Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (PTV – Tutok Tulfo Reload)


TULFO:  Una po sa lahat eh, iyong nangyari pong – ano ba iyon, encounter, misencounter, rubout – sa Jolo, ano po ang reaksiyon ng Pangulo rito, sir?

SEC. ROQUE:  Well, kinokondena talaga natin lahat po iyang mga ginagawa ng mga bandido diyan sa Jolo. At inaasahan po natin na matutugis na natin lahat ng kalaban diyan sa Jolo sa lalong mabilis na panahon, pero gagamitin po ng estado ang lahat ng resources available para po labanan ang terorismo diyan po sa Jolo.

TULFO:  Pero iyong nangyari iyong apat na sundalo yata, ang kalaban po nila iyong mga police, ng local ng Jolo. Pero pumayag na ang AFP and PNP na NBI ang mag-iimbestiga, kasi sinasabi po ng AFP parang, it was a rubout, sinasabi ng PNP, it was a miss-encounter dahil mga naka-civilian iyong napatay na mga dalawa pong officers at dalawang enlisted, sir?

SEC. ROQUE:  Ay sorry po, kasi ang akala ko … mayroon po talagang kasing engkuwentro na naman sa Jolo, so, I thought iyon ang tinatanong mo, pero iba pala ito, hindi ko pa po nakikita ang briefer tungkol dito sa isyung ito, pero kung ganoon po, talaga naman pong kapag nagkaroon ng ganiyan na putukan sa parte ng mga parehong ahente ng gobyerno, NBI po ang mag i-imbestiga at hihintayin po natin  ang imbestigasyon.

TULFO:  All right. Sir, moving forward dito naman tayo sa COVID. World Health Organization: Do you agree, ang assessment, na Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng COVID cases sa South East Asia, sir?

SEC. ROQUE:  Hindi po, kasi ang tinitingnan nila numero lang, dapat tinitingnan nila iyong proportion, iyong numero ng kaso divided by let’s say 1 million population. At kahapon pinakita natin na lahat ng mga bansa na tinukoy ng WHO na Western Pacific ay pang-anim po tayo, hindi po tayo nanguna. Ang nangunguna pa rin diyan iyong mga bansa kagaya ng India at mas ahead pa rin sa atin ang Indonesia at Singapore. Kasi nga naman ang Singapore, mas maraming kaso sa atin pero lilimang milyon lang sila. So, dapat ang tinitingnan po   iyong proportion na nagkakasakit, to the total population.

TULFO:  Sabagay mas malaki iyong bilang natin kaysa sa Singapore. Anyway, sir, ito pa ho, quarantine status announcement na. Mamaya ba ibibigay ng Pangulo kung ang Metro Manila ay mananatili sa GCQ o tayo ay bababa na sa MGCQ o iyong mga ibang lugar ay wala nang quarantine status?

SEC. ROQUE:  Totoo po iyan, mamaya pong gabi iaanunsiyo ng Presidente at inaasahan naman po natin na kagaya ng dati ang magiging classification ay naka-base po sa siyensiya, naka-base po sa datos.

TULFO:  Sir, paghuli na lamang. Dumadami po at kumakalat po itong mga video, I for one was a witness kahapon. Mga uniformed personnel nilalabag po iyong kautusan ng Bayanihan Law, pati ng IATF iyong ‘no back ride policy’ pero mga naka-uniporme, military, police, sila po ang nangunguna. Kahapon po may nakunan ako along Commonwealth, alas-dose y media ng tanghali, mag-asawa, iyong babae po ang pulis, iyong lalaki po ang naka-civilian, eh naka-angkas. Eh parang nagiging parami ng parami na po ang ganito. Ano po ba ang instruction ng IATF dito sa uniformed personnel, sir?

SEC. ROQUE: Well, lahat po ng tao ng gobyerno, tayo po ay dapat magsilbing ehemplo na tayo po ay sumusunod sa lahat ng ordinansa, sa lahat ng batas at regulasyon. Kaya nga po paglabag po iyan sa code of conduct ng mga public officers kapag tayo po ang lalabag sa mga regulasyon. So, magkakaroon po iyan ng parusa kung kayo po ay mahuhuli at pakiusap  lang po sana, kung pupuwedeng kunan ng litrato, kunan ng plate number  nang mapatawan po sila ng  kinakaukulang parusa.

TULFO:  All right. Ito na lang, wala pa po bang ‘ika nga o napag-usapan na ng IATF kung kailan po papayagan muli ang back riding, wala pa?

SEC. ROQUE:  Wala pa po. Kahapon po nagkaroon kami ng record 11 hours na meeting, pero dadalawa lang po iyong resolution na naapruban. Pero napakahaba pong usapin, dahil ang pinag-uusapan naman ay iyong balanse nga ng ekonomiya at saka iyong kalusugan at talaga namang… siguro doon pa lang ay mga otso oras na iyong naging debate na matapos ng 100 days, ano na ang mangyayari sa atin.

At nagkaroon din ng rekomendasyon ang ating NEDA na  talagang dapat magbukas na tayo ng ekonomiya, pero iyon na nga kung paano balansehin iyong pangangalaga sa kalusugan, iyan po iyong  dahilan kung bakit nagkaroon ng otso oras na usapin.

TULFO:  Makaka-recover pa ba, sir – aminin, in your heart of hearts – itong ekonomiya natin with what is happening right now, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, inaasahan naman natin makaka-recover, pero ang punto nga po ng ilan, noong economic cluster, kinakailangan buksan ang ekonomiya ngayon, kung gusto nating maka-recover kagaya ng ating inaasahan. Ngayon po ay tinitingnan na natin ang contraction ng economy, iyong paglugi ng ekonomiya by 3.2% negative. Pero ang sabi naman nila kung tayo ay magbubukas ng 1st of July eh mababawi naman natin ito sa 2021.  Pero habang tayo ay nagtatagal na sarado ang ekonomiya mas lumiliit iyong tsansa na tayo ay makakabangon.

TULFO:  Secretary Harry Roque, Presidential spokesperson and IATF spokesperson, sir, maraming salamat. Magandang umaga. Please stay healthy, Sec.

SEC. ROQUE:  Thank you po.  Magandang umaga rin po.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)