Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (PTV 4 – Tutok Erwin Tulfo)


TULFO: Anyway, Sec., congrats pala, sir, ha lalo na mukhang tama iyong ginagawa po ng DOH, ng IATF, pababa nang pababa, 27,000 plus na lang ang ika nga may COVID sa ating bayan. So, it’s really working, iyong ginagawa po ng IATF, ng gobyerno, ng lahat para mapababa itong paghahawaan ng mga kababayan natin, Secretary.

SEC. ROQUE: Well, nagpapasalamat po ako sa lahat ng ating mga kababayan dahil pinangangalagaan po nila ang kanilang mga buhay para tayo pong lahat ay makapaghanapbuhay. At gaya nga po ng hinihingi ng ating Presidente, kahit ano pong mangyari, habang wala pa tayong bakuna – mask, hugas at iwas po tayong lahat.

TULFO: All right. Sir, pangalawa: Bawal daw talaga ang caroling, wala talaga, as in no caroling nationwide?

SEC. ROQUE:  Well, bagama’t hindi pa po ito naaktuhan ng IATF, naniniwala naman po ako na may siyensiya diyan ‘no. Kasi nga po, unang-una, magtitipun-tipon iyan, umiikut-ikot at saka siyempre alam naman natin na iyong pag-aawit ay nakakakalat talaga ng laway na siyang nakakahawa pagdating sa COVID.

Pero sa tingin ko naman po, ang Pasko naman po talaga ay tungkol sa pag-ibig, tungkol sa pamilya, mga pagkakaibigan. So iyong mga ginagawa natin taun-taon, dahil pandemya naman, ay pupuwede naman natin na minsan lang naman na hindi matuloy.

TULFO: At saka iyong karaoke yata, sir, iyong mga kantahan sa barangay ay bawal muna, Secretary?

SEC. ROQUE: Opo, lahat po ng mga dahilan para magtipun-tipon ang ating mga kababayan dahil malapit na po ang bakuna ‘no. So ang aking hinihingi po sa ating mga kababayan, naku huwag naman kung kailan malapit na magkabakuna ay saka pa kayo magkakasakit ng COVID ‘no. Nakaantay na po tayo nang halos pitong buwan na hindi tayo nahawa ng COVID, eh ipagpatuloy na po natin hanggang maabot natin ang bakuna.

TULFO: Kailan daw ho ba, sir, ang estimate na lalabas po iyang mga bakuna, iyong antidote ikaw nga, Secretary?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, ang sabi ni Secretary Duque second quarter of next year. Pero sabi ni Presidente, hindi na ako makakaantay. At noong huli namang in-interview namin si Ambassador Sta. Romana sa Tsina, ang sabi talaga niya anytime mayroon ng bakuna na maaaprubahan ang Chinese FDA. At tinanong naman po natin dito si Dr. Domingo, head ng Philippine FDA, kapag na-approve daw iyan sa Tsina, ang kinakailangan lang nila is 20 to 45 days para maaprubahan din dito sa Pilipinas.

So inaasahan po natin—at sinabi rin ng AstraZeneca ‘no na within the year ay mailalabas nila ang bakuna. Kaya nga po kung mapapansin mo sa ating press briefing, panay po ang ating pagdidiskusyon tungkol doon sa paghahanda ng ating bayan para ma-deliver naman iyong bakuna sa lahat ng Pilipinong nangangailangan.

TULFO: All right. Sir, panghuli na lamang, moving forward: Nagpaabot na raw ng ikaw nga congratulations ang Pangulong Duterte dito po sa nanalo o sa president-elect ngayon ng US na si Presidente-elect Joe Biden. Is this correct, Secretary?

SEC. ROQUE: Tama po iyan. Alam ninyo po, malalim ang samahan ng Pilipinas at ng Amerika, kasama na po diyan ang halos magkaparehong Saligang Batas dahil iyan naman po ay namana natin sa mga Amerikano. Kaya iyong mapayapang eleksiyon ay dahilan para talagang tayo po ay matuwa rin dahil pareho po ang ating sistema ng pag-i-elect ng ating mga pinakamatataas na namumuno.

So uulitin ko po, congratulations hindi lang po sa President-elect Biden at saka si Vice-President Harris kung hindi na rin congratulations din dahil tinaguyod din po ng mga Amerikano ang mga democratic na mga institution na ating namana rin sa kanila.

TULFO: Secretary Harry Roque, sir, maraming, maraming, maraming salamat po. Stay safe, Secretary. Stay healthy po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pareng Erwin. Magandang umaga po.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)