iyan. Nakatanggap po ako ng mga impormasyon from Ateneo, UP and also UNDP na kung magpi-prepare tayo sa MGCQ, mas mataas ang capacity level na dapat nating pamantayan. At the same time, kailangan po iyong preparation natin sa isolation facility, sa ICU beds at saka sa tinatawag nating iyong preparation natin sa protections, dapat po iangat po natin ang level.

So iyon po lagi ang dapat nating gawin: When you are planning something, you have to be two to three steps forward. So hindi lang po talaga GCQ ang ano po natin, we will plan until the new normal, until the vaccine has arrived.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you po.

SEC. ROQUE: Going back to Usec. Rocky, please. Usec. Rocky? Thank you, Joyce.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay Arianne Merez ng ABS-CBN News Online. What is the President’s schedule daw po for the rest of the week?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po ay babalik si Presidente dito sa Maynila.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: President Duterte said last night that the Philippines is willing to pay for COVID-19 vaccine. Does the government still assure that it could provide the vaccine for free to poor Filipinos, and for how many?

SEC. ROQUE: Iyan po ang pangako ng ating Presidente. Two doses of the vaccine to the 20 million poorest of the poor Filipinos, kasama na rin po ang mga frontliners at iyong mayroong mga sakit, comorbidities.

So, in-explain na po ni Secretary Dominguez kung paano natin babayaran iyan. Ang mag-aangkat po ay PITC, ang magpapautang po ay LandBank at DBP.

USEC. IGNACIO: Okay. Question for Dr. Vega. As a doctor, do you think Metro Manila is ready for GCQ?

USEC. VEGA: I think as a doctor, what is very important is that ang ating health systems must not be overwhelmed. And this is the reason na we are trying to increase the number of beds especially the intensive care units and, of course, the isolation beds, and even the temporary treatment facilities.

First, sa mga critical units po natin, nakikita natin na what we are trying to do right now is ramp-up the ICUs. And we have many plans on doing this strategically really to come up with better and pop-up extensions of a hospital. Halimbawa, sa Lung Center, we are trying to convert about 20 isolation rooms there na magiging ICU kasi ito iyong critical needs talaga eh. So we are going to do that, ginagawa na ho iyan ngayon at saka iyong mga pop-up modular hospitals na gagawin po namin na as extension facilities of the hospitals.

So iyong katanungan ho for GCQ, I think the health capacity, although nasa taas nga ang volume of patients coming in, pero naghahanap pa rin tayo ng mga paraan kung paano natin ma-increase ito not just in Metro Manila but also on the outlying regions ‘no. Nakikita natin sa CALABARZON how we can possibly network with a bigger private hospitals there at saka iyong mga local hospitals para magkaroon naman ng sapat na beds in case mangangailangan ang mga pasyente.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you, Dr. Vega. Maricel Halili of TV 5.

MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, we saw the public address of President Duterte last night and, well, his very much alive and kicking. Pero some of the netizens po napansin lang iyong kaniyang right eye na medyo drooping daw. Ano po iyong explanation natin dito, why is it like that, sir?

SEC. ROQUE: Hindi ko naman napansin ang kahit anong kakaiba sa mata ni Presidente. I mean, sa tagal ko siyang kakilala, ganoon naman talaga iyong mata niya ‘no. So I did not see anything noteworthy. Pinagmamasdan ko rin siya kagabi at he was at his best ‘no and talking about the anti-drug campaign. So hindi ko po nakita iyon, iyong drooping eye niya.

MARICEL HALILI/TV5: Opo. Sir, maybe you and Secretary Galvez can answer the next question. Kasi some of the mayors po are asking na sana a stricter implementation of GCQ iyong gawin in Metro Manila. Are we going to heed to this call? And when we say stricter implementation of GCQ, what do we mean by that? Will there be any changes on the policies? And how should we deal with the quarantine violators?

SEC. ROQUE: Well, nalaman ko lang po iyang desisyon ng Metro Manila governors through GM Jojo ng MMDA. At sinabi nga niya na matagal ding nag-usap ang mga mayors, in the end, they voted na GCQ but the original version of GCQ implemented in June. I guess they were referring to iyong mga capacities ng restaurant, iyong mga ilang industriya na hindi pa bukas in June.

Now, offhand po, ang naging desisyon ng IATF was to GCQ, iyong recommendation was to go to GCQ as we know it. Pero this is without prejudice to the IATF, reconsidering siguro and taking into consideration the suggestion of the Metro Manila mayors.

Si Secretary Galvez.

