Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Tuesday Niu and Benjie Liwanag (DZBB – Executive Summary)


NIU:  Good morning, Secretary Harry.

LIWANAG:  Secretary, magandang umaga.

SEC. ROQUE:  Oo, magandang umaga po sa binibini ng buong linggo at Benjie, magandang umaga po sa inyong lahat.

NIU:  Secretary, I understand kagabi ay nasa Malacañang, nag-courtesy call itong si China Foreign Minister, His Excellency Wang Yi. May magandang balita akong nabasa doon sa statement mo, ikaw na nga ang mag-anunsiyo sa ating mga kababayan.

LIWANAG:  Mabuti pa, oo.

SEC. ROQUE:  Opo. Ang bansang Tsina po ay magdo-donate, wala pong bayad ng 500,000 dosage ng kanilang bakuna. At bukod pa diyan, sinisi-pinal na po natin, ipina-finalize na po natin iyong agreement sa dalawang napakaganda at malaking proyekto, iyong tulay na magko-konek sa Samal Island sa Davao City at saka iyong Subic-Clark Railway project po. At ito po ay patunay na talaga namang nagbubunga iyong mabuting relasyon natin sa panig ng ating bansa at ng basang Tsina.

NIU:  Opo. Secretary, itong 500,000 dosage ng bakuna galing ng China, ilang bahagi ba ito noong kabuuan na dapat nating makuha na Sinovac mula sa kanila?

SEC. ROQUE:  Well, 23 million po iyong ating suma-tutal na pinirmahan sa ating term sheet. So, ito po ay maliit lang, pero ito po ay libre. Pero ang aking ia-assure po sa inyo ‘no, fake news po iyong kumakalat na 3,600 per dose daw iyong singil ng China. Hindi po, ang ating presyo, bagama’t  hindi pa po puwedeng i-anunsiyo kung ano talaga ang presyo ng Sinovac ay hindi po nagkakalayo o hindi nalayo  doon sa presyo ng Indonesia nasa bandang  P650.00 kada po turok.

NIU:  Oh, mura pala, ganoon kababa.

LIWANAG:  Oo nga, kasi ito kumalat iyan, Secretary at iyan po ay pinag-usapan doon sa Senado. Oo pero iyon nga ang kinatataka lang noong iba, bakit itatago pa raw po, bakit ayaw ng sabihin kung talagang..?

NIU:  Iyong mga presyuhan.

LIWANAG:  Oo, iyong presyuhan kung talagang sinsero daw ang pamahalaan.

SEC. ROQUE:  Ganito po iyan. Lalung-lalo na sa Tsina ang presyo kasi ng Tsina, hindi kagaya ng ibang kumpanya na kapitalista na market dictated. Ang presyo ng Tsina pupuwede nilang baguhin lang, wala silang pakialam, depende kung sino ang bibili. At iyon po iyong dahilan kung bakit ayaw ipasapinal mismo at ipa-anunsiyo mismo ng Tsina mismo, kasi nga baka magalit naman iyong hindi masyado nilang BFF na alam nilang bumili ng mas mahal. Pero ang assurance po natin, hindi po iyan magkakalayo, dahil naisapubliko naman po kung magkano ang halaga ng Indonesia na mga P650,00 ay hindi  po talaga magkakalayo iyong ating presyo ‘no. Iyan lang po ay para matigil na iyong fake news, kasi ang nangyayari po talaga, iyong mga bumabatikos doon sa polisiya ng Presidente na talagang makipagkaibigan sa ating kapit na bansa na Tsina, eh ginagamit din po nila iyong linya na iyon laban sa bakuna, eh huwag naman po sana ‘no. Dahil paulit-ulit po nating sinasabi, wala naman tayong bakuna na ipapaturok sa ating mga kababayan na hindi po dumaan sa masusing pag-aaral ng expert panel group at iba pang panel ng eksperto at lahat po ng mga bakuna na naaprubahan ng FDA, sabi nga po ni Presidente, tabla-tabla iyan pagdating sa kaligtasan at iyong pagiging epektibo.

LIWANAG:  Mayroon pa akong isang tanong eh.  Secretary bakit dati, sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, eh ako mismo kapag dumating ang bakuna, ako ang unang magpapabakuna. Pero ngayon, iba na, iba na iyong tono niya. Unahin na iyong mga tao, eh huli na kami, kaming mga cabinet, pati iyong mga cabinet members. Ano ho ba ang masasabi ninyo rito, Secretary Roque?

