Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Uri and Missy Hista (DZRH – DZRH COVID-19 Alert Special Coverage)


URI: Secretary, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po at magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa atin ngayon!

URI: Yes, sir. Live tayo sa DZRH. Sir, hawak ko na iyong trans ng sinabi mo kagabi, babasahin ko po ito at para mabigyang-diin mo, ano ho. Una, “Ang desisyon po nagdating sa ECQ, pagdating ng May 1 , 2020: Panatilihin po ang ECQ sa NCR, Region III, Region IV-A and all other areas kung saan mataas po ang banta ng COVID-19 hanggang Mayo 15. Magkakaroon po ng reevaluation pagdating po ng May 16.”  Ano po ang ibig sabihin noong magkakaroon ng reevaluation, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, in fact, it’s a daily evaluation din iyan hanggang matapos po iyong extended two-week period. Dahil ang tinitingnan po natin ay 1: Iyong pagkalat ng COVID – kung gaano kabilis siya; kung siya ay nag-peak na; iyong kakayahan ng ating health sector na magbigay ng serbisyong medikal; at saka iyong level of mass testing. Kasi, importante iyong mass testing dahil kung wala tayong mass testing hindi natin malalaman kung sino ang may sakit na kinakailangang i-isolate at kinakailangang bigyan ng medical attention.

So, lahat po iyan ay ikinokonsidera at may mga lugar po diyan na bagamat mababa ang level of infection eh nasa red pa rin dahil mahina po iyong kakayahan ng kanilang mga ospital naman na magbigay ng serbisyong medikal. Iyan po, kung hindi ako nagkakamali, eh bagamat ang Capiz po at saka ang Aklan ay nasa moderate eh naka-pula pa rin sila, ibig sabihin, ECQ pa rin sila dahil nga po hindi sapat iyong kakayahan na magbigay ng medical services doon sa pupuwedeng mga magkasakit.

URI: Mayroon pa rin kayong nabanggit ho na ang mga probinsya na mananatili sa ECQ nga iyong National Capital Region, Benguet, pero pupuwede pong mabago ito by April 30. Ano pong ibig sabihin noong puwedeng mabago by April 30?

SEC. ROQUE: Iyon nga po ang tinitingnan. Tinitingnan natin iyong level ng pagkalat ng sakit at saka iyong kakayahan kung ilan na iyong kanilang kama for severe cases of COVID; ilan na ang kanilang mga ventilators. Iyong kahandaan po ang tinitingnan, hindi lang iyong rate of infection kung hindi iyong readiness ng health sector.

URI: Bakit daw po nasama iyong Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales? Iyon na nga, ito iyong mga Region III, Secretary?

SEC. ROQUE:  Iyon po iyong naging desisyon. Sang-ayon nga po sa ating sinabi – iyong rate of infection, iyong kahandaan ng health sector at iyong level of testing. Ibig sabihin po, parang hindi pa tayo handa na magbigay ng medical attention sa lahat ng posibleng magkakasakit kung ili-lift ang ECQ sa mga areas na ito.

URI:  Iyong Davao del Norte at Davao City bakit din daw po kasama, hindi daw po sila bahagi ng Luzon? Iyan, may mga ganiyang tanong.

SEC. ROQUE:  Well, mayroon naman p tayong datos kung ilan na ang nagkakasakit diyan at alam din natin kung ilan ang bed capacity ng mga ospital diyan at sa ngayon po, alam din natin kung iilan iyong ating We Heal as One Centers na itinatayo sa mga areas na iyan.

URI:  Secretary, ibig sabihin lang ho ba nito ay lahat ng mga lugar na inyong binanggit at inaprubahan ng Pangulo ie-evaluate pa at puwede pang… ano ba ito, puwedeng mapa-iksi pa nang hanggang May 15 o puwedeng mas mapahaba pa after May 15?