SEC. GALVEZ: Ako po, madalas po akong nakakausap po ng Manila mayors, always marami po kaming mga consultations. Ang isa sa hinihiling nila ay talagang iyong magkaroon ng implementation na strict GCQ iyong original version na iyong walang exceptions. Ibig sabihin, dahil ang ano po natin, ang mga Manila mayors nakita natin na matataas talaga iyong cases po dito sa NCR and they wanted to control the rise by having a stricter policy, kasama po iyong tinatawag nating mga localized lockdown at saka iyong granular lockdown.

Ang ano po dito ay hiniling po nila, dahil po iba-iba rin po iyong condition sa Metro Manila ay mabigyan po sila ng tinatawag po nating autonomy or tinatawag nating discretion considering that sila po ang nakakaalam po ng mga nangyayari doon sa kanilang mga lugar, at the same time, alam po nila kung saan nanggagaling po ang mga spikes. So, ang hinihiling po nila ay magkaroon po ng tinatawag na dialogue between the business sector and the LGU so that during the opening of our economy, alam na po nila iyong mangyayari po, na-anticipate po nila.

At nakita rin po natin na dito rin po sa area din po ng Laguna and other areas, maganda po na nag-uusap po talaga iyong LGUs, especially mga mayors at saka iyong governors at MMDA doon sa mga business sector para alam po lahat ng gagawin nila kung mag o-open up sila sa ganito, mag-a-anticipate po ang mga mayors kung ano po ang mangyayari.

So, iyon po ang gusto po nila na there is a harmonious relationship between the private sector and also the business sector and the LGU so that iyong lahat po ng ginagawa po nila lalo na po iyong pag-iigting ng ating tinatawag nating mga protocols ay sabay-sabay din po sila. Meaning, iyong protocol po ng contact tracing, dapat alam din po ng protocol ng mga private sector.

So, iyong tinatawag nating ownership ng strategy dapat lahat po sila, kasama po iyong MMDA, kasi po iyon po ang ano nila na ‘one for all, all for one’. Ganoon po ang inaano po ng mga mayors po natin.

MARICEL HALILI/TV5: So ibig sabihin, sir, for now, hindi po natin ibabalik doon sa GCQ policy noong June na, I think, that was no dine in, sarado iyong salon, wala po munang ganoon?

SEC. GALVEZ: Ang inano po nila is pag-usapan po ng mayor at saka iyong business sector para at least po makontrol po natin talaga muna iyong situation, then we will be moving forward, opening little by little, iyong tinatawag nating dahan-dahan, unti-unti at saka iyong hinay-hinay na opening ng mga business.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, last na lang po. Secretary Roque mentioned earlier iyong mga nagawa po natin in the last two weeks ng MECQ. Do you now consider iyong imposition ng MECQ natin a success? Did the government achieve your target to give time out to healthcare workers?

SEC. GALVEZ: Sa nakita po namin, ang ginawa po namin, i-exploit po namin iyong MECQ na two weeks. Actually po, kung titingnan ninyo iyong activities ng IATF at saka iyong NTF, nagtulung-tulong na po kami para talagang magkaroon ng localization ang implementation ng National Action Plan. Importante po kasi, nakita po namin na MECQ is not a sustainable strategy; ang pinaka-way forward talaga po iyong granular implementation ng lockdowns. Kasi po kapag nag-MECQ po tayo, ang laki po ng collateral sa livelihood ng mga tao po natin.

So, ang nakikita po natin, if we will empower our LGUs dahil sila naman po ang pinaka-lider ng ano nila, they are the generals of the battle front, kung sila po ang mamumuno po talaga, nakikita po natin na iyong mga areas na dapat nai-lockdown at nakikita natin mga cluster of places, mas madali po iyong mga response at saka iyong tinatawag nating interventions. Kaya po talaga pong ang way forward natin is localization of the implementation of the National Action Plan.

SEC. ROQUE: Siguro dadagdagan ko lang, ang pinakaimportante po diyan iyong sinabi ni Usec. Vega, iyong karagdagang mga bed capacity for COVID, nabuksan na po natin, iyong karagdagang bed capacity for ICU at iyong karagdagang mga health professionals. We have had more than 5,000 recruited health professionals and we are now recruiting online – dati kasi manual, ngayon online na. So, I think we will achieve our objective pa rin of 10,000 additional and we have at least a minimum of a hundred doctors who have responded our calls form Regions l, ll, and lll for them to temporarily practice in Manila dahil nga mataas ang kaso.

So, I think that’s the most important achievements, at in two weeks’ times, makikita naman natin kung ano ang nangyari doon sa ating R0 (pronounced as R naught) na tinatawag at sa ating case doubling rate. But, it’s too early right now to find out kung gaano talaga iyong ibinaba ng ‘R0’ given na mayroon talagang two weeks [unclear] period.

Yes, your final question?

MARICEL HALILI/TV5: Okay na, sir. Maraming salamat po, Secretary. Thank you.

