Interview

Interview with Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque by Aljo Bendijo and Diane Querrer (PTV 4 – Rise and Shine Philippines)


BENDIJO:  Spokesman Roque, magandang umaga po.

SEC. ROQUE:  Naku magandang umaga, Aljo, at TGIF – Thank God It’s a Friday. Pero bagama’t napakaaga pa, balitang IATF naman po tayo. Nagpulong po kahapon ang inyo pong IATF at ito po ang kanilang napagkasunduan:

  • Inatasan po ng IATF iyong mga pension issuing agencies pati na ang kanilang servicing banks at iba pang mga financial institutions na magkaroon ng alternative modes of validation para sa mga senior citizens pensioners.

Dati-rati po kasi, niri-require ang personal appearance. Sa ngayon po kinakailangan magpakita ng personal o magsumite ng mga dokumento ng personal ang mga senior citizen para patuloy nilang ma-access ang kanilang pension. Well, siyempre po dahil nga po sa COVID at sa kaligtasan ng ating mga seniors, inatasan ang mga relevant government agencies na mag-isyu ng memorandum circular sa pagpapatupad nito sa a-uno ng Marso. Alam naman natin na tayo ngayon ay nasa gitna ng pandemya at ang mga seniors ay isa sa high risk at vulnerable sa COVID-19. Para matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan, inaprubahan ang resolusyon na ito na hindi na po sila kinakailangan na magkaroon ng personal appearance sa mga bangko at iba pang mga institutions para makuha lamang ang kanilang mga pension.

  • Kasama rin sa inaprubahan kahapon ng inyong IATF ang amendment on mass gathering sa ilalim ng General Community Quarantine na nakikita sa Omnibus Motion Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines.

Ito ay para tumugma para sa mga negosyo, mga industriya at mga aktibidades na pinayagan na sa mga naunang IATF resolutions.

  • Kasama rin sa binago ng IATF ang kanilang naunang resolution, IATF Resolution Number 98 kung saan tinanggal na ang reckoning period of March 16, 2020 sa visas para sa foreign nationals na pinapayagang makapasok sa Pilipinas.

Sang-ayon po ngayon sa IATF resolution “The following shall be included added to the lists of foreign nationals allowed to the Philippines: those with valid and existing visas at the time of entry and who were not permitted to enter the country under previous IATF resolutions and holders of valid and existing special residents and retirees visas and Section 9A visas provided they present an entry exemption document to the Bureau of Immigration upon arrival.” So, March 16, 2020, wala na po iyong reckoning period na iyan ‘no.

So iyan po ang ating balitang IATF. Aljo, mayroon ba tayong mga tanong galing sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps?

BENDIJO:  Opo. Atty. Roque, may recommendation ang Metro Manila Mayors na—posible bang mai-shift na natin sa MGCQ lalo na dito sa Metro Manila sa buwan ng Marso?

SEC. ROQUE:  Sabihin na lang po natin na nagkasundo na iyong IATF na nagrekomenda sa ating Presidente na magkaroon na ng MGCQ sa buong Pilipinas at ng mga alkalde sa Metro Manila. So, inaasahan naman natin dahil mayroon ng ganitong kasunduan sa panig ng IATF at mga Metro Manila Mayors, eh baka naman po sumang-ayon na ang ating Presidente. Magkakaroon po ng desisyon ang ating Presidente, itong Lunes, 22 bagama’t baka ito po ay ianunsyo ko bago po matapos ang buwan ng Pebrero.

BENDIJO:  Marami pa rin pong nagtatanong, Atty. Roque, kung kailan ba talaga darating ang mga bakuna at ang narinig sa panig po ng pamahalaan ay maingat ang ating gobyerno sa pagpasok ng mga kontratang ito at iniiwasan natin iyong tinatawag na onerous contract.  Update po tayo, Atty. Roque?

SEC. ROQUE:  Well, alam po ninyong talagang ang sinabi sa atin ng COVAX Facility ay darating iyong kanilang Pfizer eh dapat sa gitna na Pebrero; pero naantala nga po ito. Bakit? Tapatan na po ano, ang Pfizer [Sanofi] ang siya ring gumawa noong Dengvaxia na bakuna na naging dahilan kung bakit nakasuhan ang hindi lang mga opisyales ng gobyerno, kung hindi pati opisyales ng Pfizer [Sanofi] kaya humihingi po sila noong tinatawag na indemnity agreement dahil ang kanilang bakuna naman ay covered ng EUA lang, Emergency Use Authorization at hindi pa ng General Use Authorization. At gumalaw naman po ang ating pamahalaan, ang Kongreso ay bumubuo ng isang batas ngayon na nagsasabi na gobyerno na ang magbabayad ng danyos para sa lahat ng magkakaroon ng side effects dahil dito sa mga bakunang paparating at na-certified naman po ito kahapon as urgent ng ating Presidente, kaya inaasahan nating magiging batas ito.

