Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Susan Enriquez (GMA 7 – Unang Hirit)


ENRIQUEZ: Balikan ho natin ang magiging plano ng pamahalaan kaugnay ng restrictions sa buong bansa dahil sa banta ng Delta variant. Kaugnay niyan at ilan pang issue, makakapanayam natin ngayong umaga si Presidential Spokesperson Harry Roque. Magandang umaga po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Susan. At magandang umaga, Pilipinas.

ENRIQUEZ: Opo. Ano pong update doon sa plano ng Pangulo tungkol sa mas mahigpit na restrictions sa bansa dahil nga po dito sa Delta variant?

SEC. ROQUE: Well, talaga naman pong napatunayan na sa pamamagitan ng siyensiya na itong Delta variant ay mas nakakahawa at mas nakakamatay ‘no. Kaya nga po ang sabi ni Presidente eh ‘baka’ at ngayon po ay mukhang sigurado na na magbabalik po tayo ng ilang mga paghihigpit. Ang mga eksperto po natin, kasama po ang mga pediatrician at iba pang mga siyensya at nagpulong na rin at nagkaroon po sila ng rekomendasyon tungkol doon sa pagpapalabas ng mga kabataan mula edad lima pataas hanggang 17 at ito po ay ipiprisenta nila sa IATF sa Huwebes.

ENRIQUEZ:  At ito pa, Secretary, inirirekomenda na po ng Metro Manila Council na bawiin na muna iyong pagpayag sa mga batang may edad limang taon pataas na lumabas. May desisyon na ho ba ang IATF tungkol dito?

SEC. ROQUE: Wala pa po. Kagaya ng aking sinabi ay magpipresenta po ng rekomendasyon ang ating mga eksperto tungkol dito sa Huwebes pa po.

ENRIQUEZ: So hopefully this week, bago po matapos ang linggong ito ay mayroon na ho tayong desisyon kung ano nga ho ba ang paiiraling mga patakaran ngayon kaugnay nitong Delta variant?

SEC. ROQUE: Tama po iyan ‘no. Pero doon sa paglabas po ng ating mga bata, talaga pong mahaba po iyong usapin ng IATF bago po pinayagan at ito po ay para doon sa well-being ng mga bata dahil may mga ama rin naman at mga ina sa IATF na mayroong mga anak na ganiyan kabata. At talagang sinabi naman po ng mga eksperto na parang hindi makakabuti na nakakulong lang sila mahigit nang isang taon sa kanilang mga bahay. Pero dahil nga po sa Delta variant baka po magbago pa rin iyan at ito rin po ay para sa well-being din at seguridad ng ating mga bata.

ENRIQUEZ: Opo. Secretary, may napag-uusapan na rin ho ba sa posibilidad na pagbabalik ng NCR Plus Bubble?

SEC. ROQUE: Wala pa pong ganoong usapin ‘no. Pero ang ginagawa po ngayon ng DOH at ng ating Epidemiological Bureau ay binabantayan ang numero sa buong Metro Manila ‘no at doon sa Plus 8 Bubble ‘no. At dito po sa Maynila ay bagama’t mayroon tayong nadiskubre nang Delta variant ay naging epektibo naman po iyong contact tracing at isolation noong mga natuklasan nang Delta variant.

ENRIQUEZ: Opo. Secretary, magdaragdag ba tayo ng mga bansang kasama sa travel restrictions o ‘di kaya ay mas maghihigpit pa sa mga pumapasok at lumalabas ng bansa dahil nga po doon sa sinasabi? ‘Di ba parang karamihan naman po sa mga naitalang kaso na may Delta variant ay galing sa ibang bansa.

SEC. ROQUE: Well, kagaya po ng nasabi ko noong mga dalawang linggo na nakakalipas, bukod po sa bansang Indonesia ay binabantayan din po natin ang numero ng Malaysia at saka ng Thailand para sa posibleng travel ban. Pero wala pa pong desisyon hanggang ngayon.

ENRIQUEZ: Opo. Secretary, maiba lang ho tayo nang kaunti ‘no. Sinabi ho ni Vice President Robredo na kung tatakbo raw po si Pangulong Duterte sa pagka-Bise at sakaling manalo, sana raw po ay hindi niya pagdaanan iyong mga dinanas niya sa pagiging bise presidente. Ano ho ang masasabi ninyo dito o reaksiyon ninyo dito sa sinabing ito ni VP Robredo?

SEC. ROQUE: Eh, talaga naman pong tayo ang tumatahak ng ating tadhana. Siguro po ganiyan ang inukit na tadhana ni VP Robredo. Sa tingin ko naman po, iba magiging tadhana ni Presidente Duterte kung baka sakaling siya ay magiging VP. Kung maalala ninyo po, binigyan ng Cabinet post ng ating Presidente si VP Leni Robredo pero siya po ang namili na nais niyang maging lider ng oposisyon kaya naging palamuti po siya nang limang taon ‘no. Pero sa mula’t mula po hindi po nagkulang ang Presidente, binigyan po siya ng Cabinet post bilang Housing Secretary.

ENRIQUEZ:  Secretary, ano naman ho ang reaksiyon ninyo doon sa tambalang Sotto-Lacson para sa eleksiyon 2022? Ano ho ang komento ninyo dito?

SEC. ROQUE: We wish them the best ‘no dahil sa demokrasya, dapat mayroon pong pagpipilian ang ating mga kababayan.

ENRIQUEZ: Opo. At sumagot na po si dating DFA Secretary Albert Del Rosario tungkol sa banta ni Pangulong Duterte sa kaniya. Sabi ho ni Del Rosario, sana iboto ng mga Pilipino ang kandidatong mainam para sa bansa at hindi iyong nakabubuti para sa Tsina. Ano ho ang masasabi ninyo dito, Secretary Roque?

SEC. ROQUE:  Baka nangangampanya po siya sa Duterte-Duterte.

ENRIQUEZ: Okay. Anyway, maraming salamat po, Presidential Spokesperson Harry Roque. Magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po at maraming salamat po.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)