SEC. ROQUE: Back to Usec. Rocky, please?

USEC. IGNACIO: Secretary, ang tanong po galing kay Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: What prompted the IATF to suspend the overseas deployment of health workers? How many health workers are needed to boost the work force? When will the suspension be lifted?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, hindi naman IATF ang nagsuspinde talaga niyan. Matagal na pong suspendido ng POEA ang deployment; hindi po sila nagpa-process ng mga bagong permits to work abroad for medical professionals ‘no. So, niri-reiterate lag po iyan ng IATF at citing nga the relevant POEA issuance at ang dahilan po is charity begins at home. Mas nangangailangan po tayo ngayon ng ating mga health professionals dahil nga noong two weeks ago, humihingi ng time out iyong ating mga frontliners ‘no. So iyan po ang kadahilanan, in addition to the fact na pinag-iingatan din natin ang kalusugan nila dahil kung pupunta sila sa mga lugar na mas maraming COVID cases ‘no. Kailan po? Hindi po natin masabi kung kailan, but we have a state of public health emergency. So siguro po kapag humupa na po itong health emergency na ito.

SEC. GALVEZ: Puwedeng magdagdag, alam po ninyo iyong pinakaimportanteng resources ngayon po sa fight natin sa COVID is iyong hospital administration at saka po iyong ating mga healthcare workers. We need to preserve them and we need to reconstitute more reserve para po ma-sustain po natin iyong fight na ito. This is a long fight po kailangang mai-preserve po natin iyong strength ng ating mga healthcare workers. And if we will allow our healthcare workers to go abroad, there will be a morale problem.
Alam po ninyo sa atin po ang tinatawag po natin, si Napoleon Bonaparte, nagsasabi po na war is matter of morale. So, therefore, kailangan po natin i-reconsolidate po natin ang ating mga health workers and we have to preserve them to serve our country. This is the heroic duty po natin as doctors and nurses. To serve our country, to serve our people, to serve our humanity.

USEC. IGNACIO: Secretary, I think si Melo Acuña na po.

SEC. ROQUE: Okay, Melo Acuña, please?

MELO ACUÑA: Good afternoon, Secretary. My questions are unrelated to COVID. But allow me, looking at the photos from the Philippine Red Cross and PIA-Bicol through the NDRRMC, government and private buildings were damaged by the strong earthquake in Masbate. Would the Office of the President order a review of the compliance with the national building code, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, iyan naman po ay palaging tinitingnan ng NDRRMC, kapag nagkaroon po ng sakuna lalo na ng earthquakes. Pero tayo po, we have the strictest building code in Asia because of the earthquakes that we have. So, I’m sure titingnan po iyan, ia-assess ng NDRRMC ang mga damage at titingnan kung mayroon ngang paglabag sa building code. Pero sa akin naman dahil nga sanay tayo sa mga sakuna, iyong mga tulong at mga ayuda na kinakailangan ng mga biktima, lahat po iyan naka-preposition, I understand ‘no. So hindi na po talaga mag-aantay ng delivery of humanitarian assistance, mayroon na po tayong naka-preposition diyan, dadagdagan na lang po siguro iyong mga assistance lalung–lalo na iyong after making assessment kung ano talaga ang kinakailangan po diyan sa Masbate.

MELO ACUÑA: Thank you very much. For Usec. Bong Vega. Usec., good afternoon. Would you order a study or an assessment of the structural integrity of government health facilities in earthquake-stricken areas, particularly Masbate, Mr. Usec? Thank you.

USEC. VEGA: Yes, sir. I think that’s part of the regulation, sir, especially dito under the Department of Health. We have the regulators composed of architects and engineers and they would really look into the stability of buildings and I think that would be one of their components in terms of the how safe is the building is. So, I can always relay that to the engineers and architects of the regulations team.

MELO ACUÑA: And please update me. Thank you.

USEC. VEGA: Sure! Thank you, sir.

MELO ACUÑA: Thank you very much. Good afternoon.

USEC. VEGA: Thank you.

USEC. IGNACIO: Secretary, ang susunod pong—

SEC. ROQUE: Babalik tayo [signal freezes]

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary?

Ang tanong po galing kay… wait lang po…

SEC. ROQUE: Medyo nag-freeze tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong po galing—Secretary? Ang tanong po galing—

SEC. ROQUE: USec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary?

SEC. ROQUE: Go, Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Ang tanong po galing kay Sam Medenilla ng Business Mirror. Ang tanong po niya for SEC. ROQUE: Ilan pong vaccine ang expected na bibilhin ng government na vaccine sa Russia at magkano po kaya daw ito?

Sec. Roque?

I think… puwede po kay Sec. Galvez?