Pero ang katotohanan din, ay dahil nga po limitado ang supply, pati po iyong AstraZeneca na ide-deliver dapat ng COVAX Facility eh ngayon po bago matapos ang buwan ng Pebrero darating at ito rin po ay subject to logistical challenges dahil napakadami nga pong   kumukuha ng AstraZeneca.

Ganoon pa man ay iyong dino-donate sa atin ng bansang Tsina na Sinovac inaasahan pa rin nating darating ng 23 ng buwan na ito, kaya nga lang nakasaad doon sa kanilang deed of donation kumbaga na kinakailangan mayroon na tayong EUA para sa AstraZeneca (?) [Sinovac] bago pa man siya dumating ng 23. So kung maantala iyong pag-iisyu ng EUA ng FDA para sa Sinovac, eh baka hindi rin makarating po iyong Sinovac sa 23.

Pero tatapatin ko na po kayo, si Presidente nagsalita na, siya mismo naiinip na, kinakailangan dumating na ang mga bakuna. Kaya naman siguro dahil nagsalita na ng ganiyan ang Presidente ay gagalaw ng mas mabilis ang lahat.

BENDIJO:  Opo. Kahapon po nakausap ko si Justice Velasco, Atty. Roque, at may mga mungkahi silang kung papayagan sana ang mga LGUs na direktang bumili o mag-procure ng mga bakuna. Update po tayo sa usaping iyan, Spokesman?

SEC. ROQUE: Ang problema po kasi, kaya hindi sila makabili na diretso ay dahil wala pa nga pong general use authorization ang mga gamot na ito. Ibig sabihin, limitado lang po ang pagbibenta, at ang pagbibenta nila ay under emergency use lamang, kaya hindi po ito nabibili sa pribadong merkado. Ito po ay, kumbaga, special arrangement between sa mga vaccine developers at mga gobyerno. Ang intindihan nila, marami pa tayong hindi nalalaman sa mga bakuna na ito, huwag mo kaming panagutin pero sa ngayon kasi, kinakailangang gamitin na iyong bakuna at sinasabi naman ng mga dalubhasa na ligtas at epektibo itong mga bakuna na ito.

So iyan po ang dahilan. Pero ngayon po, nag-issue na ng Memorandum Order ang Presidente kahapon lamang na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan na magbayad ng hanggang 15% advance payment doon sa mga bakunang binili nila sa pamamagitan ng tripartite agreement kung saan bahagi sa kontrata iyong manufacturer, iyong local government at siyempre po, ang national government pa rin.

DIANE QUERRER: Secretary Roque, magandang umaga po sa inyo. Si Diane Querrer po ito. Mayroon pong katanungan mula po sa amin, Malacañang reporter na si Mela Lesmoras. Kasama rin daw po sa inaprubahan kahapon ng inyong IATF ang amendment on mass gatherings sa ilalim ng GCQ na makikita sa omnibus guidelines on the implementation of community quarantine in the Philippines. Ito ay para tumugma sa mga negosyo, mga industriya at mga aktibidad na pinayagan na sa mga naunang IATF resolution. Maaari daw po bang paki-specify kung anu-ano ang naging amendment sa mass gatherings? Iyon daw po bang mga bata or 5 to 70 years old, papayagan na po bang lumabas ang mga ito, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Hindi pa po covered iyong mga 5 to 75. In fact, ang sumang-ayon ang mga alkalde ay sa edad na 17 hanggang 65 ‘no. Pero iyong resolution na iyon ay para maging uniform lang kung ano iyong mga industriyang bukas dahil alam natin at inaasahan natin na mag-i-MGCQ na ang Metro Manila at ang buong Pilipinas. So ibig sabihin, aalisin na natin iyong mga special na mga rules para sa Metro Manila at mga ibang lugar na GCQ – isahang rules na lang ngayon ‘no. Kung ano iyong pinapayagang magbukas sa MGCQ ay siyempre iyan na po iyong pupuwedeng magbukas, at ang kasama po diyan iyong mga religious gatherings at 50%; iyong mga sinehan at subject doon sa capacity na sasabihin ng ating mga lokal na pamahalaan; iyong mga parks, iyong mga amusement parks.

So ibig sabihin, pupuwede na rin pong magkaroon ng mass gatherings na up to subject to 50%, dahil iyan naman po ay allowed sa MGCQ. So lilinawin ko po, ang ginawa lang po ng IATF Resolution sa paghahanda ng pagkakaroon ng MGCQ sa buong Pilipinas, ni-reiterate na po natin na wala na iyong mga special rules sa GCQ dahil lahat po tayo ngayon ay covered ng mga rules under MGCQ ‘no, at least pagsimula ng a-uno ng Marso at kung papayagan po ng ating Presidente.

