Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Tutok Tulfo Reload)


TULFO:  Nasa linya naman po si Secretary Harry Roque, ang tagapagsalita naman ng IATF and at the same time ang Presidential Spokesperson. Magandang umaga, Secretary Roque, sir.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin. At magandang umaga po, Pilipinas.

TULFO:  Opo. In-announce po ni Secretary Año na ilalabas na rin daw po iyong second tranche ng SAP. Sinu-sino na lang po ba ang makakatanggap, Secretary?

SEC. ROQUE:  Ang makakatanggap po ng second tranche ay iyong limang milyong mga bagong pangalan na pinangakuan ni Presidente na bibigyan din dahil hindi sila nakakuha doon sa unang tranche; at iyong 12 million naman po, ito po iyong mga nakatanggap ng unang tranche sa mga areas na under ECQ at MECQ pa noong buwan po ng Mayo.

TULFO:  So iyong mga taga-Cebu, sir, binalik sa ECQ so makakatanggap sila, asahan na mabibigyan sila ng SAP, iyong mga taga-Cebu City?

SEC. ROQUE:  Sigurado po na ang Cebu City ay mayroon po talagang second tranche. Ang issue na lang po, saan manggaling iyong para sa two weeks na sila ay nasa ECQ muli ‘no, at iyong mga taga-Talisay, kasi hindi na po sakop iyon ng Bayanihan. Pero para sa second tranche po, ang buong Cebu po, ang buong Talisay ay makakatanggap po iyan ng ayuda.

TULFO:  All right. Sir, iyong mga jeepney drivers association at operators tulad ng PISTON ay wala raw nakuha sa DSWD or LTFRB, maging sa DOLE. Nagtatanong ho sila, eh hindi naman daw sila pinapayagan pa hanggang June 30, ayon po sa LTFRB. Puwede ho ba silang maambunan din ng SAP na iyan for this next two weeks, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, Pareng Erwin, wala lang kasi akong hawak na datos ngayon pero alam ko po iyon, may datos na po ‘no, kasama po talaga sa first tranche iyong mga jeepney drivers at kasama rin sila sa second tranche. So huwag po kayong mag-alala ‘no dahil ang nangyari nga po, bagama’t iyan po ay kabahagi noong SAP, ang namahagi lang po iyong mas nakakakilala kung sino ang mga tsuper, ang DOTr. Pero nabasa ko na po iyong datos niyan dati, hindi ko lang dala ngayon kasi wala po—work-from-home po ako kapag Wednesday ‘no.

Pero kasama po sila sa una, kasama po sila sa pangalawang tranche at sinisikap nga po natin na kung mayroong matitira sa second tranche, eh sinabi ko na po ito sa DSWD at sumang-ayon naman ang DSWD, kung may matitira pa ay susubukan nating bibigyan pa ng third tranche iyong mga jeepney drivers dahil alam naman natin napakahirap ng buhay nila – hindi sila pinapayagang pumasada, walang hanapbuhay ‘no. Pero iyan po ay subject to availability of funds.

TULFO:  All right. Sir, ito nga ho pala, nagtatanong sila kung puwede raw bang i-reconsider iyong naunang desisyon ng IATF na talagang June 30 na at sabi rin po ni Chairman Delgra, June 30 na papayagan ang mga jeepney dito sa Metro Manila. Nakikiusap sila, baka puwede pong reconsideration at puwede naman daw nilang sundin iyong sinasabing 50% capacity lang; iyong mga safety protocols sa jeepney – lagyan ng mga harang, mga plastic para ‘ika nga masunod iyong safety ng mga pasahero, Secretary?

SEC. ROQUE:  Pareng Erwin, alam mo, dapat nga po mag—alam ninyo po, orihinal na plano talagang hindi na sila papayagan muli. Eh kasi talaga imposibleng mag-social distancing. So kung nagsalita po si Chair Delgra na baka pupuwede na sa June 30, iyan po talaga ay mabuting balita dahil bagong polisiya po iyan. Dati po talaga, hindi na pupuwedeng bumalik ang mga jeepneys unless modernized jeepney na sila.

So sa akin po, bago po talaga iyan. Ako mismo for the first time narinig ko iyan na sinabi ni Usec. Delgra at iko-confirm ko din po sa kaniya ito. Pero hayaan ninyo po sa susunod na pagpupulong ng IATF, sa a-trenta, sasabihin ko pong muli sa ating mga kasama kung hindi natin sila masisigurado na magkakaayuda para dito sa buwan ng Hulyo na third tranche, eh baka nga puwede na silang payagan ‘no. Ipararating ko po iyan pero talagang matindi po ang oposisyon na nanggagaling po sa DILG at saka sa DOTr nang mas maagang pagpapasada ng ating mga jeepney.

TULFO:  Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson and IATF Spokesperson, maraming salamat, sir. Stay healthy. Good morning.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po. Magandang umaga po.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)