SEC. ROQUE: Yes, yes. I’m back! I’m back, I’m back.

USEC. IGNACIO: Okay, Secretary. Ulitin ko po iyong tanong ni Sam Medenilla—

SEC. ROQUE: Kapag nawala ulit, just [signal freezes] Yes.

Okay, ang sagot ko po doon sa nawala ako sandali, ang sabi po ng ating Pangulo at ni Sec. Dominguez, we are scheduled to buy for twenty million people at two doses, so, that’s forty million.

Forty million po ang bibilhin natin, hindi ko lang po alam kung ilan ang bibilhin galing sa Russia o ilan ang bibilhin sa iba’t-ibang parte ng daigdig. I guess that will depend later on po kung ready na talaga ang mga vaccines, kung ilan iyong magiging available din.

Pero ang target total na bibilhin po natin for the poorest of the poor ay forty million doses of the vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Question for Sec. Galvez galing pa rin po kay Sam Medenilla: Mayroon na kayang classroom na nagamit na ang government to serves as an isolation facility? If yes daw po, ilan pong patients na ang na-isolate sa nasabing mga facilities? For Sec. Galvez po.

SEC. GALVEZ: Nagsimula po ang ating mga COVID cases mayroon na po tayong nagagamit na mga school buildings especially dito sa Metro Manila. Ang maganda po ngayon, pinapayagan na po na ipagamit ito, iyong 50%.

Sa ngayon po, marami po, halos libo-libo po ang nagkaroon ng tinatawag nating experiences na talagang doon sila na-quarantine sa mga school buildings kasi po lalo na po sa mga barangay, ang pinakanakikita natin na accessible na maging quarantine facility ay iyong mga school buildings.

So, iyong school building po nagagamit po talaga natin na isolation facilities but iyong iba po na mga isolation facilities, gumagawa po ang mga ibang mga mayor ng mga tinatawag nating sports complex at saka mga tinatawag na multipurpose buildings. And we are now also constructing mga modular isolation facilities particularly doon sa areas ng Laguna at saka dito sa areas ng Central Luzon.

So, nagagamit po natin at kami po ay nagpapasalamat sa DepEd at binigyan po tayo ng permission na magkaroon ng kahit na 50% po na isolation facility sa ating mga schools, school buildings.

USEC. IGNACIO: Iyong third question niya po ay para kay Sec. Galvez and siguro po para na rin po kay USec. Vega, kay Dr. Vega. Ito po iyong tanong niya: How will the new reported new strain of COVID-19 affect the government measures against the pandemic?

Sec. Galvez?

SEC. GALVEZ: Kung ang sinasabi po na iyong strain na ito ay mas mabilis ang paghawa ay palalakasin po namin talaga na mas mabilis din po iyong pag-capacitate natin sa mga quarantine facilities natin at saka ating mga ICU beds.

So, iyon ang titingnan po natin ngayon sa bagong balita po na ito ay talagang ima-maximize na, ido-double-up po natin iyong tinatawag nating Build, Build, Build dito sa mga facilities natin po na medikal.

USEC. IGNACIO: Opo

USEC. VEGA: Okay. Sa akin naman ho, ito naming new strain na nakikita nila, napansin ho nila na mas infectious ang new strain ngayon pero ang severity ho nito mababa kaya titingnan natin ang mortality rates na ho natin dito sa Pilipinas ay 1.6 na lang pero ang dami ring na-i-infect.

So, ang pinakamaganda rito ay iyong ating strategy na prevention, detection, isolation, containment. Ito lang iyong pamamaraan siguro na we can lessen the transmission of the virus kahit na very infectious siya.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, USec. Vega.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you. Let’s call on Joseph Morong of GMA News.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! Good afternoon. Sir, my question, I’d like to pick up from what Sec. Galvez said kanina. Mayroon po siyang panawagan sa publiko na kapag may nararamdaman na mga flu-like symptoms ay ini-encourage sila ng gobyerno na magpa-test.

But I think part of the reason why iyong mga tao na may ganoong karamdaman ay natatakot or nahihiya is that probably they don’t know the step by step. Question to SEC. GALVEZ: Sir, kung halimbawa, let’s go to your appeal, iyon pong tao na natatakot na may COVID siya, may nararamdaman, inuubo, masakit iyong lalamunan, ano po iyong dapat niyang gawin? Sino po iyong kailangan niyang kausapin at baka natatakot din, sir, sa cost? Papaano iyan? Libre ba ‘yan—we know it’s PhilHealth pero can we elaborate on the procedures?

SEC. GALVEZ: Ang ano po natin kasi mayroon po tayong tinatawag na takot sa discrimination, at the same time, iyong iba po ay natatakot na malamang positive sila kasi mawawalan sila ng trabaho. Iyon po ang mga talagang major causes na parang itinatago nila iyong kanilang mga sakit.