SEC. ROQUE:  Well, alam po kasi ninyo, noong pinaka-latest na ‘Talk to the People’ ng Presidente, ang kaniyang pinadadalang mensahe ay talagang sa kaniyang administrasyon una ang mga mahihirap. So, I think it is to stress the point na una ang mahihirap sa kaniyang adminsitrasyon, kaya sabi niya ubusin muna lahat ng bakuna ng maangkat natin para sa mahihirap, para a taumbayan at kung mayroon pa, sige tayo magpaturok. Pero iyan po ay expression lamang na kung sino talaga ang mahalaga sa administrasyon ng ating Presidente. Hindi naman po ibig sabihin nito na imposible na, na siya ang mauna kung kinakailangan talaga para sa kumpiyansa, ano. Pero sa tingin ko nandiyan na iyong bagong variant ng COVID ‘no, nandiyan na iyong katotohanan na walang ituturok na hindi po ligtas, hindi po epektibo, eh bakit kinakailangan pang magkaroon iyong ganiyang mga hakbang. Alam ko naman po ang mga tao talaga atat na atat ng magpabakuna. Dahil lalo na po ngayon, 56% na mas nakakahawa itong bagong variant.

NIU:  Secretary, iyong nabanggit po ninyo na less than P1,000 pala per dose itong Sinovac, kinukuwestyun po sa  senate ang isa diyan. Kinukuwestiyon ng mga senador, bakit parang pini-prefer natin natin ang Sinovac kesyo ito daw ang may pinakamataas na presyo, when in fact ngayon lumalabas na mababa pala at kasing-presyo din noong iba. Palagay ninyo, ito ay magpapabago doon sa opinyon o isip  ng ating mga senador at balak pa yata nila, tinanong nila kay Secretary Galvez,  kung puwede pa raw huwag ng ituloy iyong pagkuna ng bansa ng Sinovac?

SEC. ROQUE: Alam po ninyo, ang sabi ng Presidente, sabihin na ng mga senador ang gusto nilang sabihin, in the end, it is the President that is ultimately mananagot doon sa ating taumbayan. So, lahat na po ng fake news, pupuwedeng ilabas, pero in the end po, ipatutupad po nito ng Presidente dahil ito po ay nakakabuti sa ating mga mamamayan. Ang sabi nga po niya, the buck stops with him, he assumes full responsibility at hindi naman po papayag na malagay sa aberya ang mga kababayan natin dahil dito sa bakuna. Sisiguraduhin po ng Presidente na ang lahat ng ibibigay sa ating mga kababayan ay magsasalba ng buhay at hindi po magiging aberya sa buhay ng ating mga kapwa Pilipino.

LIWANAG:  Pebrero po darating na iyong bakuna at inaasahan, isa dito iyong Pfizer, isa doon.

SEC. ROQUE:  Benjie, ito ay patunay na hindi tayo nagpi-favoritism. Ibibigay natin kung ano ang unang dumating.  Now, ito pong Pfizer na darating, hindi po Pfizer ang nagbigay sa atin iyan, ito po ay COVAX facility na talagang sini-shepherd ng United Nations.  So, ngayong sabi ng COVAX, makakakuha kayo ng kaunti, di mayroon tayong kaunti. So sa aking pagkakaintindi, possible. Kaya alam mo naman kasi hindi pupuwedeng itaga sa bato iyan, dahil nga lahat ng tao ay nag-uunahan sa bakuna ‘no. Posible na mayroon tayong 50,000 this February in the same way na sigurado naman mayroon daw tayong 50,000 galing sa Sinovac. So, mabuting balita po iyan, kita naman ninyo, wala po talagang favoritism. Kung ano ang dumating, siyang ibibigay at lahat naman po ng ibibigay napatunayang epektibo at ligtas.

LIWANAG:  Okay, kung darating ito ng February, eh kailan po darating iyong 500,000 na libre.

NIU:  Na libre, donation – galing ng China?

