Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Deo Macalma and Sister L (DZRH – Damdaming Bayan)


DEO MACALMA: Sir good morning.

SEC. ROQUE: Magandang umaga Deo, Magandang umaga L at magandang umaga Pilipinas.

SISTER L: Good morning po, Sir.

DEO MACALMA:  Sec. Roque, bakit Sinopharm vaccine ang itinurok kay Presidente, akala ko ba ay iyong from Russia with love – Sputnik, dahil mas mabisa, ang efficacy rate eh, 95 % daw?

SEC. ROQUE:  Iyan po ay advice ng mga Doctor, igalang na lang po natin kung ano ang sinasabi ng kaniyang mga doktor na pinaniniwalaan naman ng ating Presidente.

DEO MACALMA:  At kumusta naman po ang kaniyang bakuna? Wala po bang naramdamang side effect ang Presidente?

SISTER L: Mga adverse effect?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po nagpabakuna siya, bago kami magpatuloy ng aming pagpupulong kagabi. So, bago po siya nagpabakuna, nagkaroon po kami ng parang pribadong  pagmi-meeting, tapos nagpabakuna siya tapos itinuloy po iyong IATF meeting at alam ninyo naman mahigit isang oras at kalahati iyong meeting at wala namang adverse reaction kay Presidente.

DEO MACALMA:  Okay. Kayo Secretary Sir, nagpabakuna rin po ba?

SEC. ROQUE: Ako po ay mayroon ng natural na anti-bodies dahil ako po ay na-COVID na. In fact, itong buwan (April) lang na ito ang aking COVID ano. So, ang plano ko po, mga three months daw na mawawala itong anti-bodies, so siguro po mga May, June, July – mga July tayo magpapabakuna dahil masasayang lang po ngayon dahil ang dami nating anti-bodies. In fact noong pumasok po ako sa Malacañang kahapon, lumabas nga po iyan na ako po ay IgG+/IgM+ at ako po ay inianalisa, ‘no. So, patunay po na nandoon po iyong aking anti-bodies na iyan.

SISTER L:  Sir, ano po iyong plano ninyong vaccine na ipapaturok kapag magpapaturok na kayo? Ano po iyong gusto ninyo?

SEC. ROQUE:  Pagdating po kasi ng July napakadami na ng bakunang available. So, tingnan na lang po natin kung ano iyong available. Pero by July, nandiyan na rin iyong Moderna, nandiyan na rin po iyong mas maraming AstraZeneca, nandiyan na rin po iyong Bharat na inaasahan natin. So, kung ano po iyong available. By July naman po nandiyan na iyong mga bulto nating mga supplies.

DEO MACALMA:  So, hindi na kayo mamimili, kung ano ang unang dumating, iyon na?

SEC. ROQUE:  Opo, ganoon po talaga.

DEO MACALMA: Secretary Sir, marami ang curious, mabilis kayong gumaling. Ano ba ang naramdaman ninyo at ano ang ginawa ninyo para malabanan ninyo ang COVID-19?

SEC. ROQUE: Okay, unang-una po ang mararamdaman ninyo ay iyong pananakit sa mga joints at saka talagang panghihina. Iyong pag-uubo po, dumadating na lang iyan siguro mga third day. Pero unang mararamdaman ninyo iyong mabigat ang katawan at napakasakit na mga joints.

So, doon po nagduda na ako kasi kakaiba iyong feeling. Pero kakaiba po siya, kasi sabi nila mukha daw flu, hindi eh kasi mas matindi siya sa flu! Tapos as we progresses, iyon nga po, iyong mga taong hikain kagaya ko, talagang mararamdaman mo na parang mayroon kang bronchitis na parang nalulunod iyong lungs mo. Sa katunayan po iyong pangatlong araw ang pinaka-worse, iyon ang akala ko na tapos na po, nagpaalam na ako, tinanggap ko na. Sabi ko Panginoon, sige kunin mo na ako. Ganoon po talaga.

DEO MACALMA:  Wow, umabot sa ganoong punto, Secretary Sir?

SEC. ROQUE:  Umabot po sa ganoong punto, umabot sa ganoong punto. Pero noong nilagyan nila ako ng Remdesivir na dalawang vial at the same time, kinabukasan para akong hindi nagkasakit. Ganoon po talaga iyong epekto ng Remdesivir. Kaya lang po may side effect.

Mula noong ginamitan ako ng Remdesivir, ang binantayan nila iyong puso ko dahil ang dami po talagang gumaling dahil sa Remdesivir, namatay naman sa heart attack! Iyong susunod na tatlong araw ko sa hospital kinabit ako sa ECG at talagang kuntodo bantay sila sa aking puso.

DEO MACALMA:  Wow! Gumawa na ba kayo ng last will and testament?

SEC. ROQUE:  Ang totoo po, doon sa pangatlong araw akala ko tapos na. I was at peace, nagulat ako I found peace na kapag kinuha na ako ng Panginoon. Sa akin, sabi ko nga sa aking pagdasal—I think it’s exciting no, dahil nagawa ko naman lahat ang mga nais kong gawin so far.

DEO MACALMA:  Ayaw ka pang kunin ni Lord, marami ka pang dapat gawin.

SEC. ROQUE:  Iyon nga po eh, sa ika-apat na araw, biglang gumising, oops narito pa rin ako.

SISTER L:  Secretary, okay lang daw iyan, sabi ni Lord, ma-stress ka.

DEO MACALMA:  Secretary, Sir, nawalan din po ba kayo ng panlasa?

SEC. ROQUE:  Alam mo, sa totoo lang iyon ang hindi nawala sa akin kaya hindi ako pumayat.

DEO MACALMA:  Ah talaga.

SEC. ROQUE:  Pero alam mo hanggang ngayon may problema ako.

DEO MACALMA:  Ano po iyan?

SEC. ROQUE: Hindi nawala ang panlasa ko, hindi ako nasasarapan.

DEO MACALMA:  Ay ganoon?

SEC. ROQUE: Iyon ang problema ko na, may panlasa ako pero parang alam mo iyon, iyong hindi kuntodo iyong panlasa mo na, wala akong pagkain na naku-consider na masarap ngayon.

DEO MACALMA: Hindi mo ma-appreciate iyong sarap ng lasa ng isang pagkain, ganoon?

SEC. ROQUE: Sa totoo po, iyong ang aking problema ngayon. Parang lahat sa akin, pare-pareho lang, pero mayroong panlasa.

DEO MACALMA:  Dagdagan mo ng vetsin, (Laughing). Secretary Roque isa pa po. Sino po ang susunod na PNP Chief?

SEC. ROQUE: Ay naku, alam ko na po pero secret muna.

DEO MACALMA: Ay ganoon ba? Puwedeng ibulong mo na lang sa amin? 

SEC. ROQUE:  Sabihin na nating kamukha natin.

DEO MACALMA: Secretary Roque, Sir, maraming salamat po at good morning. Ingat po kayo.

SEC. ROQUE: Good morning Deo at good morning po sa inyo. Bye-bye!

DEO MACALMA:  Bye-bye.

Mga kaibigan, Presidential Spokesman, Sec. Harry Roque.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)