Kaya nga po gusto po natin na they should openly consult iyong mga barangay officials nila at saka barangay health workers para matugunan po kaagad iyong kanilang karamdaman.

Kasi po ang ano po natin, importante po kasi iyong early detection kasi po kapag na detect po natin kaagad, mako-contact trace din natin, at the same time din po, puwede po natin siyang magamit po kaagad kasi po ang pinakaimportanteng ano po ng ating konsepto at saka istratehiya ay ma-minimize po natin iyong death at the same time ma-contain po natin iyong new cases.

By early reporting and early detection, mas mapapaigting po natin iyong ano po, iyong ating mga istratehiya na contact tracing at saka iyong tinatawag nating isolation.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyong—

SEC. ROQUE: Just to add ‘no, Joseph, sa kauna-unahang protocol ng Department of Health ay nakasaad na doon na iyong mga symptomatic ay covered talaga ng libreng testing na babayaran ng PhilHealth.

So, kung mayroon kayong sintomas, huwag na po kayong mag-atubili dahil sa simula’t simula pa, libre po ang inyong testing dahil kayo po ay symptomatic.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Punta lang sila sa ospital, sir, ganoon? Sabihin nila—

SEC. ROQUE: Opo. In fact, puwede silang tumawag sa hotline ni Dr. Vega. Sa hotline po sa One Hospital Center, mayroon din silang listahan kung saan sila pupuwedeng pumunta.

At hindi ko po alam kung nagtataas ng kamay si Testing Czar. Testing Czar?

Ay, hindi. Sino ba iyong nagtataas? Ah, si ano pala, si USec. Rocky. Pero Dr. Vega, can you confirm na puwede rin silang tumawag sa hotline for saan iyong pinakamalapit na testing center?

USEC. VEGA: Oo, tama ho iyon. Puwede silang tumawag doon sa hotline namin o sa mga telephone numbers na ini-release namin sa public. Ang sasagot ho niyan ay ang call center tapos ipapasa ho iyon sila sa MMDA responders kung saan sila puwede magpa-test o magpa-isolate or magpa-treat.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Thank you, sir. May second question, sir, is I guess Sec. Roque and IATF. Sir, ano po iyong basis natin for selecting these provinces to be put in GCQ? And can we explain further iyon pong features ng GCQ ngayon in terms of these parameters: probably flights, quarantine passes, curfews in cities? Those kinds of things, sir.

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, sinabi ko na po na ang gatherings ay limited to ten or sa mga religious services 10% of capacity which is higher. Puwede na pong mag-resume ang mga flights ng domestic flights na nakansela noong MECQ. Mas marami na pong establisyemento na bukas. Puwede na pong muli ang dine-in, pero pag-uusapan po ng mga local officials at mga businesses kung itutuloy iyong 50% capacity kasi binuksan natin up to 50% capacity pero sa IATF Resolution po, up to 50% capacity bukas siya.

Technically speaking po, ang mga passes eh hindi kinakailangan pero ako po ay nagmumungkahi sa IATF na maski GCQ at maski nga MGCQ dapat iyong mga quarantine passes eh hinahanapan pa rin ang taumbayan to discourage ang unnecessary paglabas ng tao.

Ano pa ba? At iyong transportasyon po, balik nga po ang transportasyon up to 50% dito po sa—

JOSEPH MORONG/GMA 7: Salons, sir?

SEC. ROQUE: —GCQ. Balik po ang—

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong mga salons?

SEC. ROQUE: Well, ang mga salons po, dati po kasi bago tayo bumalik sa MECQ na-allow po natin iyan ‘no. I’d like to give kasi the local governments flexibility kagaya ng sinabi ni Secretary Galvez kanina ‘no, na humihingi naman iyong mga local governments na dapat iyong strict implementation ng GCQ noong una. Pero tingin ko po paplantsahin po iyan sa lalong mabilis na panahon dahil itong panawagan naman po ng Metro Manila mayors came after already the recommendation for GCQ ‘no. So I think it will be brought to the IATF for their discussion. If I’m not mistaken, mayroon naman pong natitirang isa pang meeting itong linggong ito ang IATF, so lilinawin po natin iyan.

JOSEPH MORONG/GMA7: And the basis for placing some provinces in GCQ and others in MGCQ?

SEC. ROQUE: Ano po, consistent po tayo, it is still case doubling rate and then critical care capacity. Tapos iyong mga factors ng economy, kino-consider din po.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, last question ko, sir, regarding the President’s statement about the alleged trip to Singapore. Sir, for the record, what is the state of the President’s health?

