Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Tutok Tulfo Reload)


TULFO:  Sec., bilisan ko lamang ho dahil alam ko sunud-sunod ang meeting ninyo. Humihingi raw po ang gobyerno natin ng few more days para maiuwi po itong 282 na mga pumanaw na OFW sa Saudi Arabia, Secretary?

SEC. ROQUE:  Opo. Ang problema po ay naka-lockdown kasi ang Saudi Arabia, napakahirap naman na ora-oradang mapauwi po ang labi ng ating mga kababayan; 72 hours lang po ang binigay ng gobyerno ng Kingdom of Saudi Arabia. Pero kampante naman po ako na magagawan ito ng paraan ng DFA para magkaroon ng kaunting extension naman po. At ang sabi po ni Presidente, kung kinakailangan umarkila po o mag-charter ng tatlong eroplano nang maiuwi po ang labi ng ating mga kababayan.

TULFO:  Sino po ang magiging in charge dito, is it the DFA or the Department of Labor, sir?

SEC. ROQUE:  Well, ang pag-uusap po sa detalye kung pupuwede magkaroon ng extension, iyan po ay DFA. Pero iyong pagpapauwi po ng labi, iyan po ay OWWA at saka ang POLO po, DOLE.

TULFO:  Okay. Sec., iyong mga pamilya ng mga OFW na namatay sa COVID, kasi mukhang sinabihan na ho sila in advance na hindi na nila maiuwi ang kanilang mahal sa buhay dahil tinamaan ng COVID, eh bawal naman ang cremation doon so ililibing na lang doon. Papaano ho ito, Secretary?

SEC. ROQUE:  Eh alam ninyo talaga ano iyan eh, health concerns din po iyan eh kasi po alam naman natin na dito sa Pilipinas cremation po kaagad iyan ‘no, walang lamay, walang kahit ano, walang paalam. Pero dahil nga po Muslim na bansa ang Kaharian ng Saudi eh hindi po sila pupuwedeng i-cremate ‘no. So talagang ang opsiyon lang po diyan eh iuwi sa Pilipinas sa lalong madaling panahon o ilibing na doon ‘no. So nakikiramay po tayo sa mga kababayan natin na namatayan po dahil sa COVID, pero talagang wala na po tayong magagawa diyan dahil dito naman sa Pilipinas, wala rin po iyang lamay, diretso po iyan cremation at wala rin pong viewing iyan.

TULFO:  Oo. Kasi sa Saudi yata, sir, bawal ang cremation, sir, bawal yata sinusunog iyong bangkay.

SEC. ROQUE:  Oo, bawal po eh.

TULFO:  Sir, moving on sa pananalita ng Pangulo kagabi, si Secretary Cimatu ang in-appoint niya para—ano ho ito, para maging in charge doon sa Cebu City patungkol dito sa COVID-19 or what’s happening here, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, alam ninyo po ang Presidente, may problema po tayo sa Cebu City at tinalaga niya si Secretary na gawin ang lahat para magkaroon po ng solusyon doon ‘no. Dumadami po ang COVID-19 doon at ang sabi ni Presidente, “Gawin mo ang lahat na dapat gawin, hindi mo kinakailangang humingi ng permiso kahit kanino bagama’t lahat po ng kapangyarihan ng IATF ay pupuwede niyang i-ekshersisyo ‘no. So malinaw naman po ang pagtitiwala ni Presidente kay Secretary Cimatu, natalaga niya po na i-rescue ang mga Pilipino sa Libya na na-kidnap, linisin ang Boracay, linisin ang Manila Bay at ngayon naman po ay talagang talunin iyang COVID-19 sa Cebu City.

TULFO:  All right, sir, panghuli na lamang, Secretary Roque. Sa June 30 po ba, sir, magkakaroon na naman ang announcement ang Pangulo if Metro Manila and other parts of the country will remain sa GCQ or magiging MGCQ na, Secretary?

SEC. ROQUE:  Sigurado po iyan bagama’t hindi natin alam kung anong magiging classification. Nasa atin po iyan mga kababayan, manatili sa bahay po, maging homeliner, magkaroon ng proper hygiene at manatiling malusog dahil ‘pag patuloy po ang kalat, siyempre po wala naman tayong magagawa – either magpapatuloy iyang GCQ o babalik tayo sa MECQ kaya nasa atin po ang kasagutan diyan.

TULFO:  Sir, ang mga OFW sa Saudi, ilan sa kanila ay nag-trending, siguro napanood ninyo rin namumulot ng basura. Pero ito po ay mariing itinanggi ni Ambassador at sabi niya ito ay drama or gimmick lang ng mga OFW; hindi po nagustuhan ng OFW. Ano ho ang reaksiyon ninyo rito, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, hanggang ngayon po naka-complete lockdown ang Saudi Arabia at hindi po kami [garbled] naghihirap po ang ating mga kababayan. Lahat po ay gagawin ng gobyerno para mapauwi na lahat iyong gustong umuwi, kaya nga lang po lockdown pa rin po ang airport ng Kingdom of Saudi Arabia ‘no, hindi po gaya dati na kahit papaano, bukas para makauwi po ang mga OFWs. Pero gaya ng ginawa po natin sa UAE, kung papayag naman po ang mga awtoridad eh tayo po’y magkakaroon ng repatriation flight, pero sa ngayon po ay nagkakaroon pa rin ng negosasyon para man lang mapayagan ang eroplanong ating itsa-charter na mauwi ang ating mga kababayan.

TULFO:  Secretary Harry Roque, IATF and Presidential Spokesperson. Maraming salamat Secretary. Magandang umaga po.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)