Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Willie Delgado and Jorge Bandola (RMN – Straight to the Point)


Q: Good morning, Sec. Harry!

SEC. ROQUE: Magandang umaga sa aking mga salamin sa buhay, kumusta po kayo?

Q: Mukhang malalim ang pinanggagalingan mo.

Q: Mukhang naka-face mask ka ha.

SEC. ROQUE: Sige na nga tatanggalin ko, kaya lang baka tayo ay mahuli.

Q: Okay lang kausap mo naman ang mga guwapo.

SEC. ROQUE: Oo nga, so mayroon tayong guwapo effect.

Q: Pag-uusapan daw ngayon, Secretary, ang mga panuntunan sa pagsusuot ng face shield; ano ba talaga, ayaw ba nilang igalang ang sabi ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Ginagalang naman po, kaya lang siyempre umapela iyong ating IATF, pinangungunahan po iyan ng DOH at ang sabi nila, kinakailangang mag-face shield pa rin sa mga panloob na lugar lalung-lalo na doon sa mga opisina, sa mga hospital at saka doon sa mga malls. So, ang sinasabi naman nila, hindi na nila tutulan iyong hindi na kinakailangang mag-face shield sa labas, pero kinakailangan iyong mga nasa looban ay kinakailangan pa rin mag-face shield at mamaya naman po ay may posibilidad na magdesisyon ang Presidente  sa apilang ito.

Q: Ito po ay pang-buong bansa, Secretary Harry, o base pa rin sa desisyon ng mga LGU?

SEC. ROQUE: Ay pang-buong bansa po ito, ito po ay para sa national. Ang inaapila po ng ating IATF ay iyong mga eskuwelahan, sa mga work places, sa mga food establishment, malls, public market, public transport terminals at saka sa mga places of worships.

Q: Ang nagiging problema, Secretary, kahit na mayroong utos ang IATF sa pangkalahatan, kapag napunta ka sa isang lugar, ang kinakatuwiran halimbawa sa guwardiya, iyan po ang utos sa amin ng ano eh… iyong mga ganitong klaseng insidente, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, para nga po malinaw, antayin po natin ang desisyon ng Presidente mamayang gabi.

Q: Teka ang WHO nagbabala sa mas matinding Delta variant. Dito sa atin sa NCR plus, Sec. Harry, gumaganda na ang ating sitwasyon tungkol sa COVID-19 pero—

Q: Ang problema probinsya.

Q: Probinsya at itong Delta variant. Anong utos sa atin diyan?

SEC. ROQUE: Well, kaya naman po binabantayan ng husto ng IATF iyong iba’t-ibang lugar na iyan at kung mapapansin po ninyo talagang IATF na mismo ang nagtataas ng quarantine classification sa ilang mga lugar na tumataas ang kaso at nauubusan ng healthcare capacity. So, iyan naman po ay closely monitored at ang pakiusap nga natin, habang nandiyan iyong Delta variant at habang hindi pa tapos ang ating pagbabakuna, mask, hugas, iwas at bakuna para doon sa mga pupuwede na.

Q: May posibilidad po ba na bumalik muli ang NCR sa ECQ kapag nakapag-record ng malaking bilang sa Delta variant?

SEC. ROQUE:  Based sa driven naman po tayo, titingnan natin iyong attack rate, titingnan natin iyong healthcare utilization rate at kung karapat-dapat dapat po hindi, pero iyan po ay kumbaga, last resort natin dahil alam natin na kinakailangang maghanapbuhay iyong ating mga kababayan.

Q: Marami po ang nagsasabi magbigay na raw po tayo ng insentibo sa mga nabakunahan na.

SEC. ROQUE: Well, kabahagi na po iyan iyong IATF resolution na pinapayagan nang lumabas ang mga seniors basta mayroong minimum health standard, iyan po ay nagpapakita na mayroon din pong benepisyo talaga ang pagbabakuna, iyong pagbabalik sa dating buhay natin ay possible basta tayo po ay magpabakuna.

Q: Anong polisiya mayroon daw ngayon ang gobyerno, may kinalaman sa COVID-19 response, dahil mukhang hindi… or nakukulangan ha, hindi po si Manny Pacqiuao kung hindi si VP Leni this time.

Q: May mga polisiya daw kasi na pre-pandemic, hindi na raw adoptable para sa ngayon sabi ni VP Leni?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ako ang sinasabi niya, pero alam naman ninyo si VP Leni, wala namang nakikitang mabuti iyan. Typical lang po sa kanya iyan.

Q: Iyong tax measures daw para sa mga private school, bakit daw itinaas pa sa 25%, parang ganoon, iyong sinasabi niya.

SEC. ROQUE: Si VP Leni, may separation of powers tayo eh may desisyon ang Korte Suprema, ano ang magagawa natin.

Q: Separation of powers ng Presidente at Bise Presidente.

SEC. ROQUE: Hindi po, ng ehekutibo at ng ating hudikatura.

So, noong magdesisyon ang ating hudikatura, kung ano ibig sabihin ng non-profit educational institution doon sa kaso ng La Salle, at ina-apply lang naman po ng Department of Finance iyong naging desisyon ng Korte Suprema. So, kung gusto po ni VP Leni eh doon po siya maghain ng mosyon. Abogado naman po siya, sigurado marunong siyang gumawa ng pleading.

Q: Oo nga pala, congratulations sa Cong—Cong! [laughs] Senator—Ay, senator! Secretary Harry, sa pagkaka-nominate mo sa ICC.

SEC. ROQUE: Naku! Maraming salamat ho pero nagkaroon na po ako ng impormasyon na matindi pala po ang labanan diyan ‘no dahil napakadami palang tumatakbo ngayon. Hindi naman po trabaho iyan, iyan po ay kumbaga prestige dahil pagpupulong lang po iyan dalawang linggo sa isang taon doon sa New York at saka sa Geneva at wala pong suweldo iyan ‘no, babayaran lang ng UN iyong pamasahe mo at iyong iyong hotel ‘no.

Pero matindi pala po ang kompetisyon, napakadaming mga nominado ng iba’t-ibang bansa at ang mahirap po dito, kaniya-kaniyang kayod iyan. Ikaw ay nominado pero sarili mong kampanya ang gagawin ‘no. So, maraming salamat po sa congratulations but wish me luck dahil mahirap [inaudible] ang kampanya na ito.

Q: Pero hindi kaya ma-disqualify ka kasi hindi tayo miyembro ng ICC?

SEC. ROQUE: Ay, hindi po. Wala pong kinalaman ang ICC diyan dahil itong ILC po, ang general assembly po ang mga boboto diyan.

Q: May hatagan din ba diyan, Secretary?

SEC. ROQUE: Ano po? Taga?

Q: Hatagan ng credential.

Q: Ah, credential. [laughs]

SEC. ROQUE: Ay, hayaan ninyo po, ung mayroon bakit hindi? [laughs]

Q: Secretary, maraming salamat, alam ko busy ka.

Q: Secretary, thank you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po! Magandang umaga po!

Q: Thank you! Thank you.

Q: Magandang umaga po sa inyo.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)