Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Susan Enriquez (GMA 7- Unang Hirit)


ENRIQUEZ: Secretary, kumusta kayo? Pupunta raw kayo ng Davao ngayon, may mahalaga bang iaanunsiyo si Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Well, iyong nakaugalian na pong Talk to the People ay gagawin po ngayon sa Davao at alas otso iyong lipad namin, although nabago nga eh dapat alas dos ang lipad, naging ala una – ngayon alas otso.

ENRIQUEZ: Pero, Secretary, so anong mga oras iyong inaasahan nating pagsasalita ng Presidente?

SEC. ROQUE: Mas maaga po kasi sa kalendaryo, iyong aming pagpupulong po ay maaga ngayon – 5:30 in the afternoon.

ENRIQUEZ: Okay, okay so aabangan na lang natin. Anyway, Secretary, bagama’t pinayagan na ng IATF ay nasa LGU pa rin daw ang desisyon, ano po ang magiging criteria o basehan ng mga LGUs sa pagluluwag ng age restrictions sa mga turista, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, nasa mga LGU nga po iyan ‘no. Kung sa tingin nila ay talagang mataas iyong kaso ng COVID-19 sa lugar nila, pupuwede naman nilang hindi luwagan. Pero alam mo, nakabase rin iyan sa siyensa kasi iyong pagluluwag na iyan ‘no, ang datos ay nagpapakita na talagang iyong mga 70 plus ang siyang tinatamaan talaga ng coronavirus. Kaya naman mukhang—dahil gusto na rin nating magkaroon ng hanapbuhay ang ating mga kababayan ay pupuwede naman talagang unti-unting nagbubukas at kaya po nagkaroon ng ganiyang resolusyon.

ENRIQUEZ: Secretary, iyan, speaking of iyang mga pagluluwag sa mga turista, batay po sa tala ng DOH, tumataas po ang kaso ng COVID-19 sa Baguio City. Sa tingin ninyo ba, Secretary, may kinalaman iyong pagbubukas sa turismo diyan sa lugar na iyan kaya tumataas ho iyong kaso?

SEC. ROQUE: Thinking ko, hindi naman ‘no kasi mayroon pa ring antigen test requirement ang Baguio na pina-pilot test nga po natin doon. At ang tingin ko lang ay – dahil ako po ay tagaroon ‘no – dumadami iyong mga kaso sa karatig-lugar ‘no lalung-lalo na sa lugar ng Benguet kaya naman po tumataas ang numero for Baguio kasi alam naman natin na major medical center din iyong Baguio City.

Pero sa ngayon po, hindi man po nagtataas ang [unclear] sa Baguio City, meaning, under control naman po at saka magaling naman po iyong ating contact tracing diyan sa Baguio at sapat naman po iyong ating critical care capacity sa ngayon.

ENRIQUEZ: Opo. Secretary, isa po sa mga itinuturing na turn-off daw sa mga turista ay iyong napakamaraming requirements at iyong kumplikadong proseso para makabiyahe. Papaano ba mapapadali iyong proseso sa mga turista para mas mahikayat silang bumiyahe ngayon?

SEC. ROQUE: Kapag nadeklara po na successful itong antigen testing, mapapabilis po talaga iyong ating turismo kasi iyong antigen po ay mabilis at saka mas mura. So sana nga po sa lalong mabilis na panahon ay matapos na iyong pilot testing nang sa ganoon lahat po ng lugar sa Pilipinas ay puwede nang gumamit ng antigen.

ENRIQUEZ: Opo. Noong isang linggo, Secretary, may ulat kami mula sa Cebu na muling sumipa din iyong kaso sa lungsod dahil noong Undas ay marami pa rin iyong nagsama-sama, nag-inuman. Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, maghihigpit pa rin para maiwasan ang hawaan, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, tingin ko naman po, overall ‘no, ang mga Pilipino ay talagang alam na nila na kinakailangang maghanapbuhay kaya pinuprotektahan nila ang kanilang mga kalusugan. Ang overall po, pababa po ang ating mga datos bagama’t mayroong mga ilang lugar nga na nagkakaroon ng konting pagtaas. So kampante po ako na alam na ng mga Pilipino ang gagawin nila para po mabuhay, para magkaroon ng hanapbuhay, kinakailangan mask, hugas at iwas.

ENRIQUEZ: Opo. Secretary, inirekumenda din ni Secretary Galvez na ibalik sa mas mahigpit na GCQ ang Davao City dahil nga dumarami rin iyong kaso ng COVID-19. May ibang lugar ba na posibleng ibalik sa mas mahigpit na quarantine status?

SEC. ROQUE: Wala naman po ‘no. At iyong pagdating naman po sa Davao, GCQ naman po iyan. Ang iniiwasan lang natin ay iyong ma-overwhelm iyong health system ng Davao.

Ngayon naman po ay nasa 64% pa rin iyong ating utilization rate sa Davao, so hindi naman po siya talagang matindi ang sitwasyon ‘no kaya nga po GCQ lamang.

At saka, siyempre po ‘no hindi nakapagtataka na gaya ng Maynila, ang Davao naman po ay sentro sa buong Southern Mindanao kaya siguro po diyan lang naitatala iyong mga kaso ‘no. Pero dahil nga diyan sila nagpupunta para magpagamot dahil Southern Philippines [Medical Center] ay siyang designated COVID hospital hindi lang sa Davao City kung hindi sa buong Davao Region. So kampante pa rin po tayo na gaya ng buong Pilipinas, alam po ng ating mga kapatid sa Davao na kinakailangan mask, hugas, iwas para sa hanapbuhay.

ENRIQUEZ: Opo, Secretary, kaugnay po dito sa ating mga health workers. Sabi ni Labor Secretary Bello ay pinapayagan na ni Pangulong Duterte na makaalis na ng bansa iyong mga health workers natin na nagtatrabaho abroad. Sa ngayon po ba ay talagang ligtas na silang bumiyahe ulit?

SEC. ROQUE: Well, sabihin na lang po natin na calculated din po iyan. Unang-una, mayroon tayong mandato na kinakailangan talagang tulungan ang ating mga kababayan na maitaas ang kanilang standard of living. At pangalawa po, limitado naman po iyong numero – 5,000 lang ‘no bagama’t ito po ay magsisimula ng a-uno ng Enero ‘no. At pangatlo po, umaasa naman po tayo na sa susunod na taon, first and second quarter, ay magkakaroon na rin po ng bakuna. So it’s calculated naman po na hindi na ganoon katindi ang magiging aberya sa ating mga health workers.

ENRIQUEZ: Okay. Sa ibang issue naman, Secretary. Nakiusap po Vice President Leni Robredo na tigilan na raw sana iyong pambu-bully sa social media sa kaniyang mga anak kasunod ng kanilang mga tweet. Mga pribadong indibidwal naman daw po ang kaniyang mga anak at may karapatan silang ihayag kung ano ang gusto nila. Ano po ang reaksiyon ninyo dito, Secretary?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung sino po ang nambu-bully pero kami po ay isiniwalat lang namin ang katotohanan noong sinabi po namin na talagang nagsalita rin po iyong kaniyang mga anak doon sa isyu nga ng ‘Nasaan ang Presidente’. So hinahayaan na po natin iyan.

ENRIQUEZ: Okay. Anyway, maraming salamat, Secretary Harry Roque. Ingat kayo sa biyahe at aantabayanan namin kung ano man iyong magiging pahayag ng Pangulo ngayong araw na ito. Maraming salamat po. Good morning.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang umaga.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)