SEC. ROQUE: You saw him. I think [garbled] he will not be able to answer that question but everyone saw the President as a late person [garbled] and he was inspiring when he [garbled]…

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir I’m sorry, we weren’t able to get the answer. Can we repeat the—for sound bite purposes, I’m sorry nag-choppy kayo, sir.

SEC. ROQUE: [Garbled] Presidente. Ako po bilang non-medical [garbled] and I did not [garbled] person.

JOSEPH MORONG/GMA7: Well, choppy pa rin, sir, pero maybe later na lang. Choppy, sir, talaga eh.

SEC. ROQUE: Siguro tawagan mo na lang ako for the sound bite ‘no.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sige, sir. Okay, sir.

SEC. ROQUE: Thank you. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, tanong po mula kay Virgil Lopez ng GMA News Online. Ito po ang tanong niya: Regarding IATF Resolution No. 64, does the temporary deployment ban on medical workers cover new hires or does it include those with existing contracts?

SEC. ROQUE: Gaya ng sinabi ko po kanina ‘no, hindi po [garbled] ni-reiterate po ng IATF iyong dati nang guidelines o issuance ng POEA at according to the POEA guidelines po, iyong mga naproseso nang mga dokumento ay pinalabas po sila. Iyong mga bago pa lang magpoproseso ng dokumento, hindi na po sila papayagan.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, si Pia Rañada na po.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hi, sir. Sir, medyo confusing itong new GCQ scenario we have. Kasi in GCQ, you said earlier people can only go out for essential goods and services but gyms are also now allowed and so are dine-in restaurants. So, is going to the gym and eating out considered essential?

SEC. ROQUE: Hindi pa po pupuwede ang gyms ‘no. Ang gyms po, hindi pa talaga pupuwede. Pero iyong pagkain po sa dine-in, ina-allow naman po iyan ‘no. Pero ang general rule naman po talaga, kung hindi naman magtatrabaho ay huwag na pong lumabas ‘no, iyon po talaga iyong general rule natin. At saka iyong rules of GCQ, malinaw na po iyan ‘no. Siguro po ibabalik namin uli sa webpage ng OPS at ng PCOO para mas madali pong maging reference guide.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, what will it take for Metro Manila to become MGCQ, in actual … in hard numbers? Kasi, sir, like for example you mentioned before, 28-day case doubling rate, how about po iyong target positivity rate? Ano po iyong percentage of critical care capacity that has to be available at that time?

SEC. ROQUE: Well, to achieve a case doubling rate of 28 days, you must have less than 1 R0 ‘no. So parang hindi sapat ang one, it has to be less than one R0 for 28 days case doubling rate. So medyo malayo pa po ang tatahakin natin pagdating sa MGCQ.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And, sir, for iyong critical care capacity, alin po dapat iyong percentage na available para to say we are ready for MGCQ?

SEC. ROQUE: Okay. Seventy percent po above is dangerous, so below 70 is not dangerous ‘no. So we should [garbled] not to exceed 70% of our critical care capacity.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And, sir, last question for Secretary Galvez. Sir, you said earlier, MECQ is no longer sustainable. So does this mean that you’re ruling out MECQ moving forward? I’m talking about MECQ na province-wide or city-wide. So no MECQ ever na, ganoon po ba iyon?

SEC. GALVEZ: Ang nakita namin, kapag na-empowered na mabuti ang ating LGU at saka na-implement nilang mabuti iyong granular lockdown, mas madali po. Kasi iyon pong granular lockdown, kapag may nag-sprout na new cases in a certain area, ila-lockdown niya po kaagad iyan. So meaning, mapi-preempt po iyong tinatawag nating spike ng mga new cases. So if the LGU will be able to have that kind of tinatawag nating surgical lockdown, mas madali pong i-manage kasi maliliit po na mga area po iyon. Iyong tinatawag po natin na MECQ on a regional basis, talaga pong hindi po sustainable economically.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, we can expect, sir, na wala nang MECQ declaration in the future?

SEC. GALVEZ: Titingnan po natin. Pero ang ano po natin talaga, ang way forward po natin ay hindi na tayo makabalik sa MECQ dahil kasi po malaki po ang damage po noon sa ating economy at the same time magsa-suffer din po ang livelihood and other social benefits and also magkakaroon po tayo ng mga problema sa other factors. And I believe iyon ang ano po namin, iyon po ang ano po namin sa NTF, we strongly believe in the way forward is really for us to implement iyong tinatawag nating mga localized implementation.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Salamat po.

SEC. ROQUE: Okay. Back to Usec. Rocky. Thank you, Pia.

USEC. IGNACIO: Question for Dr. Vega from Tina Mendez of the Philippine Star. To Usec. Vega po: How can the Chinese medicine Linhua Qingwen capsules help in the treatment of symptoms of COVID-19? Is this encouraged to be prescribed as part of possible treatment in our hospitals since it has been approved by FDA?