SEC. ROQUE:  Well, ang susunod po kasi 950,000 sa Marso, pagkatapos 1 million, 1 million, tapos 2 million na hanggang maubos iyong 23 million. Sa panig naman ng ibang mga drug companies, iyong pinirmahan nating AstraZeneca, iyong unang inorder ng mga private sector na 2.5, Mayo naman po darating iyan. At iyong kanilang inorder na additional 15 million ay pupuwedeng dumating po iyan ng third or fourth quarter.

So makikita po ninyo talaga, hindi natin kontrolado kung ano ang darating. Ang aking paalala lang sa mga taumbayan, wala pong sapilitan, pero nandiyan na nga po iyong bagong variant. At itong Sinovac naman ‘no, sa Turkey 91.25, bagama’t iba ang datos sa Brazil, eh sinasabi naman ng ating eksperto, si Dr. Lulu Bravo, si Dr. Salvaña na sabihin mo na ng 50% ang efficacy  niyan, ibig sabihin lang niyan ang isang tao ay mayroon 50% best chance na magkaka-COVID. At doon sa Brazil, napatunayan na doon sa 50% na posibleng mag-COVID, 78% mild asymptomatic na hindi na kinakailangang magpatingin sa doktor at 100% walang naho-hospital, hindi  ba  napakaganda rin po noon, bakit natin tatanggihan iyan. Bakit tayo maga-hihintay ng isa na darating pa sa end of the year.

At iyon nga po uulitin ko ano, kung nakakahawa na iyong normal variant, mas makakahawa na po ngayon. So, bakit naman tayo magsusugal ng ating kalusugan, samantalang nandiyan na iyong proteksiyon, 78% hindi na kinakailangang pumunta ng doktor, 100% hindi na maho-hospital.

NIU:  Secretary, itong 500,000 dosage na donation ng Sinovac galing China, nabanggit po ba kagabi sa Malacañang kung kailan ito darating dito sa Pilipinas?

SEC. ROQUE:  Kasama na po iyan doon sa bulto ng 23 million eh. So ibig sabihin lang, hindi na natin kailangan bayaran iyong 500,000 doon sa 23 million na inorder natin – 22,500,000 na lang ang babayaran natin.

NIU:  All right. Sir, dito sa ilalim ng travel restrictions natin, I understand naisali na rin ang UAE at sa Hungary. Ang tinatanong po ng iba, bakit po hindi na lang total ban daw ang ipatupad pati mga Pilipino pagbawalan, although mayroon tayong karapatan na mag-travel. Pero kung ganitong pandemya ba, sir, ganoon pa rin ang magiging patakaran?

SEC. ROQUE:  Ganoon pa rin po, kasi unang-una bukod sa pagiging karapatan iyan ng bawat Pilipino, eh karamihan naman ng nasa abroad natin ay hindi naman na turista, karamihan sa abroad natin ay nagtatrabaho. Ano ang mangyayari kung mawalan sila ng trabaho sa pandemya, eh hindi naman talaga kataka-taka kung sila ay mawawalan ng trabaho, dahil ang buong mundo naman talaga ay talagang nagkaroon ng economic slowdown.  So, hindi pupuwede na ma-stranded ang kahit sinong Pilipino sa isang foreign land, dahil alam natin na kapag siya ay nandoon wala siyang support system, kawawa siya. So, ang sabi ng Presidente, sige mag-travel restrictions tayo, pero walang Pilipino na gustong umuwi na pupuwedeng pagbawalan at ang ating remedyong gagawin ay 14-day strict quarantine kahit ano pa ang resulta ng kanilang PCR.

NIU:  Sir, mayroong sabi ang DOH, lingguhan na raw at approved ito ng IATF, lingguhan na raw na gagawin iyong pagkuha ng samples at pagsasailalim nito sa Genome sequencing sa mga mga papasok na pasahero sa bansa. Pero this time, kabilang na rin doon sa isasama sa Genome Sequencing iyong mga pasyente sa ospital, iyong mga nagka-COVID na ng pangalawang beses. Bakit po humantong sa ganitong desisyon? May nakikita na po bang mga indikasyon iyong ating health experts na baka hindi tayo nagkamalay eh matagal na palang nandito sa loob ng Pilipinas iyong bagong UK variant?

