Interview

Interview with Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque by Erwin Tulfo (PTV – Tutok Tulfo)


TULFO:   Magandang umaga, Secretary Roque.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin. Magandang umaga, Pilipinas.

TULFO:  Sir, sabi po ng UP-OCTA at binabantayan nila, patuloy daw po ang pagtaas nito [COVID cases]. Baka umabot ng 20K by April kapag patuloy ang mga kababayan nating hindi makipagtulungan sa pamahalaan at hindi naman kaagad marespondehan ng LGU itong mga panawagan, so baka pumalo tayo diyan. Ang pangamba po ng iba, sabi kapag napuno ang mga ospital, may posibilidad ba na bumalik tayo sa modified enhanced community quarantine or MECQ, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, Pareng Erwin, malinaw iyong formula na ginagamit natin, iyong dami ng kaso ng COVID at saka iyong kapasidad nating magbigay ng medical attention, iyong health care utilization rate na tinatawag. So, kapag naubusan tayo ng mga kama, siyempre po iyan ang magiging dahilan para tayo po ay magbago ng quarantine classification, dahil hindi naman pupuwede na sa kalye natin gagamutin ang ating mga kababayan. Pero ako naman po, kampante ako na bagama’t itong pagdami na ito ay hindi lang dahil sa kawalan ng minimum health standard, kung hindi na rin dahil sa mga bagong variant. Eh ang Pilipino naman po susunod talaga sa minimum health protocol at naniniwala po ako na lahat tayo ay makikipagbayanihan para mapababa ang numero, dahil importante sa atin na manatiling bukas ang ekonomiya, dahil kinakailangan nating maghanapbuhay.

TULFO:  So, walang posibilidad, malayo ba sa riyalidad na bumalik tayo sa MECQ, Secretary, or it depends?

SEC. ROQUE:  Ang sinasabi ko lang po ay nasa 55% po ang availability ng ating ICU at nasa parang almost 60% pa rin ang ating mga wards at saka COVID ward. So, mayroon naman po tayong One Hospital Command Center para sa buwan ng Abril po sa tingin ko ay hindi pa magbabago ang quarantine classification. Pero lahat po iyan ay rerepasuhin pagdating ng huling linggo ng Marso at ito naman po ay isang linggo na lang at kung titingnan po natin kung hindi nga tayo mauubusan ng mga kama sa ating mga hospital.

TULFO:  Sir, sang-ayon po ba ang IATF dito sa ipinatupad ng LGUs, partikular na ng Metro Manila Council na curfew buong Metro Manila at mga localized lockdown? Do you think this will be sufficient enough to hold itong pagtaas ng coronavirus sa ating bayan, Secretary?

SEC. ROQUE:  Sang-ayon po, dahil binabalanse po talaga natin iyong pagkakaroon ng hanapbuhay doon sa pagkukontrol ng paglaganap pa ng coronavirus at suportado naman po iyan ng IATF dahil iyan po talaga ay katungkulan din ng LGU. Sila naman po ang nagpapatupad ng mga polisiya na binubuo ng IATF para mapababa itong mga numerong ito at sila po iyong may kapangyarihan din na magdikta ng ganitong mga regulasyon. Dahil ang IATF naman po ay walang ganiyang kapangyarihan na nakasaad po sa local government code.

TULFO:  Panghuli na lamang, Secretary, marami po tayong nakakausap at mga netizens na nag-uusap-usap sa social media. They are looking forward ngayon pong Holy Week – ito pong Thursday, Friday, Saturday, Sunday, 1,2,3,4 po yata iyan – ang pangamba po ng ilan baka po magbago, baka humigpit po ang mga biyahe, ang mga kababayan natin hindi makakauwi sa kani-kanilang mga probinsiya. Do you think mababago ba ito o wala naman po, okay lang ang paggalaw ng mga tao, sir, going home?

SEC. ROQUE:  Hindi ko po masasagot iyan dahil ang IATF po ay isang collegial decision at kinakailangang pagkasunduan pa iyan, dito sa darating na huling linggo ng Marso. Pero siyempre po lahat po tayo looking forward to Holy Week, kasi sa Holy Week naman talaga walang trabaho, so parang magkakaroon po talaga tayo ng less mobility. At iyan po ang kinakailangan natin ngayon para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.

TULFO:  Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson/IATF Spokesperson. Sir, stay safe and healthy. Magandang umaga po.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga po at salamat po.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)