USEC. VEGA: Approved in FDA means it can be sold to the public, but having hard evidence ‘no and scientifically proven na it will actually cure you of COVID-19 is still not answered. Hindi pa natin—hindi iyan nasasagot. And besides ito iyong Chinese medicine ho, herbal naman ho ito, just like any herbal medicines that we have. So, there is no hard evidence to this.

USEC. IGNACIO: Secretary, si Triciah Terada na.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Magandang hapon po sa lahat. Sir, ulitin ko lang po siguro, relay ko lang po ulit iyong question ni Joseph Morong para po hindi sayang iyong sound bite ‘no. For the record po as what Joseph mentioned, kumusta po iyong kalusugan ng ating Pangulo?

SEC. ROQUE: Well, nakita po ng buong sambayanang Pilipino ang Presidente kagabi, mukha po siyang masigla at mukha pong wala siyang kahit anong iniinda sa kaniyang katawan ‘no. So ang Presidente nga po, animated siya noong nagsasalita siya tungkol doon sa anti-drug campaign niya and he was also very inspiring when he needed to inspire the people. So sa aking tingin po bilang isang ordinaryong mamamayan, wala naman pong iniinda ang ating Pangulo.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Okay, Secretary. Sir, punta po ako ulit doon sa deployment ban ng mga health workers. Although we understand nga po na existing na ito even before, but now that since we have this target of having 10,000 healthcare workers, iyong target na mapatulong po natin sila dito sa laban natin sa COVID-19. What specific measures are there in place to make sure na mayu-utilize po natin fully itong ating mga medical workers na pansamantalang hindi makakalabas? May way po ba or parang green lane where they can apply para po makapagtrabaho po sila dito as healthcare workers?

SEC. ROQUE: Pinadali na po natin iyong proseso ng pag-a-apply – they can apply online na. So, hindi na po sila kinakailangang mag-job search physically. We have contacted already a call center to actively recruit health professionals. In additional to that, we anticipate the passage of Bayanihan II. We have promised them additional benefits. We have promised them additional hazard compensation, free testing, free accommodation. So lahat naman po iyan, they can avail of these benefits.

TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Second question po, sir, doon sa earthquake po na nangyari, iyong 6.5 earthquake. Medyo nakita po natin doon sa pictures, medyo matitindi iyong pinsala. Paano po natin mami-make sure na in case of the need to evacuate na masusunod pa rin po iyong minimum health standard natin? Naka-ready po ba tayo for these kinds of disasters and these scenarios?

SEC. RQUE: Well, alam po ninyo ang mga Pilipino dahil nga sa dami ng bagyo at lindol at pagputok ng bulkan na nangyayari sa atin, laging handa na tayo. At dahil laging handa tayo, tingin ko naman nakapreposisyon na nga gaya ng sinabi ko iyong mga humanitarian assistance; dadagdagan pa po natin iyan. Asahan po ninyo sa lalong mabilis na panahon, dahil mayroon naman talaga tayong naka-stock na dahil sa numero ng natural calamities na dumadaan sa atin.

So sa akin po, kabahagi ng buhay natin ang mga ganitong mga sakuna. Pero palagi po tayong tumatayo at palagi po nating sinisigurado na nagbabayanihan ang lahat. Kung kinakailangan nang mas marami pang tulong na hindi maibibigay kaagad ng ating gobyerno, sigurado din po ako na ang ating mamamayan at pribadong sektor ay tutulong din.

TRICIAH TERRADA/DNN PHILS: Secretary, finally po. Last night doon sa speech po or sa address ng Pangulo, kapansin-pansin na … actually, it’s been awhile since we heard the President talking about the drug problem or at least big part ng speech niya napunta doon sa drug problem kagabi. Sir, why is all of the sudden the President bringing this up and ito pong pagsulong ng death penalty? Does the Palace see it as an urgent need, kahit po nasa gitna po tayo ng laban sa COVID-19?

SEC. RQUE: Well, Trish, first on the death penalty, that has been his campaign promise. So he has been lobbying Congress for it. And he is hoping in the next two years, it will be realized ‘no. Pero iyong pagsalita niya siguro sa drug war, sa akin nakabuti iyon dahil nakita ng bayan kung gaano kasigla si Presidente kapag pinag-uusapan na niya iyong favorite na kanyang priority project ‘no – iyong labanan nga iyong ipinagbabawal na droga.

Hindi naman po nagbabago ang Presidente, consistent lang po siya dahil alam niya na patuloy pa rin ang pagkalat ng pinagbabawal na gamot. Maraming mga pagkakataon iyong mga ayudang binibigay eh binibili pa ng ipinagbabawal na gamot. So, that’s also to tell law enforcement agents na hindi sila dapat maging complacent dahil even with COVID, patuloy po ang gawain ng mga drug lords.