SEC. ROQUE:  Well, siyempre po ang ating ninanais is kung makapasok man, eh malimitahan ang pagkalat sa pamamagitan ng matingding quarantine at contact tracing. Kaya nga po importante na lahat ng magpositibo ay masuri iyong kanilang samples ng Genome Center dahil iyon lang iyong pamamaraan na malalaman  natin kung  ano iyong tumama na COVID-19, kung iyong dati pa o iyong new variant na. So alam po ninyo, wala namang tayong ibang sandata diyan sa bagong COVID variant na iyan kung hindi mask, hugas, iwas. Maigting na contact tracing, iyong isolation ng mga nagkaroon ng mga positibo at mga nagkaroon ng close contact. Kapareho pa rin po iyan, so pinapaigting natin iyong surveillance na alam natin kung sino dapat talagang i-isolate at sino iyong mga dapat i-trace.

LIWANAG:  Ito naman. Iyong IATF po ay pinabubuo na iyong isang working group na siyang tututok doon sa pagresolba naman  dito sa  isyu ng pagpopondo, availability ng paggamit ng  quarantine facilities, isa iyan, nagkakaproblema tayo doon sa quarantine facilities. Secretary, eh kumusta po ba iyong quarantine facilities natin ngayon, hindi po ba nami-maintain? May mga kababayan tayong nanatili sa mega quarantine. Ang dami po nating quarantine eh, quarantine facilities, ang pinag-uusapan, Secretary?

SEC. ROQUE:  Wala pa naman pong problema. Kasi ako po ay sa press briefing ko sinasabi ko kung ilan pa ang available. Mahigit 60% pa po ang ating PNF facilities, pero siyempre pinaghahandaan natin, kasi dumadami iyong mga bansa na mayroong new variant at  dahil 14-day mandatory quarantine at maraming umuuwing mga Pilipino, alam natin na kinakailangan damihan pa natin. So, pinapaigting po natin iyong mga mga temporary isolation facilities, dinadamihan natin iyong mga two star, three star na mga hotels na kinikuha natin para sa isolation facilities. At bukod pa doon, eh siyempre po, baka darating ang panahon na hihingi pa tayo ng additional na mga school buildings sa DepEd lalo na at wala namang face-to-face study, para maging isolation facilities.

NIU:  Siguro, sir preparedness na rin ito para dito sa bagong UK variant kung saka-sakali.

SEC. ROQUE:  Totoo po iyan, dahil siyempre po wala pa ring ibang sandata kung hindi matinding paghahanda para sa iyong ginagawa natin para maiwasan nga po itong pagkalat, isolation, tracing at saka treatment.

LIWANAG:  Secretary, kung dagdag na quarantine facility, so dagdag na tao iyan. Dagdag trabaho.

SEC. ROQUE:   Oo, wala naman pong problema iyan, talagang gagastusin natin ang kinakailangang gastusin, lahat po iyan pupunta sa taumbayan, kaysa mawala sa korapsiyon, di ba  po?

NIU:  Sir, bago ako pumunta a huling topic na gusto kong itanong. Ihabol ko lang, sir. Ito bang 500,000 donation na manggagaling China na bakuna ay Sinovac or Sinopharm?

SEC. ROQUE:  Well, doon po sa kasunduan hindi po naka-specify. Pero kung ano po iyong maaprubahan na sa lalong mabilis na panahon ng EUA, dahil pareho naman pong state owned iyang dalawa –  Sinovac at Sinpoharm.

NIU:  Sir, mayroong huling salita itong si Presidente kamakailan, iyong parang ang lumalabas na ayaw niyang patakbuhin bilang susunod na presidente ng bansa si Davao City Mayor Sara Duterte, dahil nabanggit niya hindi raw po pambabae ang pagka-pangulo. Ano bang gusto talagang sabihin ni Presidente dito, sir? In general kasi parang ayaw niya iyong pagka-presidente sa sinumang mga babae, dahil baka daw kayanin?

SEC. ROQUE:  Well, ako po ay mayroon ding anak na babae, tingin ko ang konteksto naman niyan eh ayaw niya kay Inday Sara iyong hirap na dinanas niya bilang isang Presidente.  I think, kinakausap nga niya si Inday Sara, di ba? si Mayor Sara, kasi ang sabi niya talaga, “Ay inuudyokan nila iyong anak ko, pero sabi ko huwag kang tumakbo, dahil ayaw kong madanas mo iyong hirap na dinanas ko.” Tapos iyon iyong sinabi niya, hindi pambabae ito, siyempre ang mga ama may special lugar sa kanilang puso ang kanilang mga anak na babae, natural lang po iyan.

