Interview

Interview with Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque by Erwin Tulfo (PTV – Tutok Erwin Tulfo)


TULFO: Magandang umaga, Secretary Harry Roque, sir.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin. At magandang umaga, Pilipinas.

TULFO: Sir, unahin ko na muna, ilalapit ko na rin siguro sa inyo itong driver ng ambulansiya ng isang barangay sa Valenzuela, namatay iyong ginang dahil ayaw ihatid ng driver ng ambulansiya, dahil natatakot daw baka magka-COVID siya. Tama po ba iyon, Secretary Harry?

SEC. ROQUE:  Well, alam ko po dapat mayroon silang mga precaution, dahil mayroon naman tayong gamit for precaution, iyong mga PPE. Pero hindi ko lang po alam talaga ang detalye, kaya medyo mahirap magbigay ng opinyon. Pero kung mapapansin po ninyo ngayon talagang lahat po ng pasyente ngayon ay naka-ambulansiya at lahat po ng mga nagda-drive ng ambulansiya mga naka-PPE.

TULFO:  Sir, lipat po tayo. Ayuda, hanggang April 11 na lamang, sabi ninyo kahapon, kaya kailangang eh pag-aralang mabuti ng pamahalaan kung bababa tayo sa MECQ dahil kung magtutuloy ito hindi na kakayanin at wala nang ibibigay na ayuda sa mga kababayan natin kung mananatili tayo sa ECQ itong NCR bubble plus?

SEC. ROQUE:  Well, iyan po ang sinabi ni Secretary Wendel Avisado na wala na po tayong pondo bagama’t pupuwede naman tayo humingi ng pondo sa Kongreso sa pamamagitan ng request for special session, dahil naka-recess po ang Kongreso. Pero medyo maraming hakbang na gagawin para doon at sa tingin ko naman based doon sa mga model ng Department of Health mismo, eh mukha namang magkakaroon ng resulta, mabuting resulta itong ginawang dalawang linggong ECQ at saka isang linggong travel bubble. Tapos puwede namang mag-MECQ tayo matapos itong ECQ na ito.

TULFO:  Will it be sufficient, itong two weeks? Kasi ang parang hinihingi po yata ng OCTA, sir, at least four weeks, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, naka-two weeks naman po tayo, dahil last week ay ECQ rin tayo, tapos ngayong linggong ito ay ECQ rin, so two weeks naman po iyan, tapos iyong isang linggo na travel bubble.

TULFO:  Sir, kasi marami ang nagsasabi ngayon, ina-anticipate na bababa na tayo sa MECQ itong NCR plus bubble, anu-ano bang pupuwede at hindi pupuwedeng gawin sa MECQ? Alam ko medyo ma maluwag ang MECQ sa ECQ, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, sa MECQ kasi hanggang sampung tao. Well, sa ECQ talagang walang public gathering di ba. Tapos doon sa MECQ mayroong kaunting gathering, ngayon kasi zero talaga. Tapos iyon po, basically public gathering pero lahat iyong mga industriya na matao eh mananatili pa rin pong sarado.

TULFO:  Panghuli na lamang, Secretary. Nakarating na po ba sa inyo na itong ilang mga private hospitals ay hindi pa nga natatanggap iyong pasyente na suspected with COVID, nandoon pa lamang sa tent pina-process pa lang eh tumatakbo na raw iyong bayarin niya.  P1,000 per hour daw ang singil ng ilang ospital eh pina-process pa lang daw iyong pasyente. Eh minsan iyong pasyente inaabot ng 12 hours or one day doon sa tent bago makahanap ng kuwatro eh P24,000 na kaagad iyong babayaran niya, Secretary. Nakarating na po ba sa inyo ito, Sec?

SEC. ROQUE:  Nakarating na po at iimbestigahan po iyan ng DOH. At alam na rin po natin kung anong ospital iyan at wala pong legal na basehan iyang ginagawa nila.

TULFO:  Secretary Harry Roque, sir, maraming salamat po. Magandang umaga po sa inyo. Stay safe.

SEC. ROQUE:  Thank you.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)