Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (PTV 4 – Tutok Tulfo)


TULFO:  Secretary Harry Roque, magandang umaga po, sir.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin. At magandang umaga, Pilipinas.

TULFO:  Hindi po ba kayo napapagod, sir? Eh lakad kayo nang lakad, ulan, baha baka magka-leptospirosis kayo. Ay, ingatan rin ninyo iyong kalusugan ninyo, Secretary.

SEC. ROQUE:  Nag-iingat naman po tayo. Pero talagang bata pa ako, para na akong kiti-kiti, ikot nang ikot.

TULFO:  Secretary, two things po, unahin ko na po iyong bakuna. Mukhang magandang balita, nag-announce na po ang Pfizer at Moderna. Tayo po ba ay mayroon tayong ugnayan rito at nakikipag-usap na rin ba tayo dito sa pharmaceutical companies na ito na may interes tayong bumili sa kanila, mukhang mauuna ho yata sila, Secretary?

SEC. ROQUE:  Napakaaga ka po ay mayroon na pong kasunduan tayo sa level po ng DFA at saka ng State Department at matagal na po tayong pinangakuan na matapos po ang bakuna na Pfizer ay magkakaroon tayo at bagama’t I am not at liberty to say po kung ilan iyong pinangako nila, ito po ay napakalaki at kasama po iyong mga ibang bakuna na mayroon na ring mga commitments, huwag po kayong mag-alala, iyong target natin na mababakunahan at least 70% ng ating taumbayan ay mangyayari po iyan. At ngayon sa aking press briefing, dedetalyahin po namin talaga kung ano iyong mga hakbang na gagawin ng gobyerno as  soon as lumabas na nga iyong bakuna – from financing to actual distribution alas-does po ide-discuss po  natin iyan.

TULFO:  All right. Pero ‘di po ba kung maalala ko, sir, ay ang sabi ng Pangulo ay uunahin ang mga medical frontliners natin at saka iyong mga walang kakayahang bumili, ibig sabihin iyong mga maliliit nating kababayan ang uunahin, is this correct, Secretary?

SEC. ROQUE:  Tama po iyan, ang initial order po natin ay para 24 million dahil kasama po diyan iyong mga pinakamahihirap natin, mga 4Ps beneficiaries, ang kasundaluhan, ang kapulisan at ang medical frontliners. So iyan po ang pangako ng Presidente at iyan naman po ay tutuparin niya.

TULFO:  All right. Second issue, sir. Nag-isyu na po ang Pangulo ng Executive Order 120 para itatag o gawin itong Build Back Better Task Force. Paki-ekspleka nga, sir. Maraming nagtatanong sa akin, iba pa ba ito sa Build, Build, Build, itong Build Back Better Task Force, Secretary?

SEC. ROQUE:  Opo. Itong Build Back Better ay para po makabangon tayo sa kalamidad, sunud-sunod na bagyo na sinalanta ang iba’t ibang parte ng Pilipinas. Ito po ay pamumununan ng Department of Environment and Natural Resources at saka ng DPWH.  Alam po natin na mayroong NDRRMC, pero ang NDRMMC po ay para po sa quick response, pero iyong pagbangon, iyong pagbubuo muli ng kalye, kalsada, bahay, tubig, kuryente, lahat po iyan ay medyo hindi mangyayari overnight, at minabuti po ng Presidente na siyempre [garbled] dahil alam naman natin ang kalamidad ay related sa climate change na nasa  hurisdiksyon ng ating Department of Environment and Natural Resources at iyong mga  imprastraktura na dapat buuin uli at itayo muli ay responsibilidad ng DPWH. So, sila po will jointly head it at ibig sabihin po niyan, eh inaasahan natin na mas mabilis iyong pagbangon ng mga lugar na nasalanta ng sunud-sunod na bagyo.

TULFO:  Sir, last isyu, ito ay galing po kayo dito sa University of the Philippines, kayo ay Professor. Kahapon o noong isang araw ay nagbitiw ang Pangulo ng babala na kapag hindi tumigil itong mga estudyante ng banta ng academic strike ay aalisan niya o babawasan niya ng pondo ang UP; pero sabi ng mga taga-UP, hindi pupuwede. Sabi ng ilang senador nasa batas iyan, hindi rin pupuwede. Pakipaliwanag nga, Secretary, what does the President mean?

SEC. ROQUE:  Well, actually nilinaw ko po ito kay Presidente iyan, noong gabing iyon na ang mga tumatawag ng academic strike eh estudyante ng Ateneo. Kasi kami naman po naging aktibista sa UP, pero hindi po namin ever pinabayaan  ang aming pag-aaral dahil alam naman po namin na bilang isko at iska ang taumbayan ang nagbabayad ng tuition. Sa tingin ko po, nanatiling ganiyan pa rin ang sitwasyon sa mga taga-UP. Kaya inisa-isa ko po iyong mga manipesto at wala naman po akong nakitang taga-UP na sumuporta diyan.

Kaya lang po noong in-explain ko po kay President na hindi po kasama ang UP, mayroon po tayong kasama na nagsalita na iyong UP Manila nag-isyu. Sabi ko naman, ang importante naman UP Diliman ‘no kasi iyon talaga iyong main campus, pero wala rin akong impormasyon kung talagang nag-isyu iyong UP-Manila. Kaya nasabi na rin ng Presidente. At totoo naman po iyon, kung hihingi sila ng academic strike na hindi sila magsa-submit ng requirements ay talaga namang dapat naman siguro na ilaan ang pondo sa ibang mga gastusin. Pero naniniwala po ako na hindi talaga kasama sa hinihiling ng taga-UP iyong academic strike, dahil dalawa po iyong anak ko at subsob po sa pag-aaral iyong aking dalawang anak na nag-aaral din sa UP.

TULFO:  Ayon, all right sana nga po. Medyo marami po ang napataas ang kilay, mukhang sinasabi daw, mukhang hindi yata na-advisan [advise] nang mabuti ang Pangulo. Eh sabi ko nga nandiyan naman si Secretary Roque, galing siya diyan at alam ko na iyong mga anak niya eh nandiyan din, so baka mamaya o bukas siguro, sir, baka linawin ng Pangulo ito. Maraming salamat po, Secretary Harry Roque, sir. Magandang umaga po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)