Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (PTV 4 – Tutok Erwin Tulfo)


ERWIN TULFO: IATF Spokesperson at the same time Presidential Spokesperson, magandang umaga po Secretary Roque, sir.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin. At magandang umaga sa buong Pilipinas.

ERWIN TULFO: Sir, 41 areas under Alert level 4 over high health care utilization, napupuno na raw Regions ika nga 1 hanggang 12. Secretary, ano hong plano ngayon, sir?

SEC. ROQUE: Well, kaya nga po tayo po ay nag-impose ng ECQ sa Metro Manila, sa Cagayan De Oro City, Sa Iloilo City at mayroon pang mga lokal na mga in-impose na ECQ kasama na diyan ang Tuguegarao. And if I’m not mistaken mga walong siyudad ay inilagay na under MECQ with heightened restriction ni Gov. Gwen Garcia.

Lahat naman po ito ay pinaghandaan natin, ganito po talaga ang anyo ng Delta variant na mas nakakahawa kaya tayo naman po ay nagkaroon na ng pre-emptive strike kumbaga, [unclear] na natin sa ating pagla-lockdown dahil importante naman mapaghandaan nga po iyong mas maraming mga kama na kakailanganin.

Kahapon po ay nag-inaugurate tayo ng 108 additional beds diyan sa Lung Center. Ngayong umaga po ay nag-inaugurate tayo ng drive-thru vaccine facility dito sa Nayong Pilipino. At patuloy po iyong pagpaparami namin ng mga kama para magamit ng ICU. Ang tawag po namin diyan “Accordion Approach,” iyong mga ordinaryong mga kama ay nilalagyan na natin ng mga additional equipment para maging ICU dahil pinaghahandaan nga po natin iyong mga seryoso at kritikal na magkakasakit.

ERWIN TULFO: Papayag din daw ang hospital, Secretary Harry Roque, sir, na kung maaari – at saka LGU – na huwag dumiretso sa hospital, kung hindi kontakin ang LGU  para maipadala sila sa mga quarantine facilities bago pumunta ng hospital – iyong hospital kapag malala na.

SEC. ROQUE: Tama po iyan. Nananawagan po tayo sa lahat na kung tayo naman po ay mild o asymptomatic – nakakahinga tayo, ‘di bumababa ang ating oxygen level – ay magpunta na po tayo sa isolation facility ng mai-reserve po natin iyong hospital sa mga seryosong nagkakasakit.

Alam mo, Pareng Erwin, sa sarili kong opisina, ganiyan po ang aming naging karanasan ngayon. Apat po ngayon po sa aking tanggapan ang mayroong COVID at iba-iba po ang kanilang estado, mabuti na lang po karamihan sa kanila ay bakunado.

Iyong mga bakunado na po, nagka-quarantine na lang po doon sa mga lugar na mayroon sarili talaga silang mga toilet at sariling mga kuwarto. At mayroon lang po akong isa na naging medyo seryoso na kinakailangang dalhin sa hospital. Pero ang kaniyang misis na nahawa na rin ay nasa quarantine facility naman po.

So, magtulung-tulungan na po tayo kung mild or asymptomatic, nakakahinga po tayo eh sa quarantine facility na tayo pupunta po. Mayroon din naman mga doktor doon. Pero, iyong nahihirapang huminga, doon po talaga kinakailangan magpunta na sa hospital. 

ERWIN TULFO: All right, sir, maiba tayo. Ang Commission on Audit, aba’y sinita itong Department of Health dito sa sinasabing 67 bilyon pesos pandemic funds na deficiency. Ano ho iyong reaksiyon ninyo dito ng Executive Department? 

SEC. ROQUE: Well, kinakailangan sagutin po iyan ng DOH kasi hindi lang po mga pulitiko na nagpaparatang niyan sa DOH, ito po ngayon ay Commission on Audit na ‘no. So, inaasahan po ng ating Presidente na makita ang mga katugunan ng DOH dahil alam ninyo naman po number one talaga sa agenda ng ating Presidente, gamitin nang tama ang pondo ng bayan. 

ERWIN TULFO: All right. Sir, last two question. Pinag-uusapan na rin po diyan sa IATF, itong sinasabing mix and match ng bakuna dahil iyong mga nakatanggap na ng first dose ng Sputnik at medyo matatagalan pa iyong second dose ay puwede ng gumamit ng AstraZeneca as second dose. Pinag-uusapan ho ba ito ngayon diyan, sir? 

SEC. ROQUE: Well, may pulong po mamaya ang IATF, pero iyong huli pong pagpupulong   namin ay hindi naman po natalakay iyan. Pero mamayang hapon po ay mayroon pong pagpupulong ulit.

ERWIN TULFO: All right. Secretary Harry Roque, sir, stay safe and healthy at salamat po sa oras na naman na binigay ninyo sa amin. Thank you po!

SEC. ROQUE: Ikaw din stay safe, Pareng Erwin.

ERWIN TULFO: Thank you po.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)