ALJO BENDIJO: Opo. Ano pong update natin sa pagpasok po ng mga turista sa bansa, Atty. Roque?

SEC. ROQUE: Sa aking pagkakaalam, hindi pa rin po pinapayagan ang mga turista bagama’t case to case basis, puwede po silang kumuha ng exemption. Pero sa ngayon po, ang pinapayagan lang ay lahat ng mga visas ng mga namumuhunan, mga nagtatrabaho, mga kamag-anak ng mga Pilipino – iyong mga may asawa na Pilipino at mga may anak. Halos lahat ng dayuhan except ang mga turista.

ALJO BENDIJO: Opo. May tanong dito si Joseph Morong: Update sa turista, kasama na ba diyan iyong Love Is Not Tourism?

SEC. ROQUE: Eh ang Love Is Not Tourism po kasi is tourist visa pa rin ‘no. Antay-antay lang po tayo, mukhang malapit na iyan, pero hindi pa po ‘no. Lahat po ng mga long-term visas na na-issue natin ay pupuwede na pong pumasok, so hintayin na lang po natin kung kailan papayagan ang mga turista.

ALJO BENDIJO: Iyong face-to-face classes po para sa mga estudyante, iyon ba ay posible, Atty. Roque?

SEC. ROQUE: Iyan po ay pag-uusapan sa Lunes muli. At kahapon nga sa ating press briefing, in-explain ni Secretary Leonor Briones na ito naman ay naunang naaprubahan ng IATF bagama’t panandaliang tinigil natin dahil nga pumasok iyong new variant.

Pero ngayong naintindihan na natin itong new variant na ito at mukha namang wala pa tayong community transmission sa new variant ay bubuhayin muli ang pag-uusap tungkol sa face-to-face dahil kagaya ng sinabi ni Secretary Briones, parang tayo na lang po ang bansa na wala pang face-to-face sa buong mundo. At hindi naman sinabi na palibhasa face-to-face, iyan po ay eight hours, five days a week; pupuwede namang one hour per week or three hours per week basta mayroon lang pong kombinasyon ng module, ng computer-aided at saka face-to-face kung kinakailangan makipag-ugnayan sa mga guro.

ALJO BENIDJO: Opo. Mensahe na lang, Spokesman Roque, sa ating mga kababayan ngayong marami pa rin po ang nangangamba, ayaw pong magpabakuna dahil po sa takot nila dulot pa rin nang nangyari po sa issue ng Dengvaxia?

SEC. ROQUE: Well, una, lilinawin ko ‘no mukhang mali ang nasabi ko kanina: Ang manufacturer po ng Dengvaxia ay Sanofi not Pfizer. Pero alam ninyo po, Europeans iyan, nag-uusap-usap po iyan. Kaya nga po parang naging mas maingat ang Pfizer bilang isang kapuwa European manufacturer ng Sanofi pagdating sa pagsu-supply ng Emergency Use Authorization.

Ang atin lang naman po, uulitin ko ang sinabi po ng mga dalubhasa – dahil ako naman po ay hindi doktor, hindi dalubhasa – pero sinabi po ni dating Secretary Cabral na unang-una, ang Dengvaxia po ay dumaan po sa proseso hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo at sa WHO. Ito po ay binigyan ng General Use Certification, hindi lang po Emergency Use Authorization. At ito po ay desisyon ng WHO at ng lahat ng mga dalubhasa ng daigdig na ligtas talaga iyong Dengvaxia para gamitin nga sa dengue.

Pero ang nangyari po dito sa Pilipinas, nagkaroon po ng kontrobersiya, hindi pa naman po napapatunayan na ang mga namatay ay dahil sa Dengvaxia, nagkaroon na nga po ng pagkatakot. Kaya nga po ngayon, umaapela kami: Unang-una, Pilipinas, pakinggan po natin ang mga dalubhasa. Hindi po ibig sabihin na lahat ng doktor ay pupuwede nang magkomento pagdating sa mga bakuna. Kinakailangan po pakinggan natin ang mga epidemiologists; pakinggan natin iyong mga espesyalistang mga vaccinologists, at lahat naman po sila ay nagsasabi na bagama’t Emergency Use Authorization ay mas marami iyong benepisyong makukuha natin sa mga bakuna ng COVID-19, laban sa COVID-19 kaysa doon sa kanilang posibleng mga side effects.

So magtiwala naman po tayo sa eksperto dahil sa panahon ng pandemya, sa panahon ng health emergency, eh sino pang paniniwalaan natin kung hindi ang mga dalubhasa.

ALJO BENDIJO: Maraming salamat po, Spokesman, Atty. Harry Roque. Good morning.

DIANE QUERRE: Thank you, Secretary.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News Information Bureau)