USEC. IGNACIO: Secretary, mayroon na lang po tayong last two questions, galing po kay Angel Ronquillo ng DZXL-RMN. Ano daw po iyong ayuda ng gobyerno sa mga biktima ng malakas na paglindol sa Masbate at kung magtutungo daw po doon personally si Pangulong Duterte?

SEC.ROQUE: Pagdating po sa ayuda, huwag po kayong mag-alala, iyong mga pagkain, mga blankets, mga resettlement areas, lahat po iyan ay naka-preposition na po iyan at sanay-sanay na po tayong magbigay ng ganiyang tulong sa ating mga kababayan. Pagdating naman po doon sa pangalawang tanong—ano iyong pangalawang tanong?

USEC. IGNACIO: Kung pupunta daw po—

SEC.ROQUE: Kung pupunta ang Presidente, siguradung-sigurado po ako na gustung-gusto ni Presidente na pumunta at siguro po makikipag-away pa iyan sa PSG kung talagang siya ay pipigilan, pero bahala na po magdesisyon ang Presidente at ang PSG. Instinctively, ang Presidente ay gusto nang lumipad papunta ng Masbate. Pero whether or not he will be allowed, tingnan po natin.

USEC. IGNACIO: Okay, ang last question po galing kay Ace Romero. The government rejected experts’ suggestion to extend MECQ by two weeks. How will this affect the goal to flatten the curve given that a two-week extension is perceived as a solution to achieve that?

SEC.ROQUE: Well, pinakinggan naman [signal cut] Yes, naputol po ako ano? Pinagbigyan din po ng IATF ang mga opinyon ng dalubhasa na pupuwede naman po tayong pumunta sa GCQ. Alam po ninyo, ang IATF, unang-una, bukod sa mga taga-DOH ay marami po tayong consultants lalo na iyong mga epidemiologist at analytics at sila naman po ang nagbigay ng suhestiyon na kakayanin naman pong pumunta sa GCQ basta istrikto po ang ating localized lockdown. Dapat lahat ng mga symptomatics, iti-test at ia-isolate; lahat ng positibo na walang sariling kuwarto at banyo ay kinakailangang mag-isolate; at iyong mga tini-trace natin ‘no, isolated sila at i-test ‘no.

So ang naging suhestiyon po ng mga dalubhasa rin, pupuwede naman pong magpunta ng GCQ kung masusunod itong mga palatuntunan na ito. So, hindi po natin binalewala ang suhestiyon ng ilang mga eksperto pero mayroon din naman tayong mga kinuhang mga opinyon, puwede naman tayong magpatuloy at siyempre pinakinggan iyong mga economic managers na nasa punto at 16.5 contraction at allegedly 40% plus unemployment ay kinakailangan talaga bigyan ng pagkakataon na makapaghanapbuhay ang ating mga kababayan.

And with that, I would like to end our press briefing. I would like to thank our Czars headed by Secretary Galvez, Secretary Vince Dizon, Mayor Benjie Magalong and Usec. Bong Vega. I would like to thank Usec. Rocky and the members of the Malacañang Press Corps.

Sa ating mga kababayan, ito po ang mensahe ‘no: Talaga pong matindi po ang mga pagsubok na hinarap natin dito sa COVID-19. Pero matapos po ang anim na buwan, alam natin na tatagal pa itong problemang ito at kinakailangan nga po ipagpatuloy natin ang ating pang-araw-araw na buhay. Kakayanin naman po natin iyan, kilala na po natin ang sakit na ito. Kinakailangan lang pong gawin natin ang dapat nating gawin, mag-mask, [garbled] at kung magtatrabaho. Ang gobyerno naman po ay ibibigay ang ating pangangailangan; gumagawa po tayo ng mga additional na mga hospital beds para po ma-improve ang ating capacity at nag-aangkat po tayo ng mga gamot para dito sa sakit na ito.

So, mga kababayan, gaya nga po ng sabi ng ating Presidente, kaunting tiis na lang po. Gawin natin ang ating mga responsibilidad and together We will Heal as One.

Sa ngalan po ng inyong Presidente—ay maraming salamat din po kay Dr. Panaligan. Dr, Panaligan, are you here? Maraming, maraming salamat po sa inyo. At maraming salamat din po sa lahat ng ating mga frontliners, mga medical professionals, maraming salamat po.

Sa ngalan po ng ating Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox na nagsasabing – We Will Heal as One, Philippines. Hanggang sa Thursday po, ito po ang inyong Spox Harry Roque. Keep safe.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)