 SEC. ROQUE:  Ang mga areas na pupuwede lang po na hindi mapasama pagdating ng April 30 ay iyong mga identified areas na may change – iyong Benguet, Pangasinan; tapos iyong mga subject to rechecking – iyong Antique, Iloilo, Cebu, at Cebu City. So, itong mga lugar na pong ito depende kung ano iyong dapat i-recheck at depende kung ano iyong datos na nais nating makita – pupuwedeng hindi magpatuloy po under ECQ.

Pero lahat po ng lugar na nasa ECQ, hanggang Mayo 15 po iyan at titingnan po natin kung anong mangyayari sa Mayo 15. Pero alam naman po natin na hindi natin pupuwedeng i-impose ang ECQ indefinitely dahil talagang kinakailangan namang bigyan ng atensiyon din ang ekonomiya.

So, ngayon po, ang ating inaabatan lamang iyong mabilis na pagkalat ng sakit, at least pabagalin natin hanggang sa panahon na kakayanin na natin na magbigay ng serbisyo medikal sa mga magkakasakit.

URI: Missy? Ang aking partner na si Missy may tanong. Missy, go ahead.

HISTA: Yes po. Secretary, good morning. Matanong ko lang po, tumaas ba talaga iyong reward money kapag ikaw ay naka-formulate na ng vaccine against COVID-19?

SEC. ROQUE: Fifty million na po. Dati ten million, ngayon fifty million na.

HISTA: Five – Zero?

URI: Five – Zero.

SEC. ROQUE: Ang sabi nga niya, puwede pang maging one hundred million iyan. Sabi niya posible, pero sa ngayon po, fifty million.

HISTA: Wow!

URI: Ito po ay kung sinumang indibidwal o grupo, Secretary, ano ho?

SEC. ROQUE:  Opo, opo.

URI: Sec., iyong pasok ng mga estudyante, tama ba raw iyong pagkarinig namin, by September na makakabalik sa paaralan iyong mga estudyante?

SEC. ROQUE:  Opo, lahat po ng nasa GCQ, ang pinakamaaga po ay Setyembre.

URI:  GCQ – General Community Quarantine, ano ang ibig sabihin talaga nito?

SEC. ROQUE:  Well, ibig sabihin po iyan ang new normal. Kapag tayo po ay natapos ng ECQ pupunta rin tayo sa GCQ. Ang ibig sabihin po, ilang industriya ang pupuwede nang mag-operate. Ano ang mga industriyang iyan?  Well, ngayon po, lahat po noong agriculture, iyong forestry, iyong fishing tuloy po iyan.

Pero bukod po diyan eh nandiyan na rin iyong food manufacturing at saka iyong buong entire supply chain; iyong food retail; mga supermarket, mga merkado; mga restaurants for takeout and delivery; iyong healthcare; logistics; patubig; enerhiya; internet telecoms at ang media.

Tapos mayroon tayong mga industriya na pupuwede nang 50 to 100% capacity: Iyong other manufacturing like electronics and exports; commerce and delivery for essential and non-essential items; iyong repair and maintenance services; housing and office services.

Tapos mayroon din tayong 50% on site/50% from work: Iyong financial services; iyong mga BPO; iyong mga other non-leisure wholesale and retail trade and other non-leisure services.

Pero, 100% close pa rin po ang mga eskwelahan; ang leisure; amusement; gaming and fitness; ang kid industry; ang turismo; ang lahat po ng pagpupulong, gatherings including religious and conferences; iyong mga malls po, limitado lang. Kinakailangan ang magbubukas lang sa mga malls – supermarkets, drugstores, bangko, laundry service, restaurants and hardware at saka limitadong mga construction po.

 URI: Sec., may binanggit ang Pangulo tungkol sa Martial Law na nagbanta siya na magdedeklara siya ng Martial Law lalo na laban sa mga New People’s Army. Ang tanong po, seryoso ba ang Pangulo sa pagkakabanggit niyang ito?

 SEC. ROQUE: Naku po! Ang aking palatuntunan, wala pong lumalabas sa bibig ng Presidente nang hindi siya seryoso at nakasaad naman po sa Saligang Batas iyan na ang rebelyon ay isang basehan sa pagdedeklara ng Martial Law.