LIWANAG:  Pero kung anuman ang gusto ni Inday Sara, eh ano po ito, talagang pipigilin pa rin ni Presidente o talagang hahayaan na lang niya iyong desisyon kay Mayor Sara, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, alam po ninyo, isa pang dahilan kaya humahanga ako Mayor Inday Sara, mayroon po siyang sariling paninindigan at kami po sa Gabinete, kapag kami ay nagpupulong kay Presidente sa Davao, lahat po kami sumusunod sa mga pag-uutos ni Mayor Inday Sara.  Kapag sinabi ni Inday Sara na na 14-day quarantine ang lahat ng papasok, binigyan naman po kami ng exception, pero attend lang kami ng meeting, uwi kaagad. So, kung matapos ang meeting alas-dose uuwi pa rin kami kaagad. Darating kami sa mga bahay namin alas-tres. Ibig sabihin may bakal na kamay, may sariling diskarte, may  sariling paninindigan, bukod pa doon sa iba pa niyang kuwalipikasyon na naging dahilan kung bakit sinabi ko na siya ang  pinaka-qualified at siya po talaga ang sigurado na magpapatuloy ng lahat ng mga gains na sinimulan ng kaniyang ama. So tingin ko po, desisyon pa rin iyan ni Mayor Sara Duterte at iyan po ang isang dahilan kung bakit humahanga talaga ako sa kaniya ano, kasi she decides on her own. Although I’m sure iko-consider po niya iyong rekomendasyon ng kaniyang ama.

LIWANAG:  Another thing, ito noong Lunes nagsimula si Presidente noong pagbasa ng mga pangalan noong mga tiwali, iyong mga red tape, iyan ay pinapalabanan iyan,. May naramdaman ako, Secretary dito po sa BIR, dito sa Quezon City ano, iti-text ko na lang sa inyo, eh biro documentary stamp two and a half hours akong pumila, okay lang akong pumila, wala naman hong problema. Pero noong pagdating sa taas, hindi pala pipila ng documentary stamp, bibili ka na lang. Eh iyong mga tao doon, nagtanong pa ako. Ano po ba ang gagawin, ano po ba ang sistema, ang ganda po ng tanong ko, pagkadating ko doon sa taas, after two and a half hours, aba eh labas-pasok na iyong bumibili ng document, iba pala iyong pila na iyon. Naku, Secretary mayroong sistema sa BIR na hindi yata ito maayos, pero iti-text ko na lang sa inyo, Secretary ha?

SEC. ROQUE:  Wala pong problema iyan, dahil noong minsan nga na naging panauhin ko sa press briefing si Atty. Belgica ng Anti-Red Tape Commission, tinanong ko na kung sakop ba ng Anti-Red Tape ang BIR, sabi niya sakop, so kinakailangan sumunod din sila doon sa pag-uutos ng Presidente doon sa fixed time line kung kailan sila dapat magbigay ng serbisyo sa taumbayan.

NIU:  With that Secretary nagpapasalamat po kami sa oras po ninyo.  Bukas, sir, mayroon ba tayong Talk to the Nation ni Presidente?

SEC. ROQUE:  Sandali lang ho ah, hindi ko na—although normally, ah mayroon po magpapa-PCR pala ako mamaya. Dahil mayroon nga pala bukas.

NIU:   Ah, ayon… so, mag-aabang tayo.

SEC. ROQUE:  Alas-tres po ang PCR ko para sa Talk to the Nation bukas ng ating Presidente.

LIWANAG:  So, mayroon.

NIU:  May aabangan tayo bukas.

LIWANAG:  So, may aantabayanan ako.

NIU:  With that, sir salamat po sa oras po ninyo, mag-ingat po kayo.

SEC. ROQUE:  Maraming-maraming salamat din, ginang ng buong araw ng linggo at Benjie. Talagang sa mga panahon ngayon, siyempre iba din po iyong pinagkakatiwalaan no at talaga namang kayong dalawa pinagkakatiwalaang po kayo ng lahat, lalung-lalo pinagkakatiwalaan ko po kayo. Maraming salamat po.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)