Interview

Interview with Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Tutok Erwin Tulfo)


MR. TULFO: Magandang umaga, Sec. Harry! Sir!

SEC. ROQUE:   Magandang umaga, Pareng Erwin at magandang umaga Pilipinas!

MR. TULFO: Alright. Pinag-aaralan na raw ng Pangulo nang mabuti kung papayagan na rin ang mga limang taong gulang pataas na lumabas ng tahanan. Secretary, is this correct?

SEC. ROQUE:   Lilinawin ko po ngayon na ang on the table for discussion is iyong paglalabas ng mga kabataan from 15 to 65 lang po dahil ito po iyong edad na sumang-ayon na ang mga Metro Manila mayors. So, 16 to 65 lang po ‘no.

At ang proposal naman po ng NEDA at ng IATF henceforth increments of five years. So, siguro po sa susunod matapos ang 15 puwede ibaba sa diyes (10) pero unti-unti po iyong ating pagbaba habang siyempre umuusad iyong ating pagbabakuna.

MR. TULFO: Alright. Sir, ganoon din daw pati face to face classes pinag-aaralan ng Pangulo—kasama doon sa pag-aaral niya ay itong kung bubuksan na muli ang mga eskuwelahan sa face to face classes, Sec.?

SEC. ROQUE:   Ikukumpirma ko po na pag-uusapan muli po iyan sa—magkakaroon po ng Cabinet meeting itong 22, sa Lunes ‘no. Isa po sa agenda iyong pagtutuloy noong naantalang pilot para sa face to face na eskuwelahan sa mga lugar na mababa po o walang COVID.

Ito po ay kung maaalala ninyo ay panandaliang inihinto ng Presidente dahil pumasok nga iyong UK variant na sa mga panahon na iyon ay hindi pa natin alam ang anyo. So, pag-uusapan muli po iyan ngayong alam natin na hindi naman po nagkakaroon ng community transmission ang UK variant sa Pilipinas at ngayong paparating na rin po ang ating mga bakuna.

MR. TULFO: Secretary Harry Roque, maraming salamat, sir! Stay safe and healthy. Good morning!

SEC. ROQUE:   Maraming salamat po at magandang umaga po.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)