Ang nakakalungkot po kasi itong CPP/NPA ang inaatake ngayon ay ang mga namimigay ayuda at kinukuha iyong mga ayuda na para sa taumbayan.

URI: Kasi ang sabi niya, “I might declare Martial Law and there will be no turning back.” Although binanggit naman niya na ni minsan daw hindi niya binabanggit ito kaya lang sa ginagawa ng mga NPA, Secretary ay ayon na nga, “I might,” [overlapping voices] niya?

SEC. ROQUE: Eh, kasi nga napakasama. Lahat ng tao naghihirap na dahil—ginagawa nga natin ang lahat para mapabagal nga itong pagkalat ng sakit tapos ang kukunin pa nila iyong ayuda na dapat sana makakarating doon sa mga naghihirap.

 URI: Sec., may binanggit din si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol kay Senator Trillanes and Senator Trillanes is a part of the opposition. How is the Malacañang taking the voice of the opposition? Mayroon ba kayong gustong sabihin sa opposition ngayon na makiisa na muna or whatsoever? Baka may gusto kayong banggitin/sabihin sa kanila?

 SEC. ROQUE: Henry, ewan ko kung tama ang narinig ko pero pasensiya na ha… Kagabi kasi medyo pagod na pagod na rin ako pero hindi ko yata narinig ang pangalan ni Trillanes, gannon pa man sasagutin kita. Ang mensahe ng Presidente sa mga miyembro ng oposisyon, tama na muna po ang pulitika habang nandito ang COVID-19. Wala na po tayong dapat inaatupag na iba kung hindi ang COVID-19; paano po masalba sa kamatayan ang ating mga kababayan. Matapos po ang COVID-19, bakbakan tayo uli sa larangan ng pulitika pero sa ngayon po ay taumbayan muna.

 URI: Ayan…Secretary, message to the people coming from you as a spokesperson of the President.

 SEC. ROQUE: Alam namin na marami sa inyo na hindi natuwa sa desisyong ito dahil napakahirap po talaga ng buhay under ECQ. Alam po namin marami talagang—mahirap na dati, mas mahirap pa ang buhay ngayon. Pero mapait na desisyon po ang ginawa ng Presidente dahil ang alternatibo po ay para sa libu-libong mga kababayan natin na mamamatay dahil sa sakit na COVID-19.

Kung pupuwede pong mai-lift na ang ECQ sa lalong mabilis na panahon, gagawin po ng Presidente iyan dahil siya mismo, sa kaniyang bibig, ang sabi niya inip na inip na rin siya, ni hindi siya makauwi sa kaniyang siyudad na Davao, pero kinakailangan pong magsakripisyo.

Ang mabuting balita po ngayong nabawasan ang areas under ECQ ay maibubuhos na po natin iyong ayuda ng gobyerno dito na lamang sa areas ng ECQ; iyong pangalawang installment po ng SAP, ibubuhos na po natin lahat dito sa areas na nasa ECQ pa rin.

So, bagamat hindi po namin sinasabi na yayaman kayo sa ayuda na ibibigay sa inyo ng gobyerno, tingin po namin ay maiibsan naman ang ating kahirapan dahil kinakailangang siguraduhin naman natin ang kalusugan natin laban sa COVID-19—

URI: At in place—

SEC. ROQUE: … konting tiyaga po at kaunting pasensya, kaunting pag-intindi.

URI: In place ang pondo, in place ang lahat ng mga assistance at iyong sinabi ng Pangulo na walang magugutom… walang magugutom, Secretary?

SEC. ROQUE: Ayan po ang mga nais mangyari ng gobyerno at kung kinakailangan ibebenta niya ang Cultural Center of the Philippines para ipakain sa taumbayan.

URI: All right. Secretary Harry, maraming salamat po sa inyo at ingat po kayo.

 SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga po.

 

####

 Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)