Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Uri and Missy Hista (DZRH – Coffee Break)


URI: Secretary, good morning – the Presidential Spokesperson.

SEC. ROQUE: Good morning, Henry – ang kilabot ng Malacañang Press Corps. Good morning, Gov. Dolor. Narinig ko po kayo, ipagbibigay-alam ko po ang mga pangangailangan ninyo sa NDRRMC.

URI: Oho. At kung anu-anuman din, Secretary, iyong maitutulong nating assistance doon sa mga kababayan natin sa Mindoro, ano. Kawawa naman – at sa iba pang mga binagyong lugar.

SEC. ROQUE: Opo, parating na po iyan. Hindi na po magtatagal, makakarating na po sa inyo iyan.

URI: Ayan …pero bago bumagyo, ang ganda naman ng panahon, ang ganda ng inyong bihis doon sa Miss Universe noong isang araw, partner.

SEC. ROQUE: Hay naku, Pareng Henry, akala ko lahat kakayanin ko ‘no. Pero isa sa pinakamahirap na aking ginawa ay tumayong hurado diyan Binibining Pilipinas-Universe [Miss Universe Philippines] dahil ang daming magaganda. Talagang ako iyong … kung tatanungin mo ang mga organizers, humingi ako ng break dahil sabi ko hindi kayang mag-score. So break muna at tingnan natin sila isa-isa muli. Ganoon talaga kahirap iyong naging proseso para sa akin – mamili kung sino ang magiging Miss Universe Philippines.

URI: How was your experience so far? Kasi Miss Universe ito, alam ko marami na kayong nahuraduhan, is this a first time sa Miss Universe, Secretary?

SEC. ROQUE: First time po at hindi ko naman talaga gawain na mag-judge ng mga beauty contest. Pero [unclear] ang pagkakataon at hindi ko akalain ganito kahirap ‘no. Sabi ko nga doon sa mga organizers, “Naku, kung alam kong ganitong kahirap, dapat siguro nagdalawang-isip ako.” Pero ang nangyari doon talaga, alam mo pare-parehong scores ang binibigay ko dahil lahat sila ay magagaling, magaganda, matatalino ‘no. So in the end, iyong kinakailangan kang mag-rank ng one to five, iyon talaga ang akala ko mas mababaliw na ako dahil hindi ko alam kung paano sila ira-rank into one to five.

URI: Oho, all right. Partner, it’s your turn; it’s a showbiz thing, please.

MISSY HISTA: Actually, magtatanong lang ako tungkol doon sa baha ngayon, Ka Henry, if it’s okay kay Secretary. Kasi may mga agricultural products po na nasalanta, iyong ating mga kababayan na magsasaka. How will we aid them po, before I proceed po sa pagtatanong ko sa inyo sa Miss Universe?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, mayroon na pong mga nakahanda, mga prepositioned relief goods para sa lahat ng mga nadaanan po ng bagyo. Tayo naman po ay sanay sa bagyo kaya alam na po natin ang gagawin.

Iyong mga nasalantang mga farm lands po, mayroon po tayong tulong na manggagaling po sa DA. Ito po ay outright grant at saka mga pautang kaya huwag po kayong mag-alala. Bagama’t ang balita ko naman po, itong bagyong ito, lalo na iyong mga nagtatanim ng palay ay nakaani na po sila. Pero ganoon pa man, alam ko marami pa rin silang naging aberya, at mayroon din po tayong tinatawag na insurance, iyong crop insurance para doon sa mga danyos nila.

MISSY HISTA: This is crazy, baka mawindang si Secretary Harry.

URI: Si Krissy po kasama natin ha, sinasaniban niya si Missy kapag—

MISSY HISTA: No, kasi sabi niya—yes, Secretary.

SEC. ROQUE: Missy, buti na lang hindi ka sumali doon.

MISSY HISTA: Ilang beses mo na akong iniindiyan.

SEC. ROQUE: Lalo akong mahihirapan. Oo, lalo akong mahihirapan kung sumali ka doon, Krissy.

MISSY HISTA: Ito na nga iyong tatanungin ko sa iyo. Feeling ko na-vibes mo iyong sasabihin ko sa iyo, Secretary. If given the chance na talagang maisali ako sa isang pageant, ano iyong tanong na ibibigay mo sa akin?

SEC. ROQUE:  Perfect, Krissy, perfect! You will be crowned the title holder.

MISSY HISTA: Hindi mo na ako tatanungin, gusto ko pa naman mag-answer sa mga Q and A para talaga ma-showcase ko na beauty and brains ako, Secretary.

SEC. ROQUE: Sige, okay. Kung ikaw na ngayon ang Miss Universe Philippines, paano ka magpapaalam kay Henry Uri at hindi na kayo magsasama sa programa?

MISSY HISTA: Bakit ako? You know what, Secretary, ilang beses ko nang iniwan iyan si Henry. Ilang beses ko nang iniwan pero ilang beses siyang naninikluhod sa akin.

URI: Don’t worry, Secretary, sanay maiwan iyang si Krissy.

MISSY HISTA: Sanay akong maiwan pero sanay din ako nang binabalik-balikan.

SEC. ROQUE: Ito na ang winning answer ni Bb. Universe Krissy.

URI: Teka, Sec., teka muna pala. Ito ay may resulta naman, if you can answer this, sino raw ba talaga iyong bet ninyo kasi marami raw kumikuwestiyon doon sa Iloilo?

SEC. ROQUE: Well, alam mo kasi, si Iloilo, runaway winner siya doon sa swimsuit at saka doon sa Q and A, at least sa akin ‘no. Pero siyempre, napakahirap talaga kasi alam mo iyong mga diperensiya ng scores, I understand, fraction lang – ni wala man lang one point difference. In fact, iyong top 8 actually iyon eh, we had to choose only the top five. Pero iyong top 8, ang balita ko talaga, walang lumalamang na one point, puro mga decimal point lang ang pagkakaiba. So talagang napakahirap mag-judge. Pero standout talaga si Ms. Iloilo doon sa swimsuit at saka doon sa Q and A niya.

URI: Ayon… all right, Sec—

MISSY HISTA:  Kasi kung ako iyong sumali, malamang nagulo talaga iyong mundo ninyo. Ako talaga iyon, I’m sorry to tell.

SEC. ROQUE: Hay naku, talaga. Pero kung ikaw ang sumali, mas madali dahil ikaw talaga ang mananalo ng Miss Universe.

MISSY HISTA: Iyan ang gusto ko sa’yo, Secretary.

URI: Sige, Sec., hindi ko na muna kayo masyadong tatanungin at iri-reserve ko na mamaya sa mga kasamahan natin sa MPC. But anyway, your message sa mga kababayan nating nakakaranas ng bagyo ngayon – coming from you and, of course, as the Presidential Spokesperson, please.

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, doon sa mga nasalanta ng bagyo, huwag po kayong mag-alala, darating na po ang tulong ninyo. At ang Presidente po, talagang number one concern niya ay iyong safety at well-being ng mga nasalanta ng bagyo. Hang in there po at nandiyan na po ang tulong, parating na.

URI: All right, Secretary, salamat nang marami sa inyo. Have a good morning.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po. Salamat po.

 

###

 

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)